You are on page 1of 24

1

PAGBUBUO NG MGA TERMINO AT PAGPAPAKAHULUGAN BATAY


SA PAGGAMIT NG ENDEARMENT NG MGA MAG-AARAL NG
COLLEGE OF ARTS AND SOCIA SCIENCES,
MSU-ILIGAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY,
SYUDAD NG ILIGAN

ISANG PAPEL PANANALIKSIK

Departamento ng Filipino at Ibang mga Wika


Sentro ng Pagpapahusay sa Filipino ng CHED
MSU-Iligan Institute of Technology
Lungsod ng Iligan

Bilang Bahagi
ng Pangangailangan sa Kursong Fil 154
(Introduksyon sa Pananaliksik Pangwika)

ANNE MAREY A. PABITO


Disyembre 2019
2

TSAPTER 1
INTRODUKSYON

1.1 Kaligiran ng Pag-aaral

Maraming paraan ang tao sa pakikipagkomunikasyon. Mula sa mga


paraang ito, iisa ang layunin, ang maging epektibo at matagumpay ang paglalahad
ng impormasyon. Ayon kina Paz, Hernandez, at Peneyra (2003), ang wika ay
tulay na ginagamit para maipahayag at mangyari ang anumang minimithi o
pangangailangan ng tao. Binibigyan diin nito na wika ang solusyon sa isang
matagumpay na paglalahad, pagpapahayahag o ekspresyon ng tao. Gamit ang
wika, mas nagiging malikhain din ang tao sa pakikipagkomunikasyon lalo na sa
paggamit ng berbal na paraan. Isa rin itong paraan ng tao upang mas maging
epektibo at magkaroon ng impak sa kausap sa pamamagitan ng pagtatag ng
koneksyon.

Hindi maipagkakailang tampok sa mga millennials o makabagong


henerasyon ang pagiging malikhain sa lahat ng bagay. Ayon sa Philippine Digest
(2019), "free-spirited" ang mga millennials bilang malaya sila kung maglahad ng
kanilang motibo. Mahilig gumawa o mag-imbento ng mga bagong
mapagkakaabalahan ang henerasyong ito lalo na't aktibo pa sa malawak na mundo
ng teknolohiya. Lumalabas na mas malaki ang tiwala sa sarili ng mga millennials
kung ikukumpara sa nakaraang henerasyon at mas malakas ang loob sa pagsubok
sa mga bagay na bago sa kanila. Bilang malakas ang loob ng mga millennials,
nakatutok sila sa kanilang imahen kung paano sila makikilala. Sa henerasyong ito
rin nagsulputan ang iba't ibang paraan ng paglalahad ng sarili kung kaya't
nagkakaroon minsan ng palamangan sa bawat isa. Naging bahagi na sa katangian
ng isang millennial ang pagkakaroon ng kanya-kanyang istilo sa pagpapakilala ng
sarili at naging malaki ang gampanin ng paggamit ng endearment sa identidad ng
mga millennials.
3

Mula pa sa taong 1702, naitalang ginagamit ang konsepto sa paggamit ng


endearment bilang pagpapakita ng pagmamahal sa tao (Online Etymology
Dictionary, 2001-2019). Ginagamit lamang ito sa mga taong may malaking
ginagampanang posisyon sa buhay ng isang tao gaya ng kabiyak sa buhay.
Nagiging matibay ang relasyon sapagkat nakakadagdag ito ng katamisan sa
pagmamahalan at nagpapakita ng pagmamay-ari o kasiguruhan sa relasyon.

May tinatawag na love languages ang tao. Ayon kay Dr. Chapman (nasa
Crated with Love, 2018), ito ang naglalarawan sa kung paano nais makatanggap at
magpahayag ng pagmamahal ang tao at umusbong ito sa kanyang tinataglay na
personalidad. Mahalaga itong matukoy bilang dito rin lubos na maiintindihan ang
isang tao. Batay sa kanyang libro, mayroong limang uri: acts of service, receiving
gifts, quality time, physical touch and words of affirmation. Nakapaloob sa
words of affirmation ang paggamit ng endearment kung saan ipinapahayag ng
tao ang kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng mga salita.

Ang endearment ayon kay Nartey (2018, p. 92), refers to words or


expressions used in interactive, dyadic and face-to-face situation by a speaker
to address or describe a person for which the person fees love or affection for.
Ito ang tawag sa lipon ng mga salitang ginagamit bilang pagkilala sa taong may
espesyal na puwang sa buhay ng indibidwal. Ginagamit ito bilang pagpapakita na
nais magpahayag ng pagmamahal o paggiliw ang nagsasalita. Madalas ding
naihahaintulad ang terminong endearment sa pet names at nicknames bilang iisa
lang naman ang hangarin nito, magpahayag ng espesyal na pakikitungo gamit ang
mga terminong (languangedrops.com).

Sa pagdaan naman ng taon, nagkaroon ng pagbabago sa paggamit ng


endearment. Ginagamit ito bilang panghalili sa pangalan hindi lang sa
magkasintahan, kasama na ang ang magkakapamilya at magkakaibigan. May mga
grupong pinagbuklod ng sosyal na aspektong pinag-uugnay ang koneksyon sa
pamamagitan ng pagbuo ng sariling identidad. Mula sa nabuong speech
4

community, umusbong ang paggamit ng natatanging termino bilang pantawag sa


bawat miyembro na nagsisilbing identidad ng grupo. Makikita rito ang paraan sa
pakikitungo ng bawat isa sa pagkilala gamit ang nabuong termino bilang
pantawag. Iba’t ibang mga termino ang nabuo mula rito.

