You are on page 1of 35

Tomorrow With You

Tomorrow With You


Likha ni: Famous Kytel M. Aguinaldo
Panimula

"Stacy!!" Sigaw ng kaniyang ina na siyang nagpabulabog sa kaniyang


tulog."Five more minutes please!" May kaunting inis na sigaw din nito.
Nang marinig ito ng kaniyang ina ay tuluyan na nga itong umakyat
patungo sa kwarto ng anak upang ito'y gisingin. "Nalimutan mo ba na it's
your birthday? Bumangon ka na" Pagpupumilit nitong paggising sa anak.
"Kytel is here." Dagdag pa nito na tuluyang nagpagising sa kaniya.
Bigla itong bumangon at humalik sa pisngi ng ina at saka bumababa.
"Good morning Kytel." Masayang bati nito sa kaibigan habang siya ay
bumababa. "Good morning! I have a lot to tell you!" May sabik na
pagsalubong naman nito .
"Happy Birthday!" Masayang bati nito sa kaibigan at sabay yakap sa
kaniya. "Thank you!" Pagpapasalamat naman niya. "May new Cafe na nag
open malapit sa park. Let's go celebrate your birthday there!"
Pagaanyaya ni Kytel. "Alright, I'll get ready na." sagot ni Stacy.
Agad siyang nagpunta sa kaniyang kwarto upang mag-ayos nang
maabutan niyang nagliligpit ng kaniyang pinaghigaan ang kaniyang ina.
"Ma, pupunta kami ni Kytel sa Cafe." Pagpapaalam nito. "Okay, becareful,
wag magpapagabi ha." Nakangiting pagpapaalala nito. "Yes po."
Magalang na sagot naman niya.
Matapos niyang magbihis ay tinawag na niya ang kaniyang kaibigan
upang makaalis na sila. Pagdating sa Cafe ay agad silang umorder at
umupo sa table sa labas ng Cafe. Pagkaupo, sila ay nagkwentuhan at
tawanan. Habang masayang nag-kwekwentuhan ang dalawa ay napansin
ni Stacy na hulog ng isang lalaki ang panyo nito. Agad niya itong pinulot
upang ibalik. Pagkadampot ay napansin niya ang kakaibang bulaklak na
nakaburda dito, pero iniabot na lamang niya ito sa may-ari. Pagkatapos
maibalik ang panyo sa may-ari. Agad umalis ang lalaki na walang
pasalamat at may ngiti sa labi. "That was weird. Do you know him?"
Tanong ni Kytel. "...Nope."
Unang Kabanata

"Bilisan mo, we're going to be late!" Pagtawag sakin ni Kytel habang


naghihintay sa kotse. Gusto kasi niya na sabay kami pumasok dahil first
day of school. Last year na rin kasi namin sa pagiging junior highschool.
"Wait." Kinuha ko ang bag ko at pagkatapos ay lumabas na 'ko.
Sinalubong niya ako ng may ngiti at...reklamo. Haaa...
"Nalate ka na naman ba ng gising? Kaka-cellphone mo 'yan!" Reklamo
niya sabay kuha sa bag ko.
..I can't argue with her. I mean she's right, always right.. Magkakilala na
kami ni Kytel since birth dahil magkaibigan din ang mga parents namin.
Lagi niyang alam kung anong best para sakin, and that's why she's my
bestfriend!
"So, can we go now?" Napatigil ako ng malaman kong kanina pa rin pala
naghihintay sa kotse si Kyle. Sobrang hiya ko, gusto ko na lang tabunan
ng lupa ang sarili ko!
Kyle is Kytel's twin brother, Although naguusap kami minsan, we're not
that close at...matagal na rin akong may gusto sa kaniya.
"Yeah, sorry natagalan." nahihiyang sabi ko sa kaniya habang inaayos ko
ang pag-upo ko. Hindi na siya sumagot at tumutok na lang sa kaniyang
cellphone.
Nang makarating na kami sa school agad lumabas si Kytel at hinila ako
palabas. "Ah! Wait, Kytel baka madapa tayo!" Nagaalala kong sabi sa
kaniya. "Hindi yan. Trust me!" Sagot naman niya habang patuloy pa rin sa
paghila sa 'kin. "Saan ba tayo pupunta?"
Hingal na hingal na 'ko pero hindi ko siya mapigil. Bigla siyang tumigil sa
pagtakbo at paghila sa akin. "Sa room natin syempre." Saka nagpatuloy
sa paglakad "Pero nandun pa si Kyle." Nahihiya kong sabi sa kaniya.
"He can handle it. Malaki na siya!" Patawang sagot niya sa 'kin kaya't
sumunod na lang ako sa kaniya papunta sa room namin.
Ikalawang Kabanata

Nang makapunta na kami sa aming classroom, laking gulat namin nang makita
namin si Kyle na nakatungo na sa upuan sa pangalawang row malapit sa
bintana. Agad siyang nilapitan ni Kytel at umupo sa tabi nito. "Are you sonic?
How did you get here so fast? Hindi ka manlang namin nakita!" Nagtatakang
tanong ni Kytel sa kapatid.
Iniangat ni Kyle ang kaniyang ulo at sabay ngiti na tila bang nangaasar.
Inirapan na lamang siya ni Kytel at bigla akong tinawag upang tumabi sa
kanila."Stacy, sit with us!" Sasabihin ko na sana na doon na lamang ako sa
napili kong upuan ngunit bago ko pa ito masabi ay agad siyang lumapit sa 'kin
at ako'y hinila papunta sa tabing upuan niya malapit kay Kyle.
Pinanggigitnaan si Kytel. Puso, kalma. Paulit-ulit kong sinasabi sa aking sarili
habang inaayos ko ang aking bag. "..Hi, Kyle" Kabadong bati ko sa kaniya
habang nginingitian naman ako ni Kytel. "Hello, finally we're classmates."
Masayang sabi nito na lalong nagpakilig sa akin. Sa tatlong taon kasi namin
dito sa school, ngayong year lang kami naging classmates."Haha, right?" Sorry
mahiyain talaga ako. Lalo na't hindi kami gaanong close. Habang naguusap-
usap pa ang iba, ay may biglang dumating sa room. "Alright class, stop chitty-
chatting. I'm Mrs. Andres C. Ocampo at ako ang magiging Adviser niyo this
year." Nang dumating na si Mrs. Ocampo ay agad umayos ang lahat sa
kanilang mga upuan.
Recess na. Kahit na first day of school marami kaming ginawa kaya't sobra
akong napagod at nagutom. Dahil din sa gutom ay hindi ko na napansin ang
mga pagrereklamo ni Kytel. "Haaa... I'm exhausted. Sino ba kasi nagimbento
ng pag-aaral!?"
Medyo malayo pa ang canteen sa room namin kaya na doble pa ang pagod.
"Right, Stacy?" "Huh, what?" "Nakikinig kaba?" "Uh.. Sorry, hindi kita narinig.."
"Hay..Nevermind, lets just eat." Nakarating na nga kami sa canteen at agad na
kaming kumuha ng pagkain at umupo. "Oh, right! Nakita mo ba si Kyle?"
Tanong ni Kytel sa akin. Isusubo ko na sana ang isang kutsarang pagkain, pero
saglit akong tumigil. "Umalis agad siya pagkatapos ng klase, e." Dagdag pa
nito habang ngumunguya sa kinakain. "Uh, no." Omg i totally forgot about
him, sobrang dami kasi talagang pinagawa sa 'min. Nagulat ako nang may
biglang tumabi sa 'min.
Ikatlong Kabanata

"May nakaupo ba dito?" Tanong nito. Napatulala ako saglit at saka sumagot.
"Actually hinihintay-" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil sa
pagsasalita ni Kytel. "No! Walang nakaupo diyan." Nagulat ako sa sinabi niya
pero bigla na siyang umupo. Itinuloy ko na lamang ang pagkain. "So... Sino ka
pala?" Pagtatanong ni Kytel habang naka pangalong baba at patuloy sa
pagkain. "Eleazar, Ellie for short. Actually, we're classmates." Tahimik na pag-
sagot nito. "Oh. Hindi ka namin napansin, but nice to meet you i'm Kytel and
she's Stacy." "Hi." Pagsagot ko na medyo nahihiya. Syempre ngayon ko palang
siya nakikilala. Patingin-tingin ako sa kaniya, at nagtataka kung bakit dito siya
umupo sa dinami-dami ng upuan. Napatingin si Kytel sa'kin at sabay tingin
kay Ellie at biglang nagtanong. "Tanong lang, ba't dito mo naisipang umupo?"
Napatingin kami kay Kytel. Alam niya talaga lahat lalo na pag may gusto akong
malaman.
"Ah, Right. Sorry kung may nainterupt ako, yung katabi ko kasi earlier is
making me uncomfortable because of all the attention. I think she's famous."
Sagot nito. "No, It's okay. Pwede ka tumabi sa'min"
"Also that famous girl na nabanggit mo, sa tingin ko it's Felicia. Felicia Duque
Arizala." Pagpapakilala ni Kytel kay Felicia.
"Ngayon ka lang ba nag-enroll dito sa school na 'to? Sorry, I'm just surprised
na hindi mo siya kilala. But, i get you i mean hindi naman siya ganon
kaimportante." Hindi kasi gusto ni Kytel ang ugali ni Felicia. Sa tingin niya
hindi ito nagpapakatotoo. "Uhm, Yeah. So, pwede niyo ba kong i-tour sa
school sa susunod?" Pagtatanong nito. "Sure. After class?" sabi ni Kytel. "Fine
by me." Masayang sagot nito at nagpatuloy na sa pagkain. Pagkatapos namin
ay tumayo na kami at niligpit ang mga pinagkaninan namin. "May pupuntahan
pa ba kayo? if wala, sabay na tayong tumaas?" Sabay kamot nito sa kaniyang
ulo. Sa tingin ko nahihiya rin siya. "Sure." sagot namin ni Kytel. Sabay-sabay
kaming tumaas. Nakaupo pala si Ellie sa ikaapat na hanay kaya hindi namin
siya napansin kanina. Noong malapit na kami sa room ay biglang may
nagsalita sa aming likuran na ikinagulat namin. "Boo!" "Ahhhhh!" Sigaw namin
ni Kytel. "What the-! Kyle!? 'Kala mo ba nakakatuwa yon!?" Sabay sabi ni Kytel
sa sobrang inis. "Yeah, i think it's funny." Pang-aasar naman nito na lalong
nag-painis kay Kytel.
"Not cool dude." Biglang sabi ni Ellie. "Sino ka ba? Why are you even with
them?" Biglang namang naiiritang tanong ni Kyle. Ramdam na ramdam ko ang
init ng tensyon na nakapalibot sa kanila. " E, sino ka rin ba?" "I'm their-" Hindi
na natapos ni Kyle ang kaniyang sasabihin at tumahimik sila nang awatin sila
ni Kytel. "Tumigil na kayo!" Niinis na pag-awat niya. "Tara na nga Stacy."
Tumingin ako saglit kay Kyle na may pag-aalala at saka na sumunod kay Kytel.
Nagkatinginan pa sila ng masama at pagkatapos ay pumasok na rin. Buti na
lang talaga inawat sila ni Kytel, dahil bigla ng dumating ang sumunod naming
teacher.

