You are on page 1of 6

Ang Tugma, Sukat, At Alindog Sa Tradisyonal Na Panulaang Pilipino

by Alexander Dagrit (Ang Tugma Sukat At Alindog Sa Tradisyonal Na Panulaang Pilipino)

MGA URI NG BIGKAS NG MGA SALITA

Ang mga salitang Pilipino ay may anim na uri ng pagbigkas:

1. Maragsâ – kapag ang salita ay nagtatapos sa patinig, at binibigkas nang mabilis, tuloy-tuloy, at may
impit na mabilis sa dulo. Ang diin ay nasa huling patinig, at ang sagisag o tuldik ng diin ay pakupya (^).

/â/: akdâ , biglâ , digmâ , gawâ , hiyâ , likhâ , kutyâ , ngatâ , pisâ , tugmâ

/ê/: tulê

/î/: balî, daglî, gawî, hapdî, lunggatî, kimî, malî, ngitî, pigî, suhî, tupî

/ô/: bungô , gintô , hapô , kulô , pulô , samyô , tagô , upô , wastô , yukô

2. Malumì – kapag ang salita ay nagtatapos sa patinig, at binibigkas nang dahan-dahan, may saglit na
paghaba o pagtaas ng patinig sa ikalawa sa huling pantig (penultima) nito, at may impit na banayad sa
dulo. Ang diin ay nasa huling patinig, at ang sagisag ng diin ay paiwa (`).

/à/: binatà , diwà , galà , hinà , kalingà , lupà , malayà , pinsalà

/è/: nenè, tiyanggè

/ì/: amukì, busisì, dalirì, gusì, harì, kawalì, lipì, munì, ngingì, susì, tiyanì

/ò/: alò , birò , dapò , guhò , hangò , kurò , ligò , pugò , siphayò , tibò

3. Mabilís – kapag ang salita ay nagtatapos sa patinig o katinig, at binibigkas nang tuloy-tuloy, walang
saglit na paghaba o pagtaas ng patinig sa penultima nito, at walang impit sa dulo. Ang diin ay nasa huling
patinig, at ang sagisag ng diin ay pahilis (′).

/á/: amá , buká , dalá , gandá , hiningá , iná , limá , masayá , nilá , puntá

/é/: ataké, baldé, ditsé, gulpé, helé, kapé, plaké, sisté, tangké

/í/: aní, bilí, dumí, gabí, kamí, liksí, marumí, nirí, putaktí, tutubí, wilí

/ó/: anó , butó , damó , guló , hiló , kayó , litó , noó , pitsó , sikó , tuliró

/b/: dibdíb, habhá b, kintá b, lubló b, marubdó b, subsó b, tigíb

/d/: agá d, bilá d, gadgá d, kidkíd, lingíd, manhíd, sunó d, tagudtó d

/g/: aló g, bibíg, dalá g, kuló g, labá g, pintíg, sahíg, tagtá g, untá g

/k/: aná k, bitá k, dikdík, hibík, kató k, lubá k, puró k, sinó k, tiyá k
/p/: atíp, dahó p, ganá p, hagíp, kisá p, langká p, mailá p, sará p, takíp

/s/: aklá s, bigá s, dahá s, gasgá s, malaká s, puspó s, sintá s, tamís

/t/: aklá t, bigá t, dikít, gupít, kidlá t, lahá t, malagkít, payá t, sibá t, tuyó t

/b/: á lab, dagítab, hílab, kú tab, lú sob, pangá nib, sú kob, talá hib, ú kab

/d/: á nod, bú kid, hinú hod, ká yod, malá pad, pá hid, sú yod, tagú yod

/g/: bísig, dú mog, ká hig, masípag, pag-íbig, sigá sig, tá yog, ulínig

/k/: á lak, bá tak, dá gok, gá wak, ká kak, lú sak, pílak, sú lok, tú tok

/p/: á gap, di-maísip, hagílap, ká lap, língap, panagínip, sinop, ú sap

/s/: á gas, bú hos, dílis, gá pas, hímas, kílos, lítis, pá wis, silá his, tíkas

/t/: á wat, bíngit, dú lot, gá mit, hílot, kuyá pit, lígat, maínit, sú lat, talú lot