Naging tanyag rin ang paggamit nito ng umusbong ang gay lingo kung
saan ito ang pinagbatayan sa pagbuo ng ibang mga termino. Bilang resulta, hindi
karaniwan at bago sa pandinig ang mga nabuong termino. Tinanggap naman ito
ng karamihan lalo na't nagsimula na itong lumaganap sa bansa. Ginagamit na rin
sa iba't ibang media platforms gaya ng mga segments sa telebisyon at vlogging.
Isang halimbawa na rito ang paggamit ng terminong “mamshie” sa isang segment
sa ABS-CBN na Magandang Buhay. Ginagamit ng mga hosts ang naturang
termino bilang pantawag sa mga bisitang babae at may anak. “Papshie” naman
ang ginagamit na pantawag para sa mga bisitang ama habang “anakshie” naman
para sa mga anak ng bisita. Samakatwid, naipapakita sa paggamit ng endearment
ang pagsisikap na makatatag ng koneksyon sa tao. Kabilang na rito ang
pagpresenta sa sarili lalo na kung estranghero o hindi masyadong malapit ang
relasyon sa kausap.

Sa pamamagitan ng naitatag na koneksyon sa mga miyembro ng naturang


speech community sa panahon ngayon, nakikitang nagiging parte na sa
pakikipagkomunikasyon ang paggamit ng endearment. Nagsisilbi na itong daan
upang mas madaling makuha at makapagpalagayan ng loob ang mga miyembro.
Ang mga terminong napagpasyahan ay ginagamit lamang sa mga taong kabilang
sa grupo. Kaya nagsisilbi rin itong identidad bilang nagtatakda ito ng pagiging
kasapi at pagiging konektado sa bawat isa.

Mula sa iba't ibang salik na pinagbatayan, naipakita ng makabagong


henerasyon ang kakayahang makabuo ng iba't ibang termino para gamiting
endearment. Ito rin ang nagsisilbing daan upang mahikayat ang ibang taong
gumamit nito. Masasabi kung gayon na ang paglaganap ng konseptong ito ay
5

bunga sa hangarin ng taong nais mapabilang sa grupo at makasabay sa kung ano


ang uso. Sa konseptong ito rin lumalabas ang pagiging malikhain ng tao sa pagbuo
ng natatanging termino batay sa partikular na mga salik.

1.2 Paglalahad ng Suliranin

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na matukoy ang mga endearment


na karaniwang ginagamit ng mga mag-aaral sa College of Arts and Social
Sciences, MSU-Iligan Institute of Technology, syudad ng Iligan. Mula rito,
susuriin ang paraan sa pagbubuo ng mga termino at kahulugan ng nabuong
termino. Upang matugunan ang layuning nabanggit, bibigyan ng kasagutan sa
pag-aaral ang tiyak na mga katanungan:
1.2.1 Anu-ano ang mga endearment na madalas ginagamit ng mga mag-
aaral sa College of Arts and Social Sciences, MSU-Iligan Institute of
Technology, syudad ng Iligan?
1.2.2 Anu-ano ang mga paktor na nakaapekto sa pagbubuo ng mga
endearment?
1.2.2.1 pisikal na katangian
1.2.2.2 pag-uugali
1.2.2.3 pangalan mula sa pangngalan
1.2.3 Paano nabuo ang endearment batay sa sumusunod?
1.2.3.1 pagbabawas
1.1.3.2 pagdaragdag
1.1.3.3 pagtatambal ng pangngalan
1.2.4 Ano ang kahulugan sa mga nabuong endearment?
1.2.5 Anu-ano ang mga sitwasyong madalas ginagamitan ng
endearment?

1.3 Kahalagan ng Pag-aaral


6

Malaki ang maiaambag ng pag-aaral na ito sa larangan ng morpolohiya


partikular na sa paraan ng pagbubuo ng morpema. Maaari itong gamitin bilang
karagdagang kaalaman sa mga mag-aaral na nagmi-major ng wika. Ang tagumpay
ng pag-aaral na ito ang magsisilbing manipestasyon sa mga mag-aaral na sa
pagdaan ng panahon, talagang magkakaroon ng mga panibagong paraan sa pag-
unlad ng wika. Kung saan ang pag-unlad ng wika ay makikita rin sa pagdalumat
sa paraan ng pagbubuo ng mga morpema na inirerepresenta ng mga termino sa
endearment.
Maipapakita rin sa pag-aaral na ito ang ambag nito sa larangan ng
akademyang Filipino bilang pinagtuonang pansin ng mananaliksik ang
morpolohiyang aspekto sa pag-aaral. Makapagbibigay ito ng karagdagang
kaalaman para sa mga dalubhasa sa kung paano binubuo ng makabagong
henerasyon ang mga naturang termino. Magsisilbing batayan ang pag-aaral na ito
bilang isang basehan sa pagtanaw kung paano na ang daloy sa larangan ng wika sa
kasalukuyang panahon.
May maiaambag din ang pag-aaral sa mga mambabasa na hindi dalubhasa
sa wika na mabigyang-kaalaman patungkol sa mga terminong tinatawag na
endearment. Isa itong oportunidad upang maliwanagan sila sa kahulugan,
kahalagahan at gamit nito sa lipunan at sa wikang Filipino. Matutuklasan din nila
ang pagkamalikhaing-taglay lalo na ng mga millennials sa pagbubuo at paggamit
ng mga natatanging termino. Higit sa lahat, magiging updated din sila sa mga
pinag-uusapang ganap sa lipunan, kabilang na ang paggamit ng endearment.
Sa larangan naman ng leksikograpiya, may maiaambag din ang pag-aaral
na ito bilang nakatuon ito sa mga termino kung paano ito binuo, ano ang katumbas
na kahulugan nito at kung paano ito gamitin sa pakikipagkomunikasyon. Ang
koleksyon ng mga terminong ito ay maaaring gamitin bilang entri sa pagbubuo ng
diksyunaryong Filipino sa panahong ito.

