You are on page 1of 1

Mahal kong Paulet,

Una gusto kong sabihin sa iyo na “congratulations” . Binabati kita dahil naging matapang at matatag ka
kahit napakabata mo pang nawalay sa iyong pamilya . Natiis mo lumayo sa iyong ina at kapatid .
Sobrang proud ako sayo dahil sa kabila ng kalungkutan na mawalay sa sarili mong pamilya nagawa po
paring maging masaya at yakapin ang bagong yugto ng iyong buhay na hindi na sila kasama.

Kahit ang lungkot ,kahit ang hirap pero tinanggap mo. Naaalala ko kaya ginawa mo iyon dahil sa mama
mo dahil ayaw mong mahirapan pa siya lalo , pero kung tatanungin mo ulit ako sana sinabi ko nalang
noon na “Ma hindi nalang ako sasama kasi hindi ko kaya na wala ka”

At ngayon nakikita ko na masaya kana sa buhay mo ngayon tinanggap mo ang kapalaran na meron ka
na ngayon . at sobrang saya ko para sa iyo dahil lumaki kang responsableng tao ,mapagmahal at
maunawain . Ang hangad ko lang para sa iyo ay kaligayahan at matupad mo yung mga bagay na gusto
mo at sa pamilya mo. At sana matupad mo yung pangarap mo sana tuwing pasko nakaka uwi ka ng
Mindanao para makasama mo na sila . Sana matupad na ulit yung pangarap mong mahalikan at
mayakap mo ang mamang mo dahil sa cellphone mo lang siya nakakamusta.

Alam ko parati mong dasal sa diyos na sana pahintuin niya ang oras at pahabain ang buhay na iyong
mama

nagtanim ng sama ng loob sa mama mo dahil naintindihan mo siya at mas lalo mo siyang minahal at
hinangaan .

Namimiss ko na umuwi sa amin kasi namimiss ko na yung mama ko lalo na sa pagtulog .Namimiss ko
yung tuwing may sakit ako bibilhan mo ako ng royal at batchoy kasi yun ang paborito ko . Namimiss ko
nadin maligo ng ilog kasama mga kaibigan ko . Gusto ko ng sabihin sa inyo na gusto ko ng umuwi kasi
nalulungkot na ako dito sa manila. Gusto ko sana ulitin yung panahon na tatanggi ako na magbakasyon
ng manila para sana hindi na ako umalis sa atin ,yun pala matagal pa bago ako makaka uwi ang sabi ni
daddy sa bakasyon pa daw kaso yung bakasyon naging drawing nalang palagi. Sana pala hindi nalang ako
nagging masunurin palagi noon na oo nalang ako sa sasabihin mo ang lungkot ko kasi ang layo mo sa
akin mama hindi ako sanay ng wala ka.

You might also like