You are on page 1of 17

Ang Aral ng Damo

by xavier
Ateneo de Cagayan

May anghel na galing sa langit na nagbisita upang tiyakin kung tunay ngang ang lahat ng
nilalang sa kagubatan ay nasisiyahan.
“G. Punongkahoy, ikaw ba’y maligaya?” tanong ng anghel.
“Hindi,” ang sagot sa tinig na walang sigla, “sapagkat ako’y walang bulaklak.”
Ang anghel ay nagpunta sa bulaklak upang magsiyasat. “Bb. Bulaklak, ikaw ba’y maligaya sa
iyong paligid?”
“Hindi ako maligaya sapagkat wala akong halimuyak. Masdan mo ang gardenia sa banda roon.
Siya’y umuugoy sa amihan. Ang kanyang bango na taboy ng hangin ay kahali-halina!”
Ang anghel ay nagpunta sa gardenia upang mabatid ang damdamin nito. “Ano ang masasabi mo
sa iyong halimuyak?”
“Ako’y hindi nasisiyahan. Wala akong bunga. Naiinggit ako sa saging! Iyon, siya’y natatanaw
ko. Ang kanyang mga piling ay hinog na!”
Ang anghel ay lumapit sa saging, nag magandang-araw at nagtanong, “G. Saging, kumusta?
Ikaw ba’y nasisiyahan sa iyong sarili?”
“Hindi. Ang aking katawan ay mahina, hindi matibay na tulad ng sa narra! Pag malakas ang
hangin lalo’t may bagyo, ako’y nababali! Nais ko sanang matulad sa narra!”
Nagpunta ang anghel sa narra at nagtanong, “Anong palagay mo sa iyong matibay na puno?”
“Sa ganang akin, gusto ko pa ang isang damo! Ang kanyang mga dahon ay matutulis. Ang mga
ito’y nagsisilbing proteksiyon!” pakli ng narra.
Ang anghel ay nagpunta sa damo. “Kumusta ka ? Ano ang nanaisin mo para sa iyong sarili?”
“Masaya ako !” sagot ng damo . “Ayaw kong mamumulaklak. Walang kwenta ang bunga. Ayaw
ko rin ng matibay na puno. Gusto ko’y ako’y ako… hindi nananaghili kaninuman pagkat
maligaya!”
Isang Dipang Langit
by Amado V. Hernandez
Bartolina ng Muntinlupa – Abril 22, 1952

Ako’y ipiniit ng linsil na puno


hangad palibhasang diwa ko’y piitin,
katawang marupok, aniya’y pagsuko,
damdami’y supil na’t mithiin ay supil.
Ikinulong ako sa kutang malupit:
bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;
lubos na tiwalag sa buong daigdig
at inaring kahit buhay man ay patay.

Sa munting dungawan, tanging abot-malas


ay sandipang langit na puno ng luha,
maramot na birang ng pusong may sugat,
watawat ng aking pagkapariwara.

Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,


sa pintong may susi’t walang makalapit;
sigaw ng bilanggo sa katabing moog,
anaki’y atungal ng hayop sa yungib.

Ang maghapo’y tila isang tanikala


na kala-kaladkad ng paang madugo
ang buong magdamag ay kulambong luksa
ng kabaong waring lungga ng bilanggo.

Kung minsa’y magdaan ang payak na yabag,


kawil ng kadena ang kumakalanding;
sa maputlang araw saglit ibibilad,
sanlibong aninong iniluwa ng dilim.

Kung minsan, ang gabi’y biglang magulantang


sa hudyat – may takas! – at asod ng punlo;
kung minsa’y tumangis ang lumang batingaw,
sa bitayang moog, may naghihingalo.

At ito ang tanging daigdig ko ngayon –


bilangguang mandi’y libingan ng buhay;
sampu, dalawampu, at lahat ng taon
ng buong buhay ko’y dito mapipigtal.

Nguni’t yaring diwa’y walang takot-hirap


at batis pa rin itong aking puso:
piita’y bahagi ng pakikilamas,
mapiit ay tanda ng di pagsuko.

Ang tao’t Bathala ay di natutulog


at di habang araw ang api ay api,
tanang paniniil ay may pagtutuos,
habang may Bastilya’y may bayang gaganti.

At bukas, diyan din, aking matatanaw


sa sandipang langit na wala nang luha,
sisikat ang gintong araw ng tagumpay…
layang sasalubong ako sa paglaya!
Huwag balikan
Ang mga nakaraan
Bukas ang tingnan.
Mga Sanaysay sa Filipino - Tungkol sa Kabataan

Kapag Lumaki Na (Sulating di Pormal)

Pinalaki tayo sa kasinungalingan. Bata pa lang tayo, sinanay na tayo sa mga nilalang na hindi naman natin nakikita.
Kapre, tikbalang, manananggal, tiyanak, multo at mangkukulam. Mga lamang-lupa daw ang tawag dito. Nagtataka
ako kung bakit hindi isinama ang kamote, sibuyas at luya. Mga lamang-lupa din naman iyon.

Kapag nagkakasakit tayo, ipinipilit ng Nanay na masarap ang lasa ng gamot para sa sakit mo. Kahit kalasa iyon ng
tinta ng pentel pen o panis na mantika. Para mapainom ka, kailangang pasinungalingang pagkasarap-sarap ng gamot
kahit pati sila kapag umiinom nito ay nagkakandangiwi na rin sa simangot. At may batok ka galing kay Tatay kapag
nailuwa mo at naisuka. Sayang ang ipinambili ng gamot.

Ipapanood sa iyo sa TV ang mas lalong pinakamalalaking kasinungalingan. Sesame Street na hindi mga totoong tao
ang gumaganap. Palakang nagsasalita, mag-partner na puppet na parehong lalaki (sino kaya ang bading?), halimaw
na mahilig sa biscuit, bampirang hanggang 10 lang ang kayang bilangin (minsan up to 12), ibon na kasing laki ng
elephant at elepanteng balbon (saan ka nakakita ng elepanteng pagkahahaba ng balahibo sa katawan?) at isang
nilalang na mahilig mag-ipon ng basura at nakatira sa basurahan. May tagalog version ito dito sa Pilipinas, ang
Batibot. Ang problema, ang pinakabida sa program na ito, isang tuso at isang tanga.

