You are on page 1of 21

Stainless Longganisa

Kabanata VII
ni Bob Ong
ni Mark Arvin B. Duran

A. Buod

Si Bob Ong ay tahimik na sinimulan ang kanyang mga akda sa loob mismo ng
kanilang tahanan. Saksi ang apat na sulok ng kanyang silid sa unti-unting pagbuo ng
kanyang libro kasabay ng ibayong pag-iisip sa gusting mangyari sa buhay. Ang pagsusulat
ang pangarap nya kahit pa ito ay mayroon ng trabaho. Nagsimula lamang siya sa
pagsusulat sa internet sa isang website na Bobong Pinoy.
Sa unang bahagi ng kabanata isinalaysay ng manunulat ang pagkakaroon ng ibat-
ibang karanasan at mga kuwento sa likod ng paggamit at pagkakaroon ng ibat-ibang
ballpen mula pagkabata hanggang sa pagtanda. Ang nobela ay nagpapakita ng
pinakamalungkot at pinakamasayang pangyayari sa buhay at karanasan sa pagtahak sa
pangarap ng isang manunulat.
Hindi pagpansin at walang pagpapahalaga sa mga taong nag-uumapaw sa talento,
mga pagsubok sa buhay at sa kamay ng kanyang publisher at sa paggawa ng libro, ang
mga karanasan at tagumpay n’ya matapos makapaglathala ng libro.
Mula sa isang email na kanyang natanggap, dito unang mabibigyan ng pagkakataon
si Ong sa matagal na nitong minimithi. Ang VPE o Visual Print Enterprises sa huling
pagkakataon na nagkaroon ng intensyon sa matagal na nyang hinahanap na sasalo ng sa
pinagpagurang sasalo ng kanyang mga akda. Hindi naging madali ang mga pinagdaan sa
kamay ng publisher. Dumaan din s’ya sa maraming pagsubok sa buhay, tulad ng
pagpapaguput ng buhok na hindi naman madalas na ginagawa, ang sunod malapit sa
kanilang bahay na maaaring tumupok ng kanyang kagamitan at mawala lahat ng mga
pinagpaguran nito.
Ang hirap at pagod na dinanas ay may kapalit na kaligayan matapos malaman na
magkakaroon ng pagpupulong kasama s’ya mismo sa pagpapalahathala ng unang libro.
Sa kabila ng pagiging matagumpay, hindi mismo nagpakita si Ong sa mga taga hanga nito
sa unang launching ng kanyang aklat. Hinanap s’ya ng mga tao ngunit wala ni anino
nyang magpakita sa kanila, naging matagumpay naman at sumunod ang publisher nito sa
naging plano at napagkasunduan na hindi magpakita sa kanyang mga taga-hanga.
Natapos ang kabanata na may ngiti sa kanyang mga labi, isa itong opurtunidad sa
pangarap na matagal nyang ninanais. Nagpasalamat ang manunulat sa mga taong bumili
ng kanyang aklat, para sa kanya isa itong hamon sa kanyang buhay upang ipagpatuloy
ang pangarap at pagsisimula sa pagsusulat ng kanyang ikalawang libro.

B. Elementong Pampanitikan Batay sa Dulog Bayograpikal

Ang pangunahing layunin ng teoryang bayograpikal ay magpamalas

ng ibat-ibang karanasan o kasagsagan sa buhay ng manunulat.


Ipinahihiwatig sa akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may

akda na siya nitong pinakamasaya, pinakamalungkot, pinakamahirap at

lahat ng mga inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang

karanasan sa mundo. Lahat ng pinaka na maaaring maranasan ng may

akda sa kanyang sariling buhay.

Ang pag-abot ng mga pangarap, kahalagahan ng pagbabasa at

tamang paraan ng pagsulat, ang pagkakaroon ng sariling katangi-tanging

pagkakakilanlan. Ang kanyang mga pinagdaanan at karanasan sa buhay sa

pinakamatinding pagsubok sa hamon ng buhay, pinakamasayang bahagi

na karanasan sa paglahathala ng libro ay siyang tinatalakay sa nobelang

Stainless Longganisa.

Malaki ang kaugnayan ng pagsusuri sa mga ito sa mga pangyayaring

pinagdaan mismo ng manunulat. Para sa tagapagsuri, maaaring ang ibang

karanasan para sa may akda ay hindi pinakamalungkot o pinakamasaya.

Dahil may mga pagkakataon na ang mga pinagdaanan ay nagiging

katatawanan sa paraan ng pagsasalaysay.

