You are on page 1of 16

Ang Epekto ng Salitang Konyo

sa Pagwasto ng Wikang Filipino


sa piling mag-aaral ng Mater Ecclesiae School
sa taong 2016-2017

Kabanata I: Suliranin at Kapaligiran nito

1.1 Panimula

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng suliraning ukol sa higit na pagbibigay

pansin sa paggamit ng wikang Ingles kaysa sa wikang Filipino ng mga pamilyang

nanggaling sa mataas na antas ng lipunan; sa Pilipinas. Mapapansin na hinihikayat ng

mga nakakatanda na magsalita ng wikang Ingles ang mga bata kaysa sa wikang Filipino,

ngunit hindi naman lahat ng tao sa paligid ng bata ay nagsasalita ng wikang Ingles,

maaaring makarinig rin ang bata ng mga salitang Filipino na makakaapekto sa paggamit

ng wika ng isang bata. Ang resulta nito ay ang paghahalo ng wikang Ingles at Filipino na

tinatawag din na salitang conyo. Karaniwang na itinuturing ang mga taong galing sa

mataas na antas ng lipunan na nagsasalita ng taglish ay konyo o conyo. Ayon sa

kasaysayan, ang salitang ‘conyo’ ay naunang ginamit noong simula ng ika-19 na siglo

bilang pantukoy sa mga dayong Espanyol na naninirahan sa mga bansang kanilang

nasasakupan tulad ng Pilipinas at Latin Amerika. Sa wikang Espanyol, ang salitang

‘conyo’ ay nababalot sa konsepto ng kalapastanganan bilang tugon sa mga Peninsulares

mula noong 1800 hanggang sa kasalukuyan. Ang mga Peninsulares ay ang mga Espanyol

na ipinanganak sa Pilipinas. Ang mga epekto ng salitang conyo ay nakaakibat sa taong

iyong kinakausap; kung sila man ay conyo o pangkaraniwan na Pilipino. Sa kabanatang

ito, aalamin namin ang mga epekto ng salitang conyo; mabuti man o masama, ang mga

suliranin nito at kung paano ito malulutas, pati na rin ang mga saklaw at limitasyon nito.

Ang epekto ng pag-aaral na ito ay sa kaalaman at interpretasyon ng mga taong hindi

gumagamit ng mga salitang conyo pati na rin sa mga gumagamit nito. Maaaring maging

solusyon ang pag-aaral at pagsusuri sa pananaliksik na ito upang lutasin ang mga

suliranin na nakaakibat sa paggamit ng mga salitang conyo.

1.2 Batayang Teyoretikal

Ayon kay Dr. Borlongan, hindi sigurado kung kalian nga ba umusbong ang

salitang conyo, ngunit siya ay naniniwala na ito ay nagsimula noong panahon ng

pagsakop ng mga Amerikano sa Pilipinas. Galing sa librong “The Metamorphosis of

Filipino As National Language” ni Jessie Grace U. Rubrico, kung ang taglish ay ang
Ang Epekto ng Salitang Konyo
sa Pagwasto ng Wikang Filipino
sa piling mag-aaral ng Mater Ecclesiae School
sa taong 2016-2017

simpleng paghahalo ng wikang Ingles at Filipino, ang conyo ay ang higit na

komplikadong bersyon nito. Ang paggamit ng mga salitang conyo ay sumasaklaw sa

paggamit ng mga bagong salita tulad ng pots, rug at dein na mayroong kahulugan na

naiiba sa pagkakaalam ng karaniwang na Pilipino. Dahil rito nagkakaroon ng mga

suliranin. Ayon kay Julia Irish C. Camagay ng ikasampung baitang, ang pagkakaroon ng

limitasyon sa bokabularyo dahil sa paggamit ng salitang conyo ay dahil sa hindi sanay

ang mga Pilipino sa paggamit nito. “Malilimitahan ka dahil magkahalo ang dalawang

wika (Ingles at Filipino) kaya hindi lubusan na magagamit ang wika nating mga

Pilipino.” Ang opinyon naman ni Frances Raquel V. Castillo ng ikasampung baitang.

1.3 Konseptuwal na Balangkas

Limitadong Pagkamit ng
bokabularyo adhikain bilang
Epekto ng Salitang globally
Maling Konyo sa Pagwasto competitive
interpretasyon ng Wikang Filipino
Makapangyarihan
Pagkakaroon ng ang wika
language barrier

sa mga piling mag-


aaral ng Mater
Ecclesiae School taong
2016-2017
Ang Epekto ng Salitang Konyo
sa Pagwasto ng Wikang Filipino
sa piling mag-aaral ng Mater Ecclesiae School
sa taong 2016-2017

1.4 Paglalahad ng Suliranin

Ang paksa ay tumatalakay sa epekto sa salitang conyo at pagwawasto ng wikang

Filipino sa mga piling mag-aaral ng Mater Ecclesiae School, sa kanilang pag-aaral man o

pakikipagkomunikasyon. Ayon sa kahulugan nito, ang salitang conyo ay ang paghahalo-

halo o pagsasama-sama ng mga salitang Ingles at Filipino sa paggamit sa

pakikipagkomunikasyon. Dito pumapasok ang iba’t ibang mga suliranin:

 Kakulangan sa bokabularyo sa wikang Ingles at Filipino

Dahil sa paghahalo-halo ng mga salitang Ingles at Filipino, nalilimitahan ang

bokabularyo ng isang tao. Maaaring mayroong alam na salita ang taong

nagsasalita ng conyo na hindi alam ng taong hindi gumagamit ng salitang ito.

