You are on page 1of 4

ANG PASKONG AKING PINAGDIRIWANG

Araw ng pasko si Lolo Amelio ay naka upo sa kanyang upuan. Pinapanuod ang mga tao na nag
sasayahan.
Ng May mga bata na nangaroling sa kanila.
Si lolo amelio ay ipinatuloy muna ang mga bata sa kanyang bahay at pinakain ang mga ito.
Habang nakain ang mga bata, hinahanap naman ni Lolo Amelio ang kanyang salamin.. Nakita nya ito sa
may cabinet at nakita nya din ang libro na unang sinulat ng kanyang apo.. Tinignan nya ito at bumalik
sya sa kanyang upuan at tinawag ang mga batang nangangaroling at sinabing:

Lolo Amelio – Gusto nyo bang kwentuhan ko kayo?


Mga Bata - Sige po lolo.

CLOSE CURTAIN (1)

2nd Scene

Walong taon na ang nakaraan.


Sa isang lugar sa Sampaloc, Manila. May isang babaeng nagngangalang Amelia. Ikatlo sa apat na
magkakapatid. Sa murang edad maagang naulila si Amelia sa kanyang ina. Bukod tanging ang kanyang
ama ang nagtaguyod sa kanilang magkakapatid. 4th year si Amelia ng makilala niya si Eddie. Mabait,
malambing at masipag na tao si Eddie kaya naman madaling nahulog ang loob ni Amelia sakanya.

…..
Ilang buwan ang makalipas napansin ng Ama ni Amelia ang pagbabago sakanyang katawan.

……
Ang kanilang pagmamahalan ay nagbunga ng isang supling na babae.

Laking tuwa nila Amelia at Eddie na si Emily ay eksaktong pasko ng maipanganak.

CLOSE CURTAIN – (2)

- 10 taon ang nakalipas, ika-24 ng Desyembre, habang naglalaro si Emily, na edad 10 taon na. Narining
nyang nagpaalam ang kanyan ama, na mag-grocery para sa handa nila mamayang Noche Buena.

Habang nasa grocery si Eddie,ay bigla siyang nakaramdam ng matinding pananakit ng likod na inakala
nyang pagod lamang. Binalewala nya ito pansamantala, at paguwi ng bahay duon nya kinapa ang
kanyang likod at naramdaman nyang parang may malaking bukol sa bandang itaas, sa pagaakalang eto
lamang ay isang simpleng bukol na maaaring lamig, hindi nya ito gaanong binigyan ng pansin at
binalewala lamang.

CLOSE CURTAIN (3)

- Mag papasko na at naghahanda na si Amelia ng mga ihahanda sa Pasko at ika-11th birthday na ni


Emily at sila'y nagdasal muna bago magsalo salo
CLOSE CURTAIN – (4)

Habang lumilipas ang araw ay palaki ng palaki ang bukol ni Eddie pero hindi parin niya ito pinapansin at
hindi sinasabi sa kanyang pamilya.

Dalawang linggo matapos ang bagong taon ay sinugod sa ospital si Eddie. Idineklara syang stage 4
bone cancer at maaaring mabuhay na lamang ng ilang buwan. Lumipas ang 6 na buwan, hanggang sa
tuluyang pumanaw si Eddie. Sobrang lungkot ng kanyang pamilya at dahil nalaman din nila na itina-
tago ni Eddie ang kanyang nararamdaman.

CLOSE CURTAIN – (5)

Pagkalipas ng (3) tatlong taon, sa sobrang hirap ng kanilang sitwasyon ay nabaon sila sa maraming
utang.. Dahil kulang ang kanyang kinikita walang ibang choice si Amelia kung hindi magtrabaho sa
ibang bansa upang may maipang bayad sa mga utang ganoon na rin ang pantustos para kay Emily.. at
naiwan naman si Emily sa kanyang Tiyahin.

Malapit na mag birthday si Emily at nalulungkot siya dahil palagi niyang na-alala ang kaniyang Tatay
pati na rin ang kanyang Ina.
Tumawag sakanya ang kanyang ina gamit ang video call.
Upang batiin at tanungin kung anong gustong regalo nito.

Amelia : Nak, pasensya na at hindi makaka-uwi si mama ngayong birthday mo.


Emily : Okay lang po ma, naiintindihan kopo ang sitwasyon natin.
Amelia : Matanong ko lang nak anong gusto mo ngayong pasko at birthday mo?
Emily : Wala akong ibang gusto ma kung hindi yung proteksyon mo dyan at maka-uwi ka sa next
birthday ko.

CLOSE CURTAIN – (6)

Pangalawang beses ng nagbirthday at nagpasko si Emily ng hindi nakakasama ang kaniyang ina. (may
cupcake na hinihipan na mag-isa si Emily sa kanyang birthday..)

