Professional Documents
Culture Documents
Nang magsimulang rumepike ang batingaw upang ihudyat ang simbang gabi at
nagising na nagmamaktol, dahil sa mga ingay at pagmamadali, ang mga ibig pang
humimbing sa halip na dumalo sa pagdiriwang at seremonya, maingat na maingat na
pumanaog ng bahay si Basilio. Dalawa o tatlong beses siyang nagpabalik-balik sa ilang
kalye. At nang matiyak niyang walang sinumang sumusunod o nagmamatiyag, tinahak
niya ang di-gaanong dinaraanang landas patungo sa matandang gubat ng mga Ibarra
na naging pagmamay-ari ni Kapitan Tiago nang kumpiskahin at ipagbili. Sapagkat
napataon ang pasko sa pagliit ng buwan, naghahari ang ganap na kadiliman.
Makalipas ang kalahating oras, sumapit siya sa isang batis. May nakatindig na
tila punso sa kabilang pampang nito, isang maitim at walang hugis na bunton. Huminto
si Basilio sa harap ng bunton ng bato. Nagtanggal ng sombrero at waring nanalangin.
Doon nakalibing ang kaniyang ina, at ang lingid at walang panandang puntod na iyon
ang una niyang dinadalaw tuwing umuuwi siya sa bayan. Sapagkat kailangan niyang
dalawin ang mag-anak ni Kabesang Tales kinabukasan, sinamantala niya ang gabi
upang tupadin ang tungkulin. Naupo siya sa isang bato at waring nagmuni. Tumambad
sa harap niya ang kanyang nakalipas na mistulang mahabang lasong itim, malarosas sa
simula, malamlam paglaon, may bahid ng dugo, naging itim pagkatapos, itim, abuhin at
luminaw, unti-unting luminaw. Hindi niya matanaw ang dulo nito, natatanbingan ng
ulap na kababanagan ng liwanag at bukang-liwayway.
May labingtatlong taon na sa araw na ito, sa oras na ito, nang mamatay ang
kaniyang ina sa gitna ng napakatinding pagdaralita isang maringal na gabing
maningning ang buwan at nagsisipagsaya ang lahat ng Kristiyano sa buong daigdig.
Sugatan at iika-ika, narating niya ang pook na ito sa paghabol sa kaniyang ina. Dito ito
namatay. May dumating na lalaking hindi niya kilala, nag-utos sa kaniyang magtalaksan
ng mga panggatong. Wala sa loob na sumunod siya, at nang magbalik siya, natagpuan
niya ang isa pang di-kakilalang lalaki na nasa tabi ng bangakay na nauna. Isang
pambihirang gabi at umaga iyon! Tinulungan siya ng di-kakilalang lalaki sa pagpaparikit
ng apoy na pinagsunugan nila ng bangkay ng di-kakilalang lalaki na namatay, humukay
siya ng pinaglibingan ng kaniyang ina, at matapos na abutan siya ng ilang salapi,
inutusan siya nitong tumakas.
Noon lamang niya nakita ang lalaking iyon: matangkas, mapula ang mata,
mapula ang labi, matangos ang ilong... Ulilang lubos, walang mga magulang at kapati,
nilisan niya ang bayang iyon na pinamumunuan ng mga taong tumigib ng takot sa
kaniya at nagtungo siya sa Maynila upang magpaalila sa bahay ng ilang mayaman at
upang kaalinsabay nito'y makapag-aral gaya ng ginagawa ng karamihan. Hindi alintana
ang gutom, naging isang pakikipagsapalaran sa puyat at sindak ang kaniyang
paglalakbay. Ipinantawid gutom niya ang mga bungangkahoy sa mga kakahuyang
madalas niyang pasukin tuwing makatatanaw sa malayo ng uniporme ng Guwardiya
Sibil, unipormeng nagpapagunita sa kanya ng lahat ng sanhi ng kaniyang kasawian.
Gayunman, bagaman walang gaanong nauunawaan, isinaulo niya ang mga aralin
nang walang kinaliligtaan kahit isang kuwit. Sa wakas, natanggap din niyang sa may
tatlo o apat na mag-aaral sa klase aapatnapu ang nagagawaran ng karangalang
matanong dahil sa kanilang ayos, dahil sa ilang ginawang kabulastugan, dahil
nakakalugdan, o dahil sa kung anupaman aya nakaakit sila ng pansin ng guro. Bagay
itong ikinagagalak ng nakararami pagkat nakakaiwas silang mag-isip at umunawa.
Ang totoo pa, nasisiyahan ito sa kahit ano na lamang. Sa panahong iyon,
nakapagsasapatos na si Basilio. Nakapagsusuot na rin siya ng mga damit na malinis at
plantsado. Sapagkat napansin ng kaniyang guro na hindi siya gaanong tumatawa sa
mga biro at namasdan nito sa kaniyang mga matang malungkot sa malaki ang walang
hanggang pagtatanong, ipinagpalagay nitong isa siyang kulang-kulang at tinangka itong
patunayan isang araw sa pamamagitan ng pagtatanong sa kaniya tungkol sa aralin.
Binigkas ito ni Basilio mula puno hangganv dulo ng hindi nabulol sa kahit isang f.
Binansagan siyang loro ng guro, at nagsalaysay ito ng kwentong lubos na
nakapagpahalakhak sa buong klase at upang tindihan pa ang halakhakan at upang
patunayan ang ibinansag, tinanong pa siya ng tinanong ng gurong kikindat-kindat pa sa
mga paboritong waring sinasabing " Tingnan niyo kung paabong maaaliw tayo".
