You are on page 1of 10

Title Proposal

Subject FIL501

KABATIRAN NG MGA MAG-AARAL SA WASTONG GAMIT NG MGA SALITA SA


FILIPINO SA JUNIOR HIGH SCHOOL SA PAARALAN NG SAN
LORENZO COLLEGE OF DAVAO INCORPORATED.

Submiited by: CHARRY L. JROLAN


Submitted to: DOCTOR NELIA AGA
TALAAN NG NILALAMAN

Pamagat ng Pag-aaral

KABANATA 1 SULIRANIN AT SANDIGAN NG PAG-AARAL


Paglalahad ng Suliranin
Hypotheses

Kahalagahan ng Pag-aaral
Saklaw at Limitasyon

KABANATA 2 KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL


Kahulugan ng Balarila
Kahalagahan ng Wastong Gamit ng Salita
Pagkakaiba ng Kabatiran ng mga Babae sa Lalaki
Balangkas Konseptwal
Katuturan ng mga Katawagang Gamit
Hypotheses

H01: Ang mga kalahok ay walang pagkakaiba sa kabatiran sa wastong paggamit ng

mga salita sa pagbuo ng pangungusap ayon sa kasarian.

H02: Ang mga kalahok ay walang pagkakaiba sa kabatiran sa wastong paggamit ng

mga salita sa pagbuo ng pangungusap ayon sa tribu.

H03: Ang mga kalahok ay walang pagkakaiba sa kabatiran sa wastong paggamit ng

mga salita sa pagbuo ng pangungusap ayon sa edad.

H04: Ang mga kalahok ay walang pagkakaiba sa kabatiran sa wastong paggamit ng

mga salita sa pagbuo ng pangungusap ayon sa baitang.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang resulta ng pag-aaral na ito ay maaaring makatutulong sa mga sumusunod:

Mga Guro. Makatutulong ang pag-aaral na ito upang mas pagsumikapan pa ang

paglalahad ng mga tuntunin sa wastong paggamit ng mga salita sa pagtuturo sa

asignaturang Filipino at mas mapaunlad ang kaalaman ng mga mag-aaral at makapag-

isip ang mga guro ng bagong estratehiya sa pagtuturo ng wastong gamit ng mga salita

sa pangungusap.

Mag-aaral. Makatutulong ang pag-aaral na ito upang mabigyan linaw kung saan

mas may kahinaan at kalakasan sa wastong paggamit ng mga salita, maitama at

mapag-aralan pa ang mga tuntunin nito.

Mananaliksik. Magsisilbing sanggunian sakaling magbalak din na gumawa ng

malalimang pananaliksik sa wastong gamit ng mga salita sa hinaharap.


KABANATA 1

SULIRANIN AT SANDIGAN NG PAG-AARAL

Panimula

Ang kawastuhan sa paggamit ng mga salita ay mahalaga upang maging kaakit-

akit ang pahayag. Ang paggamit ng tamang salita ay nakatutulong upang maging

maayos, malinaw, at mabisa ang pagpapahayag. Kinakailangang ang mga salitang

ginagamit ay wasto at angkop sa pahayag.

Saklaw ng balarila ang paggamit ng tama at angkop na salita. Kailangang

maging maingat sa pagpili ng mga salitang gagamitin sa pagpapahayag. Ang maling

gamit ng salita ay hadlang sa malinaw na pagpapahayag sapagkat may mga salitang

magkasing-anyo subalit may iba, tiyak, at angkop na gamit. Sa pakikipagtalastasan,

may mga pagkakataon na nagkakapalit ang gamit ng salita sa pangungusap.

May mga pagkakataon na nagkakapalit-palit ang gamit ng salita sa pangungusap

katulad ng wastong gamit ng mga salitang ng at nang, raw at daaw, may at mayroon,

kung at kong, sina at sila, at marami pang iba.

