You are on page 1of 27

Antas ng Kaalaman ng mga Mag-aaral ng Senior High School

ng Inter-Global College Foundation Incorporated sa


Paggamit ng Idyomatikong Ekspresyon

KABANATA I

SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Isa sa wastong paggamit ng Idyomatikong ekspresyon ang layunin na mabigyan solusyon

ang nais iparating ng bawat salita at talata. Ang idyomatikong ekspresyon na isa sa pangunahing

gamit sa pakikipag komunikasyon. Ninanais ng mga mananaliksik na mabigyang pansin ang

wastong paggamit nito. Bukod pa dito na layon din nito na ipaunawa sa bawat indibiduwal kung

ano ba talaga ang idyomatikong ekspresyon sapagkat sa panahon ngayon na hindi alam ng iba

kung ano nga ba ang idyomatikong ekspresyon at ang tamang paggamit nito.

Nais iparating ng mga mananaliksik kung sapat nga ba ang kaalaman ng bawat

indibiduwal pagdating sa paggamit nang wasto ng idyomatikong ekspresyon upang mas lalong

maintindihan ng bawat isa kung paano nga ba ang tamang paggamit nito. Kung hindi wasto ang

pagkaka-gamit maaring magkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa usapan depende sa sitwasyon.

Ang kahulugan ng idyoma o tinatawag ding matatalinhagang pahayag ay malayo sa

literal o denotatibong kahulugan ng salita. Ang wikang Filipino ay punong mga matatalinhagang

pahayag. Ang matalinhagang pahayag ay isang uri ng pagpapahayag na kusang nalinang at

nabuo sa ating wika. Ang matatalinhagang pahayag ay may malalim o hindi tiyak na kahulugan.

Sinasalamin ng paggamit nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng wikang Filipino.

1
Antas ng Kaalaman ng mga Mag-aaral ng Senior High School
ng Inter-Global College Foundation Incorporated sa
Paggamit ng Idyomatikong Ekspresyon

Napakahalaga ng pagpapahayag ng ideya gamit ang mga matatalinghagang pahayag o salita sa

iyong kapwa. May napakaraming dahilan: sa pakikipagtalastasan natin sa ating kapwa, na

nagbabahagi tayo ng kaalaman sa mga bagay-bagay, nahuhubog nito ang intelektuwal ng isang

tao, at mas mahuhubog ito kung gagamit tayo ng matatalinghagang salita o pahayag sa ating

kapwa upang magamit niya ang kanyang isip. Hindi lamang mahalaga na maunawaan kundi mas

mahalaga na di mo direktang sasabihin ang mga ideya mo sa kaniya.

Ang pakikipagtalastasan na lubhang mahalaga sa buhay ng bawat tao. Sa ating pang-

araw-araw na pakikipagtalastasan, pagsasalita at pagsusulat, gumagamit tayo nito. Kaya nga’t

maging ang mga mamamahayag sa radyo, telebisyon at pahayagan na gumagamit din nito upang

bigyang diin at gawingkaakit-akit ang kanilang pagsasalita at pagsusulat gamit ang mga

matatalinhagang pahayag o sinasabing idyomatikong ekspresyon.

2
Antas ng Kaalaman ng mga Mag-aaral ng Senior High School
ng Inter-Global College Foundation Incorporated sa
Paggamit ng Idyomatikong Ekspresyon

Layunin

Ang pag-aaral na ito ay nag-lalayong suriin ang Antas ng Kaalaman ng mga Mag-aaral ng

Senior High School ng Inter-Global College Foundation Inc. sa Paggamit ng Idyomatikong

Ekspresyon.Layunin din nito na mabigyang tiyak na kasagutan ang mga sumusunod:

1. Ano ang demograpikong propayl sa paggamit ng Idyomatikong Ekspresyon sa pakikipag

komunikasyon ayon sa:

1.1 Edad; at

1.2 Kasarian?

2. Wastong paggamit ng Idyomatikong Ekspresyon sa mga sumusunod:

2.1 Wastong paggamit ng Edyoma sa loob ng pangungusap

2.2 Mga Edyomang nagamit sa loob ng tula

2.3 Pagsusuri kung tama o mali ang pagkakagamit ng mga idyoma sa loob ng

pangungusap.

3
Antas ng Kaalaman ng mga Mag-aaral ng Senior High School
ng Inter-Global College Foundation Incorporated sa
Paggamit ng Idyomatikong Ekspresyon

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang Antas ng Kaalaman ng mga

Mag-aaral ng Senior High School ng Inter-Global College Foundation Inc. sa Paggamit ng

Idyomatikong Ekspresyon. Ang respondante ng pananaliksik na ito ay may bilang na sampu

maaari itong babae o lalaki. Ang pananaliksik na ito ay binubuo ng sampung repondante mula sa

ika-labing isang baitang at sampung respondante mula sa ika-labing dalawang baitang.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Naniniwala ang mga mananaliksik na mahalaga ang pag-aaral na ito upang masuri ang

antas ng mga mag-aaral sa paggamit ng mga idyomatikong salita.