Mula pa noong unang panahon hanggang sa kasalukuyan ay hindi

parin tumitigil ang mga makata sa pagbuo ng isang malinaw at ganap na

katuturan ng kanilang pangarap. Hanggang ngayon sila’y nagtatangka,

nangangarap at naghahanap ng mga sangkap na mahalaga sa pagbuo nito

sa daigdig ng mga makatang puspos ng imahinasyon, matayog na

damdamin at kaisipan (Angeles, et al., 1972; sa Arrogante, et al., 2007).


1. Uri ng Genre – Nobela ng Pangyayari

Ang uri ng nobela ay binibigyan diin ang mga pangyayari sa nobela.

Ang bawat kabanata ng libro ay may mga pangyayari sa buhay ng

manunulat ang binibigyang diin sa pagtahak ng pangarap sa buhay. Sa

kabanata pito, binigyan diin ang pangyayari sa buhay ng may akda kung

saan nagawa nitong iwan ang lahat ng mayroon s’ya para lamang sundin

ang kanyang nais na maging isang manunulat.

Mapapansin ang pagbibigay diin sa nobela ng pangyayari. Ang iwanan

ang lahat ng bagay o trabaho man alang-alang sa totoong pangarap na

matagal na nyang sinimulan. Ang kabanata ng nobela ay tumatalakay sa

pangyayari ng tauhan hinggil sa pagsasakripisyo na pagdadaan ng tao sa

buhay. Makikita ito sa patunay sa ibaba.

Kinakailangan ko rin maghanda ng bago at matibay


na kumpiyansan sa sarili... na hindi ko alam kung
saang botika ko mabibili. Nasa matino na ‘kong
eskwelahan, umalis pa ‘ko. Nagkaroon ng matinong
trabaho, iniwan ko. Di ko maintindihan kung risk
taker ako o sadya lang talagang bobo.

Sa ipinakitang pangyayari sa buhay ng isang tao na magpasya para sa

sariling buhay. Ipinakita sa kabanata na ito, na may mga pagkakataon na

dapat iwanan at isantabi na muna ang mga bagay-bagay, at hindi ka na

masaya kung saan at ano man ang mayroon ka ngayon, Malaya kang

gawin ang mga bagay na nais mong gawin sa totoong magpapasaya sa’yo.
1. Paksang-Diwa o Tema

Ang paksang diwa o tema ng nobela ay makikita sa mga

pamamagitan ng mga pangyayari sa buhay ng manunulat sa pinagdaan sa

pagsulat at paghahanap ng publisher sa librong nais maipalahathala. Ang

sentro ng kabanata ay pagpapakita na hindi madali para sa manunulat ang

humanap ng magtitiwala sa kakayahan at librong isinulat sa matagal na

panahon.

Ang paksa sa bahaging ito ng nobela ay pumapaksa sa mga

pangyayaring pinagdaan sa buhay ni Bob Ong sa unti-unting pag-abot ng

kanyang pangarap na makilala at maihanay sa mga tindahan ng libro ang

kanyang mga akda. Tulad ng ibang tao, nakaranas s’ya ng matinding

pagsubok sa buhay.

Narito ang patunay:

May nahiraman akong maliit na halaga noon sa


mga magulang ko, back-up kung sakaling papatol
ako sa self-publishing. Pero nagamit ko yon sa ibang
bagay, kaya publisher na lang talaga ang tanging
pag-asa ko.

Ang mga pagkakataon at pangyayari sa kahit sino man ay maaaring

makaranas ng kagipitan sa mga hindi inaasahang pagkakataon. Kung kaya,

sa mga magulang parin ang ating tinatakbuhan sa oras ng

pangangailangan. Ipinakita muli sa pangyayaring ito na maaaring mawalan

ng saysay ang lahat ng pinagharipan kung walang magtitiwala sa sariling

kakayahan.
3. Banghay

Ang banghay ay tumutukoy sa maayos at malinaw na pagkakasunod-

sunod ng mga magkakaugnay na pangyayari sa paksa.Inilalahad dito ang

maayos na pagsasalaysay ng mga pangyayari tulad ng ano ang mga

pangyayari at ano ang kaugnayan at kahulugan ng mg pangyayaring ito sa

binasang akda.

3.1Simula

Ang panitikang sinuri ay nobela na hango sa tunay na pangyayari sa

mismong sumulat ng may akda. Nagsimula ang kwento patungkol sa

pagkakaiba sa kung ano ang mauuna, manuscript o ng isang publisher.

