You are on page 1of 5

BAKIT BABAE ANG NAGHUHUGAS NG MGA PINGGAN

ni FILOMENA COLENDRINO

Mga Tauhan: Ka Ugong (HUGO) Ka Maldang (IMELDA) Tikang (HOSTESS) Tano (KUMPARE) Petot (SINTU-SINTO) Ka
Tomas (ALBULARYO) Timang (BUNTISING 8 BUWAN) Tatlong Kapitbahay (MGA ASUNGOT)

TAGAPAGSALAYSAY: Sa bayan ng Sta. Rosa, may mag-asawang nag ngangalang Hugo at Imelda. Sa tuwing sila’y kakain,
lagi na lamang nilang pinag-aawayan ang paghuhugas ng mga pinggan. Kung tatanggi si Hugo, kagagalitan naman siya ni
Imelda. Kung ano-anong pangalan ang tinatawag niya kay Hugo, at kung huli’y sasagot, tutugusin ni Imelda ang pobreng
si Hugo ng walis tingting. Tatakbo naman si Hugo sa bahay ng kumpare at doon magpapalipas ng galit ni Imelda.
Nakasanayan nang tawagin ng kanilang kapitbahay ang bugnuting si Imelda ng “Ka Maldang” at si Hugo ng “Ka Ugong”.
Isang araw, matapos silang kumain...

KA UGONG: Ayoko ng maghugas ng mga pinggan.

KA MALDANG: At sino?!

KA UGONG: Ako Aba, aba, aba...! , buong umaga na akong nag-araro sa bukid. Ayoko ng maghugas ng isa pang pinggan.
Sumosobra ka na diyan.

KA MALDANG:At sino sa palagay mo ang maghuhugas ng mga pinggan?!

KA UGONG: Aba, e, di ikaw, sino sa palagay mo?! E, ang nasa akin lang naman, dapat ikaw ang maghuhugas ng mga
pinggan ngayon sapagkat ikaw at ikaw ang asawa ko at iyong katungkulan ang gawaing bahay. Ikaw ang babae, at ikaw
ang dapat magtrabaho sa bahay.

KA MALDANG:At ano ang gagawin mo?! Matapos mo maitali ang kalabaw sa damuhan para manginain ay mahihiga ka
lamang, mahirap ba yon? Ako na nga nagluluto, naglilinis ng bahay, naglalaba ng mga damit mo, pati na ang pagbubunot
ng sahig at yang pagsusulsi ngmga karsunsillo mong naglilimahid. Tapos ngayon,ayaw mong maghugas ng pinggang
pinagkainan mo. Lintek na, abuso na yan sa aking pagkatao. Bakit nuong nililigawan mo pa lang ako, ipinangako mo
sa’kin ibibigay mo sa akin ang buwan at ito’y ikokorona mo sa aking ulo at sabi mo, susungkutin mo ang mga bituin sa
langit at iyong ihihikaw at ikwikwintas sa aking leeg upang magniningning ang aking kagandahan sa iyong paningin. O,
ngayon ano ang napala ko? Luha at hinagpis. Sabi mo ako lang ang iyong pagkakatitigan at kakausapin upang maging
ganap ang iyong kaligayahan. Pero ngayon, sino ang lagi mong kinakausap at nilalambing. Wala ka nang pangangalaga sa
akin. Lintek ka!Mabuti pa yang kalabaw mo lagi mong kinakausap at pinaliliguan araw-araw. Samantalang ako di mo man
lamang napapaliguan. Mabuti pa yang talisain mo pinagmamayabang mo sa ating mga kapitbahay, samantalang ako
kapag kasama mo sa pasyalan ay parang ikinahihiya mo na ako’y kasama at laging iniinsulto sa harap ng mga tao. Pwe!
Ikaw, ikaw ang tamad na lalake! Lintek ka! Ikaw ang bantugan. Tamad! Ngayon ka mangatwiran at magmatapang! Akala
mo siguro susuko ako sa iyo, ha! Tingnan ko ngayon ang tapang mo! Aber, lumapit ka dito at matikman mo ang karinyo
brutal ni Maldang!

