You are on page 1of 7

Ang Pulang Bolpen

SCENE 1
School Pasilyo Umaga
Ipapakita ang isang pasilyo na puno ng maiingay na estudyante sa gilid, nagtatawanan at
nagkwekwentuhan. Napapahinto lang ang mga ito upang bumati o kaya ay ngumiti sa tuwing napapadaan
sa kanila ang taong naglalakad(kamera)
Voice-over: Napakasaya nila napakalyo sa aking nakaraan. Nakaraan na kung saan makikita mo ang
bawat estudyante ay nasa kaniya-kaniyang silid-aralan sa ganitong oras.
SCENE 2
NAKARAAN
School Pasilyo Umaga
Napakatahimik ng pasilyo, wala kang makikitang mga estudyanteng palakad-lakad. Tanging tunog
lamang ng takong na tumatama sa marmol na sahig ang maririnig na suot-suot ng isang ginang na may
dala-dalang aklat at aklat-talaan. Ang bawat estudyante na kanyang madadaanan ay napapayuko at hindi
makabati ng maayos dahil sa nakakatakot na awra ng ginang. Nakakunot ang mga noo at hindi mo
makikitaan ng saya o ngiti ang mukha nito. Nakasuot ito ng uniporme ng isang guro, nakasalamin at
nakapusod ang buhok.
Student 1: Magandang umaga po ma’am
Nilagpasan lang ito ng ginang at nagpatuloy sa paglalakad
SCENE 3
Loob Silid-aralan Umaga
Dali-daling nagsiayos ng upo ang mga estudyante ng makita nilang papalapit na ang kanilang guro sa
silid. Pumasok ang ginang sa silid, nagsitayuan ang mga estudyante upang bumati.
Students: Good morning Mrs. Cruz.
Hindi ito pinansin ng guro bagkus inilipag nito ang kanyang gamit sa lamesa at binuklat at ang kaniyang
aklat-talaan sabay labas ng kanyang pulang bolpen.
Mrs. Cruz: Advincula
Advincula: Present ma’am.
Mrs. Cruz: Barrientos
Barrientos: Present ma’am.
Tinig ng lalaki sa may bungad ng pinto. Marami itong dala na proyekto sa paaralan at halatang walang
maayos na tulog katulad ng ibang estudyante sa loob ng silid.
Tumingin ang ginang sa may orasan sabay sabing,
Mrs. Cruz: Napaka-aga mo naman ata Mr. Barrientos para sa susunod na klase.
Nahihiyang yumuko ang lalaki
Mr. Barrientos: pagpaumanhin niyo po ma’am, marami lang po talaga akong ginawa at…
Hindi natapos ng lalaki ang kanyang sasabihin
Mrs. Cruz: Everyone that is not inside of this room is automatically absent.
Sabay lagay ng tuldok sa aklat-talaan katapat ng pangalan ni Barrientos
Mrs. Cruz: Lahat ng proyekto nyo sa akin ngayon ay ipasa na ngayon din at lahat ng absent at di
makakapasa ay zero agad.
Pinagpatuloy muli ni Mrs. Cruz ang pagtatawag ng pangalan at hindi binigyan ng pansin muli ang lalaki
sa labas ng silid-aralan.
SCENE 4
Loob Silid-aralan Breaktime
Grupo ng estudyante ang nag-uusap
Student 1: Uy alam nyo ba si Grace nag-stop na?
Student 2: Oo nga eh, ano daw ba ang dahilan?
Student 3: Family problems daw tas sabayan pa ng problema nya sa subject ni Mrs. Cruz
Student 4: Sayang naman isang taon nalang magkokolehiyo na tayo ih
Student 2: Naku sinabi mo pa, pag ako talaga naging guro at naging estudyante ko ang mga apo ni
Mrs. Cruz ipaparanas ko sakanila ito ginagawa nya sa atin.
Student 1: AHAHAHAHA ako din, kahit apo pa ng apo nya
All: AHAHAHAHAHAHAH
Habang tumatawa ang mga kababaihan, makikita ang isang lalaki sa papalapit kay Mr. Barrientos na nasa
bandang likuran ng mga kababaihan
Josh: Mark, pare okay ka lang?
Mark: May nangyari kasi sa bahay tapos na-late din ako ng gising. Di ko naman kasi ine-expect na
mangyayari ‘to.
Napapabuntong hiningang sagot ni Mark kay Josh
