You are on page 1of 5

SCRIPT: DYSLEXIA

SCENE 1:
Sa bahay ng mag anak na Reyes ay makikita ang mag aamang Lito, Jules, at Ana. Kilala si Mang
Lito na mahigpit sa kanyang mga anak lalo na sa pag-aaral. Makikitang tinuturuan nito ang
kanyang panganay na anak na si Jules at bunsong anak na si Ana sa pagbabasa at pagsusulat.

Mang Lito: Magaling Ana! talaga nga namang nagmana ka sa talino ng tatay. Sa murang edad
mong iyan ay magaling kanang magbasa at magsulat.
Ana: syempre itay magaling ang nagtuturo!
Mang Lito: aba! nangbola pa (biglang napansin ni Mang Lito ang panganay na anak na si Jules
na hirap sa pagsusulat at pagbabasa ng mga letra sa libro).
Mang Lito: Ana sige na at maglaro kana muna sa labas tuturuan ko lang itong kuya mo.
Ana: opo itay! kuya bilisan mo dyan para makapaglaro tayo mamaya.
Jules: (tumango lamang)
Mang Lito: Jules, anong problema? simpleng pangalan mo lamang ang pinapasulat ko ngunit
tatlong letra pa lang ang nasisimulan mo at Mali pa ang isinusulat mo!
Jules: Pasensya na Tay, tinatamad lang ho ako ngayon.
Mang Lito: bat hindi mo gayahin ang kapatid mo, napakatalino, ano na lamang ang sasabihin ng
mga kabitbahay natin dyan kapag nakita nila na may anak akong nasa ikatlong baitang na ay di pa
makapagbasa at makapag sulat ng maayos.
Jules: Marunong naman ho ako itay, talagang tinatamad lang ho ako, pasensya na ho.
Mang Lito: Huwag mo kong dinadaan dyan sa katamaran mo! Hangga't di mo nasusulat ng
maayos ang pinapagawa ko hindi ka aalis riyan, naiintindihan mo?
Jules: opo itay, pasensya na ho.
(Nakabusangot na tinitigan na lamang ni Jules ang kanyang papel habang ito'y nagkakamot ng
kanyang ulo).
(Biglang pumasok ang kanyang ina)
Jules: Nay! Buti at dumating kana, maari mo po ba akong tulungan dito sa pinapasulat ni itay?
Ina: At anong kabulastugan naman iyan?
Jules: Pinapasulat ho kase ako ng itay ng aking buong pangalan, ngunit nahihirapan ho ako.
Ina: Aba! kaya mo na yan malaki kana!
Jules: Ngunit....................
Ina: Tigilan mo ko Jules, ako'y pupunta pa ng parlor at magpapaayos, pinapakulubot mo lamang
ang aking buhok. San kaba kase nagmana at napakapurol ng utak mo.

SCENE 2:
Lunes na naman at pasukan na, mababakas sa mukha ni Jules ang kawalang ganang pumasok dahil
alam nya na hindi nanaman sya makakasabay sa kanyang mga kaklase habang ang kanyang
bunsong kapatid naman ay halos maglulundag sa tuwa dahil nga ay pabibo sya.
Mang Lito: Ana, galingan mo sa eskwela ha? Huwag mong tularan ang kuya mo, napakatamad,
tiyak na hindi aasenso.
Ana: Opo itay, gagalingan ko.
(Nagpaalam na ang magkapatid sa kanilang ama. Habang papasok sa eskwela ay hindi matawaran
ang ngiti sa labi ni Ana sa sobrang pagka excite nito na pumasok sa eskwela kaya mapapansin din
ang pagkairita ni Jules sa kapatid).
Jules: Pinuri ka lang ni itay ng kaunti ay sobra ka naman kung makangiti riyan.
Ana: Aba siyempre! Sayo lang naman lagi mainit ang dugo ni itay, antanda mo na kase kuya di
kapa makapagbasa at makapagsulat.
Jules: Tsk! tinatamad lang talaga ako. Hala sige na pumasok kana at baka uminit din ang dugo ko
sayo.

(Classroom ni Jules)
Guro: Magandang Araw mga bata!
Mga Mag- aaral: Magandang araw Binibining Santos!
Guro:Ngayong araw ang ating tatalakayin ay tungkol sa mga tunog ng mga hayop at tuturuan ko
rin kayo ng pagbasa ng maayos. Naintindihan ba?
Mga Mag-aaral; Opooo
Guro: Atin ng simulan ang talakayan, paano nga ba ang tunog ng kalabaw? Sino ang may alam?
Estudyante 1: Ang tunog po ng kalabaw ay Maaaaa! Maaaa!
Guro: Very Good! Ikaw naman Jules paano nga kaya ang tunog ng aso?
Jules: Meow! Maaa! Meoww! (Sabay tawanan ang mga kaklase)
Guro: Jules ang tunog ng aso ay Aw!Aw! Ulitin mo nga?
Jules: Maaa! Meow! (Tawanan naman ulit ang mga kaklase)
Guro: Tumigil na kayo mga bata, ngayon ay pupunta kayo sa akin isa isa para turuan ng pagbasa
ng maayos. Naintindihan ba?
Mga Mag-aara: Opooo
Guro: Mauna ka Jules, punta ka dito.
(Binasa muna ng guro ang pangungusap at pagkatapos ng guro ay si Jules naman)
Guro: Ang sawikain ay uri ng pagpapahayag na kusang nalinang at nabuo sa atin gamit ang wika.
Jules: Annnnnnnnnngggggggg saaaaakiiiiiiiiwaaaaan ayyyyy saaannnnnn iiiiiirrrrruuuuu........
(Kahit na pinaulit ulit ng guro ipabasa ang pangungusap ay hindi pa rin ito mabasa ni Jules)