1.4 Saklaw at Delimitasyon


7

Sinakop ng pag-aaral ang pagsusuri sa paggamit ng endearment bilang


pagkilala ng isang tao. Sinuri sa pag-aaral ang morpolohikal na analysis sa mga
terminong madalas ginagamit ng mga kalahok sa oral (verbal na komunikasyon)
at pasulat (di-verbal na komunikasyon) na paraan. Tinukoy sa pag-aaral ang mga
terminong nabuo at ginagamit sa pagkilala ng mga kalahok sa partikular na tao o
sa speech community na kinabibilangan nito. Bagaman, dalawang paraan ang
nabanggit ngunit tanging verbal na paraan ang pinagtuunan ng diin sa pag-aaral.
Hindi isinama sa pagsusuri ang ibang elemento sa pagsusuri gaya ng pagbubukas
at pagsasara ng usapan.
Sa pag-aaral na ito, walang itinakdang bilang ng mga kalahok ang
mananaliksik. Patuloy na nangalap ng mga datos ang mananaliksik hanggang
sapat na ito bilang pagbabatayang impormasyon ng pag-aaral. Sinaklaw ng pag-
aaral ang mga mag-aaral sa College of Arts and Social Sciences, MSU-Iligan
Institute of Technology, syudad ng Iligan, na binubuo ng mga departamento ng
Fiipino, English, History, Political Science, Philosophy, Sociology, Psychology,
bilang tiyak na mga kalahok na pinagkunan ng mga datos. Bukod sa mga kalahok
na pinagkunan ng datos, kumuha at gumamit din ng mga datos ang mananaliksik
sa internet: online journals, artikulo, blogs, at mga pananaliksik.

1.5 Limitasyon ng Pag-aaral


Itinuturing na limitasyon ng pag-aaral ang kakulangan ng impormasyon
mula sa mga nailimbag na artikulo at kaugnay na pag-aaral. Hindi gaanong karami
ang nahanap ng mananaliksik lalo na sa lokal na aspekto. May iilang pahapyaw
lamang ang pagtalakay at nakatuon na sa mga halimbawa. Gayunpaman,
naiintindhian ang ganitong sirkumstansya bilang may kanya-kanyang istilo at
pamamaraan ang bawat isa sa pagpapahayag ng impormasyon. Dahil dito,
kinakailangang suriin ng mananaliksik ang bawat sanggunian upang masigurong
iba-iba ang makukuhang impormasyon at konsepto.
8

1.6 Depinisyon ng mga Termino

Ang sumusunod na mga termino ang mga salitang madalas na ginamit ng


mananaliksik sa pag-aaral na ito.
Endearment. Ayon kay Nartey (2018), refers to words or expressions
used in interactive, dyadic and face-to-face situation by a speaker to address
or describe a person for which the person fees love or affection for. Sa pag-
aaral, tinutukoy nito ang mga termino na ginagamit ng tao sa pagkilala ng isang
tao na pagpapahayag ng pagmamahal.
Millennials. Ayon sa Philippines Digest (phildigest.jp.com), ang milenials
o millennial generation ay makabagong henerasyon ng mga taong ipinanganak sa
pagitan ng 1980 hanggang 2000. Sa pag-aaral na ito, tinutukoy nito ang mga
taong madalas gumagamit sa konsepto ng endearment at ang makabagong
henerasyon.

Speech community. Ayon sa Merriam-Webster Dictionary (2019), speech


community is a group of people sharing characteristic patterns of
vocabulary, grammar, and pronounciation. Sa pag-aaral, tinutukoy nito ang
lipunan na may magkatulad paraan sa pakikipagkomunikasyon.

Kalahok. Ang tawag sa mga taong pinagkukunan ng datos at


impormasyon sa pag-aaral. Sa pag-aaral na ito, tinutukoy ang mga mag-aaral sa
College of Arts and Social Sciences, MSU-Iligan Institute of Technology, syudad
ng Iligan.
9

TSAPTER 2
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Inilihad sa tsapter na ito ang mga pag-aaral na pumapaksa na patungkol sa


pagbubuo ng endearment na nakatulong sa pagbibigay impormasyon sa kung
paanong nabuo ito. Gayundin, ang mga babasahin na nagbigay-linaw sa konsepto
ng paggamit at pagbuo ng naturang mga termino. Nagbigay kahulugan din ang
mga panitikang papel na ito sa mga nailimbag na halimbawa na nagsilbing gabay
sa pag-unawa sa mga termino. Sa pamamagitan ng paglatag ng impormasyong ito,
nagabayan ang mananaliksik sa pagtuklas ng pagpapalawak sa konseptong ito.
Nagsilbing gabay din ang teoritikal at konseptual na balangkas sa pag-aaral.