Makikita sa ibaba na ang Visual Print Enterprises (VPE) ang magbubukas sa

kanya ng pintuan sa mga pinagpagurang libro. Makikita ang patunay sa

ibaba:

Di tulad ng ibang author na inuuna ang


manuscript bago ang paghahanap ng publisher,
inuna kong problemahin kung may publisher bang
sasalo sa pagpapaguran ko. Sa isa pa at huling
pagkakataon, ibinalita ko sa mailing list ng BP ang
seryosong intensyon ko na makakita ng interasadong
publisher.

Mula sa patunay sa itaas, makikita na hindi naging madali ang tinahak

ng may akda, Hindi ganoon na kadaling magsulat ng libro, mas lalong hindi

madali para sa manunulat kung walang tatanggap upang ilahathala ang

mga ito at masilayan ng manunulat sa hanay kasama ang mga Pilipinong

manunulat. Tanging tiwala sa sarili ang magiging sandalan ng may akda.


3.2Suliranin

Ang suliranin ang susubok sa buhay ng manunulat kung hanggang

saan ang hangganan ng kanyang pagtupad sa tungkulin sa pag-abot ng

mga pangarap. Ang kanyang determinasyon at kakalasan ang magiging

sandata kung paano n’ya matatapos ang isinusulat para kauna-unahang

libro.

October ko na ipinasa ang 80% ng manuscript.


Di pa rin tapos, pero ibinigay ko na sa publisher dahil
magtataaas na noon ang pamasahe sa jeep. At
ayokong magbayad ng mas mahal na pamasahe sa
jeep.

Isa sa mga suliranin na makikita sa akda ay ang hindi pagtapos ni

Bob Ong sa kanyang unang libro. Dito kung saan tinanggap ng publisher

ang hindi na tapos na tungkulin ng may akda, nanatili ang tiwala at

pagbibigay ng konsiderasyon upang tapusin ito sa madaling panahon.

Ngunit hindi dito nagtatapos ang lahat, naghintay pa ang may akda ng

ilang buwan kung ito ay inaprubahan. Makikita ang patunay sa ibaba:

Pag nagpasa ka ng manuscript sa publisher,


maghihintay ka lang ng isang buwan o higit pa para
malaman kung pasado ang trabaho mo. Kung
pasado, bukod siguro sa optional na book launching,
book signing at author’s visit sa mga bookstore e
wala ka nang problema.

Hindi madali ang magsulat, marahil ay may pagkukulang mismo si

Bob Ong sa kanyang sarili sa pabuo nito ng isang daang porsyento. Sa

kabila nito, ang pagbibigay ng tiwala at pagkakataon ay tanging


panghawakan ng mga tao upang tuparin ang ano mang tungkulin sa

trabaho at responsibilidad ang iniatas sa atin.

3.3Tunggalian

Ang tunggalian ng nobela sa kabanata pito, ay tao laban sa sarili. Isa

sa pinakamahirap na makalaban ng tao ay ating pagkatao o ating sarili

mismo. Nasubukan mo nabang tanungin ang iyong sarili sa limitasyon ng

iyong kakayahan? Katulad ni Ong, nilabanan niya ang lahat ng

katanungan, pagdududa at pagtatanong sa kanyang sarili hinggil sa

sariling kakayahan. Maaaring may mga nabasang libro at kilalang

manunulat na magiging inspirasyon sa pagsulat may mga pagkakataon sa

buhay ng isang tao na mawalan ng gana dahil sa hirap at pagod ng mga

pinagdaanan sa buhay makamit lamang ang pangarap. Hindi naging madali

ang pakikipaglaban ng tauhan sa kanyan sarili, nagawa pa nitong tanungin

ang mga malalapit na kaibigan upang mas magkaroon ng dahilan upang

magpursige sa pagsusulat na ipagpatuloy sa kabila ng mga agam-agam sa

sariling kakayahan.

Ayon sa kanyang kaibigan, hindi ito natuwa ng mabasa ang

ikalawang librong naisulat. Napakarami nitong mga sinasabing mga

problema sa buhay. Ngunit ang totoong dahilan naman talaga nagsusulat

para lamang sa ikaliligaya ng mga tao. Sinagot din n’ya ang kaibigan na

ang pangalang dahilan sa pagsusualat ay hindi kailangan nang ayunan na

buong-buo ang bawat opinyong nababasa mo.


Para sa kanya natuwa, nagalit, napangiti o nainis, ang importante

kung ano naging epekto nito sayo pagkatapos mong basahin ang aking

akda. Makikita sa bahagi ng kabata ang na ang sarili mismo ang kanyang

naging kalaban:

Naglabasan ang lahat ng takot at duda ko sa


sariling kakayanan. Sa puntong yon ko naisip na
ayoko munang magsulat ng tungkol sa kabobohan ng
iba.