Ikaapat na Kabanata

Tatayo na sana ako sa upuan upang ipasa ang pina sagutan ng Math teacher
namin, kaso medyo nahihiya ako baka kasi tumingin silang lahat sa 'kin. Ayoko
pa naman na nasa akin ang atensyon ng lahat. Ako palang kasi ata ang
nakatapos, dahil wala pang tumatayo simula pa kanina. Kaya napag-isipan ko
na lang na hintayin si Kytel na matapos. Biglang tumayo si Kyle. "Tapos ka na?
Tara sabay na tayong magpasa." Nanigas ako sa sobrang gulat at kilig. Hindi
ko na rin napansin na nakatingin na pala sila sa amin. "..Stacy. Stacy?" "Uh..
Oh..Sorry, What?" Utal-utal kong sabi, kahit rinig na rinig ko naman lahat ng
salitang sinabi niya kaya't lalo pa'kong nahiya. "I said, sabay na tayong
magpasa?" Pag-uulit nito. "Oh. Uh, Yeah sure!" Tumayo ako at nakayukong
sinundan ang kaniyang mga hakbang.
Tapos na ang klase at tatawagin ko na sana si Kytel upang umuwi nang malala
ko na ililibot namin si Ellie sa school upang maging pamilyar siya sa bawat
sulok ng school. "Sabay na ulit tayo umuwi?" Tanong ni Kyle sa akin. "Uhm.
Actually-" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang bigla silang
nagsagutan. "Du'n ka na nga, may gagawin pa kami." Pasigaw na sabi ni Kytel.
"Anong gagawin niyo?" Pangungulit nito. Nakangiti na lang akong panoorin
silang mag-away na parang aso't pusa. Simula bata palang gan'to na talaga
sila, Haa.. "Basta. Wala. Du'n ka na." Pagkairitang sabi nito sabay hila sa akin
papunta kay Ellie. Nag-aalala akong tumingin kay Kyle, siguro nainis din kaya
umalis na lang ito. Hindi lang ito pinansin ni Kytel at kinausap si Ellie. "Ellie,
tara na." Paganyaya ni Kytel. "Ah. Just a sec, ilalagay ko lang tong notebook
ko sa bag ko." Sagot nito. "Okay. Take your time." Sagot ko sabay ngiti nito sa
akin. Pagkatapos ay sinimulan na nga namin ang paglibot sa school.
Ikalimang Kabanata

Natapos na ang paglibot namin sa school, at nagpaalam na nga kami sa isa't


isa. Pag dating ko sa bahay ay agad akong sinalubong ng aking ina. "Ginabi ka
na ah? Pero sakto nakapaghanda na ako ng makakain." Sambit nito habang
inilalagay ang mga pagkain sa mesa "Sorry mom, tinulungan po kasi namin
yung kaklase namin libutin yung school since he's new. He's name is Ellie."
Inilapag ko ang bag ko at saka umupo upang kumain. Ngumiti lang ito saka
umupo sa aking tabi. "So.. how's school?" Tanong nito sa akin habang
tinutulungan akong maglagay ng pagkain sa aking plato. "Thanks mom. Ayos
naman po, and..."
Pagkatapos naming kumain at magkwentuhan ni mommy ay agad na akong
naglinis ng katawan at saka humiga. "As always kinakabahan pa rin akong
makipag-usap kay Kyle" "Sana nakaka-usap ko siya nang parang pakikipag-
usap ko kay Kytel at Ellie." Sabay buntong hininga kong sabi sa aking sarili.
Last chance ko pa naman 'to dahil last year na nga namin do'n sa school. Bigla
akong napaisip at saka tumayo. "No! Kailangan kong labanan ang hiya ko"
Natawa ako ng makita ko ang sarili ko sa salamin pero dapat talaga may gawin
ako dito sa pagiging mahiyain ko. Kakaisip ko ay late na ako nakatulog at
nakagising. Buti na lang hindi kami sabay ni Kytel pumasok ngayon. Agad
akong naligo at nag-ayos ng sarili saka bumaba upang kumain. "Good
morning." Bati sa akin ni mommy. "Good morning po." Bati ko rin sabay
umupo sa kaniyang tabi. Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako sa
kaniya. Pagkapasok ko sa school ay agad akong binati ni Ellie ng may ngiti.
"Good morning." "Good morning, Ellie." Sagot ko. Kahit na kahapon lang kami
nagkakilala ni Ellie magaan na ang loob ko sa kaniya kasi super funny at
mabait din siya. Kaya kahit pagod na ako sa klase kahapon naging masaya ang
paglibot namin sa school. Umupo na ako. Binati rin ako ni Kytel ngunit hindi
ko nakita si Kyle, iisipin ko na sana na baka lumabas lang ito saglit pero wala
rin ang bag nito. Nahihiya akong tanungin si Kytel kaya kahit nagaalala ay
tumahimik na lamang ako. Tumingin ito sa upuan ni Kyle at saka tumingin
sa'kin at nagsalita. "Hindi makakapasok si Kyle ngayon, e" "May pinuntahan
sila ni dad." Ako ay tumingin din sa kaniya. "Ah..Okay." Sagot ko dito na may
kaunting hiya. Umayos na kami ng upo nang magsimula na ang klase.
Pagkatapos nito ay dumitretso na kami papunta sa canteen nang biglang may
humila sa aking braso. "Hi, Stacy!"

Ikaanim na Kabanata

Nawala na ang marka ng pagka-gulat sa aking mukha ng malaman kong si


Felicia ito. "Oh.. Hi Felicia" Sagot ko dito. "Let's go to canteen together"
"Ilang months na rin tayong hindi nakakapag-usap, so.. wanna come over
to my house later?" Pagaanyaya ni Felicia sa akin. We're actually friends
pero minsan lang kami nagkakausap. "Um, yeah sure." Sagot ko naman
dito. Sasagutin na sana ni Kytel si Felicia nang bigla namang dumating si
Ellie. "Uh, hi Stacy." Bati nito saka napatingin kay Felicia. "Wait. You're
also friends with Eleazar?" Masayang Tanong nito. Tumingin ng masama
si Ellie sa kaniya. "We're not friends. I don't even know you, also pano mo
nalaman ang pangalan ko?" Naiinis na tanong nito kay Felicia. "Oh, come
on." Sagot naman nito kay Ellie sabay ngiti sa kaniya. "Uhm. What if sabay
sabay na lang tayong kumain?" Kabadong tanong sa kanila. "Great idea!"
Masayang sabi ni Felicia. "What!?" Gulat namang sabi nila Ellie at Kytel.
Nagmamakaawa akong tumingin sa kanila. "Fine." Sagot ni Kytel saka
umirap. "Uh..Yeah, sure!" Sabi naman ni Ellie sabay iwas ng pagtingin.
Nginitian ko sila at pumunta na nga kami sa canteen. Kumuha kami ng
pagkain at saka umupo. "So how are you Stacy?" Tanong ni Felicia sa'kin.
"I'm fine." Sagot ko naman sa kaniya sabay sandok sa aking pagkain. Bigla
naman siyang tumingin kay Kytel. "How about you, Kytel?" tinitigan lang
siya ni Kytel kaya umiwas na lang ito nang tingin. "Okay.. Let's just eat."
Naiilang na sabi ni Felicia. Natatawa namang nagpatuloy sa pagkain si
Ellie. Natapos na nga kaming kumain. "Sorry Felicia pero kailangan na
namin pumunta sa room." Pagpapaalam ko kaniya. "It's okay. Don't
forget to come to my house later, okay? Bye." Sabi nito saka umalis. "Oh,
Okay. Bye." Sagot ko naman dito. Nagsimula na kaming lumakad papunta
sa room. "Don't tell me pupunta ka talaga sa kanila?" Tanong sa'kin ni
Kytel. "Yeah...Should I not go?" Sabi ko naman sa kaniya. "No, no. You
should go, I mean although hindi kami close she's still your friend."
Sabay ngiti nito sa'kin. "Basta pag may ginawa siyang hindi maganda
sabihin mo lang, ha. Me and Ellie will take care of her, right Ellie?" "Yeah!"
Nagkatinginan kami sa isa't isa at saka nagtawanan. Nang makapasok
kami sa room ay agad na kaming umupo sa mga upuan namin.
Pagkatapos nang klase ay agad akong nagpaalam kay Kytel at Ellie at saka
umuwi, nagbihis at nagpaalam kay mommy upang pumunta kanila Felicia.

Ikapitong Kabanata

"Bye, Mom." Pagpapalam ko kay mommy habang sumasakay sa kotse.


