You are on page 1of 7

PAG-AARAL SA MGA SALIK NA NAKAIIMPLUWENSIYA SA PAGGAMIT NG

SALITANG BALBAL NG MAG-AARAL SA KOLEHIYO NG SIKOLOHIYA

Isang Pananliksik na Iniharap sa mga Guro ng Agham at Sining


NUEVA ECIJA UNIVERSTY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

Ang isang bahagyang pagpapatupad ng mga kinakailangan sa Asignaturang


Filipino sa Iba’t-Ibang Disiplina

Isinumite kay:
Dr. Marianne R. De Vera

Mananaliksik:
Baluca, Chyna Marie P.
Billon, Aliah Vanessa S.
Dela Cruz, Melanie S.
De Guzman, Nicaella A.
Jimenez, Clairly Anne N.
Mallari, Alexa Lyn R.
Munoz, Melrich Julia G.
Reyes, Eden Ruth M.
Vidal, Jennea Sophia M.

Introduksyon
Binigyang kahulugan ng Diksyonaryo ng Cambridge ang slang o salitang balbal bilang

impormal na wika na ginagamit ng isang grupo. Ito ay kadalasang ginagamit sa pamamaraang


pasalita, imbis na pasulat. Ang salitang balbal ay kilala rin bilang salitang kalye, salitang kanto, o

salitang panlasangan (Quia et al. 2018). Ayon sa mga pag-aaral, ang salitang balbal ang

pinakamababang uri ng pananalita na ginagamit ng mga tao.

Masasabing ang salitang balbal o slang sa Ingles ay bunga ng wikang daynamiko.

Maraming mananaliksik at dalubwika na ang nagsasabing ang wika ay sumasabay sa uso at sa

pagbabago. Bilang resulta, maraming salita ang umuusbong. Ilang halimbawa nito ay ang gay

lingo na kilala rin bilang bekimon, jejemon, at conyo. Ayon sa pag-aaral nina Gime at Macascas

(2020) sa pamamagitan ng pagiging malikhain ng mga tao ay nagkakaroon ng panibagong salita.

Dagdag pa nila, ito rin ang nagsisilbing pangunahing wika ng kabataang Filipino.

Sadyang mahiwaga nga talaga ang wika, at sa patuloy na pag usbong ng mga

makabagong salita tulad ng salitang balbal. Ating mapapansin sa mga kabataan pilipino ang

ganitong uri ng wika ang kadalasan nilang sinasalita. Halimbawa na lamang nito ang syota o

jowa, charot, keribels, olats, sisteret, chika, at iba pa. Kung iisipin ang salitang balbal ay gawa-

gawa o kombinasyon lang ng mga salitang galing sa wikang filipino o kaya naman ay sa mga

wikang banyaga. At kaya naman, nakakamanghang malaman na ang mga ganitong uri ng salita

ay umusbong sa bansang pilipinas, at tinangkilik ng mga pilipino na gamitin sa pasalitang

pamamaraan.

Bilang tugon, layunin ng pag-aaral na ito na tukuyin at suriin kung paano

naiimpluwensiyahan ang mga mag-aaral sa Kolehiyo ng Sikolohiya sa paggamit ng salitang

balbal. Ang pag-aaral na ito ay mapalalawak ang kaalaman ng karamihan ukol sa uri ng

pananalita ng mga kabataan. Bilang karagdagan, makatutulong ito upang magkaroon ng daan

upang maunwaan ang paraan ng pagpapahayag ng kaisipan ng mga kabataan gamit ang salitang

balbal
Paglalahad ng Suliranin

Ang parteng ito ng pag-aaral ay hinango mula sa pananaliksik nina John Allen F.

Gregorio, Sairah Mae R. Briol, Reena Marie B. Miraflores at Ersyl T. Biray na may pamagat na

Swardspeak as a Communication Medium Among University Students: Empirical Evidence from

the Philippines.

Ang kanilang pag-aaral ay nakapokus lamang sa gay lingo dahilan kung bakit ito inayos

at inayon base sa mga kinakailangan na impormasyon na hinahangad ng mananaliksik.

Naglalayong masagutan ang mga katanungan ng mga sumusunod:

1. Demograpiko

1.1 Edad

1.2 Kasarian

2. Ano ang mga madalas na ginagamit na salitang balbal ng mga respondente?

3. Gaano kadalas gumamit ng salitang balbal ang mga respondente

4. Lugar kung saan ginagamit ang salitang balbal at sino ang kausap

Sa bahay -

a. magulang

b. kapatid

Sa paaralan -

a. kaklase

b. kaeskuwela

c. guro

Sa pampublikong lugar -
a. kaibigan

b. estranghero

5. Paglalarawan ng dahilan ng paggamit ng salitang balbal ng mga respondente:

5.1 Upang makisama

5.2 Upang maghayag ng damdamin

5.3 Upang magbigay ng opinyon

5.4 Upang magsilbing codes

Teorya

Ang paggamit ng salitang balbal ng mga mag-aaral sa Kolehiyo ng Sikolohiya ay

maaaring dulot ng kanilang pakikisalamuha sa iba. Ang teoryang komunikasyong akomodasyon

o Communication

Accomodation Theory ni Howard Giles na una niyang ipinakilala noong 1973 ay

nagsasabing may kaugnayan ang interaksyon sa kung paano makipagkomunikasyon ang mga tao.