4. Malúmay – kapag ang salita ay nagtatapos sa patinig o katinig, at binibigkas nang dahan-dahan, may
saglit na paghaba o pagtaas ng patinig sa penultima nito, at walang impit sa dulo. Ang diin ay nasa patinig
ng penultima, at ang sagisag ng diin ay pahilis (′) din.

/a/: bú nga, gá ya, hiléra, kú ya, lá sa, mú ra, nípa, pá ta, rá ya, tinó la

/e/: á te, babá e, dó te, gá be, héle, kaliwéte, líbre, mó nghe, putá he

/i/: aná ki, dá ti, halígi, ígi, lalá ki, mabú ti, ngísi, rá mi, síbi

/o/: anímo, bú ko, dá yo, gó to, hílo, kú to, líbo, magká no, pú to, tá o

/l/: almusá l, buká l, gató l, halá l, kurá l, lindó l, mahá l, pasyá l, sugá l

/m/: alá m, dilím, gutó m, hirá m, kimkím, lagím, malalím, pahá m

/n/: bunton, doó n, gaá n, hagdá n, kariktá n, laká n, masdá n, panahó n

/ng/: abá ng, bintá ng, gulantá ng, hilíng, kangkó ng, lusó ng, singsíng

/r/: bilyá r, doktó r, kolyá r, lugá r, menó r, padér, talyér, ulsér

/w/: alíw, banlá w, dilá w, galá w, hilá w, kalabá w, litá w, pakyá w, sabá w

/y/: akbá y, bigá y, dighá y, gabá y, hintá y, kamá y, suysó y, tulá y

/l/: á sal, bá kal, dá hil, gígil, hilá hil, kalá kal, lípol, pá tol, sú hol, tá kal

/m/: á sim, bá lam, gú tom, hílom, kú lam, lá gom, maínam, pakímkim

/n/: á kin, bilíhan, dú yan, halá man, kaibígan, likmú an, sú man, tá ngan
/ng/: bílang, dá ing, gíting, híging, kú lang, lú song, magú lang, tá bing

/r/: gá rter, helikó pter, ká nser, líder, má rtir, plá ster, rebó lber, talú rok

/w/: á raw, bú gaw, dú ngaw, gíliw, ká gaw, línaw, sítaw, tá kaw

/y/: á lay, bá gay, dú lang, gíray, há nay, kú lay, lá boy, pá lay, tiná pay

5. Mariin – kapag ang salita ay nagtatapos sa patinig o katinig, at binibigkas nang may-kabigatan
binibigkas sa ikatlo, ikaapat, ikalima, o higit pang pantig mula sa huling pantig. Ang diin ay nasa patinig ng
ikatlo, ikaapat, ikalima, o higit pang pantig, at ang sagisag ng diin ay pahilis (′) din. Maaaring sa patinig ng
huling pantig ay iba na ang diin.

ika-3 mula sa huling pantig: maá arì, ná rito, pá wíkan, Saligá ng-batá s

ika-4 mula sa huling pantig: á buluyá n, épilogó , nanggígitatà , ná pipintô

ika-5 mula sa huling pantig: má pagkamalá n, má pariwarà , nangá ngalumbabà

ika-6 mula sa huling pantig: pá gpapatiwaká l

6. Malaw-aw – kapag ang salita ay binibigkas nang pahakdaw sa huling pantig ng salita, na mistulang
pinaghihiwalay ang ikalawang huling katinig o huling katinig at ang huling patinig sa pamamagitan ng
gitling (-) at hindi ng tuldik.

agay-ay, agaw-aw, alay-ay, aliw-iw, an-an

gab-i, ig-ig, palaman-an

salag-oy, tung-ol

ug-og, uk-ok, ut-ot

TUGMA

Ang tugma ay ang pagkakatulad ng tunog sa dulo ng mga salita na nasa hulihan ng dalawa o higit pang
magkasunod na taludtod. Makikilala ang tunog sa pamamagitan ng pagbigkas ng dulong patinig o ng
dulong katinig ng mga salita.

