You are on page 1of 21

Recollection from Yesterday

Written by: Group 4

Ancheta, Jomari – ICT

Gooden, John Piolo – ABM

Cabugos, Maria Susana – ABM

Candido, Kiara Claire – ABM

Estrada, Angel – ABM

Talaro, Elida Leigh – ABM

Camangyan, James Kenneth – STEM

Flores, Paul James – STEM

Lopez, Lunz - STEM

Monib, Abraham – STEM

Oyo-a, Andrea Xel – STEM

Corvera, Anne Vielle – HUMSS

Daguinotas, Nichole - HUMSS

Pascua, Cristy – HUMSS

Synopsis:
Amelia was a student, who likes to torment others. No one can stop her even the teachers and principal.
As her family was supporting the school she was in. Then an extraordinary day happens, where she
entered another world (which is comics). Will she remember everything and learn something?
Characters:
Amelia/Trixie – The girl who likes to bully.The one who enterssomeones world.
Nyx- A boy who puts her into a different world
Nanay – Mother of Trixie in the Webtoon, where Amelia will take over.
Tatay - Father of Trixie in the Webtoon, where Amelia will take over.
Mama – Amelia’s biological mother.
Papa – Amelia’s biological father.

Settings:
School
House
Jail
Cemetery
Genre:

1
Fantasy
Cast:
Amelia/Trixie – Andrea
Nyx - James
Kim - Cristy
Nanay - Susana
Tatay - PJ
Papa – Lunz
Mama - Nichole
Tiya – Kiara
Riva – Elida
Sunny – Angel
Laureen – Vielle
Justine - Gooden
Pietro - Jom
Clare - Monib

Scene #1 – Amelia’s School


Sa paaralan ng Yverdon De Pestalozzi Inc. ay may isang mag-aaral na nagngangalang Amelia o Lia na
sutil at mahilig mang bulas ng kanyang kapwa mag-aaral, marami na itong na abuso, sinasaway naman
siya ng kanyang mga guro, ngunit hindi mapigilan ang gulo na dala ng batang ito.
Maraming mag-aaral ang nakakikilala kay Amelia dahil sila ng mga kaibigan niya ay laging napapatawag
sa disciplinary office at madalas mabulyawan ng kaniyang mga guro dahil sa pagiging pasaway nagawa
niyang manabunot ng kapwa babae dahil inirapan siya, buhusan ng tubig ang mga babae sa banyo dahil
maingay ito, nanapak ng lalaki dahil hindi niya raw gusto ang mukha nito, at marami pang iba ang ginawa
nila ng magkakaibigan na nagdala ng sakit sa iba. Hindi siya magawang mapatalsik ng principal o
sinumang guro dahil ang tito niya na asawa ng kapatid ng nanay niya ay malaki ang suporta sa paaralan.
Maswerte nalang ito dahil menor de edad pa lamang siya kaya sya ay malaya pa siya.
(i-act ang mga sumusunod na sinabi and narrate it)
Dahil nga bully si Amelia, gaya ng isang guro na may paboritong estudyante, may isang estudyante rin na
nakapupukaw ng kaniyang pansin. Ayaw nya sa mga taong kasalungat niya, tulad ng pagiging mabait at
masipag.
Merong mag-aaral na nagngangalang Nyx na araw-araw nyang sinasaktan o nilalait sa tuwing makikita
nya ‘ito. Dahil kada makikita nya ang estudyante unti-unti syang nilalamon ng inggit at pagka-dismaya sa
sarili, ito ay dahil kayang gawin ni Nyx ang mga hindi nya kayang gawin at tila pinamumukha sa kanya
na malaki ang kanilang agwat ng estado sa buhay, dahil sa ginagawa ni Amelia, siya ay nag kakandarapa
sa oras na sya ay makita.

2
(i-aact ni nyx and Amelia ang mga sumusunod)

Scene #2 - Amelia’s School (Ground or Canteen)


Justine: Amelia nasaan pala si Nyx ngayon? Himala hindi ko siya nakita kanina sa klase.
Pietro: Oo nga, medyo boring ang klase walang napagtitripan.
(other character/s nod in agreement)
Amelia: “Wala siya ngayon ang alam ko ay inilaban na naman siya mula sa ibang school”
Clare: “Bakit masaya ka pa ata Amelia?”
Justine: Oo nga, para kang ewan. Nangangati na tuloy kamay ko.
(act na nangangati ang kamay)
Pietro: Hindi kumpleto ang araw ko kapag di natin siya napapagtripan
Amelia: “Wala lang, masaya ang araw ko ngayon kaya wag niyo kong badtripin”
(Show flashback of amelia being active in class at nagpapalakpakan ang iba)
“Hmm, maganda na ito na wala siya paningin ko lagi na lang akong naiinis kapag nakikita ko ang
mukha niya. Sana nga hindi na siya bumalik eh” Bulong nito sa isip niya.

Scene #3 - Amelia’s School


Narrator: Inaapi nito ang isang malikhain, mabait, masigla at gusto ng lahat, kaya marami rin ang may
ayaw kay Amelia dahil sa ginagawa nito kay Nyx. Si Nyx ay na laging nagbabasa upang mapalawak ang
bokabularyo nito, kaya madalas ay makikita mo ito na laging may hawak na libro o ‘di kaya ay nagbabasa
lamang, gusto rin nito na laging mag-isa para makapagfocus lamang sa pagbabasa.
Kapag makikita nito si Amelia, para syang kuneho na laging naghahanap ng butas natataguan upang hindi
siya makita nito, dahil alam niya sa sarili niya na kapag nagtama lang ang mata nila ay hindi na siya
tatantanan nito hanggat hindi siya nakikita ni Amelia na nahihirapan.
(nakafocus ang camera kay Nyx and expression niya)

Scene #4 - Amelia’s School (Room)


Sa pagbalik nila sa klase ay sinipa nito ang upuan ni Nyx bago ito bumalik sa kanyang upuan kaya
pinagtinginan naman siya ng buong klase sa ginawa niya.
Hindi nalang nila pinansin dahil ganon naman talaga ito saka binalik na ang kanilang mga atensiyon sa
kung ano ang ginagawa nila.
Dumating na nga ang guro na magtuturo at nagtuloy na ang klase nila at nagsibalik na ang mga kaklase ni
Amelia saka nilang mga upuan at wala ng pumansin sa upuan ni Nyx na sinipa ni Amelia.

Scene #5 – Amelia’s House (Room)


(Amelia’s room, in bed reading comics)
Amelia: “Hayyy... Ang boring naman, ang tagal ng oras gusto ko ng lumabas.”
Sabi niya at luminga-linga saka pinagpatuloy ang pagbabasa. Sakanyang pagpapatuloy, napakomento siya
sa ginawa ng kontrabida na si Riva.
Amelia: “Binuhusan mo lang ng tubig?! Ano bayan Riva walang bago sa ginawa mo. Wala ka atang
kwentang kontrabid aeh! kung ako ‘yan baka sinabunutan ko na ‘yan!”

3
Sigaw nito sa galit. Kahit alam niya na ang mangyayari nagagalit pa rin siya sa part na yon.
Sa inis nito sa kanyang binabasa ay hinagis nito ang kanyang libro at pumunta sa kusina upang uminom
ng tubig.
Dahil sa inis niya, habang nagsasalin siya ng tubig ay natatapon iyon.
Amelia:“Arrgh! Nakakainis naman masyado silang mahina magpahirap ng mga pabebeng bida.”
Sabi nito ng naiinis at doon niya lang napansin na may pumasok na tao sa kusina at yun ang tita niya.
Tiya: “Oh Lia, Bakit hindi ka pa natutulog gabi na ah”
Sabi nito ng may pag-aalala.
Amelia: “Mamaya nalang siguro nagbabasa pa ako ng Komiks”
Sabi nito at binalik ang tingin sa paginom at nilagay na sa lababo ang baso at umalis na rin kaagad. Hindi
niya na nilingon ang Tiya niya at umakyat na ulit sa kwarto nya.
Nalungkot na lang ang Tiya nito para kay Amelia pero wala rin naman itong magawa.
Tiya: “Bata pa naman siya, maiintindihan niya rin siguro ang lahat sa paglaki niya”
(sabi niya habang nakatangin sa likod na papaalis na si Amelia)
Amelia: “Lahat kayo mga sinungaling at walang dulot sa buhay ko”.
(sabi nito habang nakahiga)
Amelia: “Bwesit na buhay ‘to”
Habang sinisipa pa ang kumot at pumikit na.

