You are on page 1of 10

Kabanata 1: Sa Kubyerta sic itur ad astra Ganito ang landas ng mga Bituin Isang umaga ng Disyembre, dumadaan sa Pasig

ang Bapor Tabo lulan ang mga pasaher o patungong Laguna: - Mabigat, bilog at halos hugis tabo ang bapor na pinagmulan ng pangalan nito, m arusing ang kabila ng pagkukunwaring maputi, ngunit maharlika at kapita-kapitaga n dahil sa kabagalan. Isang tagumpay laban sa kaunlaran- isang bapor na hindi na man ganap na bapor; isang organismong hindi nagbabago; hindi buo ngunit hindi ma pasusubalian; at kapag nais magpakitang umuunlad, buong kasiyahan nang ipinagmam alaki ang isang pahid ng pintura. - Mahahalintuad sa Estado sapagkat may hirarkiya ang mga pasahero: Mga intsik at indio sa ibaba kasama ng mga kalakal at mga empleado ng pamahalaan, prayle at m ga mahahalagang tao sa kubyerta. - Kapitan ng Barko: dating marino na pumalaot na sa mga malalaking dagat, bagama t matanda siya ay magiliw at ngayon para bang nag-aalaga na lamang ng bapor na s umpungin, matigas ang ulo at tamad pa. - Donya Victorina tanging babaeng nakaupo sa piling ng mga Europeo. Nilait lang Tabo dahil sa kabagalan ng takbo nito at sinabing mas mabuti pa sana kung wala n a lang mga Indiong nabuhay sa mundo, hindi alintana na ang mga timonero at ang 9 9 porsiyento ng mga sakay nito ay mga Pilipino na tulad niya rin (kung tatanggal in ang makapal na kolorete sa mukha at mayayabang na damit.) Nandito siya sapagk at may nakapag sabi na nasa Laguna ang kanyang asawang si Don Tiburcio de Espada na at nais niya itong akiting umuwi sa kanila sa pamamagitan ng kanyang bagong k ulot na buhok. Mga Nasa Kubyerta: Tatlong Fraile sa kanan Don Custodio uurong daw ang buong mundo kapag dumating ang araw na pumunta sila payapang natutulog at nasisiyahan sa kanyang mga proyekto

Ben Zayb (anagrama ng Ibanez) isang manunulat na naniniwalang nag-iisip ang Mayn ila sapagkat siya ay nag-iisip Simoun al. ipinalalagay na tagapayo at tagabulong ng lahat ng kilos ng Kapitan Hener

Ang Pagtatalo: Nakikipagtalo si Padre Camorra ( prayle na mukhang artilyero) kay Ben Zayb at si nasabi ang proyekto ng isang prayle sa Puente Del Capricho na hindi natuloy sapa gkat sinabi ng mga alagad ng siyensya na hindi ito ligtas sa sakuna. Kulang daw ito sa tibay at mapanganib. Sumabat si Donya Victorina at sinabi na hindi tulay ang mga problema kundi wala kasing mabuting lawa ditto sa Pilipinas, Agad na sumagot si Simoun at sinabing madali lang ang solusyon sa problema nila: Humukay ng isang tuwid na kanal mukla sa luwasan hanggang hulo ng ilog, na magd araan sa Maynila. Ang ibig sabihin nito ay gagawa ng bagong ilog at sasarhan ang matandang ilog. Makakatipid ng lupa, iikli ang paglalakbay, at mapipigil ang pa gtubo ng mga balaho.

Sumagot naman si Don Custodio yan sa proyektong iyan.

