You are on page 1of 10

Script for Rizal’s Early Education and Influences

Narrator – Omniah Mogawan Maestro Celestino – Regine Lao


Jose Rizal / Pepe – Ivan Posada Maestro Padua – Jhazmine Reyes
Teodora Alonzo – Mille Orge Tiyo Manuel – Kristine Xu
Francisco Mercado – Kyan Go Tiyo Jose – Paul Baquiran
Paciano – Tom Bigay Tiyo Gregorio – Irish Cortez
Saturnina – Ida Gambalan Maestro Justiniano Cruz – RK Genato
Narcisa – Eimeren de Guzman Pedro – Darren Aguirre
Concepcion – Regine Lao Andres Salandanan – Eunice Trinidad
Aya – Cara Jen Binan classmates of Rizal – Cara Jen, Irish,
Gia, Regine, Jun, Allyson
Flame / Apoy – Jun Hagonos Cavite Mutiny Indios – Ida, Eimeren, Khristine,
Jhazmine
2 moths – Allyson Beltran (anak na gamu- Guardia Sibil – RK Genato, Kyan Go, Jun
gamo), Irish Cortez (inang gamu-gamo) Hagonos (Gov. Izquierdo)
Leon Monroy – Fontinaye Alunday Mariano Gomez – Kris Angela Queliza
Usman / Female College Student Jose Burgos – Gia Sison
– Eureka Chuang
Nanay of Female College Student: Eileen Jacinto Zamora – Jhazmine Reyes
Fajarito de Vellena
Inner voice of Usman: Khristine Regalae Spanish Lieutenant – Kristine Xu
Regala
Evil wife of Tiyo Jose – Moana Castro

Narrator: Isang gabi, may isang kolehiyala na seryosong nag-aaral sa kanyang silid,
nang biglang dumating ang kanyang ina.

Nanay: Anak….

Kolehiya: Nay! Ginulat niyo naman ako. Next time, kumatok naman kayo.

Nanay: Bakit hindi ka pa tulog? Maghahatinggabi na.

Kolehiyala: Nay, prelims po naming bukas sa Rizal at walang pumapasok sa utak ko. Ewan
ba bakit pa ‘to kailangang aralin.

Nanay: Anak, nasa batas na Repulic Act 1425 na aralin ang buhay ng ating
pambansang bayani. Marami kang kapupulutang magagandang asal kay Rizal.

Kolehiyala: Naku ma, ikakayaman ba natin ‘yan? Sana naging aso na lang ako. Ang hirap
maging estudyante.

Nanay: Mag-ingat ka sa sinasabi mo at mamaya’t mahipan ka ng masamang hangin. O


siya, huwag kang masyadong magpuyat at agahan mo na lang gumising bukas.

Kolehiya: Opo, inay.

Narrator: Natulog na batang estudyante. Kinabukasan….


Kolehiya: Ruff! Ruff!

Inner voice: Bakit ganoon, anong nangyari sa akin? Bakit ako tinubuan ng balahibo? At
nawala ang aking boses? Bakit wala ako sa aking silid? Nasaan ako?

Pepe: Ang cute namang tuta ito, kulot pa ang buhok. Mayroon bang may-ari sa iyo?

Inner voice: What? Isa akong tuta? Juice ko Lord, bakit mo ako ginawang tuta?

Kolehiya: Ruff! Ruff!

Pepe: Since wala nang umaangkin sa’yo, ako na lang ang mag-aalaga sa’yo. At
papangalanan kitang USMAN!

Kolehiya: Ruff! Ruff!

Narrator: Bumalik si Pepe sa kanilang bahay dala-dala ang kanilang aso at ipinakita niya
ito sa kanyang ina.

Pepe: Mama, may akong aso nahanap sa likod-bahay. Kupkupin na lang natin.

Teodora: Eto talagang anak ko, mapagmahal sa mga hayop. O siya sige, pumasok ka
na’t magdarasal pa tayo.

Narrator: Sabay-sabay na lumuhod ang mga kapatid ni Pepe, kasama ang kanyang ama
sa harap ng altar ng Birheng Maria, at nagdasal ng Angelus.

Teodora: Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng Espiritu Santo, Amen...

