You are on page 1of 4

ILS FILIPINO

TEkstong naratibo
- pagkwekwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan , nangyayari
sa isang lugar at panahon , o sa isang tagpuan na may maayos na
pagkakasunod-sunod mula simula hanggang katapusan.

Aina Keith Bayani


TOP 201 A

“Ang Aking Unang Pag-


ibig”
Minsan sa ating buhay meron talagang darating na isang tao upang iparamdam at ipakita ang
ibang klase ng pagmamahal. Pag mamahal na akala mo'y ito ay pang habang buhay na.
Ipaparamdam sayo kung gaano ka kahalaga sa kanya, na para bang perpekto na ang daloy ng
inyong pagmamahalan. Pagmamahal na nag bibigay insipirasyon upang magawa mo ang mga
bagay na ang imposible ay maaari pa lang maging posible. Pagmamahal na nagbibigay agad
ngiti, kulay, at liwanag pag angat pa lang ng araw. Pagmamahal na hindi mo na pala kayang
bitawan ngunit sa isang pangyayari ay magkakaroon din pala ng wakas.
Maliwanag ang sikat ng araw ngayong araw ng Lunes, unang pasukan sa eskwelahan. Halo-halo
ang nararamdamang emosyon ng estudyanteng si Keith sa kanyang unang pag pasok sa
paaralang Liceo de San Pablo, baitang 8. Masaya siya dahil hindi niya inaasahang magkakaroon
siya ng madaming kaibigan na makakasama niya sa kalokohan, saya, at lungkot. Makalipas ang
ilang linggo may natanggap na isang mensahe si Keith galing kay Aleck sa kanyang selpon at
agad niya itong sinagot hanggang sa nagtuloy- tuloy ang kanilang pag-uusap. Habang tumatagal
unti-unti na din nagugustuhan ni Aleck si Keith, araw-araw nagkikita at nagkakasama sa
eskwelahan ngunit magkaiba sila ng seksyon, madalas sabay sila mag recess, mananghalian pati
na din hanggang sa pag-uwe dahil parehas lang din sila ng barangay na inuuwian sa Brgy. Sto.
Angel, madalas ay sabay na din sila pagpasok sa eskwelahan. Masaya silang dalwa kapag
nagkasama, nagkukulitan, nag aasaran, nagtatawanan at walang iniisip na problema. Lahat ng
makakaya ni Aleck para kay Keith ginagawa niya, todo ang pag sisikap nito simula umpisa
hanggang huli, nagbibigay ito ng mga sulat at ilang bagay kay Keith na makapagpapaalala sa
kanya. Sa mahigit tatlong buwan nila na gusto ang isa't isa na ang hangad ay magtutuloy tuloy
na, magkakaroon din pala ng problema. Bago mag buwan ng oktubre may dalwang kalalakihan
ang may pag hanga kay Keith, sine Ej at Francis. Magkaklase si Keith at Ej samantalang si Francis
naman ay baitang 9. Pinatigil at pinaiwas ni Keith si Aleck sa kung anong meron sila. Sobra
siyang naguguluhan dahil matagal na din gusto ni Keith si Ej at nagkaron nga ng pagkakataon na
nagkagusto na din ito sa kanya. Nagkakamabutihan silang dalwa ni Ej subalit may mga
pangyayari na hindi mawala sa isip ni Keith yung mga alaala na nabuo nila ni Aleck. Nagkaroon
din naman sila ng masayang alaala ni Ej subalit iba pa din yung saya na nararamdaman ni Keith
pag si Aleck ang kasama. Wala pang isang buwan ay tumigil na din si Keith sa kung anong meron
sila sa kadahilanang napagisip-isip niya na mas gusto pala talaga niya si Aleck. Binalikan nito si
Aleck sa maayos na paraan at pumayag ito dahil gusto niya pa din si Keith. Umakyat ito ng ligaw
at makailang linggo habang sila ay kumakain sa jollibee ay agad na itong sinagot ni Keith.
Kitang-kita ng lahat ng taong nakapaligid sa kanila kung gaano nila kamahal ang isa't isa at kung
gaano sila kasaya at halos perpekto na ang kanilang relasyon.

May mga ilang tao na hinahangaan yung relasyon nila dahil sa kanilang maayos na
pagmamahalan. Ilang buwan na ang nakalipas wala pa din pagbabago sa pagmamahalan nila
masaya at masigla pa din. Hanggang sa umabot ng isang taong pagmamahalan na sa loob ng
isang taon na iyon ay doon din pala unti-unti mawawasak ang relasyon nila, nandon ang saya,
lungkot, problema, sikap, bigayan, pagmamahal ng tunay at madami pang iba. Nagkaroon ng
problema, nagkamalabuan dahil sa isang babae na si Homi na ka barangay lang din nila. Galit,
lungkot at sakit ang nararamdaman ni Keith sa mga oras na iyon, madalas sabihin ni Aleck na
‘walang malisya, pinsan ko lang yan’. Ilan sa mga barkada nito ang nagsasabi kay Keith na
napakadaming litrato nilang dalwa ni Homi sa selpon nito. Nagbubulagbulagan si Keith at hindi
niya pinapakinggan ang mga nasa paligid niya kasi sobrang mahal niya ito. Hanggang dumating
sa punto na tuluyan na itong nakikipag hiwalay kay Keith ngunit pilit niya itong pinipigilan,
sobrang bumagsak si Keith at hindi niya alam ang kanyang gagawin. Dahil sa pag dating ni Homi
sa buhay ni Aleck at alam naman nito na kasintahan nito si Keith ay pinagpatuloy pa din,
tuluyang nasira yung masaya nilang pagmamahalan. Natuto siyang uminom ng alak kasama
mga barkada, lumabas araw-araw at gumala kung saan man siya dadalhin ng kanyang mga paa
kasi dun siya nasaya, dun niya nakakalimutan na may sugat yung puso niya. Isang taon na ang
nakalipas ng sila ay naghiwalay sa hindi inaasahan lugar nagkakita sila sa isang coffee shop at
sobrang nasaktan si Keith dahil mahal na mahal niya pa din si Aleck at hindi niya kayang
malimutan, pagtapos non ay wala na din silang balita sa isa't isa.
Akala ni Keith pang habang buhay na pero nagkamali siya. Napaka dami nilang pangarap na
dapat sabay nilang gagawin. Pangakong hindi iiwan ngunit hindi din tinotoo. Habang tumatagal
unti-unti na din natatanggap ni Keith na wala na talaga silang dalwa, natutunan niyang tulungan
ang sarili niya na bumangon at mas maging mabuti sa kung ano siya dati. Natutunan niyang
mahalin ang sarili niya at maglibang sa ibang bagay na mas importante. Masaya siya dahil kahit
sa ganong pangyayari nandyan pa din ang pamilya at mga kaibigan niya na nagpapasaya din sa
kanya at hindi siya iniwan. Sa pangyayaring ito madami siyang aral na natutunan sa pag pasok
sa isang relasyon. “Hanggang sa huling paalam ikaw ay hindi mawawala sa aking puso’t isipan,
ikaw man ang naging dahilan ng pagkawasak ng aking puso, ikaw pa din ay isang maganda at
masayang naging alaala na dumating sa aking buhay sa unang pagkakataon kong umibig” sabi ni
Keith sa kanyang isipan.

You might also like