sino ang gagawa? Kakailanganin ng malaking pera di

Simoun: ang mga preso at salarin ang magtatrabaho at kung kulang pa, lahat ay ma gtatrabaho at imbes na labinlimang araw lang ang Polo, gawin itong hanggang apat na buwan at pagbaunin na rin ng pagkain ang mga manggagawa Don Custodio: Natakot at baka raw maghimagsik ang mga tao sa ganyang uri ng panu kala. Simoun: Sa ganitong paraan lamang maisasakatuparan ang malaking proyekto nang ma liit ang puhunan. Hindi naman daw nag himagsik ang mga mamamayan ng Ehipto na gu mawa ng mga Piramide tulad ng mga taong gumawa ng Koliseo sa Roma. - Nagpatama pa ito kay Padre Salvi: Ano ang silbi ng mga prayle sa bansa kung hi ndi nila kayang pigilin ang mga rebolusyon? Don Custodio: Mag-alaga na lang daw ng mga pato na kakain sa mga maliliit na sus o sa ilalim ng lawa para lumalim ito ng walang gumagawa. Donya Victorina: Nandiri sa mangyayari kapag nangyari ang panukala ni Don Custod io sapagkat dadami ang mga pato na magbubunga ng balot. Kabanata 3: Mga Alamat Ich weiss nich was sol les bedeuten Dass ich so traurig bin! Hindi ko batid ang kahulugan kaya lubha kong ikinalulumbay MGA ALAMAT: 1. Donya Jeronima dati siyang kasintahan ng isang estudyante na nangakong magpap akasal sa kanya. Matagal siyang naghintay ngunit nakalimot ito kaya naman siya a y tumaba nang lubusan. Isang araw nakatanggap na lamang siya ng balita na arsobi spo nap ala ang dating kasintahan at nang puntahan niya ito upang tuparin ang da ting pangako, ngunit sa huli ay imposible na itong mangyari kaya naman nag-utos na lamang ang arsobispo na gumawa ng kweba para kay donya Jeronima. Sa sobrang k atabaan daw nito, kailangan pang tumagilid para makapasok ito sa kweba at naging bantog din siyang engkantada, sapagkat may ugali daw itong maghagis sa ilog ng mga pinggan at kubyertos na pilak. 2. Buwaya na naging bato nanalangin kay San Nicolas ang isang Tsino noong tumaob ang bangka niya at nasa aktong sasagpangin ng mga buwaya. 3. Alamat ng Malapad na Bato 4. Ang pagkamatay ni Ibarra Kabanata 6: Basilio Madilim ang gabi at si Basilio ay patuloy na naglalakad tungo sa kadiliman, maka lipas ang kalahating oras sumapit siya sa isang batis kung saan may nakatindig n a tila punso sa kabilang pampang nito at isang maitim at walang hugis na bunton na mistulang isang bundok sa kadiliman. Tumawid si Basilio tungo rito sapagkat s a tabi ng gumuhong pader ay ang isang puntod na sadyang banal para kay Basilio an g puntod ng kanyang ina. 13 taon na ang nakalipas nang mamatay ang kanyang ina sa gitna ng matinding pagd aralita. Sugatan at iika-ika itong nakarating sa pook na ito sa paghahabulan nil

a. Hibang at tigib sa takot, dito ito binawian ng buhay at may dumating na lalak ing nag-utos na lamang kay Basilio na kumuha ng mga panggatong. Sumunod siya at nagbalik, at nakita niya na may isa pang di kilalang lalaki na nasa tabi ng bang kay ng nauna. Tinulungan siya nitong magparikit ng apoy na pagsusunugan nila ng bangkay ng di kilalang lalaking namatay, at humukay sa libingan ng kanyang ina. Matapos ay inabutan siya ng salapi at inutusang tumakas. History ni Basilio: Nilisan niya ang lugar na ito at nagtungong Maynila upang magpaalipin sa mga may ayaman upang sabay nito ay makapag-aral. Nakipagsapalaran siya sa pagpunta hindi alintana ang gutom. Dumating siya sa Maynila na nanlilimahid at may sakit nagbaha y bahay siya upang ialok ang kanyng paglilingkod ngunit walang tumatanggap sa ka niya dahil nga naman isa itong paslit na probinsyanong may sakit na wala man lan g alam ni isang salitang Espanyol. Nawalan siya ng pag-asa at ilang ulit siyang natuksong magpasagasa na lang sa mga karwaheng dumadaan. Isang araw, nakita niya ang karwahe nina Kapitan Tiago at Tiya Isabel at dahil sa malungkot si Kapitan Tiago sa pagkakapasok ni Maria Clara sa Beateryo, tinanggap siya bilang utusan, walang upa ngunit makapag-aaral siya kailanman niya gustuhin sa San Juan de Letr an. Pumasok siya sa unang taon ng pag-aaral ng Latin kahit na gusgustin at bihis duk ha; pagkakita ng kanyang mga guro sa kanyang ayos, nilayuan na siya pati ng kany ang mga kaklase. Sa loob ng walong buwan ng pag-aaral, tangging ang pangalan niy a lamang sa listahan ang masasabing palatandaan na parte siya ng klase sapagkat ni minsay ay hindi ito tinawag o tinanong ng guro. Pag darating ang pasko at babalik sa Sandiego si Kapitan Tiago, sinasama siya at doon niya sinasabi sa puntod ng kaniyang ina ang mga hinanakit niya at problema . Nagsikap siya at isinaulo ang lahat ng mga aralin kahit na hindi niya naiintin dihan ito. Pumapasok kse noon ang mga bata sa kolehiyo hindi upang matuto kundi upang matapos ang kurso. At kung maisaulo nila ang mga aklat, wala nang maaari p ang hingin kaya t nakapapasa sa pagtatapos ng taon. Sa pamamagitan ng pagsagot na wala man lang iniwang kuwit, nagtamo siya ng marki ng aprobado sa labis na pagkamangha ng mga tagasulit. Sa ikalawang taon niya, da hil nanalo ng malaki ang manok ni Kapitan Tiago na ipinalaga sa kanya ay binigya n siya nito ng malaking pabuya na agad naman niyang ibinili ng sapatos at sombre rong fieltro. Nabago ng bahagya ang kanyang palad pagtuntong niya sa ikatlong taon; Naging gur op niya ang isang dominikong masayahin, palabiro at mapagpatawa sa mga mag-aaral , may katamaran sapagkat sa ilang kinalulugdang mga mag-aaral niya ipinauubaya a ng mga aralin. Isang araw napag tripan siya ng guro (sapagkat sa isip nito ay ma y pagka-kulangkulang si Basilio kaya t tinangka niyang patunayan ito as pamamagita n ng pagtatanong dito tungkol sa aralin). Ang problema nga lang nasagot ito ni b asilio nang walang pagkakamali kaya binansagan siyang loro ng guro, at nagbigay pa ng patawa sa klase at nagtanong pa ulit kay Basilio upang patunayan na maaliw nga sila. Mabuti na lamang at marunong na noon si Basilio ng Kastila kaya t sumag ot ito na hayag ang hangaring hindi magpapaphalakhak sa kahit sino. Dahil dito, hindi na siya tinawag pang muli. Noong ikaapat na niyang taon, naipasa parin niya ang Latin kahit na natukso iton g isuko na ang pag-aaral May isang guro doon na itinuturing bilang pantas, dakil ang makata, at may maunlad na pagkukuro. Isang araw na kasamang namamasyal ang m ga mag-aaral, napaaway ito sa ilang kadete na humantong sa isang labo labo at ha munan. Sa pagkakataong ito, sinabi ng guro na ang mga sasali sa sagupaan sa dara ting na linggo na iyon ay bibigyan niya ng mga matataas na marka, at napatanggi si Basilio sa isa sa mga labanan na iyon. Dahil dito at sa kanyang pagsisikap na gtamo siya ng grading sobresaliente na may kasama pang medalya noong taong din y on. Sa nakitang ito, inudyukan siya ni Kapitan Tiago na lumipat sa Ateneo Munici pal na nasa tugatog ng katanyagan noon. Tinapos niya ang kanyang Batsilyer sa gitnan ng kasiyahan ng kanyang mga propeso r, ipinagmalaki sya ng mga ito at inanyayahan pang daanin sa isang pagsusulit si basilio ng mga huradong Dominiko

