You are on page 1of 10

Bukas na ang pagbibigay ni Bb. Concepcion ng pagsusulit sa physics.

Alam ni Gello na hindi siya nakapag


handa sa pagsusulit na ito dahil aminado sya sa kanyang sarili na mas inuna nya pa ang computer games
at panood ng mga video sa youtube kaysa sa pag aaral ng kanilang mga leksiyon sa physics. Bukod ditto,
napakatamad niyang kumopya ng notes kaya halos wala siyang kasulat-sulat sa kanyang notbuk na
dapatsana ay gagamitin niyang gabay sa pagbabalik-aral. Dahil naiipit sa nasabing sitwasyon nag-isip
nang mabuti si Gello kung ano ang kanyang-dapat gawin.

Likas na palakaibigan at masayahin tao si Gello. Marami siyang kasundo at kaibigan sa klase. Naisip niya
na tumabi bukas sakanyang kabarkadang si Michael sa oras ng pagsusulit. Magaling ito sa physics at
mabait pa sa kanya kaya’t siguradong matutulungan siya nito. Buo na ang kanyang pasiya subalit may
isang munting tunig sa kanyang isip na bumubulong sa kanya na hiwag gawin ang bagay na iyon.
Pangalawa sa huling asignatura sa hapon ang physics. Ibig sabihin mara pa soyang oras sa umaga
hanggang tanghali upang makakapagbalik-aral sa kanilang mga aralin. Nangako ein naman an g kanyang
kaibigang si mitchie na pahihiramin siya ng notbuk upang magamit niya ito. Nahihirapan si gello sa
sitwasyong ito kaya’t pinag-isipan niyang Mabuti kung ano ang kanyang gagawin. Kung ikaw si Gello, ano
ang gagawin mo?

Tulad ni gello, tayo ay kadalasang nahaharap sa mga sitwasyong nangagalingan ng mabigat na pagpili o
pagpapasiya. Sa gitna ng mga ito

Isang muntining tinig ang bumubulong at nag-uudyok sa atin upang gawin kung ano ang mga tama at
mabuti. Ito ang ating konsensiya.

Ano ng aba ang konsensiya? Ano ang gampanin nito sa moral na kilos at pagpapasiya ng tao? Sabay-
sabay natin itong alamin sa susunod na bahagi ng ating aralin.
Tutuklasin ko

Bumuo ng apat a pangkat sa klase. Bawat pangkat ay pipili ng sitwasyon na kanilang isasadula.
Ang mga sitwasyon ay putol o walang wakas. Ang bawat miyembro ng pangkat ay. Magkakaroon ng
talakayan kung paano nila nais tapusin ang sitwasyon isasadula ito sa klase matapos ang oras ng
pagsasanay

Sitwasyon 1:

Si johnmel at Raymond ay matalik na magkaibigan at magkapitbahay. Sila ay lagging magkasama sa klase


at pareho silang may matataas na marka sa kanilang mga asignatura sa ika-sampung baiting. Pagdating
ng ikawlawang markahan, unti-unting napapabarkada si Raymond sa kanyang mga kaklaseng mahilig
mag laro ng computer games. Unti-unting itong lumalayo kay Johnmel at napapadalas din ang paglibang
sa klase. Napag-alaman ni johnmel na imbis na pumasok ay dumidiretso si reymond at ang kanyang mga
barkada sa computer shop malapit sa kanilang paaralan. Isang gabi, nagpunta sa bahay nila Johnmel ang
nanay ni Raymond. Alas-nuwebe na ng gabi ay wala pa ang kanyang anak. Tinanong ng nanay ni Ramond
si Johnmel kung may alam bai to na pinupuntahan ng kanyang anak at sino ang mga kasama nito.
Naalala ni Johnmel ang sinabi ni Raymond na huwag sasabihin sa kanyang nanay ang mga ginagawa
nitong pagliban sa klase at paglalaro ng computer games. Ang pag sasabi niya ng katotohanan ay
nangangahulugan ng katapusan ng kanilang pagkakaibigan. Nakita ni Johnmel ang pag-alala at
pagkabalisa ng nanay ni Raymond. Kung ikaw si Johnmel, ano ang gagawin mo?