Ililipat naman sa ibang channel na ang tampok ay mga magkakaibigang superheroes. Marami sila sa istorya at lahat
ay may angking super powers. Ipinakikita lamang dito ang kanilang kahinaan, na hindi pala kaya ng isang superhero
lang ang problema ng mundo. Kailangan din ang tulong ng iba para masagip ang daigdig. Kawawang Superman,
walang sinabi. Hindi kayang tumayo sa sariling mga paa.

Tapos ka nang manood ng kasinungalingan este palabas pala sa TV. Gusto mong maglaro sa labas kasama ng ibang
mga bata sa kapitbahay. Pero narinig mo ang sinabi ni Nanay. May bumbay na nangunguha ng bata sa kalsada.
Tarantadong bumbay ito. Akalain mong pati mga batang nananahimik ay gustong kidnapin. Pero ang totoo niyan,
hindi ka pwedeng lumabas dahil bagong paligo ka. At magkakalkal ka na naman ng dumi sa kalye kapag
nakipaglaro ka. Tinatamad na si Mommy na maglinis sa iyo.

Ayaw mong matulog sa tanghali? Lagot ka, andiyan ang “lizard”. Pikit ka na, bababa na yung “lizard”.

Kaya, kasama sa paglaki ng bata na kahit ang pinakamaliit na problemang kasing liit ng butiki ay hindi kayang
masolusyunan dahil “lagot ka, kayang-kaya ka ng lizard”.

Sa hapunan, hindi pwedeng hindi mo uubusin ang pagkain. Mabubulag ka. Kahit magkandasuka ka sa pagsubo,
ubusin mo. Hindi dahil sayang ang inihanda sa mesa. Kung hindi bahala ka, mabubulag ka.

Isasama pa ba natin dito ang mga kasinungalingan tungkol kay Santa Claus, ang tatlong hari, ang mga pamahiin ni
Lolo at Lola, ang pagiging “disente” (daw) ni Rizal, nakakabungang-araw ang pagkain ng sobra ng mangga at ang
tungkol sa mga alamat ng pinya at Olongapo? Huwag na. Ayoko nang dagdagan ang mga kasinungalingan dito.

Lumalaki ang bata sa kasinungalingan. At sa kaniyang pagtanda, pag-aasawa at pagkakaroon ng sariling mga anak,
uulitin niyang muli ang istoryang ito ng mga kasinungalingan. Mga Sanaysay sa Filipino 2011.
MAY UMAGA PANG DARATING

Ni Estela Merced Santos

MGA TAUHAN:

Minyong – ama – 35 taong gulang

Tinay – ina – 35 taong gulang

Emily – anak

Padre Alex – kura paroko

Juan – sacristan

LUGAR:

Bangketa (Makikita si Minyong na may 35 taong gulang ay palakad-lakad. Hindi niya mawari ang mga pangyayari.
Kinakausap ang sarili.)

UNANG TAGPO

Minyong: Ako ba ang may pagkukulang? Ang mga tao sa aking paligid ang walang pag – unawa? Ang kapalaran ba
ay sadyang malupit? ( Magbubuntong – hininga) O, Diyos ko! Tulungan po ninyi ako.

(Naupo sa isang tabi at binuksan ang balutang dala-dala na wala naming laman, anyo siyang gutom at hapo,
tiningnan ang bulsa na ilang sentimo nalang ang natitira)… Gumagabi na naman. Saan ako magpapalipas ng gabi?
(Nagpatuloy ngn paglalakad na di alam ang patutunguhan. Nagpabalik – balik sa paglalakad sa kahabaan ng
bangketa na tila tuliro, paikut – ikot na tutop ang ulo ng dalawang kamay, sabay bulagta (lalabas).

IKALAWANG TAGPO

Sa simbahan (Pasok si Tinay na may 33 taong gulang akay ang isang bata, si Emily

na 4 na taong gulang).

Emily: Nanay, bakit araw – araw lagi na lang tayong nagpupunta rito, ha?

Tinay: Para magsimba, anak. Di ba lagi kong itinuturo sa iyo na palagi kang magdarasal?

Emily: Opo. Lagi nga po akong nagdaral kay Nino Hesus. Di umuwi na lang po tayo at sa atin na lang tayo
magsimba. (Nag – isip habang pinanonood ng ina ang nagsisindi ng kandila)… E, bakit naman po lagi na lang
kayong may dalang kandila, para saan po ba iyan?

Tinay: (Nangangapa ng isasagot). Eh, alam mo anak, ganito iyon. Tumingin ka sa paligid nitong simbahan. Di ba
medyo madillim?

Emily: (Iginala ang paningin). Opo. Kasi naman po ay sarado ang mga bintana.

Tinay: Kaya nga itong kandilang may sindi ay siyang tatanglaw sa ating paglalakad para di tayo madapa.

Emily: (Tatangu – tango). Ah, ganoon po ba! Eh, bakit kung maglakad kayo eh, paluhod? Di po ba mahirap at
masakit iyon?

Tinay: sa una lang iyon, anak. Pero ang totoo, pinatatatag nito ang paglalakad ko. Tuhod at paa ang gamit ko, dib a?
Eh, di, hindi ako mabubuwal. Hallika, subukan mo, Emily.

Emily: (Medyo atubili) Sige nga, Nanay sususbukan ko. (Sabay lumuhod ang mag – ina. Ilang minutong
nananatiling di tumitinag. Halos maiyak na si Tinay. Dahan – dahan silang lumakad ng paluhod. Hawak ni Tina
yang kandila sa isang kamay at ang anak sa kabilang kamay. Dala ng kawalang – malay, nilalaro ni Emily anng
laruang napulot. Di niya napansin ang unti – unting pagkawala ng ulirat ng ina. Nabigla na lang siya nang ito ay
bumulagta.) Nanay! Nanay! Naku po! Anong nangyayari sa inyo. “Nay, hu-hu-hu-hu-hu. Nanay ( panay yugyog sa
ina) “ Nay dumilat kayo! ( Nang sa lalabas si Juan, ang sacristan)

Juan: Ne, bakit? Anong nangyayari sa Nanay mo?

Emily: Ewan kop o, bigla na lamang po siyang nabuwal. Para ninyong awa, tulungan po ninyo ang Nanay ko.
(babalingan ang ina) Nanay, gising na kayo. Madilim nap o, umuwi na tayo.

Juan: Teka, sandal lang at tatawagin ko si Padre Alex. (Pumasok. Pagbalik may dalang tubig at amonya, kasunod
ang pari, si Padre Alex.)
Emily: (Patuloy sa pag-iyak at pagyugyog sa Ina) Nanay naman gising na kayo wala na akong makakasama.

