You are on page 1of 549

Teaser

-----

Her ex-boyfriend told her she's boring. Her ex-boss told her she's incompetent.
Even her ex-landlord claimed she's uninteresting.

At 33, Tonya is loveless, job-less and homeless! Malapit na rin siyang maging
suicidal sa pakikitira sa Mama niya.

Sa buhay niyang puno ng injustice ay natauhan na siya. Back-up ang sangkaterbang


taba, unlimited na lakas ng loob at charm na hindi mo inakala, babaliktarin ni
Tonya ang kwento ng buong 33 years ng buhay niya! At 33, she will prove herself to
be the Late Bloomer.

*******

A/N : Another story from me po. Hindi pa po ito ang priority story ko dahil may mga
nauna pang ongoing. But I will try to update every week pa rin or every other week.
Hehe. Happy Reading! <3

And HAPPY BIRTHDAY to my good friend, Maderuchan today, August 6, ang Birthday ng
kwentong ito. May you be filled with happiness, lovelife happiness and more
stories. Hehehe. :D

Chapter 1 : Thirty three years later

-----

Name : Tonica Grace Atienza

Nickname : Tonya

Vital Statistics : 42 - 35 - 46

Motto : Life is full of surprises

Favorite expression : Surprise!

Maaga pa lang ay nakanganga na naman si Tonya at hinihintay na mag-load ang mga


bagong impormasyong nagisingan niya. Blangko ang tabi ng hinihigaan niya kung saan
dapat natutulog ang boyfriend niyang si Hans. Blangko ang paanan ng kama kung saan
dapat nakalagay ang brand new na flat-screen tv niya. At nang maghalungkat pa siya
sa kuwarto ay nalaman niyang nawawala rin ang iba pa: laptop, ATM cards, at piggy
banks.

Humikab siya sa pang-alas dies na sikat ng araw na lumalagos sa bintana. Inaantok


pa siya. She only slept for six hours mula ng dumating mula sa trabaho.

Nag-ring ang cellphone niya. Si Michelle. Her bestfriend since high school.

"Hello, Mitch?"

"Glad you're awake! Pupunta ka sa reunion mamaya?"

"Pupunta ako, siyempre. Nag-leave na ako as office." sabi niya rito habang
naglalakad papunta sa kusina. Napapakamot siya sa nangangating tagiliran. At sa
kaunting galaw ay iniluwa ng suot niyang t-shirt ang namimintog na tiyan.

Iinom sana siya ng malamig na tubig pero nawawala ang ref. Nag-U turn siya, kumuha
ng baso at nagtiyaga sa tap water mula sa gripo.

Narinig niyang humagikgik ang kausap.

"Great. Magkikita na rin tayo after so long. Isasama mo ba si Hans?"

Humikab uli siya. This time ay naghahagilap siya ng coffee maker pero misteryoso
rin itong nawawala sa pinagpapatungan. At mukhang isinama nito sa rendezvous ang
nawawala na ring microwave oven. Nagsimula na siyang kabahan. Paano niya iinitin
ang almusal?

"Niyayaya ko siya kanina pero hindi sumagot e. Susubukan kong pilitin pero hindi
ako sure."

Narinig niyang pumalatak sa panghihinayang si Mitch, "Kulitin mo. Sayang naman. Ni


hindi ko pa siya nasisilayan."
"Oo, kukulitin ko." sagot niya habang pre-occupied ang utak, "Alam mo, Mitch,
parang nalooban yata kami..."

"Ha? Nalooban kayo? Anong nawawala?"

"Marami e. Ref, microwave oven, coffee maker, laptop, tv, ATM cards, piggy
banks..."

"Anong sabi ni Hans?" may panic sa boses ni Mitch.

"Nawawala rin si Hans." natutop niya ang bibig, "Oh no. Isinama nila si Hans?!"

Hindi nakasagot si Mitch. Nanghihina naman siyang napaupo sa mesa sa kusina.


Napansin niya ang nakatuping papel sa mesa na dinadaganan ng orange na mug.

"Tonya, naka-lock ba ang pinto? Tatawag ka ba sa pulis?" tila naguguluhang tanong


ng kaibigan.

Napailing siya. Doble-doble ang tibok ng puso niya. At pinanlalamigan siya ng kamay
ng abutin niya ang nakatuping papel.

"I don't think I need to, Mitch." lumunok siya, "Nag-iwan ng sulat yung
magnanakaw."

"What? Hey - "

"I'll call you later. Babasahin ko muna 'tong letter, okay."

Ibinaba niya ang cellphone. Binuksan niya ang nakatuping papel at binasa. The
letter was short, direct-to-the-point and to her, confusing. It reads:

Tonya,

I can't marry a boring and fat girl like you. Goodbye. Have a good life.
P.S. I took our money and the appliances. - Hans

She blinked. Twice. Thrice. Three hundred times per minute. Pero blangko ang utak
niya. Naghahanap ng malamig na tubig o mainit na kape para magsimulang umandar ang
logic niya. Wala. Nothing. Nada.

But surely, ipinahihiwatig ng sulat ang dalawang bagay: hindi kinuha ng mga
magnanakaw si Hans. At si Hans ang kumuha ng mga gamit nila.

Nakahinga siya ng maluwag. Safe naman pala si Hans. Akala niya ay ginawa itong
hostage. O baka nanlaban at napuruhan at nagdudugo na somewhere habang tinatawag
ang pangalan niya. Hindi naman pala. Tapos, nagsikip din ang dibdib niya. Binasa
niya uli ang letter.

Tonya, I can't marry a boring and fat girl like you. Translation: Hindi kita
pakakasalan. Boring ka at mataba.

Nagsikip ang dibdib niya. Boring siya at mataba? Kailangan i-point out?

Goodbye. Translation: Paalam.

Have a good life. Translation: Bahala ka sa buhay mo.

P.S. I took our money and the appliances. Translation: Kinuha ko ang pera at
appliances. In short, magnanakaw ako.

Magnanakaw si Hans? At iniwan siya?!

Bakit?! Back to line number 1, hindi siya kayang pakasalan dahil boring siya at
mataba. Naka-point out.

Sa mga pelikula, ang mga ganitong eksena ay nananawagan ng walling (pagsandal sa


dingding na parang katapusan na ng daigdig at dahan-dahang pagdausdos pababa),
wailing (pag-atungal na parang wala ng bukas) o warfreaking (pagwawala at
paghahanap ng matapang na pwedeng kasuntukan). Sa buhay ni Tonya, it was just one
big, unimaginable, unfathomable surprise.
Maraming tanong sa isip niya na gusto niyang masagot. Gaya nang bakit hindi siya
bumili ng termos para may mainit na tubig siya ngayon at nakakapagkape sana siya? O
paano nailabas lahat ni Hans ang mga appliances? Malaki ang ref kaya sino ang
tumulong ditong magbuhat? Finally, nag-hire kaya ito ng trak o movers?

Pero ang pinakamatinding tanong na gusto niyang malaman: break na ba sila? As in


break, split, hiwalay, separated? After five long years? At kung break na nga sila
bakit naman ngayong araw pa? Bakit sa araw na ito talaga kung kailan kailangan niya
itong isama sa reunion? Bakit hindi five years ago, nung unang beses sila
nagkakilala?

Walang maisip na reaksyon si Tonya. Kundi blinking. It was so... surprising.

Nanlalambot ang tuhod na bumalik siya sa higaan. She wanted to sleep more. She
wanted to sleep the day off. She wanted to shut herself from thinking. Mahirap na.
Baka magising ang utak niya, makapag-isip siya, at magkaroon ng reaksyon na hindi
niya alam kung paano i-handle.

She blinked one last time, habang nangungumot, at hinayaan ang sarili na matulog.

*****

'The number you have dialled is either unattended or out-of-coverage area. Please
try your call later.'

Ibinaba niya ang cellphone na hawak at reluctant na bumalik sa dinner table na kung
saan sampu silang magkakaharap - siya, si Mitch at ang mga bruha sa high school
life niya na kasalukuyang nakangisi. Ngumisi rin siya sa mga ito.

Kanina nang magising siya ay hinintay niyang lumabas si Joey De Leon mula sa likod
ng pinto ng kuwarto at sumigaw ng 'Wow! Mali!' Pagkatapos, na-imagine niyang nasa
likod nito si Hans at ang mga appliances. At ang movers na nagbitbit ng mga
appliances. Pero nakipagtitigan lang siya ng ilang oras sa pinto. Totoo ang mga
nangyari. Hindi joke. Hindi reality show. Hindi good time. Nawawala pa rin ang mga
appliances sa apartment, nasa mesa pa rin ang sulat, at walang reply si Hans sa
mahigit dalawandaang text messages niya.

Ngayon ay alas nueve na nang gabi. Nasa high school reunion party siya na ginanap
sa isang hotel. At hinahanap ng mga ito ang boyfriend niya.
"Well? Where's your Hans?" tanong ni Carina.

Si Carina ay isang pangunahing kontrabida na iniluwa directly from the screen of


the 90's tv show. Gaya ng lahat ng kontrabida, lagi itong nakakahanap ng paraan
para magalit at pastime nito ang manakit. Ito ang klase ng kalaban na
nagpapalakpakan at nagpapainom ang mga tao kapag pinatay na ito sa Ending. Too bad,
sa tunay na buhay ay nasa phase pa ito ng paghahasik ng lagim - happily married
(ipinangangalandakan nito sa kanya), may dalawang anak pero mas sexy ito ngayon
(mas ipinagmamalaki nito sa kanya) at may sariling negosyo. Mukhang hindi pa ito
mamamatay anytime soon.

"Hinahanap ko nga rin e." sagot niya matter-of-factly.

Nagngitian ang mga nasa table na para bang kabibitaw lang niya ng joke. Anong joke?

"Do you mean... he left you?"

Gusto niyang tusukin ang mata nang nagtanong na si Emma. Kaso wala siyang hawak na
tinidor. Kanina pa nai-serve ang dinner at sa boring na speech sa stage ay
toothpick na lang ang nasa mesa. Alam niyang hindi ito mada-damage ng toothpick.
Masyadong malaki ang mata nito. Idagdag pa na may tatlong taong nakapagitan sa
kanila.

Si Emma ang kontrabidang ang trabaho ay laging mag-second the motion sa pangunahing
kontrabida.

Pinag-isipan niya ang sinabi nito. Tama naman kaya, "Parang ganun na nga."

Palihim siyang kinurot ni Mitch sa tagiliran. Nang lingunin niya ito ay dilat na
dilat ang mata nito sa kanya. May ipinahihiwatig itong sa basa niya ay 'Shut up' o
'Don't tell them'.

"Girls, why are we talking about this? Hindi siya iniwan no." sabi ni Mitch na
nakatingin sa mga kontrabisa, "It's just that -"

"Oh..." tumaas ang kilay ni Carina para patigilin si Mitch sa pagsasalita bago,
"That fact that you're trying to cover up for her means that she's been really left
behind... " bumaling ito sa kanya, "Poor you."

Nagngisihan na naman ang walong ahas sa table. At nagsusuma na siya kung ilang taon
ang gugugulin niya sa bilangguan kapag sinaktan niya ang mga ito. Nothing harsh or
dangerous. Puputulan niya lang siguro ng dila para mawalan ng lason ang mga ito.

"Yes. Parang break na kami." amin niya.

"That's not news." sabi naman ni Miles, "Look at you. Look at us. Each of us
changed and prosper and improved over the years while you..." umiling-iling ito.
Sinusundan ng mata niya ang three inches na fake eyelashes nito.

"Yes. I must say you look the same. Still as fat as ever. Ilan ang waistline mo
ngayon?" si Carol iyon. Tinusok nito ang tagiliran niya.

Nag-isip siya, "Thirty five."

"Really?" si Wynona, "Mas matanda pa sayo ang waistline mo." she smiled
sympathetically like evil.

"And your hairstyle..." umiiling si Velma, "Same old medium-cut hair. Do you even
shampoo?"

"Oo naman. Anti-hair fall ang gamit ko."

Nagtanguan ang mga tao sa table. Nakitango siya. This is indeed reunion - it's like
she's been thrown back at her past. May questions and answers and for some reason,
tuwing sasagot siya ay parang humahaba ang sungay ng mga ito.

"You see? You're still the same. That's a pity." si Miles uli.

"I agree. Everyone really improved. Dati kasi ang pagkabruha nyo, tagalog lang.
Ngayon, English na." humagikgik siya. That's the only way she can see it.
Nanahimik ang mga minions. Pero nakangiti ang pinakabruha na si Carina.

"Sharp tongue but still slow-witted... no?"

Pinoproseso pa ng utak niya ang sinabi nito nang may mapansin siya. Maluwag ang
ngipin ni Carina. At walang maluwag na ngipin maliban kung -

"Teka... may pustiso ka?"

Nagtatanong lang siya. Pero sobrang lakas ng tawa ni Mitch sa itinanong niya. Shock
naman na napatingin ang mga minions sa ringleader at shock uling nagbawi ng tingin.
Na ibig sabihin, pustiso nga ang suot nito!

"Wow. Gumagamit ka ba nung nasa commercial na pandikit diyan?" curious na tanong


niya, "Ingat ka ha. Baka lumaglag." saka siya naman ang ngumiti. Sympathetically.

May punto ito sa mga sinabi. May bahagyang kabagalan ang utak niya sa pagpoproseso
- isang bagay na matagal na siyang aware. Pero sa apat na taon sa high school na
nakapag-training siya kung paano humarap sa mga mangkukulam, natutunan niyang ang
kaprangkahan niya ang pansalag sa maitim na mahika ng mga ito.

Tumatawa pa rin si Mitch at nananahimik pa rin sila. Ang dating ngiti ni Carina ay
tikom na. Magkalapat nang matindi ang labi nito. Pinoprotektahan siguro ang
pustiso.

Tumayo siya sa table at kinuha ang shoulder bag niya, "After all these years... I
can't believe this. Masaya ako sa accomplishments n'yo. But I don't want to attend
to another reunion with the lot of you again. Bawasan n'yo yung pagkabruha n'yo,
please. Magbagong-buhay na kayo diyan." umiling siya, "Anyway, mauna na akong
umuwi."

Saka hindi na niya hinintay ang mga ito na magsalita man lang at naglakad palayo.
Nagmamadaling sumunod sa kanya si Mitch, umakbay.

"Hey, are you okay?" tanong nito. Papalabas sila ng hotel.

Tumango siya. Surprisingly, okay naman siya. Wala naman din talaga siyang
inaasahang mangyayaring maganda sa reunion.

"Totoo naman yung mga sinabi nila."

Hindi nagkomento si Mitch at sa halip ay tinapik-tapik siya sa likod, "Gusto mong


uminom?"

Bahagyang nanikip ang dibdib niya sa maamong tanong nito, "Baka hinihintay ka ng
asawa mo e."

Yumakap ito sa kanya, "Of course, hihintayin ako nun. Hayaan natin siyang
maghintay. Ano?"

Ngayon ay parang pinipiga ang puso niya, "Gusto kong umiyak."

Lalong humigpit ang yakap ni Mitch sa kanya habang naglalakad sila. Nag-abang sila
ng taxi.

"Then... inom at iyak tayo?"

Tumango siya habang sumasakay sila sa taxi. Gising na gising na siya ngayon.
Nakapagproseso na ang utak niya. With the help of the witches from the reunion.
Wala na nga si Hans. After five years of being together, her life shifted.

"I don't know what to do, Mitch." amin niya. She's amused how she can say the words
as if she's calm. She's surprised that she's that calm.

Niyakap uli siya ng kaibigan, "I can see that. We'll drink and then, I will try my
best to make you cry, okay?"

Tumango siya. Si Mitch ang tanging dahilan kung bakit siya nagpunta sa reunion.
They barely saw each other since she married. Sa Laguna na ito nakatira at ginawa
nitong dahilan ang reunion para magkita sila.

Bumuntong-hininga siya. Maybe she's calm because she can see it coming - that Hans
will eventually leave her. Dahil gaya ng sabi ng mga bruha, since high school,
nothing changes about her: she's still fat, has an unmanageable hair, employed (in
the same office for years without raise or promotion) and slow-witted. Ang tanging
nagbago sa kanya ay ang edad niya. She's thirty-two. Thirty-two and now single...
again.

Naalala niya ang nawawalang ATM at mga appliances. Naalala niya ang sulat ni Hans
na iniwan niya sa table. Lasang ampalaya ang ngiti niya. Hindi nga lang pala siya
single uli. She's broke and she's been robbed off. She's fat and boring.

Napatingin siya sa nananahimik na cellphone. Wala pa ring tawag o text mula sa


lalaki sa dami ng tanong na itinext niya rito.

Bakit ganun? Kapag ba break na ang dating magkasintahan, bawal na mag-usap o mag
textback man lang? Sa bawat break-up ba ay laging may isa na naghahabol makipag-
usap at isang tumatakbo naman? Sa bawat break-up ba ay laging may isa lang na
manghihingi at maghahanap ng mas mas maayos na explanation? At bakit kailangang
siya iyon?

Wala sa loob na nakita niya ang date na nasa screen ng gadget: August 6.

Nanikip ang dibdib niya. Nag-init ang mata. Birthday niya pa pala ngayong araw.

Thirty-three years old na siya. And that should be fine except she wanted to cry.
She felt beaten. Can any day be surprisingly cruel to her? #

Chapter 2 : The search is over

-----

One week and fourteen hours later...

Wala pa ring text si Hans kahit na ilang ulit nang nagpasaload si Tonya. Wala ring
sumasagot sa cellphone nito sa tuwing tinatawagan niya kahit na nagriring. Nang
puntahan naman niya ang bahay ng nag-iisa nitong kapatid na babae sa Cavite, may
nagbukas ng pinto pero ibang tao. Wala na raw roon si Harriet. Mag-iisang taon na
rin. Nang puntahan naman niya ang bahay ng mga magulang ng lalaki, wala na ring
tao.
At parang ipinagsumigawan ni Tadhana ang kamalasan niya. Nang pumasok siya sa
pinagtatrabahuhang opisina isang gabi ay...

"I have to let you go, Tonya." si Mr. Cottey iyon. Boss niya sa loob ng hindi
mabilang na taon. Naka-suit and tie ito. Makisig kahit na aapatnapuin na ang edad.
May lahing Amerikano.

Siya ang pinakamatapat at pinakamatagal na empleyado sa Shipping Business nito.


Encoder at tracker ng shipments sa loob at labas ng bansa ang trabaho niya. Sabihin
nang mabagal ang utak niya pero magaling naman siyang sumunod sa mga instructions.
Lalo na, ilang taon na siyang nagtatrabaho roon. Her years of stay makes it
impossible for her not to know the company procedures or her job.

"Pero bakit po?" naguguluhang tanong niya.

"We have to let go of some employees. And you don't seem yourself lately." sagot
nito.

Nangunot ang noo niya sa sinasabi nito. "I'm myself, Sir. Wala po akong sapi."

Napailing ang lalaki. "If you want the truth... well... I don't want to tell you
this but you're incompetent."

Incompetent. Noun. 1, Someone who is not competent to take effective action.


Adjective. 1, legally not qualified or sufficient. 2, not qualified or suited for a
purpose. 3, showing lack of skill or aptitude. 4, not doing a good job. 5, not
meeting requirements.

Incompetent daw siya. Translation: Hindi magaling. Hindi qualified. Kinulang.

"But... I've been with your company for the past years. Wala naman pong problema.
Bakit po ngayon..."

Umiling uli si Mr. Cottey. May banaag ng awa at panghihinayang sa mata nito na
mabilis ding napalitan ng resolusyon.
"I'm sorry, Tonya. The company is changing the systems and we just can't let you
stay. You just won't keep up."

Period. The end. Doon lang nagtapos ang usapan nila. Pagkatapos noon ay nagmamadali
nang umalis ang boss dahil may importante raw itong aasikasuhin. Siya naman ay
malinaw na wala ng trabaho. Ng ganun lang.

Pag-uwi naman niya sa apartment nila ni Hans, ang nag-welcome sa kanya ay ang mga
natitirang gamit niya na maayos na nakakahon. May letter of eviction din doon mula
sa landlord na nagsasabi:

Dear Ms. Atienza,

You are hereby evicted from this apartment.

Signed, Landlord

Napakurap-kurap pa siya sa sulat na tinititigan. Iniisip niya kung joke iyon.


Matagal na niyang alam na 'man with a few words' ang matandang lalaking
nagpapatakbo sa building. Pero hindi niya akalaing maiklian at walang paliwanag
maging ang pagpapalayas na gagawin sa kanya.

Tahimik ang naging pag-alis niya sa building. Pero maingay ang naging pagsalubong
sa kanya ng inang si Mrs. Korina Atienza nang bitbitin niya ang mga gamit pabalik
sa dati nilang bahay. Malaking babae ang ina niya - bilugan ang mga mata, laging
may rollers sa ulo, at mas payat pa sa kanya. Wala pang isang minuto nang marinig
nito ang summary ng kamalasan niya ay nakapagbuga na ito ng lagpas sa dalawang
milyong salita. At opening pa lang iyon. Nagdadakdak ito habang tinutulungan siyang
magbukas ng mga kahon, mag-ahon at maglipat ng gamit mula sa mga kahon papunta sa
dati niyang kwarto, at hanggang sa matapos na sila sa pag-aayos.

Wala pang isang oras sa dati nilang bahay ay gusto na niyang tumakbo para magtago
kahit saan. Alam niya ang mga kasunod na gagawin ng ina. Irereto siya. Ise-set-up
siya ng date. Or worst...

"Death anniversary ng Papa mo sa isang linggo. Mag-iimbita ako ng mga single na


anak ng mga amiga ko para may malasing tayo at mapikot!"
Yun ang kinatatakutan niyang marinig.

"Ma, bata sa akin ng ilang taon ang lahat ng kaibigan ng amiga mo. At ayoko po muna
sanang makipag-date."

Nagtitigan sila ng ina. Parang tinatantiya nito kung totoo ang sinasabi niya.
Hinagod siya nito ng tingin. Pagkatapos ay bumuntong-hininga. Umupo ito sa tabi
niya sa kama.

"Tonya... hindi ka na edad-dalaga. Edad may-asawa ka na. Edad may-anak! Kung ayaw
mong pikutin, kuhaan man lang natin ng binhi para magkaanak ka."

Ilang sandali uli silang nagtititigan. Hinihintay ni Korina na maiproseso ng maayos


ng utak niya ang sinabi nito.

"Ma... hindi porke break na kami ni Hans ay magiging desperada na tayo -"

"Oras na para maging desperada, anak! Walang kaso sa akin kung nag-break kayo ni
Hans. Ang problema, nag-break kayo na hindi ka man lang nabuntis kahit na mukha
kang puputok! Ano bang ginawa n'yo sa ilang taon na magkasama kayo sa iisang
bubong? Panahon na para magpalahi, anak." seryosong putol nito sa sasabihin niya.

"Ma!"

Itinaas nito ang dalawang kamay na para bang sumusuko. Tumayo ito at pumirmi ang
simangot sa labi.

"Okay, sige. Mananahimik ako at panonoorin ang pagtandang dalaga mo. At pagkatapos,
mamamatay akong nag-aalala na wala ka man lang makakasama sa buhay. At kung saan
man ako dalhin ng kamatayan, bahala na ako sa buhay kong mag-alala."

Halos ibagsak ng Mama niya ang pinto sa paglabas nito sa silid niya.

Napailing siya bago nahiga sa kama. Five years ago, umalis siya sa bahay at
nakipagtanan kay Hans. Ayaw kasi rito ng Mama niya. Pero dahil iyon ang kauna-
unahang pagkakataon na umibig siya ay iniwan niya ang lahat ng responsibilidad at
sumama sa lalaki. Sa nakalipas na mga taon ay panay ang kumusta ng Mama niya nang
tungkol sa kasal at sa anak. Pero lumalabas na parang siya lang ang walang clue na
hahantong ang lahat sa ganito: na maiiwan siyang mag-isa.

Anong nangyari? Hanggang ngayon, hindi niya pa rin alam ang sagot.

*****

"Peruvian, Italian o French? Take your pick."

"Ano?"

Kausap ni Tonya ang kapatid na si Sharon sa Skype. Napaisip siya sa tinatanong


nito. French bread? Italian pasta? Ano bang pinag-uusapan nila? O baka hotdog?

"Take a pick ng ano? Hotdog? Pasta?" kumpirma niya. Umayos siya ng pagkakaupo sa
de-kutson na upuan sa harap ng computer na nasa tagiliran ng salas. Computer iyon
ng Mama niya.

"Hotdog, Ate." seryosong sagot ng kapatid na balot na balot ng makapal na sweater


at gloves. Namumula ang ilong nito.

Lalong naparalisa ang utak niya. Akala niya ay tao ang pinag-uusapan nila. Hotdog
pala.

"E di Purefoods! Yung malaki at makatas. Pero may ganung hotdog na rito. At matagal
n'yo nang alam na yun ang hotdog na gusto ko. Hindi yang mga Ita-italian na yan. O
Peruvian. O French. Bakit ka nagtatanong?"

Humagikgik si Sharon. Mahina muna bago unti-unting lumakas. Hindi naman niya magets
ang joke.

"Hindi literal na hotdog, Ate."


Nangunot ang noo niya. "May hindi literal na hotdog?"

Lalong nagtawa ang kausap niya. Parang gusto pa nga nitong gumulong-gulong.
Napailing-iling naman siya. Naguguluhan na siya sa pinag-uusapan nila.

"Gusto naming malaman, Ate. Di ba, break na kayo ni Hans?"

"Bakit? Anong kinalaman ni Hans sa hotdog?"

Tinutop ni Sharon ang bibig para pigilan ang sariling tumawa.

"Hindi hotdog, Ate. Lalaki ang pinag-uusapan natin."

Napailing siyang lalo. Sinasabi na nga ba! May hinala na siya sa pinagtatawanan
nito kanina pero nahuli ang logic niya.

"Anong kinalaman ni Hans sa lalaki?"

"E dahil break na kayo, naisip namin nina Beverly at Anelle na ihanap ka ng bagong
lalaki. Nasa France ako, Ate. Irereto kita sa mga kaibigan kong French."

"Ganun lang yun kadali? Ihahanap n'yo ko ng bagong lalaki na parang naghahanap lang
tayo ng hotdog?"

Tumango ito. Hindi naman siya kumbinsido. Kung si Hans nga ay parang nanalo lang
siya sa lotto - sinuwerte, nagkataon, nakatsamba. Paano siya mamimili lang ng
lalaki?

"Si Anelle, nasa Peru. Irereto ka raw niya sa mga kaibigan niyang Peruvian."

Ngayon ay alam na niya ang tinutumbok ng usapan.

"At si Beverly, nasa Italy. Irereto ka sa Italian. Kuha mo na?"


May hindi pa rin siya maintindihan. "Ano ngayon ang kailangan n'yong malaman?"

Humagikgik uli ito. "Kung ano ang gusto mong lalaki. Peruvian. Italian. O French."

"Bakit? Yung mga kaibigan n'yo ba ay gusto ng Pinay?"

"Madali na yun, Ate." sagot nito.

"Anong madali, Sharon?" singit ng Mama nila na biglang sumulpot mula sa kung saan.
May kibit itong malaking basket ng labahin. "Hindi lang lahi ang problema ng Ate
n'yo. Nakikita mo ba sa video kung gaano siya kalapad? At yung edad niya! At yung
kabagalan! At sabi niya, ayaw niya muna uling makipag-date."

Napatango siya sa sinabi ng ina bago bumaling sa kapatid. "Tama si Mama, Sharon."

Masama namang tumingin sa kanya ang ina at umirap. Saka ito bumaling sa Skype.
"Kaya wag na kayong reto nang reto. Mamayang gabi ay kasama nito si Barry."

"Si Barry, Ma?" kunot-noong baling niya sa ina.

Si Barry ay kaklase niya noong grade school. Hindi na niya uli nakita ang lalaki
mula noong high school graduation. Pero ang balita niya ay malakas kumita ang
burger-an nito.

Ngumiti ang Mama niya. "Oo. Inaya ka kumain sa labas. Hindi naman masama. Siya
naman ang magbabayad."

Napatango naman siya. Kakain lang naman pala sa labas. At ito naman ang magbabayad.

"Anong oras daw, Ma?"

"Seven. Kaya maghanda ka. Pumili na ako ng damit mo." nakangiting sabi nito bago
umalis.

Umiiling-iling si Sharon sa kanya. "Ate, akala ko ba ayaw mo ng date?"

"Oo nga."

"Bakit ka kakain kasama si Barry?"

"Ha? Hindi mo ba narinig? Nagyayaya raw e. At siya naman ang magbabayad."

Bumuntong-hininga ito. "Ate, naisahan ka ni Mama."

Hindi niya naiintindihan ang sinasabi nito.

"Magbilang ka ng sampu at pag-isipan mo ang sinabi niya." dagdag pa ng kapatid


niya.

"Ayoko ng date. Nag-aya si Barry kumain. At siya ang magbabayad. Anong pag-iisipan
ko run?"

"Ang alam ko, bagong hiwalay si Barry sa girlfriend niya."

"Kawawa naman. Parehas pala kami." nalulungkot na komento niya. Alam niya kung
gaano nakakapraning ang break-up.

"At naghahanap siya ng aasawahin, Ate."

Natawa siya. "Sino naman ang pwedeng asawahin ni Barry?"

Nakatingin lang sa kanya ang kapatid. Hindi makapaniwala. Nakuha niya kahit papaano
ang tingin nito.
"Kakain lang kami. Hindi kami magpapakasal, Sharon."

Pero kahit hindi pa abot ng loading ng utak niya ang sinasabi, kumukutob ng masama
ang dibdib niya.

*****

"Tonica Grace Atienza, will you marry me?"

Nabitin ang pagsubo niya ng panipit ng Curacha sa bibig. Sa isang iglap ay hindi
malaman ni Tonya kung paanong nakaluhod na sa harap niya si Barry, nag-aalay ng
gintong singsing, at kumukutitap ang mga mata sa pagkakatingin sa kanya.
Naglalangis din ang nguso nito sa lechon na kinakain nila kanina.

Hindi siya makasagot. Pinili niyang bitawan muna ang panipit ng Curacha sa pinggang
kinakainan. Pagkatapos, nilingon niya ang mga taong natigilan sa kani-kaniyang
pagkain at nakamata sa kanila. Intense naman ang pagtugtog ng violin ng mga
inupahang musikero. At nanginginig na ang tuhod ni Barry. Kasinglaki niya kasi ito.
Pero mukhang mas siksik at mas mabigat. Nahihirapan na siguro ang tuhod nito.

Ano ang sasabihin niya?

"Bakit kita pakakasalan, Barry? Kumakain lang tayo, di ba?"

Namuti ang mukha ng lalaki bago sinenyasan ang mga musikero na tumigil sa
pagtugtog. Sumenyas uli ito. Lumayas ang mga musikero. Pagkatapos, paikot nitong
ipinakita sa mga kumakain ang nandidilat na mata. Naglayo ng tingin ang mga tao.
Saka pa lang ito umupo ng maayos sa katapat na upuan at masamang tumingin sa kanya.

"Akala ko ba, sabi ni Tita Korina ay kailangan mo rin ng asawa? Kaya nga inaalok
kita ng kasal. Kailangan ko na ring mag-asawa, Tonya." mahinahon naman kahit
papaano na sabi nito.

Sandali niyang inisip na mabuti ang sinabi nito.

"Kailangan ko siguro ng asawa, Barry. Pero hindi sa ganitong paraan." aniya.


"Sa paanong paraan, Tonya?"

Nag-isip naman siya. Pero natatagalan ang bwelta ng resulta. "Hindi ko pa alam.
Basta, hindi sa ganitong paraan."

Napailing-iling ang lalaki. Hinawakan nito ang kamay niya. Naramdaman niya ang
langis ng lechon na naiwan sa daliri nito.

"Hindi mo ba nakikita, Tonya? We're meant to be."

Natahimik siya roon. Wala pang laman ang utak niya pero ang bibig niya, gusto na
agad magprotesta. Hindi niya kasi nararamdaman ang meant-to-be na sinasabi nito.

"Parang hindi naman." mahinahon niyang sabi rito.

Kumunot ang noo nito. "Anong hindi? Tingnan mo nga... size pa lang, bagay na tayo.
Pareho tayong malusog."

Malusog. Bata pa siya ay maaga niyang natutunan na ang isa pang kahulugan noon ay
mataba. At tama ito.

"Hindi naman. Mas siksik ka." nakangiting sabi niya.

"Pareho tayong single."

"May iba pang single. Hindi lang tayo."

"Parehas tayong nasa thirties na."

"Marami pa ring nasa thirties na, Barry."


Umiling ito. "Desperada ka na."

"Hindi pa."

Nagtitigan sila. Kunot na kunot na ang noo nito.

"Then what do you want? To fall in love? Come on, Tonya! Matatanda na tayo! Lahat
ng batchmates natin, may mga anak na. Tayo na lang ang naiiwan! And I'm offering to
marry you!"

Napailing siya. "Kakaiwan lang sa akin ni Hans. Hindi pa nga nagrereply sa text
messages ko e. And is it wrong to want to fall in love? Hindi ba at brokenhearted
ka rin dahil iniwan ka ng mapapangasawa mo?"

Hindi ito kaagad nakaimik.

"Yes. And that girl took the last thread of hope that I will become a family man.
Look at me. Look at us! Hindi na tayo equipped to date. We're fat. And old. And
dating is not an option anymore. Lalo na sayo. Dahil babae ka."

Napaisip siya sa sinabi nito. When she was younger, dating is a problem. Kasi
mataba siya. Ang kagandahan niya, nakatago sa sangkatutak na layer ng bilbil. Ang
utak naman niya, may kabagalan. Tiyempo-tiyempo ang proseso ng logic niya. Pero ang
mga usapang masasakit at paulit-ulit, alam na alam na niya iproseso. Now that she's
older, why is dating still a problem? A... kuha na niya. Parehas pa rin pala ang
problema. Kasi mataba siya. At ang kagandahan niya at kabataan niya, naipit ng
sangkaterbang taba.

"Ano, Tonya? Pakasalan mo na ako. I'm sure I'm your only option."

Napatingin siya sa lalaking nagsusumamo. Mukha itong desperado. Pero maitim ang
ilalim ng namumulang mga mata nito. Sigurado siyang galing sa pag-iyak at hindi
pagtulog. Kasi ganun din kaitim at kapula ang mata niya. Magiging ganito ba ang
mukha niya in the future? Mukhang desperada? Mukhang mauubusan? Mukhang
pinagkaitan?

Ayaw niya.
Natatakot siya. Na patuloy na maging mataba, maging desperada at maging kawawa.

"I'm sorry, Barry." sabi niya at tumayo. "Salamat sa masarap na dinner."

Halos nakanganga ito sa kanya. Hindi siguro makapaniwala na nag-iinarte siya.


Tumalikod siya at nagsimulang lumakad palabas ng restaurant.

"Tanga ka ba talaga, Tonya? Wala nang magpapakasal sayo! Ano ka ba? I'm your last
choice!" sigaw nito habang papalayo siya.

'Then, I won't marry at all. Basta hindi ako magpapakasal dahil lang desperada na
ako.' kalmado siyang lumalakad kahit habang nagbubulungan ang mga tao.

"Mataba ka! You're not even beautiful! Who would you find para pumatol sayo!" sigaw
pa mula sa likod niya.

Napailing siya. Alam naman niya lahat ng sinasabi nito. Ang hindi nito
naiintindihan, she's walking away not because she's confident she will find
somebody. She's walking away because the search is over. She will not search for
any guy anymore.

She's on her own. #

Chapter 3 : The Masterplan

-----

Isang buong araw lang ay nabuo ni Tonya ang Masterplan niya! Iyon ay sa kabila ng
patuloy na pagsusungit ng ina at pagseset-up sa kanyang kumain ng agahan,
tanghalian o hapunan kasama ng kung sinu-sino.

Apat na wedding proposal na rin ang tinanggihan niya sa loob lang ng apat na araw.
Dahil sa iisang rason : kasingtanda na ang mga ito ng namayapa niyang ama!
Sumalangit nawa!
Nakasulat sa Masterplan niya ang mga hindi niya pa nagawa sa buong thirty three
years ng buhay niya. Gaya na lang halimbawa ng -

"Magpapapayat ka talaga? Para kanino?" halos naghihisteryang tanong ni Mitch sa


kanya. Tunog megaphone ang lakas ng boses nito sa cellphone kahit na hindi naman
siya naka-loudspeaker.

"Anong para kanino? Para sa akin, siyempre." nakangiting sagot niya. "Ikinuha nga
ako ni Anelle ng membership sa isang gym. Magsisimula ako bukas."

Natahimik si Mitch sa kabilang linya. "I can't believe it! Seryoso ka? Di ba,
mahirap ka pumayat?"

Sa loob ng thirty years ay nalaman ni Tonya ang isang katotohanan: mahirap siya
magpapawis. Kahit na anong tumbling at pakikipaghabulan sa mga bullies sa grade
school at sa high school ang inabot niya, ni minsan ay hindi nabawasan ng mahigit
sa dalawang kilo ang timbang niya. Mabilis naman siyang mag-gain. Iyong tipo na
kahit na kalahating cup lang ng kanin ang kainin niya araw-araw, mamamatay na lang
siya sa gutom ay mukha pa rin siyang Panda.

"Mahirap nga ako pumayat. Pero... may nabasa ako sa internet. Quotes. Pag dobleng
mahirap daw ang isang bagay, triplehin ang effort. Di ba?"

Nagsisigaw si Mitch sa kabilang linya. Nagtitili. "I'm so happy for you!


Suportadong suportado kita diyan! Gusto rin kitang makitang pumayat!"

Nakangiti lang siya. "Ako rin, Mitch! Gusto kong makita ang sarili kong pumayat!
Tapos, ano pa nga pala ang hindi ko pa nagagawa? Ilalagay ko sana rito sa
Masterplan ko."

Naikwento na niya kay Mitch ang tungkol sa Masterplan.

"Libutin ang buong mundo?" sabi nito.

Umiling siya. "Yung achievable, Mitch. Kung lilibutin ko ang buong mundo, sigurado
akong uugod-ugod na ako, hindi pa rin ako tapos. Alam mo ba kung ilang bansa
mayroon sa buong mundo?"
Nagtawa ito. "E, ano ba yung ibang sinulat mo?"

Sinulyapan niya ang notebook na hawak. "Sila Anelle, nagbigay ng suggestion. Ito...
maging emo."

"Ha?"

"Ni-research ko na 'to kanina. Klase ng rock music to. Pero parang may dress code
lang. Saka make-up. Magho-hoodie ako. Tapos, maglalagay ng side bangs. Magsusuot ng
Converse. Ganun. Optional yung maglaslas ng pulso. Kung trip lang daw."

Nagtawa ang kaibigan niya sa sinabi niya. "Ano pa?"

"Maging goth. Damit lang din ito. Sabi sa internet, yung parang sa Victorian era
raw. Pwedeng Goth Loli o Cute Loli lang. Si Mama naman, nagdagdag, maging first
lady raw. Pinag-iisipan ko pa kung pano yun."

Walang humpay ang tawa ng kaibigan niya sa kabilang linya. "Pinaglalaruan ka na


naman nina Tita Korina at ng mga kapatid mo!"

Hindi niya makuha ang sinabi nito. Nag-research naman siya at posible ngang maging
Goth o Emo o First lady. Lalo na kung sa damit lang.

"Okay lang yun. Pinag-iisipan ko na nga kung paano ko gagawin." sabi niya.

"Bahala ka. Ano pa raw?"

Noon pumasok ang Mama niya sa kwarto niya at naglagay ng bagong tuping damit sa
kabinet niya. Pasulyap-sulyap ito.

"Naisip ko, pumunta sa Palawan, Bohol, Tagaytay... pwede ring magpalipad ng


helicopter, sumama sa prusisyon ng Nazareno, mag-drive ng kotse, makakilala ng
artista, maging sexy..."
"Teka, teka... imposible yang mga yan e!" angal ni Mitch.

Nagkamot siya ng ulo. May punto ito. Imposible nga. "Oo nga. Mahirap kayang maging
sexy. Mabuti na lang, sinagot ni Anelle yung sa gym ko."

"Sino yang kausap mo?" tanong ng Mama niya.

"Si Mitch po, Ma." sagot niya bago ibinalik ang atensyon sa kaibigan.

"Hindi yung pagiging sexy ang tinutukoy ko!"

"E, ano?" usisa niya rito.

"Ang atupagin mo, yung magkaroon ka ng asawa, Tonya. Sabihan mo si Mitch na


tulungan kang humanap ng aasawahin. Tutal lahat ng inirereto ko ay tinatanggihan
mo." sabi ng Mama niya.

"Anong sabi ni Tita?" tanong ni Mitch. Naulinigan ang pagsingit ng Mama niya.

"Sabihan daw kita na tulungan akong humanap ng aasawahin." sabi niya.

Nakapamaywang ang Mama niya. Mukhang hihintayin nito ang sagot ni Mitch.

"Ano? Bakit? Naghahanap ka ba ng aasawahin?" tanong ng kaibigan.

"Hindi. Pero ang sabi ni Mama, kung ayaw ko raw mag-asawa, kahit na bigyan ko na
lang daw siya ng apo."

Kinuha ng Mama niya ang cellphone sa kamay niya at inilagay sa loud speaker.

Natahimik sandali sa kabilang linya. Pagkatapos ay umuubong nagsalita si Mitch.


"Malulunod ako sa isang basong tubig, Tonya! Ano? Gusto mong magkaanak?"
"Oo. Ang sabi ko sa kanya, Mitch, kung ayaw niyang mag-asawa ay gumawa na lang siya
ng anak. Nagrereto ako ng mga pipikutin, ayaw naman nitong kaibigan mo." ang Mama
niya iyon.

"Ang pikot, Ma, pananagutan dapat ako ng lalaki. At kung gusto mo lang na magkaanak
ako, anak na lang. Wag na ang asawa." depensa niya.

"Totoo nga? Naghahanap ka ng magbibigay sayo ng anak?" si Mitch.

"Oo. Yung hindi maghahabol."

Katahimikan.

"May lalaki ba namang magbibigay lang ng binhi sayo at pagkatapos ay hindi


maghahabol?" natatawa ang boses ni Mitch.

"Iyon nga ang sinasabi ko sa kanya! Kaya nga ang sabi ko ay mamikot na lang!" ang
Mama niya.

"Ma! Kung si Hans nga na mahal ako, isang araw ay iniwan pa rin ako. Na walang
anak! E di lalo na yung pinikot ko lang?" sabi niya sa ina. "O, di ba, yun ang
nangyari sa Mareng Linda mo? Pinag-uusapan n'yo nung isang araw? Pinikot niya yung
asawa niya tapos iniwan na siya ngayon?"

Hindi nakapagsalita ang Mama niya. Tahimik din si Mitch.

"Saka, may tawag na nga si Sharon dun e. Maghahanap lang daw ako ng Sperm Donor.
Para hindi maghahabol sa akin yung tatay ng magiging anak ko!"

"Ah!" nakauunawang sabi ni Mitch. "Sperm donor naman pala. Sinong magbabayad?"

Naguluhan siya sa tanong. "Anong bayad? Sperm donor lang naman ang hahanapin ko,
bakit ko kailangang bayaran?"
"Yung procedure, Tonya? May bayad yun." si Mitch.

"Natural procedure ang gusto ni Tonya, Mitch!" singit ng Mama niya. "Hindi yung
artificial ang iniisip nito."

"Ha? Naguguluhan ako." si Mitch. "Sperm donor pero hindi artificial?"

"Oo, Mitch. Gusto ko, natural process. Gusto ko, gusto rin ng lalaki yung gagawin
niya. Para hindi naman maging Anak ni Janice yung magiging anak ko. Magbubutas lang
ako ng condom. Ganun." natawa siya sa mga naiisip. Lalo na sa pelikulang naalala.

"At paano mo gagawin 'yon?" tanong ni Mitch.

"Sa mga disco sa gabi. Sa mga bar. Mang-aakit ako. Kaya nga kailangan kong maging
sexy. At magkaroon ng personality gaya ng sabi ni Bev. Para makaakit naman ng
magandang lahi. Hence, the Masterplan."

Katahimikan uli. At ang alam ni Tonya, natatahimik lang ang mga tao sa paligid niya
kapag nasosobrahan ang talino niya.

"Mamikot ka na lang kaya, Tonya?"

Napabuntong-hininga sa relief ang Mama niya. "Iyon na nga ang sinasabi ko, Mitch!"
bumaling sa kanya ang ina. "Nakita mo na? Mamikot ka na lang! Ako'ng bahala!"

Umiling siya. Nakapagdesisyon na siya. Magiging sexy siya. Magkakaroon siya ng


personality. At pagkatapos, hahanap siya ng sperm donor niya!

"Kaya ko 'to! Nothing is impossible!"

Pati buntong-hininga ni Mitch ay narinig niya sa telepono. "Susuportahan kita,


Tonya! Pero... let's make a deal ha. After a year na hindi ka pa rin sexy,
mamimikot na tayo ha?"
"Sige! You have my word!" sabi niya rito. Puno siya ng kumpiyansa. Dahil
sisiguraduhin niya na sa loob ng isang taon, ay magiging sexy siya. Kahit itaga
niya pa sa bilbil niya!

"Gusto ko yang ambisyon mo, anak. Pero pakilagay rin sa Masterplan mo ang maghanap
ng trabaho ha. Para may iba kang pagkaabalahan!" singit ng Mama niya na naiiling.
"At ikaw, Mitch, kapag hindi successful itong kaibigan mo ay siguruhin mong
tutulungan mo akong mamikot ha?"

"Opo, Tita!"

Napailing siya sa dalawa. Hindi siya mamimikot. Magiging sexy siya! At maghahanap
ng Adan niya!

"Ma, wag ka nang mamroblema sa trabaho. Tumawag sa akin si Dean Martinez kanina.
Pinapapunta ako sa school. Bibigyan niya raw ako ng trabaho." sabi niya.

Tumango ang Mama niya bago naglilitanyang lumabas ng kwarto niya. At nagpatuloy
sila ng paglilista ni Mitch.

*****

Katatapos lang ng tanghalian ng dumating si Tonya sa dating kolehiyo kung saan siya
nag-aral. Pero sarado ang pinto ng silid ni Dean Martinez na nasa third floor ng
Liberal Arts Building. Wala kahit na kaunting siwang ang pinto nito. Na ang ibig
sabihin, may kausap ito sa loob.

Naupo siya sa mahabang upuan sa labas ng silid. Doon siya maghihintay. Nilingon
siya ng babaeng nakaupo rin doon. Parang anghel ito sa ganda at kaputian. Kaya
lang, nakasimangot. Suot nito ang uniporme ng school.

Nginitian niya ito. Iniiwas naman nito ang tingin.

Wala pang dalawang minuto sa pagkakaupo ay naaalala na niya ang burger sa dalang
paperbag. Dahil mukhang matatagalan pa siya sa paghihintay ay binuksan niya ang
paperbag at kinuha ang burger. Agad kumalat ang amoy niyon sa corridor.
At narinig niya ang pagkulo ng tiyan ng katabi. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang
paglunok nito.

"Hati tayo." aniya at hinati ang burger. Iniaabot dito.

Matalim siyang tiningnan ng babae. Patuloy naman siyang nakangiti.

"Hindi ako gutom." sabi nito.

"A..." hindi pala ito gutom. Nagkibit-balikat siya, "- ibig sabihin, kumukulo lang
ang tiyan mo?" tanong niya. "Makakatulong 'tong burger para tumigil yung pagkulo ng
tiyan mo."

Sandali itong napatingin sa kanya. O natulala. Kilala niya ang tingin at tulala na
iyon. Nangyayari iyon sa mga kausap niya kapag may mali siyang nasabi. Nakangiti pa
rin siya. Umirap ito.

"Masarap to! Ito ang binabalik-balikan dito sa school."

Hindi pa rin ito tuminag. Pero lumalala ang pagkulo ng tiyan nito.

"O, sige, kung ayaw mo talaga... mahirap namang ipilit ang grasya sa taong ayaw e.
Ang sabi ng Papa ko, masamang namimilit -"

At nawala ang burger sa kamay niya. Pagtingin niya ay hawak na iyon ng babae.
Nangiti lang siya.

"Salamat." mahinang sabi nito bago kumagat sa pagkain.

Pero nakakaisang kagat pa lang ito ay tumilapon sa sahig ang burger. Namalayan na
lang ni Tonya na may tatlong babaeng pinagpraktisan ng make-up ang mukha! Nakangisi
ang mga ito sa mukhang anghel na babae. Pamilyar ang ngisi! Pang-kontrabida.
Katulad ng ngisi nina Carina sa tuwing iinisin siya.

"Cheap! Kumakain ka na lang ng burger ngayon? I thought you're a big shot!" sabi ni
babae number 1. Ito ang pinakapayat.

"And she said her brother is a big shot director, too! What a liar!" sabi naman ni
babae number 2. Ito ang pinakamataba.

Nilingon niya ang babaeng katabi. Nakita niya ang panggigigil ng panga nito.
Nanginig ang labi. Kumunot ang noo. Namula ang mukha. At kumuyom ang kamao.
Translation: Galit ito. Sa mga sinasabi ng kaharap na bruha.

"Are you pissed off? Sabunutan mo ako! Para lalo kang problemahin ng Dean, Ms Big
Shot! Loser!" sabi ni babae number 3. Ito ang... pinakamalapad ang mukha.

Papatayo na ang babaeng katabi. At hindi na ito mukhang anghel. Mukha na itong
boksingera na handang i-knockout ang kalaban. Kontento namang nakangiti ang tatlong
batang bruha.

Kinalabit niya ang babaeng anghel. Lumingon naman ito.

"Big shot ka? Mayaman ka?" nakangiting tanong niya.

Naguguluhan ang mukha nito pero tumango. Naguluhan din siya.

"Iyon naman pala e! Anong sinasabi nila? Masamang kumain ng burger kapag mayaman?"

Napakurap-kurap muna ang anghel bago, "Uhm... hindi?"

Tumango siya. Nakangiti. "Hindi talaga!"

Nabawasan ang kunot ng noo ng babae. Bumalik na rin ito sa pagkakaupo.

"At direktor ang kapatid mo?" tanong pa uli ni Tonya.

Tumango uli ang babae.


"O... totoo naman pala yung sinasabi nila. Pinapapangit lang nila yung dating.
Hindi ka dapat magalit."

Tinaasan siya ng kilay ng tatlong batang bruha.

"Sabunutan ko raw siya e!" sabi ng anghel at itinuro pa si babae number 3.

"Kung galit ka raw. Galit ka ba?" tanong niya.

Nag-isip naman ito. Nagkibit-balikat.

"I guess... not anymore?"

Humagikgik siya. "Hindi ka galit. Gutom ka lang. Ito kasing bruha na 'to, kung
makapang-istorbo sa kumakain, wagas." sabi niya kay babae number 1. "Nasa harap
tayo ng opisina ni Dean. At nang-aaway kayo ng tao nang may witness. Ako yun."
nakangiti pa rin siya. "Bisita ako ni Dean. Gusto n'yong maisumbong?"

Nagtawa ang batang bruha number 1. "Bakit? May ebidensiya ka?"

Ebidensiya raw? Agad niyang kinuha ang de-kamera na cellphone sa bulsa at kinunan
ng larawan ang tatlong bruha. Kinunan niya rin ng larawan ang tumilapong burger.

"May ebidensiya na ako." sabi niya.

Noon lang namutla ang mga bruha. Natatawa naman ng mahina ang babae sa upuan.

"This is silly." sabi ni bruha number 2.

"Yes, it is. Wag kasi kayong laging nanonood ng teleserye. Tapos ang ginagaya n'yo
yung mga kontrabida." humagikgik siya. "Kahit na bagay sa inyo, sayang. Bata pa
kayo."
Natahimik silang lahat sa corridor. Umihip ang hangin. At kumagat siya uli sa
burger na hawak. Hindi niya magets kung para saan ang titigan. Hindi kaya...

Gusto ng mga ito ng burger?

"Gusto n'yo?" tanong niya sa mga bruha.

Naiiling na umalis ang mga kontrabida kahit na nag-aalok siya.

"Tingnan mo! Mga bastos na yun. Inaalok ko, saka lumayas." mahinang komento niya
bago alukin uli ang katabi, "Kagat ka. Para mawala yang gutom mo."

Humahagikgik ito. Iniabot ang palad. "Ako po si Portia. Portia Montero."

"Tonica Grace Atienza." aniyang inabot ang kamay nito. "Pero Tonya na lang para
maikli."

Yumakap ito sa kanya. "Gusto kita, Ate Tonya! Ang cool mo!"

Nangiti lang siya. "Gutom ka pa yata e. Anong course mo rito?"

"Mass Communication po." sabi nito. Kinuha ang burger niya at kumagat.

"A... Graduate din ako ng MassCom. Hinihintay mo si -"

"Tonya!" si Dean Martinez iyon na nagbukas ng pinto. Panot na ang matandang lalaki.
Medyo mataba. Maputi. At malaki ang ngiti sa kanya.

Mabilis siyang tumayo at yumakap dito. Si Dean Victorio Martinez ang kakampi niya
laban sa mga bruha noong nag-aaral siya sa kolehiyo.
"Lalo kang..." pinasadahan siya ng tingin ng Dean, "- gumanda!"

Ngumiti siya. Alam niyang tumaba ang ibig sabihin nito.

"Mabuti at narito ka na." napatingin ito kay Portia, "At mabuti at nakabalik ka na
rin Ms Montero! Hindi na kita kailangang ipahanap pa. Nagkasundo na kami ng kuya
mo."

Dumilim ng kaunti ang mukha ni Portia. Sinenyasan niya itong ngumiti. Matipid naman
itong nagpilit ngumiti.

"Teka, pumasok tayong lahat sa loob." aya ni Dean.

Nakahawak sa braso niya si Portia habang pumapasok nila sa loob ng opisina.

"Everything's settled. I won't expel you. Tutal ay nakiusap ang kuya mo." sabi ni
Dean Martinez kay Portia habang naglalakad. Agad dumiretso si Dean sa mesa nito.
Pagkatapos ay sa kanya naman ito tumingin. "And Tonya, meet her brother. Siya ang
magbibigay sayo ng trabaho."

Tumayo ang lalaking nakaupo patalikod sa kanya. Habol-habol ng tingin niya ang
tangkad nito hanggang sa humarap ito sa kanya.

At hindi pa niya naipoproseso ang tinitingnang nilalang pero tumugtog ang isang
maharot na OST sa paligid niya. Totoong slow minsan ang utak niya pero mabilis
naman kumilala ang mata niya ng gwapo. Ng totoong gwapo. Nanuyo ang lalamunan niya.
Napasinghap siya.

Si Hans ang huling gwapong lalaking nasilayan ng mga mata niya. Pero -

Gray ang matang tumingin sa kanya. Pero madilim ang ekspresyon noon na parang
seryoso, may problema o di naman kaya ay may malalim na iniisip. Matangos ang
ilong. Manipis ang pink na labi. Prominente ang panga nito pero hindi naman
kwadrado ang mukha. May cleft chin. At bumagay dito ang hindi naahit na bigote.

Kamukha ni Superman sa pelikula. Yung masungit na Superman.


"I'm Gregory Montero." iniabot nito ang palad sa kanya. Wala munti mang ngiti sa
mukha.

Maganda ang boses! Artikulado. Lalaking-lalaki. Pwedeng broadcaster! At ang


apelyidong Montero? Magandang apelyido.

Bagay dito. At sa magandang lahi nito.

Napatingin siya kay Portia na kapatid nito. Pagkatapos, bumalik ang tingin niya sa
lalaki. Napangiti siya.

Maganda ang lahi. Period. Pwedeng -

"Sperm donor." wala sa loob na sabi niya rito.

"Pardon?"

"Naghahanap ako ng Sperm donor. Pwede ka ba?"

Nalaglag ang panga ni Superman. #

Chapter 4 : Sperm Donor

A/N : Ang dapat na ending line po ng chapter na ito ay-

That's a miracle, right? Like the sperm donation that she's talking about.

Please report po kung hindi iyon ang ending na nakikita ninyo. Every chapter, I
mark the end with the pound key or number sign: #. Kapag wala po ito ---> #,
malamang na hindi na-up ng maayos ang chapter. So, please, let me know agad-agad po
ha. Mabagal ang net ko e. Minsan, nasasabotahe ang uploading ko. Salamat, lovies!

-----

Nakatitig si Grey sa babaeng nakahawak sa kamay niya. Iniisip niya kung nagbibiro
ba ito sa itinatanong sa kanya. But the girl's face is bright. And she's smiling
beautifully without a care in the world. Conclusion? Seryoso itong nagtatanong.

Pinasadahan niya ito ng tingin.

The girl has a beautiful face. Mapungay ang matang nakatingin sa kanya. Naka-flats
na closed shoes. Mga 5'2 o 5'3 lang siguro. Pormal ang dilaw na blusa. At naka-
slacks. Parang mag-a-apply ng trabaho. O magtuturo sa isang private school. Hindi
niya matantiya ang edad. She's huge. As in, fat.

Kinalma niya ang sarili bago sumagot, "Sperm donor? You mean for artificial
insemmination? Ang alam ko, anonymous ang may-ari ng mga sperm for that procedure."

"Ha?" nag-isip ito sandali. Patuloy ang pagyugyog sa kamay niya sa hindi matapos na
shake hands. "Naku, hindi para sa artificial insemmination. Natural method ang
gusto ko."

Now it's his turn to blink. And think. Sperm donor in a natural method copulation?
Hindi ba't ang ibig sabihin noon ay niyaya siya nitong -

"Natural method? Ang ibig mong sabihin..." alangan si Grey sa kumpirmasyon ng nasa
isip niya. There is no way the woman he just met is insinuating that 'she' wanted
'him' to have -

"Oo. Sex!" walang kaabog-abog na anunsyo nito sa opisina ng Dean. Napatingin pa ang
babae kay Portia na bahagyang nakanganga at sa Dean na malalaglag na ang salamin sa
mata. "Di ba yun ang natural method?"

Tumango ng sunod-sunod si Portia. Tumingin naman sa bintana si Dean. At napalunok


siya ng hindi sinasadya. Hindi niya malaman ang gagawin o sasabihin o isasagot. At
hawak-hawak pa rin ng babae ang kamay niya.

"I don't think I understand." seryosong sabi niya. "I don't even know your name for
you to..."

"Sorry!" apologetic na sabi nito. "Ako si Tonya. Tonica Grace Atienza. Nice to meet
you, Gregory."
Bumuntong-hininga siya bago sumagot uli, "Just call me Grey. Or Direk. And no, I
don't mean for you to introduce yourself -"

Pero iba na ang nasa isip ng babae.

"Bakit Grey? Hindi ba dapat Greg ang palayaw mo?"

Patuloy ang pagtaas-baba ng magkahawak na kamay nila ni Tonya. And it's a miracle
that he's not getting mad over all of this. Must be because of her innocence. Hindi
naman mukhang sinasadya ng babae na hindi pa bitawan ang kamay niya. Or it must be
because of her charisma. She has a mysterious power of drawing his attention to
her. And Portia's and the Dean's attention.

"No one calls me Greg until after high school. Now everyone calls me Direk or
Grey."

"Pero Gregory ang pangalan mo, di ba?" naguguluhan pa ring tanong nito.

"Actually, ate, Gregorio ang tunay na pangalan ni Kuya." nakangiting singit ni


Portia.

"Portia!" saway niya sa kapatid. Muntik na siyang umangil.

Bumelat lang ito. Nakangiti naman si Tonya.

"E di pwede rin palang Goryo ang palayaw mo?"

Dumilim ang mukha niya. Naramdaman niya ang pagsasalubong ng sariling kilay.

"No way."

"That's nice! Kuya Goryo na ang itatawag ko sayo, kuya!" excited na sabi ni Portia.
Bumubungisngis ito.
"No." tutol niya sa kapatid.

"Galit ka ba?" nananantiya ang tingin ni Tonya sa kanya, "Cute naman ang Goryo a."

Bumuntong-hininga siya.

"Goryo is not cute. Call me Grey. Or Direk."

"Direk?"

"Direktor ako."

Tumango-tango ito. "Direktor ka pala. Nice. Pero trabaho yun. Hindi naman
pangalan."

Sandali silang nagtitigan. Tumigil na sa paggalaw-galaw ang kamay nila. Pasimple


niyang hinugot iyon sa mahigpit na pagkakahawak ng babae. Kinalma niya uli ang
sarili. Ngayon lang niya kinailangang ipaliwanag kung ano at paano siya dapat na
tawagin ng sinuman.

"Yes. But I like to be called Grey or Direk. So, just choose."

Ngumiti si Tonya at tumango. "Ah! Iyon naman pala. Ikaw ang may gusto. Then, Direk
na lang itatawag ko sayo."

Nakahinga siya ng maluwag.

"So, Direk... payag ka nang maging sperm donor ko?"

Natigilan na naman sila at nagtitigan. She's really not joking about it. She's not
flirting either. At hindi rin naman ito mukhang nagtatanong para lang ipahiya siya.
"Upo muna tayo?" tanong niya.

Naupo naman sila sa leather couch na nasa opisina ni Dean Martinez. Mag-isa siya sa
solo-seater. Magkatabi si Tonya at Portia sa three-seater. At si Dean ay nanatili
sa upuan nito.

Katahimikan.

Pero nakapako sa kanya ang mata ni Tonya. Maningning. At umaasa.

"Why me?" tanong niya rito. "Wala ka bang boyfriend?"

"Alin ang una kong sasagutin?" excited na tanong ng babae.

"Wala ka bang boyfriend?" usisa niya. Not that he's curious about it but - hindi na
siya makahanap ng iba pang paraan para iwasan ang tinatanong nito.

Curious ding tumingin sina Portia at ang Dean kay Tonya.

"Wala na. One week ago pa."

Napatango-tango ang kapatid niya at ang Dean.

"Bakit, Ate Tonya? Anong nangyari?" si Portia.

"Hindi ko nga rin alam e." natatawang sabi ng babae. "Paggising ko isang araw,
nawawala yung mga gamit namin sa apartment. Tapos, wala na rin pala si Hans. Dinala
niya pala yung mga gamit."

"Pinagnakawan ka?" gulat na tanong ng Dean.

"Nag-abiso naman po. Nag-iwan siya ng sulat na kinuha na niya lahat ng appliances."
Kumunot ang noo niya. Kalmado ang babae sa pagkukuwento. Mukhang hindi nito
nakikita ang injustice sa nangyari rito.

"Ito nga yung sulat o." mula sa dalang itim na shoulder bag ay naghalungkat si
Tonya at inilabas ang isang notebook. Sa gitna noon ay hinugot nito ang isang
puting papel.

Kinuha ni Portia ang papel at malakas na binasa:

"Tonya, I can't marry a boring and fat girl like you. Goodbye. Have a good life.
P.S. I took our money and the appliances. Hans." napangiwi ang kapatid niya matapos
mabasa ang sulat. "Ito na yung sulat niya, ate? After nito hindi na tumawag man
lang? O humingi ng tawad?"

"Hindi na e. Ilang beses na nga akong nagpasaload pero hindi ako nirereply e."

Nagkatinginan sila ng Dean. At naaalala niya ang sinabi nito sa kanya tungkol sa
babaeng kaharap.

"She's a little slow and simple-minded. But she's not dumb. She's one of the
smartest in my class before. Maparaan siya in bridging her slow catch to whatever
she has to do. If you give her a job, I will forget the trouble your sister brought
me."

"Talk to her in simple sentences. And talk to her straightforwardly. Walang pala-
palabok. O paligoy-ligoy. Para mabilis niyang maintindihan. She's not easily
offended but she can feel it if she's being treated wrongly. If you employ her, I
wanted you to treat her nicely, Direk."

Napailing-iling siya. Mukhang totoo nga ang lahat ng sinabi ni Dean Martinez. He
thought it was some kind of game, or challenge or a tall story. Looking at Tonya
now, he can see that she's a little too... trusting. And simple. And -

"You're ex-boyfriend is a jerk." malinaw na sabi niya sa babae. "He's a liar. And a
coward. He should have broken-up with you straightforwardly."

Katahimikan.
Malungkot itong ngumiti. At bakit parang may pangingilid ng luha siyang nakita sa
mata nito? At bakit ba siya affected at nakiki-opinyon sa buhay nito?

"Tama si Kuya, Ate Tonya! The nerve of a guy like him! Guwapo ba 'to?" mataas ang
boses na usisa pa ni Portia.

"Yes. Very." sagot ni Tonya. Nakangiti na naman ito pero hindi abot sa mga mata.

Natahimik sila. Gwapo raw ang ex nito?

"Guwapo talaga, Ate Tonya?" interesadong ulit ni Portia.

Pati tuloy siya ay nagkakainteres sa sagot.

"Oo. Kamukha ni Derek Ramsey."

"Sa mukha?" ang kapatid niya pa rin.

"Pati sa katawan."

Nakanganga ata ang kapatid niya bago tumili! At si Dean ay malaki ang ngiti. Na
parang nagsasabi ng 'Good job!'.

"Ilang taon kayong magkasama?" si Portia uli.

"Mag-five years na sana."

Makakabasag ata ng salamin ang kapatid niya sa lakas ng tili nito. Napahampas ito
sa throw pillow na nakaayos sa upuan ni Dean.
"Then bakit hindi ka nagkaanak sa kanya? You've been together for so long." singit
niya.

Namula ang pisngi ni Tonya bago sumagot, "Hindi naman namin madalas ginagawa e."

Sumakit ata ang ulo niya sa sagot nito. He should remember that while she's slow,
she answers question very straightforwardly. Na siya ang nahihiya kapag sumasagot
ito ng sapul sa tinatanong niya.

"I mean -"

"E, bakit ka naghahanap ng sperm donor, Ate Tonya?"

Bakit nga ba? Hindi niya namamalayan na nakikiusyoso na siya ng bonggang-bongga sa


buhay ng babae.

"Yun nga. Wala na akong boyfriend. At... gusto ng Mama ko na magkaanak na ako.
Araw-araw sa aking ipinapaalala. Sa kanya kasi ako nakatira ngayon. Uli. Pinalayas
kasi ako sa apartment namin. Tapos, ayun nga. Edad may-anak na raw kasi ako. Kaya
kahit ako... yun na rin ang priority ko."

"Ayaw mong palitan si Derek Ramsey ng bagong boyfriend?" si Dean. Malaki ang ngiti
nito.

"Mahirap humanap ng boyfriend, Dean. Tingnan n'yo naman, ang taba ko. May mga nag-
propose ng wedding sa akin pero..."

Kumunot ang noo niya.

"Pero ano?" si Portia.

"Matatanda na silang lahat e. Mga 40's at 50's na. Ayoko naman nun. Alam ko naman
na nagyayaya silang magpakasal sa takot na hindi na sila maikasal kahit na kailan.
Hindi naman ako ganun. Tama na sa akin ang anak na bubuhayin kong mag-isa."

Natahimik sila.
"Or you didn't accept them because you're still in love with Hans." sabi niya rito.
"Maybe?"

Napatingin sa kanya si Tonya. "Of course. Hindi naman ganun kadaling lumimot, di
ba? Minsan, naiiyak pa rin ako kapag naaalala ko siya." malungkot ang naging ngiti
nito. "Pero sabi nga sa tv, move on din pag may time. May time naman ako."

Napangiti siya sa sinabi nito. She's too honest. Na napapailing siya.

"Then, bakit mo gustong maging sperm donor si Kuya?" si Portia.

Kinunutan niya ng noo ang kapatid. Nailayo na nga ang usapan sa kanya, bumalik na
naman.

Napangiti ng malaki ang tinanong. Pagkatapos, binuksan nito ang notebook na


nakapatong sa hita at -

"Check kasi siya sa lahat ng gusto ko para sa sperm donor e. Ito..." sumulyap pa sa
kanya ang babae at sa kapatid niya, "Maganda ka. Guwapo ang kuya mo. Maganda ang
lahi."

Wala siyang magawa kundi ang makinig at sanggain ang singkit-matang ngiti ng
kapatid at ni Tonya sa tuwing mapapatingin sa kanya.

"Maganda ang mata. Check. Maganda ang ilong. Check. Kissable lips. Check. Bonus,
may cleft chin!" humagikgik si Tonya, "Matikas tumayo. Check. Malapad ang dibdib.
Check. Matambok ang pwet! Check. Bonus uli, parang si Superman!" lumagapak ang
paglalapat ng notebook na isinara nito. "Gets n'yo na?"

Parang sinilihan ang upuan ni Direk. Ngayon lang siya nakarinig ng compliment sa
bawat parte ng mukha at katawan niya. At the same time ay inuudyukan siya ng
nagtatayuang balahibo para magtatakbo! Ganito kaya ang pakiramdam ng ma-harass o
ma-violate?

"Ano, Direk? Since nasagot ko na yung dalawang tanong mo... pwede ka bang maging -"
Hindi niya gustong marinig uli ang salita. "I will give you work. Nawalan ka raw ng
trabaho sabi ni Dean."

"Oo. Biglang-bigla nga e. Blessing ang pagtawag sa akin ni Dean." tumango-tangong


sagot ni Tonya, "At dahil sabi ni Dean, bibigyan niya ako ng trabaho kaya naka-
attire ako." nagkalkal uli ito sa bag at naglabas ng folder, "At may dala na akong
resume."

Iniabot nito sa kanya ang resume. Atubili naman siya ng tanggapin iyon.

"So, ano, Direk? Pwede ka bang maging -"

Tinitigan niya ito. Napatigil naman sa pagsasalita ang babae. Pero sandali lang.
Pagkatapos ay dahan-dahan nitong itinuloy ang karugtong. She syllabicates the words
slowly as if being very careful with how to say it.

"- sperm donor?"

Good grief. Mukhang hindi matatapos ang pagtatanong nito maliban kung sasagot siya.
At hindi siya makakasagot agad ng 'hindi' sa puno ng pag-asa at kumukutitap na mata
ng babae. Bagong break-up lang ito. Na malamang ay umiyak ng balde-baldeng luha
kahit na hindi halata. And who knows? Kung tatanggi siya ngayon, if she starts
working with him, she might asks any beautiful male or actors to be her sperm
donor! It will bring disaster!

"Pumayag ka na, kuya!" udyok ni Portia. "It's not a bad idea."

Tiningnan niya ng masama ang kapatid.

"Think about it, son." bulong din ni Dean.

And why is everyone on Tonya's side?

"I'll think about it." halos hindi lumabas sa bibig niya ang sagot.
Malapad ang ngiti ni Tonya. At pinigilan ni Direk ang mahawa sa infectious na ngiti
ng enthusiasm ng babae.

"That's great! Wag kang mag-alala, Direk. It's not anytime soon! Magpapa-sexy pa
ako. Para naman hindi malugi ang kagwapuhan mo sa akin."

Hindi niya alam ang isasagot dito. Pero nagre-react ang katawan niya - nagsisimula
nang pumintig ang migraine niya.

"A year from now, I will be sexy. And then, you will say yes."

Napailing siya. They're supposed to talk about work - about the movie he is
directing. And he's supposed to take charge of the talking. But there's something
about the Tonya - her cheerfulness, charisma, innocence or whatever - that makes
him go along with her. She should be annoying. But he's not annoyed with her. Sa
kauna-unahang pagkakataon ay hindi niya nagawang mag-init ang ulo at ma-offend sa
kausap.

That's a miracle, right? Like the sperm donation that she's talking about. #

Chapter 4 : (Truly)

A/N : Re-up.

-----

Nakatitig si Grey sa babaeng nakahawak sa kamay niya. Iniisip niya kung nagbibiro
ba ito sa itinatanong sa kanya. But the girl's face is bright. And she's smiling
beautifully without a care in the world. Conclusion? Seryoso itong nagtatanong.

Pinasadahan niya ito ng tingin.

The girl has a beautiful face. Mapungay ang matang nakatingin sa kanya. Naka-flats
na closed shoes. Mga 5'2 o 5'3 lang siguro. Pormal ang dilaw na blusa. At naka-
slacks. Parang mag-a-apply ng trabaho. O magtuturo sa isang private school. Hindi
niya matantiya ang edad. She's huge. As in, fat.
Kinalma niya ang sarili bago sumagot, "Sperm donor? You mean for artificial
insemmination? Ang alam ko, anonymous ang may-ari ng mga sperm for that procedure."

"Ha?" nag-isip ito sandali. Patuloy ang pagyugyog sa kamay niya sa hindi matapos na
shake hands. "Naku, hindi para sa artificial insemmination. Natural method ang
gusto ko."

Now it's his turn to blink. And think. Sperm donor in a natural method copulation?
Hindi ba't ang ibig sabihin noon ay niyaya siya nitong -

"Natural method? Ang ibig mong sabihin..." alangan si Grey sa kumpirmasyon ng nasa
isip niya. There is no way the woman he just met is insinuating that 'she' wanted
'him' to have -

"Oo. Sex!" walang kaabog-abog na anunsyo nito sa opisina ng Dean. Napatingin pa ang
babae kay Portia na bahagyang nakanganga at sa Dean na malalaglag na ang salamin sa
mata. "Di ba yun ang natural method?"

Tumango ng sunod-sunod si Portia. Tumingin naman sa bintana si Dean. At napalunok


siya ng hindi sinasadya. Hindi niya malaman ang gagawin o sasabihin o isasagot. At
hawak-hawak pa rin ng babae ang kamay niya.

"I don't think I understand." seryosong sabi niya. "I don't even know your name for
you to..."

"Sorry!" apologetic na sabi nito. "Ako si Tonya. Tonica Grace Atienza. Nice to meet
you, Gregory."

Bumuntong-hininga siya bago sumagot uli, "Just call me Grey. Or Direk. And no, I
don't mean for you to introduce yourself -"

Pero iba na ang nasa isip ng babae.

