You are on page 1of 10

THY LOVE

Ang Iyong Pag-Ibig: Ang Unang Pagtatagpo


Ni: Mia Alfonso (Binibining Mia)

Mia Alfonso (Binibining Mia)


“Isang babaeng mahilig magsulat. Isang babaeng na gusto ang mga libro kaysa
mga lalaki. Ang babaeng mula sa ika-19 siglo ng Pilipinas”.

Ganyan ilarawan ni Mia Alfonso ang kanyang sarili. Si Mia Alfonso o mas kilalang
Binibining Mia sa “Wattpad” isang aplikasyon na nag-uugnay sa isang
pandaigdigang komunidad ng milyun-milyong mambabasa sa pamamagitan ng
kapangyarihan ng kwento.
Siya ay nagsimulang magsulat sa kanyang kuwaderno noong siya’y elementarya
at sekondarya hanggan sa kanyang matuklasan ang “wattpad”. Isinulat niyang
ang kanyang unang kuwento sa edad na labing-anim (16). Ang pamagat ng
kanyang unang kuwento ay “My Best Friends’s Boyfriend,” na nasa ilalim ng
kategoryang teen fiction sa wattpad. Bagama’t kalaunan ay tinanggal niya ang
kuwento dahil sa tingin niya ay cliché ito, ginamit niya ang karanasang ito upang
simulant ang kanyang karera sa online na pagsusulat.
Si Mia Alfonso ay nabigyan na din ng mga pagkilala at mga parangal sa kanyang
mga kuwento, siya ay itinanghal na Best Selling Author ng ABS-CBN Books
noong 2018-2019, Game Changer Award ng ABS-CBN Books noong 2019,
kinilala din bilang isang Bestselller in Philippine Publication Fiction of National
Bookstore ang kanyang akdang, I Love You Since, 1892. Watty 2020 Winner in
Young Adult Category ang kanyang akdang A Kidnapper’s Mistake. Ang kanyang
akdang Bride of Alfonso at Lo Siento, Te Amo ay kinilala ring bilang Wattys 2021
winner in Historical Fiction Category.
Sa kanyang paniniwala at pagkabighani sa totoong buhay na mga kuwento, mito,
alamat, at pangkalahatang kasaysayan. Naniniwala siya na ang isang mahusay
na manunulat ay isang malawak na mambabasa.

BUOD
Si Celestina Cervantes ay isang binibini na may kapansanan sa pagsasalita.
Nagmula siya sa isang maimpluwensiyang pamilya sapagkat isang
gobernadorcillo ang kanyang ama. Ngunit nang yumao ito ay kinailangan niyang
manilbihan upang mabuhay at bayaran ang utang ng kanyang ama na lingid sa
kanyang kaalaman ay kabi-Kabila ang utang pala. Sa paninilbihan niya bilang
alipin ay muling magtatagpo ang landas nila ni martin buenavista, ang binatang
nakatakda sanang ikasal sa kaniya noon. Ngunit ang pagpanaw ng kanyang ama
ay naging hudyat din ng pagwawakas ng kasunduan nila. Ano nga bang magiging
papel ni Martin sa buhay ni celestina gayong may ibang babae na itong iniibig?
siya na nga kaya ang sasalba sa dalaga mula sa lahat a pasakit na dinanas nito?
Manila, 1890
Hindi maitatangi na napakaganda nga ni Celestina. Marami ang nagtataka kung
bakit hindi ito lumalabas ng tahanan noon sa katunayang may hitsura naman pala
itong maipagmamalaki. Halos karamihan din sa mga tinder at tinder ay sanay na
sa tuwing magtatakip-silim ay namamalengke roon ang dating kilalang anak
mayaman.
Mag-aagaw dilim na. Nagmamadali na si Celestina na makompleto ang mga
sangkap na kailangan niya. Siguradong sisigawan at mapapagalitan siya ni
Maestra Villareal kapag naabutan siya nitong hindi pa nakakaluto ng hapunan.
Ngunit bago niya pa mailagay ang kanyang mga naipamili sa bayong na hawak ay
bigla siyang natumba dahil sa malakas na pwersa na tumabig sakanya.
Nabitawan niya ang bayong na hawak at kumalat ang laman nito.
Samantala, habang pinagmamasdan niyang tumatakbong palayo ang binatang
naka bungo sakaniya, siya’y naiwang tulala at hindi makapaniwala sa nangyari.
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay hindi niya akalain na muli niyang makikita
ang binatanag halos sampung taon niyang lihim na hinangaan at minahal. Ang
binate sa pagsapit ng alas-sais ng hapon ay halos araw-araw niyang inaabangan
at ipinagmamasdan mula sa bintan ng kanyang silid sahil palagi itong dumadaan
sa kalye na nasa tapat ng kanilang mansion pagkagaling sa paaralan na malapit
sa kanilang bayan.
Sa huling pagkakataon, kasabay ng tuluyang paglubog ng araw, naroon si
Celestina sa gitna ng maingay at mataong palengke. Ngunit sa kabila ng sigla at
ingay sa buong paligid tanging siya lang ang na-iisang tao roon na tahimik at
tulala habang pinagmamashadan ang binate na tumatakbo papalayo. Napapikit
na lamang siya at muling napabulong sa kaniyang puso.
Hanggan ngayon, ang tanging magagawa ko lang ay ang panoorin ang muli mong
patakbo papalayo saakin. Ngunit kahit ganoon, masaya akong makita ka muli….