Gayon din naman sa taong nagsasalita ng conyo. Isang halimbawa nito ay ang

paggamit ng mga taong gumagamit ng salitang conyo ng salitang ‘pots’; kung ito

ay maririnig ng taong hindi conyo, aakalain nito na ang ibig sabihin ng salitang

iyon ay ‘kaldero’ ngunit ito nangangahulugang ‘K’ o ‘okay’ sa conyo.

 Pagkakaintindi ng tao batay sa Interpretasyon nito

Magkaakibat ang suliranin na ito sa naunang suliranin sapagkat kung kulang ang

iyong bokabularyo, maaaring maging iba ang iyong interpretasyon sa salita o

pahayag na sinabi ng taong gumagamit ng salitang conyo o wikang Filipino. Ito

ang isang halimbawa ng pahayag; “Ganda naman ng watch mo, sharks naman

oh.” Kung maririnig ito ng isang pangkaraniwang na Pilipino, aakalin na ang ibig

sabihin ng salitang ‘sharks’ ay mga pating. Ngunit ito ay nangangahulugang

‘patingin’ o ‘ipakita’. Dahil sa maling interpretasyon, maaaring hindi

magkaintindihan ang dalawang nakikipagkomunikasyon na nakakaapekto sa

pagwasto ng wikang Filipino.

 Pagkakaroon ng Language Barrier

Katulad ng pangalawang suliranin, ang suliranin na ito ay nakaakibat rin sa mga

naunang suliranin sapagkat sa paggamit ng dalawang magkaibang wika,

nagkakaroon ng limitadong bokabularyo sa parehong wika na nagiging sanhi sa

pagkakaroon ng maling interpretasyon, na bumubunga naman sa pagkakaroon ng

language barrier.
Ang Epekto ng Salitang Konyo
sa Pagwasto ng Wikang Filipino
sa piling mag-aaral ng Mater Ecclesiae School
sa taong 2016-2017

 Pagkamait ng adhikain bilang Globally Competitive

Sa kasalukuyan kinakailangan nang makipagsabayan ng bansang Pilipinas sa mga

karatig na bansa upang umunlad ang ating bayan. Isa sa mga ipinamumungkahi

ng DepEd ay ang pagtuturo ng paggamit sa wikang Ingles sa halip na paggamit ng

wikang Filipino. Karamihan sa mga mag-aaral ay nagkakaroon ng kakulangan sa

kaalaman ukol sa tamang paggamit, pagwawasto at paguunawa ng dalawang

wika.

 Wika bilang makapangyarihan

Malaki ang epekto ng wika sa ating pangaraw-araw na pamumuhay sapagkat

bawat salita na binibitawan ay maaaring makapagpabago ng ating buhay pati na

rin sa iba. Karamihan sa ating mga Pilipino ay iba ang tingin sa mga taong

nagsasalita ng conyo sapagkat para sa atin, ang mga nagsasalita ng conyo ay

maaarte o mga taong pasosyal kung kaya’t nagbabato ng mga masasakit na salita

at sila ay naaapektuhan sa ating mga sinasabi. Kapag nasaktan ang isang tao sa

pamamagitan ng mga salita na iyong ginamit, maaaring mabago ang kanyang

buhay. Makikita dito na makapangyarihan ang wika.

1.5 Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay upang maunawaan ng mambabasa kung

ano ang salitang konyo at ang epekto nito sa ating sariling wika. Layunin rin ng pag-aaral

na ito ay ipalawak ang kaalaman ng mambabasa ukol sa mga pagkakaiba ng mga mali at

tama na paggamit, pagwawasto at interpretasyon ng iba’t ibang tao sa wikang Filipino,

Ingles at mga salitang conyo. Ang pag-aaral rin na ito ay makakatulong sa pagtukoy at

paglutas ng mga suliranin na bunga ng paggamit ng mga salitang conyo. Naaayon ang

pag-aaral na ito sa panahon ngayon dahil laganap ang pagtuturo at paggamit ng Ingles sa

ating bansa na bumubunga sa paggamit sa mga salitang conyo, sa gayon ito ay isa sa mga

dapat gawin upang ang pagkawala ng kahalagahan sa paggamit at pag-aaral ng ating

sariling wika ay maiwasan. Maiiwasan ang pagkawala ng kahalagan sa paggamit at pag-

aaral ng ating sariling wika gamit ang pananaliksik na ito dahil ayon sa mga layunin na

nakasulat sa itaas, ginawa itong pag-aaral upang lubos na maiintindihan at maunawaan ng


Ang Epekto ng Salitang Konyo
sa Pagwasto ng Wikang Filipino
sa piling mag-aaral ng Mater Ecclesiae School
sa taong 2016-2017

mga taong hindi conyo ang pagkakaiba sa paggamit, kahulugan at pagwawasto sa wikang

Ingles, Filipino at mga salitang conyo.