Noong una nais siyang maging abogado ni kapitan Tiago ngunit mahabang salaysayin pa ito bago ito maging abogado at pagkatiwalaan ng mga kliente dito sa Pilipina s kaya naman pumayag na itong mag medisina si Basilio sapagkat naisip niya na na kakapagtistis na si basilio ng mga bangkay kaya t magagamit ito sa lason na ilalag ay sa tari ng kanyang panabong na manok ( dugo ng Intsik na namatay sa sipili). Ipinagpatuloy ni Basilio ang kanyang pag-aaral at sa ikatlong taon ay nakapangga gamot na, kaya naman kumikita na siya ng sapat upang makapagbihis ng marangal at upang makapag-impok ng kahit papaano. Huling taon na niya ngayon at dalawang bu wan na lang ay magiging ganap na doctor na siya. Pakakasalan niya si Juli at siy a rin ang magbibigay ng speech sa kanyang graduation

Kabanata 7: Simoun Malapit sa puntod na pinanggalingan ni Basilio may nakita siyang di kakilalang l alaki sa malayo at yun ay si Simoun. Naghuhukay ang alahero, walang suot na sala ming asul kaya naman nagbago ang anyo nito. Kinilabutan si Basilio dahil alam ni yang ito rin ang di kilalang lalaki na humukay ng paglilibingan ng kanyang ina l abintatlong taon na ang nakalipas, higit na matanda nga lamang ngayon, may puti na ang buhok, maybigote at balbas ngunit iyon parin ang mga mata nito at ang map anglaw na mukha. Naisip niya na samakatuwid na ang namatay o naglaho na tagapagmana ng lupaing it o ay walang iba kundi ang alaherong si Simoun napagtagpi-tagpi na ni Basilio na si Simoun nga si Crisostomo Ibarra. Nilapitan niya ito at tinanong kung may matutulong siya. Sa pagkagitla ni Simoun , tinanong niya si basilio kung alam ba niya kung sino siya at sumagot si Basili o na isa raw siya sa mga taong itinuturing niyang banal sapagkat 13 years ago tu mulong ito sa kanya sa paglilibing ng kanyang ina. Sumagot si Simoun na taglay n i Basilio ang lihim na maaaring makasira sa kanyang mga balak. History of Simoun: Siya nga ang may sakit at kalunos-lunos na nagtungo rito 13 years ang nakalipas upang mag-ukol ng huling pagpapahalaga sa isang dakilang kaluluwa na maringal na yumakap sa kamatayan alang-alang sa kanya. Sinawi ng isang pusakal na sistema, naglagalag si Simoun sa iba t ibang part eng mundo upang magpayaman at maisakatupa ran ang kanyang mga balak. Nagbalik siya upang wakasan ang sistemang ito sa pama magitan ng lalong pagpapadali sa pagkabulok nito. Kabanata 8: Maligayang Pasko Napipi si Tandang Selo dahil sa masalimuot na sinapit ng kanyang pamilya. Kabanata 10: Karangyaan at Karalitaan -Hiniling ni Simoun na makituloy siya kina Tales upang doon maganap ang bentahan ng mga alahas niya. Kapitan Basilio, Sinang, Hermana Penchang mga bisita noong gabi na namimili sa sam ut saring mga alahas na ipinapakita ni Simoun. - Sumulat si Tales: Kinuha niya ang rebolber ni Simoun at ipinalit ang relikaryo ni Maria Clara na ibinigay ni Basilio kay Juli. Sumali na ito sa mga tulisan at namundok -Dumating ang mga guwardiya sibil at dahil wala si Tales (Telesforo Juan de Dios ) si Tandang Selo ang dinakip Kinagabihan, natagpuang patay ang asenderong fraile at ang bagong kasama, basag a ng bungo at puno ng lupa ang bibig. Sa bayan naman, natagpuang patay ang asawa n g kasama na ginilitan ng leeg at may lupa rin sa bibig. Sa papel na tabi nito ma y pangalang Tales na isinulat sa dugo na matatagpuan.