Papasikat na ang araw, mula sa malayo ay maririnig na ang sunod-sunod na


pagtilaok ng mga tandang. Naalimpungatan ang isang lalaki na nasa edad
tatlumpu pataas. Nagising siya dahil sa hamog na tumatagos sa maliit at masikip
na bahay-kubo na kaniyang tinitirhan. Wala na ang lahat sa kaniya ngayon,
namumuhay na lang siya bilang isang ordinaryong mamamayan na gumagawa ng
palayok.
Nakatayo sa gitna ng talahiban ang kanyang maliit na barong-barong. Walang
kapitbahay, malayo sa kabihasnan. Napatingin siya sa kandilang upos na,
namomonlema kung saan niya kukunin ang pambili ng bago na kaya niyang
patagalin ng tatlong gabi.
Dahan-dahan siyang bumagon sa maliit na papag na sinapinan ng sira at gutay-
gutay na banig. Ibinalot na lang niya sa kaniyang sarili ang manipis at butas-butas
na kumot saka naglakad patungo sa naliit na mesa kung saan wala ng bigas o
pagkain man lang.
Napangia na lang siya ng malalim saka lumabas ng bahay, wala siyang panyapak
sap aa. Bagama’t malamig ang lupa, matagal na rin siyang nasanay na maglakad
kahit walang sapin sa paa. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggan sa marating
niya ang isang silya sa gitna ng talahiban.
Tuwing wala siyang ginagwa ay nauupo lang siya sa lugar na iyon. At ngayong
umaga a pinili niyang maupo ulit doon. Marupok na ang maliit na silya, anumang
oras ay maari na itong bumigay ngunit hindi na niya iyon alintana.
Yumuko siya saka naghukay ng mababaw sa tapat ng kinatatayuang ng silya.
Nang mahukay na niya iyon ay nakita niya ang isang maliit na baul. Hinila niya ito
pataas saka ipinatong sa kaniyang hita kahit pa nababalot ito ng lupa.
Dahan-dahan niyang binuksan ang baul, halo-halo ang emosyong kaniyang
nararamdamn habang nakatitig sa laman niyon. Napangiti na lang siya sa sarili
nang hindi namamalayan na unti-unti nang dumadaloy ang luha mula sa kaniyang
mata habang pinagmamasdan ang luman talaarawan.
Taong isang libo’t siyam na ran at dalawa na ngunit sariwa parin sa kaniyang
alaala ang nagyaring trahedya kahit pitang taon na ang nakalipas…
Pilipinas, 1895
Sa kabila ng kabi-kabilang pagsabog at pagkasunog ng mga kabahayan at
tindahang pag-aari ng pamilya Espinoza.Tahimik na nakatanaw sa madam
Villareal sa tapat ng bintana habang nakaupo sa kaniyang mataas na upuan.
Ang kaniyang balat ay tila nakalapat na lamang sa kaniyang buto. Patuloy ang
panginginig ng kaniyang kamay kahit pa wala naman na siyang ginagawa. Ang
kaniyang mga mata ay malamim at nangingitim na. “Maestra, nakalikas nah o ang
lath ng inyong mag-aaral. Humayo na ho---“hindi na natapos ng kasambahay nito
ang kaniyang sasabihin dahil dumating si Marisok at tiningan niya ng matalim ang
babae.
Agad namang napayuko ang babae at napatingin sa kutsilyong hawak ni Marisol.
Nanlaki ang kaniyang mata saka kumaripas n takpo pababa ng hadan.” S-sa
laban ng leon, buwaya at ahas… Hindi ko man lang matutunghayan kung sino
ang magwawagi sa huli” wika ni madam Villarea habang nakatalikod ito at
nakaharap sa bintana.
Dhan-dahang naglakad si Marisol papalapit sa matapobreng doǹa na minsan niya
naging maestra at amo. Ang mison initas sa kaniya ay maging espiya sa
eskwelahan ni madam Villareal, alamin ang mga ugnayan ng seǹora at paslangin
ito.
Bago pa man makalapit si Marisol ay narinig niya ang malalim na paghinga ni
madam Villareal anggang sa ipikit nito ang kaniyang mga mata at tuluyan nang
bawian ng buhay. Sandaling pinagmasdan ni Marisol ang matanda, maputlang-
maputla na ang buong mukha at katawan nito. Halos ilang buwan din ang itinagal
bago tuluyang itong lagutan ng hininga mula sa lasong inihahalo niya sa pagkain
at inumin nito.
Ibinulsa ni Marisol ang hawak na kutsiyo, nang makababa siya ng hagdan ay
sandali niyang pinagmasdam ang buong eskwelahan. Kinuha a niya ang isang
kandila na nakasindi sa mesa saka ito inohagis sa kusi kung saan itinambak niya
ang mga oulbulra na nakasilid sa malalaking tapayan.
Samantala, sa gitna ng pamilihan at pagkatupok ng mga kabahayan at tindahan
ay naroroon sina Martin at Celestina, hindi alintana ang nangyayaring gulo sa
paligid. “K-kung dito na magwawakas ang lahat…sasama ako sa iyo” bulong ni
Celestina habang nakayakap ng mahigpit kay Martin na nakatali ang mga kamay
sa likod.
“H-hindi rito magwawakas ang lahat, Tinag. Hindi ito matatapos nang hindi tayo
lumalaban” saad ni Martin, dahan-dahan- naman kumawala si Celestina mula sa
pagkakayakap sa kaniya, hindi na maawat ang pagbagsak ng mga luha sa mga
mata nito…
Mga Tauhan