KA UGONG: Teka! Teka! Maghunos dili ka! Hinahon lang! Teka na sabi eh, ano ba! Ibaba mo muna yang walis mo!
Hintay! Huwag mo akong hambalusin!

KA MALDANG:Lumabas ka diyan! Ipakita mo sa akin ang iyong pagkalalaki! Labas diyan,duwag! Bahag ang buntot!

KA UGONG:Sandali lang! Huwag mo akong hambalusin. Makinig ka sa aking sasabihin.Makinig ka. May naisip akong
mungkahi na makakalutas sa problema sa paghuhugas ng pinggan.

KA MALDANG:Lumabas ka riyan! At ipakita mo saakin ang tapang mo kanina! Hindi iyangparang tutang bahag ang
buntot sa takot at nanginginig.

KA UGONG:Itabi mo muna yang hawak mong walis. Lika na.. ang tapang-tapang dahil may hawak na sandata.

KA MALDANG:Ano? Ano kamo!

KA UGONG:Wala! Ang sabi ko, itabi mo muna yang hawak mong walis at nang magkaintindihan tayo.

KA MALDANG:Sige, sige! Labas diyan! Damuho ka. O, ano ang sasabihin mo?
KA UGONG:Huwag na natin pag-awayan ang paghuhugas ng pinggan. Magkasundo tayo, ang unang magsalita
pagkatapos kong sabihin ang salitang “PUNG!” ang siyang palagi nangmaghuhugas ng pinggan. Kahit na anung salita
mabanggit.

KA MALDANG:Ganoon lang?! Ang unang magsalita ang siya nang maghuhugas ng mgapinggan araw-araw, lagi-lagi... pati
mga palayok at mga kawali?

KA UGONG:Tama! Kapag nagsalita ka, isa mang kataga sa’kin o kaninu man o sa alin man,pagkatapos kong sabihin ang
salitang “PUNG”, ikaw na ang palaging maghuhugas ng pinggan... araw-araw.

KA MALDANG:A, madali lang yan! Maisasara ko ang aking bibig kahit isang lingo. Ikaw,hindi! Kahit kalabaw nga
kinakausap mo. Dahil batugan ka at kalabaw ang pinagtitiyagaan mong kausapin.

KA UGONG:O, sige, Siya..siya! Handa ka na ba?!PUNG!

TAGAPAGSALAYSAY:At sila’y kapwa tumahimik. Nagtitigan sila, sa harapan ng mesa na may hindi pa naghuhugas ng mga
pinggan, baso at kutsara. Ayaw nila alisin ang pagtitig sa isa’t isa sa takot na baka magsalita ang isa sa kanila. Nagtitigan
na lamang sila. Nanatili silang nakaupo. Unti-unting lumulubog na ang araw, ngunit patuloy pa rin silang walang
kibuan.Halos mamugto ang kanilang mga mata sa pagtitigan. Aba, biglang naluha ang dalawa.Basang-basa na ng pawis si
Ka Ugong. Pinagpawisan na rin ang nuo ni Ka Maldang. Biglang tumawag ang kapitbahay na si Timang, buntis na walong
buwan.

TIMANG: Mareng Maldang! Huy! Kumadre. Pareng Ugong Ugong! Huy! Kumpadre! Mareng Maldang, pahiram naman ng
plantsa!Wala atang tao. Mareng Maldang! Kumpadreng Ugong! Aba! Si Timang ito! Tao po! Siguro nga walang tao. Pero
bakit nakabukas ang pintuan at bintana? Dati-rati naman sinasarado nila ang pinto’t bintana kapag sila’y umaalis ng
bahay. Kukunin ko na lang ang plantsa at saka ko na lang isasauli. Wala naman sila dito.Ano ang nangyari sa inyong
dalawa?! Anong nangyari?! Ano ang nangyari sa inyo, Mareng Maldang?! Kumpadreng Ugong, Kumadreng Maldang,
magsalita kayo! Anong nangyari? May nakain ba kayong nakakalason? O nakapag-pipi kaya? Ano ito? O, Diyos na
mahabagin!