Kabanata 11: Los Banos -Nangangaso ang Kapitan Heneral ngunit wala namang dumaraang hayop kaya sa huli ay napilitan itong bumalik sa bahay upang makapag pahinga at gumawa ng trabaho. -naglalaro sila ng baraha, sina Padre Irene, Padre Sybila at ang kapitan heneral , nagpapatalo naman ang mga fraile. - Panukala ukol sa armas: Pahintulutan ang pagbili ng lahat ng hindi sais milime trong armas de salon Titser sa Tiani: mareklamo daw ito at dapat suspendihin. Lahat daw ng hihingi ng tulong ay sususpendihin sabi ng kapitan heneral. -Proyekto ni Don Custodio: magkakaroon ng mga eskwelahan nang hindi gumagastos n g isang kusing ang pamahalaan kung gagamiting mga eskwelahan ang mga sabungan ka hit lamagn Lunes hanggang Biyernes. Akademiya sa Wikang Kastila: sinabi ni Padre Sibyla na isa raw itong rebolusyon sa selyadong papel na ipinagtanggol naman ni Padre Fernandez (guro ni Isagani) a t ni Padre Irene. Lumabas ang mga pangalan nila Makaraig, Isagani at Basilio sa usaping ito. - Padre Camorra: Hindi daw dapat matuto ang mga indio ng Kastila sapagkat pag ma runong na sila makikipagtalo na ito sa kanila. Dapat lamang sa mga Indio ay sumu nod at magbayad. Hindi sila dapat makialam sa interpretasyon ng kung ano ang sin asabi ng mga batas at mga libro. Nalaman ni Padre Camorra ang ginawang pag petisyon ni Juli para sa paglaya ni ta ndang selo at tinulungan ito. Kabanata 12: Placido Penitente -Mga taga Ateneo mabibilis lumakad, may hawak na aklat at kuwaderno, abala at in iiisip ang kani-kanilang mga leksyon, nakadamit ng parang europeo ang ilan. -Letranista nakadamit Filipino at higit na kaunti ang dalang aklat -Juanito Pelaez kaklase ni Placido na anak ng isang mestisong Espanyol na negosy ante. Kaibigan ni Padre Camorra at kasama nitong nangharana noong bakasyon. -Dumating ang karwahe ni Paulita Gomez, lahat ay natulala at nakatingin at namum utla si Isagani. -Tadeo bagamat lakwatsero at mahilig magpalusot na may sakit o di kaya y may gagaw in para hindi lamang maka pasok sa klase ay pumapasa at sinasabing mahal ng mga propesor - Nahuli si Placido sa klase at nagdabog pa sa pagpasok kaya naman sinabi ng gur o na magbabayad ito. Kabanata 13: Klase sa Pisika - Padre Millon guro ni Placido noong umagang iyon; pinakakabisa ang lahat ng nsa libro. -May natutulog sa klase na nahuli ng guro kaya naman inulan ito ng tanong at noo ng minsay sumabat si Juanito, napasa ito sa kanya at humingi ng tulong kay Placi do. Nahuli ni Padre Millon na tinutulungan ni Placido si Juanito kaya naman ito ang tinanong ng tinanong. Sa huli ay napuno na si Placido at sinabing walang kar apatan ang pari na magsalita ng ganoon. Wala daw itong karapatang mang alipusta ng kapwa at bigla na lang umalis ito ng klase. Kabanata 15: Si Senyor Pasta - Ikinuwento ni Isagani kay Senyor Pasta ang kanilang sitwasyon at ang naging re aksyon nito ay mapanganib daw ang ganyang uri ng mga petisyon, mas mabuting haya an daw na gobyerno ang kumilos. Kabanata 19: Ang Mitsa -Nakikipag-usap si Kabesang Andang kay Placido at nagmamaka awa na bumalik ito s

