You are on page 1of 2

Pagsuyo

‘Di ko po alam saan uumpisahan ang aming kwento


Siguro doon na lamang po sa palihim na sulyap ko
Hindi naman akalaing aabot sa ganitong punto
Dahil hindi naman po talaga siya iyong tipo ko

Sa bawat pagkikita ay nagagalak itong puso ko


Ano-ano po bang mayroon sa anak niyo pong ito?
At sa akin po ay may dulot na kakaibang epekto
Bakit binabalisa niya po ang araw ko nang ganito?

Sa kabilang banda, ito na po ang gabing hinihintay


Upang sa kaniyang ngiti ako ay muling makasilay
At bibigyang kulay ko na itong natatanging pakay
Maaari ko po bang pormal nang hingin ang kanyang kamay?

Sa akin pong piling hindi siya hahayaan na malumbay


Iibigin siyang buong puso; walang kasing dalisay
Nawa’y payagan siyang maging bahagi ng aking buhay
Hindi ko po hahayaang sa piling ko siya’y mawalay

May kasabihan po kasi akong pinaniniwalaan


“Kung madali mo siyang makuha’y madali ring palitan
Ngunit yaong mga bagay na ating pinaghihirapan
Itaga man po ito sa bato ay mahirap pong iwan”
Sa mahigit isang taon ko pong pabalik-balik dito
Nawa ay napatunayan ko na po itong intensyon ko
Pahirapan po talagang maligawan ‘tong anak ninyo
‘Di po siya nagpapadala sa damdaming bumubugso

Sana’y mapagbigyan naman po ang aking pagsusumamo


Dinggin aking pagsuyo at biyayaan kayo ng apo
Maiharap siya sa dambana, iyan ang tangi kong gusto
Mula sa umpisa alam kong siya na makakasama ko.

You might also like