You are on page 1of 19

AP WK 1

Bawat isa ay may napakahalagang papel na ginagampanan upang


masiguro ang maayos na takbo at daloy ng ekonomiya ng bansa. Sa
ganitong perspektibo, patuloy na nagsisikap ang pamahalaan na
matugunan ang mga pangangailangan ng bawat sektor. Ngunit sapat ba
ang mga programa at batas na isinusulong ng pamahalaan upang
mapangalagaan ang mga nasabing sektor pang-ekonomiya? Anu-ano ang
mga kinakaharap na hamon ng bawat isa?
Sa markahang ito, mas paiigtingin natin ang ating kaalaman kung
paano nga ba nagaganap ang pambansang kaunlaran sa ating bansa sa
pamamagitan ng mga patakaran, programa, at iba pang mga sektor. Ayon
nga sa mga ekonomista, ang mga bansang may matatag na mga sektor ay
may potensyal na makapagtamo ng kahusayan sa kaunlaran. Bilang isang
mamamayang Pilipino na nagnanais na makaranas ng kaunlaran, halina at
samahan mo ako sa pagtuklas at pagsuri sa kung paano hinaharap ng mga
sektor pang-ekonomiya ang mga hamon tungo sa pambansang pagsulong
at pagunlad. Simulan na natin ang ating makabuluhang talakayan sa
pamamagitan ng pag-aanalisa ng isang isyu sa ibaba.
Sa markahang ito, mas paiigtingin natin ang ating kaalaman kung
paano nga ba nagaganap ang pambansang kaunlaran sa ating bansa sa
pamamagitan ng mga patakaran, programa, at iba pang mga sektor. Ayon
nga sa mga ekonomista, ang mga bansang may matatag na mga sektor ay
may potensyal na makapagtamo ng kahusayan sa kaunlaran. Bilang isang
mamamayang Pilipino na nagnanais na makaranas ng kaunlaran, halina at
samahan mo ako sa pagtuklas at pagsuri sa kung paano hinaharap ng mga
sektor pang-ekonomiya ang mga hamon tungo sa pambansang pagsulong
at pagunlad. Simulan na natin ang ating makabuluhang talakayan sa
pamamagitan ng pag-aanalisa ng isang isyu sa ibaba.

Ano nga ba ang tungkol sa larawan na nasa itaas?


Bilang isang mamamayan, naiisip natin na bakit sinasabing
nagiging matatag at tumataas na ang ating ekonomiya kung nakararanas
pa rin naman tayo ng matinding kahirapan. Bakit may mga tao pa ring
umaasa sa palilimos upang may maipanustos lamang sa sarili at sa
kanilang pamilya? Bakit may mga tao pa ring nasa laylayan ng lipunan?
Sa kabila nito, masasabi ba nating, ang ekonomiya ng Pilipinas ay
“walang kwenta” at “biro lamang”?
Aking mag-aaral, ang pagkakaroon ng mga ganitong ideya ay isang
indikasyon lamang na tayo ay may pakialam sa lipunang ating
ginagalawan. Kung kaya’t bilang isang responsableng mamamayan, ang
ating tungkulin ay gawin ang makakaya upang maiangat ang ating bansa
o ekonomiya kahit sa simpleng pamamaraan lamang. Halimbawa na rito
ay ang pagtangkalik sa sariling produkto, gamitin ng maayos ang salapi,
mag-impok sa naaayong pamamaraan, at makinig, sundin, respetuhin
ang mga patakaran o regulasyon sa lipunan. Tandaan, hindi lamang ang
pamahalaan ang sisihin at may higit na responsibilidad. Ang bawat isa ay
may responsibilidad na kailangang gampanin, sa pamamagitan nito tayo
ay magiging maunlad sabay sa maunlad na lipunan at ekonomiya na
ating lubos na hinahangad.

*Ngayon naman atin ng ipagpatuloy ang aralin.