Padre Alex Iha, ditto ka muna sa tabi ko. (Pinaamoy ng amonya si Tinay hanggang magkamalay. Pinainom ng
tubig.)

Tinay: Saan ako naroroon? Anong nangyari? Ang anak ko, nasaan siya? Emily! Anak, Emily!

Padre Alex: Huminahon kayo, Ginang. Narito sa tabi ko ang anak ninyo. (Lumapit si Emily at niyakap ang ina.)

Tinay: Emily, anak ko. Ikaw na lang ang tangi kong kaligayahan, at kung may mangyayari sa iyo ay di ko na alam
ang gagawin ko. (Tumingin kay Padre Alex) Padre, tulungan ninyo po kami.

Padre Alex: Oo anak. Ano ba ang maitutulong ko?

Tinay: Padre, ako po’y nasa kawalan. Marami akong katanungang di ko maihanap ng tugon, mga suliranin na
walang kalutasan, Pagod na ako, hindi ko alam kung saan hahantong ito.

Padre Alex: tanging Siya lang ang makapagbibigay sa atin ng katugunan at kalutasan sa lahat ng ating mga bagabag.
Lumapit ka sa kanya, anak.

Tinay: Padre, walang oras na di ako tumatawag sa kanya pero… wala, Madalas na nga po akong pinanghihinaan ng
loob, at tuloy nawawalan ng pag-asa.

Padre Alex: Huwag anak, Walang panalanging hindi niya tinugon. Magtiwala ka sa kanya nang buong loob at
hintayin ang kanyang takdang panahon.

Tinay: Di ko na kaya. Ayoko na… ayoko na.

Padre Alex: ang lahat ng iyan ay pawing pagsubok lang sa iyong katatagan. Huwag kang bibitiw sa kanya, anak.
(Kay Juan) Este, Juan, madilim na isara mo ang pinto.

Juan: Opo Padre.

Tinay: Nalilito ako, Padre, Nasaan siya? Sa kabila ng aking pagsusumamo, patuloy siyang nananahimik.

Padre: Ano ba talaga ang bumabagabag sa iyo? Saan kayo pupunta ng anak mo?

Tinay: Hindi ko alam, kung saan kami ngayon magpapalipas ng gabi.

Emily: Nay, uwi na tayo.

Tinay: Emily, anak di pa natin natatagpuan ang tatay mo.

Emily: Uuwi rin yon, Sa atin na lang natin siya hintayin. Di ba sabi niya maghahanap siya ng maraming pera?

Padre Alex: Nasaan ba ang tatay mo. Iha?

Tinay: Ang totoo po nito, Padre nagpaalam sa amin ang aking asawa na makikipagsapalaran dito sa lungsod upang
mabigyan kami ng masaganang buhay. Ipinabili ang ilang ari-arian naming. Minsan lang siyang sumulat at buhat
noon ay wala na kaming nabalitaan. May isang buwan na po halos at nagbabakasakali po akong matagpuan siya,
hihikayatin ko siya na sa probinsya nalang kami manirahan at doon magsama-sama sa hirap at ginhawa.

Emily: Nanay umuwi na tayo sa atin, Ayoko rito sa Maynila.

Tinay: Oo anak, paglipas ng dilim, bukas.

Emily: Saan po tayo matutulog?

Padre Alex: Nene, dito na kayo titira ng nanay mo. Ayaw mo ba rito, malaki bahay ninyo?

Emily: Salamat po, Padre, pero ayoko. Di po Masaya rito at isa pa magulo at maingay rito. Sa aming probinsya ay
tahimik at lahat ay magkakaibigan at nagtutulungan.

Padre Alex: O sige, dito na muna kayo magpalipas ng gabi. Madilim sa labas at mahirap maglakbay. Juan, o, ano ba,
tapos ka nab a? parine na at nang makakain at makapagpahinga na itong mag-ina. (May maririnig na pagtatalo sa
may pintuan)

Juan: Opo, Padre, sandal lang po.

Minyong: Pakiusap lang, payagan mo na ako sa loob ng simbahan magpalipas ng gabi.

Juan: Hindi po, pwede mamang ano

Minyong: Wala akong matutuluyan, Ayoko na sa labas, madilim. Pagod na pagod na ako.
Juan: Nauunawaan ko po kayo, ngunit pinangangalagaan po naming ang tahanan ng Diyos.

Minyong: Kung ganon, bigyan mo ako ng kahit kaunting saglit na makiniig ang Diyos. Di ko na yata kaya. Siya lang
ang makakatulong nang lubusan sa akin. (Lalapit si Padre Alex kasunod ang mag-ina)

Padre Alex: O, bakit ba di ka na nakabalik, Juan?

Juan: Kasi po Padre may tao rito na pilit na nakikiusap na makituloy. Wala po raw siyang uuwian. (Nalugmok na si
Minyong sa tindi ng pagod at gutom) Ay! Padre, dali Tulungan ninyo ako. (Nagtulong si Juan at Padre Alex na
maihiga nang maayos si Minyong, sa lalapit ang mag-ina)

Tinay: (Nagitla)M-M-Minyong! Si Minyong nga! Emily, ang tatay mo!

Emily: Oo nga! Tatay! Tatay! Saan ka nanggaling? Lagi ka naming hinahanap ng Nanay.

Tinay: (lumuhod at iniangat ang ulo, pinatong sa dibdib) Minyong ano ang nangyari sa iyo?

Minyong: Tinay, Emily, anak ko. Salamat at nagkita pa tayo, akala ko’y din a tayo muling magkakasama. Kay pait
na karanasan! (Niyakap ang mag-ina)

Tinay: (Kay Padre Alex) Padre, totoo nga po na magtiwala lang tayo at maghintay ng kanyang itinakdang panahaon.
(Tumingin sa itaas) Salamat, Diyos ko! Salamat sa Inyo. Pangioon. Tunay na walang hanggang ang Inyong awa.

Padre Alex: O siya tayo na sa loob. Bukas pagliwanag ay lumakad na kayo.

(Magkakaabay ang mag-anak na lumakad)


Si Amomongo at si Iput-Iput
“Ang Gorilya at ang Alitaptap”
(Pabula ng Visayas)

Isang gabi, naglalakad si Iput-Iput, (ang alitaptap) patungo sa bahay ng kanyang kaibigan. Nang mapadaan siya sa
tapat ng bahay ni Amomongo (ang gorilya), tinanong siya nito: Hoy, Iput-Iput, bakit lagi kang may dala-dalang
ilaw? Sumagot si Iput-Iput: Dahil natatakot ako sa mga lamok.