Josh: Pag ako naging guro di ko gagayahin yung ginagawa satin ni Mrs. Cruz di tulad ng iba dyan ang
kikitid ng isip nais pa atng iparanas sa magiging estudyante nila ang empyernong ito
Sinadyang bigyang diin at laksan ang pagkabikas ng mga salita upang margining ng grupong nasa
harapan nila.
Kiming ngiti lamang ang naging sagot ni Mark kay Josh.
SCENE 5
Labas Bahay Hapon
Ipapakita ang pagdating ng tricycle na kinalalagyan ni Mark at ang pagbaba nito. Binuksan nito ang gate
ng apartment na kanyang tinitirhan.
Loob Bahay Hapon
Ipapakita ang pagbukas ng pinto at pagpasok ni Mark sa kanyang apartment. Kinakain ng katahimikan
ang kwarto, kulay puti ang dingding at napaka konti ng gamit.
Ibinaba ni Mark ang kanyang bag sa higaan at umupo, makalipas ang ilang minuto tumunog ang kanyang
alrm clock na nakalagay sa maliit na lamesa katabi ng kanyang higaan. Kasabay ng pagtunog ng alrm
clock ay ang pagtunog din ng kanyang phone tanda na kailangan na nyang uminom ng gamut. Tumayo si
Mark at naglakad papunta sa kanyang maliit na hapag kainan katabi ng kanyang aparador. Kinuha nya
ang garapon ng gamot saka kumuha ng isang tablet at ininum. Nahagip ng mata ni Mark ang kutsilyo,
kanya itong kinuha at pinakatitigan.
SCENE 6
Loob Silid-aralan Tanghali
Nagtuturo
Teacher: Why are students vulnerable to depression?
Paused… tumingin ang guro sa mga estudyante
Teacher: it is because students, especially teens, face challenges, pressures and anxieties that can cause
them to have too many things they have to deal with.
Ipapakita si Mark na walang ganang nakikinig at halata sa mukha nito na walang pumapasok sa kaniyang
isipan.
Teacher: For example, dun sa mga students na malayo sa kanilang pamilya, di lang dahil sa nalalayo sila
ay dahil din dagdag trabaho sa kanila ang mga gawaing bahay. They’re adapting new schedules and
workloads. And dealing with this sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga ninyo it can trigger or
unmask depression.
Nagtaas ng kamay ang isang estudyante na kanya ding tinawag
Student 1: Sir! Pano po namin malalaman kung yung tao is already experiencing depression?
Teacher: Good question, simple lang. kapag ang bata ay laging nakakaranas ng matinding lungkot at galit
sa maliliit na bagay. Kapag nawawalan narin sya ng gana na gawin ang mga gawaing kanyang madalas
gawin. Negative changes in academic performance, laging sinisisi ang sarili sa mga bagay na hindi naman
nya kasalanan talaga, at feelings of worthlessness. Nahihirapang mag concentrate at higit sa lahat ay
madalas o paulit-ulit na pag-iisip ng pagpapakamatay o pagtangkang saktan ang sarili.
SCENE 7
Loob Silid-aralan Umaga
Derederetsong pumasok ng silid-aralan si Mrs. Cruz
Mrs. Cruz: Get 1 whole sheet of paper we will be having a surprise quiz.
Students: Maaaaaaaaaaam!
Mrs. Cruz: Quiet! Baka gusto niyong taraan ko ang inyong mga pangalan at automatikong bagsak.
Nilabas nito ang pulang bolpen galling sa kanyang bulsa sabay bukas ng kaniyang aklat-talaan.
Mrs. Cruz: Sino may angal just raised your hand.
Walang nagawa ang mga estudyante kundi ang maglabas ng bolpen at papel. Hingian duon hingian dito
sapagkat marami sa kanila ang walang dalang papel.
Mrs. Cruz: Ano ba iyan? Hingi kayo ng hingi wala ba kayong mga pera pambili ng gamit nyo? Wala nang