Sa grapikong ipinakita, paano nag-uugnayan ang mga nasabing sektor
sa pag-abot ng kaunlaran?
 Ang mga sektor ng agrikultura, industriya, at paglilingkod,
gayundin sa pormal na sektor at kalakalang panlabas, ay may
mahahalagang papel na ginagampanan upang maisakatuparan ang
pagkamit ng pambansang kaunlaran. Ang mga sektor na ito ay sinasabing
lubos na mahalaga at kailangang bigyang pansin sapagkat sila ang
pangunahing salik upang masukat kung hanggang saan ang kayang gawin
ng isang bansa. Halimbawa na lamang ay ang sektor ng agrikultura na
kung saan hindi kayang punan ng pamahalaan at ng bawat mamamayan
ang kanilang pangangailangan kung wala ang mga hilaw na materyales
upang makalikha ng mga produkto. Sa pagproseso ng produkto gamit ng
sektor ng agrikultura, kinakailangan ng tulong ng sektor ng industriya
sapagkat ang sektor na ito ang siyang nagsasaayos sa paglikha upang
makarating sa bawat mamamayan sa pamamagitan ng mga gusali o
factory, kagamitan, tekonolohiya at iba pa. Tandaan, hindi rin ito
magiging posible kung wala ang sektor ng paglilingkod na kung saan sila
ang mga manggagawa na naghahatid ng serbisyo upang masiguro na
tama ang pagproseso ng mga produkto. Lahat ay may pakinabang at
gampanin, nangangahulugan lamang na kapag ang mga pangunahing
sektor na ito ay patuloy na sumusulong sa kanilang kapakinabangan hindi
malayong ang ating bansa ay susulong din at magiging maunlad.
Ano nga ba ang pagkaka-iba ng dalawang konsepto?
1. Pagsulong
 Ang pagsulong ng ekonomiya ay madaling makita at masukat.
 Ito ay itinuturing na bunga ng isang proseso na nagpapakita ng
pagbabago sa isang ekonomiya.
 Halimbawa: Ang pagkakaroon ng magagandang sasakyan, bahay,
modernong ospital, maayos na kalsada, matataas at magagarbong mga
gusali, kasangkapan o teknolohiya, matatag na hanap-buhay at maging
ang sinasabing paglago ng GNP ay mga pagbabago na nagpapakita ng
pagsulong ng bansa.
2. Pag-unlad
 Ito ay ang paglipat mula sa mahirap patungong mayaman o mula
sa tradisyonal patungo sa makabagong ekonomiya.
 Ito ang kabuuang proseso na kinabibilangan ng iba’t ibang aspekto
ng lipunan, ekonomiya, politika, at kultura.
 Ito ay sumasaklaw sa dignidad, seguridad, katarungan, at
pagkapantay-pantay ng mga tao.
 Ito ay nagpapakita ng pagbuti ng kalagayan at pamumuhay ng
mga mamamayan tulad ng pagbawas sa bilang ng mga naghihikahos,
walang hanap-buhay, di-marunong bumasa at sumulat, mga
karamdaman, at eksploytasyon ng mga mamamayan.

TANDAAN:
Sa ekonomiks, madalas na gamitin ang mga salitang pagsulong at
pag-unlad. Malimit na mapagkamali na ang dalawang katagang ito ay
magkapareho lamang. Kung ating susuriin, ang pagsulong at pag-unlad
ay magkaugnay, ngunit malaki ang pagkakaiba nito.
Ano ang epekto ng pagsulong at pag-unlad sa isang ekonomiya ng
bansa?
 Sa kabuuan, ang dalawang katangiang ito ay halos magkatulad
kaya masasabi na ang pagsulong ay unang hakbang upang magkaroon ng
pagbabago sa lipunan na siyang magiging dahilan upang ang pag-unlad
ng bansa ay matamo. Ang pagsulong ay laging bahagi ng pag-unlad ng
bansa.
Paano nagkakaroon ng limitasyon sa pagsulong at pag-unlad sa
konsepto ng kabuhayan?
 Isa sa limitasyon ng pagsulong ng kabuhayan ay pagbuti ng antas
ng pamumuhay ng tao. Ang lebel na tinatanggap na kita ng tao ay isang
dahilan kung bakit hindi nila matugunan ang kanilang pangangailangan
sa buhay dahil hindi sapat ang kanilang sinasahod. Ang proseso ng
pagsulong ng kabuhayan ay nagiging dahilan ng pagkakaroon ng
polusyon, mataas na antas ng kriminalidad, laganap na kagutuman,
pagkasira ng kalikasan, at pagsisikip sa isang lugar. Ang pag-unlad
naman ay nalilimitahan ng mga modelo o teorya na ginagamit ng mga
bansa sa pamamahala ng ekonomiya ng bansa. Ngunit ang mga
limitasyong ito ay hindi magiging hadlang kung pag-iibayuhin ng
pamahalaan at mga mamamayan ang tamang proseso ng pagsulong
upang makamit ang pambansang kaunlaran.
Ano nga ba ang konsepto ng Pambansang Kaunlaran?
 Ang kaunlaran ay isang salita na nangangahulugang “positibong
pagbabago na maaaring makamit ng isang bansa sa pamamagitan ng
masusing pagpaplano at pagtutulungan ng iba-ibang mga sektor sa
lipunan”.
 Ang kaunlaran ay hindi maaaring makamit sa sandalling panahon
lamang ngunit nangangailangan ng mahabang panahon dulot ng
pagpaplanong ginagawa ng iba-ibang sektor ng lipunan na katuwang ng
pamahalaan.
 Ito rin ay kinapapalooban ng pag-unlad ng iba-ibang apekto ng
pamumuhay ng mga mamamayan, kaya hindi lamang ito nakapaloob sa
ekonomiya kundi bahagi rin ng aspekto ng lipunan at kultura.
*Pagdating sa kaunlaran ng isang bansa, nasusukat ito mula sa
dalawang uri ng batayan: ang pisikal at di pisikal na batayan.