a unibersidad. - Yung dating Maestro na sinuspindi ay naging taga gawa ng pulbura -Sinabi na ni Simoun ang mga plano niya kay Placido at ang hudyat na unang putok ng kanyon. Umalis si Placido na sigurado na sa kanyang pagsali sa rebolusyon. Kabanata 23: Isang Bangkay Si Simoun at Basilio ay wala sa pagtatanghal. Si Basilio ay abala sa pag-aalaga kay Kapitan Tiyago na noo y lubos nang nahuhumaling sa opyo. Nagtatalo ang damdami n ni Basilio kung bibigyan niya ba o hindi si Kapitan Tiyago sapagkat sinasaktan siya nito kapag kakaunti ang ibinigay niya ngunit makasasama naman kung patuloy niyang bibigyan. Nag-aaral si Basilio ng kanyang mga aralin sa medisina ngunit ang ilan sa mga ak lat na nasa tabi niya ay hindi man lamang niya binubuklat. Maya-maya ay dumating si Simoun na matagal ng hindi dumadalaw kay Kapitan Tiyago. Nabanggit dito na s i Simoun ang nagbigay kay Basilio ng ilang mga aklat na pang-rebolusyonaryo na h indi naman binabasa ni Basilio. Dito ay muling naungkat ang pinag-usapan nila sa kagubatan, ang paghihikayat ni Simoun na sumali si Basilio sa himagsikan. Nguni t matigas pa rin sa pagtanggi si Basilio. Binanggit ni Simoun na kung si Basilio ay tutulong, siya raw ang aatasang kumuha kay Maria Clara sa kumbento. Ngunit s inabi ni Basilio na kamamatay lamang ni Maria Clara kaninang umaga. Sa pagkakaba nggit na ito ay nagitla si Simoun at walang imik na umalis. Sa kabanatang ito, tinukoy ni Basilio si Simoun bilang isang binatang mayamn, bi hasa, Malaya, nakapagpapasya sa sariling kabuhayn at may magandang kinabukasan. Sa kabilang banda, si Maria Clara naman daw ay babaeng sing-ganda ng isang panga rap, malinis, lipos ng pananalig at walang kamalayan sa lakad ng kamunduhan. Kabanata 29: MGA HULING SALITA TUNGKOL KAY KAPITAN TIAGO Si Padre Irene ang namahala sa mga pamana ni Kapitan Tiago. Bahagi ay mapupunta sa sa Sta Clara, Papa, Arsobispo at Korporasyong relihiyoso; 20 pesos ay mapupun ta sa matrikula ng mga dukhang mag-aaral, at ang 25 pesos na binawi ni Kap. Tiag o na para sana kay Basilio ay ibinalik ni Padre Irene at sasabihin sa kanya ito galing. Pinagtalunan kung ang susuotin ba ay prak na sinasabing suot ni Kap. Tiago nang magpakita siya sa mga mongha, o isang abito ng Pransiskano na mungkahi ni Kapita n Tinong. Ngunit nanaig pa rin ang desisyon ni Padre Irene na damitan si Kap. Ti ago ng kahit alin sa kanyang mga dating suot. Napag-usapan din dito kung magsasabong ba si San Pedro at Kap. Tiago, at kung si no ang mananalo. Si Donya Patrocino naman inggit na inggit sa libing ni Kap. Tia go at tila nagnanais na mamatay na rin at magkaroon ng libing na higit pa sa nag ing libing para kay Kap. Tiago. Kabanata 30: JULI Naging malaking balita ang pagkakahuli kay Basilio at labis itong pinagalala ni Juli. Siya ay binabangungot sa kakaisip kay Basilio. Sa pagnanais niyang makalay a si Basilio ay naisip niya si Padre Camorra. Isang salita lamang ni Padre Camor ra ay makakalabas ng kulungan si Basilio. Siya na lamang ang natira sa bilanggua n dahil wala siyang tagapagtanggol at wala rin naman kamag-anak. Ayaw pumunta ni Juli sa kumbento dahil natatakot siya kay Padre Camora ngunit pi nilit siya ni Hermana Bali. Nang makapasok na sila sa kumbento, kinahapunan ay m ay nangyaring hindi maganda. May babaeng tumalon sa bintana at namatay at may ba baeng nagtatakbong lumabas ng kumbento na tila wala na sa katinuan. Pinuntahan n i Tata Selo ang kumbento at hinahanap si Juli ngunit hind siya pinapasok at sa h alip ay pinagtabuyan pa. Hinanap niya ang gobernadorsilyo, Juan de Paz at tinyen te ngunit wala ang mga ito. Narinig sa bayan ang panaghoy ni Tata Selo at kinabu kasan ay dinala niya ang kanyang itak at nilisan ang lungsod. (Upang sumapi sa m