Naniniwala rin ang mga mananaliksik na malaki ang maitutulong ng pag-aaral na ito upang

makapaglahad ng kaalaman kaugnay sa paggamit ng mga mag-aaral sa mga idyomatikong

ekspresyon. Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga:

Para sa mga Mag-aaral

Sa katulad naming mag-aaral o sa mga karaniwang kabataan lamang, nakaka epekto at

makatutulong ito para mas lalong maintindihan kung paano ang gamit nito sa pakikipag

komunikasyon. Marami sa mga mag-aaral ang nalilimutan na kung ano ang idyoma, marahil

dahil sa ibat-ibang lengguwahe na kanilang natutunan. Mapapalawak ng idyoma ang kaisipan ng

mga mag-aaral dahil sa kahalagahan nito sa komunikasyon. Mabibigyang pansin ang idyoma

kahit may ibat-ibang lenggwahe ang ginagamit ng mga mag-aaral ngayon. Nag-aaral ng mabuti

4
Antas ng Kaalaman ng mga Mag-aaral ng Senior High School
ng Inter-Global College Foundation Incorporated sa
Paggamit ng Idyomatikong Ekspresyon

ang mga mag-aaral para sa kinabukasan tungo sa kanilang magadang buhay sa hinaharap. Gamit

ang idyomatikong ekspresyon hindi ka magiging tunay na mag-aaral kung hindi mo alam kung

paano gamitin ito.

Para sa mga Guro

Isa sa mga dahilan kung bakit nahahasa ang talino ng isang tao. Marahil bago pa namin

gawin ang pananaliksik na ito, alam na nila kung ano ang idyoma. Sila ang nagturo sa amin kung

ano ang idyoma na “Filipino” man o “Ingles” natatalakay ito. Makatutulong ito sa mga guro

batay sa kanilang pang araw-araw na kmunikasyon. Mga nais nilang sabihin para hindi

makapanakit ng damdamin ng kausap nila o di kaya naman magbibigay aliw sa taong kausap

nila.

Para sa mga susunod na mananaliksik

Mahirap man o madali ang pananaliksik patungkol sa Idyomatikong ekspresyon marapat

lamang na ito ang mabigyan pansin hinggil sa tamang pag-gamit nito. Makakatulong ang

pagtatalakay ng Idyoma sa susunod na mananaliksik upang mas madali na nila itong

maintindihan. Agad nilang malalaman ang mga nais nilang alamin. Magiging madali sa kanila

ang pag-alam ng Idyoma. Magiging handa sila sa magiging kakalabasan ng kanilang

pananaliksik ukol dito. Magagamit nila ito bilang gabay sa komunikasyon.

5
Antas ng Kaalaman ng mga Mag-aaral ng Senior High School
ng Inter-Global College Foundation Incorporated sa
Paggamit ng Idyomatikong Ekspresyon

Para sa Komunidad

Ito ang magbibigay gabay patungkol sa ating komunikasyon sa pang araw-araw. Magagamit nila

ang iba’t-ibang uri ng idyoma. Bagamat kalimitang ginagamit o popular gamitin ang mga

idyomang “Sumakabilang bahay” at “Tawag ng kalikasan” mas madadagdagan ang mga

nalalaman nila sa Idyoma. Sa panahon natin ngayon at sa komunidad na ating ginagalawan ito

ang ginagamit para makapagbigay aliw sa iyong kausap o hindi kaya naman, para hindi

direktong masabi ang iyong nais sabihin.

6
Antas ng Kaalaman ng mga Mag-aaral ng Senior High School
ng Inter-Global College Foundation Incorporated sa
Paggamit ng Idyomatikong Ekspresyon

Pagbibigay kahulugan sa mga salita

Upang lubos na maunawaan ang nilalaman ng pag-aaral na ito, binigyan ng mga

mananaliksik ng wastong kahulugan ang mga salita ayon sa pagkakagamit nito.

Antas- Ang salitang antas na tumutukoy sa katayuan, bilang o posisyon ng tao sa bagay.

Idyoma- Hindi komposisyunal sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga

kanya-kanyang salita na nabuo.

Komunikasyon- Proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe. Maaring berbal o di-

berbal.

Komposisyon- ang payak na paggawa ng isang sulatin.

Salawikain- mga maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay

patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.

Purista- ang isang tao ay ganap ang pagsunod sa mga tradisyunal na mga panuntunan o mga

istraktura, lalo na sa wika o estilo.

7
Antas ng Kaalaman ng mga Mag-aaral ng Senior High School
ng Inter-Global College Foundation Incorporated sa
Paggamit ng Idyomatikong Ekspresyon

Paradima

INPUT PROSESO AWTPUT

Nais malaman ng mga


mananaliksik na malaman
Ang mga mananaliksik
ang demograpikong
ay mamamahagi ng
propayl sa paggamit ng
mga nasabing
Idyomatikong Ekspresyon
kwestyuner sa mga
sa pakikipag
mag-aaral ng Senior
komunikasyon ayon sa
High School ng Inter-
Edad at Kasarian,
Global College Libro/Aklat
wastong paggamit ng
Foundation Inc. upang
Idyomatikong Ekspresyon
makalap ang mga
sa mga sumusunod,
impormasyon o datos
wastong paggamit ng
hinggil sa paksang
Edyoma sa loob ng
pinag-aaralan o
pangungusap at mga
tinatalakay.
Edyomang nagamit sa
loob ng tula

IPA- ang modelong Input-Proseso-Awtput ay ginamoit upang maunawaan ang pananaliksik

patungkol sa antas ng kaalaman ng mga mag-aaral ng Senior High School ng Inter-Global

College Foundation Inc.sa paggamit ng Idyomatikong Ekspresyon.