TAGAPAGSALAYSAY: Nahintakutan si Timang. Sa halip na kunin ang plantsa, tumakbo siyang dali-dali palabas ng bahay.
Ibinalita niya sa mga kapitbahay na may masamang nangyari kina Ka Ugong at Ka Maldang. Sa isang iglap nagtitipon na
sila sa bahay ni KaMaldang at Ka Ugong.

PETOT NA SINTU-SINTO:Ha! Ha! Ha! Si mareng Maldang taratitat, ngayon biglang tumahimik! Ka Maldang! Ka Maldang
bakit ikaw ngayon tahimik? Siguro, bad bret ka noh?Bad bret! Bad bret! Baho hininga! Galit siya! Galit matandang bad
bret!

TANO:Huwag ka ngang maingay diyan! Kumpadreng Ugong, anong nangyari sa iyo? Bakit hindi ka makapagsalita? Paano
na ang talisain natin. May derby pa naman bukas! Bakit nanlilisik ang iyong mga mata? Bakit hindi ba alam ni Kumadreng
Maldang ang pustahan parabukas?!

TIKANG (HOSTESS): Wat is happening tu yu, swethart?! Wat is di mater? Tok to mi! Tok tomi! Do nut bi apfred op yur
dambulang waswit. Mas bwuti ako sa kanya. Anong nangyari ditto? Baka nilason ka nang mahaderang yan!

TIMANG:Pagdating ko kanina, ganyan sila ng aking maabutan. Hindi nagsasalita at walang imik. Ano na ang nangyayari sa
kanila?

TANO:Sa aking pakiwari ay nasasaniban ng masamang nilalang! Dali kayo, tawagin ninyo ang albularyo sa kabilang ibayo.
Si Ka Tomas.. marunong yon nang mga salamakang itim,magtawas, magpaanak, manghilot at magwasiwas ng mga
masasamang espiritu. Dali kakayo!

TIKANG:O, hirs na di albularyo. Plis, Mang Kepweng, este, Ka Tomas, yu kyur na may darling Ugs. Mek na da hukos-
pokus. Darleng Ugs, dunt wori, ay em hir at yur syid.

PETOT:Ha! Ha! Ha! Tikan, landi-landi! Tikan ako rin sik. Yakap mo rin ako. Sige na! Ako, bebimo! O, kis mo bebi. Sige na!

TIKANG:Yak! Yakapin mo ang lelang panot! TSE!

KA TOMAS:Ala, magdala nga rin kayo ng planganang may tubig at ating malaman kung ano ang dumale sa magasawang
ire. Alalaping-alalaping! Tampayan! Tampayan! paloma! Paloma! Heto na... lumalabas naaaaaaaaaa! Aha! May
masamang espiritu nang lumulukob sa kanila. At itong kay Ka Maldang may matigas ang ulo. Napakatigas, mapariwara!
Kailangan paglabanan ko ito. Aking lalagyan ko ng aking pinakamabisang sangkap ang aking panggamot! Tagumpay ang
aking gamut! Ngayon ipahid ko ito sa nuo nila Ka Ugong at Ka Maldang. Nanlalaban angmasamang espiritu! Kapitan niyo
ng maigi! Masyadong malakas ang masamang espiritu! Sige,kapitan nyong maigi! Talagang napakalakas ng masamang
espiritu at kinuha nila angkaluluwa nina Ka Ugong at Ka Maldang. Dapat maibalik natin ang kaluluwa nila dito sa
atingmundong ginagalawan. Ngayon ang ating dasal ay dapat bukal sa ating mga kalooban upangmaibalik natin ang mga
kaluluwa. Kung ano man ang aking bibigkasin ay inyong uulitin. O,handa na ba kayo? Huwag kayong patatalo! Kung ano
man ang inyong masaksihan ay gawa-gawa lamang yon ng masamang espiritu upang tayo’y iiwas nilas sa ating
panalangin.Naiintindihan ba?

MGA KAPITBAHAY:Opo! Lahat po ay gagawain naming upang mailigtas po naming ang amingpinakakamahal na Ka Ugong
at Ka Maldang.