magpapahirap at magbibigay ng papel. Okay number 1.
At nagsimula na ngang magtanong ang guro ngunit makikita nating si Mark ay hinahalughog ang
kaniyang bag. Ang papel ay nakalagay na sa kaniyang mesa ngunit wala siyang magamit ng bolpen. Ang
nakita nya lamang ay pulang bolpen kanya itong ginamit dahil nagsisismula nang magtanong ang
kanilang masungit na guro.
SCENE 8
Loob Silid-aralan Pagkatapos ng pagsusulit
Mrs. Cruz: Pass all your papers; I’ll be the one who will check that.
Nagsipasahan sila ng papel. Lumunot ang noo ni Mrs. Cruz ng makita ang isang papel na kulay pula ang
tinta na ginamit
Mrs. Cruz: Mr. Barrientos bat pulang bolpen ang iyong ginamit? Guro ka ba? Minus 10
Mark: Pero ma’am
Mrs. Cruz: Walang pero pero. Dismiss.
Matapos umalis ni Mrs. Cruz nilapitan ni Josh si Mark at kinausap.
Mark: Namumuro na sa akin yang si Mrs. Cruz haah! Eh sa wala mahanap na panulat tas sabi nya bawal
manghiram kainis.
Josh: intindihin mo nalang, ganyan daw yan si Mrs. Cruz sabi ng mga dati nyang students.
Napatayo sa kinauupuan si Mark dahil sa sobrang inis
Mark: Anong intindihin?! Akala ko ba sila ang pangalwa nating magulang at pangalawang tahanan natin
ang paaralan, bakit nila tayo pinapahirapan? Imbis na tulungan nya tayong umahon eh sya pa ang humihili
sa atin pababa! Oo nga’t sini-symbolize ng pulang bolpen nay an ang authority ng isang guro ngunit hindi
ba sapat sa kanya na tama ang mga sagot ko dun?!
Padabog na umupo si Mark at nanahimik. Bakas naman sa mukha ni Josh ang pagkagulat sapagkat kilala
niya si Mark bilang isang tao na may mahabang pasensya. Napansin din nya na napapaikutan ng gasa ang
kanang pulso nito. Tatanungin nya sana ito ngunit dumating na ang sunod nilang guro. Wala siyang
nagawa kundi ang bumalik sa kinauupuan at iniwan ang tahimik na si Mark. Tiningnan nya muli ito at
naglakad nang muli pabalik.
SCENE 9
Malakalipas ang ilang lingo ay lagging napapansin ni Josh na palaging tulala si Mark sa klase kung di
naman ay lagging liban at umiiwas sa kanya.
SCENE 10
Loob Silid-aralan Hapon
Nilapitan ng isang estudyante si Josh at kinausap
Student 1: Uy Josh, tatlong araw ng hindi pumapasok si Mark dahil ikaw naman ang pinaka-close nya eh
baka alam mo ang dahilan. Pasabe rin na malapit na yung report namin at kailangan sya dun.
Josh: Di ko nga din alam ih. Pupuntahan ko sya mamaya sa apartment nya para kamustahin.
Student 1: Sige.
SCENE 11
Loob Apartment Hapon
Makikita si Mark na nakaupo sa kama at tulala nang tumunog ang alarm clock nito at phone tanda na
kailangan na niyang uminom ng gamut. Lumapit siya sa kanyang lamesa at kinuha ang garapon ng
kanyang gamut. Kumuha sya ng isang tableta at ininom ito, habang umiinom ng gamot nagflashback sa
kanyang isip ang nangyari ng nakaraang linggo.
[FLASHBACK 1]
Loob Principal’s office Hapon
Nag-uusap ng nakaupo sina Mark at ang principal, tanging ang lamesa lamang sa gitna ang nagbibigay
distansya sa kanilang dalawa.
Mark: Good afternoon po ma’am, bakit nyo po ako pinatawag?
Mababakasan ng takot ang boses ni Mark
Principal: It is about your academic performance, your subject teachers reported me na lagi kang tulala at
di binibigyan ng pansin masyado ang kanilang klase. Napapabayaan mo na ang iyong pag-aaral. And I’m
afraid na pag nagpatuloy pa ito baka mawalan ka ng scholarship.
[KASALUKUYAN 1]