8
Antas ng Kaalaman ng mga Mag-aaral ng Senior High School
ng Inter-Global College Foundation Incorporated sa
Paggamit ng Idyomatikong Ekspresyon

Kabanata II

PAGBABALIK ARAL SA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa mga panitikan at mga pag-aaral na may

kaugnayan sa pananaliksik. Ang mga kaugnayan sa konsepto ay nagmula sa mga libro, magasin,

artikulo, balita, internet, at tesis upang makapagbigay ito ng karagdagang kaalaman at

impormasyon sa pag-aaral na nag-bibigay ng mabuting tulong sa kasalukuyang pag-aaral.

Kaugnay na Literatura

Santiago (2011), na ang pagsasaling wika ay binubuo ng pagtatangkang palitan ang isang

nakasulat na mensahe sa isang wika ng gayon ding mensahe sa ibang wika.

         Malaki ang ambag ng pagsasalin sapagkat maaaring magkaroon ng mga kaalaman at mga

karunungang sa nababasa at napag-anitikang nasusulat sa ibang wika, gayundin sa pamamagitan

nito ay maaaring mapahalagahan ang kasaysayan at kultura ng iba’t ibang lipunan at lahi ng iba’t

ibang bansa sa mga partikular na panahon at bukod pa dito ay mayroon itong pakinabang sa

pagtuturo ng mga paksa at asignaturang malapit na kaugnay ng mga karanasan, kapaligiran, ugali

at kaasalan ng mga mag-aaral.

            Isa sa mga pangunahing tungkulin ng Komisyon sa Wikang Filipino ayon sa Batas

Republika Blg. 7104 ay ang pagtatatag ng isang dibisyong pagsasaling wika na gaganyak,

magsasagawa at masiglang magtaguyod ng pagsasalin sa Filipino at sa iba pang mga wika sa

Pilipinas.  Sa ulat ng Sentro ng Wikang Filipino (2008), sinabing malaki ang ginagampanan ng

pagsasalin sa pananaliksik at ito ay nakapagbukas ng programang akademiko sa akademya.

9
Antas ng Kaalaman ng mga Mag-aaral ng Senior High School
ng Inter-Global College Foundation Incorporated sa
Paggamit ng Idyomatikong Ekspresyon

Samakatwid, kailangang mahikayat ang mga guro at mag- aaral na maging bahagi sa mga

gawaing may kinalaman sa pananaliksik at pagsasalin sapagkat kapansin- pansin na malawak pa

ang mga larang na kinakailangang saliksikin na may paksang pagsasaling wika. 

            Kaugnay nito, binigyang pansin ni Anonuevo (2011) ang kahalagahan ng isang

talatanungan sa pananaliksik.  Binanggit niya na sa pananaliksik ay kailangang mabigyang

pansin ang mga tanong.  Ayon din sa kanya, ang tanong ay kailangang batay sa mga umiiral na

datos na kailangan, kung paano ito isasakataga upang maitakda ang saklaw at lalim ng saliksik,

at haba ng panahong ilalaan dito. Gayundin, ayon pa rin sa kanya ay kinakailangan ng

mananaliksik na timbangin ang pagiging patas at ang pagtanaw sa kung saang panig, ang

ilalahad na datos

Pinahayag nina Agbones, Quijote, Sevilla at Terce (2016) na ang wikang binibigkas ng

isang tao ay naglalahad ng pagkakakilanlan ng kanyang pinagmulan. Ito rin ay nagsilbing daan

para magkaintindihan at magkaunawaan ang mga mamamayan sa isang bansa. Ang wika ay

mahalaga at kinakailangan ng isang bansa maging ng tao sapagkat ito ang ginagamit sa

pakikipagkomunikasyon, pakikipag-ugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat mamamayan. Ito

ay talagang napakahalaga dahil kung wala ito, ang ekonomiya ay hindi lalago o uunland kung

ang mga tao ay hindi nagkakaisa o nagkakaintindihan. Sa pagbabago ng henerasyon, marami na

rin ang nagbago sa ating ekonomiya lalong-lalo na patungkol sa ating wika. Nagkaroon na ng

mas maraming barayti ng wika at nagsisimula na ring lumikha ng mga panibagong lenggwahe

katulad nalang ng mga ginagamit ng bakla o “beki” na kadalasan tinatawag na “beki language”.