Sa bahaging ito ipinakita ang pagkakaroon ng pagdududa sa sariling

kakayahan. Kahit sino man ay dumaan sa ganito ng klaseng pagdududa

pagdating sa talent, kakayahan, at abilidad sa buhay. Para sa iba normal

lamang na tangunin ang sarili, ngunit sa mga kagaya ng may akda, ito ay

isang pinakamatinding pakikipagtunggali ay ang hindi pagkatiwalaan ang

sarili nating kakayahan. Mapapansin sa mga huli nyang sinabi na ayaw na

nyang magsulat tungkol sa kabobohan ng iba, marahil ang ito lamang ang

paraan sa paghahayag na ito upang maibasan ang kalungkutan at takot na

pinagdaan mismo ng may akda.

3.4Kasukdulan

Para sa pinakamatinding pangyayari sa nobela ay noong s’ya ay

naaburido sa mundo, nagpakalbo sa kalagitnaan ng pagsusulat ng unang

libro. Hindi naging madali na tanggapin sa kanilang tahanan ang

pagbabagong naganap kay Bob Ong. Hindi sanay ang tao sa paligid n’ya sa

kalagitnaan ng pagsusulat ng ABNKKBSNPLAko? Iniwasan ng lahat ng tao

sa loob ng bahay sa unang reaksyon at parang may nakalalasong amoy.


Subalit hindi ang isa sa pinakamatinding pangyayari sa buhay ng

pangunahing tauhan ay ang magkaroon ng sunog sa kanilang lugar habang

isinusulat ang ilang mga bahagi na dapat tapusin.

Twenty meters lang ang layo ng malaking


apoy mula sa manuscript kong sulat-kamay pa,
at ten meters mula sa computer ko kung saan
naka-save ang unang parte ng kaisa-isa kong
libro.

Hindi natinag ang may akda sa pangyayaring ito sa kanyang buhay,

nagpatuloy s’ya sa kanyang plano na tapusin ang nasimulan, dapat nitong

matapos ang responsibilidad ng pagsusulat, dahil para sa kanya, sa

pagtatapos nito ay isang hakbang lamang patungo sa dami ng pinagdaan

para sa pangarap. Matapos ang pangyayaring ito, unti-unti ng magsimula

ang mga pagpupulong para sa pag-aayos at mga kailangan tapusin upang

maihanda mismo ng publisher ang dapat gawin sa kauna-unahang

pagkakataon ng kanyang libro.

3.5Kakalasan

Sa unt-unting pagbaba ng kwento, ito na pinakasayang pangyayari na

nakamit ni Bob Ong pinaka aasam-asam na tagumpay ng mailahathala ang

unang aklat sa mga tindahan ng aklat.

Minadali pa nito ang publisher na nagtiwala sa kanyang kakayahan

upang malabas ang libro sa lalong madaling panahon. Ang nais n’ya ang

umabot ang mga ito sa mga mag-aaral bago ang darating bakasyon.
Ang layunin ay pagbabaka-sakaling makapagpabago ng isipan ng mga

batang nagbabalak nang tumigil sa pag-aaral. Pagdating ng buwan ng

Pebrero, ipinatawag na syang muli sa mga pagpupulong at mga kaganapan

isinaayos ng management na humawak sa launching ng libro.

Nauwi ang lahat sa isang soft launch sa UP


Diliman pagdating ng March. Doon kasi maraming
nakakakilala sa website ng bobong pinoy. At
bagama’t wala ako sa launching ng sarili kong libro,
itinuloy pa rin ng publisher ang plano.

Ang bahaging ito ang nagpapatunay na napagtagumpayan na ang

matagal na nyang minimithi ay unti-unti na nyang nakikita. Mula sa

suliranin sa kwento ay matatapos na. Makikita dito na sa kabila ng hindi

ganoong kalaki ang maaaring kitain sa unang labas ng libro, ipinakita na

ang totoong kabayaran sa mga pinaghirapan ay ang hindi pagsuko sa

buhay. Marami mang hindi naniwala sa una, mga nagtaka kung bakit ito

ang piniling hanap-buhay, hindi natinang ang may akda at nanatiling

matatag sa buhay.

3.6Wakas

Ang panghuli ay pagpapakita na ang pagsusulat ay isang opurtunidad

hindi para maging sikat o maging tanyag na manunulat sa ating bansa. Ito

ay pagbubukas ng panibagong kaalaman, pagkakaroon ng mga bagong

kaibigan, pag-unawa sa ibat-ibang kultura.

Isa sa mga interesanteng imbitasyon na


natanggap ko noon ay nanggaling sa Kaisa
Foundation, isang organisasyon ng Chinese-Filipino
community.
Makikita sa huling bahagi ng kabanata na ito ay nakatanggap ng mga

imbitasyon at magpasalamat sa isa sa naging inspirasyon upang

magkaroon ng lakas ng loob at para ipagpatuloy ang ikawalang libro.