"Bakit Grey? Hindi ba dapat Greg ang palayaw mo?"

Patuloy ang pagtaas-baba ng magkahawak na kamay nila ni Tonya. And it's a miracle
that he's not getting mad over all of this. Must be because of her innocence. Hindi
naman mukhang sinasadya ng babae na hindi pa bitawan ang kamay niya. Or it must be
because of her charisma. She has a mysterious power of drawing his attention to
her. And Portia's and the Dean's attention.

"No one calls me Greg until after high school. Now everyone calls me Direk or
Grey."

"Pero Gregory ang pangalan mo, di ba?" naguguluhan pa ring tanong nito.

"Actually, ate, Gregorio ang tunay na pangalan ni Kuya." nakangiting singit ni


Portia.

"Portia!" saway niya sa kapatid. Muntik na siyang umangil.

Bumelat lang ito. Nakangiti naman si Tonya.

"E di pwede rin palang Goryo ang palayaw mo?"

Dumilim ang mukha niya. Naramdaman niya ang pagsasalubong ng sariling kilay.

"No way."

"That's nice! Kuya Goryo na ang itatawag ko sayo, kuya!" excited na sabi ni Portia.
Bumubungisngis ito.

"No." tutol niya sa kapatid.

"Galit ka ba?" nananantiya ang tingin ni Tonya sa kanya, "Cute naman ang Goryo a."

Bumuntong-hininga siya.

"Goryo is not cute. Call me Grey. Or Direk."


"Direk?"

"Direktor ako."

Tumango-tango ito. "Direktor ka pala. Nice. Pero trabaho yun. Hindi naman
pangalan."

Sandali silang nagtitigan. Tumigil na sa paggalaw-galaw ang kamay nila. Pasimple


niyang hinugot iyon sa mahigpit na pagkakahawak ng babae. Kinalma niya uli ang
sarili. Ngayon lang niya kinailangang ipaliwanag kung ano at paano siya dapat na
tawagin ng sinuman.

"Yes. But I like to be called Grey or Direk. So, just choose."

Ngumiti si Tonya at tumango. "Ah! Iyon naman pala. Ikaw ang may gusto. Then, Direk
na lang itatawag ko sayo."

Nakahinga siya ng maluwag.

"So, Direk... payag ka nang maging sperm donor ko?"

Natigilan na naman sila at nagtitigan. She's really not joking about it. She's not
flirting either. At hindi rin naman ito mukhang nagtatanong para lang ipahiya siya.

"Upo muna tayo?" tanong niya.

Naupo naman sila sa leather couch na nasa opisina ni Dean Martinez. Mag-isa siya sa
solo-seater. Magkatabi si Tonya at Portia sa three-seater. At si Dean ay nanatili
sa upuan nito.

Katahimikan.
Pero nakapako sa kanya ang mata ni Tonya. Maningning. At umaasa.

"Why me?" tanong niya rito. "Wala ka bang boyfriend?"

"Alin ang una kong sasagutin?" excited na tanong ng babae.

"Wala ka bang boyfriend?" usisa niya. Not that he's curious about it but - hindi na
siya makahanap ng iba pang paraan para iwasan ang tinatanong nito.

Curious ding tumingin sina Portia at ang Dean kay Tonya.

"Wala na. One week ago pa."

Napatango-tango ang kapatid niya at ang Dean.

"Bakit, Ate Tonya? Anong nangyari?" si Portia.

"Hindi ko nga rin alam e." natatawang sabi ng babae. "Paggising ko isang araw,
nawawala yung mga gamit namin sa apartment. Tapos, wala na rin pala si Hans. Dinala
niya pala yung mga gamit."

"Pinagnakawan ka?" gulat na tanong ng Dean.

"Nag-abiso naman po. Nag-iwan siya ng sulat na kinuha na niya lahat ng appliances."

Kumunot ang noo niya. Kalmado ang babae sa pagkukuwento. Mukhang hindi nito
nakikita ang injustice sa nangyari rito.

"Ito nga yung sulat o." mula sa dalang itim na shoulder bag ay naghalungkat si
Tonya at inilabas ang isang notebook. Sa gitna noon ay hinugot nito ang isang
puting papel.

Kinuha ni Portia ang papel at malakas na binasa:


"Tonya, I can't marry a boring and fat girl like you. Goodbye. Have a good life.
P.S. I took our money and the appliances. Hans." napangiwi ang kapatid niya matapos
mabasa ang sulat. "Ito na yung sulat niya, ate? After nito hindi na tumawag man
lang? O humingi ng tawad?"

"Hindi na e. Ilang beses na nga akong nagpasaload pero hindi ako nirereply e."

Nagkatinginan sila ng Dean. At naaalala niya ang sinabi nito sa kanya tungkol sa
babaeng kaharap.

"She's a little slow and simple-minded. But she's not dumb. She's one of the
smartest in my class before. Maparaan siya in bridging her slow catch to whatever
she has to do. If you give her a job, I will forget the trouble your sister brought
me."

"Talk to her in simple sentences. And talk to her straightforwardly. Walang pala-
palabok. O paligoy-ligoy. Para mabilis niyang maintindihan. She's not easily
offended but she can feel it if she's being treated wrongly. If you employ her, I
wanted you to treat her nicely, Direk."

Napailing-iling siya. Mukhang totoo nga ang lahat ng sinabi ni Dean Martinez. He
thought it was some kind of game, or challenge or a tall story. Looking at Tonya
now, he can see that she's a little too... trusting. And simple. And -

"You're ex-boyfriend is a jerk." malinaw na sabi niya sa babae. "He's a liar. And a
coward. He should have broken-up with you straightforwardly."

Katahimikan.

Malungkot itong ngumiti. At bakit parang may pangingilid ng luha siyang nakita sa
mata nito? At bakit ba siya affected at nakiki-opinyon sa buhay nito?

"Tama si Kuya, Ate Tonya! The nerve of a guy like him! Guwapo ba 'to?" mataas ang
boses na usisa pa ni Portia.

"Yes. Very." sagot ni Tonya. Nakangiti na naman ito pero hindi abot sa mga mata.
Natahimik sila. Gwapo raw ang ex nito?

"Guwapo talaga, Ate Tonya?" interesadong ulit ni Portia.

Pati tuloy siya ay nagkakainteres sa sagot.

"Oo. Kamukha ni Derek Ramsey."

"Sa mukha?" ang kapatid niya pa rin.

"Pati sa katawan."

Nakanganga ata ang kapatid niya bago tumili! At si Dean ay malaki ang ngiti. Na
parang nagsasabi ng 'Good job!'.

"Ilang taon kayong magkasama?" si Portia uli.

"Mag-five years na sana."

Makakabasag ata ng salamin ang kapatid niya sa lakas ng tili nito. Napahampas ito
sa throw pillow na nakaayos sa upuan ni Dean.

"Then bakit hindi ka nagkaanak sa kanya? You've been together for so long." singit
niya.

Namula ang pisngi ni Tonya bago sumagot, "Hindi naman namin madalas ginagawa e."

Sumakit ata ang ulo niya sa sagot nito. He should remember that while she's slow,
she answers question very straightforwardly. Na siya ang nahihiya kapag sumasagot
ito ng sapul sa tinatanong niya.
"I mean -"

"E, bakit ka naghahanap ng sperm donor, Ate Tonya?"

Bakit nga ba? Hindi niya namamalayan na nakikiusyoso na siya ng bonggang-bongga sa


buhay ng babae.

"Yun nga. Wala na akong boyfriend. At... gusto ng Mama ko na magkaanak na ako.
Araw-araw sa aking ipinapaalala. Sa kanya kasi ako nakatira ngayon. Uli. Pinalayas
kasi ako sa apartment namin. Tapos, ayun nga. Edad may-anak na raw kasi ako. Kaya
kahit ako... yun na rin ang priority ko."

"Ayaw mong palitan si Derek Ramsey ng bagong boyfriend?" si Dean. Malaki ang ngiti
nito.

"Mahirap humanap ng boyfriend, Dean. Tingnan n'yo naman, ang taba ko. May mga nag-
propose ng wedding sa akin pero..."

Kumunot ang noo niya.

"Pero ano?" si Portia.

"Matatanda na silang lahat e. Mga 40's at 50's na. Ayoko naman nun. Alam ko naman
na nagyayaya silang magpakasal sa takot na hindi na sila maikasal kahit na kailan.
Hindi naman ako ganun. Tama na sa akin ang anak na bubuhayin kong mag-isa."

Natahimik sila.

"Or you didn't accept them because you're still in love with Hans." sabi niya rito.
"Maybe?"

Napatingin sa kanya si Tonya. "Of course. Hindi naman ganun kadaling lumimot, di
ba? Minsan, naiiyak pa rin ako kapag naaalala ko siya." malungkot ang naging ngiti
nito. "Pero sabi nga sa tv, move on din pag may time. May time naman ako."
Napangiti siya sa sinabi nito. She's too honest. Na napapailing siya.

"Then, bakit mo gustong maging sperm donor si Kuya?" si Portia.

Kinunutan niya ng noo ang kapatid. Nailayo na nga ang usapan sa kanya, bumalik na
naman.

Napangiti ng malaki ang tinanong. Pagkatapos, binuksan nito ang notebook na


nakapatong sa hita at -

"Check kasi siya sa lahat ng gusto ko para sa sperm donor e. Ito..." sumulyap pa sa
kanya ang babae at sa kapatid niya, "Maganda ka. Guwapo ang kuya mo. Maganda ang
lahi."

Wala siyang magawa kundi ang makinig at sanggain ang singkit-matang ngiti ng
kapatid at ni Tonya sa tuwing mapapatingin sa kanya.

"Maganda ang mata. Check. Maganda ang ilong. Check. Kissable lips. Check. Bonus,
may cleft chin!" humagikgik si Tonya, "Matikas tumayo. Check. Malapad ang dibdib.
Check. Matambok ang pwet! Check. Bonus uli, parang si Superman!" lumagapak ang
paglalapat ng notebook na isinara nito. "Gets n'yo na?"

Parang sinilihan ang upuan ni Direk. Ngayon lang siya nakarinig ng compliment sa
bawat parte ng mukha at katawan niya. At the same time ay inuudyukan siya ng
nagtatayuang balahibo para magtatakbo! Ganito kaya ang pakiramdam ng ma-harass o
ma-violate?

"Ano, Direk? Since nasagot ko na yung dalawang tanong mo... pwede ka bang maging -"

Hindi niya gustong marinig uli ang salita. "I will give you work. Nawalan ka raw ng
trabaho sabi ni Dean."

"Oo. Biglang-bigla nga e. Blessing ang pagtawag sa akin ni Dean." tumango-tangong


sagot ni Tonya, "At dahil sabi ni Dean, bibigyan niya ako ng trabaho kaya naka-
attire ako." nagkalkal uli ito sa bag at naglabas ng folder, "At may dala na akong
resume."
Iniabot nito sa kanya ang resume. Atubili naman siya ng tanggapin iyon.

"So, ano, Direk? Pwede ka bang maging -"

Tinitigan niya ito. Napatigil naman sa pagsasalita ang babae. Pero sandali lang.
Pagkatapos ay dahan-dahan nitong itinuloy ang karugtong. She syllabicates the words
slowly as if being very careful with how to say it.

"- sperm donor?"

Good grief. Mukhang hindi matatapos ang pagtatanong nito maliban kung sasagot siya.
At hindi siya makakasagot agad ng 'hindi' sa puno ng pag-asa at kumukutitap na mata
ng babae. Bagong break-up lang ito. Na malamang ay umiyak ng balde-baldeng luha
kahit na hindi halata. And who knows? Kung tatanggi siya ngayon, if she starts
working with him, she might asks any beautiful male or actors to be her sperm
donor! It will bring disaster!

"Pumayag ka na, kuya!" udyok ni Portia. "It's not a bad idea."

Tiningnan niya ng masama ang kapatid.

"Think about it, son." bulong din ni Dean.

And why is everyone on Tonya's side?

"I'll think about it." halos hindi lumabas sa bibig niya ang sagot.

Malapad ang ngiti ni Tonya. At pinigilan ni Direk ang mahawa sa infectious na ngiti
ng enthusiasm ng babae.

"That's great! Wag kang mag-alala, Direk. It's not anytime soon! Magpapa-sexy pa
ako. Para naman hindi malugi ang kagwapuhan mo sa akin."

Hindi niya alam ang isasagot dito. Pero nagre-react ang katawan niya - nagsisimula
nang pumintig ang migraine niya.

"A year from now, I will be sexy. And then, you will say yes."

Napailing siya. They're supposed to talk about work - about the movie he is
directing. And he's supposed to take charge of the talking. But there's something
about the Tonya - her cheerfulness, charisma, innocence or whatever - that makes
him go along with her. She should be annoying. But he's not annoyed with her. Sa
kauna-unahang pagkakataon ay hindi niya nagawang mag-init ang ulo at ma-offend sa
kausap.

That's a miracle, right? Like the sperm donation that she's talking about. #

Chapter 5 : 77 kilos beauty

A/N : Again, pakipansin po ang pound key o number sign # bilang tanda ng ending ng
chapters. Happy Reading! :)

-----

Nananakit ang buong katawan ni Tonya habang kaharap ang mahigit sa dalawampung
taong bumabasa ng sulat ni Hans sa kanya. First day niya bilang assistant ni Direk
Grey na hindi niya pa nakikita. Kahapon, matapos manggaling kay Dean ay ginabi siya
sa pagbababad sa sa gym na inirekomenda ng kapatid na si Anelle. Hindi siya
sigurado kung may nabawas na taba sa kanya. Pero pakiramdam niya ay nabawasan ang
buhay niya. Literal na parang mamamatay ang pakiramdam niya nang makauwi ng bahay.
At kanina ay halos gumapang siya paalis ng bahay.

Ang paghahalakhakan ng sabay-sabay ng mga crew ang nagpatigil sa pagngiwi niya.


Sinasabi na nga ba! Funny talaga si Hans. Sulat lang nito ang nabasa ng crew
members pero sobra-sobra na ang tawa ng mga ito.

Nakitawa tuloy siya.

"Nakakaloka ka, Tonya! Ito lang ang ibinigay sayo ng jowa mo pagkatapos isako lahat
ng appliances?" si Boom iyon. Ang tunay na assistant ni Direk. Mamasel ito pero
makulay ang ruffles na palda. Translation: lalaki na pusong babae. At ito ang
sumalubong sa pagdating niya. Binilinan daw ito ni Direk na karay-karayin siya para
maturuan sa mga gagawin. Dahil daw kasi first day niya ay wala muna siyang gagawin
kundi ang mag-observe.
"Hindi ko naman sigurado kung isinako yung mga appliances, Boom. Malamang, naka-
truck yun." mabilis na sagot niya na lalong ikinatawa ng mga ito.

"Nakakaloka ka talaga!" dagdag naman ni Aya. Matangkad, maganda at payat ang babae.
Maitim ang ilalim ng mga mata nito. Translation: Puyat.

Si Aya raw ang dapat niyang kausapin sa lahat ng bagay na related sa set.
Production Designer ang titulo nito.

Ang kinaroroonan nila ay isang malawak na studio kung saan naka-set-up ang bedroom
at living room na parang sa condo units. Maraming tao ang yao't dito na may dalang
malalaki at maliliit na mwebles. Binibihisan ang set. May nag-aayos ng ilaw. May
nagpupuwesto ng riles ng camera. At may kani-kaniyang tagamando ang mga ito.

Sa pinabasa sa kanyang script kanina (na hawak pa rin niya ang kopya hanggang sa
ngayon), sinabi ni Boom na Scene 24 ang iso-shoot ngayong araw. Sa loob ng tatlong
oras na pamamalagi niya roon ay nagawa niyang i-record sa hawak na tape recorder
ang mga sumusunod:

Movie title: End of the Chase

Starring: Lauren Morales (ang pinakasikat na leading lady) at Shaun Mercache (ang
pinakasikat na leading man)

Directed by: Gregory Montero

Written by: Eloise Ledesma

Produced by: Adam Ledesma, Gregory Montero, Evan Ramos

Assistant Director: Boom

Production Designer: Aya

Costume Designer: Riri (isang sexy na babae na nagmamalaki ang hinaharap at


balakang. May nunal sa lips.)

Location Manager: Toru (half Japanese na lalaki na hawi ang buhok)

Make-up Artist : Jake Lukring (Lalaki pero mukhang babae. Pero seryosong hindi
bakla)

Stunt Coordinator: Lilo (Maton na lalaking may balbas pero walang bigote)

Iyon daw ang mga taong posibleng lagi niyang lalapitan at kakausapin sa utos ni
Direk. At lahat ng mga ito ay may mga assistant din at mga crew.

"Ano ngayon ang balak mo? Naghahanap ka ng bagong boylet?" si Boom uli.

Sunod-sunod ang iling niya. "Hindi muna. Pass muna ako. Magpapa-sexy muna ako."

Nagsipulan ang mga lalaki sa grupo.

"Oy, pretty ang feslak mo ha! Hindi echos! Kung magiging petite ka, ay day,
winner!" si Abo iyon. Kabaro at malamang ay bestfriend ni Boom.

"Pretty ako?" ulit niya. "Thank you."

"Isasama ka namin minsang humuli ng lalaki at -"

"That's not a priority, Boom. And why are you all gathering here while everyone is
working? I told you to orient Tonya."

Sabay-sabay silang napalingon sa matikas pero seryosong lalaki na nagsalita. Naka-


grey na kamiseta lang ito, jeans at sneakers. Nakasumbrero pa ang lalaki. At
mabilis na nakita ni Tonya na bagong ahit si Superman. Tumugtog ang maharot na OST
nito. Nag-slowmo ang gwapong paglakad nito.

Ang totoo ay mabilis ang hakbang ng lalaki kahit habang nagsasalita - mula sa
likod, sa tagiliran ng umpukan nila at lalampas na ito nang-

"Good morning, Direk!" masiglang bati ni Tonya. Binigyan niya ito ng ubod liwanag
na ngiti. Muntik masilaw ang crew.

Napatigil sa paghakbang si Direk at lumingon. Kunot ang noo nito. Higit naman ng
dalawampung crew ang mga hininga nila. Naningkit ang mata ni Direk sa parang araw
na ngiti ni Tonya.
Tumango lang ang lalaki sa kanya at tumalikod na uli. Saka ito lumiko at nawala sa
paningin nila.

"Ay, wala man lang good morning back si Direk?" natatawang tanong ni Tonya, "Baka
dahil hindi n'yo binati?"

Nagpulasan na ang ibang naroon at tanging si Boom at Abo na lang ang naiwan.
Ngumuso si Boom.

"Hindi naman namin inaasahan. Alam mo yang si Direk, ang lahat ng buto niyan sa
katawan ay seryoso. Ni hindi namin matiyempuhang nakangiti yan. Maliban pag
matatapos na ang shooting ng buong movie."

Totoo kaya ang sinasabi ni Boom? Seryoso ang mga buto ni Direk? Teka. Baka hindi
totoong buto ang pinag-uusapan nila.

"Seryosong tao si Direk." translate ni Abo nang makita ang kunot ng noo niya.

"A! Halata naman. Laging mukhang masungit e." nakangiting bwelta niya. "Pero lagi
ring mukhang mabango! At gwapo!"

Napanganga ang dalawang baklita sa sinabi niya bago bumungisngis at nag-apir.

"Bakit? May mali ba sa sinabi ko?" nag-aalalang tanong niya.

Umiiling si Boom at Abo.

"Wala! Ikaw na talaga! Winner na winner ka e! Mawawala ang lumbay namin sayo!" si
Abo.

"Talaga?" tanong niya.

"Oo naman! You're one of a kind!" patuloy ang pagtawa ni Boom at humawak sa balikat
niya, "At dahil assistant ka ni Direk, bibigyan ka namin ng tip."
Tumango siya at pinindot ang record button sa tape recorder na nakakwintas sa
kanya.

"Mahilig si Direk sa kape. Sa tingin nga namin, kung maoospital yan ay kape ang
dapat sa dextrose niya para mabuhay. Kaya everytime na darating siya, dapat
nakahanda na agad ang kape. Ayaw niya nang binibili. Gusto niya, yung brewed at
tinitimpla." sabi ni Boom na inilapit pa ang nguso sa recorder.

"Saka ano... dahil seryoso siya, try mo, Tonya na lagyan ng sticky note yung kape
niya!" si Abo naman. Kumikislap ang mata nito.

"Sticky notes? Sa kape?" gulat na tanong niya. Hindi kaya mabilaukan si Direk nun?
At pagkatapos ay sisantehin siya?

"Sa mug ng kape. Sa mug ng kape, Tonya!" bawi ni Abo. "Dikitan mo ng sticky notes
na may nakasulat na quotes."

"Sticky notes ng quotes..?"

Habang nag-iisip siya at tumatakbo ang recorder ay nagsisikuhan at parang


kinikiliti sina Boom at Abo.

"A! Parang dun sa isang movie?" nakangiting tanong niya.

Nag-apir uli ang dalawa. "Tama!" sabay pang halos awit ng mga ito.

"Anong klaseng quotes ang ilalagay ko?"

Nagkatinginan ang mga ito bago sumagot.

"Quote lang. Halimbawa ano..." nag-iisip si Boom, "- love is patient, love is kind.
Mga ganun!"
"Love is an open door!" si Abo.

"Oo! Tapos, Beauty is in the eye of the beholder!" si Boom.

Nag-apir ang dalawa at halos sabay sa, "Winner! Pang Ms. Universe!"

Napangiti siya sa ingay at kulit ng dalawa.

"Okay." pinatay niya ang recorder. "I'll keep that in mind! Thank you!"

Magtatanong na sana siya kung dadalhan na niya ng kape si Direk pero nagkikilitian
pa ang dalawang bakla. At ayaw niyang makaistorbo sa pagkikilitian ng mga ito. Nang
matigil naman ang mga ito ay problemadong dumating si Julia (sa Casting) at
tinatawag si Boom.

"Bakit na naman, Julieta? Kanino na naman may problema?" mainit agad ang ulo na
tanong ng tinatawag.

"Si Shaun! Ayaw magbihis e! Nakita kong dumating na si Direk! Maya-maya lang,
magpapa-standby na yan!" reklamo ni Julia.

"Parang baby si Shaun!" angal ni Boom bago bumulong kay Abo, "Pero masarap siyang
i-baby no?"

"Oo. Yummy yun e!" ganting-bulong ni Abo, "Baka magpapasuyo lang. Kahapon di ba,
namali lang daw siya ng gising? At masyadong matagal ang set-up natin pero maaga
ang call-time."

Tumango si Boom. "Oo. Keri lang yun, te." tumingin ito kay Julia, "Nasa dressing
room siya?"

"Wala run. Nasa labas! Naninigarilyo! Kaya nga halos magwala na si Tita Renee! Baka
raw may makakita na reporter, mapa-bad publicity agad itong pelikula."

Nagkamot ng mariin si Boom sa ulo. "O siya, ako'ng pupunta sa hari. Relaks ka na
diyan."

Nang magsimulang lumakad si Boom ay nakasunod si Tonya. Kasi iyon ang bilin, di ba?
Ang karay-karayin siya nito para matutunan niya ang gagawin.

Lumabas sila sa studio at naghanap ng artista.

"Shit! Wala rito!" naiinis na hiyaw ni Boom.

Maging siya ay napakamot sa ulo. Naglakad-lakad sila sa labas. Nagpunta sila sa


canteen, sa smoking area, sa mga guwardiya... pero walang artista.

"Nakasunod ka pala, Tonya?" pansin ni Boom sa kanya.

Tumango lang siya.

"Shit. Saan nagsuot ang gwapong yun?! Teka, babalik lang ako sa loob para magtanong
kay Julieta!" anito at nagmamartsang umalis, "Wag ka nang sumunod! Malamang,
bumalik din ako!"

Naiwan siyang nakatayo roon at hindi alam ang gagawin. Napatunganga na lang siya sa
movie poster na nakapaskil sa malapit na pader. Naroon ang mukha ng hinahanap nila.
Naglakad-lakad uli siya hanggang humantong sa parking lot kung nasaan ang mga
Utility vans. At sa isa sa mga bukas na vans roon, nakaupo ang lalaking nasa
poster. At naninigarilyo nga!

"Hello! Ikaw si Shaun, di ba? Yung bida sa iso-shooting sa loob?" alangang tanong
niya.

Nagtaas ng mukha ang lalaki. At marahang pumailanglang ang isang maharot na


tugtugin na para lang sa mga gwapong nasisilayan ng mata ni Tonya!

Maitim ang mata nito. Yung itim na nakakapaso. Yung itim na kapag tumingin sa isang
tao ay parang tumatagos. Pouty ang labi. Yung parang masarap kagatin. At nang
ngumiti ito sa kanya, kahit parang nakakaasar, nakakakilig din. Matangkad ang
lalaki ayon sa haba ng paa nito. Matipuno rin ang katawan. At ang buong aura ay
nagsusumigaw ng 'sambahin mo ako!'. Kaya siguro ito naging sikat na leading man.
Mula buhok hanggang paa nito, pagsimangot at ngiti, at pati ang damit ay pang-
artista.

"And you are?" tanong nito sa kanya. Kumunot ng kaunti ang noo nito.

"Assistant ni Direk. Ako si Tonya."

Lalong nangunot ang noo nito, "Si Boom ang Assistant Director. Ngayon pa lang kita
nakita."

"First day ko. Tinuturuan pa lang ako ni Boom."

Katahimikan.

Nagbuga ito ng usok mula sa sigarilyo. Umubo naman siya pagtama ng usok sa mukha
niya.

"Sorry." anito.

"Okay lang. Pero wag ka na kayang manigarilyo? Sayang lips mo e. At baga mo."
nakangiting sabi niya rito.

"Hey, I hate being lectured by anyone. Especially by strangers!" sita nito sa


kanya.

Strangers daw? Na nagli-lecture? Lumingon siya sa likod niya. Nasaan ang


estrangherong sinasabi nito?

"Nasaan?" curious na tanong niya.

"What?" tanong nito.

"Nasaan yung stranger na nagli-lecture sayo?"


Tiningnan siya nito na para siyang wirdo.

"You're weird." sabi nito sa kanya.

"You're weirder. Ikaw ang nakakakita ng kung anu-ano na wala naman dito." sabi
niya.

Nagtawa ito ng malakas. Pagkatapos ay ipinitik ang hawak na sigarilyo at pinatay


ang sindi gamit ang sapatos nito.

"Are you for real?" tanong nito sa kanya.

"Yes. I'm real. Anong itinatanong mo?"

Nagtawa na naman ito. "This is funny. Alam mo, nadi-depress ako kanina about a bad
publicity and stuff... and you made me laugh a lot!"

Nangiti siya. "Mabuti naman natatawa ka. Naha-highblood na kasi yung manager mo at
Costume designer sa loob dahil hindi ka pa nagbibihis."

Natigilan ito at parang pinag-aaralan siya kung makatingin.

"Bakit?" tanong ni Tonya.

"Well..." nagkibit-balikat ang lalaki, "I'm thinking if you're trying to offend


me."

"Ha? Ikaw? I-offend ko? Bakit naman?" takang-tanong niya.

"Never mind, then. It's okay. Hayaan muna natin silang ma-highblood sa loob." sabi
nito at sumandal sa upuan.
Nanatili naman siyang nakatingin. Kahit nang bumuntong-hininga ito ay gwapo pa rin.

"You know what, being a celebrity is hard. Lalo na kapag nasa taas ka na. The more
popular I get, the harder it gets to breathe."

Pinag-iisipan niya ang sinasabi nito. Alam niyang may tendensiya siyang magkamali
kapag sumasagot siya agad. At mukhang sinasabi nitong nahihirapan ito sa sobrang
kasikatan.

"Sobrang sikat ka?" naisipan niyang itanong.

"Yeah. I'm in every movie, every soap, every commercial! It's tiring. It's sucking
the life out of me." sabi nitong nakapikit.

Hindi niya alam ang sinasabi nito. For the past five years ay nagtatrabaho siya sa
gabi at natutulog naman sa araw. Ang oras kasi sa opisina nila ay oras ng Amerika.
So, in the past five years, hindi siya masyadong nakakapanood ng pelikula. At lalo
na sa telebisyon.

"Mahirap maging sobrang sikat." malungkot na sabi nito.

Napailing siya. "Hindi ka pa naman siguro ganun kasikat."

Nagmulat ito ng mata. "What? What do you mean?"

"Na sa tingin ko, hindi ka pa naman ganun kasikat." ulit niya sa sinabi. "Kaya kung
yun ang problema mo, wag mo munang masyadong problemahin."

Nakatunganga ito nang mapakagat-kagat sa labi. "Really? So, I'm not that well-known
yet? How?"

Nakangiti siya rito, "E, hindi pa nga kita kilala. Honestly, ngayon ko lang nalaman
na sikat ka."
Hindi makapaniwala sa sinabi niya ang lalaking kausap.

"You're joking, right?"

Umiling siya, "Hindi no. Asan ang joke dun?"

Nagtitigan sila sandali. Saka ito malakas na humalakhak.

"Oh, I love this!" umalingawngaw uli ang tawa nito sa buong van, "What's your name
again?"

"Ako? Tonica Grace. Tonya."

Malapad itong ngumiti sa kanya.

"I'm Shaun. And I like you, Tonya!" #

Chapter 5 : (Sana ok na)

A/N : Re-uploaded. Uli. Pasensiya na po. :)

-----

Nananakit ang buong katawan ni Tonya habang kaharap ang mahigit sa dalawampung
taong bumabasa ng sulat ni Hans sa kanya. First day niya bilang assistant ni Direk
Grey na hindi niya pa nakikita. Kahapon, matapos manggaling kay Dean ay ginabi siya
sa pagbababad sa sa gym na inirekomenda ng kapatid na si Anelle. Hindi siya
sigurado kung may nabawas na taba sa kanya. Pero pakiramdam niya ay nabawasan ang
buhay niya. Literal na parang mamamatay ang pakiramdam niya nang makauwi ng bahay.
At kanina ay halos gumapang siya paalis ng bahay.

Ang paghahalakhakan ng sabay-sabay ng mga crew ang nagpatigil sa pagngiwi niya.


Sinasabi na nga ba! Funny talaga si Hans. Sulat lang nito ang nabasa ng crew
members pero sobra-sobra na ang tawa ng mga ito.

Nakitawa tuloy siya.


"Nakakaloka ka, Tonya! Ito lang ang ibinigay sayo ng jowa mo pagkatapos isako lahat
ng appliances?" si Boom iyon. Ang tunay na assistant ni Direk. Mamasel ito pero
makulay ang ruffles na palda. Translation: lalaki na pusong babae. At ito ang
sumalubong sa pagdating niya. Binilinan daw ito ni Direk na karay-karayin siya para
maturuan sa mga gagawin. Dahil daw kasi first day niya ay wala muna siyang gagawin
kundi ang mag-observe.

"Hindi ko naman sigurado kung isinako yung mga appliances, Boom. Malamang, naka-
truck yun." mabilis na sagot niya na lalong ikinatawa ng mga ito.

"Nakakaloka ka talaga!" dagdag naman ni Aya. Matangkad, maganda at payat ang babae.
Maitim ang ilalim ng mga mata nito. Translation: Puyat.

Si Aya raw ang dapat niyang kausapin sa lahat ng bagay na related sa set.
Production Designer ang titulo nito.

Ang kinaroroonan nila ay isang malawak na studio kung saan naka-set-up ang bedroom
at living room na parang sa condo units. Maraming tao ang yao't dito na may dalang
malalaki at maliliit na mwebles. Binibihisan ang set. May nag-aayos ng ilaw. May
nagpupuwesto ng riles ng camera. At may kani-kaniyang tagamando ang mga ito.

Sa pinabasa sa kanyang script kanina (na hawak pa rin niya ang kopya hanggang sa
ngayon), sinabi ni Boom na Scene 24 ang iso-shoot ngayong araw. Sa loob ng tatlong
oras na pamamalagi niya roon ay nagawa niyang i-record sa hawak na tape recorder
ang mga sumusunod:

Movie title: End of the Chase

Starring: Lauren Morales (ang pinakasikat na leading lady) at Shaun Mercache (ang
pinakasikat na leading man)

Directed by: Gregory Montero

Written by: Eloise Ledesma

Produced by: Adam Ledesma, Gregory Montero, Evan Ramos

Assistant Director: Boom

Production Designer: Aya

Costume Designer: Riri (isang sexy na babae na nagmamalaki ang hinaharap at


balakang. May nunal sa lips.)
Location Manager: Toru (half Japanese na lalaki na hawi ang buhok)

Make-up Artist : Jake Lukring (Lalaki pero mukhang babae. Pero seryosong hindi
bakla)

Stunt Coordinator: Lilo (Maton na lalaking may balbas pero walang bigote)

Iyon daw ang mga taong posibleng lagi niyang lalapitan at kakausapin sa utos ni
Direk. At lahat ng mga ito ay may mga assistant din at mga crew.

"Ano ngayon ang balak mo? Naghahanap ka ng bagong boylet?" si Boom uli.

Sunod-sunod ang iling niya. "Hindi muna. Pass muna ako. Magpapa-sexy muna ako."

Nagsipulan ang mga lalaki sa grupo.

"Oy, pretty ang feslak mo ha! Hindi echos! Kung magiging petite ka, ay day,
winner!" si Abo iyon. Kabaro at malamang ay bestfriend ni Boom.

"Pretty ako?" ulit niya. "Thank you."

"Isasama ka namin minsang humuli ng lalaki at -"

"That's not a priority, Boom. And why are you all gathering here while everyone is
working? I told you to orient Tonya."

Sabay-sabay silang napalingon sa matikas pero seryosong lalaki na nagsalita. Naka-


grey na kamiseta lang ito, jeans at sneakers. Nakasumbrero pa ang lalaki. At
mabilis na nakita ni Tonya na bagong ahit si Superman. Tumugtog ang maharot na OST
nito. Nag-slowmo ang gwapong paglakad nito.

Ang totoo ay mabilis ang hakbang ng lalaki kahit habang nagsasalita - mula sa
likod, sa tagiliran ng umpukan nila at lalampas na ito nang-

"Good morning, Direk!" masiglang bati ni Tonya. Binigyan niya ito ng ubod liwanag
na ngiti. Muntik masilaw ang crew.

Napatigil sa paghakbang si Direk at lumingon. Kunot ang noo nito. Higit naman ng
dalawampung crew ang mga hininga nila. Naningkit ang mata ni Direk sa parang araw
na ngiti ni Tonya.

Tumango lang ang lalaki sa kanya at tumalikod na uli. Saka ito lumiko at nawala sa
paningin nila.

"Ay, wala man lang good morning back si Direk?" natatawang tanong ni Tonya, "Baka
dahil hindi n'yo binati?"

Nagpulasan na ang ibang naroon at tanging si Boom at Abo na lang ang naiwan.
Ngumuso si Boom.

"Hindi naman namin inaasahan. Alam mo yang si Direk, ang lahat ng buto niyan sa
katawan ay seryoso. Ni hindi namin matiyempuhang nakangiti yan. Maliban pag
matatapos na ang shooting ng buong movie."

Totoo kaya ang sinasabi ni Boom? Seryoso ang mga buto ni Direk? Teka. Baka hindi
totoong buto ang pinag-uusapan nila.

"Seryosong tao si Direk." translate ni Abo nang makita ang kunot ng noo niya.

"A! Halata naman. Laging mukhang masungit e." nakangiting bwelta niya. "Pero lagi
ring mukhang mabango! At gwapo!"

Napanganga ang dalawang baklita sa sinabi niya bago bumungisngis at nag-apir.

"Bakit? May mali ba sa sinabi ko?" nag-aalalang tanong niya.

Umiiling si Boom at Abo.

"Wala! Ikaw na talaga! Winner na winner ka e! Mawawala ang lumbay namin sayo!" si
Abo.
"Talaga?" tanong niya.

"Oo naman! You're one of a kind!" patuloy ang pagtawa ni Boom at humawak sa balikat
niya, "At dahil assistant ka ni Direk, bibigyan ka namin ng tip."

Tumango siya at pinindot ang record button sa tape recorder na nakakwintas sa


kanya.

"Mahilig si Direk sa kape. Sa tingin nga namin, kung maoospital yan ay kape ang
dapat sa dextrose niya para mabuhay. Kaya everytime na darating siya, dapat
nakahanda na agad ang kape. Ayaw niya nang binibili. Gusto niya, yung brewed at
tinitimpla." sabi ni Boom na inilapit pa ang nguso sa recorder.

"Saka ano... dahil seryoso siya, try mo, Tonya na lagyan ng sticky note yung kape
niya!" si Abo naman. Kumikislap ang mata nito.

"Sticky notes? Sa kape?" gulat na tanong niya. Hindi kaya mabilaukan si Direk nun?
At pagkatapos ay sisantehin siya?

"Sa mug ng kape. Sa mug ng kape, Tonya!" bawi ni Abo. "Dikitan mo ng sticky notes
na may nakasulat na quotes."

"Sticky notes ng quotes..?"

Habang nag-iisip siya at tumatakbo ang recorder ay nagsisikuhan at parang


kinikiliti sina Boom at Abo.

"A! Parang dun sa isang movie?" nakangiting tanong niya.

Nag-apir uli ang dalawa. "Tama!" sabay pang halos awit ng mga ito.

"Anong klaseng quotes ang ilalagay ko?"


Nagkatinginan ang mga ito bago sumagot.

"Quote lang. Halimbawa ano..." nag-iisip si Boom, "- love is patient, love is kind.
Mga ganun!"

"Love is an open door!" si Abo.

"Oo! Tapos, Beauty is in the eye of the beholder!" si Boom.

Nag-apir ang dalawa at halos sabay sa, "Winner! Pang Ms. Universe!"

Napangiti siya sa ingay at kulit ng dalawa.

"Okay." pinatay niya ang recorder. "I'll keep that in mind! Thank you!"

Magtatanong na sana siya kung dadalhan na niya ng kape si Direk pero nagkikilitian
pa ang dalawang bakla. At ayaw niyang makaistorbo sa pagkikilitian ng mga ito. Nang
matigil naman ang mga ito ay problemadong dumating si Julia (sa Casting) at
tinatawag si Boom.

"Bakit na naman, Julieta? Kanino na naman may problema?" mainit agad ang ulo na
tanong ng tinatawag.

"Si Shaun! Ayaw magbihis e! Nakita kong dumating na si Direk! Maya-maya lang,
magpapa-standby na yan!" reklamo ni Julia.

"Parang baby si Shaun!" angal ni Boom bago bumulong kay Abo, "Pero masarap siyang
i-baby no?"

"Oo. Yummy yun e!" ganting-bulong ni Abo, "Baka magpapasuyo lang. Kahapon di ba,
namali lang daw siya ng gising? At masyadong matagal ang set-up natin pero maaga
ang call-time."

Tumango si Boom. "Oo. Keri lang yun, te." tumingin ito kay Julia, "Nasa dressing
room siya?"

"Wala run. Nasa labas! Naninigarilyo! Kaya nga halos magwala na si Tita Renee! Baka
raw may makakita na reporter, mapa-bad publicity agad itong pelikula."

Nagkamot ng mariin si Boom sa ulo. "O siya, ako'ng pupunta sa hari. Relaks ka na
diyan."

Nang magsimulang lumakad si Boom ay nakasunod si Tonya. Kasi iyon ang bilin, di ba?
Ang karay-karayin siya nito para matutunan niya ang gagawin.

Lumabas sila sa studio at naghanap ng artista.

"Shit! Wala rito!" naiinis na hiyaw ni Boom.

Maging siya ay napakamot sa ulo. Naglakad-lakad sila sa labas. Nagpunta sila sa


canteen, sa smoking area, sa mga guwardiya... pero walang artista.

"Nakasunod ka pala, Tonya?" pansin ni Boom sa kanya.

Tumango lang siya.

"Shit. Saan nagsuot ang gwapong yun?! Teka, babalik lang ako sa loob para magtanong
kay Julieta!" anito at nagmamartsang umalis, "Wag ka nang sumunod! Malamang,
bumalik din ako!"

Naiwan siyang nakatayo roon at hindi alam ang gagawin. Napatunganga na lang siya sa
movie poster na nakapaskil sa malapit na pader. Naroon ang mukha ng hinahanap nila.
Naglakad-lakad uli siya hanggang humantong sa parking lot kung nasaan ang mga
Utility vans. At sa isa sa mga bukas na vans roon, nakaupo ang lalaking nasa
poster. At naninigarilyo nga!

"Hello! Ikaw si Shaun, di ba? Yung bida sa iso-shooting sa loob?" alangang tanong
niya.
Nagtaas ng mukha ang lalaki. At marahang pumailanglang ang isang maharot na
tugtugin na para lang sa mga gwapong nasisilayan ng mata ni Tonya!

Maitim ang mata nito. Yung itim na nakakapaso. Yung itim na kapag tumingin sa isang
tao ay parang tumatagos. Pouty ang labi. Yung parang masarap kagatin. At nang
ngumiti ito sa kanya, kahit parang nakakaasar, nakakakilig din. Matangkad ang
lalaki ayon sa haba ng paa nito. Matipuno rin ang katawan. At ang buong aura ay
nagsusumigaw ng 'sambahin mo ako!'. Kaya siguro ito naging sikat na leading man.
Mula buhok hanggang paa nito, pagsimangot at ngiti, at pati ang damit ay pang-
artista.

"And you are?" tanong nito sa kanya. Kumunot ng kaunti ang noo nito.

"Assistant ni Direk. Ako si Tonya."

Lalong nangunot ang noo nito, "Si Boom ang Assistant Director. Ngayon pa lang kita
nakita."

"First day ko. Tinuturuan pa lang ako ni Boom."

Katahimikan.

Nagbuga ito ng usok mula sa sigarilyo. Umubo naman siya pagtama ng usok sa mukha
niya.

"Sorry." anito.

"Okay lang. Pero wag ka na kayang manigarilyo? Sayang lips mo e. At baga mo."
nakangiting sabi niya rito.

"Hey, I hate being lectured by anyone. Especially by strangers!" sita nito sa


kanya.

Strangers daw? Na nagli-lecture? Lumingon siya sa likod niya. Nasaan ang


estrangherong sinasabi nito?
"Nasaan?" curious na tanong niya.

"What?" tanong nito.

"Nasaan yung stranger na nagli-lecture sayo?"

Tiningnan siya nito na para siyang wirdo.

"You're weird." sabi nito sa kanya.

"You're weirder. Ikaw ang nakakakita ng kung anu-ano na wala naman dito." sabi
niya.

Nagtawa ito ng malakas. Pagkatapos ay ipinitik ang hawak na sigarilyo at pinatay


ang sindi gamit ang sapatos nito.

"Are you for real?" tanong nito sa kanya.

"Yes. I'm real. Anong itinatanong mo?"

Nagtawa na naman ito. "This is funny. Alam mo, nadi-depress ako kanina about a bad
publicity and stuff... and you made me laugh a lot!"

Nangiti siya. "Mabuti naman natatawa ka. Naha-highblood na kasi yung manager mo at
Costume designer sa loob dahil hindi ka pa nagbibihis."

Natigilan ito at parang pinag-aaralan siya kung makatingin.

"Bakit?" tanong ni Tonya.

"Well..." nagkibit-balikat ang lalaki, "I'm thinking if you're trying to offend


me."
"Ha? Ikaw? I-offend ko? Bakit naman?" takang-tanong niya.

"Never mind, then. It's okay. Hayaan muna natin silang ma-highblood sa loob." sabi
nito at sumandal sa upuan.

Nanatili naman siyang nakatingin. Kahit nang bumuntong-hininga ito ay gwapo pa rin.

"You know what, being a celebrity is hard. Lalo na kapag nasa taas ka na. The more
popular I get, the harder it gets to breathe."

Pinag-iisipan niya ang sinasabi nito. Alam niyang may tendensiya siyang magkamali
kapag sumasagot siya agad. At mukhang sinasabi nitong nahihirapan ito sa sobrang
kasikatan.

"Sobrang sikat ka?" naisipan niyang itanong.

"Yeah. I'm in every movie, every soap, every commercial! It's tiring. It's sucking
the life out of me." sabi nitong nakapikit.

Hindi niya alam ang sinasabi nito. For the past five years ay nagtatrabaho siya sa
gabi at natutulog naman sa araw. Ang oras kasi sa opisina nila ay oras ng Amerika.
So, in the past five years, hindi siya masyadong nakakapanood ng pelikula. At lalo
na sa telebisyon.

"Mahirap maging sobrang sikat." malungkot na sabi nito.

Napailing siya. "Hindi ka pa naman siguro ganun kasikat."

Nagmulat ito ng mata. "What? What do you mean?"

"Na sa tingin ko, hindi ka pa naman ganun kasikat." ulit niya sa sinabi. "Kaya kung
yun ang problema mo, wag mo munang masyadong problemahin."
Nakatunganga ito nang mapakagat-kagat sa labi. "Really? So, I'm not that well-known
yet? How?"

Nakangiti siya rito, "E, hindi pa nga kita kilala. Honestly, ngayon ko lang nalaman
na sikat ka."

Hindi makapaniwala sa sinabi niya ang lalaking kausap.

"You're joking, right?"

Umiling siya, "Hindi no. Asan ang joke dun?"

Nagtitigan sila sandali. Saka ito malakas na humalakhak.

"Oh, I love this!" umalingawngaw uli ang tawa nito sa buong van, "What's your name
again?"

"Ako? Tonica Grace. Tonya."

Malapad itong ngumiti sa kanya.

"I'm Shaun. And I like you, Tonya!" #

Chapter 6 : The secret of getting along

-----

"Coffee po, Direk." sabi ni Tonya sabay abot kay Direk ng hawak na kape.

Awtomatiko at ni hindi nakatingin si Grey nang abutin ang mug. For a week now ay
tantyado na niya (at ni Tonya) kung saan nakapwesto ang babaeng nag-aabot ng kape.
"Thanks." mahinang bulong niya habang nakapako ang mata sa eksena sa harapan na
pinanonood. Scene 17 sa sala sa condo. Sakto na ang blocking ni Lauren at Shaun.
Kuha na ni Elmer (ang cameraman) ang anggulo na gusto niyang makita sa screen.

Nagsimula nang magtitigan sina Lauren at Shaun. Pagkatapos ay hinawakan ni Shaun


ang magkabilang pisngi ni Lauren at hinalikan ito. He counted in his head - one to
five. Tahimik sa set. Naghiwalay ang labi ng dalawa. At pagkatapos ay -

"Cut!" sigaw niya. "Good! Now let's take another for close-up shots!"

Sumenyas sa palakpak ang clapper. Tumayo naman siya sa upuan, hindi pa rin
nakatingin na ibinalik kay Tonya ang mug ng kape at nilapitan si Elmer at si John
para magbigay ng instructions.

"I wanted a close-up of their eyes, the way they look at each other. And the way
their lips slowly meet." hinawakan niya sa magkabilang balikat si Elmer at iginiya
ito sa pupuwestuhan, "Now, I want you to take this angle." itinuro niya ang anggulo
kung saan perfect ang profile ng dalawang artista. Saka siya bumaling kay John,
"And you, John, I wanted you a little closer. Focus on Lauren's hand, the way she
clutched into Shaun's sleeves. Okay?"

Tumango ang dalawa at nag-adjust ng pwesto. Bumalik naman siya sa monitor at nang
ilahad ang kamay ay bumagsak muli roon ang mug ng kape niya.

Habang nagre-retouch ang mga artista ay binasa naman niya ang sticky notes na
nakakabit sa mug.

'What is it this time?' naisip niya bago, 'Love is a many splendored thing.'

Nag-isip siya. For a week now ay iniisip niya ang kahulugan ng mga sticky notes na
natatanggap mula sa babae slash assistant.

Day 1. Wala. Hindi siya nito ipinagtimpla ng kape at sa halip ay bumalik sa studio
na katawanan si Shaun. Which gets into his nerves a little dahil nagpapa-standby na
siya at hindi pa preparado ang lalaki. But then, he couldn't reprimand Tonya. Or
Shaun.

Day 2. Unang timpla ng kape. Hindi alam ni Tonya na ayaw niya sa cream. He likes
his coffee black. With just a little hint of sugar. Pero black with cream and
sugary ang ibinigay nito sa kanya. And to add to the weirdness, he liked it. Then,
he received the first note saying: Love is patient. Love is kind. Magdamag niyang
pinag-isipan ang ibig sabihin noon.

Day 3. Sa instructions ni Boom ay black coffee with a little hint of sugar ang
ibinigay ni Tonya na kape sa kanya. Comes with a note saying: Love is an open door.
Magdamag na naman siyang hindi nakatulog. But he couldn't ask Tonya about it.

Day 4. The coffee comes with: Beauty is in the eye of the beholder. Napapaisip na
siya kung may kinalaman sa pagiging donor niya ang mga notes nito.

Day 5. Love is blind.

Day 6. Love is a hurricane.

At ngayong araw nga ay Love is a many splendored thing.

He really needs to ask Tonya about all that.

"Direk, ready na po to shoot." untag ni Boom sa kanya sa kabila ng pagtitig niya sa


note.

Kunot-noo niyang pinasadahan ng tingin ang mga nasa set. Saka siya sumulyap sa
monitor. Nakapako ang tingin ng lahat sa kanya.

"Okay, standby!" sigaw niya. "Elmer, you move first."

Tumango ang cameraman.

Pumasok ang clapper. Isinigaw ang scene. Nag-cue siya. At nagsimula ang roll ng
camera. Hanggang mag-cut.

Nakailang take sila ng close-up shots. Before he knew it, lunch time na. At
nakalimutan niya ang tungkol sa note.
*****

"Bakit? Wala kang gana? Ayaw mo ng porkchop?" tanong ni Boom kay Tonya.

Nakahilera silang kumakain sa puting long table sa set. At nakikipagtitigan si


Tonya sa breaded porkchop at chopsuey na rasyong pagkain ng crew.

"Gusto ko ang porkchop. Pero hindi ko pwedeng kainin lahat yan e. Kailangan ko raw
mag-diet sabi ni Dennis." matamlay na sabi ni Tonya. Si Dennis ang gym instructor
niya. At ang totoo ay gutom na gutom na siya.

Kapag nasa gym ay nagsusuka siya sa pagod sa pag-i-exercise. At nawawalan naman


siya ng ganang kumain sa bahay dahil sa ratrat na bibig ng Mama niya. At lagi
niyang pinipigilan ang sarili sa pag-aanyaya ng mga tsokolate, chips, cookies at
kung anu-ano pang matamis na ipinadadala ng mga kapatid na nasa abroad.

At ngayon ay hindi niya pwedeng kainin ang porkchop. Nakakapagdusa at nakakagutom


ang magpapayat!

"Sino si Dennis?" tanong ni Abo.

"Gym instructor ko."

Nagsikuhan sina Abo at Boom.

"Gym instructor? Gwapo?" si Boom.

Inalala ni Tonya si Dennis. Walang OST nang makita niya ang lalaki. Kinulang lang
ito marahil ng puti ng ngipin at nakakasilaw na ngiti. Pero madalas itong dikitan
ng mga babaeng nasa gym at kinukurot-kurot pa. Kapag naman naka-tight shorts ito ay
nakatungo ang mga babae sa umbok sa harapan nito. Translation: Likeable ang lalaki.
At mas likeable marahil ang nasa ibaba nito.

"Pwede na rin." sabi niya.

Napaurong sa pagkakatingin sa kanya sina Boom at Abo.


"Yan tayo e. Si Shaun at si Direk lang ang gwapo sayo." sabi ni Boom.

Humagikgik lang siya. Totoo iyon.

"Sinong mas gwapo? Si Shaun o si Direk?" tanong ni Boom.

"Ha? Sa kanilang dalawa?"

Tumango ang dalawang bakla.

"Para sa akin si Shaun. Fresh na fresh ang dating e. Artistahin mula ulo hanggang
paa!" parang nangangarap na sabi ni Abo.

"Si Direk ang sa akin. May pa-mysterious effect!" nagtawa pa si Boom. "Ano? Sino
sayo?"

"Sinong ano?"

Lumingon sila sa kunot-noong si Direk.

"Kung sino raw ang mas gwapo sa inyo ni Shaun, Direk. Tinatanong nila ako." sagot
niya sa lalaking bagong dating.

Namutla ang dalawang bakla. Dumilim naman ang mukha ni Direk.

"Ako, Direk, sayong-sayo ang boto ko. Ewan ko lang kay Abo. At kay Tonya." umiikot
pa ang mata ni Boom sa pagsasalita.

Nakatitig sa kanya si Direk. At parang nanlalamig ang paa niya sa paraan ng


pagtitig nito.
"Anong sagot mo, Tonya?" tanong nito.

"Ha?"

"Hindi mo pa ba sinasagot yung tanong?" tanong uli ni Direk.

"Hindi pa e." nakangiting sagot niya kahit habang nagsisimula ang pagkaba ng
dibdib. Bakit ba siya kinakabahan? Wala naman siyang ginagawang masama a! Bakit
pakiramdam niya ay nahuli siya sa akto ng paggawa ng isang bagay na hindi naman
dapat?

"And why is that? Nahihirapan kang pumili?"

Horror ang mukha nina Abo at Boom sa likod ni Tonya. Bahagyang may smirk si Direk!
Smirk na hindi nila alam na capable gawin ng gwapong mukha nito! Smirk na ngayon
lang nila nalamang nag-i-exist!

'Magpapainom ako mamaya!' naisip ni Boom.

'Kailangan ko ng camera phone! Kamay! Hugutin mo ang camera phone at picture-an si


Direk!' naisip ni Abo.

Pero tulala ang dalawang bakla.

"E... hindi naman pero..." nauutal si Tonya. Bakit ganun ang ngiti ni Direk? May
ibang epekto iyon. Ngiti lang iyon pero dahil sa mata nito at sa pamumulsa,
nabubuhol ang dila niya. "Hindi pa ako-"

Tumalikod ang lalaki. "Nevermind. I'm not curious in your answer, whatsoever."

Ha? Tatlo ata silang ganun ang reaksyon. Nadamay din ang reaksyon ng iba pang
natamilmil sa pagkain sa long table.

"E... may kailangan ka ba? Sa akin?" tanong ni Tonya sa lalaki. Alam niyang
lumalapit lang si Direk kapag may iuutos. O ipapaalala. O kapag tititigan nito ng
masama si Boom. O kapag kailangan nito ng kape. "Kape uli?"

"Yeah." maikling sabi nito bago nagtuloy-tuloy maglakad.

Tumayo naman siya. Ipagtitimpla na lang niya ng kape si Direk kaysa mainggit siya
sa bawat kagat ng crew sa porkchop. At isa pa... bakit mukhang pagala-gala si Direk
at hindi kumakain.

"Boom, hindi ba kumakain ng lunch si Direk?" naisipan niyang itanong.

Ngumangasab si Boom ng karne. At naglalaway siya sa pagkain nito.

"Kumakain. Pero sa opisina niya. Walang kasabay yun pag kumakain. Bakit?"

Nangunot lang ang noo niya sa sinabi nito. "Magtitimpla muna akong kape."

Dali-dali siyang nagpunta sa opisina ni Direk at kinolekta ang mug. Kumakain nga
ang lalaki. Mag-isa. Wala itong imik ng pumasok siya. Wala pa ring imik ng lumabas
siya. Pero parang masama ang pagkakatingin nito sa kanya. Na parang may atraso siya
rito.

Naisip niyang magmadali sa pagtitimpla ng kape. Pumasok siya sa silid kung nasaan
ang coffeemaker at gumawa ng kape. Once a day lang niya kailangan magbigay ng quote
sabi ni Boom. Pero bago siya bumalik sa opisina ni Direk ay binitbit niya ang naka-
styro na pagkain niya.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Boom. "Sayang yung chopsuey! Kung hindi ka pwedeng
kumain, akin na lang!"

Mabilis siyang naglalakad palayo, "Kakainin ko 'to. At maghahatid ako ng kape kay
Direk."

Hindi siya nakakatok man lang nang dumating sa opisina ng lalaki. Basta siya
pumasok at umupo sa kuwadradong mesa. Inilapag niya ang kape sa harap nito at
inilapag din ang pagkain niya.
"Why are you here?" masungit na tanong nito.

"Ha?" nagtitigan sila. Una siyang nagbawi ng tingin. "Kakain po, Direk."

"I can see that."

'Iyon naman pala.' naisip niya at sumubo ng chopsuey.

"Hindi ba sinabi sayo ni Boom na wala akong kasabay kapag kumakain?" tanong uli ni
Direk.

"Sinabi nga po. Kaya nga sasabayan kita. Kasi kawawa ka naman."

Umawang ang labi nito at sandaling hindi nakapagsalita. "Anong kawawa?" umiling-
iling ito. "You don't get it."

Sinulyapan niya ang plato nito. Carrots and corn ang gulay nito. At sweet and sour
pork ang ulam! Napatingin siya sa styro ng pagkain niya. Bakit magkaiba sila?

Kumunot ang noo niya.

"What?" untag ng lalaki.

"Wala po. Hindi ka nga kawawa. Mas masarap ang pagkain mo."

Nakatingin lang sa kanya si Direk.

"Yeah?" sabi nito at sumubo. At parang iniinggit pa siya ng pagnguya nito.

Mula pa sa pagkabata niya ay kahinaan niya ang pagkain. Actually, naniniwala si


Tonya na 100 percent ng lahat ng galit, inis, misunderstanding, sumpong at pati na
kapalpakan sa trabaho at sa iba pang bagay ay dala lang ng gutom. O ng maling
naalmusal sa umaga. O maling nakain sa gabi. At marami ang nareresolbang bagay kung
busog ang mga tao.

At ngayon nga ay naniningkit ang mga mata niya sa pagtusok ni Direk sa sweet and
sour pork at sa bawat subo nito? Bakit kahit parang normal itong kumakain ay
kinakatkat ng inggit at inis ang loob niya? Gutom lang ba siya? O talagang
iniinggit siya nito?

"Iniinggit mo ba ako?" kunot ang noong tanong niya sa lalaki. Mabuti na ang
magtanong siya para malinaw.

Tumaas ang isang kilay nito. Pagkatapos ay matipid na ngumiti.

"Am I the kind na nang-iinggit sa pagkain?" seryosong tanong nito.

Nagsukatan sila ng tingin. At bakit parang kumukutitap ang mata nito? Pero parang
mabilis ding mawala?

"Paborito mo ba ang porkchop?" tanong niya. Nananalangin na sana ay paborito nito


ang pagkaing nasa kanya.

"No." mabilis at masaklap nitong putol sa pag-asa niya.

"E, chopsuey?"

"No."

Katahimikan.

"Gusto mo ba yang sweet and sour pork?" napalunok pa siya ng magtanong.

"Mmm... No."
Naguluhan siya. Kumakain ito ng pagkaing gusto niya pero hindi nito gusto?

"E yang carrot and corn?"

"No."

Natahimik siya.

"Anong kinakain mo kung ganun?"

"Light meals. When my mind is at work like this, I cannot eat heavy lunch. Sa gabi
ako nakakakain."

Nagtitigan na naman sila.

Bakit madalas silang magtitigan kapag silang dalawa lang? Pero ni hindi siya nito
tapunan ng tingin kapag nag-aabot siya nga kape habang nasa shooting? Iyon ba ang
tinatawag na focus?

Katahimikan.

"Hindi mo ba ako tatanungin kung gusto ko ang sweet and sour pork?" tanong ni
Tonya.

Sa pagkain lang siya hindi makapagdirekta ng tanong. Ang sagot doon ay paborito
niya ang ulam nito!

Napapantastikuhang tumingin sa kanya si Direk habang humihigop ng kape. Pagkatapos


ay inusod nito ang platito ng ulam sa kanya.

"Eat it."
Siya naman ang napatunganga. At naiiyak siya! Ibibigay talaga sa kanya nito ang
sweet and sour pork?

"Anong kakainin mo?" nahihiyang tanong niya.

Tinusok nito ang porkchop sa styro niya at inilagay plato nito kasama ang kanin.

"Let's trade." simpleng sabi nito.

Matamis siyang ngumiti. Ang sabi ng mga crew ay may kasungitan si Direk. Pero hindi
naman pala totoo. Kasi ay mabait ito. Namimigay nga ng pagkain. Ang lahat ng taong
namimigay ng sariling pagkain ay may kabaitan.

"Thank you!"

Tahimik siyang kumain. Sumusubo naman minsan ang lalaki pero mukhang may iniisip.
At napapadalas ang tingin nito sa kanya.

"Tungkol nga pala sa mga notes sa kape..." simula nito.

Napatingin si Tonya rito. "O?"

"Do you know what you are doing?" tanong ni Direk na tumikhim pa at nag-iwas ng
tingin. Saka ito humigop ng kape.

"Po?" hindi niya maintindihan ang itinatanong nito.

"About the notes. And quotes. Do you know what you are doing?" hindi pa rin
nakatingin na tanong nito.

"Ah!" naliliwanagang nasabi niya, "Nagtitimpla po ng kape n'yo, Direk!"

Kunot ang noo nito nang bumuwelta sa kanya, "Yes. That. And..? Yun lang? Wala nang
iba? What about the sticky notes, then?"

Nagtitigan sila. Nabibitin siya sa pagnguya ng sweet and sour pork.

"There is a movie like that, di ba?" pasakalye ng lalaki.

"Ah!" nakangiti si Tonya. May pelikula ngang ganun! Naaalala niya. "Opo, Direk.
Yung si Laida, na assistant sa isang magazine firm! Tapos, tuwing tinitimplahan
niya ng kape yung boss niya, may nakadikit na notes na may messages! Tapos, parang
dahil dun sa mga notes niya, nainlab yung lalaki, di ba?"

Nakatingin lang sa kanya si Direk.

"Naaalala ko yun, Direk! Happy ending yun e! May part 2 pa nga. Paborito ko."
kwento niya pa.

"Exactly!" tila nakahinga ng maluwag ang lalaki. "So, what are you doing, Tonya?"

Nagtitigan sila. Hindi niya talaga maintindihan ang lalaki. Kasasagot lang niya sa
tanong nito, di ba?

"Nagtitimpla po ng kape n'yo, Direk."

Nakangiting napailing lang ang lalaki at humigop ng kape.

"Impossible." bulong nito.

"Po?" kunwari ay tanong niya kahit narinig ito.

"Nothing." seryoso na uling sagot nito.

Hindi alam ni Tonya kung bakit, pero napapangiti siya sa parang disappointed na
pagbulong-bulong ng lalaki.
Cute talaga si Goryo. #

Chapter 7: Ang magaling na Assistant Director

-----

"Love isn't something you find. Love is something that finds you." mahinang basa ni
Tonya sa quote na naka-display sa monitor ng computer.

Alas dos na nang madaling araw at kauuwi lang niya mula sa shooting. Nasa harap
siya ng computer sa salas nila. Nagre-research ng mga dagdag na quotes na ikakabit
sa kape ni Direk. Mauubusan na kasi siya. At dahil nagiging busy na sila nina Boom
at Abo sa shooting, hindi na siya makapagtanong sa dalawa ng iba pang pwedeng
gamitin.

Isinulat niya ang quote sa notebook na lagi niyang dala sa set.

"Love doesn't make the world go 'round. Love is what makes the ride worthwhile."
isinulat uli iyon ni Tonya. Napahikab siya.

"Kape." sabi ng Mama niya at iniabot sa kanya ang isang mug ng kape.

Walang anuman na inabot niya iyon at humigop. Para lang magulat pagkatapos. Ang
Mama niya! Gising pa! Nasamid siya sa kape at naubo.

"Ma... good morning." umuubong sabi niya sa ina.

Kunot ang noo nito sa pagkakatingin sa kanya. Alam niyang maraming ibig sabihin ang
kunot-noo ng ina. Sa dami ay hindi siya makapili kung ano iyon.

"Bakit po kunot ang noo n'yo?" tanong niya rito. Ngumiti siya. Awkwardly. Reflex
iyon ng labi niya kapag: nasa kapahamakan, kaharap ang ina, kaharap ang ibang tao,
naninibago, natatakot, nananantiya, nag-iisip at kung anu-ano pa.
"Isang linggo na tayong hindi nakakapag-usap. At isang linggo ka nang umaalis ng
hindi ko alam at umuuwi ng dis-oras. Ano ba namang klaseng trabaho yan?" walang
isang segundong buga ng Mama niya.

Nakangiti pa rin siya. "Pasensiya na, Ma. Iba-iba kasi ang oras ng call-time sa
shooting. At araw-araw po akong may schedule sa gym."

Nakatingin ito sa kanya. Nanunuri kung totoo ang sinasabi niya.

"Mapapangasawa, nakakita ka na?" tanong ni Mama Korina.

"A -" pinigilan niya ang sariling bibig na ikwento ang tungkol sa Donor niya. At sa
halip, "Hindi pa, Ma. Nangangapa pa po kasi ako sa trabaho."

Naningkit ang mata ng kausap. Naramdaman kaya ng Mama niya na may itinatago siya?

"Kausap ko kanina ang mga kapatid mo. Hindi ka raw nagrereport kung kumusta na ang
pagpapapayat mo. Gumawa ka raw ng facebook account."

Umiling lang siya. Alam niya ang facebook. At laging nagtatanong iyon ng - What's
on your mind? Hindi alam ni Tonya kung paano araw-araw at minu-minutong sasagutin
iyon at ipi-fill up ang form na laging bakante.

"Hindi na, Ma. Pakisabi na lang na makikipag-usap ako sa off ko. Busy lang po."

"Busy?" sumilip ang ina niya sa computer, "E puro kasabihan yang mga tinitingnan
mo. Kailangan mo ba sa trabaho yan?"

Tumango siya. "Kailangang-kailangan, Ma!"

Nailing lang ito. "Tumawag dito kahapon yung salon sa... hindi ko alam kung aling
salon. Nag-confirm ng appointment mo kasi raw hindi ka sumasagot sa cellphone."

Napasigaw siya. Nakalimutan niya! Ang salon appointments niya, ang pagsa-shopping,
at ang mani-pedi na ipinlano nila ni Bev.
"Ano?" usisa ng ina.

"Salamat sa pag-remind, Ma. Tatawagan ko lahat ng appointments ko. Para mapuntahan


ko sa off."

Napailing lang ito. "Mabuti naman. Ayoko na ako ang kinukulit ng mga kapatid mo.
Isulat mo sa notebook mo para hindi mo nakakalimutan."

Tumango siya. At isinulat nga ang mga appointments.

"Anong oras ka matutulog?"

"Mga 5 A.M. pa siguro, Ma. May mga ire-research pa ako."

Umiling uli ito. "Nagpapaganda ka ha. Hindi nagpapalaki ng eyebags. Mahirap maging
mataba at losyang, Tonya."

Nangiti siya sa sinabi ng ina. Matagal na siyang losyang at mataba. Kaya alam niya.

"Opo nga, Ma."

Umikot ang mata nito. At bumubulong na umalis.

Humikab uli siya. Pagod na siya. Pero sandali na lang naman. Kailangan niya lang
mag-research naman ng light meals. Mahirap na. Dapat kumakain si Direk.

*****

"Sometimes the heart sees what is invisible to the eye." hawak-hawak ni Direk Grey
ang sticky note na nakakabit sa kape niya sa opisina. Kararating lang niya sa set.
At sandali lang siyang lumabas sa silid ay nasalisihan na agad siya ni Tonya.
Pagbalik niya ay may mainit na kape na roon.

Nakatanga pa rin siya sa quote na ayon sa pag-uusap nila ni Tonya ay wala dapat
kahulugan. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng jeans na suot at binuksan ang
internet browser. Sandali siyang nag-type.

"Kay Jackson Brown, Jr." bulong niya at nag-exit sa browser saka ibinalik ang
cellphone sa bulsa. Lalabas na dapat siya sa opisina para ikutin at icheck ang
preparasyon sa set nang mamataan ang isang suspetsyosong tupperware. May pink na
sticky note iyon. At ang nakasulat: Light meal for lunch.

Nilapitan niya ang tupperware at iniangat ang takip. Baked macaroni. At pagsilip
niya sa bahagyang bukas na pinto ng opisina, nakita niyang humihikab si Tonya.

Bumalik ang tingin niya sa baked mac. Tapos kay Tonya. Tapos sa baked mac. Tapos
kay Tonya. Tapos sa sticky note. Tapos kay Tonya.

Wala siguro uling ibig sabihin. That's the deal with the girl. Gumagawa ito ng mga
bagay na walang ibig sabihin. Mapupuyat lang siya kakaisip kung bibigyan na naman
niya ng kahulugan. At madi-disappoint kapag nalaman niyang wala naman pala talagang
kahulugan.

Napailing siya, napangiti at sumisipol na lumabas ng opisina niya bitbit ang mug ng
kape.

*****

Lunch.

"Smooth ang shooting ngayon. Good mood si Direk." sabi ni Boom.

"Ha? Lagi naman siyang good mood a." sagot ni Tonya.

Nasa staff room silang dalawa. Nagpapalitan ng notes sa mga hawak na call sheets
(kung saan nakalagay ang oras ng dating at set-up ng mga props, equipments at mga
artista) bago ang lunch. Labas-masok ang kung sinu-sino na nagre-recheck ng mga
gamit sa shooting. Si Tonya ang may hawak ng call sheets para sa mga artista. Si
Boom ang may hawak para sa props and equipments.

"Hindi. Iba ngayon e. Sumisipol e. O nagha-hum ng mahina."

Napatango-tango si Tonya. Translation: Good mood si Direk kapag sumisipol o nagha-


hum ng mahina.

"Paano kapag hindi siya sumisipol o nagha-hum? Bad mood siya?" usisa niya.

Nakatingin sa kanya si Boom. Yung tingin na madalas na niyang makita rito at kay
Abo kapag nagsasalita siya o may itinatanong: patagilid at bahagyang nakalayo ang
katawan nito sa kanya, kunot ang noo, pailalim tumingin ang mga mata, pero mukhang
magbibitaw ng joke ang facial expression.

"Seryoso ka sa tinatanong mo no?"

Tumango siya. Seryoso naman talaga siyang nagtatanong.

Umikot ang mata nito bago nailing. At nangiti.

"Okay. I'll tell you. Madaling malaman kapag bad mood si Direk. Kasi makikita mo sa
buong mukha niya na nagpipigil siya ng galit. Madilim na parang may bagyo! At halos
hindi siya umiimik. Yung suplado mood na bihirang makipag-usap sa kahit na sino,
yun ang pang-araw-araw na mood niya. Kahapon, nakita natin na marunong pala siyang
mag-smirk. Kahapon ko lang nakita yun. Pag good mood siya, kumakanta-kanta o
sumisipol. Ayun lang ang alam ko."

Pinindot ni Tonya pabalik ang record button. Nakuha niya sa recorder ang mga sinabi
nito.

"Seryoso ka talaga ha. Ni-record mo pa talaga." naiiling na pansin ni Boom.

Nakangiti lang siya. "Oo naman. Kailangan kong malaman ang mga ganyang bagay dahil
assistant niya ako."
"Walang echos? Assistant niya ako pero kiber naman ako sa mga ganyang bagay."

"Walang echos. Saka, hindi mo kailangan kasi hindi ka naman slow."

Nakatingin na parang nagdududa sa kanya si Boom. Pero nagkibit-balikat na lang ito


sa kanya. At lumakad sila palabas ng staff room. Diretso sila sa distribusyon ng
packed lunch.

"Dun tayo sa dating pwesto. Nandun na si Abo." sabi ni Boom sa kanya.

Nakangiti pa rin siya habang hawak ang sariling lunch. Iba ang plano niya para sa
tanghalian.

"Sasabayan ko si Direk mag-lunch ngayon e." sabi niya.

Nakanganga si Boom. Kita niya ang ngala-ngala nito.

"O bakit?" tanong niya rito at sa pagnganga nito.

"Seryoso?"

Tumango siya rito.

"Bakit? Ano ba talagang meron? Nagdududa na ako sayo at sa kanya e!" halos
maghuramentado na tanong nito.

"Wala. Mas masarap lang yung lunch niya!" walang anumang sabi niya at mabilis ang
paang pumunta sa opisina ni Direk.

*****
"Direk! Lunch na." masiglang bungad ni Tonya sa kuwarto.

Ni hindi siya nilingon ni Direk o binati hanggang sa makapasok siya sa loob at


umupo sa tagilirang upuan malapit dito.

Kagaya ng dati ay nakaupo si Direk sa kuwadradong mesa. Nakausod sa gitna ang set
ng lunch na para rito. Samantalang kaharap nito ang plato na may hiwa ng baked
macaroni at garlic bread. Ang bukas na plastic container ng baked mac ay nasa kanan
naman nito.

Sinulyapan ni Tonya ang ulam sa set lunch ng lalaki. Sinigang. Ang sa packed lunch
niya ay fried chicken. Mas gusto niya ang sinigang.

"Pwedeng trade uli tayo?" nakangiting tanong niya.

Tumango lang ang lalaki. Pinakatitigan niya ang mukha nito. Hindi ito nagsasalita
pero tumango naman. Normal mood na may tango? Hindi ito sumisipol. Hindi good mood?
Ibig sabihin... neutral ang mood nito? Kumunot ang noo niya.

"Why?" untag nito sa kanya.

"Ha?"

"Bakit kunot ang noo mo? May itatanong ka?"

"Anong mood mo?" direktang tanong niya. Mabuti na ang malinaw.

Nakatingin ito sandali sa kanya. Natitigilan.

"Why? Is that important?"

"Oo naman."
Nag-isip ito.

"I don't know how to answer that." nagkibit-balikat ito, "I feel fine."

Tumango naman si Tonya habang kinokolekta palapit ang mangkok ng sinigang at


inilipat ang fried chicken sa plato dapat ni Direk. Sumubo naman si Direk ng baked
mac.