Marami nang nadulot na impluwensya ang mga pagbabagon ito

10
Antas ng Kaalaman ng mga Mag-aaral ng Senior High School
ng Inter-Global College Foundation Incorporated sa
Paggamit ng Idyomatikong Ekspresyon

lalong-lalo na sa mga kabataan. Nang dahil sa teknolohiya na nakapaligid sa ating kabataan

ngayon, nalipat na ang kanilang atensyon sa mga bagay na dapat ay hindi mas inuuna o

mahalaga. Nakakalimutan na nila ang pangunahing kaalam kagaya ng wastong paggamit ng mga

salita at ang kahalagan ng pagbibgigay importansya at pagtangkilik sa ating sariling wika; ang

wikang Filipino. Ayon nga sa sinabi ng ating naturingang bayani, “Ang hindi marunong

magmahal sa sariling wika, ay higit pa sa amoy ng malansang isda”.  Ang pag-aaral na ito ay

nakatuon sa paglikom ng iba-ibang persepsyon ng kabataan sa pagkilanlan at paggamit sa

wikang Filipino sa makabagong panahon. Upang makalikom ng mga suhestiyon ukol sa paano

makisabay sa pagbabago ng ating wika at makabigay ideya sa kung paano mapapaunlad o

mabubuhay ulit ang unti-unti na nating nakakalimutang wikang Filipino.

Sa aming pagkakaunawa sa kanilang ipinahayag ang wika ay napakahalaga sa atin

sapagkat ito ang nagsisilbing tulay sa pakikipag ugyan natin sa ating kapwa tao. Sa panahon

ngayon madami ng mga salita na naiimbento. Dapat na mahalin natin ang ating sariling wika

sapagkat ang iba ay hindi na alam kung papaano gamitin ang ating wika. Hindi dapat natin

ikinakahiya at kinakalimutan ang ating wika sapagkat ito ay ipinaglaban pa ng ating mga bayani.

Sinang ayunan ni Contreras (2014) na dito na nauwi ang usapin kung ano ang tatahaking

landas ng ating wikang pambansa. Ang ganitong argumento ay tila binabandera ng mga tutol na

gamitin ang Filipino sa pagtuturo, lalo na sa mga larangan ng Agham at Matematika, para

palitawin na baka mauwi lang ang usapan sa katatawanan. “Ang parisukat na ugat ng apat ay

dalawa.” Sadya ngang kakaibang pakinggan. Katulad nga naman ito ng mga pagpupumilit na

11
Antas ng Kaalaman ng mga Mag-aaral ng Senior High School
ng Inter-Global College Foundation Incorporated sa
Paggamit ng Idyomatikong Ekspresyon

gamitin ang “salumpuwit” para sa upuan at “salung-suso” para sa “bra,” na para bang

mangingimi kang itanong kung ano ngayon ang magiging salin ng “panty” at “brief.”  May

nagsasabi na ang dapat na salin ng “The square root of 4 is 2” ay “Ang skwer rut ng apat ay

dalawa.” May mga purista naman na tataas ang kilay sa paraang ito ng pagsalin. Ito rin ang mga

taong hindi masaya na mabasa ang mga salitang tulad ng “jornal”, “sentens”, “referens”,

“iskwater”, “kompyuter”, “basketbol” at iba pang ang salin ay nanggagaling sa tunog at iniba

lang ang baybay o “ispeling.” Sa ganang akin, ang mas tanggap ko na salin, dahil ito ang likas at

mas maiintindihan ng kausap, ay “Ang square root ng apat ay dalawa.” O kaya ay “Ang square

root ng 4 ay 2,” na kung saan ang 4 ay bibigkasin na “apat” at ang 2 naman ay “dalawa.” Ito ay

sa dahilang ang layunin dapat ng wika ay ang magkaunawaan. Naniniwala rin ako na walang

saysay na isalin pa ang mga unibersal na diskurso ng Agham at Matematika. Kaya labis akong

naguguluhan kung bakit kailangan pang maging usapin ang salin ng mga matematikal na

pangungusap, at bakit ito ay pinagkaka-abalahan lalo na ng mga laban sa paggamit ng Filipino

bilang wikang panturo sa larangang teknikal katulad ng Agham at Matematika. Tunay ngang

nakapanlulumo na hanggang sa ngayon ay marami pa tayong pinagdaraanang hidwaan at

bangayan para manahan ang isang wikang pambansa sa ating kamalayan. At mapapaisip ka lalo

kapag malaman mo na ang mga pag-aalinlangan ay nakikita lamang sa mga elitistang uri, o sa

mga uring intelektwal o nagpapaka-intelektwal, at hindi sa kamalayan ng ordinaryong

mamamayang sanay na na manood ng TV na nasa wikang Tagalog pa nga, at hindi Filipino. Ang

pagtutol sa pagkakaroon ng pambansang wika ay lalong binibigyan ng bangis ng mga argumento

ng mga aktibistang rehiyonalista, na nagngangalit sa di-umano ay problematikong daloy ng

12
Antas ng Kaalaman ng mga Mag-aaral ng Senior High School
ng Inter-Global College Foundation Incorporated sa
Paggamit ng Idyomatikong Ekspresyon

pagbubuo nito. Sa kanila, ang Filipino ay isang imposisyon ng imperyalistang sentro na nakabase

sa Katagalugan, manyapa’t ang balangkas o struktura ng Filipino ay halaw lamang sa wikang

Tagalog. Para sa kanila, malulusaw ng paggamit ng Filipino ang pagiging matatas nila sa

kanilang mga rehiyonal na wika, at nakaamba ang panganib na dulot nito upang tuluyan nang

burahin ang mga etnolingwistikong kaakuhan o identidad.