"Bye. Mag-ingat ka." Pagpapaalala naman nito sa 'kin saka kumaway ng
nakangiti. Kumaway din ako pabalik at saka na umandar ang kotse.
Pagkadating ko sa labas ng bahay nila Felicia ay agad kong pinindot ang
doorbell. biglang tumakbo si Felicia palabas ng bahay at binuksan ang
gate saka bati sa'kin. "Hi!" Masayang bati nito sa'kin. "Hi." Sabay ngiti
kong sabi. "Come in."
Nang makapasok na kami ay agad niya akong hinila papunta sa kwarto
niya. "Welcome to my room again." Nakangiti nitong sabi. Masaya naman
ako dahil namiss ko rin pumunta sa kanila. Umupo kami sa kaniyang
higaan at nagkwentuhan. "Gusto mo bang sumama sa'kin? Miles is
throwing a party in her house." Paganyaya nito sa akin. Miles is Felicia's
friend pero nagkakausap din kami dahil nga friend kami ni Felicia. "Sorry,
Felicia pero i don't think papayagan ako ni mommy." Malungkot kong sabi
sa kaniya. "It's okay. Its just that ngayon na lang ulit tayo magkasama."
"Haa..Okay. I'll try to convince her." May ngiti kong sabi sa kaniya.
"Great!" Tuwang-tuwang sabi niya sabay yakap sa akin. "Okay, then
maghanda na tayo ng susuotin natin! I'll let you borrow my clothes." I
have a bad feeling about this but i really want to make her happy dahil
super excited niya sa party na 'to. Nang makahanap na kami ng masusuot
ay nagpaalam na kami sa isa't isa. "Bye." "Bye, Stacy. See you at 7:00
pm." "I'll try." Sumakay na ako ng kotse.
Pagkauwi ko ay inilapag ko ang gamit ko at saka pinuntahan si mommy sa
kaniyang silid. "Hi, mom." Pagbati ko sa kaniya. Umayos ito ng upo at
itinuro ang kaniya kama na tila bang gusto ako paupuin doon. Kaya
lumapit ako at umupo. "Mom, pwede po ba akong pumunta sa party sa
bahay nila Miles?" Kahit hindi ako pinapagalitan ni mommy ay kabado pa
rin akong nag tanong. "Hmm. Nando'n din ba si Kytel?" Tanong nito sa
akin.
"Uhm, I don't think so, but I'll ask her." "Hmm. Well gusto mo ba talagang
pumunta do'n?" Seryosong tanong nito sa 'kin. "Alam ko po na hindi ko mga
kilala yung iba doon...Or maybe all of them, but I want to try to meet more
people." Maayos kong sagot sa kaniya. Ngumiti naman ito sa akin. "Fine."
"Thanks mom." Sabay yakap ko sa kaniya. Nagpaalam na ako kay mommy at
saka pumunta sa aking kwarto. Pagkatapos ay kinuha ko ang phone ko at
minessage si Kytel.

Amazing Kid

Hi, Kytel
Wassup, bruh?
Are you free right now?
Yeah. Why?
Inimbitahan kasi ako ni Felicia
sa party sa bahay nila Miles.
So, do you maybe wanna
come with me?
Tinatanong pa ba yan?
Syempre sasama ako. lol
Tanungin ko rin si Kyle.
Wait for me, susunduin kita.
Oh, Okay. See ya!

Masaya akong nag ayos ng aking sarili at saka sinuot ang damit na pinahiram
sa akin ni Felicia. Meron naman akong mga damit , pero gusto niyang ipasuot
sa'kin 'tong pinili niyang damit. Naisipan ko na rin na magdala ng jacket dahil
medyo malamig . Pagkatapos ay tinawag na ako ni mommy dahil dumating na
si Kytel. "Wow, you look really pretty!" Bigla nitong sabi sa akin. "Haha.
Thanks." Pumasok na kami sa kotse pagkatapos kong magpaalam kay mommy.
Lumingon lingon ako sa paligid pero hindi ko nakita si Kyle. "Uhm, Kytel?"
Tahimik kong sabi sa kaniya. "Hmm?" Tumingin naman ito sa akin. "...Where's
Kyle?" Nahihiya kong tanong sa kaniya. "Oh, sabi niya may pupuntahan din
daw siya, e." Umandar na ang kotse kasabay nito ay matamlay akong
tumungo. Dinaanan muna namin si Felicia dahil siya naman ang nagimbinta sa
akin.
Pagkapindot ko ng doorbell ay agad itong lumabas. "Stacy!" Sigaw nito
habang tumatakbo. "Hi." Bati ko rito. Pagkarating nito sa akin ay napansin
niya agad si Kytel. "Oh. Hindi ko alam na may isasama ka palang iba."
Sabay tingin nito kay Kytel. Tumingin rin sa kaniya si Kytel. Naisip ko na
baka mag-away pa sila kaya agad na akong nagsalita. "Oh, Uh. Gusto ko
kasi isama si Kytel kaya inaya ko siya." Nakangiti kong sabi sa kaniya
sabay kamot sa aking ulo. Tumigil naman si Felicia sa pagtingin kay Kytel.
Inirapan naman siya nito. "Yeah, okay. Whatever, let's just go." Sumakay
na ulit kami sa kotse at nagpunta na sa bahay nila Miles. Pagkapunta
namin doon ay bumungad sa amin ang maraming ilaw, magandang mga
dekorasyon at maraming tao. Sayang lang at wala si Kyle.
Bumaba na kami isa-isa sa kotse at saka pinuntahan si Miles. "Hi, Miles!"
Agad na nilapitan ni Felicia si Miles at saka kinausap ito. Tumayo lang
muna kami doon ni Kytel upang hintayin si Felicia dahil hindi namin
kabisado ang mga pasikot-sikot sa bahay nila Miles. Pero napatagal ang
kanilang pagkwekwentuhan kaya naman bigla akong hinila ni Kytel upang
libutin namin ito. Sa sobrang dami ng tao ay nagkahiwalay nga kami ni
Kytel. "Kytel?" "Kytel?" Tanong ko sa kaniya ngunit wala ako marinig dahil
sa lakas ng tugtog. Pinilit kong umalis sa napakaraming tao upang
hanapin si Kytel. Kada lakad ko ay lingon ako ng lingon at hindi ko na
namalayan ang tao sa unahan ko kaya't nagkabanggaan kami. "Ah." Sabi
ko sabay hawak sa aking ulo. Dahil sa hindi ko nga mga kilala ang tao dito
ay nataranta ako. "Oh, Uh. I'm really sorry!" Sa aking pagtingala ay nakita
ko ang isang pamilyar na mukha.

Ikawalong Kabanata

"Kyle!?" Gulat kong sabi rito. Lalo pa akong nataranta ng malaman kong si
Kyle pala ito. "Uh, I mean sorry for bumping into you." Paghingi ko rito ng
tawad. "Pfft Hahahha." Tumawa lang ito at tumitig lang ako sa kaniya na
hindi alam kung bakit. "You' re really funny." Sabi nito sabay tigil sa
pagtawa. "I am?" "Anyways, anong ginagawa mo rito?" Pagtatanong nito
sa akin. "I- Uh. Felicia invited me"
"What about you?" Tanong ko din dito lalo na't sabi ni Kytel na may
pupuntahan ito. "Well, my friend invited me too." Sagot naman nito.
"Okay." Siguro ito yung sinasabi niyang pupuntahan niya. Habang ako'y
nagiisip ng pwede pang sabihin ay nagulat ako sa sinabi nito. "Oh, right. I
just wanna say that I'm really happy na classmates tayo this year." Sabay
ngiting sabi nito. Agad naman akong kinilig na parang ewan. Ramdam ko
ang init ng aking mukha. Buti na lang at medyo madilim dito, dahil kung
hindi ay kanina pa niya napansin ang namumula kong mukha. "Yeah, me
too." Sabi ko naman dito. "Matagal na rin tayong hindi nakakapag-usap
ng ganto, e." Banggit nito. Akala ko ako lang ang nakakaramdam nito kaya
laking gulat ko dito. "So, bakit ka pala nagmamadali kanina?" Tanong nito.
Bigla akong napaisip. "Ah, right si Kytel!" Tumayo ako at tatakbo na sana
ako ng bigla niya akong pigilan. "Calm down. Tutulungan kitang hanapin
siya." Mahinhing sabi niya na nagpakalma sa akin. Huminga ako ng
malalim at saka nagsalita. "Okay." "Here." Sabay abot ng kamay niya.
"Humawak ka sa'kin para hindi ka rin mawala." Sabi nito saka ngumiti.
Ahhh! Kalma self kailangan niyong hanapin si Kytel. Hinawakan ko ang
kaniyang kamay at nagsimula na nga kaming hanapin si Kytel. "Kytel?"
Sigaw namin sa bawat lakad dahil sa ingay ng paligid. "Stacy!" Lumingon
agad ako sa aking likuran at nakita ko si Kytel. Bigla akong niyakap nito sa
bumitaw. "Kanina pa kita hinahanap." Sabi nito. Napansin ko na
nanginginig ito kaya agad akong nagalala. "Sorry, Kytel. Kanina ka pa rin
namin hinahanap. Sorry kung natagalan." Paghingin ko naman ng tawad
dito. Tumigil ito bigla. "Why are you guys holding hands?" Tanong nito.
Muntikan ko nang makalimutan. Agad akong bumitaw sa kamay ni Kyle.
"Uh, Well-" Natataranta naman akong sumagot na hindi ko na naman
natapos. "Marami kasing tao syempre ayaw ko rin siyang mawala."
Seryosong sabi ni Kyle. "..Okay." Sabi ni Kytel na may titig ng
panghihinala. "Anyways, uwi na tayo ayaw ko na rito." Sabay sabi ni Kytel
"Okay." Mabilis na pag payag ni Kyle. Lumabas na kami upang umuwi.
Nang makita na namin ang kotse ko ay nagpaalam na kami sa isa't isa.
"Bye, Stacy." Pagpapaalam ni Kyle sabay ngiti sa akin. "Bye." Sagot ko
naman dito. Nang makauwi ay hindi ko na napansin ang lahat ng
kailangan kong gawin dahil sa sobrang saya at kilig.
Sa paghiga ko sa kama ay naalala ko ang mga sinabi ni Kyle.
I think this is the best day ever!