"Your baked mac is good." simpleng sabi nito. Hindi nakatingin sa kanya.

Nagningning ang mukha ni Tonya. Nagustuhan ni Direk ang baked mac niya!

"Talaga?" napakagat pa siya sa labi at naningkit ang mata sa pagngiti sa lalaki.

Natigilan naman ito. Ngumiti. Ng sandaling-sandali lang.

"Yeah."

"Mabuti naman. Nag-alala kasi ako na hindi ka pala mahilig mag-lunch."

Natigilan na naman ang lalaki.

"Oh yeah? Why?" hindi na naman ito nakatingin.

"Para sa health mo! Para sa future! Baka manghina ang mga sperm mo e. I have to
make sure that you are healthy." malaki ang ngiti na sabi niya.

Naubo ang lalaki. To the point na kailangan niya itong hagurin sa likod.

"Is that why you baked for me?" tanong nito habang umuubo.
Inabutan niya ito ng tubig habang sandaling nag-iisip. "Oo. Para makakain ka pa
rin."

Umubo uli ito bago umayos ng upo. Bumalik din siya sa upuan.

"Is that bad?" tanong niya sa lalaki.

Nakatingin lang ito sa kanya. Alanganin ang ekspresyon sa mukha.

"Okay. You bake for me so I can eat. Yes or No?" tanong ni Direk.

"Yes."

"I need to eat because you are worried about my health. Yes or no?"

"Yes."

"And you are worried about my health because I am your... um... donor. Yes or no?"

"Yes."

Natigilan ito. Natigilan din siya. At nagtititigan na naman sila.

"Ilan ang donor mo?!"

"Ha?"

Bumuntong-hininga ito, "Ilan ang donor or donors mo?"

Nag-isip siya. Ilan? Iniisip ba ni Direk na marami siyang inalok para maging donor
niya?

"Ikaw lang." awkward siyang ngumiti.

Natigilan uli ito.

"I'm the only one you asked to be your donor?"

"Yes."

Napahinga ng malalim ang lalaki. His shoulders seemed to relax and he smiled in
amusement.

"That works for me." mahinang sabi nito.

"Mabuti naman." nakangiting sabi niya.

Mukhang nagkakaintindihan naman sila. Kahit kaunti. Sinipat niya uli ang reaksyon
nito.

Hindi sumisipol ang lalaki. Hindi good mood. Pero parang nakangiti ng slightly ang
labi nito kahit habang sumusubo at ngumunguya. Anong ibig sabihin nun? Wala iyon sa
mga mood na sinabi ni Boom.

"What do you call that?"

"What?"

"That mood. Sabi kasi ni Boom, ang regular mood mo, yung kapag seryoso ka o mukhang
suplado. Kapag good mood ka, kumakanta-kanta ka o sumisipol. Anong mood yan?"

He smirked.
"Ano sa tingin mo?"

Tingin niya? May smirk ito! At nararamdaman niya yung parehong tensyon at kaba nung
una niyang nakita ang kakaibang ngiti na iyon. At ang tensyon ay parang exclusive
lang sa kanya! Mula sa lalaking ito!

Kinikilig? Nananakot? Pinagkakatuwaan siya? Kailangan niyang pumili ng isa.

"Kinikilig?" nauna ang dila bago isip na sabi niya.

Lalong lumala ang ngiti nito at ang tensyon na galing doon. Mali ang sinabi niya?
Mali ang sinabi niya?! Natataranta at nagkakaumpugan ang mga neurons niya!

"Hindi ako ganito lang kiligin. Not in this manner." seryosong sagot ng lalaki.

Napalunok siya at natuklasang tuyo ang lalamunan niya.

"O? Paano ka kiligin?" tanong pa rin ni Tonya.

Tinuyo ni Direk ang tagiliran ng labi nito gamit ang tissue na hawak.

"Gusto mong malaman?" parang nanunudyong tanong nito.

Nagtatanong nga siya di ba? Pero bakit parang gusto niyang umurong at ipostpone na
lang ang pagtuklas kung paano ito kiligin?

"Oo." una pa rin ang dila na sagot niya. Hindi na gumagana ang mabagal niyang
logic. Literal na tirik ang utak niya.

Pero umandar ang slow motion. May pumailanglang na maharot na OST. At nag-flash na
parang neon lights sa sign board ng Chicago at Vegas ang mga katagang na-research
niya kaninang madaling-araw: Stolen kisses are always sweetest.
Ang pinakahuli ay ang pakiramdam na may fireworks na sumabog sa paligid.
Nakakasilaw kaya siya napikit. At nakakabingi kaya wala siyang marinig sa paligid
kundi: tug, tug, tug. Puso niya ata yun.

Malambot, matamis, at basa ang bagay na lumapat sa labi niya. At naramdaman niya pa
ang mahina at masuyong pagkagat sa lower lip niya.

Nanginginig ata pati internal organs niya nang humiwalay ang labi na lumapat sa
labi niya. Napahawak siya sa labing minarkahan ng kaharap na lalaki.

"Ganyan ako kiligin, Tonya. Do you get it?" tanong ni Direk sa kanya.

Tumango siya. Gets na gets niya! Habang nag-uunahan na parang sa karera ng kabayo
ang hininga at puso niya. #

Chapter 8 : Getting a Headstart

-----

Hapon.

Kumatok si Tonya sa Dressing Room ni Shaun bago binuksan iyon at pumasok. Nakangiti
ang lalaking nakaupo sa couch habang nakatingin sa kanya. Mag-isa lang ito sa
silid.

"Scene mo na raw in fifteen minutes. Sabi ni... Direk." napatungo siya nang maalala
si Grey. At kung paano ito kiligin. Nag-iinit din ang tainga at pisngi niya. Habang
nagha-hallelujah ang inbisibol na choir sa tainga niya.

"Kanina pa kita hinihintay." nakangiti si Shaun sa kanya. Magandang ngiti. Pero


dispalinghado ang OST. Hindi tumutugtog kahit napakasimpatiko makatingin ng lalaki.
"Hey, Tonya!"

"Ha?" wala sa loob na tanong niya. Ang iniisip niya ay ang pagkawala ng OST nito.
Bakit walang tumutugtog?
"Are you okay? May nangyari ba? Sayo?"

"Okay pa naman ako. Hindi lang ata ako natunawan sa lunch." sabi niya. Hindi na
kasi siya nakasubo matapos kiligin si Direk. At sa pagsulyap-sulyap sa kanya ni
Goryo habang bahagyang nakangiti ay nangingisay ang internal organs niya at
nagsisirko ang bituka niya. Kaya automatic siyang na-diet. At... napatingin siya sa
kausap na si Shaun. Pwede niya bang sabihin dito kung ano ang nangyari? Pero
magiging interesado ba ito kung ikukuwento niya kung paano kiligin si Goryo? At...
dapat ba niyang ikwento? Dito o sa kahit na kanino?

"Kailangan mo ba ng gamot or anything? Para sa tiyan?"

Gusot ang mukha nang nagtanong na si Shaun. Tulad iyon ng gusot na mukha ng Mama
niya kapag may sakit siya. O ng gusot na mukha ni Hans kapag nawawalan siya ng
pahinga sa trabaho. Mukha iyon na may translation: Nag-aalala.

Ngumiti siya ng alanganin. "Hindi. Okay lang ako."

Tumango naman ito at ngumiti na rin uli. Nagngingitian sila. Mga one, two, three,
four, hanggang hindi mabilang na segundo.

"Bakit tayo nagngingitian?" tanong ni Tonya sa lalaki.

Malakas na nagtawa si Shaun. "I don't know. I like looking at you."

"Bakit?"

Nagkibit-balikat ito. "I don't know."

"A... okay." awkward uli na sabi niya at tumingin sa wristwatch, "Ten minutes na
lang ha. Sa set ka na."

Saka siya tumalikod para bumalik sa set.


"Teka... Tonya."

Lumingon naman siya.

"Bakit?"

"Off mo bukas, di ba?"

"Oo."

Iyon na naman ang ngiting dapat may award ng nawawalang OST. Pero talagang tahimik!
Pakiramdam ni Tonya ay may mali sa kanya.

"May lakad ka bukas?" tanong ng lalaki.

"Oo. Gym sa umaga. Tapos, may pupuntahan ako sa tanghali. Tapos, may mga
appointments ako sa salon sa hapon. Bakit?"

Nakangiti si Shaun. Ng malagkit. Walang tensyon pero parang may glue! Naramdaman ni
Tonya ang lagkit.

"Let's have dinner."

Nakatingin si Tonya rito.

"Dinner?" ulit niya.

"My treat."

Ibig sabihin, si Shaun ang magbabayad? Napangiti si Tonya. Libreng dinner lang
naman pala.
"Okay."

Maganda ang ngiti ng lalaki sa kanya.

"I'll call you tomorrow."

"Okay." ginandahan niya rin ang ngiti hanggang sa lumabas ng silid nito.

*****

"Cut! That's good! Let's try it on-cam this time!" sigaw ni Grey sa set.

Scene number 41. Sa bedroom iyon. Tama na ang blocking nina Lauren at Shaun. Ready
na para kunan.

Habang nasa retouch ang dalawang artista ay automatic ang paglapit ng mug ng kape
niya. Pinigilan niya ang panga sa pagngiti. Sumulyap siya sandali sa babaeng
nakatayo sa tagiliran bago kunin ang kape. Nahuli niya ang mata ni Tonya. Pero
ibinaling nito sa iba ang paningin nito. Nag-landing kay Shaun. At kitang-kita niya
ang pagkindat ng lalaki sa gawi nito. Ngumiti si Tonya. Kumunot naman ang noo niya.

"Ready! Camera on standby!"

Naalerto ang mga tao. Isa-isang nag-confirm ng status ang sounds, technical at
camera.

Sumulyap siya kay Tonya. Nakatingin ito sa kanya. At pagkatapos ay nag-landing ang
mata sa sapatos na suot nito.

Nag-cue ang clapper.

Sulyap kay Tonya. Nakatingin. Nag-landing ang mata nito sa kaliwa.


"Action!" sigaw niya.

Tumingin siya sa kaharap na monitor kung saan naka-display ang kinukunang eksena.

Sa gilid ng mata niya ay nakikita niyang nakatingin na naman si Tonya.

Saglit siyang sumulyap. Umilag ang mata nito at napunta sa set.

Seryoso ang mukhang iniunat niya ang kamay na may hawak na mug. Automatic na kinuha
ng babae ang mug ng kape.

Napangiti siya ng matipid.

Ni hindi nakita ni Goryo kung paano tahimik at malisyosong nagkatinginan ang


magkakalapit na crew. May click na tunog din mula sa isang nag-capture na camera
phone.

*****

Dinner.

Matamlay ang subo ni Tonya sa pagkain habang kaharap sina Boom at Abo. May isang
eksena pa silang iso-shoot bago ang uwian.

"Bakit ka namin kasabay?" tanong ni Boom. Nakataas ang kilay nito. At pakiramdam ni
Tonya ay may malisya sa mata nito habang nakatingin sa kanya. "Walang kasama kumain
si Direk."

Napasulyap siya sa saradong pinto ng opisina ni Goryo. Alam niyang wala itong
kasama. Pero dinner naman. At may gana naman ito kumain ng hapunan. Hindi niya
kailangang magbantay. Isa pa...

"Boom... tama yung basa mo sa mga mood ni Direk. Tapos kaninang tanghali, nakita ko
uli yung smirk niya." kwento niya.

Napanganga ng kaunti si Boom. Muntik nang malaglag mula sa bibig nito ang
nginunguyang lumpiang sariwa. At para itong kiti-kiti na nangilig at hinampas ng
malakas si Abo sa balikat.

"Tapos?" interesadong tanong nito.

"Ha? Ayun lang."

"Yun lang? Anong nangyari?" bumulong ito sa kanya, "Sabi ko na e. May nangyari."
tumingin pa ito kay Abo na parang nangungumbinse bago bumalik ang mata sa kanya,
"Nagbago yung mukha mo paglabas mo sa opisina ni Direk after lunch e. Tapos kanina
sa set..." nangilig uli ito, "Anong nangyari?"

Kulang na lang ay yugyugin siya ni Boom sa pagtatanong nito. At papatulo na ang


laway ni Abo sa excitement.

"E... w-wala naman." napapalunok siya. Hindi niya kayang ikwento! Hindi naman siya
maramot pero gusto niyang kanya lang ang bagay na iyon. "- bukod sa nalaman ko kung
paano kiligin si Direk."

Tumili si Boom. At nabugbog si Abo. Wala namang maintindihan si Tonya kung bakit
parang kinukuryente ang bakla.

"Pa'no? Pa'no?"

"Mahirap ipaliwanag e. Hindi ko rin pwedeng i-demo."

Mangungulit pa sana si Boom pero nakaramdam sila ng mabigat na tensyon na mula sa


seryosong gray na mata ni Direk. Wala itong sinabi. Dumaan lang sa tagiliran nila.
Ni hindi rin matagal sumulyap pero natikom agad ang bibig ni Boom. Tumungo si Abo.
At tumayo ang balahibo ni Tonya. At ang mata niyang makulit, sumunod sa nilalakaran
ng lalaki.

Bakit mas malakas ang OST ni Direk kahit likod pa lang nito ang nakikita niya?
Hindi pa ata sila nakakalimang subo uli ay dumaan pabalik si Direk. At nang bumalik
ito sa opisina na natatanaw nila ay tuksong naiwang bahagyang bukas ang pinto.
Nakikita nila ang nakatalikod na si Direk sa kwadradong mesa. At parang kumakaway
ang pinto kay Tonya. Nai-imagine niya ang sariling binubuksan iyon at pumapasok sa
loob.

Siniko siya ni Abo.

"Puro ka titig kay Direk. Hindi ka ba magtitimpla ng kape? Ganun yun manghingi ng
kape, di ba? Dumadaan lang?"

Napakurap siya habang iniisip ang sinabi ni Abo. Oo nga pala. Baka kaya siya
tinatawag ng pinto ay dahil kailangan niyang magtimpla ng kape.

Tumayo siya sa upuan at atubiling nagpunta sa opisina ni Goryo.

Walang imik ang lalaki habang kumakain nang kunin niya ang mug nito. Nakatingin
siya kila Abo at Boom nang lumiko patungo sa kitchen. Nagtimpla siya ng kape. At
pagkatapos ay tahimik pa ring bumalik sa opisina at inilapag ang kape sa tabi ng
lalaki.

Papaalis na siya nang matigilan. May plato sa parte kung saan siya umuupo. Pero may
bawas na ang pagkain na naroon. At... parang kamukha ng pagkain niya!

"Close the door properly."

Napatingin siya sa nagsalitang si Goryo. Seryoso ang mukha nito pero hindi niya
mapangalanan ang parang sigla sa mata nito.

Sumunod naman siya. Lumapit siya sa pinto at bago iyon tuluyang isara ay nasulyapan
niyang nangingisay na naman sina Abo at Boom. Nakipagsilipan sa kanya mula sa kung
saan nakaupo ang mga ito.

Nakatayo lang siya roon. Anong gagawin niya pagkatapos isara ang pinto?
"Tapos po, Direk?"

"Sit where you usually eat."

Napasulyap siya sa upuang tinutukoy nito. Paano siya uupo roon na halata namang may
ibang nakaupo?

"May pagkain po run, Direk."

Noon lang tumingin sa kanya si Goryo.

"That's yours."

Napatanga si Tonya. Naituro niya ang sarili.

"Oo. Pagkain mo yan. Dinala ni Boom dito." tumikhim si Direk.

"Bakit naman dadalhin ni Boom -"

"Sinabi ko. Na dalhin niya."

Nagtitigan sila ni Direk. At nandun na naman ang tensyon. Tinutukso ang puso niyang
magmadali sa pagtibok. At mahina siya sa tukso!

Naupo naman siya sa pinupwestuhan niya. Nakatitig lang siya sa pagkain. Sayang ang
lumpiang sariwa at ang inihaw na isda! Baka hindi na naman niya makain!

"Let's eat."

Hindi niya masalubong ang tingin ni Direk. Tahimik siyang sumubo. At nahihirapang
lumunok. Hindi siya mapakali. Kailangan niyang magtanong.
"Direk... gusto mo ba 'kong kasabay kumain?"

Napatingin sa kanya si Goryo. Parang nangingiti na nagpipigil.

"Yeah."

Wala na ata siyang maitanong pagkatapos nun.

"Kasi kawawa naman ako, di ba? Wala akong kasabay kumain." ngumiti sa kanya si
Direk habang nakatitig sa mata niya.

At nagningning si Goryo! Triple ang ka-cute-an nito sa paningin ni Tonya! Napangiti


tuloy siya.

"Nagpapa-cute ka ba, Direk?"

Malakas itong tumawa. Na natuloy sa matunog na halakhak. Namamangha siyang


nakatingin! Tumatawa rin pala ang lalaki! Ito ang unang beses na narinig at nakita
niya iyon! At gusto niya sanang magtatakbo at ibalita iyon kay Boom at Abo. Ang
kaso, nagmamaramot na naman siya. Gusto niyang solohin din ang nakikita niya.

"Ngayon lang ako nasabihang cute." naiiling na sabi ng lalaki. Saka nawiwiling
tumingin sa kanya. "Are you at ease now?"

Tumango siya.

"You're tensed the entire time na nagso-shoot tayo."

"Oo nga." amin niya. Komportable na siya ngayon na salubungin ang mata ng lalaki at
pabayaan ang pagtugtog ng OST nito. Mula tanghalian ay para siyang pusang
naghahanap ng karton na pagtataguan.

"Did I make you uncomfortable?"


"Yes."

"Because of lunch?"

"Hindi."

Sandaling nag-isip si Goryo.

"Because I kissed you?"

Sumabog ata ang utak niya sa tanong nito. Nag-flashback kasi ang neon sign ng
Chicago at Vegas, ang pagsabog ng fireworks at ang pagkakarera ng kabayo. Sabay-
sabay niyang naramdaman ang mga naramdaman noong tanghalian.

"Hindi naman dahil sa... kiss."

Bahagyang nangunot ang noo ni Direk. Pero hindi nawawala ang bahid ng ngiti sa labi
nito.

"Then... is it because I bit you?"

Napalunok siya nang maalala ang mahinang kagat na iyon. Tumayo ang mga balahibo
niya. At nangisay ang lamang-loob niya. Wala sa loob na nakagat niya ang labi.

"Kaunti."

Paano niya ba sasabihin ang gusto niyang sabihin? Umiiwas siya ng tingin sa lalaki
dahil -

"Then, why aren't you relaxed with me?"


"E..."

Parang wiling-wili ang mukha nito sa panonood sa kanya.

"Na-offend ka?"

Umiling siya.

"Nagulat?"

Iling uli.

"Nabastos?"

Maraming ulit siyang umiling. Nagtitigan sila.

"Ah... alam ko na. Ayaw mo nung kiss?"

"Hindi yun!"

"E di ano yung kiss?"

"Masarap!" una ang dila na sabi niya at natutop ang bibig. Saka kumalat ang
pamumula ng mukha niya. Totoo naman ang sinabi niya. Pero kasi... lalo siyang hindi
mapapakali. At hindi na talaga siya makakakain!

Nagtawa na naman ang lalaki.

"Gusto mo uli akong kiligin?" makulit ang ngiti na tanong nito sa kanya.

Hindi nag-iisip na tumango siya. Pagkatapos ay napailing din. Gamit ang dalawang
kamay na tinutop ang bibig. Pinipigilan iyon na magdagdag pa ng nakakahiyang pag-
amin. Ang sagot sa tanong nito ay 'oo'. Gusto niyang kiligin si Goryo. Pero
napapailing siya tuwing maaalala kung paano ito pag kinikilig. Pero kapag naman
naiisip niyang masarap nga pala ito kiligin, napapatango na naman siya.

"Yes?" nanunukat na tanong ng lalaki.

Iling.

"No?"

Iling pa rin.

Ang totoo ay hindi alam ni Tonya ang sagot.

Tumawa ito sa indecision niya. Pagkatapos ay lumapit ito sa kanya habang nanlalaki
ang mata niyang nakasunod sa gagawin nito. Hinalikan nito ang likod ng palad niya
na nakatakip sa labi niya.

"It's our secret. Kung paano ako kiligin."

Nakatitig lang siya rito. Kung wala ang palad niya... lalanding ang labi nito sa...
nahimatay ang lahat ng neurons niya.

"Okay?"

Tutop pa rin ang bibig na tumango siya.

He smiled at her. With gentleness in his eyes.

"I think..." umiling si Goryo. Saka, ipinagpatuloy na lang ang pagngiti.

Ngayon ay hindi na nagkakarera ang puso ni Tonya. Nalulusaw na. Hindi niya
maintindihan kung sa anong mood iyon ni Direk. O kung anong dapat niyang isipin.
Pero ang ngiti na yun... kahit hindi abot ng logic niya ay nararamdaman niya.

Ibinaba niya ang kamay at ngumiti sa lalaki. #

Chapter 9 : A day off is a day of..?

-----

Day off.

Mabilis ang takbo ni Tonya papunta sa restroom ng gym. Sa bawat tapak ng paa niya
sa sahig, parang tumatagilid at yumayanig ang daigdig. Nagbu-blur. Habang init na
init ang pakiramdam niya sa katawan.

Pagdating sa restroom ay agad siyang pumasok sa isang cubicle, iniangat ang takip
ng toilet bowl at ibinuga roon ang halos lahat ng inalmusal niya. May kasama na rin
sigurong hapunan mula sa nagdaang gabi. Isang beses siyang sumuka. Dalawa. Sa
ikatlo ay wala na halos mailabas ang sikmura niya. Lasang maasim na asido ang
lalamunan niya. At ayun na naman ang pakiramdam na naiiyak siya. Nangilid ang luha
niya habang napaupo sa sahig ng restroom. Humihingal siya.

Gutom na gutom na siya. Ngayon na lang uli siya nagutom nang matindi. Dahil yun sa
kilig ni Goryo kahapon sa tanghalian. Idagdag pa ang hapunan na magkasabay din
sila. At kaninang umaga bago umalis sa bahay ay lutang pa rin ang pakiramdam niya.
At nakakabusog kiligin. Ang point, hindi siya nakakain ng maayos mula kahapon. At
ngayon ay inilabas niya ang kakaunting intake ng pagkain na mayroon sa katawan
niya.

Ngalay na ngalay na rin siya. Isang linggo na siya sa paggi-gym. Ang sabi ni Dennis
nung unang araw na akala niya mamamatay na siya, kalaunan daw ay mababawasan ang
sakit ng katawan at pangangalay niya. Pero mukhang hindi pa sapat ang isang linggo
para maibsan ng kaunti ang pagod, ngalay at pagsusuka dahil sa exercises na
pinagagawa sa kanya. May threadmill siya, bike, zumba, at sangkatutak na sit-ups.
At dahil naka one week na siya, magsisimula na rin ang dietician na pakialaman ang
calorie, carbohydrates at protein intake daw niya. Isa lang ang naiintindihan niya
run: lalo siyang magugutom sa mga darating na araw.

Nasa pag-e-emote siya nang mag-ring ang cellphone niya.

"Anong ginagawa mo ngayon?"


Excited ang boses ng best friend niyang si Mitch sa pagtatanong. Habang nanghihina
naman siya. Napatingin siya sa toilet bowl.

"Nagsusuka."

Sandaling natahimik ang kaibigan. Bago, "A... nasa gym ka nga pala ng ganitong
oras!"

"Gutom na gutom na 'ko, Mitch." halos mag-crack ang boses na sabi niya.

Agad nakuha ng kaibigan ang paghihirap niya.

"Kaya mo yan, girl! Tumingin ka na ba sa salamin lately? Wala pa bang nabawas?"

Umiling siya. Tumulo ang luha sa tagiliran ng mata.

"Hindi ko alam kung may nabawas. Nakakatakot magsukat e."

"Tonya naman..."

"Baka kasi hindi naman pala tumatalab yung mga ginagawa ko. Forever na akong
mataba."

"Gutom ka lang, friend... kaya parang walang pag-asa."

Naisip na rin niya iyon. Baka gutom lang siya kaya siya nade-depress. At puyat na
rin. Alas dos na nang makauwi siya sa bahay e. Pero ang totoo, hindi talaga naging
payat kailanman si Tonya. Mula pagkabata ay mabilog siya. Tanggap na niya iyon
dati. Kasi mahal naman siya ng Papa niya at mga kapatid. Nang makilala niya si
Hans, okay pa rin iyon. Nang mawala si Hans, dahil mataba siya at boring, nang mag-
second the motion ang mga bruha niyang kaklase sa high school dahil wala raw
nagbago sa kanya... gusto niyang subukang mag-focus naman sa sarili. At magbago
ayon sa gusto niya.
Sa mundong kapayatan at kurbada ang basehan ng kagandahan, maraming ulit na siyang
hindi inirespeto dahil lang sa size niya. Kaya niyang maging mataba. Tanggap niyang
maging mataba. Pero masakit mainsulto. Ng salita, ng tingin, ng mga bulungan. Kahit
minsan akala niya ay sanay na siya, may panahon na sumasakit ang puso niya tuwing
tumitingin sa salamin. At kahit tuwing ngumingiti.

"Lalo pa 'kong magugutom, Mitch. Magkakaroon ako ng dietician."

"Magtimbang ka na kasi. May kiluhan diyan, di ba?"

"Oo."

"Magtimbang ka na. Anuman ang mangyari, nandito ako."

Pinahid niya ang luha sa pisngi. Dapat pala ay naka-emo get-up na rin siya ayon sa
masterplan niya. Sayang ang luha niya e.

"Sige. Tatawagan kita sa resulta ha."

"Oo. Saka... cheer up ka lang. Di ba shopping day mo ngayon? At magpapaganda ka."

"Oo. Excited nga rin ako. Ngayon lang ako makakapag-shopping para sa sarili ko."

"See..? Promise natin di ba? That you're going to change. Focus on being
beautiful."

Tumango siya.

"Sige, Mitch. Mamaya na lang uli."

"Okay. Balitaan mo 'ko ha."


"Oo. I miss you."

"Ako rin. I miss you, Tonya."

Nag-disconnect. Ang totoo ay marami siyang hindi pa naibabalita kay Mitch. Ang
tungkol sa donor niya. Ang tungkol kay Shaun. Ang bago niyang trabaho. Maging ang
tungkol kina Abo at Boom na lagi niyang kadikit.

Huminga siya ng malalim. Nag-rinse ng bibig at lumabas sa restroom. May zumba pa


siya. Pagkatapos nun ay tapos na ang routine niya.

At pagkatapos pa... magtitimbang na siya. Sana.

*****

"Yes. I will be checking the place this afternoon. May sakit si Toru. At hindi ko
matawagan si Anji. This is better actually. You know how I am with these things. I
will still check the place even after I send them."

Nasa gitna ng traffic si Grey habang suot ang earpiece at kausap si Rose ng
Logistics. Kagagaling lang niya sa meeting sa Production House. Nag-aayos na sila
ng schedule para sa location shooting ng pelikula. Dahil kasi papasok na ang Ber
months ay magiging busy at matao sa mga napili nilang location. Which means na
kailangan nilang unahing kunan ang mga eksenang out-of-town.

"Then who will go with you?" usisa ni Rose. Naririnig ni Grey ang mahinang takatak
ng pagta-type nito sa laptop.

Majority ng crew sa Filming ay naka-off. Seven days silang nag-shooting. And this
is the only day na nabakante sila. Wala siyang mahahatak para biglaang isama.

"I will go there alone, Rose. Don't worry about it."

Katahimikan.
"Okay, if you say so."

"Yeah. Bye."

Nag-disconnect ang linya. Nasa tainga niya pa rin ang earpiece. Lumiliko na siya
papasok sa subdivision na tinitirhan. Tanghali na. At inaabot na siya ng gutom.

Kabubukas pa lang niya sa gate at kapa-park pa lang ng kotse sa garahe nang tumunog
uli ang cellphone niya. Kinuha niya ang gadget at tinanggap ang tawag.

"Hey, Sperm Donor!" saka may pagtawa mula sa kabilang linya.

Si Adam. At may kasama itong bumubungisngis. He's guessing it's the wife.

"Who told you that, gorilla?" balik-tanong niya.

Narinig niya ang pag-echo ng sariling boses. Nasa loudspeaker siya. Which confirms
na kasama nga ni Adam ang asawa nito.

"Si Portia. She excitedly told me about your new assistant. So... how's the
donation going?"

Hagikgikan sa kabilang linya.

"Mind your own business, Adam." naiiling na sabi niya.

"I do. That's why I'm checking on you. You might get a little distracted from work
with all the donation and stuff."

"Shut up, dude." aniya rito habang nagbubukas ng pinto ng bahay.


"I wanted to go to the set and meet that girl."

"Then go and meet her. You have every right to visit." tumikhim siya, "How's the
wife?"

"Oh! She's currently in-between hallucinations of being a goddess and being a cow.
I think it's about the pregnancy and -" nakarinig siya ng tunog-tampal at isang,
"Ouch!"

Napapailing siya sa kaibigan.

"And now she just bit me. I think she thinks she's a tigress, too." Nagtawa si Adam
sa linya bago, "Can I visit tomorrow?"

"Sure. Are you going to bring Erin?"

Nagtawa uli ang lalaking kausap.

"No. She acquired a very interesting hobby of pulling my Mom's strings whenever I'm
not around. And I want stories of maximum annoyance so..." lagabog. Tampal. At,
"Ouch!"

Natawa siya ng mahina sa naririnig sa linya.

"Tame the tigress, dude." sabi niya kay Adam.

"I will. And... make sure to introduce me to your beneficiary. Keep the donation
going, dude."

Napailing lang siya.

"Bye. Keep me updated. I have a tigress to tame."


Bago naputol ang linya ay nakarinig pa siya ng isang malakas at malanding tili.
Ibinulsa niya sa jeans ang cellphone.

Pumasok siya sa main door ng two-storey house na pagmamay-ari. Naiiling pa rin


siya. Kailangan niyang pagsabihan si Portia na wag ipamalita sa lahat ng kakilala
at kaibigan nila ang tungkol sa alok ng pagiging donor niya. Or else ay baka
makarating ito sa inang nasa ibang bansa. And who knows what she will do? Or how
she will react?

Huminga siya ng malalim. He needs to take a quick lunch and -

May mga lagabog siyang narinig. Kasunod ng ilang matitinis na halakhak. Awtomatiko
siyang napasugod sa pinanggagalingan ng ingay - sa kusina. Sumalubong sa kanya ang
gumugulong na stainless bowl. Pagkatapos ay ang gulat na mukha ni Tonya at
nakabungisngis na si Portia.

His kitchen is a mess of vegetables, cooking utensils and cutleries. At may amoy ng
nilulutong bistek Tagalog.

"Hi, Kuya! We're cooking lunch." masiglang bati ni Portia, lumapit at humalik sa
pisngi niya.

"It's evident." walang ibang masabi na sagot niya bago ibinaling ang tingin sa
nakatayong si Tonya. Magulo ang buhok nito na naka-pony at mantsado ang apron.
"Um... Hi. I didn't know you're here."

Gusto niyang sapakin ang sarili sa awkward na paraan ng pagbati.

Kumaway ng maliit si Tonya. Saka alanganing ngumiti.

"Hi, Direk. Hindi ko rin po alam na nandito kayo."

Nablangko siya. It's his house. Of course, he will be there. Hindi marahil sinabi
ni Portia. Kapag off niya and during weekends, sa bahay niya naglalagi ang kapatid.
Kapag naman weekdays ay doon ito sa bahay nila sa Alabang - mas malapit sa school
nito. At kasama ang Yaya nito para mag-asikaso.
"Ang ibig sabihin ni Ate Tonya, Kuya, hindi namin in-expect na uuwi ka. Akala ko
kasi maghapon ka sa labas dahil sabi mo kanina sa akin, pupunta ka sa Prod House.
Hindi alam ni Ate Tonya na dito ko siya sa bahay mo dadalhin. She's teaching me how
to cook."

That explains a little bit of what he finds to be weird. Paano naging close ang
kapatid niya at assistant nang wala siyang malay?

"I can see that." nabablangkong sabi niya. Hindi napansin na napatingin siya sa
kaserolang nakasalang.

"Gutom ka na, Kuya?" tanong ni Portia habang inaayos ang suot nitong apron.

Tumango lang siya.

"I will go upstairs to change. And maybe by that time you're both done cooking?"
palitan ang tingin niya sa kapatid at kay Tonya.

Sabay tumango ang dalawa. Tumalikod naman siya at umakyat sa kuwarto niya.

*****

Matapos maligo at magpalit ng damit ay magkakaharap silang tatlo sa hapag-kainan.


Dikit na dikit si Portia kay Tonya. Laging nakangiti ang kapatid niya at lagi ring
napapayakap sa babae. Paminsan-minsan naman ay napapatingin sa kanya si Tonya at
nagngingitian sila.

"Masarap ba, Kuya?" masiglang tanong ni Portia habang sumusubo. "That's my first
try cooking!"

"Yeah. It's good." sagot niya bago sumubo.


Malapad ang ngiti ng kapatid at pumisil kay Tonya. "Ang galing kasi magturo ni Ate
Tonya e!"

Napasulyap siya sa pinggan ng babae. Halos tatlong kutsarang kanin at apat na


maliliit na hiwa ng bistek ang naroon. At panay ang inom nito ng tubig.

"Why aren't you eating like you used to?" kunot-noong tanong niya.

Lumunok muna ang tinatanong.

"Nagda-diet po ako, Direk."

Sandali silang nagkatinginan. Bakit parang naiiyak ito nang sabihin iyon?

"Kagagaling lang sa gym ni Ate Tonya, Kuya. Dun ko siya sinundo bago nagpunta rito.
Tapos, pinagsabihan nga siyang mag-diet." salo ni Portia.

Paano nalaman ng kapatid niya iyon? Malaki ata ang tanong sa mukha niya. Kaya
bumungisngis ang babae nang mapatingin kay Tonya.

"Textmate kami ni Ate Tonya, Kuya."

"Ow." kay Tonya siya nakabaling, "You gave her your number when?"

"Nung nagkakilala tayo sa University, Direk. Nagbigayan kami ng number ng kapatid


mo."

Hindi niya alam ang sasabihin. Assistant niya si Tonya pero wala siya nang number
nito.

"Who else got your number?" usisa niya.

"Yung buong crew, alam nila. Sila Boom at Abo, textmate ko. Tapos, recently, si
Shaun, alam na rin niya. Pero hindi pa kami textmate."

Good grief. Uminom siya ng tubig para i-distract ang sarili. Bakit siya naiinis?

"Why don't I have your number?" kunot-noong tanong niya.

"Hindi n'yo naman po hiningi."

Natigilan siya. May point naman ito. Which means -

"At hiningi ni Shaun?"

"Hiningi po ata ni Shaun kay Boom e."

At ibinigay ni Boom? That Boom! Uminom uli siya ng tubig.

"Dahan-dahan sa tubig, Direk. Baka mabusog ka bago mo maubos yung pagkain mo."

Natahimik sila. Excited namang nakasubaybay sa usapan nila si Portia.

"Ate Tonya, ang ibig sabihin ni Kuya, dapat alam niya rin ang number mo." saka ito
humagikgik.

"Portia!" saway niya.

Nakangiti naman si Tonya. "Hindi kasi siya nagtanong e."

"Pero inaalok mo siyang donor, di ba? Dapat alam niya yung number mo. Para pag
pumayag na siya, itetext na lang niya." gatong ni Portia.

"Oo nga no!" sabi ni Tonya at sumulyap sa kanya, "Ibibigay ko mamaya number ko...
Direk?"

Mahinang tumatawa ang kapatid niya. Wala naman siyang nagawa kundi tumango.

"May lakad ka uli, Kuya?" si Portia.

"Yes."

"Saan?"

Napasulyap siya sa kapatid at kay Tonya na curious ding nakatingin sa kanya.

"Sa Batangas. I have to check a private resort there that is a potential location
for filming." seryosong sabi niya.

"Beach? Wow! Sama kami sayo!" masiglang sabi ni Portia saka umangkla sa braso ni
Tonya, "Ate Tonya! Sama tayo sa dagat!"

"Portia. Baka may ibang plano si Tonya ngayong araw." saway niya sa kapatid.

"Please, Ate? Let's go with him... please?"

Hindi niya mapaniwalaan ang tamis at lambing ng kapatid sa babaeng kakikilala lang
nito. Pero sino siya para magduda? For a week now, he sees that Tonya got magic to
make people adore her... instantly. At ni hindi iyon kailangang sadyain ng babae.

"Wala akong panligo." simpleng sabi nito.

Matipid siyang napangiti. "Let's buy them before we go."

"Yehey!" hiyaw ni Portia. "I'm so excited!"


Napatingin sa kanya si Tonya. Nakangiti naman siya. At nakangiti naman ito. Pero
bakit may lambong ng lungkot sa mata nito? He doesn't like seeing it.

Ask in simple sentences. Directly.

"Anong problema?"

"Nothing would fit me."

Natahimik sa hapag-kainan. Nakatingin naman sila sa isa't isa.

He looks at her. Really looked at her. Mabilog pa rin ito. Pero napansin niyang may
nagbago na rito mula nang unang beses silang nagkita.

"How can you be so sure?"

"Mataba ako, Direk. Sobra. Walang kakasya." nakangiti pa ring tugon nito.

"Naggi-gym ka everyday, di ba?"

"Oo."

"How much did you lose?"

Umiling ito, "Hindi ko pa alam e... kung may nabawas nga."

"What? I don't understand."

"Hindi pa ako nagtitimbang."


"That's ridiculous."

"Hindi pa talaga ako nagtitimbang."

"Why?"

"Natatakot ako e."

Natahimik sila. Kahit si Portia ay hindi makapagsalita. At ngayon ay nag-iinit na


ang ulo niya.

"Stand up."

"Po?" nagtataka ang mukha ni Tonya.

"Tayo." aniya at naunang tumayo.

"Bakit?" nag-aalala ang mukhang tanong ng babae.

"Pupunta tayo sa kwarto ko."

Natutop ni Portia ang bibig, "Kuya!"

"May timbangan dun." malamig ang boses na sabi niya sa kapatid.

"E... Direk..."

"Bubuhatin kita kung hindi ka susunod."

"Wag! Mababali buto mo, Direk!" pigil ni Tonya.


"So be it! Tumayo ka o mababalian ako ng buto."

Alanganin ang ekspresyon sa mukha ni Tonya habang nakatingin sa kanya.

"Tonya!"

"Oo, ito na!" anito at nagmamadaling tumayo.

Nagsukatan sila ng tingin.

"Follow me." madilim ang mukha na sabi ni Grey at nagpatiunang lumakad. #

Chapter 10 : Fat and Beautiful

A/N: Hurray! Sayaw-sayaw! Chapter 10 na rin sa wakas!!! Yehey! :D

-----

Kailangang lumingon paminsan-minsan ni Goryo para siguruhing nasa likod niya si


Tonya. Nakatungo ang babae habang naglalakad. And he's mad that she's down like
that. Sa buong isang linggo ay hindi niya pa nakitang malungkot o namomroblema ang
babae. She's like an angel of sunshine - always smiling, accommodating and
laughing. Kahit pa nga minsan ay nauulinigan niyang nahuhuli ito makaunawa sa mga
jokes ng crew. That's why everyone instantly loves her! Maybe including Shaun na
pinauulit-ulit niya ang eksena para mapagod at mawalan ng tsansang makipagngitian
kay Tonya. He hates it that he have to do that. Pero kailangan niyang siguruhin na
walang monkey business sa set between his actor and his assistant. That's it. Di
ba?

Binuksan niya ang pinto para kay Tonya nang makarating sa master's bedroom sa
second floor ng bahay.

"Come in."

Walang imik na pumasok ang babae sa kuwarto. Nakatungo pa rin. Nakatingin siya
rito. Hindi naman ito kumikilos. Baka nga hindi rin humihinga. Na kinakabahan si
Grey na hindi na talaga ito kikilos ni hihinga at mahimatay na lang doon.
Hinawakan niya ang kamay nito at iginiya ito patungo sa walk-in closet niya.
Napasulyap sa kanya si Tonya.

"Don't be scared. I'm here." nakalingon dito na sabi niya.

Sandaling naghinang ang mata nila. Pagkatapos ay ibinaling nito sa ibang lugar ang
paningin. At naramdaman niyang nanlamig ang kamay nito.

Mali ba siya? Mas nakakatakot ba para sa babae ang magtimbang dahil naroon siya?

Lalong nangunot ang noo niya sa iniisip. Pero hindi siya huminto sa paghila rito.

"This is my closet. And that's the scale." aniya sa babae.

Tatlong dipa ang haba ng walk-in closet niya. Dalawang dipa ang lapad. Maluwag.
Pwedeng pagsiksikan ng pangdalawahang kama. At ang pader ay palibot ng salamin.
Nakikita niya ang pagkakatayo nila sa kalagitnaan ng closet. Siya suot ang batik-
batik na ash-blue t-shirt at cargo shorts niya. Si Tonya sa maluwag na blouse at sa
malambot na pants nito.

Nasa dulo ng silid ang puti at halos transparent na timbangan na tinutukoy niya.
Natatanaw nila.

Lalong nanlamig ang kamay ni Tonya.

"Direk..." naluluha ang mata na tumingala ito sa kanya, "Ayoko talaga."

Hinigpitan niya ang hawak sa kamay nito.

"Why are you scared to check your weight?"

Umiling ito.
"Tell me why. So I can tell you it's nonsense."

Sinalubong ni Tonya ang mata niya.

"It's nonsense?"

"Yes."

"Pa'no?"

"You are working out everyday, right? Every morning?"

Tumango si Tonya.

"Kahit puyat ka galing sa shooting?"

Tango.

"Then, I'm very sure that you will get results from it. So don't be scared."

Nakatingin ito ng ilang sandali. Bago tumungo at umiling.

"Hindi ko talaga kaya, Direk." nanginginig ang boses at kamay ni Tonya, "Hindi...
hindi talaga."

Hindi siya nakakilos agad ng hatakin nito ang kamay mula sa pagkakahawak niya at
mabilis na naglakad patungo sa pinto ng kwarto.
*****

Pagtalikod pa lang ni Tonya ay pumatak na ang luhang pinipigilan niya sana.

"You're fat and boring."

"You haven't changed at all during all those years."

"Incompetent."

"Baboy! Litsong baboy!"

"Oink! Oink!"

"Taba!"

Paano kung hindi talaga siya posibleng pumayat? Sinubukan niya dati, di ba? Noong
nag-college siya, sinubukan niyang mag-gym habang nagtatrabaho ng part-time bilang
service crew. Pero hindi gumana. Lalo lang siyang tumaba. Nung unang beses siyang
nagtrabaho, sinubukan niya uli. Pero walang resulta. She lost count on how many
times she tried to lose her fats. Na mahal na mahal siya. Laging nakadikit. Mawala
man, mabilis bumalik. Hanggang sumuko na lang siya.

Anong posibilidad na ngayong sinusubukan uli niya, may magbabago na?

Wala naman, di ba?

Pinigilan niya ang humikbi ng malakas. Nakakahiya kay Goryo. At least, lalabas muna
siya ng kwarto nito bago siya ngangalngal. Pero parang batang itinakip niya ang
palad sa magkabilang mata niya habang umiiyak.

Ang kaso, bago pa siya tuluyang makalapit sa pinto ay may mga brasong humapit sa
bewang niya. Kusang tumigil sa pagtakbo ang paa niya. Tapos, napapiksi siya sa
hiya. Binaklas niya ang braso na bumabaon sa bilbil niya. Mararamdaman ni Direk ang
taba niya! At mandidiri ito! Hindi niya kaya!

"Wag mo 'kong hawakan!" napalakas na sabi niya, nakatakip pa rin ang kamay sa mata,
" - please."

Bumuntong-hininga si Direk.

"Then don't run."

Hindi nga siya kumilos. Nakatungo pa rin siya. Hinawakan siya ni Goryo sa
magkabilang balikat at iniharap dito. Hindi niya inaalis ang palad na nakatakip sa
mata. Pero tumutulo sa pisngi niya ang mainit na luha. Pinahid ni Goryo ang iba.
Itinataas nito ang mukha niya. Pero nagmamatigas siya at bumabalik sa pagtungo.

Hindi nito maiintindihan. Kung paano maging pangit. At mataba. Kung paano mainsulto
at mabastos sa buong buhay niya. Kahit na sinusubukan naman niya, hindi iyon ang
pakialam ng maraming tao. Ang pakialam nila ay mataba siya at nakakadiri. Baboy.

"Ayokong makita, Goryo." sabi niya rito habang humihikbi. "Paano kapag walang
nabawas? Napagod ako. Nagutom ako. Pero mataba pa rin. Walang magbabago. Lalong
manghihina ang loob ko. Wag na lang. Saka na lang."

"Tonya..."

"Hindi mo kasi alam... paano maging mataba. Mula pagkabata ko, mataba ako. At mula
pagkabata ko, pinagtatawanan ako. Kaya ang swerte ko na ang slow ko. Dahil mabagal
ang logic ko, hindi ko agad maiintindihan pag iniinsulto ako. Pero -" humikbi siya,
"- kahit hindi ko maintindihan agad kung paano ako nilalait o dinuduro, nakikita ko
sa mata nila kapag nang-iinsulto sila. O nandidiri. Hindi ko kailangang ma-gets
agad. Kasi pareho rin. Masama sa pakiramdam kahit wala akong maintindihan."

Idiniin niya ang palad sa lumuluhang mata. "Kaya wag na muna, please."

Umiyak siya. Humikbi. Ilang minuto na nakatayo lang siya sa harap ni Goryo na
nakatakip ang palad sa mata. Hiyang-hiya na siya. Iilang tao lang ang nakakita sa
kanyang umiyak dahil sa lumang rason - katabaan. At awa sa sarili.

At hindi siya proud sa sarili sa pag-iyak niya sa harap ng donor niya. Ayaw niyang
pumayag itong mag-donate dahil nakakaawa siya.

"It's not your being fat that gets you insults, Tonya. It's because those people
are mean. And mean people always want to make other people feel wrong about
themselves."

"Magsisinungaling ka ba? Mataba naman talaga ako." sangga niya.

"Yeah. You're fat."

Humikbi siya. Sinasabi na nga ba niya.

"But you're beautiful."

Huminto ang luha niya sandali. Ninamnam niya ang sinabi ni Goryo. Maganda raw siya.
Hindi na kailangang i-translate yun, di ba?

"Hindi ko maintindihan." sabi niya. Kasi, paanong mangyayari iyon?

"That's in its simplest form at hindi mo maintindihan? Then I am doomed. Hindi ko


na alam kung paano makikipag-communicate sayo."

"E... kasi..."

"Maganda ka."

"E..."

Marahang binaklas ni Goryo ang kamay na nakatakip sa mata niya. Pagkatapos ay


iniangat nito ang mukha niya para tumingin dito. Seryoso ang mukha nito. May
tensyon kung makatitig sa kanya.

"You're beautiful, Tonya."


Hindi siya makaimik. Bakit parang totoo ang sinasabi nito?

"Tell me. Why are you trying to lose weight now?"

"Para gumanda..?"

Umiling ito na parang hindi makapaniwala sa sinasabi niya.

"For whom do you do it? Para kanino?"

Nag-isip siya sandali.

"Para sa akin." lumunok siya. Napuno uli ng luha ang mata at masaganang bumagsak.
"Because I'm tired of being fat. And I'm tired of being called ugly. And being
called..." kinagat niya ang labi bago sabihin ang salita, "- a pig."

Dumaan ang dilim sa mukha ni Goryo.

"That's good. Do it for yourself. But not because you believe what other people are
telling you - that you are ugly or that you are a pig." nakatitig ito sa mata niya,
"A lot of people is unfair. So don't believe them if they make you feel bad about
yourself... And let me tell you this. Listen word for word."

Hindi makaalis si Tonya sa titigan nila.

"You... are beautiful as you are now. Kapag payat ka na, I'm sure you will be one
hell of a gorgeous girl." huminto sandali ang lalaki na parang tinatantiya kung
nasusundan niya ang sinasabi nito, "But even with all the layers that you have now,
you are beautiful."

Hindi siya makaimik. Marahan at may diin ang pagbigkas ni Grey sa mga salita.
Nalulusaw siya sa bigat ng titig nito. At nauna nang lumuha ang mata niya bago pa
ito matapos sa mga linya. Kasi... naririnig niyang totoo. She can see it in his
eyes. She can feel it in her heartbeat. He believes she's beautiful.
"Do you believe me?"

Tumango siya. Ngayon na lang uli may nagsabing maganda siya. At kasinggwapo pa ni
Superman!

Hindi nag-iisip na lumapit siya at yumakap kay Goryo.

*****

Kusang sumara ang mga braso ni Grey sa isang yakap. Naaawa siya sa pag-iyak ng
babaeng nasa bisig niya. Pero, hindi naman siguro awa lang ang dahilan kung bakit
masarap at mainit sa pakiramdam niya ang yakap ni Tonya. It feels good how she fits
in his arms - mas maliit ang babae at nakasubsob ito sa dibdib niya. All for him to
protect. And hide if he needs to.

"Kalmado ka na?" tanong niya sa babae habang marahang hinahagod ang likod nito.

Tumango ito at mahinang tumawa, "Oo. Ang bango mo e."

He grins at her remarks. Mukhang kalmado na nga ito.

"Then, can we check now? O takot ka pa rin sa timbangan."

Humiwalay sa yakap niya si Tonya. Patingalang nakatingin. Lumunok ito. Pero


ngumiti.

"Kaya na siguro." mahina ang boses na sabi nito.

"That's a good girl." sabi niya rito at hinawakan ang kamay nito. "Tara."
Tahimik silang naglakad pabalik sa walk-in closet niya - palapit sa timbangan.
Paminsan-minsang natitigilan si Tonya pero iginigiya niya ang hakbang nito palapit
pa.

"Take off your sandals and step in the scale slowly."

Sumunod naman ang babae. Naninigas at malamig na parang yelo ang kamay nito. Nang
umapak ito sa timbangan ay agad itong pumikit.

"It's okay. Close your eyes if you want. I'll look at your numbers." kalmadong sabi
niya at binitiwan ang kamay nito.

Nakatingala at nakapikit ang babae. Matigas na nakakuyom ang dalawang kamay. Dahil
sa tensyonadong itsura nito ay kinakabahan na rin tuloy siya. Hinihintay naman
niyang tumigil sa paggalaw ang manipis na panuro ng timbangan. And while he's
waiting, he looked at her figure in the mirror.

Totoong mataba si Tonya. Pero may pigura ito. Kita pa rin ang kurbada ng dibdib,
bewang at balakang. She's a big woman. But nonetheless beautiful. Kung totoo ang
sinabi nitong mataba ito mula sa pagkabata, sigurado siyang marami ng insulto at
panglalait ang inabot nito.

Like he told her, there are a lot of mean people. Because beauty is measured by the
branded, the rich, the gorgeous and the petite. Making all the other types insecure
and feel less beautiful. And he admires this big girl for making a change for
herself. And for braving everyday of her life.

"Goryo... okay na?" nakatingala pa ring tanong ni Tonya.

Sinilip niya ang timbangan. 71 kilos. He doesn't know what it means.

"How heavy are you before?" tanong niya.

Sandaling hindi umimik si Tonya.


"Tonya?"

"77 kilos." anito.

Kumunot ang noo niya sa pagkakatingin sa numero sa timbangan. She lost six kilos in
a week? In a week?!

"You're in 71 kilos now." sabi niya.

"Ha? 79 kilos?" parang sa horror ang mukha ni Tonya nang tumingin sa kanya.
Putlang-putla ito.

"Seven. One. Seventy-one!"

Natigilan ito. Tumingin sa numero sa paanan. Saka tumili nang malakas! At nang
bumaba sa timbangan ay nagtatatalon.

Nang matigil ito ay hawak na ang ulo.

"Sandali... nahihilo ako. Nakakahilo pumayat."

Kumunot lalo ang noo niya habang nakatingin dito.

"How do you always feel?" usisa niya.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"

"How do you always feel? Do you feel fine everyday? Or may masakit pa ba sa katawan
mo?"

Tumango si Tonya. Ngumuso.


"Oo. Para akong laging bagong sali sa frat. Masakit sa katawan mag-gym."

"Nagpatingin ka na ba ng blood pressure mo?"

Iling.

"Madalas kang mahilo?"

Tango.

Nag-init na naman ang ulo niya. At sumeryoso ang mukha.

"Is your gym instructor a guy?"

Tango.

"Then change your goddamn gym instructor!" matigas ang tonong sabi niya. Base sa
gulat na mukha ni Tonya, hindi nito naiintindihan ang reaksyon niya.

"Bakit ko siya papalitan? Ang bilis ko ngang pumayat sa kanya e!"

"Yeah. And soon you will be dead!" mainit ang ulong sabi niya, "He's too extreme
for you. Kung tama ang routine niya para sayo, hindi na dapat masakit ang katawan
mo ngayon for working out all week. At hindi ka rin dapat madalas mahilo!"

Nakatingin lang sa kanya si Tonya. Parang natatakot ng kaunti.

"Pero kasi... paano ko gagawin yun?" napapatungong tanong nito.

Salubong ang kilay niya.


"Nevermind, then. I will tell him myself!" at bibigwasan na rin siguro niya sa
mukha bilang bonus. "For now, let's go to the beach!"

Sinilip ni Tonya ang gusot na mukha niya.

"Ngiti na! Tara sa beach, Goryo!" nakangising sabi ni Tonya sa kanya at kumapit ng
kaswal sa braso niya.

And damn! Bakit ang bilis nawala ng init ng ulo niya? #

Chapter 11 : Tampisaw sa Dagat

-----

Breathe in. Breathe out.

"Fresh air! Dagat!" magkasabay na sigaw nina Portia at Tonya.

Humahagikgik ang mas batang babae. Masuyong umangkla sa braso niya.

Hindi na matandaan ni Tonya kung gaano kasarap magkaroon ng mas batang kapatid.
Matagal na kasing nasa ibang bansa sina Sharon, Beverly at Anelle. At sanay siyang
maging panganay. Portia reminded her how good it is to have someone who always
wants her attention. Parang nagpapa-baby, nagpapapansin o naglalambing.

Nakaharap sila sa malawak na karagatan ng Batangas. Halos walang tao sa resort. At


malamig sa paa ang maliliit na buhangin. Bitbit nila ang sandals nila ayon sa
paglalambing ni Portia.

"Ang tagal na nang huli akong magpunta sa beach, Ate Tonya. Ikaw ba?"

"Sobrang tagal na rin. First year high school pa lang yata ako nung huli." sagot
niya. That's her last time having a good time. Pagkatapos noon, naghirap sila
financially. At nang mamatay ang Papa niya, siya ang nag-take over sa pagiging
breadwinner. To her, it means all work, without having the time to enjoy.
And days without her father are the ugliest days of her life. Wala na kasing
nagsasabi sa kanyang cute ang mataba. At maganda siya.

Until today.

Nilingon niya si Direk na kasalukuyang nakikipag-usap sa matandang lalaking


caretaker ng resort. May bitbit na itong isang handheld camera. Lumingon ito sa
kanila pero ni hindi ngumiti.

Napabungisngis naman siya at kumaway. Suplado ang karaniwang mukha ng lalaki. Gets
na niya ngayon. Pero mabait naman. At in fairness, marunong mambola. At
mangumbinse. At magpatahan ng babaeng umiiyak.

"Grabe! That's so long ago. Marunong ka pa kayang lumangoy, Ate?" nangingiting


tanong ni Portia sa kanya.

"Oo naman. Parang pagba-bike yun e. Pag natutunan mo na, hindi mo na


makakalimutan." sabi niya. Napansin na okay ang logic niya ngayon. Parang na-
exercise at hindi masyadong nade-delay.

"Magpalit na tayo ng damit, Ate."

Tumango lang siya. Lumakad sila pabalik sa kung saan naka-park ang kotse ni Direk.
Nadaanan nila ang lalaki at ang caretaker. Saglit lang silang nilingon ni Goryo.

Kumalabit sa kanya si Portia.

"Ate..."

Tumingin siya rito.

"Pinaiyak ka ni Kuya kanina?" curious na tanong nito.


Umiling naman siya, "Hindi. Pinatahan niya nga ako e."

"E, bakit ka umiyak?"

"Mataba kasi ako. Nag-inarte." aniyang humagikgik.

Iyon din ang ginawa ni Portia, "Maganda ka naman, ate. Pag pumayat ka, maraming
maglalaway sayo."

"Yun din ang sabi ng kuya mo." sabi niyang tumatawa pa rin.

Para silang best friends na naghahagikgikan habang naglalakad. Nang makarating sa


kotse ay kinuha nila ang mga pamalit na damit. Pabalik na sila sa dalampasigan nang
lapitan ng isang lalaki.

"Maam, magbo-bonfire po kayo?" tanong ng payat na lalaki. Maitim ito. May hawak na
isang tali ng malalaking kahoy.

"E... hindi yata." sagot niya. Ang alam niya ay sandali lang sila sa resort.

Pero umilaw ang mata ni Portia. Nagniningning na nakatingin sa kanya.

"Ate, mag-bonfire tayo. Masaya yun." bulong nito sa kanya. "Saka may hawak nang
kahoy si Kuya." dagdag pa nito bago bumaling sa lalaki, "Sige, Manong."

"Table po, Maam, meron na kayo?"

"Wala." direktang sagot niya sa tanong nito.

"Kuha na po kayo ng table."

Kailangan ba nila ng table? E wala naman sila halos dalang pagkain.


"Opo, Kuya, kukuha kami ng table." salo ni Portia.

"May bagong huli rin kaming isda, Maam. Kung gusto nyong mag-ihaw."

"Yun din po." sabi ni Portia saka nag-iisip na nagdagdag, "Yung malalaki, Kuya ha."

"Opo, Maam. Malalaki po."

Ni hindi siya nakasingit nang makaorder sila ng iihawing isda, kamote, talong, at
maging nang i-hire ni Portia ang isang lumapit na babae para magsaing para sa
kanila at mag-grocery ng mga chips. Wala namang malay si Direk na curious na
napapatingin sa kanila.

"Portia, si Direk, nakatingin na rito."

"Oo, sandali, Ate." anito sa kanya at bumaling uli sa kausap na babae, "Nachos,
Ate. Tapos kakanin kung meron. Yung puto, kutsinta, ganun. Matagal na 'kong hindi
nakakakain ng gawang probinsiya na kakanin e."

Patuloy namang naglilista ang matabang babae. At patuloy din ang kalabit niya kay
Portia dahil papalapit si Direk.

Tumikhim ang lalaki nang makalapit.

"What are you two up to?"

"Kuya!" excited na sabi ni Portia sa kapatid. Bumaling sa babae at nagtanong,


"Magkano ang kailangan, ate?"

"One thousand po, Maam, kasama yung bagong huling isda."

"Kuya, one thousand daw." sabi nitong nakalahad ang kamay.


"Maam, two-fifty po yung sa bonfire at five hundred po sa table. Bale, seven-fifty
po lahat." kwenta naman ni Kuyang payat.

"Plus seven-fifty pa pala, Kuya." gumalaw-galaw ang pagkakalahad ng kamay ng babae.

Palitan silang tiningnan ni Grey. Mukhang nagtitimpi. Pero hindi natitinag ang
excitement sa mukha ni Portia. At hindi tumitiklop ang pagkakalahad ng kamay nito.
Natetensyon naman si Tonya. Naaalala niya kasi yung pagpapatayo sa kanya ni Grey sa
dining table.

"I told both of you na sandali lang tayo rito. Didn't I?"

"E, Kuya, sayang ang panligo na binili namin. Saka, late morning naman ang shooting
n'yo bukas e. At masaya mag-ihaw at mag-bonfire. At... nakakahiya sa mga kausap
namin. Bayaran mo na lang. Please?"

In fairness naman kay Portia, marunong magpa-cute. Nagpapilantik ito ng mahahabang


pilikmata, pumikit-pikit at ngumiti ng matamis. Pati si Tonya ay nangingiti.
Kabisado niya ang ganoong taktika ng mga bunso - nanglalangis. Nangungumbinse.

"You two are really..." naiiling na bulong ni Grey habang dinudukot ang wallet.
Wala na itong sinabi nang iabot kay kuyang payat ang seven fifty at one thousand
naman ang sa babae. Wala rin itong nagawa nang iabot dito pabalik ang isang tali ng
kahoy para sa bonfire.

"Dito po tayo, Sir. Para sa table ninyo." sabi ng payat na lalaki.

Tahimik siyang tumatawa sa simangot ni Grey. Lalo na habang naglalakad na sila at


nakasunod sa lalaking magbibigay ng table. Kaya natigilan siya nang magtama ang
paningin nila at... kumindat ito. He winks at her with a lazy grin!

hajfkasgodhzhxjkljzg

Nag-short circuit ang utak niya. Na kontento nitong ikinangiti. Mabilis siyang
sumulyap sa katabing si Portia. At napahinga nang maluwag nang mapansing walang
malay ang babae. Nanahimik nang kaunti ang mabilis na kalabog ng puso niya.
Deadly pala kumindat ang supladong si Goryo!

*****

Panay ang tili ni Portia habang sinasabuyan ng tubig si Tonya. Nasa dagat na silang
dalawa at naghaharutan. Si Grey naman ay nag-iikot-ikot hawak ang camera nito.
Kanina ay nagpaalam ito para magpunta sa mabato at makahoy na parte ng resort.

Nakikipagsabuyan siya ng tubig sa mas batang babae. Nakasuot lang ito ng two-piece
swimsuit at kainggit-inggit ang pigura nito. Seventeen pa lang si Portia pero
makurbada na ang katawan nito. At halos wala nang baby fats. Naka-tshirt lang na
maluwag si Tonya at shorts. Hindi niya kayang ilabas ang mga yupi ng bilbil at taba
niya.

"Kuya, ligo ka na rin! Puro ka kuha diyan!" sigaw ni Portia sa dalampasigan.

Napalingon naman si Tonya. Naharap sa kanila si Grey at ang camera nito.

"I'm still checking the place for -"

Sinabuyan ito ni Portia ng tubig. Mabilis naman nitong naiiwas ang camera at
masamang tumingin sa kapatid.

"Hey! Don't -"

Tubig.

"Portia!"

Tubig uli. Basa na ang kamiseta at walking shorts nito.


"Maligo ka na, Kuya. Sayang ang tubig. Malamig na mamaya kapag dumilim!"
nakangiting aya ng babae at bumulong sa kanya, "Sabuyan natin siya ng tubig, Ate."

Mukhang masaya naman iyon. Kaya nakitango siya.

"Babasain ka namin hangga't hindi ka pumupunta rito! Wala kang kawala, Kuya!" sigaw
ni Portia.

Singkit na ang mata ni Grey sa kanilang dalawa.

"You're both acting like spoiled -"

Magkasabay nila itong binasa.

"Tsk!" malakas na sabi nito, mabilis na ibinaba ang camera sa buhangin at patakbong
lumapit habang hinuhubad ang kamiseta.

At lintek! May slow-mo! Dahil hindi lang pala kamukha ni Superman ang lalaki!
Katawan din ni Superman ang meron ito. Muntik tumulo ang laway ni Tonya. Natuod
siya sa pagkakatayo.

"Ate Tonya, anong ginagawa mo? Nandiyan na si Kuya!" sabi ni Portia na patuloy ang
pagsasaboy ng tubig sa lalaki.

Parang elesi na umandar ang dalawang kamay niya at sinabuyan ng tubig ang papalapit
na lalaki. Kasi... parang masarap makitang basa ang muscles ni Superman. Di ba?

Nagkakasala siya sa brokenheart niya! Pero hindi siya pwedeng magkunwari na hindi
siya nakaka-appreciate ng kakisigan when she sees one. And Gregory Montero is
exceptionally beautiful. Na parang kasalanan ang tumambay ang mata ng isang hamak
na matabang mortal na tulad niya sa katawan nito!

Kailangan niya talagang magpapayat! No! Magpa-sexy! Para maglaway man siya ay hindi
siya mahihiya!
Nagulat na lang siya ng bumangga siya sa katawan ni Portia habang akap sila ni Grey
at tatlo silang tumaob sa tubig.

Nang umahon silang tatlo ay nagtatawa si Portia habang hinihingal naman siya.

"I caught you both, you brats." nakangiting sabi ng lalaki.

Matipid siyang ngumiti at hindi makatingin sa mata nito.

Malapit na. Malapit na nitong mahuli ang puso niya.

*****

Patuloy pa rin sa paglalaro at paglangoy sa tubig si Portia. At dahil papatapos na


ang buwan ng Agosto, bahagya nang malamig sa tabing-dagat at mabilis ang pagdilim.
Nakaupo sa buhangin sina Grey at Tonya. Nakaharap sa papalubog na araw. Parehas na
may hawak na lata ng beer at umiinom.

Puno ng pagkain ang mesang malapit sa kanila. Nag-aapoy ang siga na bagong sindi.
At nakaumang doon ang ilang stick ng iniihaw na isda.

Bihirang lumingon kay Grey si Tonya. Na hindi malaman ng lalaki kung dahil ba yun
sa naka-swimming trunks na lang siya. Pakiramdam niya ay nahihiya ito. Wala naman
siyang maisip na sabihin o itanong para lang mapalagay ito. If it is him, he's
comfortable with her even with that silence. But he wants to make sure that she's
comfortable, too.

"Ang ganda ng sunset."

Nagkatinginan sila. Magkasabay nilang sinabi iyon. Sa magkaibang tinig pero


magkasabay rin na buntong-hininga.

"Lagi ka bang ganito mag-scout ng location, Direk? Puro pagkain?" tanong ni Tonya
sa kanya.

Nakangiti siyang umiling. "Sa pagkakaalam ko ay kayo ni Portia ang namakyaw ng


iihawin at ng iba pang pagkain kanina."

Nagtawa si Tonya sa naalala. "Spender ang kapatid mo. Oo lang ng oo sa mga nag-
aalok."

Sumang-ayon naman siya. "Yeah. She's spoiled like that. Nasanay."

"Ini-spoil mo?"

"Not me. Our parents." sabi niya, "Malaki ang pera niyan sa bangko. Courtesy of our
parents who separated."

"A... hiwalay ang mga magulang n'yo? Bakit?"

Nagkibit-balikat siya. Paano niya ba simpleng ipaliliwanag sa babae ang tungkol sa


mga magulang niya?

"Just one day, they realized they can't stand each other anymore and annulled the
marriage. May ganun siguro." sagot niyang nakatingin sa babae.

Tumango lang ito. Nakauunawa.

"May ganun naman talaga siguro."

"Parents mo?" balik-tanong niya.

"Patay na Papa ko. Matagal na. Mama ko na lang ang kasama ko."

Napatango siya.
"Ilan kayong magkakapatid?"

"Apat."

"Must have been hard on your mother to raise all of you."

Tumungga si Tonya sa lata ng beer.

"Yes, it is hard. Dalawa kami ni Mama na nagpasan ng lahat ng mga gastos. Hanggang
makatapos lahat ng mas bata kong mga kapatid."

Napatanga siya sa babae. Hindi niya alam na panganay ito.

"O, yeah? Kailan ka nagsimulang magtrabaho?"

"Nung second year college ako." nakangiti si Tonya sa kanya, "Part-time crew sa
fast-food. Hanggang sa maka-graduate ako. Kaya lalong bumagal ang utak ko." mahina
itong bumungisngis, "After that, nagpalipat-lipat ako sa iba't ibang company
hanggang ma-hire sa last job ko. Pitong taon din ako run."

Bumuntong-hininga siya, "That's hard. You've done well."

Natahimik ito sandali, tumingin sa kanya bago tumungo at ngumiti. "Thank you."

Katahimikan.

"E, ikaw? Matagal ka nang nagdidirek?"

"Me? Yeah. But I've got my break six years ago lang. After a DOH commercial."
natawa siya sa naalala, "It was a silly ad. Pero mula roon, nagtuloy-tuloy na. Lalo
na nang back-up-an ako ng mga kaibigan ko who also loves films."
Tumungga sila pareho sa lata ng beer. Hinihintay niyang makuha lahat ni Tonya ang
mga sinabi niya.

"Masyado ka siguro talagang workaholic kaya wala ka pang asawa no?"

Napatingin siya rito. Bahagya itong nakangiti. Walang halong malisya. Like she's
asking matter-of-factly.

"Yeah. Hindi ko namalayan. And now I'm thirty four."

"Pero may girlfriend ka na dati?"

"Yeah. One."

Tumango ito.

"Ikaw? Ilan naging boyfriends mo?"

Bumungisngis ito. Na parang imposible ang tinatanong niya. Napapaisip tuloy siya.
The girl must have really believed herself to be ugly. Pinigilan niyang umiling.

"Si Hans lang ang nagtiyaga."

Nairita siya ng kaunti. Hindi yata tama ang ginamit nitong description. Dahil hindi
nagtiyaga ang lalaki. Iniwan nito si Tonya at pinagnakawan.

"Saka, hindi ko kasi naging priority. Puro ako trabaho lang nun." dagdag pa ni
Tonya.

"At ngayon... priority mo na ba?" tukso niya nang maalalang naghahanap ito ng Sperm
Donor.
Umiling ito.

"Hindi. Sarili ko muna ang priority ko. Yun ang usapan namin ni Mitch."

"Mitch is..."

"Bestfriend ko."

"Ah... And what do you want to do for yourself?"

Malaki ang ngiti ni Tonya.

"Sandali..." anito, tumayo at lumapit sa table nila kung nasaan ang bag nito.
Inilabas nito ang isang notebook, binuksan at iniabot sa kanya.

Naupo si Tonya sa tabi niya. Saka ginamit na pang-flashlight ang cellphone nito.

"Masterplan?" tanong niya sa babae.

Iyon ang nakasulat sa notebook nito. Naka-bold ang mga letra ng salitang:
MASTERPLAN. At pagkatapos noon ay listahan na naka-bullets.

"Magpapayat." basa niya at sumulyap dito.

"Oo. Naka-capslock kasi yan ang pinaka-priority ko." excited na kwento nito.

Napailing siya at napangiti. Saka pinasadahan ng basa ang iba pa.

* To acquire a personality:

- Emo

- Goth
- First Lady

- Flamenco

- ???

Napaisip siya. Sino naman kaya ang nagsabing wala itong personality? Pero hindi
muna siya kumibo at nagbasa pa rin.

* Pumunta sa:

- Palawan

- Bohol

- Tagaytay

- Baguio

- Luneta Park

- Enchanted Kingdom

"Luneta Park? Hindi ka pa nakakapunta sa Luneta Park?" usisa niya.

Tumango naman ito. Sunod-sunod.

"Oo e. Hindi kasi ako nakakasama sa field trip namin dati sa school. Kasi walang
pera. E, nandun pa naman si Rizal."

Humalakhak siya sa sagot nito.

"I'll take you. Para makita mo si Rizal." sabi niya rito.

"Talaga?" namimilog ang matang sabi nito. "Thank you, Goryo!"

"And then, bakit nakalista rin ang Enchanted Kingdom?"

Parang nahihiyang napahawak ito sa basang buhok, "E... nung pumunta kasi kami run
dati ni Mitch, yun yung nawala si Papa e. Kaya... ayun. Umuwi rin ako agad. Hindi
ko na-enjoy."

"Then, I'll take you there, too." salo niya.

"Doon din? Yung iba? Baka gusto mo na rin akong isama?" nagtatawang sabi nito.

"Palawan, Bohol, Tagaytay and Baguio? Mapupuntahan talaga natin. Because we will
shoot there."

Napanganga si Tonya. Natawa naman siya.

"Hindi nga, Direk?"

"Yeah, we're really going."

Tumili ang babae. Napailing naman siya. Saka itinuloy ang pagbabasa.

* Magpalipad ng helicopter

* Sumama sa prusisyon ng Nazareno

* Mag-drive ng kotse

* Makakilala ng artista

* Maging sexy

* Magpaganda

"Gusto mong magpalipad ng helicopter at mag-drive ng kotse?" usisa niya.

"Oo." parang kinikilig na sabi nito saka nanlaki ang mata, "Hala! May helicopter ka
rin, Direk?"

Napasimangot siya. Unfortunately ay wala siyang helicopter.


"Wala."

Ngumuso ito. "Okay lang yun. May kotse ka naman."

Napangiti at napailing lang siya, "You can check yung makakilala ng artista dahil
napapalibutan ka na ng artist-"

Naputol ang sasabihin niya sa tili nito.

"Si Shaun! Si Shaun, Direk!"

"Yeah, artista si Shaun."

"Hindi, Direk! Ililibre niya dapat ako ng dinner ngayon. Pero nasa Batangas tayo.
Hindi ako aabot sa dinner!" natatarantang sabi nito at napatingin sa cellphone.
"Hala! May missed calls na pala ako." pumindot ito sa telepono, "Unregistered pero
baka siya to. Teka, tatawagan ko -"

"Dont!" pigil niya at hinawakan ito sa kamay.

Nakatingin naman sa kanya ang babae. "Kawawa si Shaun, Direk. Mag-i-expect yun."

"What I mean is... wag kang tumawag sa hindi registered na number. Use my
cellphone. Teka..." tumayo siya at nagtungo sa mesa kung saan nakapatong ang
cellphone niya.

Bumalik siya sa tabi ni Tonya at hinanap sa contacts niya ang number ni Shaun.
Tinawagan niya iyon.

"Here." saka niya iniabot sa babae ang cellphone.

"Nagri-ring." sabi nito sa nag-aalalang mukha, "E, anong sasabihin ko, Direk?"
"Tell him you're with me." seryosong sabi niya.

"Hello, Shaun! Si Tonya to!" natigilan ito, "Oo. Yung dinner kasi..."