A. Pisikal na Batayan – ang kita ng mga mamamayan ay isang


pangunahing batayan ng pambansang kaunlaran. Isang palatandaan ito
sa patuloy na paglago ng pamumuhay ng bawat tao dahil sa patuloy na
produksiyon at pagkonsumo. Dahil dito, ang isang bansa ay may
kapasidad na maipamalas sa daigdig ang kakayahan nito sa paggawa ng
mga produktong may mataas na kalidad.
B. Di-pisikal na Batayan – matatagpuan sa loob ng lipunan.
Nagaganap ito kung may magandang pagsasama sa loob ng iba’t ibang
yunit ng lipunan: sa pagitan ng mga magkakapamilya, magkakatrabaho,
magkakaibigan, magkakaklase, at magkakakilala. Ang samahang ito ang
nagbubuklod sa mga tao sa aspektong emosyonal at espiritwal. Kung
kaya’t ang pambansang kaunlaran ay isa ring sukatan ng pagkakaisa ng
mga tao sa loob ng bansa.
*Tunghayan naman natin kung anu-ano ang mga katangian ng isang
maunlad na Ekonomiyang Pambansa.

MGA KATANGIAN NG ISANG MAUNLAD NA EKONOMIYANG


PAMBANSA

1. Mataas na kita ng mga mamamayan ng bansa.


 Kung mataas ang kita ng mga mamamayan ng bansa, tiyak ang
patuloy na pag-unlad ng ekonomiya. Ito ay dahil ang kita na ginagamit
nila ay mahalaga sa pagpapatakbo ng produksiyon ng mga industriya.
 Kapag mas nakatuon sa produksiyon kaysa sa pagkonsumo,
mayroong ganap na pag-unlad ang isang bansa na dinidiktahan sa dami
ng kita ng mga tao rito.
 Ito rin ay nasusukat sa pamamagitan ng GNI at GDP.
2. Matatag na halaga ng piso.
 May matatag na kapangyarihan ang isang bansa kung ang
kapangyarihan ng salapi ay matatag at hindi natatalo ng implasyon. Sa
sitwasyon ng piso, masasabing unti-unti itong tumatatag kung may
kakayahan itong lumaban sa dolyar. Ang matatag na palitan ng piso
laban sa dolyar ay nangangahulugang mabuti ang ekonomiya at
maaaring magdulot ng hindi gaanong mataas na halaga ng bilihin. Ito ay
dahil ang dolyar ay ginagamit na pambayad ng utang ng pamahalaan sa
ibang bansa, gayundin ang pagbili nito ng mga kinakailangang
materyales para sa panloob na pangangailangan ng bansa.
3. Kawalan o pagbaba ng antas ng kahirapan.
 Ang pag-unlad ay dapat na nararamdaman ng ordinaryong mga
mamamayan, kaya dapat na maiangat ang antas ng pamumuhay ng
mahihirap upang masabing narating na ng bansa ang pag-unlad.
Mangyayari ito kung tulong-tulong ang lahat ng mamamayan na
palakasin at pagalingin ang mga maralita upang matulungan nila ang
kanilang sarili pati na ang iba. Sa ganang ito mababawasan ang kahirapan
sa bansa sa pagtagal ng panahon.
4. Pagkakaroon ng mga impraestruktura.
 Ang pagkakaroon ng maayos na impraestruktura tulad ng mga
tulay, kalsada, at iba pa na nagpapabilis sa transportasyon at
komunikasyon ay isang palatandaan ng maunlad na bansa sapagkat ito
rin ay mahalagang salik sa maunlad at mabilis na kalakalan at
pagluluwas ng mga produkto sa labas ng bansa.
5. Pagkakaroon ng trabaho para sa mga mamamayan.
 Ang pagkakaroon ng trabaho ng mga mamamayan ay
magbibigay-daan upang ang kanilang mga pangangailangan ay
matugunan at makakapagbayad pa sila ng buwis na makadaragdag sa
pondo ng pamahalaan. Ang sapat na trabaho para sa mga mamamayan
ay dapat na bigyang-pansin ng pamahalaan upang maging produktibo
ang mga mamamayan.
Anu-ano naman ang mga katangian ng isang maunlad na lipunan?