Ikasiyam na Kabanata

Tumunog na ang alarm ko. Masaya akong bumangon sa aking higaan at


agad na naligo. Pagkatapos ay nagbihis at saka ako bumaba upang
kumain at batiin si mommy. "Good morning, mom." Masayang bati ko
dito. "Good morning." Bigla itong tumingin sa akin na parang nagtataka.
"Parang ang saya mo ata ngayon, ah" "Did something happen
yesterday?" Nakangiting sabi nito. "Wala po. I'm just really happy today."
Sabi ko naman dito. "Okay.. Let's just eat." Agad na kaming umupo at
kumain. Pagkatapos ay nagpaalam sa isa't isa. Nang makarating na sa
gate ng school ay agad na akong bumaba sa kotse.
Papasok na ako sa gate ng biglang may kumalabit sa akin. Agad naman
akong lumingon upang tignan kung sino ito. Sa sinag ng araw ay aking
nasilayan ang nakangiting imahe ng lalaki. "Hi!" Masayang sabi nito. "Ah,
Ikaw pala Ellie." Sabay ngiti kong sabi sa kaniya.
Tumitig ito sa akin at sabay nagsalita. "Parang may nagbago sayo
ngayon, ah." "What?" Nagtataka kong tanong dito. Ilang segundo ito bago
sumagot. "You're much cuter." Sabi nito sabay takbo. Nang nakalayo-
layo na ito ay saka ako tinawag. "Ambagal mo naman." Nakangiting sabi
nito na tila ba nang-aasar. Hindi ko na naisip ang sinabi niya kanina at
tumakbo na rin. "Ellie, you better wait for me." Sigaw ko dito. Nagpatuloy
lang ito sa pagtakbo ng may ngiti sa labi.
Hingal na hingal akong nakarating sa school at nakita ko itong nakupo na
at nakangiti lang sa akin. Pabiro ko naman itong tinignan ng masama.
Pumunta na ako sa aking upuan. "Good morning, Stacy." Bati sa'kin ni
Kytel. Kinawayan ko naman ito at saka umupo. "Good morning, Kyle." Bati
ko naman kay Kyle. Kinikilig pa rin ako dahil na-aalala ko pa ang mga
nangyari kagabi. "Morning." Nakangiting bati rin nito. Pagkatapos ng klase
ay lumabas na kaming tatlo nila Ellie at Kytel upang pumunta sa canteen.
Hindi namin kasabay si Kyle dahil hindi namin alam kung saan ito
pumupunta tuwing reccess time.
Nang malapit na kami sa canteen ay nakasalubong namin si Felicia. "This
girl, again." Bulong ni Kytel. "Hi, Stacy." Bati ni Felicia. "Hi." Bati ko
naman. "Ba't umalis kaagad kayo kahapon?" Tanong nito. "Well,
something happened, so umuwi na lang kami." Sagot ko naman dito "Ah,
Okay" "Wanna eat together again?" Pagaanyaya nito. "Nope." Sagot
naman ni Kytel. "Alright. Let's eat together!" Sabi naman nito na parang
hindi narinig si Kytel. Hinayaan na lang ito ni Kytel at naiiritang sumunod
na lang. Pagkatapos ay agad na kaming nagpunta sa room. "Dito muna
tayo." Sabi ni Kytel sabay upo sa upuan malapit kay Ellie. Umupo naman
din ako sa tabi ni Ellie. Marami pa namang oras dahil maaga kaming
natapos kumain. Maya maya ay may kinuha sa bulsa si Ellie. "Here."
Sabay abot sa'kin ng isang chocolate drink. Kinuha ko naman ito dahil
favorite flavor ko ito. "Thank you!" May ngiting sabi ko sa kaniya. Bigla
lang itong umiwas ng tingin. "Hey, what about me?" Tanong ni Kytel.
Nagkwentuhan pa kami at pagkatapos ay umupo na sa aming sariling
upuan. Pagkatapos ng klase ay naghahanda na kaming lumabas ng room.
Nagpaalam na ako sa kanila at nauna ng umuwi.

Ikasampung Kabanata

Walang masyadong naging ganap sa mga nakalipas na araw kaya nandito


ako ngayon sa aking higaan dahil weekend naman. Wala akong
masyadong magawa dahil wala namang assignments, kaya nanood na
lang ako ng movie. Habang ako'y nanonod ay nag message sa'kin si Kytel.

Amazing Kid

May ginagawa ka?


Tara, gala tayo nila Ellie!
Where?
Kahit saan!
Okay, Wait. Magpapaalam
lang ako kay mommy.
Sige. See you sa park!
Agad akong nagpaalam kay mommy at pinayagan ako nito dahil kasama
naman si Kytel. Nagbihis na ako at pagkatapos ay nagpunta ako sa park
dahil doon kami magkikita-kita. Pagkarating ko doon ay si Ellie pa lang
ang nandoon. "Hi." Bati nito. "Hi, Wala pa si Kytel?" Tanong ko rito saka
umupo sa tabi nito. Nagiisip ako ng pwede naming pag-usapan dahil sa
tahimik ng paligid ng bigla itong nagsalita. "So, where would you like to
go?" Tanong nito. Nagisip muna ako ng mga ilang minuto. "Uhm. Siguro sa
mall, o sa isang restaurant." Excited kong sagot sabay tingin sa kaniya.
"What about you?" Paglingon ko sa kaniya ay nakingiti siyang nakatingin
sa'kin pero tumingin ito kaagad sa ibang direksiyon. "Oh, Uh. S-siguro sa
restaurant din." Nahihiyang sabi nito. Tumawa ito bigla kaya ako'y napa
ngisi din. Habang naghihintay kay Kytel ay nagkwentuhan pa kami. He's
really funny at masayang kausap. Nagkukwentuhan pa kami ni Ellie nang
dumating na si Kytel. "Guys!" Sigaw nito habang tumatakbo papalapit sa
amin. Lumingon kami at sisigaw na rin sana ako ng may matanaw akong
kasama niya. Si Kyle!? Nang makalapit ito ay gulat na gulat pa rin ako.
"Sorry, guys kung natagalan ang tagal kasi ni Kyle." Sabi nito saka
tumingin ng masama kay Kyle. Hindi naman ito pinansin ni Kyle. "Oh,
hindi namin alam na kasama pala siya." Sabi ni Ellie. Agad namang
tumingin sa kaniya si Kyle. "Got a problem with that?" Naiinis na sabi
nito. "No, I was just saying." Sagot naman ni Ellie. "Oh..Okay." Mahinang
sagot ni Kyle sabay iwas ng tingin. "Tumigil na kayo. Gutom lang 'yan."
Natatawang sabi ni Kytel. At pumunta nga kami sa isang restaurant sa
loob ng mall. Magkatabi kami ni Kytel at kaharap ko si Ellie. Habang
hinihintay namin ang mga inorder namin ay nagkwentuhan muna kami ni
Kytel. Nanatili namang tahimik ang dalawa. Nag-aalala akong sumaglit ng
tingin sa dalawa at nakatingin ito sa magkaibang direksiyon. Tumigil na
kami sa pag-uusap ng dumating na ang mga inorder namin.
Natapos na nga kami sa pagkain at iniabot na ng waiter ang resibo. "I'll
pay since ako ang nag-aya." Sabi ni Kytel. "Okay." Sagot naman ni Kyle.
Kukunin na sana niya ang resibo ng kunin ito ni Ellie. "No, I'll pay." Sabi
nito. "Just give it to me. I'll pay." Sabi ko naman para matapos na at
makaalis na kami. Bigla namang tumingin si Kyle at hinablot ang resibo.
"I'll pay." Kukuha na ito ng pangbayad sa wallet ng hablutin ni Kytel ang
resibo. "Ako na sabi, e. Kulit niyo." Sabay iniabot ang bayad sa waiter.
Agad na kaming lumabas at upang magusap kung saan kami sunod na
pupunta. "Kung sa amusement park?" Suhestiyon ko. "Okay, Let's go."
Sabi agad ni Kytel. Hindi na nakapag-salita ang dalawa at sumunod na
lamang ito. Pagdating namin ay naghanap kami ng masasakyang rides.
"What if dito?" Sabay turo ni Kytel sa roller coaster. "Uhm, tingin muna
tayo ng iba pa?" Sabi ni Ellie. Tumitig sa kaniya si Kyle. "Pfft, Don't tell
me, you're scared?" Pang-aasar ni Kyle at patuloy sa pagtawa. "S-so what
if I am?!" Sagot ni Ellie. "Shut Up, Kyle! Nahimatay ka nga nung last time
na sumakay tayo dito, e!" Sabi ni Kytel. Mabilis itong lumingon kay Kytel.
"No, I didn't!" "Of course hindi mo tanda nahimatay ka nga, e."
Nagpatuloy sila sa pagsasagutan habang akoy lingon ng lingon upang
tingnan ang mga rides. Bigla akong tumigil ng makita ko na ang rides na
gusto kong masakyan. "Guys, Ok lang ba doon?" Sabay turo ko sa ferris
wheel. "Tumingin sila sa tinuro ko sabay tingin sa akin. "Yes." Sagot ni
Kytel. Lumingon kami sa dalawa. "What about you, guys?" Tanong ni
Kytel. "Uh, yeah sure." Sabay na sagot nila. Tumingin sila sa isa't isa ng
masama. "Stop copying me!" Nakasimangot na sabi Kyle. "Hindi kita
ginagaya!" Sagot naman ni Ellie. "Stop na! Tara na." Pag awat sa kanila ni
Kytel. Pumunta na kami sa napili namin na ride. Nakasakay na kami ni
Kyle at nang sasakay na si Kytel ay pinigil ito ng isang staff doon. "Ma'am,
sorry po pero dalawan lang po bawat pod." Pagpapaliwanag nito. "Pero,
kuya may space pa naman po, e." Sabi naman ni Ellie. "Pasenya na po,
pero yun po kasi ang sabi." Wala na itong nagawa at sumakay na sa
sumunod na pod. Medyo nalungkot ako na hindi kami sama-sama,
nandito naman si Kyle pero naisip ko lang na mas magiging masaya ito
kung nandito rin sila. "Are you okay?" Tumingala ako at nakita ko ang
mukha ni Kyle na nag-aalala. "Oh, Uh. Oo naman." Bigla akong ngumiti.
Napansin siguro niya na matamlay ako dahil hindi namin sila kasama.
"Are you uncomfortable being alone with me?" Nagulat ako sa sinabi nito
at agad na sumagot. "Huh, what? No, Of course not!" Natataranta kong
sagot dito. "Why would you think that?" Tanong ko naman dito. "Kanina
ka pa kasi tahimik. I'm just worried na I'm making you feel
uncomfortable." Sabay kamot sa ulo na sagot nito. Oh, no! He totally
misunderstood me. This is all my fault.
"Sorry, kung gano'n yung naparamdam ko sayo. Iniisip ko lang kasi na
mas magiging masaya 'to kung kasama natin sila." Pagpapaliwanag ko
rito. "Well... Is this not fun with just me?" Seryosong tanong nito. Omg!
Ano ba kasing pinagsasabi ko! Ahhhh! Ayoko na lang magsalita. "No, no.
That's not it." Sabi ko naman dito. "Then what is it?" Tanong na naman
nito. Wala na akong maisagot sa kaniya. Hindi ko alam kung paano ko
ipapaliwanag sa kaniya. Bigla naman kaming napatingin sa labas ng may
narinig kaming ingay. Nakita ko ang magaganda at makukulay na fire
works. Dahil dito ay kumalma ako at sasagutin ko na sana ang tanong nito
ng bigla itong magsalita. "Nevermind." Hindi ko namalayan na tapos na
pala ang pag-ikot ng ferris wheel. Bababa na ito na ikinataranta ko. "Wait,
Kyle!" Pag-pigil ko rito. Lumingon naman ito. "...Sorry." Nawala na ang
lahat ng gusto kong sabihin sa kaniya nang makita ko ang mukha niya.
Natakot ako dahil nakakunot ang noo nito na parang naiinis. Umiwas na
ito ng tingin at saka lumabas. Pagbaba ko rin ay tahimik lang kaming
nakatayo habang hinihintay bumaba ang dalawa. Gusto ko na lang
umiyak dahil sa inis ko sa sarili ko. "That was fun!" Masayang sabi ni Kytel
kay Ellie habang bumababa. "..My head hurts..." Sabi naman ni Ellie.
"..Guys, punta lang akong restroom saglit..." Dagdag pa nito pagka-baba
saka lumakad papunta sa restroom. "You good?" Tanong ni Kytel kay
Ellie. "..Yeah." Papalayong sabi nito. Tumingin na sa amin sa Kytel. "Hey,
Guys." "Hey." Sagot ko rito." Nag iba ang itsura ni Kytel na para bang
nagtataka. "Angtahimik niyo, did something happen?" Tanong nito. Ilang
segundo bago ako sumagot. "...No, Nothing happened." Pagsisinungaling
ko sa kaniya. Nanatili namang tahimik si Kyle. "..Okay, let's just wait for
Ellie." Sagot naman nito. Hindi na ito nagtanong pa siguro ay nahalata na
nito na mayroong nangyaring hindi maganda. Ilang minuto pa ay
dumating na nga si Ellie. "Uhm, did something happened?" Nagtatakang
tanong nito. "Uh, Ellie ikaw saan mo namang rides gusto sumakay? May
nakita akong doon, oh." Sabi ni Kytel kay Ellie. "Hey! Don't change the
topic." Sabi naman nito. "I'm not! Tara na guys." Sagot naman ni Kytel.
Nakita ko naman tumingin si Ellie ng may pag-aalala. Inabot na kami ng
gabi dahil sa paglibot at pagsakay sa mga rides. Sa lahat ng oras na 'yon
ay nanatiling tahimik si Kyle kaya ako ay nag-aalala.
"Hahaha. Anghina mo naman, bruh." Pang-aasar ni Kytel kay Ellie. "Yeah,
yeah. Pagod na 'ko." Sagot naman nito. Kakatapos lang kasi namin dun sa
sinakyan namin. "Actually, ako rin. Let's go na?" Sabi naman ni Kytel.
"Yes, please." Sagot ni Ellie. "Stacy?" Biglang tanong nito. "Uh, sure."
Sagot ko rito. "Kyle?" Tanong naman nito sa kaniya pero hindi ito
sumagot. Hinayaan na lang ito ni Kytel at hindi na inulit ang tanong.
"Okay, let's go." Sabi na lamang ni Kytel. Tumingin ako saglit kay Kyle at
nakatingin lang ito sa ibang direksiyon na parang may sariling mundo.
Naunang dumating ang sundo nina Kytel at Kyle. Nagpaalam ako sa kanila
pero kahit isa ay hindi ako nilingon ni Kyle. Kami na lang dalawa ni Ellie
ang nandoon. "Are you okay?" Biglang tanong nito. "Uhm...I'm not.."
Sagot ko rito. "Well, gusto mo bang kumain? I know it sounds weird, pero
kumakain kasi ako kapag hindi maganda yung pakiramdam ko. You know
its like food cheers me up." Nahihiyang sabi nito. Tumingin ako sa kaniya
at nakita ko siya na nakangiting naghihintay ng aking sagot. "Sige na nga."
Sagot ko rito saka ngumiti. "Okay!" Masayang sabi nito. Kumain kami sa
malapit na ramen shop. Kinuwentuhan niya ako tungkol sa mga
nakakatuwang nangyari sa kaniya. Sa mga oras na 'yon ay medyo
nakalimutan ko ang hindi magandang nararamdaman ko. Maya maya pa
ay dumating na ang aking sundo. "Bye, Ellie." Masayang sabi ko rito. "Bye,
Ingat ka." Nakangiting sabi naman nito.