Martin Buenavista- ang lalaking nagtataglay ng nakakahalinang kagwapuhan,


kakisigan at katalinuhan; isang abogado
Celestina Cervantes- ay isang binibini na may kapansanan sa pagsasalita.
Nagmula siya sa isang maimpluwensiyang pamilya sapagkat isang
gobernadorcillo ang kanyang ama. Ngunit nang yumao ito ay kinailangan niyang
manilbihan upang mabuhay at bayaran ang utang ng kanyang ama na lingid sa
kanyang kaalaman ay kabi-Kabila ang utang pala.
Esteban- ang batang lalaking naging kasangga ni Celestina; ang batang
kangyang itinuturing na kapatid
Timoteo Conception – ay isang doktor at isa sa mga kababata ni Martin sa
Laguna at ang pinakamatalik niyang kaibigan.
Linda- ang maputi, matangkad, bilugan ang mukha, maganda ang mga mata at
matangos na ilong ang asawa ng Timoteo
Tonyo- isa sa kababatan at kaibigan ni Martin at Timoteo
Julian- panganay na anak ni Don Facundo, isang doctor at propesor na
nagtuturo ng medisina sa isang kilalang Unibersidad
Maestra Villareal- ang strikto, disiplinaryong, kinatatakutan at ginagalang na
Maestra; punong Maestra at siyang ay-ari ng buong eskwelahan, ang babaeng
umalipin kay Celestina
Madam Costellanos- ang kilalang may-ari ng bahay-aliwan, kilalang rin may
maraming koneksyon sa mataas na opisyales dahil sa kaniyang negosyo
Loisa Espinoza- ang mestizang anak ng gobernadorcillo ng Laguna, kilala ng
halos lahat ng kababaihan at kalalakihan dahil pambihirang kagandahang
kanyang tinataglay.
Selia- isa sa mga mag-aaral ng Escuela de las Niǹas, anak ng isang Don mula sa
Bulakan.
Don Mateo Cervantes- ang yumaong dating gobernadorcillo, at ama ni Celestina
Don Amadeo Ezpinoza- Ama ni Loisa at and dating alcade mayor at siyang
nangungunang kumakalaban sa pamumuno ni Don Mateo; ang buwayang
tinatawag ng mga taong may galit ssakanya
Don Facundo- ama ni Martin
Don Federico Dela Rosa- ang dating Gobernador Heneral, ang lolo ni Celestina
Doktor Mercado- ang doctor ni Maestra Villareal; ang doctor na hindi alintana
ang pagtangi kay Celestina nang siya’y nangangailangan ng doktor para sa may
sakit na si Esteban
Benjamin Villareal- ang doktor na may pagnanasa kay Celestina
Gilberto Ocampo- ang nakakatandang kapatid ng ina ni Martin. Isa itong oposiyal
na tagapangasiwa noon ng pondo at salapi ng pamahalaan mula sa
nakokolektang buwis sa mga mayayaman
Manang Dominga- ang nag-iisang serbidora at tagapag-silbi noon ni Celestina
Mang Jose- ang panaderong naging mabait kay Celestina
Aling Paz- ang babaeng mananahi
Marisol - espiya sa eskwelahan ni madam Villareal
Adolfo- isa sa mga kaibigan at kababata ni Timoteo at Martin, ang naging espiya
ni Don Amadeo
Diego – kaibigan at kababata ni Martin at Timoteo
Joaquin at Javier – ang kambal na lalaki na buong kapatid ni Martin
Leonora- kapatid ni Loisa
Iba pang mga tauhan na nagbigay bigay buhay sa kwento;
Carlito
Hukom Emiliano
Hukom Desiderio
Don Lorenzo Damian
Don Gonzalo
Don Hugo
Don Agustin
Senor Lauricio
Heneral Garcia
Alberto at LuisotoVergara
Antonio Cruz
Corazon
Esperanza
Tiyo Lucio
Mga babaeng nakasama ni Celestina ng siya’y napunta sa bahay-aliwan
Osana
Miranda
Stella
Criselda
Susana
Segunda
Tagpuan

Manila- lugar kung saan naganap ang kuwento


Laguna- lugar kung saan naganap ang ibang bahagi ng kwento
Dormitoryo- tahanan at paaralan ng mga kababaihang anak ng mayayaman.
Escuela de las Niǹas- ang paaralan na matatagpuan sa loob ng Intramuros
Real Audeincia- ang hukuman kung saan nagaganap ang mga paglilitis
Binondo- ang makulay na pamilihan
Hotel De Oriente- preheistersoyong hotel na matatagpuan sa Plaze Calderon na
malapit sa Binondo