Pinanonood niya ang babae sa pakikipag-usap. At kahit lakihan niya ang tainga ay
hindi niya maulinig ang sinasabi ng lalaki kay Tonya.

"Kasama ko si Direk e. Dito sa Batangas." she paused, "Oo, sa dagat. Naligo kami.
Tapos, nag-iihaw. May bonfire pa nga!" another paused, "Oy, sorry. Hindi ako aabot.
Sorry."

Pinigilan niyang ngumiti.

"Ha? Teka... sandali." iniabot ni Tonya sa kanya ang cellphone, "Kakausapin ka raw
niya, Direk."

Kumunot ang noo niya. What is there to talk about? Pero kinuha ang cellphone.

"Why?"

"I have something to ask you."

Seryoso ang boses ni Shaun sa kabilang linya.

"What?" tanong niya.

"Are you courting Tonya?"

Nag-igting ang panga niya sa tanong nito.

"No."
"Good." pero hindi relieved ang boses ni Shaun.

"What do you mean good?"

"Because I will court her, Grey."

Sumeryoso ang mukha niya.

"This is me telling you not as an actor to a director but as a man to another man:
that girl with you, I will court her."

"You can't play with her, Shaun."

"I don't mean to play her, Grey. I seriously like her."

Mabigat siyang huminga.

"Not in my set."

"Not your call to tell me, Direk."

At pinutol nito ang tawag.

Curious na nakatingin si Tonya sa kanya nang ibaba niya sa tabi ang gadget.

"Kanino makikipaglaro si Shaun, Direk?"

Nakangiti siya. "Sa isang cute na... pet. Sabi ko, hindi pwede."
"A... akala ko ako yung pinag-uusapan n'yo e."

Mabuti na lang at wala siyang kinakain o iniinom. Kung hindi ay wala sa oras niyang
maibubuga sa tumbok na hula nito.

"Yeah. We're actually talking about you. He wants to court you."

"Ha?"

Mga three seconds atang nakanganga si Tonya.

"Ligaw? Liligawan niya ako?"

"Oo."

Hindi ito kumibo. Parang nag-iisip ng malalim.

"Would you like it? For him to court you?"

"Siyempre! Artista yun e!" walang gatol na sagot nito. "E bakit sabi mo hindi
pwede?"

Hindi siya umimik. Pagkatapos ay nagkibit-balikat.

"Bakit nga?"

"I just don't like it."

Tumawa ito. "Oo nga. Alangan namang may gusto ka sa akin."


Nagkatinginan sila. Matagal. Ito ang unang nagbaba ng tingin.

Alangan namang may gusto siya kay Tonya. Di ba? Kinakabahan siya sa sagot.

"Would you like it? Kung magkakagusto ako sayo?"

Tumingin ito sa kanya. Matagal. Na matagal.

"Bakit yung sa akin pinag-iisipan mo?" naiiritang tanong niya. Sa tanong tungkol
kay Shaun ay walang preno ang sagot nito.

"Naiinis ka ba, Direk?"

At nagtanong pa!

Bumaling siya ng tingin sa apoy ng bonfire. Pinanonood niyang matutong ang mga
isda.

"Oy, Goryo..." anito at kinalabit siya, "Naiinis ka talaga?"

"No. Bakit ako maiinis?" pero hindi siya nakatingin.

Ngumisi ito.

"Naiinis ka e. Wag ka nang mainis."

"Hindi nga."

"Wag ka na ngang mainis." at tumawa ito.

At talagang pinagtatawanan pa siya ng babaeng ito!


"Are you laughing at me?" iritadong tanong niya.

Umiling ito habang pigil na pigil ang paglapad ng ngiti.

"Hindi."

"Tumatawa ka, Tonya."

"Oo. Pero kaunti lang."

"Kaunti? I heard you laughing. At hindi kaunti yun." sabi niya rito. Matter-of-
factly.

"Naiinis ka na uli niyan?" bungisngis pa ring tanong nito.

Napailing siya. Unbelievable!

"Alam mo kung paano ako mainis?" tanong niya rito. Seryoso.

Sumeryoso naman ito.

"Naninigaw?"

Umiling siya.

"E... e di ganyan? Nagde-deny?"

Naubos na ang pagtitimpi niya.


"Yeah... ganito ako mainis..." aniya, ikinulong sa magkabilang palad niya ang mukha
nito at hinalikan ito.

Sandali lang dapat yun. Kaso kasi... nalibang siya. Pulang-pula na ang mukha ni
Tonya nang bitawan niya.

"Ganyan ka mainis?" parang masama ang loob na sabi nito. "Nanghahalik ka?!"

Nagtawa siya sa tono ng pag-aakusa sa boses ni Tonya.

"Why? May problema ba run?"

"Nakakadalawa ka na ha!" pagbabanta nito. Kunot ang noo, namumula at nang-iirap.

Tumaas ng bahagya ang kilay niya. Nagbibilang pala ito.

"Oh yeah?" saka niya panakaw na sinayaran uli ng labi niya ang labi nito, "O, ayan,
tatlo!"

Nakatanga ito sa kanya hanggang sa makatayo siya. Pinisil naman niya ito sa pisngi.

"Hindi mo na 'ko kailangang sagutin sa itinatanong ko." sabi niya rito bago
bumungisngis din.

Nagtatawang bumalik sa tubig si Goryo. #

Chapter 12 : The suitor

A/N : Happy Reading! Salamat sa lahat ng Abangers! :) Saka po pala, pakitingin na


lang sa part ng media. Ang attached photo ni Henry Cavill ay ang pinakamalapit na
facial expression na Goryo: yung everyday mood. Yan po yung look ni Gregory Montero
na pinakamalapit sa imagination ko. Hot or what? Hahaha. XD

-----
"Good morning!" humihikab si Tonya nang dumating sa gym. 6:30 pa lang ng umaga.
Antok na antok pa siya.

Nang nagdaang gabi ay alas onse na sila nakauwi galing sa Batangas. Dahil naiilang
siya sa nangyaring pagbibilang ng halik ni Goryo at dahil ayaw na niyang mamatayan
ng neurons sa pag-iisip kung bakit parehas lang ito kung kiligin at mainis,
nagtulog-tulugan siya sa kotse nito. Nakayakap sa kanya si Portia.

Kahit na nangulit si Portia para doon na siya sa bahay ni Grey magpalipas ng gabi
ay tumanggi siya. Lagot kasi siya sa Mama niya. Aasa iyon na may nagdo-donate na ng
kailangan niya. At tatadtarin siya ng tawag at text. Tapos, makukulele ang tainga
niya sa pagtatanong, suspetsa at konklusyon nito. Tapos, mabablangko at
magpapakamatay ang kakaunting piraso ng utak niya na gumagana. Ayaw niya nun. Kaya
nagpahatid na lang siya kay Grey sa bahay nila.

"Good morning." bati ni Grey sa kanya. Nakasandal ito sa paletrang 'L' na reception
area sa bungad ng malawak na gym.

"Oy, Direk! Good morning!" nakangiting bati niya sa lalaki. Hindi niya alam na
naggi-gym din pala si Direk ng maaga. Ngayon niya lang kasi ito nakita roon.
"Maggi-gym ka rin?"

Hinagod niya ito ng tingin para lang mapalunok. Malambot na shorts na lagpas tuhod
ang suot nito, rubber shoes at ang pang-itaas ay long-sleeve na hoodie. Kung
dadagdagan ng ngiti ay kumpletong knock-out na sa lahat ng makakakita ang
kagwapuhan nito. Pero kahit seryoso ang mukha ay nakasunod pa rin ng tingin ang
lahat ng mga babae roon. Pati na ang mga akala niya dati ay lalaki.

"I'm here for you. We're going to replace your instructor, remember?" simpleng sabi
nito at matipid na ngumiti.

"Ah... E di, hindi ka maggi-gym?" tanong niya pa rin.

"I could stay for an hour or two. So I could check on you, too."

Dama niya ang paglipat ng tingin ng tatlong babae sa reception counter at ang
lalaking naroon. Parang bumaon sa pagkatao ni Tonya ang init ng mata ng mga ito. At
nairita siya sa pagpasada ng tingin sa kanya mula sa ulo hanggang sa paa.
"Bakit kayo nakatingin?" nakangiting tanong niya.

Ngumiti ang mga ito sa kanya. Pero bakit parang nakakainis pa rin?

"Yeah. Why are you staring at her like the mob?" tanong ni Grey. Seryosong
nakatingin sa mga ito.

"Wala naman po, Sir. Napapaisip lang kami kung may relasyon kayo ni Maam."
pasimpleng litanya ng pinakamalapit na babae kay Grey.

Parang hindi nagustuhan ni Goryo ang sinabi nito. Kasi parang nakita ni Tonya yung
dilim na sinasabi ni Boom; yung tingin ni Direk na parang babagyo. At ang target ng
bagyo ay ang babaeng nagsalita.

"Pero, Sir... it's none of my business naman po." sabi ng babae kahit na wala pang
sinasabi si Grey. Namumutla ito.

Matipid pero hindi friendly ang ngiti ng direktor.

"Could we get down to business, then?"

Tumango ng halos sabay-sabay ang apat na nasa reception. At bilib na bilib si


Tonya! Iba-ibang level pala ang kaseryosohan at katatakutan na kayang ibigay ng
lalaki sa iba't iba ring tao. Parang hindi ito ang maharot na lalaking nahipan ng
hangin ng Batangas nang nagdaang araw!

"Yes, Sir! Ilan po bang instructor ang papalitan natin?" alertong salo ng lalaki sa
reception at pumindot sa computer.

"We want to replace her instructor. His name is..." bumaling ito sa kanya, "What's
your instructor's name?"

"Dennis." simpleng sagot niya rito.


"That." anito sa mga kausap.

Pindot. Sulyap. At kaunting bulungan.

"Sir, tatawagin lang po namin si Dennis." sabi ng lalaki.

Tumango lang si Grey at namulsa.

Kinalabit niya ito.

"Mmm?" baling nito sa kanya.

Bumungisngis siya. Bumulong.

"Grabe ka manakot, Direk! Parang hindi ka naglalandi kahapon."

Nakita niyang pinigilan nito ang paglapad ng ngiti sa labi.

"Shh..." ganting bulong nito, "- it's better this way."

Nagpatuloy siya sa pagbungisngis. She likes this mood, too. Ilang tao naman kaya
ang nakakaalam din ng ganitong mood ni lalaki? Inside, she's hoping she's the only
one.

*****

9:30 na nang makarating si Tonya sa set. Sa tulong ni Grey ay pinalitan nga nila ng
babaeng instructor si Dennis. Ang sabi ng bagong instructor, ayon daw sa health
chart niya at sa diagnosis na ginawa bago siya nag-enroll sa gym, she's safe to
lose 2-3 kilograms maximum per week. No more than that. At hindi lang sa exercises
iyon kundi pati sa tulong ng tamang diet. At naging maligaya siya nang malamang
hindi naman pala siya magugutom ng wagas para lang pumayat. Pero may mga pagkaing
ipagbabawal at tatanggalin sa daily intake niya.

Ang agad niyang naintindihan: hindi siya magugutom at papayat siya ng hindi
namamatay.

Pagkatapos din ng dalawang oras ay naunang umalis si Direk kaysa sa kanya. Inihatid
niya ito ng isang masiglang kaway. Bago siya kinuyog ng mga babaeng gusto raw
makipagkaibigan sa kanya at nagtatanong kung may kapatid pa ba si Direk. O kahit
pinsan lang. Ikinuwento naman niya si Portia. At dahil hindi niya alam kung may
pinsan si Direk ay wala siyang maisagot. Nag-alisan na ang mga ito nang maisip
niyang lalaki palang kapatid ang hinahanap ng mga ito.

As usual ay sinalubong siya ni Boom bago pa makapasok sa staff room. Pero mas
mataas kaysa sa karaniwan ang kilay nito ngayon. Hinagod siya ng tingin mula ulo
hanggang paa. Saka nagmamagandang pumunta sa likuran niya at -

"Abo! Ang ponytail! Kailangan nating itirintas at itali ng mabuti ang humahabang
buhok nito ni Tonya!" sabi ni Boom at umakto nga na nagtitirintas ng buhok niya.

"Naman!" patiling sabi ni Abo at umakto naman na parang nag-aabot ng ponytail. May
inipit pa kunwari itong panali sa kili-kili, sa hita, sa singit at sa bibig. "Grabe
e! Hindi ka pa nagpapa-salon niyan ha! Pero mahabang mahaba na ang buhok mo!"

Napakurap naman siya. Salon. Ang salon appointments niya! Nawala sa isip niya ang
lahat ng appointments niya kahapon dahil sa pagtatampisaw sa Batangas!

"Hala! Lahat ng appointments ko, hindi ko napuntahan kahapon!"

Nagkatinginan sila Boom at Abo. Napailing.

"Panira talaga ng moment to minsan si Tonya e. Iba ang agos ng topak!" sabi ni Abo.

Nagpahaba naman ng nguso si Boom. "Hindi mo na siguro kailangan magpasalon. Kasi


mahaba na yang buhok mo!"

"Ha? Kailangan kong magpasalon! Saka... maikli lang ang buhok ko! Ang dry pa."
katwiran niya. Hindi ba nakikita ng mga ito kung paano minsan bumuhaghag ang buhok
niya? At ang split ends ha!

Umikot ang mata nina Abo at Boom.

"Ilabas ang bouquet!" parang anunsyo ni Boom at inilahad ang kamay nito sa kasama.

Tumalikod naman si Abo at umalis na nagmamartsa. Pagbalik nito ay may bitbit nang
isang dambuhalang bouquet ng iba't ibang bulaklak!

"Ang bouquet!" anunsyo ng bakla bago iabot sa kanya ang mga bulaklak na hawak.

"Teka..." aniya at sinalo ang bulaklak. Halos tabunan ng bouquet ang pagmumukha
niya.

"Baklita ka! Hindi muna sana yung bouquet! Yung card muna dapat ang ipinakita mo!"
dinig niyang boses ni Boom bago marinig ang sunod-sunod na malalakas na tampal. Sa
tingin niya ay binubugbog na naman nito si Abo.

"E... sabi mo ang bouquet!" reklamo ni Abo rito.

"Bakla! Natotonya ka na ba? Si Tonya lang ang may karapatang maggaganyan!" saway ni
Boom.

"Oy, teka!" hindi makita ni Tonya ang dalawang nag-uusap, "Wag n'yo 'kong gawing
patungan ng bulaklak. Para kanino ba 'to?"

"Sayo po, mahal na prinsesa!" sabi ni Boom na lumapit at kinuha sa kanya ang
bouquet. "May card na nakakabit. Pakibasa."

Hinanap niya ang card na tinutukoy nito. At binasa ang nakasulat:

For Tonya,
My new definition of sexy and beauty. Please accept.

- Shaun

Nauna pang tumili si Boom na nakikibasa rin. Gulat siyang nakatingin dito.

"Sinong Tonya to? May kapangalan ako rito sa set?"

Iyon na naman ang 'Wow, Mali!' look ni Boom. Gumaya rin si Abo.

"Ikaw ang nag-iisang Tonya rito, Tonya! Ano ba naman..!"

Bumungisngis siya, "E... kasi. Sexy at beauty raw e."

Nagmartsa sa magkabilang tagiliran niya ang dalawang bakla na parang nakagwardya.

"And the title of Ms Universe and the new bearer of this crown is none other
than..." intro ni Abo.

"Ms. Tonica Grace Atienza!" magkasabay na sabi nina Abo at Boom. Pumalakpak pa ang
mga ito.

Pagkatapos ay umakto na parang sinusuotan siya ng korona bago iabot uli sa kanya
ang bouquet.

"Sayong-sayo talaga yan, Tonya. Kabilin-bilinan ni Shaun na ibigay agad sayo since
nagpi-prepare na siya sa Dressing Room niya. At baka ma-miss ka raw niya." kwento
ni Boom.

"True! Paulit-ulit nga ang bilin ni baby Shaun. Nakakatorete."


"That's because I like her." singit ng isang boses sa likuran.

Napalunok si Tonya. May spotlight kasi na dumaan sa likod ng kadarating lang na si


Shaun kaya nagliwanag ito sa paningin niya. Naningkit ang mata niya sa pagkasilaw.
At nang luminaw ang imahe ng lalaki, tumugtog ang OST nito.

"Ahem." sabi nina Abo at Boom at nag-backstep.

Lumapit sa kanya si Shaun. Nakangiti.

"Sorry uli sa dinner kagabi." sabi ni Tonya. Inayos niya ang pagkakahawak sa
malaking bouquet. At iniwasang mapaurong. Malapit na kasing dumikit sa katawan niya
ang lalaki.

"That's okay. Pwede naman siguro nating gawin sa ibang araw?"

"A..."

"Libre ko pa rin."

Hindi siya makatanggi sa ngiti nito. At sa libre! At kasi naman... ang gaganda ng
bulaklak! Lalo na nang dedication.

My new definition of sexy and beauty. Di ba ang translation nun ay maganda siya at
sexy? Sa paningin ni Shaun? Bakit tumatalab sa kanya? Noon lang siya nasabihan ng
combo ng sexy at beauty. Madalas, beauty at bubbly. Beauty at huggable. Beauty at
mabait. Pero ang beauty plus sexy, ibang level yun ng compliment!

"Sige." saka niya naisipang magtanong, "Ang ibig sabihin ba nito... totoo yung
sinabi ni Direk sa akin na... na ano... ano raw..."

Hindi niya maituloy ang sasabihin. Paano kung mapagtawanan siya dahil hindi naman
pala totoo ang sinabi ni Direk? Pero hindi naman sinungaling si Grey hindi ba? At
lalong hindi naman ito bingi para magkamali ng dinig?
Pero teka... Oh no, baka nga bingi si Direk?! Hindi niya pa na-check.

"Na liligawan kita?" tanong ni Shaun.

Napalunok siya. Muntik naman mahimatay ang dalawang baklang nakikiusyoso.

"Oo. Sabi mo nga raw... ano. Yun. Manliligaw ka. Raw. Pero baka mali ng dinig si
Direk... saka-"

"Totoo, Tonya. I wanted to court you. Okay lang ba?"

"Okay lang... kung totoo kang manliligaw?" ulit niya. Parang nabibingi rin kasi
siya.

"Yes. Kung okay lang kung manliligaw ako. Sayo. Tonya." dahan-dahang sabi nito at
nakangiti ng maluwang.

Paano naman siya tatanggi sa ganung ngiti? Mabenta nga ang toothpaste commercial ng
lalaki sa lahat ng edad dahil lang sa ngiti na yun! At ilang tao ang naengganyong
magpadentista para makopya man lang ang kutitap ng ipin nito! At ang lips..!

Okay lang naman siguro, di ba? Wala naman siyang boyfriend. At si Direk naman...
hindi naman niya boyfriend, di ba? Ano lang...

Ano lang ba niya si Direk? At bakit niya ito iniisip sa pagtatanong ni Shaun?

"Tonya? Pwede ba kitang ligawan?" ulit ni Shaun. Ngumiti at, "Please?"

Panay ang tango nina Boom at Abo sa likod. At nakatingin na ang ibang mga crew sa
kanila ni Shaun. Nakangiti ang iba. Nagtataka ang iba. At ang iba, nagbubulungan.

Anong iniisip nila? At anong iisipin nila?


"E... pinagtitripan mo ba 'ko? Bakit ako?" kinakabahan niyang tanong kay Shaun.
Unti-unting nakakaramdam ng takot, ng pagkasukol. Pakiramdam niya ay ilalagay niya
ang sarili sa kahihiyan. Na baka nag-aambisyon lang siya. O nag-iinarte.

Hinawakan ni Shaun ang libreng kamay niya. At naramdaman niya ang panlalamig ng
kamay nito.

"Damn... you feel that?" nakangiting sabi nito, "I'm nervous asking you, too."

Translation: Kinakabahan din ito?

"Hindi kita pinagtitripan, Tonya." seryoso na ang mukha nito. Abot ang seriousness
sa mga mata.

"E... bakit ako? Yung ka-loveteam mo na lang kaya?" aniya at ngumuso sa set kung
saan nakaupo at nakatingin din si Lauren.

"Paano ko gagawin yun e ikaw yung gusto ko?"

Paano? Siya yung gusto? Na-traffic ang neurons niya.

"Ha?"

"I like you. Since day 1. Nung sinabi mo sa aking hindi naman ako sikat kasi hindi
mo pa ako kilala. Since that day, gusto na kita."

Hindi siya makapagsalita.

"Kaya gusto kitang ligawan."

Natuyo ang lahat ng likido sa katawan niya. Lalo na dahil nakapako ang tingin ng
lahat ng tao sa kanila.
"And everyone's staring now. If I am just joking, this is the right time to tell
them that I am. Kaso, hindi ako nagbibiro. I seriously want to court you."

Nakatingin siya sa seryosong mukha ni Shaun. Mukha ngang hindi ito nagbibiro.
Pero... bakit ang hirap sabihin ng 'Oo'?

Puro tahimik na 'Go' ang ibinubuka ng bibig nina Abo at Boom. Naghihintay naman
siya sa paglitaw ni Direk saanmang parte ng set. Pero wala.

At bakit ba niya iniisip na lilitaw ito?

"S-sige. Seryoso ka e." naiilang na sagot niya.

Nagulat siya ng yakapin siya ni Shaun. Malapad itong nakangiti sa kanya ng bumitaw.

"You seriously made me sweat!" pagkatapos ay lumamlam ang mata nito sa


pagkakatingin sa kanya, "But it's okay. Because I like you."

Nakangiti lang siya rito. "Salamat sa flowers. I like it."

"Soon, hindi lang flowers ang magugustuhan mo. I hope you'll like me, too."

Namula siya sa lagkit ng titig ng lalaki.

"I got to get back to my room. I still need to study my script. I just want to make
sure you like the flowers. And that... I can give you more on the days to come."

Tumango siya. "I really like it. Good luck, Shaun."

"Yeah." sabi nito at tumalikod. Para lang bumuwelta sa kanya.


"Will you give me a good luck charm?"

"Ha?" hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Hindi siya nagdadala ng good luck
charms kaya wala siyang maibibigay rito. "Hindi ako nagdadala ng mga charms e."

Napapailing ito. "I mean..."

Lumapit ito. Malapit na malapit. At mabilis. Ni hindi siya nakapikit. Pero damang-
dama niya ang paglapat ng labi ni Shaun sa labi niya. Mainit, matamis at...
maraming hindi maintindihan na pakiramdam ang sumalakay sa kanya.

"- this." anas nito nang humiwalay ang labi sa kanya. Nag-init ang pisngi niya na
hinaplos pa nito ng hinlalaki nito. "See you later, Tonya."

Napalunok rin siya. Habang luluwa ang mata ng lahat ng mga tao sa set. Nang
tumalikod na sa kanya si Shaun ay parang mga langgam na naggalawan para magtrabaho
ang mga usiserong crew. Patuloy siya sa pamumula. At mabilis ang tibok ng puso
niya. Dahil sa pagkagulat, kaba, at... kilig. Dinumog siya ng crew sa pamumuno nina
Abo at Boom. Tinatanong kung masarap ang kiss.

"Masarap!" nagmamadaling sagot niya saka mabilis na lumakad papunta sa opisina ni


Direk.

She feels the need to see him immediately. Lahat ng tao sa set nagpunta para manood
sa kanila ni Shaun. Pero ni hindi ata ito sumilip.

Nadatnan niyang nakaupo si Grey sa mesa at hawak ang script.

"Direk! G-good morning..."

Galit kaya ito? Inis? Pagagalitan kaya siya? Pero malamig ang ekspresyon nito nang
lingunin siya. Napansin niyang naka-tshirt at jeans na lang ito. At seryoso ang
mata.

"Hey."
Katahimikan.

"Direk... ano... si Shaun... a... tama ka nga. Manliligaw nga siya."

Nakalingon pa rin ito. Pero wala siyang maintindihan sa facial expression nito.

"I heard."

"Nakita mo ba? Sumilip ka ba? Nung... ano. Nung nagtanong siya?"

Ibinalik nito ang mata sa papel.

"Not interested, Tonya."

Hindi niya alam ang sasabihin bukod sa -

"Ano... ano kasi... pumayag ako. Okay lang ba yun?"

"Not my business, too."

"E... pero kasi... di ba... " kinagat-kagat niya ang labi sa tensyon, "Sperm donor
kita e. Baka... magalit ka."

"I didn't accept your proposal, yet." parang may angil na sabi nito, "Maybe you
should ask Shaun to be your donor. Maganda rin ang lahi ng mga Mercache."

Ni hindi siya nililingon ni Grey habang nagsasalita ito. At mukha ngang hindi ito
interesado. At bakit naiirita siya? At naiinis na rin? At bakit kumikirot ng
bahagya ang puso niya?

"Oo nga pala. Hindi ka pa... pumapayag." sabi niya at nalaglag ang balikat. Pinilit
niyang ngumiti habang humihigpit ang hawak niya sa mga bulaklak.

"Right. At hindi ako interesadong malaman kung anong estado ninyo ni Shaun. So
leave me out of it." may diing sabi nito.

Napalunok siya.

"Okay. Sorry."

Tumayo si Grey at akmang lalabas ng silid.

"Tell the actors that we will shoot in twenty minutes. I'll check one last time
around the set." walang emosyong sabi nito at lumabas ng silid.

Mabigat na sumara ang pinto ng opisina.

Pinukpok niya ng sariling kamao ang noo.

'Ano bang iniisip ko? Hindi pa nga pala siya nagko-confirm kung magiging donor ko
siya. And of course he's not interested about me and Shaun.' alanganin siyang
nangingiti. At naiinis. 'Think. Focus on work.'

Nasa kalagitnaan siya ng pagpapakalma sa sarili nang maalala ang kape ni Direk.
Baka naman masungit ito dahil hindi pa nagkakape? Napatingin siya sa kwadradong
mesa kung saan din madalas nakapatong ang kulay tsokolateng mug. Wala.

Ibinaba niya sa bangko ang bouquet na hawak at naghanap. Saan naman kaya napunta
ang kapehan?

Hanggang makita niya ang hinahanap sa ilalim ng mesa. Basag-basag ang tsokolateng
mug ni Direk. At mainit pa ang kape na umaagos mula roon.

'Hindi man lang niya sinabing basag ang mug niya? Saan ako magtitimpla ng kape
ngayon?' tanong ni Tonya sa sarili.
At bakit ba ganun na lang kalamig ang mood ni Goryo? Na pakiramdam niya... may
kasalanan siya dito? Wala naman, di ba? #

Chapter 13 : Panda

-----

"N.G!"

Pang-ilang sigaw na iyon ni Grey. No Good ang eksena. Ipauulit nito. Na naman.
Lahat ng crew sa set ay pinagpapawisan na. Mula nang nagsimula sila ay may hindi
nakikitang tensyon. Si Shaun lang ang ganado at mukhang walang pakialam sa
pagpapaulit-ulit dito.

Sa paningin ni Tonya ay para ngang may bagyong nasa mukha ni Gray. At parang Signal
number 4 iyon. Kunot na kunot ang noo nito. At kada buka ng bibig ay para magbigay
lang ng iilang salitang instruksyon. Bibihira rin itong sumulyap sa kanya. Na sa
tingin niya ay dahil sa wala siyang maiabot na kape. Balak niyang sa lunch break
umalis at bumili ng kapalit na mug para sa lalaki. Pero hindi niya mapaniwalaang
iinit ng ganun na lang ang ulo nito dahil lang sa kawalan ng kape.

At ano ang problema sa eksena ni Shaun? Ang alam ni Tonya ay scene 32 lang iyon.
Ang sabi sa script at nakaupo lang sa kama si Lauren. Kinakabahang naghihintay.
Tapos, lalabas si Shaun mula sa banyo ng condo na bagong ligo at basa pa ang
katawan. Hubad naman na si Shaun. At basang-basa na rin. Hindi rin naman mahirap
para rito na magbukas ng pinto at mukhang gwapong lumabas doon. Dahil gwapo naman
talaga ang lalaki. Nag-aalala tuloy si Tonya. Baka sipunin si Shaun sa lamig. At
mangayayat ang abs nito.

Kumalabit siya kay Boom.

"Anong problema uli?"

Bumulong naman ang tinanong. "Hindi kontento si Direk sa entrance ni Shaun. Gusto
niya raw mukhang basang-basa. E, basang-basa naman na nga ang abs. Charap." saka
nagningning ang mata ni Boom at parang namasa ang tagiliran ng labi nito.

"Masarap?"
Umiling ito. Umiwas. "Hirap. Mahirap yung nilalamig si Shaun."

Mahina siyang tumatawa habang bumubulong, "Ang akala ko, sinasabi mong masarap yung
abs ni Shaun e."

Umirap lang ang bakla sa kanya. At natigilan sila nang maramdaman ang matalim na
tingin ni Grey. Agad lumapit si Boom dito.

"I want oil. Para sa lead." narinig niyang utos ng lalaki.

"Oil po, Direk. Sige po." tumalimang sabi ni Boom.

"Para san ang oil?" tanong niya sa dumaang bakla.

"Para ma-highlight ang wetness ng muscles ni baby Shaun. At magbutil-butil ang


tubig. At mas lalo siyang sumarap!" malanding sagot ni Boom.

Natawa lang siya. Lalo na nang mangilig ang bakla. Hindi niya gustong malaman kung
ano ang nasa imahinasyon nito. Nakasunod lang siya ng tingin.

Nakipag-usap ito sa manager ni Shaun na si Tita Renee. Si Tita Renee ay isang


matangkad na lalaking walang bigote at mahilig sa t-back. Naghalungkat ang mga ito
sa malaking bag na dala ng may edad na babaeng Personal Assistant ni Shaun. Maya-
maya pa ay lumapit ang manager at si Boom sa lead. May hawak na botelya ng langis
ang mga ito.

"Rub oil into him." malamig at authoritative na utos ni Direk. Pagkatapos ay


bumalik ang mata nito sa monitor na nasa harapan.

Papahiran na sana ni Tita Renee ng langis ang katawan ni Shaun nang marinig ni
Tonya ang pangalan niya. Papalapit sa kanya si Tita Renee. Nakatingin naman sa
kanya ang mga tao sa iba't ibang paraan. May parang galit na tingin. May tinging
hindi niya maintindihan. At may tingin na parang nag-aakusa.

"Pwede bang ikaw ang magpahid ng langis sa alaga ko." sabi ni Tito Renee na
inilagay sa kamay niya ang botelya ng langis.

Itinuro ni Tonya ang sarili. "Ako ho? Bakit... ako?"

Nagkantiyawan sa set.

"Tonya! Ay lab yu!"

"Ang haba ng buhok mo, chubby!"

"Go, Tonya! Go, Tonya!"

"Ipisil mo 'ko sa abs!"

"Teka..." sabi niya kay Tita Renee na kinabit siya sa braso at hinihila palapit sa
set at kay Shaun.

"Maswerte ka, chubby. Kaya wag ka nang pumalag. He wants you so I will give you to
him!" seryosong wika ng manager.

Napapalingon siya kay Grey na nakasunod ng tingin at lalong dumidilim ang mukha.
Pero hindi siya makahingi ng tulong. Kasi... inuutusan lang naman siyang lagyan ng
langis ang katawan ni Shaun, di ba? Wala namang panganib.

"Go, Tonya! Take care of Shaun!" kahit ang magandang si Lauren ay nangangantiyaw.
Malaki ang ngiti nito.

Wala siyang nagawa nang nakatayo na siya sa harap ni Shaun. Nakangiti ito sa kanya.
Na hindi niya malaman kung saan siya titingin. Hubad na hubad ang lalaki sa harapan
niya. Tuwalyang maliit lang ang nakatapis dito. At kahit na alam niyang may
maiksing shorts ito sa loob, hindi siya mapalagay. Lalo na sa dami ng taong
nakatingin.

"Bakit ako pa ang maglalagay?" mahinang tanong niya rito.


Nagtawa si Shaun. "Why not?"

"E kasi..."

"Then, how about this reason? You do this for me para sulit naman na nilalamig ako
rito sa set. Para kahit magpaulit-ulit ako, okay lang. And..." ikiniling nito ang
ulo, "- we're always busy. So I have to grab every chance I could to get close to
you."

Translation: Lalandiin kita dahil malamig? Lalandiin kita basta may chance?

Nagugulo ang translation ng mga naririnig ni Tonya. Sa tagiliran kasi ng mata niya
ay nakikita niya ang madilim na mukha ni Goryo. At napapaisip siya: dahil lang ba
sa kawalan ng kape iyon? Bakit parang sa kanya ito nagagalit?

"A..." alanganing sagot niya kay Shaun, "Seryoso ka talaga?"

Nakangisi lang ito. "Yes. And I think you'll have a good time rubbing oil on me."

Hindi niya makuha ang sinasabi nito... hanggang mapatingin siya sa hilera ng
pandesal na parang ipininta sa sikmura nito. Hahaplusin niya rin ba iyon? Ng kamay
niya na may langis? Nakaka-excite... er, nakakahiya.

"Come on." may tango pang sabi ng lalaki at umayos ng tayo.

Patuloy na nangangantiyaw ang mga nasa paligid. Pero hindi na umaandar ng maayos
ang translator ni Tonya. Nagsimula na kasi siyang magbubo ng oil sa magkabilang
palad at ipahid iyon sa hubad na katawan ng kaharap na lalaki.

Habang sumusukat ang kamay niya sa paglalagay ng langis sa braso at balikat ni


Shaun.

"Naka-first base ka na kay Shaun! I-second base mo na!"


Translation: Wow ang... biceps.

Habang nagmamasahe ang palad niya sa dibdib nito ay itinikom niya ang bibig. Baka
may tumulong laway.

"Ipisil mo 'ko, girl! Please!!!" si Abo ata iyon.

Translation: Lalala... Oh lalala!

Hindi na maintindihan ang ekspresyon sa mukha niya habang bumababa ang kamay niya
sa sikmura ni Shaun. At kumakapa sa hilera ng masel na nadadaanan niya.

"Ibaba mo pa!!!" iba't ibang boses iyon ng bading, lalaki at babaeng parang
nagwawala.

"Sasabunutan na kita, Tonya!!! Syet ka!!!"

Translation: ... ... ...

"You have gentle hands." bulong ni Shaun at hinawakan ang kamay niya.

Napakurap siya. Napatingala sa lalaki. Makulit ang ngiti nito pero maamo ang mata.

"And you're warm." dagdag pa nito na nagpapula sa pisngi niya. Hindi siya makaalis
sa titigan nila.

"And... you're so cute when you're tensed." sabi pa nito at pinisil siya sa ilong.

Natawa naman siya nang nahihiya. Magka eyes to eyes sila ng mga 1, 2, 3, hanggang
hindi mabilang na segundo nang -

"Tonya!" si Grey iyon.


Natigil ang mga kumakantyaw. Nawala siya sa titigan nila ni Shaun. Lahat sila ay
napunta ang mata sa direktor. At ang dating dilim ng mukha nito ay biglang
nablangko at nawalan ng ekspresyon.

"That's enough. We will shoot. Get back here."

Seryosong tumingin si Shaun kay Grey habang hawak pa rin ang isang kamay niya.
Nagsalubong ng tingin ang dalawang lalaki. Sumulyap siya kay Shaun. Tapos kay Grey.
Tapos kay Shaun uli. Bakit parang nagte-telepathy ang dalawang lalaki? Anong pinag-
uusapan nila?

"Babalik na raw ako run." sabi niya kay Shaun at ngumiti.

Nakangiti rin ito. "Hey..."

"Ano?"

"Sabay tayong mag-lunch?"

Napatingin siya kay Direk na nakatingin din sa kanya. Tapos kay Shaun.

"Hindi pwede e."

Nagkatinginan uli sina Shaun at Grey. Parehong seryoso.

"May pupuntahan kasi ako mamaya." dagdag pa ni Tonya.

Ngumiti naman si Shaun at makahulugang sumulyap kay Grey.

"Ah! I guess that's okay."


Tumango lang siya sa lalaki at bumalik sa tabi ni Direk.

"Standby!" sigaw ni Direk bago mainit ang ulong sumigaw, "Buhusan uli ng malamig na
tubig ang lead! Yung basang-basa!"

*****

"Since when are you here, Adam?" tanong ni Grey sa lalaking naghihintay sa kanya sa
opisina at komportableng kumakain ng ubeng halaya.

"Since you're power-tripping over your lead." makahulugang sagot nito, "I watched
you on the side."

May caramel brown eyes ang lalaki. Halos kasing-tangkad niya. Nakakamiseta lang ito
at jeans tulad niya. Sa tagiliran ng pwesto nito sa mesa ay may isang handheld
camera.

"I'm not power-tripping. The script says that he has to look delicious while wet.
Yun ang sinubukan kong kunan." sabi niya rito at ibinaba ang script sa kwadradong
mesa sa opisina. Hindi niya maitago ang pagkakabuhol ng kilay. "And why are you
here again?"

"To meet your assistant. And I brought lunch for everyone."

Sinulyapan niya ang pagkaing nasa mesa na para sa kanya. May tatak iyon ng mahal na
restaurant.

"Tonya's out. She rushed as soon as I called lunch." sagot niya, binuksan ang pinto
ng opisina at tinanaw ang mahahabang mesa kung saan madalas nagkakainan ang crew.

Sa unahan ng dating mahahabang mesa ay may buffet. Ng parehong mahal na restaurant.


Na ni hindi niya napansin kanina.

"I'll wait for her, then. I have to capture her. Erin is very curious about her."
Napailing siya sa kaibigan.

"Hindi ko alam kung anong oras siya babalik."

"Of course she'll be back before lunchtime is over. I heard she's very hardworking.
Surely, she won't let herself be gone for too long."

Hindi siya kumibo.

"Eat, Direk." aya pa ni Adam.

Tinatamad siyang naupo at binuksan ang take-out lunch na para sa kanya.

"It's salad and chicken strips. I know you don't eat heavy when you're jealous."

Masama niyang tiningnan ang kaibigan.

"What do you mean jealous, man?"

Nagtawa ito. "You're too obvious. I pity Shaun. He should know better than to court
a girl who's already on your side. And you're his director. He should be mindful
about you because he is at your mercy. But he won't give up just like that. I think
he really likes your assistant. You're both fun to watch."

Napailing siya. Ayaw niyang makipag-argumento. Kaibigan ni Adam si Shaun. At


kaibigan niya si Adam. Pero hanggang doon na lang iyon. So far, until yesterday,
his relationship with Shaun are purely professional. Today, it's personal.

"I told him he can't court her in my set! He didn't listen. He should really watch
out." matigas na sabi niya.

"Then, does that mean you're going to let him court her outside your turf? I don't
think so." sagot nito sa kanya sa nanunudyong mata.

"Whatever, Adam." aniya at sumubo ng vegetable and chicken salad. Kape na lang ang
kulang.

At kasabay sa pagkain.

It's good to eat with Adam. But he's more comfortable with Tonya. Napapasulyap
tuloy siya sa pinto.

Damn. He looks like he's waiting for her to come.

Bumukas ang pinto. At nakangiting bumungad si Tonya na may hawak na kakaibang mug.
Muntik naman siyang masamid sa kinakain. She really came!

Pero natigilan ang babae sa pinto nang makita si Adam.

"Hi!" masiglang bati ng kaibigan sa babaeng bagong dating. Kumaway pa ito.

"Hi!" maliit ang kaway ni Tonya. Lumapit ito sa mesa. Ibinaba ang mug na hawak.
"Kape po, Direk."

Napatingin siya sa kape. Bago ang mug. Malaki ang sticky note na nakadikit. Curious
namang nakatingin si Adam sa kape at sticky note. Mukhang balak nitong usyosohin.
Masama niya itong tiningnan.

Hinila niya ang note at binasa: Love takes off masks that we fear we cannot live
without and know we cannot live within.

Walang kahulugan iyon. Sigurado siya. At umiinit na naman ang ulo niya.

"Kaibigan ka ni Direk?" tanong ni Tonya kay Adam. Nakangiti ang babae rito.
"How did you know?" amused na tanong ng kaibigan. Sumusulyap sa kanya.

"Hindi siya basta-basta nasasabayan kumain e. Saka..." mahina itong tumawa, "-
parehas kayong gwapo."

Malakas na tumawa si Adam. Napailing naman siya.

"I'm Adam Ledesma. I'm one of the producers." sabay abot ng kamay.

"Tonya." sagot nito habang nakikipagkamay. Pagkatapos ay napatingin sa kanya.

Umiwas naman siya ng tingin.

"I heard Shaun is courting you?" usisa ni Adam dito.

Nagpatay-malisya siya. Sumubo ng salad.

"Oo." parang nahihiyang sagot ni Tonya. Nakikita niya ang pasimpleng sulyap nito sa
kanya.

"Why did you allow him? Wala bang magagalit?"

"E..." sumulyap si Tonya, "- wala naman. Wala naman akong boyfriend e."

"How about Grey?"

Pinukol niya ng matalim na tingin si Adam. Nakangisi lang ito.

"Ano si Grey?" kunot-noong tanong ni Tonya bago, "Naku! Hindi ko boyfriend si


Goryo!" sabi nitong iwinawasiwas ang dalawang palad kay Adam, "- kahit may ano...
hindi ko siya boyfriend."
Wala sa oras niyang nalunok ang salad. Napatingin kay Tonya.

"Anong ano?"

"Ano... yung, nag-demo siya kung paano siya kiligin. Saka, kung paano siya mainis.
Pero... demo lang naman yun. Hindi ko siya boyfriend."

"Wow..." nakangising sabi ni Adam at sumulyap sa kanya, "Interesting. Paano siya


kiligin?"

"E..." napapalunok si Tonya, "Secret namin yun e. Sorry."

"Let me take a guess, then. Come here." aya nito kay Tonya para lumapit. Nang
lumapit pa ang babae ay binulungan ito ni Adam.

Nakatingin naman siya. Ano naman kayang kalokohan ang sinasabi ng gorilya rito?

"So... is that it?" tanong pa ni Adam nang matapos bumulong.

Nanlaki ang mata ni Tonya. "Wow! Paano mo nalaman?"

Muntik na niyang maibuga ang kinakain.

"Hey, Adam!" saway niya rito.

Nagtawa lang ang kaibigan sa kanya. Pagkatapos ay naiiling na pumalatak.

"Direk, nahulaan niya lang ha. Hindi ko sinabi."

Masama niyang tiningnan si Tonya. Natahimik naman ito. Yumuko.


Katahimikan.

"Wow. That mug is cute." komento ni Adam. Iniiba ang usapan.

Napasulyap naman siya sa kabuuan ng mug. Dahil wala na ang sticky note ay kitang-
kita na ang disenyo nun. May mukha iyon na nakangiti. At tainga. Kulay itim at
puti. Isang Panda.

Bakit Panda ang bago niyang kapehan?

"What's this?"

"Panda po, Direk."

"I know. But why this mug? Wala bang kaparehas lang nung mug ko?"

"E..." parang naghahanap si Tonya ng isasagot, "- buy one take one kasi yan, Direk.
Kaya kinuha ko."

"But I don't need two mugs." giit niya. Seryoso.

Natigilan si Tonya. Interesado namang nakikinig si Adam. At nakita niyang pasimple


nitong iniharap ang camera sa gawi ni Tonya.

"Wait po, Direk." sabi ni Tonya at lumabas ng opisina.

Ilang sandali lang ay bumalik ito na may hawak na isa pang Panda mug na may tsaa.
Nakasabit pa ang etiketa ng tsaa sa labi ng baso. Itinabi nito ang hawak sa mug
niyang may kape. Ang mukha ng Panda sa mug na may tsaa ay nakanguso na parang
humahalik sa mug na may kape.

"Ayan po sila, Direk, nung binili ko. E... ang cute, di ba?"
Hindi siya umimik at napapantastikuhang nakatingin lang sa dalawang Panda mugs.

"Tapos... since hindi n'yo nga kailangan ng isa pang mug, sa akin yang isa."
awkward itong ngumiti. Sa kanya.

Natigilan siya sa sinabi nito. Sumulyap sa ngiti nito. Tapos sa Panda mug.

"Tig-isa tayo, Direk. Cute naman, di ba?"

Good grief. Binigyan siya nito ng Panda mug at nahihirapan siyang pigilan ang
sariling ngumiti. Kaysa makita nito at ni Adam ang paghihirap niya, tumungga siya
ng mainit na kape para matakpan ang labi niya.

"Yeah. It's cute. Salamat sa mug." seryosong sabi niya nang ibaba ang mug. Lihim
siyang nagtitiis sa napasong dila. Pero mas okay na iyon kaysa makantiyawan.

"Welcome po, Direk. Wag nang masyadong mainit ang ulo mo ha." sabi pa ni Tonya sa
kanya habang nakangiti.

"I'll try." kalmadong sabi niya.

Katahimikan.

"Sige po. Magla-lunch pa lang ako e." nakangiti ito maging nang bumaling kay Adam,
"Nice meeting you, Adam."

"Pleasure is all mine."

Lumabas si Tonya sa silid dala ang tsaa nito. Pagkatapos ay hinarap niya ang
nakakaasar na ngisi ng kaibigan.

"What?" patay-malisya niyang tanong.


"The Panda is cute. And you like it."

"So?"

"She got you big time. And she didn't know it."

Pumalatak siya. "Nonsense, Adam."

"You should court her if you like her that much."

Hindi siya umimik.

"Unless you are still waiting. On Noreen."

Matalim niyang tiningnan si Adam sa pangalan na binanggit nito.

"I think you are. But..." sumeryoso ang kaibigan, "People change, Grey. And it's
not a bad thing."

Humigop lang siya ng kape. #

Chapter 14 : Rivals

A/N : Sinisipag magsulat. Hihihi. May media po sa tagiliran, reference for the song
mentioned in this chapter. :D

-----

Ala una na nang lumabas si Grey sa opisina. Habang naghahanda para sa kasunod na
eksena kanina ay nagtawag ng meeting ang Logistics. Ayos na ang schedule ng out-of-
town shootings nila. Next week din ay sa labas na sila kukuha ng mga eksena. Dahil
din doon ay bigla siyang napalista ng mga eksena sa utak niya at sa Log. May
pwedeng gumawa nun para sa kanya. But he's a perfectionist like that. Gusto niyang
masiguro na may magagamit nila ng tama ang oras kapag nag-shooting sa labas.
Location shootings are full of emergencies. Ang kalaban nila ay init o ulan. They
should use time wisely when the weather is on their side. Alas dose nang pauwiin
niya si Boom. Kaya mag-isa na lang siya sa buong set.
That's what he thought.

Dahil sa mahabang mesa ay nakita niya ang pamilyar na pigura ni Tonya. Nakayukyok
ito, nakaunan sa braso. Nakabukas ang notebook nito sa tagiliran at may hawak pang
ballpen. Nasa mesa rin ang bouquet na bigay ni Shaun.

Natutulog ba ito?

Maingat ang lakad niya nang lumapit. Maingat din siya nang hawiin ang buhok na
tumakip sa mukha nito. Nakapikit ito. Malalim ang paghinga. Natutulog nga.

'Why is she still here?'

Madilim na ang buong set. Wala nang tao bukod sa kanila. Tanging ang mga studio sa
kalapit na palapag ang may bukas na ilaw at nag-o-overtime sa shooting. Paano itong
naiwan doon? Hinihintay ba siya nito?

Umiling siya. No. She's not the kind who does that - yung klase ng babae na gagawa
ng mga bagay na pag-iisipan ng malisya. At the very least, kung maghihintay ito ay
magsasabi sa kanya. O magpapaalam. But... why is she there? Nakatulog lang ba ito
at nakalimutang gisingin ng mga kasama?

Napabuntong-hininga siya. Napatingin siya sa notebook nito. Mukhang nagsusulat ito


bago nakatulog. At curious niyang kinuha iyon.

Shopping??? No time. :(

But I will buy these pag pwede.

To buy:

- black dress, lace

- black pants (Binura nito.) Won't fit.

- boots??? Bagay kaya?

- Gel for emo hair


- Hoodie?

- Girl dresses, yung pang first lady

- ???

Salon??? :(

Naalala niya ang kwento ni Portia. Ang sabi ng kapatid ay may mga appointments sa
salon ang babae para magpaayos. Magsa-shopping din daw ito pero nakaligtaan dahil
sa pagsama sa kanila sa Batangas. At busy ang mga kasunod na shooting days nila.
Kaya siguro malungkot ang emoticon na nasa notebook nito.

Inilipat niya ang pahina ng notebook.

Today, Shaun gave me flowers. Akala ko hindi sa akin. Sa akin pala talaga. :)

Muntik niyang mapunit ang pahina. Bago nabasa...

Parang galit si Goryo? Bakit? :(

Napatingin siya sa tulog na si Tonya. Kung ang lahat ng iniisip nito ay isusulat
nito sa notebook, madaling maididiin ang babae sa kung anu-ano. Paano na lang kung
may makabasa ng notebook nito. Na mga pakialamero.

Gaya mo? tukso ng isip niya.

Inilipat niya uli ang pahina. Gusto niya kasing balikan ang Masterplan nito. Pero
ang kasunod niyang nakita, tungkol sa kanya.

Gregory Montero aka Superman o Goryo

- likes coffee. Sobra. Hindi kaya humina ang buto ni Direk?

- hindi kumakain ng lunch. Bakit? Masarap naman kumain.

- mood: pag good mood, nakangiti, sumisipol, kumakanta


pag bad, parang may typhoon. :D

pag normal, parang masungit. :3

pag kinikilig at naiinis... secret. XD

marunong pala tumawa ng malakas.

at meron siyang mood na hindi ko maintindihan.

- pano pag nagseselos? O natutuwa? O masayang-masaya?

- pano kapag nasasaktan? pano kapag... natutulog? pano kapag umiiyak?

- pano kapag nain love? Hihihi. :)

Lumamlam ang mata niya sa nabasa. Pagkatapos ay marahan niyang ibinaba ang notebook
sa tabi nito at niyugyog ito ng mahina sa balikat.

"Tonya... Tonya... gising na."

Nagmulat ito ng mata. Kalahati lang. Nakatingin sa kanya.

"Goryo." nakangiti ito.

"Yeah. Gising na. Uuwi na tayo."

"Ang tagal mo."

'So, she's waiting?' napalunok siya. Tumuwid ng tayo habang umalis naman ito sa
pagkakayukyok sa mesa. "Are you waiting for me?"

"Oo." sagot nito at humikab. Iniligpit nito ang notebook at ballpen. Inilagay sa
malaking tote bag nito. Pagkatapos ay hinila palapit ang bouquet.

"Why?"
Natigilan ito. Parang naghahanap na naman ng isasagot. "Wala kang kasabay umuwi.
Umuwi na lahat e."

"Then, why didn't you come into my office? Kaysa dito ka naghintay? Madilim. At
mainit."

"Baka maistorbo kita e. Mukhang seryoso ka kanina e."

Nagkatinginan lang sila.

"Why are you waiting for me? Really?"

Hindi ito agad sumagot. At sa halip ay nagbaba ng tingin.

"Gusto kitang samahan. Okay lang ba yun?"

Patlang.

Bumuntong-hininga siya. Pagkatapos ay hindi tumitingin na hinawakan ang kamay nito


at hinila.

"Let's go home."

"Yes." mahinang sagot nito habang hila niya palabas. Papunta sa kotse niya.

Tahimik sila sa pagpasok sa loob ng sasakyan. Kahit nang ibaba nito ang bouquet sa
dashboard niya at mag-seatbelt.

"You shouldn't have waited. Maaga ka pa bukas sa gym, di ba?" sabi niya.
Nagmamaniobra na siya sa kalye ng Maynila.

"Okay lang yun. Natulog nga ako sa mesa e. Saka kasi..."


Hinintay niya ang kasunod na sasabihin nito.

"Galit ka ba sa akin?"

Sinulyapan niya ito. Seryoso ang mata nitong nakatingin sa kanya. Bahagyang
nakangiti. Nang alanganin. Her smile looked pained.

"Not exactly." amin niya at ibinalik ang tingin sa daan.

"Anong ibig sabihin nun? Galit ka pero hindi masyado? Galit pa rin yun di ba?"

"I mean... hindi ako galit. Not to you."

'Hindi na.' naisip ni Grey.

"Then, kanino ka galit? Kay Shaun?"

Hindi siya nakasagot agad. Parang may harang sa lalamunan niya.

"Yes. Slightly."

"Bakit? Dahil nangliligaw siya habang nasa trabaho?"

"Yes."

Tumango ito. "Akala ko dahil sa akin kaya mainit ang ulo mo e. Pero naisip ko
kanina na baka dahil yun sa hindi ka kaagad nakapagkape."

Napangiti siya ng matipid.


"That, too."

Ang totoo ay nabasag niya ang mug nang makita niyang hinalikan ni Shaun si Tonya.
The nerve of the guy to do that on his set! On working hours! And to Tonya!

"Aha!" sabi nitong nakaturo sa kanya. "Ngumiti ka!"

"Yeah. So?"

"Na-miss ko yung ngiti mo e."

Natigilan siya.

"What?"

"Kasi... hindi kita nasabayan sa lunch dahil bumili ako ng mug. Tapos nung ngingiti
ka na kanina dahil sa Panda, uminom ka ng kape kaya hindi ko nakita. Nung nagpa-
meeting yung Logistics, seryoso ka lang. Ngayon ka lang uli ngumiti." masiglang
komento nito.

"And you miss it?"

Tumango ito.

"Why? Hindi naman talaga ako madalas ngumiti."

"Oo. Pero ngumingiti ka kapag magkasama tayo."

Sumapol ata yun sa kanya. Totoo kasi. Pero hindi niya agad napansin. So, when did
it happen? And how? He has walls. He has defenses. Hindi lahat ng tao ay nagagawang
makalapit sa kanya. O malampasan ang depensa niya at ang kasungitan. But this
girl... got closer unnoticed. Did he let her?
Nawala ang ngiti niya. Ihininto niya ang makina ng kotse. Nasa tapat na sila ng
bahay nito. Dalawang palapag na bahay na may asul na tarangkahan.

"Salamat sa paghatid." sabi nito at binuksan ang pinto.

Gusto niyang pigilan ito sa pagbaba. He wanted to say something more. Something
that would mean more. Pero hindi niya ginawa.

"Salamat sa paghihintay." sabi niya habang nakababa ang salaming bintana ng


sasakyan.

Ngiti lang ang sagot nito bago kumaway. "Ingat, Goryo!"

Pilit ang ngiti niya nang tumango at isara ang bintana. Saka nagmaniobra paalis.
Hindi na niya sinulyapan uli si Tonya.

Wala sa loob siyang nagmaneho at nakauwi sa sariling bahay. Nang makarating sa


sariling kwarto ay napatingin siya sa frame na nasa side table. May babae sa
picture. May hanggang balikat na buhok, big eyes na mapupungay, at kita ang dimples
habang nakangiti. The girl is gorgeous. Si Noreen. And the last thing he told her
was:

"When you come back, I want you wearing this ring."

Ibinigay niya noon ang isang diamond ring bago ito nagpunta sa Paris. The proof
that she's engaged to him. The proof that she wants to be married to him. She's
gone for six years now. Pareho silang busy at nagpapalitan lang ng emails. And he
has no trouble waiting.

Until now.

Humiga siya sa kama. Tonya is just... his assistant. Isang babaeng nag-aalok sa
kanya para maging sperm donor nito. Isang babaeng gustong baguhin ang sarili. For
the first time. She shouldn't mean more to him. Yet, he fears that she already is.
Kailangan niyang pigilan anuman ang nabubuong damdamin niya para rito. She should
remain to him as just a girl.

She's just... a girl. Dapat. Di ba?

*****

"Good morning!" bati ni Tonya sa reception ng gym.

Makahulugan ang mga tingin na napunta sa gawi niya. At napansin niyang parang may
pagkakagulo at kumpulan sa gym. Pasimpleng nakagrupo ang mga babae sa pwesto ng mga
treadmill.

"Anong meron?" curious niyang tanong nang makalapit sa isang grupo.

Halos hindi siya narinig ng mga ito. Sa halip, nakisilip siya. At nakita ang
pinanonood ng mga ito.

May dalawang lalaking nasa treadmill. Parehong pawisan. Ni hindi nagtitinginan. O


nag-uusap. Pero mabigat ang paligid. Na parang tahimik na nag-aaway ang mga ito. O
nag-iisnaban.

"Direk? Shaun?" tawag niya sa dalawa.

Lumingon nang halos sabay ang dalawang lalaki. Bago pinabagal ang treadmill at
humarap sa kanya.

"Good morning, lovely." bati ni Shaun sa kanya. Kasing-liwanag ng umaga ang ngiti
nito sa kanya. Nasilaw nga ata ang mga babae sa likod niya.

"Good morning." seryoso namang sabi ni Grey sa kanya. Nandun yung hindi niya
maintindihang bagay sa mata nito. Gentleness ba yun? Anxiousness? Hindi niya pa
alam i-translate.

Ngumiti siya sa dalawa.


"Dito rin pala kayo naggi-gym." sabi niya.

"I just signed up." sabi ni Shaun.

Tumango naman siya.

"E ikaw Direk?"

"Napadaan lang. Since I have time this morning."

Napatango uli siya.

"Ilalagay ko lang muna 'tong gamit ko sa locker. At magwa-warm up. Tapos, sasabay
ako sa inyo sa treadmill ha."

Hindi umimik si Grey.

"Great. That's what I'm looking forward to." si Shaun.

Umalis siya. Idineposito ang gamit sa locker room at kasama ang bagong instructor
na si Dada na nag-warm up.

"Kaanu-ano mo si Shaun?" usisa ng seksing instructor habang nasa stretching sila.

"Manliligaw ko."

Natigilan ito.

"Tonya naman... puro ka joke. Ano nga?"


Nakangiti siya. "Hindi ako marunong mag-joke. Hindi rin ako makapaniwala. Pero
manliligaw ko talaga siya."

Napapailing ito sa sinabi niya. Alam niyang hindi naniniwala. Pero okay lang yun.
Siya nga, hindi pa rin makapaniwala.

"E yung isang suplado pero hot?"

"A. Direktor namin yun. Nagtatrabaho akong assistant niya."

Malapad ang ngiti ni Dada. "May opening pa ba?" saka ito humagikgik sa kilig, "Ang
swerte mo!"

"Wala na e. Inilakad lang ako ng kaibigan kong Dean kaya niya ako naging
assistant." sagot niya kay Dada.

Napailing naman ito at kinikilig-kilig pa rin.

"Parehas sila mukhang artista e!"

Nakangiti lang siya. Maswerte nga siya. Dahil sa ibinibigay na atensyon ni Shaun
kahit na hindi pa siya payat. At pati sa pagdaan ni Direk sa gym. Dalawang gwapo
agad ang magpapaganda sa umaga niya.

Pero sa totoo lang, nao-overwhelm siya sa panliligaw na ginagawa ni Shaun. Yung


pakiramdam na naiilang siya dahil lahat ng tao nakabantay sa kanya at naghihintay
sa mga mangyayari. Shaun doesn't mind it and is oblivious about it. But she minds.
Aaminin niya iyon. Alam niyang hindi sila bagay. Malayo siya sa mga babaeng dapat
ligawan nito.

"Sa treadmill muna ako."

Tumango naman si Dada sa kanya. "After that, you should get back to me para sa iba
pang routine ha."
"Oo." sabi niya at mabilis na pumunta sa pwesto ng treadmill. May tao halos lahat.
Ang bakante lang ay ang nasa pagitan nina Shaun at Grey. Doon siya pumuwesto pero
bago magsimulang tumakbo ay -

"Tonya, do you like music?" untag ni Shaun sa kanya. Nasa kanan niya ito.

"Oo naman." sagot niya.

"Then you should try working out with music. Here." iniabot nito sa kanya ang isang
ipod.

"Hala! Anong gagamitin mo kung kukunin ko yan?"

"That's okay. I have one for me, too." anito at tumigil sa pagtakbo.

Ikinabit nito sa braso niya ang velcro strap na suklutan ng ipod. Pagkatapos ay
pinatugtog nito ang gadget at inilagay sa tainga niya ang earphones.

"You're hearing that song?" tanong ni Shaun sa kanya.

Pinakinggan niya ang tumutugtog sa tainga. Isang kanta tungkol sa isang babaeng...
maganda.

"Anong title?" tanong niya.

"Beautiful." ngumiti ito at kumindat.

Nangiti siya sa pasimpleng ligaw nito.

Pagkatapos ay lumingon siya kay Direk. Pero tumatakbo lang ito at patay-malisya.
Habang naglalaglagan ang pawis sa mukha. Ni hindi man lang ba ito tumingin?
"Salamat." sabi niya kay Shaun bago pinaandar ang treadmill at tumakbo.

Tahimik siyang nakikinig sa music. Sa tagiliran ng mga mata niya ay nakikita niya
si Direk na tuwid lang na nakatingin sa harapan. Si Shaun naman ay nakikinig na rin
ng music sa ipod nito at tuwing magkakatinginan sila ay ngumingiti. At bumibigat
ang paa niya sa bawat hakbang. Una, dahil mabigat na nakatingin ang mga tao sa
paligid. Na parang may kasalanan siya. Nag-aakusa ang mga mata. Ikalawa, mahirap
palang tumakbo at mawalan ng poise sa gitna ng parang nakagwardyang dalawang gwapo.
At ikatlo, bakit mabigat lagi ang hangin sa pagitan nina Direk at Shaun?

Inalis niya ang earphones sa tainga. Tumigil sa pagtakbo at lumingon ng salitan sa


dalawa.

"Magkaaway ba kayo? Direk? Shaun?" tanong niya.

Tumigil sa pagtakbo si Direk. Humihingal ito.

"I don't know how to answer that. What would I have against him para isipin mo
yan?" tanong nito.

Pero hindi naman niya iniisip e. Nararamdaman niya. Magkaiba yun.

"Hindi kami magkaaway, Tonya." sagot ni Shaun sa kanya. "Though, he might not like
it that I'm courting you."

Suminghap siya. Medyo napalakas kasi ang boses nito nang sumagot. At may mga
pagsinghap hanggang sa audience sa likuran.

"Hindi yun ganun." sabi niya kay Shaun, "Ayaw lang ni Direk kapag working hours
tapos may ligawan."

"That's right. You shouldn't give too much meaning on my actions." sabi ni Grey.

Makahulugang ngumisi si Shaun bago nagtanong, "Does that mean there is no


competition between us? Over Tonya?"
May nawawalan na naman ng hangin sa likuran.

Nakita niya ang paggalaw ng panga ni Grey. At ang mariing paglalapat ng labi nito.

"I have to go." sabi nito na nakatingin sa kanya bago sumagot kay Shaun, "And to
answer your question, yes, there is no competition between us."

Katahimikan. Napalunok siya sa sagot nito. Wala raw competition. Bakit mahirap
lumunok?

Ngumiti nang makahulugan si Grey sa lalaki, ngiting iba sa kaseryosohan ng mata


nito, bago bumaling sa kanya, "You should come to the set at least thirty minutes
before the shoot. I called a stylist to look at you."

Nakatanga siya sa lalaki. Hindi pa nga niya naita-translate ang ngiti nito, may
sinasabi na naman itong kailangan niyang isipin.

Translation: Pumasok ng maaga. Ikinuha kita ng stylist?

"Stylist, Direk?"

"Yeah." sabi nito sa kanya, "Sinabi sa akin ni Portia na hindi ka nakapunta sa


salon appointments mo nung sumama ka sa amin sa Batangas. So, since you can't go to
any salon, I arranged things for you. Para maayusan ka. As you like it."

Hindi niya alam ang sasabihin bukod sa, "Thank you. Grey."

Ngumiti ito bago nakipagtitigan uli kay Shaun. Nagte-telepathy na naman ng seryoso
ang dalawa. At hindi niya alam ang lihim na pinag-uusapan ng mga ito.

"I'll go. Make sure the suitor gets you on set, on time." parang nang-aasar na sabi
nito.
Dumilim ang mukha ni Shaun sa sinabi ni Grey.

"And then, immediately run to me. Like you always do." seryoso at may diin na sabi
nito sa kanya. Ginamit ang daliri sa pagkuwit sa iilang butil ng pawis na namumuo
sa noo at sentido niya.

Nahigit naman niya ang hininga sa ginawa nito. Bakit ang init?

"Later."

At umalis si Grey na ni hindi siya nakaimik. #

Chapter 15 : Lightning strikes

-----

Grey,

Hi, corny! It's been a while since I heard from you! Actually, to be exact, it's
been three months since your last brief, non-committal, almost forced email.

Are you still busy as ever? Did the monster of films gobbled you up? Or your phone?
Again? :D

Anyways, our fashion show in London was a success. And Mama Pearl watched. I was
surprised when I saw her backstage. With a bouquet! We had dinner after and she...
uhm, asked me when I will be going back to the country. And like always, I could
not give her a clear answer.

But lately, I am thinking of going back. You've given me a lot of time.

I think the time is right.

Do you think the same?


I miss you, Gregory.

Noreen

Nakatitig si Grey sa email na nakabukas sa cellphone niya. It was sent late last
night. It was the fifth time he read it. And every time, his heart constricts.

Nagkamali siya. Last night, he decided to ignore Tonya. The plan is to be with her
professionally. To maintain that director and assistant relationship. That's what
he should do. That's what he's supposed to do. But morning came and all he could
think of is go to the gym and see her. At nang makita niyang naroon din si Shaun,
things went way out of the plan. He couldn't help but -

"Immediately run to me. Like you always do."

Stupid. Bakit pa ba niya sinabi iyon? In a rush, he called a stylist to meet Tonya.
And bought a wardrobe for her.

Ihinilamos niya ang palad sa mukha. This is not the plan. Why can't he control
himself more? Hindi yung para siyang batang nakikipag-agawan.

Yet even now, he's anxious that she's still out with Shaun.

Bumukas ang pinto ng opisina. Si Tonya. Nakangiti.

"Nandito na po ako, Direk."

Napahinga siya ng maluwag. Lumunok.

"Yeah." mahinang sabi niya.


Lumapit ito. Ibinaba ang tote bag sa bakanteng bangko at kinuha ang Panda mug na
nakataob sa mesa.

Nawala ito uli sa silid. Sinubukan naman niyang ituon ang isip sa script at logs na
hawak. Pagbalik nito ay may umuusok ng kape sa mug. Ibinaba nito sa tabi niya. With
the usual sticky note that says: There is no remedy for love but to love more.

Nakatitig lang siya sa babae. There are a lot of thoughts in his head - thoughts
that he shouldn't be entertaining right now. But even that is beyond his control.

He's thinking why he should meet her. Why meet her now? And why is she so hard to
resist?

"Bakit, Direk?" may pag-aalala sa mukha ni Tonya. Malamang ay hindi makuha ang
ekspresyon sa mukha niya. Kasi hindi nakalista sa cheat sheet nito ang mood niyang
iyon.

She has no idea how bothered he is. By her presence.

"May problema ka ba?" tanong pa nito.

Kung hindi siya magsasalita, wala naman itong malalaman. He wanted so much to tell
her. But he should not.

Bumuntong-hininga siya.

I think the time is right? Do you think the same?

For six years he's waiting for Noreen. Yet now, he's hesitating. Hindi niya alam
ang isasagot sa tanong ng babae.

"Nothing."

He has to keep his cool. And no matter how hard, his promises.
*****

"Come, let's go to the stylist." walang kangiti-ngiting sabi ni Grey kay Tonya.

Tumayo ang lalaki sa upuan nito at nagpatiuna sa paglakad.

Tahimik na nakasunod si Tonya. Napapakurap sa pag-iisip kung anong gumugulo sa


lalaki. He looked troubled. Or worried. Pero hindi siya sigurado.

Dumiretso sila sa isa sa mga bakanteng dressing room. Dati. Dahil nang buksan ito
ni Grey, nakahanay ang napakaraming clothes rack sa loob. May malaki ring istante
ng mga hair color, hair essentials at hot oils na nakatambay doon. Habang
naghihintay ang isang babaeng kasingtangkad lang ata niya. Maikling-maikli ang
buhok na may highlights at postura ang ayos - naka-leather jeans at makulay na
blouse. Parang kalalabas lang nito sa isang fashion magazine. May dalawang kalahi
ni Boom na kasama rin nito sa kwarto.

Sumalubong ng pakikipagkamay kay Grey ang babae.

"This is Tonya, Shane. The one I talked to you about." sabi rito ni Direk bago
bumaling sa kanya, "Tonya, she is Shane Arrenza, the stylist. And two of her
assistants."

Nagkamay sila ni Shane. Malaki ang ngiti nito sa kanya. Pinapasadahan siya ng
tingin mula ulo hanggang paa.

"She's curvy." komento nito, patuloy ang pagsusuri sa katawan niya, "I like it."

"Good. I'll leave her in your care."

"No problem, Grey." at nag-thumbs up ito.

Bumaling sa kanya si Grey. Wala ang kaseryosohan sa mata nito. Malamlam iyon.
Mainit. Kaso ni hindi ito nakangiti.

"She'll take care of you, okay. Relax and take your time."

"E... sandali na lang shooting na." naaalangan na sabi niya. Hindi siya sanay na
iba ang ginagawa sa oras ng trabaho. Nakakahiya. Wala na nga masyadong
responsibilidad na ipinapasa sa kanya ang Production crew.

"It's okay, Tonya." sabi nito sa kanya at hinawi ang buhok niyang natatanggal sa
pagkakaipit sa tainga niya.

Sandaling magkatama ang mata nila. Matipid itong ngumiti.

"Sulitin mo sila. They're only here for you." bilin pa nito bago tumalikod at
lumabas ng silid.

Suminghap siya. Naghahabol ng hangin. Kinukulang siya ng oxygen sa maliliit na


bagay na ikinikilos ni Grey. At kahit na maraming mukha nito ang hindi niya pa
naiintindihan, may isang pwersa na laging nagpapalapit sa kanya rito.

Pamilyar ang pakiramdam na yun. Naramdaman na niya yun five years ago. Kay Hans.
And after that time, naiwan siyang single. At walang reply sa maraming text
messages.

Bakit parang nararamdaman niya uli?

Tumungo siya. Kinalma ang doble-dobleng tibok ng puso niya. Saka nakangiting
humarap kay Shane at sa dalawang assistant nito.

"This is Mikey and Lei." pakilala ni Shane sa mga kasama.

Kinamayan niya ang dalawa. Si Mikey yung matangkad na payat na mapanga. Si Lei
naman yung may mapungay na mata. Parehas pinag-aralan ng mga ito ang pigura niya.
Tumitingin naman si Shane sa relong pambisig nito.
"May hinihintay pa ba tayo?" usisa niya.

Umiling naman ito.

"Let's start with your hair?" malambing na tanong ng babae sa kanya.

Ngiti lang ang isinagot niya kay Shane.

Hinawakan siya nito sa balikat at iginiya sa isang upuan paharap sa malalaking


salamin.

"Anong gusto mong gawin nila sa buhok mo?"

Hindi niya alam ang isasagot. Paano niya sasabihing gusto niya ng imposible? Gusto
niyang magkabuhay ang nananamlay at nanunuyot na buhok niya.

"Gusto ko lang siyang pagandahin. Ang pangit kasi e." amin niyang nahihiya.

Naghagikgikan ang dalawang bading. Nakangiti lang si Shane.

"Ang harsh mo sa sarili mo, ateng! Dry lang. May pag-asa pa naman." sabi ni Mikey
na lumapit at hinaplos-haplos ang buhok niya.

"Kami ang bahala sayo! Ima-magic natin 'to. Yung hindi ka makikilala."

Ayaw naman yata niya nun. Paano siya uuwi sa kanila kung hindi siya makikilala ng
Mama niya?

Mahina siyang tumawa, "Yung makikilala pa 'ko ng Mama ko ha."

Parang nakikiliti uli na nagtawa ang dalawang bakla.


"Kayo na ang bahala sa styling ng buhok niya ha. I'm going to mix clothes." sabi ni
Shane sa dalawa.

Tumango naman at nag-apir ang dalawang bakla.

Noon bumukas ang pinto. Humihingal ang babaeng pumasok doon. Alon-alon ang buhok
nito na may kulay. Naka-dress at high heels. Parang buhay na manika na naglakad
palapit.

"Am I late?" maliwanag ang ngiti na tanong nito sa mga taong dinatnan. Ngumiti rin
ito nang mapatingin sa kanya.

Ngumiti siya. Mukha itong mabait. At pamilyar sa kanya ang mukha ng babae.

"No. They are just starting to figure out how to style her hair. At ako, magmi-mix
and match na sana ng damit niya." sagot ni Shane dito.

"That's great! I'm on time." sabi ng babae. Humalik ito sa pisngi ng mga kausap.
Pagkatapos ay humarap sa kanya at iniabot ang kamay. "I'm a designer and a stylist,
too. I'm Noreen."

Inabot niya ang kamay nito.

"I'm Tonya."

"Tonya?"

"Short for Tonica Grace."

"Ow." anitong tumatango. Nakatingin sa mukha niya, "It's going to be fun styling
you. You're so pretty."

"And she's curvy with her size." dagdag ni Shane. "It's going to be fun."
Pinasadahan siya ng tingin ng nagpakilalang si Noreen. Tumatango-tango ito sa
nakikita.

"Yeah. It's a breather to style someone like her. Styling and designing for thins
are quite flat."

Nasusundan niya ang usapan ng mga ito at isa lang ang naiintindihan niya. Pinupuri
siya sa halip na laitin. Kahit paano ay naging komportable siya sa inuupuan.

"You relax and let them work their magic on your hair. We're going to prepare your
clothes." masuyong sabi ng babae sa kanya at tumalikod.

Nakangiti siya nang hawakan ni Mikey ang magkabilang balikat niya. Nakatingin ito
sa kanya sa salamin. Nagsimula nitong hawi-hawiin ang buhok niya sa iba't ibang
anggulo habang panay ang haplos.