Ikalabing-isang Kabanata

Nang makauwi sa bahay ay agad kong pinuntahan si mommy sa kaniyang


silid ngunit wala ito roon. Hinanap ko siya sa buong bahay pero hindi ko
siya nakita kaya nagpagpasyahan kong tawagan ito na agad naman
niyang sinagot. "Mom, nasaan po kayo?" Tanong ko rito. "I'm with your
tita Blessy. Sorry, pero sa tingin ko hindi ako makaka-uwi." Mahinang sabi
nito. "Okay, mom. Ingat po." Binaba ko na ito saka nagpunta sa aking silid.
Dahil sa sobrang pagod, kahit marami akong iniisip ay agad akong
nakatulog. Pagkagising ay agad akong nag-ayos dahil pasukan na naman.
Wala pa rin si mommy kaya ako muna ang naghanda ng aking makakain.
Nang makarating ay agad kong tiningnan si Kyle at nakatungo lang ito
katabi si Kytel na nakatutok sa cellphone. "Hello." Napalingon ako kay
Ellie at saka bumati pabalik. "Hi." Bati ko rito. Umupo na ako sa aking
upuan at nginitian ako ni Kytel. Tapos na ang klase at nakaupo na kami sa
cafeteria. Hindi mawala sa utak ko ang mga nangyari kagabi. "Kumain ka
na, Stacy." Sabi sa akin ni Ellie. "Ah, Okay. Sorry." Sagot ko naman dito.
Nang matapos ang klase ay agad na akong umuwi. Pagdating ko palang sa
bahay ay dumiretso na ako sa aking silid at humiga. Bago pako makapag-
isip ay tumulo ang luha sa aking mga mata at hinayaan ko lang ito.
Inilabas ko lahat ng sakit na aking nararamdaman at patuloy na umiyak.
Ilang minuto pa ay may kumatok sa pintuan, agad kong pinilit pakalmahin
ang aking sarili dahil maaaring si mommy na ito. Pinunasan ko ang aking
mga luha at saka mabilis na bumaba. Pagbukas ko ay agad akong niyakap
nito. "Uh, mom?" Nagtataka kong tanong dahil agad akong niyakap nito.
"Did something happen?" Tumingin ito sa akin at ngumiti. "Wala. Bakit?
Bawal ko bang yakapin ang anak ko? Pabirong sabi nito. "Also why is your
face red?" Nagulat ako sa tanong nito at agad na nag-isip ng maisasagot.
"Uh, nanonood po kasi ako ng drama kanina." Napilitan pa kong
magsinungaling, ayaw ko kasing sabihin kay mommy dahil medyo
nahihiya ako. "Pero, mom. Bakit ngayon lang po kayo?" Pagbabago ko sa
topic. "Ah. You know, ngayon na lang ulit kami nagkasama ng tita Blessy
mo." Sagot naman nito. Pumasok na kami sa loob upang doon na
ipagpatuloy ang aming pag-uusap, sa mga sandaling ito ay mas
gumiginhawa ang pakiramdam ko. Pagkatapos naming magkwentuhan ni
mommy ay nagpaalam na ako sa kaniya at umakyat na sa aking silid at
nagbihis. Humiga ako at huminga ng malalim, pilit kong sinasabi sa aking
isipan na huwag ko ng sisihin ang aking sarili.

Ikalabing-dalawang Kabanata

Ilang linggo na ang nakakalipas nang huli kaming mag-usap ni Kyle.


