You are on page 1of 9

Paglalayag sa Puso ng Isang Bata

Ni: Genoveva Edroza Mature

A. Buod

Isang batang tahimik, may kaitiman, pipis ang ilong, at natatawang


mukha kung pagmamasdan. Sa madaling salita ay isang batang pangit..
ganyan inilarawan ng guro ang kanyang mag-aaral sa simulang bahagi ng
kuwento ang bata. Napuna nag guro ang pagiging tahimik ng bata marahil
sa kalagayan nitop na isang ulila at upang makapag-aral ay naging isang
katulong sa kamag-anak. Madalas na inutusan ng guro ang bata mula sa
pagbili ng minindal at pag-aayos ng mga gamit niya. Nagkaroon ng tahimik
na pagkakaibigan sa dalawa hanggang sa ang bata ay nakikita na g guro na
nakikipaglaro at nakikihalubilo na sa kapwa nito mag-aaral at palagiang
nagsasabi ang bata “Good bye Teacher” sa kaniyang guro bago lumisan ng
paaralan. Nagawa na rin ng bata ang mga bagay na ipinagbabawal tulad ng
pag-akyat sa ipinagbabawal na gusali. Isang araw nakita ng guro ang bata
na nagpapalipat-lipat ito ng upuan at sa di inaasahang pangyayari ay
napagalitan ng guro ang bata na tila ba masasakit na salita na maaaring
manliit ang makaririnig siguro dahil sa hindi maganda ang araw ng guro
noong mga panahong iyon. Nalungkot ang bata dahil sa nangyari ay hindi
nagkibuan ang dalawa hanggang sa papatapos na ang klase ay patuloy
paring inayos ng bata ang mga upuan ng silid-aralan, maging ang sapatos
ng guro. Nag goodbye Teacher pa rin ang bata sa kanyang guro bago ito
umali. Noong mga sandaling iyon ay nasabi ng guro sa kaniyang sarili na
ang batang iyon ay may naituro sa kaniya aral na hindi niya malilimot dahil
tumimo na sa kaniyang isipan. Isang batang pangit na isang mag-aaral ang
minsang nagturo ng aral sa kaniyang guro.
B. Elementong Pampanitikan Batay sa Dulog Realistiko

Ang pagtuturo ng guro sa kaniyang mag-aaral ay karaniwang gawain


sa paaralan subalit sa kuwentong paglalayag sa puso ng isang bata ay
mababakas ang patunay na kung minsan ay ang mag-aaral ang nagtuturo
sa kaniyang guro na kung minsa’y hindi namamalayan ng guro lalo nan g
mag-aaral na isiniwalat sa kuwentong ito.

Ang pangunahing tauhan sa kuwento ang isang halimbawa na sa


tunay na pangyayari ay maaaring maturuan ng mag-aaral ang kaniyang
guro,aral na maaaring magpapabago sa paniniwala at isip ng isang guro. Sa
kuwentong ito ay tahasang ininilarawan ang mag-aaral sa kaniyang pisikal
na katangian subalit lumutang sa bandang huli ang katangiang taglay ng
bata na magkukubli sa pangit niyang panlabas na kaanyuan at iyon nga ay
ang pagpapakumbaba at pagpapatawad.

1. Uri ng Genre-Maikling Kuwento ng Tauhan

Ang bata sa paglalarawan ng kaniyang guro sa simulang bahagi pa


lamang ng kuwento ay makikilala na ang katangian at katangian na sa
huling bahagi na patunay lamang na ang tao ay hindi dapat tignan o
pagbatayan sa panlabas na anyo nito. katangian na malinaw na inilahad sa
kuwento na may busilak na kalooban ang bata at hindi siya mapagtanim ng
sama ng loob na malayong-malayo sa kaniyang pisikal na anyo na sa simula
ay binigyang-puna ng may-akda o guro sa kuwento. Napalutang ng may-
akda sa pamamagitan ng tauhan ang tunay na sukatan ng pagkatao ay hindi
makikita sa panlabas na kaanyuan kundi sa panloob na katangian ng isang
tao. Makikita ang patunay sa ibaba.

