You are on page 1of 3

FILIPINO SA PILING LARANG

Trisha T. Banting

12- Einstein

MODULE 2_Gawain 1-4.2


Gawain 1
C

Gawain 2
“She’s Dating The Gangster”

Nagsimula ang lahat nang mapagkamalan ni Kenji Delos Reyes si Athena Dizon bilang ang kanyang
ex-girlfriend na si Athena Abigail Dizon. Niyaya niya itong makipagkita sa kanya upang makipag-
usap at ayusin ang relasyon nila. Sa kabilang banda, dahil walang magawa si Athena sa mga
panahong 'yon, sinabi niyang makikipagkita siya kahit ang totoo ay ni wala siyang balak kahit
magpakita man lang dahil unang-una, hindi siya si Athena Abigail. Nalaman ito ni Kenji at balak
niyang pagbayarin si Athena sa ginawa sa kanya. Nagkataon naman na naging magkaklase sila.
Ayaw na ayaw ni Athena kay Kenji dahil para sa kanya, gangster ito. Nag-iinom, naninigarilyo,
palamura at madalas magcutting classes. Ayaw din naman ni Kenji kay Athena dahil nga sa
panlolokong ginawa nito sa kanya. Ngunit, naisip ni Kenji na maari niyang utusan si Athena na
magpanggap na girlfriend niya sa harap ni Athena Abigail at pagselosin ito upang bumalik sa kanya.
Ito ang kabayaran ni Athena sa panlolokong ginawa niya kay Kenji.

Patuloy lang sila sa pagpanggap hanggang sa 'di nagtagal ay nahulog na rin sila sa isa't-isa.
Nakaranas sila ng ilang problema ngunit magkasama nilang hinarap at inayos ito. Masaya sila sa
kanilang pagmamahalan maging ang mga kaibigan nila. Nakalimutan na rin ni Kenji ng tuluyan si
Athena Abigail. Ngunit, dumating ang pinakamalaking pagsubok sa buhay ni Athena na
makakaapekto rin sa buhay ng mga taong nasa paligid niya lalung-lalo na si Kenji. Nalaman niyang
namana niya ang sakit ng pumanaw niyang ina. Ito ang cardio myopathy. Ayaw niayng sabihin ito
kay Kenji dahil ayaw niyang mag-alala ito. Mas pinili niyang magsinungaling at sabihing hindi niya
talaga mahal si Kenji. Sumama rin siya kay Lucas na boyfriend talaga ni Athena Abigail ngunit may
gusto rin kay Athena Dizon. Samantalang nagbalik rin sa buhay ni Keni si Athena Abigail. Nalaman
ni Kenji ang tunay na dahilan kung bakit nakipaghiwalay sa kanya ang babae noon. May sakit rin si
Athena Abigail. Stomach cancer. Nalaman ito ni Kenji at mas piniling samahan si Athena Abigail.
Ayaw kasing magpa-opera ng babae hangga't 'di niya kasama si Kenji samantalang ayaw rin
namang magbalik ni Kenji kay Athena Dizon dahil sa pananakit nito sa kanya. Sa kabilang banda,
ayaw ring magpa-opera ni Athena. Hinayaan niya lamang lumala ang sakit niya kaysa magpa-opera
at palitan ang puso niya. Gagaling lang kasi siya kung magpapaheart transplant siya.

Hindi nagtagal ay nalaman ni Kenji ang sakit ni Athena sa tulong ng mga kaibigan niya.
Pinagsisisihan niya ang ginawa niyang pang-iiwan kay Athena at binalikan ito. Ipinaliwanang niya
rin kay Athena Abigail ang lahat na natanggap din naman ng babae. Gusto na sanang magpa-opera
ni Athena, ngunit huli na ang lahat. Kumalat na ang sakit niya at ayon sa doktor, mas lalong
mapapaikli ang buhay niya kung ooperahan pa siya. Hindi matanggap nila Kenji ang nangyayari sa
kanilang dalawa ni Athena ngunit sinulit nila ang mga panahong nananatili silang magkasama kahit
nanghihina si Athena. Napagdesisyunan ni Kenji na pakasalan si Athena kahit alam niyang siya ang
mahihirapan sa huli dahil maiiwan siyang mag-isa. Pagkatapos ng kasal, ilang linggo lamang ang
lumipas bago tuluyang nawala si Athena. Hindi ito matanggap ni Kenji ngnit tinulungan siya ng mga
kaibigan nila at ng pamilya niya at ni Athena na lumaban. Makalipas ng isang taon, nagbalik si Kenji
mula sa Jeju island sa Korea na may dalang larawan ni Athena. Doon niya ginugol ang panahon niya
sa kanilang anibersaryo. Isa kasi 'yon sa pangarap ni Athena, ang pumunta sa Jeju island kapag
isang taon na silang mag-asawa ni Kenji. Tinupad ito ng lalaki kahit siya na lamang mag-isa.