Scene #6 – Amelia’s House (Sala)


Nakita niya ang Tiya niya na nag-aayos ng lamesa at pinaghainan si Amelia
Tiya: Good morning, kumain ka muna bago ka umalis maaga pa naman eh”
(lumingon sabay ngiti nito)
Tiya: “Narinig ko sa labasan Lia maraming masasamang tao na pinagsasamantalahan na bata ngayon lalo
na ang mga babae kaya magiingat ka ha, at wag ka na rin magpagabi baka kung mapano ka, baka ako ang
malagots a Mama mo, jusko sumalangit nawa ang kalulu-“
(sabi nito ng nakatalikod kay Amelia, at sign of the cross sa last part)
(nagdadabog na umalis si Amelia dahil sa sinabi ng Tiya)
Tiya: “Kung nandito lang ang Mama mo Amelia hindi siya papayag na maging ganyan ka”
Sabi nito habang nakatingin sa pinto kung saan siya lumabas at sinimulan na ang pagliligpit ng
pinagkainan ni Amelia.

Scene #7 - Amelia’s School


Naiinis na pumasok ng paaralan si Amelia halata mo sa mukha nito na hindi maganda ang umaga niya
kaya ang mga estdyante na ang tumabi para sa kanya pero na pahinto ito ng makita ang locker ni Nyx sa
inis nito ay sinipa niya ang locker at kinuha ang trash bin sa tabi nito at binuhos ang laman nito sa loob
matapos ay sinara na rin niya at umalis na papunta sa classroom nila.

Scene #8 Amelia’s School (Locker)

4
Amelia: “Sayang naman hindi niya makikita locker niya ngayon, ganda pa naman”
(sabi nito sa locker at umirap)
Sabi nito habang naglalakad at may inis sa mukha.
Pagpasok nito ng classroom ay may mga tao na roon, isa na dito sila Clare, Pietro at Justine na nag-uusap
sa sulok at rinig mo ang boses dahil ang lalakas ng boses nila.
Naglakad na siya palapit dito at nilagay ang bag ng padabog at umupo na at tinignan ang selpon niya ulit.
Nagkatinginan sila Clare, Justine at Pietro sa nakita nila at nagtuturuan pa kung sino ang babati kay
Amelia.
(may halong pagtutulakan)
Clare: “Justine, ikaw na bumati at magtanong bakit siya badtrip”
Justine: “Bakit ako? Hindi na ba kayo naawa sa ulo ko na lagi niyang nababatukan? Ayan si Pietro oh
malakas ang loob”
Pietro: “Anong ako hulingt inanong ko yan nasapok din ako eh”
Clare: “Dalian niyona ang babagal niyo”.
Clare: “G-good morning Amelia, B-badtrip ka ata? Si Nyx na naman ba ang problemamo?
Pietro: “Wag ka mag-alala Amelia kaming bahala kay Nyx”
Justine: “Tama, sila ang bahala kay Nyx, gusto mo ba kumain? Tara punta tayo Canteen maaga pa
naman eh hindi kasi ako kumain sa bahay sinasabon na naman ako ng Nana-“.
(Tinignan siya ni pietro at clare ng masama ang tingin)
Justine: “Sabi ko nga hindi tayo kakain kasi kumain na kayo”
Clare: “Bakit ba masaman a naman ang timpla mo?”
Amelia: “Wala, badtrip lang akosabahay”
(throw sandwich bag at Pietro)
Pietro: “Kaya mahal na mahal kita Amelia eh HAHAHA salamat”
Justine: “Hoyy hati tayo hindi rin ako nagalmusal eh”
Pietro: “Kaya nga kita inaaya sa Canteen ayaw mo naman, manigas ka dyan”
Clare: “Manahimik nga kayo natutulog si Amelia oh, kaya sarapniyong sapukin eh”
(dumating na ang teacher at nagsimula na ang klase)
(umalis na si Lia at hindi pinansin ang mga kaibigan niya)
Justine: “Bye, Lia bukas ulit ha dala ka pagkain”
Clare at Pietro: “Ingat ka Lia!”

Scene #9 - Amelia’s House (Kitchen)


Pagpasok niya ng bahay ay nadoon ang Tiya niya sa sala pero hindi niya iyon pinansin kahit na ba
tinawag siya nito at dumiretso lang sakwarto
Tiya: “Magbihis ka na at kumainna tayo”

Scene #10 – Amelia’s House (Room)

5
Hindi bumaba si Amelia pero na kapag palit na ito ng damit nagbabasa lang ulit ito ng komiks at nung
mabored ito hawak naman nito ang selpon nito, mas lalo siyang nainis sa nakita niya.
Nakita niya ang post ni Nyx na isang trophy napanalunan niya. Dahil siya nga ang sinasabak sa laban ng
school dahil sa angking katalinuhan nito. Kaya din wala siya kanina dahil inilaban na siya mula sa ibang
paaralan. Nag react siyasa post ni Nyx ng HAHA at nagcomment ng
“DINAYA MO LANG YAN!” Nagreact ang mga guro sa sinabi niya kaya natawa na naman siya.
Maya-maya lang ay nagchat sakanya ang kaniyang kaibigan.
Kim: “OMG!!!!!! Girl may chikaakooooooo!!!”
Amelia: “Ano na na man ‘yon at gabing-gabi nambubulabog ka pa.”
Kim: “Mas maganda kung mag video call tayo! Teka tawagako.”

---------Video Call------------
Amelia:“Ano ‘yang sasabihin mo? Siguraduhin mong matutuwa ako kung hindi tatamaan ka sakin.
Kim:“Luh grabe ka naman Amelia, sure akong matutuwa ka dito.”
Nakangisi at natatawa pang sabinito.
Amelia:“Anong adaming chechebureche ‘di nalang diretsuhin.”
Naiiritang singhal niya.
Kim: “Tungkol lang naman ito sa paborito mong tao sa school, syempre sino pa basi Nyx.”
Natuwa bigla si Amelia ng marinig ang pangalan ni Nyx.
Kim: “Nakausap ko si Ma’am Glenda kanina lang, siya na naman ang Top 1 natin.” Busangot ni Kim sa
harap ng camera.
Amelia: “HA?!ANOOO??!!”
Amelia: “Sipsip talaga kala mo kung sino, uggh nakakasira ng gabi yang sinabi mo, kala ko ba matutuwa
ako?”
Pagpapatuloy niya na may kasamang inis.
Kim: “Oo! Kahit ako naiinis ng sobra sa narinig ko.”
Amelia: “Humanda yan sa akin, kapag natapos na ang laban niya sa ibang school. Teka babalik na ba yan
sa class bukas?”
Kim: “Oo, bukas ang balik nila sa school, kilala mo naman yun, hindi yun a-absent ng walang dahilan”
Amelia: “Humanda talaga siya bukas.”
Natatawang sabi niya.
Kim: “Grabe ka talaga wala kang-awa. HAHAHAHAHA”
Amelia:“Sige na, bukas nalang ihahanda ko lang sarili ko para naman may lakas ako kapag kinawawa ko
si Nyx.”
Kim: “Sigekwee-“
Di niya na pinatapos magsalita si Kim dahil sa pagkabwisit niya.
------------Video Call Ends------------
Scene #11 – Amelia’s School (Room)

6
(next scne: naglalakad si Amelia papasok ng classroom at makikita si nyx at lalapit, kasabay nito ay
ang paglayo ni nyx)
Nyx: “Ano na naman kaya itong pinaplano ni Amelia, baka saktan na naman ako nito kailangan ko na
lumayo sakanya.”
Amelia: “Nyx halika, may sa sabihin lang ako.”
Sabinito ng nakangiti, dahil nga may program sa school kaya walang makikitang estudyante.
Amelia: “Namiss kita ah, ilang araw ka ba di pumasok? Tara nga dito HAHAHAAH”
(aatras si nyx hanggang sa wala na sya mapupuntahan pa.)
Nyx: “Anong g-g-gawin mo saa-a-akin?”
( tatakbo si nyx papasok sa isang kwarto na madilim at susundan ni amelia. )
Amelia: “Nyx, alam kong nandiyan ka. Huwag ka na magtago alam kong matatalo ka rin sa huli kaya
lumabas kana diyan.”
(iuusog at itutulak ni amelia lahat ng madadaanang upuan at gamit na maaaring pagtaguan ni
nyx.)
Amelia: “Hindi man kita makita ngayon pero pinaalalahanan na kita, at kung hindi ka pa rin lalabas diyan
sa pinagtataguan mo mas lalo mo lang akong ginagalit, bibilang ako ng tatlo, wag mong dagdagan ang
inis ko Nyx.”
Gagapang si nyx palayo
“ISA!”.
Babato ni amelia ang isang upuan
“DALAWA!”
Magtataklubong si nyx gamit ang tela na kaniyang nakita
“TATLO!”