Ayon kina Decena at Macalinao (2018), ang mabisang pahayag ay daan sa

pagkakaunawaan at pagkakaisa. Ibig sabihin, kung ang ginamit na mga salita ay wasto

at naayon sa pakikipagtalastasan, magiging malinaw ito dahilan upang magkaunawaan

at magkakaisa ang mga tao tungo sa mapayapa at maunlad na lipunan.

Napapansin na ilan sa mga mag-aaral ay may kahinaan at hindi alam ang mga

tuntunin sa tamang paggamit ng mga salita na kung minsan ay nagiging hadlang sa

pagkakaroon ng malinaw na pakikipagtalastasan.


Dahil dito, nais ng mananaliksik na pag-aralan upang masukat ang kabatiran ng

mga mag-aaral sa wastong paggamit ng mga salita.

Paglalahad ng Suliranin

Upang matukoy ang kabatiran ng mga mag-aaral sa wastong gamit ng mga

salita sa Filipino sa Junior High School sa Paaralan ng San Lorenzo Taong Panuruan

2022-2023, nais ng mga mananaliksik na masagot ang mga sumusunod na

katanungan:

1. Ano-ano ang mga personal na katangian ng mga kalahok ayon sa:

1.1 kasarian,

1.2 edad,

1.3 baitang, at

1.4 tribu?

2. May ilang bahagdan ng mga-aaral ang may kabatiran sa wastong paggamit

ng mga salita sa pangungusap sa Filipino?

3. May pagkakaiba ba sa kabatiran ng mga kalahok sa wastong paggamit ng

mga salita sa Filipino na pangungusap ayon sa:

1.1 kasarian,

1.2 edad,

1.3 baitang, at

1.4 tribu?
Saklaw at Limitasyon

Sinasaklaw ng pag-aaral na ito ang pagtukoy ng kabatiran sa wastong gamit ng

mga salita sa Filipino ng mga mag-aaral sa Junior High School sa Paaralan ng San

Lorenzo College of Davao Inc. sa Taong Panuruan 2022-2023 na may kabuuang bilang

89. Gagamitan ng Sloven formula upang magkaroon na lamang ng kabuuang bilang na

50 na mga kalahok na nagmula sa mga mag-aaral sa Junior High School sa Paaralan

ng San Lorezo College of Davao Inc., Talomo, Davao City. Ang mga wastong gamit ng

mga salitang ng at nang, may at mayroon, kong at kung, daw at raw, at sina at sila ang

siya lamang gagamitin sa pananaliksik na ito.


KABANATA 2

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanata dalawa at naglalaman ng kaugnay na literature at pag-aaral

tungkol sa wastong gamit ng mga salita.

Kahulugan ng Balarila

Ayon kina Bela-o, De Dios, Fabrigas, Soriano, Tumangan, at Quinto (2018), na

sinang-ayunan ni Panganiban (2019), ang balarila ay nagdudulot ng kawastuhan sa

pahayag. Ibinibigay ng balarila ang wastong gamit ng mga salita sa pahayag. Ang

balarila ay tumutukoy sa pag-aaral ng anyo, uri ng mga salita, tamang gamit, at tamang

pagkakaugnay ng mga salita sa isang pahayag upang magkabuo ng malinaw na

kaisipan o diwa. Sumang-ayon sina Decena at Macalinao (2020) na ang balarila ay

tumutukoy sa pag-aaral ng anyo at uri ng mga salita.

Ayon naman kina Decena at Macalinao (2019), sa pamamagitan ng balirala,

makabubuo ng isang mainam at mayamang pahayag. Subalit ang isang pahayag na

may balarila lamang at walang retoriko ay nagiging kabagot-bagot sa bumabasa o

nakikinig. Ang balarila ay masasabing isang agham sa paggamit ng salita at ang

pagkakaugnay-ugnay nito. Isinasaalang-alang din ang mga bahagi at tungkulin ng mga

salita sa pangungusap. Dagdag pa niya Buensuceso at Espiritu (2017), ang balarila ay

may kaugnayan sa pag-aaral ng uri ng mga salita, at tamang gamit ng mga salita sa

pahayag upang makabuo ng malinaw na kaisipang panggramatika.