2.1 Mga Kaugnay na Pag-aaral


Mahalaga ang paraan kung pano makitungo ang tao sa kapwa lalo na loob
ng lipunan. Ipinapakita nito ang kahalagahan ng pakikipagkomunikasyon gamit
ang verbal na paraan kung saan nagsisilbi itong representasyon sa kulturang
naroon ang isang lipunan. Ganito ang idiniing pagpapahalaga ni Nartey (2018) sa
address forms o paraan ng pananalita kung makikipagkomunikasyon sa kapwa.
Ibinahagi niyang may kategorya sa address forms at isa na rito ang paggamit ng
terms of endearment. Gumamit ng terminong “endearment terms” o “terms of
endearment” ang mananaliksik na naglalarawan sa mga salita o ekspresyon na
ginagamit sa interactive, dyadic at face-to-face na mga sitwasyon kung saan ito
ang nagiging daan upang makadama ng pagmamahal ang isang tao mula sa
nagsasalita. Nilapatan ng mga mananaliksik ng ethnographic viewpoint ang pag-
aaral upang makakalap ng raw na datos o hindi sinalang impormasyon mula sa
mga partisipante sa bawat sitwasyon at ang paraan sa pagsuri nito nakabatay sa
realidad. Bilang koneksyon, ginamit din ang konseptong ito ang mga
mananaliksik upang matukoy ang linguistic resources at mabigyan ito ng socio-
pragmatic na pagpapakahulugan ang mga terminong nabuo sa endearment.
10

Pinagtibay naman ito sa paggamit ng konseptong social constructionism at


community of practice. Ipinakita ng social constructionism na ang pakikipag-
interaksyon ng tao ay nagbubunga ng koneksyon na nakalulugod sa isa’t isa. Mula
sa koneksyon na ito, nakakabuo ng panibago o sariling mundo ang (particular)
grupo at kabilang na dito ang paggamit ng mga termino. Sa community of
practice naman ipinakita ang pagtitipon ng mga tao sa pagkakaroon ng shared-
identity bunga ng koneksyon sa isa’t isa na s’yang nagiging tulay sa pagbubuo ng
linguistic resources—terms of endearment. Mula sa linguistic resources,
natukoy ng mga mananaliksik ang linguistic repertoire na ginamit ng mga
partisipante sa pagbuo ng address forms: epithets, flora, royal terms at
coinages na mula sa personal na pangalan.

Magkabuhol ang wika at kultura sa isang lipunan. Pinatunayan ito ni Juin


(2014) sa paglalahad na nakabase sa kultura ang paggamit ng terms of
endearment (ToE). Sinuri ng mananaliksik sa sirkumstansyang naganap sa
computer-mediated communication (CMC), intercultural na komunikasyon,
address forms, at paraan sa paggamit ng ToE sa kultura ng British tungo sa mga
Singaporeans. Sa computer-mediated communication (CMC) nagaganap ang
pagpapalitan ng kultura sa pamamagitan ng pakikipagkomunikasyon gamit ang
teknolohiya—instant messaging (IM) na mga aplikasyon. Sa intercultural na
komunikasyon naman nagaganap ang pakikipagkomunikasyon sa kabila ng
pagkakaiba sa karanasan ng kultura. Gamit ang konseptong ito, ikinumpara ng
mananaliksik ang kultura ng British sa kultura ng Singaporeans. Tinukoy din ng
mananaliksik ang mga salik sa pagkakaiba sa dalawang kultura upang mailahad
ang suliranin sa intercultural CMC. Inilahad ng mananaliksik na nagkakaroon ng
maling pag-unawa at hindi pagkakaintindihan sa pakikipagkomunikasyon sa CMC
dahil sa kakulangan ng di-berbal na pagpapahayag at contextual cues. Ang
address forms naman nagsasaad ng paraan sa pagtawag ng tao, pagkilala ng
addressee o pagpapanitili ng sosyal na koneksyon sa tao. Nilimitahan naman ng
mananaliksik ang ToE sa titles at hypocorisms, hindi sinali ang panghalip at/o
11

kinship na mga termino. Gamit ang mga konseptong ito, natuklasan ng


mananaliksik na lantad sa mga partisipanteng nasa “exchange program” sa
abroad ang kulturang paggamit ng endearment sa UK. Mas malugod sa mga
partisipanteng ito ang pagtanggap sa kulturang paggamit ng endearment sa
pakikipagkomunikasyon sa intercultural CMC.