KA TOMAS: Simulan na natin! Ka Ugong! Magbalik ka! Ka Maldang... magbalik ka! KaUgong... magbalik ka! Ka Maldang...
magbalik ka! ARAY! Hindi kasali yon! Lintek na, di kasali yon. Lintek na, hindi kasama yon. O, sige, ulitin naten! Mga
kapitbahay. O, sige ulitin natin!Ka Ugong! Ka Maldang, magbalik kayo sa ating daigdig.ARAY! Damuho kang bata ka!

KAPITBAHAY:Damuho kang bata ka!

KA TOMAS:Di kasama yon!

KAPITBAHAY:Di kasama yon!

KA TOMAS:Naku! Mababaliw ako sa mga lecheng ito.

KAPITBAHAY:Naku! Mababaliw SIYA sa mga lecheng ito!

KA TOMAS:Naisahan niyo ko dyan, a.

TIMANG:Syempre, naman ho. Iba na ang maingat.

KA TOMAS:Talagang matigas ang ulo ng mga espiritu at ayaw pang lubayan sina Ka Ugong atKa Maldang, napakatindi ng
lakas ng kanyang pagsanib. Parang tuko kung makayakap sakaluluwa ni Ka Maldang. Pero hindi ako bast-basta patatalo
ng ganun-ganon na lamang. Masmalakas yata ang aking kapangyarihan kesa sa espiritung itim. Tingnan natin kung
talagang walang humpas ang kanyang lakas sa aking anting-anting di pataranta. Galing pa ito sakabanal-banalang
bundok ng tralala, sa pusod ng yungib ng patotot. Dito ko maipapakilala ang galing at bisa nito. O, teka, Pepot, damuho
ka, may makukuha ka bang sariwang tae ngkalabaw diyan?

PETOT:Opo, tignan ko po! Heto po!

KA TOMAS:Dyaskeng batang ere. E, bakit mo naman isunuong sa pagmumukha ko. E,napakabantot pa naman!

PETOT:Kasi po, amoy tae rin po kayo ng kalabaw.

KA TOMAS:Ikaw naman, Tikang, maghanap ka nga diyan ng kahit anong alcohol.

TIKANG:Heto po. May nakatago hung gin. Pero pwede na rin hung alcohol ‘to.

KA TOMAS:O, sya, pwede na rin yan. Teka, teka, teka hindi nga pala ito mabisa kung walangisang patak ng ihi ng isang
buntis. Tama, ihi ng isang buntis.

TIMANG:Oy, oy, bakit ganyan ang tingin niyo sa akin. May masama kayong binabalak no?Hoy! Buntis nga ako, pero, pero
hindi pa ako naiihi no! HINDI PA AKO NAIIHI, period.

TANO:Pero yan lang ang ating paraan para mailigtas natin ang mga kaluluwa ni Ka Ugong atKa Maldang. Pilitin mo nang
maihi. Hala mo, kapag gumaling si Ka Ugong at makapag-derby kami bukas at nanalo, may balato ka sa amin. Sige na!
Sige na, pilitin mo. Yung balato namingsayo eh, ibili mo ng plantsa. De, hindi ka na manghihiram ng plantsa sa mag-
asawa.

TIKANG:Plis lang, ef may darleng get wel, i gib yu may lipistik Gumaling lang si akengdarleng. Ef dey winning da derby,
gib nya ko plenty moni at gib rin kita tobalats. Sige na, mekwi wi na.
TIMANG:O, sige na nga. Alang-alang sa ikabubuti nina Ka Ugong at Ka Maldang, aking isasakripisyo at pipilitin ko ngayon
maihi nang wala sa oras. Hoy! Ang mga balato ko ha,huwag niyong kakalimutan. Mahirap yata itong pinagagawa niyo
sa’kin. E, saan ako wiwiwi-wi Alang-alang sa kaluluwa nang aking pinakamamahal na kapitbahay!

PETOT:Luka-luka! Alang-alang sa balato! Silaw sa kinang ng salapi.

PETOT:Pilit pa raw yan at ba’t ang dami... yak!