Isa siya sa pinakamaliit sa klase. At isa rin sa pinakapangit. Ang bilog at pipis
niyang ilong ay lubhang kapansin-pansin at tingnan lamang iyo’y mahahabag sa kaniya ang
tumingin. Kahit ang paraan niya ng pagsasalita ay laban din sa kaniya.

Isa siya sa pinakamaliit sa klase. At isa rin sa pinakapangit. Ang


bilog at pipis niyang ilong ay lubhang kapansin-pansin at tingnan lamang
iyo’y mahahabag na sa kanya ang tumingin
Kapuna-puna sa pahayag na may katotohanan na ang guro ay
maaaring may aral na makuha mula sa kaniyang mag-aaral at malinaw na
inilahad ito sa kuwento aral na kung minsan ay babago n gating paniniwala
sa mga pagkakataong hindi natin napupuna ang pagkakamaling ating
nagagawa sa ating kapuwa bilang nakatatanda ay maaaring ang aral na ito
ay maituro ng mas nakababata saatin, aral na dadalhin at gagamitin natin
hanggang sa pagpapatuloy ng ating buhay.

2. Paksang-Diwa o Tema

“ mabigat ang mga yabag habang papalabas ng silid ang bata..


bumalik siya at nasabing “Goodbye Teacher”.

Isang bahagi na nagpapakita ang pagpapatawad o pagpapakumbaba


ng bata sa kaniyang guro sa kabila ngnasabi nito sa kaniya, ang salitang
goodbye teacher na sinambit ng bata sa huling bahagi ng kuwento ay
nagpapatunay na naipadama sa guro na ang bata ay hindi nagtanim ng
sama ng loob bagkus ay nais niyang malaman ng kaniyang guro na siya ay
nahihiyang humingi ng tawad at hindi o wala siyang anumang sama ng loob
sa kaniyang guro. Salitang tumimo sa isip ng guro na ang pagpapakumbaba
ay naituro sa kaniya ng isang pangit na bata.

3. Banghay

Ang banghay ay tumutukoy sa nilalaman ng akda. Inilalarawan sa


bahaging ito ang paraan ng pagsisimula at pagwawakas ng akda.
Tinatalakay rin dito ang kinakaharap na suliranin, tunggalian at ang
kakalasan sa akda.

3.1 Simula

Paglalarawan sa batang mag-aaral ang naging simulang bahagi ng


kuwento ditto, ay inisa-isa ng may-akda ang katangiang pisikal ng bata.
Pinalutang niya ang mga katangiang panlabas ng bata upang maging mabisa
sa huling bahagi ang paglalarawan o tunay na katangian ng bata.

Isa siya sa pinakamaliit sa klase. At isa rin sa pinakapangit. Ang bilog at pipis
niyang ilong ay lubhang kapansin-pansin at tingnan lamang iyo’y mahahabag sa kaniya ang
tumingin. Kahit ang paraan niya ng pagsasalita ay laban din sa kaniya.
Napalutang ng manunulat ang katangiang pisikal ng bata gamit ang
mga pananalitang kung iisipin ay may kalabisan upang mailaran ang isang
bata at bilang isang tauhang guro na naglalarawan sa akda.

3.2 Suliranin

Nang ang guro ay nagalit at napagsabihan ang bata sa klase,


pangyayaring ikinabahala ng bata sapagkat may maayos na pakikitungo ang
bata sa kaniyang guro. Narito ang patunay.