Sa kabilang banda naman, iginiit ng mananaliksik na Skagerström (2009),


isa sa paraan ng pakikipagkomunikasyon ang paggamit ng endearment. Aniya,
may mga rason sa paggamit ng partikular na mga termino: edad, kultura sa
pamilya, kasarian, at language change. Mula sa mga rasong ito, natuklasan ng
mananaliksik na malaki ang impluwensya nito sa pakikipagkomunikasyon ng tao
sa kultura ng mga taga-Ireland. Lumalabas na isa ito sa pangunahing isinasaalang-
alang sa pakikipagkomunikasyon na nagsasaad ng paggalang at pagbibigay halaga
sa tao. Sa edad, nagpapakita ito ng pagsaalang-alang sa antas ng agwat.
Nakadepende naman sa oryentasyon sa pakikipagkomunakasyon mula pagkabata
ang kultura ng pamilya. Nagkakaroon naman ng destinksyon sa kasarian sa
pamamagitan ng paggamit ng mga terminong nagsasaad ng kasarian. Madalas
namang ginagamitan ng mga pang-uri ang pagtawag sa babae at dinudugtungan
ng morpemang /-ie/ o /-y/ at /-o/ naman para sa lalaki. Bunsod ng pagbabago sa
wika, nagkakaroon ng neutrality o paggamit ng mga terminong hindi nagsasaad
ng kasarian bilang pagtanggap sa usapin ng pagkakapantay-pantay sa kasarian.

2.2 Mga Kaugnay na Literatura


Sa panahon ngayon, iginiit ni Bebs (2007), na maraming umusbong na
mga tawagan o tinatawag na endearment. Aniya, may kanya-kanyang istilo ang
bawat tao sa pagbubuo ng mga terminong ito bilang nais na ng mga tao ang maiba
sa karamihan. Hindi na umano sumusunod ang tao sa kung ano ang uso o madalas
na ginagamit ng lahat. Inilahad ng may-akda sa kanyang blog ang categorization
sa paraan ng pagbubuo ng endearment ng mga magkasintahan. Itinala ng may-
12

akda ang mga terminong nalikom at ipinangkat ayon sa uri nito. Lumalabas na
may iba’t ibang kategorya sa pagbubuo ng termino: pagkain, hayop, gamit at
teknikal na mga termino na may kinalaman sa asignatura, tauhan sa pelikula,
personalidad, at pangalan mula sa pangngalan. Sa kategoryang pangalan mula sa
pangngalan, makikitang nagkakaroon ng pag-uugnay ng dalawang pangngalan at
pagbabawas ng morpema. Ipinakita rin na may iilang endearment na
nagkakaroon ng varyasyon na may ibang hindi matukoy na paktor maliban sa
salin nito sa ibang wika at kaugnay na mga termino.

2.2.1. Paghahambing: Ang Eandearment, Pet Names at Nicknames


Madalas ihalintulad ng ilang may-akda ang terminong endearment sa
tinatawag na pet names at nicknames na iisa lamang ito na lipon ng mga
terminong ginagamit na pantawag sa partikular na tao. Sa kabilang banda, iginiit
Casnig (1997-2003), na magkaiba ang terminong pet names at nicknames.
Tinatawag itong pet names kung ito ay nakalaan lamang sa isang tao. Maituturing
itong may mas mataas na antas kaysa sa paggamit ng nicknames dahil nagsasaad
ito ng pagpapalagayang-loob sa isa’t isa. Matalinghaga ang paggamit nito na
nagsasaad ng positibong pagtawag o pagkilala. Binanggit din ng may-akda na
kadalasang katangian ng isang pet name ang universally valued qualities gaya
ng pagiging sweet, innocence, playful at cuddliness. Bilang nakalaan din ito sa
taong malapit sa ating puso at nagpapakita ng kakaibang koneksyon. Tinatawag
naman itong nicknames kung ginagamit ito ng lahat sa pagtatawag o pagkilala sa
isang tao. Inihalintulad ng may-akda sa mga terminong social o tribal names na
nagsaad ng pagiging natural sa isa’t isa. Madalas na nakabatay ito sa pisikal na
katangian ng isang tao o sa personalidad nito. Minsan naman nakabatay ito sa
isang sitwasyon na nag-iwan ng tatak sa bawat isa na nagsisilbi na ring identidad
ng tao sa naturang grupo. Dagdag pa ng may-akda, ang pagkakaroon ng
nickname ay nagsasaad ng posisyon o pagiging kasapi na nagsasaad ng
pagtanggap.
13

Sinimulan naman ni Landau (2015) ang siyensiya sa likod ng paggamit ng


mga terminong gaya ng pet names o endearment. Sinuri ng may-akda kung ano
ang mga salik na nakaapekto sa pagbubuo ng naturang termino. Nagsagawa ng
survey ang may-akda sa pamamagitan ng pag-post ng tanong sa Facebook (isang
social media platform). Batay sa mga sagot, natuklasan ng may-akdang
maraming paraan sa pagbubuo ng mga terminong ito. May ilang nakabatay sa
salin ng partikular na wika, hayop at pagkain. Pinaniniwalaan ng may-akda na
ang pag-usbong ng endearment o nicknames ay bunsod sa natural na paggamit
ng tao sa wika at hinuhubog ito para sa pansariling hangarin o kaginhawaan.
Iginiit naman ng may-akda ang kahagalagahan ng paggamit nito lalo na sa
panahon ng hindi pagkakaintindihan. Ang endearment ang nagsisilbing takbuhan
upang makalikha ng pagpapalagayan ng loob sa isa’t isa.

