You are on page 1of 25

Mga Maikilng Kwento ng 11-Macbeth

1 | Talaan ng Nilalaman
Mga Maikilng Kwento ng 11-Macbeth

1 | Talaan ng Nilalaman
Mga Maikilng Kwento ng 11-Macbeth

I
Mga Maikilng Kwento ng 11-Macbeth

1
Mga Maikilng Kwento ng 11-Macbeth

Simula, Gitna, Wakas?


Isinulat ni Dustin Charles M. De Leon
Simula, gitna, wakas? May wakas ba ang pag-ibig? Siguro dahil, natapos ang kanilang
relasyon sa isa’t isa o dahil magkasama pa rin sila hanggang sa susunod na habambuhay. Ganun pa
man, may pagmamahalan naman na nasa gitna pa lamang, katulad ng aking minamahal.

Magsismula ang aming kwento sa isang maliit na kompyuteran dito sa amin, puno ng tao ang
komyuteran na iyon dahil sa ibat’t ibang tao. May mga taong nagkompyuter upang maglaro ang
mga online games. May mga tao naming nanduun upang gawin ang kanilang mga takdang-aralin.
May mga taong naduun din upang makihalo-bilo sa iba’t ibang tao sa pamamagitan ng “social
media”. Habang ako ay naghihintay ay naghihintay ng bakante upang makapag-laro ng aking
paboritong laro, may isang tao na nagpukaw sa aking pansin. Isang babae kasama ang kanyang
kapatid ang naglalaro ng din ng aking paboritong laro, kaya agad ko itong kinausap. “Pwede ba
ako makipag-laro?” ang aking wika. “Sige, sali ka” ang sabi niya. Saktong may bakante ang isang
kompyuter kaya agad akong naghulog ng sa barya upang makasali ako sa kanila. Habang naglalaro
kaming tatlo ay wala na pala siyang perang pang-hulog kaya ko siya binigyan ng tatlong piso para
lang mapahaba ang paglalaro namin, ngunit naubos na kaniyang oras kaya umuwi na sila. Sa mga
oras na iyon, hindi ko kilala ang babaeng iyon pati na rin ang kapatid niya. Pero dahil sa kakapalan
ng mukha ko, parang nahulog na ako sa kanya. Sampung taon palang ako nun, pero iniisip ko na
agad ang hinaharap ko sakanya.

Sa mga sumunod na araw, muli ko silang nakita, isang babae kasama ang kaniyang kapatid,
nalaman ko mayroon silang account sa Facebook kaya agad ko silang inimbitahan para maging
kaibigan sa Facebook. Ma Angelica Velez ang kaniyang pangalan, nakatira din siya malapit sa amin
at may kapatid siya na si Ricardo Velez o ang tawag sa kanya ay “toody”. Si Angelica ay labin-isang
taong gulang, apat na buwan ang pagitan namin mula noong ako ay pinanganak. Pero tinatawag
ko siyang “Ate Angelica” dahil mas matanda siya sa akin. Naging magkaibigan kami kahit sila may
pagka-ingles ang kanilang sinasabi, nakikisama ako pero di ko sila maintindihan, pero may mga
natutuhan ako sa kanila hindi lang sa laro kundi sa pagsasalita ng wikang ingles. Noong gabi nun,
agad kong hinalungkat at tinignan ang Account ni Angelica sa Facebook, at nakita ko ang mga
dating litrato niya noong bata pa siya, katulad ng noong nasa mall sila. Isang araw, pinuntahan ko
ang bahay nila bilang pagdalaw dahil sa di ko rin malamang dahilan, para lang makipag-laro sa
bahay nila. Sobrang saya ko nun dahil mas naging malapit kaming tatlo sa isa’t isa. Paulit-ulit itong
nangyari hanggang sa magsara ang kompyuter shop na iyon, hindi ko rin sila nakikita dahil di ko alam
kung saan sila naglalaro. Hindi ko rin sila mapuntahan sa kanilang bahay sa aking hiya na baka
manggugulo lang ako sa kanila. Kaya di na rin kami nagkikita o nag-uusap

Mga buwan ang nakalipas, may bagong bukas na kopyuteran malapit sa amin at saktong
nandoon sila kaya naglaro ulit kaming talto ng paborito naming laro. Maraming nangyari sa amin
habang kami ay naglalaro, isa na roon ang napaalis ako sa kompyuteran dahil maingay ako, o dahil
mag galit sa akin yung nagbabantay ng kompyuteran kaya kahit kunting ingay ko ay napapaalis
agad ako. Habang ako nagtumitingin ng mga “post” sa Facebook, nakita ako na mayroong Youtube
Channel si Angelica at pinangalanan niya itong “Pinky Angely” sa kanyang unang bidyo at umabot
ito ng humigit 1 milyong views sa Youtube kaya ako ay nagtipong No. 1 Fan dahil pina-alam ko sa
mga kaibigan at kaklase ko ang niyang narating. Ako rin ang unang bumabati sa kanya kapag
nakaka-abot siya ng Milestones o dami ng kanyanga mga Subscribers, at umabot na din siya ng isang
daang libong mga Subscribers at gusto ko sa kanya ipaalam na maari siyang kumuha ng isang “Silver
Play Button” at pwede rin siyang kumite sa pag-gawa lamang ng mga bidyo kaya pumunta ako sa
kanilang bahay at saktong nadoon ang kaniyng ina. Nagkwento din ang kaniyang ina tungkol sa
kanilang buhay at ipinakita pa sa akin ang mga litrato ni Angelica noong bata pa siya. Hanggang sa
napunta ng paksa tungkol sa YouTube Channel ni Angelica, duun ko ibinalita na maari siyang kumita
at magkaroon ng Silver Play Button. Laking tuwa ni Angelica sa aking sinabi at ako na sobrang saya
dahil sa mga ngiti nitong about hanggang langit. Marming nangyari sa amin sa magkabilang dulo,
hindi na rin kami nagkikita dahil sa mga personal naming ginagawa katulad ng pag-aaral at
pakikipag-halubilo sa aming mga kaibigan. Marami ding karanasan at mga natutuhan ang aming

2 | Simula, Gitna, Wakas? Ni Dustin Charles M. De Leon


Mga Maikilng Kwento ng 11-Macbeth

mga nakuha kahit di na kami nagkakausap. Pero parati akong nanonood sa kaniyang bagong
bidyo, at pati na rin ang mga lumang bidyo na paulit-ulit ko ring pinapanood. Hanggang sa hindi na
siya naglalabas ng bagong bidyo at tuluyang tumigil sa paggawa ng mga bidyo, medyo nalungkot
ako sa kaniyang pag-papaalam pero hindi ko rin siya masisisi dahil desisyon niya iyon bilang
“YouTuber”.

Isang taong nakalipas, habang kasama ko ang aking mga maibigan na sila Weng Weng at
AJ ay napag-usapan natin si Angelica dahil isang taon na din kami di naguusap at di nagkikita dahil
sa pandemya. Nang hindi ko nalalamayan na nagkwekwento ako tungkol kay Angelica ay
pinapakialaman na pala ni Weng Weng ang aking cellphone at tinwagan si Angelica. Sa sobrang
taranta ko, agad akong humingi ng pasenya. “Pagpasenyahan mo na sila at naabala ka pa” sabi
ko. “Hindi, wala yun, mga bata eh” ang sabi niya. Nagkaroon tuloy sa akin ng kuryusidad kung
Kamusta na ba si Angelica ngayon, dahil nga din sa tagal na di namin pag-uusap, nakakaroon ulit
ng tibok ang aking puso. Kinausap din ako ni Toody sa pamamagitan ng “chat” na pumunta ako sa
kanila pagkatapos ng pandemya ngunit di natuloy, alam ko ang nararamdaman ni Toody noon dahil
ako lang naman palaging nakakasama at makakausap niya bilang kaibigan.

Sa di inaasahang mangyari lumipat kami sa Meycauayan, Bulacan noong kalagitnaan ng


pandemya. Doon kami nagkita ng aking pinsan na si Jolo at ang kaniyang kaklase na si Geetrey.
Mahilig kaming magtulungan kapag may pinapagawang bidyo ang aming mga guro sa isang
asignatura, at nilalagyan naming ito ng katatawan upang ganahang panoorin ng aming mga guro.
Makalipas ng limang taon ang aking cellphone na napalitan na ng bago, at malaking tulong ito sa
paggawa ng mga bidyo kasama ang aking mga kaibigan. Gabi iyon nang naglaro ako ng
paboritong laro naming ni Angelica at sakto dahil naglalaro din siya. “Kamusta Bes” wika niya sa akin.
At simula noon naglalaro na kami palagi hanggang hating gabi. Maraming Opurtinidad ang
dumating sa akin sa paggawa ng video. Sa dami ng aming ginawang bidyo, ay may isang babaeng
nagchat sa akin. “Bes”, ang unang salita ng kaniyang sinabi. “Hindi ba, nag-eedit ka rin ng mga
bidyo, maari mo ba akong bigyan ng tip?” iyon pala ay si Angelica, nakikita niya ang aming mga
bidyo sa Facebook, kaya niya natanong iyon sa akin. Sa mga oras na ito, hindi na ako
nakakaramdam ng kilig katulad ng dati dahil may gusto ako sa ibang tao at yun si Andriette marami
silang problema ni Jolo kaya napa-isip ako noon na bakit hindi nalang siya. Ngunit, isang malaking
pagkakamali ang aking pinasok kaya ako lumayo sakanya, dahil din sa pag-pupursigi nila na bumalik
ako ka Andriette ay hindi ko ginawa kaya nalubog ako sa iyak, at lungkot. Dahilan din upang
gumawa ng bagong Account sa Facebook at ito muna ang aking ginawa sa pag-aaral. Nalaman
din ni Angelica ang paggawa ko ng bagong Account kaya gustong niyang malaman kung bakit.
Kwinento ko ang aking karanasan tungkol sa aking pagkakamali at kung bakit hindi na kami naglalaro
ng paborito naming laro. Ngunit, imbis na kaginhawaan at tulungan akong mawala ang sakit na
aking nararamdam ay mura at may galit ang kanyang mga binitawang salita. Ngunit, imbis na
magalit din ako sa kanya ay tawa at saya ang aking nararamdaman noong nag-uusap kami. Marami
din akong natutuhan sa kanya tungkol sa pag-ibig. Simula non, nagkakausap na kami sa isa’t isa.

