You are on page 1of 9

DETALYADONG BANGHAY ARALIN

SANHI AT BUNGA

BAITANG V

I. Layunin

Sa katapusan ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:

 Natutukoy kung ano ang sanhi at bunga.

II. Paksang-Aralin

Paksa – Sanhi at Bunga

Kagamitan – Libro ng Kaalaman, Mga piraso ng papel at Mga Larawan

Sanggunian – Gabay ng Guro sa Panturo ng K-12 Filipino V

Pagpapahalaga – Napapahalagahan ang Sanhi at Bunga ng Pangyayari

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng upuan at sarili
4. Pagtala ng Liban
5. Paglalahad ng mga alintuntunin

Mga Alintuntunin sa Loob ng Silid Aralan:

 Una, pumasok ng nasa tamang oras.


 Pangalawa, kung maaari iwasan ang pagliban sa klase.
 Pangatlo, huwag mag ingay at makinig kung may nagsasalita sa harapan.
 Pang apat, panatilihin ang kalinisan sa loob ng silid aralan.
 Pang lima, kung may tanong, huwag agad mag salita. Itaas lamang ang
inyong kamay.
 Pang anim, sundin lahat ng alintuntunin. Naiintindihan ba mga bata?

6. Pagbabalik-Aral

Tungkol sa pandiwa

7. Paghahawan ng Balakid

Guro: Ipakita sa klase ang “Libro ng Kaalaman” na kung saan makikita ang mga
salitang Paaralan, Eskinita, at Abogado.

Libro ng Kaalaman

Salita: Paaralan Kahulugan:

Ito ay isang pook kung


saan nag-aaral ang isang
mag-aaral.

Pangungusap:

Inakbayan siya ni Keven


at sabay silang pumasok sa
Paaralan.
Salita: Abogado Kahulugan:

Isang tagapagtanggol,
taong pinagkalooban ng
lisensiya upang
makapagbigay ng payong
legal.

Pangungusap:

Si Mark ay isa ng ganap


na abogado.

Salita: Eskinita
Kahulugan:

Ito ay isang maliit na


daanan na napapagitnaan ng
mga bahay o estraktura.

Pangungusap:

Nakita niya ang


kanyang kaklase na
binubugbog sa eskinita.
8. Pagganyak
 Ipapaikot nang guro ang isang lollipop o tsokolate habang may
musika.
 Kung ang kanta ay hihinto, hihinto rin ang pagpapaikot ng
lollipop o tsokolate. Kung sino man ang estudyante na
nakahawak sa tsokolate o lollipop ay siyang bubuo sa larawan
na di naka ayos.
 Ngayon, kung masasaayos niya ito ng tama, ang tsokolate o
lollipop na kanyang hawak ay mapapasakanya, Ngunit kung
ito’y mali, magpapatuloy ang kanta at ipapaikot muli ang
tsokolate o lollipop.

9. Pagganyak na Tanong

Tanong: Alam niyo ba na may kilala akong abogado na nag-aaral dito sa Golden
State College dati? Sino dito ang gustong maging isang abogado?

B. Panlinang na Gawain
1. Ilalahad ang maikling kwentong ginawa na pinamagatang “Ang Eskinita”
SI MARK NA TAHIMIK

Sa Lungsod ng General Santos, may isang binata na nag ngangalang Mark,


tahimik ngunit matalino. Isa rin itong paboritong estudyante ng mga guro sa Golden
State College Araw ng lunes, araw ng pasok. Isang tahimik na araw lang kay Mark,
ngunit sa pag pasok niya may nakita siya sa eskinita, isang kaklase na binubugbog
nang isa pa nitong kaklase.

Nasa gilid lang siya, takot na takot at nananahimik lang. Di niya namalayan
nakalapit na pala si Keven, ang lalaking nambogbog sa kapwa niya kaklase na si
Owen.

"Wag kang magsusumbong kahit kanino kung ayaw mong mabugbog din kita"
ani ni Keven. Inakbayan siya nito at sabay silang pumasok sa paaralan. Labis ang
pagtataka ng kanilang kaklase dahil ni minsan di sila nito nag usap, at di sila
magkaibigan. Tulala lang si Mark, di niya pansin ang mga matang nagtatanong at
nagtataka. Tila wala siya sa sarili na umupo sa kanyang upuan. Ang isip ay naiwan sa
eskinita kung saan ang kaklase ay duguan.