Narrator: Habang nagdarasal ang buong mag-anak ay biglang nahilo si Concepcion, ang
nakakabatang kapatid ni Pepe. Lahat ay nagulat at nag-aalala sa sinapit nito.

Teodora: Paciano, dalhin mo ang iyong kapatid sa kanyang silid para makapagpahinga.

Narrator: Ilang araw ang lumipas at pumanaw si Concepcion. Ang pamilyang Rizal ay
nagdalamhati. Tahimik na umiiyak si Pepe at kinakausap ang kanyang alagang
aso.

Pepe: Usman, ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong sakit. Ganito pala ang
ang pakiramdam na mawalan ng mahal sa buhay.

Narrator: Sa pagkamatay ni Concepcion unang naranasan ni Pepe ang emosyonal na


sakit na pinagdaraanan at naituro sa kanya na patatagin ang kanyang loob.
sa kabila ng mga balakid sa buhay. Lumapit ang ina ni Pepe sa kanya nang
nakita niyang umiiyak ang kanyang anak.

Teodora: Pepe, halika na’t oras na para manalangin sa Diyos. Isama mo na si Usman.

Pepe: Inay, bakit ba natin kailangan magdasal kung kinukuha rin naman ng Diyos ang
mga mahal natin sa buhay?
Teodora: Anak, hindi natin dapat kwestyunin ang kagustuhan ng Diyos. Kahit na masakit,
kailangan nating tanggapin ang kanyang pasiya. Tandaan nating utang natin
ang buhay natin sa kanya. Alam mo bang nahirapan ako sa kapanganakan mo
noon. Kung hindi ako nagdasal sa Birhen ng Antipolo, ‘di ka namin kapiling
ngayon.

Narrator: Pinaigting ni Doña Teodora ang pananampalataya ni Pepe sa Diyos, para lumaki
itong relihiyoso, matiisin, at maunawain.

Teodora: (Pagkatapos magdasal) O, ‘di ba, Pepe? Mas nakakagaan ng loob kung
ipapaubaya natin ang ating mga saloobin sa Diyos? (Tinawag si Aya) Sige na’t
pumunta ka na sa Aya mo para kumain ng hapunan.

Aya: Pepe, kain na! Masarap ang niluto kong adobo!

Pepe: Ayoko pa, Aya. Gusto ko pang makipaglaro kay Usman sa labas!

Aya: Naku, gabi na! Sige ka, may kapre namamahay diyan sa puno ng mangga!
Pag lumabas ka, kakainin ka!

Usman: AWOOOOOOOO!!!! WOOOOOH!

Aya: Hala ka! Umaatungal na si Usman. May nakikita yata siyang kapre!

Pepe: Aya, huwag mo na ako takutin. Sige na’t kakain na ako.

Aya: Ayan, para mapakain natin ang buto kay Usman. Gutom na rin siguro ‘yon kaya
tumatahol.

Usman: AWOOOOOOO!!! WOOOOOH!

Inner Voice: Oo nga Pepe bilisan mo kumain, gutom na ako.

Teodora: Naku, Aya. Ano na naman ‘yang ipinapasok mo sa kokote ng anak ko. Pepe,
pagkatapos mo riyan ay mayroon akong ipaparinig sa inyong bagong kwento.

Pepe: Sige, inay.

Narrator: Pumunta si Pepe sa silid ng ina at pumuwesto sa kanyang tabi. Binuklat ni Doña
Teodora ang kanyang libro at binasahan ang anak tungkol sa kwento ng isang
gamu-gamo.

Teodora: Tamang-tama’t umuulan. Tignan mo ang mga gamu-gamo na umiikot sa lampara


dahil inilalarawan niyan ang aking ikekwento sa inyo ngayong gabi. May isang
batang gamu-gamo na mahilig lumapit at makipaglaro sa apoy. Makailang ulit
siyang sinusuway ng kanyang ina, pero ayaw pasaway. Kaya, ‘di naglaon, siya’y
nilamon ng apoy, at nagdulot sa kanyang pagkasawi. Pepe?

Narrator: Nakatitig lang si Pepe sa apoy habang pinagmamasdan ang gamu-gamong nasawi
dahil sa paglapit nito sa apoy.
Nanay: Pepe! Anong iniisip mo?