Ah, duwag ka pala, ang pang-uuyam ng gorilya.

Hindi ako duwag! ang nagagalit na sagot ng alitaptap.

Kung hindi ka duwag, e bakit lagi kang may dala-dalang ilaw? ang pang-aasar ni Amomongo.

Nagdadala ako ng ilaw para kapag nilapitan ako ng mga lamok at kakagatin ay makikita ko sila kaagad at nang sa
gayo’y maipagtanggol ko ang aking sarili, ang tugon ni Iput-Iput.

Tumawa nang malakas si Amomongo. Kinabukasan, maaga itong gumising at ipinamalita sa lahat ng kapitbahay na
kaya daw laging may dalang ilaw si Iput-Iput ay dahil duwag ito. Kaagad na kumalat sa buong bayan ang balita.

Nang mabalitaan ito ng alitaptap, nagalit siya. Dali-dali siyang lumipad patungo sa bahay ni Amomongo. Gabi noon
at natutulog na ang gorilya, ngunit itinapat niya ang kanyang ilaw sa mukha nito hanggang sa ito ay magising. Hoy,
gorilya, bakit ipinamamalita mong duwag ako? Upang mapatunayan ko sa’yong hindi ako duwag, hinahamon kita
sa isang labanan. Magkita tayo sa sa plasa sa susunod na Linggo ng hapon.

Pupunga-pungas na nagtanong ang gorilya. Mayroon ka bang mga kasama?

Wala! ang sigaw ni Iput-Iput. Pupunta akong mag-isa.

Nangiti si Amomongo sa tinuran ni Iput-Iput. Dili’t isang maliit na insekto ang humahamon sa kanya ng away.
Nagpatuloy ang alitaptap. Hihintayin kita sa plasa sa susunod na Linggo sa ganap na ikaanim ng hapon!

Magsama ka ng mga kakampi mo dahil magsasama ako ng libu-libong gorilya na mas malalaki pa sa akin. Sinabi
ito ni Amomongo upang takutin ang alitaptap, na sa pakiwari niya ay nasisiraan ng ulo. Ngunit sumagot si Iput-
Iput: Hindi ko kailangan ng kakampi. Darating akong mag-isa! Paalam!

Pagkaalis ng alitaptap, tinipon ng gorilya ang kanyang mga kasamahan at ipinaalam sa mga ito ang nakatakdang
pagtutuos. Inutusan niya ang mga ito na kumuha ng tig-isang pamalo na may habang tatlong dangkal at pumunta sa
plasa nang ika-anim ng gabi sa susunod na Linggo. Ikinabigla ito ng kanyang mga kasamahan, ngunit nasanay na
silang sundin ang kanilang pinuno kaya ipinangako nilang pupunta sila sa itinakdang oras at lugar.

Dumating ang araw ng Linggo. Bago pa mag-ikaanim ng hapon ay nagtipon na ang mga dambuhalang gorilya sa
plasa ngunit nadatnan na nila ang alitaptap na naghihintay sa kanila. Maya- maya, tumunog ang
kampana ng simbahan bilang hudyat ng oras ng orasyon o pagdarasal. Iminungkahi ng alitaptap sa mga gorilya na
magdasal muna sila. Pagkatapos magdasal, agad sinabi ni Iput-Iput na nakahanda na siya. Inutusan ni Amomongo
ang kanyang mga kasama na humanay. Pumuwesto siya sa una bilang pagpapakilalang siya ang pinuno ng mga ito.
Dagling lumipad si Iput-Iput sa ilong ng gorilya at inilawan niya ito. Hinampas ng kasunod na gorilya si Iput-Iput
ngunit kaagad itong nakaalis kaya ang tinamaan ng gorilya ay ang ilong ni Amomongo na halos ikamatay nito.
Dumapo si Iput-Iput sa ilong ng pangalawang gorilya. Hinampas ng pangatlong gorilya si Iput-Iput ngunit kaagad
itong nakalipad, kaya ang nahampas niya ay ang ilong ng pangalawa na ikinamatay nito. Muli, inilawan ni Iput-Iput
ang ilong ng pangatlong gorilya. Hinampas ng ikaapat na gorilya si Iput-Iput na kaagad na kalipad. Muli, namatay
ang pangatlong gorilya dahil sa lakas ng pagkakahampas ng ikaapat na unggoy sa ilong nito. Nagpatuloy ang
ganitong pangyayari hanggang si Amomongo na lamang ang natirang buhay na gorilya na halos hindi makagulapay
dahil sa tinamong sakit. Nagmakaawa ito kay Iput-Iput na patawarin na siya, at huwag patayin. Pinatawad naman
siya ni Iput-Iput, ngunit simula ng hapong iyon, nagkaroon na ng malaking takot ang mga gorilya sa mga alitaptap.
Ang Balyenang Naghangad
Mga Parabula ng Pilipinas
Ang balyena marahil ang pinakamalaking nilalang sa mundo. Ngunit ito’y naging dahilan upang
magyabang ang isang balyena.
Ang sabi niya, Ako ang pinakamalaking nilalang sa mundo, kaya’t hindi ako nararapat sa
karagatan lang! Sa lupa, mas higit nila akong kikilalanin at hahangaan!
Sa ‘di kalayuan ng aplaya, nakita niyang maliwanag ang landasin doon.
At madalas din, naririnig niya sa mga mangingisdang naglalakbay sa karagatan ang mga
kuwento tungkol sa kabayanan. At kung papaanong kinikilala ang mga matatagumpay at
mahuhusay doon.
Ang balyenang mayabang ay naghangad.
Isang gabing kabilugan ng buwan, siya ay naglakbay at lumangoy nang matulin patungo sa
aplaya.
Masayang-masaya siya sa pag-aakalang katuparan ng pangarap ang naghihintay sa kanya. Ang
hindi niya alam, kamatayan pala ang nakaabang.
Dahil nang marating niya ang mababaw na bahagi ng karagatan ay hindi na siya nakalangoy pa.
At nang makita siya ng mga tao, siya nga’y pinagkaguluhan!
Ngunit hindi upang hangaan. Kundi upang pagpistahan sa taglay niyang laman.
Sinalakay siya ng mga mangingisda at pinatay
Elehiya sa Kamatayan ni Kuya BhutanIsinalin sa Filipino ni Pat V.
Villafuerte