2.2.2. Kultura at Endearment

Bilang bahagi sa kultura ng tao ang paggamit ng wika, ibinahagi ng


Italyanong blogger na si LingQ (2019) na sa kultura ng mga Italyano, mahalagang
gumamit ng endearment sa pakikipagkomunikasyon. Iginiit ng may-akda na ang
paggamit nito ang nagsisilbing tanda sa pagiging approachable at upang hindi
masyadong pormal ang paraan ng pakikipag-usap lalo na sa mga lokal na
naninirahan dito. May tatlong (3) kategoryang ibinigay ang may-akda sa mga
pinaggagamitan ng endearment: sa kaibigan, higit sa kabigan, at mga anak.
Kadalasang nagkakaroon ng pagdaragdag ng hulaping /-ino/para sa lalaki at /-ina/
para sa babae bilang tanda sa pagkilala ng kasarian. Sa kategorya ng kaibigan,
maliban sa pagkilala ng kasarian, dinudugtongan ito ng ibang salitang nagsasaad
ng pagmamahal o pagsinta. Sa kategoryang higit sa kaibigan naman, may iilang
nagsasaad din ng pagkilala ng kasarian, paggamit ng matalinghagang mga
termino, at mula sa pangngalan. Madalas ding idinurugtong ito sa mga salita gaya
ng pagkain. Sa kategorya ng mga anak, madalas hango ito sa mga katawagan ng
14

batang hayop at kumikilala din ito ng kasarian. Dagdag pa ng may-akda, may


iilang termino ring hango sa pagkain na kadalasan ay matatamis.

Sa kultura naman ng mga Filipino, inilarawan ni Odon (2014) ang mga


Filipino bilang isang chameleon sa pakikipag-ugnayan na mabilis makatatag ng
ugnayan maging sa mga kadugo, kasapi sa relihiyon. Ginamit ng may-akda ang
terminong endearment bilang isang konsepto sa mas mabilisang pakikipag-
ugnayan sa iba. Aniya, ang endearment sa kultura ng mga Filipino ang simbolo
ng pagpapakita ng malapit na relasyon, pakikipagpalagayang-loob, nag-uugnay sa
mga tao batay sa karanasan ng tao, at simbolo ng pagbibigay-galang. Nagtipon ng
mga termino ang may-akda at inayos sa pagkakasunud-sunod batay sa antas ng
paggamit nito. Lumalabas sa listahan na hindi limitado sa matatamis na katawagan
ang endearment ng mga Filipino. Nakapaloob din dito ang mga terminong
nagsasaad ng biro at panlalait. Mayroon ding mga varyasyon mula sa ibang wika
at wikain ng Pilipinas. Batay din sa listahan, hango sa orihinal na termino sa mga
wika ng Pilipinas ang mga endearment na ito. May iilan lamang nagkaroon na ng
varyasyon bunga ng modernisasyon ng wika.

Sumusuporta naman ang akda ni Garcia (2018) na may antas at paraan ng


pananalita sa kultura ng Filipino lalo na sa pamilya. Ginamit ng may-akda ang
konsepto ng hirarkiya sa pamilya ang pagbubuo ng endearment. Lumalabas na
nakabatay sa posisyon sa pamilya ang paraan ng pagtawag sa isang tao. Kadalasan
hango sa katutubong wika ng PIlipinas ang mga terminong ito. May iilan namang
mula sa impluwensya ng iba’t ibang banyagang wika gaya ng China at Japan.
Iginiit din ng may-akda na hindi nagsasad ng kasarian o neutral-gender halos ang
endearment ng mga Filipino.

2.3 Batayang Teoritikal


15

Sa ginawang pag-aaral, ginamit na batayan sa pag-aaral ang teoryang


morposemantiks. Saklaw ng teoryang ito ang disipinang morpolohiya at
semantiks. Sa ginawang pag-aaral, ginamit ang teoryang ito upang matugunan ang
morpolohikal na pangyayari sa naturang termino at mabigyan ng kahulugan ang
nabuong panibagong morpema. Ang teoryang morposemantiks ang nagbigay
linaw sa prosesong naganap tungo sa pagbabagong ng morpema. Gayunpaman,
nangangailangan ng malalim na pagsusuri ng mga morpema bilang ito ay bunga
ng mga salik sa pagbubuo ng saita. Maaaring nagkaroon ng panibagong kahulugan
ang salita, nadagdagan ang kontekstong pagpapakahulugan nito.
Mahalaga sa pag-unawa ng salita ang proseso ng pagsusuri lalo na sa
kaligirang aspekto nito. Sapagkat dito na makikita ang kabuoang kahulugan ng
salita, kung paano ito gamitin. Ayon pa kay Dorais (2016) ay ---
Morphosemantics open a door on semiotics, a
deeper level of a language’s system of significations. In
this sense, they might help understanding the very
symbolic and cognitive basis upon which a culture and
its linguistic expression rest.