Natapos ang klase na walang imik si Mark. Umuwi siya at dinaanan ang eskinita.
Wala na ang kaklase niya doon. Dumaan ang mga araw na di na pumapasok si Owen.

"May nakaka-alam ba dito sainyo kung bakit di na pumapasok si Owen?"


Tanong nang kanilang guro. Di makatingin si Mark sa guro at mga kaklase, naka yuko
lang ito at tahimik. Lumipas ang isang buwan, nabalitaan na lang nila na nagpa
kamatay si Owen, labis ang lungkot na nadarama ng lahat. Walang nakaka-alam kung
ano ang dahilan, maliban kay Mark.
Di masusukat ang pagsisi na nadarama ni Mark. "Kung sana nagsumbong ako
sa aking guro, kung sana may sinabihan ako, kung sana lang di ako nanahimik, di sana
mangyayari ito" Wari nito sa kanyang sarili.

Kinabukasan, pinuntahan niya ang kangyang guro sa paaralan at kina usap dahil di na
nakayanan ng kanyang konsensya. Sa huli, napaalis si Keven sa paaralan.

Ito'y tumatak kay Mark, kaya simula noon, ang lahat na anumalyang nakikita niya, di na
siya nananahimik. Sa ngayon, si Mark ay Isa ng ganap na abogado.

Gabay na tanong:
 Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento?
 Ano ang dulot ng pananahimik ni Mark?
 Ano kaya ang mangyayari kapag sinabi agad ni Mark sa kanyang
guro ang nangyari?
 Ano ang aral na nakuha mo sa kwento?

2. Pagtatalakay

Itatalakay ang sanhi at bunga, at mga halimbawa.

Ay tumutukoy sa pinagmulan o
SANHI dahilan ng pangayayari

Ang resulta o kinalabasan ng


BUNGA pangyayari.
na ito pumapasok sa paaralan.
HALIMBAWA Binugbog ni Keven si Owen kung kaya't di

SANHI
Binugbog ni Keven si Owen.

BUNGA
Di na pumapasok si Owen sa Paaralan.

3. Pagsasanay

Ibigay ang sanhi at bunga ng mga sumusunod

1. Si Luffy ay nahuli sa klase dahil natagalan ito sa pagkain.

2. Labis ang pagsasanay ni Zoro sa espada kung kaya’y nanalo siya sa


paligsahan.

3. Tinuroan nang mabuting asal si Ace at dahil dito, lumaki siya na


magalang.

4. Si Avril ay di nakagawa nang takdang aralin, kaya siya napagalitan


nang kanyang Guro.

5. Hindi naka pag-aral si Alyssa sa asignaturang math, kaya siya


bumagsak.

C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat

Ulitin ang pagtatalakay sa paksa upang malaman kung lubos na


naintindihan ng mga mag-aaral ang mga ito.
Kabuuang tanong:

Ano nga ulit ang sanhi at bunga?

2. Paglalapat

 Hatiin sa apat ang klase at ang bawat pangkat ay magtatala nang


lider.
 Ang guro ay magbibigay ng larawan sa bawat pangkat. Ang bawat
larawan ay bibigyan nila ng sanhi at bunga.
 Ipapakita ng lider sa harapan ang ng klase ang mga larawan at
babasahin ang mga sanhi at bunga na nagawa basis a larawan.
 Ang bawat pangkat ay may limang minuto para taposin ito.

Mga Larawan
IV. Pagtataya

Panuto: Ibigay ang bunga ng mga sumusunod.

1. Palaging nagsisipilyo si Elyas.

2. Mahilig uminom nang softdrinks at kumain nang chichirya si Jazelle.

3. Hindi nakikinig sa klase Joanna.

4. Hindi nag-aral si Jessa sa papalapit na eksam.

5. Pagtatapon ng basura sa ilog.

Panuto: Ibigay ang mga sanhi ng mga sumusunod.

1. Hindi mabaho ang hininga ni Elyas.

2. Nagkaroon UTI si Jazelle.

3. Hindi nakasagot sa tanong ng guro tungkol sa kanilang deskusyon.

4. Mababang marka ang nakuha ni Jessa sa Filipino.

5. Namamatay ang mga isda sa ilog.

V. Takdang Aralin

Gumawa ng limang Sanhi at Bunga base sa sariling karanasan.

You might also like