Hindi napapanahon! Sa edad na dalawpu’t isa, isinugo ang buhay Ang kanyang malungkot na
paglalakbay na hindi na matanawUna sa dami ng aking kilala taglay ang di- mabigkas na
pangarapDi maipakitang pagmamahal At kahit pagkaraan ng maraming pagsubokSa gitna ng
nagaganap na usok sa umagaManiwala’t dili panghihina at pagbagsak!Ano ang naiwan! Mga
naikuwadrong larawang guhit, poster at larawan,Aklat, talaarawan at iba pa. Wala nang dapat
ipagbunyi Ang masaklap na pangyayari, nagwakas na Sa pamamagitan ng luha naglandas ang
hangganan, gaya ng paggunitaAng maamong mukha, ang matamis na tinig, ang halakhakAt ang
ligayang di- malilimutan.Walang katapusang pagdarasal Kasama ng lungkot, luha at
pighati"ilang paggalang sa kanyang kinahinatnan Mula sa maraming taon ng paghihirap Sa pag-
aaral at paghahanap ng magpapaaralMga mata’y nawalan ng luha, ang lakas ay nawala ano ang
naganap,Ang buhay ay saglit na nawala Pema, ang immortal na pangalanMula sa nilisang
tahanan Walang imahe, walang anino at walang katawan Ang lahat ay nagluksa, ang burol ay
bumaba, ang bukid ay nadaanan ng unosMalungkot na lumisan ang tag-araw Kasama ang
pagmamahal na inialay Ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita Ang masayang
panahon ng pangarap.
Kung Mangarap Ka Nang Matagal
Teoryang Humanismo
Nobela ng Singapore
(Kabanata Labingwalo)

KUMATOK SA PINTO SI KWANG MENG kahit nakabukas ang pinto at nakikita niya si Boon Teik na
nakaupo sa sopa at nagbabasa.

“Tuloy, tuloy,” sabi ni Boon Teik na tumayo’t inilahad ang isang kamay. “Upo ka! Upo ka! Nasa kusina
ang misis ko’t tinatapos ang pagluluto ng ating hapunan. “Me-I!” tawag nito, “Narito na si Kwang
Meng!”

Lumabas ang asawa nito, kasunod si Anne.

“Me-I, ito ang kapitbahay nating si Kwang Meng,” at saka bumaling sa kasunod na nagsasabing ,
“Palagay ko’y magkakilala na kayo ni Anne, pinsan ni Me-I.”

Binati ni Kwang Meng ang kabiyak ni Boon Teik. Maraming beses na niya itong nakita noon. Mukhang
wala pa itong dalawampu, may maliit na pangangatawan at nakasalaming gaya ni Anne. Talagang
namamana pala iyon ng pamilya, naisip niya na natutuwa. Nagulat siyang naroon si Anne.

“Iiwan muna namin kayong mga lalaki,” humihingi ng paumanhin si Me-I. “Pasensiya ka na, Kwang
Meng, may gagawin pa kaming mga babae sa kusina, kundi’y hindi tayo makapaghahapunan.”

“Oo ba,” sagot ni Kwang Meng.

Nahihiyang nginitian siya ni Anne, nasisiyahang nagulat siya sa pagkikita nila. Nagpunta na kapagkuwan
ang mga babae sa kusinang nasa likod ng flat.

“Ano ang gusto mong inumin, Kwang Meng?” tanong ni Boon Teik.

“Tama na ang isang beer.”

Kumuha si Boon Teik ng maiinom nila sa kusina. Iginala ni Kwang Meng ang mga mata sa buong salas.
Simple ngunit may panlasa ang mga gamit doon. Light green ang pinta ng kuwarto. Nakasabit sa
dingding ang ilang print ng Van Gogh at Cezanne at batik na gawa ng mga local artists. Palibhasa’y
walang ibang nakasanayan kundi dingding na puti, naakit si Kwang Meng sa berdeng silid. May isang
mahabang bookshelf na puno ng libro roon at saka isang record player na may katabing maraming long-
playing records. Nagsabit ang asawa ni Boon Teik ng kurtinang batik na green at gold katerno ng mga
cushoion covers para sa sopa at dalawang armchair. Sa itaas, isang malaking Japanese paper lampshade
na puti ang nakabitin, at nakatayo naman sa isang sulok sa likod ng mga armchair ang isang lampstand na
may pulang lampshade. Sa ibabaw ng maliit, makitid at papahabang coffee table ay nakasalansan ang
mga magazine, kasama ng isang bowl na Ikebana, ang Japanese-style na pag-aayos ng mga bulaklak.
Hindi na-imagine ni Kwang Meng kailanman na mapagaganda at mapaaaliwalas ang isang flat ng
Housing Development Board. Ang bahay nila mismo’y sama-samang kuwarto lamang na mauuwian;
walang pagtatangkang gawin itong isang lugar na matitrhan. Ang magagawa nga naman ng kaunting
pagsisikap! Interes lamang iyon, ang pangangailangang magkaroon ng interes, isang pangangailang
nagsasabi kung may interes sa buhay at pamumuhay ang sinuman, naisip niya.

Bumalik si Boon Teik na dala na ang mga inumin.

“Gusto ko ang pagkakaayos ng lugar n’yo, Boon Teik.”

“Hindi kami gumasta ng malaki riyan,” sabi ni Boon Teik. Si Me-I ang pumili ng karamihan sa mga
furniture namin. Mahilig siyang mamili sa dating C.C.C. Junk Shop sa Newton Road gayundin sa mga
tindahan sa Sungei Road na nagbebenta ng mga kung anu-anong luma. Alam mo siguro ‘yon, kilala rin
iyon bilang Thieves’ Market.”

Narinig na ni Kwang meng ang lugar na iyon, pero wala siyang nabalitaan kundi napakabaho ng mga
kanal doon. Tiyak na enterprising si Me-I dahil hindi man lang siya napigil ng mabahong amoy. Aywan
niya kung totoo ang balita na noong araw, ipinagbibili roon ng mga magnanakaw ang mga nakulimbat
nila, kaya kapag may isang napagnakawan, nagpupunta na ito sa Thives’ Market umagang-umaga
kinabukasan upang mabawi ang ninakawa sa kanya. Siyempre pa’y binibili niya uli ito; ngunit sa mas
murang halaga. Doon siguro nito nakuha ang pangalan.

Ilang nakapasong halaman na ferns at cacti rin ang nasa salas ni Boon Teik.

“Talagang dapat kong purihin ang panlasa mo. Parang kulungan ng baboy ang bahay namin kung
ihahambing dito,” sabi ni Kwang Meng.