Teoryang sosyolingguwistiko naman nina Labov at Basil (1960s) ang


ginamit upang maiangkop ang paggamit ng naturang mga termino ng wikang
Filipino sa lipunan o sa speech community na kinabibilangan ng mga kalahok.
Nagsisilbi ring tulay ang teoryang ito upang mabigyang kahulugan ng lipunan ang
umusbong na mga bagong termino bunga ng pagbabago sa morpemang aspekto
nito. Hindi rin imposibleng magdudulot ng kalituhan sa mga kalahok ang naturang
mga salita lalo na kung hindi masyadong pamilyar ang salita at kahulugan nito.
Kaya’t nilahad naman ang kontekstong pagpapakahulugan ng teoryang ito nina
Freeman at Freeman (2014) bilang ---
“Lumikha at umunawa ng wika sa iba’t ibang
sosyolingguwistikong konteksto na may pagsasaalang-aang
16

sa mga salik gaya ng estado ng kausap, layunin ng


interaksiyon, at itinakdang kumbensiyon ng interaksiyon.”

Masasabing deskriptibo ang paraan sa paglaarawan ng pag-aaral bilang


nakadepende sa tao kung paano binuo at binigyang kahulugan ang mga termino sa
endearment. Maaaring ito ang dahilan kung bakit umusbong pa lalo ang
paggamit nito. Nagtatagay din ito ng kalayaan sa mga kalahok bilang walang
istandard nan aka-set sa paggamit at pagbuo ng mga termino.

2.4 Batayang Konseptwal


Maraming paraan ng pagbibigay halaga sa tao. Habang tumatagal ang
panahon, mas lalong nagiging malikhain ang bawat diskarte ng tao. Sa kabila nito,
hindi pa rin nahuhuli ang paraang berbal bilang instrumento at mas nagiging
epektibo pa lalo na kung sasamahan pa ng endearment.
Isang manipestasyon sa pagbibigay-bahala sa isang indibidwal na
magpahayag ng kanyang nararamdaman (partikular na sa pagmamahal) ang
malikhaing paggamit ng wika—endearment. Bilang nakadepende sa tao ang
paraan ng pagbubuo at paggamit nito, walang sinusunod na rule o set sa pagbuo
ng mga termino. Mayroon ding tinatawag na socially constructed na mga
termino, ito ang mga nagsisilbing batayan bilang naitatag at ginagamit na sa
nakararami ang partikular na mga termino. Ngunit Malaya pa rin ang isang
indibidwal na bumuo ng kanyang sariling termino upang gamiting endearment.
Gayunpaman, mayroon pa ring isinasaalang-alang sa paraan ng pagbuo
nito bilang nakitaan ito ng pattern. Mula rito, kikilalanin ang mga paraang
ginamit sa pagbubuo ng panibagong termino. Makikita sa susunod na pahina ang
iskimatikong dayagram ng paradaym na nagpapakita sa konsepto ng pag-aaral.
17

Endearment

Pagbubuo ng Termino Paraan sa Paggamit ng


Termino

Pisikal na
katangian

Pag-uugali

Pangalan mula
sa pangngalan

Pagbabawas,
pagdaragdag o
pagtatambal ng
pangngalan

Kahulugan ng
Termino
Figyur 1. Iskimatikong Dayagram ng Paradaym ng Pag-aaral
18

Nirerepresenta ng pahabang butuin na may maraming dulo ang


endearment na nabuo mula sa mga salik na isinaalang-alang. Sinisimbolo nito
ang pagiging malikhain ng mga respondente sa pagbubuo ng mga partikular na
termino. Upang makita ang pinagmulan ng pagbubuo ng endearment, may
dalawang palaso na nagsisilbing daluyan sa dalawang salik na isinaalang-alang sa
pagbuo ng mga termino. Nakadiin ito sa dalawang parihaba na nagrerepresenta sa
mga salik at ang maliliit na parihabang nakakonekta sa isang malaking parihaba
ang kumakatawan sa mga paktor na nakaapekto sa pagbubuo ng termino. Mula
rito, makikita ang daloy sa proseso ng pagkakatatag ng endearment kung kaya’t
may dalawang palasong nakatuon sa isang bilugang gilid ng parihaba upang
maipakita ang daloy tungo sa kung paano na binigyang kahulugan ang nabuong
mga termino. Sa kabuuan, makikita ang daloy ng konsepto sa pagbubuo ng
endearment mula sa mga salik patungo sa pagbibigay kahulugan dito.
19

TSAPTER 3
METODOLOHIYA NG PAG-AARAL

Inilalahad sa tsapter na ito ang mga metodong ginamit sa pangangalap ng


datos ng pag-aaral. Binubuo ito ng disenyong gagamitin ng mananaliksik,
lokasyon ng pag-aaral, mga respondenteng kabilang sa pagtugon, intrumentong
gagamitin at paraan ng pagsusuri sa mga nakalap na datos.

3.1 Disenyo ng Pag-aaral

Deskriptibong pamamaraan ang gagawing pananaliksik. Napili ng


mananaliksik na gamitin ito upang malayang makagamit ng talatanungan at
pagkakataong makapanayam ang mga respondente para sa mas malawak at
masinsinang pagsusuri ng mga datos. Kaugnay nito, gagamitin ng mananaliksik
ang konsepto ng morphological analysis upang masuri ang morpolohikal na
aspektong ginamit sa pagbubuo ng mga termino.
Mula sa mga disenyo ng pag-aaral, partikular na napili ng mananaliksik
ang sequential explanatory na disenyo ng pananaliksik sa mixed methods.
Pinaniniwalaan ng mananaliksik na angkop itong gamitin sa pagsusuri ng paraan
sa pagbubuo ng endearment at pakikipagpanayam sa mga respondent para sa
karagdagang impormasyon—pagpapakahulugan at paraan sa paggamit ng
nabuong endearment.