Sinabi ni Reyno (2018), sa mahabang panahon na ako ay nagtuturo ng asignaturang

Filipino, makailang beses na ring naitatanong sa akin ang tungkol sa pagtuturo nito. Ang

kadalasang tanong ay, “Mahirap ba itong ituro?” o “Paano ba ito itinuturo?” Ngunit ang mas

mapanghamong tanong ay, “Bakit kailangang ituro ang Filipino?.” Sa ganang akin, ang

pagtuturo ng asignaturang Filipino ay higit sa pagtuturo lamang ng kaalamang balarila o

gramatika at pag-unawa sa akdang binasa. Hindi nagtatapos ang kaalaman sa pagbuo ng wasto at

makabuluhang pangungusap at pagsagot sa mga kasanayan sa pagbasa. Ang FILIPINO bilang

asignatura ay pagpapalalim ng ating wika at kultura. Bilang guro ng Filipino, mahalagang

maisama sa oryentasyon ng mga batang tinuturuan kung bakit nila pinag-aaralan ang Filipino. Sa

oryentasyong ito, malalaman nila na higit sa isang asignatura ang Filipino na kanilang pinag-

aaralan. Sa pagagamit ng wika, mahahasa ang kanilang kaalaman at kakayahan sa pagsasalita ng

Filipino. Kapag ginagamit parati ang wika, magiging matatag ang pundasyon ng mga salita na

siyang magagamit sa pag-unawa sa maraming bagay tungkol sa ating mga Pilipino. Ang mga

nakalimbag na akda, dula o anumang palabas o panoorin, at ang mga kuwentong naririnig

tungkol sa ating mga Pilipino gamit ang wikang Filipino ay mas napahahalagahan dahil sa

13
Antas ng Kaalaman ng mga Mag-aaral ng Senior High School
ng Inter-Global College Foundation Incorporated sa
Paggamit ng Idyomatikong Ekspresyon

pagkakaroon ng sapat na pag-unawa rito. Ito rin ang maaaring pag-ugatan ng damdaming

pagkamakabayan at magsisilbing ningas ng pagmamahal sa ating bansa, sa ating pagka-Pilipino.

Kaugnay na pag-aaral

De Villa (2010) ang mga larang ng pananaliksik na may kaugnayan sa pagsasalin.  Ayon

sa kanya, kabilang dito ang mga teorya ng pagsasalin, kagamitan at kasaysayan ng pagsasalin sa

Pilipinas, pagsasalin at mga institusyong panlipunan, pagsasalin bilang isang interdisiplinaryong

larang, resepsyon ng pagsasalin, pagsasanay sa pagsasalin at pagsusuri ng pagsasalin.  Kanya

ring inilahad bukod sa mga nabanggit na larang ng pananaliksik ay kailangan ding may mga

proyekto at gawain upang lalo pang mapaunlad ang pagsasalin.  Ang ilan sa mga proyektong

binanggit niya ay ang pagsasalin ng mga teksbuk na lubhang mahalaga

sa pagkatuto ng mga estudyante sa bawat kurso, pagsasalin sa mga akdang teknikal sa larangan

ng agham, matematika, agham panlipunan at ekonomiya, pagpapalakas ng pagsasalin bilang

isang aralin o disiplina at pagpapalimbag ng mga dyornal sa pagsasalin.

Sa pag- aaral na ginawa nina Anglo at Ricafrente (2010) binanggit nila na isang

malaking gampaning pambansa ang pagsasalin. Kailangan ang pagsasalin upang maipon ang

lahat ng kaalaman at karunungan ng mundo tungo sa wika ng bansa. Idinagdag naman ni

Ricafrente (2010) na ang pagsasaling-wika ay isang larang at sining na dapat pag-ukulan ng

nararapat na pansin, kaya marapat lamang na alamin ang mga salik na nakapaloob dito.

14
Antas ng Kaalaman ng mga Mag-aaral ng Senior High School
ng Inter-Global College Foundation Incorporated sa
Paggamit ng Idyomatikong Ekspresyon

Ayon kay Ramos (2014), sa programang K-12, layunin ng pagtuturo na malinang ang

kakayahang komunikatibo, replektibo o mapanuring pag-iisip, pagpapahalagang pampanitikan

ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga babasahin at teknolohiya tungo sa pagkakaroon ng

pambansang pagkakakilanlan, kultural na literasi at patuloy na pagkatuto upang makaagapay sa

mabilis na pagbabagong naganap sa daigdig. Espesyal na dinisenyo gamit sa silid-aralan na

binubuo ng mga panuto para sa mga mag-aaral, at nakasaad ang mga layunin ng pagkatuto, ang

paksang dapat matutuhan, mga teknik ng presentasyon ng aralin, kasanayan at gamit ng paksa o

aralin.

Nabanggit ni Anot (2015) na isa sa mga indikasyon ng yaman ng karanasan sa

pagpapahayag ng isang tagapagsalita o manunulat ang kakayahan niyang gumamit ng

matatalinhagang pahayag at mga tayutay. Ang pag-aaral ng mga idyoma ay kaugnay ng

kaalamang panretorika. Ito ay nagpapabisa, nagpapakulay at nagpapakahulugan sa

pagpapahayag. Ang idyoma ay malayo sa literal o denotibong kahulugan ng salita. Ito rin ay

kilala bilang tawag na idyomatikong pahayag o sawikain sa ating wika.