“Pero hindi iyon ang talagang lugar mo! Hintayin mong makapa-asawa ka’t magkaroon ng sarili mong
flat. Natitiyak kong magagawa mo roon ang lahat ng gusto mong gawin. Parang kulungan din ng baboy
ang bahay ng mga magulang ko, at tumira kami roon hanggang noong bagong ikasal ni Me-I. Noong
nakatira pa ako roon, hindi ako gumgawa ng kahit ano liban sa mag-ayos ng kuwarto ko. Iba na ngayon.
Bahay na namin ito.”

“Maganda talaga ang pagkakaayos mo,” bati ni Kwang Meng sa pangatlong pagkakataon.

“Sa palagay ko’y napakahalaga nito kung paano namumuhay ang isang tao. Ang isang bahay o tahanan
gaya ng buhay, ay nababatay sa kung paano mo inaayos. Ganoon ang dapat maging pakiramdam natin
para umayos pati ang sariling buhay natin. Nararamdaman kong hindi ganito ang ginagawa nating
ngayong, lalo na tayong mamamayan ng postwar generation. Pasakay-sakay lang tayo, walng direksiyon.
Sa eskuwela, ito ang pinipilit kong ituro sa aking mga estudyante. Mahalagang matutuhan nila ito.”

“Magiging isang mabuting teacher ka, Boon Teik.”

“Pinipilit ko. Lahat tayo’y dapat magpumilit. Anuman ang ginagawa natin, dapat natin itong pagbutihin.”

“Kahit walang kahulugan ang trabahong ginagawa mo?” tanong ni Kwang Meng.

“Walang bagay na talagang walang kahulugan,” pagpapalagay ni Boon Teik.

Napakalakas ng pagpapalagay na iyon kaya ibig tuloy maniwala ni Kwang Meng, bagaman hindi siya
naniniwala. Pero sinabi niya iyon na parang kapani-paniwala, naisip ni Kwang Meng, tulad ng dapat
gawin ng isang mabuting guro. Hindi naman talagang ang himig ng awtoridad ang nagdulot doon, kundi
ang himig na nagsasaad ng katotohanan. Hinangad ni Kwang Meng na totoo na sana iyon.

Ngunit sa halip, sinabi niya, “Hindi ako lubos na naniniwala. May mga bagay at trabahong talagang
walang kahulugan.” Iniisip niya noon ang sariling trabaho niya.

“Maaaring walang kahulugan iyon sa tingin, pero hindi naman talaga. Depende iyan sa paraan ng
pagtanaw mo. Naniniwala akong dapat itong tanawin mula sa malawak na pananaw ng lipunan. Isang
social animal ang tao, dapat muna nating tanggapin ito. Nakabilang siya sa isang lipunan, at para
makakilos ang lipunan, kinakailangang magkaroon ng iba’t ibang uri ng gawain. Ngunit anumang
kategorya o uri ng gawain, ang nagkakaakma silang lahat na parang isa-isang bahagi ng isang masalimuot
na makinarya, gaya ng isang relos halimbawa. Sa gayon, makikita mong mahalaga ang kahit isang maliit
na piraso, ang bawat bahagi ng kabuuan.”

“Siguro nga. Pero hindi ba’t ito rin ang simulaing ginamit ng mga tao noong unang panahon para
pangatwiran ang pangangailangan nilng makapang-alipin? Parang ganito rin ang sinabi ng isang Greek
philosopher, di ba? Hindi ko lang matandaan ang pangalan.”

Pero hindi natin tinatanggap ang pang-aalipin ngayon,” sabi ni Boon Teik.

“Tinatawag lang natin ito sa ibang pangalan, pero iyon din. Ang mapilitang gumawa ng mga tarbahong
walang kahulugan sa lipunan ay parang sapilitang pagpasok sa isang uri ng pang-aalipin.”

“Hindi naman,” tutol ni Boon Teik.

Dahil walang hilig sa pakikipagtalo, nanatiling tahimik si Kwang Meng. Walang kabuluhan para sa kanya
ang pagtatalo dahil bibihirang tanggapin ng isa ang katwiran ng isa pa; bibihirang makumbinsi ang isa at
baguhin pagkatapos ang sariling palagay niya, tama man iyon o mali. Hindi, hindi ako maaakit na
makipagtalo, pasya niya. Magiging dahilan lang iyon para mainis sa kin si Boon Teik o mainis ako sa
kanya; at ayokong mainis kay Boon Teik.

“Dapat mong maunawaang napakakumplikado ng makabagong lipunan; at habang lalong nagiging


makabago ang anyo ng lipunan, lalo itong nagiging kumplikado at sopistikado; at sa ganitong uri ng
lipunan, napakaraming mahahalagang uri at kategorya ng mga gawaing itinatakda sa tao, mula sa
pinakamababa hanggang sa pinakamataas. Tunay na ang kalawakan ng pagkakaiba-iba ang nagtatalaga ng
antas ng pagkasulong ng isang lipunan.”
Tumigil si Boon Teik, naghihintay marahil na ipagpatuloy ni Kwang Meng ang pakikipagtalo. Dahil sa
walang tinanggap na sagot, nagpatuloy si Boon Teik, “Maaaring hindi makatarungan sa tingin itong
theory of human function ng tagasibak ng kahoy at taga-igib ng tubig, pero ito ang talagang essence ng
demokrasya.”

Hindi ko sinasabing hindi ito tama; hindi ko rin tinututulang maaaring demokratiko ito; ang masasabi ko
lang ay napakalungkot nito, sumaisip ni Kwang Meng ngunit hindi ito ipinarinig sa kaibigan.

“Alam kong malungkot ito ngunit hindi ito maaaring tutulan,” sabi ni Boon Teik na parang nabasa ang
nasa isip ni Kwang Meng. “Pero sa huli, ang talagang problema’y kung paano maipauunawa sa mga tao
na sa kabila ng pagiging mababa at kabagut-bagot ng trabaho nila’y mahalaga’t makabuluhan ito sa
maayos na pagkilos ng lipunan,” dagdag ni Boon Teik.

“Pero hindi pa rin ‘yon makapagbibigay sa kanila ng anumang kasiyahan. Hindi pa rin no’n magagawang
kawili-wili ang trabaho nila, di ba?” salag ni Kwang Meng.