MGA ANTAS NG TUGMA

May apat na antas ng tugma ang tradisyonal na panulaang Pilipino.

1. Tugmang Karaniwan ang Antas

Ang pinakamatanda at pinakapalasak na antas ng tugma. Ginamit ito ng mga sinaunang Pilipino sa
kanilang mga tula (tanaga, dalit, epiko), at maging sa kanilang mga salawikain, sawikain, kawikaan,
palaisipan, bugtong, at awit.

Namayani rin ito noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol (1565-1898) – sa mga aklat
ng Pasyon at sa mga tula nina Jose dela Cruz, Francisco Balagtas, Jose Rizal, at iba pa.
Magpahanggang ngayon, ito pa rin ang pinakakaraniwang antas ng tugma sa tradisyonal na panulaang
Pilipino.

May dalawang uri ng antas na ito: karaniwang tugmang patinig at karaniwang tugmang katinig.

Sa karaniwang tugmang patinig, ang mga salitang pantugma ay dapat na magkatulad ang mga huling
patinig at ang tunog sa dulo (may impit sa may impit o walang impit sa walang impit).

Sa loob at labas ng bayan kong sawì,

Kaliluha’y siyang nangyayaring harì,

Kagalinga’t bait ay nilulugamî,

Ininis sa hukay ng dusa’t pighatî.

(Francisco Balagtas, Florante at Laura, 1838)

Ang mga salitang pantugmang sawì, harì, nilulugamî, at pighatî ay pare-parehong nagtatapos sa patinig


na i, at pare-parehong may impit ang tunog sa dulo.

Ang salita nati'y huad din sa ibá,

Na may alfabeto at sariling létra,

Na kaya nawala'y dinatnan ng sigwá

Ang lunday sa lawa noong dakong úna.

(Jose Rizal, "Sa Aking Mga Kabata," 1869)

Ang mga salitang pantugmang ibá, letra, sigwá, at úna ay pare-parehong nagtatapos sa patinig na a at


pare-pareho ring walang impit ang tunog sa dulo.

Sa karaniwang tugmang katinig, inuri ni Jose Rizal noong 1887 sa dalawang pangkat ng mga tunog ang
mga katinig: malakas atmahina.

Malakas ang tunog kung ang salita ay nagtatapos sa b, k, d, g, p, s, t. Mahina ang tunog kung ang salita ay
nagtatapos sa katinig na l,m, n, ng, r, w, y.

Noong 1987 nga, nairagdag bilang mga katinig na malakas ang tunog ang c, f, q, v, x, z.

Sa antas na ito, ang mga salitang pantugma ay dapat na magkakatulad ang mga huling patinig (a, e, e-i, i, i-
e, o, o-u, u, u-o) at ang tunog (malakas sa malakas, mahina sa mahina).

Ang laki sa layaw karaniwa’y hubád,

Sa bait sa muni’t sa halot ay salát

Masaklap na bunga ng maling paglingáp,


Habag ng magulang sa irog na anák.

(Francisco Balagtas, Florante at Laura, 1838)

Ang mga salitang pantugmang hubád, salát, paglingáp, at anák ay pare-parehong nagtatapos sa huling


patinig na a at sa mga patinig na d, t, p, at k, ayon sa pagkakasunod, at sa gayo’y malakas ang tunog sa
dulo.