Pepe: Mama, mali ba ang iniisip ko. Parang naiintindhan ko ang saloobin ng gamu-
gamo. Nakakamamanghala talaga ang ganda ng apoy kaya siguro nasilaw
ito sa kanyang kinang. May mga bagay siguro sa buhay natin na karapat-dapat
lang isakripisyo ang ating sariling buhay.

Narrator: Napansin na ng mga magulang ni Pepe na malalim mag-isip ang kanyang anak
simula pagkabata dahil mahilig itong magbasa ng libro. Marami rin siyang
kagila-gilalas na talento tulad ng pagguhit, at paghuhulma gamit ng luwad o
clay. Kaya naman ‘di nag-akaya ng oras ang kanyang mga magulang na
linangin ang talent ng kanilang anak.

Teodora: Jose, mabuti’t napadalaw ka. May ipapakita mo ba itong mga hinulma niyang
mga hayop gamit ang klay?

Tiyo Jose: Oo nga, madetalye, at napakahusay.

Teodora: O, tignan mo ngayon, at iginuguhit niya si Usman. Silipin mo ang kanyang


ginagawa. (To Pepe) Pepe, halika’t ipakita mo kay Tiyo Jose ang inyong
ginugughit na larawan.

Tiyo Jose: Napakahusay mo namang gumuhit. Kuhang-kuha mo ang itsura ng alaga


mong aso. Gusto mo bang turuan pa kita ng iba pang teknik para mahasa
sa pagguhit?

Pepe: Opo Tiyo.

Narrator: Maya-maya pa’t dumating naman ang kanyang Tiyo Manuel at lumapit
ito sa ama ni Pepe.

Tiyo Manuel: Bayaw, napapansin ko na mukhang nangangayayat ang aking pamangkin.

Francisco: Ipinanganak pa lang si Pepe ay talagang kulang na siya sa laki at sukat. May
maimumungkahi ka ba para lumakas at maging matikas?

Tiyo Manuel: Tuturuan ko siyang mangabayo at mag-wrestling, payag ka ba?

Francisco: Walang problema, bayaw!

Tiyo Manuel: (approaches Pepe and Tiyo Jose) Pwede ko bang mahiram si Pepe saglit?

Tiyo Jose: Walang problema, tapos ko na siyang turuang gumuhit.

Tiyo Manuel: Pepe, libutin natin ang inyong hacienda at tuturuan kitang mangabayo.

Pepe: Sige po, pwede ko rin po bang isama si Usman?

Tiyo Manuel: Sige!


Narrator: Tinuruan ni Tiyo Manuel si Pepe na pahalagahan ang pangangatawan sa pamama-
gitan ng pag-ehersisyo, pangangabayo. Tinuruan rin siya kung paano depensahan
ang sarili sa pamamagitan ng pagre-wrestling.

Pepe: Salamat Tiyo Manuel, sa pagturo sa aking mangabayo. Ang ganda palang libutin ang
buong Calamba.

Tiyo Manuel: At huwag mo kalimutan ang tinuro ko sa’yo sa pag-wrestling. Konting ensayo pa’t
magiging malakas ka rin katulad ko.

Saturnina: O basta Pepe, ang ire-wrestling mo lang ay mga lalaki ha. Huwag mong
pagbubuhatan ng kamay ang mga babae. Ako mismo ang makakaaway mo.
Lagi mong gagalangin mo ang mga babae.

Pepe: Opo Ate Saturnina.

Narcisa: Nandito pala si Tiyo Gregorio, hinahanap ka. Dali’t marami siyang dalang
pasalubong sa’yo.

Pepe: Salamat Ate Narcisa. May pasalubong rin po ako sa inyong mga mangga! Pinitas
pa naming ‘yan ni Tiyo Manuel sa daan.

Narcisa: Naku’t napakama-alalahanin talaga itong kapatid ko. Salamat Pepe.

Tiyo Gregorio: O, pamangkin. Heto’t marami akong mga librong dala para iyong basahin.
Mayroong libro para matuto ka ng Latin at Espanyol.

Pepe: Salamat po, Tiyo Gregorio! Babasahin ko na po ang mga ito agad-agad. Tiyo
Gregorio, may gusto pala akong ipabasa sa inyong tula na aking isinulat.

Narrator: Sa murang edad na otso-anyos, isinulat ni Pepe ang tulang “Sa Aking mga
Kababata”. Ang buong pamilya ay nakinig sa madamdaming tula tungkol
sa pagmamahal sa sariling wika.