Sitwasyon 2:

Kabilin-bilinan ng in ani Abby na umuwi siya agad pagkatapos ng klase dahil aalis ang kanyang ina at
walang magbabantay sa kanilang bahay. Wala ring mag-aalaga sa bunsong kapatid ni Abby na dalawang
taong gulang pa lamang dahil nasa trabaho pa ang kanyang ama at gabi nman umuuwi ang kanyang ate
na nag-aaral sa kolehiyo. Oras ng recess nang nilapitan siya ni Charmaine. Nawala sa isip ni abby na
ngayon ng apala ang kaarawan ni Charmaine na kanyang matalik na kaibigan. Nagyayaya ito sa mall
upang doon ipagdiwang ang kanyang kaarawan at masaya niyang sinabi na ililibre niya si Abby. Ilang
lingo ring nag-ipon si Charmaine at talagang pinaghandaan niya ang araw na ito upang mailibre si abby
na kanyang, pinaghandaan niya ang araw na ito upang mailibre si abby na kanyang pinakamatalik na
kaibigan sa kanilang klase. Kilala ni Abby si Charmaine. Matampuhin ito at mabilis umiyak. Siguradong
magtatampo si Charmaine kung hindi siya sasama sa kanya. Isa pa, nubsab kabg sa isang taon
dumarating ang kaarawan ng isang tao. Naalala ni abby ang mga mahigpit na bilin ng kanyang ina na
umuwi nang maaga. Kung ikaw si Abby ano ang gagawin mo?

Sitwasyong 3:

Pangalawa sa pinakamahusay sa kalase si carol. Talagang pinag bubutihan niya ang kanyang pag-aaral at
ginagalingan niya ang pagsagit sa mga pagsusulit. Tabggap niya ang katotohanang mas matalino sa
kanya si Gemma na kinikilalang pinakamahusay sa klase. Sa kanilang ikatlong markahang pagsusulit,
mahigpit na ipinagbabawal ni Bb. Torres ang pag bubuklat ng anumang aklat o notbuk at ipinatago ng
pagsusulit ito sa ilalim ng kanilang upuan. Habang ang buong klase ay abala sa pagsagot ng pagsusulit,
napatingin si Carol sa kinauupuan ni gemma. Laking gulat niya nang Makita niya nang Makita niyang may
tinitignan si Gemma na isang puting papel na pinailalim niya sa kanyang answer sheet. Nakita ni Carol na
paulit-ulit na tinitingnan ni gemma ang papel at tila may kinokopya ito. Abala naman si Bb. Torres sa
pagsasalansan ng mga test paper kaya’t hindi niya nakikita ang mga nangyayari. Nais ni carol na sabihin
ito sa kanyang guro, subalit wala siyang hawak na matibay na ebidensya o pruweba na totoo ang *-
kanyang Nakita. Nag-aalala na rin siya nab aka isipin ng kanyang mga kaklase na gumagawa lamang siya
ng kwento upang siraan si Gemma dahil siya ay pangalawa lamang sa pinaka mahusay sa klase at si
gemma naman ang pinakamahusay. Alam ni Carol na hindi patas at hindi makatarungan ang ginagawa ni
gemma. Kung ikaw si carol, ano ang gagawin mo?

Sitwasyon 4:

Kitang-kita ni liza na napakasaya ng kanyang matalik na kaibigan si Kathryn sa piling kasintahan nitong si
Daniel. Halos araw-araw ay wala nang ibang bukambibig si Kathryn kundi ang pagiging malambing,
maginoo, at mabait ni Daniel. Sa tagal nilang pagkakaibigan, ngayon lang nasaksihan ni Liza ang
kakaibang sigla at nag-uumpaw na kagalakan ng kaibigan. Maging ang mga mark ani Kathryn ay
tumataas dahil sa inspirado siyang mag-aral. Lagi raw sinasabi ni Daniel sa kanya na mag-aral siyang
Mabuti. Maging si Liza raw sinasabi ni Daniel sa kanya na mag-aral siyang Mabuti. Maging si Liza ay
kinilig at napapangiti sa tuwing nakikita niyang hinahatid ni Daniel ang kanyang kaibigan pagpasok sa
paaralan at maging sap ag-uwi nito. Isang sabado ay kanailangan magpunta ni Liza sa mall upang
dumaan sa isang bookstore. Mayron siyang kinakailangang bilhin na gamit para sa kanyang gagawin
proyakto sa filipino. Habang siya ay naglalakad, napadaan siya sa isang restaurant. Halos napatulala siya
at napahindi sa kanyang kinalalagyan nang Makita niya si Daniel na may ibang kasamang babae. Noong
una ay inakala ni Liza na kamukha lamang ni Daniel ang lalaking iyon na kanyang Nakita, subalit
tiningnan niya itong Mabuti at hindi siya maaraing magkamali! Siya nga si Daniel! Kasama niya si
jasmine, isa ring mag-aaral sa kabilang section na katabi ng kanilang silid. Alam ni Liza na hindi kapatid,
pinsan, o kamag-anak ni Daniel si Jasmine. Nais ni Liza na burahin sa kanyang isip ang anumang
pagdududa, subalit tumibay ang kanyang hinala nang Nakita niyang hinalikan ni Daniel si Jasmine sa
pisngi. Masayang-masaya sila habang nakaakbay si Daniel kay Jasmine at ang kanilang kamay naman nila
ay magkahawak pa. nadurog ang puso ni Liza para sa kanyang kaibigan. Nakapagpasiya siyang sabihian
kay Kathryn ang lahat ng kanyang Nakita ngunit ikalawang markahang pagsusulit na sa lunes. Tiyak na
maapektuhan si Kathryn kung sasabihin niya ngayon ang kanyang nakita. Kung ikaw si Liza, ano ang
gagawin mo?

