You are on page 1of 7

Paggamit ng wastong baybay at bantas ng mga estudyante sa paaralan ng Rafael B.

Lacson

Memorial High School sa baitang 10

Mary Joy Dela Torre

Lee Angel M. Deleguer

Diosalle Joy Lidres

Luzmarie Palma (no content)

Rose Ann Reyes

Karen Marie Toledo


D. Introduksyon

Nagsasaad ng rasyunal/ Kaligiran ng Pag:aaral

Ang wika ay masistemang estruktura ng sinasalitang tunog at pagsasaayos nito sa paraang

arbitraryo upang makamit sa interpersonal na pakikipagkomunikasyon at ang makabuluhang

pagsasama-sama ng mga bagay, pangyayari at mga karanasan ng sangkatauhan. Caroll (1973)

Ang bawat wika ay may mga tuntuning sinusunod na tinatawag na balarila o gramatika. Isa sa

mga pangunahing tungkulin ng mga guro sa pagtuturo ng wika ay ang balarila o

gramatikat. Ang isang mag-aaral ay dapat marunong sa mga tuntuning pangwika sa

pagpapahayag upang magamit nang wasto ang wika, pasalita o pasulat man. Para sa

kadahilanang ito, kailangan na malinang ang kakayahang panggramatika tungo sa pagkakaroon

ng kaayusan sa pakikipagtalastasan.

Ang mga mag-aaral na may kahinaan sa Filipino ay nagkakamali sa pagsulat na gawain. Kahit

ang Filipino ay pormal na ipinapakilala sa mura pang edad, sa day care o kinder, marami pa rin

ang nagkakamali sa gramatika kahit sila ay nasa High School na ng pagsulat sa Filipino. Ang

pagkakamali ay repleksyon ng pangkaisipang gawain ng mag-aaral at nagsasabing ito ay may

malaking kinalaman sa proseso sa paggamit a lenguwahe. Kung kaya minsan ang mali ay

masosolusyonan.

Ipinakilala ito ni Adibsoltani (1987) na siya ring mananaliksik sa pagsisiyasat ng bantas bilang

paglalagay ng mga tiyak na palatandaan sa mga teksto. Naniniwala siya na posible ito sa

dalawang paraan, ang isa ay nagpapakita ng lohikal na relasyon sa pagitan ng iba't ibang bahagi

ng pananalita ng isang pangungusap at pagkuha ng nakatagong kahulugan ng isa pa, na


pangkalahatan at tinatawag na "lohikal na bantas". Ang pangalawang paraan ay ang paghahatid

ng sensasyon at personal na emosyon na tiyak at tinatawag na "stylistic punctuation".

Binigyang-diin din niya na ang hindi wastong paggamit ng bantas ay humahantong sa kalituhan.

Ayon sa komisyong Wikang Filipino (2009) kailangan ang mga bantas para sa malinaw na

pagpapahayag ng mga kaisipan sa pamamagitan ng mga bantas na siyang naghihiwalay sa mga

pahayag, parilala, at salita sa isang tiyak na layunin. Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay

ang opisyal na lupong tagapamahala ng wikang Filipino at ang opisyal na institusyon ng

pamahalaan na inatasan sa paglilinang, pagpepreserba, at pagtataguyod ng mga iba't ibang

katutubong wika sa Pilipinas. Dahil dito maipapakita ng mga filipino na sila ay may alam tama

ang kanilang mga bantas.

Sa pag-aaral na ito nilalayong matukoy ang mga karaniwang kamalian ng mga mag-aaral sa

pagsulat ng mga komposisyon at paggamit ng wastong bantas . Ang pag-aaral na ito ay

sumasagot din sa tanong na, sa pagsulat ng komposisyon, ano-ano ang mga kamalian sa

paggamit ng mga bantas, palabaybayan, at paggamit ng maliit at malaking titik.

Ang pag-aaral na ito ay ipakita ang pagtutok sa wastong paggamit ng baybay at bantas ng mga

estudyante sa paaralan ng Rafarl B. Lacson Memorial High School sa lahat ng seksyon sa baitang

10. Ang mga kaugnay na pag-aaral na nakuha at sumusuporta sa paksang tinatalakay ay

makakatulong upang malutas ang suliranin ng pananaliksik.

