You are on page 1of 3

Matapos mag-park sa driveway namin, kaagad kaming tumalilis patungo sa bahay nina Margo.

Si Ruthie
ang nagbukas ng front door at sinabi niyang six pm pa makakauwi ang parents niya. Sinalubong kami ni
Myrna Mountweazel nang tuluyan kaming makapasok sa bahay nila kaya dali-dali kaming umakyat
patungo sa kwarto ni Margo. Dinalhan kami ni Ruthie ng isang toolbox na nakuha niya mula sa garahe, at
wala kaming ibang ginawa kundi ang tignan lang ang pinto ng room ni Margo. Wala ni isa sa aming may
alam sa gantong gawain.

What the hell!? Ano nang gagawin natin? tanong ni Ben.

Hoy! Bad word! Naririnig ka ni Ruthie, paalala ko.

Ruthie, hindi ba ako pwedeng magsalita ng hell?

Hindi kami naniniwala sa hell. Concept lang yan, sagot niya. Sumabat si Radar. Guys, medyo inis
niyang tawag. Guys. Ang pinto. Inilabas ni Radar mula sa toolbox ang isang Phillips na screwdriver.
Lumuhod siya at sinubukang i-unscrew ang lock ng doorknob. Kinuha ko naman ang mas malaking
screwdriver at ini-unscrew ang bisagra, pero wala akong napansing kakaiba rito. Muli kong tinitigan ang
pintuan. Di kalaunan, na-bored si Ruthie kaya bumaba na siyat nanood ng TV.

Nabuksan ni Radar ang doorknob, at lahat kamiy isa-isang tinignan nang mabuti ang loob nito. Walang ni
isang papel. Walang mensahe. Walang sulat. Wala. Dismayado kong binalingan ang bisagra, habang
inaanalisa kung paano ito mabubuksan. Ibinukas-sarado ko ang pinto, pilit na sinusubukang maisip ang
mechanics nito. Napakahaba ng tulang yun, ani ko. Sa tingin nyo ba talaga eh literal yung
pagpapakahulugan sa pintuang binanggit sa tula ni Whitman?

Sumagot si Radar na kung hindi nagsalitay di ko malalamang nasa harap na pala ng computer ni Margo.
Ayon sa Omnictionary, pagsisimula niya, butt hinge o pwet ng bisagra ang nakikita nating nakalabas
ngayon. At para mapalabas ang pin, kailangang gamitin natin ang screwdriver bilang lever. At may isang
comment dito na nagsasabing kaya gumagana ang butt hinge ay dahil utot ang nagsusuplay ng lakas dito.
Oh, Omnictionary. Kailan ka pa ba magiging accurate?

Napabilis ang aming ginagawa sa tulong ng Omnictionary. Matagumpay kong nabunot ang tig-iisang pin
sa bawat tatlong bisagra. Sinuri ni Ben ang pinto habang tinitingnan kong maigi ang bisagra, at ang nasa
loob nito. Wala.

Wala sa pinto, turan ni Ben. Ibinalik namin ang pintuan sa dati nitong ayos, si Radar namay ipinasok ang
pins sa bisagra gamit ang handle ng screwdriver.

Pumunta kami nina Radar sa bahay nina Ben pagkatapos upang maglaro ng Arctic Fury. Parehas ng
estruktura ang bahay namin kina Ben kaya pakiramdam ko, bahay pa rin namin ito. Nilalaro namin ang
minigame kung saan nagbabarilan kayo ng kalaban mo ng paintballs habang nasa snow. Makakakuha ka
ng dagdag na puntos kapag natamaan mo sa betlog ang kalaban mo. Ang selan talaga ng larong to. Bro,
sigurado akong nasa New York siya, sabi ni Ben. Napansin kong bahagyang gumalaw ang kanyang baril
pero bago pa ko makakilos, naunahan na niya akong mabaril sa gitna ng mga binti ko. Shit, bulong ko.

Biglang nagsalita si Radar, Dati pa lang, tila may itinuturo nang isang lugar ang clues na iniwan niya. Sinabi
niya kay Jase at nag-iwan siya ng clues na nauugnay sa dalawang taong matagal na nanirahan sa New York.
May ibig sabihin lahat ng yon.
Sinagot ni Ben ang pahayag ni Radar, Dude, yun ang gusto niyang mangyari. Aatake na sana ako kay
Ben pero agad niyang initigil sandali ang game. Gusto niyang puntahan mo siya sa New York. Paano ko
ikaw talaga ang sinadya niyang iwan ng clues? Dahil gusto niyang sundan mo siya? Pupuntahan mo ba
siya?

Ano? Higit sa sampung milyon ang populasyon ng New York!

Baka may kasabwat siya rito, kampanteng sabi ni Radar. Na magsasabi sa kanya kung sakaling pupunta
ka nga.

