You are on page 1of 1

Ho: Hindi nakatutulong ang paggamit ng emoji sa komunikasyon ng mga estudyante ng Civil

Enginneering ng Batangas State University.

Ang mga pagkakaiba sa pagitan ng paraan ng pagpapahayag at pakikipag-usap ng mga


kalalakihan at kababaihan ay na-dokumentado, na sa pangkalahatan ay kinikilala ang mga babae
na mas mahusay at magaling sa mga pag-uusap at handang talakayin ang mga damdamin kaysa
sa mga lalaki, na madalas magtago ng emosyon. (Fox, Bukatko, Hallahan at Crawford, 2007).
Dahil dito, hindi lubusang masasabi na nakatutulong ang paggamit ng emoji sa komunikasyon ng
mga estudyante ng Civil Enginneering ng Batangas State University. Bilang mayroong kaibahan
sa pamamaraan ng pagpapahayag sa pagitan ng babae at lalaki, magiging mahirap ang palitan ng
mga mensahe kahit gamitan pa ito nga mga emojis kung wala naming kalayaan sa
pagpapahayag. Hindi lahat ay may kakayahang magpahayag ng totoong damdamin gamit ang
mga emojis gayong hindi naman nakikita ang taong kapalitan ng mensahe. Mas mainam pa rin
ang harapang komunikasyon upang higit na maunawaan ang bawat isa. Kahit may pagkakaiba sa
paraan ng pagpapahayag ng mga lalaki sa babae, ay mas higit silang mauunawaan dahil nakikita
ang kanilang ekspresyon at naririnig ang tono ng kanilang pananalita sa harapang komunikasyon.

Ha: Nakatutulong ang paggamit ng emoji sa komunikasyon ng mga estudyante ng Civil


Enginneering ng Batangas State University.

Sa pag-unlad ng makabagong ay ang pag-usbong ng makabagong pamamaraan ng


komunikasyon na kinikilala nating ngayon bilang emojis. Ang mga representasyon na batay sa
teksto ng mga damdamin ay makakatulong na gawing mas personal ang email at instant
messages, pakikipag-usap gamit ang emoji sa kung saan madalas na nahihirapan nag mga tao na
iparating ang mensahe sa pamamagitan ng mga salita lamang (2020, Psychologist World). Dahil
dito, masasabing nakatutulong ang paggamit ng emoji sa komunikasyon ng mga estudyante ng
Civil Enginneering ng Batangas State University. Sapagkat dahil sa paggamit ng mga emojis ay
mas mabibigyang linaw ang mga mensaheng hindi lubusang maipahayg gamit lamang ang mga
salita. Nakatutulong ang paggamit ng mga emojis upang higit namabigyan ng kahulugan ang
isang mensahe. Na kung gagamitin kasabay ng isang nakasulat na mensahe, ay makatutulong
upang madagdagan ang diin o ekspresyon ng nilalayong kahulugan nito.

You might also like