Tanong:

1. Nagging mahirap bas a inyong pangkat na magpasiya kung ano ang inyong gagawin sa sitwasyo
inyong pinili? Bakit?

2. Ano ang inyong mga batayan o isinaalang-alang sap ag pili ng desisyon para sa sitwasyon?

3. Sa inyong palagay, naging Mabuti ba at makatarungan ang pagpasiyang inyong pinili? Ano ang
kinahinatnan ng inyong desisyon?

4. Nakaranas din ba kayo na malagay sa parehong sitwasyon na inyong isinadula? Paano ninyo ito
nilutas o pinagpasiyahan?
Gawin ko

Basahin ang buong kuwento at tugkasin ang kahalagahan ng pakikinig sa bulong ng konsensiya.

Ako’y munting tinig

Sharon Rose L. Mendoza

Pasensya ka na… pero talagang makulit ako. Oo talagang makulit ako. Ako ang munting tinig na
bumubulong sa ‘yo. Kadalasan ay hindi moa ko pinapakinggan. Ginawa mo ang gusto mong gawin… ang
mga bagay na nakapagbibigay sa’yo ng pansariling kaligayahan. Ginagawa ko ang lahat ng aking
makakaya upang ipaunawa sa’yo ang mga dapat at hindi mo dapat gawin at ang maaring maging resulta
o kahihinatnan ng iyong pagpapasiya. Ako ang nagsisilbing tagahusga upang ikaw ay makapagpasiya at
makakilos nang naaayon sa kabutihan. Hindi mo napapansin subalit pinapayuhan kita sa mga panahing
ikaw ay naiipit sa mga sitwasyong kinakailangan kita sa mga panahong ikaw ay naiipit sa mga sitwasyong
kinakailangan mong gumawa ng mahahalagang pagpapasiya. Ako ang pinakalihim na bahagi ng iyong
sarili na nag-uutos sa iyong pumanig sa kabutihan at bahagi ng iyong sarili na nag-uutos sa iyong
pumanig sa kabutihan at umiwas sa kasamaan. Kaibigan moa ko. Ako ang iyong konsensiya.
Natatandaan mob a noong nakapulot ka sa canteen ng wallet na naglalaman ng pera na may malaking
halaga? Naguguluhan ang isip mo dahil gusto mong kunin ang waller upang makabili ka ng nais mong
damit at sapatos. Matagal mong itinago sa ang wallet sa iyong bag, wala akong tigil sa pagpapaalala at
pagbulong sa’yo na mali ang ginagawa mo. Siguradong mau isang taong naghahanap at nag-aalala dahil
sa pagkawala ng kanyang wallet. Hindi ako huminto. Binagabag ko ang iyong puso at isip at ipinaunawa
ko sa’yo na mali ang iyong ginagawa. Pinakinggan mor in ako. Hindi ka mapakali sa kaiisip hanggang sa
napagpasiyahan mong isauli ito sa may-ari. Nakasulat ang pangalan, baiting at pangkat ng may-ari kaya’t
natunton mo rin kung sino ang may-ari nito. Hindi ba’t napakasarap at panatag sa pakiramdam kung
ikaw ay nakagagawa nang tama at nagpapasiya nang naayon sa kabutihan?