Amelia: “Madilim ang kwarto Nyx, pero mas nandilim ang paningin ko saiyo. Binigyan na kita ng babala
at bilang na para mag paramdam ka sakin pero mukhang tumatapang ka nangayon ha,pero tandaan mo
kahit saan ka pa magtago ay makikita kita.”

(amelia throws her open bag and her favorite comics will be crumpled and sees a note that’s inside
the comic book.)
Sa pagtingin niya ay blanko lang ito may nakasulat na maliit sa gitna na banyagang mga letra na ang basa
ay “NAKANIHAIRU” (GO IN in japanese).
Amelia: “Na-ka-ni-hai-ru?”
(amelia passes out and camera cuts)

Scene #12 - Scene #14 - Trixie’s House (Room)


(Trixie wakes up on the ground.)
Amelia:“Anong nangyari, na saan ako? Bakit parang pamilyar ang silid na to?” biglang sumakit ang ulo
niya.
Amelia: “Baka dinala ako sa ospital?” tanong niya ulit sa sarili niya.

7
Nagunat-unat siya para tignan ang labas ng bintana dahil di niya alam kung anong oras na. Nagulat siya
sa nakita niya dahil parang na sa ibang lugar sya at napakalamig ng klimang sumalubong sakanya. Saka
niya lang napansin na nakapanlamig siya.
Amelia:“Ha? Kung wala ako sa ospital, nasaan ako!?”nagpapanic na sigaw niya
Kahit nalilito siya kung nasaan siya ay naglibot-libot ito sa silid. Hangang mapadaan ito sa harap ng
salamin at nakita na lang niya na ang sarili niya, sa umpisa ay sinubukan pa niyang hawak-hawakan ang
mukha nito hangang sa mapagtanto niyang hindi niya mukha ang na sa salamin.
Naglibot pa ito hanggang sa may mapulot siyang i.d na nagngangalang Trixie M. Miranda.
Nagulat ito sa nakita. Nakita niya ang picture na nakalagay sa study table. Isang picture ng pamilya at
nagulat siya dahil mukha niya ang nakalagay doon. Hindi niya kilala ang mga kasama niya sa picture.
Lumibot pa siya sa silid dahil napakapamilyar ng lugar na yon.
Bigla niya nakita ang isang diary. Kinuha niya ito at nagulat dahil nakasulat rin dito ang mga sinulat ni
Trixie sa comics! Nilibot niya ang mata sa kwarto. Naalala niya na! Kaya pamilyar ang Lugar dahil ito
ang kwarto ni Trixie. Si Trixie ang inaapi sa paborito niyang comics na kasama si Riva.
Amelia: “Ano?! Nasa loobako ng comics? Imposible to”

Scene #13 – Amelia’s School (Room)


Samantala, hindi alam ni Amelia at ng kahit sinong nasa kabilang mundo ang tunay na anyo ni Nyx. Ang
kapangyarihan ni Nyx ay kayang gumawa ng iba’t-ibang elemento na nakakapagpalito sa mata ng mga
tao. Sapat na ang natitira niyang kapangyarihan upang papuntahin si Amelia sa ibang mundo. Sinadya
niya rin nagawin si Amelia ang inaapi. Para matuto ito. Nagmumula si Nyx sa ibang kalawakan at
pumunta lamang sa Pilipinas upang pag-aralan angi ba’t-ibang kultura at historya nito. Iisa lang naisip
nito noong mga oras na yon. Iyon ay para matuto si Amelia. Dahil sa ginagawa ni Amelia sakanya ay
nakabisado nito ang kanyang galaw. Kaya napagplanuhan niya ang lahat. Ang nangyaring paghabol ni
Amelia kay Nyx ay sadya.
Tumayo na si Nyx sa pagtatago nito mula sa ilalim ng lamesa at pinulot ang komiks na nalaglag ni
Amelia at tuluyan ng umalis.

Scene #14 - Scene #14 - Trixie’s House (Sala)


Sa pagkakalikot ni Amelia sa loob ng silid ay biglang may pumitik at nagbago ang ilaw.
May naramdaman siyang may tumatapik sa braso niya.
Nanay: “Anak, gising na”
Sa pagkakadukdok ay inangat nya ang ulo nya. Sa pagangat niya ng ulo ay nagulat siya dahil nakita niya
ang ginang na nasa picture. Di niya rin maintidihan kung bakit di siya makagalaw na tila nakapako sa
pagkakaupo.
Upo? Bat ako naka-upo? Diba nakatayo ako??!
Nanay:“Nakatulog ka na naman sa lamesa mo kakagawa ng assignment anak” sabi ng ginang
Kinagulat ko ang sinabiko nito at hindi ako makapagsalita.
Trixie:“Ayos lang po ako Nay sanay na po ako.” Nagulat siya sa lumabas sa bibig niya dahil hindi naman
ito ang gusto niyang sabihin at hindi rin niya mabawi ang sinabi niya.
Tumayo siya sa upuan at nagunat-unat. Di niya maintindihan ang kanyang sarili dahil kusa itong
gumagalaw.
Nanay: “Osya! gumayak ka na at malalate ka nasa school, ‘wag mong kalimutang kumain muna bago ka
umalis ha” saka hinimas-himas ang kanyang buhok at nagpaalam na lumabas ng kwarto niya.

8
Nang makalabas ang babae ay nag-ikot pa siya para makita ng buo ang lahat ng na sa bahay na iyun.
Sa pagiikot-ikot niya ay nakarating ito sa sala at nakita niya na naman ang ginang na nakausap niya
kanina.
Napansin nalang niya na sa paglapit ng babae ay biglang nag bago ang ilaw at nagsimula na niyang hindi
maigalaw ang sarili niyang katawan.
Nanay: “Oh ‘bat ‘di ka pa nakabihis Trixie? Maaga pa ang klase mo ‘diba? Mag-ayos ka na at kumain ka
na nakahanda na yung pagakin doon”
Banggit niya sa akin ng nakangiti at malumanay na pagkakasabi. Kumorte ng ngiti ang aking labi at tila
ba wala siyang control sa katawan niya. Kahit anong pilit niyang galaw ay wala siyang magawa at
sumagot na.
Trixie: “Opo ma, may tinignan lang po ako. Gagayak na rin po ako.”
Sagot ko naman ng masayang boses.
“Bakit ba di ko macontrol yung sinasabi ko?”
“Hindi ako yon! Bakit ‘di pa rin ako makapagsalita kapag kaharap ko siya?!”
Mga atungal niya sa loob ng kanyang isip dahil hindi niya mailabas ang mga gusto niyang sabihin.
Aalis na sana siya ngunit ‘di niya maigalaw ang kanyang paa.
Nanay: “Sige, bilisan mo na at sumabay ka na sa papa mo.” Sabinito at nginuso pa ang pintuan ng bahay.
Trixie: “Sige po”
Nakangiti pa rin niyang sabi. Pumanik na siya sa kwarto.