1. Pagkakaroon ng hustisyang panlipunan. (Social Justice)


 Ang kahirapan ng mga mamamayan ay hindi mararamdaman kung
ang serbisyo at iba pang pangangailangang hindi nila kayang bilhin ay
maaari nilang matamo nang libre o sa mababang halaga sapagkat may
inilaan na pondo ang pamahalaan para rito.
 Ang pagkakaroon ng maayos na serbisyong pangkalusugan,
pagtatayo ng mga paaralan, iba pang serbisyo publiko ay mga paraan
upang matamo ang hustisyang panlipunan.
2. Mataas na antas ng kamuwangan. (Functional Literacy)
 Ang antas ng kamuwangan ay tumutukoy sa kakayahan ng isang
tao na maunawaan ang mga bagay na kaniyang binabasa at sinusulat. Ito
ay isang malaking hamon para sa mga guro na hasain nang husto ang
pagbabasa ng mga mag-aaral.
3. May kapayapaan at katiwasayan. (Peace and Order)
 Palatandaan ng maunlad na lipunan ang pagbaba o kawalan ng
antas ng kriminalidad na bunga ng pagkakaroon ng sapat na
pagkakakitaan at oportunidad para sa mga mamamayan.
 Ang pagkakaroon ng kapayapaan sa lipunan ang magiging susi
upang lalong maging produktibo ang mamamayan, sapagkat maaari
niyang ituon sa trabaho ang kaniyang isip. Kung mangyayari ito, hindi na
magiging problema para sa kaniya ang pagkamit ng kapayapaan at
katiwasayan.
MGA PATAKARAN AT PROGRAMA NG MGA PANGULO NG
BANSA TUNGO SA KAUNLARAN
Ang mga pangulo ng ating bansa ay gumagawa ng iba-ibang
patakaran at programa tungo sa pagpapaunlad ng bansa sa lahat ng
larangan nito. Nakabatay ang mga ito sa kondisyon ng politika, lipunan,
kultura, kapaligiran, at ekonomiya ng bansa sa panahon ng kanilang
pamumuno. Bagamat may malaking naitulong ang mga ito sa kabuhayan
ng mga mamamayan, marami ring dahilan kaya hindi agad naganap ang
kinakailangang kaunlaran sa bansa.
*Halika at tunghayan natin ang mga programa at planong
pangkabuhayan ng mga ilang Pangulo ng Pilipinas tungo sa Kaunlaran.

