You are on page 1of 4

Tamang Hinala

“Gabi na at wala pa rin siya, ilang linggo ng ganito…” napakarami


ng iniisip ni Mikyla tungkol sa kung anong dahilan kung bakit
laging nahuhuli sa pag-uwi ang kanyang asawa. Napapansin niya
na tuwing umuuwi ang asawa niya ay mukhang mayroon ito na
ginawang kasalanan base sa ekspresyon nito. Napansin rin ni
Kyla ang pagbabago-bago ng suot na damit ng kanyang asawa,
laging iba ang damit nito sa damit na suot nito tuwing umaalis ng
bahay. Ilang minuto pa ang lumipas at bumukas na ang pintuan.

“Saan ka na naman galing?” bungad ni Kyla kay Arthur kahit na


alam na niya kung saan talaga ito nanggaling.

“G-gumala lang kami nila Tony at Michael” nauutal na sinabi ni


Arthur.

Hindi na natiis ni Kyla ang pagsisinungaling ni Arthur kaya


sinagot niya na ito dahil sa galit. “Tama na, sobra kana!”

“Huwag kana magsinungaling pa! Alam ko kung saan ka laging


nagpupunta pati na rin ang mga pinagkakaabalahan mo!” sigaw
ni Kyla.
“Paano mo nagagawa yun? Bakit mo inililihim sakin ang ganoong
nakakadiring bagay?” itinanong ni Kyla habang tinitignan ng
masama ang kanyang asawa.

“Kyla, alam ko kung ano ang iniisip mo pero hinding-hindi ko


magagawa yun sayo, pangako.” pangangatwiran ni Arthur
habang kinukuha at hinihimas ang mga kamay ni Kyla. Si Arthur
ay mapapansin na natataranta na.

Unti-unti, napalitan ng ngiti ang napakalamig na tingin ni Kyla.


Makikita ang pagkalito sa mukha ni Arthur sa biglang pagbabago
ng reaksyon ni Kyla.

“Arthur De Guzman, inaaresto kita sa salang pagpatay ng


napakaraming tao. Pasensya na, lahat ng meron at nangyari sa
ating dalawa ay trabaho lang.”
Si Mommy?

Si Jane ay isang batang kinaiinggitin ng marami. Sinasabi ng


maraming tao na napakaswerte nito sa kanyang ina. Si
Anastasia, ang ina ni Jane ay maganda, mayaman at bata pa
kung ikukumpara sa ina ng mga kaibigan at kaklase ni Jane.
Napakaraming namamangha kay Anastasia.

“Hi Elena! Ready ka na ba maglaro ng golf?” Pagbati at tanong ni


Jane. Si Elena ay anak ng kaibigan ni Anastasia kaya naman dahil
sa mga ina ay naging malapit sa isa’t-isa ang kani-kanilang mga
anak. Si Elena at Jane ay sobrang malapit, tiwalang-tiwala sila sa
isa’t-isa. Komportable si Elena kay Jane kaya pati ang
pagkakaroon niya ng paghanga sa isang babae ay binanggit niya
na kay Jane.

“O Jane ikaw pala, oo ready na ako. Nasaan nga pala mommy


mo? Akala ko kasama siya.” sagot ni Elena.

“Ah oo may kinuha lang siya sa kotse, pabalik na rin siya.”

“Ah sige, tara na?”

Lumipas ang ilang oras at natapos rin maglaro sina Jane at Elena.
Habang nagpapahinga si Jane at si Anastasia, si Elena naman ay
kumukuha ng mga litro gamit ang bagong biling kamera.
Pagkatapos magpahinga nung tatlo ay naisipan na nila na umuwi.

(Sa paaralan)

“Elena, pahiram ako ng susi ng locker mo kukunin ko lang yung


nilagay ko na libro.” bungad ni Jane kay Elena na kakapasok lang
ng silid.

“Sige, ayusin mo yung mga gamit ko dun ah. Ayoko ng magulo


ang locker ko.”

“Oo naman, salamat.”

Hinahanap ni Jane ang libro na kukuhanin niya at nung isasara na


niya ang locker nahulog naman ang napakaraming litrato.

“Jane! Huwag mo pulutin yan ako na!” sigaw ni Elena, ngunit


hindi nakinig si Jane. Pinulot ni Jane ang mga litrato at nagulat sa
mga nakita niya.

“Si mommy to ah…”

You might also like