Sa araw-araw naming paguusap ay nagsisiumulang mabuhayan ng pag-asa ang aking puso


ngunit binabaliwala ito ng utak ko dahil sa aking nakaraan. Ngunit unti-unti ko itong kinakalimutan
ang mga ito at tumitingin nalang ako sa hinaraharap. Sa dami rin ng pinagusapan katulad ng mga
tsismis, at iba pang usapan, unti-unti rin kaming napapalapit sa isa’t isa kahit malayo ang agwat
naming dalawa. Isang gabi, kakauwi ko lang sa bahay ay agad ko itong kinausap at nakakaramdam
ako ng buryo dahil inaantok na rin ako noong mga oras nay un. “Buryo ako dito” ang aking sabi.
Nagulat ako sa kaniyang mga sinabi “Sige, para di ka maburo, gusto kita”. Hindi ko alam kung anong
sasabihin ko o isa lamang itong biro, pero seryoso siya at noong huling taon pa siyang nagkakagusto
sakin. Napagtanto ko kung gaano ako ka-manhid sa mga pahiwatig niya sa akin, at natatawa na
lang ako dahil hindi ko naisip na may gusto pala siya sakin Umamin din ako na gusto ko siya dahil sa
aking nararamadan kahit naalala ko parin ang nakaraan. Kinabukasan, hindi pa rin ako mapaniwala
sa nangyari kagabi dahil hindi pumapasok sa utak ko ang mga nangyayari. Buwan ang nakaplipas,
araw ng pagsusulit sa aking paraalan, ngunit sinuspende ang klase kaya napaisip ako na pumunta
sa bahay nila Angelica kahit malayo. Unang beses namin itong pagkikita makalipas ang dalawang
taon naming di pagkikita. Tatlong traysikel ang aking sinakyan makapunta lang mula sa amin sa

3 | Simula, Gitna, Wakas? Ni Dustin Charles M. De Leon


Mga Maikilng Kwento ng 11-Macbeth

Meycauayan hanggang sa kanilang bahay sa Caloocan. Noong nakapunta na ako sa kanila ay


kitang-kita ang kanyang ngiti at masayang nagkita na kami sawakas. Isa ito sa pinaka-
madagandang ala-ala sa amin bilang magkasintahan.

Ang aming relasyon ay puno ng saya, lungkot, galit, at pag-ibig. At maraming beses na rin
kaming naghiwalay pero hindi maraming beses din ang nagpatawaran sa isa’t isa. At naramadam
ko na ito una’t huling beses na magmamahal ako ng isang babae. Kahit hindi siya perpekto sa tingin
ng ibang tao. Para sa akin sapat na siya at wala nang lalamang pa sa kanya. Habang sinusulat ko
itong kwentong ito, naalala ko ang simula ng aming pagkilala sa isa’t isa at ang pagmamahalan
naming dalawa. Malayo pa ang aming tatahakin sa buhay lalo na papasok na sa kolehiyo si
Angelica. Mga bagong pagsubok na naman ang kakaharapin upang maging matibay pa ang
aming pagsasama, sa dami ng aming pinagdaan, simula sa pagigigng kaibigan, tagahanga, malapit
na kaibigan at ngayon na kasintahan. Isang patunay na ang aming relasyon sa isa’t isa ay hindi
matatapos. Simula, gitna, wakas? Sana magwakas ang ating pagsasama hanggang sa susunod na
habambuhay. Mahal kita, Angelica!

4 | Simula, Gitna, Wakas? Ni Dustin Charles M. De Leon


Mga Maikilng Kwento ng 11-Macbeth

Ligaw
Isinulat ni Charles Brian P. Manuel

Santino, gumising ka na mahuhuli ka sa unang pasukan ng klase nakahain na ang iyong baon
mag-pahatid ka nalamang sa iyong lotay. Ako si Santino lumaki akong hindi kilala ang aking mga
magulang ang sabi ni lonay namatay daw sila sa isang aksidente nung sangol palamang ako. Ayos
na siguro yon Santino maaari ka nang maupo sa iyong naitalang upuan maraming salamat sa iyong
pagpapakilala, ito lamang muna ngayong araw maaari na kayong umuwi. Santino may gagawin ka
ba ngayong araw ayain ka sana naming mag laro ng taguan sa bakanteng-lote kabilang kanto lang
mula sa bahay niyo tugon ng isa kong kaklase, ah eh ano kasi may kailangan ko tulungan sa gawaing
bahay ang aking lonay sagot ko ngunit pinilit parin ako kaya wala ako nagawa at sumama ako pero
sinabi kong hindi ako maaaring abutan ng dilim dahil ayon ang bilin ng aking lonay, dahil sa paglalaro
hindi ko namalayan na dumidilim na pala ang kalangitan kaya’t dali dali akong nag paalam sa aking
mga kalaro para umuwe na dahil siguradong hinahanap nako ng aking lonay at lotay sa bahay.

Sa aking pag-sigaw may hindi ko alam na


umalingawngaw na hindi pamilyar na tunog kaya’t dali-dali
naglabasan ang aking mga kasama sa kanilang
pinagtataguan at sabay-sabay kaming tumakbo palabas ng
kagubatan, habang tumatakbo kami may nakita kaming
liwanag sa dulo ng mga puno kaya’t dinaretso namin iyon.
Ngunit bigla namin napagtanto nung nakalagpas na kami sa
nakakasilaw na liwanag na iyon na magdidilim na nga pala
nung naglaro kami sa kagubatan kaya’t bakit may liwanag
kaming nasilayan ngunit ng paglagpas namin sa dulo dinala
kami nito sa isang maliwanag na kagubatan na hinangaan
naming lahat.

Narinig ko itong lugar na ito sa aking lonay at lotay ito ang nawawalang kagubatan, dahil sa
alitan ng mga tao at ng mga mahiwang nilalang nagpasya ang mga nilalang naiyon na itago ang
kanilang mga arian upang hindi na ito mapakinabangan ng mga tao ngunit may isang diwata ang
nanatili sa pagitan ng tao at ng mga mahiwang nilalang dahil ito’y umibig sa isang tao na kinagalit
ng kaniyang kauri.

May nakita kaming gumagalaw sa puno kaya’t dali-dali naming pinuntahan at hindi namin
inaasahanan ang aming nakita, isa itong bantay sa lugar na ito, buti nalamang hindi kami napansin
ng kapre na iyon kaya nag lakad kami ng dahan-dahan palayo at sa hindi kalayuan may natanaw
kaming isang babae dahil sa tuwa dali kaming tumakbo at inisip na naliligaw lamang din siya tulad
naming, pinasunod kami ng babae sa kanyang munting bahay sa gitna ng nawawalang kagubatan,
ang kaniyang lengguwahe ay purong tagalog kaya madali niyang nakuha aming loob at tiwala,
pinatulog niya pa kami sa kanyang bahay dahil sa madilim na ang paligid dahil sa kampante kaming
tao din ang babae hindi kami nag hinala sa bawat kinikilos niya, kinabukasan pagmulat ng mga mati
ko hindi ko nakita ang babae sa bahay, hinanap ko sa labas baka may ginagawa lamang ngunit
hindi ko mahagilap kahit ang isa kong kasama na si marco ay nawawala din sa kaniyang tinulugan
kaya ginising ko ang isa ko pang kasama na si jose para tumakas sa bahay na iyon ngunit pag labas
naming ng pinto nakasalubong namin ang babae kasama si marco, nangahoy lamang sila tugon ni
marco kaya nawala ang takot naming dalawa ni jose at bumalik sa loob.

Habang nagluluto ang babae ng umagahan biglang may kumatok sa pinto at binuksan ito
ni jose nagulat kami ng may tatlong duwende ang pumasok at biglang nagbuga ito ng asul ng usok
na nagpabagsak sa kasama ko, mabilis kumalat ang usok dahilan ng pagkawala ng malay namin

5 | Ligaw ni Charles Brian P. Manuel


Mga Maikilng Kwento ng 11-Macbeth

nang magising kami nakatali kami sa isang punong kahoy kung saan nakita namin ang kapre na
nagbabantay.