Maiinit noon ang aking ulo, umagang-umaga pa, at ang hindi ko dapat gawin ay
aking ginawa-napatangay ako sa bugso ng damdamin. Hindi ko na nagunita ngayon kung
ano ang ginawa ng batang iyon na aking ikinagalit sa kaniya, ang pagsasalita ko sa
kaniyang upuan. Nalimutan ko ang kaniyang pag-iisa, ang kaniyang kalumbayan, ang
mabagal na paraan ng pag-akit at pagtiyak sa kaniyang siya’y mahalaga at minamahal.

Ang suliraning ito ay nagdulot ng malaking epekto sa kilos ng bata


mula ng siya ay mapagalitan ng kaniyang guro subalit sinikap parin niyang
kumunekta sa kaniyang guro upang maibsan ang mabigat na dalahin sa
kaniyang puso.

3.3 Tunggalian

Lumutang sa istorya ang tunggaliangtao laban sa sarili sa katauhan


ng guro sa pagkat malinaw na nakaramdam ng pagsisisi ang guro sa
kaniyang mga nasabi sa bata bagay na natural lamang sa isang taong likas
na may mabuting kalooban nakita sa kuwento na nakunsensya ang guro sa
kaniyang nagawa at dahil lamang ito sa matinding emosyon.

Ano ang ginawa kong ito? Ano ang ginawa kong ito? Tanong ko ng paulit-ulit
saaking sarili. Bukas… Marahil kung pagpipilitan ko, bukas…

Pagtatanong sa sarili, mga tanong na nagdudulot ng agam-agam sa


damdamin kung bakit ganoon ang kaniyang nararamdaman sa batang
itinuring niyang tila isang anak ngunit isa siyang guro marahil nahihirapan
siyang ibaba ang kaniyang lebel sa kaniyang mag-aaral.
3.4 Kasukdulan

Nang ang mag-aaral ay umalis na at hindi nagpaalam sa kaniyang


guro isang bahagi ng akda na kinasabikan ko bilang isang mambabasa
sapagkat tuwingaalis ang bata ay nagpapaalam ito, subalit nagkamali ako
buamlik ang bata upang mapgpaalam sa kaniyang guro.

Nagtungo siya sa pintuan at ang kaniyang mga yabag ay mabibigat na tila sa isang
matandang pagod. Sa loob ng maraming buwan ngayon lamang siya hindi lumingon upang
magsabi ng “Goodbye Teacher”. Lumabas siya ngtahimik at ang kaniyang mabibigat na
yabag ay lumayo ng lumayo.

Mabibigat ang mga yabag ng bata, ganito inilarawan ng may-akda


ang kalungkutang nadarama ng bata habang papalabsa ng silid-aralan.
Pangyayaring nagpasabik marahil sa mga mambabasa sa mga susunod pang
mangyayari sa kuwento.

3.5 Kakalasan

Nang ang bata ay bigla-biglang sumulpot sa pintuan upang


magpaalam sa kaniyang guro pangyayaring hindi inasahan ng guro sapagkat
alam niya sa kaniyang sarili na may sama ng loo bang bata sa kaniya.

Biglang-bigla, ang maitim at pipis na ilong ng bata’y nakita ko sa pintuan. Ang


mga mata niyang nakikipagsalubungan sa saki’y nagugulumihanang tingin. “Goodbye,
Teacher,” aniya. Pagkatapos ay umalis na siya. Nagbalik siya upang sabihin iyon sa akin.

Ang bahaging ito ay nagpapatunay na ang sulitranin sa kuwento ay


natapos na. naipakita ng manunulat na tapos na at naging matagumpay ang
bata upang matapos ito ang simplang pagpapalam ng bata sa kaniyang guro
ay patunay na tapos na ang kaniyang suliranin kahit hindi niya ito
namamalayan sa kaniyang pag-alis.

3.6 Wakas

Nasambit ng guro na ang batang iyon ay akniyang naging guro at


siya’y tinuruan nito. Pangyayaring bumago sa paniniwala ng guro na ang
batang iyon bilang kaniyang mag-aaral ay may naiturong aral sa kaniya.

