You are on page 1of 6

Yung Intro nung movie is isang drawing ng arrow—pointy arrow na pagod na sa buhay niya.

Hanggang sa
isang araw nagising siya na mas mabigat yung nararamdaman, na parang may dala-dala siya. Yon pala may
puso na siyang napana, may dala na siyang puso. When he asked the heart, kung pano siya napunta don, the
heart did not answer.

“Para sa mga umibig, nasaktan, ngunit umibig ulit.”

Nagsimula yung kwento sa isang babaeng umiiyak habang nakatingin sa panty or tong na hawak-hawak niya.
She was at the airport, beside a trash bin. Kailangan niya kasi yon itapon. Kailangan niya kasing bawasan yung
bagahe niya, kasi may limit lang yung dapat na dala ng bawat pasahero ng Eroplano. Nabawasan niya na yung
dala niya tapos nagpacheck siya ulit, kaso sobra pa rin. Pagod na siya. Hanggang sabi. “Miss, sakin mo nalang
ilagay yung trench coat mo.” Pinakilala niya yung sarili niya at kung san siya nakatira. Si Anthony. Nag-ooffer
siya na tulungan yung babae sa extra niyang bagahe. And finally, okay na pwede na siyang sumakay sa
eroplano. Medyo nakakatawa yung scenes sa eroplano. Pero sa tingin ko, sadyang maemosyon si Mace, kaya
niyang sabihin or ilabas yung nararamdaman niya. Umiiyak sa isang palabas, which is I don’t have an idea
what. Tapos yung tissue, ‘di daw niya kailangan pero ang dami niyang nagamit. Nakatulog pa siya sa balikat ni
Anthony. Nung nakauwi na sila sa Pilipinas, sasakay na sana ng taxi kaso parehas ayaw umuwi, sinabihan niya
pa yung magkasintahan na kasunod nila sa pila na mauna na kasi mukhang kailangan na nila. Pagtapos sumakay
nung magkasintahan sinabi niya maghihiwalay din mga yon.

Ayaw pang umuwi ni Mace. I think Anthony felt like Mace needs someone to talk to nung nagtanong siya kung
gusto na bang umuwi ni Anthony. Napunta sila sa isang restaurant, shabu-shabu. And they get to know each
other better, the meanings of their tatoo and what they did in italy.

Anthony went to itally to see the Colosseum because it’s his dream. Gusto niyang pumunta don kasama yung
mommy niya, but his mother died. Tapos may tumugtog na kanta, Tadhana, nagalit si Mace kasi hindi pa rin
sinasagot nung ate yung cellphone niya. Hindi pa nagsasalita si Anthony sinagot na siya ni Mace na wag ng
matanong kasi ayaw niyang magkwento.

Pero nag-end up pa rin na kinuwento niya. Gulo niya no?

Kinuwento niya yung about sa ex niya ng walong taon na pumunta sa Italy dahil sa trabaho. Kaso imbes na
uuwi na, naextend yung trabaho nung ex niya. Pinuntahan niya, bumili siya ng tongs, red lipsticks, tapos
nangutang pa siya pambili ng ticket. Kaso pagpunta niya don may iba na yung boyfriend niya, which is naging
ex na niya,

“Hindi na kita mahal makakaalis ka na.” 8 years na tinapos ng ex ni Mace gamit ang 7 words.

“Bottomline d ka na niya mahal” sabi ni Anthony nung matapos magkwento si Mace.


“Close ba tayo, Tangina sakit mo magsalita a.”

Nauwi sila sa karaoke. Hindi ko alam, base sa expression ng mukha ni Anthony kung naaawa siya kay Mace o
gusto niya ng umuwi. Pero nung d na kinaya ni Mace kumanta kasi iyak na siya ng iyak, si Anthony nalang
kumanta. Hindi ko alam kung tumatawa sila o umiiyak nung kumakanta silang dalawa, pero parehas silang
mukhang tanga. Mace cried on a stranger’s shoulder, Umiyak lang siya ng umiyak.

I admired that, kasi hindi naman nila kilala yung isa’t isa e. Pero lahat ng gusto ni Mace, sinunod ni Anthony.