ga tulisan) Kabanata 31 Ang Mataas na Empleado Ang nagkalat na balita sa mga peryodiko sa Pilipinas ay tungkol sa Europa, mga p uri at bola sa predikador ng bansa at sa operatang Pranses kaya ilang bahagi lam ang ng peryodiko ang nalaan tungkol sa mga nangyayari sa lalawigan. Nasali doon ang tungkol sa grupo ng mga tulisan na pinamumunuan ni Matanglawin. Nagkakaroon lang ng emphasis ang mga lalawigan kapag ang sinalakay ay isang kumbento o isang espanyol. Hindi napansin ang nangyari sa bayan ng Tiani, bulong-bulongan lamang ang nagkalat at hindi nila matukoy kung sino talaga ang babaeng nahulog sa tukt ok ng kumbento. Ang tanging katiyakan sa mga balita ay ang pag-alis ni Padre Cam orra sa kumbento at panandaliang pagtuloy sa Maynila. Napalaya na ang mga estudyanteng nakulong. Gaya ng inaasahan unang napalabas si Makaraig, at si Isagani ang huli dahil isang lingo pa bago nakaluwas ang amain n itong si Padre Florentino. Ang tanging naiwan sa piitan ay si Basilio. Ipinagdii nan ng Kapitan Heneral na dapat ay may maiwan sa isa sa mga nakulong upang maisa lba ang prestige at authority ng gobyerno, at hindi masabi ng iba na sobra-sobra ang pagpaparaya at ginawang ingaysa walang kuwentang bagay. Nagmungkahi si Pare Irene, na si Basilio ang maiwan dahil ito ay utusan at ulilang lubos na, at tiy akna walang maghahabol. Binigyan ng katwiran ng Mataas na Empleado na si Basilio ay isang estudyante sa medisina, pinupuri ng mga guro, at mawawalan ng isang taon sa kanyang pag-aaral pag nagtagal pa sa piitan, patapos na din kasi ito sa kurso. Matagal na pa lang may samaan ng loob ang Mataas na Empleado at Kapitan Heneral, kaya dagdag dahilan sa Kapitan Heneral na mas lalong pahirapan si Basilio dahil ito ay ipinilit ng mataas na empleado. Dahil ditto nagsisi ang Mataas na emplea do sa pagtukoy kay Basilio at naawa siya sa bata dahil mas lalo itong didiinan n g Kapitan Heneral. Sinabi ng Mataas na empleado na si Basilio nga daw ang pinakainosente sa lahat, hindi nga ito kasali sa mga estudyante na nagpulong-pulong sa pansiterya, at ang nahuli lang sa kanya na siyang nagdidiin na sala niya ay ang pagkakaroon ng mga bawal na libro. Ang mga librong tinutukoy ay tungkol sa medisina at ilang mga p olyeta tungkol sa Pilipinas. Pero pinipilit pa rin ng Kapitan Heneral dahil isa daw itong magandang ehemplo at mas nakakatakot. Nagpatuloy ang pagtatalo ng dalawa. Umabot sila sa usapin tungkol sa Espanya, na nangako ng hustisya at sisikaping idulot ang kagalingan sa Pilipinas. Sinabi ng Mataas na Empleado na hindi siya tulad ng mga alipin na walang boses at dignida d, ipaglalaban niya ang kung ano sa tingin niya ang tama. Na bago ang Espanya ay tao siya na may dignidad. Ang Espanya ay may dangal, mataas na prinsipyo at mor alidad. Ok lang na mawala daw lahat huwag lang ang moralidad ng Espanya. Tinukoy din ng Mataas na Empleado na kung malalaman man ng Espanya ang pinaggagawa ng K apitan Heneral, tiyak siya na ang mga alipin ang kakampihan dahil ito ang tama a t makatarungan. Tinanong ng Kapitan Heneral sa Mataas na Empleado kung kelan ang alis ng huling koreo sa araw na yun, at napayuko na lang ang Mataas na Empleado. Nilisan n Mata as na Empleado ang palasyo at sumakay sa karwahe. Sinabi niya sa kutsero na pagda ting ng araw na magdeklara kayo ng independensiya, nagtaka ang kutsero sa sinabi nito, at tinuloy niya na alalahanin ninyo na hindi nagkulang sa Espanya ng mga pu song tumitibok at lumalaban para sa inyong mga karapatan! . Nagbitiw ang Mataas na Empleado sa kanyang tungkulin. Ipinahayag niya ang pag-al is, sakay sa susunod na Koreo. Kabanata 34 Ang Kasal Hinanap sa kung saan-saan ni Basilio Isagani. Pinuntahan niya ito sa kanilang ba hay pero hindi niya talaga ito Makita. Bigla niyang inimagine ang sarili kung an