Scene #15 - Trixie’s House (Room)


Biglang nagbago ang ilaw at biglasiyang natisod dahil sa pagpupumilit niyang umalis sa p’westo niya.
Pumasok siya sa kwartong nilabasan niya kanina.
Sinubukan niya magkalkal ng mga gamit na makita niya, binuksan ang mga drawer, pinaghahagis niya
ang mga gamit na mahawakan niya at napahinto siya sa pagkakalkal niya ng mabasa niya ang pangalan sa
id na nahablot niya at yun ay Trixie M. Miranda dahan-dahang rumihistro sa utak niya na nasaloob siya
ng binabasa niyang comics at ang ginagampanan niya sa kwentong ito ay yung bidang inaapi! Si Trixie!
Amelia:“AAAAAAAAAAAAH!!!”
Tili nito ng malakas at naglakad pabalik-balik sa kwarto niya na tila ‘di mapakali. Hindi niya alam kung
anong nangyayari kaya hindi nito maiwasan na makaramdam ng kaba dahil na sa mundo siya na hindi
niya alam kung totoo ba o hindi.
Amelia: “Hindi, Hindi, Hindi! Hindi pwedeng ako yung inaapi! Saka sa dami ba naman ng role na
p’wede kong pasukan, ‘yung inaapi pa talaga? Ang corni nito ha. This can’t be!!!! Ayokonaaa!!!”
Reklamo pa nito sa nangyayari sa kanya.

Scene #16 - Trixie’s School (Room)


(Tumingin siya sa bintana at kumunot ang noo dahil sa kakaibang suot ng mga tao)
(Nagulat siya dahil sa hindi pamilyar nal ugar, napagtanto niyang wala siya sakaniyang kwarto
bagkus na sa paaralan)
(May pumitik at magbabago ang ilaw)

9
Nagulat siya ng may biglang bumuhos na malamig na tubig sa kanya at nakarinig ng naghihiyawang tao.
Pagharap niya ay nakita niya ang nambubully sa kanya sa komiks.
Si Riva kasama ang mgakaibigan nito nakasali sa isang sorority at talaga namang wala siyang awa.
Madami na rin itong nabully bawat taon at ngayon ay si Trixie ang target nila.
Hindi siya makagalaw o makaganti kahit basang-basa na ang buhok niya.

Riva: “Ay, sorry? Nakaharang ka kasi sa daan ko Trixie, at ang aga-aga ang dugyot mong tignan mukha
kang di pa naliligo kaya I do you a favour, Good morning nerd!”
Nakangiti at kumindat pa ito sakanya.

Scene #17 - Trixie’s School (C.R)


( ngayons ya ay nasa banyo: magpupunas si Trixie at mag bibihis.)
Trixie : “haaa.” ( saisip / voice record habang nakatingin si Trixie sa salamin.) Ngayon nasusundan ko
na kung pano tumatakbo tong pesteng komiks na to. Sa panahonna mag isa ako kaya kong gumalaw ng
ayon sa gusto ko ngunit sa oras na magbago na ang ilaw, panigurado na nasa ibang lugar na ako. Ngunit
ano nga ba ang magagawa ko ngayong nalaman ko to? makakaalis pa ba ako dito? Ayoko na tumagal
ditto hindi ko dapat napagdadaanan to.
(lalabas sya sa banyo, end scene)

Scene #18 - Trixie’s School (Room)


(classroom, nakaupo si Trixie at lumapit sila riva na may dalang libro at inilaglag sa harapan ni
Trixie.)
Riva: “Ano tinitingin-tingin mo d’yan? Hindi ko sinabi na titigan mo ko ang dapat gawin mo ay tapusin
yung assignment namin! Alam mo na mangyayarikapag ‘di mo yan tinapos diba?! Kaya umayos ka at
tapusin mo yan!”
Trixie: “Opo”
(lights turn off pagkaalis nila riva at luluhod si Trixie at magwawala)
Trixie: ganitoba ang nararamdaman nila nung ako yung nambubully? Ganito ba kahirap ang
pinagdadaanan nila para lang maitaguyod ang isang araw? Eto ba ang dahilan kung bakit naririto ako?
….. HINDI! HINDI IYON ANG DAHILAN! KUNG NAHIHIRAPAN SILA BAKIT HINDI SILA
LUMABAN? BAKIT DI SILA NAG SALITA!
(end scene)

Scene #19 – Trixie’s School (Room)


Pauwi na sana siya nang naramdaman niyang may tumutulo nung buksan niya yung pinto ng kanilang
silid. Naamoy niyang mapanghi ito. Naramdaman niyang pinagtripan na naman siya.
Riva: “Ang baho mo naman Trixie napaliguan na nga kita kanina bumaho ka na naman!”
Natatawang sabi ni Riva kasama ang mga alipores niya at tinapik ang parte na ‘di basa sa kanya.
Riva: “Oh, Don’t forget to do our assignments little Trixie”
(magbabago na naman ang ilaw, umiiyak si Trixie)
Trixie: Ganito pala ang pakiramdam ng na bubully. Ganito pala ang nararamdaman nila sa tuwing may
ginawa ako sa kanila.

10
(Pipikit at iiyak sa sulok)

Scene #20 – Trixie’s House (Sala)


Nakarinig siya ng pagpitik at pagkadilat niya ay na sa hapag na siya kasama ang magulang ni Trixie.
Maayos na ang damit niya. Napansin niya rin na iba ang ilaw kaya alam niyang dapat niyang gawin ang
nasa komiks.
Tatay: “Kumusta ang school anak?”.
Trixie: “Okay naman po pa! Dami ko pong natutunan kanina. Dami po naming ginawa ng mgakaibigan
ko po
Nanay: “Mabuti yan anak, maiging magkaroon ka na ng kaibigan”
Trixie: “Opo ma, ang babait nga po nilang lahat sakin”
Tatay: “Basta anak wag kang mahihiyang lumapit sakin, o samin ng mama mo kapag may problema ka.
Alam mo namang mahal na mahal ka namin. Ayaw naming na nasasaktan ka ng kahit sino.”
Trixie: “Si tatay naman, nagdadrama na naman. Wag napo kayo mag alala sakin, kayang-kaya ko na po
ang sarili ko”
Nanay: Ganyan talaga ang tatay mo. (chuckles) Pero lagi mong tatandaan Masaya na kami ng tatay mo
makita ka lang na masaya.
Tatay: “Alam mo ba nung bata ka- …”
(tinuloy nila ang kwentuhan nila habang kumakain)

Scene #21 – Trixie’s House (Room)


(sa pag-akyat ni Trixie siya ay pupunta sa sulok at iiyak, sa sabunutan ang sarili at magpapaikot-
ikot sa kwarto na tila ay hindi mapakali at mapapaluhod at mag darasal. Makikita itong lahat ni
nyx na nasa bintana niya, nakasilip.)
Nyx: “Wala pa iyan sa mga naranasan ng mga sinaktan mo, kailangan mong matuto Amelia. Isa ito sa
mga problema ng mga tao, kung kailan lang sila nahihirapan saka lang sila tatawag sa Diyos. Masyado na
kayong mga mapagmataas.”

Scene #22 – Any Place


Naalala pa nito ang araw na napagpasiyahan niyang tumira ditto sa mundo ng mga tao para may
masubukang bago at mapag-aralan kung ano ba ang mga ginagawa o hilig nila.
Bago pa siya umalis sa mundo niya ay Masaya siya. Naglalaro siya kasama ng mga kaibigan niya ng mga
kapagyarihan nila. Nakakapunta sila sa iba-ibang lugar sa kanilang mundo gamit ang mga elemento.
Nakakatakas sila gamit ang kanilang kapangyarihan papunta sa ibang lugar sa kanilang mundo. Masaya
siyang namumuhay sa mundo nila kasama ang kaibigan at pamilya niya. Araw-araw silang nag-eensayo
sa mga kanilang kapangyarihan.
(iact ang mga nabanggit)
Isang araw ay nainip siya sa mga ginagawa nila. Araw-araw ay ganon lagi ang nangyayarisa buhay niya.
Gusto niyang tumuklas ng bagong karanasan.
Gamit ang natutunan ay lumikha siya ng element na makakapagpapunta sa kanya sa lugar ng mga tao.
Gusto niyang magkaron ng kaalaman sa bawat lugar ng kanyang pupuntahan. Sa dami ng napuntahan
niya ay natuklasan niya ang Pilipinas. Naakit siya ng kuryosidad kung ano ang meron at especial sa mga
tao sa Pilipinas.