Kailan kayo nakapuslit gubat na ito, saan kayo


dumaan, paano nyo nahanap ang lugar na ito, tanong ng
kapre na galit dahil may nakapasok na tao ng hindi niya
alam sa gitna ng pagsasalita ng kapre nag salita ang babae
na akala naming tao ay isa palang diwata na kasamang nag
babantay ng kapre, hinay hinay lamang sa iyong
pagtatanong kapre hindi mo ba nakikita ang kanilang itsura?
Sila ay natatakot sa iyong malalim at galit na boses, maari
bang sila’y kausapin mo nang mahinahon? Sabi ng diwata.
Gumaan ang loob ko nang marinig ang sinabi ng diwata tila
wala silang gagawing masama kaya mahinahon kong
sinagot ang tanong ng kapre kung kalian at paano kami
napunta sa lugar na ito, mabilis namang naintindihan ng
kapre ang aking mga nasabi at nag usap ang duwende at
kapre sa kanilang lengguwahe ngunit sa hindi inaasahan ako
lamang ang nakakaunawa sa kanilang sinasabi at nalilito
parin ang dalawa kong kasama sa mga nangyayari, ako ay
nag tanong sa duwende na maaari bang maintindihan ng isang taong katulad ko ang kanilang
lengguwahe ang sagot ng duwende ay hindi ito matututunan ng tao kahit na aralin pa an gaming
lengguwahe kaya’t nakakapag taka kung bakit ikaw na isang tao ay marunong at nakakaunawa
ng aming lengguwahe at sa hindi inaasahan sa oras na iyon bigla kong naalala ang sabi ng aking
lonay na namatay ang aking ina at ama sa isang aksidente at nag tanong muli sa pagkakataong ito
sa diwata ako nag tanong, totoo bang may isang diwatang tulad mo na umbig sa isang tao? Biglang
tumahimik ang paligid at bakas ang lungkot nito sa maganda nitong mukha at sabing totoo ang
diwata ay umibig sa isang tao sa katunayan ay ang diwatang iyon ay ang aking nakakatandang
kapatid. Silang dalawa ay mag kapatid kaya’t nag pasya ang bunso na maging bantay dahil
umaasa siyang babalik ang nakakatandang kapatid ngunit bigla kong pinutol ang sinasabi ng
diwata sabay sabing hindi na babalik ang iyong nakakatandang kapatid biglang nagalit ang diwata
sa sinabi ko ngunit malakas ang aking na ang diwatang iyon ay ang aking ina, hindi sila namatay sa
aksidente sila ay pinatay dahil hindi tanggap ng mga tao ang kanilang pag-iibigan, nang marinig ito
ng diwata agad itong kumalma at niyakap ang anak ng kaniyang nakakatandang kapatid at dahil
sa natuklasang balita ng diwata masaya ito dahil nakilala niya ang naging bunga ng pag-iibigan ng
kaniyang nakakatandang kapatid sa isang tao at lumaki itong may galang at mabait dahil dito hindi
nagtagal ang pag uusap nag pasya ang diwata na sabihin ang nangyayari sakanila ng kanyang
mga kaibigan na nilagaw sila ng isang masamang elemento tungo sa tagong lugar na iyon at isa
lamang ang paraan para makabalik sila, at ayon ang isang awit na makakapag bukas muli ng puting
liwanag ngunit hindi ito alam ng diwata kahit ng kapre at duwende nag tanong ako kung anong
kanta ang nararapat, ito ayt kanta ng isang ina na nag sisimbolo sa pagmamahal niya sa kaniyang
anak tugon ng duwende. Hindi ito kinakanta ng aking ina dahil hindi ko na siya naabutan ngunit lagi
ito kinakanta sakin ni lonay pagnahihirapan ako sa mga desisyon ko. Sa pagtapos ng kanta biglang
nag bukas ang puting liwanag at nag paalam na kami sa duwende at karpre at sa diwatang aking
kadugo. Sa susunod na maliligaw ka Santino sana dito ka dalhin ng mga paa mo, mag hihintay ako
sa pagbalik mo aking pamangkin. Niyakap ko ang aking tiya at nag paalam na, hangang sa muli
nating pagkikita, mag iingat ka. Babalik ako kasama sila lonay at lotay, paiyak kong sabi at biglang
balik sa kagubatang madilim.

6 | Ligaw ni Charles Brian P. Manuel


Mga Maikilng Kwento ng 11-Macbeth

Bakit Hindi pa Umamin


Isinulat ni Aliyah Andre P. Abbu

Si Talia ay palaging tahimik at “introvert” na babae. Mas pinipili niyang mapagisa at madalas
nawawala sa kanyang sariling mga iniisip. Ngunit sa kabila ng kanyang pagiging mahiyain, siya ay
mabait at magaan qng loob sa mga taong nangangailangan, laging handang magbigay ng tulong
sa iba. Kilala siya sa kanyang klase bilang matalino at masipag na mag-aaral na palaging mataas
ang marka sa mga pagsusulit.

Isang araw, biglang nagbago ang buhay ni Talia nang lumipat sa kanilang paaralan ang
bagong estudyanteng nagngangalang Jake. Si Jake ay kaakit-akit na lalaking lubos na kabaliktaran
ng personalidad ni Talia, siya ay mas masayahin, palakaibigan at mahilig makihalubilo. Agad na
nakilala si Jake sa klase ng dahil sa kanyang kaakit-akit na presensiya, nakuha niya ang atensyon ng
lahat, kasama si ni Talia.

Sa paglipas ng mga araw, naging mag-kaibigan sina Talia at Jake. Madalas silang
nagkakasama sa paggawa ng mga proyekto at mga pangkatang gawain. Unti-unting nahuhulig
ang loob ni Talia kay Jake. Ngunit may Isang suliranin, si Jake ay may relasyon na pala kay Aldana,
Ang cute at masayahing matalik na kaibigan ni Talia. Sa kabila ng nararamdaman ni Talia kahit kailan
ay hindi niya ito ipinakita kay Jake. Siya ay tapat na kaibigan Kay Aldana at hindi niya nais na
pumagitan o sirain ang relasyon nila ni Jake. Pinilit ni Talia ang kanyang sarili na suportahan ang
relasyon ng kaniyang kaibigan, Mula sa malayo ay napagmamasdan ni Talia na magkasamang
naglalakad habang magkahawak ang mga kamay nina Aldana at Jake. Wala namang galit na
nararamdaman si Talia, ngunit sa kanyang puso ito ay napakasakit, hindi niya rin maiwasang
mangarap at umasa ,iniisip na… ”Sana mapansin mo naman ako....ang sakit sakit….sana ako nalang
Jake.”

Sa paglipas ng panahon ang relasyon nila Jake at Aldana ay nagsimulang magkawatak-


watak at kalaunan ay naghiwalay rin sila. Nanatili si Talia sa tabi ni Aldana at siya ang nagcomfort
dito. Mabilis na nakapag “moved on” si Aldana at nakahanap ng bagong ka-relasyon.

Aldana: Talia! beh may bago na ko!


Talia: Anong bagui?
Aldana: Bago. hindi Bagui! ,Hahahahahah!
Talia: Oh, bagong ano?
Aldana: Jowa ano pa ba ? Cute siya beh tingnan mo, pero wag mo pahalata, hahahahaha!
Yung naka blue na jacket beh.
Talia: Jowa mo yun? Yung sa dulo ba? Bilis mo naman mag move on beh, wala pang Isang
linggo mula nung break up niyo ni Jake.
Aldana: Syempre… ako pa ba lalaki lang yan. Thank you, next! Thank you,next! I’m so grateful
tanan..nan..hmmm 🎶
Talia: Hay naku ewan ko sayo…
Aldana: hahahahahah!
Talia: Oh, siya sige na may klase pa ko beh bye bye na.
Aldana: Sige beh, bye! Bebetime muna ko hahahaha!

Mabilis man na naka “moved on” si Aldana, pero si Jake ay hindi. Nakikita ni Talia sa mukha
ni Jake na ito ay nalulungkot, hindi matiis ni Talia na nakikitang “heartbroken” si Jake , pero hindi niya
rin naman kayang mag “confess” ng kanyang nararamdaman. Matapos ang ilan pang mga araw
,nakalimutan narin ni Jake si Aldana. Bumalik na ang kanyang mga ngiti at naging masayahin na muli
ito.

Nagpatuloy lamang ang kanilang pagkakaibigan ,araw araw ay sinusubukan ni Talia na


baliwalain ang nararamdaman niya para kay Jake, iniisip na lilipas at basta basta nalamang
maglalaho ang nararamdaman niya.Sa klase ay araw araw silang nagkikita dahil nasa iisang klase
lang naman sila.Ngunit Isang araw nagbago ang mga kinikilos ni Jake, Mas nag aayos na ito ng

7 | Bakit hindi pa umamin ni Aliyah Andre P. Abbu


Mga Maikilng Kwento ng 11-Macbeth

kanyang itsura, kadalasang ay umuupo narin ito malapit kay Talia ,kahit noon ay hindi naman
lumilipat ng upuan si Jake liban nalang kung nagpapasulat ang guro, madalas narin niyang binabati
at pinupuri si Talia sa kahit anong bagay. Napansin ni Talia ang pagbabago ni Jake at kinutuban ito
na baka may gusto narin si Jake sa kanya, ngunit ayaw naman niya na maagang mag “assume” at
baka guni guni niya lamang ito , kaya ipinagpatuloy niyang baliwalain ito.Natapos ang school year
na iyon at nagkahiwalay ng landas sina Talia at Jake.

Tatlong taon ang lumipas at nagtagpo muli ang kanilang mga landas. Mayroon paring
nararamdaman si Talia para kay Jake ngunit may balak na siyang lumipat ng paaralan dahil lilipat
ng na rin ng tirahan ang pamilya nila, bukod pa dito ay napagdesisyonan na niyang mag aral muna
ng mabuti tulad ng palaging sinasabi ng kanyang magulang na dapat siyang magtuon sa pag aaral
at huwag munang pumasok sa mga romantikong relasyon.Sa kabilang banda si Jake pala ay may
gusto kay Talia ngunit hindi nagkaroon ng pagkakataong umamin dahil natapos ang school year
noon. Ngunit sa loob ng tatlong taon hindi niya nakalimutan si Talia. Lalo lamang lumago at lumalim
ang nararamdaman niya, at hindi niya na ito kayang ilihim ito.

Nagkaroon ng pagkakataong si Jake na makausap si Talia, At nag desisyon itong umamin ,


umaasang parehas na may nararamdaman Sila sa isat isa. Nagulat si Talia at hindi siya handa sa
sinabi ni Jake. Hindi niya gustong saktan ang nararamdaman ni Jake, ngunit hindi niya rin alam kung
ano ang gagawin o sasabihin, Mahal niya si Jake ngunit alam niya na hindi papayag ang kanyang
mga magulang. Patuloy naman na sinuyo ni Jake si Talia umaasang mamahalin din siya ni Talia.

Pagtatapos ng tatlong beses na bigong pag confess ni Jake ng kanyang damdamin at ilang
linggong panunuyo, sumuko na ito at tinanggap na baka wala na nga silang pag asa. Makalipas
ang isang buwan nagkaroon si Jake ng bagong ka-relasyon. Si Yumi, mayaman at maganda ,na
hindi inaasahang kaibigan din pala ni Talia. Masaya naman si Talia para kay Jake ngunit may kirot ito
sa kanyang puso, masakit para kay Talia na nakikitang masaya na naman siya sa iba. Nawala at na
sayang na naman ang pagkakataon.

Lumipas ang mga araw at hindi na kinayang mag tiis pa ni Talia, naisip niya ang ilang taon na
nasayang. Ayaw na niyang mabuhay na may pag sisisi na hindi niya inamin na mahal niya rin si Jake.
Kung kaya bago makalipat ng paaralan si Talia umamin ito Kay Jake……sa social media. Inamin ni
Talia ang kanyang nararamdaman kay Jake gamit ang pekeng account upang hindi malaman kung
sino siya. Gusto lamang ni Talia na sabihin ang kanyang nararamdaman para kay Jake, Bago siya
umalis , at ayaw niyang sirain ang relasyon nito ay Yumi. Hindi alam ni Talia na mabilis lang naghiwalay
sila Yumi at Jake, dahil si Talia lamang ang naiisip niya kapag kasama niya si Yumi.At nalaman rin ni
Yumi na si Jake pala ang lalaking mahal ni Talia na nakwento niya noon.

