You are on page 1of 2

Department of Education

Region III
Division of City of San Fernando (P)
PAMPANGA HIGH SCHOOL
High School Blvd., Lourdes, City of San Fernando, (P)

1. Sa aling hibla sa lubid ng pagbabasa pinakamahina ang inyong mga estudyante? Bakit n’yo ito
nasabi?

Sa hibla ng lubid sa bahaging pag-unawa sa wika, ang bokabularyo ang pinakadahilan kung bakit mahina
sa pag-unawa sa pagbabasa ang mga mag-aaral na Fernandino. May mga dahilan kung bakit nasabi
namin na hindi sapat ang talasalitaan ng mga mag-aaral. Una, kapag ang salitang nasumpungan sa
kanilang pagbabasa ay hindi pamilyar o unang beses pa lamang nila itong nabasa, nagiging sagabal na ito
sa kanilang pang-unawa. Ikalawa, ang paggamit sa mga salitang matatalinghaga ay balakid din sa
pagbabasa nila nang may pang-unawa. Hindi kasi ginagamit ang mga salitang ito sa kanilang araw-araw
na diskurso.

Sa hibla ng lubid sa bahaging pagkilala sa salita naman, nakitaan ng kahinaan sa decoding ang ma
estudyante sa aming lungsod. Ilan sa mga dahilan kung bakit nakasasagabal ang kahinaan sa decoding sa
pag-unawa ng mga mag-aaral sa kanilang pagbabasa ay ang sumusunod:
1. Nagkakaroon ng kalituhan sa pagbabasa at pagbigkas ng mga salita sa Kapampangan at Tagalog.
2. Hindi sanay sa paggamit ng wikang Filipino. Kapag may nabasang simpling salita, ang nasa isip
nila ay malalim na Tagalog o Filipino ito.
3. Nababasa nila ang salita subalit hindi nila ito nauunawaan.

2. Paano ito palalakasin? Pwede bang gawin ito


a. F2F ? b. sa module? c. online? D. radio-based?
Ipaliwanag

Mapalalakas ang mga kahinaang ito sa pamamagitan ng:


1. Pagbibigay ng mga paunang gawain upang maganyak ang mga mag-aaral sa pagbabasa.
2. Halawin na ang mga salitang maaaring maging sagabal sa kanilang pagbabasa.
3. Bigkasin nang wasto ang mga salita.
4. Magbigay ng mga pagsasanay na lilinang sa bokabularyo ng mga mag-aaral.
5. Magkaroon ng isang minutong role-play, pagbabalita, pagkukuwento, paglalaro at iba pang
estratehiya na kung saan gagamitin ang mga salita sa iba’t ibang sitwasyon na hango sa tunay na
buhay.
6. Ibalik ang Imbakan ng mga Salita sa bawat silid-aralan.
Department of Education
Region III
Division of City of San Fernando (P)
PAMPANGA HIGH SCHOOL
High School Blvd., Lourdes, City of San Fernando, (P)

Face-to-Face

A. Pagganyak
Ano ang kahulugan ng mga salitang nakadiin sa pangungusap?

Walang nakaaalam kung gaano na katanda ang gilingang bato. Ito ay nagisnan na naming
magkakapatid sa tahanang aming nakalahan.

Gamit ang semantic web at sa tulong ng pondo ng kaalaman gayundin sa pagkakagamit nito sa
pangungusap, itala ang mga nalalaman ninyo sa gilingang bato.

Ang harapang pagtuturo, online at radio-based ay maaaring gamitin sa pagpapalakas sa talasalitaan at


pag-decode ng mga salita ng mga mag-aaral. Sa F2F at online, agarang naituturo ng guro ang mga
paglinang ng talasalitaan. Agad ding maiwawasto ng guro ang mga salitang hindi wasto ang bigkas. Sa

tulong naman ng radio-based, naririnig at nababatid din ng mga mag-aaral ang wastong bigkas ng mga
salita at nauunawaan ang kahulugan batay sa usapan sa radyo.

You might also like