o ang magaganap at mararamdaman niya pagkatapos ng himagsikan. Magkakaroon daw s a wakes ng katarungan ang pagkamatay ng kanyang ina at kapatid. Ang higpit laman g na tugon ni Simuon sa kanya ay lumayo siya sa kalye Anloage. Hindi na tinukoy ni Simoun kung anong pagdiriwang at kung saan ito gaganapin, basta ang alam ni B asilio ito ay isang malaking pagdiriwang na gaganapin sa isa sa mga bahay sa kal ye Anloage. Pumunta ni Basilio sa bahay ni Kapitan Tiago upang kumuha ng mga ila ng gamit. Marami siyang karwahe na nakita na nakaprada sa kalye, at napansin niy a ang bahay na puno ito ng mga palamuti at mga nakabitin na mga kung anu-ano at doon niya napagtanto na ang pagdiriwang na tinutukoy ni Simoun ay ang gaganapin sa dating bahay ni Kapitan Tiago. Biglang may dumaan na karwahe na sakay si Juan ito Pelaez at isang babae na nakabelo. Ang pagdiriwang pala ay para sa pag-iisan g dibdib ni Juanito kay Paulita Gomez? Biglang nalito si Basilio dahil sa kanyan g pagkakaalam ay si Isagani ang kasintahan ng dalaga, naawa siya kay Isagani. Napaisip na naman siya, na ano kaya siya kung hindi siya nabilanggo at nakilahok ? Malamang ay nakapagtapos na siya ng medisina, nanggagamot na siya at malamang ay nag-asawa na din. Naalala niya si Juli, ang kawawang si Juli, biglang nagtiim ang kanyang bagang at napuno ng poot ang kanyang damdamin, dapat niya ding ipag tanggol ang nangyari sa kanyang kasintahan. Nakita niya si Sinong na nagmamaneob ra ng karwahe na sakay si Simoun. Puno na ang bahay. Ang pinakamapanpansin sa loob ng bahay ay ang pagkagalak ni Don Timoteo, feeling fulfilled diumano sa mga kaswertehan at karangyaan na nararanasan nito ngayon. Lahat ng gamit sa bahay ni Kapitan Tiago ay pinalatan, hindi na sana ginalaw ni Simoun ang mga litograpiya ng mga santo pero pilit itong pinapalitan ni Don Timo teo ng mga matitingkad na kulay ng kromo. Nilalait ni Don Timoteo ang gawa ng mg a Pilipino dahil higit na maganda ang mga bagay na yari sa Europa. Ang mesa na pinasadya ni Simoun ay wala sa loob ng bahay, ito ay nasa asotea at dito nakalaang uupo ang mga pinakamamalaking Diyoses ng bayan. Kabanata 35 Ang Pagdiriwang Unang dumating sa pagtitipon ang mga mababang bathala ng bayan. Nagsidatingan an g mga empleado ng gobyerno. Bati doon bati dito si Don Timoteo, may nagkomento n a tuwang-tuwang daw nag matanda at para nang papet! Tsaka dumating ang magnobya. Sadyang mapansin na nasisikip na ang frak na suot ng pilyong si Juanito. Hindi na daw ito makapaghintay hanggang mamyang gabi at mapag-isa na ang dalawa. Napag od din si Don Timoteo sa kababati sa mga taong dumalo at ito ay naipin dahil hin di pa dumadating ang Kapitan Herenal. Dumating na ang matataas na Diyoses, sina Padre Irene, Padre Salvi, at iba pang mga pari. May pumansin sa mga kromong nila gay ni Don Timoteo, hindi daw ito nababagay at minamantsahan lamang ang mga ding ding ng bahay. Nagalit ang Don, at minungkahing nanggaling sa iyon sa Europa, na pakamahal, at walang mabibiling ganun sa Maynila. Natigil nalang si Don Timoteo nang dumating ang Kapitan Heneral, nataranta siya kung ano ang gagawin, kung siy a ba ang unang kakamay o hihintayin niyang iabot ng Kapitan Heneral ang mga kama y nito sa kanya. Tinugtog ang Marcha Real. Malungkot ang Kapitan Heneral sapagka t ito ay aalis na. Napaisip siya sa pagpipilit ni Simoun na magtagal pa, pero sa bi niya sa sarili na delikadesa muna bago ang lahat. Nasa harap ng bahay ni Kapitan Tiago si Basilio, minamasdan ang mga taong pumapa sok sa pagdiriwang, nagdalawang isip siya dahil sa dami ng madadamay na mga inos enteng buhay. Nakita niyang bumaba sa karwahe si Padre Salvi at Padre Irene, at naisip niya na pabayaang magbayad ang mga mabuti kasama ang mga makasalanan. Dum ating si Simoun na hawak ang lampara, na sadyang napakaganda at kaayaaya, sumond dito ang pagdating ng Kapitan Heneral. Naawa ulit si Basilio at tinangkang puma sok sa bahay ngunit hindi siya pinapasok,dahil sa napakaaba ng kanyang bihis. Pi nigilan siya at binalaan na tatawagin ang isang pares ng beterana, pag pinagpili tan niya pang pumasok sa pagdiriwang. Malugod na tinanggap an lampara na hawak n i Simoun, lahat ay manangha at pinuri ang lampara. Nasunod sa plano ito ay nilag ay sa gitna ng mesa na pinsadya ni Simoun. Hinay-hinay na umalis si Simoun na hi ndi na napansin ng mga tao sa loob dahil sa pagkamangha sa lampara. Makaraan ang