Nalaman ni Jake ang katotohanan dahil alam ni Yumi na may gusto dati si Talia kay Jake at
sinabi niya ito. Naglakas loob si Jake na sundan si Talia sa bago nitong eskwelahan. Nang magkita
sila ay nagulat si Talia at nagtaka kung bakit nandoon si Jake sa eskwelahan nila, nilapitan ni Jake si
Talia at hindi na nagpaligoy ligoy pa. Sinabi nitong alam na niya ang totoo ,at tinanong niya si Talia
kung bakit ni minsan ay hindi siya umamin, at kung bakit siya nilayuan nito noong siya naman ang
umamin sa kanya.Sinabi at nagpaliwanag ng maayos si Talia, naintindihan naman ito ni Jake ,
namangha din Jake sa pagiging tapat na kaibigan ni Talia kina Yumi at Aldana ,pati narin sa pagiging
mabuting anak ni Talia sa kanyang mga magulang.Sinabi nito na “Talia hindi naman natin kailangang
magmadali, at ayos lang sa akin na hindi muna maging tayo…handa akong mag antay kahit gaano
pa katagal”. Nanatili lamang sila matalik na mag kaibigan hanggang nakapag tapos sila sa pag
aaral.

Sa huli ay masaya silang nagsama at napakilala narin nila ang isat isa sa mga pamilya
nila,Magaan ang loob ng kanilang mga magulang at mabilis na tinanggap ang relasyon nila lalo na’t
alam nila na matagal nang matalik na magkaibigan sina Jake at Talia.

8 | Bakit hindi pa umamin ni Aliyah Andre P. Abbu


Mga Maikilng Kwento ng 11-Macbeth

Marilag
Isinulat ni Kassandra B. Odeña

Sa kaharian ng Marilag, ang reyna ay si Reyna Abaritya na pinapangarap na maging


pinakamaganda sa lahat. Sa kanyang ambisyon, siya ay naging mapangahas at mapang-api,
pinapaslang niya ang lahat ng mga babaeng magaganda upang walang makapantay sa kanyang
kagandahan.

Isang araw, dumating ang isang matandang magtataho na walang anak sa kanilang bahay.
Siya ay napahinto ng nakita niyang bukas ang pinto. Dahan dahan siyang pumasok sa kadahilanang
baka mayroong magnanakaw sa loob ng bahay ngunit siya ay nagulantang ng hindi magnanakaw
ang kaniyang nakita ngunit isang kuneho na may bali ang paa.

Ilang linggo ang nakalipas ay gumaling na ang kuneho. Siya ay nagulat ng bigla itong
nagpalit ng anyo at naging diyosang ubod ng kagandahan. Sa kanyang kabutihan, ipinagkaloob
ng diyosa ng kagandahan ang isang sanggol na lalaking napakaganda, ngunit may kondisyon—
kailangang itago ito mula sa mga mata ng reyna.

Pinangalanang "Ely" ang sanggol. Makalipas ang ilang araw, nagpasya na ang ama na sila
ay lalayo sa kaharian at titira sa kagubatan upang maiwasan ang panganib na makita ito ng reyna
o ng mga alagad ng reyna. At sa paglipas ng panahon, unti-unting lumaki ang sanggol at naging
isang dalaga na napakaganda. Pinaghihigpitan siya ng kanyang ama sa paglabas ng bahay kahit
na sila ay nakatira sa kagubatan.

Ngunit isang araw, nang umalis ang kanyang ama, tinangkang lumabas ni Ely dahil sa
kanyang matagal ng kagustuhang pumunta sa lungsod na malapit sa kaharian. Matagal na itong
kagustuhan ni Ely, ang makita ng malapitan ang mga ilaw na kanyang nasisilayan lamang sa bintana.

Habang siya ay naglilibot at naghahanap ng tamang daan papunta sa kanyang


paroroonan, nakasalubong niya ang isang binatang sugatan na ang pangalan ay Zack at ang
kanyang kabayo. Agad siyang nagpasyang tulungan ang mga ito.

Sa kabila ng sakit at na nararamdaman ng binata, hindi niya maiiwasang magulat sa


kagandahan ni Ely. Sa lahat ng kanyang nakilala, si Ely ang kauna-unahang babae na nagdulot sa
kanya ng ganitong kakaibang pakiramdam. Sa kanyang mga mata, tila nagningning ang
kagandahan ni Ely, tila bang parang isang kantang hindi mo pagsasawaan.

Matapos tulungan ni Ely si Zack, tatanungin siya ng binata kung ano ang ginagawa niya sa
kagubatan dahil bihira lang tumira doon. "Ano bang ginagawa mo dito sa kagubatan?" ang tanong
ni Rafael, na may halong pagtataka sa kanyang tinig.

Sa kabila ng kanyang pag-aalala na maaaring maging mapanganib ang pagsagot, sinabi ni


Ely sa kanya ang katotohanan. "Tumutulong lang po ako sa mga nangangailangan dito sa
kagubatan," sagot niya, may kaba sa kanyang boses.

Nagulat si Zack sa kanyang sagot, ngunit sa halip na ituloy ang pagtatanong, biglang
nagbitiw ng imbitasyon. "Gusto mo bang sumabay sa akin pauwi sa lungsod?" aniya, tila may bahid
ng pananabik sa boses.

Matapos mag-isip-isip, pumayag si Ely. "Oo, gustong-gusto ko po," sabi niya, na puno ng
excitement at pangamba sa kanyang puso.

Habang naglalakbay sila pabalik sa lungsod, unti-unti silang nagkaroon ng mas malalim na
koneksyon. Nagbahagi sila ng mga kwento at pangarap, na nagpataas pa sa kanilang
pagkakaibigan.

9 | Marilag ni Kassandra B. Odeña


Mga Maikilng Kwento ng 11-Macbeth

Ngunit sa pagdating sa lungsod, biglang nahinto ang kanilang kaligayahan. Nakita si Ely ng
mga alagad ng reyna at agad siyang ipinadakip. "Bawal ang maganda sa kaharian!" deklara ng
isang alagad habang hinihila si Ely palayo kay Zack.

Sa harap ng pangyayaring ito, napagtanto ni Zack na kailangan niyang ipagtanggol si Ely. Sa


kabila ng lahat ng panganib, nagpasya siyang labanan ang Reyna at ang kaharian upang iligtas si
Ely, ang taong parang isang musika na sa unang beses na ito'y iyong papakinggan, alam mo na
agad ba ito ang magiging paborito mo at mamahalin mo.

Ngunit nabigo si Zack at muling nahuli si Ely ng mga alagad ng reyna, hindi nakatakas sa
pansin ng masamang reyna ang kanyang galit at pagkainggit sa kagandahan ng dalaga. Sa harap
ng maraming tao, ipinasiya ng reyna na parusahan si Ely nang buong-buong.

Dahil sa kanyang kasamaan at pagkainggit, ipinapatay ni Reyna Abaritya si Ely sa harap ng


kanyang sariling kaharian, hindi nagawang pigilan ni Zack ang reyna mula sa pagpapatupad ng
ganitong kaparusahan.

Sa gitna ng matinding galit at lungkot dahil sa pagkamatay ni Ely, hindi napigilan ni Zack ang
sariling pagnanais na maghiganti sa masamang reyna sa kanyang ginawang kasamaan. Sa tulong
ng kanyang tapang at determinasyon, nagawa niyang humarap sa reyna at ipinatupad ang
kanyang pananagutan.

Sa isang mapangahas na pagkilos, sinagupa ni Zack ang mga alagad ng reyna at personal
na humarap sa kanya. Sa harap ng buong kaharian, nilabanan ni Zack ang reyna at sa isang
matinding laban, nagtagumpay siya sa pagpatay sa masamang pinuno ng kanilang kaharian na
kanya ring mahal na ina.

Bagamat nagtagumpay si Zack sa kanyang misyon na makamit ang katarungan para kay Ely
at sa kanyang kaharian, hindi maalis ang pait at lungkot sa kanyang puso sa pagkawala ng
minamahal. Subalit sa kanyang pagkilos, naging inspirasyon siya sa iba na lumaban para sa
kabutihan at wakasan ang kasakiman ng reyna.

10 | Marilag ni Kassandra B. Odeña


Mga Maikilng Kwento ng 11-Macbeth

Nakakalitong Damdamin
Isinulat ni Zyril Riza T. Pader

Naranasan mo na bang magkagusto sa isang tao na nakakalito? Lahat naman tayo may
mga karanasan sa iba’t ibang tao, maaaring maganda o masama. Pero para sa atin nananaig ang
tunay na pag-ibig lalo na kung gustong-gusto mo ang taong ito. Ang kwentong ito ay base sa aking
totoong karanasan bilang isang kabataan na nagkagusto sa isang tao, nasaktan, at nagmahal ulit
pero sa panahong ito totoo na.

Ako si Zyril, labing-anim na taong gulang. Isang mag-aaral ng ika-labingisang baitang.


Nagdaan ako sa pagiging isang baitang sampu na estudyante. Bilang isang Kabataan at walang
karanasan sa pag-ibig hindi madali ang magkagusto sa isang taong wala ring karanasang
magmahal.

Isang araw, pumasok ako sa eskwelahan at may nakitang pamilyar na tao. Ang sabi ko sa
sarili ko, “namumukhaan ko s’ya, teka saan ko nga ba s’ya kilala” at biglang sumagi na utak ko na
nagging kaklase ko s’ya nung kami ay elementarya pa lamang. Nagsimula ang lahat sa
pangangamusta ko. Hindi ko na sasabihin ang kanyang pangalan Lee.

Zyril (ako): Hello, parang nakikilala kita. Naging magkaklase na ba tayo?