Kakatapos lang ng break time, at papunta na ako sa upuan ko. Niyayaya
ako ni Kytel kanina na umupo rin malapit kay Ellie, pero tumanggi ako rito
dahil baka magdulot na naman ito ng hindi pagkakaunawaan samin ni
Kyle. Nahihiya akong umupo sa aking upuan dahil magkatabi kami ni Kyle,
sa tingin ko lang dahil wala si Kytel sa gitna namin. Maya maya pa ay
dumating na ang aming guro. "Okay, class get your science notebook."
Habang kinukuha ko ang notebook ko ay pasimple akong lumingon kay
Kyle, at nagulat ako ng mahuli ko rin itong nakatingin. "Ah-" Tumigil na
akong magsalita ng agad nitong binawi ang kaniyang tingin. Umiwas na
rin ako ng tingin, at nagpatuloy na lamang sa pagkuha ng notebook ko.
Pagkatapos ko magpaalam sa aking mga kaibigan ay umuwi na ako.
Habang akoy nakahiga ay napag-isipan ko na dapat may gawin na 'ko dito
sa problemang ito, dahil walang mangyayari kung mananahimik lang ako.
"Bukas na bukas kailangan ko na talagang kausapin siya!" Sabi ko sa sarili.
Buong magdamag ay nag-iisip lang ako ng mga posibleng mangyari kapag
natapos na ang problemang ito, kaya mas lalong guminhawa ang aking
pakiramdam.
"Mom, Pasok na po ako. Bye." Lumabas na ako at sumakay sa kotse. Nang
makarating sa aming room ay nakita kong marami ng tao. Late na pala
ako. Agad na dumating ang aming teacher, kaya mabilis akong umupo sa
aking upuan. "Ba't ka late?" Tanong sa 'kin ni Kytel. "Late na rin kasi akong
natulog kagabi." Sagot ko rito sabay kamot sa ulo. "Kakaselpon mo 'yan."
Pangsesermon naman nito. Lumingon ako saglit kay Kyle at nakita ko na
seryoso itong nakikinig sa aming guro. Kahit anong mangyari kakausapin
ko na siya mamayang breat time!
Nang matapos ang klase ay agad na akong niyaya nila Kytel mag recess.
"Let's go na, Stacy." Sabi sa akin ni Kytel. Tumingin ako saglit kay Kyle at
saka ibinalik ang tingin kay Kytel. "Sorry, Kytel hindi ako makakasabay
ngayon." Sabi ko rito. "Oh, It's okay." Nakangiting sabi naman nito.
Tumingin ako kay Ellie at nakita kong malungkot ang mukha nito. "Sorry,
Ellie." Bigla naman itong tumingin sa akin. "Uhm, Uh. I-It's fine."
Nagpaalam na sila at saka umalis. Maya maya pa ay biglang tumayo si
Kyle, naghintay ako saglit at saka na rin lumabas. "Kyle, wait!" Tawag ko
rito. Lumingon ito sa akin na mayroong seryosong mukha. Akala ko
madali lang, pero dahil sa seryosong mukha nito ay kinabahan ako. "Uhm,
Uh."
Nakita kong ibinuka niya ang kaniya labi na parang may sasabihin pero
hindi na niya ito nagawa. "Stacy!" Tiningnan ko kung sino ito at nakita ko
si Felicia. "..Hi, Felicia. Ba't wala ka pa sa cafeteria?" Tanong ko rito.
"Nakita ko kasi si Eleazar and your friend sa cafeteria, wala ka do'n kaya
pinuntahan kita rito." Sabi nito sabay hawi sa buhok nito. "I know, I'm
such a great friend." Dagdag pa nito. Nakatingin lang si Kyle kay dito, at
napatingin din sa kaniya si Felicia. "Is this your boyfriend, Stacy? Hi I'm
Felicia." Nagulat ako sa sinabi nito at agad na tumanggi. "What!? He's
Kyle, my friend." Mabilis kong sabi rito. Tiningnan ko si Kyle at nakita
kong napangiti ito. Gusto ko na lang ilibing ang sarili ko, Omg! "Okay,
good." Sabi naman nito. "Good?" "Ok, let's go sa cafeteria!" Bigla nitong
hinawakan ang braso ni Kyle, at hinila ito. Nagulat naman si Kyle pero
hinayaan lang ito. Sumunod na lang ako na gulat pa rin sa ginawa nito.
"Kailan kayo nagkakilala, Stacy?" Tanong nito sa akin habang nakatingin
kay Kyle. Si Kyle naman ay patuloy lang sa pagkain. "Uhm, our parents
are friends. So.." Sagot ko naman dito. Itinigil nito ang pagtingin kay Kyle
at tumingin sa akin. "Oh." Nagbago ang mukha nito na parang naiinis.
"Bye, guys." Nang makaalis na si Felicia ay may pinuntahan din si Kyle
kaya mag-isa akong nagpunta sa room. "Oh, Stacy, akala ko ba hindi ka
magre-recess?" Bungad sa akin ni Kytel pagkapasok ko sa room. "Long
story." Sabi ko naman dito. Umupo na ako sa aking upuan at tumingin sa
upuan ni Kyle. Bigla akong may naisip na paraan. Kumuha ako ng papel at
pen sa bag, pagkatapos kong magsulat ay inilagay ko ito sa upuan ni Kyle
natatabunan ng notebook niya.
Pagkatapos ng klase ay dumiretso ako sa garden at umupo sa isang
upuan. Ilang minuto pa ay nagtataka ako kung bakit wala pa ito, dahil
nakita ko ang iba pa naming kaklase na nagsi-uwian na pati na sila Ellie at
Kytel. Siguro hindi sila sabay umuwi ni Kytel. Bigla akong tumayo nang
makarating na ito. "Uhm, hi." Nahihiyang bati ko rito. "I'm sorry if I made
you feel uncomfortable that day!" Sabi ko rito. Gulat itong tumingin sa
akin. "What?! Magso-sorry sana ako because I was the one who made you
feel uncomfortable that day at sa mga sumunod na araw pati na ngayon!
I'm really sorry, Stacy. I shouldn't have ask you that dumb question."
Pareho kaming nagulat sa mga sinabi namin.
"What!?" Sigaw ko rin dito. "Hindi kita kinakausap kasi nahihiya ako sa
mga sinabi ko that day." Dagdag pa nito. Gulat na gulat ako sa mga
nangyayari, hindi ko alam na ganoon din pala ang nararamdaman niya.
Mas maganda pa ang pinatunguhan nito kaysa sa mga iniisip ko kahapon.
"..So...are we good." Seryoso itong tumingin sa akin. "Of course!" Sabay
ngiti kong sabi rito. "So, ok lang bang ihatid kita?" Sabay kamot sa ulo na
sabi nito. Ramdam kong uminit ang buong mukha ko ng dahil sa kilig na
nararamdaman ko. "Uhm, kung..okay lang sayo." Nahihiyang sabi ko.
Ngumiti naman ito. "Okay! Tara." Nakangiting sabi naman nito. Nagsimula
na kaming lumakad papalabas ng school. Hindi ko na tinawagan si kuya
Benny dahil sasabay ako kay Kyle. Paglabas namin sa gate ay nagmadali
itong pumunta sa kotse, at ibinukas ang pinto nito. Parang sasabog na
ata ako sa sobrang kilig! "Thanks." Sabi ko sa kaniya saka nagmadaling
pumasok sa loob. Nang maisara na nito ang pinto ay pumunta ito sa
kabilang gilid ng kotse at umupo sa aking tabi. Nang makarating na sa
bahay ay lumabas na kami ng kotse. "Oh. Ba't lumabas ka pa?"
Nagtatakang tanong ko sa kaniya. "Ah, wala lang. Gusto lang kitang
makitang umalis." Nakangiting sabi nito. What!? Totoo ba 'to? "Oh, Okay.
Sige na. Bye!" Sabi ko naman dito. Pumasok na ako sa loob at tumakbo
papunta sa kwarto. Humiga ako sa aking higaan at nagpagulong-gulong
na parang bulate sa likot. Naiisip ko pa rin kasi lahat ng nangyari at hindi
ko na mapigil ang sarili ko sa sobrang kilig. Hindi ko rin maiwasang isipin
kung may feelings din kaya siya para sa akin. Dahil na rin sa nangyari
ngayon naramdaman ko na mas naging malapit kami sa isa't isa. Hindi pa
ako tapos kiligin ay may tumawag sa akin. Kinuha ko ang cellphone ko at
sinagot ito. "Hi, Stacy." Sabi nito sa kabilang linya. "Hi, Felicia. Napatawag
ka?" Tanong ko rito. "Nothing, just wondering if we can hang out."Sabi
naman nito. "Uh, sure. I'll ask Kytel." "No, no, no. Just the two of us, and
maybe, also Kyle?" Sagot naman nito. Nagbago ang mukha ko ng sabihin
niya ito. "..Sorry, but wala akong number niya." Sagot ko sa kaniya. "..Oh,
really. Ok then, I'll just ask him tomorrow." Sagot naman nito. "Ok, by-"
Binaba nito agad ang tawag. Napatulala ako sagli at napaisip. Ngayon ko
lang napansin na wala ako ng number ni Kyle at Ellie. I'll just ask them
tomorrow too.
Ikalabing-tatlong Kabanata

Inilapag ko na ang aking cellphone, at babalik na sana ako pagkahiga ng


bigla na naman itong tumunog kaya agad ko itong kinuha.

Amazing Kid

Let's hang out!


Where? When?
Ngayon na, bruh.
Okay.
Sunduin ka namin :)
Namin?
;)

Pinatay ko na ang phone ko at umupo saglit, dahil parang may ideya na


ako kung sino ito. Maya maya pa ay dali dali akong nagbihis, at
nagpaalam kay mommy. Pinayagan ako nito dahil kasama ko naman si
Kytel. Habang nasa biyahe, hindi ko mapigilang ngumiti dahil sa galak na
aking nararamdaman. Pagdating ko roon, nasa labas na agad sila ng gate
at hinihintay ako. Laking gulat ko ng makita ko si Ellie, pero bumaba na
lang ako. "Kanina pa kayo?" Tanong ko. Umiling lang ang mga ito. "Tara
na." Sabi naman ni Kytel. Tumingin ako rito. "Saan pala?" Tanong ko rito.
"Uhm, do'n sa cafe." Sagot naman nito. Sumakay na kami sa kotse, at
nagpunta sa cafe malapit sa park. "I guess naayos niyo na yung
misunderstanding niyo ni Kyle." Sabi nito sa'kin. Napatingin naman ako
rito. Sabi ko na nga ba napansin nila.. "Oh, Yeah. Sa tingin ko gumana
talaga yung tips ni Ellie." Sagot ko naman dito saka tumingin, at ngumit
kay Ellie. Nahihiya naman itong ngumiti. "Omg! Ano 'to?" Nakangiting
parang nang-aasar na sabi ni Kytel. Tiningnan siya ni Ellie na tila ba
pinapatigil ito. "Fine. I'll stop." Natatawang sabi ni Kytel kay Ellie. Ako
naman ay nakatingin lang sa kanila dahil hindi ko ito maintindihan. "What
is happening?"
Ikalabing-apat na Kabanata

"Stacy, your bag!" Dali dali akong lumapit kay mommy upang abutin ang
bag ko. Late na kasi ako, gawa ng nanood ako ng favorite show ko buong
magdamag. "Thank, mom." Sagot ko naman dito saka humalik sa kaniyang
pisngi, at dali daling sumakay sa kotse. Nang malapit na ako sa room
namin ay natanaw na nandoon na ang aming guro. "Ma'am, excuse po."
Nahihiyang sabi ko. Lumingon naman si ang aming guro pati na rin ang
mga kaklase ko. Pero lalo akong nahiya nang makita kong nakangiting
nakatingin sa 'kin si Kyle. "Come in. Next time agahan na, ha?" Pabirong
sabi ni ma'am sa 'kin. Pumasok naman ako na nakayuko dahil sa sobrang
hiya. Pumunta na ako sa aking upuan at tumingin ulit kay Kyle. Nakatingin
ito sa akin kaya nahihiya akong ngumiti sa kaniya. "Why are you late?"
Nakangiting tanong naman sa 'kin ni Kytel. "I watched my favorite show
last night." Natatawang sabi ko rito. Napatawa rin naman ito. Tumingin na
ako sa unahan at nakinig na sa aming guro.
Tapos na ang klase. Nandito na kami sa cafeteria. Katabi ko si Kytel at sa
harapan naman si Ellie. Habang kumakain ay naalala ko na kukunin ko nga
pala ang number nila Ellie at Kyle. "Ellie, give me your number, para
makapag-usap usap tayo nila Kytel." Masayang sabi ko sa kaniya. Ito
namna ay napangiti at mabilis na kinuha ang cellphone sa kaniyang
bulsa. "Uh, Here." Abot niya sa akin. Matapos kong makuha ang number
niya ay inilagay ko na rin ang number ko sa kaniyang cellphone. Ibinalik
ko na ito sa kaniya. Nang matapos na kami ay agad na kaming pumunta sa
room. "Dito muna ulit tayo kay Ellie." Sabi Kytel sa akin. "May gagawin pa
kasi ako, e. Sa susunod na lang." Maayos na sabi ko naman dito. "Oh,
okay." Sagot naman nito. Umupo na ako sa aking upuan at hinintay si Kyle
upang hingiin din ang number nito. Ilang sandali pa ay dumating na ito
pero sa halip na saya napalitan ng sakit ang aking nadarama ng makita ko
itong kasama si Felicia. Tiningnan ko lang si Kyle, at halata sa mukha nito
ang bakas ng saya habang nagpapaalam kay Felicia. Pumasok na ito sa
loob at ngumiti sa akin. Nginitian ko na lamang ito. Umupo ito sa upuan ni
Kytel. "Your friend, Felicia is really funny." Sabi nito ng may ngiti pa rin sa
labi.
Kahit na medyo masakit sa feelings, hindi ko na ito masyadong inisip
dahil baka magka-problema na naman. "..Yup. She is." Sabay ngiti kong
sabi rito. "Wait, wala ka rin ng number ko, right?" Tanong nito sa akin.
"Hiningi kasi ni Felicia yung number ko kanina, and i just remember na
hindi ko rin pala naibigay sayo. Sorry about that." Nakangiting sabi nito
habang kinuha ang cellphone. Right, sinabi nga pala ni Felicia na kukunin
niya ang number nito. Iniabot ko na lamang ang aking cellphone, inilagay
na niya ang number niya. "There." Ibinigay na niya sa akin ang aking
cellphone. "So, do you, maybe wanna hang out with me after class?" Sabi
nito sa akin. What!? L-like a date!? Biglang tumibok ng mabilis ang aking
puso sa sobrang saya ko, at tuluyan ng nakalimutan ang sakit
naramdaman kanina. "Wait, really?" Sabi ko rito. Medyo natawa ito.
"Really. Bakit naman kita lolokohin." Natatawang sabi nito. "Of course,
we can hang out later." Nagagalak kong sagot dito.