CLOSE CURTAIN – (7)

Habang nagawa si Emily ng assignment ay nakikinig ito sa radyo.


Habang naghahanap sya ng ibang tugtugin… eksaktong tumigil ito sa isang estasyon

DJ Caloy : Ano nga ba ang iyong buhay? Kapatid ang ating buhay ay parang singaw lamang...
Habang nakikinig si Emily ay napaisip sya at natanong sa sarili kung siya ba ay pupunta sa Langit o sa
Impyerno..

CLOSE CURTAIN (8)


Isang araw nagpunta si Emily sa isang parke at nagmuni-muni siya doon.
Eskaktong may babaeng nagpapahangin din sa parke ng mapansin sya nito at nakitang umiiyak.
Tumigil ito sa paglalakad at nilapitan si Emily upang kumustahin siya…

[tatabihan siya ni charlotte at yayakapin.]

Charlotte : Uy, okay lang yan. Ano bang nangyare?


Emily : Ang hirap kasi ng buhay eh. (naluluha) hindi ko kasama ang aking nanay pati wala na rin akong
ama.
Emily : Sino ka po pala? Salamat ha.
Charlotte : Ako nga pala si Charlotte.

Nakwento ni Emily ang kanyang sitwasyon kay Charlotte.


Si Charlotte ay isang Kristyano at hilig niya mag-encourage sa karamihan. Nang oras din na yun hindi
nagsayang na pagkakataon si Charlotte at binahagian nya ng Gospel si Emily..

Narrator : Matapos makausap ni Charlotte si Emily ay natanong niya ito kung naniniwala siya na
namatay si Kristo upang bayaran ang kasalanan niya at mag-sisi sa mga kasalanan na nagawa niya. At
kapag tinanggap niya si Kristo bilang sariling Panginoon at taga-pagligtas at siya‘y mapupunta sa langit
ng ganoon lamang ang gagawin. Nung araw na iyon ay tinanggap ni Emily si Kristo ng buo sa kanyang
puso.

CLOSE CURTAIN – (9)

Narrator : Mag-bbirthday na naman ulit si Emily at ito’y ika-17th na. Hindi niya parin alam kung kailan
uuwi ang kanyang Ina. Tinawagan ni Amelia si Emily upang kamustahin niya Ito.
Tinanong niya si Emily kung anong gusto para sa sakanyang birthday. Iisa parin ang sagot ni Emily na
gusto niya makasama sa pasko at sa kaniyang birthday ang kaniyang Ina.
Pinagp-pray din ni Emily na mashare-an ang kaniyang Ina ng mabuting balita...
Hindi alam ni Emily na ang kaniyang Ina pala ay nakauwi na ng Pilipinas at is-surpise niya si Emily ...
Nagulat si Emily ng pumunta ang kaniyang Ina sa bahay ng kaniyang tiya.. niyakap ni Emily si Amelia ng
makita niya agad ito at ito‘y umiyak.

CLOSE CURTAIN (10)


Narrator : Laking tuwa ni Emily sapagkat tinanggap ng kaniyang Ina ang regalo ng Diyos na buhay na
walang hanggan. Bagamat may kaunting lungkot dahil naalala nya ang kanyang ama, na sana’y buhay
pa upang nashare-an nya din ng Magandang Balita, nagpapasalamat na din sya sa Panginoon Diyos
dahil hindi lang ang kanyang ina ang kanyang nabahagian kundi pati ang kanyang mga lolo’t lola.

Simula din nuon ay nanatili na si Amelia kasama ang kanyang anak na si Emily, at hindi na muling
nagabroad pa.

Mga Bata - Ang ganda po ng kwento lolo


Lolo Amelio - Nginitian ang mga bata

Narrator : Sa bahay ni lolo amelio may dumating na isang babae, nag mano ang babae kay lolo amelio.

Mga Bata - Hello po ate ano po pangalan nyo?


Emily - Hi ako si Emily
Mga Bata - Nagulat ang mga bata at sinabing.. ikaw po yung nasa kwento ni lolo amelio?
Emily - Anong kwento?
Lolo Amelio - Yung unang mong libro na sinulat at iniregalo mo sakin apo.
Emily - Ah yung libro na tungkol po sa akin buhay? (ngiting ngiti)
Lolo Amelio – Oo, apo.
Nagsingitian ang mga bata nung nalaman nila na ang kaharap nila ay si Emily.

Matapos non ay umuwi na ang mga bata.

Narrator : Sakto ang pagdating ni Amelia at sabay-sabay silang nagsalo-salo sa pagkain. At nagdiwang
din sila ng ika-21 na birthday ni Emily.

You might also like