iyan din ang nangyayari noong kumukupit ka ng pera sa wallet ng iyong ina. Ginagamit mo n asana itong
pambayad upang makapaglaro ng computer games sa computer shop. Buo na ang iyong pasiya pero
pinipigilan kita. Pinaalalahanan kit ana mali ang iyong gagawin. Magagalit sa iyo ang iyong ina. Ang
perang iyon ay nakalaan na pambili ng inyong pagkain sa araw na iyon. Inudyukan kita na mag-aral na
lamang at gawin ang inyong takdang-aralin kaysa maglaro ng computer games. Napagtanto mor in na
mali ang iyong ginagawa kaya sinauli mo na lamang ang pera sa wallet ng iyong ina.

Hindi rito natapos ang mga tuksong dumating sa’yo kinabukasan ay niyaya ka ng iyong mga kaibigan na
huwag nang pumasok at maglaro na lamang ng computer games. Alam kong gustong-gusto mong
sumama sa kanila pero nakinigka sa akin. Ibinulong ko ang mga paalala sa iyo ng iyong ama na mag-aral
kang Mabuti. Pinaalahanan kitang may pagsusulit kayo at magagalit ang inyong guro kapag nalamang
hindi kayo papasok sa klase. Nakinig ka sa akin. Tuloy-tuloy kang humahakbang papasok sa paaralan
habang ang iyong mga kaklase ay tumuloy sa computer shop. Tuwang-tuwa ang iyong ina at ama nang
Makitang tumataas ang iyong mga marka.

Lubos akong natutuwa sa iyong mga pagpapasiya. May mga pagkakataon din naman na hindi mo ako
pinapakinggan at gumawa ka nang mali, ngunit hindi ako tumitigil sa pag-usig sa ‘yong maling nagawa at
binabagabag kita sa iyong mga kasinungalingan at paglilihim. Sa huli aw naramdaman mo ako at
isinisiwalat mo rin ang katotohanan dahil hindi ka matatahimik sa iyong mga paglilihim. Lumuluwag at
nagiging panatag ang iyong pakiramdam kung gagawa kang tama. Natutuwa ako para sa’yo alam kong
maraming pang mga pagsubok, tukso, at sitwasyon na darating sa iyong buhay kung saan ay
kakailanganin mong gumawa ng mahahalagang pagpapasiya. Huwag kang matakot na pumanig sa tama
at Mabuti. Lagi mong tatandaan na nandito lang ako, magpapaalala at gagabay sa’yo na piliin mo at
isakilos ang tama at Mabuti. Binibati kita sa iyong pagtatagumpay na maging isang mabuting tao, patuloy
mong isabuhay ang katotohanan at isagawa ang kabutihan. Nandito lang ako. Tutulungan kita. Pangako
‘yan

Susuriin ko

1. Ayon sa seleksiyon, ano-ano ang gampanin ng konsensiya sa pagpapasiya ng isang tao?

2. Ano ang maaring mangyari kung hindi pakikinggan ng tao ang bulong ng kanyang konsensya?

3. Bakit mahala na pakinggan at sundin ng tao ang kanyang konsensiya sa iyong buhay?

4. Ayon sa iyong sariling pananaw at karanasan, ano ang kahulugan ng konsensiya sa iyong buhay?

5. Magbigay nang mga hakbang kung paano mahuhubog ang konsensiya ayon sa tama at mabuting
pamantayan. Isa-isahin ang mga ito.