Ikalabing-limang Kabanata

Papalabas pa lang ako ng school dahil inutusan ako ni Ma'am. Nakita ko


itong nakatayo sa may gate. Nang makita rin ako nito ay bigla itong
kumaway at ngumiti. Napangiti rin ako at lumakad ng mabilis papunta
rito. "Sorry, natagalan." Sabi ko rito. "It's ok. Tara na?" Sabi naman nito.
Tumango naman ako na pag-sangayon. Nagpunta na kami sa park. Kami
ay naglakad-lakad doon at nagkwentuhan tungkol sa mga pinaggagagawa
namin noong mga bata pa kami. "Do you remember when you kissed me
nung christmas when we were five years old?" Nakangiting tanong nito.
Naalala pa pala niya yun! Gusto ko na lang maglaho. "Uh, Hahahaha."
Sagot ko lang dito. "You even told our mom that you want to marry me."
Pang-aasar pa nito. "Well, pumayag ka naman." Nakangiting pang-aasar
ko rin dito. Tumingin ito bigla ng seryoso sa akin. "...Do you..still want to?
Nagulat ako sa tanong nito. Natataranta ako kung anong isasagot ko.
Oo!? Siguro!? Syempre!? Nakita ko na mayroong naglalako ng ice cream
at naisipang ibahin ang usapan. "Uh, ah, ice cream! Tara bili tayo ng
icream." Sabi ko rito at hinila siya papunta roon.
Mag-gagabi na nang ako'y maihatid niya. Naglinis na akong katawan at
humiga sa higaan. Kinuha ko ang phone ko dahil mayroong nag-message.

Kyle

I had so much fun talking to you!


Me too!
Have a good night.
Ikaw rin :)

Nagpagulong-gulong na naman ako sa aking higaan dahil sa kilig na aking


nadarama. Sobrang saya ko talaga ngayon na nakakausap ko na siya ng
maayos. "Stacy!" Tawag sa akin ni mommy. Tumayo ako agad at bumaba.
"Yes, po?" Tanong ko naman dito. "Uh, anak pupunta lang ako kay tita
Blessy mo. Okay?" Sabi naman nito. "Ah, sige po. Ingat." Sagot ko naman.
Bigla naman akong niyakap nito. "Mom." Nahihiyang sabi ko rito, pero
niyakap ko rin ito ng mahigpit. "Sige na. Bye." Pagkatapos maka-alis ni
mommy ay umakyat na ako.

Ikalabing-anim na Kabanata

Sa sumunod na buwan ay naulit pa ang mga pag-alis ni mommy. Nagtaka


ako kung saan ba talaga ito pumunpunta, dahil nung tanungin ko si tita
Blessy, wala naman daw ito doon. Pero hinayaan ko na lang muna ito
dahil naisip ko na baka hindi pa handa si mommy na sabihin sa 'kin kung
ano man ito. "Uy, Stacy, pupunta daw kami sa inyo sa pasko." Tumabi ito
sa akin sa paglalakad papuntang cafeteria. Malapit na rin ang christmas
break kaya lalo akong na-excite. "Ah, oo. Sinabi ni mommy sa 'kin nung
nakaraan." Sabi ko naman dito. "I'm so excited!" Natutuwang sabi ni
Kytel. Binilisan na namin ang paglalakad dahil naghihintay si Ellie sa
amin. Nauna na ito dahil may pinuntahan pa kami ni Kytel. Nagulat kami
ni Kytel nang makita namin sina Ellie at Kyle na magkasama sa cafeteria.
Nagtititigan lamang silang dalawa.
"Wussap, guys." Pagbasag ni Kytel sa katahimikan sa pagitan nila Ellie at
Kyle. Umupo si Kytel katabi ng kapatid, at umupo naman ako sa tabi ni
Ellie. "Wag na kayong mag-away malapit na ang pasko." Pabirong sabi ni
Kytel. "Bakit pala kayo mag-kasama?" Tanong pa nito. "Nothing." Sagot ni
Ellie. Umiwas na ito ng tingin at kumain na lamang. Si Kyle naman ay
patuloy sa pagtingin ng masama kay Ellie. Tinapik naman ito ni Kytel at
tinitigan na nagpapahiwatig na itigil na nito ang pagtingin kaya tumigil na
rin ito. "Anyways, guys, mamasyal ulit tayo sa mall since malapit na
naman ang christmas break." Sabi ni Kytel na may galak. "Ok, but isama
rin natin si Felicia." Suhestiyon naman ni Kyle. Nagulat ako sa sinabi nito
at napansin na parang nagiging mas close na ang dalawa. "Narinig ko
pangalan ko, ah." Biglang dumating din si Felicia. Umupo ito sa tabi rin ni
Kyle. "Oo, sasama talaga ako." Dagdag pa ni Felicia. Kanina pa yata siya
nakikinig sa pinag-uusapan namin. Saglit akong lumingon kay Kyle at
nakangiti ito kay Felicia. Hindi ko ito kayang panoorin, pero parang may
kung ano sa aking mata at hindi ko maialis ang tingin sa kanilang dalawa.
Nawala ang tingin ko ng hinila ako ni Ellie. Napatingin sila sa amin at
tumayo si Kyle. "Bro, what are you doing?" Naiinis na tanong nito. "Kyle,
pabayaan mo na sila." Sabi naman ni Felicia. "Dito lang tayo mag-
kakasundo Felicia. Kyle tumigil ka na." Sambit naman ni Kytel. Tumingin
ako kay Ellie. "I want to leave." Sabi ko at tumalikod na sa kanila.
Nagpatuloy na kami ni Ellie sa paglalakad. Dinala niya ako sa garden.
"Wait, here." Umalis ito saglit at nang dumating ito ay may dala na itong
chocolate drink. Iniabot niya ito sa akin na may seryosong mukha. Ako ay
napangiti ng bigyan niya ulit ako nito. Nakita ko naman na ngumiti rin ito.
"Are you okay now?" Tanong nito sa akin at umupo sa aking tabi. "How
did you know na hindi ako okay?" Tanong ko rin dito. "Uhm, Wala lang."
Natatawang sagot naman nito. Seryoso akong tumingin sa kaniya upang
biruin ito. "Wag mo akong tawanan." Sinabi ko rito. Malungkot itong
yumuko. "Sorry." Sabi naman nito. Natawa ako sa itsura nito habang
nakayuko, pero maya maya pa ay nakonsiyensiya ako sa aking ginawa.
Itinaas ko ang ulo nito at tiningnan siya ng direkta sa kaniyang mga mata.
"Uy, sorry. Joke lang yun." Sabi ko sa kaniya. Ngumiti lang ito na aking
ikinagulat. "Joke rin." Sabay tawang sabi nito.
Binitawan ko ang ulo nito at hinampas ang kaniyang hita sa inis. Tumingin
muna ito sa akin. "Aray ko. Ah." Biglang sabi nito. Inirapan ko lang ito.
"Late reaction?" Natatawa kong sabi rito. Nagkatitigan kami at saka
tumawa. Nagkwentuhan pa kami nito at pagkatapos ay nagpunta na kami
sa room. "Hey, guys." Bungad sa amin ni Kytel. tumingin ito kay Ellie ng
may mapanuring mga mata. "Stop it." Natatawang sabi naman ni Ellie
rito. Madalas nila itong gawin, pero hindi ko pa rin sila maintindihan.
Ayaw din naman nilang sabihin sa akin.

Ikalabing-pitong Kabanata

"Ilagay mo rin 'to diyan." Suhestiyon ni Kytel saka iniabot sa 'kin ang
papel. Naggagawa kasi kami ng project na ipinagawa sa amin bago ang
Christmas break. Kaya nandito kami ngayon sa cafe. "Kyle, what do you
think about mine?" Tanong ni Felicia kay Kyle. Agad naman itong
tumingin kay Felicia. "It's good." Sagot naman nito saka ngumiti.
Nagkatinginan kami ni Ellie at ngumiti sa isa't isa. "Matatapos ka na?"
Tanong ko sa kaniya. Tumingin ito sa ginagawa nito. "Uhm, hindi pa.
Ikaw?" Sagot niya. "Hindi pa rin?" Natatawa kong sabi sa kaniya. "Ehem,
ehem." Sabi naman ni Kytel. Ewan ko ba pag magkasama kami ni Ellie
laging inuubo 'to. "Stacy, ok lang kaya 'to?" Lumapit sa akin si Kyle at
ipinakita ang gawa niya. Yumuko ito malapit sa ulo ko. Hindi ako
makapag-focus dahil ramdam ko ang bawat hinga nito. "Uy, Stacy meron
pa yan sa baba." Sabi sa akin nito. "Huh?" Sabi ko naman saka lumingon
sa direksiyon nito. Bigla akong umurong sa gulat nang magsalubong ang
aming mukha. "Oh." Inabot nito ang ulo ko at inalalayan ako. "Mag-ingat
ka naman." Sambit nito. Nakita ko ang bakas ng pag-aalala sa mukha nito.
Tumibok ng kay bilis ang puso ko na parang gusto na nitong kumawala sa
katawan ko. Ilang sandali pa ay umayos na ako ng upo. "Ah, ah! Maganda!
Maganda yung gawa mo!" Natatarantang sabi ko rito saka ibinalik ang
gawa nito. "Are you sure?" Tanong pa nito bago bumalik sa upuan niya.
"Y-yes. Of course." Sagot ko rito. Ilang oras pa natapos na sina Ellie at
Kytel. Hindi ko naman natapos ang akin dahil hindi na ako makapag-focus
. Nafi-feel ko pa rin ang kilig.
Umuwi na kami. "Mom, nandito na po ako." Tawag ko rito. Walang
sumasagot kaya naisip ko na baka umalis na namanito. Umakyat na ako
upang tapusing ang project na pinapagawa sa amin. Natapos ko na ang
kalahati kaya napagpasyahan ko na magpahinga muna. Kinuha ko ang
cellphone ko at nanood ng movie buong gabi dahil wala naman nang
pasok.