Lee: Hindi ko tanda eh, parang?
Ako: Grade 4? Yung matalino sa klase n’yo.
Lee: Ah, tanda ko na
Ang paguusap na naganap ay nagpatuloy simula ng araw na iyon. Ang magustuhan ka ng
taong gusto mo ay isang magandang regalo para sa isang tao. Pero, hindi lahat ng tao ay malinaw
sa kanilang nararamdaman. Naglakas-loob akong sabihin ang nararamdaman ko makalipas ang 2
buwan. Ngunit, hindi ganoon kadali gawin ito. Ang pagkatakot na baka mapahiya ka kapag nasabi
mo ang totoo mong nararamdaman para sa isang tao ay hindi biro. Pero para sa akin aanhin ko pa
na hindi sabihin ang totoo kong nararamdaman kahit hindi ko alam ang magiging resulta nito,

Ako: May gusto akong sabihin pero hindi ko alam ang magiging reaksiyon mo.
Lee: Ano ba ang sasabihin mo? makikinig ako.
Ako: Matagal ko na itong gustong sabihin pero hindi ko alam ang magiging reaksiyon mo,
kung kaya’t pinagisipan ko ito ng maayos.
Lee: …..
Ako: May gusto ako sa’yo.
*/Sinadya kong lagyan ng tuldok ang dulo nito pahiwatig na iyon lamang ang nasabi ko.
Lee: Hindi ko alam ang itutugon ko. Salamat? Sa tingin ko?
Ako: salamat?
Lee: hindi ko alam ang isasagot ko
Matapos ang pag-uusap na iyon ay hindi ko na muna s’ya kinausap at pinag-isipan ko ang
aking sunod na gagawin. Ipagpapatuloy ko ba ang nararamdaman ko o hindi na? Ilang araw na
ang nakakalipas at nagpatuloy ang paguusap naming. Pormal at napapacasual lamang nito na
para bang walang nangyari o walang aminang nangyari. Makalipas ang ilang buwang patuloy na
paguusap, biglang sumagi sa aking isipan na tanungin siya ng isang bagay na hindi na ako
magaasam ng magandang sagot.

Ako: May tanong ako.


Lee: Ano ‘yon?

11 | Nakakalitong Damdamin ni Zyril Riza T. Pader


Mga Maikilng Kwento ng 11-Macbeth

Ako: Sa ilang buwang pag-uusap natin, ano ba talaga tayo?


Lee: Ha?
Ako: Gusto ko alamin kung ano ba tayo? Ganito na lang ba tayo? Nag-uusap na akala mo
walang nangyari, walang aminang naganap.
Lee: Bakit, ano ba gusto mong maging sagot ko?
Ako: yung totoo.
Lee: Hindi ko alam, ano nga ba tayo?
Ako: Gusto mo rin ba ako?
Ang paguusap naming ay binalot ng katahimikan at nanatiling walang kasagutan ng ilang
araw. Ang isang bagay na pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang mga bagay na walang kasiguraduhan.
Matapos ang halos 7 buwang pag-uusap na walang usad ay naisip ko na ako na mismo ang tumapos
sa aming dalawa kahit alam ko sa sarili ko na wala naman akong mapapala sa ginawa ko. Matapos
kong sabihin na hindi ko na kaya ang nagaganap sa aming dalawa dahil nasasayang at naghihintay
lang kami sa wala ay maari na lamang naming tapusin ang ugnayan naming dalawa. Sapagkat, sa
parte ko ay mahirap maghintay kung alam ko sa aking sarili na wala akong mapapala at baka
masaktan lang ako. Matapos ang paguusap namin patungkol dito ay ikinagulat ko ang kanyang
isiniwalat.

Lee: Tanggap ko ang naging desisyon mo, pero ang akala ko ay may pag-asa tayo.
Sa aking mga narinig, ang dapat na maging reaksyon ko ay pagkatuwa, tama? Ngunit hindi
ito ang aking naramdaman nang mga oras na iyon.. Kundi, galit. Lumabas ang aking mga masasakit
na saloobin at akin itong sinabi sa kanya hanggang sa puntong ako na mismo ang umayaw at
nagpaalam.

Ako: Sa mga panahong kailangan ko ng sagot mo, ang nakuha ko ay puro kalituhan.
Hanggang sa punto na ako na mismo ang umayaw kakahintay. */Ang isa sa love language
ko ay gift giving, inaamin ko na s’ya ay nabigyan ko ng mga regalo na sa tingin ko ay
napakasayang dahil nasayang lahat ng paghihirap ko.
Matapos ang pag-uusap naming iyon ay pilit pa rin n’ya akong kinakausap ngunit nasabi ko
sa aking sarili na hindi ko na hahayaan na ibaba ko ang dignidad ko at magmakaawa sa alam kong
wala akong mapapala at maaaring masaktan lamang ako. Sa panahong ito dito ko napagtanto na
totoo nga ang kasabihan na “malalaman mo lamang kung gaano kaimportante ang isang tao
kapag Nawala na ito sa iyo”.

Makalipas ang 3 buwang hindi naming pag-uusap, napagtanto ko na mas sumaya ako at
mas naramdaman ko na tama ang naging desisyon ko. Dito na papasok ang isang lalake na
makikilala ko at babago sa pananaw ko na hindi lahat ng lalake ay katulad ng nakaraan ko. Siya
ang magpapatunay na kapag ang isang lalake ay may purong pagmamahal na nararamddaman
ay gagawin n’ya ang lahat para sa iyo. At hindi mo maramdaman na lahat ng bagay na ginagawa
mo ay mapupunta sa wala.

Hindi sa lahat ng panahon na masaya ng ating karanasan. Maaring may mga oras na
kailangan mong masaktan para may matutunan. May mga bagay na mahirap gawin lalo na kung
hindi mo alam kung paano ito ipapakita at ipaparamdam sa isang tao. Ngunit, ang kawalan ng
kaalaman sa kung ano nga ba ang dapat gawin kapag hindi mo alam ang dapat na maging sagot
mo ay hindi dahilan para manakit ka ng damdamin ng iba. Lahat ng tao ay may damdamin kung
kaya’t wag na wag mong ipaparamdam sa isang tao na mahalaga sa iyo na hindi importante ang
kanyang nararamdaman. Dahil hindi permanente lahat ng bagay sa mundo matuto tayong
tumanggap ng mga bagay na maaring magbigay ng pagbabago sa ating sarili. Ang damamin ay
mahalagang parte sa tao. Kung kaya’t matutong magpakumbaba sa mga isisiwalat.

12 | Nakakalitong Damdamin ni Zyril Riza T. Pader


Mga Maikilng Kwento ng 11-Macbeth

Reinkarnasyon
Isinulat ni Kristalaine May P. Torres

Sa isang liblib na bayan sa Pilipinas, may isang babae na nag-ngangalang Celestia. Si Celestia
ay isang dalagang bagong-graduate ng kolehiyo na puno ng pangarap at pag-asa sa buhay. Ngunit
sa hindi inaasahang pangyayari, isang trahedya ang naganap na agad namang nagdulot ng
pagkalunod sa kanyang mga pangarap.

Isang gabi, habang naglalakad si Celestia pauwi mula sa kanyang trabaho, biglang may
tumama sa kanya na sasakyan na mabilis ang takbo. Sa pagdating ng mga rescuers, agad siyang
dinala sa ospital subalit hindi na ito nakatakas sa kamatayan.

Ngunit sa kabila ng pagkamatay ni Celestia hindi nagwakas ang kanyang kwento doon. Sa
kanyang pagmulat ay tila hindi pa siya nalilibing sa kanyang pagkamatay. Nalaman niyang siya ay
isang sinumpa, isang kaluluwa na hindi pa tapos sa mundong ito, kayat nagpasya siyang bumalik at
ituloy ang kanyang nasimulang paglalakbay sa buhay.

Isang araw, sa katawan ng isang binatang lalaki ay napadpad ang kaluluwa ni Celestia. Sa
unang pagtatagpo ng kaluluwa niya at ang katawan ng binata ay hindi ito nauunawaan. Ngunit sa
bawat araw na lumilipas, unti-unti niyang naalala ang kanyang nakaraan at nagamit ang mga
karanasang iyon upang baguhin ang nakaraan.

Sa paglipas ng panahon, natutunan ni Celestia kung paano maging mabait,


mapagkumbaba, at mapagbigay. Sa bawat hakbang ay mayroon siyang natututunan at pamilyar
na feeling na siya ay hindi basta-bastang nilikha para sa isang layunin lamang.

Ang kwento ni Celestia ay patuloy na nagbubukas ng mga pintuan sa kanyang nakaraan,


kasalukuyan, at hinaharap. Sa pagkahumaling at pagtitiwala sa lawak ng espirituwal na
kapangyarihan ng kaluluwa, nais niyang patunayan na ang pagbabago at pag-usbong ay laging
maaaring mangyari anuman ang pagdaanan. Sa bawat yugto ng kanyang pagbabalik, mayroon
siyang hindi mapapantayang karunungan at liwanag na nagmumula sa kanyang pagiging isang
bagong nilalang.

Sa bawat pagkakataon na siya ay bumabalik, mas lalo pang lumalim ang kanyang pag-
unawa sa kahulugan ng buhay at kabiguan. Sa bawat pagkakataon din, mayroon siyang natutunan
at naiintindihan tungkol sa mga tao at pangyayari sa kanyang buhay na nagbibigay liwanag sa
kanyang paglalakbay.

Sa bawat bagong pagkakataon na siya ay nabubuhay, natutunan niya na ang kahalagahan


ng pagpapatawad at pagmamahal ay nagpapalakas sa kanyang espiritu. Naging taglay niya ang
pagiging mapanlikha at mapagmalasakit sa kanyang kapwa, at sa bawat pagkakataon na siya ay
bumabalik, mas lalo niyang naiintindihan ang tunay na layunin ng kanyang pagbabalik sa daigdig.

Sa bawat pag-ikot ng mga pangyayari, unti-unti ring nagbubukas ang mga katanungan sa
kanyang isipan. Ano nga ba ang tunay na dahilan ng kanyang pagbabalik? Ano ang misyon na
dapat niyang gampanan sa kanyang mga pagkakataon na muling mabuhay?

Sa bawat pagbabalik ni Celestia, mas lalo niyang napapagtanto na ang bawat buhay ay
may layunin at bawat pagkakamali ay mayroong aral na naghihintay na matutunan. Ang kanyang
paglalakbay sa reinkarnasyon ay patuloy na nagbibigay sa kanya ng pagkakataon upang
pagtibayin ang kanyang espiritu, magbigay inspirasyon sa iba, at maging tanglaw sa madilim na
landas.