1.6 Saklaw at Delimitasyon

Ang mga suliranin ng salitang conyo ay sumasaklaw sa tamang paggamit,

pagwawasto at pagkakaunawa ng wikang Filipino. Ang paggamit ng mga salitang conyo

ay nakakaapekto sa interpresyon ng ibang tao. Kung pangkaraniwang na Pilipino ang

kausap ng isang conyo, maaaring hindi sila magkaintindihan, marahil kapag isang conyo

ang kausap ng isang conyo, maaaring sila ay magkaintindihan. Sa pagwawasto na wikang

Filipino, ang mga salitang conyo ay nakakaapekto dahil ang mga taong kadalasang

gumagamit ng mga salitang conyo ay maaaring hindi sapat ang kaalaman ukol sa

paggamit at pagwawasto nito na nagiging hadlang sa pagkakaunawaan.


Ang Epekto ng Salitang Konyo
sa Pagwasto ng Wikang Filipino
sa piling mag-aaral ng Mater Ecclesiae School
sa taong 2016-2017

Kabanata II: Mga Kaugnay Na Literatura at Pag-aaral

2.1 Kaugnay na Literatura

Isang sangay kung paano naapektuhan ng mga conyo ang kulturang Pilipino ay

ang multilinggwalismo. Ano ba ang multilinggwalismo? Ito ay ang paggamit ng higit sa

isang wika. Paano ba nito naaapektuhan ang kulturang Pilipino? Dahil sa paggamit ng

mga conyo ng multilinggwalismo ay napaghahalo nila ang wikang Pilipino sa wikang

Ingles, at dahil dito nabuo ang tinatawag na 'Taglish' na ang resulta ay gulo sa paggamit

ng wikang Pilipino.

Ayon kay Chris Urabano, ang pagkakaiba ng Taglish at conyo ay makikita sa

kanilang balarila. Ang Taglish ay ang paghahalo ng wikang Inlges at Filipino, at kung

ika’y bihasa sa dalawang nasabing wika, ito ay agad mong maiintindihan kahit ang

dalawang wika ay magkahalo. Ngunit kung mapapansin, ang mga taong gumagamit ng

conyo ay ipinaghahalo-halo ang mga pandiwang Filipino at Ingles at ginagamit upang

makabuo ng isang pangungusap, na kung isasalin sa isa sa dalawang wika ay mali at

hindi angkop. Isang halimbawa nito ay ang pahayag na “Why are you making me away?”

kung ang pahayag na ito ay isasalin sa wikang Inlges, ito ay magiging “Why are you

making me argument?” makikita na ang isinalin na pahayag ay mali, gayun din kung ito

ay isasalin sa wikang Filipino.

Ang conyo ay marahil nanggaling sa mga mestizo na dating nag-aaral sa mga

unibersal na unibersidad. (Raymond Torrecampo, 2015) Sinabi rin ni Torrecampo na ang

paglaganap ng conyo sa panahon ngayon ay dahil sa kamangmangan ng ibang mga Pilipino

ukol sa orihinal na kahulgan nito at ang conyo ay isang lengguwahe lamang na patuloy na

nagbabago.

Makikita sa 1.2 ng kabanata 1 ang pahayag ni Jessie Grace U. Rubriko; ang conyo ay

ang higit na komplikadong bersyon ng taglish. Kaakibat nitong pahayag na ito, maipapakita nga

na ang conyo ay higit na komplikado kaysa sa taglish, halimbawa ang salitang conyo na

‘carps’ ang pinanggalingan nitong salita ay ang salitang ‘carpet’ na kung tawagin rin ay

‘rug’. Kung ang ‘rug’ ay gagawing acronym, ito ay magiging R.U.G. at kung babasahin

ay “Are you G?” ang ibig sabihin ng ‘G’ ay ‘game’. Ang magiging kalabasan na ng
Ang Epekto ng Salitang Konyo
sa Pagwasto ng Wikang Filipino
sa piling mag-aaral ng Mater Ecclesiae School
sa taong 2016-2017

pahayag ay “Are you game?” kaya masasabi na ang ibig sabihin ng salitang carps ay

nangangahulugang “Are you G?” o sa wikang Filipino “Game ka ba?”

2.2 Kaugnay na Pag-aaral

Napapanahon ngayon na tawaging conyo ang mga taong galing sa mataas na

katayuan ng lipunan sa Pilipinas. Ayon kay Bautista (2004) ang mga salitang conyo ay

ginagamit na noong mga nakaraang dekada ng mga taong nasa middle at upper-class,

mga taong nakatapos ng kolehiyo at mga taga-lungsod na Pilipino, upang sila ay

mabukod sa pagkakakilanlan sa iba pang mga Pilipino.

