You are on page 1of 4

TAGATAC, ALVIN JAY A.

BSCpE 3-2

PAGSUSURI

I. Pamagat ng Katha at may Akda

“Paglalayag sa Puso ng isang Bata” Genoveva Edroza-Matute


II. Buod ng Katha

Ang paggunita ng guro sa isang batang kanyang naging mag-aaral.  

Isang batang lalaki na maitim, may kaliitan at may kaitiman, siya ay walong taong gulang pa lamang na
bata noon. Isang batang buhay na buhay sa kanyang mga alaala, ang di pagkalimot sa mukha nito at
pangalan nito at higit sa lahat ang isang bagay na itinuro nito sa kanya. Siya na isang guro ngunit siya ang
naturuan ng munting bata. Isang batang pinakamaliit sa klase, at isa na din sa pinaka di maganda doon.
Isang batang may pipis na ilong na lubhang kapansin-pansin kung sino man ang titingin ay mahahabag
dito. Kahit ang pagsasalita nito ay iba at ito ay may punto sa paraan ng pagsasalita. Ngunit ang batang na
ito ay kaibig-ibig sapagkat ang batang ito ay nagpapa-iwan tuwing hapon at ito din ang pinaka huling
umalis. Ang batang ito ang nagliligpit ng mga naiwang panlinis at mag aayos ng klase. At sa huli nga ito
ay magpapaalam sa kanya at sasabihing “Goodbye Teacher”

Sa simula ang pagtataka ng guro sa gawi ng bata, isang mahiyaing bata na madalas ay pahuli sa kanyang
mga kasamahan. Ngunit sa huli kanyang napagdugtong-dugtong ang mga ito.

Ang bata ay isang ulilang lubos na lumuwas upang maging utusan. Sa araw siya ay nag-aaral upang
makasama sa pagpasok at pag-uwi ang anak ng kanyang amo.

Ang pagkaramdam ng guro ng kalungkutan para sa bata, sapagkat gusto niyang makitang masayang
nakikisalamuha ang batang iyon sa iba.

Ang paggawa nito ng maliliit na bagay para sa guro ay isang kasiyahan na para sa bata. Sapagkat sa
batang ito ang mahalaga dito ay mayroong nagmamahal.

Hanggang sa magkaroon ng isang pangyayari, mainit ang ulo ng guro kung kaya marami siyang mga
salitang nasabi na hindi dapat. Nakalimot siya sa maaring maramdaman ng bata, ang kalungkutan nito.
At ang kagustuha nito na may nagmamahal dito.

Gayun man ang bata ay patuloy pa din sa mga gawain nito sa loob ng ng klase. Ang pagliligpit ng mga
panlinis, pag-aayos ng mga upuan at ag paghihiwalay nito ng kanyang tsinelas ngunit ang bata ay hindi
tumitingin sa kanya katulad ng dati. Naiisip ng guro na ang bata ay napopoot sa kanya. Umalis ang bata
ng tahimik at ang kanyang mga yabag ay mabibigat. Ngunit biglang bigla ang bata ay bumalik upang
magsabi ng “Goodbye Teacher”, pagkatapos ay umalis itong muli.  

Natulala ang guro sa mga sandaling iyon. Ang bata ang kanyang naging guro sa mga sandaling iyon.
Nagbigay sa kanya ng munting leksyon na dala niya hanggang sa siya ay nabubuhay.
III. Pagsusuri

A.Uri ng Panitikan

Ang kathang Paglalayag sa Puso ng isang bata ay isang halimbawa ng maikling kwento kung saan
ipinapakita ang samahan ng isang guro at kanyang estudyante. Maliwanag na ang kathang ito ay
napakalaking ambag sa Panitikang Pilipino lalo na at ito ay patungkol sa pagkakaibigan samahan at
maging ang edukasyon ay nasasalamin din dito.

B.Istilo ng Paglalahad

Ang  naging paraan ng paglalahad sa akdang na ito ay sa pamamagitan ng pagsasalaysay.Isinasalaysay ng


guro ang kanyang nagging karanasan kasama ang kanyang estudyante.
Sa paraang ito ay parang ikinukwento mismo ng tauhanan ang kanyang karanasan habang iyong
binabasa ang akda. Maiisip at malalaman natin ang paglalarawan ng tauhang nagsasalaysay sa
pamamagitan ng bawat galaw kilos at katangian ng kanyang mga nasa paligid. Kasama na din ang
eksatong itsura ng batang kanyang inilalahad bilang isang esrudyante.