1. Fidel V. Ramos
 Noong Disyemre 15, 1992, inaprobahan niya ang tinatawag na
Planong Pangkabuhayan ng Pilipinas o iyong tinatawag na Medium Term
Philippine Development Plan (MTPDP) sa taong 1993-1998 na nakilala sa
taguring Pilipinas 2000.
 Ang Philippine 2000 ay isang hakbangin tungo sa pagiging
industriyalisadong bansa sa taong 2000. Naglalayon itong paunlarin ang
ating ekonomiya, kaalinsabay ng pagpapabuti ng pamumuhay ng mga
Pilipino, matamo ang global excellence, competitiveness, at pagbaba ng
bilang ng mga mahirap hanggang 30%.
2. Pangulong Joseph E. Estrada
 Ang programang pang-ekonomiya ng kanyang administrasyon ay
nasa ilalim ng katagang “Angat Pinoy 2004”.
 Pinirmahan niya ang Batas Republika Blg. 8749 na nakilala bilang
Clean Air Act na nagtataguyod ng pagbibigay proteksyon sa ating
kapaligiran upang matamo ang pag-unlad.
 Inilunsad niya ang Magkabalikat Para sa Kaunlarang Agraryo o
MAGSASAKA upang tulungan ang mga magsasaka na paunlarin ang
kanilang pamumuhay at magkaroon ng sapat na puhunan sa sektor ng
pagsasaka.
 Itinatag niya ang National Anti-Poverty Commission (NAPC) ang
layuning ito ay upang maiahon sa kahirapan ang mga mamamayan kaya
naging tanyag ang linyang “Erap para sa Mahirap”.
3. Pangulong Gloria Macapagal Arroyo
 Siya ay naglunsad ng 10-point Agenda na nakapaloob sa
kanyang Medium Term Philippine Development Plan mula 2004-2010.
Layunin ng planong pangkabuhayan na ito na paunlarin ang ekonomiya
ng bansa.
 Karamihan sa mga proyekto at programa ng kanyang
administrasyon ay nakatuon sa kalagayan ng Macroeconomics ng bansa
tulad ng:
a. Mabilis na pagtaas ng GDP sa 7%-8% sa taong 2009-2010.
b. Paglikha ng taunang trabaho na hihigit sa 1.7 milyon sa 2009.
c. Balanseng badyet sa 2010.
d. Pagbawas ng kahirapan na mababa sa 20% sa 2009.
e. Pagpapautang sa maliliit na Negosyo.
f. Pagpapaunlad ng isa hanggang dalawang milyong ektarya ng
lupa para sa agribusiness.
g. Pagpapaunlad ng Sistemang trasportasyon.

4. Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III


 Plano niyang baguhin ang anyo ng pamahalaan na dati ay inuuna
ang sariling interes sa pamahalaan, na magbibigay ng serbisyo para sa
kapakanan ng mga mamamayan.
 Magkaloob ng serbisyong panlipunan sa mga mamamayan tulad ng
edukasyon, pabahay, kalusugan, at hanap-buhay.
 Pagbubutihin at pauunlarin ang transportasyon, turismo, kalakalan,
at mga impraestruktura.
 Binigyang pansin ang pangongolekta ng buwis at ang korapsyon sa
pamahalaan, pagkakaloob ng irigasyon sa mga magsasaka at pagsasaayos
ng pagbenta ng mga produkto, at paghihikayat sa mga imbestor at
paglilikha ng mga trabaho upang hindi mangibang bansa ang mga
manggagawang Pilipino.
 Ang mga sumusunod ay ang mga programa na kaniyang
naipatupad: Inclusive Growth, Conditional Cash Tranfers (Pantawid
Pamilyang Pilipino Program o 4P’s), at Reporma sa Edukasyon (K-12
Curriculum).
5. Administrasyon ni Pangulong Rodrigo R. Duterte
 Nagsimula ang kaniyang panunungkulan noong Hunyo 30, 2016.
 Sa pagsisimula ng kanyang panunungkulan ay inilahad ng
kaniyang administrasyon ang 8-point economic growth.
 Gustong ipagpatuloy ang kasalukuyang mga polisya ng
pamahalaang Aquino, at bibigyang halaga ang napagkasunduang
kontrata ng dating administrasyon.
 Pauunlarin ang “Build, Build, Build, Program”.
 Hihikayatin ang mga dayuhang imbestor na mamuhunan sa bansa
sa pamamagitan ng pagbabawas sa kriminalidad.
 Pauunlarin ang kabuhayan sa mga kanayunan.
 Pagtitibayin at gagawing matatag ang Sistema ng edukasyon tulad
ng pagkakaloob ng scholarship sa mga mag-aaral sa mga unibersidad at
kolehiyo na naaayon sa kanilang pangangailangan.
 Pagbubutihin ang pangongolekta ng buwis lalo na sa kita ng mga
mamamayan.
 Palawakin ang pagpapatupad ng programa na Conditional Cash
Transfers (CCT).
 Bibigyang pansin ang suliranin ukol sa Sistema ng pamamahala sa
lupa.
5. Administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bong Bong” Marcos, Jr.
 Palakasin ang sektor ng agrikultura para sa pagsulong at pag-unlad
ng bansa.
 Paramihin ang bilang ng benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang
Pilipino Program (4P’s) at palalakasin ang Assistance to Individuals in
Crisis Situations Program.
 Ipagpapatuloy ang programa ni dating pangulong Rodrigo Duterte
na Build Build Build Program o programang pang-imprastraktura.
 Protektahan ang mga manggagawa sa larangan ng industriya na
higit na tinamaan sa kasalukuyang pandemya.
 Economic Tragets:
-to 7.5% real GDP growth in 2022; 6.5 to 8% real GDP
growth annually between 2023 to 20289% or
single-digit poverty rate by 2028
- 3% National Government deficit to GDP ratio by 2028
- Less than 60% National Government debt-to-GDP ratio
by 2025
- At least 4,256 US$ income per capita and the attainment
of upper-middle- income status by 2024
 Sa usaping Climate Change, kailangang maging alternatibo ang
Pilipinas sa paggamit ng mga energy resources lalo na ang renewable and
nuclear energy at natural gas.
 Pamamahagi ng 52,000 hectares na lupang agrikultural para sa
mga Landless War Veterans, surviving spouses, and orphans of war
veterans, at mga army at kapulisan na nagretiro.
 Paiikliin ang hiring process ng mga Pilipinong nais magtrabaho sa
ibang bansa.
TANDAAN:
Sa pamumuno ng isang pangulo, walang garantiya na ang
kaniyang mga planong pangkaunlaran ay matutupad. Ngunit tayong
mga mamamayan ay lubos na umaasa na kailangang matupad ang mga
programang ito upang mapabuti ang ating kalagayang panlipunan.
Kung kaya’t bilang mga Pilipino kailangang alamin ang mga gampanin
upang matulungan ang pamahalaan na mapagtagumpayan ang
kaniyang mga plano, adhikain o programa sa lipunan, sapagkat tayong
lahat ay may bahaging ginagampanan sa pagtatamo ng kaunlaran ng
bansa.