Pepe: Ang hindi magmahal sa sariling wika / mahigit pa sa hayop at


masangsang na Isda / Kaya marapat na pagyamaning kusa / na tulad sa
inang tunay na nagpala.

Teodora: Mabuhay ang aking anak! (Nagpalakpakan ang lahat)


(Sa asawa) Mahal, sa tingin ko kailangan na nating kumuha ng magtuturo sa
ating anak bago siya pumasok sa eskwelahan.

Narrator: Dahil dito, kumuha ng pribadong guro ang mga magulang ni Pepe. Kabilang na
rito sina Maestro Celestino at Maestro Lucas Padua.

Francisco: Pepe, gusto kong ipakilala sa iyo sina Maestro Celestino, at Maestro Lucas
Padua. Sila ang iyong magiging guro sa mga susunod na buwan. Pupunta sila
dito sa bahay para turuan ka. Maging magalang at mabait ka sa kanila.

Pepe: Opo.
Maestro Celestino: Tuwing Lunes at Miyerkules, tuturuhan kita kung paano mas mahasa
ang iyong galing sa pagsulat at pagbasa.

Maestro Lucas Padua: Ako naman ang magtuturo sa iyo sa larangan ng aritmetic at relihiyon.
Tara na’t simulant na natin ang mga aralin.

Narrator: Kinuha rin ni Don Francisco Mercado ang sebisyo ng kanyang dating kaklase na
si Leon Monroy upang turuan si Pepe ng Latin at Espanyol.

Leon Monroy: Pepe, ano ang scientific name ng sibuyas na hawak ko? (biglang inubo)

Pepe: Nakalimutan ko po.

Leon Monroy: Allium cepa. Eto namang bawang? (umubo ulit)

Pepe: Allium sativum.

Leon Monroy: Mahusay. Paano mo nalaman?

Pepe: Siyempre, magaling po kayo magturo e. Maestro, gusto niyo po ng tubig?

Narrator: Sa kasamaang palad, hindi nagtagal ang pagtuturo ni Leon Monroy kay Rizal
at pumanaw ito pagkatapos ng ilang buwan. Dahil dito, napagpasiyahan ng mga
magulang ni Pepe, na pag-aralin ang kanilang anak sa Biñan, Laguna, sa
eskwelahan ni Maestro Justiniano Cruz.

Francisco: Paciano, sa makalawa ay sasamahan mo si Pepe para ihatid sa eskwelahan ni


Maestro Justiniano Cruz, doon muna siya titira upang mag-aral. Pepe, pagbuti-
hin mo ang iyong pag-aaral. Ayokong magbulakbol ka doon.

Pepe: Opo itay.

Paciano: Tsaka huwag kang magpapaapi sa mga kaklase mo doon. Dapat matuto kang
ipagtanggol ang sarili mo kung may nanukso sa iyo.

Pepe: Opo kuya. Kuya, habang wala ako, alagaan mo naman si Usman para sa akin.

Paciano: Oo naman.

Usman: Ruff! Ruff!

Inner Voice: Ingat, aking Pepe!

Narrator: Pagdating sa Biñan, sila’y sinalubong ni Maestro Justiniano Cruz.

Paciano: Maestro, eto pala ang nakababata kong kapatid na si Pepe. Ihahabilin na namin
po siya sa inyo. Sana’y maturuan at maalagaan niyo siya mabuti.

Justiniano: Sisisguraduhin kong matuto siya rito ng maraming bagay. Halika na sa loob ng
silid-aralan Pepe. (To the class) Gusto kong ipakilala sa inyo ang inyong bagong
kaklase, si Jose Rizal. Ano ang palayaw mo, hijo?
Pepe: Pepe.

Pedro: Hahaha!

Justiniano: Anak. Anong nakakatawa?

Pedro: Kasi po, yung palayaw niya, Pepe, amoy mapanghi!

Justiniano: Tumahimik ka diyan! Pepe, marunong ka ba mag-Espanyol?

Pedro: Kaunti lamang po.

Justiniano: E, mag-Latin?

Pepe: Kaunti rin po, Maestro.

Pedro: Kabago-bago, pabida masyado! ‘Di ba mga kaklase?