TEMA
Pag-ibig- Ang pag-iibigan Martin at Celestina ang isa sa mga naging tema ng
nobela. Ang pag-iibigan na ipinaglalaban hanggan sa dulo. Maraming klase nang
pag-ibig, madaming depenisyon ngunit ang pag-iibigan hindi lumalabas sa bibig
ngunit nararamdaman sa pagtitig ang siyag pag-ibig na ating natunghayan sa
nobelang ito.
Pagkakaibigan- Ang pagkakaibigan ng mga pangunahing tauhan ay isa sa nag
bigay buhay sa nobela, pagkakaibigang walang kapantay, pagkakatotoo sa bawat
isa at ang pagbibigay suporta para sa kapwa.
Pagpapahalaga- pagpapahalag sa mga oras at panahon, mga bagay na dapat
bigyan pansin at pahalagahan sapagkat hindi natin alam ang takbo ng mundong
ating kinabibilangan, ang pag-babago ay hindi natin mamalayan, habang
tumatakbo ang oras, segundo, minuto ang nasasayang sa hindi pagbigay pansin
sa bagay na ating dapat pinahalagahan.
Rosas- Ang kulay pulang rosas na siyang sumisimbolosa wagas nap ag-ibig, ang
rosas na naging saksi sa hindi inaasahang pag-iibigan, bulaklak na may
kakayahang mabuhay o maghanap nang tatagangap upang maipagpatuloy ang
adhikain, ito ang naging tema ng nobela, si Celestina man ay hindi itrinato nang
maayos ng ibang tao, lalong lalo na sa kanyang kapansahan at naging estado sa
buhay, ngunit siya’ nakahanap ng mga taong lubos na magmamahal at tatanggap
sakanya.

SIMBOLISMO
Rosas- ang naging saksi nang hindi inaasahang pagkikita nina Tinang at Tinong
sa kaunaunahang pagkakataong; Simbolo ng naga-aalab napag-ibig
Relos- simisimbolo sa kahalagahan ng oras
Kuwintas na de susi- simisimbo sa katotohan nang pagkatao ni Celestina
Talaarawan- dito isinusulat ni Celesina ang kanynag mga saloobin patungkol sa
kanyang mga nararamdaman
Ang sumisimbolo sa mga makapangyahirang pamilyang may hidwaang di
matapos-tapos
Isang Buwaya na gaano man kalaki at katalim ang mga ngipin ay hindi
magagawang sakupin ang kalupaan;
Isang Ahas na dapat katakutan, hindi naririnig, hindi malalaman na nasa
likod na pala at handa nang manuklaw, makamandag na dadaloy na siyang
papatay sa oras na itong manuklaw; at
Isang Leon ang matagal nang naipabagsak, hindi na kailaman
makapaglaban dahil ito’y naagawan na’t nasa putikan.