Ang idyoma ay hindi lamang mayaman sa larawang-diwa, hinahamon din nito ang tagapakinig o

mambabasa na mag-isip o magsuri nang mas malalim upang makatagpo ng malinaw na

kahulugan sa salita o mga salitang ginamit.

Inilathala ni Anot (2015) na mas napapaganda ang mensahe ng manunulat o

tagapagsalysay kapag sila ay gumamit ng mga idyomatikong salita sa pagpapahayag nila ng

15
Antas ng Kaalaman ng mga Mag-aaral ng Senior High School
ng Inter-Global College Foundation Incorporated sa
Paggamit ng Idyomatikong Ekspresyon

kanilang mga mensahe. Ito ay mas nabibigyang kulay at mas nagpapabisa na basahin o

pakinggan ng tagapakinig o mambabasa ang sapagkat may mga kakaibang salita ito na ang

kahulugan ay hindi sinasabi, sa gantong paraan napapaisip ang tagapakinig at mambabasa.

Sinabi ni Arenal (2018), ang isang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na ang

kahulugan ay hindi komposisyunal — sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan

ang mga kanya-kanyang salita na nabuo. Ito ay di-tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita

ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar butas ang bulsa – walang pera ikurus sa kamay. Ang mga

idyoma o Idyomatikong Pahayag o Salitang Matalinghaga, ay parirala o pangungusap na ang

kahulugan ay kumpletong magkaiba ang literal na kahulugan ng salitang gawa sa

matalinghagang salita. Ang idyomatikong pahayag ay naging pangmalawakang gamit dahil ito'y

makahulugang mensahe. Isinasaisip sa pagsasalinwika ang mga limitasyon na kabilang ang diwa

(konteksto), ang patakarang pambalarila (gramatika) ng dalawang wika, ang pamamaraan at

gawi ng pagsulat sa dalawang wika, at ang kanilang mga wikain (kawikaan o idyoma). Isang

karaniwang kamalian sa pagkakaintindi na may payak na paraan ng pakikipaugnayan ang bawat

dalawang (ang literal na salin o pagtutumbas ng salita-sa-bawat-salita); at ang pagsasalin ay

isang tuwiran at mekanikal na proseso. Sa pagtutumbas ng salita-sa-bawat-salita, hindi

pinahahalagahan at hindi nabibigyan ng pansin at diin ang diwa, balarila, mga gawi, at kawikaan.

Sa pahayag ni Arenal (2018), kamalian ang pagsasalin ng literal (salita-sa-

bawat-salita) ang idyomatikong salita o matalinghagang salita sapagkat ito ay nagdudulot nang

maling pag-unawa sa mensaheng sinabi o sinulat. Ang mga ito ay may katumbas na kahulugan,

ginagawa ang ganitong pahayag para maging maganda ang mensahe.

16
Antas ng Kaalaman ng mga Mag-aaral ng Senior High School
ng Inter-Global College Foundation Incorporated sa
Paggamit ng Idyomatikong Ekspresyon

Kabanata III

METODOLOHIYA

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa mga pamamaraang ginamit ng mananaliksik sa

pagsasagawa ng pag-aaral. Isinasaad din sa kabanatang ito kung paano nilikon ang mga datos,

tagasagot, disesyong sampling, instrumentasyon, balidasyon ng instrumetasyon, paraan ng

pagkuha ng datos at pamamaraang estadistikang ginagamit ng mananaliksik.

Lugar ng Pananaliksik

Ang pananaliksik ay isasagawa sa barangay Bocohan ng Lucena City na magmumula sa

mga estudyante ng Inter-Global College Foundation, Inc. Dito isinagawa ang pananaliksik dahil

ditto magmumula ang mga tagasagot upang alamin ang isang pag-aaral ukol sa paggamit ng

Idyomatikong Ekspresyon.

Tagasagot

Ang pananaliksik ay isinagawa sa mga estudyante ng Inter-Global College foundation,

Inc. na mag mumula sa ika-labing isa at ika-labing dalawang baitang at sila ay pinili upang

maging respondante sa pananaliksik na ito. Binubuo ito ng dalwangpung respondante na may

kasariang lalaki at babae.

Pamamaraan ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng deskriptibong pamamaraan sa pamamagitan ng

tseklist upang malaman ang isang pag-aaral ukol sa paggamit ng idyomatikong ekspresyon sa

17
Antas ng Kaalaman ng mga Mag-aaral ng Senior High School
ng Inter-Global College Foundation Incorporated sa
Paggamit ng Idyomatikong Ekspresyon

ating ekonomomiya sa barangay Bocohan ng Lucena City na magmumula sa mga estudyante ng

Inter-Global College Foundation, Inc. sa binuong pananaliksik sa Filipino sa unang taong

panuruan 2019.

Paraan ng Pagkuha ng Datos

Matapos mapagtibay ang ginawang talatanungan, humingi ng pahintulot ang mananaliksik

sa punungguro ng nasabing paaralan na siyang gagamitin sa pananaliksik. Nang mapagtibay ang

pahintulot bilang tagasagot sa pag-alam sa pag-aaral ukol sa mga epekto sa paggamit ng

idyomatikong ekspresyon sa ating ekonomiya sa eskwelahan ng Inter-Global College

Foundation, Inc. sa ika-labing isa at ika-labing dalawang baitang na mga estudyante.