Sa nakaraang taong 2012, si Mignette Marcos Garvida ng Ryerson University sa

Toronto, Ontario, ay naglimbag ng kanyang pananaliksik na tumatalakay at sumusuri sa

epekto ng mga taong conyo sa kultura at ekonomiya ng Pilipinas, at kung ano ang

katayuan nila bilang tao sa ekonomiya. Ang mga Pilipino ay tuluyan pa ring nagsisikap

upang makilala gamit ang mga iba’t ibang social group (Garvida, 2012). Ang kanyang

konklusyon sa kanyang pananaliksik ay ang conyo ay isang pagkakakilanlan sa kultura,

na kung saan ang mga gumagamit nito ay maituturing na mayroong pagkakaroon ng

halata na paggamit ng dalawang kultura; ang paggamit ng wikang Ingles at Filipino.

Ipinapikita nitong pag-aaral na nito ang kontradiksyon, limitasyon at ang pagiging

dynamic ng ibang Pilipino dahil sa kanilang pagdududa sa kanilang sarili; ukol sa

kanilang sosyal at ekonomikal na katayuan pati na ang galing nila sa pagsasalita gamit

ang isang partikular na wika. Bilang isang mag-aaral, hindi nakapagtataka na laganap

ngayon ang paggamit ng mga iba’t ibang wika sa pakikipagkomunikasyon dahil na rin sa

impluwensiya na dala ng social media. Masasabi nga na ang paggamit ng mga salitang

conyo ay tinatanggap na ng karamihan sa mga Pilipino, ngunit hindi pa rin mawawala

ang pagkalungkot at pagkadismaya, sapagkat hindi na lubusang pinapapahalagahan ang

ating sariling wika; na kung titingnan ay mayroon ding sariling kagandahan.

Ayon naman sa pag-aaral ni Ma. Lourdes S. Bautista, Ph.D. ang Tagalog-English

code-switching o ang pagpapalit sa paggamit ng wikang Ingles sa wikang Filipino, ay

nakapalibot sa atin. Ito ay isang obserbasyon ng mga dayuhan na bumibisita sa Pilipinas,


Ang Epekto ng Salitang Konyo
sa Pagwasto ng Wikang Filipino
sa piling mag-aaral ng Mater Ecclesiae School
sa taong 2016-2017

lalong lalo na sa Maynila. Ang higit na komplikadong paggamit nitong Tagalog-English

code-switching ay tinatawag na conyo.

Ayon sa isang teorya, ang pagtukoy ng isang Pilipino sa pagkakaiba ng Taglish sa

conyo ay natural at hindi kailangang komplikado. Kapag narinig ng isang Pilipino ang

mga pahayag na “Nag-beast mode sila sa akin kasi ‘di ko daw finollow yung rules.”

At “Puhrung they got mad sa akin because ‘di ko daw finollow the rules.” Agad na

makikilala ang pahayag na Taglish; “Nag-beast mode sila sa akin kasi ‘di ko daw

finollow yung rules.” At pahayag na conyo; “Puhrung they got mad sa akin because ‘di

ko daw finollow the rules.”


Ang Epekto ng Salitang Konyo
sa Pagwasto ng Wikang Filipino
sa piling mag-aaral ng Mater Ecclesiae School
sa taong 2016-2017

Kabanata III: Metodolohiya at Pamamaraan ng Pananaliksik

Sarbey

Isa sa mga estratehiya na ginamit sa pananaliksik na ito ay ang pagsasarbey. Ang

pagsasarbey ay ginawa gamit ang pagbibigay ng mga questionnaire sa mga piling mag-aaral sa

Mater Ecclessiae School. Ang sarbey ay tungkol sa mga suliranin na mga salitang conyo. Ang

limang suliranin na aming nabuo ay galing sa mga nakalap naming impormasyon. Gamit ang

suliranin na ito, kami ay nakabuo ng sampung tanong, na nakasulat sa sarbey. Mayroong

karagdagang tanong na ‘Bakit…?’ sa ibaba ng mga sampung tanong. Makikita rin sa pinaka

ibaba ng aming sarbey ang talasalitaan upang matulungan ang mga mag-aaral na higit na

maintindihan ang mga di pamilyar na termino.

Nakatulong ang pagsasarbey upang higit na malaman kung gaano karami ang mga mag-

aaral na mayroong kaalaman at ang mayroong kulang na kaalaman ukol sa aming paksa. Ang

kalamangan ng paggamit ng questionnaire ay mayroon itong visual presentation at mayroong

sapat na oras ang mag-aaral upang sagutan ang mga ito. Ngunit dahil ang ginamit na paraan ng

pagsasarbey ay ang paggamit ng quetionnaire, hindi flexible ang ginamit na paraan ng

pagsasarbey, sapagkat sasagot lamang ang mag-aaral ayon sa mga tanong na nakasulat sa sarbey.