"Pagagandahin pa kita lalo, te! Yung winner na winner ka." excited na sabi nito sa
kanya.

Puro ngiti ang sagot niya. Habang naririnig ang usapan ng dalawang babae na
nakikita niya sa salamin. Panay ang pili at pagpapares ng mga ito ng damit mula sa
nakahanay na clothes racks.

"It's going to be a surprise." bulong ni Shane kay Noreen. "Are you wearing it?"

Nakita ni Tonya na itinaas ng babae ang kamay nito. At kuminang ang isang bagay na
nasa daliri nito.

"Yes, I do. I had him waiting. I have to make it up to him." parang kinikilig na
sabi nito.

"Go, girl!" sabi ni Shane dito habang pasimpleng lumingon sa kanya sa salamin.

Ngumiti siya sa babae. Pero may hindi maintindihang ekspresyon sa mukha nito. It's
not disgust. Or even displease. Ang mukha nito ay malapit sa mga eksena sa
telebisyon kapag nalilito o naglilihim ang mga side characters sa mga main
characters. Kapag may alam silang sekreto na hindi muna dapat sabihin pero dapat pa
ring ibunyag. Shane looked anxious and worried. Pero bakit naman kaya?

Nawala ang atensyon niya sa mga ito nang maramdaman ang paggupit ni Mikey sa mga
hibla ng buhok niya.

*****

Pagkatapos ng tatlong oras ay naka-layer na ang buhok ni Tonya, bagsak at kinulayan


ng dark brown. Pinagpalit din siya nina Noreen at Shane ng damit na pinili ng mga
ito - light lilac na dress na bahagyang hapit sa dibdib niya pero maluwang mula sa
tiyan pababa. Pinilian siya ng high heels na babagay doon. At tinuruan din siya
kung paano maglalagay ng everyday look make-up - ng apat na ulit. Hindi niya kasi
makuha agad ang sinasabi ng mga ito. At nasa pangatlong pagpapaulit na siya nang
maalala ang tape recorder sa bag niya.

"Do you like it?" excited na tanong ni Shane sa kanya habang nakatayo siya at
nakaharap sa whole-body mirror na dala ng mga ito.

Hindi siya makapagsalita. Babagay naman pala sa kanya ang mag-dress at mag-heels.
Lamang, hindi niya yata kakayaning laging nakasuot ng ganun. Mukha kasing mahal ang
suot niya. Saka -

"Bakit parang mas payat ako?" tanong niyang nakangiti sa nakikitang repleksyon.

Mahinang tumawa ang apat na kasama niya sa silid.

"It's the dress. Sinabi ni Grey that you're a plus size. So all the dresses I
brought for you are designed to bring out the sexy!" si Shane.

"A... may daya yung damit!" sabi niya. Humagikgik ng mahina.

"Correct! So you look sexier." si Shane pa rin.


Hindi niya maialis ang mata sa salamin. Gustong-gusto niya ang nakikita. Nakakakita
siya ng pag-asa! Nakakakita siya ng pagpupursige. Lalo niyang gustong mag-exercise.
At i-achieve ang timbang na babagay sa height niyang 5'2!

Tama si Grey. At si Shaun! Maganda nga siya! Hindi lang halata noon. Hopefully, mas
halata na ngayon!

"You like it?" tanong pa rin ni Noreen. Malaki ang ngiti nito sa transpormasyon
niya.

Tumango siya. "Ang sarap umiyak. Pero baka masira yung make-up ko e. Hindi pa ako
marunong mag-re-apply. Mamaya na lang siguro pag-uwi."

"Aw." sabi ng babae at ibinuka ang braso nito, "Come here."

Naaalangan siyang lumapit. Kaya si Noreen ang humakbang at yumakap sa kanya. Kahit
naka-heels na siya ay mas matangkad pa rin ito. Nasa 5'5 siguro ang babae. At ang
bango nito.

"You're really pretty! Once you shed some of the fats, you will be gorgeous!
Believe me!" sabi pa nito habang nakayakap sa kanya.

"Salamat." mahinang sabi niya. Naalalang sinabi rin iyon ni Direk.

"Let's go show, Grey, how you look." sabi ni Shane. Palitan ang tingin sa kanya at
kay Noreen.

Dumoble na naman ang tibok ng puso niya. Gusto niyang makita ng lalaki ang resulta
ng pabor na ginawa nito para sa kanya. Nagkasabay pa silang huminga ng malalim ni
Noreen.

"Let's surprise him." sabi nito sa kanya. Pero mukhang kinakabahan.

"Oo."
Lumabas sila sa dressing room at nagtuloy sa set. Busy ang lahat. Halos hindi sila
napansin. Alam niya ang ganoong senaryo. Walang gumagalaw hangga't hindi pa
sumisigaw ang direktor ng 'Cut'. At -

"Cut! That's good! Prepare for the next scene!" sigaw ni Grey. Nasa monitor pa rin
na kaharap nito ang mga mata.

Unang napatingin sa kanya si Shaun. At malaki ang ngiti nito sa nakita. Nahihiya
naman siyang ngumiti.

"Hey, Direk!" tawag ni Noreen.

Nag-angat ng tingin si Grey. Nakakunot ang noo nang dumako ang mata sa gawi nila.
Ihinanda ni Tonya ang ngiti niya. Tumingin ito sa kanya at ngumiti. Na mabilis ding
naglaho nang mapatingin sa babaeng katabi niya. Isandaang emosyon at ekspresyon
yata ang dumaan sa mukha nito sa sandaling titig lang sa babae. At hindi niya
maintindihan ang kahulugan ng bawat isa roon. Habang sa puso niya, may mabigat at
mabilis na pagdagundong. Ng kaba. Takot. Pag-aalala.

Itinaas ni Noreen ang kamay nito kay Grey. Parang ipinapakita ang singsing.

Nanatiling blangko ang mukha ng lalaki.

"What's that silly look, corny?!" masiglang sabi nito at lumapit.

Bawat hakbang ni Noreen ay nabibilang ni Tonya. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima,
hanggang labing-isa... at nasa harap na ito ni Direk.

Lahat ng tao sa set ay nakatingin. Sa dalawang halata na magkakilala. Nananahimik.


Nanonood. Pero siya lang yata ang hindi makahinga.

"Noreen." mahina ang boses ni Grey habang nakatingin sa babaeng kaharap.

"I'm sorry for making you wait, Gregory." mahina ring sabi ng babae.
Sa paningin ni Tonya ay lalong gumanda si Noreen habang nasa harap ng lalaki.

Nag-aalalang napasulyap sa kanya si Grey.

At sa kasunod na eksena, parang may kidlat na tumama sa puso ni Tonya. Lumambitin


ang babae sa batok ni Grey. Idinikit ang katawan nito. At hinalikan ang
natitigilang lalaki.

Naalala na ni Tonya kung bakit pamilyar si Noreen. Nakita niya ito sa picture frame
na kuwarto ni Direk. At ang halik nito sa lalaki, sigurado siyang hindi demo.

Pumikit siya. Tumalikod. Ayaw niyang makita.

Bakit ang bigat ng dibdib niya? Bakit parang ang lungkot-lungkot? Maganda naman
siya ngayon. Pero -

Muntik tumakas ang ilang butil ng luha sa mata niya. Pero madiin siyang pumikit at
tiniis iyon. Pinabalik. Masisira ang make-up niya. Sayang.

Mabuti na lang masisira ang make-up niya. #

Chapter 16 : Powerless

-----

Hindi agad nai-proseso ni Grey ang nangyayari. He saw Tonya in a really nice dress.
And then, Noreen walked up to him and -

Nararamdaman niya ang malambot na labing kilalang-kilala niya dati. Nakalapat sa


labi niya. Mainit na umaangkin. But he's slow to respond.

Yes, it is Noreen. Inilayo nito ang katawan sa kanya pero hindi tinanggal ang
pagkakayakap sa leeg niya.

"You look..." pinakatitigan siya ng kaharap na babae, may suspetsa sa mata, "-
weird. Are you that surprised to see me?"

He is surprised. Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit natitigilan pa rin siya.
Hinanap ng mata niya si Tonya.

"Yeah. You..." nakita niya ang hinahanap. Nakatalikod. Nilapitan ito ni Shaun.

Nahigit naman niya ang hininga na ni hindi niya namalayan. Nang ibalik niya ang
paningin kay Noreen ay nakatingin na rin ito sa gawi nina Tonya at Shaun. Tinanggal
na nito sa pagkakasabit ang mga kamay sa kanya. Saka balewalang tumingin sa kanya.

"You had me... speechless. I'm sorry." sabi niya sa babae.

"Aha!" nakangiting sabi nito. "I know you will be surprised! And I am speechless at
your assistant too! Wait -"

Tumalikod ito at nilapitan si Tonya.

At the same time,

"Hey, are you okay?"

Binalingan ni Tonya si Shaun na tumabi sa kanya. Halos manginig ang pisngi niya
nang sinubukang ngumiti. Lumunok siya nang hindi magtagumpay. Nanginginig talaga
siya.

"You're pale." seryoso ang mukha na komento nito.

Nakatalikod sila sa eksena nina Grey at Noreen. Namumutla nga siguro siya. Dahil
nararamdaman niya ang pagtakas ng dugo sa mukha.
"Oo. Nakakahiya kasi 'tong suot ko." dahilan niya. Kumurap ang mata. Hindi siya
sanay magsinungaling. Lalo na sa mga taong concern sa kanya.

"Ah!" sabi ni Shaun. Hindi niya makita sa mukha nito kung naniwala ba sa sinabi
niya. "You're pretty. Wala kang dapat ikahiya."

Tumungo siya.

"Cheer up. Or they'll think there's something wrong with you." malumanay pa na sabi
nito, inakbayan siya at hinapit palapit sa katawan nito.

Hindi niya maalis ang kamay nito sa balikat niya. Hindi niya maitaboy. Dahil
kumukuha ng lakas ang tuhod niya sa pagkakasandal dito, sa init ng katawan nito, sa
higpit ng hawak nito.

"Salamat. Nanghihina talaga ang tuhod ko e."

"I know." maiksing sagot ng lalaki at madiin siyang hinalikan sa noo. "Don't worry.
I'll keep on holding you."

Tumango lang siya. "Salamat."

Nakarinig sila ng takatak ng takong ng sapatos saka -

"Tonya! Let's show Grey your transformation." si Noreen iyon.

Nilingon niya ang barbie doll na lumapit at iniaabot ang kamay sa kanya. Wala
siyang magawa kundi iabot ang malamig na kamay. Pagkatapos ay tumingala kay Shaun.

"I'll catch you. Kapag bumigay ang tuhod mo." bulong nito bago lumakad kasabay
niya.

Mapait ang lalamunan niya. Mahina ang tuhod. At tinatambol ng kaba at sakit ang
dibdib.
Excited si Noreen sa paghila sa kanya palapit kay Grey. Itinigil siya nito sa harap
ni Direk bago tumabi sa lalaki. Nakatingin siya sa dalawang magandang tao. Isang
buhay na manika at isang superman - bagay na bagay ang dalawa. Lalong sinalaksak
ang puso niya. Lalong sumigaw ang utak niya. Pamilyar ang pakiramdam at ganung
eksena. Nagseselos siya. Naiinggit. Nanghihinayang. At nalulungkot. Higit sa
lahat... nalulungkot.

Pasimple siyang huminga ng malalim. Natutunan niya na kapag masakit ang dibdib
niya, nakakatulong ang paghinga ng malalim. Parang nililinis ng hangin ang mga
pangit na pakiramdam. Pero barado ang paghinga niya ngayon. Bawat hinga niya ng
malalim, parang singhap. Parang nalulunod siya. At kapag ganito siya, dapat niyang
kayanin ang magkagutay-gutay ang puso niya ng harapan. Dapat siyang ngumiti. At
patigilin ang pagtakbo ng isip niya.

Sanay siyang gawin iyon in the past. Pero mas nahihirapan siya ngayon.

"How's my work?" tanong ni Noreen kay Grey. Sumusulyap sa kanya. "I bring out the
pretty, right?"

Hindi agad nakasagot si Grey. Hinihintay niya ang komento nito. Makikita pa ba siya
nito? E may mas maganda sa tabi nito?

"Are you okay?" nag-aalalang tanong nito.

Pinigil niyang suminghap. Ang O.A niya. Tatlong salita lang, tumagos na sa kanya.
Pinapalambot na agad siya.

"You're pale." dagdag nito. Parang nagpipigil na lumapit pa sa kanya.

"Okay lang ako, Direk." sabi niya. Ngumiti. "Hindi lang ako sanay magsuot ng dress.
Na bagay sa akin."

Patlang.

"Are you sure?" pilit nito. "If..."


"Sure, Direk." una niya.

Tahimik na nanonood sa kanila si Noreen. Palitan ang tingin sa kanya at sa lalaki.

Ano bang gusto nitong marinig? Na kapit na kapit na lang siya sa katinuan niya kaya
hindi pa bumibigay? At hindi na importante sa kanya naayusan man siya ng maganda
ngayon? Kasi ang laki ng kapalit?

"I'll make sure she's okay, Grey." salo ni Shaun na humigpit ang akbay sa kanya,
"She's for me to worry about."

Nagsukatan ng tingin ang dalawang lalaki. Bago bumaling si Shaun kay Noreen.

"I'm sorry hindi ako nakapagpakilala agad kanina. I'm Shaun. I'm the lead." iniabot
nito ang kamay sa babae.

"I always watched you, Shaun. And the introductions... that's my fault."
nakipagkamay ang babae, "I'm Noreen. I'm Grey's..." tiningala nito si Grey, " - if
he's not changing his mind, fiancee."

Fiancee. Agad-agad. Napatingin si Tonya sa singsing sa kamay nito. Malaki ang bato
ng diamond nun. Mamahalin. Bagay sa mahahabang daliri nito.

Fiancee nga.

"I forgot to mention that I'm Tonya's suitor." sumulyap si Shaun kay Grey, "And if
she decides, the boyfriend."

Katahimikan.

Hindi malaman ni Tonya kung paanong nakakasakal ang isang bagay na wala naman doon.
Mas nakakasakal yung mga tinginan na hindi niya alam kung anong ibig sabihin. Yung
mga salita na nawawala at hindi sinasabi. Lalo siyang nahihirapang huminga.
May tumikhim sa likod. Si Boom.

"Direk, ready na po para sa next scene." nagka-crack ang boses ng bakla. Parang
tensyonado rin.

Tumango si Grey dito. "Thanks, Boom."

"Okay, Direk." pagkatapos ay lumakad na ito paalis.

Bumaling si Grey kay Noreen, "Hey, I have to get back to the chair." (director's
chair)

"I know." tinapik ng babae si Grey sa balikat. "Good luck."

"You did a good job. You and Shane and the team." seryosong sabi nito. "Let them
know my gratitude."

"I will." sabi ni Noreen bago sumulyap uli kay Tonya.

Ngumiti siya sa babae. "Thank you uli."

"No problem."

"Tonya, can you work in heels?" tanong ni Grey sa kanya. Nakatitig. Parang pinag-
aaralan ang mukha niya.

"Kaya naman, Direk."

Nakatingin pa rin ito sa kanya. Naiilang na iniiwas niya ang mata.

"Good."
Bumuntong-hininga si Grey at tumalikod.

"Get back on the set, suitor." tukoy nito kay Shaun bago sumigaw sa set, "Let's
shoot!"

*****

"I'm sorry I'm disturbing you on set." sabi ni Noreen habang nakahawak sa braso
niyang nakapatong sa kwadradong mesa.

Short break. Inaayos ang dining set para sa eksenang kukunan nila. Nasa loob sila
ng opisina niya.

Nakatitig siya sa mukha ng babaeng anim na taon niyang hinihintay. Lalo itong
gumanda - a more womanly beauty.

"You're not disturbing me. But it's true that today's schedule is heavy. Majority
ng cast ay nasa mga eksenang kinukunan namin."

Nakatitig si Noreen sa mata niya.

"Why?"

"You've changed."

Aware siya sa sinasabi nito. Marami ngang nagbago sa kanya. Lalo na sa nakalipas na
isang buwan.

"You, too." sabi niya rito.

"Mas gwapo ka ngayon." playful na sabi nito saka sinundot ang tagiliran niya.
Napaigtad siya bago hinawakan ang kamay nito. "Stop it. Baka may makakita sa crew."

Naiiling siya. Alam talaga nito kung saan siya may kiliti.

"Why? You're still acting snob in front of the whole crew?"

"They take me seriously because of that. And it's not an act. I'm usually a snob."
sangga niya.

Umiling ito. "They're afraid of you! That's not nice. And that didn't change about
you. Priority mo pa rin ang films."

Nagkibit-balikat siya. Malambing naman itong ngumiti.

"How's Tito Willy and Tita Marian?" tukoy niya sa mga magulang nito.

Nasa ibang bansa rin ang mga magulang nito. Sa New York.

"They're... static that I came back here." makahulugang sabi nito. Nakatitig sa mga
mata niya. Parang nagtatanong.

Napasulyap siya sa singsing na nasa kamay nito. Hindi siya makapagkomento. Marami
siyang gustong sabihin, pwedeng sabihin... pero hindi niya alam kung paano
uumpisahan. Kinakalamay niya pa ang nararamdaman.

"They wanted to see you and Mama Pearl. But I told them it's still too early for
that. Because we have a lot of catching up to do. And... I still have to make it up
to you."

"Yeah."

Nakatitig lang siya rito. Catching up. Making up. Walang pumapasok sa isip niya.
"Hey... may... problema ba?" maingat na tanong ni Noreen sa kanya. "You're not
saying anything."

"Noreen..." pinakatitigan niya ang babaeng kaharap. She is his Noreen. At suot na
nito ang singsing gaya ng sinabi niya dati. He should be ecstatic as well. And
yet...

"Gregory..? What is it?" may lambong ng lungkot na dumaan sa mata ng babae.

Bumuntong-hininga siya. He can't begin to tell her things.

"I think you have to go back. For now. Hindi kita maaasikaso. Magso-shoot na kami
ng kasunod na eksena."

Hindi ito umimik. Parang nag-isip sandali bago ngumiti.

"You're not even inviting me to dinner? That's lousy." reklamo nito.

Lousy? He's more than that.

"I know. I'm sorry." aniya rito.

"Bumawi ka next time?"

Tumango siya rito.

"I'm really sorry."

"Tama na'ng kaso-sorry!" playful na sabi nito, tumayo at hinila rin siya. Saka ito
umakap sa braso niya at tiningala siyang nakangiti, "You have to walk me out,
lousy."
"Yeah."

*****

"Ang ganda nung fiancee ni Direk no?" sabi ni Boom sa pagitan ng pagsubo.

Late dinner na nila. At may isang eksena pang iso-shoot kasama ang limang artista
bago sila matapos.

"Oo, te. Kinis ng skin. Pinung-pino. Ang puti-puti. Tapos bago umalis kanina,
nadaanan lang ako pero humalimuyak ng bongga!" dagdag ni Abo.

"At ang bait. Apat na beses akong tinuruan kung paano mag-make up." dagdag ni
Tonya. Ang kinakain niya ay ang take-out food na binili ni Shaun para sa kanya,
ayon sa diet niya.

Napatingin sa kanya ang dalawang bading. Natikom ang bibig.

"Okay ka lang, te?" tanong sa kanya ni Boom. Idinantay ang kamay nito sa balikat
niya.

"Ha? Anong okay? Okay naman ako a." sabi niya at ngumiti.

Punong-puno ng hangin ang lungs niya sa kaka-breathe in at breathe out habang nasa
shooting at naka-assist kay Grey. Ganun din nang malambing na magpaalam sa kanya
kanina sina Noreen, Shane, Mikey at Lei.

"Iba yung tensyon kanina e. Napapatunganga kaming lahat." si Boom.

"Oo. Saka... yung gulat ni Direk kay Noreen... parang hindi masaya na nakita uli
yung isa e." si Abo. "Wala ka bang alam kung paano siya naging fiancee ni Direk?"
Nagkibit-balikat siya. "Hindi naman kami nag-uusap ng ganun ni Direk. Ikaw, Boom?"

"Ay, lalo naman ako! Si Direk pa! Parang Noli Me Tangere. Bawal salingin. Hindi
basta-basta nagsasalita."

Natawa siya sa sinabi ni Boom. Alam niya kasing hindi Noli Me Tangere si Direk.
Moody ito. At karamihan doon ay hindi niya pa ma-translate. Na gusto niya sanang
madiskubre kung paano. Kaso...

Natikom ang bibig ng lahat nang lumapit si Grey sa kanila. Wala itong sinabi. Nag-
abot lang ng mug sa kanya at tumalikod na uli.

Nakasunod sila ng tingin hanggang kainin ito ng pinto ng opisina.

"Sandali lang ha." paalam niya sa dalawa at tumayo.

Umirap si Boom. "Minsan talaga to si Direk, wrong timing. Kung kailan nasa gitna ng
pagkain, saka magpapatimpla ng kape."

"May pagka-spoiled din to si Direk e." dagdag pa ni Abo. "Saka nung wala pa si
Tonya, nagtitimpla naman siya mag-isa a!"

"Okay lang yan. Magtitimpla lang naman ng kape." sabi niyang nakangiti.

Tumuloy siya sa kitchen. Pinanood ang coffee beans sa pagkadurog at pagkulo. Saka
siya nagsalin sa panda mug ni Direk. Nang matapos ay huminga siya ng malalim bago
lumakad at pumasok sa opisina ng lalaki.

"Coffee." simpleng sabi niya at inilapag sa tapat nito ang kape. Nasulyapan niya
ang pagkain nito. Wala pang kabawas-bawas.

Nagtataka naman siya. Gabi naman na. Dapat ay may gana ito. Bakit hindi ito
kumakain? Pero hindi naman niya dapat alalahanin yun. May ibang dapat mag-alala
rito. At hindi siya yun.
Ang kaso -

"Bakit hindi ka kumakain, Direk?" tanong niya bago mapigilan ang sariling dila.

Tumingin sa kanya si Goryo. Na parang nagulat pa na nagsalita siya. Nandun na naman


yung titigan moment. Na ayaw na niyang matapos ngayon. Sa iba na kasi ito titingin
sa ibang araw. Sigurado siya.

"I'm tired."

Translation: ...

"Pagod ka kaya hindi ka makakain?" hindi niya maintindihan kung paano nangyayari
iyon. Ang alam ni Tonya, hindi pwedeng magkasabay ang estado ng pagod at gutom. Pag
pagod, dapat kumain para makabawi. Kapag gutom, mahirap mapagod. Pero si Direk..?

"Yeah." hindi inaalis ni Grey ang mata sa kanya.

Hindi naman niya concern yun... pero -

"Baka nag-iinarte ka lang, Direk." nakangiting sabi niya, "Gusto mo lang yata ng
kasabay kumain."

Patlang. Maging siya ay na-offend sa sinabi niya.

"Yeah."

Natahimik siya. Yung pagkakatingin kasi ng superman eyes ni Goryo sa kanya, may
laser beam. Tumatagos. Parang siya yung tinutukoy sa 'Yeah' nito. Pero hindi naman
siya sigurado.

"Ako?" turo niya sa sarili. "Gusto mo 'kong kasabay?"


"Yeah. Ikaw."

Napalunok siya. At muntik masamid sa sarili niyang laway.

"Hindi dapat ako e." una ang dila na sabi niya.

"Siguro nga." parang nanghihinang sabi nito.

"Pero... ako..?" paniniguro niya.

"Yeah."

Ano bang pinag-uusapan nila? Pagkain lang, di ba? Pwede siyang humindi para hindi
awkward. Kasi kung sasamahan niya itong kumain sa katahimikan sa loob ng opisina
nito - sila na magkasama pero may magkaibang iniisip, ang weird nun. Nakakailang.
Pero -

"Sige, sandali lang."

Hindi niya kayang hindian - ang imposible, ang weird at ang awkward na pagkakataong
makasama ito. Lumabas siya at binuhat ang dinner niya.

"Saan ka pupunta?" harang ni Boom. Malaki ang mata nito sa kanya.

"Kay Direk. Wala siyang kasabay e." mabilis na sagot niya.

"Ati! Alam mo ba yang ginagawa mo? Kay Shaun ka na lang pumunta!" si Boom pa rin.
Parang nakukunsumi ito.

Ngumiti siya. Alam naman niya ang ginagawa niya. Nagnanakaw siya ng oras para
makasama si Grey. Hindi niya nga lang kaya pang sabihin. O ipaliwanag kay Boom at
Abo. Lalo na kay Shaun.
Niyakap niya ang baklita.

"Thank you sa concern. Kakain lang ako. Ano ka ba?"

"Tonya..." gusot ang mukha ni Boom.

Siniko naman ito ni Abo.

"Alam niya ginagawa niya. Slow lang siya. Hindi tanga." bumaling sa kanya si Abo,
"Hindi ka tanga, di ba, Tonya?"

Lumunok siya. Tanga siya. Hindi lang nito alam kung gaano. Wala siyang kalaban-
laban sa taong suplado na naghihintay sa kanya sa opisina. Ni hindi nga siya
pinilit e. At hindi rin siya nagpakipot.

"Kakain lang ako." sabi niya sa dalawa at ngumiti.

Bumalik siya sa opisina ni Goryo. #

Chapter 17 : Indecisions

A/N : Dahil sa bonggang mga espekulasyon, haka-haka at walang prenong abangers mode
n'yo, kagabi ko pa to natapos. Nirereserba ko sana para mamayang gabi pa. Pero,
wala e. Hahaha. Natutuwa ako sa inyo. Itong sa inyo! Haha. XD

-----

"Bumangon ka na, Tonya. May naghahanap sayo." panggigising ni Mama Korina sa anak.
Napahikab pa ito.

Agad namang nagising ang diwa ni Tonya sa boses ng ina. Nahihirapan siyang nagmulat
ng mata. Puyat siya sa shooting kagabi at sa pagod sa pag-iyak sa unan.

Ala una ng madaling araw na siyang nakabalik sa sariling kwarto. Nang mag-cut si
Direk at maitabi na ang mga log sheets na hawak, hinila siya ni Boom para isabay
pauwi. Nawala ang plano niyang hintayin uli si Grey na nagpaiwan na naman sa
opisina nito.
"Ma?" nangilala siya sa ina nang mapatingin dito. Wala kasi ang rollers nito sa
ulo. Sa halip ay maganda ang bagsak ng kulot sa balikat nito. May kaunti pang make-
up sa mukha.

Napasulyap tuloy siya sa orasan na nasa tabi ng kama. Alas sais pa lang.

"Bakit nakaayos ka, Ma?" usisa niya.

"May bisita kasi. Alangan namang magpakita akong naka-rollers ang buhok. Bumangon
ka na rin at mag-ayos bago ka bumaba."

"Bisita? Sino? Masyado pang maaga." napapaisip siya. Ang alam niya kasi ay hindi
tumatanggap ng maagang bisita ang Mama niya. Ayaw nitong naiistorbo ang pagtulog.
The least na ginagawa nito ay ipahabol ang kung sinumang istorbo sa aso nila.

"Wag ka nang marami pang itinatanong." dagdag ng Mama niya at hinila siya sa kamay
para tuluyang makabangon. "Magmadali ka na. Nakakahiya sa bisita!"

At nahihiya ang Mama niya? Napapailing siyang sumunod sa utos nito. Halos pikit pa
siya nang magpatianod at magpatulak sa banyo.

Pagkatapos niyang maligo ay nakahanda na ang mga dadamitin niya sa kama niya. Mga
damit na hindi niya kilala.

"Kaninong damit yan, Ma?" tanong niyang mahigpit ang hawak sa tuwalya sa katawan.

"Sayo! Kanino pa ba? Kahapon ay may trak na dumating dito. Tatlong box na malalaki
ang ibinaba. Nakapangalan lahat sayo e." malaki ang ngiti ni Korina, "Nagsukat nga
ako. Kinuha ko yung babagay sa akin."

Hindi niya naiintindihan ang sinasabi ng ina.

"Yung bisita mo ba sa baba ang may bigay? Sinagot mo na ba? Sagutin mo na."
Hindi niya alam ang isasagot sa ina. Namamanghang hinaplos niya ang pares ng sweat
shirt at shorts na nakalatag sa kama. Ganun din ang dress na naroon.

"Ito ang isuot mo mamaya sa trabaho. Maganda itong dress. Nakakapayat."

Natigilan siya. Nagbalik sa alaala ang nagdaang araw. Damit na nakakapayat.


Maraming-maraming damit sa clothes rack. May mga stylist - sina Noreen, Shane,
Mikey at Lei. Inayusan niya. Pinaayusan. Ni Grey.

Binuksan niya ang kabinet niya. Punumpuno iyon ng damit. Ang ilan ay pamilyar sa
kanya - kasama yun sa pinamimilian kahapon sa mga isusuot niya.

Napalunok siya at masakit na ngumiti. Binili ni Grey para sa kanya? O nag-a-assume


lang siya?

"Bihis na, anak. Bababain ko ang bisita mo at baka mainip."

Bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi kaya ang bisita niya ay si -

Mabilis siyang nakapagbihis at nag-ayos. Dahil hindi pa komportable sa pagmi-make


up na itinuro sa kanya ay naglagay lang siya ng moisturizer sa mukha. Pagkatapos ay
nag-lip balm. Nang maitupi ng maayos ang dress na gagamitin at mailagay sa mas
malaking tote bag ay dali-dali siyang lumabas ng kwarto.

Parang may pakpak siya sa paa. Excited siyang makita ang iniisip niyang bisita.
Nang makarating sa sala ay nakita niyang malambing na kausap ng Mama niya ang
lalaking nakatalikod. Nawala ang sigla sa dibdib niya. Kilala niya ang likuran ng
lalaki.

Hindi si Grey.

"Good morning!" bati ni Shaun. Malaki ang ngiti nito. May bitbit na bulaklak.
Dalawang bouquet.

"Shaun..." pinilit niyang itago ang disappointment, "Ang aga pa."


"Yes. I was calling on your phone pero hindi ka sumasagot. So, I decided to pick
you up. And I bought flowers on the way here. For you and your mother."

Halos nakadikit ang Mama niya sa lalaki.

"Hindi mo naman sinabi anak na close kayo nito ni Shaun." parang kinikiliti sa
singit ang Mama niya.

Natawa siya. It was so long ago since she last saw her mother act like a girl. Mula
nang mawala ang Papa niya ay lagi na itong galit, istrikta at maingay. At paano
nito nalaman na close sila?

"Actually, Ma'am, nililigawan ko po ang anak n'yo." simpatikong sabi ni Shaun dito.

Pinandilatan niya ng mata ang lalaki. Hindi ito dapat nagsasabi ng mga ganung bagay
sa Mama niya!

"Hindi, Ma -"

"Totoo?" walang pakialam sa kanya ang ina. Ang buong atensyon nito ay na kay Shaun,
"Si Tonya? Nililigawan mo ang panganay ko? Hindi ba reality show to? Tapos mamaya
lalabas si Joey de Leon?"

Lagi talaga nilang hinahanap si Joey de Leon tuwing hindi makapaniwala. Hindi naman
niya masisi ang ina. Hindi pa nga rin siya naniniwala hanggang ngayon sa mga
ipinapakita ni Shaun.

"Yes po."

In fairness naman sa lalaki, cute itong tingnan na mangopo sa Mama niya. Sa kabila
ng tangkad at minsan ay padaskol na kilos nito. Lalo na kapag naninigarilyo.

Lumingon sa kanya ang Mama niya. Nakaturo pa.


"Sagutin mo siya, anak! Para magka-manugang ako ng artista!"

Nagngitian lang sila ni Shaun. Pansamantalang nakalimot si Tonya sa bigat ng dibdib


niya.

*****

Nakabihis na si Grey nang bumaba sa silid niya. Naka-hoodie siya, maluwang na


shorts at rubber shoes. Pupunta siya sa gym.

Hindi siya nahintay ni Tonya kagabi. And today, like any other day, he's anxious to
see her.

Para lang matigilan nang may mga kalampog na marinig. Kunot-noo siyang nagpunta sa
kusina at sumilip. And there's -

"Good morning, corny!" masiglang bati ni Noreen sa kanya habang hawak ang isang
kaserola. Ibinaba nito sa counter ang hawak at nagtatakang sinuri siya ng tingin.
"Are you going somewhere? Without eating anything?"

"Yeah. I'm..."

Malaki ang mata nito sa pagtatanong. Maamo ang mukha.

Bumuntong-hininga siya.

"Why are you here?"

"I'm making you breakfast!" sabi pa rin nito, bumuwelta sa kawaling nakasalang.
"Kahapon, sinilip ko yung schedule ng shooting. Eleven pa ang shoot today. So, I
thought we could be together... until then?"
May bigat na dumagan sa dibdib niya. Bigat na nagparalisa sa dila niya kaya hindi
siya makapagsalita. Nakatingin siya sa pagkilos ng babae sa kusina. Naka-pony ang
buhok ni Noreen. May suot na blue apron sa ibabaw ng pink na dress. Her frame
looked delicate and comforting in the morning sun that filled the room. She is
perfect in his kitchen. Ilang ulit na niyang inasam na naroon ito sa bahay niya, sa
kusina niya. Ipinaghahanda siya ng almusal.

Pero -

Naalala niya ang gumugulong na stainless bowl sa sahig. Ang magulong kusina. Sina
Portia at Tonya na nagkukulitan sa pagitan ng pagluluto - that lively scene.

"What are you looking at?" masuyong tanong ni Noreen sa kanya.

Kailangan niyang magsinungaling.

"Nothing. Hindi lang ako makapaniwala na bumalik ka nga."

"Yeah?" nakangiti itong humarap sa kanya, "Nag-alala kasi ako."

Napatingin siya rito. Pero hindi makalapit.

"Snob ka na kasi lately. There are less of your emails. I cannot take hold of you
on the phone... kahit video call. And... I got scared. I got scared and thought
that maybe... you got tired waiting."

Lumunok siya.

"Noreen..."

"And I don't know what I would do if that happens. Because I waited for this day,
too. God knows how I waited for the day that I can get back to you and wear this
ring." namuo ang luha sa mga mata nito. Pinaglapat nito ng mariin ang mga labi.
Pinaglapat niya nang mariin ang mga ngipin. She is dear to him. Hindi niya maatim
na makita itong umiiyak. All their lives, except for the last six years, they've
been together.

Lumapit ito sa kanya. Tumingala para salubungin ang mga mata niya.

"You are my best friend. My confidante, my fan, my life support. You are
everything, Grey. I don't know kung anong gagawin ko... kung hindi mo na 'ko
mahal." yumakap ito sa kanya. Natuod naman siya sa kinatatayuan.

"I'm sorry, Noreen." sabi niya rito at ikinulong ang babae sa bisig niya. He
gritted his teeth. Pumikit ng mariin.

Nang humiwalay sa kanya si Noreen, nagpahid ito ng luha.

"I'm sorry for being overly dramatic. Ikaw kasi..." sabi nito.

Malalim siyang humugot ng hininga. Pagkatapos ay ngumiti rito.

"Baka gutom ka lang."

Hinampas siya nito sa balikat.

"But next time, tell me if you're coming over. So at least I can wake up early,
okay?"

Tumango ito. "Yeah. You sleep like the dead. You must be so tired."

"Sumilip ka sa kuwarto ko?"

"Yeah. As in you're in a total blockout. And... you knocked my picture down. Kaya
inayos ko."
Nagkaroon ng bara sa lalamunan niya. Hindi niya natabig lang ang picture ni Noreen.
Yesterday morning, he intentionally placed it facedown.

"I'll set the table. Kain na tayo." nakangiting sabi ni Noreen.

That smile.

"Yeah."

He could not break her heart.

*****

"Let's eat." masiglang aya ni Shaun kay Tonya.

Sa isang restaurant sila nagtuloy matapos ang workout sa gym. Niyaya kasi siya ni
Shaun na kumain muna bago pumunta sa set. At dahil may oras pa naman at may
sasakyan ito, nagpatianod si Tonya. Libre naman. At nag-effort si Shaun na tandaan
ang mga pagkaing bawal sa kanya. Kaya naman ang kaharap niya ay green vegetables,
prutas at isda. Naiinggit naman siya dahil sa naglalakihang lamang-dagat na nasa
plato nito - pusit, hipon, isda at tahong.

"Malakas kang kumain?" manghang tanong niya rito.

"Yeah. Hindi ba halata?"

Panay ang iling niya. Sa tigas ng masel nito at tikas ng katawan, sinong
makakahalata? Samantalang siya, isang pipisuhing puto lang ata ang kainin,
makakadagdag na ng bagong layer ng taba sa bilbil niya.

"Paano mo nami-maintain ang katawan mo?"


Natawa ng malakas ang lalaki. "Hindi mo nga talaga ako pinapanood. O napanood. I
still can't believe it."

"Hindi nga talaga. Pero anong kinalaman nun sa tanong ko?"

Nagpatuloy ito sa pagtawa. "Because I've been asked that question so many times. Sa
lahat yata ng TV guestings ko, magazine articles about me, and even Press
Conferences. And the answer to that is, I exercise a lot. Nagta-triathlon ako. I
swim. I dive. I box. And I'm into other sports."

Translation: Healthy ito. Gwapo ito. Macho ito. At mabenta ito.

"Wow! Ang dami nun." sabi niya rito habang sumusubo ng salad. "E di ba lagi kang
busy? Paano mo naisisingit?"

"There are 24 hours in a day, Tonya. I make sure I work out every day especially on
days when I indulge on food like this."

Hanga siya rito. Kahit noong iilang araw pa lang niyang nakikita sa set si Shaun,
napansin na niya ang mabigat na schedule nito. Lagi itong naghahanda para sa
shooting - kung hindi para sa pelikula ay para sa commercials, photoshoot, o
guestings.

"Sa sobrang busy mo, paano mo pa naisingit ang pumunta sa gym? Mahirap siguro."
interesadong tanong niya.

"If there's a will, there's a way." sabi nito at kumindat. "Naisingit ko ngang
masundo ka, di ba?"

Nangiti siya. Oo nga pala. Pero -

"Ibig sabihin?"

"I'm finding ways, Tonya. I want to have a chance with you. Anything that I could
get."
Lumambot ang puso niya sa narinig dito. Hindi ba ang sinasabi nito ay isinisingit
nito sa schedule nito ang magpunta sa gym at ang sunduin siya para makasama siya?
Nakokonsensiya tuloy siya. Kahapon na nasa tabi niya ito sa panghihina ng tuhod
niya at kaninang umaga na maaga itong pumunta sa bahay nila para magsundo... ibang
tao ang nasa isip niya.

"Nanliligaw ka talaga no?" medyo mabigat ang dibdib na tanong niya.

"Yes."

Patlang.

"Hindi ka pa rin ba naniniwala?"

Hindi nito alam kung gaano kaimposible iyong paniwalaan para sa kanya. Nang ligawan
siya ni Hans noon, dalawang buwan ata bago siya naniwalang hindi ito sugo ni Joey
De Leon para i-Wow Mali siya. At limang buwan siyang umiwas dahil sa akala niyang
good time.

"Kaya ko namang maniwala... pero -"

Hinawakan nito ang kamay niya. Tinitigan ang mga mata niya.

"I really like you. You're a breath of fresh air for me. And I want to tell you
more reasons why I do but..." nagkibit-balikat ito, "I guess I don't have a lot of
sense. I'm just drawn to you."

Hindi siya makapagsalita. Paano nangyayari ang mga bagay na ito? Hindi pa nga siya
payat. Na-make over pa lang siya.

"Thank you." sabi niyang pinisil ang kamay nito, "Pag nagbago ang isip mo, okay
lang naman."

Sumeryoso ito. Nawala ang ngiti.


"I would be really happy if you stop thinking like that."

"Like ano?"

"Like I'm going to change my mind easily. Like you're not worthy to be liked. Or
loved."

Sumubo siya ng pagkain. Mahirap ang hinihingi nito. It's like scrapping thirty
three years of misery in her life. On the other hand, di ba at iyon ang gusto
niyang mangyari? Ang baligtarin ang kwento ng buhay niya? At hindi ba kahit na
parang imposible ay ito na ang simula?

"Susubukan ko, Shaun."

"Great. Aasahan ko yan." anito at pinisil ang kamay niya.

Nagpatuloy silang kumain. Habang hawak-hawak nito ang kamay niya. Habang nakatingin
ang maraming mata sa kanila. Habang may pagbubulungan.

Kapag buong buhay mo ay pinagbubulungan ka at pinag-uusapan, natututunan mong


palakihin ang tainga mo kahit alam mong posibleng hindi mo magugustuhan ang
maririnig mo. At iyon mismo ang automatic na nagagawa ni Tonya. She can almost hear
people talking. Pero pinipili niyang isara ang tainga.

"Pwede ko na bang kunin yung kamay ko? Nakatingin kasi yung mga tao." sabi niya sa
lalaking patay-malisya sa mga tao. O baka hindi talaga nito naririnig ang mga
bulungan kahit na kaunti.

"Don't mind them. Let's eat."

Hindi pa rin siya komportable.

Ngumiti siya. "Sikat ka talaga no. Ang daming nakatingin e."


Seryoso itong tumingin sa kanya. "Yeah. And no one in this room has any right to
question who I go out with. Don't let them bother you."

"Naririnig mo sila?"

"Yes. They're loud."

Hindi siya nakapagsalita. Nagtitigan lang sila ni Shaun. Pagkatapos ay ngumiti ito.
Yung ngiting parang bata at nagpapalimot sa kanya sa mga taong bubuyog.

"Next time, I will take you somewhere more private. And under my control."

Tumango siya. May kumurot sa dibdib niya.

"Thank you."

Pero ang next time na yun... ibibigay pa ba niya? Hindi ba at kahapon lang,
sigurado na siya na si Grey...

"Shaun... kasi... yung kahapon..."

"I don't mind it."

"Hindi mo naiintindihan. Si Grey -"

"Don't say it." seryoso nitong tinitigan ang mga mata niya. "He's not anything to
you, Tonya. Assistant ka niya. Direktor mo siya. And he has Noreen."

Tumungo siya. Oo nga naman. Kaanu-ano niya ba si Grey? Wala naman silang espesyal
na relasyon.

Gamit ang daliri ay kinuwit ni Shaun pataas ang mukha niya.


"You have me."

Patlang.

"Look at me, Tonica." ngumiti ito, "Please?"

Matipid siyang ngumiti.

"Sige." #

Chapter 18 : Awkward

-----

"Good morning!" bati ni Tonya kay Boom na nakatalikod at nakapamaywang habang


nakabantay sa inaayos na ilaw at riles ng camera.

Nilingon siya ng bakla. Kunot ang noo nito. Parang bad mood.

"Morning." labas sa ilong ang bati nito.

Inilabas niya ang isang haba ng tsokolate sa bag na naaalala niyang paborito nito.
Inilalaan niya iyon para sa maasim at mapait na panahon. Gaya ngayon.

"Chocolate?" nakangiting alok niya, nakaabang ang tsokolate.

Lumaki ng kaunti ang mata ni Boom pero hindi nagpahalata.

"Sa akin yan?"


Tumango siya.

Hinablot nito ang tsokolate. "Salamat."

Sa paningin ni Tonya ay parang kumalma na ito. Tumuwid kasi ang buhol ng kilay
nito.

"Anong problema?"

Bumuntong-hininga ng malalim si Boom. "Gusto mo bang isa-isahin ko?"

"Oo. Para malinaw."

Umikot ang mata nito.

"Yung bruha sa dressing room! Yung matandang isang Famas award lang naman ang
napanalunan sa buong buhay niya ay nagmamaganda sa set-up. Kaya ito, nagra-rush ako
para baguhin ng kaunti ang set. Ayon sa gusto niya. Beterana raw siya e."

Translation: May bruha na nagmamaganda at pinahihirapan si Boom.

Kilala na nila iyon. Tatlong araw nang nasa set at trip pag-tripan ang bakla.

"Alam ni Direk?"

"Siyempre, hindi!"

"Bakit hindi mo sinabi?"

Umikot ang mata nito.


"Makikipag-away yun sa bruha. Pagsasabihan. Hindi nagtotolerate ng favoritism si
Direk. Kaya ako ang ibinigay ng Prod na assistant niya. Ako ang nagtotolerate."

Translation: Makikipag-away sa bruha si Direk kaysa magbigay ng favoritism.

"Tapos?"

"Tapos, may magandang bruha sa opisina ni Direk."

Translation: Nandoon uli si Noreen.

"Ah." tanging nasabi niya.

"Ewan ko ba kung bakit hindi maawat sa pagpunta. Nice naman siya and all...
nagdadala ng breakfast para sa lahat. O meryenda. Parang First Lady. Pero alam mo
yun? Araw-araw sumisilip na parang nagbabantay ng anak! Saka nandito ka!" napahawak
sa sentido si Boom. "May band-aid ka ba?"

Translation: Nakabuntot si Noreen kay Grey. Kaya mong maging tanga?

Tumango siya.

"Ikaw na talaga! Wala akong masabi!"

Ngumiti lang siya.

"Siyempre, dadalaw yun lagi kay Direk. Fiancee siya, di ba?"

"Pasmado yang bibig mo! Hugasan mo!" naiiritang sabi ni Boom sa kanya.

"Ha? Wala akong pasma, Boom."


Umiling-iling ito. Saka naman niya nagets ang sinasabi nito. Pero wala namang silbi
kung pagagandahin niya ang description sa nangyayari kay Grey at Noreen. Kung
nakabuntot man sa lalaki si Noreen, karapatan iyon ng babae. At sila, wala silang
karapatang magreklamo.

Kahit ang pag-atungal sa iyak ng puso niya, three days in a row, walang karapatan.

"Tapos? May problema pa ba?"

Nagpapadyak si Boom. Parang naiirita. Pero hindi niya alam kung sa kanya o sa
sarili nito.

"Tonya naman!"

"Ano?"

Kumapit sa braso niya ang bakla. "Sorry! Ikaw ang dapat nagrereklamo to the max sa
akin. Hindi dapat ako. Ang sama-sama kong bakla!" maarteng sabi nito sa kanya.

"E ikaw ang may problema e."

Yumakap ito sa kanya habang nagtatatalon.

"Pero ikaw ang tanga, te."

"Oo nga."

"Bwisit ka! Umaamin ka pa talaga!"

Mahina siyang tumawa at hinagod ang mapintog na braso nito.

"Wag mo 'kong masyadong inaalala. Matanda na ako."


Hindi ito tumitigil sa pagtalon.

"May isa pa. Hindi ko alam kung paano sasabihin!"

"Ano?"

Bumitaw ito at tumingin sa kanya.

"Kasi -"

Pero naputol ang sasabihin ni Boom nang may dumaang pamilyar na tensyon. Walang-
kibo. Pero kahit yata ilang metro pa ang layo nito, made-detect ni Tonya.

"Good morning." malamig ang bati nito.

Ngumiti siya ng malapad, "Good morning, Direk!"

Siniko siya ni Boom. Yung pagsiko na kung sa sikmura niya tumama, wala na siyang
hininga ngayon.

"In my office, Tonya." pahabol nito bago nakalayo.

"O, nakita na 'ko ni Direk. Mamaya mo na ituloy yung sasabihin mo." sabi niya kay
Boom at nagmamadaling iniwan ito.

"Sandali -"

Sa staff room siya nagpunta para ideposito ang bag na bitbit. Naka-dress siya
ngayon pero hindi kataasan ang takong ng sapatos na suot para makapagyao't dito na
number one na trabaho niya. Pagkatapos maibaba ang gamit ay dumiretso siya sa
opisina ni Grey. Huminga siya ng malalim para magkalakas ng loob na tingnan si
Noreen.
Binuksan niya ang pinto. Wala si Noreen.

Si Grey ay nakaupo sa kwadradong mesa habang bukas ang laptop sa harap nito. Parang
may binabasa. O tina-type.

Walang-imik niyang kinuha ang nakataob na panda mug. Magnanakaw na rin sana siya ng
sulyap. Kaso, nagkasabay sila ng lalaki. Nagtama ang mata nila.

"Bakit, Direk? May sasabihin ka?" una niyang tanong sa tumatagal na titigan.

Wala ang lamig sa mata nito. Maamo iyon. At parang pagod.

"Can I ask you a favor?"

"Ano yun?"

Parang nag-isip pa ito bago itinuloy ang pagsasalita.

"Don't watch television, read the newspapers or listen to the radio. For at least a
week."

Translation: Gawin mo ang gusto ko.

"Okay."

Natigilan naman ito. Parang na-off guard sa mabilis niyang sagot.

"Hindi mo ako tatanungin kung bakit?"

"Hindi na kailangan yun, Direk." ngumiti siya lalo rito, "Bakit? Gusto mo pa bang
tanungin kita?"

Patlang.

"No. I'm just... you're just really..." tumikhim ito, "I mean..."

"Nauutal ka."

"Yeah." patlang, "I'm at a loss with what to say."

Kitang-kita niya ang ebidensiya sa sinasabi nito.

"Then don't say anything. Okay lang yan."

Nakatingin ito sa kanya. Seryoso.

"How will you know what I am thinking kung hindi ako magsasalita?"

"Maiintindihan ko yun."

Titigan. At patlang.

Nawalan na nga talaga ng salita si Goryo. Ngumiti naman siya bago tumalikod at
lumabas sa opisina nito. Sa kitchen siya nagtuloy at nagtimpla ng kape. Dadalhin na
niya pabalik ang tinimpla nang nakangiting sumalubong si Noreen.

"Hi, Tonya." bati nitong nakatingin sa kape, "Kay Grey yan?"

"Oo." nakangiti siya. Nanliliit ang mata. Nasisilaw siya sa kagandahan ng babaeng
kaharap.
"Pwede bang ako na ang magdala niyan sa kanya?"

Tumirik ang utak niya sa tanong nito. Hindi niya alam kung paano i-translate dahil
nauuna ang pagdadamot na nararamdaman niya.

Alanganin siyang sumagot. "Pwede bang... ako na lang? Sanay naman ako e."

Patlang.

"Please?" malambing na pakiusap ng babae.

Napapakiusapan siya. Pero... kung ibibigay niya ang kape, hindi niya alam kung
kailan pa uli makakapagnakaw ng oras para makalapit kay Grey. Para mapag-isa kasama
nito. Tatlong araw nang naroon si Noreen. At bawat panahon na nagbibitbit siya ng
kape, nakatabi ito sa lalaki. Ngayon na nga lang hindi.

Alam niyang dapat niyang ibigay ang mug. Pero hindi niya maipasa rito.

"Pwede bang ako na lang, please?" nakikiusap na sabi niya kay Noreen kahit na
hiyang-hiya, "Kape lang naman 'to."

Nagtitigan sila. Parang nagbabasahan. Malungkot na ngumiti ang babaeng kaharap bago
bumuntong-hininga.

"You're in love with Grey."

Paano nito nalaman? Lumunok muna siya. Magsisinungaling dapat siya kaso -

"Oo."

Mas madali magsabi ng totoo. Nahigit nito ang hininga.

"Are you trying to catch his attention?" halos walang-hangin na tanong nito.
"Oo. Minsan."

"Are you trying to get him?"

"Hindi." lumunok siya, "Alam ko naman ang posisyon ko." patlang, "Assistant lang
ako ni Direk. Ikaw ang... fiancee."

Hindi kumibo ang babae.

"Pero aaminin kong nagnanakaw ako ng maliliit na oras para sa sarili ko. Gaya ng
pagtitimpla ng kape. Kaya sorry."

Parang pinag-aaralan siya ni Noreen sa paraan ng pagtingin nito sa kanya.


Pinagsalikop nito ang dalawang kamay.

"You're too honest... and brutal." sabi nito sa kanya. Nanginginig ang kamay nitong
may singsing ni Grey.

Ngumiti siya ng mapait. She likes Noreen. Mabait ito. Bagay ito kay Grey. Wala
siyang panama kahit na katiting.

"You're too pretty. And nice."

Tumungo ang babaeng kaharap.

"I'm sorry, Tonya."

Patlang.

"Sorry rin."
"But I'm not going to make way for you to get Grey." seryoso ito nang tumingin sa
kanya, "He's meant for me."

"Hindi naman ako nag-i-expect. Obvious naman yun. Kahit naman ako ang nasa lagay
mo, hindi ko isusuko si Direk."

"Then could I at least request you stop putting sticky notes with love quotes on
his coffee? It's very... confusing."

Natigilan siya. Oo nga pala. Puro love quotes pa rin ang isinusulat niya sa sticky
notes. Hindi pa kasi siya nakakarating sa friendship at loyalty quotes na na-
research. Baka nag-alala si Noreen sa nababasa at iba ang naisip.

Sa tatlong araw ay ito ang mga inilagay niya: 1, Love is sweeter the second time
around; 2, You can only love what you got while you got it; 3, Love isn't something
you find. Love is something that finds you.

At ngayong araw sana: Love is when he gives you a piece of your soul, that you
never knew was missing.

"Okay. Bukas, wala nang love quotes. Sorry uli."

Tumango si Noreen. Bahagyang napakagat sa labi nito, "Salamat, Tonya."

Awkward siyang ngumiti. Habang tumalikod naman ito at papalabas na sana ng kitchen
ng -

"Teka, Noreen." pigil niya. May hindi pa kasi malinaw sa kanya. "Ibig sabihin, okay
lang na ako ang gagawa ng kape ni Direk araw-araw? Ako pa rin?"

May hindi maintindihang anino ng damdamin sa mata nito habang nakatingin sa kanya.

"Yes, Tonya. Okay lang."


Nakahinga siya ng maluwag.

"Salamat."

Lumabas na ito sa silid. Napaupo naman siya sa dining set na naroon. Inilapag ang
hawak na mug sa mesa. Nanginginig siya. Ngayon ang kauna-unahang pagkakataon na
tahimik na bagyo ang engkwentro niya sa isang tao. Mas sanay pala siya na
pinaparinggan, minamaliit at nilalait. Pero ang maka-face to face ang isang taong
walang balak na pamukhaan siya o insultuhin, iba rin pala ang yanig. Sinasalakay ng
kaba, pait, sakit, hiya at pangamba ang puso niya. May dalawa pang emosyon na ayaw
niya sanang nararamdaman: selos at inggit. Dahil kahit na aminado siyang may
karapatan si Noreen kay Grey, alam niya sa sarili niyang pangarap niyang mapunta sa
posisyon nito.

Huminga siya ng malalim. Kinakalma ang sarili. Kailangan niyang mag-move on ng


mabilis sa usapan nila. At isipin ang trabaho.

Wag na raw siyang maglagay ng love quotes. Ibang quotes na lang.

Napaisip siya at naalala. May libro naman siya ng mga kasabihan. Doon na lang siya
kukuha.

*****

Alas onse ay tapos na ang shooting. Mas maaga kaysa sa inaasahan nila. Isang
shooting day na lang sa set at lilipat na sila sa location shoot. Nagkulong na
naman si Grey sa opisina nito matapos magsabi ng 'Cut'. Pero hindi nito hinila si
Boom o siya para sa kahit na anong emergency meeting.

"Ano na naman kayang lalamayin ni Direk? Nakakapagduda na ha! Gabi-gabi nagkukulong


sa office niya." komento ni Boom habang nag-aayos ng bag nito.

Nasa staff room sila.

"Baka nagpapahintay sayo, Tonya!" nakatawang sabi ng kalapit nitong si Abo.


Hinampas ni Boom si Abo sa balikat. "Hoy ikaw bakla, wag mong gawing matabang hopia
to si Tonya! Baka maniwala yan at magtulo-laway na naman sa alindog ni Direk! Doon
na lang siya kay Shaun. Walang sabit!"

Nakatawa siya. "Pumapayat na ako, Boom. Hindi na ako magiging matabang hopia."

Ibinalik ni Abo ang hampas. "Saka wala si baby Shaun ngayon, ano ka!" nagtatawa ang
bakla bago bumaling sa kanya, "Ilang kilo ka na, Tonya?"

"67!" kinikilig na sabi niya sa dalawang kausap.

Nalaglag ang panga ng mga ito. Lumapit, hinawakan siya sa balikat at iniikot.

"Akala namin daya pa rin ng dress! Shet, award!" pumalakpak si Abo sa kanya.

Nakipalakpak si Boom. "Shet, pag pumayat ka na talaga... shet! Mailalampaso mo si


Noreen!"

Ngumiwi siya. "Wag natin siyang ilampaso, Boom. Mabait siya! Saka, siya ang pumili
ng mga damit ko kaya lagi akong nagmamaganda."

Tulala ang dalawang bading sa sinabi niya.

"Iba na lang pag-usapan natin! Yung healthy sa lungs at hindi nakakatanga!" sabi ni
Abo.

"Oo. Iba na lang."

Excited naman siyang naghihintay sa ibang topic na pag-uusapan nila. Pero wala.

"Ano? Ano nang pag-uusapan natin?" usisa niya.


"Wala. Nakakatanga pala lahat ng pwedeng topic. Umuwi na lang tayo." sagot ni Boom.

Nanghinayang naman siya. Gusto niya pa sanang makipagkulitan sa dalawa.

Papalabas na sila ng studio nang mapatingin siya sa opisina ni Grey. Bukas pa rin
ang ilaw. At bahagya na namang bukas ang pinto.

"Wag mo 'kong bigyan ng mga longing look mo, Tonya! Uuwi na tayo!" sabi ni Boom at
hinawakan siya sa braso.

"E... titimplahan ko muna ng kape uli si Direk." palusot niya.

"Tonya! Rurupok na ang buto ni Direk sa caffeine! At malulunod na siya sa kape!


Anim na beses mo yata siyang inaabutan sa isang buong araw. Ikamamatay niya ang
loyalty mo!" mataas ang boses nito bago bumaling kay, "Abo! Hawakan mo 'tong
hopiang to!"

Pero bago siya mahawakan ni Abo ay nakapiglas siya at mabilis na tumakbo.

"Tonya! Hoy!"

"Sandali lang ako! Sorry!" sigaw niya habang parang hinahabol ng kabayo.

Pabigla niyang binuksan ang pinto at pabagsak na naisara.

Gulat si Grey nang lingunin siya. Nakaupo ito sa mesa nila, kaharap ang bukas na
laptop nito.

"Tonya!" kunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya, "Sinong humahabol sayo?"

Humihingal siya habang nakangiti sa lalaki. Hawak-hawak niya ang ini-lock na


seradura ng pinto.
"E... sila Abo at Boom, Direk!" mahina siyang tumawa, "Natakasan ko."

Nagkatinginan sila. Ngumiti si Grey. Maliit muna bago lumapad matapos nitong
bumuntong-hininga. Unang beses iyon pagkatapos ng ilang araw. Pakiramdam ni Tonya
ay pumatak ang ulan sa disyerto. Piniga agad ang puso niyang talandi na sabik sa
ngiting galing sa suplado.

"Nakangiti ka."

"Yeah." bahagya itong umiiling, "Okay ka lang? Bakit ka nila hinahabol?"

"Kasi..." hinabol niya ng isa pa ang hininga, "- gusto kitang ipagtimpla ng kape."

"Ow." nag-isip ito, "I don't get it."

Mahina siyang tumawa. Wala naman itong alam sa katangahan niya.

"Wag mo nang isipin. Coffee?"

Nakatitig ito sa kanya. At sa ngiti niya na malapit nang mahiya sa tagos ng titig
nito.

"Hug."

Kumurap siya. Hindi niya yata masyadong narinig ang sinabi nito.

"Ano uli, Goryo?"

Pumait yata ang ngiti nito.

"Nothing. Just get me coffee." pagkatapos ay lumunok ito at ibinalik ang paningin
sa laptop.
Lalo siyang naguguluhan. Kanina ang sabi nito, gusto nito ng yakap. Ngayon naman,
kape na lang.

"Please." sabi nito at hindi nakatingin na iniaabot ang mug sa kanya.

Kinuha niya ang mug. May tensyon sa ere. O baka siya lang ang nakakaramdam. Kasi,
pinag-iisipan niya ang sinabi nito. Gusto nito ng yakap. E wala namang ibang tao
kundi siya. Malamang, sa kanya hinihingi, di ba? Ang kaso, alam niyang hindi siya
ang dapat magbigay ng yakap na kailangan nito. Hindi naman siya ang fiancee. Kape
lang ang allowed siyang ibigay. At ang katangahan niya. Pero kasi... gusto niya rin
itong yakapin. At nabobobo na naman siya sa pagdedesisyon.

"Nag-iinarte ka ba uli, Goryo?" masuyong tanong niya.

"What?"

Bago pa ito makalingon ay lakas-loob siyang yumakap mula sa likuran nito. Nabibingi
siya sa pagwawala ng tibok ng puso niya nang madikit siya sa init ng katawan nito.
Nanginginig siya sa kahihiyan at pagsasamantala.

"Three seconds lang. Para sa friendly hug." nagawa niyang ibulong rito habang
nahihirapang huminga. "Para hindi ka nag-iinarte."

Nararamdaman niya ang tensyon sa katawan ni Grey. Pero baka sa kanya lang uli yun.
Siya lang naman kasi ang natatanga sa kanilang dalawa. Nagbilang siya sa isip niya.
Para hindi siya sumobra sa segundong sinabi niya. Pero nang kakalas na siya,
hinawakan nito ang nakayakap na braso niya at sumandal sa kanya.

"Stay. Make it more than that."

Lalo siyang nanginig at nahirapang huminga. Pero anong magagawa niya laban sa
salita nito? Tanga lang siya. Superman ito.

Surely, she's overpowered. #


Chapter 19 : Complicated

A/N : Dahil buhos na buhos ang bongga ninyong comment sa last Chapter, ito, sinulat
ko na agad yung kasunod. Isasara ko na 'to hanggang Chapter 20 mamayang madaling-
araw. Sa mga nagtataka sa ikinikilos ni Grey, may kapaliwanagan yan. Magtiwala lang
kayo sa author. Ang lahat ay may tamang panahon. Haha. Salamat sa buhos na buhos na
suporta! Grabe kayo! Mahal ko na kayong lahat!!! :D

-----

Alas dose y media na nang makauwi si Tonya sa bahay nila. At kinabahan siya nang
maabutan pang gising ang Mama niya. Naghihintay ito sa salas nila, may tsaa na
iniinom.

Agad siyang lumapit at nagmano. Mataman naman itong nakatingin sa kanya.

"Kanina pa kita hinihintay. Umupo ka muna. Ikukuha kita ng tsaa." seryosong sabi
nito at tumayo para magpunta sa kusina.

Naupo siya sa katapat nang upuan nito. Ilang gabi na niyang iniiwasan ang ina dahil
sa paulit-ulit at excited nitong tanong tungkol kay Shaun. Mula nang dumalaw roon
ang lalaki para sunduin siya at dalhin sa gym ay panay ang tanong ng Mama niya kung
kailan ito sasagutin. Kung swerte nga raw na alukin siya ng kasal o kahit anak
lang, dapat pumayag na siya agad-agad. Gusto nitong maging updated sa ligawan nila.
Ang kaso, wala naman siyang ia-update maliban sa uma-umaga silang naggi-gym at
kumakain ng magkasama. Masyadong busy ang schedule ni Shaun para masamahan siya sa
iba pang oras sa isang araw. Nakaw na nga ang oras nito sa umaga. At kung may
masasabi man siyang progress ng relasyon nila, iyon yata yung komportable na siya
rito. Close na close na sila. Close friends.

Nang magbalik ang Mama niya sa salas ay may bitbit na rin itong biskwit bukod sa
tsaa.

Inilapag nito ang hawak sa kahoy na mesa. Tahimik silang nag-tsaa.


Nagpapakiramdaman. Nang hindi na nito kaya, bumuntong-hininga ito. Hinawakan nito
ang dyaryong malapit dito at itinulak palapit sa kanya. Nakabukas na ang dyaryo. At
may larawan sila ni Shaun doon. Picture noong unang beses na kumain sila ng seafood
sa isang restaurant.

Nasa balita siya at si Shaun! Nanlaki ang mata niya sa tinitingnan. Ang payat niya
sa picture! Improving!

"Nakikita mo yan?" tanong ng Mama niya.


"Opo, Ma, ang payat ko. Pumapayat na talaga ako."

Dumilim ang mukha nito. Mukhang hindi ang sinabi niya ang inaasahan nitong sagot
niya.

"Hindi yun. Basahin mo ang nasa balita!"

Sumunod naman siya. Dahan-dahan at tahimik na binasa ang article. Dalawang ulit
para mabilis i-translate. Napakunot ang noo niya sa laman niyon. Malisyoso ang
article na nakasulat. May cougar daw na kinahuhumalingan si Shaun. Na baka raw ang
cougar sa picture ang dahilan kung bakit inayawan ito ng ina ng long-time loveteam
nito na si Anisse Deogracias. At isang malaking dahilan din para magkaroon ng lamat
ang pamamayagpag ng career ng lalaki.

Napailing siya. Cougar agad?! Puyat lang naman siya at bagong iyak nang araw ng
picture na yun. Pero hindi naman siya tumanda agad-agad. At isa pa, dalaga pa siya!

"O.A. lang to, Ma. Siyempre, sikat si Shaun kaya lalabas ang ganitong balita.
Natural lang yan."

Nakatitig sa kanya ang ina. "Hindi lang sa dyaryo yan, anak. Nasa internet yan.
Nasa TV. Nasa radyo. Nag-aalala ang mga kapatid mo sayo."

Hindi siya makapaniwala! Sikat nga talaga si Shaun. Siguro ay gisang-gisa ito sa
mga balita na dahil sa kanya. Kaya siguro wala ito sa set kanina.

"Tonya... alam mong hindi ako magaling sa ganito... sa pakikipag-usap sayo. Ng


matino. Na magkakaintindihan tayo. Ang tatay mo... alam kong mas alam niya ang
gagawin at sasabihin sayo kung nabubuhay lang siya."

Totoo ang sinasabi nito. Ang tatay niya, kahit aandap-andap sa pag-iisip ang utak
niya sa mga kasabihan na lagi nitong ipinapayo sa kanya, nagkakaintindihan sila.
Ang Mama niya, kahit na nang mamatay ang Papa niya, mas madalas na sumisigaw o
nagtataray. At nakikianod lang siya. Iyon ang klase ng relasyon nila ng ina kahit
na habang nagtatrabaho siya noon at nagpapaaral sa mga kapatid. Pero alam niyang
mahal siya nito. Sa weird na paraan na alam nito.
"Alam mo ba kung bakit inirereto na lang kita sa mga anak ng amiga ko?" parang
napapagod na tanong ng ina sa kanya.

"Kasi po... takot sa inyo ang mga amiga n'yo?"

Nagkatitigan sila ng ina. Nakita niya ang pagtigas ng litid nito sa leeg. Malamang
na lumunok ng pagtataray. Pero iyon naman ang nakikita niyang sagot sa tanong nito.
Takot talaga ang mga amiga nito sa Mama niya. Mabunganga kasi ang ina.

"Kasi, anak, ang takbo ng utak ng mga yun, kahit papaano, kabisado ko. Makakasiguro
ako. At kung magbabalak man silang saktan ka, kaya kong sugurin."

Tahimik siyang nakikinig sa mga sinasabi ng ina.

"Pero si Shaun... komplikado siya para sayo. Iba ang lebel ni Shaun. Maraming
matang titingin sayo. Sa inyo. Kung kaya ko lang tinanggap na nililigawan ka niya,
kasi nung magdamag kang ngumalngal, sinundo ka niya rito sa bahay na may dalang
bulaklak. Humarap siya sa akin. Doon pa lang, alam kong posibleng seryoso siyang
nanliligaw sayo."

"Seryoso talaga siya, Ma."

"Pero, Tonya, ang akin lang sana... thirty three ka na kasi. Wag ka nang pumasok pa
sa magugulong sitwasyon. Kaya ayoko ng gwapo para sayo e. Kasi... laging magulo.
May karibal. May sasabihin ang ibang tao. Hindi ka naman marunong magtanggol ng
sarili mo. Mapupurnada pa. Si Hans pa nga lang..." umiling-iling ito, "Ngayon, si
Shaun."

Muntik na siyang mamutla. Ni hindi pa nga nito alam na may Gregory Montero pa sa
buhay niya na kamukha ni Superman. At siyang tunay niyang pinaglalawayan.

"Gusto ko, mangako ka sa akin na kapag masyadong komplikado ang sitwasyon,


tatakasan mo na agad. Wag ka nang maghintay. O sumugal. Kung hindi mo kaya,
ipaubaya mo sa akin. Ako ang gagawa ng paraan para sayo."

Naroon ang mukhang nag-aalala ng Mama niya. At alam niyang seryoso ito dahil
pinipigilan nito ang ma-highblood lang at magbunganga. Kahit hindi nito sabihin, o
aluin kaya siya ng mas malambing, alam niyang masakit para rito ang kinasasangkutan
niya. Maldita man umasta ang Mama niya pero malambot ito sa kanya. Lalo na dahil
siya ang panganay at nakatuwang nito sa buhay. Ang akala kasi nito ay lagi siyang
naaapi. Na parang tulad pa rin siya noong bata pa siya na tatakbo at iiyak kapag
may bully.

Hinawakan niya ang isang kamay nito. Ngumiti siya.

"Ma... malaki na po ako. Kaya ko naman ang sarili ko. Pero para hindi ka mag-alala
at tumanda agad, promise, kapag masasaktan ako ng sobra, tatakbo ako sayo."

Tinapik nito ang kamay niyang nakahawak dito.

"Gawin mo yan. Wag mo nang ulitin yung ginawa mong pagtakas-takas dati para lang
kay Hans. Tapos, ito, iniwan ka rin naman na mag-isa. At nagnakaw pa ang -!"

"Ma..." pigil niya rito. Tumataas na naman kasi ang kilay nito at namumula ang
ilong. Na may kasunod na paglilitanyang walang-humpay kung hindi niya aagapan.

"Sige, tutal napangatawanan ko ang pagiging si Buddha ngayong gabi, itutuloy-tuloy


ko na. My lips are sealed." umakto pa ito na parang nagsi-zipper pasara ng bibig,
"Pero, Tonya... malinaw ang usapan natin ha? Ayoko ng komplikado para sayo. Hindi
na tama."

Tumango siya. Naiintindihan niya ang pag-aalala nito.

Bumuntong-hininga ito.

"Pero ang hindi ko lang talaga mapaniwalaan minsan... lahat ng nagkakagusto sayo,
artistahin!"

Bumungisngis siya.

"Ayaw mo nun, Ma, magandang lahi ang magiging mga apo mo sa akin."

Umirap ito sa kanya.


"Malalaki na ang mga kapatid mo. Hindi mo na kami responsibilidad. Pero kahit na
ganun... kahit hawak mo na ang oras mo... wag puro puso ang gamitin ha. Gamitin din
ang utak minsan. Hindi tama na durog-durog ka, Tonya. Gaya kay Hans." malumanay na
sabi nito. "Hindi ka pinggan para madurog."

Tumango siya. Hindi niya masabing hindi na si Hans ang dumudurog sa puso niya
ngayon.

*****

Nang matulog na ang Mama niya ay dumiretso sa computer si Tonya. Agad siyang nag-
search ng tungkol kay Shaun. At ang unang search result na lumabas sa internet ay
ang Press Conference nito kaninang hapon lang. Nag-click siya ng isang video.

"Are the rumors true? Nililigawan nga ba ng isang Shaun Mercache ang babae o quote-
unquote cougar na nasa picture?" tanong ng isang lalaking reporter.

"I want to clarify, that girl is not a cougar. Quote-unquote. She's in her thirties
and single. And it is not a rumor. Yes, I am courting the girl in the picture."
seryosong sagot ni Shaun.

Patuloy ang flash ng mga camera sa gawi nito.

"Is it also true that the girl in the picture is the reason why Anisse's mother and
manager, Bianca Deogracias airs her distrust in you?" tanong ng isang babaeng
reporter.

Ngumiti si Shaun. Yung pang-toothpaste commercial. "Distrust is a very... negative


word. She just wanted something for Anisse that unfortunately wouldn't pursue as
long as I am in the picture so... we talked about it and we part ways. On the other
hand, Mother Violet trust me to partner with Lauren. And that's about it."

Lalaking reporter. "Piniperahan ka nga ba ng babae sa litrato? May bali-balita na


naggi-gym kayo nang magkasama sa isang mamahaling gym. At ikaw raw ang sumusustento
rito."
"She's not that kind of girl. And she's long enrolled in that gym before I was. You
could say that i followed her there."

Lalaki uli. "People are talking negative about your choice of girl. After all,
rumored din na naging kayo ni Anisse... and another very attractive girl. The girl
in the picture is not... alam na natin, pretty. And her size is -"

"She's very lovely in person. And Anisse and I are long-term loveteam and that's
it. I never courted her nor hinted that I like her as a woman." ngumiti uli si
Shaun, "And I think the public doesn't need to have anything to say about my choice
of companion."

Babae. "Does that mean that you are still single as of this time?"

"Yes. Very much single. Except if by some chance, the girl in the picture give me
her 'yes'."

Lalaki. "We pray she won't."

Mahinang tawanan at bulungan.

"Don't pray." matigas na sangga ni Shaun.

Napangiti siya nang malungkot sa napanood. Isn't it too much? Na ipinagtatanggol


siya ni Shaun? At tumatanggap ito ng batikos samantalang wala naman siyang kahit na
anong garantiya rito? Lagi pa siyang nagpapalibre. Minsan din, pakiramdam niya ay
alam naman nito na may damdamin siya kay Direk. Pero lagi ay ayaw nitong pag-
usapan.

Kung pwede lang sana na si Shaun na lang ang gustuhin niya. Kaysa sa isang suplado
at hindi nagsasalitang lalaki na aalukin niya ng kape pero yakap ang hihingiin.