13 | Reinkarnasyon ni Kristalaine May P. Torres


Mga Maikilng Kwento ng 11-Macbeth

Sa huli, sa kanyang pagbabalik sa mundo ng mga buhay, natagpuan ni Celestia ang


kapayapaan at pagtanggap sa kanyang nilisan at mga pagkukulang. Sa bawat pagkakataon na
siya ay bumabalik, higit pa niyang natututunan ang tunay na halaga ng pag-ibig, pagkakaisa, at
pagtitiwala sa kapalaran. Ang kwento ni Celestia sa reinkarnasyon ay nagsisilbing paalala na ang
buhay ay isang walang hanggang proseso ng pag-uugnay at pagtuklas ng sarili sa magkakaibang
anyo.

14 | Reinkarnasyon ni Kristalaine May P. Torres


Mga Maikilng Kwento ng 11-Macbeth

Ang (Muntik na) Hiling


By Charlize Abigail B. Go

Isang hapon, may isang dalagang babae nangangalang Leah na umiiyak sa kanyang kwarto
habang hawak niya ang cellphone sa kanyang kamay. Siya ay na sa higaan niya, ang nalalaman sa
eskrin ng kanyang cellphone ay mga lumang mensahe galing sa kanyang nobyo, o kaya, dating
nobyo na nangangalan Bowie. Tuloy lumuluha ang kanyang mga mata sa pagbasa ng mga
mensahe sa kanilang dalawa, may mga nakakatawang pagsasalita, ilang sandali na hindi
pagkakasundo, iba ay karaniwang pag-uusap ng kahit anong bagay sa kanilang isip o araw. Durog
na durog ang puso ni Leah sa paghihiwalay niya kay Bowie nung nakaraang araw, mula roon, araw
araw siya'y nasisisi sa kanyang sarili at humihiling na makabalik sila sa dati upang ayusin ang kanilang
relasyon sapagka’t iniisip na siya lamang ang may kasalanan sa hiwalayan nila. Habang bumabasa,
natanggap si Leah ng teksto galing sa kanyang kaibigan at kaklase sa notipikasyon ng cellphone,
ang pangalan niya ay Amy. Niyayaya ni Amy si Leah pagpasyal sa mall upang umaalma ang
damdamin ni Leah sa hiwalayan niya kay Bowie, nguni't tumanggi si Leah sa aya niya at tumugon na
kailangan niya mag-isa sa ngayon sa teksto. Sa ayaw o gusto ni Amy, hinayaan niya ang pasya ni
Leah na iramdam muna ang kanyang damdamin at nagsulat na ingatan ang kanyang sarili bago
binaba niya ang cellphone at mag-isa si Leah muli. Nakatitig at natutulala lang si Leah sa iskrin ng
cellphone niya sa pagsasalawahan ng isip at puso niya hanggang unting unti bumalik siya sa luhaan.
Habang nalulumbay siya, bigla tumawag si Leah sa kanyang tatay galing sa pinto na kalahating
bukas. Nag-utos ang tatay na bumili siya sa palengke habang papasok siya sa trabaho. Mapaulik-
ulik si Leah sa kanyang kalagayan, nguni't sumunod pa rin dahil dalawa lang sila sa bahay at ang sa
tingin niya dapat tulungan sila sa isa't isa. Nagngitian ang tatay at nagsabi na mag-ingat sa paglabas
at mahal niya daw siya bago umalis sa bahay. Ginagamit ang munting sandali ni Leah sa bahay
upang ayusin ang sarili niya, kunin ang eco bag at nanggailang pera at humayo sa bahay.

Dumating si Leah sa palengke kung saan kulay kahel na ang langit, nag-aalala siya sa oras
kaya pinadalian ang pagbili ng sangkap para sa pagkain nila bukas. Bumili si Leah ng kamatis,
bawang, sibuyas, karneng baboy at iba pa para sa sinigang nila bukas. Meron siyang sobra na
sangkap tulad ng tinapay at itlog bilang meryenda. Ang kulang na lang ay ang kangkong kaya
pumunta siya sa bahagi ng palengke para sa mga gulay. Pagbili niya ng kangkong, may nakamasid
siya na isang pulubing lalaki na nagmamakaawa sa isang tindera katabi ng tinda ng gulay. Humihingi
ang pulubi ng gatas para sa sanggol niyang anak, nguni't pinasigawan siya ng tindera at nagsabi na
umalis na lang siya bago ipadumi niya ang mga tinitinda. Sumingit si Leah sa konbersasyon at
nagsalita siya sa tindera na wala siyang karapatang ipahiya ng tao nangangailangan. Ang tindera,
kutya sa biglang pagtatanggol sa pulubi nagsabi umalis na lang sila bago magsumbong siya sa
barangay. Tinanggap ni Leah ang kondisyon at umalis siya sa palengke kasama ng pulubi hanggang
na sa matahimik na lugar sila at humingi ang pulubi ng paumanhin sa babala niya sa palengke. Sinabi
ni Leah na wala raw problema riyan at hindi siya karapat dapat tratuhing na ganun, at sa pagsabi
niya iyun, binigay ni Leah ng iilang sobrang sangkap tulad ng itlog at tinapay tsaka unting pera sa
pulubi bilang ayuda sa kanyang anak. Tuwa na tuwa ang pulubi sa kabutihan ni Leah at humingi siya
ng pangalan niya para maalala niya siya mula ngayon. Sinabi ni Leah ang pangalan niya at humingi
rin siya sa pulubi, pero walang imik hanggang hinawakan niya ang kamay ni Leah. Nagtanong siyang
kung ano ginagawa ang pulubi nguni't bigla siyang kumikinang at bumago ang katawan ng pulubi
at ipinapakita ang tunay na anyo ang pulubi, isang lalaking diwata.

Napahanga-hanga si Leah sa kagandahan o kaya kagwapuhan sa nakikita niya. Ang


pangalan niya ay Asan, isang Lambino o lalaking diwata ang sabi niya, at dahil sa walang-iimpot na
pagtulong sa kanya sa palengke may iginawad na siyang pagkataon na maging totoo ang isang
hiling niya. Si Leah, di pa rin makapaniwala sa narinig at nakikita niya, nah tanong kung magkatotoo
ito at ang Lambino nagsabi na ito ay tunay at sabihin na ang nais niyang maging realidad. Nahinto
upang mag-isip nang malalim si Leah ng ilang minuto hanggang tinawag niya ang Lambino. Nakikinig
si Asan sa sasabihin ni Leah at ang hiling niya ay makasama siya kay Bowie muli bago ang hiwalayan.

15 | Ang (Muntik na) Hiling ni Charlize Abegail B. Go


Mga Maikilng Kwento ng 11-Macbeth

Tumingin si Asan kay Leah na may pagtataka sa kanyang mukha bago siyang tumawa na malakas.
Nalito si Leah sa biglang tawanan mula sa kanyang hiling na parang namamaliitan siya at nagtanong
kung merong problema sa kanyang hiling, sa tugon ng Lambino sabi niya na di niya kaya ipatupad
ang hiling niya dahil makasarili raw iyun. Di maintindihan ni Leah kung paano ang nais mabalik sa tao
minamahal niya ay makasarili at nagtanong kung bakit at nagdagdag na tanong kung meron ba
ibang paraan upang ipatupad ang hiling na iyun. Si Asan, naaliw sa walang muwang ni Leah, nagsabi
na ang pagpilit ibalik ng tao sayo ay makasarili tao dahil maaring wala na siyang pakiramdam para
sa iyo at kusa siyang umalis siya. Tugon ni Leah na isang Lambino si Asan at dapat may kapangyarihan
siya baguhin ang sitwasyon base sa hiling, nguni't sabi ni Asan na Lambino lamang siya, hindi Bathala
kaya hanggang nakakabuting hiling ang kaya niyang itupad. Nalulungkot si Leah sa natanggap
niyang sagot at nagmamakaawa maging totoo ang hiling niya dahil si Bowie lamang ang kaya
mahalin siya. Nagulat si Asan sa narinig niyang sagot kay Leah at pinagsabihan na mali siya. Sabi ni
Asan na kung nais niyang malaman ang kalabasan sa makasariling hiling niya, magmasid siya ng
mabuti.

Tumunog ni Asan ang kanyang daliri at bigla nagbago ang kapaligiran ni Leah hanggang
naging itsura ng kwarto niya sa bahay. Nakita niya ang kanyang sarili at si Bowie nakikipagtalo sa isa't
isa bago nagsabi si Leah na tapos na ang relasyon nila. Diyan, dilat ang mga mata ni Leah sa gulat
ng eskena pinagmasdan niya, at nagtataka kung anong nangyayari upang mapunta sa ganun. Sa
salita niya ang tanong, tila nagbalik-tanawan si Leah sa ala-ala niya ng mga sandali kay Bowie. May
isa kung saan nanghiram si Bowie ng bolpen nguni't hindi niya binalik sa kanya at nagsabi na nawala
niya daw iyun pero nakita niya gumamit iyun sa susunod na araw. Isa pa, sa mga kainan nila, hindi
man binayaran ni Bowie para sa pagkain at palagi si Leah ang nagbabayad doon. At isa sa mga
pagkukulang ni Bowie ay paulit-ulit niya ng pagkasira ng pangako na palagi iisipin siya, nguni't siya
ang pinakahuling tao isaalang-alang niya araw-araw at palagi siya mag-isa lang sa kanya. Walang
imik si Leah habang may luha sa kanyang mga mata. May sasabihin siyang sumbat kay Asan nguni't
wala na iyan silbi dahil hindi na dahilan para ipagtanggol ang nais niya bumalik si Bowie at umiyak.
Lumitaw si Asan sa likod ni Leah at tinatapik ang likod niya, hindi talaga sulit pilitin ang nais sa realidad
ang sabi niya. Wala pa rin imik o isip si Leah kung ano gagawin niya mula ngayon, nguni't bago siya
lumuha pa, narinig niya ang boses ng mga kaibigan niya, boses ni Amy, at boses ni tatay, lahat iyun
galing sa bawat alaala nakikita niya. Isang sandali kung bigla siyang tumanggap ng donut dahil sobra
ang binili ng kaklase niya. Isa pa naggagala sa mall at ukay-ukay kasama si Amy at isa sa mga
masayahin sandali sa buhay niya ay kasama ang tatay niya. Mula pinanganak, hanggang sa araw
na ito, palagi siya nagbibigay ng magandang tipon tipon sa bawat birthday niya at nagbibigay ng
mas maayos at masarap na pagkain para sa kanya. Lahat sila ginagawa ang bagay na iyun ay dahil
nakita nila ang halaga ni Leah at kusa nilang minahal siya. Sa pagmasdan ng mga alaala at isaisip
ang kaalaman iyun, lumuha ulit, nguni't dahil sa kasayahan. Ilang segundo naglipas hanggang
nagtanong si Asan kung ano ang hiling niya ngayon, at nag-isip nang malalim kulit si Leah, pero gamit
ang panibagong niyang karanasan, humiling siya na magkatotoo ang nakakabuting hiling ng lahat
nagmamahal sa kanya. Ngumiti si Asan sa narinig niyang hiling at sinabi niya ang mahiwagang
parirala sa lumang Tagalog bago siya kuminang at lumaho kasabay ang mahiwagang kapaligiran
din at bumalik si Leah sa lansangan ng pangyayari.