Historikal

Ayon sa kasaysayan, ang pinanggalingan ng salitang conyo ay noong ika-19 na siglo. Ito

ay terminong ginamit ng mga Pilipino bilang tugon sa mga Espanyol na ipinanganak sa Pilipinas

o mga Peninsulares. Pagdaan ng mga panahon, unti unti itong nabalutan ng ibang kahulugan. Sa

ngayon, ang kahulugan nito ay ang paghahalo halo ng wikang Inles at Filipino sa pagbubuo ng

isang pahayag. Ginagamit rin ito bilang pantukoy sa mga taong gumagamit ng mga salitang

conyo tulad ng; dein, pots, sharks at iba pa. Ayon kay Jamica Vizcarra, karamihan sa mga

gumagamit ng mga salitang conyo ay ang mga mayayaman, mga estudyanteng nag-aaral sa

unibersidad at ang iba sa kabataan.

Dahil hindi pamilyar ang karamihan sa mga Pilipino sa mga salitang conyo, lingid sa

kanilang kaalaman kung ano nga ba ito. Dahil rito, nagkakaroon ng iba’t ibang mga suliranin.
Ang Epekto ng Salitang Konyo
sa Pagwasto ng Wikang Filipino
sa piling mag-aaral ng Mater Ecclesiae School
sa taong 2016-2017

Tinalakay at sinuri sa pananaliksik na ito ang mga suliranin gamit ang impormasyon na nakalap

namin. Ang kakulangan sa kaalaman ukol sa paggamit at kahulugan ng mga salitang conyo ay

bumubunga sa mga sumusunod na suliranin; pagkakaroon ng limitadong bokabularyo, maling

interpretasyon, at language barrier, wika bilang makapangyarihan at ang epekto ng mga salitang

conyo sa pagkamit ng adhikain bilang globally competitive. Ang estratehiyang historikal ay

nakatulong sa pananaliksik na ito ukol sa pagtukoy sa mga suliranin na mayroon sa paggamit ng

mga salitang conyo. Nakatulong rin ito sa pagtukoy sa pinanggalingan ng conyo at kung ano ang

pagkakaiba ng kahulugan nito sa ngayon at dati.

Reliability

Ang salitang reliability ay pumapatungkol sa pagkakapareho ng kakalabasan ng isang

pag-aaral kung ito ay gagawin muli. Kung ang isang pag-aaral ay inulit muli, masasabi na ito ay

mayroong reliability kung ang resulta ng pag-aaral ay magkatulad.

Masasabing ang pag-aaral na ito ay reliable dahil ang mga mag-aaral sa Mater Ecclesiae

School ay hindi nakakasalamuha ang mga taong lumaki at gumagamit ng conyo simula pa man

sa kanilang pagkabata. Mayroong mga conyo sa nasabing paaralan, ngunit karamihan ay hindi

gumagamit ng mga komplikadong salitang conyo katulad ng sharks, carps, pics at iba pa.

Reliable ang pag-aaral na ito dahil naiiba ang mga mag-aaral ng Mater Ecclesiae School sa mga

taong gumagamit ng komplikadong conyo katulad ng mga tao sa Maynila, kung ito ay gagawin

muli sa mga mag-aaral ng nasabing paaralan, ang resulta ay magiging magkatulad pa rin.

Validity

Ayon sa sarbey na ginawa namin, ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa mga

salitang conyo ay limitado lamang. Kaunti lamang ang nakakaalam ng mga salitang conyo.

Karamihan sa mga mag-aaral ay hindi alam ang mga salitang ginagamit sa pakikipagusap gamit

ang conyo. Ang kaalaman ng mga mag-aaral sa conyo ay nababalot sa kahulugan na ito ay

taglish, ngunit ito ay higit na komplikado. Gumagamit ang mga taong conyo ng taglish ngunit

sila rin ay gumagamit ng mga kakaibang salita na mayroong kahulugan na kakaiba. Ang mga

salitang ito ay hindi alam ng mga estudyante, kung kaya’t sila ay mayroong limitadong kaalaman

sa aming paksa.
Ang Epekto ng Salitang Konyo
sa Pagwasto ng Wikang Filipino
sa piling mag-aaral ng Mater Ecclesiae School
sa taong 2016-2017

Pagsusuring Dokumentasyon

Ayon sa mga nakalap na impormasyon sa mga dokmentaryong tungkol sa conyo,

ang conyo ay isang uri ng social group na tinatanggap ng karamihan sa mga Pilipino. Ayon sa

mga ininterbyu sa dokumentaryo, ang conyo ay ang lenggwahe na ginagamit ng mga taong

upper-class o mga taong pinalaki na ang gamit na lengguwahe ay conyo. Sinabi rin sa isang

dokmentaryo na ginagamit ang conyo upang higit na mapadali ang pagpapahayag ng mga taong

conyo ang kanilang mga sarili sapagkat nahihirapan ang mga taong conyo sa pagpapahayag ng

kanilang isipan kung isang uri lamang ng wika ang kanilang gagamitin.