Kapansin-pansin ang pagkakaroon ng mga positibong dulot kay Ong sa

pagkakaroon ng posibleng maging bagong mga kaibigan. Isang magada

muling opurtunidad ito para sa kanya sa susunod na pagsusulat ng

panibagong kagigiliwan ng mga taga-pagsubaybay.

4.Paglalarawang-Tauhan

Ang pangunahing tauhan ng libro ay si Bob Ong. Kaya naman ang

may akda ang nagsasalaysay sa libro ay ang mismong manununalat nito.

May mga ibang tauhan sa akda ngunit hindi binigyan ng pangalan ang mga

ito gaya ng kanyang mga kaibigan, nag email mula sa publisher, kamag-

aral, maging ang kanyang mga magulang. Hindi na rin nagbanggit pa ng

ibang mga tauhan ang may akda bukod sa mga nabanggit, mas nakatuon

ang nobela sa kanya mismo bilang tauhan. Itinuoo ng manunulat ang

karanasan at mga pinagdaanan sa buhay upang mas makilala ng mga

taong humahanga at umidolo bilang manunulat.

Sa unang labas ng ABNKKBSNPLAko?!, wala akong


gaanong inaasahang mambabasa kundi ang mga tao
rin sa internet na nagtulak sa aking masulat ng libro.

Isinalaysay ng manunulat ng libro ang mga sakripisyo sa pagtupad ng

pangarap dahil para sa may akda ito ay isang obligasyon sa sarili,

mangarap at abutin mo ang mga ito na walang pag-aalinlangan.


Kung sa tingin mo mayroong kakulangan sa ang iyong sarili,

magulang, maging ang iyong mundo, para sa kanya ito ay rebeldeng

walang napatunayan at bait sa sarili.

Matuto na bumangon sa mga pagkakamali at sa napakasalimuot na

karanasan. Ibigay ang buong atensyon sa dapat na gawin dahil sa huli ang

lahat naman ng ito ay para sa atin namang ikatatagumpay. Lahat naman

ng tao sa mundo o kahit pa ang pinakamayamang kilala mo ay nagdaan sa

pinakamahirap at pinakamatinding pagsubok sa buhay, bago pa man

makamit ang minimithing pangarap.

5. Tagpuan

Maraming tagpuang binanggit sa kabanata, pero ang pinaka sentro ng

tagpuan ay Visual Print Enterprises (VPE). Ang pagkakalarawan sa libro ito

ay isang hulog ng langit, ngunit sinabi ni Bob Ong na ito ay isang printer

lamang at hindi isang publisher, sa kabutihang palad naging bukas ang VPE

at tiniyak na handa silang maging publisher para sa mga librong isusulat

ng manunulat.

Doon sumagot sa akin ang isang empleyado ng


Visual Print Enterprises (VPE). Hulog na sana ng
langit, kaso lang printer sila at hindi isang publisher.
Malaki ang pagkakaiba.

Ang kabuoang bahagi ng nobela ay matatagpuan sa Pasay City umikot

ang kwento ng may akda. Sa bahaging ito nagsimula ang pagkukwento sa

pag-sisimula bilang isang baguhang manunulat. Ang tagpuan ay siyang

magiging pintuan ng manunulat bilang manunulat.


6. Simbolo o Sagisag

Tulad ng bawat isa sa mga taong nais tahakin ang totoong pangarap

sa buhay, mayroon at mayroong tayong sandata o armas na kaagapay sa

landas na tatahakin.

Kumabaga sa giyera e kailangan ko muna ng armas.


Nasa ganoong takbo ng pag-iisip ko noon nang
bumili ako ng brain vitamin na nabasa ko sa dyaryo.

May mga pagkakataon sa buhay natin na nauubusan tayo ng armas sa

pakikipaglaban sa pang araw-araw na pakikipagsapalaran. Kadalasan pinapasok

natin ang isang bagay na hindi tayo sigurado. Hindi tayo mananalo sa laban na

wala tayong dalang armas. Gayun din sa lipunan, kung hindi ka handa sa laban,

para mo naring ipinahamak ang sarili sa laban na kahit kailan hindi mo

maipapanalo.

7. Estilo

Para sa estilo ng manunulat, gumamit s’ya ng mga masining na

naging paraan at estilo ng pagkakasulat sa mga bahagi ng kabanata.