18
Antas ng Kaalaman ng mga Mag-aaral ng Senior High School
ng Inter-Global College Foundation Incorporated sa
Paggamit ng Idyomatikong Ekspresyon

KABANATA IV

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN NG MGA DATOS

Sa kabanatang ito, ang mga mananaliksik ay naglalayong ipakita ang interpretasyon at

pagtatasa ng mga datos na kanilang nakalap.

Ika-1 Bahagi. Demograpikong propayl ng mga respondante.

19
Antas ng Kaalaman ng mga Mag-aaral ng Senior High School
ng Inter-Global College Foundation Incorporated sa
Paggamit ng Idyomatikong Ekspresyon

Larawan 1. Demograpikong propayl ng mga respondante ayon sa edad

Edad 15-16 Edad 17-18 Edad 19 pataas

10%

25%

65%

Ipinapakita sa larawang ito na ang edad na labing pito hanggang labing walo ang may

pinaka malaking porsiyento na mayroong animnapu’t limang porsiyento (65%), na sinundan ng

edad labing lima hanggang labing anim na mayroong dalwampu’t limang porsiyento (25%) at

ang may pinakamababang porsiyento ay ang edad labinsiyam pataas na may sampung

porsiyento (10%).

20
Antas ng Kaalaman ng mga Mag-aaral ng Senior High School
ng Inter-Global College Foundation Incorporated sa
Paggamit ng Idyomatikong Ekspresyon

Larawan 2. Demograpikong propayl ng mga respondante ayon sa kasarian

Lalaki Babae

35%

65%

Ipinapakita sa larawang ito na ang kararian na babae ang may pinakamalaking bahagdan

na kumakatawan sa animnapu’t lima (65%) ng buong respondante, at ang karaian na lalaki ang

21
Antas ng Kaalaman ng mga Mag-aaral ng Senior High School
ng Inter-Global College Foundation Incorporated sa
Paggamit ng Idyomatikong Ekspresyon

may pinakamaliit na baghagdan na kumakatawan sa tatlumpu’t lima (35%) ng buong

respondante na sumagot sa kwestiyuner.

Ayon kay Contreras (2014), “Ang kasarian pagkakilanlan ay kaugnay ng pakiramdam ng

isang tao tungkol sa sarili, at ang karamdaman ng pagiging lalaki o babae. Ang kasarian

pagkakilanlan ng isang tao ay naiiba mula sa kanyang sekswal na oryentasyon, na siya rin ay

protektado sa ilalim ng Alintuntunin.”

Ika-2 Bahagi. Paggamit ng idyomatikong ekspresyon ng Senior High School ng Inter-Global

College Foundation Inc. sa loob ng pangungusap.

Talaan 1: Iskor ng mga respondante ayon sa Antas ng Kaalaman ng mga Mag-aaral ng Senior

High School ng Inter-Global College Foundation Inc. Lungsod ng Lucena.

Respon Iskor Porsiyento Naglalarawan sa Pagsusuri

dante
1. 34 68% May kaalaman
2. 39 78% May sapat na kahusayan
3. 34 68% May kaalaman
4. 27 54% Sapat
5. 38 76% May sapat na kahusayan
6. 40 80% Mahusay
7. 37 74% May lubos na kaalaman
8. 28 56% Patas
9. 27 54% Sapat
10. 31 62% May kaunting kaalaman
11. 36 72% May lubos na kaalaman

22
Antas ng Kaalaman ng mga Mag-aaral ng Senior High School
ng Inter-Global College Foundation Incorporated sa
Paggamit ng Idyomatikong Ekspresyon

12. 27 54% Sapat


13. 34 68% May Kaalaman
14. 33 66% May Kaalaman
15. 39 78% May sapat na kahusayan
16. 34 68% May kaalaman
17. 30 60% May kaunting kaalaman
18. 33 66% May kaalaman
19. 36 72% May lubos na kaalaman
20. 40 80% Mahusay

Pinagmulan

0- 49 kailangang paghusayan 70- 74 may lubos na kaalaman

50-54 sapat 75- 79 may sapat na kahusayan

55- 59 patas 80-84 mahusay

60-64 may kaunting kaalaman 85-89 napaka husay

65-69 may kaalaman 90-100 pinakamahusay

Ang talaang nasaitaas ay nagpapaliwanag ng antas ng kaalaman ng mga respondante sa

paggamit ng idyomatikong ekspresyon. Makikita na ang talaan ay naglalaman ng mataas na

resulta ayon sa kanilang sinagutang mga tanong. Masasabi rin sa talaan na ang mga piling mag-

aaral sa Inter-Global College Foundation Inc. ay may kaalaman sa tamang paggamit ng mga

idyoma o mga idyomatikong pagpapahayag. Karamihan sa mga respondante ay may sapat na

kaalaman at pag-unawa sa mga idyomatikong ekpresyon o nakasulat sa idyomang pamamaraan.