3.2 Lokasyon ng Pag-aaral

Isasagawa ang pag-aaral sa unibersidad ng MSU-Iligan Institute of


Technology, lungsod ng Iligan, Lanao del Norte. Napili ng mananaliksik ang
unibersidad ng MSU-Iligan Institute of Technology bilang isa ito sa mga paaralan
sa lungsod ng Iligan na culturally diversed kung kaya’t binubuo ng iba’t ibang
personalidad ng mag-aaral.
20

3.3 Mga Respondente ng Pag-aaral

Mga mag-aaral na nasa College of Arts and Social Sciences, MSU-Iligan


Institute of Technology, syudad ng Iligan ang napiling respondente ng
mananaliksik. Hindi partikular ang mananaliksik sa antas ng taon ng mga
respondenteng sangkot sa pag-aaral. Gagamitin sa pag-aaral ang simple random
sampling. Pipili ang mananaliksik ng sampu (10) sa bawat departamento ng
kolehiyo. Ang mapipiling mga respondente ang kakatawan sa kabuoan ng pag-
aaral.

3.4 Instrumento ng Pananaliksik

Bilang mixed method ang napiling disenyo para sa pag-aaral, gagamit ang
mananaliksik ng talatanungan para sa unang bahagi ng pagsusuri na pagbabatayan
para sa pangalawang bahagi. Kasunod nito, kakapanayamin ng mananaliksik ang
mga respondente upang mariin na matalakay ang pagbibigay kahulugan sa
nabuong endearment at kung sa paanong paraan o sitwasyon ito ginagamit.
21

3.5 Pagsusuri ng Datos

Sa paraan ng pagsusuri ng datos, gagamiting pundasyon ng mananaliksik


ang morphological analysis upang magabayan sa pagsusuri at pag-aanalisa sa
mga nabuong termino at lubos na maunawaan ang mga kaganapang pagbabagong
ng mga morpema. Kaugnay nito, susuriin ng mananaliksik ang paraan sa
pagbubuo ng mga respondente gamit ang mga salik na naitala—pagbabawas,
pagdaragdag at pagtatambal ng pangngalan. Iuugnay din ang mga paktor na
nakaapekto sa pagbubuo ng naturang termino.
22

Mga Reperensya

Literatura

Bebs. (2007). Tawagang bebe. Retrieved September 30, 2019, mula sa

https://bebisms.wordpress.com/2007/08/07/enderment

Casnig, J. D. (1997-2003). A language of metaphors. Kinuha sa

http://knowgramming.com/nicknames_pet_names_and_metaphors.htm

Crated with Love (2018). The 5 love languages and what they mean. Kinuha sa
https://cratedwithlove.com/blog/five-love-languages-and-what-they-mean/

Garcia, M. A. (2018). Filipino terms of endearment. Kinuha sa

http://www.positivelyfilipino.com/magazine/filipino-terms-of-endearment

Gregs, N (w.t.). Handout 1(5)(1). Kinuha sa


https://www.academia.edu/33803061/Handout_1_5_1_

Kennedy, S. (2019). 136 Terms of endearment i different languages. Kinuha sa


https://languagedrops.com/blog/terms-of-endearment

Landau, E. (2015). Why do we use pet names in relationships? Kinuha sa

https://blogs.scienticamerican.com/mind-guest-blog/why-do-we-use-pet-

names-in-relationships/

LingQ. (2019). Sound like a native speaker: terms of endearment in Italian.

Kinuha sa https://www.lingq.com/blog/2017/10/05/terms-of-endearment-

in-italian/
23

Odon, R. (2014). Filipino terms of endearment and contempt. Kinuha sa

http://beingfilipinoonwrongsideoftown.blogspot.com/2014/06/filipino-

terms-of-endearment-and.html?m=1

Online Etymology Dictionary. (2001-2019). Kinuha sa


https://www.etymonline.com/search?q=endearment

Philippine Digest (2019). The #millennial generation. Kinuha sa


http://phildigest.jp/the-millennial-generation/

Pag-aaral

Juin, L. F. (2014). Effect of exposure to British culture on the use of terms of

endearments in Singaporeans’ instant messaging conversations. Kinuha

sa

https://www.academia.edu/11191391/Effect_of_Exposure_to_British_Cul

ture_on_the_use_of_Terms_of_Endearments_in_Singaporeans_Instant_M

essaging_Conversations

Nartey, M. (2018). ‘Hello sweetie pie’: a sociolinguistic analysis of terms of


endearment in a Ghanaian University. Retrieved October 01, 2019,
mula sa
https://www.researchgate.net/publication/324485898_’Hello_Sweetie_Pie
’_A_Socoilinguistic_Analysis_of_Terms_of_Endearment_in_a_Ghanaian
_University
24

Skagerström, K. (2009). An observational study on how strangers are addressed

in Northern Ireland and Ireland. Kinuha sa https://www.diva-

portal.org/smash/get/diva2:299967/FULLTEXT01.pdf

You might also like