Nakatatawa ngunit may aral kang matututuhan sa bawat kabanata ng

nobela. Makikita ang isang halimbawa patungkol sa kanyang inspirasyon

na mga guro sa pampublikong paaralan patungkol sa pagkakaiba ng mga

kabataan noon at ngayon:

Hindi ko alam kung pangit o maganda, pero ma


naka-concentrate tayo sa pag-aaral dati dahil wala
tayong pakielam sa nagtuturo. Walang tsismis kung
kabit lang si ma’am o bading si sir. Wala tayong alam
kung may putok man ang teacher o nanggogoyo lang
sa lecture.
Ipinakita sa bahaging ito na ang mga mag-aaral noon ay nakatuon

lamang sa pag-aaral. Hindi malaking isyu sa kanila kung anong

personalidad o pagkatao mayroon ang isang guro. Sa katunayan kung

mapapansin ang mga kabataan ngayon, panay puna sa kilos at gawin ng

guro nila. Minsan mas tinutuon pa ng mga mag-aaral ngayon ang

pamumuhay ng kanilang guro. Malaki ang pagkakaiba ng mga kabataan

ngayon kaysa dati. Lahat pinupuna sa bawat kilos may masasabi sila.

8. Kasiningan sa paggamit ng Wika, Talinhaga, Pahiwatig na

Pananalita at Pangungusap.

Gumamit si Bob Ong sa nobelang Stainless Longganisa ng mga

matatalinhagang pahayag na nakatulong sa pagiging masining sa

pagsasalaysay mismo ng kanyang libro. Halimbawa ay ang sumusunod:

-Angkinin mo ang bawat sulok ng espasyo na


ipinagkatiwala sa’yo.
-Tulad ng magsasakang nagtatanim ng palay sa
gitna ng giyera.
-Tinitingnan ko ang salita bilang mga damit.
-Pero bilang tao, may karne sa loob ng bungo mo na
nangangailangan ng sustansya.

Mapapansin sa libro na ang may-akda ay gumamit ng mga ganitong

uri ng pahayag na nakapagbibigay na makapag isip ang mga taong babasa

ng kanyang akda, sa pamamagitan ng kanyang pagsulat may mga payo at

aral na makikita sa mga pananalita upang maipahayag ang nais iparating

sa mga taong nangangarap na maging manunulat. Ang mga pahayag na

ginamit ay mga tayutay tulad ng pagtutulad at pagmamalabis.


Si Bob ong ay kilalang manunulat sa paggamit ng mga salitang

bulgar, salitang kalye, mura, taglish atbp. Ang bawat kabanata ng nobela

ay may ibat-ibang teksto na magbibigay sa kung paano tatakbo ang

kasunod na pangyayari at mga pinagdaanan sa buhay ng may akda.

Mapapansin sa ika-pitong kabanata ng libro ang tekstong ginamit.

Each one, as a good manager of god’s


different gifts, must use for the good of others the
special gift he has received from god.

Ang bawat tao ay mayroong kanya-kanyang hilig at talento sa unti-

unting pag-unlad ng lahat ng tao. Tayo mismo ang pinuno ng ating mga

sarili sa pagpapayabong nito at paggamit sa tamang paraan. Gaya ng may

akda sa pagpili n’ya bilang isang manunulat dito na karanas at nakatikim

ng ilang papuri sa mga kamag-aral, pagkakaroon ng respeto galing sa mga

gurong nakasama sa pagsusulat.

C. Pagpapahalagang Pangkatauhan

1. Maka diyos

Ang pag-abot ng pangarap maaaring ating sarili mismo ang

makapagsasabi o makagagawa ng paraan upang maabot natin ang mga

ito. Ngunit sa kabila ng lahat ng ‘to pinahalagahan ng may akda ang

pagiging maka-diyos sa pamamagitan ng mga salitang binitawasan

matapos ang sunog malapit sa kanilang tirahan:

At sa awa naman siguro ng Diyos sa taong


nagkukunyaring nagnanakaw ng computer, namatay
din ang sunog kung saan ito nag-umpisa.
Isa sa mga katangian ng tao ang ipinakita sa bahaging ito na ang may

akda ay pananampalataya. Hindi man lubos na ipinakita ang bahaging ito

sa pagiging-diyos, ang bawat isa na humaharap sa malaking pagsubok at

trahedya ay ang tanging panalangin at matatakbuhan ay ating paniniwala

at pananampalataya sa poong may-kapal.

2. Makatao

Ipinakita din ang ibat-ibang pangyayari sa mga taong kanyang

nakasalamuha personal man o sa mundo ng social media. Paggalang sa

mga taong pumuna ng kanyang aklat, pag-respeto sa trabaho na

tumanggap at nagtiwala sa kanyang kakayahan ay nagpapakita ng

magiging makatao bilang isang individwal sa lipunan man o propesyon.

