You are on page 1of 7

Serenity: Being Safe and Comfortable

This is a story of a boy and a girl who found comfort and peace in each other’s arms,
they are both dealing with anxiety, stress, and depression. The feeling of having suicidal
thoughts but meeting each other at an unexpected time leads to a beautiful ending.

Hi, ako nga pala si Alexander (Alex) Floress, nakatira sa gilid gilid, hindi charot lang.
Nakatira ako sa Sampaloc Village dito sa probinsya ng Laoag at ito ang aming istorya ni Ayla
Nathalie Villanueva.

Ika-kines (15) ng Disyembre 2021, nag-punta ako sa bahay ng aking pinsan na si


Monique. Nagdala ako ng meryenda para sa kanila. Tumambay muna ako doon, naki kain at
naki kwentohan. Nung naboring na kami naisipan ni Monique na imbitahan ang kanyang tita,
sabi niya na ipapakilala niya sakin.

Alex: Ops! Wait lang, yung tita niya eh ka-age lang naming ni Monique. Tuloy ang kwento.

At yun nga, dumating na ang kanyang tita. Diko akalaing ganon siya ka ganda.
Tinanong ko kay Monique ang pangalan ng kanyang tita.

Alex: Monique, anong pangalan ng tita mo?


Monique: Ayla, bakit?
Alex: Ah! Wala wala.

At umalis na si Monique, pumunta sa kanilang likod bahay, ako naman na dina


pinalampas ang pagkakataong kausapin si Ayla.

Alex: Uy! Alex nga pala, ikaw anong pangalan mo?


Ayla: Ako nga pala si Ayla.
Alex: Ah! Okay, san ka pala nag-aaral?
Ayla: Innhs, Regular lang ako doon.
Alex: Ah! Incat naman ako.
Dumating na si Monique at kami’y nagkwentuhan. Paglipas ng isang oras, akoy
nagpalaam kay Monique at kay Ayla. Dahilanan ako’y may pupuntahan pa.
Alex: Monique, Ayla, mauna na ako dahil may bibilhin pa ako sa bayan,
Monique: Oh, sigeh hatid ka na namin ni Ayla.

At hinatid na nga nila ako. Habang ako ay lumalakbay papunta sa bayan, na iisip ko
ang mga ngiti ni Ayla.

Alex: (binubulong sa sarili) Ano kaya itong nararamdaman ko, na love at first sight ba ko?
Bat parang may mga paro-paro sa tiyan ko? Ano kaya ang mga ito, ako’y naguguluhan na.
(Classmate by Hambog ng Sagpro Krew)

At yun nga, naka uwi na ako sa aming bahay ngunit si Ayla parin ang laman ng aking
isipan. Natataranta at di alam ang gagawin ngunit sa kalikutan ng aking napindut ko ang
profile niya sa Facebook at nagfriend request sa kanya. Habang hinihintay ang kanyang
pagkonpirma sa aking friend request, chinat ko ang aking pinsan na si Monique.

“Sa Messenger”
Alex: Monique, ganda ng tita mo, ano kaya kung ligawan ko siya, pero natatakot ako, baka
same side kami ng family eh baka kadugo ko rin, hindi naman siguro diba?
Monique: Tanongin ko si lola, pero ano sa tingin mo kung same side kayo?
Alex: Nako, ang laki ng nasayang kapag ganun na same side kami, ganda ganda pa naman
huhuhuhu.

Kinagabihan, naaccept na ako at may chat narin si Monique, sinabi niya na hindi raw
kami magkadugo, laking tuwa ko noong nalaman ko iyon. Pagkalipas ng tatlong araw,
nakuha ko narin ang magchat kay Ayla

“Sa Messenger”
Alex: Hi Ayla! Kilala mo pa ba ko?
Ayla: Oo naman! Kumusta
Alex: Okay lang naman, Ikaw?
Ayla: Ayos lang din naman.
At tuloy-tuloy na ang pag-uusap namin, pero may mga araw na di niya ako pinapansin
kasi may gusto siya sa isang lalaki noon, pero ayos lang saakin sa dahilanang di naman ako
ka gwapohan at di rin naman inaasam ang magka-jowa.

Disyembre 20 na nung muli kaming mag-usap, inaya niya akong lumabas dahil
nagpasama siya sakin upang bumili ng regalo ng kanyang inaanak o para kay Monique.
Nagkita na nga kami sa Capitol.

Alex: Andito nako sa Capitol, san kana?


Ayla: Nandito na ako, kita na kita.

At kami ay namili na ng mga pang-regalo, pagtapos naming namili, ihinatid ko na


siya sa kanilang bahay at umalis rin kaagad dahil may check-up ako noon. At muli kaming
nag usap, tumatawag rin siya noon at naki picture rin ang akin kapatid. Makalipas ang ilang
araw, Pasko na ika-25 na ng Disyembre.

