You are on page 1of 2

Ang Lihim ng Kahapon

Mga Kaibigan, gusto niyo bang marinig ang aking kuwento. Tara na! Mag-
kuwentohan tayo!

Maaliwalas ang panahon. Ang luntiang mga dahon ay sumasabay sa


mapayapang ihip ng hangin. Sa di kalayuan ay natatanaw ni Hulyan ang mga
taong nagkakasiyahan. Subalit ang kaniyang paningin ay naagaw ng isang mag-
asawang masayang tinuturuang magbiseklita ang kanilang anak. Muling
nanumbalik sa kaniyang isipan ang nakaraang pinipilit niyang kakalimutan. Ang
mapait na lihim na naging lamat sa pahat nitong isipan na mananatili sa yugto
ng kanyang kamusmusan. Datapwat, ito rin ang naging bunsod upang tahakin
ang mabuting landas.

Guro: Class, ang nangunguna sa ating unang kwarter ngayon ay walang iba
kundi si Hulyan Hermogenes.

Kaklase/Kaibigan: Lodi kita talaga Hulyan!

Hulyan: Wala yan, kaya mo rin yan, sipag at tiyaga ang kailangan pare.

Ang ina ni Hulyan ay nagtatrabaho sa bayan bilang isang kasambahay.


Samantala, ang kaniyang ama naman ay likas na mahilig sumugal na siyang
dahilan kung bakit kahit anong pagkakayod ng kaniyang asawa ay walang pag-
unlad na nangyayari sa kanilang pamilya.

Aling Isabel: Estoy naman, wala na nga tayong makain, nagsusugal ka pa!

Estoy: Eh ano naman, kapag nanalo ako dito makakaahon tayo nito sa hirap.

Aling Isabel: Manalo? Kailan ka ba nanalo ha? Sa ginagawa mo mas lalo tayong
naghihirap. Maawa ka naman sa amin ng anak mo estoy!

Hulyan: Nay, tama na po iyan…. Tay, sana naman makinig naman kayo kay
nanay.

Ganito palagi ang paulit-ulit na pangyayaring masasaksihan sa pamilya ni Hulyan.


Ang pangyayaring ito ay naging ugat ng pagkagahaman ni Mang Estoy sa pera
na nag-udyok sa kaniyang gawin ang bagay na nagdala ng kadiliman sa kanyang
nag-iisang anak.

Estoy: Julian Anak, hali ka nga dito sa kwarto!

Hulyan: Sandali lang po Itay, tataposin ko lang po yung takdang-aralin ko.

Estoy: Pumasok ka nga dito!

Bukas ang pinto, walang maaninag na liwanag si Hulyan. May halong kabang
tinawag ang kanyang ama.

Hulyan: Itay, nasaan kaba?

Biglang lumiwanag ang silid ng buksan ng kanyang ama ang kompyuter. Sa


tagpong iyon unang naganap ang pang-aabuso ng sariling ama sa kay Hulyan.
Luhaan at diring-diri sa sarili si Hulyan, pakiramdam niya’y kaharap niya pa ang
babaeng may katandaan na nakausap niya sa kompyuter, habang pinipilit na
pinapatanggal ang mga saplot nito at gawin sa kanya ang kasuklam-suklam na
bagay.

Kyle: Oy Hulyan, napansin kong matamlay at tulala ka. May sumasagabal ba sa


iyong isipan?

Hulyan: Wala, ayos lang ako.

Dumating na ang araw ng kaarawan ni Hulyan na kinasasabikan ni Aling Isabel


dahil gusto niyang surpresahin ang anak. Subalit siya ang nasurpresa, narinig
niyang humahagulgol sa iyak si Hulyan at nasilayan niya ang pinapagawa ng
kanyang asawa.

Aling Isabel: Dios ko! Anong nangyayari dito? Estoy anong pinapagawa mo sa
anak natin?

Estoy: Isabel?

Hulyan: Inay, tulongan mo ako! Ayaw ko na po Inay!

Aling Isabel: Walang hiya ka! Anong klaseng ama ka, ang laswa-laswa mo!

Aling Isabel: Anak, patawarin mo ako! Huwag kang mag-alala anak,


ipapakulong natin iyang walang kwentang ama mo!

Isinumbong ni Aling Isabel sa mga pulis ang kawalang-hiyang ginawa ng asawa


sa kanilang anak. Nangako si Aling Isabel kay Hulyan, na walang makaka-alam
sa kanilang lihim. Dahil sa pag-unawa at pagmamahal ni Aling Isabel. Unti-unting
naibalik ang dating masiyahin, may tiwala sa sarili at kasiglahan sa pag-aaral si
Hulyan. Araw ng pagtatapos…

Guro: Mga kaibigan, ang nangunguna sa klase sa taong ito, ay walang iba kundi
si…Hulyan Hermogenes.

Kaibigan/Kaklase: Hulyan, binabati kita!

Tumingala sa kalangitan si Hulyan at sabay sabi sa sarili…

Hulyan: Panginoon, tunay ngang Ika’y sandigan bagkos aking nalampasan ang
mga dagok sa aking buhay. Patnubayan mo po ang aking ina at naway
maliwanagan ang aking ama sa kanyang mga maling desisyon.

Nagustohan niyo ba ang aking kuwento? May aral ba kayong napulot? Naantig
rin ba ang inyong mga puso? Hanggang sa muli, maraming salamat…Paalam!

You might also like