“Hindi nga,” sang-ayon ni Boon Teik. “Pero kung malalaman nilang makabuluhan ang trabaho nila, kung
malalaman nilang may naiaambag iyon, kung makikita nilang nakatutulong sila sa pag-unlad at pagsulong
ng lipunan, maaaring makatagpo sila ng kasiyahan sa katotohanang instrumental sila sa pagbabago ng
lipunan, kaya magiging mas mainam na lipunan iyon para sa kanilang mga anak, at sa magiging anak ng
kanilang mg anak. At kung hindi man kasiyahan ang matgpuan nila, kaunting ginhawa o pampalubag-
loob ma lang.”

“Paano iyon magagawa, Boon Teik?”

“Tungkulin iyan ng ating mga pulitiko. Kailangang bigyan nila ng edukasyon ang mga mamamayan
upang malaman nila ito.”

“Hindi ba’t ginagawa na rin iyan ng mga pulitiko natin?”

“Oo.”

“At babahagyang ginhawa ang natatagpuan natin.”

Dumating sa bahaging ito ang mga babae mula sa kusina. Nakahain na ang hapunan.

Nakakahawig ng sa kanila ang flat, sa kusina rin inilagay ng mga Lim ang kanilang hapag-kinan, isang
maliit na kuwadradong apatan ang silya. Ngunit malinis at masaya ang kitchen-cum-dining room nila,
napipintahan ng lemon yellow. May mga sariwang bulaklak na nakalagay sa bote sa ibabaw ng mesa,
ilang tangkay ng Golden Shower Orchids.

Ilang lutong nonya ang inihanda ni Me-I. Nalaman ni Kwang Meng pagkaraan na ito at si Anne ay buhat
sa matandang angkan ng Pernakan, at naroon na sa poook na iyonang mga ninuno nila nang mahigit
isandaang taon. Ang mga Pernakang ito na lalong kilala bilang nonya at baba ang matatandang Straits-
born Chinese na lumuwas sa Malaya at Singapore maraming salinlahi na ang nakalilipas. Sa loob ng mga
taon, nakabuo sila ng natatanging anyo ng kulturang bagaman ethnically Chinese ay may ilang
impluwensiyang Malay sa paraan ng kanilang pagdadamit, pagsasalita at sariling uri ng maaanghang na
pagkain. Naiibigang mabuti ni Kwang Meng ang huli, paborito niya ang nonya at laksa mula sa pulo ng
Penang, ang nasi lemak o kaning may lasang buko, ang otak-otak, sambal at curry, at ang kuay. Nang
gabing iyon, nasi lemak ang niluto ni Me-I.

“Gusto mo ba ng mga lutong nonya, Meng?” tanong ni Anne.

“H’mmmmmm! Ang sarap, Me-I,” pagpupuri ng Kwang Meng.

“Oy, masarap ding magluto ni Anne,” sabi ni Me-I.

Namula si Anne. “Hindi kasing-husay mo,” nginitian ni Anne ang pinsan.

“Ikaw ang dapat magsabi niyan Kwang Meng,” sabi ni Boon Teik. “Kailangang matikman mo ang luto ni
Anne.”

“Tama, sa susunod, si Anne ang paglulutuin namin para sa iyo,” sabi ni Me-I.

Pagkahapunan, bumalik ang mga lalaki sa salas. Nagdala ng dalawang beer si Boon Teik samantalang
naiwan para magligpit ang mga babae.

Dalawang taon na silang kasal, sabi sa kanya ni Boon Teik. Kaga-graduate lanl niya noon ng T.T.C. at
kae-enroll ni Me-I bilang estudyante. Nang unang ilang buwan, nakipanirahan sila sa mga magulang ni
Boon Teik pero hindi naging mabuti iyon. Wala silang privacy sapagkat napakalaki ng pamilya ng mga
magulang niya. May mga tiyuhin, tiyahin, at iba pang nakikitira bukod sa talagang pamilya. Hindi
talagang angkop iyon para sa pagsisimula ng isang kakasal na mag-asawa. Pagkaraa’y sinuwerte sila.
Nag-apply sila at nakakuha ng sarili nilang flat. Naging napakasaya nila roon.

Dinama ni Kwang Meng ang kapaligiran sa flat ng kanyang kaibigan. Taglay nito ang tahimik na
kapanatagan at kaluwagang sumasalamin sa mapayapang kalagayan ng pagsasama ng mag-asawa.
Naniniwala niyang ang isang matagumpay na pag-aasawa ay higit na maganda kaysa alinmang bagay.
Tunay na isang mainam na bagay ang pagkakaroon ng marital bliss; pero hindi lahat ng pag-aasawa ay
nagiging maligay. Pumasok sa isip niya si Hock Lai at Cecilia. Kakatwa, ngnit laging nadarama ni Kwang
Meng na hindi magiging mabuti ang darating na pag-iisang-dibdib ng dalawa. At lalo pang kakatwa,
nadama niyang kapwa nararamdaman nina Hock Lai at Cecilia iyon, at mas nararamdaman ito ni Hock
Lai kaysa kay Cecilia. Ngunit ipinapapatuloy nil ito, buong kasiyahan at buong pagwawalambahala!
Napakasaya kahit sa harap ng panganib! Sa loob ng isang taon, kundi man bago dumating ang isang taon.
Mambababae si Hock Lai, at sa loob ng ilang taon, makakasanayan ito ni Cecilia, tatanggapin niya ito
(“Parang negosyo ito, alam mo namang kailangan kong mag-entertain,” sasabihin iyon ni Hock Lai),
hanggang sa matutuhan nitong magpalipas ng oras sa paglalaro ng mahjong.

Nagpatugtog ng isang plaka si Boon Teik. Isang Brahms’ symphonoy iyon, sabi nito, at saka lumabas
para kumuha ng marami pang beer. Tumayo si Kwang Meng at tumingin-tingin sa mahabang bookshelf.
Marami-raming collection ng libro si Boon Teik, kramihan doo’y paperbacks sa literatura, history at
politics.

“Masyado ka palang palabasa,” sabi ni Kwang Meng kay Boon Teik nang makabalik na ito sa silid.

“Oo, enjoy ako sa pagbabasa. Gano’n din si Me-I. Hindi naman kami pala-labas, bihira rin kaming
dumalo sa mga social functions. Kung minsan, nanonood kami ng sine. Wala rin kaming telebisyon.
Parang takot kaming bumili. Nalaman kong nagiging addict doon ang mga tao. Masama iyon sa palagay
ko.”

“Sana marami na rin akong nabasa,” sabi ni Kwang Meng.

“Hindi pa naman huli para magsimula ka, Kwang Meng. Welcome ka para hiramin ang mga libro ko.
Kahit anong oras. Tutal, diyan ka lang nakatira sa katabiing pinto.”