Ukol sa mga impormasyon na nakasulat sa itaas, ginamit ang mga ito upang higit na

maiintindihan kung ano ang pinanggalingan ng mga salitang conyo at ang mga epekto nito sa

ating lipunan at sariling wika. Kaakibat rin nito ang mga suliranin na nagawa sa sarbey na

ipinamigay.
Ang Epekto ng Salitang Konyo
sa Pagwasto ng Wikang Filipino
sa piling mag-aaral ng Mater Ecclesiae School
sa taong 2016-2017

Kabanata V: Buod, Konklusyon at Rekomendasyon

Buod

Sinimulan namin ang aming pag-aaral sa pag-iisip ng paksa na tugma at wasto ukol sa

buong kaisipan nito at sa mga bagay na maaaring maapektuhan at naaapektuhan nito. Napili

namin ang paksang sumasaklaw sa mga epekto ng mga salitang konyo sa pagwasto ng wikang

Filipino sa mga piling mag-aaral ng Mater Ecclesiae School. Pagkatapos nitong maaprubahan ng

aming guro, kami ay nagsaliksik ng mga nagiging suliranin na bumubunga galing sa paksang

aming napili. Ang mga suliranin na aming nasaliksik ay; ang pagkakaroon ng limitadong

bokabularyo, maling interpretasyon at language barrier. Dalawa pa sa mga suliranin na aming

nahanap ay ang wika bilang makapangyarihan at ang pagkamit ng adhikain na pagiging Globally

Competitive. Matapos naman maaprubahan ang mga suliranin na aming nakalap, ang mga ito ay

aming ginamit upang makabuo ng isang sarbey. Ang mga tanong sa aming sarbey ay nakaakibat

sa mga suliranin na aming nabuo. Sa oras na ginagawa namin ang aming sarbey, ginagawa na rin

namin ang unang kabanata ng aming pag-aaral.

Ang unang kabanata ng aming pag-aaral ay tumatalakay sa mga suliranin na aming

nakalap, ang kahalagahan ng aming pag-aaral at kung ano ang mga saklaw at delimitasyon nito.

Ipinaliliwanag sa kabanatang ito kung ano ang kahulugan ng suliranin at ang epekto nito sa mga

taong gumagamit at hindi gumagamit ng mga salitang konyo pati na sa pagwawasto ng wikang

Filipino. Inisa-isa rin ang mga kahalagahan ng pag-aaral na ito ukol sa kaalaman sa tama at

maling paggamit, interpretasyon at pagwawasto sa wikang Ingles at Filipino, pati na rin sa mga

salitang konyo. Nakaakibat rin ang mga kahalagahan na nakasulat rito sa pagtukoy ng solusyon

at paglutas sa mga suliranin sa bunga ng paggamit ng mga salitang konyo. Sinsabi rin sa

kabanatang ito kung bakit naaayon ang pag-aaral na ito sa panahaon ngayon. Naaayon nga ang

pa-aaral na ito dahil na rin sa laganap na paggamit ng wikang Ingles, kasabay ng paggamit n

gating sariling wika, na bumubunga sa mga salitang konyo. Naaayon rin ito dahil itinuturing na

digital age ang henerasyon na hhigit na gumagamit ng mga salitang konyo. Nabanggit rin sa

kabanatang ito ang mga saklaw at delimitasyon ng aming mga suliranin. Tinalakay rito kung

bakit hanggang ditto lamang ang mga saklaw at delimitasyon ng aming mga suliranin. Ang mga

suliranin ng aming paksa ay sumasaklaw sa tamang paggamit, pagkaunawa at pagwawasto ng

wikang Filipino.
Ang Epekto ng Salitang Konyo
sa Pagwasto ng Wikang Filipino
sa piling mag-aaral ng Mater Ecclesiae School
sa taong 2016-2017

Ang pangalawang kabanata ay tumatalakay sa kaugnayan ng aming pag-aaral sa ibang

mga literature at pananaliksik. Ang mga kaugnay na literature ay tumatalakay sa mga kaugnay na

literature tulad ng mga libro, essays, magasins, dyaryo at iba pa. Ang mga kaugnay na literature

na aming nasaliksik ay galing sa mga essays at libro. Ayon sa pahayag ni Chris Urabano sa

kanyang essay, ang pagkakaiba ng taglish at konyo ay makikita sa kanilang balarila. Ang taglish

ay ang simpleng pagahahalo ng wikang Ingles at Filipino, samantalang kung mapapansin, ang

mga taong gumagamit ng mga salitang konyo ay ipinaghahalo ang pandiwang Ingles at

pandiwang Filipino, na kung isasalin sa dalawang wikang nasabi, ay hindi angkop. Ayon naman

kayo Torrecampo, ang paglaganap ng mga salitang konyo ay dahilan sa kamangmangan ng ibang

Pilipino ukol sa orihinal na pinanggalingan nito. Sa libro naman ni Jessie Rubriko, “The

Metamorphosis of Filipino As a National Language”, ang konyo ay ang komplikadong bersyon

ng paggamit ng taglish. Katulad ng nasabi, ang taglish ay ang simpleng paghahalo ng wikang

Ingles at Filipino, sapagkat ang paggamit ng konyo sa pakikipagkomunikasyon ay higit na

komplikado. Halimbawa nito ay ang pahayag na “Scoobs ako dude.” Ang salitang “scoobs” ay

galing sa cartoon na si Scooby Doo, isang aso na may lahing great dane o dane lamang, at sa

konyo ang salitang “dein” (pareho ng pagkabigkas ng salitang dane) ay nangangahulugang

“hindi”, kaya’t ang ibig sabihin ng nasabing pahayag ay “Hindi ako dude.” o ” Hindi ako

sasama.”