MENSAHE
Ang nobelang ito ay naghatid ng maraming mensahe sa bawat mambabasa, ang
pag-iibigan na taos pusong ipinaglaban nang may paninindigan, gamit ang pag-
ibig na lubos na siyang naging susi upang kapayapaa ‘y makamtam. Mga
mensaheng kapupulutan ng aral sa buhay, pag-ibig, at pagkakaibigan.
Minsan sa oras ng suliranin ay mas maigi nang manahimik. Ang mga bagay na
hindi sinasabi ay kusang nararamdaman ng iba. Hindi mo naman kailangan
sabihin saakin ang lahat, nais ko lang naman malaman mo na naiintindihan kita.
Ang linyang ito mula sa nobelang nabasa ay may kaakibat ang mensaheng; hindi
tayo nag-iisa, may mga taong nandyan upang damayan tayo at samahan sa ating
paghihirap na dinaranas. Ang ating kilos ang nagsisilbing linguhawe ng ating
nararamdaman, mga matang puno nang emosyon na nangungusap na kailangan
natin ng masasandalan at maiiyakan. Hindi lamang salita galing sa bibig ang
makakapaglarawan saating pinagdaraanan, katahimikan ma’y ating nagiging
sandalan, laging tatandaan na may taong handing makinig, umintindi at dumamay
satin kapag kailangan.
Sa kabila nang pagpapanggap, ang pusong nagmamahal ay hahanap at hanap
ng paraan upang pagkukulang ay mapunan, ganyan ko nais ilarawan ang
pagiibiagn ni Tinang at Tinong, sa kabila ng taong nagpapangap upang landas
nila’y di magtapo ang pag-ibig na wagas ang dadayo.
Walang mabisang maidudulot ang pag-papanggap, inilalagay lamang natin, ang
ating sarili sa alangin upang mas lalo pang makagawa nang kasalanang ating
pagsisisihan. Sa nobelang ito, ang wagas napag-ibig ang siyang humanap sa
dalawang taong lubos na nagmamahalan, huwag dapat nating maliitiin ang pag-
ibig, ito’y napaka-makapangyarihang salita na binibigkis nang mahigpit ang
dalawang taong nakadarama.
Ang tunay na nagmamahal ay gagawin ang lahat para sa taong kanyang
minamahal at wala sa kaniya ang salitang kapaguran.
Walang salitang “pagod” sa pusong may magandang hangarin. Ang nobelang ito
ay may mensaheng, hindi dapat tayo makaramdam ng pagod sa pagsuyo nang
ating sini-sinta, maaring magpahinga, ngunit huwag susuko at bibitaw.
Tayo ay tulad ng rosas na namatay sa gitna ng hardin ngunit nakahanap ng
paraan upang mabuhay sa ibang lupain.
Sa mundong punong-puno nang pagsubok, mga kaganapang susubok saating