Hindi maunawaan ng guro kung bakit hindi pa masyadong nakababasa ng pangungusap si Jules at
minsan pa ay nababaliktad nito ang mga letra ng isang salita. Kaya upang malaman ang kondisyon
nito ay minsan pang tinanong ng guro si Jules.
Guro: Jules, maari mo bang sabihin saakin ang tunog ng aso?
Jules: Oink oink!
(Nagsimula ang bulong-bulungan ng kanyang mga kamag-aral)
Guro: Ano naman ang tunog ng ibon?
Jules: Meow meow!

At dahil dun nagtawanan at kinutya sya ng kanyang mga kamag–aral Sinaway naman sila ng
kanilang guro at dahil nakaramdam ng matinding pagkahiya nagpaalam ito na pupunta muna ng
palikuran.

SCENE 3:
Nagpaalam nga si Jules sa kanyang guro na pupunta siya sa palikuran. Habang nasa tapat ng
palikuran ng pambabae at panglalaki hindi nya masyadong maintindihan kung alin sa mga ito ang
para sa mga kalalakihan dahil hindi nya maunawaan ang naka paskil dito. Kung kaya basta na
lamang syang pumasok sa palikuran ng pambabae sa pag aakalang ito ay para sa panlalaki. Walang
ka alam alam si Jules na ang napasukan niya na palikuran ay para sa mga kababaihan.

Mga babae: Ahhhhhhhh may lalaki na pumasokkkkkk (Sabay tapos ng mga papel kay Jules)

Habang nasa cr si Jules ay tinawagan ng guro ang mga magulang ni Jules para ipaalam ang
kondisyon nito sa klase.

Guro: Mrs nais ko lang po ipaalam sa inyo na si Jules po ay hindi pa masyado nakakabasa ng
maayos at ang ibang mga letra ay nababaliktad nya. At ang mga tunog po ng mga hayop ay hindi
po nya alam. Kung maari po sana ay iimbitahan ko kayo dito sa eskwelahan upang mas
maipaliwanag ko po sainyo ang kanyang kondisyon.

(Pagpunta ng mga magulang ni Jules sa eskwelahan)


Guro: Magandang hapon po, mabuti naman po at nakarating kayo Mr. at Mrs. Reyes.
Mang Lito: Ano ho ba ang problema sa aming anak na si Jules?
Guro: Mr Reyes, sa tingin ko ho ay may sakit ang anak ninyo.
Ina: Sakit? E malusog naman ang pangangatawan ni Jules paano naman siyang magkakasakit?
Nakuu! Ms. Santos tamad lang ho talaga mag aral yaong si Jules.
Guro: Hindi ho ganun ang nais kong sabihin, sa tingin ko ho kase ay may dyslexia ang anak ninyo.
Ito ho ay isang kondisyon kung saan ang taong mayroon nito ay itinuturing na “special.” Ang
dyslexia ay isang reading disorder kung saan nahihirapan siyang ihiwalay ang isang salita mula sa
pangkat ng mga salita o ang ilang letra sa loob ng isang salita. Ang mga batang dyslexic ay
nahihirapang ipahayag na maigi ang sarili sa pamamagitan ng salita, o nahihirapang alalahanin
ang mga numero at letra, pati na sa paglalapat ng tamang tunog at letra sa mga salita. Kung ang
inyong anak ay waring hindi humuhusay sa “word-learning skills” sa kalagitnaan ng school year
o sa pagtatapos ng kanyang pag-aaral, baka kailangang ipasuri na siya sa doctor.
SCENE 4:
Pag uwi ng mga kaklase ni Jules ay sinabi nito sa kanilang mga magulang na marites kung ano
ang kondisyon ni Jules sa eskwelahan.