Nagtataka si Leah kung lahat nangyari ay totoo o hindi, nguni't tumingin siya ng langit at
parang walang pagkakaiba mula sa unang paglabas ng palengke. Pero kinuha ni Leah ang mga
bag ng sangkap at umuwi na sa bahay. Pagkatapos ng ilang oras ng naglipas hangganang na sa
higaan na si Leah, hindi niya makalimutan ang payo ng Lambino sa kanya, at mula roon parang hindi
na gaano niya na-mimiss si Bowie. Nagbabalik-tanaw siya hanggang siya natulog. Sa umaga,
pagkatapos humanda si Leah para sa pasukan, narinig niya ang kanyang tatay nagsisigaw ng
kasiyahan. Tinanong niya kung anong balita at sabi ang tatay na nakatanggap siya ng trabaho na
mas maayos na sahod kaysa sa luma. Nagtanong si Leah kung totoo iyun at sabi ng tatay tunay iyun,
at nagyakapan sila hanggang aalis si Leah papasok sa paaralan. Pagdating niya, nabati niya si Amy
kung nagbalita na meron na siyang hinihiling niya pares na bota. Tuwang-tuwa si Leah sa natanggap

16 | Ang (Muntik na) Hiling ni Charlize Abegail B. Go


Mga Maikilng Kwento ng 11-Macbeth

na regalo para sa talik na kaibigan niya at nagyakapan din sila. Pagkatapos iyun, may sasabihin si
Amy na balita tungkol kay Bowie, kinuha niya ang selpon niya at pinakita ni Leah ang profile ni Bowie
sa isa pang account niya, at nilalaman doon ay mga larawan ng tunay na nobiya niya at makasama
pa la sila habang kasama pa rin niya si Leah. Naghinto si Leah sa nakikita niya sa account and nagalit.
Bowiesit talaga ang Bowie na iyun ang sinabi ni Leah bago nilagay ang kamay niya sa ulo niya sa
panghihinayang na sayang ang enerhiya niya sa lalaki iyun. Tinapik ni Amy ang balikat ni Leah at
nasabi na mabuti nalaman niya ngayon kaysa sa katagalan pa at meron higit pang tao na mas
karapat dapat sa kanya. Tumunog ang bell at kailan na nila pumasok sa kanila silid aralan,
nagpaalam sina Leah at Amy sa isa't isa dahil kaiba sila ng seksyon, at lalakad si Leah sa kanyang silid
na may maayos na estado pakiramdam. Pero, habang naglalakad nakita niya malabong silweta sa
repleksyon ng mga locker sa gilid na may itsura ni Asan na parang kumaway kay Leah. Huminto si
Leah at kumaway balik sa kanya bago lumago ang silweta at damiting na si Leah sa kanyang silid
aralan, mas May tiwala sa kanyang sarili at sa mga tao tunay minamahal siya.

17 | Ang (Muntik na) Hiling ni Charlize Abegail B. Go


Mga Maikilng Kwento ng 11-Macbeth

Ang Epiko ni Henry


Isinulat ni Paulo Joshua D. Tan

Isang araw, sa may sakahan, ay may isang binata na si Henry. Palagi siya'ng tumutulong sa
pagsasaka ng kanyang ina. Twing nagkakaroon sila ng masagana'ng ani, ay pumupunta sila sa
Bayan para ibenta ito.

Henry: Ma, andami nating na-ani ngayon, sana ay madami'ng bumili nito pag dinala na natin
to sa bayan

Ina: Oo nga anak, pag nabenta natin to ay makakabili na tayo ng sapat na pang-sustento
sa ating sarili

Idinala na nila Henry at ng kanyang ina ang mga na ani nila upang ibenta to sa bayan ng
Gintong kaharian. Nung naka abot na sila sa kaharian, ay biglang lumabas ng kwarto ang hari at
pumunta sa balkonahe upang ianunsho na nawawala ang prinsesa at siya ay kinuha ng Prinsipe ng
Kadiliman na si Torvus. Nangangailangan siya ng matapang na lalaki na handa’ng maglakbay sa
Gubat ng kadiliman upang maibalik lamang ang Prinsesa. Nagpresinta si Henry na nais nyang iligtas
ang Prinsesa, ngunit siya’y tinawanan lang ng mga tao’ng nakapaligid. Ipinatahimik ng hari ang mga
tao at sinabihan si Henry na kung matalo man nya ang isa sa kanyang kawal ay papayagan siya ng
hari na maglakbay at pawagan na iligtas ang Prinsesa. Binigyan si Henry ng Espada, Panangga, at
Baluti at nagsimula na sila’ng maglaban ng Kawal. Laki’ng gulat ng hari ay bigla’ng natalo ni Henry
ng mabilisan ang kawal. Ang hari ay napa bulong “Siya ata ang tinadhana”, at Pinayagan nya si
Henry na maglakbay kasama ang kawal na si Eziekel, may connection si Eziekel at si Henry dahil
malapit silang magkaibigan. Umuwi si Henry upang magdala ng ibabaon at ihanda ang sarili sa
paglakbay. Pinaheraman sila’ng dalawa ng Kabayo na galing sa hari upang mapabilis at mapadali
ang paglalakbay nila. Habang naglalakbay sina Henry at Eziekel, ay nagpahinga muna sila panaglit
para uminom ng tubig

Henry: Eziekel, malayo pa yung lalakbayin natin, huminto muna tayo at uminom ng tubig

Eziekel: Sige, magtira ka, wag mo ubusin para may pang bukas pa tayo

At uminom sila ng tubig. Nakaabot na sila sa Gubat ng kadiliman kung san may paalis na
matanda, binalaas sila na "kung sino man pumasok ng gubat na iyan ay wala nang halos nakakabalik
ng buhay, bihira nalang kung meron” tahimik na tumuloy sina Henry sa gubat.

Sa loob ng Palasyo ni Prinsipe Torvus, ay kasama nya ang Salamangkero na si Zaro, nakakulong
ang prinsesa at tahimik na nagmumukmok habang siya’y naka kulong. Nqpqnsin nila na sina Henry
ay di tumiggil at di natakot sa babala ng matanda.

Prinsipe Torvus: Di sila natakot, kamangha-mangha itong magsasaka na ito

Zaro: Siya nga, nandyan lang sa gubat na yan si Kamatayan, inutos ko na patayin nalang
silang dalawa bago pa sila makaabot dito

Prinsipe Torvus: Mabuti

Habang naglalakbay sina Henry, ay napagdesisyonan nila Prinsipe Torvus at Zaro na


pakawalan ang Dragon upang mapabagal ang paglakbay nila.

Zaro: Nagpakawala na ako ng Dragon, siguradong mapapabagal ang paglalakbay nila at


baka ikamatay pa nila eto

18 | Ang Epiko ni Henry ni Paulo Joshua D. Tan


Mga Maikilng Kwento ng 11-Macbeth

Nagpahinga muna panaglit sina Henry at Eziekel, ng bigla silang may narinig na dagundong
sa langit, pag tingin nila ay may papuntang Dragon sakanila, hinanda nila ang kanilang sarili upang
labanan ito. Bumaba ang Dragon upang labanan na sila. Nilabas ni Eziekel ang espada nya at
nilabanan ang Dragon, tumulong si Henry na lumaban ngunit mejo nahihirapan parin sila. Nakaisip
ng paraan si Henry upang matalo ito

Henry: Eziekel, laslasin mo ang leeg nya! Mashadong mahaba ang leeg ng Dragon, di ka nya
maabot pag sobrang lapit mo na sakanya

Eziekel: Sige!

Nilaslas ni Eziekel ang leeg ng dragon at namatay na ito. Napansin nila Prinsipe Torvus na
naisahan nila at nautakan ang Dragon. Mamaya maya ay gabi na, naisipan ni Eziekel na oras na
para matulog silang dalawa, pinatay nya na ang apoy ng kampo nila. Maya maya habang tulog
sila, ay nakaramdam ng pag galaw sa paligid si Eziekel at bumangon siya. Tumingin siya sa paligid
nya pero wala naman, ng bigla siyang sinunggaban ni Kamatayan at naglaban sila.

Eziekel: Sino ka?

Kamatayan: Di mo ako namumukaan, ako si Kamatayan at nandito ako para tapusin na


kayo’ng dalawa

Eziekel: Di ako papayag na saktan mo kami

Naglaban sina Eziekel at Kamatayan, ngunit natalo ni Eziekel si Kamatayan dahil sa kanyang
giting at galing sa paglaban. Umalis si Kamatayan at sinabihan na magkikita pa sila sa muli. Bumalik
sa pagtulog si Eziekel at kinabukasan ay bumangon na sila. Sinimulan na nila ulit ang paglalakbay
papunta sa Palasyo ni Prinsipe Torvus.

Henry: Malapit na tayo?

Eziekel: Siguro nga

Nagkwentuhan muna sila habang naglalakbay, at napa tanong si Henry tungkol sa kung sino
man itong si Prinsipe Torvus at ang salamangkerong si Zaro

Henry: Ano ba nangyari sa Prinsipe na yan? Sino ba siya?

