You are on page 1of 9

Ang

Mahiwagang
Salita
Sa isang bayan, may isang pamilyang kung saan ang loob ng tahanan ay puno ng mga

teknolohiya, lalo na ang mga gadyets gaya ng cellphone. Ang pamilyang ito ay

binubuo ng tatlong miyembro, ang tatay, ang nanay, at ang kanilang anak. Sa loob ng

tahanan nila halos hindi sila magkita - kita gawi ng sobrang paggamit ng mga gadyets.

At isang araw, sa hindi namamalayan na panahon ang anak nila ay kanilang

napabayaan. Ito ay naging adik sa mga iba't ibang uri ng mga laro. Na nagsanhi ng

masamang pag uugali at ng katamaran. At dahil sa pagkahumaling, maging ang pag-

aaral neto ay napabayaan.

Mama: Ano ba naman ito Gina bakit napakababa ng iyong marka?

Gina: Hindi nyo kase ako tinuturuaan eh!

Mama: Ano? At bakit kelangan kang turuan ha? Ng dahil yan sa kakalaro kaya hindi ka

makapag-aral ng mabuti!

Gina : E di kung hindi sana kayo lang abala, edi naturuan nyo ako!!!

Mama: At maging ka nang sumumbat ngayon!!

Gina: E ano gusto ninyo na gawin ko?


Mama: Pumasok sa kwarto at wag kang lalabas!! Hindi ka din gagamitin ng kahit na

anong gadyets!

Dahil sa galit ng Mama ni Gina, pumasok na lamang siya sa kanyang silid at doon

nagmukmuk. Ngunit sa paglipas ng oras unti-unting nagbabago ang kanyang paligid.

Hanggang sa nakita na lamang nyang gumagalaw ang mga kagamitan sa kanyang silid.

At sa takot ni Gina, nagtago siya sa kanyang kumot, hanggang sa sumilip ang Tukador.

Tukador: Bakit ka nagtatago?

Gina: WAAAHHHHHHHHHHH!!!!!!

Ba-bakit ka nagsasalita?

Salamin: Hi Gina!

Suklay: Kamusta Gina?

Kumot: Masarap ba matulog na nakakumot gina?

Gina: (tinapon ang kumot) WAAAHHHHHHHHHHH!!! Layuan niyo ako!😭

Nang marinig ni Gina ang sabi ng kumot ay tumakbo ito patungo sa pinto, ngunit bago

pa man siya makalapit sa pinto ay nagsalita ito at may lumabas na mukha mula sa

pinto na ikinahimatay niya.

At nagising na lamang siya na nakahiga na muli sa kanyang kama. At pagtingin nya sa

kanyang tabi ay nakita nya ang napakaraming uri ng mga gadyets kaya siya ay natuwa.
Gina: Wow!!! Ang daming mga gadyets!

(Tuwang tuwa si Gina, na halos lumuwa ang mga mata sa nakikita. Hanggang sa may

nagsalita sa kung saan. Na siyang muling ikinagulat ni Gina.

Boses: Kamusta Gina? Natuwa kaba sa mga nakikita mo?

Hindi pa malaman ni Gina kung sasagot ba siya. Ngunit sa kalaunan, dahil sa tuwa

sumagot din lamang si Gina.

Gina: Opo opo, ang dami po nila at iba-iba pa!

Boses: Kung ganun gusto mo ba sila?

Gina: Opo opo!

Boses: Maaari silang maging sa iyo!

Gina: Talaga po?!

Boses: Oo

Gina:Yes!

Boses: Hep! Hep! Bago yan ako ngapala si Gamer ang Master ng mga Gadyets at Laro.

At bago mo makuha ang lahat ng nais mong mga gadyets magkakaroon tayo ng

kasunduan. Gusto mo ba?

Gina: Opo! Anong kasunduan?

Gamer: Kapalit ng mga gadyets na yan, ikaw ay mananatili na lamang dto sa loob ng

kuwarto na eto. Ibig sabihin nun hindi mo na makakasama ang mga magulang mo.

Gina: Payag po ako Master Gamer, wala din lang naman pong pakealam ang mga

magulang ko. Puro sila trabaho, at hindi manlang ako kamustahin, tapos pagagalitan
lang ako. Kaya payag ako Master Gamer na manatili dito at mag gadyets nalang!!

Magiging masaya to!!!

Gamer: Sigurado ka na riyan? Wala ng bawian ito Gina. Sa oras ikaw ay nanatili rito ay

hindi kana makakalabas pa.

Gina: Opo sigurado na po ako!

Nagpagdisesyunan na nga ni Gina na manatili na lamang sa loob ng kwarto kasama

ang iba’t-ibang uri ng gadyets. At doon nagawa lahat ni Gina ang nais niya, nalaro at

napanood niya lahat ng mga gusto niya. Ngunit sa pagdaan ng mga araw na siya ay

nanatili roon at puro gadyets lamang ang ginagawa ay unti unti siyang nalulungkot.