After karaoke, diretso agad sila bagui dahil lang sabi ni Mace at tumango lang si Anthony. Ang dami nilang
extrang time no?

“Asan tayo?”

“Rome” batok.

Hindi man lang naalala ni Mace na sinabi niya gusto niyang magbaguio. May movie na naman sa loob ng bus at
yan na naman si Mace na naiiyak sa isang scene. Hindi ko na naman alam kung ano yung movie name.

Anong kakaiba kay John Lloyd? Tinanong ni Anthony. Which is nakakatawa kasi mukhang segway lang para
masabi nila yung name ng isa pang artista. Tapos sabi ni Mace kamukha daw nung ex niya si John Lloyd.
Nanghingi si Anthony ng picture pero hindi naman daw kamukha ni John Lloyd kaya sabi niya “Love is blind.”
Tapos natawa siya and tinanong si Mace kung nagdadrugs ba siya.

“Kampihan mo pa ex mo. Ex mo na iniwan ka, pinagpalit ka, at di ka na mahal”


“Tangina mo a.”
“Bakit ako?”
“Edi tangina niya.”
Nagagandahan ako sa mga linayahan nila, kasi masyadong straight to the point.

Natuwa ako sa next scene which is inaaya ni Anthony si Mace na kumain. Andon na siya sa labas tas may
hawak siyang papel. Kaso yung kinain nila is hakkdog na may ketchup. Pati sa ketchup naalala niya yung ex
niya pati sa coke at siopao. Sa lahat ng bagay naalala niya yung ex niya. Pastillas, Derek Ramsay, Cebu,
Hongkong, Bulacan—at ang dami pang iba.
Dahon ng malunggay.

Naalala ni Mace yung ex niya sa lahat, lahat ng banggitin ni Anthony na kahit ano, nasagutan niya lahat.

Hanggang sa may naisip si Mace na tuwing may babanggitin siya tungkol sa ex niya or chineck niya yung ex
niya bibigyan niya si Anthony ng piso. Pero ayaw ni Anthony ng piso, nagdebate pa sila kung magkano
hanggang sa ginawa nalang nilang 100. Pero tinanong palang ni Anthony kung saan niya ibibigay yung
maiipon, natalo agad si Mace at nagbigay agad ng 100 kasi naalala niya ynung putanginang ex niya daw.

Nasa bus sila tinanong niya kung pano makalimot. Sabi ni anthony sa ex niya daw, nagising siya wala na, tas
nakalimutan na niya. Mahirap daw makalimot kasi mahal mo e.

“Pwede kang makahanap ng new love.”

Tumatak sa isip ko yung sinabi ni Anthony na sinabi raw ni Scott Fitzgerald, “There are all kinds of love in this
world. But never the same love twice.” Kasi may point e, tama. Marami naman talagang klase ng pag-ibig pero
hindi mararamdaman yung parehas na pagmamahal sa magkaibang tao.

Nakarating na sila sa Baguio. Natuwa ako na natatawa nung tinanong ni Anthony kung anong gustong gawin ni
Mace sa Baguio. Kasi talagang sumusunod lang siya sa kung ano mang trip ni Mace na gawin. Kaso nung
tinanong niya anong gustong gawin ni Mace, ang sagot ni Mace—“Makalimot”

Si Mace talaga hilig na sabihin na kaya niya or ayaw niya ng tulong pero gusto naman talaga niya. Umakyat sila
at bumaba sa mga hagdan sabi ni Mace kaya niya pero hirap na hirap siya. Pero ang maganda don, kinaya niya.
Hindi talaga siya tinulungan ni Anthony, instead hinayaan niya siya. Kinaya niya pero mabagal, buti nalang
may taho pagkatapos.

Napunta sila sa isang Museum, hindi ko na nakita or napansin kung saan or anong pangalan nung Museum.
Natutula si Anthony sa dalawang magkatabi at magkatugmang sining, art. Tapos dumating si Mace. Kung ano
man yung naiintindihan ni Anthony don sa Art, hindi yon nakikita o naiintindihan ni Mace kahit anong paikot-
ikot niya. Yon pala, naalala ni Anthony, dati siyang nagpepaint pero tumigil siya kasi nainsecure siya. Magaling
siya nung high school kaso nung nasa UP siya, naisip niya na kala niya magaling siya—marunong lang pala.
Sabi ni Mace magpaint siya ulit. Kaso ang hirap nni Anthony is hindi na sniya kayang gumawa para sa sarili
niya kasi lahat ng ginagawa niya ngayon para sa boss niya, as work nalang instead of passion.

