Si Celia ang dalagang nagpatibok sa aking puso , Siya ang dilag na
nais kong makasama at mapakasalan ngunit hindi ito natuloy sapagkat akoy pinakulong ni Nanong Kapule na siya namang nagpilit sa aking mahal na pakasalan siya habang akoy nasa piitan .
Anong inspirasyon mo sa paggawa ng mga tulang ito?
Ang inspirasyon ko ay ang mga naranasan ko sa aking paglaki, mga
pinamanang talino ng aking mga magulang at mga pagsubok sa nararanasan sa aking buhay, mga pag-ibig na nagdaan at lumipas at galakan na mabuhay sa kinabukasan.
Paano mo nalagpasan ang kabiguang na naranasan mo kay Celia?
Sa pamamagitan ng pagsulat ng tula nakatulong ito upang malabas
ko ang aking mga nararamdaman at mga bagay na nais kong maparating sa aking minamahal na si Celia kahit hindi man kami nagkatuluyan ito tulang ito ang magiging ala-ala ng aking walang kupas na pagmamahal kay Celia.
Nang malaman mong kinasal na si Celia, bakit mo padin tinapos
ang tula?
Sapagkat kahit na alam kong hindi na kami magkakatuluyan hindi
padin mawawala ang mga pinagdaan namin at hangang kamatayan ang pagmamahal ko sa kanya.
Kung magkakatagpo kayo ni Nanong Kapule ano ang nais mong
sabihin?
Naway alagan niya at mahalin si Celia gaya ng pagmamahal ko sa
kanya. Sana din ay magiging masaya kayo gaya ng saya na naramdaman ko tuwing kami ay magkasama.