Makikitang kumuhang muli ng tatlong tablet si Mark at kanya itong ininom
[FLASHBACK 2]
Loob Apartment Gabi
Matapos kausapin ng principal si Mark umuwi sya sa apartment nya upang ibalita ito sa kanyang
magulang
(ON PHONE)
Mama: Hello, bakit ka napatawag?
Mark: Hello ma, miss ko na po kayo
Maririnig sa kabilang linya na may nagsisigawan na parang may galit kung kanino man at nasisigurado
nyang ang ate at ang asawa na naman nito ang nag-aaway
Mama: Oh? Bat ka nga napatawag? May ginagawa ako.
Mark: Tungkol po kasi sa scholarship ko.
Mama: Anong meron?
Nawala ang sigawan sa kabilang linya paniguradong lumabas ng bahay ang mama nya
Mark: Baka po kasi matanggalan ako ng scholarship ma.
Mama: Ano?! Pag-aaral na nga lang ang inaatupag mo dyan hindi mo pa maayos?!
Mark: Hindi naman sa ganun ma. Nahihirapan lang kais akong mag-adjust tas…
Mama: anong nahihirapan? Naiisip mo ba kami dito ng papa mo na naghihirap na magtrabaho para
makapag-aral ka lang. Gawan mo nang paraan yan.
[KASALUKUYAN 2]
Makikitang kumuhang muli ng maraming tablet si Mark at ininom ito. Paulit-ulit niya itong ginawa
hanggang sa maubos niya ang laman ng garapon.
Paatras na umupo pabalik si Mark sa kanyang higaan, ang pawis sa kanayng mukha at leeg ay namumuo
na, nanginginig ang kanyang mga kalamnan.
Siya ay tumayo at naglakad-lakad habang pinupunasan nito ang sariling pawis gamit ang kamay.
Ang kanyang paghinga ay bumibigat na at lalong uminit ang kanyang pakiramdam.
SCENE 12
Labas Sakayan Hapon
Makikitang sumakay ng tricycle si Josh papunta sa apartment na tinitirhan ni Mark
SCENE 13
Loob Apartment Hapon
Maririnig na ang mahihinang daing ni Mark sa bawat sulok ng kuwarto dahil sa labis na sakit, pagkahilo
at init na nadarama. Humawak sa kanyang tiyan dahil sa pananakit nito at pinipilit ang sarili na isuka ang
mga gamot ngunit puro laway lamang ang lumalabas sa kanyang bibig.
Natumba siya sa sahig at duon umiyak at dumaing dahil sa sobrang sakit na lumukob sa buo nyang
katawan.
Labas Apartment Hapon
Makikitang bumaba ng tricycle si Josh at dumiretso sa my pinto ng apartment ni Mark
Josh: MARK!!! Tao po.
Sabay katok, walang sagot na nakuha si Josh bagkus ay narinig niyang may dumadaing at umiiyak sa
loob.
Loob Apartment Hapon
Makikitang unti-onti nang namumuo ang bula sa bibig ni Mark. Siya ay nangingisay sa sahig at parang
umuubo ang bahagyang nakabukas na labi.
Labas Apartment Hapon
Josh: MARK!!! Anong nangyayari? Buksan mo ang pinto
Sabay kalampag ng pinto, ng hindi makatiis tinawag niya ang landlady upang buksan ang naka-lock na
pinto ni Mark.
Pagkabukas ng pinto bumulaga sa kanya ang nakahandusay na si Mark sa sahig. Kanya itong dinaluhan
Josh: Mark!!! Look at me! Wag kang pipikit.
Lumingon si Josh sa landlady para humingi ng tulong
Josh: Tumawag po kayo ng ambulansya
Agad humugot ng telepono ang landlady at tumawag ng ambulansya.
Binalik muli ni Josh ang kanyang paningin kay Mark ng makita niyang unti-onti nang pumipikit ang mga
mata nito.
Loob Apartment Hapon
Mark’s POV
Unti-onti nang nanlalabo ang aking mga mata hindi ko narin maramdaman ang sakit na kanina ko pa
nararamdaman. Ang mga talukap ng aking mga mata ay bumibigat na at unti-onti na nang pumipikit ang
aking mga mata. Ngunit ipapangako ko sa aking sarili
Mark: Magpapahinga lang ako saglit, babalik ako
Sa isip-isip ni mark…..
Blacked out