Ang wikang tagalong tulad din sa látin,

Sa ingles, kastila, at salitang ánghel,

Sa pagka ang Poong maalam tumíngin

Ang siyang nagbigay, naggawad sa átin.

(Jose Rizal, "Sa Aking Mga Kabata," 1869)

Ang mga salitang pantugmang látin, ánghel, tumíngin, at átin ay nagtatapos sa mga patinig na i-e, at sa


mga katinig na n, l, n, at n, ayon sa pagkakasunod, at sa gayo’y mahina ang tunog sa dulo.

2. Tugmang Tudlikan ang Antas

Ito ay antas na mas mataas sa tugmang karaniwan. Nagagamit na ito noon pa mang unang panahon,
subalit higit na nabigyan ng pansin nang pumasok ang mga unang dekada ng Siglo 20 (1900-1930).

Sa antas na ito, ang mga salitang pantugma ay hindi lamang dapat na magkakatulad ang mga dulong
patinig, at ang mga tunog sa dulo, kundi maging ang mga bigkas (maragsa sa maragsa, malumi sa malumi,
mabilis sa mabilis, o malumay sa malumay).

Nais kong sa buhay ng ating pag-ása,

Walang makatagpong anino ng dúsa.

(Lope K. Santos, "Pagtatapat," 1926)

Ang mga salitang pantugmang pag-ása at dúsa ay parehong nagtatapos sa patinig na a, parehong walang
impit ang mga tunog sa dulo, at parehong malumay ang bigkas.

3. Tugmang Pantigan ang Antas

Ang antas na ito ay panukala (at sa gayo'y imbensiyon) ng pamosong Virgilio S. Almario. Isinulong niya
ito noong Dekada 1970 dahil nahihirapan ang maraming tradisyonal na makatang Pilipino na magamit sa
kanilang mga tula ang pinakamataas na antas ng tugma (tugmang dalisay ang antas).

Sa antas na ito, ang mga salitang pantugma ay hindi lamang dapat na magkakatulad ang mga tunog sa
dulo at bigkas, kundi maging ang mga dulong patinig-katinig o dulong katinig-patinig.

Sa araw ng aking mahahabang antók,

At di-mapigilang pagputi ng buhók,


Sisilip-silipin sa bintanang gapók,

Ang musmos na araw at sumpang marupók.

(Rio Alma, "Ang Bungi ni Ani," 1984)

Ang mga salitang pantugma na antók, buhók, gapók, at marupók ay pare-parehong malakas ang tunog sa


dulo, pare-parehong mabilis ang bigkas, at pare-parehong nagtatapos sa patinig-katinig na ok.

4. Tugmang Dalisay ang Antas

Ang pinakamataas na antas ng tugma, at ang pinakamahirap gamitin. Isinulong ito ng pamosong makata-
manunulat-at dalubwikang si Iñ igo Ed. Regalado noong Dekada 1950, at siya rin ang naging
pinakamahusay sa paggamit ng antas na ito.

Sa antas na ito, ang mga salitang pantugma ay hindi lamang dapat na magkakatulad ang mga tunog sa
dulo, bigkas, at dulong patinig-katinig o dulong katinig-patinig, kundi maging ang patinig sa penultima ng
mga ito.

Sintang kaibigan: Mangyaring lasáhin

ang katas ng Tulâ;

Suriin mo lamang matapos basáhin

ang dahil at mulâ.

(Iñ igo Ed. Regalado, "Paunang Salita," Damdamin, 1965)

Ang mga salitang pantugmang lasáhin at basáhin ay parehong mahina ang tunog sa dulo, parehong
malumay ang bigkas, parehong nagtatapos sa patinig-katinig na in, at parehong a ang patinig sa
penultima.

Ang mga salitang pantugmang Tulâ at mulâ ay parehong may impit ang tunog sa dulo, parehong maragsa
ang bigkas, parehong nagtatapos sa katinig-patinig na la, at parehong u ang patinig sa penultima.

You might also like