 Paraan ng Paglalahad ng Kaisipan

Ang  paraan ng paglalahad ng kaisipan ng may akda ay sa pamamagitan ng istilong pagbabalik-tanaw


kung saan ang guro ay inaalala ang mga naging karanasan niya kasama
ang kanyang batang estudyante na kanyang inilarawan bilang pinakamaliit at pinaka pangit sa buong
klase. Mayroon itong pinupunto na ang batang kanyang estudyante ay galing sa ibang lugar.

 Mga Tayutay

1. PAGTUTULAD
 Ang kanyang mga mabibigat na yabag ay parang isang matandang pagod.
2. ALITERASYON
 Sa’kin ay mananatili siyang batang may kaliitan at kaitiman.
3. METAPOR
 Ang kanyang “Goodbye Teacher”sa pintuan ay tumataginting.

Maikling paliwanag sa mga tayutay na hinalaw

1.PAGTUTULAD- pagtutulad sa paghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao,


pangyayari at iba pa.

2.ALITERASYON- isang uri ng tayutay na gumagamit ng pag-uulit ng unang ponema ,


titik o tunog upang magbigay ng kakaibang punto o istilo.

3.METAPOR-  deretsang inihahambing sa isang bagay at hindi ginagamitan ng mga


salitang tulad ng at parang.  
IV. Sariling Reaksyon

A. Mga Tauhan

Guro siya ay napakahusay na guro sapagkat sinikap niyang baguhin ang ugali ng batangmahiyain
patungo sa isang batang palaging masayahin, Gumagawa siya ng paraan at sinusubukan ang laht
ng kanyang makakaya upang mapakitunguhan at makuha ang loob ng bata. Ngunit ang kanyang
pagkakamali na ituon sa bata ang galit at init ng kanyang ulo ang siyang muling nagdala at
nagtulak upang bumalik ang bata sa kanyang dating gawi na mahiyain at pagiging malungkot.

Bata siya ay hindi laki at galing ng lungsod ngunit kamangha mangha ang kanyang kagustuhan
upang matuto at mag-aral. Hindi man siya galing ng lungsod at malaki ang kaibahan niya sa iba
hindi ito naging hadalang sa pagsisikap niya sa pag-aaral pinakita niya ang kanyang kasipagan
kahit sa paraan ng pagtulong at paglilinis na kadalasan niyang ginagawa upang tulong din sa
kanyang guro.

B.Istilo ng Awtor

Ipinapakita ng awtor ang positibong aspeto ng guro sa kanyang estudyante ang simpleng pakikisalamuha
at pag ngiti at pagkakaroon ng magaan na loob sa kasamahang may karamay at kung papaano
nagkakaunawan ang puso at isip ng isang bata at ng isang guro.

C.Galaw ng Pangayayari

Sinimulan ang kwento sa pagbabaliktanaw ng isang guro mula sa di malilimutang kaganapan sa kanyang
buhay kung papaano niya natunghayan at nalaman ang buhay ng isang batang estudyante at ang
katatagan nito bilang isang bata. Sinubukan ng guro na bahiran ng ngiti at baguhin ang pananaw ng bata
ngunit natapos ang kwento sa pagkakamali ng guro na nagpabalik sa dating malungkot at mahiyaing
bata.

Bisang Pampanitikan

A.Bisa sa Isip

Ang akdang ito ay naangkop sa mga guro dahil inilalathala sa kwentong ito ang magkaibang uri ng
samahan ngunit makikita mo rin dito na dapat ang guro ay hindi nagpapadala sa bugso ng damdamin at
iwasang dalhin ang sama ng loob sa kanyang mga estudyante dahil malaki ang maaring resulta nito sa
mga bata lalo na ang may madamdaming loob, maaring gamitin ang balyus sa pang araw araw na
dinadala at dinadamdam sa buhay upang makabunot ka ng lakas at walang masaktan o maapakang tao
na sino man.

B.Bisa sa Damdamin

Tunay na nakakapukaw damdamin ang kwento dahil ipinapakita dito na kahit ano ka pa naiiba ka man sa
kanila kung ang laman ng puso mo at uhaw mo sa pangarap at pagkatuto ang iyong susundin walang
imposible, ang batang malungkutin at mahiyain ay kaya palang baguhin ng isang guro patungo sa
pagiging masyahin na may guhit ng pagmamahal sa puso.

C.Bisa sa Kaasalan

Isang pagkakamali ang nagawa ng guro sa kanyang estudyante na nakapagpasakit sa damdamin nito,
ang isang pagkakamali na pag bubunton ng galit ang naging dahilan ng pagkawala ng kasiyahn sa isang
bata na naging dahilan ng lalo nitong kalungkutan. Marahil kahit na sino man ay isipin munang maigi ang
bawat salita na bibitiwan mo sa iyong kapwa lalo na kung ang salitang ito ay magmamarka ng sakit sa
iyong kapwa.

You might also like