Anu-ano ang mga gampanin ng mga Pilipino tungo sa kaunlaran?


 Ang mga mamamayang Pilipino, maging mag-aaral man o
nagtatrabaho ay dapat na maging produktibo at gumawa nang ayon sa
hinihingi ng kanilang hanapbuhay. Habang nag-aaral pa, hindi dapat
aksayahin ang oras sa mga walang saysay na bagay at sa halip ay
ikonsumo ang oras sa pag-aaral o sa pagtulong sa mga gawaing bahay.
Kung isa naming manggagawa o empleyado ay dapat siguraduhin na
ang lahat ng oras na para sa trabaho ay nilalaan dito at hindi sa
paggawa ng mga bagay na walang kaugnayan sa trabaho.
 Ang pagbabayad ng tamang buwis ay bahagi ng tungkulin sa
mga mamamayan at dapat itong bayaran nang ayon sa itinakda ng
batas. Sapagkat ang tamang pagbabayad ng buwis ay magbibigay ng
pondo para sa pamahalaan para sa kanilang mga programang
nagbibigay ng serbisyong pampubliko at maging sa pagpapatayo ng
mga imprastraktura na kailangan sa pag-unlad ng bansa.
 Ang pagsasagawa ng mga programang pangkalikasan tulad ng
pag-recycle o paggamit muli ng mga lumang kagamitan ay
makakatulong upang maibsan ang labis na pagdami ng mga basura.
Dapat na tumulong ang mga mamamayan upang maisakatuparan ito;
kailangan din nilang sundin ang mga patakaran kaugnay ng
pagpapatupad nito.
 Ang pagtangkilik sa sariling produkto ay nakatutulong upang
ang mga local na industriya ay umunlad. Dahil sa ganitong gawain ay
maibabalik sa loob ng bansa ang mga salaping ginamit para sa pagbili
ng produkto at maging ang bahagi nito sa paikot na daloy ng
ekonomiya. Sa tuwing tinatangkilik ng mga mamamayan ang produkto
ng mga dayuhan ay napupunta ang mga salapi at kita sa mga dayuhang
kompanya, imbes sa mga local sa kompanyang nangangailangan nito.

TECHTIVITY:

Upang mas mapailalim ang iyong pag-unawa sa konsepto


ng pambansang kaunlaran, panoorin ang mga documentaries na nasa
ibaba:
 https://www.youtube.com/watch?v=xyNwf9ZIbAs
 https://www.youtube.com/watch?v=dFVNRE5ZyA4

BALITAMBAYAN IN ACTION!
CESSNA 206 PLANE, NATAGPUAN NA!
Cagayan Provincial Information Office
Marso 12, 2023

Inilabas na ngayong araw ng Linggo, ika-12 ng Marso ang larawan ng


wreckage ng Cessna 206 Plane na napaulat na nawala noong January
24, 2023.