Justiniano: Isa pa Pedro, makakatikim ka na sa akin.

Narrator: Noong kinahapunan sa unang araw ng kanyang klase, hinarap ni Pepe si Pedro at
hinamon ito ng wrestling.

Pepe: Pedro, may problema ka ba sa’kin? Bakit mo pinagtatawanan ang palayaw ko?

Pedro: Kasi ambaho ng palayaw mo! PEPE! PEPE!

Pepe: Away na lang. Matira matibay.

Pedro: Sigurado ka? Sa liit mong iyan? Handa ka nang mapilayan?

Pepe: Ang dami mo pang satsat, tara!

Narrator: Nakipag-wrestling si Pepe kay Pedro, habang naghihiyawan ang kanilang mga
kaklase. Dahil tinuruan siya ng mabuti mag-wrestling ng kanyang Tiyo Manuel, agad
niyang napatumba ang kalaban. Naging sikat si Pepe sa kanyang mga kaklase.

Allyson: Hi Pepe. Ang lakas mo pala kahit mukha kang lampayatot. Ako nga pala si Allyson.

Andres: Allyson, tumabi ka muna diyan. Pepe, mag-arm wrestling naman tayo. Tignan natin
malakas ka talaga.

Narrator: Hinamon si Pepe ng kanyang kaklaseng si Andres Salandanan ng arm wresting. Dito
ay natalo si Pepe dahil mahina ang kanyang mga braso. May isang kaklase ni Pepe
ang nagsumbong kay Maestro Cruz na nakikipag-away si Pepe sa kanyang mga
kaklase.

Justiniano: Anong kaguluhan ito?

Lahat ay tumahimik.
Justiniano: Nagsumbong sa akin ang aking anak na si Pedro na hinamon mo raw siya ng
wrestling. Totoo ba iyon?

Pepe: Opo. Dahil po tinutukso niya ako dahil sa aking palayaw.

Justiniano: Ang haba ng dila mo kung mangatwiran ka. Dito sa aking paaralan, hindi ko
pinapayagan ang pananakit sa kapwa estudyante. Tapos eto ngayon at
madadatnan kitang nakikipag-brasuhan kay Andres? Kabago-bago mo pa
lang Pepe, at asal sanggano ka na.

Pepe: Siya naman po ang naghamon.

Justiniano: Kahit na pa siya ang naghamon. Hindi ka ba tinuruan ng magulang mo na


huwag maghamon o sumabak sa pakikipag-away? Dahil diyan, kailangan mong
matutunan ng leksyon.

Narrator: Naniwala si Maestro Cruz sa katagang “Spare the rod, spoil the child”, at “The
letters enter with blood.” Kung kaya’t nakatikip ng latay si Pepe dahil sa kanyang
ginawang kamalian. Ngunit sa kabila nito, nagging mahusay na estudyante si
Pepe. Sa katunayan ay naungusan niya ang kanyang mga kaklase sa lahat ng
asignatura. Kaya bago magpasko noong taong labing-walo, at pitumpu, ay
bumalik
na siya sa Calamba sakay ang steamer ng “Talim”.

Cavite Mutineers: AYAW NAMIN NG SAPILITANG PAGGAWA!


IPABALIK SA AMIN ANG AMING MGA PRIBELEHIYO!

Narrator: Kinagabihan ng ika-20 ng Enero, taong labingwalo at pitumpu’t dalawa, naganap ang
pag-aalsa ng higit-kumulang na dalawang-daan na hukbong Indio, at nag-aklas dahil
sa sapilitang paggawa at pag-alis ng kanilang mga pribelehiyo ng Gobernador na si
Rafael de Izquierdo.

Gov. Izquierdo: Hulihin at kung kinakailangan, patayin ang mga Indio na ‘yan!

Narrator: Pagkatapos ng dalawang araw ay natalo ang mga Indio ng mga guwardya sibil.
Pinalabas ni Gov. Izquiero na isang malakihang pag-aalsa ang insidente para gawing
rason upang hulihin at patayin ang mga paring naghahangad ng malawakang
sekularisasyon ng simbahang Katoliko na sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at
Jacinto Zamora. Noong ika-labimpito ng Pebrero, ay nasaksihan ang pagpatay sa
garrote ng mga nasabing pari, o mas kilala sa pangalang “GomBurZa”. Naghinagpis
ang pamilya ni Pepe, lalo na ang kanyang kapatid na si Paciano, dahil nagging maestro
nito si Jose Burgos. *(We cover head of the 3 priests, and execute them)

Paciano: Hindi makatarungan ang ginawa nilang pagpatay sa aking guro. Inosente siya
at walang kinalaman sa pagaaklas ng mga taga-Cavite. Etong tatandaan mo
Pepe, kailangan mong ipagtanggol ang naaapi at palaganapin ang hustisya
sa ating lipunan.