[END OF FLASHBACK]

KASALUKUYAN
School Pasilyo Umaga
Mark’s POV
Narito ako ngayon sa isang pasilyo, pinagpatuloy ko ang aking paglalakad papunta sa isang silid.

School Silid-aralan Umaga


Nang makapasok sa loob ng silid si Mark ay hindi sya binigyan ng pansin ng mga estudyanteng maiingay
at nagdadaldalan. Pumunta sya sa may bandang dulong likod ng silid. Pinapanuod niya ang mga
estudyante. Tumahimik lamang sila ng may pumasok na guro sa loob.
Guro: Good morning class.
Students: Good morning sir Josh.
Si Josh ang guro nila, makikita ang malaking pagbabago sa katawan at itsura ni Josh. Samantalang ganun
parin ang itsura ni Mark katulad ng dati. Walang pagbabago, dahil hindi naman talaga nagbabago ang
itsura ng multo.
Ipapakita na nagchecheck ng attendance si Josh gamit ang pulang bolpen.
Voice-over ni Mark: Pain is only temporary but the decisions we make are final. Hindi na natin pang
mababago ang bawat desisyong ating ginagawa.

[flash back]

Ipapakita ang pagdating ng pamilya ni Mark sa purinarya. Humahagulgol ang lahat habang binubuksan
ang putting kumot na nakatabon sa bangkay ni Mark. Nang maibaba ito halos mabuwal sa kinatatayuan
ang kanyang ina at umatungal ng pag-iyak.
[habang ipinapakita ang pangyayari sa purinanrya ay may nagsasalita}
Voice-over ni Mark: Alalahanin ang pamilya at mga kaibigan na maiiwan at magdudusa dahil sa ginawa
nating desisyon na kahit naisin man nating bawiin ay hindi na magawa
[balik sa loob ng silid]
May gumulong na pulang ballpen papunta sa paanan ni Mark. Pinulot ito ng isang estudyante at
pinakatitgan. Nakikita ni Mark ang kanyang sarili sa estudyante.

VO: Siguro nga ay huli na para sa akin ngunit hindi pa huli ang lahat para sa iyo.
Bumalik sa kinauupuan ang estudyante at ito naman ay sinundan ni Mark at pinakatitigan.

[habang sinusundan ang bata]


VO: Hindi ito isang malungkot na kwento, dahil itong kwento na ito ay hindi tungkol sa akin, kundi ay
sa iyo. At kahit hindi mo man makita, mayroong nanunuod, nakikinig at nag-aalala sa iyo
[ipapakita si josh] kaya wag mong ulitin ang pagkakamaling nagawa ko. Huwag kang susuko

[Tinitigan ni Mark ang estudyante. Nang makaupo ito lumuhod sya sa gilid ng upuan nito upang sila ay
magpantay. Nasa harap lamang ang buong atensyon nito]
VO: At kung malapit ka nang sumuko at hindi mo na kayang harapin pa ang lahat lagi mong tatandaan
hindi ka nag-iisa. Nandyan Siya sa taas at nanunuod. Ang ating dakilang guro, si Jesus, alam niya
kung paano makinig hindi ka nya huhusgahan at walang pagtatarang mangyayari sa bawat
kasalanang iyong magagawa.
[tatayo si mark at lalabas ng silid]
VO: Para tayong pulang bolpen, sadyang kay liit ngunit malupit, kaugnay na ito ng ating dugo’t laman.
Ang bawat salitang binibitawan mo ay magiiwan ng pulang marka sa isip at puso ng isang tao. Na
maaring pagmulan ng digmaan ng damdamin ng isang tao at sa huli ay paganib.
[naglaho sa liwanag si Mark]

You might also like