Marunong na noon ng kastila sa Basilio, at tumugon siya ng may hayag na hangaring
hindi magpahalakhak sa kahit sino.
Bagay itong ikinasuya ng lahat. Hindi dumating ang kasiyahang inaasahan nila.
Walang sinumang natawa at hindi siya napatawad ng butihing fraile sa pagbigo niya sa
pag-asa ng buong klase at sa pagbaligtad niya sa mga hula nito. Ngunit sino nga ba
naman ang mag-aakalang may lalabas na matino sa hindi nasusuklay na ulo ng Indio?
Ni hindj maayos ang sapatos nito, at kanina lamang ay inuring ibong hindi makalipad!
At kung paanong sadyang hinahangad at ipinagdiriwang ng mga propesor ang ganitong
pagkatuto ng mga mag-aaral sa ibang sentro ng pagtuturo, dito sa mga kolehiyong
pinatatakbo ng mga taong naniniwal ang karamihan na masama ang matuto, kahit man
lamang sa mga mag-aaral, nagbunga ng masama ang kaso ni Basilio at hindi na siya
tinawag pang muli sa nalalabing araw ng taon. Bakit siya tatawagin kung hindi rin
lamang makapagpapatawa?
Lahat ng taglay niyo, pati kapintasan ay pawang hiram. Ibig ninyong maging
parang Espanyol at hindi na kayo nahiya kung ito ay ipagkait sa inyo. At kung sakaling
ipagkaloob sa inyo, ano ang inyong mapapala? Bayan ng pag-aalsa?, bayan ng digmaan
ng magkakababayan tulad ng ilang Republika sa Timog Amerika! Ano ang hangad ninyo
sa pagtuturo ng wikang Espanyol? Dagdagan pa ng isa pang wika ang mahigit sa
apatnapu't kung ilan pang wikang ginagamit sa kapuluan upang lalo kayong hindi
maintindihan?" " Hindi po! Maaaring sa pagkatuto ng wikang Espanyol ay malapit tayo
sa pamahalaan. Maaari rin pong dahilan ng paglalapit-lapit ng ating mga pulo" wika ni
Basilio. " Kailanman ay hindi magiging wikang panlahat ng mga Pilipino ang wikang
Espanyol salagkat ang laman ng kaniyanv isip at tibukin ng kaniyang puso ay walang
katimbang sa wikang iyan. Kayo, na iilang gagamit ng wikang Espanyol, ano ang
gagawin ninyo? Patayin ang sarili ninyong katangian, ipailalim ang inyong pag-iisip sa
pag-iisip ng iba upang tuluyan ng maging tunay ba alipin? Siyam sa sampung matuto
ng wikang iyan ay tuluyan ng magpapabaya sa kaniyang sariling wika na hindi niya
maisulat ni mawatasan. Ilan na ang nagkukunwaring hindi maalam sa sariling wika?
Pasalamat kayo at nagkaroon kayo ng pamahalaang mulala. Samantalang ipinipilit ng
ibang mananakop ang kanilang wika sa kanilang nasasakupan, ang inyong pamahalaan
naman ay tumatangging ipagamit sa inyo ang wikang Espanyol. Kayo naman ang
nagpipilit na talikdan ang wikang katutubo na isa sa mga katangian ng pagkabansa.
Bawat bansa ay may sariling wika. Habang may sariling wika ang isang bayan ay taglay
niya ang kalayaan.
Ang wika ay pag-iisip ng bayan." Sinabi ni Simoun na ikinaligalig niya ang kilusan
ng kabataan sapagkat ito ay labab sa tinubuang lupa. Ibig na ibig niyang lipulin ang
kabataang tulad nina Isagani at Makaraig. Ito ang dahilan kung bakit di niya pinatay si
Basilio---ang binata sapagkat aakit sa kabataan na makiisa sa mga balakin ni Simoun
laban sa pamahalaan. "Kailangan ko ang tulong mo. Alam mo kung sino ako, ang mga
hirap na aking tiniis. Ibig kong tulungan mo akong kalabanin ang hangarin at ugaling
maka-Espanyol ng kabataan.
“Alam kong malihim ka kaya di ko ipagbibilin pa na itago mo ang aking lihim. Isa
pa'y kung magsusuplong ka ay di ka paniniwalaan. Gayon man sa araw na magbago ka
ng isip, hanapin mo ako sa aking tinutulungan sa Escolta. Paglilingkuran kita nang
buong kasiyahan.
Sa mga medyo may edad na, ang Pasko ay pagdalaw o pagdadala ng handog sa
kamag-anakan. Nakita ni Tandang Seko ang pagdaan ng kaniyang mga kaibigan. Naisip
niyang wala man lamang siyang pang-aginaldo ngayon. Ang apo niyang si Huli ay
nakaalis nang wala man lang siyang naibigay. Ni hindi rin siya binati ng "Maligayang
Pasko" ni Huli. Dumating ang kaniyang mga kamag-anak na dala-dala ang kanilang
mga anak. Sinalubong sila ni Tandang Selo ngunit nagulumihan ito nang hindi
makapagsalita. Sinikap niyang bumati ngunit walang tinig na pumulas sa kaniyang mga
labi. "Napipi siya! Napipi na!" ang sigawan ng nagkakagulong panauhin ni Tandang
Selo.