tandaan

 bawat yugto ng buhay, ang tao ay nahaharap sa mga sitwasyon o pangyayari kung saan ay
kinakailangan niyang pumili, nagpasiya, at gumawa nang naayon sa kanyang katwiran. Sa isip ng
tao ay laging may dalawang nagtatalong paniniwala kung ano ang kanyang gagawing
pagpapasiya: ang isa ay naayon sa mali at masama at ang isa ay naaayon sa tama at Mabuti. Ang
pagpili sa mali at masama ay maaring makapagbigay ng pansariling kaligayahan, ngunit sa dulo
nito ay naakabang ang habambuhay na pagsisisi at kapahamakan. Ang pagpanig sa tama ay tila
napakahirap gawin, subalit ito ang maghahatid ng kapanatagan, kaligayahan ng puso, at
kaganapan sa pagsasabuhay ng pagpapakatao. Ang tao ang pumipili, nagpapasiya, at kumikilos
nang naaayon sa kanyang paniniwala.
 ang konsensiya ay isang munting tinig sa pinakalihim na bahagi ng pagkatao ng tao. ang tinig na
ito ang bumubulong, gumagabay, nagpapaalala, nagbibigay ng payo, nag-uudyok, at nag-uutos
sa tao na magpapasiya, at kumikolos nang naaayon sa katotohanan, kabutihan, at katwiran.
Ipinauunawa ng konsensiya ang mga kahihinatnan ng maaring maging pagpapasiya ng tao. Kung
nagkamali ang tao sa pagpapasiya, binabagabag at inuusig ng konsensiya ang kaibuturan ng tao
at sa kanyang pagninilay ay napagtatanto niya ang kanyang mga maling ginawa
 ang konsensiya ay nararapat lamang na hubugin ayon sa mga pamantayang moral. Ang mga
sumusunod ay makatutulong sa paghubog ng mabuting konsensiya:
 pag-aaral at pagsasabuhay ng salita ng diyos at pagsunod sa utos ng Diyos
 pananalangin at pagninilay-nilay
 pagsunod at pagtalima sa mga batas moral at saligang batas na umiiral sa ating lipunan
 pagpapahalaga sa mga kabutihang asal na nakakagisnan sa ating kultura tulad ng paggalang sa
nakakatanda, bayanihan at pagtulungan, katapatan, at iba pa
 ang pagsisisi ay nasa huli. Ito ay isang kasabihan na nagpapaalala sa atin na maging maingat sa
ating gagawing pagpapasiya. Laging pakinggan at sundin ang ating konsensiya upang sa huli ay
hindi natin pagsisihan ang ating mga maling kilos matamo natin ang kapayapaan ng isip at
kapanatagan ng ating puso.

Nauunawaan ko

Isulat sa sarili mong salita ang mga bagay na natuklasan, nalaman, at naunawaan mo sa araling ito.

Pagninilay sa journal blg.3

Isasabuhay ko

Gumawa ng tatlong islogan na may kinalaman sa pakikinig at pagsunod sa konsensiya. Isulat ito sa bond
paper at maging malikhain sa paggawa ng mga disensyo nito.

Susubukan ko

Magbahagi ng sitwasyon o pangyayari sa iyong buhay kung saan ikaw ay naharap o naipit sa isang
sitwasyon na nangangailangan ng pagpapasiya. Isulat mo ang naging bulong sa iyo ng iyong kosensiya at
paano ka nakagawa ng pagpapasiya. Ilahad din ang naging mamantayan mo sa pagpapasiya kung ano
ang kinahinatnan ng iyong nagin pasiya

Ang aking pakikinig sa bulong ng konsensiya


Tanong:

1. Ano ang mahalagang aral na iyong natutunan sa karanasang iyong inilahad? Paliwanag.
2. Nakabuti ba sa iyo ang pakikinig sa iyong konsensiya? Ipaliwanag.
3. Sa iyong palagay, gaano kahalaga ang bulong ng konsensiya sa iyong mga isinasagawang
pagpapasiya?
4. Bukod sa pakikinig sa iyong konsensiya, ano-ano ang iyong mga isinasaalang-alang sa
pagpapasiya
5. Kung mahaharap kang muli sa isang sitwasyong katulad ng sitwasyon na iyong inilahad, ganoon
pa rin ba ang iyong magiging pagpapasiya o mayroon kang ibang desisyon nais gawin?
Ipaliwanag.

Konsensiya ay hubugin, likas na batas moral ay sundin

Sa isip ko

Nakakita ka na ba ng isang karatula na may nakasulat na paalalang. “Bawat tumawid dito?” Sinasabi ng
paunawa na ito na hindi ka maaring tumawid sa kalsadang iyon at dapat ay maghanap ka na lamang ng
ligtas na daan. Kung pipiliin mong tumawid, maari kang masagasaan ng mga humaharurot na sasakyan o
di kaya ay mahuli ka ng traffic enforcers dahil sa iyong malinaw na paglabag sa utos na bawal tumawid
doon. Ito ay halimbawa lamang ng mga alituntunin o batas na pinapaiiral upang ating sundin. Sa ating
buhay, tayo ay may mga pamantayan o alituntuning nagiging gabay upang maging tama at mabuti ang
ating kinikilos at pagpapasiya. Marapat lamang na ating sundin ang mga batas na ito upang matiyak
natin natayo ay kumikilos nang naaayon sa kalooban ng diyos, likas na batas moral, at pamantayan ng
lipunan ating ginagalawan. Sa araling ito, ating tuklasin ang iba’t ibang batas at alituntunin na
nagsasabing tanglaw tungo sa paghubog ng ating konsensiya at pagkakaroon ng mabuting pagpapasiya.
Kung handa ka na, sabay nating gawin ang mga susunod pang gawain.