“Sa Messenger”
Ayla: Merry Christmas Alex!
Alex: Merry Christmas din Ayla!

At nag-usap na ng tuloyan, pagtapos ng gabing iyon di nanaman kami nag-usap ng


kaumagahan. Ngunit bigla siyang tumawag ng ika-27 ng Disyembre. Nasa dagat siya noon
kasama ang kanyang mga magulang.

Alex: Bakit ka napatawag?


Ayla: Wala lang, nabored na ako eh, wala akong magawa sa buhay, nagvivideo-oke naman
sila doon.
Alex: Bakit asan kaba? Gusto mo labas tayo?
Ayla: Baliw, wala ako sa bahay ngayon, nasa dagat ako.
Alex: Ah, ingat.

Tuloy-tuloy na ang pag-uusap naming, kaumagahan wala nanaman kaming


komunikasyong dalawa. Ngunit okay lang saakin iyon. At dumating na nga at nagbagong
taon na. Nagchat ako sa kanya at eto ang usapan namin
Alex: Hi, Happy New Year, kamusta kana?
Ayla: Happy New Year, Okay lang naman din ako.
Alex: Ah, sigeh ingat Happy New Year ulit.
Ayla: /*seen

Oh, diba ang lamig at sineen lng ako, at tuluyan na nga akong nawalan ng pag-asa na
magiging kami, oo na oo na, sinabi ko noon na di ko naman inaasam magka jowa, pero
umasa ako ng kunti sa kanya. Balik sa kwento.

Ito nga yung na Covid na ako, ika-21 ng Enero 2022, kaarawan ng akin inay, ako ay
may check-up noon ngunit ako ay nagpositibo sa rapid test. Inuwi ako sa bahay at
nagquarantot este quarantine. Kinagabihan nagchat ako sa tropa ko na si Ritz at binalita ang
mga nangyayari sa buhay ko.

Si Ritz nga pala, kabigan ko na taga San Nicolas, kaclan ko sa Call of Duty noon at
kalaro ko. Balik sa kwento.

Tska ko binalita sa iba pang barkada ko, tapos kay Monique na, diko pa binalita kay
Ayla agad, pero nalaman na pal ani Ayla dahil kay Monique. Noong nagchat na ako kay Ayla
at sinabi ang masamang balita, may sinabi siya.

Alex: Hi Ayla.
Ayla: Alam ko na ang balita, sinabi ni Monique, pero bakit di mo agad sinabi?
Alex: Eh, bihira lang naman tayo mag-usap eh.

At dun nanga nagsimula ang palaging pangungulit ni Ayla sakin, gabi-gabi kapag
kami’y magkausap sa messenger lagi siyang nagkwekwento kung gaano kahirap ang buhay
niya, nanghihingi ng mga payo sakin at ako’y tumutulong naman, kinocomfort ko siya,
dinadamayan at iba pa. Nahuhulog na ulit ako noon kaso, may nakilala ako na babai, taga
Solsona naman ito, linigawan ni ko siya ng mga 2 linggo sa pamamagitan ng chat. At
napasagot ko ito noon Pebrero 2 2022. At si Ayla naman ay nakipagbalikan sa ex niya noon
Pebrero 22 2022, pero di kami natigil sa pag-uusap.
Pero isang araw, nag-open up si Ayla, na di na niya daw kaya, kaya hiniwalayan yung
jowa niya, ako naman na kinocomfort siya noon at tinutulungan. Ngunit makalipas ng mga
araw, nagging malamig na ako kay Ayla dahilanan sa nagseselos ang aking jowa noon.

Naguusap parin kami pero ganito nalang

Ayla: Hi
Alex: /*like

Pero sumasama parin ako kapag sila’y nagayang gumala, at sa pag-gala na iyon,
nakita ni Ayla kung ano talaga si Alex, nakilala niya. Ngunit si nagpakalamig parin ako
sakanya. Dumating na ngaang Abril a kinse (15), nagpunta sa maynila si Ayla, di man lang
nagpaalam sakin na pupunta siya, bumalik ng ika-bente uno (21) ng Abril, at sinabi na niya
ang kanyang nararamdaman sakin pagbalik siya dito sa Laoag.

Ayla: Hi, IG mo dali.


Alex: oh, bakit, eto oh ******, yan
Ayla: Follow back moko dali

“IG nag-uusap”
Ayla: Aamin na ako, nahulog na ako sayo. Alam kong mali kaya lng may jowa kana.
Alex: Aaminin ko, nahulog din ako sayo, di ako umamin dahil alam kong wala akong pag-asa
noon.
Ayla: Sana ay di masira ang ating pagkakaibigan Alex
Alex: Oo naman Ayla,

Dito na nga rin magsimulang magkwento si Ayla ng mga problema niya at patuloy ko
siyang dinadamayan na pa sikreto dahil sa jowa kong selosa.