Ikalabing-walong Kabanata

Ilang araw pagkatapos no'n ay tinapos ko na ang project ko. Bumaba na


ako upang salubungin ang pamilya nila Kyle at Kytel. Dahil nga dito sila
magse-celebrate ng Christmas. Nang may kumatok ay agad na itong
binuksan ni mommy. "Hi! Merry Christmas." Bati nila sa amin. "Merry
Christmas!" Bati namin ni mommy. Pinapasok na namin sila at
nagkwentuhan muna sila mommy, tita at tito sa sala. Umakyat naman
kami sa aking kwarto. "Stacy, nandito pa rin yung UNO cards natin diba?"
Tanong sa akin ni Kytel saka umupo sa aking kama. "Yeah, Wait lang."
Kinuha ko ito sa aking cabinet. Umupo rin si Kyle sa aking higaan. Nilagay
ko ito sa ibabaw at nagsimula na kaming maglaro. "Hahahah. Plus four ka
!" Natatawang sabi ni Kytel kay Kyle. "Bruh! Let me win!" Naiinis na
sambit naman ni Kyle. Tapos na akasi ako dahil ako ang unang naubusan
ng cards. Maya maya pa ay nanalo si Kytel. "Loser!" Pangaasar nito kay
Kyle. "This game is rigged." Naiiritang sabi ni Kyle. Natatawa na alng ako
sa tabi dahil itsura nilang dalawa. Seryosong seryoso si Kyle sa laro kaya
lalo pa akong natawa. Maya maya ay tinawag na kami ni mommy upang
kumain. Dali dali kaming bumaba. Umupo si Kyle sa aking tabi, at may
bigla itong inabot sa ilalim ng mesa. Kinuha ko naman ito at ipinatong
muna sa aking hita. "Look at you, ang lalaki niyo na." Sabi ni tita. "Naalala
ko pa nung mga bata pa kayo." Dagdag pa nito. Nagkwentuhan kami
buong hapunan at naghanda na sila Kyle na umalis. "Dito na kayo
matulog." Pag-aalok ni mommy kay tita. "No, it's okay. May pupuntahan
pa kasi kami ni Jason (Kyle and Kytel's Dad) bukas na meeting."
Nakangiting sagot naman nito. "If you say so. Until next time." Sagot
naman ni mommy.
Nagpaalam na kami sa isa't isa at inihatid na sila sa labas. "Merry
Christmas mom." Sabi ko naman sa kay mommy at saka ito yinakap.
"Merry Christmas, Sweetie." sabay halik nito sa aking noo. Inilapag ko ang
regalo ni Kyle sa lamesa sa aking kwarto. Umpo ako sa upuan at binuksan
ito. My heart melts nang makita kong picture namin ito when we were
five years old. Me kissing him beside the Christmas tree. This the best
gift.

Ikalabing-siyam na kabanata

Tapos na ang Christmas pero damang dama ko pa rin ito. Kakatapos lang
namin kumain. Ginagawa ko ngayon yung isang assignment namin na
bukas ang pasahan. Ilang saglit pa ay dumating na ang aming guro. "Ok,
class. Alam ko narinig niyo na yung tungkol prom." Naghiyawan sa galak
ang aking mga kaklase. "Gusto ko enjoyin niyo ito dahil once in a lifetime
lang to." Nakangiting sabi nito sa amin. "Boys and girls, binigyan na kayo
ng principal ng permiso na isama kung sino man ang gusto niyong isama
sa prom night. Goodluck." Dagdag pa nito. Naiisip ko na alukin si Kyle,
pero naiisip ko rin na paano kung hindi ito pumayag. Pagkatapos ng klase
ay nagpunta muna kami ni Kytel sa garden. "Sinong isasama mo?" Tanong
ko kay Kytel. "Edi si Jade." Sagot naman ni Kytel. "Oh, Okay." Sagot ko
naman. "Eh, ikaw?" Tanong naman nito. "I wanna ask Kyle, but hindi ko
alam kung papayag siya." Sagot ko naman dito. "Okay. Ehem, si Ellie
kaya?" Tanong nito. "Yeah, I wonder kung sino yun?" Sagot ko naman.
Nanghihinala akong tumingin kay Kytel dahil palingon-lingon ito. Inaya ko
na lang itong umuwi na. Umuwi na ako at wala na naman si mommy sa
bahay. Umakyat na lamang ako sa aking kwarto. Ipinagpatuloy ko na ang
assignment na ginagawa ko kanina. May bigla naman na nag-message sa
akin.

Kyle

Wanna come to prom with me?


Nagpatalon ako sa tuwa nang mabasa ko ito. Agad ko itong nireplyan.

Kyle

Wanna come to the prom with me?


Yes.
Great! :)

Ika-dalawangpung Kabanata

"Stacy, wait!" Lumingoon agad ako nang marinig ko ang aking pangalan.
"Oh, Felicia, why are you running?" Tanong ko rito. "Nothing, I just wanna
say na inaya ako ni Kyle sa prom." Sagot nito. Nagulat ako pero hindi na
lamang ako nagsalita. "Okay, bye na. See you sa prom!" Mabilis itong
lumakad papalayo. Nakita ko naman si Ellie sa baba, sa garden.
Sinenyasan ako nito na bumaba. Bumaba ako upang puntahan ito.
Huminga muna ito ng malalim. "Stacy, will you my date sa prom night."
Tanong nito. Kita ko na nahihiya ito dahil saglit ay pumikit ito. "..Sorry,
Ellie pero kasama ko na kasi Kyle." Sagot ko rito. "Oh, okay...Sorry sa
abala." Sagot naman nito. "Mauna na ako." Dagdag pa nito. Masakit rin
naman para sa akin na tanggihan ito. Dumiretso na ako sa room namin.
Kinagabihan. Inaya ako ni Kytel upang mamili ng damit na susuotin namin
sa prom. Naka ilang pili kami pero nakita rin namin ang damit na gusto
namin. Agad namin itong suinukat at saka binili. "The blue dress earlier,
was just chef's kiss." Sabi ni Kytel habang nasa biyahe na kami pauwi. "I
know, medyo makati siya." Sagot ko naman.

Ika-dalawangpu't isang Kabanata


Araw ng prom. Nagpunta si Kytel sa bahay upang tulungan akong mag-


ayos. Binilisan na namin at dumating na nga si Kyle at Jade. Agad kaming
lumabas at nag batian. "Hi." Bati ko kay Kyle. Napatulala pa ito sa 'kin.
"You..look really pretty." Malambot na sabi ito. Hindi ko alam ang
gagawin ko kaya tumungo na lang ako sa kilig.
Pumunta na kami sa school. Naunang bumaba si Kyle at inalalayan akong
bumaba sa kotse. "Thanks." Sabay ngiting sabi ko rito. Nakita ko si Felicia
na nakatingin sa amin ng masama, pero hindi ko ito pinansin at tumingin
lang kay Kyle. Itinuon ko lang ang mga mata ko sa kaniya. Umupo muna
kami sa upuan doon sa loob. Nagkwentuhan pa kami nila kytel sa upuan.
maya maya pa ay nagsimula na ang sayawan. Tumayo si Kyle at iniabot
ang kamay nito. "Would you like to dance with me?" Sabi sa akin nito.
"Why wouldn't I?" Ngumiti kami sa isa't isa at sumayaw na parang kami
ang nandoon. Wala ng iba pang nasa isip ko kung hindi ang lalaking nasa
harapan ko. Siguro hindi ko na siya gusto, dahil ayaw ko na siyang
mawala pa sa aking paningin. "Stacy, I like you." Nagulat ako sa sinabi
nito at napatigil sa pagsayaw. "I really like you." Paguulit pa nito.
Napaluha ako sa sobrang saya na aking nadarama. Agad ko itong niyakap
ng mahigpit at pinapaulit ulit na ibinubulong ang tatlong salita.
I Love You.

Ikadalawangpu't dalawang Kabanata


"Hon, tara na baka mahuli pa tayo. "Just a sec. Kukunin ko lang 'tong mga
importanteng gamit. "Bilisan mo at baka ma late tayo sa kasal ng kapatid
mo." Sabi ko rito. "Kytel can wait." Natatawang sabi ito. Papunta kami sa
kasal nina Kytel at Jade. Ilang taon na ang nakakalipas marami na ang
nagbago. Pero sa kabila ng ng lahat ay hindi pa rin nagbabago ang
nararamdaman namin para sa isa't isa. 'Yun nga si Kytel ikakasal na, si
Ellie naman ay nasa Canada at isa na siyang ganap na artist. Kami naman
ay patuloy na masaya sa aming relasyon. Napapag-isipan na namin ang
kasal pero nauna lang sila. "Okay. I'm ready na." Lumabas na kami at
nagpunta sa kasal. Pinuntahan kaagad namin ang dalawang bride.
"Congrats, Kytel!" Bati ko rito. "Uy! Late na kayo!" Sabi nito. "Congrats."
Bati naman ni Kyle sa kapatid. "Pumunta ka pa!" Sigaw naman ni Kytel.
HIndi lang ito pinansin ni Kyle at Lumapit kay Jade. "Congrats, Jade. May
oras ka pa para tumakbo." Pagbibiro nito. Ngumiti naman si Jade. "Hay
nako, Kyle 'wag mo ng guluhin si Jade." Pabirong sabi ko rito.
Maya maya pa ay nagsimula na ang kasal. Masayang pinagmasdan ni
Kytel si Jade habang lumalakad papalapit sa kaniya. Kung hindi ako
titingnan ni Kyle ng ganito sa kasal namin ayoko ko na. Maya maya pa ay
oras na. "You may now kiss." Nakangiting sabi ng pari. Pagkatapos ay
maluha luhang nagyakapan ang dalawang bagong kasal. Sana talaga
walang magbago sa ating dalawa, dahil sa tingin ko ay hinding hindi na
ako magmamahal pa kung mawawala ka. I love you and I always will, 'till
the day I die. I love you to the stars and back.

Mga Tauhan

Kytel
Ellie
Jade

Kyle
Stacy

You might also like