Tutuklasin ko

Gumawa ng iyong sariling batas o simpleng alituntunin batay sa sumusunod:

1.

Mga alintuntunin sa pakikipagkaibigan

1.

2.

3.

2.

Mga batas sa loob ng silid-aralan

1.

2.
3.

3.

Mga alituntunin sa tahanan

1.

2.

3.

4.

Mga dapat gawin kung ikaw ay mayroong problema

1.

2.

3.

Matapos mong isulat ang iyong mga naisip na batas o sariling alituntunin ibahagi ito sa iyong katabi sa
klase at suriin kung may pagkakatulad ba ang inyong ginawa. Ibahagi rin sa iyong kaklase kung ito ba ay
iyong sinusunod o kadalasan ay nagagawa at ipaliwanag ang iyong kasagutan

Gawin ko

Basahin ang seleksiyon at unuwain ang mahahalagang konseptong tinatalakay

Mga butil ng pangaral

Sharon Rose L. Mendoza

Araw ng sabado at walang pasok ang mga mag-aaral. Abala si aling percy sa paglilinis ng kanilang
tahanan. Maglalaba na sana siya nang mapansin niyang tila malungkot at may malalim na iniisip ang
kanyang anak na si alex hanbang nakaupo sa sofa. Nilapitan niya ang kanyang anak at inalam ang
saloobin nito.

Aling Percy: Anak, kanina ko pa napapasing tila malungkot ka. May problema ka ba?

Alex: Eh kasi po, nanay, napagalitan po ako ng guro namin sa physics. Kabilin-bilinan niya po kasi na
palagi raw kaming magdala at magsuot ng foot rug sa oras ng kanyang klase. Bilin pa niya magdala ng
papel para may gagamitin kami kung may pagsusulit. Kahapon po, nakalimutang kong magdala ng foot
rug at nagkataon din na naubos na ang papel ko. Nabigyan pa naman siya ng pagsusulit. Marami naman
po kaming napagalitan pero nalulungot ako dahil baka iniisip ni Bb. Torres na talagang hindi po ako
sumusunod sa kanya.

Aling Percy: Gano’n ba, anak? Huwag ka nang malungkot. Akam mo, kung minsan ay talagang nangyayari
ang mga ganyang pagkakataon. Sabi mo nga, hindi mo naman sinasadyang suwaying ang mga patakaran
ng inyong guro. Humihingi ka ng tawad at ipakita mo sa susunod n’yong klase na ikaw ay isang
masunuring mag-aaral.
Alex: Haaay, naku! Bakit po ba may mga pamatayang pang dapat sundin? Dito sa bahay, mayroon po
kayong mga utos at patakaran. Maging sa paaralan, alintuntuning dapat sundin ang mga mag-aaral. Sa
ating barangay, mayroon ding mga batas. Para saan po ba ang lahat ng iyon?

Aling Percy: Alex, ang mga batas ay nagsasabing gabay at panuntunan natin upang tayo ay makakilos
nang tama at makapagpasiya nang naaayon sa mabuti ang mga pamantayang ito ang humuhubog sa
ating konsensiya kung kaya’t tayo ay nakagagawa ng matalino at tamang pagpapasiya. Maaaring paulit-
ulit mo nang naririnig ang aming mga pangaral at ang payo ng iyong mga guro subalit kung ito ay iyong
isasapuso at isasabuhay, ang mga pamantayang ito ang iyong magiging tanglaw sa paggawa ng mabuti.
Aiza: Tama si nanay, kuya.

Aling Percy: O, Aiza! Nandyan ka na pala.

