You are on page 1of 1

Christyl Shanne F.

Ranile

12 – Br. Guy Consolmagno Bb. Lynn Lauro

Paglalayag sa Puso ng Isang Bata

ni Genova Edroza Matute

Isang araw napa-isip ang guro sa kanyang isang mag-aaral na inilarawan niya
ang batang ito bilang pinakamaliit at pinakapangit sa kanyang mga mag-aaral. Ayon
sa guro, iba nag kanyang pamamaraan sa pagsasalita at siya ay nagpakilala na taga
ibang pook. Subalit ang batang ito ay tila napakamasipag at napakamatulungin. Siya
ang pinakahuling umaalis sa silid-aralan sapagkat naglilinis muna siya at tinutuwid ang
mga upuan. Pagkatapos niyang gawin ang mga ito ay nagpapaalam muna siya sa
guro bago umuwi sa kanila. Kinalaunan, nalaman ng guro na siya ay isang ulilang bata
na namamasukan bilang katulong. Gumawa ng paraan ang guro upang mapasaya
ang bata. Tinatawag niya ito sa klase, inuutusan na maglinis at binibilhan niya ng
pagkain. Di nagtagal napalapit ang kanilang loob sa isa’t-isa. Dumating ang araw na
uminit ang ulo ng guro kaya paglapit sa kanya ng bata ay nasigawan niya ito at
napagsabihan ng masasakit na salita. Nasaktan ang damdamin ng kaawa-awang bata
at bumalik nanaman siya sa dati, isang malungkot at tahimik na mag-aaral. Paglabas
niya sa silid aralan ay hindi na niya binate ang guro ng “Goodbye Teacher”.
Nabagabag ang guro sa mga kilos ng bata at hindi siya mapakali. Isang hapon, nakita
ng guro ang bata na nakadungaw sa may pintuan ng silid-aralan at nagsambit muli
“Goodbye Teacher”. Kahit ano pa man ang nangyari ay hindi nakalimutan ng bata ang
mga mabuting nagawa ng kanyang guro sa kanya. Napagtanto ng guro na ang
kanyang mabuting mag-aaral ay naging guro din niya sa buhay.

You might also like