Narrator: Noong Hunyo ng taong 1872, isang masalimuot na pangyayari ang naganap sa
pamilyang Rizal. Ang kanilang ina ay inaresto, at idinawit sa kasalanang
tangkang pagpatay asawa ng kanyang kapatid na si Tiyo Jose, ang kapatid
na nagtuturong magpinta kay Pepe noong siyang bata pa lamang.

Lieutenant: Doña Teodora, inaaresto ka namin kasama ang inyong kapatid na si Jose
Alberto sa pagtangkang pagpatay sa asawa nito. Sa prisinto na lang kayo
magpaliwanag. Paalisin niyo nga iyang aso ninyo!

Usman: Ruff! Ruff!

Inner Voice: Huwag niyong kaladkarin si Nanay Teodora.

(Pagdating sa presinto)
Evil wife: Silang magkapatid ang nagtangkang lasunin ako. Parusahan niyo sila.

Tiyo Jose: Napakawalang-hiya mo talaga. Lumayas ka nga sa ating tahanan at iniwan


ang mga bata, at mayroon kalaguyong iba tapos ikaw pang may lakas ng
loob na idamay pati ang aking kapatid?

Evil wife: Magdahan-dahan ka sa pag-aakusa mo sa akin kung ayaw mo mas lalong


lumala ang iyong parusa.

Teodora: Tiniente, hindi po totoo ‘yan. Sa katunayan po ay hinihimok ko ang aking kapatid
na makapagbalikan sa kanyang asawa, alang-alang sa kanilang mga anak.

(Nagbubulungan ang evil wife at tiniente)

Narrator: Ngunit hindi pumayag ang teniente sa pangangatwiran ni Doña Teodora. Gusto
Rin niya maparusahan ang kanilang pamilya dahil hindi nito pinakain ang
kanyang kabayo noong napadaan sa kanilang hacienda kaya ito gumaganti.

Lieutenant: Hindi ako naniniwala sa iyong mga salita. Wala akong magagawa kundi ang
ipatupad ang iyong parusa.

(Hinablot niya si Teodora, at inutusang maglakad sa daan)

Usman: Ruff! Ruff!

Inner Voice: Huwag niyo nang apihin si Nanay Teodora!

Narrator: Saksi ang mga kaanak pati ang alagang aso na si Usman, pinaglakad ng teniente
ng guwardiya sibil si Doña Teodora ng limangpung kilometro mula Calamba
hanggang Sta. Cruz. Siya rin ay nakulong sa piitan ng dalawa at kalahating taon
bago maabswelto ng Manila Royal Audencia o ng Supreme Court noong mga
kapanuhang iyon sa kanyang kasalanan. Dahil sa pangyayaring ito kanyang ina,
lalong umigting sa loob ni Rizal na ipaglaban ang hustisya ng mga naapi at
palaganapin ang pagbabago sa Sistema ng pamamalakad ng gobyerno sa
kanyang Inang bayan.

Aya: Oy, Usman! Bumalik ka dito! Saan ka pupunta?


Usman: RUFF! RUFF!
Kolehiyala: Nanay Teodora! Nanay Teodora!

Nanay ng Kolehiya: Anak! Anak! Gising na!

Kolehiyala: (Umiiyak) Ma, nanaginip ako. Ako daw yung naging aso ni Rizal. Ma, tama po
kayo. Ang dami kong natutunan tungkol sa buhay ni Rizal. Mahal na mahal ko po
kayo (Sabay hug sa ina).

Nanay ng Kolehiya: Paano ‘yan, mukhang hindi ka nakapag-review sa exam niyo?

Kolehiyala: Don’t worry Ma. Simula po ngayon, magbabago na po ako at mas pagiigihan ang
pag-aaral para sa ating kinabukasan.

THE END

You might also like