Eziekel: Si Prinsipe Torvus, ay ang dating mabait at magiting na Prinsipe, siya sana ang ikakasal
sa Prinsesa ngunit, ang pinaka magaling na manghuhula ay nakapagsabi sa Hari na may
nakikita siyang di maganda sa Prinsipe at siya ay isang masamang tao, si Prinsipe Torvus daw
ang wawasak sa kaharian at siya ay itinulad sa dambuhalang halimaw, dahil sa mga bagay
na maaari nyang gawin. Di siya tinanggap ng Hari, at pina alis nalang siya, Di sinabi ng hari
ang totoo dahil di din naman siya maniniwala dito

Henry: Sino naman yung kasabwat nya na salamangkero?

Eziekel: Yun naman si Zaro, ang pinaka masamang salamangkero na nabubuhay ngayon,
Kumampi si Torvus at naging kasabwat nya si Zaro pagtapos siya palayasin.

Naisipan ni Zaro na siya naman ang lalaban dahil inis na inis siya na napatay nila ang kanyang
dragon, at natalo ni Eziekel si Kamatayan. Lumabas na siya ng Palasyo at hinanap sina Henry at

19 | Ang Epiko ni Henry ni Paulo Joshua D. Tan


Mga Maikilng Kwento ng 11-Macbeth

Eziekel. Habang naglalakbay sina Henry, ay naisipan nila muna magpahinga at kumain ng binaon
nilang tinapay ng biglang nagdilim ang mga ulap sa langit at nakarinig sila ng pagkidlat, nagtago
sila sa lilim dahil alam nila na di ito ordinaryong kidlat, ito’y mula sa mahika ni Zaro. Gumawa si Zaro
ng malakas na bagyo at pagkidlat, dahil dito ay natakot ang dala nila na mga Kabayo at tumakbo
palabas ng gubat. Naisipan nila Henry na tumakbo paalis sa lugar na yon upang maiwasan ang
bagyo habang nagtatago kay Zaro. Ligtas silang nakatakas kay Zaro, onting lakad pa ay nahanap
na nila ang Palasyo. Nakahanap sila ng lagusan at pumasok sila ng palihim sa palasyo at dahan
dahan nilang binaybay ang basilyo ng palasyo hanggan sa mahanap nila ang silid kung saan
ikinulong nila Prinsipe Torvus ang prinsesa. Napansin ng Prinsesa sina Henry at Eziekel, tinanong nya
kung sino sila at nagpakilala sila

Henry: Mahal na Prinsesa, kami ang ipinadala ng hari para iligtas kayo! Hinaan lang natin ang
boses natin at baka tayo’y marinig.

Prinsesa: Sige, pero pano tayo makakalabas ng di nakakagawa ng ingay?

Eziekel: Subukan natin to’ng tunod na dala natin at ipasok sa kandado

Henry: Sige

At nailabas nila ang Prinsesa sa kulungan, dahan dahan sila’ng lumabas ng silid ngunit nakita
sila ni Prinsipe Torvus

Prinsipe Torvus: Di maaari!

Eziekel: Henry, takbo! Iligtas mo ang prinsesa!

Tumakbo sina Henry at ang Prinsesa upang makatakas, habang si Eziekel ay hinarap at
nilabanan si Prinsipe Torvus. Ngunit sa kasawiang palad ay napatay nya si Eziekel. Habang paalis ng
Palasyo si Henry at ang Prinsesa, ay nagtago sila panaglit dahil baka makita naman sila ni Zaro.
Habang naglalakbay pabalik sa Gintong kaharian, ay nakita natin si Eziekel, na pinapalibutan ng
ulap.

Eziekel: Nasaan ako?

Diyos: Ikaw ay namatay, dahil sa pakikipaglaban sa Prinsipe ng Kadiliman

Eziekel: Di maaari

Diyos: Ngunit, totoo

Eziekel: Di na ba ako makaka balik sa mundo ng mga tao?

Diyos: Hindi na, dahil isa ka na’ng kaluluwa ngayon

Habang naglalakbay sina Henry at ang Prinsesa, ay Hinahanap din sila ni Zaro, habang si
Prinsipe Torvus ay lumabas na ng palasyo upang maglakbay din papunta sa Gintong kaharian upang
mabalik ang Prinsesa at maghasik ng lagim.

Prinsipe Torvus: Di ako papayag na ang Prinsesa ay makakatakas nalang ng ganon kadali.
Susundan ko sila at maghahasik ng lagim! Sisiguraduhin ko na ikatatakot nila ang aking
pagbabalik, dahil di na ako ang dating Prinsipe na nakilala nila, ako na ngayo’y isang parang
kahindik-hindik na halimaw

20 | Ang Epiko ni Henry ni Paulo Joshua D. Tan


Mga Maikilng Kwento ng 11-Macbeth

Nang nakarating na sina Henry at Prinsesa sa Gintong Kaharian ay biglang nakaramdam ng


takot at kaba si Henry na di nya malqrawan o tukoy kung bakit. At ng pagtingin nya sa kanyang
harapan. Ay biglang nalang nandyan muli si Kamatayan

Kamatayan: At nahanap din kita.

Henry: Lumayo ka sa Prinsesa at ako ang harapin mo!

Kamatayan: Kung ang wakas ng iyong buhay ay iyong nais, ay di ako magrereklamo’t
tatanggapin ko pa

At nagsisugod si Henry at Kamatayan sa isa’t isa at naglaban, habang ang Prinsesa ay


tumakbo papuntsa sa Hari at nagtago doon. Si Eziekel naman ay habang pinanonood nya lahat ng
nangyayari mula sa itaas, ay tinanong nya ang Diyos

Eziekel: Di na ba ako pwede bumalik doon? Nangangailangan ng tulong ang aking kaibigan
sa ibaba?

Diyos: Hindi ka na pwede bumalik sa mundo ng buhay dahil ika’y namatay

Eziekel: Ngunit bilang isa’ng mabait na Diyos ay ayaw mo masira at mawasak ang
kagandahan at kaayusan ng Kolonya na binabantayan mo, hindi ba?

Diyos: Tama ka naman doon, ngunit wala sa utos ko ang magparaya ng kaluluwa palabas
ng langit, ay bumalik sa lupa

Eziekel: May ideya ako, Paano kung hihiram ako ng katawan mula sayo at ibabalik ito?

Napaisip ang Diyos sa sinabi ni Eziekel. Habang naglalaban si Kamatayan at si Henry, at halos
natatalo na si Henry ng biglang may matinding sinag ng liwanag ang tumama sa lupa, at lumipad
paatras si Kamatayan dahil sa lakas neto. Nakarating na si Eziekel, na may mas maganda at mas
matibay na baluti mula sa Diyos.

Eziekel: Ako ang harapin mo. Kamatayan.

Kamatayan: Tama nga ang hula! Magkikita nga tayo muli

Eziekel: At di ko gusto na nandito ka sa Kaharian na tinitirhan ko

At naglaban si Eziekel at si Kamatayan, qt natalo nya ito. Ng biglang may dumating na


malakas na kidlat, Yun ay si Zaro

Zaro: Eto na! Ang Gintong Kaharian!

Henry: Umalis ka na Salamamgkero, di mo makukuha muli ang Prinsesa

At pinagtulungan nila Henry at Eziekel si Zaro. Nahihirapan sila makalapit kase ang mga
mahiko ni Zaro ay sobrang makapangyarihan, at abot sila kahit sa mahabang distansya. Ng biglang
naisipan ni Henry gamitin ang Pana nya, at tinamaan si Zaro sa puso at nahulog mula sa itaas kung
saan siya lumilipag at natamaan ng tunod ng pana ni Henry. Nagsaya ang mga tao ng Gintong
Kaharian dahil ligtas na ang Kaharian mula sa paglusob nila Kamatayan at Zaro.

21 | Ang Epiko ni Henry ni Paulo Joshua D. Tan


Mga Maikilng Kwento ng 11-Macbeth

Eziekel: Kaylangan ko na umalis

Henry: Saan ka pupunta?

Eziekel: Sa itaas, kung saan na ako nakatira ngayon

Henry: Pero Eziek-

Eziekel: shhh, ayos lang yan Kaibigan. Magkikita tayo muli balang araw. May ibibigay ako
sayo bago ako umalis, bilang isang pag-alala saakin.

At binigay ni Eziekel ang espada na bigay ng diyos sakanya. At sha ay umalis na. Malungkot
man si Henry ngunit naintindihan nya naman kung bakit. Ligtas na ang Gintong Kaharian. Oh ligtas
nga ba?

Prinsipe Torvus: AKIN NA ANG PRINSESA!

Henry: Prinsipe Torvus

Prinsipe Torvus: Ibabalik mo ang Prinsesa saakin, kung hindi ay pwepwersahin ko sha palabas
ng Kahariang ito!

Henry: Di ako papayag! Kung gusto mo kunin ang mahal na Prinsesa ay dadaan ka muna
saakin!

At naglaban sina Henry at Prinsipe Torvus. Ginamit ni Henry ang sarili nyang espada upang
labanan si Prinsipe Torvus. At natalo nya ang Prinsipe. Ngunit, may ibinulong si Prinsipe Torvus

Prinsipe Torvus: Ako’y nagsasawa na.

Lumapit siya sa bangkay ng Salamangkero at pinulot nya lahat ng gayuma na dala dala ng
salamangkero at ipinag halo-halo amg lahat ng eto. Ngunit, nung ininom nya ito, ay bigla siyang
lumaki at tumangkad, ang balat nya ay tinubuan ng mga kaliskis na parang isda at balat na parang
sa bayawak. Si Prinsipe Torvus ay pinapalibutan ng usok at nakikita mo lang ang kanyang silweta, ng
si Prinsipe Torvus ay pa onti-onting nagiging dambuhalang halimaw. At siya ay sumigaw ng malakas.
Nagulat si Henry sa nakita nya, agad nyang pinulot ang espdang bigay sakanya ni Eziekel, at
tumakbo papunta sa Halimaw, ng tumaloy siya ay inangat nya ang Espada at isinaksak sa dibdeb ni
Halimaw na Torvus na ikinamatay neto. Pagtapos ay nagsaya na muli ang Gintong Kaharian dahil
nailigtas na ni Henry. Itinanghal ng Hari si Henry bilang ang bayani ng Kaharian, siya ay yumaman na
at nagkaron ng maayos na buhay at makalipas ng ilang araw, ay ikinasal na sila ng Prinsesa.

22 | Ang Epiko ni Henry ni Paulo Joshua D. Tan

You might also like