Si Lacey! masiglang pahayag naman ni Ben. Talagang si Lacey nga. Tama! Kailangan mong lumipad
patungong New York ngayon din! At kapag nalaman ni Lacey, susunduin ka ni Margo sa airport. Bro,
ihahatid kita sa bahay ninyo, mag-i-empake ka, at dadalhin kita sa airport, at bibili ka ng airplane ticker
gamit ang emergencies-only credit card mo, at pag nalaman ni Margo kung gano ka kaastig, yung tipong
kaastigan na hindi nagawa sa kanya ni Jase Worthington, sigurado akong magkakaroon tayo nina Radar
ng mga hot partners sa prom.

Nakapagdududa. Parang ang hirap paniwalaan. Kapag tinawagan mo si Lacey. . . pahayag ko.

Hindi siya aamin! mabilis pa sa alas kwatrong sagot ni Ben. Isipin nyo nga kung gaano sila kagaling
umartenagpanggap silang dalawa na nag-away para di natin maisip na nagsasabwatan pala sila.

Sumagot naman si Radar, Ewan ko, pero tingin ko hindi mali yan. Nagpatuloy siya sa pagsasalita pero
hindi ko muna siya pinakinggan. Inanalisa kong mabuti ang mga sinabi ni Ben habang tinititigan ang naka-
pause na game sa screen ng tv. Kung hindi totoo yung away nina Margo at Lacey, hindi rin kaya totoo
yung paghihiwalay nina Lacey at ng boyfriend niya? Nagsinungaling siya tungkol sa feelings niya?
Binabaha ngayon ng dose-dosenang emails si Lacey mula sa flyers na kinalat ng pinsan niya sa mga record
store sa New York. Hindi siya , and galamay o kasabwat ni Margo masyado lang talagang praning tong
si Ben kung mag-isip at magplano. Ganun pa man, may posibilidad din namang isagawa namin ang plano
niya. Pero dalawang linggot kalahati na lang ang natitirang panahon bago matapos ang school year na
to. At dalawang araw akong mawawala sa klase pag pumunta ako sa New York syempre lagot din ako
kina Mommy pag nalaman nilang bumili ako ng plane ticket gamit ang credit card ko. Lalo ko itong iniisip,
mas lalo rin itong nagiging imposible para sa kin. Ngunit kung makikita ko siya bukas. . . . pero may mali
talaga eh. Hindi ako pwedeng umabsent, sa wakas ay nasabi ko. Ni-unpause ko ang game.

May French quiz ako bukas.

Alam mo, tumingin siya sa kin, isang inspirasyon ang pagiging romantiko mo.

Muli kaming naglaro at tumagal pa ito ng kalahating oras saka ako naglakad pauwi.

Minsan nabanggit sa kin ng mom ko ang tungkol sa isang batang nawala sa katinuan ang pag-iisip. Noong
una, lumaki siya bilang isang normal na bata hanggang sa tumuntong siya ng siyam na taong gulang kung
kailan namatay ang kanyang ama. At kahit marami ang mga batang kasing-edad niyang namamatayan ng
ama at hindi nababaliw, iba ang batang ito.
Kumuha ang batang to ng lapis at protractor at nagsimulang gumuhit ng mga bilog na hugis sa isang papel.
Lahat ng bilog ay eksaktong two inches ang diameter. Gumuhit siya ng gumuhit ng ganun hanggang sa
maging kulay itim ang buong papel. Pagkatapos, kumuha na naman siya ng isang piraso ng papel at muli
yung ginuhit. Araw-araw, sa buong maghapon ay ganoon ang ginagawa niya ito. Hindi siya nakikinig sa
klase at pati mga test papers niya ay pinupuno niya ng ganoong klaseng guhit. Ayon kay Mommy, ang
problema sa bata ay gumawa siya ng routine para mapunan ang puwang na sanhi ng pagkawala ng
kanyang ama, ngunit imbes na maganda ay masama ang naidulot nito sa kanya. So anyway, ewan ko kung
paano pero napaiyak ni Mom ang batang to tungkol sa dad nito kaya itinigil niya ang pagguhit ng mga
bilog sa papel. At mula noon, namuhay ang batang ito ng masaya at mapayapa. Pero minsan, naiisip ko
ang batang yun dahil medyo nauunawaan ko siya. Gustong gusto ko ang routine. Palagay ko nga, hindi
ako nabo-bore ng boredom eh. Ewan ko kung kaya ko bang ipaliwanag nang maayos sa isang tulad ni
Margo na para sa kin, ang pagguhit ng mga bilog tulad ng ginawa ng batang yun ay isang makatarungang
kabaliwan.

Kaya okay na sana sa kin na hindi pumunta sa New Yorkhindi naman talaga ako naniniwala sa teorya ni
Ben, eh. Pero habang isinasagawa ko ang routine ko nang gabing yon at kinabukasan, isang bagay ang
napagtanto komismong ang routine ang tumatangay sa kin palayo sa posibilidad na muli ko siyang
makasama ang babaeng matagal ko nang gusto.

You might also like