Sakto namang isang taon din ng pagkawala ni Athena ang araw na nagbalik si Kenji galing Korea.
May binigay sa kanya ang bestfriend ni Athena na si Sarah. Isa iyong video tape. Ang sabi ni Sarah,
binilinan siya ni Athena na ibigay lamang iyon kay Kenji pagkalipas ng isang taon ng pagkawala
niya. Pinanood ni Kenji 'yon sa kwarto ng mag-isa. Parang bumalik ang lahat ng sakit sa puso niya.
Nagbalik rin ang ala-ala kung paano sila nagkakilala ni Athena. Lalong nalungkot si Kenji nang
sabihin ni Athena sa video tape na "Hindi naman siguro masama kung gustuhin kong sumunod ka
na sa akin." Sinabi ni Athena na isang biro lamang 'yon ngunit walang pag-aatubiling nag-video rin
si Kenji para sa pamilya at mga kaibigan niya. Kinuha niya ang boteng matagal-tagal niya ng itinago
sa cabinet.

"I love you this much Athena." (Always and Forever). Ito ang huling salitang nagmula kay Kenji.

Gawain 3
Paksa: Ekonomiks sa Diwang Pilipino: Halo-Halo, Tingi-Tingi at Sari-Sari

Layunin: Intensyon ng pag-aaral na ito na makapag-ambag sa pagpapaunlad ng wikang Filipino


upang lalong mapabilis ang intelektwalisasyon nito.

Kahalagahan ng partikular na akademikong sulatin: Sa sanaysay na ito, tinalakay at sinuri ang


limang pangunahing konsepto sa ekonomiks sa diwang Pilipino.

Gawain 4.1 PAGBASA


GAWAIN 4.2
Pamagat: Konsepto ng Bayan isang Akda ng “ Kapitan Sino” ni Bob Ong

Panimula: Ang bayani ay tinuturing na isang unibersal na karakter na binibigyangbuhay sa midya,


sining at panitikan. Isa ang bayani sa mga sentral na tauhan kaya naman hindi kataka-taka na
maging laganap ang konseptong ito sa boung mundo. Ang pukos ng pag-aaral na ito ay ang akdang
Kapitan.

Metodolohiya : Mula sa kolektibong memorya, mabubuo ang isang simbolikong imahe mula sa
pinagsama-samang karanasan, mithiin at kultura ng iba’t ibang grupo sa iba’t ibang panahon. Mula
naman sa kolektibong represyon, matutunghayan ang mag tunggalian a lipunang hindi hayagang
makikita.

Kaugnay na Literatura : Gagamitin ang teoryang arketipo ni Carl Jung at konsepto ng Political
Unconcious ni Fredric Jameson. Sa pamamagitan ng kolektibong memorya ni Carl Jung at
kolektibong represyon ni Jameson, mabubuo ang isang pagbibigay-kahulugan sa konsepto ng
bayani na matatagpuan sa akda.

Resulta ng Pag-aaral: Sa pag-aaral, matutunghayang umaangkop si Kapitan Sino sa mga katangian


ng isang bayani sa teoryang Arketipo ni Jung. Mayroon siyang mga kalakasan at kahinaan. Batay
naman sa kolektibong wmpresyon, mabibigyang-linaw ang mga usapin sa Lipunan ni Kapitan
Sino.Makikita ang kontradiksyon sa lipunan sa tunggalian sa pagitan ng naghaharing uri at di-
naghaharing-uri.

You might also like