That time, I realize, mukhang magkaiba sila ng problema. It’s both about Love, a Heartbreak. Mace has her
heart broken by a persome. Someone. And Anthony had his hear broken by something, a passion.
“To the great people we will be.” Nagcheers sila. Sabi ni Mace si Anthony nalang daw magdrawing nung story
na ginawa niya.

Yung arrow at yung puso pala sa simula nung movie is yung story na sinulat ni Mace.

Kinuwento ni Mace yung story habang pinapakita sa movie yung travel nilang dalawa.

Arrow with a Heart pierced through him.

When I heard Mace;s written story, I realized or naisip ko na baka tungkol pala sakanila yung story. Baka si
Anthony yung Arrow tapos si Mace yung puso. Napunta si Mace kay Anthony pero aalis rin pala siya. Ang
problema lang, kung kailan nasanay si Anthony na dala niya si Mace or nagtutulungan na sila, yung hindi
mabigat sa pakiramdam kasi parehas na silang sanay kasi sanay na si Anthony, Aalis rin pala si Mace.

Then balik na don sa movie, nagpamassage sila tapos nagkabiruan pa about s abds ni Anthony na taba lang daw
sabi Mace, At yung hindi sila couple. After nila nagpamasahe, naiiyak na naman si Mace kasi napanaginipan
niya yung ex niya. Na nagpbabungee jumping sila sa macau ata yon? Then nauna yung ex niyang tumalon, tas
naiwan siya hindi na kinayang sumunod, Iniwan siya at bumitaw. Sabi ni Anthony nmay napanaginipan din
siya, napanaginipan si Mace, walang bitaw-bitaw walang ganon, naglalakad lang silang dalawa sa session road.

Nagtuloy yung kwentuhan nila sa isang resto bar, napagusapan rin ila yung ex ni Anthony na ginustong
magpakasal pero hindi pa ready si Anthony na magpakasal. Hanggang sa isang araw nalaman niya yung ex niya
kasal na and may anak na rin. Binanggit naman ni Mace yung quote na sinabi ni Anthony nung nasa buss sila
papuntang baguio.

Tinanong ni Maze kung pangit daw ba siya, sabi ni Anthony hindi. Sabi ni Mace so kaya sa sinamahan kahit
saan ano man sabihin niya kasi baka type siya ni Anthony. Tapos sabi ni Anthony na kahit minsan ang gulo
gulo niya tas nagiiskandlalo masarap kausap ni Mace. By That time nakikita ko sakanila na baka may chance
na pwede maging sila, kasi kung pano siya tignan ni Anthony. Pero iniisip ko rin na imposible yon. Posible na
magkaron ng feelings pero imposible magkaron ng label. Parang ano lang, dumaan lang sila sa buhay ng isa’t
isa, ttapos yon na yon.

Balik sa bus, tulog na naman si Mace sa balikat ni Anthony parang yung sa Eroplano. This time hindi na
mukhang tanga or nawawala sa wisyo si Anthony. He was smiling habang nakatingin kay Mace na tulog sa
balikat niya. Inisip ko na, “Delikado ka na, masasaktan ka.”

Pagbaba nila ng bus, narealize nla na naiwan nila yung maleta nila. Kadso isang oras pa bago sila bumalik ulit
sa baguio. Naiinis si Anthony kasi naiwan nila pero sabi ni Mace wala na yaan mo na. Tinanong ni Anthony
kung okay lang ba yon kasi sabi ni Mace nug una silang nagkakilala or nagkita na yon yung buhay niya, nandon
sa maleta na yon yung buhay niya. Pero sabi niya, hindi eto na yung buhay ko habang hinihila si Anthony.