Kung gaano katagal ako noon sa pagkakaupo, ay hindi ko na magunita ngayon.


Ang tangi kong nagugunita’y ang pagpapakumbaba ko sa kalakhan ng puso ng munting
batang yaon, nakatitinag ang kaniyang kaluluwa. Nang sandaling yaon, siya ang aking
naging guro.

4. Paglalarawang-Tauhan

Ang paglalarawan sa bata ang isa sa naging mabisang imstrumento


ng manunulat upang mailantad ang karakter nito sa huling bahagi ng
kuwento, narito ang patunay.

Isa siya sa pinakamaliit sa klase. At isa rin sa pinakapangit. Ang bilog at pipis
niyang ilong ay lubhang kapansin-pansin at tingnan lamang iyo’y mahahabag sa kaniya ang
tumingin. Kahit ang paraan niya ng pagsasalita ay laban din sa kaniya.

Walang pag-aalinlangang inilarawan ng guro bilangmanunulat ang


bata sa kuwento sa paraang makapagpapakilala rito ng mga katangaiang
maaaring hanapin ng mambabasa ang iba pang katangian ng bata sa
patuloy na pagbabasa ng kuwento.

Ang guro, bilang siyang nagsasalaysay sa kuwento ay mailalarawan


na isang mabuting guro sa kaniyang mag-aaral dahil na rin sa
pagbibigayniya ng atensyon kung sakaling naiiba ng tunguhin ang bata.
Nakita sa kuwento ang kaniyang pagsusumikap na matulungan ang bata sa
kabila ng kalagayan nito.

Nadama ko ang kakaibang kalungkutan: nais kong makita siyang


nakikipaghabulan sa mga kapuwa bata, umakyat sa mga pook na ipinagbabawal,
napapasuot sa mga kaguluhang bahagi ng buhay ng bawat bata.

Hindi man tahasang nailarawan ang karakter na mayroon ang guro


ay makikita naman ito mula sa paraan ng kaniyang pagsasalaysay.
Mapapansin agad kung babasahin na siya ay isang gurong may pakialam sa
kaniyang mag-aaral dahil sa kaniya ay nabago ang takbo ng pag-iisip ng
bata sa kuwento.

5. Tagpuan

Ang naging tagpuan sa kuwentong ito ay sa silid-aralan sa paaralan


nangyari ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay ng bata simula nang
siya ay napansin ng guro sa pagiging tahimik niya hanggang sa bigyan siya
ng gawain na makapagpapalapit sa kanyang guro hanggang sa nagwakas
ang kuwento. At dahil guro at mag-aaral an gang pangunahing tauhan ay
makikitang ang mga pangyayari ay sa paaralan magaganap.
6. Simbolo o Sagisag

Ang mahalagang pangyayari sa isang kuwento ay maaring ikinukubli


ng mga ginamit na mga simbolo sa isang kuwento na may malaking
kaugnayan sa itinakbo at mga pangyayari sa isang kuwento. Sa kuwentong
nabasa, Ang katangian na isang “pangit” na madalas na binabanggit sa
kuwentong nabasa ay sumasagisag sa katangian na hindi kaaya-aya sa
batang tauhan sa kuwento. Subalit dito mismong sa sagisag na ito ay
nakakubli ang tunay na katangaian ng isang bata. Sa huli ay nasabi ko
bilang isang mambabasa na wala sa panlabas na katangian ng isang tao
makikilala ang pagkatao kundi sa panloob nitong katangian.

7. Estilo

Ang bawat manunulay ay may kani-kanyang estilo o pamamaraan sa


pagsulat. Nagiging malikhain ang manunulat sa kaniyang estilo upang
makuha ang interes ng mambabasa. Sinimulan ng guro manunulat ang akda
sa pagsasalaysay na siya ay nasa kasalukuyang panahon bago niya ginunita
ang mga alaala nilang dalawa ng kaniyang mag-aaral. Naipakita ng
manunulat ang kahusayan sa pagdurugtong ng mga pangyayari hanggang
sa matapos ang kaniyang akda.