Ang mga kaugnay na pag-aaral ng aming pananaliksik ay nanggaling sa mga ibang

pananaliksik pati mga research papers at term papers. Ayon sa pag-aaral ni Bautista, ang mga

salitang conyo ay ginagamit na noong mga nakaraang dekada ng mga taong nasa middle at

upper-class, mga taong nakatapos ng kolehiyo at mga taga-lungsod na Pilipino, upang sila ay

mabukod sa pagkakakilanlan sa iba pang mga Pilipino. Ayon naman sa pananaliksik na

inilimbag ni Mignette Marcos Garvida noong nakaraang taong 2012, Ang mga Pilipino ay

tuluyan pa ring nagsisikap upang makilala gamit ang mga iba’t ibang social group. Ang kanyang

konklusyon sa kanyang pananaliksik ay ang conyo ay isang pagkakakilanlan sa kultura, na kung

saan ang mga gumagamit nito ay maituturing na mayroong pagkakaroon ng halata na paggamit

ng dalawang kultura; ang paggamit ng wikang Ingles at Filipino. Ayon naman sa pag-aaral ni

Ma. Lourdes S. Bautista, Ph.D. ang Tagalog-English code-switching o ang pagpapalit sa

paggamit ng wikang Ingles sa wikang Filipino, ay nakapalibot sa atin. Ito ay isang obserbasyon
Ang Epekto ng Salitang Konyo
sa Pagwasto ng Wikang Filipino
sa piling mag-aaral ng Mater Ecclesiae School
sa taong 2016-2017

ng mga dayuhan na bumibisita sa Pilipinas, lalong lalo na sa Maynila. Ang higit na

komplikadong paggamit nitong Tagalog-English code-switching ay tinatawag na conyo. Ayon

naman sa isang teorya ng isang term paper, ang pagtukoy ng isang Pilipino kung ang isang

pahayag ay gumagamit ng taglish o konyo ay hindi komplikado. Isinasaad sa teoryang ito ang

pagkakakilanlan ng isang Pilipino sa ginamit na mga salita sa pakikipagkomunikasyon bilang

simple at hindi komplikado.

Ang pangatlong kabanata ay tumatalakay sa Metodolohiya at pamamaraan ng aming

pananaliksik. Saklaw nito ang mga pamamaraang sumusunod; sarbey, historikal, reliability,

validity, eksperimental at pagsusuring dokumentasyon. Ang pamamaraang pag-sasarbey ay

ginawa sa paggamit ng questionnaire. Nakatulong ang pag-sasarbey upang malaman kung gaani

karami ang mga mag-aaral na mayroong sapat na kaalaman ukol sa mga salitang konyo at pati na

rin sa pagtukoy kung ilan sa mga mag-aaral ay ang mayroong kakulangan sa kaalaman ukol sa

aming paksa. Ang mga tanong sa sarbey ay nakaakibat sa mga suliranin na aming nakalap. Ang

historikal na pamamaraan naman ay pumapatungkol sa pinanggalingan ng konyo at kung paano

ito nagbabago sa panahon ngayon. Sa pagdaan ng mga taon, ang ‘konyo” ay nababalot na sa

ibang kahulugan kaysa sa kahulagan nito dati. Ang “konyo” ay ginamit na salita bilang pantukoy

sa mga Espanyol na naninirahan sa Pilipinas o mga Peninsulares. Ang kahulugan “konyo” sa

ngayon ay nangangahulugang paghahalo ng wikang Ingles at Filipino sa pagbuo ng isang

pahayag. Ang “konyo” rin sa ngayon, ay pumapatungkol sa mga taong gumagamit ng mga

salitang konyo. Nakatulong ang estratehiyang historikal sa pagtukoy sa mga suliranin na

mayroon sa paggamit ng mga salitang conyo. Nakatulong rin ito sa pagtukoy sa pinanggalingan

ng conyo at kung ano ang pagkakaiba ng kahulugan nito sa ngayon at dati. Ang reliability naman

ay tumatalakay sa reliabilidad ng pananaliksik na ito kung ito ay gagawin muli. Masasabi na

reliable ang pag-aaral na ito dahil sumasaklaw lamang ito sa mga mag-aaral ng Mater Ecclesiae

School, na hindi nakakasalamuha ang mga taong lumaki at gumagamit ng conyo simula pa man

sa kanilang pagkabata. Mayroong mga conyo sa nasabing paaralan, ngunit karamihan ay hindi

gumagamit ng mga komplikadong salitang conyo katulad ng sharks, carps, pics at iba pa.