Kaso yan nga buhay nila,parehas naman silang nilalamig kasi yung mga jacket nila nasa maleta. Bnigay nalang
ni Anthony Jacket niya kay Mace. Tas nialagay kamay niya sa ulo ni Mace. Para na silang, sila. Like they have
something but I don’t think they do, ni hindi ko nga alam kung magkaibigan sila kasi kakakilala lang ni;la. Pero
I think they feel whhat each other feels.

Next thing that happen was at the forest, parang camping. Wala pa rin silang maleta. Ang dala lang nila ay
importanteng gamit tapos ang isa’t isa. May hihintayin daw sila don sa forest na yon, camp fire, nakaupo sa
lapag sa tapat ng apoy, nakahiga pala sila. Hindi ko alam mukhang di sila nilalamig, baka kasi masaya si;a.

Nagusap sila habang nakahiga kung anong iwiwish kung may dumaang shooting star.

Ang wish ni Mace ay sana hindi na niya mahalin yung ex niya. Sabi ni Anthony, okay daw sabi nug shooting
star. Tapos si Anthony naman ang magwiwish, winish nya na nasan man ang mommy niya sana proud yung
mama niya. Oo daw sabi ng shooting star. Gustong sabihin ni Mace sa shooting star na thank you kasi hindi siya
mag-isa, malungkot siya pero hindi siya mag-isa.

Nagising silang dalawa nng magkatabi, like a couple. Tapos niyaya ni Anthony si Mace sa isang lgar kung saan
tanaw mo lahat, sobrang ganda, sobrang peaceful, the scenery can make you cry without you knowing why.
Kung saan sinigaw nila lahat, sinigaw ni Mace kung gano siya kapagod, kung gano niya hinihiling na hindi na
masaktan. Na ayaw na niya, na pagod na siya.

Habang si Anthony nasa gilid lang, nakikinig. Hindi nagsasalita. At tingin ko yon yung kailangan ni Mace,
yung makikinig, na malaman niya na hindi siya mag-isa.

Okay na. Akala mo tapos na, masaya na siala parehas nung umuwi sila e. At mukhang patapos na rin yung
palabas. Kaso naisip ko may konti pang space at may konti pang time na natitira. May mangyayari pa.

Meron nga. Pag-uwi nila, nakangiti sila nagatatawanan masaya, pero may naghihintay na pala kay Mace. Ex
niya. Nandon na may dalawang bulaklak. Tinanong ni Mace kung anong ginagawa niya dpon. Pero hindi
sumagot, pinakilala ni Anthony sarili and so does Mace’s ex, si Marco. Nanahimik ni Mace tapos sinabi nalag
ni Anthony na aalis na siya, walang sinagot si Mace but yung mukha niya parang sinasabing magstaysi
Anthony. Pero umalis si Anthony. Naglakad siya paalis nang hindi manlang lumilingon pabalik.
Naibalik na nung arrow yung puso, umalis na yung puso sa arrow. Umalis na yung puso pero parang mas
mabigat pa yug naramdaman nung arrow nung nawala yung puso sakannila. At bmalik nalang siya sa una
niyang ginagawa. Hanggang sa may narinig siya na nagtanong kung nawala nung arrow yung puso.

Bumalik yung istorya kay Mace at kay Anthony, may dala si Anthony na libro yung istorya ni Mace naiginuhit
niya. Binalik yung linya noi Mace na kapag mahal mo ilaban mo, wag mong hintayin may tumulak sakaniya
papunta tayo, wag mong ipaubaya sa hangin o sa tadhana, kung mahal mo, habulin mo. Hatakin mo hanggat
kaya mo wag kang bibitaw.

At don natapos ang istorya nila.

Nabitin ako sa story. Hindi dahil gusto ko makita na magkatuluyan si Mace at si Anthony, hindi dahi; gusto
kong magkasama yung arrow at yung puso. Kundi dahil iniwan nila yung mga manunuod na iisipin kung anong
nangyari, kung bakit sinabi ni Anthony na “Eh sorry, mahal kita.” Pupunta ba siya kay mace? Ipaglalaban niya
ba? O ibibgay niya lang yung librong ginawa nila?

Walang kalinawan yung nangyari, hindi sigurado.

You might also like