8. Kasiningan sa Paggamit ng Wika, Talinghaga, Pahiwatig na


Pananalita at Pangungusap.

Ang tayutay o mga matatalinghagang pananalita ay kalimitang


ginagamit ng mga manunulat upang bigyan ng kalayaan ng mga
mambabasa na mag-isip at magbigay ng kanilang pagpapalagay sa ibig
ipakahulugan ng mga salita o pangungusap. Hindi lantad ang
pagpapakahulugan ng mga salita o pangungusap. Hindi lantad ang
pagpapakahulugan nito ngunit mababanaag ito sa pamamagitan ng mga
susing salita o pangungusap na ginamit sa pagpapahayag.

Ang tangi kong nagugunita’y ang pagpapakumbaba ko sa kalakhan ng puso ng


munting batang taon, nakatitinag ang kaniyang kaluluwa. Nang sandaling iyon, siya ang
aking naging guro.
Gumamit ng matatalinghagang pahayag ang may-akda upang
maging maganda ang pagpapahayag ng kaniyang kuwento. Nakadaragdag
ito ng kaayusan at ganda sa pagbabasa. Mas napag-iisip din ng paggamit ng
mga talinghaga ang mambabasa habang binabasa niya ang akda.

C. Pagpapahalagang Pangkatauhan

1. Maka-Diyos

Ang guro sa kuwento bilang isang tauhan ay nagpamalas ng


pagmamahal sa bawat nilalang sa kuwento bagamat sa panimulang bahagi
ay mapapansin na tuwiran ang kaniyang pananalita subalit naipakita naman
sa akda na nagkaroon siya ng pagmamalasakit sa kalagayan ng bata na
kaniya itong binigyang-pansin upang ang mga pagkukulang sa buhay ng
bata ay napunan kahit sa ganoong paraan lamang.

2. Makatao

Ito ay pagpapahalagang pangkatauhan na naglalarawan sa


pakikipagkawa-tao o paglilingkod sa kapuwa na walang hinihintay na
anumang kapalit. Ang pagtulong ng guro sa bata bilang isang bahagi ng
kaniyang klase ay nagpapakita ng pagiging makatao dahil bilang isang guro
dapat na magkaroon siya ng malasakit sa bawat mag-aaral niya.

3. Makabayan

Ang guro sa kuwento ay nagpakita ng pagiging makabayan, ang


pagtuturo ay isang dedikasyon na hindi madaling gawin. Sapat na ang
pagpapakita ng guro ng kaniyang dedikasyon sa kuwento bukod kasi sa
pagtuturo ay mayroon pa siyang panahon sa bata.
D. Pagsusuri Batay sa Kaukulang Pananaw na Pampanitikan

1. Humanismo

Ang tao ang nagtatakda ng kaniyang kapalaran, anumang


desisiyong kaniyang ginagawa ay batay sa kung ano ang kaniyang
nararamdaman o marahil ay iniisip. Ang guro bilang isang tao ay
nakagagawa rin ng mga bagay na taliwas sa dapat na ugali ng isang tao,
kahit pa sabihing siya ay nagtuturo sa mga bata ay mayroon pa ring mga
ugali na hindi niya mapipigil na kaniyang magagawa bilang isang tao.

2. Naturalismo

Nakagawa ang guro ng isang bagay na kaniyang napagsisihan.


Napagalitan niya ang bata. Pangyayaring nagpapakita lamang na ang guro
ay may pagkakataong dumarating sa puntong nagkakaroon ng problema na
normal lamang sa isang tao. sa kuwento ay natural na naipakita na bagamat
may kabutihang loo bang guro ay hindi niya napigil na maglabas ng
kaniyang emosyon sa bata o sa sa harap ng kaniyang klase.

You might also like