Inaasahan naming matunghayan ang kanilang mga wastong paggamit at mga kamalian sa

paggamit ng mga baybay at bantas sa pagsulat. Ang mga mananaliksik ay tutuklasin kung ano-

ano pa ang maaaring gawin para mapalawak ang kakakayahan ng mga mag-aaral sa paggamit
ng baybay at bantas ng angkop at wasto. Pagbabasihan ang mga pagsusulit ng mga mag-aaral

na pinahintulutan din ng guro upang matukoy ang mga kailangang dapat pang I debelop at

paunalarin para sa kapakanan ng kanilang mga mag-aaral.

Ang aming pangkalahatang layunin ay:

Ang aming pangkalahatang layunin sa pag- aaral na ito ay malaman ang kabihasahan sa

paggamit ng wastong baybay at bantas sa paggamit ng gramatika at paggawa ng isang sulatin

ng mga mag-aaral sa Rafael B. Lacson Memorial High School na kasalukuyang nasa baitang 10.
Ang aming natatanging layunin ay:

Magkakaroon ng karagdagang impormasyon ang mga mag-aaral patungkol sa wastong paggamit ng

gramatika tungo sa mahusay at maayos na pagsulat at pagsasalita.

Makapagbigay linaw kung paano ang paggamit ng wastong baybay at ang tamang paglagay ng mga

bantas sa isang pangungusap.

Malaman ang mga palagiang ginagamit na mga maling baybay na mga salita at maling paglagay o

paggamit ng bantas .

Matukoy ang mga kahinaan at masolusyonan o mabigyan pansin kung ang mga mag-aaral at bihasa na

sa paggamit ng wasting baybay at bantas.

Maunawaan kung ano ang isa sa pinakamalaking problema, kahinaan o malaking sagabal ng mga mag-

aaral sa paggamit ng wasting baybay at bantas.

Masigurado na tama at wasto ang kanilang baybay at bantas upang sa gayon hindi na

mahihirapan kung ang mag-aaral sa Rafael B. Lacson Memorial High School na kasalukuyang

nasa baitang 10 sa star seksyon kung sila ay tumungtong na sa kolehiyo.

Sanggunian:

De Los Reyes, A (2021) “Karaniwang Gramatikang Pagkakamali sa Pagsulat ng Sanaysay


tungo sa Lingguwistikong Kasanayan,” EPRA International Journal of Research &
Development (IJRD), pp. 373–377. https://doi.org/10.36713/epra7727.
https://www.researchgate.net/publication/
348349990_Kakayahan_ng_mga_Guro_sa_Filipino_Susi_sa_Pagpapayaman_ng_Kaalaman_sa_
Gramatika_ng_mga_Mag-aaral

Estaji, A., & Pooresfahani, A. F. (2012). The investigation of punctuation in photographic


copies of persian writing. Theory and Practice in Language Studies, 2(5), 1090-1097.

https://www.proquest.com/scholarly-journals/investigation-punctuation-photographic-
copies/docview/1328996687/se-2

Gannaban, M. F. (2020) "Mga Teorya sa Gramatika at Wika, Salalayan sa Pagtuturo ng


Filipino"

https://ejournals.ph/article.php?id=16040

Ibay, M. (2021) "Kakayahan ng mga Guro sa Filipino: Susi sa Pagpapayaman ng Kaalaman sa


Gramatika ng mga Mag-aaral"

https://www.researchgate.net/publication/
348349990_Kakayahan_ng_mga_Guro_sa_Filipino_Susi_sa_Pagpapayaman_ng_Kaalaman_sa_
Gramatika_ng_mga_Mag-aaral

Lezondra, E. ,(2019) "Antas ng Kaalaman sa Ortograpiyang Filipino ng mga Guro at Mag-aaral


sa Ortograpiyang Filipino ng mga piling mag-aaral at guro sa Filipino"

https://www.academia.edu/44611854/
Antas_ng_Kaalaman_sa_Ortograpiyang_Filipino_ng_mga_Guro_at_Mag_aaral_sa

Saligan, H. "Aralin 1: Pagkatuto ng Wika: Kahulugan ng Wika at Kalikasan ng Wika"

https://www.academia.edu/35941283/
Aralin_1_Pagkatuto_ng_Wika_Kahulugan_ng_Wika_at_Kalikasan_ng_Wika
WriteTip ,(2019), #WriteTip: Wastong Paggamit sa mga Bantas. https://www.google.com/url?
sa=t&source=web&rct=j&url=https://m.facebook.com/WriteTip/photos/
a.789831218041935/821780734846983/%3Ftype
%3D3&ved=2ahUKEwjj46i09bD9AhUym1YBHZ2UBaQQFnoECBAQAQ&usg=AOvVaw2DCF-
63X60OiH8gnQWbFth

https://www.ejournal.com/ph/u/35489547?sid=01677367665

You might also like