KA TOMAS:Ngayon, kumuha kayo ng isang kutsara. At sumabay muli kayo sa akin. Ka Ugong, magbalik ka na! Ka
Maldang, magbalik kana! Ngayon...

KAPITBAHAY:Ngayon...

KA TOMAS:Hindi na kasali yon.

KAPITBAHAY: Hindi na kasali yon. Heto kasi ang kulit eh.

KA TOMAS: Tama na! Magsitahimik kayo!

KAPITBAHAY:O, tahimik na raw. Kasi naman ito... tahimik na.. no toking alredi plis... isarado mo nga yang bibig mo... ang
kulit mo talaga... o, yan tahimik na nga. Tahimik... shoo...

KA TOMAS:TAHIMIK! Sisimulan ko muli ang orasyon... hmmmmmm, hmmmmmm,hmmmmmm, ispiritik, ispiritok... ihi ng
buntis, taeng kalabaw, espiritu ng alcohol,, katas ng aking anting-anting... aking ibibinsyon sa mga katawan lupa nila Ka
Ugong at Ka Maldang.Upang ating mabawi ang mga kaluluwang nasa kandili ng kadiliman ng mga espiritu.

KA TOMAS:Bigyang liwanag ang mga kaluluwa nila Ka Ugong at Ka Maldang, upang maibalik sila sa ating daigdig.
Iwawasiwas ko ang aking mabisang gamut ng liwanag at maalimpuwangwang kadiliman sa katawang tao nina Ka Ugong
at Ka Maldang. Bigyan nawa ng linaw ang aming pagbubuklod ng damdamin at pagkaka-isa upang ang mga kaluluwa ng
iyong mga hinirang ay manumbalik na.

KAPITBAHAY (Rai) :Ang bantot! Ay, Amen pala! Pwe! Ang panghe talaga. Iba talaga ang dating ngihi ng buntis.

KA TOMAS:Ayan, tumatalab na ang bisa ng aking gamut. Talagang mabisa ang aking kapangyarihan sa mga masasamang
espiritu. Ngayon, kailangan natin na pagpahingahin silang walang gumagambala! At sa kanilang muling pag-kabuhay,
kailangan sila’y mailibing ngisang gabi sa isang gabi sa ilalim ng lupa. Dahil mula sa lupa, ang katawan ng tao ay
mulingmagbabalik. At sa muling pagbalik ng kanilang kaluluwa mula sa kadiliman ay atintatanghaling ang kanilang
muling pagkabuhay sa muling pagbukas ng bagong liwayway saating pinakamamahal na Ka Ugong at Ka Maldang.

TANO:At tamang-tama para sa derby bukas.

KA TOMAS:O, ngayon, kumuha na kayo ng ataul para sa mag-asawang ito. Hmmmm...hmmmm... Alalaping, alalapong
tampayan.. tampayan

TANO AT PETOT:E, Ka Tomas, isa palang itong aming nakuha sa puninarya. Wala daw estak.Bukas pa raw sila kukuha sa
kabilang bayan. Kay Ka Ugong muna natin ito ibigay at kaigaran natin ilibing at nang mabilis muli ang kanyang
pagkabuhay. Nang makapag-derby na bukas.Saka na lang natin ilibing si Ka Maldang. Tutal mataba naman yan. Hindi
kaagad maagnas atpuro sebo naman ang katawan nyan. Matatahimik pa ang ating barrio sa ingay nyan kapanandalian
lamang.

KA TOMAS: Hindi pwedeng isa lang. Kailangan sabay sila. Para sa pagbabalik ng kanilangkaluluwa ay sabay din. Teka, ang
mabuti yata ay libing natin sila ng sabay sa isang ataul. Si KaMaldang ang nasa ilalim at ipapatong natin sa ibabaw si Ka
Ugong. Para sabay na ilibing at sabay na rin ang kanilang muling pagkabuhay.

TIKANG:O, siya, ako na lang ang wil do da mek-ap. I wil mek syur na byuti sila sa kanilangkamatayan. Dey wil luk byutipul,
like sliping onli.

TANO:At ako naman bahala sa sakla at terembe.

