You are on page 1of 2

Boyd Boen Zamora Junefreed Taruc

Lordjohn Flores Jeendell Ollamina

Mga Kaugnay na Pag-aaral:

May kaibahan ang pag-uusap sa personal at pag-uusap sa “chat”. Sa pamamaraan ng pag-uusap


gamit ang “chat”, may mga pagkukulang ang paggamit ng salita sa pagsalin ng mga
nararamdaman. Ayon kay Muhammad Wibowo at Rufaida Ats-Tsiqoh ng Universitas
Padjadjaran, na nag pag gamit ng emoticons at smileys ang nakakaapekto ng impresyon sa isa’t-
isa. Ang pagkontrol sa epekto ng mga kalahok tungo sa kanilang kalooban ang isa sa mga ina-
aral sa pananaliksik. Napatunayan gamit ang mga nakalap na impormasyon na ang paggamit ng
emoticons sa pamamagitan ng pag-uusap sa chat ang makabagong daan sa pag laganap ng
“digital era”.

Computer-mediated communication (CMC) ang isa sa mga nag-impluwensya sa atin tungo sa


panlipunang pakikipag-ugnay kasama ang panliligaw. Gumagawa ang mga naghahanap-ugnay
ng mas mabilis at madaling pamaraan sa pag-uusap upang makapagsisiwalat sa sarili at
makakaapekto sa makakausap. Ayon kay Gesselman at Garcia Jr., ang emoji ang nagpapaintindi
sa mga senyales para sa mga nakatuon sa isang relasyon. Nagmumungkahi ang pag-aaral na ito
na ang paggamit ng emoji kasama sa isang potensyal na kasosyo ang nagpapanatili ng
koneksyon at nagbibigay ng romantiko at sekswal na interaksyon sa mga nakaraang panahon.

Isang napakakompleks ang komunikasyon sa isang verbal na pamamaraan. Kasangkot nito ang
paghahatid ng kongkretong impormasyon gamit ang berbal at di-berbal na mga simbolo. Noong
Hunyo sa taong 2017, pinag-aralan nina Gianmarco Troiano at Nicola Nante ang sistematikong
epekto ng emoji sa siyentipikong komunidad gamit ang electronic database na PubMed. Sa isang
maikling diskusyon, inilarawan nito ang kasaysayan ng emoji sa pagmungkahi upang bumuo ng
maraming emoji na makakatulong sa pagpapabuti sa pagmamahala ng isang pasyente sa
kanyang kalagayan.

May mga tanong tungkol sa lingas na katangian ng emoji. Halimbawa nito ang pagkakatulad ng
emoji sa lingwahi. Ayon sa mga mag-aaral sa Stanford University , pinag-aaralan nilang kung
paano ang emoji binabago ang pamamaraan ng ”online communication”. Kung paano ang
kasarian at pampulitikang pagkaka-ugnay ang napaparami gamit ang emoji, at ang mga hamon
ng emoji tungo sa natural-language ng pagproseso ng mga kompyuters.

Sa paglaganap ng paggamit ng social media, ang emoji ang isa sa mga nagtrending na paksa sa
mga digital communication technological researches. Ginagamit ang emoji bilang isang
makabagong lingwahe sa social media upang kulayan ang kanilang text message o chat. Ayon sa
pag-aaral ni Shatha Ali Hakami ng University of Birmingham, mahalaga ang pag-alam at pag-
unawa sa mga importansya ng emoji. Lumabas sa pag-aaral na upang maintindihan ang
kagamitan ng emoji at kung paano sila nakakaapekto sa pang araw-araw na trabaho,
kinakailangan ang pag rebyu ng mga importanteng ideya kabilang ang pag-unawa kung paano
surrin ang mga implikasyon at limitation ng emoji.

You might also like