Reliable ang pag-aaral na ito dahil naiiba ang mga mag-aaral ng Mater Ecclesiae School sa mga

taong gumagamit ng komplikadong conyo katulad ng mga tao sa Maynila, kung ito ay gagawin

muli sa mga mag-aaral ng nasabing paaralan, ang resulta ay magiging magkatulad pa rin. Ang
Ang Epekto ng Salitang Konyo
sa Pagwasto ng Wikang Filipino
sa piling mag-aaral ng Mater Ecclesiae School
sa taong 2016-2017

estratehiyang validity ay tumatalakay sa katotohonan ng aming pag-sasarbey. Ayon sa sarbey,

ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa mga salitang conyo ay limitado lamang. Kaunti

lamang ang nakakaalam ng mga salitang conyo. Karamihan sa mga mag-aaral ay hindi alam ang

mga salitang ginagamit sa pakikipagusap gamit ang conyo. Ang kaalaman ng mga mag-aaral sa

conyo ay nababalot sa kahulugan na ito ay taglish, ngunit ito ay higit na komplikado. Gumagamit

ang mga taong conyo ng taglish ngunit sila rin ay gumagamit ng mga kakaibang salita na

mayroong kahulugan na kakaiba. Ang mga salitang ito ay hindi alam ng mga estudyante, kung

kaya’t sila ay mayroong limitadong kaalaman sa aming paksa. Ipinapakita naman ng

eksperimental na estratehiya ang aktuwal na pagiinterpreta ng mga piling mag-aaral ng Mater

Ecclesiae School. Ipinapakita rito kung sila ba ay nakakaintindi nga ba ng mga salitang konyo o

hindi. Ang pagsusuring dokumentasyon ay tumatalakay sa mga kaugnay na dokumentasyon ng

ukol sa aming paksa. Ipinakita sa mga dokumentasyong aming nakalap ang kalaganapan ng mga

konyo at mga salitang konyo, lalong-lalo na sa mga upper-class. Ayon din sa ininterbyu sa isang

dokumentasyon, ang paggamit ng mga salitang konyo tuwing nagpapahayag, ay higit na madali

upang lalong maipahayag ang kanilang kaisipan sa ibang tao. Nakatulong ang estratehiyang ito

upang higit na maintindihan ang mga suliranin na bumubunga sa paggamit ng mga salitang

konyo, pati na rin ang epekto nito sa ating lipunan sa ngayon.

Ang pang-apat na kabanata ay nakaakibat sa sarbey na ginawa sa pananaliksik na ito.

Dito makikita ang mga pie graph ukol sa mga sarbey na ginawa, ang isang tanong ay mayroong

pie graph na nagpapakita kung gaano karaming mag-aaral ang sumagot ng isang patikular na

sagot; kung ito ba ay oo, hindi, madalas at marahil. Sa ibaba nitong pie graph ay ang

eksplenasyon ng bawat graph.

Konklusyon

Ang konyo ay isang social group na karamihang tinatanggap ng mga Pilipino. Ang mga

taong gumagamit ng mga salitang konyo ay may partikular na pagkakakilanlan sa ating lipunan.

Madalas na tinutukoy na konyo ang mga taong mayayaman at mga taong nasa unibersidad na

gumagamit ng dalawang wika, Ingles at Filipino. Gumagamit rin sila ng mga kakaibang termino

tulad ng carps, scoobs at pots, na laganap sa panahon ngayon sapagkat patuloy pa rin na

nagbabago ang wika. Ang mga suliranin na bumubunga sa paggamit ng mga salitang konyo ay
Ang Epekto ng Salitang Konyo
sa Pagwasto ng Wikang Filipino
sa piling mag-aaral ng Mater Ecclesiae School
sa taong 2016-2017

dahilan sa kakulangan sa pagtuon ng pansin sa isang partikular na wika lamang. Dahil nga sa

adhikain sa pagiging globally competitive, ang ating bansa ay nakikipagsabayan sa ating mga

karatig na bansa ukol sa ekonomiya, at kasama na rito ang edukasyon. Ipinapalaganap ng DepEd

ang pagtuturo at paggamit ng wikang Ingles upang tayo ay makipagsabayan sa ibang bansa, na

bumubunga sa ating paggamit ng dalawang wika; Ingles at Filipino, at dahil rito, ang mga

suliranin ay bumubunga. Dahilan nga sa pagiging globally competitive, hindi maiiwasan ang

paggamit ng dalawang wika (Ingles at Filipino), ngunit maaaring malutas ang mga suliranin

kung ang bawat mag-aaral ay mayroong sapat na kaalaman ukol sa dalawang wikang nasabi at

kung sila ay nakakasabay sa uso sa panahon ngayon. At dahil laganap ngayon ang social media,

magiging higit na madali ang pagsabay sa mga uso sa ngayon at maiiwasan ang maling

interpretasyon at ang pagkakaroon ng limitadong bokabularyo pagdating sa paggamit sa mga

salitang konyo sa pagunawa at pagwawasto ng wikang Filipino.

You might also like