You are on page 1of 3

Huling Sandali

Isang maganda at mapayapang umaga ang gumising sa diwa ni Athena ngunit


napalitan ito ng lungkot ng natuklasan niyang wala na naman siyang mensaheng
natanggap galing sa kanyang kasintahan.Mahirap ang kanilang relasyon dahil ang
kanyang kasintahang sundalo ay kasalukuyang nadestino sa isang lugar sa Mindanao.
Nagtaka siya kung bakit dalawang araw na ay wala pa rin siyang natatangap na
mensahe mula dito. Pagbaba niya ay saktong nasalabong niya ang nakakatanda
niyang kapatid na nagmamadali at tila may pupuntahan dahil sa maleta nitong
dala.Nagkatinginan lamang silang dalawa at hindi na nagawa pang mag tanong ni
Athena dahil dali-daling umalis si Alexa.Sanay naman siyang makitang umaalis ang
kapatid at mawawala ng ilang araw kaya hindi na bago ito sa kanya.

Ang init ng araw ay magbigay ng matinding sakit sa ulo ni Nico habang


pinipilit niyang buksan ang kanyang mga mata sa mga oras na yun. Natapos na ang
mahabang gabi ng digmaang tila walang katapusan na umubos sa halos kalahati ng
kanyang grupo. Nilibot niya ang kanyang mga mata at nanglumo siya sa kanyang
nasaksihan. Halos natabunan na ng daan-daanang bangkay ang lupang kanyang
kinaroruonan. Ang amoy ng malansang mga bangkay ay umalingasaw na tila
nabubulok na. Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa mga oras na iyon at ang
tanging nasa isip lang niya ay ang isang babae, na alam niyang patuloy na
naghihintay sa kanya at umaasang buhay siyang sasalubungin nito.Ang tanging
babae na minahal niya sa buong buhay niya. Tumulo ang luha sa kanyang mga mata
na nahaluan na ng dugo sa kanyang mukha. Pinilit niyang tumayo ngunit hindi niya
maramdaman ang kanyang mga paa. Tila may isang mabigat na bagay na
nakapatong ditp dahilan na hindi niya ito maigalaw. Pilitin niya mang gawin ang
lahat ay wala siyang magawa hanggang sa naubos ang kantang lakas at hanggang sa
nawalaan na ito ng malay.

Lumipas ang halos isang buwan ay wala ng narinig na balita si Athena kay
Nico. Hindi niya alam kung ano na ang nangyari sa kasintahan niya at labis na ang
kanyang pag-aalala dito. Sa halos dalawang taon nila ay parati nalamang itong
nangyayari sa kanya. Palagi na lamang siyang nag-aalala at naghihintay. Ngunit dahil
mahal niya si Nico ay tinitiis niya ito dahil suportado niya ito sa pagsusundalo.
Katulad ng hindi pagpaparamdam ni Nico, ay wala na rin siyang balita sa ate niya.
Dahil wala siyang magawa sa oras na iyon ay naisipan niyang maglibot-libot sa bahay
at dahil na rin sa kuryusidad ay natagpuan na lamang niya ang sarili na nasa loob ng
kwarto ng kanyang ate. Ito ang unang beses na nakapasok siya dito at namangha siya
sa pagiging malinis at organisado ng kanyang kapatid. Nilibot niya ang kanyang mata
sa paligid ng silid na iyon at nahagip nito ang isang pulang kahon sa ibabaw ng mesa.
Ilang saglit ang lumipas pagkatapos madiskubre ang laman ng kahon ay tila naubos
ang kanyang lakas. Dito natagpuan niya ang lihim ng kanyang kapatid at sa hindi
inaasahan, natagpuan niya dito ang mga larawan ni Nico, kayakap ang kanyang
kapatid na may mga ngiti sa kanilang mga labi. Pakiramdam niya at tinraydor siya ng
mundo dahil sa natuklasan. Mababakas sa mga larawan na nagmamahalan ang
dalawa bago palamang siya nakilala ni Nico. Gusto niyang marinig ang katotohanan
ngunit wala ni isa sa dalawang tao na yun ang kanyang malapitan upang makahingi
ng ekplinasyong kailangan niya sa mga oras na iyon. Ang tanging nagawa niya lamang
ay lumuha at sarilihin ang sakit na nararamdaman niya.