11
Ang dami niya ng nasubukang ugali na pinapakita sa bawat tao o lugar na napuntahan niya. Ngunit hindi
lang niya inaasahan na sa pagiging mabait niya ay magiging rason ito upang magamit ang kapangyarihan
at masaktan ang isangt tao.. At iyon si Amelia
(iact ang mga nabanggit)
Unang pasok niya sa paaralan ay Masaya siya dahil parang normal lang ang lahat tulad sa mundo nila sa
ibang planeta, nag-ikot pa siya sa kaniyang paaralan na napasukan at natuwa dahil maganda at mababait
ang mga estudyanteng nakasasalubong niya. Hindi nga lang nagtagal ang saya na iyon dahil simula ng
makasalubong niya si Amelia noon. Hindi na nagbago ang ugali nito gustong-gusto nitong lagi siyang
nalalait o nasasaktan, dahil mapagpasensya siya at alam niya ang nangyari kay Amelia dati ay naniniwala
siyang magbabago pa ito kahit onti kaso hindi ito nangyari at ngayon ay naubos na ang pasensya niya at
ginamit na nito ang kapangyarihan para parusahan ito at ipadala sa ibang dimension.
(iact ang past nila Amelia at nyx)
Napailing nalang siya sa naalala niyang memorya ng makilala nito si Amelia
Sabay kumpas ng kamay at kusang nawala ang maliit na dimension na ginawa nito kung saan ipinasok
niya si Amelia.

Scene #23 – Trixie’s School (Room)


(classroom, nakaupo si Trixie at nag babasa)
Riva: “Hoy Trixie! Yung assignment ko akin na”
(itutulak si Trixie ng mahina ngunit sapat para mawala ito sa pwesto)
Sunny: “Trixie, nagawa mo rin naman yung sa amin ‘di ba? You know bago kasi yung nails ko, baka
masira if magsusulat ako.”
Laureen: “Oo nga, Trixie nag-outing kasi kami ng family ko noong weekend eh, peroalam ko naman na
gagawin mo yun, ikaw pa, bestfriend ka kaya namin HAHAHAHAHA right?”
Riva: “Good girl, Oh bakit ka nanginginig? Wala pa nga kaming ginagawa sayo eh, grabe ka Trixie
mukha ba kaming nangangain?”
Trixie (voice record): “Habang hinahaplos niya ang buhok ko, hindi ko alam pero nakararamdam ako ng
takot kahit wala pa naman siyang ginagawa sa akin. Jusko sana wala siyang planong masama, wala
naman akong ginawang mali na makakagalit sakaniya diba? Bakit di pa sila umalis bakit ayaw nila akong
tigilan?”

Scene #24 – Trixie’s School (Office)


( lalabas na ng silid si Trixie at kakausapin ng isang estudyante.)
Student1: “Trixie, pinatatawag ka ni Ma’am Glenda sa office may ipapagawa ata sayo eh,”
Trixie: “Ano yung ipapagawa niya?”
Student1: “ Aba malay ko, ako basi Ma’am Glenda? HAHAHA sige na may klase pa ako eh”
Sabi nito at tumakbo na paalis.
Wala ng nagawa si Amelia kung hindi tahakin ang office ng guro, sa pagpasok niya ay sinalubong siya ng
ngiti ng guro. Pinaaalam lang nito na balak siyang ilaban ng school sa isang quiz bee at tinaggihan naman
ito ni Amelia dahil hindi naman siya ang totoong Trixie ano ang alam niya sa ganyan.
Natapos ang usapan at hindi na siya nito pinilit at lumabas na siya, sa pagtahak niya papuntang canteen
dahil nagugutom na talaga siya at malapit ng matapos ang break time nila.
(Humawak sa tiyan habang palabas ng office)

12
Scene #25 – Trixie’s School (C.R)
Nagulat nalang siya ng may humatak sa kanya papuntang C.R. hindi niya ito makita kung sino dahil
hawak siya nito sa buhok.
Trixie: “A-ARAY KO! TAMA NA PLEASE”
Sigaw ni Trixie dahil ang sakit na ng anit nito.
Pero mas napasigaw ito ng bigla itong bitawan at doon niya lang nakita na si Riva at mga alipores niya
ang humatak sa kanila, bigla nalang siyang na paluha dahil panigurado masasaktan na namn siya.
Riva: “Anong sinabi mo kay Glenda?”
(matalas na tingin kay Trixie si Riva)
Sunny: “Omg, Trixie, nagsusumbong ka na ngayon? Tumatapang na ang baby namin ah”
Laureen: “Sa tingin mo matutulungan ka talaga ni Glenda? Jusko naman Trixie tanda-tanda na non
binigibyan mo pa ng problema hays”
Trixie: “W-wala akong s-sinabi, maniwala k-kayo sakin”
(takot na yuyuko si Trixie)
Riva: “So, satingin mo bulag ako?”
Trixie: “P-pinatawag lang ako dahil b-balak daw ako ilaban sa ibang school”
Riva: “Talaga? Pero hindi ka bagay ilaban sa ibang school wala namang maganda sayo. Bumalik ka
ngayon kay Glenda at sabihin mong di ka sasali!”
Trixie: “H-hindi-i ko naman gustong-“
Riva: “Tara na, hayaan niyo yan dyan. Alam naman niya siguro ang mangyayari sa kanya pag di siya
sumunod sakin”
Riva: “Kapag nalaman ko lang nan agsusumbong ka hindi lang yan ang aabutin mo sakin, tandaan mo
yan”
Sunny: Bye bye ang cute mo dyan sa lapag HAHAAHHA
Laureen: “Kawawa naman ang Trixie naming namumulayung cheek mo huhu masakit siguro yan no?”
Riva: “ANO BA SABI KO TARA NA!”
Laureen: “Di pa ako tapos eh pero sige na nga paalam mahal naming Trixie”
At tumayo na ito at tumakbo na paalis kasama si Sunny.
Napahawak nalang si Amelia sakanyang pisngi dahil ang hapdi niya. Balak na niyang tumayo pero bigla
na namang nagbago ang paligid niya at pagmulat ng mata niya nasa loob naman ito ng canteen at naroon
na naman ang ilaw na kasalukuyang nangyayari ang scene mula sa komiks.

Scene #26 – Trixie’s School (Canteen)


Maraming tao sa canteen siksikan sa pagbili ng pagkain at maingay dahil nagkukwentuhan rin ang iba.
Habang siya ay nasasulok at kumakain lang, gumaan naman ang pakiramdam niya dahil walang sakitan
na magaganap, sinubukan niyang hawakan ang pisngi niya kung mahapdi pa, perol aking tuwa niya ng
hindi na masakit, napangiti pa ito habang hawak ang pisngi at hindi niya napansin na nasa likod na nito si
Riva, naramdaman nalang niya na may tumutulo mula sa ulo niya at naamoy nalang niya na juice ito.
Riva: “What a weirdo, ngumingiti magi-sa, ayan na baka kasi natutulog ka ginising lang kita”
(uupo ang dalawang alipores ni riva sa harap ni Trixie)

13
Sunny: “Eww Trixie yan lang pagkain mo?”
Sa sinabi nito ay ngayon niya lang napansin na ang pagkaing na sa harap nito ay sardinas at kainin. Kahit
siya nandiri dahil kahit noong nasa totoong mundo siya hindi pa siya nakakain nito.
Mahirap ba talaga ako para maging ganito ang pagkain ko?
Tanong nalang ni Amelia sa sarili nito napabalik siya sa realidad ng biglang magsalita ang isang alipores
ni Riva.
Laureen:”My god Trixie, you can’t even afford a single meat ditto sa canteen?”

Sabi nito ng malakas kaya narinig ng ibangstudyante at napatingin din sa kanila, sinabi nito at natawa
nalang ang lahat.
Hindi niya kinaya ang hiya kaya yumuko nalang ito para hindi makita ang mukha niya.
Laureen: “Here’s a 500 bili ka ng food para sumigala ka naman HAHAHAAHAH”
Sabay lag-lag ng 500 sa harap niya.
Sunny: “here pa oh, baka kasi kulangin yan eh, magkano na ba ang bilihin ngayon? Nevermind that.”
Laglag din nito sa harap niya. Sa ginawa nila ay mas lalong nagtawanan ang lahat at dahil sa hindi niya na
kaya ay tumayo na ito at tumakbo na paalis, narinig pa niya ang boses ni riva bago siya tuluyang maka-
alis.
Riva: “Hey Trixie. Don’t run, lampa ka pa naman madapa ka sana!”
Sabi nito bago mawala ang boses nito at tawa ng lahat ng nasa canteen.