Napabuntong-hininga siya. Siya at si Grey, para silang isang malabong eksena sa


isang sirang TV. Nangangapa siya at nakikinig ng masinsinan; nag-iisip ng mabuti
para lang maintindihan kung anong nangyayari. May fiancee na ito pero bakit minsan
pakiramdam niya, parehas sila ng nararamdaman? Na kapag gusto niyang lumapit,
parang gusto rin nitong nasa malapit siya? Na kapag gusto niyang dumikit, parang
gusto rin nitong nakadikit siya? Na kapag magtitimpla siya ng kape na hindi na nito
naiinom minsan, pinababayaan siya para lang magtama ang mata nila? Para lang
magkaroon ng maliit at maikling usapan sa pagitan nila?

Pero imposible yun, di ba? Ano namang gugustuhin nito sa kanya?

Nag-a-assume lang siya, di ba?

Napatay na niya ang computer nang tumunog ang cellphone na nasa bulsa niya. Si
Shaun!

"Hello?" agad na sagot niya.

"Are you home?" mababa ang boses ng lalaki.

"Oo. Ikaw?"

"I'm outside your house." sabi nito.

"Ha? Sa labas?"

"Yeah. Pwede ka bang -"

"Sandali, lalabas ako." mabilis na sabi niya at nagmamadaling lumabas ng bahay.

Nakita niya ang pamilyar na itim na kotse ni Shaun. Kumaway siya rito habang
lumalakad palapit.

Binuksan naman nito pinto sa passenger seat sa tabi nito. Naupo siya run.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya.


Kinuha nito ang cellphone sa kamay niya at ini-off.

"Hi." parang napapagod itong ngumiti sa kanya.

"Hi." saka, "Anong ginagawa mo rito?"

"I just wanted to see you."

Kumurap-kurap si Tonya.

"Bakit naman? Hatinggabi na o. Para ka namang aswang niyan."

Mahina itong tumawa.

"It's just tiring all day and... I want to see you."

Lumambot ang puso niya sa sinabi nito.

Nakasandal na maige ang lalaki sa upuan nito. Nakapatong ang kamay nito sa
manibela. At parang mapipikit ang mata sa pagod.

"Sorry." sabi niya rito.

Nilingon siya nito. Maamo ang mata.

"What for?"

"Napanood ko yung presscon mo. Ngayon-ngayon lang." nag-iinit ang mata niya sa
naalala, "Salamat sa pagtatanggol mo sa akin."
Sumeryoso ang mukha nito. "Hindi ka dapat nanonood ng ganun. It's all nonsense."

"Hindi ko nga siguro dapat pinanood yun. But it's not nonsense. Pinagtanggol mo
'ko. Thank you."

Nakatingin ito sa kanya. Nagtama ang mata nila.

"Tell me, did you like me a little after watching it?" makulit ang ngiting tanong
nito kahit parang pagod pa rin ang mata.

Mahina siyang bumungisngis. "I like you a lot!"

"Uh-oh. You're going to break my heart." malumanay na sabi nito.

"Ha? Pa'no mo nalaman?"

Mahina itong tumawa. "I know. I heard something like that before."

Hinawakan nito ang pisngi niya. Masuyong hinaplos iyon habang nakatingin sa kanya.

"You're getting thin. Soon, you'll be a head-turner and everything they are saying
about you now will change. Those stupid fans and gossipers."

Dahan-dahan yatang natitibag ang depensa ng puso niya sa sinasabi ng lalaki.


Tumatagos sa buto niya ang mga sinasabi nito. Sumusuot sa puso niya. At nagpapainit
sa mata niya.

"They will still say a lot - a lot of stupid things. But don't mind them. They
don't know who you are so like dogs to strangers, they bark."

Kuha niya yun. Bakit ganun? Ang bilis ng logic niya pag nasasaktan siya.
"And before you tell me that you really did absolutely, completely, love that
stupid asshole jerk Gregory, let me tell you that I really... really... really...
like you. I love you, Tonica. It's so weird and sudden that I don't know how to act
it out." lumunok si Shaun, "And I'm sorry for dragging you into the mess of
showbiz."

Tumulo ang luha niya sa sinabi nito. Mahina siyang suminghot habang patuloy naman
nitong hinahaplos ang pisngi niya.

"I'm sorry, Shaun. I want to like you more. Kaso kasi... si Grey e." sumikip lalo
ang dibdib niya sa pag-amin.

"Yeah. He's stupid." sabi nito, kinabig siya at niyakap.

Umiyak siya sa dibdib nito.

"Hindi ko mapigilan e. Natatanga ako e." patuloy niya pa. "Mahal ko talaga. Kahit
may fiancee."

Hinahagod naman nito ang likod niya.

"Yeah. You didn't even bother acting like you're not head over heels for him. It
shows so much I'm pissed off while I'm on set."

Hindi niya alam kung tatawa siya o iiyak dahil sa mga sagot ng lalaki. Shaun has a
way of talking like a badass romantic hero. She likes that about him.

"You're really telling me to quit courting you, huh?"

Tumango siya bilang sagot habang nakasubsob pa rin dito.

Patlang.

"That hurts." mahina itong tumawa, "But can I ask for something in return?"
Lumayo siya rito habang awkward na tinakluban ng palad ang mga mata niya para hindi
nito makita ang luha roon.

"Ano?"

"One, I want to annoy Grey. Like... really annoy him."

Tumango siya kahit hindi niya alam kung paano yun.

"Tapos?"

Hindi sumagot si Shaun. Naghintay naman siya sa sasabihin nito. Pero walang
salitang dumating. Sa halip, dumikit ang labi nito sa labi niya. Madiin. Mainit.

Napalunok siya ng iwan nito ang labi niya.

Katahimikan.

"That, too. And..."

"Meron pa? Ang dami ha!" aniyang nagrereklamo habang sumisinghot. Nakatakip pa rin
sa mata niya ang kamay.

"Let me sleep over tonight."

Tinanggal niya ang kamay sa mata at tiningnan kung seryoso ito.

Napipikit pa rin ito sa pagod.

"Bakit?"
"Tumakas lang ako kay Tita Renee. And I'm so tired to drive home. Please?"

Tumango naman siya rito. Makikitulog lang naman pala ito. #

Chapter 20 : What he could not say

A/N : Natapos ko!!! Yehey! Chapter 20 na tayo! Malapit na tayong magkaalaman!


Hahaha. :D

-----

Kinabukasan, madilim pa ang langit ay ginising na ni Tonya si Shaun. Doon ito sa


kuwarto niya natulog habang sa katabing kwarto naman siya - sa dating silid ng
kapatid na si Beverly. Maingat at tahimik silang umalis ng bahay at hindi na
nagpaabot pang makita ng Mama niya. Takot siyang igarote ng ina. Kabibilin pa lang
kasi nito na umiwas siya sa mga komplikadong sitwasyon pero nagpatulog pa siya ng
lalaki sa bahay nila. At hindi lang basta lalaki! Kundi si Shaun na iginigisa ng
press dahil sa kanya!

Na-logic na niya ang mga bagay na iyon kagabi pa. Pero nasa kwarto na niya si Shaun
at komportableng nakahiga sa kama niya nang matapos ang loading ng logic niya. Kaya
hindi na siya nakapalag pa.

Sa gym sila dumiretso ng lalaki bago nag-agahan sa restaurant na pagmamay-ari ng


kaibigan nito. May pribadong kwarto run na laan sa lalaki. Malayo sa mga matang
mapanghusga at mga sekretong pagkuha ng camera.

Ten thirty na nang umaga nang dumating sila sa set. At papalapit pa lang silang
dalawa ni Shaun ay nararamdaman na ni Tonya ang iba't ibang matang nakatingin sa
kanila. Parang sumisingaw rin ang masamang enerhiya sa buong studio. Mali sa
pakiramdam. Dumoble tuloy ang pitik ng puso niya.

Nilingon niya ang kasamang lalaki. Sa cellphone ito nakatingin, nagbabasa ng text.
Hindi niya tuloy malaman kung nararamdaman nito ang tensyon sa paligid.

"I'll head over to the dressing room. Nagagalit na si Tita Renee." sabi nito nang
mag-angat ng mukha at tumingin sa kanya.
Tumango naman siya sa ngiti nito. He made one long look at her. Pagkatapos ay
masuyo nitong hinaplos ang buhok na nasa tagiliran ng mukha niya. Na para bang
kinakabisado siya.

In a distance, they look like lovers whispering at each other. Or lovers seriously
talking. At lalong umiinit ang tensyon na nasa studio. Nagkakaroon na rin ng mga
bulungan.

"Are you sure hindi mo na babawiin ang desisyon mo kagabi?" mahinang tanong ni
Shaun.

"About..." nag-isip siya, umaalala, "- yung basted ka na?"

He smiled in amusement. "Yes, that one. Na basted na 'ko."

Nahihiya siyang umiling.

"Sorry."

Bumuntong-hininga si Shaun. Namulsa. Nakita niya ang pagdaan ng lungkot sa mukha


nito bago napalitan ng propesyunal na mukha.

"I guess it can't be helped. I will annoy Grey, though." sabi nito.

"Sorry uli."

Matagal itong tumingin sa kanya.

"I can't say I didn't notice it. You're brutally honest. It's easy to read you,
Tonica." sabi nito at magaan siyang hinalikan sa noo.

Ngumiti lang siya rito hanggang sa lumayo na ito. Ihinanda naman niya ang pagbati
kila Boom at Abo. Pero bago pa siya nakapagsalita ay hinila na siya ng dalawa sa
staff room at nagsara ng pinto.
"Tonya, totoo bang natulog si Shaun sa inyo?"

Nanlaki ang mata niya sa tanong ni Boom.

"Paano mo nalaman?"

Nagkatinginan sina Abo at Boom. Luwa-mata at laglag-panga ang dalawa. Sandaling


walang nakapagsalita.

"Sa kuwarto mo?" si Abo.

Mas lalo siyang napantastikuhan.

"Oo. Pero paano n'yo nga nalaman?" ulit na tanong niya. Hindi naman niya sinabi o
itinext kaninuman sa dalawa ang nangyari nang nagdaang gabi.

"Bakla! Bakla ka ng taon!" nagtatatalon si Boom habang nakahawak sa braso niya,


"Anong nangyari? Masarap ba? Malaki ba?"

"Masayang-masaya ako para sayo!" si Abo na tumatalon din gaya ni Boom, "Ilang
round?"

Translation: Bakla siya? Babae siya, di ba? At -

"Anong pinag-uusapan natin?" tanong niya.

"Maang-maangan? Ano to, high school? Thirty-three ka na, ti! Malamang, pinag-
uusapan natin yung pagtulog ni Shaun!" si Abo.

"Ah!" nakakaunawa niyang sagot. May malisya pa naman sa kanya yung mga narinig
niya. Pagtulog lang naman pala ang pinag-uusapan nila. "E di ayun, knock out siya.
Ang himbing ng tulog kasi napagod daw siya e."
Nagtitili ang dalawang bading at halos talsikan siya ng laway ng mga ito. Hindi
naman niya maintindihan kung anong napaka-successful na bagay sa pagtulog ni Shaun.
Hindi nga kaya at may malisya ang itinatanong ng mga ito?

"Masarap?" si Boom.

Translation: Ang tulog ni Shaun?

"Oo. Mukhang masarap naman."

Kumunot ang noo ng dalawa pero nagtanong pa rin.

"Ilang round?" si Abo.

Translation: Ng tulog?

"Isa lang! Madaling-araw na kami nagkita e! Wala na siyang itutulog pa."

Napuno uli ng tili ang staff room. Kiliting-kiliti ang dalawang bakla. Habang unti-
unting nagkakaporma sa isip niya ang posibleng iniisip at talagang itinatanong ng
mga ito.

"Tulog ang pinag-uusapan natin ha. Baka may iba kayong iniisip." putol niya sa
maingay na selebrasyon ng mga ito.

Natigil ang dalawa. Napatingin sa kanya.

"Oo nga. Natulog si Shaun sa inyo, di ba?"

"Oo. Madaling-araw na siya dumaan. E pagod na pagod sa tsismis sa TV kaya tinamad


umuwi, nakitulog."
Kunot ang noo ng dalawa.

"Sa kuwarto mo?"

"Oo. Doon ako sa kuwarto ni Beverly natulog."

Bumagsak ang balikat ng dalawang bakla at parang nawalan ng enerhiya.

"So, natulog nga lang." sabi ni Abo kay Boom.

"Oo. Napraning pa naman ko." si Boom.

"Saan n'yo ba nalaman?" usisa niya.

"May source ako. Itinawag sa akin kanina. Pinigilan ko nga siyang ipasa yung
tsismis niya sa mga tabloid reporter kasi mahi-headline ka na naman." dismayadong
sabi ni Boom. "Shet. Nalusaw energy ko sayo, baklita ka."

Mukhang tama ang hinala niya na nagmalisya ang dalawa. Mahina siyang bumungisngis.

"Ah! Akala n'yo nag-sex kami ni Shaun!"

Nagtawa ang dalawa at naghampasan.

"Pasmado talaga yang bibig mo, bakla!" sabi ni Boom na maluwang ang ngiti sa kanya.

Ibinuwelta naman niya ang sinabi nito kanina lang. "Maang-maangan? High school tayo
rito?"

"Shet tong slow na 'to! Nagbabalik-punchline!" sabi ni Abo na tumatawa.


Nagbungisngisan sila sa silid. Nang humupa na ay,

"Sorry." sabi niya sa dalawa. "Wala talagang nangyari sa amin. Nakitulog lang
siya."

Sumeryoso rin ang mga ito.

"Sana lang hindi makarating sa news. Kundi naku! Mapupulutan ka, Tonya."

Tumingin siya kay Boom. Nakikita niyang nag-aalala ito. At nata-touch siya sa
dalawang kakikilala pa lang pero naging malalapit na kaibigan na sa kanya.

Niyakap niya ang dalawa.

"Wag n'yo kong masyadong intindihin. Kaya ko yan." bulong niya.

Tinapik-tapik nina Abo at Boom ang magkabilang braso niya.

"Back-up mo kami, promise!"

"Salamat!"

Ang totoo, inihahanda na niya ang sarili niyang mapulutan. Dahil alam niyang totoo
ang sinabi ni Shaun - marami pang sasabihin ang mga tao. Maraming-marami pa. At
katulad ng dati, inaasahan niyang mas marami ang negatibong bagay na maririnig
niya.

*****

"Can you cover it? Walang lalabas sa press?" kunot ang noo ni Grey habang kausap si
Adam sa cellphone.
Hapon. Short break nila sa shooting at nasa opisina siya. Kanina pa nakaalis si
Noreen.

"Yeah. I could hold their tongue. Don't worry, man." si Adam.

"Make sure of it. Too much rumor might ruin the movie." naaasar na sabi niya.

"That's just it? I thought it's about the girl."

"Shut up, Adam. I don't want to talk about that." mainit na sabi niya.

Nagtawa ang lalaki sa linya. "Looks like I'm right."

"Oh yeah? I'm hanging up." sabi niya ay mabilis na nag-disconnect. Wala siya sa
mood maalaska. Masyadong maikli ang pasensiya niya ngayon.

Bumuntong-hininga siya. Nag-dial ng numero.

"Tita Renee, send your actor in my office." maiksing sabi niya sa kausap at pinutol
ang tawag.

Wala pang tatlong minuto ay pumasok si Shaun sa opisina niya.

"Took you so long to call for me." malamig na sabi nito.

Tumayo siya at humarap sa lalaki.

"What are you doing with Tonya?" matigas ang boses na tanong niya.

"What did you see?"


Nagsukatan sila ng tingin. The anger in his eyes matches Shaun's. Mas madali kung
susuntukin na lang niya ang panga nito pero ayaw niyang magkaroon ng eskandalo.
Fights in showbizness always escalates and he doesn't want that. Lalo na dahil
madadamay din doon si Tonya.

"I know you're watching last night, Grey. I saw your car on the side of the
street." kunot ang noo ni Shaun sa pagsasalita. "Did you saw it when I kiss her?
And when I went inside her house?"

Nagpapanting ang tainga niya sa naririnig sa lalaki. Pigil na pigil siyang


paliparin ang kamao sa mukha nito.

He saw everything! Nasa labas siya ng bahay ni Tonya kagabi. Pagkatapos itong
katukin nina Boom at Abo sa opisina niya at piliting isama pauwi, hindi siya
matahimik. Na naman. Nasa auto-pilot siyang nag-drive at nakarating sa bahay nito.
He watched her arrived home. Just to make sure she's safe. Ilang gabi na niyang
ginagawa iyon.

Pero kagabi, nakatulog siya sandali sa sariling kotse at nang papaalis na siya ay
dumating naman ang sasakyan ni Shaun. Tonya headed out immediately. At siya naman,
hindi niya napigilan ang sariling manood.

"I wonder what kind of excuse you used to make her agree." nanggigigil na sabi niya
rito.

Pumalatak si Shaun. "And I wonder why you need to be such a stalker."

Nakatingin sila sa isa't isa. Parehas salubong ang mga kilay at madilim ang mukha.

"That's none of your business, Shaun."

"Then what I do with Tonya is none of your business, too, Grey."

Kuyom na kuyom ang kamao niya sa mga sinasabi nito.


"Isn't it enough that you drag her into those stupid cougar rumors? Don't play
her!"

Nang-aasar na tumawa ang kaharap.

"I am not playing her, jerk! You're the one who's leading her on! Sa ating dalawa,
ako ang walang fiancee, ako ang nanliligaw upfront, ako ang nagsabi ng malinaw sa
intensyon ko. So, don't you pass me your crap, Grey!" mainit na sabi nito.

Tumagos sa kanya ang lahat ng sinabi ng lalaki. Pero ano bang alam nito? He's the
kind of guy who believes that you don't just tell a woman you love her. The same
way you don't just tell a woman you don't. Love cannot be rushed. And devotion must
be absolute.

Hindi rin siya pasensyosong tao. At gahibla na lang ng buhok ang pagtitimpi na
mayroon siya para kay Shaun.

"Speechless? Then let me tell you something, too." humakbang si Shaun ng isa
palapit sa kanya, "Don't lead her on! Don't fucking flirt with Tonica nor act
stupidly while you've got your fiancee with you! Make up your fucked-up mind, Grey.
It's a pain watching a chicken!"

Madiing magkalapat ang mga ngipin niya nang matapos ito. Lubusan siyang lumapit
dito. Mahigpit niyang kinamal ang kwelyo ng pang-itaas nito. Gigil na gigil na
talaga siya.

"Who fucking told you I haven't made up my mind, asshole?"

Nagsukatan sila ng tingin. Parehong nanggigigil sa isa't isa. Ilang sandali pa ay


mahigpit na hinawakan ni Shaun ang kamao niya bago pwersahang binaklas sa
pagkakakapit sa kwelyo nito.

"Good." madiin na sabi ni Shaun, "Make her cry and I'll break your jaw."

Tumalikod ito. Nagsimulang lumakad palapit sa pinto habang banas na iniuunat ang
nagusot na kwelyo.
"Another hateful rumor and I'll break your neck." mainit na buwelta niya.

Bahagya itong lumingon.

"Let's see who's more cruel, Grey. But just so you know, I've been looking forward
to punching you in the face."

Tahimik siyang nagngitngit hanggang sa makalabas ito ng silid. Hindi niya ito
masisisi. He wants to punch himself in the face, too.

*****

Ika-sampu ng gabi nang matapos ang shooting. Kabado si Tonya habang bitbit ang kape
ni Direk papasok sa opisina nito. Dalawa na lang silang naiwan sa buong studio.
Huling pinauwi ni Grey si Boom. Pinaiwan naman siya. Mangangatwiran pa sana ang
bakla para maisabay siya pauwi pero hindi na nito nagawa. Agad itong tumupi nang
mapansing ongoing pa rin ang sumpong ni Direk. Buong araw sa shooting ay galit ang
lalaki.

At ngayon naman ay puno ng tensyon ang kuwarto.

"Coffee." sabi niya at ibinaba ang mug sa tabi nito. Tumitiyempo siya. "Dahil wala
nang gagawin, Direk, pwede na ba 'kong -"

"Are you in a hurry?" putol nito sa sasabihin niya. Humigop ito ng kape at patuloy
na nagtipa sa laptop nito.

Nag-isip siya ng isasagot. "Hindi naman. Pero..."

"Then, stay."

Nawalan siya ng sasabihin dito. Bakit ba putol ito ng putol sa sasabihin niya?
"E... bakit para kang galit? Sa akin."

Lumingon ito sa kanya. Madilim ang mukha.

"Hala! Galit ka nga..?" gulat na tanong niya bago naguluhan, "E bakit naman? Wala
naman akong ginagawang masama a."

"Really?" hindi naniniwalang bulong nito at bumalik ang paningin sa laptop.

Hindi niya nagustuhan ang bulong-bulong na yun. Parang sinasabihan siya nito na
sinungaling siya.

"Anong really?" busangot na tanong niya na ginaya pa talaga ang tono ni Goryo.
"Wala talaga akong ginagawang masama!"

Ngayon ay umayos na ng upo si Grey at humarap sa kanya.

"Did Shaun sleep at your house last night?"

"Ha?"

Nakipagtitigan siya sa Signal Delubyo na nasa mukha ni Grey. Gusto niyang umatras.
O tumakbo na lang palabas ng opisina nito.

"Natulog ba si Shaun sa bahay n'yo kagabi?"

Lumunok siya. Gusto niyang magsabi ng totoo. Pero pakiramdam niya, mabibitay siya
sa isasagot niya.

"O..o?"

Nanunukat ang tingin ng lalaki. Nanunubok ang mga mata.


"Oo? Hindi ka sigurado, Tonica?"

"Oo."

Dumilim pang lalo ang mukha ni Goryo.

"Sa kwarto mo?"

Gusto na niyang magtaka. Bakit ang lahat ng tao ay interesadong malaman kung saan
mismo humiga si Shaun? Ganun ba talaga ito kasikat?

"Oo."

Patlang. Sumisirko ang hangin ng tensyon sa paligid-ligid nilang dalawa. Nakita


niya ang pag-igting at paggalaw ng panga ni Goryo. Parang pigil na pigil ito.

"Sa kama mo?"

Patlang.

"Oo!" naiinis na sagot niya, "Wala naman akong ibang kama!"

Parang sumitsit sa inis ang lalaki.

"Why do you even have to do that?" kunot-noong tanong nito.

Nagpanting ang tainga niya. Alangan namang hindi niya patulugin si Shaun kung
inaantok na ito?

"E ano naman? Nakikitulog lang naman siya. Hindi naman masama -"
"He kissed you!" napatayo si Grey sa asar yata. Madiin ang bawat salita. "He kissed
you and you still lent him your bed? Ano bang iniisip mo, Tonica?"

"Halik lang yun! Wala naman yung kahulugan sa akin. Nakalimutan ko na nga!" naaasar
na buwelta niya, "Saka, ikaw? Ano bang iniisip mo, Goryo? Malisyoso ka ba?"

Lalong nabuhol ang kilay nito sa sinabi niya. Lalong nagusot ang mukha. Pero hindi
siya dapat matakot! Wala naman siyang ginawang masama e!

"Halik lang? A kiss doesn't mean anything to you?"

Kumunot ang noo niya at napaatras. Bakit iyon lang yata ang narinig nito? May iba
pa siyang linya pagkatapos, di ba?

"Oo!" una ang asar na sagot niya.

"I can't believe you!" napahawak sa noo si Grey na parang kunsuming-kunsumi.

"Maniwala ka!"

Naiinis talaga siya sa pinag-uusapan nila. Nakaw na oras na nga lang ng katangahan
niya, halos nakikipagsigawan pa siya? Bakit hindi na lang uli ito humingi ng yakap?
Ng mga three hours long?

"Ngayon, kung ayaw mong maniwala sa aking Goryo ka, uuwi na lang ako!" sabi niya at
nagmamartsa na tumalikod.

"Shit!" narinig niyang inis na bulong ng lalaki, "You're driving me nuts!"

At bago pa siya matakot uli o magtatakbo, nahawakan na nito ang pulsuhan niya at
hinila siya palapit. Tumama siya sa katawan ng kunot-noong si Goryo bago siya nito
hinapit sa bewang.
"Just a kiss? And you can forget it?" asar na anas nito bago...

Dumiin ang labi nito sa labi niya. Mulagat siya noong una sa pananalasa nito, sa
salitan na pagsimsim sa upper at lower lip niya. Pero dahil may fireworks sa mga
mata niya, na mas makulay yata ngayon, napapikit na naman siya. Ni hindi na siya
makapanlaban. Baka kasi hindi na maulit ang kabaliwan ng lalaking mahilig
manghalik. Sasamantalahin na lang uli niya ang pagkakataon.

Iniawang niya ang labi at ginagad ang galaw ng labi nito. Sinabayan. Humigpit ang
hapit sa kanya ni Grey. Lumalim ang halik. At nang masuyo nitong kagatin ang pang-
ibabang labi niya, higit-higit niya ang hininga.

Binitawan siya nito. He's biting his lips, almost chewing on it. Habang nakatingin
sa kanya.

Gusto pa ba nitong manghalik? Pwede namang mag-round 2! Mag-aaway lang uli sila ng
kaunti tapos... step by step hanggang sa huling eksena.

Kaso, gumagana ang logic niya. At kaunting konsensiya. Na nagsasabing hindi sila
dapat naglalandian.

Namula ang pisngi niya habang natataranta ang utak sa pagkakatitig ni Grey. Lalo na
sa ginagawa nitong pagkagat sa labi nito. Kasi naman... masarap ito kumagat.
Mahirap i-explain.

"Inis ka na naman?! Kaya ka nanghahalik?" nagawa niyang itanong sa pagitan ng


pagsinghap.

Nakatitig pa rin ito sa kanya. Hindi niya maipaliwanag ang nasa mga mata.

"Ano..?" lumunok siya, "Magsalita ka, Goryo..."

Mahina itong nagbuga ng hangin.

"That is not a demo, Tonica. That kiss..." magkatama ang mata nila, "- don't you
ever forget it." #
Chapter 21 : To give up

A/N : Sorry, late ang update. Naging busy kasi ako kahapon. Busy rin uli for today
but I managed to write this. Ta-daah ~~~ This is the first ever chapter na directly
kong tinype (type) sa wattpad. Hihihi. :D

-----

Nakatitig si Tonya kay Goryo. Kunot na kunot ang noo niya sa pag-iisip at sa inis.

Anong sinabi nito? Hindi raw demo yung halik? E di ano ngayon ang gusto nitong
isipin niya? Mas mabuti pa nga kung demo yun, di ba. Mabilis palampasin. Itatago na
lang niya sa kaeng-engang baul ng alaala niya na may matamis na pangalang Goryo.
Pero kung hindi demo ng kahit na anong mood nito ang halik, anong pwede niyang
isipin?

"E di ano yung halik mo? Trip mo lang? Nagulat ka? Bakit ang gulo mo, Goryo?!"

Hindi nakakibo agad ang lalaki. Bumuntong-hininga lang ito at tumitig sa kanya.

"Let's talk tomorrow night. Ng masinsinan."

Ang sabi ng tatay niya noon, wag na raw ipagpabukas pa ang mga bagay na kaya namang
gawin na ngayon. At ang usapan nila, ang halik na hindi demo, ang mga tanong sa
naguguluhang isip niya, hindi niya yata kayang ipagpabukas pa. Hindi yata dapat na
ipagpabukas pa.

"Talk? Bakit bukas pa? Ngayon na tayo nag-uusap."

"Tomorrow. Please."

Tinitigan na naman niya ang seryosong mukha ng lalaki. Nakaka-bad trip na ang
gwapo-gwapo nito sa paningin niya. Nagninigning na kagwapuhan. Ganun yata talaga
ang mga umiibig na gaya niya. Natatanga na, nagiging O.A. pa. Hindi niya mahindian
bawat gusto nito. Pinipilit niyang maintindihan kahit hindi nagsasalita. At ang
ngiting na-El Nino, lagi niyang gustong makita. Dusa sa puso, pulutan sa mata.
Bukas daw. Lahat ba ng tanong niya, masasagot bukas? At kung masasagot naman pala
bukas, bakit hindi pa ngayon? Anong pagkakaiba?

"Ang sama mo." sabi niyang nag-iinit ang mga mata.

Lumambot ang ekspresyon ni Grey habang nakatingin sa kanya. Napalunok ito.


Humakbang palapit na parang gusto siyang hawakan. Parang may sasabihin ito, o
gustong sabihin, pero hindi na nagsalita maliban sa -

"I know. And I'm sorry."

Lumunok siya ng sakit at bara sa lalamunan. Para hindi siya tuluyang maiyak. Kasi
isang sorry lang nito, gusto na niyang magpatawad. At tanungin kung gusto pa rin
nito ng kape kasi magtitimpla na siya. Hindi na lang siya magsasalita uli.

Nag-iisip siya ng ibang gagawin. Pahiyang-pahiya na siya sa sarili niyang nag-


iinarte.

"Tomorrow. Let's meet." parang binabasa nito ang mata niya habang nagsasalita,
"Please?"

Kumurap-kurap siya. Nag-iisip. Sasagot ba siya? Mag-walk out na lang kaya siya?

At iyon nga ang ginawa niya. Nagmamartsa siyang umalis. Ni hindi ito nakahabol.

*****

Kinabukasan,

"Naiinis talaga ako sa kanya, Ate Tonya. Kaya kahit na araw-araw siya magluto sa
bahay, hindi talaga ko kumakain!"

Napangiti lang siya sa paglilitanya ni Portia tungkol kay Noreen. Non-stop iyon
mula nang yayain siya nitong magkita sa gym. Makikisabay daw sa exercise niya. At
dahil sa pag-iingay nito, marami na siyang nalaman na mas dumurog sa puso niya.

Nalaman niya na sa bahay pala ni Direk tumutuloy si Noreen mula ng dumating ito. Na
si Noreen ang laging nagluluto para sa lalaki. At na tumutuloy din si Portia sa
bahay ng kapatid para maging dakilang panggulo.

Namamangha rin siya kung paano nagagawa ng babae na magalit at tumakbo sa treadmill
ng magkasabay. Kung siya kasi iyon ay agad na siyang nawala sa ritmo at inilipad ng
pwersa nito.

"Fiancee siya ng kuya mo. Bakit hindi mo siya gusto? Mabait naman siya a." sabi
lang niya sa babae.

Ngumuso si Portia at umikot ng maarte ang mga mata. Yung parehas sa ginagawa ni
Boom, pero mas cute.

"Hindi ko siya tatanggaping fiancee! Iniwan niya ang kuya ko! Hindi na lang dapat
siya bumalik!"

Hindi siya nagkomento roon. Baka kasi pag ibinuka niya ang bibig niya ay sumang-
ayon siya sa sinasabi nito. At baka mag-volunteer pa siya kung pwedeng siya na lang
ang kumandidatong kapalit.

"Then why are you staying at his house. E di lagi kang maiinis. Saka, baka
naiistorbo mo sila?" maingat na tanong niya.

"Ha! Si Kuya ang nagsabi na doon ako sa bahay umuwi!"

Pinabagal ng babae ang treadmill at humihingal na tumigil. Uminom ito ng tubig sa


plastic bottle na hawak. Ganun din ang ginawa niya. Pinatigil niya ang treadmill.
Hindi na kasi siya makahinga sa pinag-uusapan nila.

"Nagulat nga ako e. Bigla akong tinawagan ni Kuya tapos sabi lang niya, Noreen is
back and she can't stay at their old house. She will be staying at his house so I
should come over, too. So she has company daw. E, alam naman niyang ayaw ko sa
hilaw niyang fiancee."
Sumalampak sila sa sahig ng gym.

"Tapos nandun ka na lagi? Mula nang nandun si Noreen?" tanong niya pa.

Tumango ng sunod-sunod si Portia.

"Yes, Ate. Tapos, ang weird nilang dalawa. One day, they talked. Seryosong-seryoso.
Magkahawak pa nga sila ng kamay. Then after that, lagi nang umaga umuuwi si Kuya."

Napaisip siya. Bakit umaga ito umuuwi? Hindi naman ganun ka-late ang tapos ng mga
shooting nila.

"E, kagabi?" usisa niya. Napalunok.

"Kanina lang siya umuwi. Mga 5:30. Tulog na tulog pa nga pag-alis ko."

Nakonsensiya naman si Tonya. Naalala ang walk out na ginawa. Kawawa naman pala si
Goryo. Kung alam lang niya na magtatagal pa ito roon, sana pala ay sinamahan pa rin
niya kahit na awkward na ang sitwasyon at ang pinag-uusapan nila.

Bumuntong-hininga siya. Siya na nga talaga ang matabang hopia.

"Ate, punta tayo uli sa bahay! Magluto uli tayo." kumukutitap ang mata na sabi ni
Portia sa kanya.

"E... makakaistorbo tayo sa Kuya mo at kay Noreen." kontra niya. Kahit alam sa
sarili na nag-iinarte lang siya.

Ngumuso ito. "Yun talaga ang gagawin natin, Ate. Sige na. Para makakain ako."

Ang puso niyang tanga, natutuwa. Kahit na alam niya, masakit magpunta sa bahay ni
Direk kung saan nandun din si Noreen. At malamang masasampal siya ng katotohanang
fiancee ito ni Goryo. At siya, assistant lang talaga.
"Okay." nakangiting sagot niya.

*****

Nasa kusina na si Noreen nang dumating sila Tonya at Portia na may bitbit na mga
ingredients sa lulutuin. Nakapagluto na ito ng ginataan at nagsisimula na sa
tinola.

"Si Kuya?" tanong ni Portia sa babae. Wala itong kangiti-ngiti.

"Tulog pa." maiksing sagot ni Noreen habang nakangiti. Pagkatapos ay bumaling ito
sa kanya, "Sinamahan ka ni Portia sa gym?"

Tumango siya. "Oo. Pag off sa shooting, sumasama siya sa akin."

"Ah..." napasulyap ito sa plastic bags na dala niya, "Mag...luluto rin kayo?"

"Oo sana. Nagyaya si Portia."

"Niyaya ko si Ate magluto para makakain naman ako." salo ni Portia.

Nagulat siya at napatingin sa babae. Gusto niyang magbigay ng signal na wag nitong
gawin ang ganung mga bagay. Pero hindi niya alam kung paano. Lagi kasing umiikot
ang mata nito. Baka hindi rin makita.

Malungkot na ngumiti si Noreen. Naalarma naman siya.

"Don't say things like that, Portia." sabi niya.


Para lang mapalingon dahil may kasabay siyang nagsalita na kaparehas niya ang
sinabi. Boses... ni Grey.

"Good morning, Direk." automatic na bati niya sa nalingunang lalaki. Sabay lunok.

Bagong-ligo ito. Naka-walking shorts lang at kamiseta. Medyo basa pa nga ang buhok
nito. Itsurang dusa sa puso, pulutan sa mata. Na naman.

"Hi..." he chewed his lips, "You're here."

"Oo, Direk." kumurap siya para hindi masyadong matitigan ang ginagawa nito sa labi
nito. Na ginagawa rin nito nang nagdaang gabi. Magha-hang na naman ang utak niya.

Ang kaso, nang mahuli nito ang mata niya, napunta sila sa titigan moment.

"Are you hungry?" singit ni Noreen.

Lumipat ang tingin ni Grey sa babae. "What's for lunch?"

Nakita niya sa tagiliran ng mata ang pagrolyo ng mata ni Portia.

"Tinola. Yung favorite mo." masiglang sagot ng babae. "May ginataan din. Yung
favorite ni Portia."

Ayun na nga. Ayun na yung sampal ng katotohanan moment na alam niya kaninang
pupuntahan niya. At dahil hindi niya alam kung anong ibang pwedeng gawin o kung
paano umilag, magpapasampal na lang siya hangga't kaya niya.

Sana kayanin niya.

Mula sa kusina ay naghanda sila ng pagkain sa dining. Tulong-tulong sila. Iyon nga
lang, halatang-halata na mas alam ni Noreen kung saan nakalagay ang halos lahat ng
bagay. Pati nga si Portia ay hindi makahabol dito. Alam nito kung saan pupuwesto si
Grey. Kung anong kubyertos at set ng plato, mug, saucer at bowl ang gamit ng
lalaki. At maging kung ano ang una nitong ginagawa bago kumain - tinitikman nito
ang lahat ng ulam.

Nag-mental note si Tonya ng lahat ng nakikita. Habang nagsisimula nang kumain ang
lahat.

"Bakit mo tinitikman lahat?" usisa niya sa lalaki.

Katapat niya si Grey sa hapag-kainan. Katabi nito si Noreen. Katabi niya si Portia.
Nagkakalantugan ang mga kubyertos at pinggan nila sa pagkain.

"I..." nag-isip yata ito ng isasagot sa kanya, " - don't know exactly why. Habit
siguro. To make sure I will like eating a certain food."

"Silly." sabi ni Noreen dito at bumaling sa kanya, "Magulo kasi ang appetite ni
Grey, Tonya. Tinola lang ang hindi niya hinihindian kapag kumakain. The rest of the
food, he has to taste it first para malaman niya kung gusto niyang kainin on a
certain day. That's why."

"Ah." nakauunawang sabi niya. Weird. Siya naman kasi yung tipo ng taong lahat pwede
niyang kainin. Hindi naman kasi sila lumaking well-off para makapamili. "Akala ko
sa lunch sa shooting ka lang nag-iinarte, Direk."

Napangiti si Grey sa kanya. "Hindi yun pag-iinarte, Tonya. Hindi talaga maayos ang
appetite ko habang nagtatrabaho."

"Totoo yun?" baling niya kay Noreen.

Parang nagulat naman ang babae sa tanong niya. Tumango ito at parang naiilang na
nakangiti.

"Though I really like to tease him and tell you na nag-iinarte lang siya, he's
saying the truth. Hindi talaga siya makakain ng mabigat kapag nasa gitna ng
trabaho."

"Satisfied?" si Grey na nakangiti sa kanya.


Nakangiti rin siya. "O, sige, naniniwala na ako na hindi ka nag-iinarte lang,
Direk."

"Pero picky talaga si Kuya sa pagkain. Parang babae." dagdag ni Portia.

"E di, hindi ka kumakain ng street foods? Yung kwek-kwek, tokneneng, fishballs,
kikiam, ganun?" usisa ni Tonya. Masarap ang street food. Kawawa naman ito kung
hindi nito nai-experience.

"Minsan." sagot ni Grey.

"Pag trip mo?" si Tonya.

"Yeah. Pag trip ko."

"Nope. Hindi lang pag trip mo!" sabi ni Noreen sa lalaki bago sa kanya, "He's
checking out the location of the cart first! Kung malangaw, marumi... things like
that. And then, titingnan niya yung tindero o tindera. If he thinks they're
hygienic, kakain siya. Pag hindi..." tinapos nito sa kibit-balikat ang sinasabi.

"Hala! Judgemental ka, Direk? Masama yan." sabi niya habang mahinang tumatawa.

"What?" nagtawa ang lalaki, "I'm not being judgemental. I have to check. My stomach
is easily upset."

"Ha?" sabi niya rito bago, "Para ka ngang babae. Ang tiyan ko, parang lalaki e."

Nagbungisngisan silang mga mesa maliban dito.

"It's true. One time when we were in high school, he craved and ate fishballs.
Nagpabili lang siya kay Mang Tuking. Pagkakain niya..." napatigil si Noreen sa
ikinukwento dahil sumitsit ng pagpigil si Grey, "Never mind, then. Kumakain tayo.
It might ruin our appetite."
Hindi naman niya matiis na hindi marinig ang kabuuan ng kwento. Hindi pwedeng
bitin!

"Anong nangyari?" usisa niya.

"Seriously, let's not talk about it. Kumakain tayo." sabi ni Grey.

Napangiti naman si Tonya. May ekspresyon ang lalaki sa mukha na noon lang niya
nakita. Ang kasungitan nito, napalitan ng kaunting pagkapahiya. At parang hindi ito
komportable sa upuan.

"She's not letting you off, Grey." tukso ni Noreen dito.

"No. Let's talk about other things."

Bumungisngis si Noreen.

"She wanted to know." sabi nito sa lalaki.

"It's because you started it, silly." naiiling na saway ni Grey dito. "That's a
long time ago."

"Hindi naman nakakahiya ang nangyari." salag ni Noreen bago tumingin sa kanya,
"Well, after he ate everything... nagbahay siya sa toilet nila!" saka ito
bumungisngis. "He was so angry when that happened. He kept on cursing inside the
toilet!"

"You!" saway ni Grey dito at pinisil ito sa pisngi, "What a big mouth you have!"

"Ouch! It's just a story, Gregorio! Get over it!" sabi ni Noreen na tinatampal ang
kamay ni Grey na bumabanat sa pisngi nito.

Napangiti siya sa napapanood. They're playful. Kaya siguro naaasar si Portia sa


dalawa. At gusto niyang maasar... ang kaso, bakit? At paano? Assistant lang naman
siya.
"Pwede palang magbahay sa toilet." sabi lang niya at mahinang bumungisngis.

"Yuck! Ikaw rin, Ate Tonya! We're eating!" sabi ni Portia na ngumingiwi sa kanila.

"It's just a story." sabi naman niya sa katabi.

"That happened a long time ago! Let's just stop and eat. Okay, ladies?" naiiling na
sabi ni Grey.

Tinapik ito ni Noreen sa balikat. "You're really corny! Spoilsport!"

"I don't mind being corny." sabi ni Grey dito, "Eat."

Pumalatak si Noreen dito bago, "Well, after that, he never entrusted buying his
food to just anyone. And he started to learn to cook his own food. He cooks great
pasta. You should try making him cook."

That would be nice. Kung ipagluluto siya ni Direk.

Nakangiti lang si Tonya sa sinabi ni Noreen. Nakatingin. Sampal na sampal na kasi


siya.

Sino si Mang Tuking noong high school pa ang mga ito? Sila lang ang nakakaalam.
What exactly happened after? Sila rin ang nakakaalam. Nahirapan siyang lumunok
habang patuloy sa paglo-logic ang utak niya.

It dawned on her - Noreen is not just a fiancee who left Grey and came back. She's
all that and more than that. There were memories of them that she will never be a
part of. Mga memorya na bago niya malaman, kailangan niyang mangulit. O magtanong.
There is a Grey only Noreen would know. Like this Grey who playfully spoil a story.
They are together for a long, long time. Kung gaano kahaba, hindi niya pa rin alam.
Kung gaano kakulay, nasilip na niya ngayon.
Pinigilan niya ang luha. Nag-concentrate sa tinolang paborito ni Grey. Masarap.
Matagal sigurong pinag-aralan ni Noreen kung paano eksaktong lutuin para sa nag-
iinarteng panlasa ng lalaki.

It's so good she almost choke. Why does she let herself see it? Noreen and Grey are
with each other for a long, long time. And it seems to her like they are really
meant to be together. # 926u / 12132014

Chapter 22 : No match

-----

Na-survive ni Tonya ang tanghalian ng masarap na tinola, mapait na katotohanan,


kwentong wala siyang malay at pisilang walang humpay. Nakailang rolyo ng mata si
Portia. Nakailang lunok siya ng papatakas na luha.

Ito ang isa sa mga pagkakataon na nagpapasalamat siyang ipinanganak siyang mabagal
ang andar ng lohika at pag-aanalisa. Naiiwasan niya kasi ang magpaliwanag pa kapag
wala siyang komento o masabing kahit na katiting sa anumang usapan.

Nang mailigpit ang hapag-kainan, nag-volunteer silang maghugas ng pinagkainan sa


kabila ng pagtutol nina Noreen at Grey. Humarap siya sa lababo habang nagdadabog si
Portia sa tabi niya.

"Kita mo, Ate? Masakit sa mata ang nakikita ko everyday! She's always trying to
prove everyone how well she knows my Kuya." nagkakandahaba ang nguso ni Portia sa
pagsasalita habang nag-aabot sa kanya ng baso.

Nagsasabon siya ng mga pinagkainan habang pilit ang ngiting nakikinig. Gusto na
niyang matapos sa ginagawa at makauwi. Pero hindi niya magawang magmadali dahil sa
babae.

"Totoo naman na kilala niya ang Kuya mo. Hindi naman siya nagkukunwari lang."
mahinahon niyang sabi kay Portia.

Isa pa, alam niyang kahit na pwede nilang ireklamo at ipagmaktol kung bakit at
paanong ipinapakita ni Noreen na kilalang-kilala nito si Grey, wala rin naman
silang magagawa sa huli. Dahil kahit naman anong reklamo nila, hindi naman
magbabago ang katotohanang iyon. Noreen and Grey have a history. Na mukhang
magpapatuloy pa.

"Kahit na! That's not the point, Ate!" tutol nitong nagpapadyak at dumulas sa kamay
ang iaabot sanang baso.

Maingay ang nilikhang tunog ng pagkabasag ng baso. Mabilis ang hindi-sinasadyang


hakbang ni Portia sa mga basag na piraso nito. Tumagos ang talim ng bubog sa
manipis na tsinelas pambahay ng babae. Sumigaw ito sa sakit. Nakisigaw rin ata siya
at kasabay nitong namutla sa pagkagulat. At biglang bumungad sa kusina ang mga
taong pinag-uusapan nila.

"What happened?" magkapanabay na tanong nina Noreen at Grey.

"You're bleeding, baby!" mataas ang tinig na sabi ni Noreen nang mapatingin sa paa
ni Portia. Nakalapit ito agad at paupong iniangat ang paa ng mas batang babae
palayo sa bubog.

Hindi makapagsalita si Tonya. Kinatatakutan niya ang mga may-dugong injury. Ang
huli kasing nakita niyang aksidente, nawalan siya ng ama. Kaya naman sa
pagkakataong ito, wala siyang maikilos kundi ang manood lang sa mga nangyayari.

"Move away!" inis na sabi ni Portia kay Noreen kahit nakangiwi sa sakit.

Hindi naman natinag ang babaeng tinukoy. Bumaling ito kay Grey.

"Let's move her to the living room, Grey. I'll take the med kit."

Tumingin pa muna sa kanya si Grey at kunot-noong nagtanong, "Are you okay? You look
scared."

Tumango siya. Wala naman siyang sugat. Hindi siya ang dapat inaalala nito kundi -

"Si Portia..." halos bulong niya.


Binuhat ni Grey ang kapatid nito palabas ng kusina. Bumaling din sa kanya si Noreen
bago lumabas.

"Are you really okay? Are you hurt, too?" may pag-aalala sa mukha nito habang
tinatanong siya.

Gusto niyang sumagot ng 'Oo'. Sakit na sakit na kasi ang dibdib niya. Lalo na dahil
nakikita niya ang concern ng babae. Hindi iyon mukhang maskara o pagkukunwari lang.
Kaya mas masikip sa dibdib. Kung bruha ang nagtatanong o lantay na kontrabida
galing sa teleserye, mas may laban siya. Kasi siya ang lalabas na may gintong
kalooban. Pero yung ganito...? Magandang babaeng mabait? Wala talaga siyang kapana-
panalo.

"Hindi. Na... gulat lang talaga ako." pinilit niyang ngumiti.

"Sure?"

"Oo. Sorry. Umieksena pa 'ko." sabi niya rito.

"O...kay." malungkot din na ngumiti si Noreen. Na hindi niya makuha kung bakit.

At sa kasunod na mga sandali, naiwan na siyang mag-isa sa kusina. Nauulinig niya pa


ng kaunti ang mga pag-uusap at mga pagkilos sa sala: ang pagtatanong ni Grey sa
kapatid, ang pagkuha ni Noreen ng medicine kit, at ang pag-aray ni Portia. Habang
nakikiusyoso siya, lalong kinakatkat ng nakakainis na panibugho ang puso niya.
Tinamaan nga talaga siya ng lintek. Lintek na pag-ibig. Kaya nagugulo ang huwisyo
niyang mabagal at natutukso siyang magselos.

"Tonya?" si Grey.

Nilingon niya ang lalaking lumalapit.

"Ha?"

"Are you hurt anywhere?" tanong nitong hinahagod siya ng tingin.


Umiling siya. Walang masakit sa katawan niya. Malayo siya sa bubog. Iba ang
nasusugatan sa kanya habang nagtatagal siya sa bahay ni Grey.

Lumapit pa ang lalaki hanggang nakatayo na ito sa mismong harapan niya. Hanggang
para na siyang nakatingala sa tore.

Nakatitig lang sila sa isa't isa. Yun yung mga titigan moment na gusto niya sanang
mas marami pa. Pero nahihirapan na siya. Mahirap nang kunsintehin ang sarili niyang
magnakaw at magtago ng mga maliliit na pagkakataon kasama si Grey. Masaya sana.
Kinikilig siya. Pero masakit. At ang puso niya, hindi naman gawa sa bakal.
Kalaunan, baka magkagutay-gutay na.

Panay pala ang iling niya at ang pagdaan ng lahat ng masasakit na emosyon sa mukha
niya pero wala siyang malay. Naramdaman na lang niyang pinahid ni Grey ang bakas ng
luha niya gamit ang hinlalaki nito. Sapo nito ang pisngi niya. Maigting ang
pagkakalapat ng panga nito. Na parang nagpipigil. Malungkot ang mata. Na parang...
ano? Anong sinasabi nito? Gusto niyang maintindihan. Pero maikli ang panahong
nakasama niya ito bilang direktor para mabasa niya ang ibig sabihin noon. Hindi
naman siya si Noreen.

"Don't cry." mahina ang boses na sabi nito sa kanya. "Please..."

Gusto niyang magsalita o magsabi ng kahit na ano. Para hindi maging melodramatic
ang sitwasyon. Pero paano niya ipapaliwanag ang luhang mag-isang dumadausdos para
magdrama?

Wala siyang salita. At mabagal ang huwisyo niya.

Tinanggal ni Grey ang kamay nito sa pisngi niya.

"Do you remember what I said last night?"

"Last... night..?" nagawa nyang ulitin.

"After I kissed you."


OST. Ano 'to, muling ibalik ang alaala ng halik na hindi demo at ang walkout moment
niya?

"A..."

"We will talk later. Okay?"

Talk later. Babastedin na siguro siya. Baka napapansin na nito ang mga astang
girlfriend niya rito samantalang assistant lang siya. Worst, baka naririnig na rin
nito ang melodramatic niyang mga OST sa tuwing mabibiyak ang puso niya.

"Mamaya pa rin? Bakit hindi ngayon?"

"I just... can't tell you yet."

OST. Na malungkot. Mukhang basted nga siya. Na baka may kasama pang sisante. Okay
na rin sigurong mamaya pa. Hindi naman siya excited mabasted at mawalan ng trabaho.

Tumango siya.

"I have to..." tumigil sa pagsasalita si Grey at bumuntong-hininga. "- later."

Nagbaba siya ng tingin, pasimpleng nagpahid ng luha at umikot paharap sa mga


hinuhugasan. Kumilos naman ang lalaki at winalis ang mga bubog.

"Grey?" bungad ni Noreen sa kusina. Masakit ang pagkakangiti nito. "You have to
attend to Portia. She wants you to dress her wound."

Nagbuga ng hangin si Grey. Parang nagtitimpi ito.

"Did she say anything malicious to you?" madilim ang mukha na tanong nito.

Nakatingin din siya kay Noreen para sa sagot nito. Malaki ang posibilidad ng pag-
iinarte ni Portia dahil sa disgusto nito sa babae.

"No."

Bumuntong-hininga ang lalaki. Alam nilang tatlo na nagsisinungaling si Noreen.

"I have to tell her to stop -"

"She's a kid, Grey. It's okay." may matipid na ngiti ang babae nang sabihin iyon.

Hindi umimik si Grey. Sumulyap ito sa kanya bago lumabas ng kusina.

*****

Nakatanaw sa labas ng bintana si Tonya habang nagda-drive si Grey. Nakasakay siya


sa kotse nito. Nagpilit ang lalaki na ihatid siyang pauwi. O mas tama sigurong
sabihin na nag-deklara ito. Humindi kasi siya sa alok na paghahatid nito. Kaso...

"I will take you home, Tonica. Don't argue."

At nagtapos ang usapan sa walang laban na naman niyang pagsakay sa kotse nito.
Habang hinahatid sila ng kaway nina Portia at Noreen.

"Galit ka ba?" maya-maya'y untag ni Grey sa kanya.

Nilingon niya ang lalaki. Hindi ito nakatingin sa kanya kundi sa kalsada.

"Oo." siguradong sagot niya.


Nangiti ito. Nang nakakainis. Ang gwapo kasi. Isa pa... seryoso ang sagot niya,
bakit siya ngingitian?

"Why exactly?" tanong pa nito.

"Hindi mo alam, Direk?"

"Call me Grey. Wala tayo sa set."

OST. Ng lintek na pag-ibig. Nakakaasar lang.

"Hindi mo alam, Grey?" kinilig siya kahit naiinis.

"Hindi. So, tell me."

Namamangha siyang nakatingin dito. Hindi ba talaga nito alam kung bakit siya galit?
Sabagay, wala namang lahing manghuhula ang mga Montero. At kung may lahing
manghuhula ang mga ito, sasabihan siya agad ni Portia. Lalo na dahil textmate sila.

"Makulit ka e. Namimilit kang maghatid kahit sinabi kong ayoko." tuloy-tuloy na


sabi niya.

"Ow."

Patlang... ng mga dalawang minuto. Naghintay siya sa kasunod ng 'Ow' nito.

"Hindi ka magso-sorry?" tanong niya.

Naguguluhan siya. Hindi ba at kapag inuusisa ng taong dahilan ng galit ang nagalit
na tao, karaniwang para iyon humingi ng paumanhin? Bakit parang wala namang balak
si Goryo?

"Bakit?" tanong nito.


"Kasi galit ako."

"Hindi."

Nagusot ang mukha niya. Naiinis na naman siya sa lalaki.

"Bakit ka nagtatanong kung galit ako pero hindi ka naman pala magso-sorry?"

"Kasi gusto kong malaman."

Patlang. Ginagaya ba siya ni Direk?

"Tapos?"

"Now I know it."

Patlang. At kaasaran.

"Nagalit ka dahil ayaw mong magpahatid pero nagpilit ako -" si Grey.

"Nag-demand." pagtatama niya.

"- nag-demand ako. Pero hindi ako hihingi ng sorry dahil gusto talaga kitang
ihatid."

Patlang. At kaunting kilig. Na dapat tumigil para hindi siya madurog.

"Kahit maasar ako sayo?"


"Yeah."

"Kahit galit ako?"

"Yeah."

"Kahit awkward?"

"We are often awkward, Tonica."

Umangil siya.

"But... you can ask me anything para makabawi. I don't want you quiet with me if
you're angry."

Ngumuso siya. Ano naman kayang itatanong niya? Saka galit nga siya, di ba? Bakit
siya magtatanong? Inuuto ba siya ni Goryo? At magpapauto ba siya? Dapat hindi, di
ba?

Ang kaso, gusto niyang makilala si...

"Sino si Mang Tuking?"

Ngumiti ito. "Katiwala sa bahay namin nung bata pa ako. Matandang lalaki na mahilig
mag-gel ng buhok. Laging naka-brush-up. Payat na matangkad. Idol si Fernando Poe,
Jr. Inimpluwensyahan ako sa pelikula." dahan-dahan at isa-isang sabi ni Grey.

"Sandali..." mahaba ang sagot nito. Kinuha niya sa tote bag na nasa kandungan ang
tape recorder niya. Pinindot niya ang record button, "Sino uli si Mang Tuking?"

"Si Mang Tuking ay katiwala sa bahay namin nung bata pa ako. Matandang lalaki.
Mahilig mag-gel ng buhok na lagi niyang ibina-brush up. Para raw gwapo. Payat na
matangkad pero may masel sa braso. Idol si Fernando Poe, Jr. Madalas kaming manood
ng pelikula. Paulit-ulit na pelikula ni FPJ. Inimpluwensyahan ako sa pelikula."
mahabang sagot nito.

"Ah..." tumatangong sabi niya. Nai-imagine na niya si Mang Tuking. "E... si Noreen?
Gaano katagal na kayo magkakilala?"

Natahimik siya sa sariling tanong. Mali yatang nagtatanong pa siya. Masasaktan siya
lalo.

"I know Noreen since we were children. Kapitbahay namin sila. Kalaro ko. She's a
prim and proper girl. Ni hindi umaakyat ng puno nung bata pa kami. She's the first
to hide and the last to be discovered in hide and seek. She's the weakest in races.
We were classmates, too, from elementary to high school. She had her share of
bullies. They thought she's fake because she's too kind. But she is... really kind.
She is." saglit na natigil si Grey sa pagsasalita, "We we're inseparable up to
college. She's my best friend. Then, we dated."

Translation: Perfect si Noreen.

Nanatiling naka-on ang record button. Mahaba magkwento si Goryo ngayon. Na


bibihirang mangyari. And she wanted to hear everything that he will offer. Even the
things that will remind him that Grey is off-limits.

"Kailan at bakit siya umalis?"

"Six years ago, I proposed marriage to her." maingat sa pagsasalita si Grey. Mababa
ang boses. Lalong hindi sumusulyap sa kanya, "She turned me down."

Patlang.

Translation : Niyaya ni Grey ng kasal si Noreen. Ganun kaseryoso ang relasyon ng


dalawa. At nagmahaba ng buhok si Noreen kaya tinanggihan si Grey.

Huminga siya ng malalim. Pinigilan ang logic na magtrabaho at magdrama.

"Grabe..." tanging nasabi niya. Lumunok siya. "Masakit?"


Napakagat-labi si Tonya. Sasabihin niya sanang 'masakit'. Pero naging patanong
dahil ayaw niyang mahalata siya.

"Yeah."

Patlang.

"Tapos, parang sa pelikula, sabi mo hihintayin mo siya?"

Patlang. At ang mabigat na hangin sa paligid. O baka dibdib niya iyon na


nagsisimula nang sumikip. Hindi kaya may high blood na siya o mataas ang
cholesterol niya dahil sa katabaan? Pero imposible dahil kinakaya niya ang cardio
exercises niya nang walang kahirap-hirap di ba?

Translation : Kulang ang cardio niya pagdating kay Grey.

"Yeah. I did tell her I will wait for her."

Patlang. At ang panlalamig ng puso ni Tonya.

Translation : Romantic si Grey.

"After turning me down, she went and studied Fashion Designing in Paris. It is her
dream to go there and make a name for herself."

"Bakit hindi mo siya pinigilan?"

"It's her dream. She's my best friend. I want her happy."

Pakakasalan din kaya ito ni Grey dahil sa parehong dahilan? Because he wants her
happy?
Gusto niya pang magtanong. Pero hindi na kumikilos ang dila niya. At tahimik na sa
loob ng kotse.

May iniisip siguro si Grey. O inaalala. Panay kasi ang ilag ng mata nito sa kanya.
Siya naman ay sa kalsada na rin tumingin.

Tumigil ang tape. Umangat mag-isa ang record button. Ubos na ang tape. Ubos na rin
ang pag-asa niya. Ang lakas ng loob niyang kumpetensiyahin ang isang babaeng wala
talaga siyang ipapanalo.

"Noreen is... perfect..." may bumara sa lalamunan ni Tonya. May karugtong pa sana
ang sasabihin niya. Noreen is perfect for you.

"Yeah. Unfortunately... she is." malungkot na sabi ni Goryo.

Ibinaling niya ang tingin sa tagilirang bintana. Pumikit siya.

R.I.P. Pag-asa. #

Chapter 23 : Who knows him best

-----

Pumapailanglang ang isang malamyos na musika habang kabadong naghihintay si Grey


kay Noreen. He was wearing a nice suit. There were stars in the sky and the full
moon could be seen. Maganda ang bihis ng hardin ng unibersidad kung saan sila
nagtapos ng kolehiyo. Inarkila niya para sa gabing ito. May mesang nakahanda sa
gitna ng gazebo para sa dinner. May maliliit at mababangong kandila sa pathway kung
saan maglalakad ang babae. May arko ng bulaklak. May mga musikero na tumutugtog
gamit ang violin at piano.

At higit sa lahat, may singsing sa bulsa ng coat na suot niya.

"Grey..?" mahina ang boses ni Noreen nang tawagin ang pangalan niya.
Nilingon niya ang babaeng bagong dating. She's pretty in her pink dress and flat
doll shoes. Malaki ang mata nito sa pagtatanong habang salitang lumilinga sa
paligid at bumabalik ang tingin sa kanya.

He was nervous. He was mesmerized. He was in love.

"What's this, Gregory? Ang sabi mo, magkita lang tayo... " mahina ang boses ni
Noreen nang makalapit sa kanya.

"Yes. I did tell you to meet me here. Do you know why here?" tanong niyang hindi
matanggal ang mga mata sa babae.

Hindi ito makapagsalita. Pero alam niyang alam nito kung bakit doon siya
nakikipagkita at kung para saan ang lahat ng nakikita nito. Noreen knows everything
about him - about them. Over the years, it was proven that she has a better memory
when it comes to events, dates and places.

"It's because this was where I realized that I'm in love with my best friend. And
this garden was where you told me that you're in love with me, too."

Napalunok ito at nagsimulang magkaroon ng bakas ng luha sa mga mata. Napatango-


tango ito. Of course she will remember.

"Noreen... you've been beside me all my life. Through all the ups and downs. During
the most painful. During the happiest. I know that there were a lot of things that
I couldn't have handled right if you weren't beside me. We are each other's fan and
confidante. You know me best. So tonight... in this very same garden where we fell
in love, I wanted to ask you..." kinapa niya ang kahon ng singsing na nasa coat
pocket, inilabas at binuksan.

Nakita niya ang kaligayahan sa mukha ni Noreen nang makita ang singsing. Pero ang
kaligayahang iyon ay napalitan sa isang iglap nang mapatingin ito sa kanya.

What was it that he saw in her face that nigth? What was it that made her refused
him? Fear? Worry? Doubt? Hanggang ngayon ay hindi niya alam.

He felt that something was wrong. Yet, he asked her the question anyway.
"Please... Noreen, will you be my wife?"

Lumunok ang babae. Ilang ulit itong tumingin sa singsing, sa kanya, at sa


kalangitan. Na para bang nagtitimbang ng isasagot. O naghahanap ng tamang salita.

"Gregory..."

Naghihintay siya.

"As much as I wanted to be your wife..." lunok, "I... can't."

Hindi siya nakaimik. Nagtititigan lang sila ni Noreen. Hindi siya naniniwala sa
narinig niya. It's too absurd for her to decline. They both know that they should
be together.

"Why?"

"I'm sorry, Grey. I cannot tell you now."

Saka tumalikod ang babae at patakbong umalis.

After a week, nalaman niyang aalis si Noreen patungo sa Paris. Inabangan niya ito
sa airport na dala ang singsing. Her almost swollen eyes and the way her shoulders
were hunched told him that she had been crying, too. Before she boarded, he gave
her the ring saying:

"When you come back, I want you wearing this ring."

And before she did, Tonya happened.

*****
Isinandal ni Grey ang ulo sa kinauupuan matapos mapatay ang makina ng kotse.
Kababalik lang niya sa sariling bahay matapos ihatid si Tonya.

"Seven thirty tonight. I'll pick you up." sabi niya kay Tonya bago nito tuluyang
mabuksan ang pinto para bumaba ng kotse.

Napatingin lang sa kanya ang babae. Hindi niya mabasa ang nasa mukha nito. And he
fears that what he saw before in Noreen's face was repeated.

"We will talk." dagdag niya pa.

"Ah..." sabi lang nito, ngumiti ng matipid at bumaba.

Ibinaba niya ang salamin ng tagilirang bintana.

"Later."

Kumaway si Tonya sa kanya. Nakangiti ito pero hindi abot sa mga mata. Napabuntong-
hininga siya. He knows he had hurt her answering questions about Noreen. But he
wanted to let Tonya know a lot about him. A lot of time that she had not witnessed.
And that includes Noreen.

He wanted her to scold him for being insensitive. Insted, she said,

"Ingat, Grey!"

Hinilot-hilot niya ang leeg. He's been tired lately. Tired of keeping his feelings
on guard. Tired of competing with Shaun. And tired of going home.

Bumuntong-hininga siya bago lumabas ng kotse.


Una niyang pinuntahan ang kwarto ni Portia. Natutulog ang kapatid. May balot ang
paa nito sa tinamong sugat sa nabasag na baso.

Pagkatapos ay tumuloy siya sa guest room na tinutulugan ni Noreen. Ilang minuto


siyang nakatayo sa tapat ng pinto bago kumatok at pumasok. Naabutan niyang
nakatayong nag-iimpake ng mga gamit ang babae sa malaking maleta nito. Ihahatid
niya ito sa 6 P.M. flight pabalik ng Paris.

"Hey..." sabi lang nito nang mapansin siya, "You're back. I thought you couldn't
make it."

"Silly. I told you I will drive you to the airport."

Nakangiti ng matipid si Noreen.

Tahimik naman siyang lumapit at naupo sa kama. Nanonood sa bawat kilos nito.

"How's Tonya?"

"She's angry."

"She should be. You're suffocating her, Grey."

Hindi siya kumibo. Of course his actions are obvious to Noreen. As always.

"Are you really going back? You could still stay for another week." malungkot na
sabi niya. Kahit na alam naman niyang useless. Noreen is the type of girl who do
exactly what she put her mind into.

Tumigil ang babae sa pagtutupi ng damit.

"Just how kind and tolerating do you think I am, Mr. Montero?" may panunukso pero
malungkot ang tono na tanong nito sa kanya. "The week I asked from you is over. So
now I have to go."
"I'm sorry." sinserong (sincere) sabi niya. Wala siyang alam na ibang salita na
pwedeng sabihin dito. "I'm sorry about Portia's behavior. And for my actions, too."

Lumunok siya. Nagkaroon ng bikig sa lalamunan.

"I understand Portia, Grey. I left you. And hurt you. She's supposed to be mad at
me. Kahit na sabihin pa nating wala pa siyang halos alam nun. If she's not going to
take your side, who else will? Kaya wag mo na siyang pagalitan. She just loves you
so much."

"You tolerate her too much. Whatever the reasons are, she should not treat you like
that." may diin na tugon niya. Nahahalata niya ang kagaspangan ng ugali ng kapatid
kay Noreen, "And you 'sort of' have my permission when you left. It's not like you
just disappeared to nowhere without telling me."

Umupo sa tabi niya si Noreen.

"That's really the plan, Grey. If you didn't managed to ambush me at the airport, I
should have disappeared without telling you."

"You wouldn't do that. Because you know that it's not right to just leave like
that. You're my best friend."

Nakatitig sa kanya si Noreen. Ngumiti ito habang naiiling.

"Yeah. I'm your best friend." tumungo ito sandali bago kagat-labing tumitig sa
kanya, "If you're trying to make me realize how stupid I was for refusing you back
then, I am regretting now, Grey. I was stupid. For refusing your proposal. For
leaving you. And the dumbest of all, for making you wait for so long. I could have
returned sooner..."

"You're not stupid, Noreen. I just... I failed."

"Yeah. Miserably." malungkot ang tinig nito, "You failed in ignoring Tonya because
of your temper. And you failed in neglecting me because of your loyalty. You're
such a pain."
"I'm sorry."

"I know you all my life, Grey. I know you the same way I know myself. We've been
together since we were five. We grew up together. Fell in love together. Cried
together." nagluha ang mga mata ni Noreen, "And now... we will part. Like this."

Patlang.

"I always thought that I knew you. That's why when you told me about Tonya, on my
first night here, I wanted you to be sure about your feelings for her. I asked for
time. I thought, maybe because I was gone for so long, you have missed me so much
that you get attracted to someone who can bypass your walls without trying. It's
purely conceit on my part. But deep down inside, I also know... that the fact she
passed your walls and saw your many tempers, she is special. And she really is,
Grey. Today, she just show me how easy it is to love her." nagkibit-balikat ito, "I
actually love her."

Pinigil niya ang bara sa lalamunan. Ang tinutukoy nito ay ang naging pag-uusap nila
nang unang araw na ipagluto siya nito at patuluyin niya ito sa bahay niya. He could
not lie to her so he told her about his feelings for Tonya. But she wanted for him
to try being with her first and to keep his distance to Tonya so he can be sure
that he really has fallen. He agreed.

Huminga ng malalim si Noreen.

"And I also know now... that the time I was asking from you was for myself. I was
the one who wanted to be sure. Because you... Gregory Montero is not the type who
gets confused for so long. Yet, I wanted to be sure of your feelings for her
because I could not believe it. I couldn't believe it that you're waiting for me
for so long and she just made you fall for her within weeks. I was thinking that if
it was not deep, I could always make you come back to me. Kasi... mas marami tayong
pinagsamahan. Mas magkakilala tayo. Mas matimbang ako... Mas matimbang dapat ako."
nagbaba ito ng mata, "Gosh, this is pathetic of me."

Hinawakan niya ang kamay ng babae. Pinisil.

"I know you only let me stay here with you because you care too much. Because you
cannot neglect me. Am I right?"
Tumango siya. Malungkot na nakatingin dito.

"Can I assume that you missed me, too?"

"I missed you, silly. You know I do."

Ngumiti ng malungkot si Noreen. "Liar. You always go home late."

"I'm sorry. I just... needed a little rest away from you and Tonya. I am fully
aware that I am hurting you both. I don't want that to be a twenty-four hour
thing."

"Stupid. People only hurt when they love. And love is twenty-four hour thing, Grey.
When you love, you daydream while awake. And when you sleep, you dream."

Tumungo siya.

"And then, I also know that you are letting me visit you on the set because you
wanted me to know and observe Tonya. Right?"

Tumango siya. Mula nang sabihin niya kay Noreen ang damdamin para kay Tonya,
ginusto niyang maintindihan siya ng babae. He wanted her to know and meet Tonya, so
she will know for whom he is breaking a promise. And he knows, quite conceitedly
too, that Noreen will understand.

Malungkot na ngumiti ang kaharap.

"You could not neglect me completely so you let me stay here. Such an old-fashioned
guy."

Pinisil niya ang kamay ng babae.

"Yet, I also hoped that while I'm here I could make you turn to me again. I was
waiting for you to completely ignore her and try with me. But everyday, I saw that
you could not. You crave for her attention like a child. And you're oftentimes
jealous but can do nothing about it. It's funny and painful to watch, Grey."

Totoo ang sinasabi nito. Baliw siyang magselos. And Tonya with Shaun is driving him
mad but he chose to stay quiet and watch. Wala siyang karapatang pigilan si Tonya
na sumama sa lalaki dahil nasa tabi pa niya si Noreen. Pero hindi naman niya
mapigilan ang sariling nakawin pabalik si Tonya.

"You see... I know you this well, Grey. That it confuses me why... how... it was so
easy for her to take you. How it was so easy for you to choose her over me."
pumatak ang luha ni Noreen habang nakatungo.

"I did not choose, Noreen. It just happened without a clue that I fell for her.
When you came, I've seen myself weak and out of control. I'm weak against her. I'm
pulled towards her. I'm... I don't know how to explain this well."

Kumurap-kurap ang babae. She's smiling at him painfully. Like he's both funny and
pitiful and painful at that same time.

"Gosh. You're so honest it sucks." lumunok ito, "This is harder than I thought,
Grey. It's hard letting you go."

Nagsisikip ang dibdib niya sa nakikita sa kababata. Noreen is very special to him.
He hated seeing her get hurt by him like this. But he cannot lie. She deserve
someone who sees how special she is and adore everything about her.

"I was so sure to wait for you. You're the best... yet..." bumuntong-hininga siya,
"I'm sorry I can't keep my promise."

Umiling si Noreen.

"I made you break it, Grey. I shouldn't have made you wait that long. We should not
make people wait just because they will." pumikit ito nang marahan habang humihinga
ng malalim, "And the fact that I was late to return and that you met her before I
sensed it, though it feels like a curse and a punishment to me, I know that it's
fate. So who am I to get in the way?"

"You're one of the most beautiful person I ever met, Noreen. And I will always wait
for you to be okay."
"It will take a while, Grey." parang naghabol ito ng hininga habang patuloy ang
patak ng luha, "As much as I wanted to know how you will end up with Tonya, I have
no guts nor courage to watch. It pains me here." pinukpok nito ng kamao ang
sariling dibdib, "So to remain the beautiful person you admire, I have to endure.
And I have to take my time. Kasi baka isang araw maisip kong dapat ako pa rin ang
mahal mo. Tapos, tubuan ako ng sungay and before I knew it, I was a full-time,
full-pledged villain. I don't want that."

Kinabig niya ang babae at niyakap. She's soft, warm and kind. He wanted her happy
and yet... he's making her cry.

"She's a great girl, Grey. I'm happy for you." bulong nito.

"Shh..." he hushed, "Stop talking now. Just hug me and cry."

"Gosh! You're too bossy, Gregorio." bulong nito bago kumapit ang kamay sa likod
niya, "And I love you so much. I love you so much. I love you..."

Yumugyog ang balikat ng babae sa braso niya. Naramdaman niya ang panghihina nito at
ang hirap sa paghinga. Nabasa ng luha ang balikat niya. She's crying all-out. And
he just hold her steadily and silently the way he should. He owe her for being
honest and being cruel. But he cannot do anything about it because they both know,
he cannot love her the same way.

Noreen knows him best. But he loves Tonica. #

Chapter 24 : To be confused

A/N : Aherm. Chapter 24 na tayo. Yehey! Super saya!!! Anyways, gusto ko lang batiin
si Sealmyselfwithmagic kasi nakita ko sa facebook na birthday pala niya! Happy
birthday! Itong chapter na to ay iniaalay ko sayo!

Gusto ko ring batiin si Atex Amoscom sa lagi at abangers mode nyang pagbabasa.
Ganun din sina Kaye Lorenzo at Cyron Garcia!

Happy Reading! <3

-----

"I guess this is it." mahina ang boses na sabi ni Noreen kay Grey.
Boarding na ng flight papunta sa Paris. Nagsitayuan na ang ibang pasahero
samantalang nakaupo pa rin silang dalawa. Naka-shades ang babae kahit na gabi.
Tinatakluban ang namamagang mga mata. And he's both relieved and pained that the
week has passed.