23
Antas ng Kaalaman ng mga Mag-aaral ng Senior High School
ng Inter-Global College Foundation Incorporated sa
Paggamit ng Idyomatikong Ekspresyon

Naipapakita rin ng talaan na may mangilanngilan na lamang na respondante ang

nangangailangan ng pagabay o pagtuturo sa pag-alam ng mga idyomatikong salita.

Ayon kay Antonio (2009), “Ang wikang Filipino ay puno ng mga matatalinghagang

pahayag. Ang mga matatalinhagang pahayag ay may malalim o hindi tiyak na kahulugan.

Sinasalamin ng paggamit nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng wikang Filipino. Ang

isang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal sa

ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo. Ito

ay di-tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar.”

Sinasabing ayon kay Antonio ang ang mga salita ay hindi direktang nilalarawan upang

maitago ang tunay na kahulugan ng bawat salita kaya ginamitan ito ng mga matatalinhagang

salita o idyoma.

Ayon kay Allese (2015), Ang idyoma ay halimbawa ng matalinghagang pananalita na

nagagamit sa masining na paglalarawan ng isang tao, bagay, hayop, o pangyayari. Karaniwang

hinango ang kahulugan nito sa karanasan ng tao gaya ng mga pangyayari sa buhay o mga bagay-

bagay sa ating paligid.

Ang pahayag ni allese ay nangangahulugang ang idyoma ay ginagamit upang

maipaliwanag ng hindi direkta ang mga bagay, tao, hayop at pangyayari upang maitago o

mapalalim ang kahulugan ng bawat salita.

24
Antas ng Kaalaman ng mga Mag-aaral ng Senior High School
ng Inter-Global College Foundation Incorporated sa
Paggamit ng Idyomatikong Ekspresyon

Bahagdan (%)= F/N*100

Kung saan:

F= bilang ng sumagot N= kabuoang bilang ng kalahok

Magaling Mahina
75% 25%

Ang talaang ito ay nagrerepresenta na karamihan sa aming respondante ay may kaalaman

o mataas ang antas sa paggamit ng idyomatikong ekspresyon. Ang kinalabasan ng aming pag

susurbey ay positibo sapagkat maganda ang naging resulta ng aming pananaliksik sapagkat 75%

ng aming respondante ay mahusay ang kanilang pagkakasagot at 25% ng aming respondante ay

mahina. Ang sinasabi ng sa talaan ay 3/4 ay mahusay at 1/4 lang ang mahibna.

KABANATA V

25
Antas ng Kaalaman ng mga Mag-aaral ng Senior High School
ng Inter-Global College Foundation Incorporated sa
Paggamit ng Idyomatikong Ekspresyon

KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Sa kabanatang ito ipapakita ng mga mananaliksik ang konklusyo at rekomendasyon

tungkol sa Antas ng Kaalaman ng mga Mag-aaral ng Senior High School ng Inter-Global

College Foundation Inc. sa Paggamit ng Idyomatikong Ekspresyon

Konklusyon

1. Ayon sa mga sagot ng aming respondante positibo ang nagging resulta ng aming pananaliksik

sapagkat ang kinalabasan ng aming pag-aaral ay mahusay sapagkat lumabas na may mataas na

antas ng kaalaman sa paggamit ng idyomatikong ekspresyon ang aming mga respondante.

2. Napansin ng mga mananaliksik na ang mga mag-aaral sa Inter-Global College Foundation Inc.

Lungsod ng Lucena ay nananatili ang pagkapilipino o likas ang pagiging Pilipino sapagkat

karamihan sa kanila ay mahuhusay ang naging bahagdan.

3. Napansin ng mga mananaliksik na ang mga respondante ay likas ang pagiging Pilipino

sapagkat nalalaman pa nila ang mga idyomatikong salita sa kabila ng makabago nating

teknolohiya.

Rekomendasyon

26
Antas ng Kaalaman ng mga Mag-aaral ng Senior High School
ng Inter-Global College Foundation Incorporated sa
Paggamit ng Idyomatikong Ekspresyon

Para sa mga Mag-aaral

Ang mairerekomenda ng mga mananaliksik sa mga mag-aaral ay: kailangan nilang mag-

aral o magbasa ng mga idyomatikong salita upang mapanatili sa kanilang mga isipan ang pagigig

likas nating mga Pilipino. Mairerekomenda rin naming na ugaliing magsagot ng mga

idyomatikong salita.

Para sa mga Guro

Malugod na inirerekomenda ng mga mananaliksik sa mga guro na sila ang mangunang

magturo sa mga estudyanteng nakakalimot na sa ating mga idyoma.

Para sa mga susunod na mananaliksik

Para naman sa mga susunod na mananaliksik ang mairerekomenda naming ay huwag

nilang hayaang mawala sa landas ng mga sususnod na henerasyon ang paggamit ng mga idyoma.

Gamitin nila itong aming pananaliksik upang maging gabay sa pag-tuturo ng mga idyoma.

Para sa Komunidad

Mariin naming inirerekomenda sa komunidad na magkaroon sila ng programa tungkol sa

ating mga idyoma. Gumawa ng mga babala na ang sulat ay sa idyomatikong paraan upang mas

mahasa pa ang mga Pilipino sa paggamit ng ating sariling salita.

27

You might also like