"Ma'am bakit po hindi kayo nag-asawa? Diba lagi niyo pong sinasabi sa harap
ng klase na masarap magmahal? "Napangiti si Athena sa inosenteng tanong ng
kanyang estudyante. Lumipas ang tatlongput-limang taon pagkatapos niyang
natuklasan ang isang lihim na nagpabago sa buhay niya ay ito na ang kanyang naging
buhay. Kasalukuyan na siyang isang guro ngunit nag-iisa sa buhay. Maputi na ang
kanyang mga buhok at kupas na rin ang angking ganda niya noon dahil sa mga guhit
sa kanyang noo at mukha. Hindi na bumalik ang kanyang kapatid ganon na rin si
Nico. "Kahit hindi ako nag-asawa ay nagmahal parin naman ko. Minsan sa buhay,
hindi natin nakukuha ang mga bagay na gusto natin kahit gaano man natin ito
mahalin. Kaya sa imbes na kalimutan ito at palitan, pinili ko parin itong mahalin
kahit walang kasiguraduhan kung babalik ba siya o kung nakalimutan na talaga niya
ako ng tuluyan. At yun ang masasabi kong tunay na pagmamahal. Hindi nag hihintay
ng kapalit. Masakit man, pero dahil mahal mo kinakaya mo na lang." Ito ang mga
huling kataga ni Athena sa harap ng kanyang klase at tuluyan na itong nagpaalam sa
kanila. Ito na ang huling araw nito sa paaralan dahil magreretiro na siya pagkatapos
na napakahabang panahon. Alam niyang masyado ng huli ngunit susubukan parin
niyang hanapin sila upang masagot lamang ang mga katanungan sa isip at puso niya.
Pagkalipas ng mahabang byahe ay nakarating sa si Athena sa isang bayan sa
Mindanao. Pagkatapos ng ilang pagtatanong ay natagpuan na niya ang dalawang tao
na dahilan ng lahat. Kitang-kita ng dalawang mata niya kung gaano kasaya ang
dalawa sa kabila ng kalagayan nila. Si Nico ay nakaupo sa isang wheel chair habang
tulak-tulak ito ni Alexa. Parehong may mga edad na ngunit ang mga mukha nila ay
maaliwas dahil punong-puno ng pagmamahal. Napagtanto ni Athena na sa huli, hindi
siya ang pinili nito. Ang tanging babae na minahal lamang ni Nico ay walang iba
kundi sa Alexa. Masakit man ay kailangan niyang tanggapin ang katotohanang
ginamit lamang siya ni Nico upang muling mapalapit sa kapatid nito dahil hindi nito
tanggap ang pagiwan sa kanya ni Alexa.Naging malinaw kay Athena ang lahat. Sapat
na ang kanyang mga nakita at hindi na kailangan pa ng eksplinasyon galing sa
dalawa. Napagtanto niya na kahit gaano pa siya katapang na tanggapin ang hamon
ng pag-ibig at makipaglaban sa digmaang hindi sigurado ay siya parin ang talo sa huli.
Kahit siya ang nandyan sa tabi ni Nico noong mga panahong pinagpapatuloy nito ang
kanyang pangarap ay si Alexa pa rin pala ang nasa isip nito. Siya man ang nandyan
upang magmahal at sumuporta, maghintay at masaktan, ay sa huli siya pa rin pala
ang mag-iisa sa huli. Si Alexa ang nakaraan, kasalukuyan at kinabukan ni Nico at siya
ay isang maliit lamang na parte ng buhay nito.Mabigat man ang kanyang
pakiramdam ay pinilit niyang humakbang palayo at tanggapin tapos na ang lahat
para sa kanya. Sa huling sandali ng kanyang buhay ay pinli niyang maging masaya,
para sa lalaking minahal niya kahit iniwan siya nitong nag-iisa.

You might also like