Natagpuan ang bumagsak na eroplano at mga labi ng limang pasahero


at piloto nito sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Ditarum, Divilacan,
Isabela.

Sa pinakahuling ulat ng Isabela PDRRMO, naibaba na ang mga labi sa


Divilacan proper at inaantay na lamang ang grupo ng Philippine Air
Force na susundo sa mga labi ng mga pasahero.

Photos: Coast Guard K9 Force


PAGNILAYAN:
Kung ikaw ay isang responsableng mamamayan, paano ka
makatutulong upang makamit pambansang kaunlaran?
 Bawat isa sa atin ay may mga responsibilidad o gampanin na
kailangang isakatuparan sa buhay. Kung ating iisipin mahirap ang
mamuhay sa panahon ngayon sapagkat nakararanas tayo ng matinding
sakuna at pandemya, kung kaya’t nahihirapan din tayong gampanin
ang ating mga tungkulin bilang isang tao at mamamayan. Ngunit, kung
handa ang bawat isa at ang pamahalaan na magkaisa, matulungan,
maging produktibo, handang makilahok sa mga plano at programa
hindi malayo na tayo ay magiging maunlad at unti-unting mararating
ang inaasam na kaginhawaan sa buhay.
Sa panahon ngayon, ano ang mas mabisang patatagin at
kinakailangan bigyang pansin, ang planong pangkalusugan o ang
planong pangkabuhayan?
 Kung bumababa na ang kalagayan ng ekonomiya ng ating bansa
dahil sa pandemya, nangangahulugan din na bumababa at mas
humihirap na ang kalagayan ng mga mamamayan sa bawat araw na
kanilang tinatahak. Sa panahon ngayon, mahirap magdesisyon kung
ano nga ba ang mas pipiliin ng pamahalaan na dapat pagtuunang
pansin; ang pangkabuhayan ba o ang pangkalusugan? Sa sitwasyong
mayroon ang bawat isa ngayon ay mahirap ipagsawalang bahala ang
kalusugan at pangangailangan ng mga mamamayan. Nararapat lamang
na ang dalawang konspeto o sektor na ito ay dapat inuuna ng
pamahalaan, kailangan nilang magpatupad ng mga matatag na plano at
programa upang masiguro ang seguridad at kaligtasan ng bawat isa.
Ang mga halimbawang ito ay higit na makatutulong sa pagkamit ng
kaayusan at kaunlaran hindi lamang sa lipunan kundi pati rin sa
ekonomiya ng bansa. Sa lugar ng mga mamamayan, kailangang
magkaroon ng tamang partisipasyon upang mapabilis ang progreso ng
mga programa. Sa pamamagitan ng mga ito, tayong lahat ay susulong
tungo sa pambansang kaunlaran.

PAGLALAHAT:
Sa kabuuan, mahalagang malaman at maunawaan ang mga konsepto na nagpa
bansa. Kinakailangang malaman kung paano nga ba masusukat ang kalagayan ng
batayan sa pag-unlad ng lipuan at ekonomiya. Ang isang maunlad na ekonom
ng mataas na kita ng mga mamamayan, may matatag na halaga ng piso, wa
maayos na impraestraktura at may trabaho para sa mga mamamayan
pangkabuhayan na ipinapatupad ng pamahalaan lalo na sa pamumuno ng isang
nakasalalay ang bawat pangangailangan ng mga tao. Sa ating kasaysayan, nagpa
at programa tungo sa kaunlaran ng bansa. Ang kaunlaran ng isang bansa ay n
isakatuparan ng iba’t ibang sektor, mga mamamayan at ang pamahalaan. Ang
instrumento upang ang bawat isa ay sumulong tungo sa kaunlaran ng lipu
responsableng Pilipno, nararapat lamang na maging produktibong mamamayan
mga programang kaugnay ng pag-iingat sa kalikasan at tumulong sa m
ng pagtangkilik ng mga produkto. Mahalaga ang pagtutulungan ng mga mamam
siyang magdudulot ng isang positibong pagbabago na nakakapagpabuti sa kalaga

You might also like