pagkatao, mga pangyayaring ating kahaharapin, mga problemang kailangan ng
lunas ay ang mga kaganapan sa ating buhay na nasisilbing inspirasyon upang
tayo ay umahon na magpatuloy, ang mga tinik nang rosas na siyang nasisilbing
hamon, ay siyang rason upang tayo ay huwag sumuko at humanap ng paraan
upang makapagpatuloy.
Ang pakiramdam ng isang taong nagbintang ngunit babawiin din naman pala.
Ang linyang ito mula sa nobelang nabasa ay nakapamakahulugan lalong lalo na
sistema na meron tayo ngayon, may mga salita tayong binibitawan ngunit wala
tayong sapat na ebidinsya upang pangatawan ito, huwag tayong masasalita o
magbibintang sa ating kapwa, lagging alamin ang mga pangyayari, ang saloobin
nang bawat partido upang lubos maunawaan ang sitwasyon, sapagkat hindi natin
alam na maari nating mailagay sa hindi kanais-nais na sistwasyon ang ating sarili
dahil lamang sa ating salitang binibitawan.

ARAL
Kung minsan, habang patuloy ang isang tao sa pagtingala sa tuktok ng bundok,
kaniyang nakakaligtaan na ang kaniyang mga paa ay nakatapak pa rin sa lupa.
Hindi ibig sabihin na nasa itaas ka ngayon ay habambuhay kang mananatili sa
tuktok, dahil darating din ang pnahon na kahit mga dahoon na nasa pinakatuktok
ng mataas na puno ay nahuhulog at bumabagsak muli sa lupa.
Ito ang paalala na kahit tayo man ay may maganda nang buhay, manatili dapat
tayong makapagkumbaba, matutoong lumingon sa pinaggalingan, hindi
masamang tumingala sa mga bagay na nais natin abutin, basta marunong din
tayong magbalik tanaw sa ating pinagdaan. Ang buhay ay walang kasiguraduhan,
maging mapagkumbaba at maging maintindihin sa sistwasyon ng mga taong
nakapaligid satin.
Hindi maitutuwid ang bulok na sistema ng hustisya hangga’t walang taong
nagsisimulang magbago at tumuwid nito.
Matutoo tayong ipaglaban ang ating karapatan, simulant nating ang pagbabago,
bigyan ng boses ang bawat hinaing upang ating matuguhan. Matutuong kumilatis
at huwag magpapadala sa kanilang kapangyarihan, hindi katahimikan ang lulutas
sa problemang ating kinahaharap.
Hindi kailangan ng pera para maging masaya.
Maaring mabibili nang pera ang lahat ng mahahaling bagay sa mundong ito,
ngunit ang kasiyahan at kalisan ng puso ang siyang tanging bagay na walang
katumbas na salapi.

You might also like