Ito ay naglalayong ipaliwanag at tantsahin kung bakit, kailan, at paano inaayon ng isang tao ang

kaniyang pananalita sa tuwing makikipagtalastasan at kung ano ang magiging resulta ng pag-

aayon na ginawa (Dragojevic, Gasiorek, & Giles 2015)

Ayon sa teoryang ito, may tatlong paraan upang iayon ng isang tao ang kaniyang

pananalita. It ay ang convergence, divergence, at maintenance. Ang convergence ay sa tuwing

inaayon ng indibidwal ang kaniyang pananalita upang magkasing-tulad sila ng kaniyang kausap.

Ang divergence naman ay tumutukoy sa pagsasaayos ng pag-uugali sa

pakikipagkomunikasyon upang maidiin ang pagkakaiba ng magka-usap. At panghuli, sa

maintenance ay walang binabago ang isang tao sa kaniyang paraan ng pakikipagkomunikasyon.

(Dragojevic, Gasiorek, & Giles 2015)


Konseptwal na Balangkas

Input Process Process


 Sosyo-demograpiko  Deskriptibong  Pag-aaral sa mga Salik
pananaliksik at surbey na Nakiimpluwensiya
 Mga salitang balbal na
kwestyoner sa Paggamit ng
ginagamit ng
Salitang Balbal ng mga
respondente
Mag-aaral sa Kolehiyo
 Gaano kadalas ng Sikolohiya
gumamit ng salitang
balbal ang mga
respondente

 Saan ginagamit at sino


ang kausap

 Dahilan ng Paggamit

Disenyo ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng Deskriptibong pananaliksik upang maisagawa ang

layunin ng pag-aaral na masuri kung paano naiimpluwensiyahan sa paggamit ng salitang balbal

ang mga istudyante sa kolehiyo ng sikolohiya. Ang deskriptibong pananaliksik ay naglalayong

magbigay ng paliwag tungkol sa isang sitwasyon o penomena. Isinasagawa ito sa pamamagitan

ng surbey, kuwestyoner, interview, at obserbasyon. Layunin ng deskriptibong pananaliksik ang

bigyan ng detalyadong pagganap ang isang sitwasyon o mga pangyayari (Hassan, 2024)

Mga Sanggunian

Biray, E.T., Briol, S.M.R., Gregorio, J.A.F. (2023). Swardspeak as a Communication

Medium Among University Students: Empirical Evidence from the Philippines.

Nukha sa https://www.researchgate.net/

Cambridge Dictionary. Slang definition and examples.

https://dictionary.cambridge.org/dictionary/english/slang
Drgojevic, M., Gasiorek, J., & Giles, H. (2015). Communication Acommodation Theory.

Nakuha sa https://www.researchgate.net/

Hassan, M. (2024). Research Design - Types, Methods and Examples. Nakuha sa

https://researchmethod.net/

Gime, A., & Macascas, C. (2020). WikaGenZ: Bagong anyo ng Filipino slang sa

Pilipinas. Nakuha sa https://www.researchgate.net.

Quia, L. J. M., Rivera, N. A. R., Rustia, J.E.R., Tinio, M. J. L., Varona., A. P. (2018). Pag-

aaral Tungkol sa Epekto ng Paggamit ng mga Salitang Balbal sa Piling Mag-

aaral ng 11 ABM. Nakuha sa https://www.academia.edu/

Instrumentong Gagamitin

PAG-AARAL SA MGA SALIK NA NAKAIIMPLUWENSIYA SA PAGGAMIT NG

SALITANG BALBAL NG MAG-AARAL SA KOLEHIYO NG SIKOLOHIYA

Edad: Kasarian:

Mga salitang balbal na madalas ginagamit___________________________________________

Gaano kadalas gumamit ng salitang balbal ang mga respondente: ( )Bihira ( ) Minsan ( ) Palagi

Lugar kung saan ginagamit at sino ang kausap


Sa bahay -

a. Magulang ( )

b. Kapatid ( )

Sa paaralan -

a. Kaklase ( )

b. Kaeskuwela ( )

c. guro ( )

Sa pampublikong lugar -

a. Kaibigan ( )

b. Estranghero ( )

Dahilan ng paggamit ng salitang balbal

Upang makisama ( )

Upang maghayag ng damdamin ( )

Upang magbigay ng opinyon ( )

Upang magsilbing codes ( )

You might also like