You are on page 1of 2

Emojis Bilang Pamamaraan ng Komunikasyon: Pinagmulan, Epekto at mga Motibasyon

Akda ni Hanz Louel Florendo

Sa panahong ito kung saan laganap ang paggamit ng mga smartphones at mga social
media messaging applications, kaliwa’t kanan ang paggamit ng mga tinatawag na “emojis”.
Batay sa pananaliksik ng online newspaper na “The Straits Times”, mahigit 60 milyon emojis
ang nagagamit kada araw sa Facebook at 5 bilyong emojis naman sa FB Messenger.

Ang salitang “emoji” ay mula sa salitang Japanese kung saan ang e ay


nangangahulugang “picture”, ang mo ay “writing”, at ang ji ay “letter” o “character”. Una silang
lumaganap noong 1999 sa Japan pero mas sumikat sa buong mundo noong 2011. Sa
pinakahuling tala ng Unicode, isang US consortium na kinabibilangan ng iba’t ibang
technology giants tulad ng Facebook, Google, at Microsoft, mahigit 1900 na ang kasalukuyang
bilang ng mga emojis na maaaring gamitin.

Dahil sa malawakang paggamit ng mga emojis, nagkaroon na rin ng World Emoji Day na
ipinagdiriwang tuwing ika-17 ng Hulyo, at ng isang pelikula noong 2017 na pinamagatang “The
Emoji Movie” kung saan ang mga gumanap ay mga emojis. Bukod pa rito, nagkakaroon
isinasalin ng pagsasalin sa emojis ang iba’t ibang nobela tulad ng Alice in Wonderland, Peter
Pan at Pinocchio.

Noong nagsagawa ako ng online sorbey sa mahigit 30 mag-aaral mula sa hayskul at


kolehiyo, napag-alaman kong lahat sila ay gumagamit o nakaranas nang gumamit ng mga
emojis. Ayon kay John Paul Mondala, isang BS Geology freshman sa UPD-College of Science,
naeengganyo raw siyang gumamit ng mga emojis dahil maliban sa nagiging mas malikhain at
“nuanced” ang kanyang ipinaparating, nadadagdagan ng tono at “body langauge” ang kayang
mga sinasabi sa paggamit ng “eyeroll”, “wink” at “shrugging” emojis.

Ang sabi naman ni Allondra Kate Cayetano, isang BA Communication freshman sa


Mariano Marcos Satate University (MMSU), sa tulong mga emoji, nagiging mas madali at
marubdob ang kanyang pagpapahayag ng sentimyento at damdamin lalo na sa paggamit ng
mga heart emojis. May mga bagay daw na kayang iparating ng mga emoji na hindi makakaya
ng mga salita lamang tulad ng “face with tears of joy” emoji.

Para naman sa LGBT-Sogie Bill advocate na si Rogie Balino na tubong Ilocos Norte,
nakatutulong nang malaki ang paggamit niya sa rainbow emoji upang maipagmalaki at
maipangalandakan ang kanilang mga boses at karapatan bilang parte ng LGBT community.
Isa raw itong makapangyarihang sandata at sagisag sa pagpapalaganap ng kanilang mga
adbokasiya.

Ayon naman kay Gledie Joy Barad, isang 1 year BS Aeronautical Engineering student
st

mula WCC Aeronautical and Technological College (Binalonan Campus), isang pamamaraan
ang paggamit ng emoji bilang “euphemism”. Kung may mga bagay na hindi raw niya
kaya/nahihiya/natatakot sabihin sa berbal na pamamaraan, naipaparating niya ang kanyang
mensahe sa pamamagitan ng paggamit ng mga emojis.

Ayon pa sa ibang mag-aaral ng UPD na hiningian ko ng opinyon, bukod sa pagiging


episyente, sa tulong ng emojis, nakakalikha raw sila ng mga nakakatuwa, “relatable”, at mga
“interactive” na ekspresyon na nakadadagdag sa kulay, tingkad, kwela at kulitan ng kanilang
mga interaksyon.

