You are on page 1of 4

ISANG ONLINE EKSPERIMENT TUNGKOL SA NASIRANG RELASYON NG

MAGKASINTAHAN

Bilang Bahagi sa mga


Gawaing Kailangan sa Pagpasa sa
Kursong Filipino 103
Inobasyon sa Wikang Filipino

Ipinasa kay:
Gng. Marilyn Villadolid

Ipinasa nina:
Labis, April Grace A.
Padla, Jennylou
Poliño, Jessa Mechaila
Tagum, Nicky Rose L.

May 2023
PANIMULA

Sa panahon na ating ginagalawan ngayon, laganap na ang paggamit ng


teknolohiya at isa sa naging ambag ng teknolohiya sa buhay ng mga tao ay ang internet.
Pangunahing nakikinabang sa teknolohiya ang komunikasyon kung paanong ang
komunikasyon ay kakambal ng tao sa kanyang buhay. Ginugugol ng tao ang malaking
bahagi ng kanyang pag-iisip kung paanong mapapadali ang kanyang pakikipagtalastasan
sa kapwa sa kabila ng maraming limitasyong dulot ng iba‘t ibang sitwasyon. Daan –
daang milyong tao ang pinag-uugnay ng Internet. Mula nang tila kabuteng naglitawan ang
kompyuter, hindi lang sa malalaking establisyemento kundi maging sa mga bahay-bahay
at naging madali ang pagkuha ng akses sa Internet, lumalawak at lumalaki ang nasasakop
ng Internet. Sa pag-usbong ng kompyuter at internet, napapadali ang komunikasyon ng
bawat isa sapagkat nakakakuha rito ng mga impormasyong ginagamit sa pang araw-araw
ang mga mag – aaral.

Sa konteksto ng agham panlipunan, ang eksperimento ay isang kwantitatibong


disenyo ng pananaliksik kung saan sinusukat ang epekto ng independent variable, na
nagsisilbing interbensyon, sa dependent variable, na tinatablan ng interbensyon. Sa
paglaganap ng internet marami na ang nahumaling sa paggamit ng iba’t ibang klase ng
social network at dito rin pumasok ang pagkakaroon ng online na eksperimento. Isa ang
facebook sa pinaka ginagamit na uri ng social network. Ano nga ba ang online
eksperiment? Ito ay ang eksperiment na nakabatay sa Internet o sa madaling salita ang
online na eksperiment ay isang eksperimento na isinasagawa sa Internet na kung saan ang
mga korespondente ay ang mga taong gumagamit ng iba’t ibang social platform na katulad
ng facebook, instagram at twitter. May mga benepisyo ang pagsasagawa ng eksperimento
sa online. Tinutulungan ng online na eksperimento ang mga nagsasagawa ng ekspiremento
na mahanap ang impormasyong kailangan nila ng mabilis. Ang mga online na platform na
ito ay nakakakuha ng impormasyon kaagad. Simula ng mahumaling ang mga tao sa
internet maraming naglipanang eksperimento na makikita sa online at pinapasa sa kanilang
mga kakilala at pinapasagutan. Imbes na pumunta pa ang mga mag-aaral sa kani-kanilang
bahay ay dinadaan nila ito sa paggamit ng internet para mapadali ang kanilang
pagsasaliksik.
Sa lipunan na ginagalawan ng mga mamamayan ngayon ay lahat ay nakadepende
sa teknolohiya sapagkat mas napapadali nito ang kanilang buhay. Isa sa mga
napapanahong isyu na naglipana ngayon sa internet ay ang kabilaang paghihiwalayan ng
mga magkasinatahan. Maraming nahuhumaling at mas nanghihimasok sa mga
naghihiwalay. Mayroong nagbibigay ng kanilang mga komento ukol sa pangyayari ng
hindi tinitingnan ang mga lumalabas sa kanilang mga bibig at mga komento online. Sa
hiwalayan ng mga magkasintahan hindi mo mapipigilan ang mga magiging komento ng
mga taong gustong naisin na magbigay ng komento mapabuti or mapasama man ito. Sa
henerasyon ngayon mas nalulong ang mga tao sa social media lalo na ang pagdating ng
pandemya. Ito ang naging libangan ng mga tao upang hindi mabagot sa pagdating ng
sakuna kaya kapag mayroong isyu na uusbong isang minuto lang ang lilipas ay magiging
laman na ito ng usapan sa online lalo na kung kilalang tao ang magkakaroon ng isyu. Mas
nagkakaroon ng komunikasyon online ang mga tao at madaling magbigay ng komento
sapagkat hindi nila nasasabi ng harapan sa tao ang sasabihin nila.

Ito ang isa sa nag udyok sa mga mananaliksik na gumawa ng online na


eksperimento at naging isa sa kanilang gawain sa asignaturang filipino. Ninanais ng mga
manaliksik malaman kung ano ang magiging komento ng mga taong kakilala nila at mga
kaibigan sa facebook kung maglalagay sila sa kani-kanilang facebook ng post ukol sa
paksa na hiwalayan. Kaagad napagdesisyunan ng mga mananaliksik na dapat hindi rin
sila pareho ng ilalagay dapat ay mayroong isa ang maglagay ng larawan lamang, mga puro
salita, mga emoticons, at pinagsamang salita at larawan. Sa pagsasagawa ng pananaliksik
na ito ay dito malalaman ng mga mananaliksik kung ano magiging reaksiyon ng mga
mamamayan ukol sa paksang kanilang gagawing esperminto sa facebook. Sa pag-aaral din
na ito malalaman kung gaano kalawak ang mararating ng internet sa loob ng ilang segundo
o araw. Ang pag-aaral na ito ay matatapos sa tatlong araw kung saan susuriin ng mga
mananaliksik ang datos na makakalap sa loob ng tatlong araw na pagpopost sa facebook
patungkol sa eksperimento. Sa pag-aaral rin na ito ang mga mananaliksik ay
pinagbabawalan na sasagot sa mga komento ng mga taong magiging paksa sa pag-aaral.
Dito malalaman kung ano ang magiging kinahihinatnan ng pagkakaroon ng online
eksperimento kabilang na ang mga datos na makakalap sa loob ng ilang araw.

You might also like