Pero isang araw may rineto ako kay Ayla, si Ritz, yung tropa ko, tatlong araw lang sila
nag-usap at rineject na ni Ayla si Ritz. Rineto ko rin ang isa kong kaibigan ngunit wala parin.
Paglipas ng mga ilang araw at Hunyo 8 na, bumalik si Ayla sa manila, dito narin ako
magsimulang mapagod sa jowa ko at mga masasakit na salita ng magulang, at panay ang
tawag ko sakanya, umiiyak akong tumatawag sa kanya, patuloy naman akong dinadamayan
kahit sa tawag tawag lang. Hanggang naka uwi na si Ayla sa Laoag.
Pagkatapos ng mga naganap na iyon, eto naman na ako, iyak ng iyak, kapit ng kapit
kay Ayla. Halos gabi-gabi na ata akong umiiyak sa harapan niya, tinatawagan ko siya, at bigla
nalang iiyak dahil sa kahigpitan ng aking girlfriend noon na si Phat. Palagi siyang nasa tabi
ko, di niya ako kinalimutan at siya ang tuluyang kong naging sandalang da mundong napaka
saklam.

Paglipas ng mga araw, Pasukan na, ika-22 na ng Agusto. Humirap ng humirap ang
aking buhay dahilanan sa daming Gawain sa eskuwela tas dami pang utos sa bahay, tsk ana
rin ung jowa ko na palaging gusto sakanya atensyon ko. Mag-iisang bwan na siyang ganun, at
dumating na ang oras, Setyembre 25

“Messenger”
Alex: Ayaw ko na, di mo nan ga ako pinag rereview eh, palaging nangungulit.
Phat (ex ni alex): Nakaka gawa ka naman ng proyekto pagnaka call tayo dba?
Alex: Di ko nga kaya! Itigil na natin to. /* clear nickname, mute, block, unfriend.

Naapektuhan ang aking pag-aaral at iniwan ko siya. Nasaktan ako noong iniwan ko
ngunit ina alala ko ang aking mga pangarap.(Song: Kund Di’ rin Lng Ikaw)

Ngunit mabilis lang akong nakalimot dahil sa tulong ni Ayla, sinuportahan niya ako,
binangon niya ako sa pagkakadapa ko. Sa pagtulong niya, unti-unti akong nahulog muli sa
kanya at napag-isipang umamin sa kanya at ligawan.

Lumipas ang mga araw, tuloy tuloy ang aming pag-uusap. At isang gabi, Oktobre
2022, umamin na ako ng tuloyan.

Alex: Ayla, may sasabihin ako, nagkakagusto ako sa isang babae, ngunit parang Maganda
siya masiyado para sa akin.
Ayla: Si Beah ba tinutukoy mo?

Si Beah, barkda ni Ayla. Siya ang palaging takbuhan niya noong wala pa ako. Tuloy
ang kwento.

Alex: Hindi, hulaan mo kaya, sa tingin ko mahuhulaan mo kung kilala mo sarili mo.
Ayla: So sinasabi mo na ako ang iyong gusto?
Alex: Ewan, maka tulog nanga, gabi na.
Ayla: T*angina naman to, dipa sinabi, huwag na kasing pakipot, ginawa mona rin akong
manghuhula oh!
Alex: Oo nga, gusto kita, kung pwede ligawan na kita
Ayla: Oo na oo na, dati pa naman na gusto kong ligawan moko.

(Song: O pag-ibig) Nagsimula na ang panliligaw ko kay Ayla, lumaabas kami tuwing
Linggo upang magsimba, ang diyos ang ginawa naming sentro ng amin relasyon, pumupunta
kami kumakain sa labas pagtapos ng misa. Makalipas ang mga araw eto na ang pinaka
hihintay natin, ang pag sagot ni Ayla sa akin.

Ayla: Ano kaya ang magandang araw ng anibersaryo natin?


Alex: Aba malay ko, basta maghihintay ako hanggang sa huli.
Ayla: What if omu-oo na ako ngayon?
Alex: Dapat siguradong ready kana.
Ayla: Tanungin moko ulit, sabihin ko “Will you be my girlfriend?”, ganun.
Alex: Sigeh ba, Ayla Nathalie Villanueva, Will you be my girlfriend?
Ayla: Edi December 10 na 1st monthsarry natin?
Alex: So oo? So meaning bato eh tayo na?
Ayla: Opo, Mr. Floress, Opisyal na tayo!

Subrang tawa ko noon, dahil sa di inaasahan, ang babaeng tinulungan ko sa mga


problema niya, at tinulungan ako sa mga problema ko, makaka piling ko na sawakas.

At dito na nagtatapos ang kwento namin ni Ayla Nathalie Floress

You might also like