Scene #27 – Road


Huminto lang siya sa pagtakbo ng nasa classroom niya na sila at halos mawalan na siya ng hininga.
Pagkaupo niya sa lamesa niya ay tuluyan na siyang naiyak.
Kinuhaniya ang bag niya at umalis na pauwi.
Trixie: “Ayaw ko nadito, please lang tama na”
Sabay hagulgol nito sa gitna ng daan at sumabay pa na umulan kaya pinagtitinginan nalang siya ng mga
tao dahil hindi man lang ito sumilong.

Trixie’s House (Sala)


Umuwi itong basing basa na kinagulat ng kanyang nanay at tatay.
Nanay: “Bakit ka ba basing-basa? Dalian mo na pumasok, hindi mo ba dinala ang paying mo?”
Sunod-sunod na tanong ng kanyang ina at inabutan naman agad siya ng tuwalya ng kanyang tatay.
Tatay: “Dalian mong magpatuyo at magpalit ka na ng damit baka magkasakit ka pa”
Sabi naman ng kanyang tatay sa mga tanong nila ay bigla nalang itong napaiyak at yumuko
Trixie “Ayaw ko napo nay”
Hagulgol nito na siyang pinagalala ng magulang nito
Nanay:”May masakit ba sayo? Saan? Gusto mo bang magpacheck up?
Tatay: “anong masakit sayo anak? Magbihis ka Lolita at pumunta na tayo ng ospital.”

14
Pag-aalala ng magulang niya, sa pag-alala nila ay hindi nito matuloy na magsabi na kung ano ang mga
nangyayari sa kanya sa paaralan nila.
Sasagot pa lamangsiya ng bigla siyang niyakap ng magulang ni Trixie. Na kinagulat niya dahil sa matagal
na siyang hindi nakararanas ng ganitong pagmamahal simula ng mamatay ang kanyang ina, sa naalala
nito ay bumalik ang memorya ng kanyang namayapang ina na niyayakap siya tuwing malungkot siya.

Scene #28 – Amelia’s House (Sala)


Mama: “Amelia, malungkot ka na naman? Tara nga dito”
Niyakap niya ang batang Amelia na umiiyak dahil sa nabasag nito ang isang baso nagamit ng ina niya
Amelia: Mama sorry po huhu” hikbi nito habang kinukusot ang mata niya.
Mama: “Ano ka ba parang baso lang naman eh, hahahapwede naman nating palitan yan”
Habang yakap-yakap nito ang umiiyak na batang Amelia.

Scene #29 – Trixie’s House (Sala)


Nanay: “Trixie!”
Sigaw ng nanay ni Trixie na nagpabalik sa realidad ni Amelia
Tatay: “Anong masakit sayo anak?”
Trixie: “O-okay lang po ako nay, tay nabasa lang mga gamit ko kaya ako naiyak, aakyat na po ako”
Sabay takbo nito papuntang kwarto at sinara agad ang pinto.
Doon nasiyanapaiyakhabanginaalala ang kanyanginangmatagalnaniyangkinalimutandahilsasama ng loob.

Scene #30 – Trixie’s House (Room)


Habang umiiyak ay na pagpasyahan niyang kunin ang diary ni Trixie. Sinulatniya lahat ng nararamdaman
niya, mga hinanakit. Sa isang pahina sinulat niya ang mga gagawin niya kung sakaling magising na siya o
makabalik siya sa totoong mundo.
Nakatulog itong umiiyak dahil na rin siguro sa pagod kanina sa school.

Scene #31 – Outing Place


Pagmulat niya ay nakarinig na naman siya ng pagpitik at nagbago na naman ang ilaw at doon niya lang
napansin na nasa ibang lugar na siya. Base sa naalala niya ito ang pahina na nasa outing silang
magkaklase. Hindi na rin malamig dahil nagbago na ang panahon.
Bumangon siya at naglibot-libot siya mag-isa dahil wala namang kaibigan si Trixie sa kwentong ito. Sa
pag-iikot niya ay napagod ito. Bumili siya ng tubig at umupo sa upuan at pinagmasdan ang magandang
tanawin saharap niya. Hindi niya akalaing siya ay na sa paborito niyang komiks.
Hindi siya napag-isa kahit kailan ng ganito katagal dati maliban nalang nungs iya ay bata pa.
Bigla nalang tumulo ang kanyang luha dahil naalala niya ang kanyang Ina sa totoong mundo.
Pagkapahid niya ng luha ay na sa ibang lugar na naman siya. Nasa loob na siya ng kwartong tinutuluyan
nila.

Scene #32 – Outing Place (Kwarto)

15
Biglang pumasok sila Riva at nagikot-ikot sa kwarto kung saan siya matutulog. Hinagis ang mga gamit
nito at pinagpasa-pasahan pa na akala mo bola ito. Hinagis niya ang bag niyang wala nang laman
sakanya.
Lumapit si Riva dito.
Riva: “Parang nakita ko kaninana may hawak kang wallet at mukhang mahal ha, ingat na ingat ka eh”
Habang papalapit sa kanya.
Trixie: “Tama na R-r-riva, P-please lang w-wala rin yung l-laman na p-pera eh”
Nauutal na sabi ko sakaniya.
Riva: “Sinungaling! Nakita kitang nilabas mo kanina sa tindahan, mukhangang mahal yang wallet mo
pero wala akong pake, ang sakin lang natututo ka na yatang magsinungaling?
Irap pa nito kay Trixie.
Ayaw niyang ibigay yung wallet niya dahil ito lamang ang nadala niya mula sa totoong mundo at ito ang
huling birthday gift sakanya ng nanay niya.
(konting past about dun sa wallet)
Riva: “Ano?! Ibibigay mo ba o hihintayin mo pa akong magalit? Ilabas mo na,”

Trixie: “Maniwala k-k-ka sakin R-r-r-riva wala talaga akong dalang pera”
Humagulgol na siya pero pinipilit niya pa ring magsalita at pinipilit na wala siyang pera kahit hindi
naman yun ang habol ni Riva, ayaw niyang ibigay dahil yun nalang ang nagpapaalala sakanyang ina.
Riva:“Ah, ayaw mo ibigay?”
Kinapkapan siya nito at nakuha ang hinahanap niya. Hinagis niya iyon sa kasama niya at saka inapak-
apakan nila sa harap niya.
Trixie” T-tamana p-please. Kahit saktan mo na ako wag mo lang pakielaman yung wallet ko”
Naiiyak na siya sa ginagawa nila sa huling alala-ala ng kanyang nanay.
Riva: “Ahh so tama nga ako? Mahalaga to sayo? Para mas exciting sunugin nyo yang wallet niya.
Trixie: “Paki-us-s-sap wag yung wallet ko, kahit anong gawin ni-y-yo sakin wag lang yung wallet k-k-k-
o”
Riva:“Sige may awa pa naman ako sayo little Trixie. Ibigay n’yoyung wallet at isunod n’yo sakin‘yan.”
Kinuha niya ang wallet. Bigla naman siyang hinawakan sa magkabilang braso ng mga kasama ni Riva at
dinala sa banyo ng tinutuluyan niya.
Sunny: “why do you make Riva angry ba kasi? Yan tuloy lagot ka na naman”
Sabi nito na halata mong nang-aasar
Trixie: “Anong gagawin mo sakin?!”
Sigawn nito, nagbabakasakaling may makarinig at matulungan sya.
Laureen: “Wag ka ng sumigaw, lapit lang naming oh, saka masakit sa tenga bosesmo!”
Naiinis naman nasabi nito.

Scene #33 – Outing Place (C.R)


Nakarating na sila sa C.R at humarap sa kanya si Riva at sinabutan siya saka lang siya pinakawalan ng
alipores ni Riva sa magkabilang braso niya.