TIMANG:At ako naman ang taga-kolekta ng tong.

PETOT:At ako, sasayaw at kakanta. Para masaya burol nila.


KA TOMAS:Anong burol ang pinagsasabi ninyo?! Wala nang burol na magaganap. Ililibing na rin kaagad... ngayon. Para
huwag nang maligaw pa ang mga kaluluwa nina Ka Ugong at KaMaldang sa kanilang muling pagkabuhay.

TANO:Sayang...

KA TOMAS:O, maghanap na kayo ng maiisuot nang mga ito.

TIKANG: Ekskus mi, ay mek ap na di patay, noh.

TANO:Heto! Nababagay kay Ka Ugong ang damit na ‘to.

TIMANG:At heto naman ang kay Ka Maldang. Teka, teka, bakit yata iba ang amoy?

TANO:Tanga! Amoy ng naptalina ‘yan!

KA TOMAS:Sa tinagal-tagal ng panahon na aking pagka-albularyo, ngayon lamang akonakasaksi ng ganitong klase ng
kulam. Sa pakiwari’y ko, sila’y patay na. Tuluyan nang iniwanng kanilang espiritu ang kanilang katawang lupa. Ang
tanging magagawa natin upangmasugpo ang pagkalat ng kulam ay agarang ilibing ang mag-asawa.

TAGAPAGSALAYSAY:Binuhat ng mga kapitbahay si Ka Ugong at inihiga na sa kaniyang ataul. Sa loob-loob ni Ka Ugong,


siya na ang mananalo. Hindi siya natatakot mailibing.Lalabas siya sa hukay pagkaalis ng mga kapitbahay. Tuwang-tuwa si
Ka Ugong sa mganangyayari. Tatakutin kong silang lahat pagbalik ko mula sa libingan. Matamang nakiramdamsi Ka
Maldang sa mga nangyayari kahit na nakapikit ang kanyang mga mata. Natatakot siyangmaaaring ipagpilitan ng
albularyo na ilagay siya sa loob ng ataul kung hindi pa siyamagsasalita. Inaasahan niyang tututol si Ugong. Ngunit hindi
niya narinig na tumutol si KaUgong.

TIMANG:Teka nga, at nang malapitan si Ka Maldang. Ayyyyy! Hitsura ng balyena na dumilat nang aking burlesan. Ayyyy!!

KAPITBAHAY (Rai) :Ang bangkay! Bumangon! Ka Maldang! Patay ka na! Patawarin mo ako sa mga narinig mo sa akin.
Hindi kp na sususyun pa si Ka Ugong sa tupada! Patawad!

TIKANG: Ay! Ka Maldang! Patawad! Hindi ko na ulit aakitin si Ka Ugong! Ayoko naman talagasa kanya. Kaya lang, kaya
lang... sa akin kasi niya binibigay ang pera tuwing siya ay nanalo satupada. Patawad! Hu! hu! hu! Hinding-hindi na ako
uulit.

KA MALDANG: Mga walanghiya kayo! Mga lintek! Kailan pa kayo nakialam sa buhay ng may buhay. Sige! Magsilayas kayo
sa pamamahay ko. Mga peste! Mga walanghiya! Mgapakielamero! Layas! Layas! Mga damuho! Layas!
LAYASSSSSSSSSSS!!!!!!!

KA UGONG:IKAW! Ikaw ang unang nagsalita! Siya ang unang nagsalita! May kasunduan kami.. Mula ngayon, siya na ang
maghuhugas ng mga pinggan. Nanalo ako! Alam ko yatang mananalo ako! Mula ngayon, hindi na ako ang maghuhugas
ng pinggan. Siya, siya na ang parating maghuhugas ng mga pinggan.

KA MALDANG:Walang hiya ka! Naisahan mo ako don! Kasi kayo, puro kayo mga pahamak,mga pakielamero! Layas!
Layas!

TAGAPAGSALAYSAY:At dito nagwawakas ang ating kwento. Kayo? Sa bahay niyo, sino ang naghuhugas ng mga pinggan?
ABER??

-WAKAS-

You might also like