But the truth is, he will miss Noreen. Isa ang babae sa kakaunting mga taong
nakakakilala sa kanya.

Hinawakan niya ang kamay nito. Malamig. Kinatok ng sakit ang puso niya. Bumigat
kaya napahinga siya ng malalim. It was not easy to hurt someone so kind -
especially his best friend. But he can endure it and trust that everything will be
okay in time - because it was Noreen.

"I could never be this honest if it was not you. Thank you for always understanding
me... and for forgiving me with all that I lack." lumunok siya, nilingon ang hindi
tumitinag na babae, "I love you. Always."

Nilingon siya nito.

"And I love you, Grey." kinagat nito ang labi at bumuntong-hininga, "It's weird.
The words are the same but we mean differently."

Mahigpit niyang hawak ang kamay nito.

"Hey, corny..." ngumiti ng matipid si Noreen, "Can I slap your face?"

Nangiti siya ng matipid. "I've been waiting for you to do so. And I wondered why
you never did."

"I'm just really calm on the inside before. I guess, it's not yet sinking in that I
have to live without you in my plans. But... right now, I'm feeling quite pissed
off. And you know that this won't go away unless..."

"Unless you shout or slap something." panapos niya sa sinasabi nito.


"Yeah."

"Go. Make it hurt."

Humarap siya kay Noreen. Nakatingin sa magandang mukha nito. Mabigat sa dibdib ang
bawat paghinga niya. And he's waiting.

Umigkas ang kamay ng babae at lumagapak sa kaliwang pisngi niya. Malakas ang tunog
na nilikha niyon. Pumaling ang mukha niya. At nagtinginan ang mga tao.

The slap stings. It hurts so much that it helps him shed a tear that has been
keeping his heart heavy. Lumuha ang mga mata niya.

"Are you hurt?" tanong niya sa babae at hinawakan ang kanang kamay nito.
Ininspeksyon niya ang nanginginig at namumulang palad nito. Masuyong hinahaplos.

"Yes." nanginginig din ang boses nito, "Did it hurt?"

"God, yes." aniya at pinaglapat ang mga ngipin. He breathe heavily before pulling
Noreen to his arms. Mahigpit niyang niyakap ang kalambutan nito - his eyes in
tears, his heart heavy. Yumugyog ang balikat nito sa pag-iyak. "I'm really sorry
about this, Noreen."

"Yeah. I'm sorry for myself, too." bulong nito, "Pero marami pa namang mas guwapo
kaysa sayo. So, don't worry, Gregorio. I'm pretty as hell."

Mahigpit ang yakap nila sa isa't isa at tahimik ang pag-iyak. People are looking
but they don't mind. No one knows how hard it is to part... unless you're the one
saying goodbye when you don't want to.

"Yeah. You're pretty as hell. You're perfect." sabi niya at mabigat na huminga.
He's memorizing this moment. He's never good at saying goodbye. He's never good
with words. And he wanted to do enough for her - for the friendship, for her tears,
and for her kindness. But he doesn't know what's enough.

Bumuntong-hininga si Noreen at kumalas ng yakap sa kanya. He watched her searched


inside her handbag. Naglabas ito ng tissue. Kumuha at inabutan din siya. Tinuyo
nito ang sariling mga mata at nang makitang hindi siya kumikilos ay hinawakan ang
mukha niya at pinunasan ang luha niya.

"You cried for me. I'm relieved." mahina ang boses na sabi nito.

"Yeah. You're right. This is not easy at all."

Ngumiti ito ng nakauunawa. "But we can do it because it's us."

"Yeah. Because it's you."

Hinaplos nito ang sinampal na pisngi niya.

"This is goodbye, Grey. See you..."

And she kissed him for the last time.

*****

"I know Noreen since we were children. Kapitbahay namin sila. Kalaro ko. She's a
prim and proper girl. Ni hindi umaakyat ng puno nung bata pa kami. She's the first
to hide and the last to be discovered in hide and seek. She's the weakest in races.
We were classmates, too, from elementary to high school. She had her share of
bullies. They thought she's fake because she's too kind. But she is... really kind.
She is."

"We we're inseparable up to college. She's my best friend. Then, we dated."

Pinindot ni Tonya pabalik ang play button. Nag-fast forward siya sa recorder.

"Six years ago, I proposed marriage to her."


"She turned me down."

Pindot pabalik. Fast-forward.

"Noreen is... perfect."

"Unfortunately, she is."

Pindot. Patay na ang tape at ang pag-asa niya.

Tiningnan niya ang nakahaing sampung cup na chocolate sundae sa mesa niya. Bilang
pagluluksa, kakainin niya bang lahat iyon? O bilang pagluluksa ay magha-hunger
strike siya?

Pero hindi ba at hunger strike na nga siya ng magdadalawang buwan kaya siya
pumapayat? Ibig sabihin, dahil broken hearted siya, pwede niyang kainin ang sundae
di ba?

Pero nakikipagtalo ang utak niya. Kung kakainin kasi niya ang mga iyon, siguradong
kalaunan ay itatakbo niyang lahat iyon sa treadmill. Iba-bike niya sa stationary
bike. Isi-sit-ups niya. Isu-zumba. I-aerobics. Iba-boxing. At iba pang routine.
Baka ang ending, ang buong umaga niya ay sa gym na lang talaga maubos.

Pero masakit talaga ang puso niya. Kaya nga siya napadpad sa fastfood sa halip na
nasa bahay at nag-aayos para sa libreng dinner ni Grey. Kanina pa itong 7:00 P.M
nagtext. Susunduin daw siya sa bahay nila. Pero 7:45 na ngayon at hindi niya pa
sinusulyapan man lang ang cellphone niya.

Bibitaw na kasi siya kay Superman. Bago pa siya maging panggulo sa lovelife nito at
ni Noreen. Bago pa siya mabaliw o mabuking na nag-aastang girlfriend. Bago pa siya
madurog na parang pinggan.

Naglista siya ng pointers kung bakit hindi sila bagay para makumbinse niya ang
sariling bumitaw.
1. Slow ako at tanga. Hindi siya mahilig magsalita. Paano kami magkakaintindihan?

'Di ba sabi mo, maiintindihan mo siya kahit hindi siya magsalita?'

Ipinilig niya ang ulo sa naalalang sinabi kay Grey. Nagpatuloy siyang magbasa.

2. Superman siya. Hindi ako si Lois Lane.

'Sperm donor mo siya, di ba?'

3. Guwapong guwapo siya. Maganda lang ako (1x lang).

'You will be a head turner.'

'You will be gorgeous.'

4. Marami siyang mood na hindi ko alam.

'Alam mo na yung iba, di ba?'

5. Mahirap siya magets.

'Mahirap ka rin kausap. Patas na kayo.'


6. Awkward kami.

'We are oftentimes awkward, Tonica.'

7. Magulo kami mag-usap.

'I'm saying it in its simplest form.'

8. Mahal niya si Noreen. Mahal ko siya.

'That kiss... don't you ever forget it.'

'Bakit ka hinalikan? Marami-rami yun a. Hindi lang pati aksidente. Sa bilang niya,
tatlo nung nasa dagat. Apat nung nag-walkout ka.'

Ang konsensiya niya at gabutil ng munggong pag-asang naghahangad mabuhay uli, bakit
kaboses ni Boom?

Napatitig siya sa huling tatlong salita. Mahal ko siya.

Lintek na pag-ibig talaga. Ang bilis niyang nakapag-move on kay Hans dahil lang may
time. Napabuntong-hininga siya. Bakit kaya hindi na lang siya nahulog kay Shaun? Si
Shaun, mas malinaw at mas diretso. Magulo sila mag-usap pero dahil lang yun sa
kanya. Pero... ang puso niyang nag-iinarte, kay Grey tumitibok-tibok. Solid na
solid ang pangalang isinisigaw.

Pinanonood niyang matunaw ang mga sundae nang mag-ring ang cellphone niya.

Tinitigan niya ang pangalan ni Grey sa screen. Kung sasagutin niya, mahirap
makipag-usap. Kung hindi niya sasagutin, mas madali. Silent treatment. Silent
goodbye. Silent giving up.
Kunwari busy siya. O naliligo. O nakatulog. Madali naman ipaubaya na lang sa taong
tumatawag kung anuman ang gusto nitong isipin.

Pero sinagot niya ang tawag. Kasi naman, pangalan pa lang ng lalaki ang makita
niya, parang inuutusan na siya: Surrender to me. Accept your defeat.

Suko naman agad siya. Walang kalaban-laban sa kapangyarihan ni Superman.

"Hello." mababa ang boses niya.

"Tonica. Nasaan ka?"

Natigilan siya sa lungkot sa boses ni Grey. Ano naman kayang nangyari?

"Malungkot ka, Grey?"

"Where are you?" tanong pa rin nito na may kasamang buntong-hininga.

"Nasa fastfood."

"What? Why there?"

"Umorder ako ng sundae."

Patlang.

"I'm waiting for you."

"E... "
"We will talk, di ba?"

"E..."

"Where are you exactly? I will fetch you."

"E..."

"Tonica."

Lumunok siya. Ito na yun. Dapat bumitaw na siya. Dapat malinaw.

"Ayoko, Grey."

Patlang.

"What?"

"Wag mo na 'kong sunduin. Ayaw kitang makita e."

Hindi ito sumagot.

"Ayoko rin mabasted. At masisante."

"Ha? Sinong nagsabi -"

"Okay lang sa akin kahit na hindi ko na malaman kung ano yung kiss na hindi demo. O
kung anuman ang nasa pagitan nating dalawa. Kung bakit ka magulo kausap. O kung
bakit ka nagagalit sa pakikitulog ni Shaun. Okay na yun. Wag na nating pag-usapan."
"Tonya, we really have to -"

Pinindot niya ang end-call button. Huminga siya ng malalim pero napangiwi. Ang
bastos ata ng ginawa niya. Baka sisantehin siya ng tuluyan ni Grey. Pero... ayaw
naman na talaga niyang marinig ang mga sasabihin nito. Biyak na biyak na ang puso
niya. Nagdudugo na. Masakit. Tama na dapat yun.

Wala na siyang kailangang marinig. At wala rin naman siyang sasabihin.

*****

Unattended pa rin ang cellphone ni Tonya. Ibinaba ni Grey ang suot na earpiece.
Napasulyap sa oras na naka-display sa dashboard: 11:28 na ng gabi. Napakansel na
niya ang reservation sa restaurant. At mula kaninang alas siete ay naghihintay siya
sa tabi ng kalye sa labas ng bahay ng babae.

Nagtitiis siya ng gutom dahil hindi niya magawang iwan ang pwesto. Ayaw niyang
magkasalisi sila. Gusto niyang makita agad ang babae pagdating nito.

"Ang sama mo."

Her words stuck in his head. He agreed with her. He's cruel. He's bad. He knows
he's been confusing her, suffocating her and bossing her around. Masasamang ugali
niya iyon. Maraming parte niya ang hindi kilala ni Tonya. But he wants her to know
him. The same way he wanted to know her. He wanted to sink in her skin, to occupy
her thoughts, to be in her dreams. He wanted her. Like a child who wants attention.
Like a man who wants a woman.

He has so much to tell her. Pero ayaw nitong kausapin siya. At hindi niya ito
masisisi.

11:41. May humintong taxi sa tapat ng bahay ng babae. Bumaba si Tonya.

Nakipag-unahan siya sa tibok ng puso niya. He immediately got out of the car and
called to her:

"Tonica!"

She turned to him.

*****

OST. Tunay na musikang tumutugtog mula sa taxi na nasakyan ni Tonya. Yung favorite
niya pa na kanta na para sa mga sinawimpalad ang pagmamahal.

'Cause I can't make you love me if you don't


You can't make your heart feel something it won't
Here in the dark, in these final hours
I will lay down my heart and I'll feel the power
But you won't, no you won't
'Cause I can't make you love me, if you don't

Kailangan na talaga niyang bumitaw. Lahat na lang ng kanta na marinig niya,


pakiramdam niya, patama sa kanya kahit na hindi naman. Lulubog-lilitaw ang pag-asa
niya. Patse-patse ang puso niya. At lagi na lang siyang natutulala.

Hindi pwede.

"Dito na ho tayo, Manong." sabi niya sa driver at nag-abot ng bayad niya.

Nakakatawa siya. Tinamaan na nga siya ng lintek, nagnakaw na nga siya't lahat ng
mga talandi moments niya, magugutay na nga ang puso niya, maglilibing na nga siya
nang namatay na pag-asa, at nagpaplano na nga siyang mag-move on, pero si Grey,
walang malay sa lahat ng iyon. Wala itong alam.

Bumaba siya sa taxi at nagpasalamat.


Walang alam si Grey. At baka hindi na nito malaman kahit na kailan.

"Tonica!"

Napalingon si Tonya sa pamilyar na boses. Imposibleng si Grey iyon dahil


maghahatinggabi na at maaga ang call-time nila kinabukasan. Pero sa paglingon niya,
ayun, nakatayo si Superman. At naglakad ito palapit sa kanya.

"Goryo..."

Nakatayo ito sa harap niya. Halos nakatingala siya rito.

"Where have you been? Maghahatinggabi na. Bakit ngayon ka lang umuwi?" kunot ang
noo nito sa pagtatanong sa kanya.

"E..." naghagilap siya ng isasagot, "Hindi ko namalayan ang oras. Nanood ako ng
sine at naglakad-lakad."

Lalong nangunot ang noo nito.

"Did you eat?"

Tumango siya.

Bumuntong-hininga naman si Grey. At nawala ang dilim sa mukha nito. Mukhang hindi
babagyo.

"Ikaw? Bakit ka nandito?"

"To talk to you. I told you I'm waiting."

Hindi na siya makapagsalita. Nakatingala lang siya sa mukha nito. He looked worn-
out. Dahil siguro para itong naggwardya sa labas ng bahay nila. Pero may kakaibang
buhay sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. At dahil nasa titigan moment na
naman sila, nagkakamali-mali na naman ang tibok ng puso niya. Nandun yung parang
hihinto na ito sa pagtibok, tapos dodoble.

"I told you... na ayokong makipag-usap, di ba?" nagawa niyang sabihin.

"Yeah. But I still want to see you."

Pinitik ang puso niya sa sinabi nito.

"Lilituhin mo na naman ako? Kukulitin? At pasusukuin? Di ba, sabi ko, okay na 'ko?
Hindi ko na kailangan ng sagot sa mga tanong ko, Grey. Hindi ko na kailangang
malaman ang kahit na ano."

Narinig niya ang sariling boses. Sinabi niyang lahat iyon? Hindi sa isip lang? Nag-
umpugan ang mga neurons niya at lalong nagkamatayan. May masaker na nagaganap sa
utak niya.

R.I.P Kahihiyan.

"Ang ibig kong sabihin..." namutla siya at naghahagilap ng ipanunumbalik ng


kahihiyan niya. Pero dahil namatay ang mga neurons niya at hindi siya magaling
magdahilan o magsinungaling, walang natira kundi katotohanan.

"What do you mean?" malungkot ang mata ni Grey sa pagkakatingin sa kanya. "Why
don't you want to hear what I'm going to say?"

Hindi siya agad nakapagsalita. Pero patay na rin lang ang kahihiyan niya,
magsasalita na siya. Para hindi siya magsisi kalaunan na hindi niya nasabi ang
nararamdaman niya.

"Kasi..." huminga siya ng malalim, " - natatakot ako. Kapag maganda ang sasabihin
mo, aasa ako. Kapag naman pangit, madudurog ang puso ko. Saka, baka sisantehin mo
ako. Hindi pa 'ko pwedeng mawalan ng trabaho." napalunok siya sa sariling salita.
"Mahirap umasa e. Lalo na dahil ang perfect ni Noreen. Ako, ano lang ba ako? Isang
matabang hopia na tagatimpla ng kape mo. Yung hindi makahindi sayo. Tatanga-tanga.
Aasa-asa."
May pag-aalala sa mukha ni Grey habang nakatingin sa kanya. Samantalang siya, hindi
lang nag-aalala sa lumalabas sa walang-prenong bibig niya. Nahihiya rin siya.
Nalulungkot. At nasasaktan.

Masakit magsabi ng totoo. Pati mata niya nasasaktan at naluluha.

"Nakakatakot. Kasi, kapag sinabi mong tigilan ko na yung astang girlfriend ko, at
yung paglalagay ko ng sticky notes sa kape mo, pati yung paggamit sa panda mug
natin, hindi ko alam ang gagawin ko. Kasi ako... ayokong tigilan yun. Sana kasi..."
nakatitig siya sa mata nito. Pwede ba niyang sabihin dito ang lahat ng nasa isip
niya? Hindi ba siya pagtatawanan pagkatapos? Pero hindi naman siya pinagtawanan
kahit na kailan ni Goryo, di ba? Dapat ibuhos na niya.

"Sana kasi..." lumunok siya at pumatak ang luha, "- totoo na lang lahat. Yung kiss
mo. Yung concern mo. Yung pang-aaway mo sa akin. Yung cute na panda mug." tinakpan
niya ng kamay ang dalawang mata para itago ang pagbukal ng luha mula roon, "Hopiang
hopia ako na sana hindi lang demo lahat yun. Kahit nagagalit na sila Boom at Abo,
wala. Asado. Hopia. Isang daan mo lang na parang mumu sa mesa namin, nakasunod na
agad ako sayo. Asado at hopia."

Sumigok siya. Wala na siyang mukhang ipapakita. Iyon na nga lang ang asset niya
dahil pretty siya, di ba? Parang bilbil niya, kailangan na rin niyang itago.

"Tonica..."

Mas lumapit pa ata ito. Kasi narinig niya itong humakbang at halos naramdaman na
niya ang init ng katawan nito.

"Ayokong makinig, Grey." sabi niyang nakatago ang mata at umiiling. "Ilang ulit ko
bang sasabihin para maintindihan mo? Binabasted ko na ang sarili ko. Ayokong
mabasted mo."

"Tonica..."

"Ayoko. Ayoko. Ayoko. Ayoko. Ayok-"

May kamay na sumapo sa pisngi niya, iniangat ang mukha niya at sinalakay ang labi
niya.
Isang daang OST ang tumugtog sa ere. Parang concert arena. Maingay ang tainga, puso
at isip niya. Na unti-unting nanahimik kasi mauubusan siya ng hininga. Pamilyar ang
halik na natatanggap niya. Yung hindi demo. Yung kung sumalakay, wagas. Parang wala
nang bukas. Gutom siguro si Grey. Tatlong ulit yata kasi siyang mahinang nakagat.

Tulala siya nang bitiwan nito. Sumisinghot siya ng uhog sa pag-iyak pero ang laki
ng mata niyang kumukurap-kurap sa pag-aanalisa. At wala sa loob niyang ninanamnam
ang sariling labi.

"Sometimes you talk too much." mabigat ang paghingang sabi ni Grey sa kanya.

Titigan moment. Kailangan niyang magtanong.

"Hindi demo... yun?"

Umiling ito. "No."

Ano na naman ang iisipin niya? Aasa ba siya? Mag-a-assume?

"Pwede ba akong mag-assume?"

"No need to."

Natahimik siya sa sinabi nito. Pinahid ni Grey ang bakas ng luha sa mga mata niya.
Sapo nito ang mukha niya.

"Listen very carefully to me."

Tumango siya.

"I will confuse you from time to time. Because I am not that good with words. You
confuse me from time to time because you're not good with it, neither. I have a
temper that only you knows about. I am very flawed and oftentimes bossy. But I want
you to know me. And I want to know you, too." ngumiti ng nakauunawa si Goryo sa
kanya, "We may be awkward together because we are an unusual pair-up. But I don't
care. We may confuse each other a lot but I won't care. I want to be confused with
you. And then I want us to work it out." marahan itong humugot ng hininga, "You
don't need to assume or hope about anything. From this day on, I, Gregorio Montero,
am yours." at dahil kulang pa ata ang langgam sa paanan nila, "I love you, Tonica."

Hindi niya yata naintindihan lahat. Pwede kaya niyang ipaulit mamaya?

"You mean..."

Natawa ng mahina ang lalaki.

"I love you, slowpoke. I waited all night just to tell you."

"You..."

"Mas madali ka talagang halikan. Halika nga." nakatawang sabi nito at hinatak siya
sa bisig nito.

Lumapat ang labi nito sa kanya. Mas matagal ang pyromusical sa paligid. Mas
nakakasilaw. Mas mainit. Mabilis ang tibok ng puso niya.

Ngayon alam na niya, hindi niya imagination lang ang tensyon sa katawan ni Grey. At
naiintindihan na niya ang matamis na halik na hindi demo.

Hindi na sila demo. #

Chapter 25 : To know you

A/N : MILESTONE! Yey! Chapter 25 na!!! Happy Reading! <3

-----
Gutom nga si Grey kagaya ng iniisip ni Tonya. Dahil nang matapos ang fireworks ay
nagyaya itong kumain sa isang 24-hour fastfood chain. Hindi naman niya mai-offer sa
lalaki ang pagkain sa bahay nila dahil hindi pa ito kilala ng Mama niya. Baka
mahimatay ang ginang kapag ipinakilala niya si Goryo gayung hindi pa nito alam na
binasted niya si Shaun.

Pagsakay niya sa kotse nito ay nakita niya sa backseat ang limang pulumpon ng
bulaklak. May isang pulumpon ng iba't ibang kulay na rosas. May isa na puro calla
lilies. May arrangement ng orchids at maliliit na buko ng bulaklak. May tulips at
lavenders. At may isang stargazers naman na may kahalong iba pang uri ng bulaklak.

"Bakit ang daming bulaklak sa likod?" tanong niya kay Grey habang nagmamaneho ito.
Nakapagkit ang mga mata niya sa naggagandahang bouquet.

"Those are for you." simpleng sagot ng lalaki sa kanya.

"E... bakit -"

"Why five?" una nito sa tanong niya.

"Oo. Bakit ang dami?"

"It's because I don't know what particular flowers you like. Kaya bumili ako ng...
lahat ng pwede kong bilhin." saka ito ngumiti ng malapad. Nakatuon ang mata nito
sa kalsada.

Ang cute ng ngisi ni Goryo habang sumasagot sa kanya. Muntik na tuloy niya itong
pisilin o tusukin sa pisngi. Kaso, nahiya pa slightly ang mga daliri niya.

"So... what particular flower do you like?"

Napabungisngis siya ng mahina. "Hindi naman ako nagmamaganda sa ganyan. Lahat ng


bulaklak, gusto ko. Lahat naman kasi magaganda e. Nung may nagbigay nga sa akin ng
gumamela nung grade school ako, kahit joke lang pala yun, natuwa ako! Umiyak ako
nung pinitpit ni Bev para ihalo sa bubble soap."

Patlang.
"Sino si Bev?"

"Si Bev?" nakangiti siya at umalala. Hindi nga pala kilala ni Goryo ang mga kapatid
niya, "Kapatid ko! I have three younger sisters. Si Beverly yung sumunod sa akin.
Siya yung pinakakuripot. Tapos si Sharon. Malantod yun! Tapos si Anelle.
Pinakamaganda! Lahat sila nasa ibang bansa na. After nila makatapos ng college,
nagkaroon sila ng opportunity para mag-abroad."

"Ah..." sabi ni Goryo at bumulong na parang nagkakabisado, "Beverly, Sharon and


Anelle."

Ngumiti sa kanya si Goryo pagkatapos. Hindi naman siya sanay mamulutan ng gwapong
ngiti nito kaya minsan ay napapatungo siya at pasimpleng nagpapahid ng laway.
Mahirap na. Baka tumulo sa harap nito. Nakakahiya.

"Wag mo kaya akong masyadong ngitian?" maingat na sabi niya rito.

"Ha? Why?" biglang natikom ang labi nito at nagseryoso, "Is there something wrong?"

Bumungisngis siya. "Walang mali. Baka lang kasi bigla akong maglaway rito. Hindi
kasi ako sanay sa ngiti mo."

Saglit na natahimik si Goryo sa kanya bago ito malakas na tumawa.

"You really say what's on your mind no?"

Dapat ba hindi? E di wala na siyang masasabi talaga? Iilan na nga lang ang kayang
iproseso ng mabilis ng utak niya, papatayin niya pa sa katahimikan? Sayang naman.

"Kapag komportable lang ako." sagot niya.

"Are you comfortable with me?"


"Ngayon, oo." amin niya. Kasi minsan -

"Minsan, hindi?"

Tumango siya. "Oo. Minsan kasi nakakatensyon ka. Lalo na pag tumitingin ka sa 'kin
yun pala manghahalik ka lang. Akala ko lagi ang laki ng kasalanan ko!"

Malakas uli itong nagtawa sa sinabi niya.

"I can understand that."

Bungisngis ang sagot niya. Mabuti naman at naiintindihan nito ang sariling tensyon
na ibinubuga nito.

Nang mapadaan sila sa isang fastfood chain ay itinuro niya iyon kay Goryo. Pero
matipid lang na ngumiti ang lalaki at ni hindi huminto.

Lagpas sampung branch na ang naituro niya bago sila lumiko sa drive-thru ng isang
branch.

"What do you want to eat?" untag nito sa kanya.

"E, bawal na ako kumain ng mabigat ng ganitong oras. French fries na lang."

Tumango ito bago bumaling sa intercom at umorder. Kinolekta nila ang tatlong
malalaking burgers, pies, at french fries sa take-out counter. At walang drinks.

"Hindi ka kukuha ng kape?" sabi niya rito. Baka nakalimutan nito ang paborito nito.

"No. I don't like their coffee."

Naroon pa rin ang matipid na ngiti ni Goryo sa tuwing sumasagot.


"E, anong iinumin mo niyan?"

"I like your coffee. Ipagtimpla mo 'ko." sagot nitong bumaling sa kanya at ngumisi.

Lumingon naman siya sa backseat, sa mga bulaklak, at inaninag kung may nakaupong
coffee-maker doon. Pero parang wala naman.

"Paano kita ipagtitimpla? Wala naman tayong coffee-maker dito."

"I have a coffee-maker."

Nilingon niya uli ang backseat. Wala naman talaga siyang makita. "Nasaan? Wala
akong makita."

"At my house."

Mga three second niya yatang ipinroseso ang sagot nito. His grin gives him away.

"Ang sabi mo, kakain lang tayo at uuwi."

"Yeah. We're going home." nakangisi pa rin ito.

Nalilito ang neurons niya sa pagitan ng pag-angil at ng paglalandi sa kilig. In


fairness, hindi naman nito sinabing sa bahay nila siya uuwi. Pero kasi, hindi rin
naman niya naisip na sa bahay nito sila uuwi. Donation night ba ngayon?

Sinuri niya ang mga kalyeng dinadaanan nila at saka niya lang napansing malapit na
lang pala sila sa subdivision na tinitirhan nito.

Nanlaki ang mata niya.


"Aha! Ang landi mo, Goryo!" naibulalas niya at mahinang tumawa.

Malakas din itong nagtawa.

"Yeah. And I'm cheap, too. I should be ashamed of myself."

Pero malaki ang ngisi nito sa pagsasalita.

"Hindi halatang nahihiya ka sa ngisi mo!"

"Yeah. It betrays me." patuloy nito at nagmaneho papasok sa subdivision.

Ngumiti siya ng malapad sa sinabi nito.

*****

Nang makarating sa bahay ni Grey ay agad siyang nagsalang ng coffee beans sa


coffee-maker. Nakasunod naman sa kanya ang lalaki at inilapag ang take-out food
nila sa mesa sa kusina. Dahil gutom, wala pang kape ay sinimulan na nitong kainin
ang burger.

Tahimik ang bahay. Malamang ay tulog na si Portia at si Noreen.

Si Noreen.

Nakalimutan niya ang tungkol sa fiancee nito! Nilingon niya si Grey na malaki ang
mga mata sa konsensiya at sa takot.

"Si Noreen, Grey!"


May bahid ng lungkot na dumaan sa mga mata ang lalaki sa binanggit niyang pangalan.

"Ano... " naghanap siya ng tamang salita. "- nasaan siya? Magpakita ka sa kanya
para alam niyang nandito na - nandito ka na."

Patlang.

"She's not here, Tonya. She's on her flight to Paris."

Magkahinang ang mga mata nila ng lalaki.

"E yung singsing niya..."

"She will keep it. For old times sake."

Napatulala siguro siya sa pagta-translate sa sagot nito. Kasi nangiti si Goryo at


lumapit sa kanya sa kitchen counter. Hinawakan nito ang magkabilang kamay niya.

"Slowpoke. I mean... Noreen and I broke up. We're not engaged anymore. I won't
pursue you if we're still in a relationship."

"Ah..." nakauunawang sabi niya. "Akala ko, two-timer ka."

Nagtawa ito. "No, I'm not."

"Is she... okay?" nag-aalalang tanong niya.

Umiling si Grey. "Of course not. She won't be okay for a while. But... she's
strong. One of the strongest girl I know. She can make it."

Hindi pa rin siya makapaniwala sa sinabi nito. Alam niya kung gaano kasakit ang
makipaghiwalay sa isang minamahal. It happened to her with Hans. Ang ipinagkaiba
lang, sila Grey at Noreen, mukhang nag-usap. Sila ni Hans, hanggang ngayon, hindi
pa nagkakasalubong man lang.

Pinisil ni Grey ang mga kamay niya. "Hey... don't worry too much."

Nakangiti sa kanya ang lalaki. There are voices in her head saying something like
this is too much. Did she actually deserve him? Alam niyang mas kilala ito ni
Noreen. At mas bagay ang dalawa. Kaya...

"Bakit ako? Noreen is perfect for you..." nawalan na naman ng renda ang bibig niya.

Hinuli ni Grey ang mata niya. At natatakot siya sa isasagot nito. Wala yatang sagot
ang makakakumbinse sa kanya na siya ang tamang pinili nito. Everything that she
knows about herself, and everything that she saw in him, says otherwise.

"Do I have to love the one who is perfect for me?" balik-tanong nito sa kanya.

Oo nga naman. May point ang tanong nito. Pero kasi -

"Love, Tonya, as I know is this." dinala nito ang isang kamay niya sa dibdib nito,
sa tapat ng puso nito, "One day, I realized it's easy to laugh, smile, play around,
eat, be quiet, and work with you. One day, I woke up excited to see you. One day,
your tears weighs as much as my worries and fears. One day, I'm into you. And I
honestly don't have the slightest idea why. Or how. I questioned it, too. Why? I
was waiting for Noreen."

Maingat at marahan ang pagsasalita ni Goryo para maintindihan niya lahat.

"And then Noreen came back wearing my ring - still perfect, still in love and
devoted. Yet, all I could think about is how to tell her that I love you." huminga
ng malalim ang lalaki, "That's all I know."

Natunaw ang lahat ng pangamba niya sa sagot nito. Na-resurrect si Pag-asa. At nag-
choir si Pag-ibig. Lintek na pag-ibig: ang gwapo na, ang sweet pa. At bakit sakto
ang sagot nito?
"Ang akala ko ba, hindi ka magaling sa salita?" mahinang tanong niya kay Goryo
habang namumula. Astang nagdadalaga siya. May blush na nalalaman.

"Hindi nga. Gutom din ako nito." sabi nito at ngumisi, "But that's all I know. And
I want you to know it, too."

Tumango siya. Nananaba ang puso niya. Baka atakehin na siya sa dami ng ngiti at
kiliti na natatanggap niya kay Goryo. Quota na siya. Wala pang donation yun a!

"Let's eat. Baka abutin tayo ng umaga rito sa kusina. We have to catch sleep, too."
sabi pa nito at hinalikan siya sa noo bago bumalik sa mesa.

Nagsalin siya ng kape sa mug na naroon at umupo sa tapat nito. Nagsimula silang
kumain. At magdaldalan.

*****

3 : 00 A.M na nang umakyat sila sa second floor. Ihinatid ni Grey si Tonya sa


inayos niyang guest room na katabi ng tinuluyan ni Noreen.

"Try to sleep a little." sabi niya sa babae matapos itong ipagbukas ng pinto.

Nakatingin si Tonya sa damit na nakalatag sa kama. Size iyon ng babae.

"Sa... akin? Yung damit?" nananantiyang tanong nito sa kanya.

She really doesn't have an assuming bone. He likes her more for it.

Namulsa siya. Ngumiti sa babae.

"Yeah."
Ibinalik nito ang ngiti niya. Nagsasayaw ang mga mata na parang tinutukso siya.
Other girls would easily know how sly he is. Halatadong planado niya ang pag-uuwi
rito sa bahay niya. But Tonya would surely...

"Planado mo?"

Yes. She would ask him first.

"Yeah."

Lalo niyang nararamdamang cheap siya dahil sa mga pag-aming ginagawa. It's hard to
remain the cool type with Tonya.

"Bakit?" tanong nitong naupo sa kama.

"I thought... it wouldn't be enough for me to confess to you. And sure enough, the
moment I confessed, I want to stick with you a little longer."

Kapritso niya lang iyon. Tonya doesn't know that he is just as much insecure that
he doesn't know a lot about her. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang
pakiramdam na iyon. It just manifests itself - he wanted to know about her. At
gusto niya ring ipakilala ang sarili rito.

He also knows that he has a lot of adjustments to do for them to work out. Ganun
din naman ang babae sa kanya. And it is both exciting and revealing. With Tonya, he
can hear his voice and his thoughts aloud. He learns about her and about himself,
too. Still,

Napahawak siya sa batok habang naiilang na nakangiti. "This is hard."

"Ang alin?"

"Talking straightforwardly. I'm used to talking directly when I'm on films. But not
like this." amin niya.
She silently giggles. "Ang cute mo nga e."

Nangunot ang noo niya. "Cute..?"

"Oo. I like this mood, too."

Magkahinang ang mga mata nila. Puyat na yata sila pareho. Because he's more direct
with his words. At wala na ring preno ang mga hirit ng babae. He's becoming
vulnerable with her. And she's getting more comfortable.

"I like to know more about you."

"Me, too, Goryo. Bibili ako ng maraming maraming tape. Then, we will talk about a
lot of things." humikab si Tonya.

"Yeah. Let's do that." sabi niya at lumapit pa lalo rito. "In the meantime, sleep."

Nakangiti ito at nagsimulang humiga sa kama. Inaagapan niya ang pagkuha sa damit at
ipinatong sa naroong couch. Inayos naman nito ang pagkukumot sa sarili.

"This night means that... sperm donor na kita, di ba?" untag nito.

Naupo siya sa tagiliran ng kama nito at naiiling na ngumiti.

"More than that, slowpoke. I'm your boyfriend."

"Oo nga pala. Boyfriend." saka ito mahinang bumungisngis. "Good night, boyfriend."
hinuli nito ang mata niya bago sinabi, "I love you."

Natigilan siya sa salitang iyon. It's the first time he heard it. He knows in her
action that she does love him. He knows when he kisses her. But her words struck
him. So much that he catches his breath.
"Good night. I love you." masuyong sabi niya at dinampian ito ng halik sa labi.

"Nakakarami ka na talaga ha." nakapikit na sabi ni Tonya.

Nakangiti siya sa babaeng nasa pagitan na ng pagtulog. "Yeah. And there will be
more of that from me, Tonica. You don't know what you get yourself into."

"Alam ko... Goryo."

He watches her sleep, unable to move from where he seated. He knows he's in love
with her. He just doesn't realize he's fallen this hard. #

Chapter 26 : Officially

A/N : Hi readers! Sana ay hindi pa kayo nabo-bore sa pagbabasa sa kwento ng ating


Late Bloomer! Haha. Namumukadkad pa lang ang lovelife niya kaya suportahan natin
siya! Salamat sa laging nagbabasa ng updates at agad na nagkokomento! I'm taking my
time in writing this story para naman pag nag-end na, hindi kayo hihiling ng bitin.
But I also doubt it. Lovable kasi si Tonya. Haha. Anyways, wala, dinadaldal ko lang
kayo! There are approximately 10-15 chapters more before the story ends. Enjoy them
until then. Happy Reading ha! :)

-----

'How did this happened?' naisip ni Grey nang maalimpungatan mula sa pagtulog. Para
siyang may inner alarm clock na saktong nagmulat sa oras na kailangan. Pumipintig
sa sakit ang ulo niya sa dalawang oras na pagtulog. Parang naninikip din iyon. And
yet, he's smiling lazily.

Humigpit ang yakap ni Tonya sa kanya. Sumiksik ito sa braso niyang ginawang unan at
ngumiti. She looks like she's having a good dream. Sino naman siya para mang-abala
ng natutulog? Maingat niyang idinikit ang pisngi sa ulo nito at huminga ng malalim.

He will sleep a little more. A few winks won't hurt especially when it's this
comfortable.

Dalawang oras bago ito ay ang sagot sa tanong ni Grey. This is what happened. Na
parehas nilang hindi alam.
Pinanood ni Goryo ang pagtulog ni Tonya hanggang sa namimigat na ang talukap ng
mata niya sa antok. At nang naisip niyang magpunta na sana sa sariling kwarto,
kinunsinte niya ang sariling humiga sandali sa tabi ng babae. Sandali lang dapat.
But after exactly three minutes, he was sleeping soundly beside her. Without
holding her, touching her or doing anything weird out of the situation. Nakatalikod
si Tonya sa kanya.

After seven minutes, tumagilid si Tonya paharap kay Grey. Kumapa ang kamay nito sa
paghahanap ng unan na yayakapin. At success! May pwedeng unan... pero tao.
Komportableng sumiksik si Tonya sa 'unan'.

After 16 minutes, tumagilid si Grey paharap sa nakikiyakap sa 'unan'. His arms


reached out to her, she placed her head in his arms and he pulled her against him.
Yumakap si Tonya. Yumakap si Goryo.

And the clock works itself to five in the morning.

May klik na tunog mula sa binubuksang pinto ng silid. May takatak ng takong sa
konkretong sahig. At pagkatapos ay ang...

"Kuya! You perv! Anong ginagawa mo kay Ate Tonya!" malakas ang tili ni Portia na
gumising sa kanila.

Nagmulat si Grey at nasapo ang masakit na ulo. Nilingon niya ang kapatid na malaki
ang mata sa pagkakatitig sa kanila. Gumalaw naman si Tonya sa bisig niya at
iniangat ang katawan nito para makita siya.

Automatic ang ngiti ng babae sa kanya habang hindi pa rin inaalis ang pagkakayakap
nito.

"Good morning, Goryo." halos nakapikit na bati nito bago sumilip at, "Good morning,
Portia."

"Good morning." nakangiting sabi niya.

Tumili uli ang kapatid niya at lumapit sa kama. Padabog itong pumanhik, agad
yumakap kay Tonya at halos hilahin ang girlfriend niya palapit dito. Na parang
pinoprotektahan ito mula sa kanya.

"Two timer ka, Kuya! Wag mong landiin si Ate Tonya habang may Noreen ka pa!
Makipag-"

"Hindi siya two-timer, Portia. Saka, cute naman siyang maglandi." putol ni Tonya
rito habang tinatapik-tapik ang braso ng mas batang babae.

Masama pa rin ang tingin sa kanya ng kapatid. Paupo naman siyang sumandal sa
headboard. Wala sa loob siyang napahaplos sa mukha, napailing at malapad na
ngumiti.

"I'm not engaged to Noreen anymore, Portia. Tonya and I are officially on. Since
last night. And what are you doing in this room?" sinikap ni Grey na maging seryoso
ang pagsasalita sa kapatid. Ang totoo kasi ay namamangha siya sa umaga nila. It's
just five in the morning but his girls are so lively.

"First!" sabi ni Portia at itinulak ang kamay niyang umaabot sa balikat ni Tonya,
"Wag mo munang hawakan si Ate Tonya! At... mabuti naman na break na kayo ni Noreen.
So, Ate Tonya is just a rebound?"

Bumaling sa kanya si Tonya, "Rebound lang ako, Grey?"

Natawa siya ng mahina sa tanong nito. "No, you're not." at kay Portia, "I broke up
with Noreen because I wanted to be with Tonya. She's not my rebound."

Kunot-noo pa rin si Portia. "Then, paano kayo naging officially on? Niligawan mo ba
si Ate Tonya?"

Mahinang tumawa ang binanggit, "Naku, hindi. Puro kiss lang yang kuya mo. Pero okay
lang. Masarap naman."

Halos mapanganga ang kapatid sa narinig. "No! No! Kuya, ang cheap mo! Ang corny mo!
Ni hindi ka nanligaw!"

Nakikita niya ang panggigigil nito. At hindi niya mapaniwalaan na mas kampi ito sa
girlfriend niya sa halip na sa kanya!

"I want to court her first and confess. You know how I am... but she kind of
confessed first." sabi niya at wala sa loob na umabot ang kamay sa buhok ni Tonya.
He smoothed her bed hairs. Then, he brushed his thumb in her cheeks.

Nakangiti lang si Tonya sa kanya. Binalingan ito ni Judge Portia.

"Totoo, Ate? Una kang nag-confess?"

Tumango ang tinanong at ngumiti na parang nakaalala ng bagay na nakakahiya at


nakakatawa.

"Oo e. Nadulas ako."

"What? No, you did not! Ang haba ng confession mo." sangga niya.

"Ikaw din naman. Tapos, nakadalawang kiss ka pa agad!" bawi nito. "Tapos, tinake
home mo 'ko. Cheap."

Nagtawa siya ng malakas sa hindi makapaniwalang ekspresyon ni Portia habang


pinanonood silang dalawa. At sa diretsong pananalita ni Tonya.

"I can't believe this! Hindi ko nakita ang development n'yo! How could you do this
to me, Kuya! Ulitin n'yo lahat." nagmamaktol na sabi ng kapatid sa kanila. Namumula
ang ilong nito sa inis.

Napahawak naman sa ulo si Tonya dahil sa sinabi nito. "Naku, mahirap ulitin yun,
Portia. Mahirap i-internalize. Biglaan lang kasi."

"I will court her. And you can still tell me what to do, okay, baby? Promise."

Ngumuso ang kapatid sa kanya.


"Promise?"

"Yeah."

"Okay... Titili lang ako uli." saka ito bumuwelo at tumili ng ubod-lakas. "Ate na
talaga kita, Ate Tonya!"

Yumakap ng mahigpit ang babae kay Tonya. He wanted to do that, too. Pero mukhang
favorite din ng kapatid niya ang girlfriend niya. So, he has to wait for his turn.
And he has no worries because he's sneaky.

*****

"I'm on my way now. I'll be there in about 25 minutes. I'll immediately check
everything once I arrive so we can start on time. Make sure the preparations are
underway, Boom." sabi ni Grey habang nagmamaneho. Kausap nito si Boom sa earpiece
na suot.

Mula sa usapan, mukhang nasa private resort na sa Batangas ang buong crew kasama si
Boom. Samantalang sila ni Grey ay papunta pa lang. Mabilis ang pagmamaneho ng
lalaki para umabot sila sa itinakdang oras.

Nakatingin lang si Tonya kay Gregory a.k.a boyfriend-from-today slash Sperm Donor.
Ang mukha nito ay mukha ng direktor na nakikita niya araw-araw. Kung may time pa
sila nang magising kanina ay magpapasampal pa sana siya kay Portia para masigurong
nangyayari talaga ang lahat ng ito. Pero halos mabingi siya sa tili ng babae nang
maabutan sila ni Goryo sa iisang kuwarto kaya malamang ay totoo nga.

Mahirap paniwalaan. Sila na. Ang level nito ay hindi yung level ng pagkapanalo sa
lotto. Ang level ng Tonya plus Goryo ay yung level nang biglaang levitation.
Lumulutang siya sa alapaap sa sobrang saya at kilig. At the same time, it's scary.
Paano kung malaglag siya mula sa pangarap? Paano niya pupulutin ang sarili niya?

Sinisipag tuloy siyang magpapayat. She has to deserve him.


Ipinilig niya ang ulo. Masyado yata siyang nag-iisip. Kailangang magpigil.

"What are you thinking about?" untag ng lalaking nasa manibela. Sumulyap ito
sandali sa kanya.

"E..." nag-isip siya ng ibang bagay, "Magkasabay ba tayong bababa ng kotse mamaya?"

Natigilan si Grey bago matipid na ngumiti. "Yeah. Why?"

"Nakakahiya kasi. Baka... kung anong isipin ng mga crew."

Isa iyon sa iniisip niya rin kanina pa. Paano kapag nalaman ng mga crew ang bagong
relasyon nila?

"Just let them." seryosong sagot nito bago, "O baka nahihiya ka kay Shaun?"

Napanganga yata siya sa tanong nito. Parte na ba ng crew si Shaun kaya nasali ito
sa usapan? Kailan pa? At bakit hindi niya alam?

"Part na ng crew si Shaun?"

Nagtawa si Grey sa tanong niya at pinisil siya sa pisngi. Lumambot ang ekspresyon
sa mukha nito.

"No. Don't mind me. I'm just... a little..."

"Jealous?" una ang dila na tanong niya. Alam niya ang disgusto nito kay Shaun.

Sinulyapan siya ng lalaki at hindi umimik.

Translation: Oo.
"Possessive ka?!" gulat na tanong ni Tonya. Hindi kasi halata. Kasi... bakit naman
magiging possessive sa matabang hopia na gaya niya ang isang tulad ni Superman?
Kahit yata pigain niya ang utak niya at utak ng iba, mahirap hanapan ng paliwanag.

Tumawa ito. Nagkibit-balikat.

"I don't know how much."

Napangiti lang siya sa sagot nito. Cute talaga si Goryo.

"Kape." aniya. Iniabot niya rito ang naka-cup na kape na nagawa nilang mabilis na
initin at ihanda bago umalis sa bahay. Pamares iyon sa croissant na naibalot din
nila.

Kinuha nito sa kamay niya ang may-takip na cup ng kape at humigop ng tatlong ulit
bago ibinalik sa kanya. She heard him breathe with relief. Nilingon siya ni Grey.
His eyes linger with hers.

"I like this kind of morning."

Nakangiti siya rito. Naiintindihan niya sa ngiti nito ang tinutukoy nito. Ang
gandang umaga nga naman.

"Me, too."

*****

Pagdating sa beach sa Batangas kung saan ang shooting ay mahigit sa labindalawang


phone calls na yata ang tinanggap ni Grey. Iyon ay sa pagitan ng pagkakape at
pagkain ng croissant. Hindi na sila nakapag-usap masyado.

Sabay silang bumaba sa kotse nito habang hawak niya ang tape recorder niya at ang
mga logs na ibinilin nito.
Agad silang nakita ng mga crew - lalo na sila Boom at Abo. Si Boom ang agad na
lumapit sa kanila.

"Good morning, Direk. Ready na po ang set-up. Go signal n'yo na lang ang
hinihintay." bungad agad nito kay Grey at tumingin sa kanya, "Good morning, ateng!
Mabuti at isinabay ka ni Direk. Hindi ko nasabi sayo kung paano kita isasabay
today!"

Naiilang naman siyang napatingin kay Grey bago ngumiti kay Boom.

"Oo nga e. Good morning." tanging nasabi niya.

Nalilito kasi siya. Anong itatawag niya kay Grey dito sa set? Direk dapat, di ba?
Pero... At paano sila kikilos?

"Okay, I'll check everything first. It's for scene 89, right? According to my
instructions?" si Grey kay Boom.

"Of course, Direk."

"Okay." sabi ni Grey bago seryosong bumaling sa kanya, "Tonya, check the actors
when I give the okay."

Nakatingala siya rito. Naninimbang.

"Yes... Direk."

Lumakad na si Grey papunta sa set-up ng tent, camera, at mga ilaw. Na parang mauuna
na ito at parang magmamadali. Nakasunod naman ang mata niya sa lalaki habang
napapatunganga.

Tapos na ba ang magic?


Kaso, tumigil ito sandali sa paglakad at mabilis na bumuwelta.

"I forgot something..." seryosong sabi nito kay Boom at sa kanya.

"Ano yun, Direk?" si Boom.

Nakatingala siya rito. At parang nakita niyang lumambot ang ekspresyon sa mata nito
bago naging makulit bago -

Lumapat ang labi nito sa kanya habang hawak siya sa batok. Muntik bumigay ang tuhod
niya sa intensity. Muntik malaglag ang panty niya sa pamilyar na kagat nito na
parang masarap na pagkaing mahirap tanggihan ang labi niya. At muntik sigurong
mamatay ang lahat ng crew na napatingin. Ang singhap kasi ng mga ito sa nakita,
nakakatakot pakinggan. Parang lahat ay nangangailangan ng respirator. Parang
humugot ng huling hininga.

"That." mahinang sabi ni Grey sa kanya at pinisil siya sa pisngi, "Stay around me,
slowpoke. I still need an assistant."

Sunod-sunod na lunok at tango ang ginawa niya. Saka ito mabilis at matipid na
ngumiti, bumalik sa pagkaseryoso, at tumalikod.

Naiwan siya kay Boom na parang nanigas at parang malalaglag na ang mata. Nakabuka
ang bibig nito pero walang lumalabas na salita.

"Boom..." kalabit niya sa bakla, "Dadalhin na ba kita sa ospital?"

Hindi pa rin ito makakilos. Nag-aalala naman tuloy siya.

"Oy, Boom." napalunok siya habang hinahabol ang hininga. Kulang talaga ang cardio
niya kay Goryo. Kailangan niya pang tibayan ang tuhod at dibdib niya sa lalaki.
Kundi... paano na lang siya pag donation night na? Magsisimula pa lang sila, dying
mode na siya?

Niyugyog niya si Boom. Parang nagising naman ito. Tumili.


"Letse! Letseng kagat! Ano yun?! Anong nakita ko?! Ah!!!" sunod-sunod na sabi nito
sa pagitan ng ubod lakas na tili.

Ni hindi lumingon si Grey sa gawi nila kahit na nakakaeskandalo ang ingay ni Boom
at lahat ng tao ay nakatingin. Kilos-direktor na ata ito. Wala naman siyang alam na
i-explain.

"E... ganun yun humalik si Grey." sabi lang niya sa bakla.

Lalo itong tumili at hinawakan siya sa magkabilang pisngi na parang gustong banatin
ang mukha niya o baka gusto siyang sabunutan.

"Ganun humalik?! Kitang-kita ko! Kitang-kita ko, Tonya! Ganun nga siya humalik!"
ginamit nito ang palad para magpaypay ng sarili na parang iniinitan, "Ang tanong
bakit? Bakit ka niya hinalikan?"

Napalunok siya. Lalo na dahil lumalapit na rin ang ibang libreng crew para mag-
usisa.

"E kasi... si Grey ano. Boyfriend ko na siya." halos hindi lumabas sa bibig niya
ang salita. Nakakahiya.

Natahimik ang lahat. Bago nagkaroon ng hiyawan, tilian, asaran, tawanan, at tilian
uli. Majority ay sa mga bakla. At sa mga babae. Yung mga lalaki, natuod sa
pakikinig.

Nag-antanda si Boom at kinamal ang bilbil sa tagiliran niya. "Dyos ko! Anong
itinatago mo sa taba mo? I-share mo sa akin! Dali!"

Hindi niya alam kung anong sasabihin. Wala naman kasi siyang itinatago sa taba
niya.

"Basta ganun, Boom. Wag na lang muna kayong maingay." namumulang sabi niya sa
lahat. Naalala niyang may eskandalo pa siyang kinasasangkutan dahil kay Shaun. Ayaw
niyang maeskandalo naman ngayon si Grey.
"Wag maingay, te! Si Direk ang gumagawa ng ipagkakaingay!" tumitiling singit ni
Abo.

"Basta kasi..."

Pero nalunod sa tilian at kantyawan ang mga sasabihin niya. Nakatanaw siya sa
nagtatrabahong si Grey. Halos hindi ito lumilingon sa kanila dahil sa pagbibigay ng
instruksyon sa mga kausap. Napangiti naman siya. Mukhang possessive nga ang lalaki.

Everyone's so lively. Na hindi na napansin ni Tonya na may unknown number na


tumatawag sa cellphone na nasa bulsa ng short niya. #

Chapter 27 : Secret moves

-----

Late lunch.

Nasa iisang mahabang mesa na gawa sa kawayan sina Tonya at Grey. Kasabay nilang
kumakain ang sponsor ng marangyang seafood buffet na si Adam, ang asawa nitong si
Erin, si Shaun, at si Lauren. And everyone is fishing about his relationship with
Tonya. Tanging si Shaun ang nananahimik at hindi masaya sa magandang balita.

"Nabalitaan ko na nililigawan ka ni Baby Shaun, di ba, Tonya?" untag ni Erin sa


pagitan ng pagsubo. She started calling Shaun 'baby' since they got in the resort.
Ang sabi ni Adam ay pinaglilihian ng asawa nito ang kaibigang lalaki sa halip na
siya. At muntikan na nitong suntukin.

Alanganing nangiti si Tonya at nahihiyang sumulyap kay Shaun. Pang-labindalawang


ulit na yata yun. And everytime, the goddamn man is smiling at his girlfriend.

"E... oo."

Nakangiti ng malaki si Erin sa narinig na sagot. Kahit na apat na buwan na ang


tiyan nito ay payat pa rin ang pigura ng babae tulad nang kasal nito. Nananahimik
siya. Interesadong nakikinig si Lauren. Sumisenyas si Adam na parang humihingi ng
dispensa sa pagtatanong ng asawa pero nakangisi naman at mukhang natutuwa. At si
Shaun? May tensyon sa mga mata nila tuwing nagkakatinginan.

"Pero si Grey ang mahal mo? Hindi ka nainlab kay cute baby Shaun? Kahit slightly?"
dagdag-tanong ni Erin.

"E..." napatingin naman sa kanya si Tonya. Parang humihingi ng saklolo.

"Can we change the topic?" singit niya.

"Let it pass, man. I want to know the answer, too. And Lauren?" si Adam na
nakangisi.

Tumango naman si Lauren. "Curious din ako. I'm surprise with the development e."

"I want to hear, too, of course." si Shaun. "Why don't you let her answer, Grey?"

He wants to punch him.

"Bale..." si Tonya na nag-iwas ng tingin sa kanya, "Crush lang. At attraction


siguro. Kasi, nung first-time ko siyang nakita, may OST e."

He wants to silence her with a kiss. Her honesty is both adorable and at this
moment, because Shaun is smiling with that famous toothpaste grin, annoying. And
what the hell is an -

"Anong OST?" untag ni Lauren na kunot ang noo.

"OST. Official Soundtrack. Kapag may guwapo kasi akong nakikita, yung talagang
guwapo, parang may OST sa paligid."

Malakas ang tawa nina Adam at Erin sa narinig. Bumubungisngis naman si Lauren. Si
Shaun ay nakangisi pa rin at parang nagmamalaking nakatingin sa kanya.
"E, si Grey? May OST rin?" si Erin.

Tumango ng sunod-sunod si Tonya. "Oo. Ang lakas nga e."

Humagikgik ang nagtanong at pinanggigilan ang braso ni Adam.

"Oh, man, she's very... I don't know how to put it with words." sabi ni Adam na
namumula sa pagtawa.

"How about my Adam? May OST rin?" si Erin pa rin.

"E... meron. Pero nawala kasi nakita ko may singsing e."

"A... I like you!" anunsyo ni Erin at pinisil ang pisngi ni Tonya. Malaki ang ngiti
nito.

"Anong nangyari sa OST ni Shaun?" si Lauren.

Pasimpleng sumulyap si Tonya kay Shaun. Pang labing-apat na sulyap sa paraang


nahihiya. Hindi na siya makalunok ng pagkain.

"Wala. Si Goryo kasi e..." sabi nito at sumulyap sa kanya.

"What did I do?" tanong niya rito.

"Kinilig ka e. Ayun. Nawala yung OST ni Shaun." sagot nito at namula.

Nagtawa siya at sumulyap kay Shaun para magmalaki. Nagbaling naman ito ng paningin
sa dagat. At nagbubulungan sina Adam at Erin habang naghahagikgikan.

"Kinilig? Saan?" si Lauren.


"Sa office. Kinilig yan si Grey tapos nanghalik. Demo kiss, ganun." paliwanag ni
Tonya at nagbaba ng kaliwang kamay.

Nakita niyang nagkumos ito sa laylayan ng suot na maluwang na tshirt. Natetensyon


siguro.

"Dude, you're cheap! I can imagine what happened!" si Adam na nakatawa.

"Cheap ka rin, gorilla!" sabi ni Erin, "Nagnakaw ka rin ng kiss!"

Nagtawa lang si Adam. Pasimple naman siyang nagbaba ng kamay at hinuli ang kamay ni
Tonya. Lumingon ito sa kanya pero hindi siya tumingin. Pinisil-pisil niya ang kamay
nito. Dinadama maging ang bubong ng palad. Hindi malambot ang kamay ng babae.
Bahagyang magaspang din. At nanlalamig. He can only imagine how hard she has worked
for her family as the breadwinner. He held her hand tightly.

"If I had known that it would take a kiss for you to notice someone, I would have
stolen it first." seryosong sabi ni Shaun.

Natahimik ang lahat sa mesa.

"Don't sweat it. It only works because it's me." buwelta niya.

"I could steal one anytime and then see what the results would be."

Nagtagis ang bagang niya at humigpit ang hawak sa kamay ni Tonya. The guts of this
guy! He actually saw him kiss her in his car! And the image is stuck on his mind!

"Don't be desperate." madiin na sabi niya.

"Why?" nakakaasar na ngumiti si Shaun, "Don't be such a spoilsport, Grey."

He reached a dead-end of his temper with him.


"Back off, Mercache."

Mataas ang tensyon sa mesa. Magkatama ang mata nila ni Shaun at parehong madilim
ang mukha. Hindi makapagsalita sina Lauren at Erin habang nag-aabang sa kasunod
pang ikikilos nila. Sumipol si Adam. At si Tonya -

"Naiihi na ako sa inyong dalawa." parang gustong mamilipit na sabi nito, "Ang
intense ng titigan n'yo lagi. Ano bang meron?"

Napatingin silang lahat sa girlfriend niya. And automatically, his mood shifted to
amusement just by looking at her. He's ashamed of himself. Hindi lang siya cheap.
Sa babaeng ito, nagiging easy-to-get din siya. Pinisil niya ito sa pisngi. Mahina
namang nagtawanan ang lahat. Maging si Shaun at nakita niyang napatungo at
natatawa.

"Nothing, slowpoke. I'm just really annoyed with the guy." aniya.

"Oy!" sabi ni Tonya at bumaling kay Shaun, "Annoyed siya sayo! Successful ka. Di ba
yun ang gusto mo?"

Nakatanga si Shaun sa babae. Pero tumango ito at tumawa. Masama siyang tumingin
dito.

"You deserved it. You're being such an ass to her." anito.

Napailing siya. But the guy has a point. Based on Tonya's confession, she was hurt
with Noreen's presence. To think that she actually had to see him and Noreen
together for a week! It must have been hard. But he still won't thank the guy. Alam
niyang may iba itong intensyon kay Tonya. And she is his girl.

"I'm sorry about that." sabi niya sa babae sa tabi niya.

Nakangiti si Tonya, umakap sa braso niya at dumikit.


"Bawi ka na, di ba?"

Ngiti lang ang isinagot niya at hinalikan ito sa noo. He wouldn't let himself off.
May ibabawi pa siya.

*****

Papalubog na ang araw. Papunta si Tonya sa tent ni Shaun para tawagin ang lalaki
ayon sa naaalangang utos ni Grey.

"Shaun? Eksena n'yo na uli!" tawag niya mula sa labas ng tent.

Ilang sandali lang ay lumabas si Shaun kasunod ang P.A nito na may hawak na
tuwalya. Agad itong nakangiti nang makita siya.

"Great. Jake's done with the retouch." tukoy nito sa pagmi-make-up dito.

Hinubad nito ang suot na kamiseta at iniabot sa assistant nito. Saka sila lumakad
pabalik sa tabing-dagat kung saan naka-set ang kukunang eksena. Wala siyang alam
sabihin sa lalaki.

"Hey..." tawag nito sa atensyon niya, "Did he confess properly to you?"

Nakatingin siya rito at nakauunawang ngumiti. Bakit ba ang bait nito sa kanya kahit
minsan, nahihimigan niyang may pagka-barumbado rin ito?

"Oo naman. Ang cheap nga niya e. Kahit naman mahal ko yun, kailangan ko pa rin ng
maayos na confession. Para magkaintindihan kami. Kasi di ba..." itinuro niya ang
ulo, "- baka hindi ko magets."

Ngumiti ito sa kanya.

"Is he treating you good?"


Tumango siya bilang sagot. Good? It's more than good. Pwede ba niyang sabihin na
kinikilig siya, natutunaw, sumasaya, sumisigla at nabubuhayan ng loob dahil kay
Goryo?

"Are you happy, then?"

Tumitig siya sa mata nito.

"Sobra, Shaun."

Bumuntong-hininga ang lalaki. Tumigil sa paglakad kahit na malapit na sila sa set


at tumanaw sa papalubog na araw. Natigil din siya sa paglakad. Bumaling ito sa
kanya, sinapo ng palad ang pisngi niya at masuyong hinaplos.

"Then I will be glad. For you." ngumiti ito.

Napahugot siya ng malalim na hininga sa ginawa at sinabi nito. Shaun is really


nice. Gusto rin niya itong paglihian kapag nakakuha na siya ng sperm kay Goryo.

"Thank you." sabi niya at hindi napigilang yumakap dito.

Mahigpit ding yumakap sa kanya si Shaun. Malalim itong huminga. At dahil nanliliit
siya sa tangkad ng lalaki, masuyo nitong ipinatong ang ulo sa ulo niya.

"Be happy, okay?"

Tumango siya rito.

At the same time,


Nakikita ni Grey ang pagkakalabitan ng mga nakapaligid na crew. Alam niya rin ang
tinitingnan ng mga ito. Nakita niya kanina sa peripheral vision niya at
tinalikuran. Yumakap si Tonya kay Shaun. Nakipag-usap naman siya sa cameramen at
nagbigay ng instruksyon sa anggulong gusto niyang makuha. He wanted to capture the
setting sun.

Binibilang niya ang segundo na nagbubulungan ang mga crew. Yakapan pa rin ang
usapan. He's sure that hug doesn't mean anything special to her. Pero nakatalikod
na rin siya para hindi manatili ang imahe sa utak niya at mawalan siya ng
pasensiya.

"Baka parting hug ni ateng. Alam n'yo na. Sila na ni Direk e. Binabasted siguro si
Shaun." boses ng isa sa mga crew.

May ninja ears na yata siyang nakikinig sa bulungan ng mga ito.

"Nabasted na, di ba? Sabi ni Boom, ikinuwento raw ni Tonya."

"Alangan namang nag-two timer pa yan si Taba e... ano yun? Sobrang haba na ng buhok
niya? May Gad."

Pasimple niyang tiningnan ang nagsalitang bakla. Tinandaan. Sisisantehin niya.

"Ang swerteng tabachoy, o! Dati, nahimas na niya yung abs ni Shaun. Ngayon naman,
dikit na dikit sa higpit ng yakap."

'Damn.' naisip niya. Naalalang hubad-baro si Shaun para sa eksena.

"Ang ganda naman kasi ng sikmura ni baby Shaun. Nakakatuksong dikitan."

Sisantehin niya rin kaya yung bagong nagsalita?

May nagtawang crew. "Oo nga e. Ang tigas!"

Parang kinikilig pa ang mga madadaldal. Abs lang ba? May abs din siya! Kumpleto!
"Si Direk kaya, may abs?"

"Oy, baka marinig ka."

Lalong lumaki ang tainga niya sa pagsagap sa bulungan.

"Hindi yan. Busy sa pakikipag-usap e."

"May abs siguro si Direk. Di ba, bumabakat kapag fit tapos manipis yung tshirt
niya?"

"Ay oo!"

"Pero baka mas maganda yung kay Shaun. O yung kay Papa Adam!!! Havey na havey e!
Naku!"

"Hindi natin alam."

'Damn that Adam, too!' naisip niya dahil naka-display din ang sikmura ng kaibigan
niya mula pa kanina. Kahit na madalas ang panghahapit nito at pinupulutan ng
madalas ang labi ng asawa.

Gustong maningkit ng mata niya. Pero hindi niya magawa.

"Kuha ko na, Direk. Don't worry." kunot-noong sagot ng kausap niyang cameraman.

"What?"

"Nakakadalawang ulit na po kayo sa instructions e. May problema po ba?"


Dumilim ang mukha niya at umiling. Pasimple siyang tumagilid at gamit ang
peripheral ay nag-check kung nakahiwalay na si Shaun kay Tonya. Nabitawan niya ang
higit na hininga ng makitang naglalakad na palapit ang dalawa.

"Nothing's wrong." sabi niya at nag-dismiss.

Gusto niyang maghubad ang kaso -

"Oops! Sorry, Grey!" nakangising sabi ni Erin sa kanya.

Malamig ang tumapon na mango shake sa buong dibdib at sikmura niya. Gumapang ang
lamig at nanlagkit. Napakunot naman ang noo niya. Walang anumang bato o
obstructions doon para mapatid si Erin at matapon ang shake na iniinom nito. Nang
mapatingin siya sa kalapit na si Adam ay tinanguan siya nito at nag-thumbs up.
Parang bata rin itong nagtawa sa ginawa ng asawa.

"It's okay." sabi niya at hinatak palayo sa katawan ang nabasang kamiseta.

"Take it off." bulong ni Erin at kumindat bago bumalik sa asawa nito at yumakap.

Napailing siya sa pakulo ng mga ito.

Mabilis namang nakalapit si Tonya sa nakita, "Grey... basang-basa ka."

"Yeah. Could you -"

"May damit ka sa kotse? Kukunin ko."

Napangiti siya ng matipid. Mukhang mabilis ang lohika ng babae sa pag-aasikaso. It


could prove that she is accustomed to taking care of others because she is a
firstborn or that they are slowly getting in sync. Sana, yung ikalawa.

"Yeah. Please get me a change of clothes."


Nang mawala si Tonya ay pinagtuunan niya muna ng pansin ang monitor at nagpa-
rehearsal. Simple lang ang eksena. Nakayakap sa tuhod si Lauren sa pagkakaupo sa
dalampasigan. Umiiyak ito. Marahang lalapit si Shaun at tatayo sa tabi nito.
Ilalahad nito ang kamay sa babae at itatayo. At pagkatapos, magyayakap ang dalawa.

Masyado pang malapit ang blocking ng dalawa sa panonood ng paglubog ng araw.


Ipauulit niya. Pero tuwina na gagalaw si Shaun at maaarawan ang sikmura nito,
parang kinikiliti ang mga nanonood na crew. Naiingayan siya.

Nang makabalik si Tonya ay napatanga rin ito sa eksena nina Shaun at Lauren.
Nakatabi ito kay Boom.

"Anong meron? Bakit nagkikisay ang mga bading?" narinig niyang tanong nito.

"Si baby Shaun. Hindi maka-get over ang lahat sa abs niyang naka-highlight!"
malanding sagot naman ni Boom.

Bumungisngis si Tonya. "Ah! Mahihirapan ngang magtiis ang mga bakla. Maganda kasi
ang mga pandesal ni Shaun. Naiintindihan ko yun."

Nagkurutan ang dalawa bago lumapit sa kanya ang babae. Nag-i-echo naman sa tainga
niya ang sinabi ni Tonya. Naalala niya ang eksena ng pagpapahid ng body oil sa
'pandesal' ni Shaun.

"Okay na, Direk? Kukunan na natin?" baling sa kanya ng Assistant Director niya na
kalapit sa monitor.

"Yeah." sumigaw siya sa set, "We will shoot the scene!"

Iyon ang cue para i-retouch ang mga artista. Agad lumapit sila Jake at ang mga
kasama nitong make-up artist kina Shaun at Lauren.

"Magpalit ka muna." nakangiting sabi sa kanya ni Tonya at iniaabot ang hawak na


kamiseta.

Kunot ang noo niya nang humarap dito. Masama ang mood niya sa narinig na sinabi
nito kay Boom. Pandesal? What a term!

"Yeah. I need to change." seryosong sabi niya. Hinuli niya ang mata nito habang
walang kangiti-ngiti sa labi.

Napalunok si Tonya at hindi magawang ihiwalay ang mata sa kanya. Hinawakan naman
niya ang laylayan ng suot na kamiseta at dahan-dahang tinanggal sa harap nito.
Ipinapakita rito ang sarili. Mas malaki yata ang lunok nito - at lunok ng mga
nanonood na crew - nang hubad-baro na siya. Iniabot niya ang kamiseta rito.
Nanlalagkit siya sa basa pang parte ng katawan.

Nakatitig lang sa kanya ang babae.

"Wipe me clean." sabi niya rito.

Kumilos naman ito at lumapit. Ipinunas nito ang hinubad niyang kamiseta sa dibdib
at sikmura niyang basa. Marahan na parang possessed. Maingat ang kamay nito na
parang takot dumikit sa balat niya.

It's unfair. She oiled Shaun with ease.

Hinawakan niya ang pulsuhan nito at idinikit ang palad nito sa balat niya.

"Do it properly."

Napatingin ito sa kanya na parang nasukol na tupa. At wala sa loob na kinagat nito
ang labi nang ulitin ang pagtutuyo sa katawan niya.

"Parang..." mahina ang boses ni Tonya. Alam niyang natetensyon ito. "- galit ka? Sa
'kin?"

Hindi siya kumibo. Tinitigan niya lang ito hanggang sa magtaas ito ng tingin.

"Ano? Galit ka nga?" kulit nito.


"Not if you only look at me." sabi niya rito.

"Ha?" lumunok ito.

"This." sabi niya. Iginiya ang kamay nito at inilapat sa dibdib niya, "-and this."
ibinaba niya ang kamay nito sa sikmura niya, "- is all yours. Do you get me?"

Suminghap ito at sunod-sunod na tumango. Pero hindi pa sapat ang reaksyon na yun sa
kanya.

"Then... Tonica... are you mine, too?"

Higit nito ang hininga at ilang sandaling hindi nakapagsalita bago, "Yes. Yes,
Grey."

"Say it. Clear."

Lumunok si Tonya habang nakatitig sa mata niya. Mukhang tinatakasan ito ng hangin.

"I.. am yours."

"Again. With my name."

"I am yours... Gregory." mas mahina pero mas malinaw na sabi nito.

Naghinang ang mata nila. Pwede na siguro yun.

"Good girl." bulong niya at hinalikan ito sa noo. "Now you can breathe."

Huminga ito ng malalim at humawak pa sa dibdib nito.


"Tino-torture mo 'ko..." halos humingal ito, "Ha? Goryo?!" anito at hinampas siya
sa braso.

Mahina naman siyang tumawa at hinaplos ang buhok nito.

"You are mine, Tonica. I will have you repeat it until you're used to it."

Umangil ito sa kanya habang nakahawak pa rin sa dibdib. Mukhang nahirapan nga itong
huminga sa ginawa niya. She should be rewarded. Hinatak niya ito, mabilis na
niyakap at hinalikan sa bubong ng ulo nito.

Kinuha niya ang malinis na kamiseta sa kamay nito, isinuot at seryosong bumaling sa
set.

"What are you all looking at? Let's shoot!" #

Chapter 28 : Closer

A/N : Sorry, Abangers! I tried finishing this update kaninang madaling-araw pero
hindi ko kinaya ang antok at pagod. Haha. Pero, ito na yung next chapter! Happy
Reading! :D

-----

Matapos ang isang linggo at dalawang kilong tabang natunaw ni Tonya...

"We're going to watch at least three movies, Ate. And then, we will eat Kuya's
pasta. And then, maybe I can sleep beside you!" excited na sabi ni Portia kay Tonya
habang nakaangkla ito sa braso niya.

Lumingon si Grey at sumimangot sa sinabi ng kapatid. Ito ang punong-abala sa


pamimili ng kung anu-anong kailangan nila para sa pasta na lulutuin nito, sa
kutkutin para sa panonood ng movie sa home theater nito at sa iba pang pagkain.

Day off na uli. First official date sana nila ni Grey pero tumanggi siya. Kahit
kasi excited siya sa inaalok sana nitong pamamasyal sa Enchanted Kingdom o sa
Luneta Park, umiiwas siya sa eskandalo. Kamamatay-matay pa lang ng balita na
tungkol sa kanila ni Shaun. Ayaw niyang isugal ang tsansang may makakita naman sa
kanila ni Grey na pagmumulan ng pangit na balita.

Pero dahil hindi papaawat ang boyfriend niya, sinamahan siya nitong mag-gym.
Binitbit din nito ang kapatid na si Portia para raw walang magkamalisya. At ngayon
ay nasa supermarket sila at namimili.

"Hey, kid, I thought you have your own thing today? You told me you have somewhere
to go to with your best friend?" seryosong sabi ni Grey sa kapatid.

Umirap si Portia sa sinabi nito. "E, Kuya, nagbabago na ang isip ko. I want to hang
around Ate Tonya. Dapat nga nag-shopping na lang -"

Natigil ang babae dahil dumidilim na ang mukha ng lalaki sa sinasabi nito.
Hinawakan siya ni Grey sa braso at hinatak palapit sa tabi nito.

"This is supposed to be our date." sabi nitong itinuktok ang hintuturo sa noo ng
kapatid.

"Bakit? Pwede naman akong chaperone!" angil nito. Yumakap si Portia sa braso niya.
"And I have to protect Ate Tonya from your perversion!"

Mahina siyang tumawa sa sinabi nito. Napatingin naman sa kanya ang dalawa.

"Portia, hindi naman manyak ang Kuya mo. Saka... " natawa uli siya, "Di ba, ako pa
nga ang nag-alok sa kanya dati na maging sperm donor ko?"

Mahina ring bumungisngis si Portia, "Yeah. Naaalala ko. He looked so... unwilling,
then, Ate. Now look at him."

"Yeah. Now I'm willing. So what?" sabi ni Grey na may makulit na ngiti.