ilang minuto lumabas si Simoun na bahagyang namumutla. Parang tinutukoy nito na wala na itong magagawa dahil tapos na ang pagtaya o : Alea Jecta Est . Sa pagsakay ni ya sa karwahe ay sinabi niya na bilisan ang pagpunta sa Escolta. Dahil doon nais ip ni Basilio ang kanyang kaligtasan, naglakad-takbo papalayo si Basilio sa baha y, nababangga ang sino mang makasalubong sa daan. Bigal siyang nabunggo kay Isag ani at itoy niyaya niya papalayo sa bahay. Sinagot naman siya ni Isagani na baki t daw ito aalis, pag pinatagal niya mag-iiba na si Paulita bukas. Sinabi ni Basi lio na may malaking sakuna ang darating, mamaya niya ikukuwento ang detalye, ang importante ay mapalayo sila sa bahay ni Kapitan Tiago. Pero pinagpilitan pa rin ni Isagani ang tumuloy sa pagdiriwang. Mabilis na umalis at naglakad papalayo s i Basilio. Matapos nun, at napaisip si Isagani at napagtagpi-tagpi ang, mga sina bi ni Basilio. Nawala sa isip niya ang pag-aalinlangan, at selos, at tanging nas a isip niya ay ang maisalba ang buhay ng kanyang minamahal, si Paulita. Sa loob pala ng pagdiriwang ay may isang papel ang pinasapasa na may nakasulat n a Mane thecel phares at sa ilalim nito ang pangalan at lagda ng isang nagngangalan g Juan Crisostomo Ibarra. Nagtanong ang Kapitan Heneral kung sino ito, at sinago t naman siya na ito nga ay matagal ng patay, isang pilibustero. Nagpatuloy ang k asiyahan. Napaisip si Don Custodio sa mensahe ng sulat, kamatayan ng lahat sa ga bing ito? Bigla niyang nabitawan ang kanyang hawak na kubyertas, baka sila ay la lasunin sa pagkain. Namatay ang ilaw ng lampara, nagkagulo at inutos ng Kapitan Heneral na itaas ang mitsa uoang magkailaw ulit. Ngunit biglang may taong kumuha sa lampara at dalia n itong tumalon palabas ng bahay patungong ilog. Nagsigawan ang mga nakakita, at nagkagulo ulit dahil may magnanakaw daw! Hindi na nila ito nakilala dahil dalia n itong tumalon sa ilog. KABANATA 39 ANG PAGTATAPOS Si Simoun ay sugatan at nanghihinang kumatok sa tahanan ni Padre Florentino, ang amain ni Isagani. Walang tanong-tanong ay buong pusong tinanggap ng indiong si Padre Florentino si Simoun at pinagyaman ang maysakit. Inisip na lamang nya na k aya ganoon si Simoun ay dahil umalis na ang kaibigan nitong Kapitan Heneral kung kaya t hinahabol sya ng mga naiinggit sa kanyang kayamanan at yaong kinuhanan nya ng mga kayamanan. Nang araw ding iyon ay may dumating na sulat na nagsasabing m ay huhulihin silang tao sa bahay ni Padre Florentino buhay man o patay ay huhuli hin nila ito. Sa pag-aakala ni Don Tiburcio de Espadana na noon ay nakikitira ka y Padre Florentino na sya ang huhulihin at dahil kagagawan iyon ng kanyang asawa ay dali-dali syang nag-empake at umalis upang hindi abutan ng mga guardia sibil . Kahit anong paliwanag ni Padre Florentino na si Simoun ang pinatutungkulan ng sulat ay hindi naniwala si Don Tiburcio at umalis pa din ito. Samantala, hindi a lam ni Padre Florention kung ano ang gagawin kay Simoun, patatakasin ba ito o an o, kung kaya t sinabi niya kay Simoun ang ukol sa sulat at nagulat siya sapagkat a yaw ni Simoun na tumakas at ngumiti pa ito ng pauyam. Umalis ang pari at pagbali k ay napansing nahihirapan si Simoun kung kaya t kanyang tinanong at sinabi nito n a Opo, konti lang po ngunit sa loob ng ilang sandali ay matatapos na din ang paghih irap ko! At nalaman ni Padre Florentino na uminom pala ng lason si Simoun. Mas na naisin pa daw nitong mamatay kaysa mahuli ng buhay ninuman. Bago malagutan ng hi ninga si Simoun ay ipinagtapat niya kay Padre Florentino ang lahat ng kanyang li him na siya si Crisostomo Ibarra na nagbagong anyo upang maghigante subalit siya ay nabigo. Ayon kay Pdre Florentino ang kanyang pagkabigo ay kagagawan ng Pangi noon sapagkat hindi Nito nais ang paraan na pinili ni Simoun. Ang kailangan ng b ayan ay magtiis at gumawa upang makamtam ang kanyang layunin at tanging pag-ibig lamang ang makapagliligtas. Sa pagtatapos ng kanilang usapan ay wala ng buhay s i Simoun at itinapon na ni Padre Florentino ang baul ng kayamanan ni Simoun sa d agat Pasipiko. v Sa katapusan makikita natin na inamin ni Simoun na sya ay nagkamali subalit pi nanindigan pa din na dapat makamtam ng mga Pilipino ang kalayaan sa mapagparusan g kamay ng mga Kastila. At hindi pinahintulot na sya ay mahuli ng buhay mas nina

is pa niyang mamatay na lamang. Ipinakita din ang pagkakaiba ng kanilang pananaw ukol sa paghihiganti, Diyos, at sa mga paraan Nito. Nakita din natin ang kabuti han ng isangn paring indiyo at ang kasawian at katapusan ni Ibarra na nagpanggap na si Simoun.

You might also like