Aiza: Opo. Ang totoo po, kahapon pa ako kinukulit ng mga kaklase ko na sumama sa lakad nila.
Manonood daw kami ngayon ng bagong palabas sa sinehan, at pagtapos niyon ay pupunta kami sa isa
kong pang kaklaseng nagdiriwang ng kanyang kaarawan. May simpleng kalusalo raw po doon. Noong
una ay nahihikayat na po akong sumama, pero napagpasiyahan ko po na manatili na lamang dito sa
bahay. Habang niyayaya po nila ako kahapon bigla ko pong naalala ang mga bilin at alituntunin ninyo rito
sa ating tahanan. Iwasan ang masasamang impluwensiya ng mga kaibigan. Narinig ko po na mag-
iinuman sila sa pagdiriwang ng kaarawan ng aming kaklase. Naalala ko po ang bilin ninyo ni tatay.
Nagpasiya po ako na huwag nang sumama. Isa pa, nandun si Richard na nangungulit at nanliligaw sa
akin. Sabi n’yo po, huwag muna po akong tatanggap ng manliligaw grade 8 pa lang po ako, eh. Tama po
talaga ang mga pangaral ninyo,

Aling Percy: Ganyan, anak. Mabuti at naalala mo ang mga sinabi ko sa ‘yo. Masaya ako at naging tama
ang iyong pagpapasoya.

Mang Emong: Mabuti naman at naririto tayong lahat. Nakalulungkot ang nangyari sa ating kapit bahay
na si Nato.

Aling Percy: Bakit. Emong? Ano’ng nangyari kay Nato?

Mang Emong: Hinuli siya ng mga pulis kanina. Marami na kasi siyang nagawang paglabag sa mga batas
na ipinapatutupad dito sa ating barangay. Noong una ay pinalampas lang ng barangay ang ginawa niyang
pagsusunog ng plastic sa kanyang bakuran na nagdudulot ng maitim at nakasusulasok na usok.
Inuunawa ng mga kapitbahay ang mga ginagawa niya, ngunit talagang patuloy siyang gumagawa ng mali.
Kagabi ay nag-videoke siya kasama ang kanyang mga kaibigan halos inabot na ng madaling araw.

Alex: Opo. Hindi nga po ako makatulog kagabi sa lakas ng tugtugan at kantanhan nila Mang Nato.

Aling Percy: hindi yata alam ni Nato na may ipinatutupad na batas dito sa ating barangay na ang
paggamit ng videoke ay hanggang ika-10 lamang ng gabi upang magbigay-galang sa mga kapitbahay na
nais na ring magpahinga. Naku! Si nato talaga.

Mang Emong: Hindi lang iyan ang nangyari. Sinugod siya ni Sebio kaninang madaling araw at
pinagsabihan na itigil na ang malakas na paggamit ng videoke. Lasing na lasing si Nato kaya gumanti siya
at bumunot nag baril! Gamit niya sa kanyang pagtrabaho bilang isang security guard pero bigla niyang
nilabas noong nagtatalo na sila Sebio. Pinaputukan niya si Sebio sa sobrang galit niya. Mabuti na lamang
at nadaplisan lang ng tama ng baril si Sebio sa kaliwang balikat. Agad namang dinakip ng mga pulit si
nato.

Aling Percy: Naku po! Diyos ko! Ano ba ang nangyayari kay nato? Bakit siya nagkakaganyan? Kaya kayo,
mga anak matuto kayong sumunod sa mga panuntunan at batas na pinaiiral sa ating barangay at
pamayanan. Naalala n’yo ba iyong banal na mensahe noong tayo ay sumasamba? Isa sa mga utos ng
diyos ay huwag kang papatay. Ito ay likas na batas moral na kailanman ay dapat nating sundin. Lagi
ninyong tatandaan ang mga salita ng diyos. Ang aming mga pangaral, at maging ang patakaran at batas
sa inyong paaralan, sa pamayanan, at sa lipunan.
Mang Emong: Tama ang nanay ninyo. Kung isasapuso ninyo ang mga alituntuning ito, higit ninyong
mauunawaan ang kahalagahan nito ng pagtalima sa mga batas at paggawa ng tama at mabuti. Hangad
namin na kayo ay mapalaki namin bilang mabuting anak, masunuring mamamayan, at may takot sa
diyos. Makakaasa ba kami sa inyong pagsunod, mga anak?

Alex at Aiza: Opo, Tatay.

Susuriin ko

1. Ayon sa seleksiyon, ano-ano ang iba’t ibang uri ng batas na nararapat nating sundin?

2. Bakit mahalaga ang mga batas at alintuntunin sa pagpapasiya ng isang tao?

3. Sa iyong palagay, paano nahuhubog ang konsensiya ng tao tungo sa mabuti?

4. Ano ang kaugnayan ng mga batas at pamantayan sa iyong konsensiya at mabuting Pagpapaisa?

You might also like