Classmate 1: Nay, alam mo ba yung anak ni Mang Lito na si Jules hindi nakakapagbasa ng
maayos. Hahahahhaah!
Classmates 2: Ma, si Jules yung kaklase ko hindi marunong kung ano tunog ng aso. Hahahahaah!
Classmates 3: Mommy, tinanong kanina ng aming teacher yung kapatid ni Ana na si Jules kung
ano ang tunog ng aso ang sabi maaaa! meow! Hahahahahha!
Nanay: Kaya sa malamang mga mare hula ko hindi yan aasenso sa buhay ehhh simpleng tunog
lang pala ng hayop ehh hindi pa alam.
Nanay 2: Sinabi mo pa, eh pagbabasa lang nga kahit sinasabayan na ng guro di pa makuha.
Nanay 3: Agree ako dyan mga Kamarites! Kaya nga talagang nakikita ko na na wala yang
patutunguhan sa buhay.

Nasaktan ng labis si Jules sa mga narinig nito mula sa mga bibig ng walang magawa sa buhay na
mga tao.At dahil nga sa sobrang pagkaawa sa sarili ay naluha na lamang ito at dali-daling naglakad
papasok ng kanilang bahay.

Nasa pintuan pa nga lang si Jules ay nagsalita na ang kanyang ama.


Mang Lito: Jules, wala ka na ginawang tama! (Pinipingot sa tainga si Jules habang papasok sa
bahay)
Ina: Ang malas namin dahil ikaw ang naging anak naming!
Mang Lito: Hindi ka man lang gumaya sa kapatid mo na matalino at sa mga kaklase mo na
marunong na magbasa.
Ina: Ang tanga tanga mo Jules.

(Halos lahat ng masasakit na salita ay narinig ni Jules sa kanyang mga magulang kaya dali dali
siyang lumabas ng bahay).

Dahil sa mga pangungutya ng mga kakalse at mga taong nangmamaliit sa kanya dahil sa kanyang
kondisyon ay mas lalong nagpursigi si Jules sa kanyang pag aaral at naghanap ng mga solusyon
upang matugunan ang kanyang kundisyon. At di nga nagtagal nakapagtapos ito ng kolehiyo na
with flying colors at nakahanap ng trabaho kung saan naipamalas niya ang kanyang kahusayan sa
kabila ng pagkakaroon nya ng dyslexia. At tumanggap ng mga pagkilala bilang isang tao na
mayroong dsylexia na naging matagumpay sa buhay at kinilala bilang huwarang tao. At dahil nga
sa mga karangalan na kanyang natanggap ay naimbitahan ito na maging guest speaker sa isang
event na kinabibilangan ng mga taong mayroon ding kondisyon kagaya nya at doon kanyang
ibinahagi ang mga karanasan at pagsubok nya sa buhay bago nya nakamit ang tagumpay.
Jules: Sa ating mga ginagalangang mga tagapag alaga, sa lahat ng mga tao na nandito at sa mga
batang espesyal sa aking puso, magandang hapon. ako po si Jules Reyes na nakaranas ng disbility
na tinatawag na Dyslexia. Ang dyslexia ay isang reading disorder kung saan nahihirapan akong
ihiwalay ang isang salita mula sa pangkat ng mga salita at nahihirapan na kilalanin ang mga letra.
Ang pagkakaroon ng ganitong sakit ay sobrang hirap dahil dyan mo mararanasan ang
pangungutya, pangmamaliit, pagkukumpara at mga masasakit na salita kagaya ng tanga at walang
mararating sa buhay. Ngunit ginawa kong inspirasyon ang mga sinasabi sa akin na mga masasakit
na salita. Nagpursigi ako na malampasan ang mga problemang aking naranasan. Kaya sainyo na
mga nakakaranas ng dyslexia o hirap kayo sa pagbabasa o pagsusulat lakasan niyo lang ang loob
niyo at gawin niyong inspirasyon ang mga pangmamaliit ng mga tao dahil sa huli malalampasan
niyo rin yan kagaya ko. Always remember that God is always on our side no matter what happen.
Again, Good Afternoon and Have a Good Day!

Lesson:
Bigyan ng sapat na pag-unawa at pagtanggap ang taong may ganitong uri ng sitwasyon. Sa halip
na husgahan o kutyain ang isang tao dahil sa kanyang kondisyon, dapat nating bigyan siya ng
tulong at suporta upang malampasan ang mga hamon na kanyang kinakaharap. Ang bawat bata ay
may sariling kakayahan at potensyal, ngunit ito ay maaaring magkaiba sa paraan ng pagkatuto at
pag-unawa sa mga bagay. Ang mga batang may dyslexia ay may kakayahan pa rin na matuto at
magtagumpay sa buhay, ngunit kailangan nila ng tamang suporta at pamamaraan upang maipakita
ang kanilang tunay na potensyal. Sa halip na bigyan ng negatibong pananaw, dapat nating bigyan
ang bata ng positibong pananaw sa kanilang sitwasyon. Kailangan nila ng pagmamahal, pag-
unawa, at suporta mula sa mga taong nakapaligid sa kanila upang maipakita ang kanilang tunay
na halaga at kakayahan. Ang pagbibigay ng pagkakataon sa bata na maipakita ang kanyang
natatanging kakayahan at talento ay makatutulong sa kanyang pagkakaroon ng positibong
pagtingin sa sarili at sa kanyang kondisyon.

You might also like