16
Riva: “Anong karapatan mo para magsinungaling at magutos sakin? Ha? Kalian pa ako nagging mabait
para pagbigyan ka?”
Sabi ni Riva saka siya sinabunutan at hinatak siya nito habang hawak ang buhok niya.
Riva: “Tignan natin ang mangyayari sa’yo kapag ginawa ko sa’yo ang gusto kong gawin?! Matututo
kang ‘wag magsinungaling at humiling dahil hindi naman ako si Genie eh”
At pagkatapos sabihin ‘yon ni Riva ay nilublob siya nito sa timba ang ulo nito.
Hindi makahinga si Trixie hanggang sa nauubusan na siya ng hininga. Sa pagkawalan niya ng malay ay
biglaniyang naalala ang nangyari sa nakaraan niya.

Scene #34 – Amelia’s House


Tahimik at masigla na bata noon si Amelia. Mabait ito at laging nangunguna sa klase. Marami siyang
kaibigan at gustong gusto siya ng mga guro. Pero kabaliktaran ito ng ugali niya sa bahay. Tahimik lang
ito at hindi sumasagot kapag nandyan ang ama niya. Sa nanay niya lang pinapakita ang masiglang
imahe niya. Ang nanay niya ang isa sa supporter niya mula noong bata sya.
Sa malaking bahay nila ay nakikita niya sa mula sa siwang ng kwarto niya ang pananakit ng kanyang
ama sa kanyang ina, wala itong reaksyon nakatitig lamang siya sa ama niyang sinasaktan at sinisigawan
ang kanyang ina at dahil hindi makalaban ang kanyang ina ay umiiyak lamang ito.
Papa: Di ba sabi ko sayo wag kang makikipagusap sa mga kapit bahay natin! Ano di mo na ako
susundin? May ipagmamalaki ka na ba!? Saka mo na ako sumbatan kung ikaw na bumubuhay sakin!”
sigaw ng papa nya habang sinasaktan at di sumasagot ang kanyang ina.
Papa: Sa susunod na makita ko o malaman ko na lumabas ka sa bahay malilintikan ka sakin! Alagaan
mo lang yang anak mo! Pare-parehas kayong walang kwenta” sabay bangga sa nanay nya at umalis
Nang makalabas na ang ama niya ay saka ito lumapit sa nanay niya at niyakapito at doon na siya
nagsimulang umiyak ng mayakap niya ang kanyang nanay habang pinapatahan naman siya ng kanyang
ina.
Araw-araw itong ginagawa ng kaniyang ama sa kanila. Matinding galos ang inaabot ng nanay niya
kapag ito ay lasing.
Pag-uwi niya galing eskwela ay nakita niya nalang ang kanyang Ina nawalang malay at duguan. Agad
siyang humingi ng tulong sa mga kapit bahay. Agad na nadala ang kanyang nanay ngunit hulina ito dahil
sa dugong nawala sa nanay niya. Humagulgol siya katabi ng walang buhay niyang Ina. Ito lang ang
nagging kakampi niya sa buong buhay niya.
‘Di niya maisip ang buhay niya ng wala ang kanyang ina. Simula noon ay hindi na siya naniwala na may
Diyos pa.
Pagkatapos ng burol ay pinagpasalamat niyang sumuko ang kanyang ama at ngayon ay nakakulong na.
Inampon naman siya ng kanyang tiyahin, kapatid ng kaniyang Nanay.
Sa unang taon ni Amelia sa puder ng tiya niya ay hindi siya kumikibo. Pinagpaliban niya rin muna ang
kaniyang pagpasok sa eskwela. Kinausap siya ng kanyang tiya na kung maari ay ipagpatuloy niya ang
kaniyang pag-aaral dahil iyon ang gusto ng kaniyang ina.
Tiya: Anak, kahit wala na ang mama mo, nandito pa rin ako, kami ng tito mo. Wala kaming anak alam
mo yan. Ipaparamdam naming sayo ang pagmamahal na dapat mong maranasan. Bata ka pa Mahal na
mahal ka ng mama mo. Sa tingin mo ba kung nabubuhay pa siya matutuwa siya sa mga ginagawa mo?
Hindi umimik si Amelia. Pumayag siya ngunit hindi na siya katulad ng dati. Palagi na ito na
naghahamon ng away, mapalalaki man o babae. Napabarkada na rin siya sa maling tao. Natutong mag-
bisyo sa murang edad. Kahit anong sabihin sakanya ng Tita’t Tito niya na siyang nagpapalaki sakanya
ay wala siyang pakielam.

17
Scene #35 – Out of Space
Sa hindi inaasahan nito pagkatapos niya makita ang nakaraan niya ay nakita niya sa harap ng maliwanag
si Nyx.
Nyx: “Natuto ka na ba?
Amelia: “A-anong sinasabi mo? B-bakit ka nandito?
Pagtataka nito ng makita siya sa harap nito.
Nyx: “Sana talaga natuto ka na sa mga nangyari sayo sa mundong pinasukan mo”
Amelia: “Ano ba ang sinasabimo?”
(kunot-noo, nagtataka si amelia)
Nyx: “Ako ang nagdala sayo doon sa ibang dimension, dahil gusto ko namatuto ka, dahil sa lahat ng
nakilala ko na tao ikaw ang pinakamapride at walang galang na nakilala ko, alam ko na may pinagdaanan
ka pero hindi yun rason para idamay ang lahat ng tao sa paligid mo.”
Amelia: “Ikaw? Bakit? Paano? Di kita maintindihan. ”
Nyx: “Oo ako, Ginawa ko lahat ng yon dahil hindi tama ang ginagawa mo. Sana sa pagbalik mo ay
magbago na ugali mo. Sana natuto ka sa nangyari sayo, magmistulang gabay sana yon sa mga nagawa
mong pagkakamali.
Amelia: Di ko parin maintindihan bakit mo nagagawa yon! Ibigsa bihin di ka normal natao?
Nyx: Hindi ako normal na tao tulad ng inaakala mo. Sa pagbalik mos amundo di na nila ako maaalala
dahil binura ko na ang mga alaala nila. Mag mimistula akong isang alaala na ikaw lamang ang
nakakaalam. Sana sa ginawa kong ito ay maibalik ang dati mong paguugali nung bata ka. Oo di tama ang
ginawa sainyo ng iyong ama pero di ibig sabihin ay kailangan mo na maging katulad niya para maging
okay ka. Maraming nagmamahal sayo Amelia. Sa paglisan ko sainyong buhay mag mistulang aral sana
ang ginawa ko sayo. Naramdaman kong nagbago ka na.

Scene #36 – School of Amelia


Pero bago pa siya makapagsalita ay nagising nasi Amelia at nakitang nasa kwarto na niya siya ng
kanilang paaralan at nag-aayos na ang ibangstudyantedahiltaposna ang klase.
Luminga-linga siya at nakita ang tropa niyang naiwan sa classroom. Nilapitan niya sila at tinanong
Amelia:“Nasan ako?? Bakit ako nandito?!”
Sabi nito ng may pagmamadali.
Pietrio: “Lakas ng tama mo Lia ah, hindi ba halata? Malamang nasa school”
May sumgit rin na isa pa ng makita siyang nagtatanong.
Justine: “Hoyy, lagot ka na naman kay Ma’am Margie, tinulugan mo na naman lesson natin sakanya
kanina HAHAHAHAHA, tapang mo talaga eh no?”
Tawa pa nito sabay alis na rin.
Clare: “Oo nga, ilang oras ka nakatulog tas di ka pa umattend kanina sa program tapang mo talaga kahit
kelan”
Pietro: Hindi ka na naming ginising kasi baka mabadtrip ka na naman samin.
Amelia: “Si Nyx, nasaan siya?”
Pagbabago nito ng topic
Pietro:“HA? Sinong Nyx?”

18
Amelia: “Yung laging top 1 satin? Yung lumaban sa quiz bee? Yung lagi kong inaapi! Yung lagi nating
pinagtitripan!”
Sinusubukan niya tanungin ang mga kaibigan niya sa pagaakalang nagbibiro lang si Nyx, napanaginip
lang nangyari sakanya.
Clare: “Pinagsasabimo? Si Ray kaya top 1 natin siya rin yungl umaban sa quiz bee kahapon, wait nga
lasing ka na naman ba? Lakas ng tama mo ah” Natatawang sabi niya habang nagwawalis
Tawa pa nito sa mga pinagtatanong ni Amelia.
Pietro: “Sige na mauna na ako, sakit ng ulo ko pare”
James: “Sabay na tayo tol, una na kami Lia!”
Sabi nila at lumabas na rin ng kwarto.