Kahalagahan ng Wastong Gamit ng mga Salita

Bahagi ng balarila ang pagbibigay-diin sa wastong gamit ng salita upang mabuo

ang mga pangungusap at makapagbigay ng diwa at kaisipan. Ayon kina Buensuceso at

Espiritu (2020), sinabi nila na ang gramatika ay pag-aaral ng mga uri ng salita at

kanilang tamang gamit at pagkakaugnay-ugnay kapag ginagamit sa pagpapahayag ng

kaisipan. Madalas na ang mga salitang magkaparis ay nagkakapalitan ng gamit sa loob

ng pangungusap bagaman may ilang di-gaanong nagkakaroon ng pagkakaiba sa

kahulugan. Mayroon ding mga salitang kung pinagpapalit ay nagbibigay ng kaisipang

iba kaysa ibig ipakahulugan. Ayon din sa kanya na sinang-ayunan naman nina Lartec,

Nacin, Recorba at Tinawan (2017), mahalaga rin ang lubos na kaalamang pambalarila

para sa mabisang pahayag. Ibig sabihin, kinakailangang malaman ang wastong gamit

ng salita upang magkaroon nang malinaw at maunawaan ang pahayag nan ais ipabatid

sa iba.

Pagkakaiba ng Kabatiran ng mga Babae sa Lalaki

Ayon kina Carpenters, Fennema, Franke, Jacob at Levi (2018), na ayon sa

kanilang pag-aaral na pagdating sa mga di-pamilyar na salita mas magaling ang mga

babae kaysa lalaki. Sinang-ayunan rin ito nina Oetzel (1996) na sinipi ng Peserve

Article.com na mas may kasanayan ang mga babae sa linggwistika at berbal

kasanayan samantalang mas may kasanayan ang lalaki sa matematika,

pagpapaliwanag at spatial kasanayan.


Sinasabi rin ni Betsy Myers na isa sa mga katangian ng mga babae ay hindi

madalas nakakalimot kumpara sa mga lalaki.

Balangkas Konseptwal

Ang iskema ng pag-aaral na ito ay naglalayong sukatin ang kabatiran ng mga

Junior High School sa wastong gamit ng mga salita sa Filipino. Makikita sa Ilustrasyon 1

ang daloy ng pag-aaral. Ang unang kahon ay kinapapalooban ng mga personal na

katangian ng mga kalahok na nasasagot sa ihahandang pagsusulit.

Sa ikalawang kahon naman ay susukatin ang kabatiran ng mga kalahok sa

wastong gamit ng mga salita.

Kabatiran sa wastong paggamit ng mga


salita sa Junior High School:
Mga Katangian ng Kalahok ayon sa:
1. NANG at NG
1. Kasarian
2. MAY at MAYROON
2. Edad
3. KONG at KUNG
3. Baitang
4. DAW at RAW
4. Tribu
5. SINA at SILA

Ilustrasyon 1. Iskema ng pag-aaral sa kabatiran ng mga mag-aaral sa wastong gamit ng


mga salita sa Filipino sa Junior High School sa Paaralan ng San Lorenzo.

Katuturan ng mga Katawagang Gamit

Gamit ng mga wastong salita. Kabilang ang mga salita ng at nang, kong at

kung, daw at raw, may at mayroon at sina at sila na kung saan ito ang mga salitang

gagamitin sa pagsukat ng kabatiran ng mga kalahok sa wastong gamit ng mga ito.


Junior High School. Ang mga mag-aaral na napabilang sa baitang mula sa

ikapito hanggang ikasampung baitang sa Mataas na Paaralan ng San Lorenzo Collge of

Davao, Talomo, Davao City.

Kabatiran. Nangangahulugang ang mga mag-aaral ay may kaalaman tungkol sa

wastong paggamit ng mga salita.

You might also like