At isang araw paggising niya, may napanood siyang isang pamilya na nakatira sa isang

simpleng bahay na kung saan may mga iba't ibang uri dn ng gadyets. Ngunit sa

pamilyang ito ay merong nga alituntunin kung saan nababalanse nila ang mga gawain,

pag-aaral, trabaho, paggamit ng nga gadyets at oras para sa pamilya. Si Gina ay

nainggit sa kanyang nakita. Hanggang sa naalala niya ang kanyang mga magulang. At

siya ay nangungulila na sa kanyang mga magulang, na kung saan ay gusto na niyang

umalis sa loob ng silid na kinalalagyan niya.

Gina: Mama, Papa! (umiiyak)

Sa kabilang banda, habang papunta sa trabaho ang mga magulang ni Gina sila ay

napadaan sa isang parke kung saan nakita nila ang isang pamilyang masayang mayasa
na naglalaro. At bigla nilang naalala ang kanilang anak. Na kung saan napagtanto nila

na nawawalan na sila ng oras para sa kanilang anak.

Mama: Naisip mo ba ang naiisip ko Mahal?

Papa: Oo Mahal, sa linggo din ilalabas natin si Gina at maglalaan na tayo ng oras para

sa kanya.

(Balik kay Gina)

At napagdesisyunan na niyang kausapin si Master Gamer.

Gina: Master Game!? Nariyan ka po ba?

Gamer: Bakit Gina? Ano ang nais mo? Hindi bat nariyan na lahat ng kailangan mo?

Gina: Nais ko na pong bumalik, gusto ko na pong makasama sila Mama at Papa..

Gamer: Akala ko ba walang oras ang iyong magulang sa iyo? At bakit nais mo ng

bumuwag sa kasunduan natin? Pagkatapos mo silang magamit at pinagsawaan! Hindi

ako papayag!!!

Gina: Sige na po! Maawa po kayo saakin.

Gamer: Sige papayag ako! Kung! Kung matatalo ninyo ako sa isang laro! At kung hindi

ninyo ako natalo kayo ay magiging alipin ko! Pumapayag kaba?

Gina: Opo payag po ako.

At dinala nga ni master ang mga magulang ni Gina sa mimsong kinaroroonan neto. Sa

pagkakataong iyon si Gina ay lubusang natuwa. At agad na niyakap ang kanyang mga

magulang.

Gina: Mama! Papa!


Magulang: Anak! Gina!

Mama: Anong nangyari baby? At nasaan tayo?

Gamer: Narito kayo sa silid na puno ng mga gadyets dahil pinili ng anak ninyo ang

mga gadyets na eto kesa sa inyo! At ngayon ay nais na niyang lumabas ngunit hindi

iyon maaari!

Papa: At bkit hindi? E kinulong ninyo ang anak ko!

Gamer: Kagustuhan niya yan! Kaya kung nais ninyong makalabas ay tatalunin ninyo

ako sa isnag laro!!

Mama: At anong laro iyan?

Gamer: Simple lang, bubuuin ninyo ang mga salita sa malaking screen sa harapan

ninyo at ang laro na ito ay tinatawag na "Mahiwagang Salita" . Ngunit, eto ay may

katumbas na oras. At kapag hindi ninyo naabot ang oras na ibibigay ko, kayo ay

matatalo at magiging alipin ko. Maliwanag ba?

Papa: Sge madali lang naman iyan. Magbubuo lamang ng mga salita.

Gamer: Kung ganun umpisahan na ninyo. At kayo ay meron lamang kayong sampung

minuto.

Inumpisahan na nga ng pamilya ni Gina ang pagbuo sa mga salita. At habang binubuo

nila ang mga salita na ito ay napapansin nina Gina na ang mga salitang ito ay

patungkol sa mga ginagawa ng pamilya. At habang binubuo nila ang mga salita sila ay

naluluha, sa kadahilanang natatanto nila ang mga pagkakamali at pagkukulang nila sa

isa't-isa. Hanggang sa hindi na nila maituloy ang laro nila sapagkat sila'y nag iiyakan
na. At hindi na rin nila namamalayan na patapos na ang kanilang oras.

Nang biglang tumunog ang hudyat na wala na silang oras.

Sabay sabay silang nagulat at tumigil sa pagyayakapan at iyakan. At dun napagtanto

na sila ay natalo sa kanilang laro.

Gamer: Tapos na ang oras ninyo. At hindi ninyo natapos ang inyong laro! Pano yan

kayo ay magiging alipin ko!

Gina: Opo, papayag kaming maging alipin ninyo basta hayaan ninyo kaming

magkakasama. Kase kahit ano pa pong gawin ninyo kung magkakasama kami ay

malalampasan namin. At magkakaroon pa kami ng oras para sa isa't-isa.

Papa: Tama ang anak namin. Papayag kaming maging alipin mo basta sama sama

kami. Masaya na kami doon.

Mama: Oo, handa kami sa kahit anong ipapagawa ninyo basta sama sama kami.

Gamer: Kung ganun, natutunan ninyo ang nais kong ipahiwatig. Natutunan ninyo na

mahalaga ang pagbabalanse ng mga bagay bagay, gaya ng trabaho gawain at oras

para sa inyong mga pamilya. Ngayon ay maaari na kayung bumalik sa inyong tahanan.

At nawa ay ipagpatuloy ninyo ang inyong natutuhan sa loob ng aking silid.

At mula noon ay nagkaroon na ng pagbabalanse sa kanilang pamumuhay at namuhay

sila ng masaya.

The End

You might also like