Scene # 37 – School Locker


Nagmadaling kinuha ni Amelia ang bag nito at pinuntahan ang locker nila para tignan ang locker ni Nyx,
dahil naniniwala siya nasi Nyx ang dahilan ng mga nangyari sakin. Nagulat nalang siya ng makita ang
nagngangalang Ray at hindi Nyx.

Scene #38 - Road


Hindi alam ni Amelia kung ano ang gagawin niya dahil ang mga nangyarisa kanya ay parang panaginp
lang na ang hirap paniwalaan. Umuwi ito ng tulala at bigla nalang siyang naiyak sa gitna ng daan.
Napaluha ng sobrasi Amelia ng maalala ang ginawa niya dati sa ibang tao. Ngayon alam niya na ang
pakiramdam ng naapi, napaisip siya na ganito siguro ang naramdaman ng kanyang nanay noon, na hindi
man lang niya na ipagtanggol sa pananakit ng kanyang ama.
Hindi niya mapigilan na umiyak pa rin dahil parang isang bangungot ang nangyarisa kanya.

Scene #39 – Amelia’s House (Sala)


Sa pag-uwi nito ay nakita niya ang Tiya niya na nag hahanda na naman ng hapunan hindi niya mapigilang
yakapin ito dahil sa lahat ng tao na natira sa kanya isa lang ito sa pinagtiyagaan siya ng husto kahit gaano
pa kasama ang ugali nito.
Tiya: “Ayy! Jusko kang bata ka bakit ka umiiyak? May nangyari ba sa school?”
Sabi nito ng may pagaalala dahil bihira lang naman umiyak ang pamangkin niya, pero umiling lang si
Amelia habang nakayakap dito.
Amelia: “Tita, maraming salamat sa lahat ha”
Sabi nito na umiiyak pa rin, doon na napangiti ang tiya nito sa sinabi niya.
Tiya: “Ano ka ba, ikaw lang naman ang nag-iisang pamangkin ko at nag-iisang anak ni Macy ang Mama
mo kaya syempre aalagaan talaga kita, pero bakit ka umiiyak may umaway ba sayo?”
Sabi nito ng may pag-aalala pa rin sa boses habang hinahaplos ang buhok nito.
Amelia: “Wala po, sa totoo po niyan ako po ang may mga naka-away”
Sabi nito at humiwalay nasaTiyaniya at ngumiti sabay halik at takbo na nito sa kwarto niya sapag-alis nito
ay napangiti nalang ang Tiya niya.
Tiya: “Bumalikna ang Ameliang kilala ko, salamat sa diyos, sabi ko na nga ba hindi siya pababayaan
nito, matutuwa si Macy nito”
At bumalik na sa pag hahanda ng hapunan.

19
Scene #40 – Amelia’s House (Room)
Nang mahimasmasan siya pag-iyak niya kanina pa ay kinuha niya ang papel na sinulat niya. Gusto niyang
gawin ang mga sinulat niya doon noong na sa mundo pa siya ng comics
Wala na rin siyang ideya kung totoo basi Nyx o hindi at hindi nalang niya inisip ito dahil sa takot na baka
maulit ito.
Sinimulan na niyang gawin ang sa papel naisinulat niya, unang-una doon ay ang pagbisita sakaniyang
nanay.

Scene #41 – Flower Shop


Unang una ay pumuntasiyasapuntod ng kanyangina. Dumaanmunasiyasaisangtindahan ng mgabulaklak at
bumili ng paboritonitongbulaklak.

Scene #42 - Cemetery


Nilagay niya ang bulaklak sa puntod ng kanyang ina.
Amelia: “Pasensya na po mama, kung ngayon lang ako ulit nakadalaw sainyo. Alam mo ba Ma? Napunta
ako sa ibang mundo at doon naranasan ko ang naranasan mo. Na masaktan nang walang magawa dahil
hindi ka makalaban. Akala ko kapag nagging matapang ako hindi ko mararanasan ang naransan mo, pero
‘di ko namalayan nagagawa ko na pala ang ginawa sayo ni Papa noon. Pasensyana po.”
Umiiyak na sabi niya. Ilang minute pa siya na natili bago siya umalis.

Scene #43 – School (Field or any place na maraming tao)


Sunod niyang pinuntahan ang mga naka-away niya at mga ininsulto niya at humingi ng tawad. Umamin
siya sa mga kasalanang nagawa niya lalo na ang pambubully sa school.
Amelia:“Humihingi po ako ng tawad sa lahat ng aking ginawa, pinagsisishan ko po ang mga ginawa ko
sainyo. Alam ko pong madami po akong nagawang kasalanan at pinagsisihan ko na po ‘iyon. Hindi ko po
kayo sisihin kung ‘di niyo po ako mapapatawad. Handa po akong bumawi. Pasensyana po ulit.”
Ang mga kaibigan niya ay pinuntahan niya rin para sabihin ang mga kamaliang nagawa niya. Gusto niya
rin na sa pag babago niya ay kasama ang kaniyan gkaibigan para sama-sama nila itong itama.

Scene #44 - Prison


Ang pinakahuling ginawa niya ay ang dalawin ang kaniyang ama sa kulungan. Nung makita siya ng
kanyang ama ay niyakap siya nito at umiyak sakanya.
Papa: “Anak, maraming salamat dahil sa unang pagkakataon ay dinalaw mo na ako. Madami akong
nagawang pagkakamali sayo, sainyo ng nanay mo pero wala na akong magagawa. Ang pagkakakulong ko
dito ay hindi sapat para pagsisihan ang nagawa kong mali. Hindi ko man matama ang mga nagawa ko
sana pagbigyan mo ko ng pagkakataon magbago.
Amelia: Tama po kayo, hindinamababaliksadati ang buhay ko, at lalonghindinamababaliksi Mama. Sana
po sapagkakataong to matutona kayo saginawaniyongmali. Pinapatawadnapo
kitasaginawamosakinperoitona po ang una’thulikongpagbisitasainyo. Hindi parin po mawawala ang
sakitnadinanasniyosakin, saminni Mama.
Papa: “Kung mababalik ko lang ang lahat iaayos ko ang pamilyanatin”
Amelia: “Hindi na po, sa sakit na naranasan ko marami po akong narealize at natutunan pinatatawad man
kita pero hindi ko makakalimutan ang mga nangyari aral na rin siguro para sayo at sakin iyon.
20
Sabay ngiti at kusang tumulo ang luha nito. Napaluha nalang ang Ama nito sa sinabi niya.
Madami silang pinagusapan. Pinatawad niya na ang kaniyang ama sa ginawa. Dahil sa huli ay alam
niyang tatay niya pa rin iyon. Sapat na siyang makitang nagsisisi ang kaniyang ama.
Tumayo na ito at lumabas na, hindi na siya lumingon dahil sa oras na iyon isa lang ang nararamdaman
niya yun ay ang masaya siya na sa mga nangyari at unti-unti na niyang naitatama ang mga maling nagawa
niya noon.

Scene #45 – Outside of Prison


Tumingin ito sa langit.
Amelia: “Mama, kung nakikita mo ako, siguro proud ka sakin no? lagi mo akong bantayan ha at
iparamdam mo sakin na hindi ako magiging mag-isa sa buhay ko, I love you Mama”
Sabi nito sa langit at ngumiti ng tila walang problema.
Scene #46 – Basta maganda ang view
(kasi likod ni Amelia ang kukunin dito)
Pagkatapos ng lahat ay umuwi na ito at nangako sa sariling magbabago na ito at kalilimutan na ang mga
hindi magandang nangyari sa kaniya. Hindi man maganda ang mga nagawa niya pero ang mahalaga ay
handa siyang magbago.
Hindi lahat ng tao ay santo na hindi nagkakamali, ngunit sa pag kakamali mo ay dapat handa kang
magbago para sa sarili at sa ibang taong nakapaligid sayo.

Moral: Hindi sa lahat ng oras ay maisisisi mo sa nakaraan mo ang mga sinasapit mo ngayon, matutong
lumaban at ipagpatuloy ang buhay. Laging maging mabuti sakapwa mo sa lahat ng oras, dahil darating
ang araw na sila mismo ang tutulong sayo sa oras ng pangangailangan.

21

You might also like