Minadali ko ang publisher na mailabas yung


libro. Gusto ko kasi sanang umabot to sa mga
estudyante bago magbakasyon, baka sakaling
makapagpabago pa ng isip ng mga batang
nagbabalak nang tumigil sa pag-aaral.

May pagkakataon na minadali n’ya ang kanyang publisher sa libro,

ngunit ang pagpapasalamat sa kabutihan na ginawa sa’yo ay isang

senyales na marunong kang magpakatao at pagbibigay ng inspirasyon sa

mga kabataan na malapit ng bumitaw sa kanilang pag-aaral. Para sa

tagapagsuri ng akda, isa itong pagpapakatao ang tumulong ka iyong

kapwa sa pamamagitan ng iyong pagsusulat. Kahit pa walang

kasiguraduhan na mabasa nga ang mga ito, para sa kanya kahit kaunti pa

sila mahalaga may maitulong sa taong nawawalan na pag-asa sa buhay.


3.Makabayan

Ang pagmamahal sa sariling atin, pagtangkilik sa mga obra o mga aklat

na mga Pilipino mismo ang manunulat.

Para kay Bob Ong, ang kalagayan ng book


industry sa bansa ay nakalulungkot dahil
limitado sa mga standard genre ang nabibili sa
mga tindahan ng libro. Masasalamin sa
kabanatang ito ang lagay ng industriya ng libro
sa bansa at ang mga pinagkaiba ng book
publishing ng Pilipinas mula sa mga tiga- ibang
bansa.

Para sa kanya dapat nating kilalanin at bigyang-pansin ang mga

Pilipinong manunulat. Sa kabila ng mga suliraning kinaharap ng ating

bansa, gaya ng pagpapatakbo ng mga sugalan tulad na lamang ng

jueteng, hindi binigo ni Bob Ong ang sarili maging ang mundo ng

nagnanais magsulat upang maipaabot na magagaling at mahuhusay rin

ang mga Pilipino pagdating sa larangan ng pagsulat.

4. Makakalikasan

Sa ikalawang libro makikita ang pagpapahalagang makakalikasan, ayon

sa pagsasalaysay ng kanyang pagsulat, ipinakita ang mga nakagawian

gawin ng mga Pilipino na magtapon ng basura kung saan-saan.

Una, may halong negatibo sapagkat nilalaman nito


ang paglalahad sa mga maling gawain na Pilipino na
paulit-ulit na ginagawa. Pangalawa, may halong
pagkatuwa sapagkat ginagawaang katuwaan nalang
ng ibang Pilipino ang pagkakamaling nagagawa nila
sa kanilang araw-araw na buhay.
Ang simpleng pagkakalat gaya ng pagtatapon ng balat ng kendi sa

kalsada ay isa sa pinakaiinisan nyang patuloy na ginagawa ng kapwa

Pilipino. Paghihiwalay ng nabubuok sa di-nabubulok. Madalas reklamo tayo

ng reklamo sa mga basura, ngunit tayo din ang totoong dahilan kung bakit

ganito kadami ang basura sa Pilipinas.

D. Pagsusuri Batay sa Kaukulang Pananaw na Pampanitikan

1. Bayograpikal

Ang teoryang ginamit sa pagsusuri ay bayograpikal Una ipinamalas ng

manunulat sa mga mambabasa ang kanyang pinakamasaya at

pinakamalungkot na karanasan sa buhay. Hindi man gaanong malungkot

ang pagkakalahad sa bahagi kung saan iniwan n’ya ang kanyang unang

trabaho para tahakin ang pagsusulat. Dito isinalaysay sa bahaging ito kung

ano ang mga pumasok sa kanyang isipan, lahat ng tao ay maaaring

makaranas ng sobrang kalungkutan sa buhay sa pag-iwan sa iyong

hanap-buhay, trabaho, o propesyon alang-alang sa iyong pangarap na

maging isang manunulat.

2. Humanismo

Ang isa pang teorya na maaaring ituon sa Stainless Longganisa ay

humanismo. Ang teoryang ito ay nagbibigay ng kahalagahan sa buhay ng

isang tao. Ang sentro ng akda ay ang sumulat mismo ng nobela. Pinakita

sa nobelang ito na ang tao ay ang pinahahalagahan.


Si Bob Ong mismo ang gumawa ng paraan upang umunlad at

magtagumpay sa buhay para sa pangarap.