Bukod sa mga nabanggit, ang mga emojis ay isa ding behikulo at sisidlan sa
pagpapahayag ng mga ideya o karanasang seksuwal. Ngayon, ang talong at ang milokoton na
emojis ay nangangahulugan sa ari ng lalaki at puwit. Kahit hindi na gumamit ng mga salita, sa
pamamagitan ng paghahalo-halo ng iba’t ibang emoji, nakalilikha ng mga larawan at
sitwasyong agad maiintindihan ng mga nakakakita nito.
Batay sa pahayag ng aking mga natanungan, wala namang masamang epekto ang
paggamit ng emoji sa kanilang paggamit ng wika. Nang tanungin ko kung nagdulot na ba ito
ng mga problema o hindi-pagkakaintindihan, wala naman sa kanila ang nagsabi ng oo. Ang
mga testimonyang ito ay sinusuportahan ng pag-aaral ni Michelle Lazar, Associate Professor
sa National University of Singapore, na wala nga talagang masamang epekto ang paggamit
ng mga emojis. Kung meron mang nakaaapekto sa paggamit ng wika, iyon ay ang paggamit
ng mga slangs tulad ng “chillaxing, srsly, tbh, too extra, kool, squammy, hundo p, lit, woke, at
ded” sapagkat nababawasan nito ang abilidad at kasanayan ng mga batang mag-ispel nang
tama.

Ayon pa kay Linda Kaye, isang psychologist na nagsagawa ng pananaliksik tungkol sa


“Role of emojis in human behavior”, nakakatutulong daw ang mga emojis upang mas maging
klaro at “less ambiguous” ang ipinaparating ng mga gumagamit nito. Sa katunayan, ito raw ay
isang mabisang paraan upang magkaintindihan ang dalawang tao na hindi nagsasalita ng
parehong wika kung kaya malaki ang potensiyal nito na maging “Global Language” na maari
pang pumalit sa Ingles lalo pa’t ang mga emojis ay “universal” at hindi gaanong naaapektuhan
ng iba’t ibang kontekstong kultural.

Bagaman, nakakatuwa at nakawiwili ang paggamit ng mga emojis, tulad ng lahat ng


bagay na may limitasyon, alamin din natin kung kailan at saan ito angkop na gamitin. Kung
gagawa ng mga pormal na ulat o sulatroniko, mas mainam na gamitin pa rin ang pormal na
anyo ng wika. Bagaman napakainam ang paggamit ng mga emojis, huwag din nating
kalilimutan ang paggamit pa rin ng mga kumbensyonal na salita, partikular na ang wikang
Filipino. Hindi naman masama ang okasyonal na paggamit ng emojis dahil marami din itong
magandang dulot pero huwag nating hahayaan na ito ang dumomina at maging pangunahing
sangkap ng ating mga mensahe sa iba’t ibang social networking sites at messaging apps.
Kung talagang nais nating mapagyaman at maging tunay na wikang pambansa ang Wikang
Filipino, isabuhay at gamitin natin ito sa pangaraw-araw sa loob man o labas ng Digital World
dahil kung hindi tayo, sino? Kung hindi ngayon, kailan?

SOURCES:

Lee, S. (2016). What communicating only in emoji taught me about language in the digital age.
Retrieved from: https://qz.com/765945/emojis-forever-or-whatever-im-a-poet/

Laureta, I. (2016). 16 Emojis For Everyone Who Went To University Of The Philippines.
Retrieved from: https://www.buzzfeed.com/isabellelaureta/sayang-pera-ko-sa-photocopy

Tan, R.L. (2017). How emojis have changed the way people communicate. Retrieved from:
https://www.straitstimes.com/lifestyle/how-emojis-have-changed-the-way-people-communicat
e

Grossman, P. (2018). Say it with an emoji. Yes, even at work. Retrieved from:
https://relate.zendesk.com/articles/emojis-for-better-communication/

Pringle, R. (2018). Emojis are everywhere and they're changing how we communicate.
Retrieved from: https://www.cbc.ca/news/technology/emojis-forever-pringle-1.4577456

Gawne, Lauren. (2019). Is emoji a word or a gesture? Both. Retrieved from:


https://qz.com/1659409/the-unique-way-emoji-improve-how-humans-communicate/

Morgan, A. (2019). The rise of the emoji: communication in the smartphone era. Retrieved
from:
https://medium.com/@BijouConcierge/the-rise-of-the-emoji-communication-in-the-smartphon
e-era-d94295436d34

You might also like