“Salamat. Pero tamad na tamad na akong bumasa.”

“Wala iyon. Mabubuhos ang loob mo kapag nagsimula ka na. Magsimula lang ang dapat; at maiinam na
libro lang ang dapat mong basahin. Sa gano’n hindi ka mababagot. Literature na ang pinakamagandang
pagsimulan. Marami kang matututuhan sa literatura.”

Agad namang namili ng ilang libro si Boon Teik para kay Kwang Meng. Crime and Punisment ni
Dostoyevsky, To Have and To Have Not ni Hemingway, at ang The Maneater of Malgudi ni Narayan.

“Sus, aabutin ako ng siyam-siyam sa pagbabasa niyan!”, sabi ni Kwang Meng.

“Huwag kang magmadali. Hindi mo naman kailangang isauli iyan agad. Unahin mo si Narayan,” payo ni
Boon Teik, “siguradong matatawa ka riyan.”

Sinamahan na sila ng mga babae makaraang tapusin ang mga ligpitin sa kusina. Bawat isa sa kanila’y
may dalawang maliit na puswelo ng black coffee.

“Hinihiram mo ang ilang libro ni Boon Teik?” tanong ni Anne. “Patingin kung alin-alin iyan.”

Iniabot dito ni Kwang Meng ang mga libro.

“A, nakakatawa ang isang ito,” sabi ni Anne na itinataas ang kay Narayan.

“Dapat tayong bumili ng iba pang libro niya,” sabi ni Me-I sa kanyang asawa.

“Wala akong makita,” sagot ni Boon Teik. “Napuntahan ko nang lahat ng bookshop dito, wala talaga.
Sana mayroon ditong magagandang bookshops.”

Hindi alam iyon ni Kwang Meng. pero talaga namang hindi pa siya nakapagbasa-basa sa isang bookstore
kahit kailan.

“Tapos na ang plaka, Teik”, sabi ni Me-I.

Lumapit si Boon Teik sa record player.


“Huwag ka nang magpatugtog ng bago,” sabi ng asawa nito. “Kausapin na lang natin ang ating mga
bisita.”

Kaya pinalipas nila ang oras sa pag-uusap. Nakapagsalita nang mas marami si Kwang Meng kaysa
karaniwan niya at hindi niya ito namalayan.

Pagkatapos, gaya ng inaasahan sa kanya ng lahat, nagprisinta si Kwang Meng na maihatid pauwi si Anne.
Nagpaalam sila kina Boon Teik at Me-I at lumakad sa pasilyo pababa sa hagdanan upang hintayin ang lift
pagkaraan.

Sa lansangan, malamig at nakakapresko ang hangin.

Naging matahimik si Kwang Meng sa oras na ito. Itinuro niya kay Anne ang kumpol ng mga
punongkahoy.

“Rain trees”, sabi nito. “Hindi ba matanda na sila’t maganda?”

“Oo. Kung minsan, kumikinang sila kapag maliwanag ang buwan sa gabi.”

“Gusto ko silang makita kapag maliwanag ang buwan,” sabi nito.

Tumango siya. Sumakay sila sa isang bus papauwi sa bahay ni Anne. Walang laman ang bus. Abala ang
konduktor sa pagbibilang ng mga baryang nakatago sa isang malaking bag na may strap na nakabitin sa
balikat nito. Pagkaraang makuha ang bayad ng dalawa sa pasahe, hinid na sila pinansin nito. Kapwa sila
nag-iisa, magkasama.

Nang papauwi na siya pgkaraan, naramdaman niya ang bigat ng mga libro sa kamay niya, nagbibigay ng
kung anong katiyakan.Isang sakasisiyang gabi iyon para sa kanya, at nakipagkasundo siyang
makikipaglaro ng badminton kay Boon Teik sa darating na Linggo ng umaga at isasama sa swimming si
Anne sa sinusundang Sabado ng hapon. Pagdating ng bahay, humiga siya’t madaling nakatulog.
Ang Israel at opisyal na kilala bilang Estado ng Israel (Hebreo: ‫ְמ ִד יַנת ִיְׂש ָר ֵא ל‬, Medīnat Yisrā'el;

Arabiko: ‫َدْو َلة ِإْس َر اِئيل‬, Dawlat Isrāʼīl) ay isang republikang parlamento sa Gitnang Silangan sa

katimugang silangang baybayin ng Dagat Mediterraneo. Ito ay nahahangganan ng mga bansang

Lebanon sa hilaga, Syria sa hilagang silangan, Jordan at West Bank sa silangan, Ehipto at Gaza

Strip sa timog kanluran at Golpo ng Aqaba sa Dagat Pula sa timog.

Ang Kahariang Hashemito ng Hordanya[2] (Arabo: ‫المملكة األردّنّية الهاشمّية‬, al-Mamlaka al-

Urduniyya al-Hāshimiyya; internasyonal: Hashemite Kingdom of Jordan) ay isang bansa sa

timog-kanlurang Asya. Hinaharangan ito ng Sirya sa hilaga, Iraq sa hilagang-silangan, Israel at

Kanlurang Pampang sa kanluran, at Arabyang Saudi sa silangan at timog.

Ang Lebanon ay napapaligiran ng Syria sa hilaga at silangan at Israel sa timog. Ang Lebanon ay

mayroong mayamang kasaysayan at kumatha ito ng kultural na pagkakakilanlan ng relihiyon at

pagkakaiba-iba ng mga etniko.

Ang Syria ay matatagpuan sa Kanlurang Asya, napapaligiran ng Lebanon at ng Mediterranean

Sea sa kanluran, Turkey sa hilaga, Iraq sa silangan, Jordan sa timog, at Israel sa timog-kanluran.

Binubuo ito ng maraming mga tuyong talampas, bagaman ang hilagang-kanluran bahagi ng

bansa nasa hangganan ng Mediterranean ay “fairly green”.

Ang Kaharian ng Saudi Arabia o Saudi at sa Arabe bilang as-Su‘ūdīyah ay ang

pinakamalaking estado sa Gitnang Silangan ayon sa sukat ng lupaing sakop, na halos sumasakop

sa kabuuan ng Tangway ng Arabia, at ikalawa sa pinakamalaki sa Daigdig ng Arabia.

Naghahanggan ito sa Jordan, at sa Iraq sa hilaga at sa hilagang silangan, sa Kuwait, Qatar, at sa

United Arab Emirates sa silangan.

You might also like