You are on page 1of 26

Ikalawang Markahan -

Modyul 1:

Ang Pagkukusa ng
Makataong Kilos
PLUZZLE
Buuin ang Puzzle at kung sino
man ang pinakamabilis na
makabubuo ay magkakaroon
ng plus points sa langit.
POINTS
1 to Finish – 15 points
st

2 to Finish – 13 points
nd

3 to Finish – 12 points
rd

Last group to finish – 10 points


“MATUTO KA
NAMANG
MAGKUSA, HINDI
KA NAMAN NA
BATA. “
Bakit gayon na lamang
kalaki ang inaasahan sa tao
lalo na sa mga gawaing
humahamon sa kanyang
tumugon dito?
URI NG TAO

NGAYON AT SA SUSUNOD NA ARAW

URI NG KILOS

Kilos ng Tao Makataong Kilos


1. KILOS NG TAO
• Acts of Man
• Likas sa tao
• Hindi ginagamitan ng isip at kilos-
loob.
• Walang aspekto sa pagiging mabuti
o masama.
• Walang pananagutan ang tao sa
paggawa nito.
Mga Halimbawa

• Paghinga
• Pagtibok ng puso
• Pagkurap
• Paghikab
• Pagkaramdam ng sakit mula sa
isang sugat.
2. Makataong Kilos

• Human Act
• Isinasagawa ng may kaalaman,
malaya at kusa.
• Ang kilos ay resulta ng kaalaman.
• Ginagamitan ng isip at kilos loob
• Mayroong pananagutan ang tao sa
kilos niyang ito.
2. Makataong Kilos
• Isinasagawa ito ng tao sa panahon
na siya ay responsable.
• Alam niya ang kanyang ginagawa
nang gawin niya ang kilos nyang
ito.
• Ito ay malayang pinili mula sa
paghuhusga at pagsusuri sa
konsensya.
Maaari bang maging
MAKATAONG KILOS ang
KILOS NG TAO?

Ang sagot ay Oo!


Halimbawa:
KILOS NG TAO : Makarinig
(Natural sa tao ang kakayahang
makarinig. [Sense of Hearing])
MAKATAONG KILOS: Ano ang
kanyang gagawin sa mga naririnig?
ANG KUWENTO NI HASMIN
Bilang tao si Hasmin ay may
kakayahang Makarinig. Ito ay
natural na KILOS NG TAO.
Ang pagiging makatao ng kanyang
kilos ay mababatid sa kung paano niya
gagamitin ang kanyang kakayahang
makarinig.
ANG KUWENTO NI HASMIN

Si Hasmin ay isang mag-aaral sa baitang


10. Hilig niya ang magpunta sa Library.
Habang papunta sa library, narinig niya
ang kwentuhan ng kanyang mga kaklase
tungkol kay Rose na maagang nabuntis
at nag-asawa.
ANG KUWENTO NI HASMIN
Hindi niya sinadya na marinig ito
sapagkat likas sa kanya bilang
tao ang makarinig.
Nang hindi sadyang marinig niya
ang usapan ng mga kaklase ay
nagkaroon na siya ng kaalaman
dito.
Ano ang ginawa ni Hasmin?

Hindi niya inintindi at


nagpatuloy siya sa
paglalakad patungo sa
library.
PAGSUSURI
• Maliwanag na walang kamalayan si
Jasmin sa tsismis sa loob ng klase.
• Kahit na narinig niya ito, hindi ito
tumimo sa kanyang isipan lalo na ang
detalye.
• Ngunit kung iisipin mayroon sana
syang kakayahan na makisali sa
usapan ngunit hindi niya ito pinili.
PAGSUSURI
• Samakatuwid isang likas na kilos
ng tao ang makarinig mula sa
usapan galing sa umpukan. Ngunit
nasa kanyang pasya ang pagpili ng
kung ano ang gagawin niya tungkol
dito.
• Ang kilos na pagdinig sa usapan ay
hindi malayang pinili.
Ano ang pwedeng ginawa ni
Hasmin?
Si Jasmin ay nagkainteres sa chismis
kaya siya ay nagkaroon na ng kaalaman
tungkol dito. Binigyan niya ng ideya ang
kanyang isip na maengganyo sa tsismis
at pagtatanong pa tungkol dito. Kaya ang
kilos na ito ay sindya nya at pinili.
Ano ang pwedeng ginawa ni
Hasmin?
Sa pagkakataong ito giamit ni Hasmin
ang kanyang kakayahang pumili at
malayang kilos loob sa pagtukoy at
pagpili ng kanyang kilos. Ipinakita niya
ito nang siya ay lumapit at makinig sa
usapan/tsismis. Kaya, ang kilos ay
malayang pinili.
Maaari bang maging TAMA
o MALI ang
MAKATAONG KILOS?

Ang sagot ay Oo!


Sitwasyon 1. Si Mr. Justo Perfecto ay isang magaling at
istriktong Math teacher. Maraming mag-aaral ang
bumagsak sa kanya. Isa sa kaniyang mabait na estudyante
ang seryosong nakiusap sa kaniya na bigyan siya kahit
man lang lowest passing grade dahil kapag bumagsak siya
pagagalitan at sasaktan siya ng kanyang tatay. Ngunit sa
computation ni Mr. Perfecto hindi siya nakapasa. At iyon
ang grado na binigay niya sa bata, hindi niya dinagdagan
para makapasa. Nung nakita ng bata ang kanyang grado,
nakiusap siya kay Mr. Perfecto pero hindi siya pinagbigyan
at pinagalitan pa at minura, hindi siya umuwi ng bahay
sumama sa barkada nag-joy ride at naaksidente.
Mapapanagot ba si Mr.
Perfecto sa kaniyang
ginawa? Bakit?
Sitwasyon 2. Nakita mo na hindi naisara ng
mga kaklase mong cleaners sa araw na iyon
ang inyong classroom. Minabuti mong isara.
Pero sira na pala ang pad-lock. Naisip mo
na responsibilidad ito ng mga cleaners. Dahil
nagmamadali ka hindi mo ito ipinagbigay-
alam sa mga security guard.
Tanong: Kung may mawawala o masisira na
mga gamit sa loob, mapapanagot ka ba?
Sitwasyon 3. Inimbitahan kang dumalo sa
kasal ng isa mong kaibigan. At masaya kang
bumili ng regalo para sa kanya. Ngunit sa araw
na iyon narinig mo ang balita kanilang na may
mga tao na naging positibo sa rapid-test ng
Covid-19 sa kanilang barangay . Kaya hindi ka
tumuloy sa pagdalo sa kasal..
Tanong: May pananagutan ka ba sa iyong
ginawang desisyon? Bakit?
GAWAIN 1
1. Ano ang iyong reaksiyon sa mga sitwasyon?
2. Kung ikaw si Mr. Justo Perfecto susundin mo ba ang
bulong ng iyong isipan na nararapat lang ibigay sa mag-aaral
ang nakuha niyang grado? Bakit Oo? Bakit hindi?
Pangatwiranan.
3. Sa ikalawang sitwasyon, masasabi mo bang wala kang
pananagutan sa iyong ginawa? Bakit? Ipaliwanag.
4. Sa ikatlong sitwasyon, sa palagay mo wala ka bang
pananagutan sa hindi mo pagdalo sa kasal? Ipaliwanag.
5. Sa lahat ng sitwasyon sa itaas, paano dapat ipamalas ang
makataong kilos?
6. Ano-ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagpapamalas
ng makataong kilos sa araw-araw na buhay?

You might also like