Makikita rin na siya ay maaaring makagawa ng


ikababagsak ng kanyang buhay kung hindi
ipinagpagtuloy ang pagsusulat ng kanyang mga
akda. Gaya ng tektso, ang pangarap ng isang tao ay
nakasalalay sa iyong mga kamay, wala ito sa ballpen
na gagamitin ng isang tao, hindi rin mahalaga kung
mamahalin o mumurahin ang tatak ng iyong ballpen.

Ang mahalaga kung may pangarap ka sa iyong buhay tuparin mo ito

ng walang pag-aalinlangan maging matatag at huwag makalimot sa mga

taong naniwala sa iyo sa mga pagkakataong akala mo ay wala kanang

masandalan,higit sa lahat ang kwento ng totoong tagumpay ay wala sa

mga taong nakapaligid sa iyo, huwag na huwag mong kakalimutan ang

pinakamahalagang sandata, ang panginoon nagbigay sa iyong ng talento

at kung anong mayroon ka ngayon.

3. Realismo

Ang layunin ng dulog realismo ay bigyang diin ang paglalahad sa

tunay na buhay. Ipinakita rin ang maaaring nyang kahinatnan sa

kapangitan at kagandahan ng buhay. Kung sakaling hindi nagtiwala ang

VPE kay Ong, hindi nito matutupad ang pangarap sa buhay bilang isang

manunulat.

Naintindihan naman ng publisher ko. Pagdating ng


February, ipinatawag n’ya ako para sa meeting
kasama ang events management group na hahawak
sa book launching.
Ang kagandahan sa bahagi ng nobelang ito ay ang unti-unting

pagbuo ng ikawalang libro at makilala ng mga kabataan sa larangan ng

panitikan matapos ang naging tagumpay ng unang libro. Nagkaroon ang

may akda ng dahilan upang isulat at tapusin mula ang kanyang ikalawang

libro para sa kanyang mga taga-hanga at sumusubaybay. Mula sa tiwalang

ibinigay, hindi na ito binitawan ng may akda sa pagpapatibay ng pangarap.

4. Modernismo

Ang modernismo ay isang kalakarang pangkaisipang nagpapatotoo

sa kakayahan ng taong magpaunlad at humubog ng kanyang kapaligiran

sa tulong ng makaagham na kaalaman, at paggamit ng ibat-ibang

teknolohiya na naging kaagapay ng manunulat sa pagtupad ng pangarap.

Inuna kong itabi kung anuman ang natapos kong


isulat. Pagtakbo sa computer room, hindi ko pa
kaagad nabunot ang mga naka-screw na cable ng
CPU dahil sa pagmamadali.

Kapansin-pansin ang paggamit ng manunulat sa panahong ito sa

paggamit ng makabagong teknolohiya sa panahong naisulat ang kanyang

mga akda. Gaya nga ng sabi nya, siya ay nagsusulat lamang sa kanilang

paraan at hindi iniisip na magiging isang kilalang manunulat. Dito gumamit

siya sa kauna-unahang pagkakataon at sariling website upang maipahatid

ang mga mensaheng nais iparating kapwa Pilipino.

5. Arketaypal

May mga pangyaayri sa buhay ng may akda na nilapatan ng ibat-ibang

simbolo, makikita sa ibaba ang halimbawa:


Kumabaga sa giyera e kailangan ko muna ng armas.
Nasa ganoong takbo ng pag-iisip ko noon nang
bumili ako ng brain vitamin na nabasa ko sa dyaryo.

Kadalasan pinapasok natin ang isang bagay na hindi tayo sigurado. Hindi

tayo mananalo sa laban na wala tayong dalang armas. Gayun din sa lipunan, kung

hindi ka handa sa laban, para mo naring ipinahamak ang sarili sa laban na kahit

kailan hindi mo maipapanalo. Gaya ng tektso, ang pangarap ng isang tao ay

nakasalalay sa iyong mga kamay, wala ito sa ballpen na gagamitin ng isang tao,

hindi rin mahalaga kung mamahalin o mumurahin ang tatak ng iyong ballpen, ang

mahalaga kung may pangarap ka sa iyong buhay tuparin mo ito ng walang pag-

aalinlangan maging matatag at huwag makalimot sa mga taong naniwala sa iyo sa

mga pagkakataong akala mo ay wala kanang masandalan. Mahalin ang iyong

pamilya, higit sa lahat ang kwento ng totoong tagumpay ay wala sa mga taong

nakapaligid sa iyo, huwag na huwag mong kakalimutan ang pinakamahalagang

sandata, ang panginoon nagbigay sa iyong ng talento at kung anong mayroon ka

ngayon. Isama palagi ang iyong panginoon sa mga susunod mo pang paglalakbay

dahil siya ang nagturo ng tamang daan tungo sa iyong tagumpay.

You might also like