Lumapad din ang ngiti niya. Namamangha pa rin siya sa tuwing ngingiti ang supladong
direktor kahit na naging normal na iyon sa tuwing nasa tabi siya nito sa loob ng
isang linggo. It's like his smiles are only meant to show when he's with her. She
likes it.
"Yuck, Kuya! Pervert!" nakangiwing sabi ni Portia sa kapatid.

"Just... I want a date with her. Don't meddle, kid." sabi ni Grey dito at
pagkatapos ay kumindat sa kanya.

Saka ito patay-malisyang naghila ng cart patungo sa stall ng mga prutas. Humiwalay
din sandali si Portia sa kanya para tumakbo sa mga grapes at strawberries. At siya
ay sa mga mansanas lumapit. And that was when...

"Tonya?"

Pamilyar ang boses. Nakakainis. Nilingon niya si Carina na may tulak na cart at
namimili. May malisya sa mga mata nito na natutunan niyang makilala agad-agad.

"Hi, Carina."

"Ikaw nga!" hindi makapaniwalang sabi nito at ininspeksyon siya mula ulo hanggang
paa, "Pumayat ka?!"

Kailangan talaga gulat na gulat na gulat ang ekspresyon nito? At hindi yun gulat na
masaya. Iyon yung gulat na parang nasa loob ito ng isang bangungot. Na para bang
masamang bagay ang nakita nito.

"Oo. Nag-gi-gym ako e." simpleng sagot niya.

"Oh? Talaga? Good for you. Keep it up." tumatango-tango ito bago ngumiti na parang
ipis, "Though it's too late for that, don't you think?"

Lumunok siya. Simpleng mga salita lang iyon. Pero alam niyang iba ang ibig sabihin.
Hindi siya makasagot.

"Parang hindi pa naman late." sabi niya.


"Oh? E di ba, wala ka nang boyfriend? Sino naman ang pagpapagandahan mo pa? And
we're like... thirty-three. The dating pool are full of dirty old men or separated
men or widows. And even with those kind..." hinagod uli siya nito ng tingin, "- I
don't think you would be a choice of date."

"Who's that bigmouth, Ate?" busangot na entra ni Portia na may bitbit na patung-
patong na balot ng grapes at strawberries. Nakataas ang kilay nito nang tingnan
mula ulo hanggang paa si Carina, "Saka... anong sinasabi mong hindi choice of date
si Ate Tonya?"

Nakangiti lang si Carina sa mas batang babae. "Raised with a foulmouth, aren't you?
Kids this days..."

Masama itong tinitigan ni Portia. "A bigmouth is someone who tells people things
that are not necessary. Worst, that are trash or insensitive. And you are one."

"Portia..." ngumiti siya sa mas batang babae, "Okay lang yan."

"What's okay? And why are you..." kunot ang noo ni Grey nang bumalik habang hila
ang cart. Sinuri siya nito ng tingin, si Portia at si Carina.

"Kuya!" itinuro ni Portia si Carina, "Inaaway niya si Ate Tonya!"

Napasinghap siya. "Hindi naman. Bruha lang siya magsalita pero sanay na 'ko."

"Kuya!" si Portia na pumadyak.

Umirap naman si Carina at bumaling sa kanya, "Who are them? Amo mo? Kailangan ka pa
pumasok na maid?"

Nanigas siya sa tanong nito. Sumeryoso naman ang mukha ni Grey.

"She's my girlfriend." madilim ang anyo ni Grey nang magsalita. Nakatitig ito kay
Carina habang nagpapasa ng tensyon na tumatama pati sa kanila ni Portia, "And you
have to be careful in talking to her because I have a really short temper with
trash talks, Miss."
Napalunok si Carina sa tindi ng titig ni Grey dito pero hindi nagpaawat.

"Are you blind? Have you look at any mirror together with her?" asik ng babae rito.

"Are you dumb? My Kuya is telling you to shut up!" sigaw ni Portia.

Hindi pa rin siya makaimik. Sa buong isang linggo ay uminda na siya ng biro kung
paano niya raw ginapang o ginayuma si Grey. May mga nagbibiro kung paano siya
magbantay-salakay at mambulag ng lalaki. At wala siyang maisagot sa mga iyon kasi
wala naman siyang ginawa. Bakit sila laging nagtatanong? Maliban sa... alam niya na
naniniwala ang mga ito na siya at si Grey o siya at si Shaun ay imposibleng maging
pares.

Nakita niyang nag-igting ang panga ni Grey. Tapos, lumamig ang mata nito at,

"Shut the fuck up."

Napailing-iling si Carina bago nagmartsang tulak-tulak ang shopping cart nito.

"Are you okay?"

"Okay ka lang, Ate?"

Magkapanabay ang tanong ng dalawa sa kanya. Nakahawak si Portia sa braso niya.


Hinahaplos naman siya ni Grey sa pisngi. And she thought...

"Ganun naman ang mga bully. Nambubully, di ba? Lifetime at full-time work yun ni
Carina." saka siya nagpilit ngumiti. Pero hindi yata successful. Lalo kasing
lumalim ang pag-aalala sa mukha ng dalawang Montero sa kanya.

"Don't mind her, Ate. Itsura nun. Naka-pustiso naman!" si Portia na lumabi.

Inakbayan naman siya ni Grey, hinila sa tagiliran nito, at hinalikan sa bubong ng


ulo. Saka nito pinisil ang balikat niya.

Sa tapat nila, tatlong estante ang layo, may malaking salamin. Nasilip niya silang
dalawa ni Grey. At pumikit siya ng mariin dahil hindi siya bulag. Kitang-kita niya.
Kahit 68 kilos na lang siya, hindi pa rin sila bagay.

*****

Ang ending ng pagkukulitan nina Grey at Portia ay ito...

May nagpi-play na English movie sa screen sa home theater sa bahay ni Grey. Tatlo
silang nakaupo sa pang-limahang couch in the following order: si Portia, siya, at
si Grey. Nakaangkla sa braso niya si Portia, nakasandal ang ulo sa balikat niya at
natutulog. Hawak naman ni Grey ang isa niyang kamay habang nakatutok sa screen. At
siya? Immovable siya sa gitna.

"Grey, natutulog na si Portia." bulong niya sa lalaki habang hindi makagalaw. Nasa
fifteen minutes pa lang na nagsimula ang pelikula ay napikit na ito at sumandal.

Makulit na ngumiti ang lalaki. "You sounded like you wanted to do something kinky."

Umangil siya. "Hindi. Sinasabi ko lang na natutulog na si Portia."

"I know, slowpoke."

Umangil uli siya. "Bitawan mo muna ang kamay ko. Hindi ako makagalaw sa inyo. Gusto
ko ng -"

Kumuha ito ng popcorn sa bucket na nasa harap nila at isinubo sa kanya.

"See? I can fix things for you."

Inirapan niya ito. Mukhang wala itong balak pakawalan ang kamay niya.
"I want -"

Kinuha naman nito ang fresh orange juice na nasa highball glass at inilapit sa
kanya. Sumipsip siya sa straw.

"Pasta, assuming! Nagugutom na 'ko e." sabi niya rito.

Mahinang tumawa si Grey at hinalikan siya sa noo. "Wait a little more."

"Bakit?"

"Let's make sure Portia is really sleeping."

Nilingon niya ang babaeng nakasandal sa balikat niya. Malalim ang paghinga nito.

"Bakit? Hindi natin siya pakakainin?"

Nagtawa si Grey, "It's not that... just... I want you for myself. Kahit sa kitchen
lang."

Napalunok siya sa sinabi nito. Natigilan bago mahinang bumungisngis.

"Ang damot mo, Goryo."

Pinisil nito ang palad niya at lumingon na may kutitap sa mata. "Not my fault.
So... let's wait a little more."

After another ten minutes, ginamit ni Grey ang ninja moves nito para maingat at
walang sabit na maihiwalay si Portia sa balikat niyal Ihiniga nila ito sa couch.
Pinabayaan nilang nagpapatuloy ang pelikula bago parang maliliit na batang
nagbungisngisan palabas ng silid.
"Finally!" sabi ni Grey at niyakap siya pagsara pa lang ng pinto. "Portia is really
guarding you."

Huminga siya ng malalim sa yakap nito. Ang bango lagi ni Goryo. Nakakaadik dumikit.
Kahit nang pawisan ito noong shooting nila sa resort, para siyang adik na
pasimpleng umaamoy.

"Pero close talaga kayo no? Hindi ka masyadong seryoso kapag sa kanya e." komento
niya.

Akbay siya ni Grey habang lumalakad sila papunta sa kusina.

"Yeah. When our parents separated seven years ago, she doesn't want to go with
either of them. Ten years old pa lang siya nun. I literally raised her."

"Bakit ang laki ng age gap n'yo?" usisa niya, "Si Bev kasi na sumunod sa akin, 29.
Four years gap lang. Si Sharon, 26. Then si Anelle, 24. Kayo... 34 ka, si Portia
17..." at tumirik na ang utak niya sa pagkukuwenta.

Pagdating sa kitchen ay diretso siya sa kinalalagyan ng mga plato at kubyertos. Si


Grey naman ay sa skillet (flat-pan) para initin ang pasta. Naghanda siya ng mesa.

"May isa pa kaming kapatid. Dapat. Sumunod sa akin. But she died inside my mother's
womb and kind of damage her uterus. For the longest time, ang akala nila ng Papa
ko, hindi na sila uli magkakaanak. You could say that Portia is a miracle baby.
Kaya nga spoiled sa amin." kwento nito habang nasa harap ng kawali.

She's admiring the view while listening. Dati, bilang lang ang salitang naririnig
niya mula kay Goryo. Dati, lagi itong tahimik at seryoso. It's just a few days and
she's seeing more of him. She likes what she sees. She likes this Goryo, too: yung
naghahanda ng pasta habang dumadaldal. Trusting that she's listening even with his
back turned from her.

Nakangiti lang siya nang lumapit ito sa mesa na hawak ang skillet at naglagay ng
serving ng chicken pasta sa plato nila.

"Pa'no nung naghiwalay ang parents n'yo? How did Portia take it?"
Nagsimula na silang kumain habang nakaupo sa tagiliran niya si Grey.

"Ang sarap a." nakangiting baling niya rito sa pagitan ng pagsubo.

Nangiti sa kanya ang lalaki at automatic na pinahid ng tissue ang sauce sa


tagiliran ng labi niya.

"She took it with ease. Ginaya niya kasi ako. And I was not a good example. I was a
grown-up man, then, and I knew that their marriage will soon end even before it
actually happened. I just let them do what they want. They are better people
without each other, anyway." nagkibit-balikat ito, "Since Portia didn't really see
me taking it hard, I think she took it like it was something normal." sagot nito.

"Ah... Hindi ko kakayanin yun kung sa parents ko. Close kasi ako sa Papa ko. Kung
umabot sila sa hiwalayan ng Mama ko, magpapakipot siguro ako pero sasama ako sa
Papa ko." sabi niyang may kasamang mahinang pagtawa.

"Really? What's he like?"

"Si Papa? He's the best in the world." nakangiting sabi niya. "Hindi siya nauubusan
ng pasensiya sa akin. Dahil slow ako, pinakamahirap nung nasa elementary ako. Hindi
ako makahabol sa pagtuturo ng teachers. He taught me at night and review my lessons
in the morning. Siya rin ang nagregalo sa akin ng unang tape recorder ko."
nagsimula siyang umalala, "Lagi siyang may pasalubong sa akin. Kahit shunga rin
siya. Nagreregalo ng Batman, Superman action figures, ganun. Baril-barilan.
Pangarap niyang magkaroon ng lalaking anak pero nabokya. Puro kami babae."

Nakikinig lang si Grey sa kanya.

"Nung high school na 'ko, he taught me that bullies will always behave like
bullies. So, I shouldn't worry. When bullies bullied me, it's because that's what
they do. He taught me to take things literally because it will be easy. Lagi akong
umiiyak sa kanya. Kasi... kahit na alam kong bully ang mga bullies, masakit
pagtawanan. Their words... hurt. A lot." nagluha ang mga mata niya, "One day, he
got home drunk. Nadulas siya sa banyo. Akala namin, okay lang yun. Maliit na
aksidente. Dumugo ng kaunti yung ulo niya pero okay naman daw siya." lumunok siya
sa pagpipigil sa bara sa lalamunan niya, "And then, the next morning, he didn't
wake up."

Tahimik sa kitchen.
Tumulo ang mainit na luha sa mga mata niya sa pag-alala sa ama. "He's the best man
I have ever met, Grey. He..." bumagal sa paglabas ang mga salita niya. Nanghihina
ang boses niya. Naalala niya si Carina, ang tanong ng mga crew, ang imahe sa
salamin... ang kakisigan ng lalaki sa harap niya, "He never made me feel ugly. Or
that it's bad that I am fat. To him, I'm just... his favorite girl. Regardless. I
love him so much."

Pinahid ni Grey ang mga luha niya. Marahan ang paghugot at pagbuga nito ng malalim
na hininga.

"I'm sure he's the best guy in the world, Tonica. And he is right about you. You
are beautiful and you should be loved without questions."

Patuloy ang pagpatak ng luha niya. At dahil nakahawak si Grey sa pisngi niya at
masuyo iyong hinaplos, na parang sinasalo ng daliri nito ang bawat bagsak ng luha
niya, hindi niya magawang magtago ng mata. Hindi niya maitakip ang dalawang palad
sa mata para hindi nito makita ang pag-iyak niya. Mariin siyang pumikit at
suminghot.

"Come here." masuyong sabi nito at hinila siya payakap dito. Tinapik-tapik nito ang
likod niya bago bumulong, "He's so right... You're my favorite girl, too."

Nakapikit siya kahit na nang mangapa ang kamay ng tissue na nasa table. Inilagay
naman ni Grey ang hinahanap niya sa kamay niya. Pasimple niyang tinuyo ang luha at
suminga. Nangapa uli siya ng tissue. Binigyan uli siya ni Grey. Nagtuyo siya ng
luha. Suminga. Apat na ulit yata.

Nakangiti si Grey nang tumingala siya rito.

"Thank you." mahinang sabi niya. "Sorry. Ang dramatic ko."

Umiling ito habang masuyong nakatingin sa mukha niya. She was reminded of the
loving look his father gave her. She knew then, this man in front of her, adores
her. And she adores him, too.

"You're beautiful." sabi nitong nakasapo sa mukha niya, "People might tell you
otherwise - mean people. But don't believe them. Believe me."
Nakatingin siya rito. She loves this guy so much. Tumango siya bilang pagsang-ayon
sa sinabi nito at mahigpit na yumakap.

And after a while, she could hear him breathing deeply. She could feel his heat in
her skin. It sounds and feels delicious.

And then he slowly asked her, "Tonica... will you stay with me tonight?" #

Chapter 29 : Curvy

A/N : Sorry, na-late ang update. Hihi. Love and Peace. Comment kayo ha. :D

-----

"Naiihi ako." tuwid ang tingin ni Tonya kay Grey nang sabihin iyon.

Nakakaihi naman talaga. Kasi ang tanong ng lalaki, malagkit. Ang boses ay may
kasamang mainit na intensyon. Parang humagod sa katawan niya, dumaloy at tumama sa
mga parte na dapat nananahimik lang at kalmado. Mainit ang balat nito. Sexy ang
mata. At... ganun din ata siya.

Isang makulit na ngiti ang sagot ni Grey bago ibuka ang kamay nito para makatayo
siya. Mabilis siyang tumalikod at walang lingon-likod na naglakad. Nanghihina ang
tuhod niyang umakyat sa silid na tinulugan niya noong nakaraan. Nag-lock siya ng
pinto sa banyo at sapo ang dibdib na humingal.

Kailangan niya ng tulong! Ang ngiti ni Grey! Ngayon niya lang yun nakita... iba
yun. Pakiramdam niya, kailangan niyang tumakas at magtago sa lalaki!

Tinawagan niya si Mitch.

"Mitch!" sigaw niya nang iangat nito ang cellphone.

"Hello, bestie! Kumusta? Ang tagal mong hindi tumawag! At hindi ka rin sumasagot sa
mga tawag -"
"Tulungan mo 'ko, Mitch!" putol niya.

"Ha? Bakit? Anong nangyayari?"

Sa bibig na siya humihinga. Nararamdaman pa rin niya ang tensyon na dala ni Goryo.

"Si Grey, baka habulin ako!"

Sandaling natahimik sa kabilang linya.

"Si Grey? Sinong Grey? Yung direktor n'yo?" naguguluhang tanong nito. "Bakit ka
naman niya hahabulin? Off mo ngayon, di ba?"

"Nandito ako sa bahay niya!"

"Bakit?"

"Ano... Boyfriend ko na siya kasi."

Patlang.

"Teka... naguguluhan ako. Di ba, si Shaun ang nanliligaw sayo? Si Direk ay -"

Nakalimutan niyang ang huling pag-uusap nila ng kaibigan ay noong nagsimula pa lang
manligaw si Shaun sa kanya.

"Oo, pero friends na lang kami ni Shaun. Tapos, kami na ni Grey."

"Si Montero yan, di ba? Yung gwapo na macho na suplado kapag ibinabalita sa TV?
Yung matipid ngumiti na super papable at kamukha ni Henry Cavill?"
"Oo. Si Goryo."

"Boyfriend mo?"

"Oo. Saka, sperm donor ko na rin."

Patlang. At mga dalawang minutong histerya at tili mula sa kabilang linya.

"I hate you! I hate you, Tonya! Ako ang best friend mo pero hindi 'ko agad nalaman!
Ang daya mo!"

"E... naging busy kasi. Saka, biglaan lang na naging kami. Sorry na."

Tili uli. Na parang mahihimatay na si Mitch sa kabilang linya.

"Seryoso? Talagang boyfriend mo?"

"Oo."

"Alam na ni Tita Korina?" tukoy nito sa Mama niya.

"Hindi pa... hahanap pa ako ng tiyempo. Gusto niya kasi si Shaun e. Hindi ko pa nga
nasasabi na binasted ko na yung isa."

Tawa.

"E bakit ka hinahabol ng boyfriend mo?"

"Ano kasi e... ano..." ikinuwento niya ang nangyari sa kusina hanggang sa tanong ni
Grey sa kanya. "Tulungan mo 'ko."
"Anong tulong? Condom? Wag na. Magpa-donate ka na ng sperm." humagikgik ito,
"Lukaret ka. Ginawa mo na dati yan! Kaya mo yan!"

"Hindi cheering ang kailangan ko, Mitch." nalilitong sabi niya.

"E ano?"

"Lakas ng loob! Kasi... kasi... hindi mo kasi alam kung gaano katikas yun! T-shirt
pa nga lang ang hubarin nun, natutuyot na 'ko."

"Hindi ka nababasa? Natutuyot ka?" saka ito parang baliw na tumawa.

"Mitch!" reklamo niya.

"O? Anong gagawin ko? Ikaw ang nandiyan. Asan ka ba nagtatago?"

"Sa banyo."

Tumawa uli ang kaibigan.

"Hala ka, mamaya, baka nandiyan na -"

May katok sa pinto ng banyo.

"Ano yun?" tanong ni Tonya.

"Sabihin mo, tuloy!" sigaw ni Mitch sa telepono.

"I'm going to drive Portia to our other house. Okay ka lang ba diyan?"
Tumikhim siya para luminaw ang boses.

"Hindi ako okay. Pero magiging okay din ako. Pakisabi kay Portia, babay." sabi
niya.

Humagikgik si Mitch sa telepono.

"Okay. I won't be long." boses ni Grey.

"Oo. Ingat. Drive safely!"

Mahinang tumawa si Grey bago nawala. Bumalik naman siya sa telepono, kay Mitch.

"Umalis siya?"

"Oo. Ihahatid daw niya yung kapatid niya sa isa pa nilang bahay."

"Ah! Tamang-tama! O ayan, may time ka para mag-ipon ng lakas ng loob." tumatawang
sabi ng kaibigan.

"Umuwi na kaya ako, Mitch?" kinakabahan pa rin na sabi niya. "Sumasakit ang tiyan
ko sa kaba e. Saka parang nahihilo ako. Tapos, parang masusuka ako. Mitch..."

Malantod ang halakhak ng kaibigan niya sa linya. "Grabe! Hindi naman kita masisisi
kung ganyan ka."

"E di... anong gagawin ko? Umuwi na 'ko?"

"Sira. Kawawa naman si Direk mo kung maghahanap sayo pagdating niya!"

"E kung itext ko na lang siya? Na uuwi na 'ko?"


"Nakakabastos yun, Tonya." seryosong sabi ni Mitch.

Naghaharutan ang mga paru-paro sa tiyan niya. Nagbubuhol din yata sa isa't isa ang
mga bituka niya. Nasa pagitan siya ng malakas na kaba ng dibdib, kakapusan sa
hininga at pagdidilim ng paningin. Panic attack ba ito?

"E... ano ngang gagawin ko? Ang taba-taba ko pa. Hindi ko kayang ipakita yung
katawan ko."

"Maligo ka kaya? Muna? Para kumalma ka?"

Pinag-isipan niya ang sinabi nito. Ligo? Pampakalma?

"Kakalma ako pag naligo ako?"

Mahinang tumawa si Mitch. "Oo. Maligo ka. Yung may mainit-init na tubig. Yung medyo
matagal. Para pagbalik ni Direk..." tumawa ito nang hindi mapagkakatiwalaan, "-
kalmado ka na."

Pero pagdududahan niya ba ang matalik na kaibigan? Baka nga effective na pampakalma
ang pagligo. Isa pa, may dala naman siyang pamalit na damit.

"Maliligo talaga ako?"

"Oo. Maligo ka. At good luck!"

"Good luck saan?"

Tumawa ito. "Sa paliligo! Enjoy!"

"Okay..." alanganing sabi niya bago nagbaba ng linya.


Binuksan niya ang pinto ng banyo at sumilip sa silid. Walang tao. Lumapit siya sa
bag niya at kinuha ang pamalit na damit. Pagbalik niya sa banyo ay nagsimula siyang
magpuno ng tubig sa kuwadradong bathtub na naroon. Tinimpla niya ang mainit at
malamig na tubig. Nagkawkaw rin siya at natulala habang naghihintay.

Hindi kaya exaggerated lang siya? Baka naman... literal ang tanong ni Goryo at
walang halong malisya, di ba? Baka naman matutulog lang talaga sila at nag-a-assume
lang siya. Napanganga siya at nahintakutan! Assuming siya?! Assuming lang siya?!
Kaya siguro ito natatawa! Kung anu-ano kasing iniisip niya!

Huminga siya ng malalim at naghubad. Kailangan niya talagang kumalma. Nang


naghuhubad na siya ng panloob, napatitig siya sa repleksyon sa malaking salamin na
naroon. Malaki na ang ipinayat niya mula sa dating 77 kilos na timbang pero chubby
pa rin siyang tingnan. At dahil ngayon na lang uli niya nakita ang katawan sa
salamin, nanginig siya nang mapansin ang mapuputing kalmot na nasa balat - sa
tagiliran, sa tiyan niya, at ilan sa dibdib. Nabanggit iyon sa kanya ng bago niyang
gym instructor. Dahil sa pwersahang pagpayat niya sa loob lang ng isang linggo
kasama si Dennis, nagkamarka ang balat niya. It will take some time for her skin to
recover.

'It's ugly.' naisip niya at pumikit ng mariin. Ayaw na niyang makita. Tumalikod
siya at lumublob sa maligamgam na tubig sa tub.

Paglipas ng ilang minuto, nakaidlip siya.

*****

Nagmulat si Tonya sa pakiramdam na parang may nakatingin sa kanya. And sure enough,
nataranta siya at lumubog sa tubig sa tub nang mamulatan si Grey na nakatalungko sa
tagiliran at pinanonood siya. Suminghap siya nang umangat sa tubig.

"Goryo! Nakakagulat ka!" umubo-ubo siya sa nalunok na tubig sa tub. Saka pinagkrus
ang mga braso sa dibdib niya nang maalala ang kahubdan.

Manipis na ang bula sa bathtub, na parang makikita na ang buong kaluluwa ni Tonya
kung hindi niya itatago ang sarili.

Mahinang tumawa si Grey sa reaksyon niya.


"Can I join?"

May wangwang ng alarm sa utak niya. Nagkakagulo sa ligaya, pagkalito at kalandian


ang mga neurons niya. Tumitirik ang isip niya habang kumakabog ang dibdib.

"Ha? May bathtub ka naman sa kwarto mo." katwiran niya.

"Yeah. But you're here."

Nganga.

"And there is still some space for me."

Tulala.

"And... I want to join you."

Laway. Na muntik tumulo.

"Tonya?"

Napakurap-kurap siya. Bakit siya nakaidlip? Bakit hubad pa rin siya sa bathtub nang
dumating ito? At bakit -

"Bakit ka pumasok rito sa banyo? Malandi ka, Goryo!"

"I know." nakangiti lang na sagot nito at naghubad ng suot na kamiseta.

Hinigop niya ang papatulong laway nang masilayan ang muscles, biceps at sikmura
nito. Huminga rin siya nang malalim para makahinga.
"Hindi ka man lang ba magpapaka-gentleman?" naiiyak na tanong niya.

"Ow... I will be gentle with you." tukso nito at hinubad naman ang suot na walking
shorts.

Pumikit siya. Sa isip. Kasi sa reyalidad ay mulat na mulat ang mata niya at
nahipnotismo ng paghuhubad nito.

"You're very lucky. I don't usually do a stripshow."

Lumunok siya ng mga tatlong balde ng laway.

"Hindi ko naman gusto yang ginagawa mo!" namumulang sabi niya.

"Then look away." ngumisi ito, "If you can."

Gusto niyang sabunutan ang sarili. Maharot na lalaki! Alam nitong hindi niya kayang
maglayo ng tingin! Bakit at paano? At para saan? Gusto niyang makita ang kabuuan
nito.

"Shall I take this off?" tanong nitong naglalaro ang kutitap sa mga mata habang
nakahawak sa garter ng briefs.

Umiling siya.

"No?"

Tumango.

"Yes?"

"Hindi ko alam!" sabi niyang itinakip ang dalawang palad sa mga mata.
Nag-echo ang halakhak ni Goryo sa loob ng banyo. At pagkatapos nun, narinig niya
ang paglublob nito sa tubig. Sumilip siya sa siwang ng daliri niya. Nakangisi ito
at nakalublob sa tapat niya.

Tinanggal niya ang pagkakatakip ng palad sa mata at suminghap ng hininga.

"You missed it." sabi nito sa kanya.

Umangil siya at umirap.

"Pinaglalaruan mo ba 'ko, Goryo?!"

Nakangisi ito. "No. Nilalandi kita, Tonya."

Napanganga siya. Tumawa naman ito ng malakas bago nakipagtitigan sa kanya.

"You ran away from me earlier. So, I have to raid you here." seryoso ang tanong
nito, madilim ang mata, "Why did you run and hide?"

"E kasi..." tumungo siya, "Iba yung naisip ko sa tanong mo e. Akala ko, niyayaya mo
akong mag-"

"Sex? Yes. That's what I'm talking about."

Nanigas siya. Bakit ang brutal na nito magsalita? Hindi naman niya tinuruan na
maging ganun ang lalaki, di ba?

"Ibig mong sabihin... ano... bakit... teka..." huminga siya ng malalim, " ...
hala..."

Patlang.
"Is it wrong to want you?"

Napalunok siya uli. Hindi naman yun masama... ang kaso -

"E... hindi mo ba nakikita? Ang taba 'ko."

"I knew that when I confessed, Tonica."

"Pero... ayoko kasing... makita mo ako... na ganito. How would I... be... in bed...
with you?" sabi niya na ang tinutukoy ay ang taba niya. At ang stretch marks. At
ang loose skin na hindi pa humahabol sa pagpayat niya.

Sumeryoso ang mata ni Grey. Lumamlam at malungkot na ngumiti.

"I figured that part out, slowpoke."

Patlang. Napatungo si Tonya. Halatado pala siya mag-isip.

"Come here." sabi ni Grey.

Napatunganga siya rito. Para lumapit sa gawi nito ay kailangan niyang tumayo. At
kung tatayo siya, makikita nito ang lahat ng pangit sa balat at katawan niya - ang
lahat ng gusto niyang itago. It will crush her soul to see her ugliness in his
eyes.

"I want to see you, Tonica."

May hipnotismo ang salita ni Grey. May utos na parang sa hari - hindi niya kayang
suwayin kahit na natatakot siya. Pumikit siya at tumayo. Naninigas siya.

"You're curvy... and I like it." malagkit na sabi nito. Na parang nasa malapit
lang.
Iminulat niya ang isang mata. Nakatayo si Grey sa harap niya at... may ahas!
Malaking ahas na mangangagat!

Lalo siyang natensyon. Bakit hindi na-turn off ang ahas? Pumikit siya at mahigpit
na kumuyom ang kamao.

"We're really an awkward pair." bulong nito at hinawakan ang isang kamay niya, "And
I like that about us, too."

Patuloy siya sa awkward na paninigas at pagpikit ng mariin.

"Relax... I won't bite. Yet." he teased. Iginiya siya ni Grey para tumalikod,
pinasusunod sa kilos nito.

Huminga siya ng malalim bago nagmulat ng mata at pinakiramdaman ang galaw nito.
Bumalik ang lalaki sa paglublob sa tubig habang inalalayan naman siyang lumubog din
at sumandal nang patalikod dito. Kumakalabog ang dibdib niya nang madama ang
katawan nito sa likod niya.

"Hindi ako... pangit?" tanong niyang nakatagilid ang mukha rito.

"You're sexy and pretty, Tonica." bulong nitong yumakap ang bisig sa sikmura niya
at hinalikan siya sa buhok.

"Pero... kailangan ko pang... magpapayat." alanganing sabi niya.

"Yes. That's what you're doing, di ba?"

"And I need -"

"Me." putol nito, "You need me."

Naririnig niya ang tibok ng puso ng lalaki sa likod niya. Nararamdaman niya ang
init ng balat nito sa maligamgam na tubig.
"Bukod sayo. Kailangan ko rin ng ano... moisturizer. Para sa stretch marks.
Tapos..."

"Shh..." he hushed her.

Tumahimik naman siya.

"I'll tell you what you need, slowpoke." sabi nito habang nakalapat ang labi sa
leeg niya, "This..." anito habang animo naglalakad ang daliri sa sikmura niya
pataas at pababa, "- needs my kisses."

Higit niya ang hininga habang nakukumbinse sa sinasabi nito. Parang iyon nga ang
kailangan niya.

"These..." maingat na sumapo ang palad nito sa dibdib niya at sinakop ang puno
niyon, "- need my heat."

Bumigat ang paghinga niya sa pag-atake ng mga sensasyon sa balat at katawan.


Napapikit siya at lalong sumandal sa lalaki. Hindi na gumagana ang utak niya. Kung
ano ang sabihin nito, iyon na lang ang naririnig niya at pinaniniwalaan.

"And this..." bumaba ang palad nito sa pagitan ng hita niya at senswal na dumama,
"- needs me."

Tumango siya rito. Pinabayaan ang kamay nito sa paglalaro at paghaplos sa buong
katawan niya.

"I want you, Tonica."

Tumango siya.

She wanted him, too. Bad.


And automatically, when she faced her side to kiss him, he kissed her hungrily,
too. #

Chapter 30 : Afterglow

A/N : Sabi n'yo wag i-shortcut? Wag i-shortcut???!!! Ayan! Nag-nosebleed ako!
Hahahaha. Maligo kayo pagkatapos nito! Haha. XD

-----

"Delicious." mainit na bulong ni Grey nang sandaling tigilan ang labi ni Tonya. He
bit his own lips while looking at her.

Magkatama ang mata nilang dalawa habang humihingal.

"Still scared?" tanong ng lalaki. He's breathing heavily while holding her face;
his thumb pressing in the middle of her chin.

Nakasandal pa rin ng patagilid si Tonya rito pero dahil may kalakihan ang
kwadradong bathtub, may espasyo para sa paggalaw nila.

Umiling siya bilang sagot. Paano siya matatakot? What he's doing is not just hot -
it's reassuring. It also makes her feel adored. Nawawala sa isip niya ang mahiya o
maramdaman ang sariling kapangitan na pinaniniwalaan niya. If doubts start to
corrupt her mind, she closes her eyes and feel his heated skin rubbing against
hers. Then, right after, she feels wonderful again. Isa pa, mainit at masensasyon
na rin sa pakiramdam niya ang maritmong galaw at tama ng tubig sa katawan nila.
Nakikiliti. Nakakapag-init.

"Ang sarap nga e." malalim ang paghingang sambit niya.

Pinisil ni Grey ang pisngi niya at ngumisi.

"Great." parang may gigil na sabi nito kasabay ng malalim na hugot ng hininga. He
parted her lips using his thumb and kissed her more.

This time, he explores her mouth with intensity. Na naliliyo siya at napapakapit sa
balikat ng lalaki. Nang iwan nito ang labi niya ay bumaba ito sa leeg niya. He
trails her skin with soft bites and kisses down to the balls of her shoulders.
Paulit-ulit at masarap na repetisyon - kiss, bite, lick. Like she is something
delicious.

"Feel me, too."

Sumunod naman siya. She traced the hardness of his back and the firmness of his
side. She touches his chest, his nipples and his abdomen. Umalalay naman ang kamay
nito sa likod niya bago sakupin ng bibig nito ang puno ng dibdib niya. Napaungol
siya at lumiyad. His tongue is hot and it's playing her, taunting her, making her
surrender. Na parang hindi pa siya sumusuko. His other hand plays the wet spot
between her legs.

"Grabe ka... Goryo." sumisinghap na sabi niya.

He lick her more. "Yeah..."

"Talented."

He chuckled silently and kiss her throat to her mouth again.

"Reward me, then." sabi nito at iginiya ang kamay niya sa electric eel na nakatayo
sa tubig.

Lumunok siya sa nararamdamang pagpintig ng nasa kamay niya. Hinagod niya ang haba
niyon sa paraang alam niya. Isinasabay sa ritmo ng daliri ng lalaki sa gitna ng
hita niya. Mangangagat na yun.

"Ang laki. Lalo."

Nagtawa ng mahina si Goryo habang iginigiya siya paharap dito. "Hmm... Is that...
good?"

She's trying to think. Pero puro sensasyon lang ang naipoproseso ng utak niya. Ang
malanding tubig, ang malanding lalaki sa harap niya, at ang electric eel na
nanunukso. Sinapo ni Grey ang magkabilang pigi niya at ibinuka ang hita niya paupo
rito.
"Hindi ko alam." nabibitin ang hininga na sagot niya.

Madilim ang mata ni Grey.

"Let's test, slowpoke." sabi nito at itinulos ang sarili sa kanya kasabay ng pag-
angkin sa dibdib niya.

She arched her back in surrender. Sinapo niya ang batok ni Grey, urging him to play
more with her peaks. Her womb feels full with his eel. Her flesh tightens around
it, squeezing it. He holds her ass firmly, guiding her movements. He rocked her
slowly, then hard, then fast. Kasabay ng papabilis na pag-alon ng tubig sa tub, ng
singhap at ungol at anas nila. Kasabay ng isang milyong sensasyon na ibinibigay
nila sa isa't isa. There are only the two of them in a warm, ecstatic, sensual
world.

"I'm... burst...ing."

"Good girl." anas ni Grey at marahang kinagat ang tuktok ng dibdib niya.

She exploded. After five times more of euphori, he came, too.

"Are you okay?" tanong ni Grey habang hinahaplos ang likod niya.

Magkayakap sila sa tub habang kinakalma ang kapos na paghinga.

Sunod-sunod ang tango niya. Baliw pa ang utak niya sa masarap na pakiramdam. Nasa
balat pa niya ang lahat ng sensasyon. At hindi pa tumitigil ang katawan niya sa
pagdama.

"Grabe ka, Goryo."

She can feel him grinning before kissing her shoulders.


"Let's take a bath, first. Okay?"

Tumango naman siya. Pero -

"Bakit may 'first'? Anong kasunod?" usisa niya at ihiniwalay ang katawan dito.

He's really grinning.

"Let's take a bath first and then properly do it in bed."

Napanganga siya. Nag-react ang katawan at napalunok.

"Hindi pa lahat yun?"

Hinaplos nito ang labi niya.

"I told you before... you don't know what you got yourself into. Sabi mo, alam mo."

More nganga.

"Tara." he teased, "Nang makarami pa."

*****

Alas tres ng madaling-araw. Magkatabi sina Tonya at Grey sa malaking kama. Panay
ang mahinang paghagikgik ng babae habang nakatagilid ito at nakaunan sa braso niya.

"What's funny, slowpoke?" tanong niya rito sa pagitan ng paghaplos at paghalik sa


buhok nito.
"Ikaw. Kawawa 'tong kwarto." sabi nito sa kanya.

Ang tinutukoy nito ay ang mga bumagsak na dekorasyon at lampshade sa sahig, ang
couch na naitulak sa tagiliran at ang tabinging cover at nawawalang mga unan sa
kama.

Napangisi siya. "It's because you tried to run."

"E nakakakiliti kasi nung pangalawa na e." sabi naman nito.

Pinisil niya ang pisngi nito at pumikit. Basically, what happened next started less
hotter than their bathtub experience. He kept on chasing her. Lagi kasi itong
umuurong o nagta-time first dahil tumatayo ang balahibo nito sa buga ng aircon sa
silid at dahil sa kiliti sa tuwing hahawakan niya. Then she called his manhood a
snake, and then, an electric eel on water - that they got into a laughing fit.
Still, they made love for the second time.

"Try to sleep. We have work in the morning." sabi niya at patuloy na hinaplos ang
buhok nito.

She giggled some more. Pagkatapos ay tumingala ito sa kanya.

"Masaya ka ba, Goryo?"

They are looking at each other's eyes.

Masaya? She is happiness he didn't even imagine possible. Akala niya, nawawala na
ang masayang pakiramdam ng pagmamahal at ang lahat ng tensyon pagdating sa edad
niyang iyon. Gaya ng nangyari sa mga magulang niya. He thought, love becomes a
boring experience after some time. Especially to workaholics like him. But she
proved him wrong. With Tonica, every day is happier than their yesterday. Every
inch they crossed as they got closer and in sync with each other is a moment of
bliss. And every kiss, every touch, every making love makes him want her more.

She's a taste insatiable.


"Yeah. You make me happy. And funny. And horny."

Corny kasi talaga siya dati. At old-fashioned.

"Bastos." sabi nito at tumawa.

"I thought I should speak directly to be understood." nakangiting sabi niya.

"Naiintindihan ka na ng mabilis ng mga neurons ko." sabi nito.

He kissed her.

"I'm happy, Tonica."

Nakangiti ito sa kanya. "I'm happy, too."

They close their eyes and sleep.

*****

Kinaumagahan, nagkukumahog silang kumilos. Na-late sila ng gising. Nag-init si Grey


ng pasta habang ihinahanda naman ni Tonya ang kape. Sa kotse, sa pagitan ng
kulitan, phone calls at pagmamaneho ay kumain sila. O mas tamang sabihin na
sinusubuan niya ang lalaking bumabalik sa pagka-direktor ang mukha. Grey the
director is a snob and tight-lipped man. At bawat supladong komento nito sa kausap
sa cellphone ay may kasama namang kindat sa kanya. Na parang nagpapasikat.

"What? Who waited at my office?" tanong nito sa kausap. Na sa dinig niya kanina ay
si Adam.

Dumilim ang mukha nito. Nawala ang kindat.

"Why?"
Nakatanga siya sa lalaki. Matipid itong ngumiti.

"Na-late kami ng gising. And we're not on set today. Sa restaurant ang shoot."

Ang shooting nila ay sa isang kilalang restaurant kasama ang majority ng mga cast.

"No. I will take her with me, dude."

Patlang. At lalong pagkunot ng noo ni Grey.

"Yeah. Makikipag-usap ako. Over lunch." sabi nito. "I have to hang up, dude."

At tinanggal nito ang earpiece.

"Is that a bad call?" tanong niya sa lalaki.

Parang nag-iisip pa na bumaling sa kanya si Goryo. Hindi na naman niya maintindihan


ang nasa mukha nito. Ang tawag niya sa mukhang iyon ay 'unknown'. Matipid itong
ngumiti.

"Yeah. But don't worry about it. It will come around."

Tumango siya. Pakiramdam niya, may kinalaman sa kanya ang tawag na iyon. Pero baka
mali rin siya.

Katahimikan.

"Tell me... have you got any anonymous calls lately?" usisa nito.

"Pa'no mo nalaman?" nasusorpresang sabi niya at namulsa. "May unknown number na


lagi kong namimiss yung tawag. Hindi ko naman itinitext ng 'hu u' kasi sabi mo, di
ba, wag akong magte-text sa mga hindi ko kilala."

"Let me see." anito.

Hinanap niya sa call logs ang numerong laging tumatawag bago iniabot ang cellphone
sa lalaki. Tinitigan nito ang mga numero nang huminto sila sa red lights.
Pagkatapos ay dumilim ang mukha nito.

"You've done the right thing. Tama lang na hindi mo tinext kung sino man yan."
seryosong sabi nito at ibinalik ang cellphone niya.

Tiningnan niyang muli ang call logs. Sobra iyon ng ilang numero. Parang sa
international call.

Tumango-tango siya. "Saka, hindi ko tinext dahil ang daming numbers. Baka overseas
to e. Nagtitipid ako sa load."

Ngumiti ng matipid sa kanya si Goryo. "Delete it."

Ginawa naman niya.

"Good. From now on, don't answer to just any number, okay?"

Tumango siya. Parang importante kasi ang pagkakabilin ni Grey sa kanya. Magkasamang
pag-aalala at lungkot ang nasa mukha nito. Dapat siyang sumunod.

Pero sinimulan siyang kabahan.

Nang makarating sa set ay agad dumiretso sa Assistant Director si Grey. Preparado


na ang posisyon ng mga ilaw at mga camera. Sinisimulan na ring lagyan ng make-up
ang mga cast.

Sinalubong si Tonya nang kakaibang pagtitinginan ng mga tao, lalo na ng mga bagong
artista at ang bulungan ng mga crew. Nawala lang ang tensyon sa tiyan niya nang
lapitan siya nina Boom at Abo.

"Good morning." bati niya sa dalawa.

Natigilan ang dalawang lumapit at tumanga sa kanya.

"May iba, Abo." sabi ni Boom sa katabi.

"Oo. Parang ang ganda mo, Tonya!" sabi naman ni Abo. "Anong nangyari?"

Mahina siyang tumawa. Halata pala.

"Bagong dilig lang." nahihiyang sabi niya.

Natulala ang dalawang bakla at parang kabadong tumawa. Nagkatinginan ang mga ito at
nag-apir.

"Over sa exaggeration yung tainga natin ngayong umaga no? Parang... kung anu-ano
ang naririnig natin!" si Abo.

"Oo. Parang overworked na ata tayo!" si Boom.

"Hindi. Totoo yung sinabi ko." sabi niya sa dalawa para lalong maloka ang mga ito.

Natigilan ang dalawa at napatingin sa kanya. Nilingon naman niya si Grey na


nakatingin din sa gawi niya at kumindat.

Nakita ata ng dalawang bading ang kindat nitp dahil lalong lumaki ang mga mata nito
at parang nababaliw na nagtawa.

"Hindi nga?" si Boom na bumalik sa kanya, "Dilig as in..?"


Tumanga siya. Tama naman ang gamit niya ng phrase, di ba? Dapat ba mas diretso
siya?

"Oo. Sex, ganun."

Nanigas si Abo at Boom.

"Hindi yan sa panaginip?" si Abo.

"Naku, hindi! Sa bathtub ni Grey saka sa kama." humahagikgik na sabi niya.


Iniingatan ang salita at ang lakas ng boses niya.

Patlang. Bago,

"Syet! Pisti! Putang ina!" magkapanabay na sigaw ng dalawang bakla na parang


nagbubuga ng apoy. Parang nagliliyab din sa apoy ang mata ng dalawa habang hawak
siya sa balikat at niyuyugyog.

"Shh..." sabi niyang nasa labi ang hintuturo, "Wag na lang kayong maingay ha?"

"Putang ina, Tonya! Sinong hindi mag-iingay sa watdapak na -" tinakpan ni Boom ang
sariling bibig bago patuloy na nagmura.

Ganun din si Abo.

Natatawa siya sa dalawa.

"Basta wag kayong maingay ha?!" sabi niya sa mga ito at lumakad palapit kay Grey.

Hindi pa siya nakakaabot sa lalaki ay nag-ring ang cellphone niya. Ang Mama niya.

"Hello, Ma?"
"Tonya, umuwi ka ngayon din!" galit ang boses na sabi nito.

"Po? Nasa trabaho ako, Ma."

"Umuwi ka! Hihintayin kita rito! Mag-uusap tayo!" sabi nito at ibinagsak ang
telepono.

Lumapit sa kanya si Grey nang makita ang pag-aalala sa mukha niya.

"Who did you talk to?"

"Si Mama. Pinapauwi ako. Parang galit e."

Bumuntong-hininga si Grey.

"Anong gagawin ko? Magsisimula na yung shooting." tanong niya rito.

"You should go home. Then tell your mother that I will drop by in the evening to
meet her."

Seryoso si Grey habang nakatingin sa mga mata niya.

"Ano bang... meron?" saka siya alanganing ngumiti.

Nag-igting ang panga nito.

"Bad rumors about you. About you, me and Shaun."

Hindi siya nakaimik. Mukhang masamang-masama nga ang balita. Hindi naman magagalit
ang Mama niya nang ganun kung hindi.
"Look at me." sabi ni Grey at kinuwit patingala rito ang mukha niya, "I love you.
Trust me."

Tumango siya. Ngumiti. Lalo siyang kinakabahan sa pag-aalala ni Superman.

"I love you, too." #

Chapter 31 : Rumors

A/N : Happy New Year uli, Abangers! At sorry kung natagalan bago ako naka-update!
Hihi. Pero ito.. I'm back! Hihi. Anyways, kung may curious sa inyo kung sino ang
kamukha at ka-shape ni Tonica sa imagination ko kapag naging sexy na talaga siya at
firm ang katawan, tingin lang po kayo sa media. Kahawig at kasing-charming ni Kate
Upton si Tonica. Hihi. Lalo na run sa movie na The Other Woman. You really should
watch it! Hihi. Happy Reading! <3

-----

"Ano 'to?" tanong ni Mama Korina.

Kumurap ang nakatayo pang si Tonya. Wala pang five minutes nang makarating siya sa
bahay. Wala pang tatlong segundo nang bumungad sa salas. At ni hindi niya pa
nahahabol ang sariling hininga dahil sa nagmamadaling pag-uwi. Pero heto at seryoso
na agad ang Mama niya sa pagtatanong sa kanya habang nakaupo sa sofa na magkakrus
ang kamay sa dibdib. May nakabukang diyaryo sa mesa na malamang na dahilan ng arko
ng kilay nito.

Dyaryo. Na naman.

Nagmamadaling naupo si Tonya sa katapat na sofa at binasa ang nakahaing article.


Malisyoso. Uli. Sinasabi sa artikulo ang isang posibilidad daw na hindi matapos ang
pelikulang isinu-shooting nila dahil sa hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng movie
director na si Gregory Montero at ng leading man na si Shaun Mercache sa set. Na
ang dahilan daw ay isang matabang babae na gumugulo sa working relationship ng
dalawa. Yung cougar.

Pagkatapos, nanlaki ang mata niya nang mapatingin sa stolen shot-type na picture
niya. Katabi iyon ng mga stolen shot din ni Direk at isang larawan ni Shaun. Pero
colored picture ang sa kanya! Na malamang na kinunan nung bagong ayos siya nina
Shane courtesy of Grey. At ang ganda niya! Kaya bakit cougar pa rin ang turing sa
kanya?

"Ipaliwanag mo sa akin kung sino yang Gregory Montero na yan." malamig at may himig
ng disgusto ang boses ng Mama niya.

Napalunok siya at napaisip. Hindi ba at nasa article na nga kung sino si Grey? Pero
baka nalaktawan ng basa ng Mama niya.

"Si Grey po ang direktor nung pelikulang sinu-shooting namin, Ma."

"Alam ko."

Naguluhan siya, "O. Alam n'yo naman pala."

"Tapos? Ano pa? Direktor lang?"

"Alam ko, Ma, nag-e-edit din siya ng mga pelikula. At set designer po minsan."

Hindi natitinag ang kaseryosohan sa mukha ng Mama niya.

"Anong kinalaman niya sayo? Bakit nadadawit siya sa ligawan n'yo ni Shaun?"

"Ki-kinalaman... sa akin... kasi, Ma..." hindi madugtungan ni Tonya ang salita.


Umiikot kasi sa ulo niya ang mabilis na mga pangyayari sa iilang araw na lumipas.
Ang lahat ng landian at kaligayahan na mayroon sila ni Grey habang wala pang clue
ang Mama niya. Naiipit siya sa kilig, pag-aalala at takot na rin.

"Alam kong manliligaw mo si Shaun dahil humarap siya sa akin. Kaya hindi ako
nagtataka kung nadidikit ang pangalan mo sa kanya. Pero itong direktor na
Montero..?" malaki ang mata ni Korina sa pagtatanong bago sumulyap sa picture ni
Grey, " At ang mukha at katawan! Mahabaging langit!"

Sumulyap din siya sa picture ni Grey. Naka-pantalon, hapit na kamiseta at sumbrero


lang ito habang supladong nakatingin sa tagiliran. Pero bakas sa kamiseta ang
namimintog na braso ng lalaki at halatado ang guhit sa sikmura nito. Langit nga!
Alam niya! By experience!

Muntik siyang humagikgik. Kaso, naglilitanya ang Mama niya.

"Walang habas at walang prenong lait ang inaabot mo sa pagkakalink diyan!


Pinagpipiyestahan ka na ngayon! Papatayin ka sigurado sa susunod na mga araw!"

Translation: OA ang Mama niya. Pero may point.

Kailangan niyang subukan na isa-isang sagutin ang mga linya nito at magsabi ng
totoo rito. At ang unang step doon ay kung ilalayo niya ang mata sa picture ni
Grey. Nadi-distract kasi siya kahit na larawan lang iyon ng kasupladuhan nito.

Lumunok siya para maumpisahan ang dapat na ipagtapat, "Mabuti na rin po na masabi
ko na ngayon. Si Shaun po, Ma, ano kasi..." humina ang boses niya, " - binasted ko
na."

Katahimikan. Kasabay ng pag-awang ng bibig ng ina at paglaglag ng isang roller mula


sa buhok nito. Pagkatapos ng tatlong segundo ay,

"At si Direk naman po... Ang ibig kong sabihin, si Grey po... ano, Ma... siya yung
ano... yung boyfriend ko ngayon."

Nalaglag ang panga ng Mama niya. Nalaglag din ang mata nito pabalik sa larawan ni
Grey.

"Tapos... pupunta raw po si Grey mamaya rito, Ma. Para makipag-usap ng personal
sayo. Tungkol... sa amin."

Patlang.

"Si Shaun? Binasted mo si Shaun?" ulit ng ginang na parang lutang at hindi


makapaniwala.

Tumango siya. Naiwan pala ang pandinig ng Mama niya sa una niyang sinabi.
"Bakit? Bakit mo binasted?"

Alanganin siyang napangiti bago, "E... hindi ko po siya mahal e."

Ilang sandaling ngumanga ang kausap niya.

"At yung direktor..?"

"Yun, mahal ko yun, Ma." kinikilig pang sabi niya.

Napatanga sa kanya ang ina bago unti-unting nagdilim ang mukha.

"At dahil mahal mo, nakalimutan mo na ang usapan natin?"

Napatigil siya sa pagngiti at tuwid na tumingin sa ina. Nagsimulang tumakas ang


dugo sa mukha niya.

"Kailan pa naging kayo ng lalaking yun?"

"Nung isang linggo, Ma."

"At kailan mo balak sabihin sa akin?"

"Naging busy lang po kasi. Sasabihin ko naman talaga... kaya lang..."

"Saan ka nagpalipas ng gabi kagabi?"

"Sa... sa bahay niya, Ma."


Bumuntong-hininga ang ginang.

"May nangyari na sa inyo?"

Patlang.

"Tonica!"

"Kagabi lang po."

Patlang.

"Alam mo ba kung ano ang sinasabi sayo ng mga tao ngayon? Lalo na sa internet?
Dahil diyan sa direktor? Dahil diyan kay Shaun?"

Umiling siya. Anong malay niya? Hindi pa siya nakakasilip man lang sa cyberworld
mula nang maging sila ni Grey. Naging busy sila sa shooting. Busy sila sa tanungan
with tape recorder sa opisina nito kapag short breaks o meal breaks. At ang iilang
oras na natitira sa gabi ay itinutulog niya. At gaano naman kaya kasama ang pwedeng
sabihin ng mga tao?

"Malinaw ang usapan natin. Nakiusap ako, di ba? Ang sabi ko, sana, wag kang pumasok
sa magulo at komplikadong pakikipagrelasyon. Wag mong ipain ang sarili mo sa
panglalait ng mga tao. Umiwas ka! Tapos ngayon malalaman-laman ko, nambasted ka ng
artista at nakipagrelasyon sa direktor! Puro mga kilalang tao! Puro mga tinititigan
ng bansa! Ikaw ang napapahiya at pinagsasalitaan ng masama!"

"E, Ma... si Grey..."

"Makipaghiwalay ka! Umiwas ka sa lalaking yan!"

Napatunganga siya. Sobra naman yata yun, di ba? Dahil lang sa tsismis, dapat,
humiwalay siya? Tsismis lang naman yun. Lilipas din. Gaya ng ibang bagay.
Umiling siya. Ngayon pa lang uli siya nagiging masaya. Ang puso niyang durog,
ngayon pa lang uli nagkakapag-asa. Bakit kailangan niyang umiwas dahil sa sasabihin
na naman ng iba?

"Tonya!"

"Ma! Ayoko!"

Nagsukatan sila ng tingin.

"Makipaghiwalay ka." madiin na sabi nito.

"Ayoko po." iling niya, "Hindi naman masama kung may relasyon kami ni Grey. Labas
ang lahat ng tao sa amin. Bakit may sinasabi na naman sila? Wala naman silang
alam."

"Kaya nga marami silang sinasabi! Dahil wala silang alam! At kahit anong malaman
nila... sa tingin mo, makikisimpatya sila sayo? Sa tingin mo, maniniwala sila sayo
na masaya kayo? Na mahal ka ng lalaking yan? Na wala kang ibang kailangan at
hinahangad?"

"Bakit, Ma? Ano bang magiging motibo ko kung sakali? Ano bang... dapat pagdudahan?"
kumuyom ang kamao niya, "Kasi pangit ako? Mataba ako? Kaya hindi pwede? Kaya ako
cougar kahit hindi pa nila ako nakikita sa personal? Ganun ba ang sinasabi nila?"

Magkahinang ang mga mata nila ng ina. Magkalaban. Pinipigilan niya ang maluha
habang may pag-aalala naman sa mukha ang Mama niya. Pero mapapanatag ang isip nito
kapag nakaharap at nakausap si Grey, hindi ba? Kailangan lang nilang mag-usap.

Lumunok siya, "Pupunta si Grey dito mamaya, Ma. Makikipag-usap sayo. Please... wag
kang masyadong mag-alala. Anuman ang sabihin ng mga tao, hindi ko na lang
papansinin."

May nakita siyang pait, sakit at isang hindi mapangalanang ekspresyon na naghahalo
sa mukha ng ina. Hanggang kumuyom ang kamao nito at tuwid na tumingin sa kanya.

"Makikipaghiwalay ka o magre-resign sa trabaho? Pumili ka lang ng isa, Tonya."


matigas ang boses ni Korina sa sinabi bago tumayo.

"Ma naman... kaya ko namang -"

"Pumili ka ng isa!" sigaw nitong nandidilat ang mata. Matapos nitong tumitig sa
kanya ay nagmartsa pabalik sa sariling kwarto at nagbagsak ng pinto.

Ilang minuto nang wala ang Mama niya sa salas ay nakatitig pa rin siya sa article
sa dyaryo. Malisyoso ang mga tao. Matagal na niyang alam yun. Mas marami yata ang
mga taong may alam sabihin at pansinin na pangit kaysa mga taong kayang magtanggol
at magsabi ng mabuti. Ipit ka kapag hindi ka kagandahan, kaseksihan o katalinuhan.
Tanggap na niya na lagi silang may sasabihin. Pero bakit naman kailangang umabot pa
ang makakating dila nila sa pagsira ng relasyon?

Hindi niya rin inaasahan ang tigas at paninindigan ng Mama niya. Kahit naman may
masasamang article tungkol sa kanya, hindi naman yata sapat na dahilan yun para
magalit ng ganun ang ina. Maliban na lang kung isasama niya ang katotohanang
disappointed ito sa hindi niya pagtupad sa usapan. Lalo na, hindi niya man lang
iniharap si Grey dito. Tapos bagong ngawa lang siya kay Hans. At higit sa lahat...
na binasted niya pa talaga si Shaun.

Bagsak ang balikat na bumalik siya sa kwarto at nagkulong.

*****

"What did you say I should do, Tita?" kunot-noong tanong ni Grey kay Ms Violet
Ledesma. Hindi kasi siya sigurado kung tama ang dinig niyang sinabi nito.

Tanghali. Sa halip na kumakain ay nagsadya siya sa opisina ng ina ni Adam para


makipag-usap. Ito ang Executive Producer ng pelikula nila, Presidente ng Talent
Agency ng majority ng cast, at siyang may kontak sa mga sponsors.

"I said you should lie low. Refrain yourself from being seen with your girl while
the issue is hot. Mas makakabuti kung pagpapahingahin mo muna ang girlfriend mo
kaysa nakikita siyang kasama mo sa set.That's the fastest and surest way I know to
kill all these issues and rumors."

Pinag-aralan ni Grey ang mukha at boses ng kausap. Violet stresses every important
word in her speech. Mukhang seryoso ito sa sinasabi sa kanya.
"Isn't that too much precaution?"

Bumuntong-hininga ang babae. Sa patong ng mga newspapers sa table nito ay pumili


ito ng lima at inilatag sa mesa sa harap niya.

"Those newspapers were released within this last two weeks."

Dinampot niya ang mga babasahin at pinasadahan ng tingin. Those were articles about
Shaun. Hindi siya kumibo at sa halip ay tumingin lang kay Violet.

"Malicious news have been storming around Shaun this last month. And I have been in
this business for too long to know what that means." nakatitig sa kanya ang babae,
"Shaun's contract with the network he's been for years is ending. And early this
year, we have announced our intention not to renew it for his own good. He wanted
to rest. And he wanted a change. He's been overexposed and he misses his privacy.
But because he is such a big star in the network, the executives tried to bribe him
with a raise, a hiatus, new programs. But Shaun didn't bend. Right now, they are
recruiting talents from the rival network and at the same time... they are slowly
destroying his career."

Nagtiim ang panga niya sa naririnig. Ang pelikulang ginagawa nila ang huling
pelikulang gagawin ni Shaun sa television at film network na may hawak dito. Pero
wala siyang alam sa kontrata nito o iba pa mang bagay. He hates politics in the
films he loves.

"Show business is a cruel business, Grey. They devoured innocents. They make money
out of stirs, propaganda, and rumors. Now, because Shaun is being stubborn, the
network worry that he will become a threat once he's transferred to one of their
rivals.They are out to destroy him and everything related to him. Before, I talked
him out into courting the girl who is now your girlfriend. He listened to me and
stopped. But now, something like this came out. Because of the girl and your
status, the film you're making is in jeopardy. And that girl is an easy target...
if you know what I mean."

Bumigat ang pakiramdam niya. He has seen the internet news, blog posts, tweets...
and Tonya's name has been all over different sites. People are calling her names
just because she's involved with Shaun and himself.

Nag-iinit na naman ang ulo niya kay Mercache. But he cannot just pin everything on
him. He respects the way he saved Tonica from prying eyes even though he's
stubborn. And right now, they are becoming victims of the old business and politics
in show business; victims of the circumstance around them.

Napahawak siya sa sentido habang nagtitimbang ng gagawin.

"How are they succeeding, Tita?" usisa niya sa mas nakatatandang babae.

"Well... some of our sponsors for the movie backed out. Two of them are major
sponsors. And if bad publicity doesn't stop soon, this movie which is crucial to
building up your portfolio as a director and catapulting your name alongside the
icons, will go down even before its release."

Marahan siyang humugot at nagbuga ng hininga.

"So..?"

Tumingin siya sa pambisig na relo sa halip na sumagot sa kausap. Ang alam niya ay
may Press Conference pa siyang pupuntahan.

"I have to attend to the conference you arranged for me, Tita." aniya at tumayo. "I
have to go."

"Gregory..." nakikiusap ang mata ng babae.

"Tita... I'll think about your suggestion." aniya at akmang tatalikod na ng -

"Your mom called me, too. Hindi mo raw kasi nasasagot ang mga tawag niya."

Napigil siya sa pagtalikod at bumalik ang tingin sa babae.

"And? Ano pong sabi niya?"

"She's visiting. To see you and Portia."


"Does she know about the rumors?"

"That... I don't know. But, she knew about Noreen."

Napaglapat niya ang mga ipin. Inaasahan na niya iyon. She will know about Noreen
and confront him about it. Sooner than later. Pero hindi niya naisip na may
makakasabay pa itong isang gulo na gaya ng hinaharap niya, ng pelikula niya at ng
babaeng mahal niya.

"Thank you for letting me know, Tita."

Tumango lang si Violet at nakipagtitigan uli sa kanya.

"Consider my suggestion, Grey. It's for the girl, too. And for you."

"I'll... think about it." aniya at tuluyang tumalikod.

Refrain himself from being with Tonya? Take her off the job he gave her? Kaya niya
bang gawin iyon kung ganitong iniisip pa nga lang niya, kinaaasaran na niya? #

Chapter 32 : The World's a Judge

A/N: Naiintindihan n'yo na ba ako kung bakit hindi ko ito in-upload during the
holidays? Huhu. Sakitan portion kasi. Anyways, Kapit Lang tayo. :(

-----

Maghahatinggabi. Ni hindi namalayan ni Tonya na hindi siya nakapaghapunan. Ni hindi


niya naalala ang itinakdang pagpunta ni Grey o ang hindi pagkibo ng Mama niya.
Busog na busog kasi siya sa mga nababasa sa internet. At lumipad ang oras nang
hindi niya napansin.

Nasa harap siya ng isang news bits tungkol kay Shaun at sa sarili niya. May larawan
siya run. Nung mukha siyang losyang at bangag na bagong panganak habang nag-
aalmusal sila ng lalaki. Doon pa rin umiikot ang balita. Na cougar siya at idini-
date ni Shaun. Na may nakieksena pang direktor sa kanila.
Showbiz Bits: 'The Shaun Mercache dating a cougar?'

Comments:

Potatogirl: WHAT?! As in WTF? Si Baby Shaun, maloloko sa isang ganyang babae?


Kailangan niya ng salamin!!! OMG!!! HELP!!!

AnniPin: Nakaka-P.I. naman! Mas maganda pa nanay ko sa babaeng yan!!! Shaun!!!


Don't die! Don't go into the light!

MiniMimi: Baka joke lang 'tong balita na 'to. You know. Di ba, may movie sila? Baka
publicity? Isa pa... kung maiinlab si Shaun, e di kay Lauren na lang sana. Bagay
sila.

JoSeRica: Ang haba ng buhok ni cougar, ang sarap sabunutan!!! Hahahaha. Joketime
'tong news!

KeriBugs: Hindi nga? Totoo 'to? #Impossible

Misha: Gwapo nung direktor!!! Hot! Hot! Hot! Swangit yung girl! >_<

HillaryDope: HAHAHAHAHA! The best joke!!!

@potatogirl, hindi lang salamin ang kailangan ni Baby Shaun! Bulag na yata siya!
Kailangan niyang eye donor!!!

@AnniPin, nanay ko rin!

@Misha, yesh!!! Yummy ni Montero!!! *drools*

GhostlyGirl: Wag naman tayong mag-judge. Baka naman na-misunderstood lang yung
cougar at si Shaun. Baka friendly date lang. GF niya si Anisse, di ba?

JellyBugs: Woot! Woot! Magugunaw na ang mundo!

MerryMary: Mabuhay ang Lechon! Cebu Lechon! Bwahahahaha!


Potatogirl: @MiniMimi, wrong publicity kung ganun! Hahaha. Nakakawalang gana manood
ng movie nila kung ganito ka-'pangit' ang taste nilang dalawa! Hahaha!

KrungKrung: Ang sarap ingudngud ni cougar! Nakaka-highblood! Hahahaha. Artista


talaga ang type? Hindi man lang pumili ng ka-level niya?

YumiKorn: Hindi nga? Si Shaun at Direk Gregory??? WEH??? Hahahaha. Dumadami ang
bulag sa mundo!!! Hahahaha. HAHAHAHA. BWAHAHAHAHAHAHAHA. :D

AnniPin: @GhostlyGirl, follow this link! This is a follow-up news regarding Shaun
dating a cougar! Binasted daw!!!

www.TV7Entertainment.com.ph/newsbites/Iamdumped-ShaunMercachenews16000356545790000&
%

@HillaryDope, naka-drugs yata si cougar! Haha. Bilhan nating salamin! Ilan na kaya
anak niyan?

@Krungkrung, KOREK! Grabe!

KoalaBear: Tawa na lang tayo! Hahahaha!!!

GemAndI: Haha! May pag-asa nang magkalablayp ang mga OINK-OINK! HAHAHAHA. XD

Guest: Dumadami ang masasama ang ugali sa mundo! Ni hindi n'yo kilala yung taong
pinagpipiyestahan n'yo rito! Yang mga bibig n'yo, hugasan n'yo!

@potatogirl, magbalat ka ng patatas!

@AnniPin, wala akong pakialam sa itsura ng nanay mo!

@MiniMimi, bakit? Anong problema sa desisyon ni Shaun? Gusto mo, ikaw na lang?

@JoSeRica, ako ang sasabunot sayo!

@KeriBugs: #BusetKa

@Misha: Siguruhin mong maganda ka, ineng. Kawawa ka naman kung mukha kang paa pero
kung makapanglait ka, wagas.

@HillaryDope, wag kang nagda-drugs.

@JellyBugs, Wag kang O.A!!!


@MerryMary, dila mo ang dapat nilelechon.

@KrungKrung, bakit? May karapatan kang magsabi sa kung ano o sino lang ang ka-level
niya? Peyborit mo ampalaya?

@YumiKorn, dumadami ang bruha sa mundo.

@AnniPin, nakakagigil kang bata ka!

Imbes na nag-aabala kayo sa panlalait sa isang taong hindi n'yo kilala, sana nag-
aaral na lang kayo para hindi sayang ang pera ng mga magulang n'yo! GMRC, kailangan
n'yong lahat yun. Kasi, puro yata kayo may toyo at feeling perpekto. Kayo ang
nakaka-highblood! Dios Mio!

Reply to Guest:

HillaryDope: Affected much? Ikaw ba nanay nito ni swangit??? Hahahaha. Excuse


me. I have flat 1 on all my college subjects. And I graduated from a prestigious
school. And... why do you have to be so sensitive??? Totoo namang mataba yung nasa
picture. Totoo namang pangit. Totoo namang hindi sila bagay nung direktor o ni
Shaun. Meaning... ambisyosa siya at ilusyonada! Wag kang bitter!

AnniPin: Anak mo??? Hahahaha.

MiniMimi: Mas bagay kami ni Shaun! >_<

YumiKorn: Hahahaha. May abogado rito!!! Prrrttt... Tawag tayo ng pulis!!!


Bwahahahaha. XD

Potatogirl: Nabalatan na ni Sara lahat ng patatas!!! Hahaha. Isa pa... guest ka


lang, di ba? Uwi ka na! Hindi ka invited dito!!! Hahahaha. XD

Pinindot ni Tonya ang X na nasa tagiliran ng screen. Nawala ang tab kung nasaan ang
balita. Pang-ilang article ba yun na nabasa niya? Lahat ng blog posts, in fairness,
may picture siya. Nasa twitter na rin siya at facebook. Nasa instagram. Pati sa mga
gag sites. Kinuha ang picture niya nung mukha siyang losyang na kasama si Shaun at
itinabi sa picture nung bagong ayos siya ni Shane. May titles: Before and After.
Pero ang mga komento, karamihan ay laban sa kanya at sa pakikipagrelasyon alinman
kina Shaun at Grey. Wala naman daw masyadong ipinagbago Nagsuklay lang siya at
bagong shampoo run sa ikalawa.

Ni wala silang alam sa tabang pinaghirapan niyang tunawin sa pagitan ng pagkuha sa


dalawang picture na yun!

Pero naiintindihan n'ya yun. Hindi kasi siya photogenic. At yung stolen shot na
kuha sa kanya ay talagang nakakapangit. Mali ang anggulo. Nakanguso siya. Kita ang
pamimintog ng taba sa tagiliran at braso. At sabog pa ang buhaghag na buhok niya.
Naiintindihan niyang pangit siya run. Pero bakit ganun? Bakit ganun ang kailangang
sabihin ng mga tao sa kanya?
Bansot na mataba. Matabang ilusyonado. Litsunin. Swangit. Baboy.

Kaya niya namang i-validate ang mga salitang iyon. Maliit lang naman talaga siya sa
height niya kumpara kay Grey. Mataba naman talaga siya. Pwede niyang palampasin
kahit yung mga pinapangit na version ng mga katotohanang mayroon siya. Pero kasi...
may 'hahahaha'. Na minsan, naka-all caps pa. Kahit na binabasa niya lang, parang
naririnig niyang may nagtatawa. Parang nakikita niya kung gaano kapangit sinasabi
ang mga salita. At dumudurog yun sa kakaunting kumpiyansa sa sarili na mayroon
siya. Nakakapangliit at nakakapanghina.

Alanganin siyang ngumiti at tinakluban ng dalawang palad ang mga mata. Mainit ang
luhang bumagsak doon habang nanginginig pati maliliit na himaymay ng laman niya.

Ano bang problema? Kasi yun ang hindi niya maintindihan. Kung walang pakialam sina
Shaun at Grey sa katabaan at kalosyangan niya, bakit mas nakikialam ang mga taong
nakakakita? Bakit mas marami silang sinasabi? Bakit mas malupit sila?

Sa lahat ng tanong sa buhay niya, yun ang hindi niya masagot mula sa pagkabata
niya. Kung bakit ugali ng tao na husgahan ang hindi niya kilala. Na magbigay ng mga
pangit na pangalan sa mga 'tingin nila' ay maling nakikita. Na magbigay ng sukatan
sa kung ano ang nababagay, ang maganda o ang makabuluhan. Na ni hindi inaalam kung
ano ang pinagdadaanan ng iba. Na ni hindi isinasaalang-alang ang damdamin ng iba.

Dahil pangit siya, bansot at mataba, bawal siyang makipagrelasyon sa gwapo. Siya
agad ang may kasalanan. Siya agad ang naghahabol. Siya agad ang ilusyonada. Kung
nambasted siya, makapal na agad ang mukha niya. Kung susunggaban naman niya, wala
siyang kahihiyan.

Pero ano ba kasing tama? Ano ba kasing mali? Ano ba kasing dapat niyang gawin?

Wala naman siyang ginagawang masama. Hindi naman siya nang-aagrabyado. Wala naman
siyang ipinapahamak. Nagmamahal lang siya. At kapag minamahal siya, nagpapasalamat.
Alam niya kung gaano siya kaswerte. Pero bakit kailangang sukatin na yung
makakapareha niya ay malas?

"You're beautiful. People might tell you otherwise - mean people. But don't believe
them. Believe me."
Pinahid niya ang luha sa naalalang sinabi ni Grey.

Si Grey. Hindi niya pa nase-search. Si Shaun pa lang kasi ang na-search niya ay
nabulag na siya sa mga komentong nabasa. Kailangan niya ring makita kung ano ang
damage niya sa reputasyon ni Grey.

Nag-type siya: Gregory Montero news

Isang video ang unang iniluwa ng search results. Mukhang Press Conference.

Pinanood niya.

Nakaupo si Grey kasama ang Executive Producer na si Violet Ledesma at si Boom sa


pahabang mesa.

"Hello, Direk Grey. For the first question, we are curious about the rumors
regarding the quote-unquote 'sour working relationship' between you and your male
lead Shaun Mercache. How true is it?" tanong ng isang lalaking reporter.

Nag-flash ang mga camera habang halos walang emosyon ang mukha ni Grey sa video.

"That's not entirely true. I am just very strict while on set and people might have
misunderstood that between me and Shaun. I think that a lot of actors who worked
with me before could confirm how strict I can be during film production. That's
just it."

"What about the rumors concerning a girl named Tonica Atienza? Na diumano ay
assistant mo at nililigawan ni Shaun?" follow-up ng isang babaeng reporter.

"Let's make it clear, Miss. I have an Assistant Director named Mario Juanero and
Bartolomeo Paras (Boom). Tonica works for me as a separate Assistant. I'm training
her to be an A.D. like Boom. And... just last week, Tonica is officially my
girlfriend."

"Which means that Shaun..?" dugtong ng babaeng reporter.


"He courted her but he stopped. And we talked about it face to face." wala pa ring
emosyon si Grey.

Patuloy ang nakakasilaw na flash at pagrolyo ng mga camera. Nagbulungan naman ang
mga reporter na naroon bago nag-unahan sa pagtatanong. May ibinulong si Violet kay
Grey pero hindi makita sa mukha ng lalaki kung paborable o hindi ang sinabi nito.

"This Tonica... there are rumors that she just came out with a relationship with
Hansen Santiago, the nephew of Makati Mayor Dominic Santiago." simula ng isang
lalaking reporter.

"So?"

"And then, there are rumors that you bought a wardrobe of designer clothes for her
and had her consult with a stylist straight from New York."

Hindi kumikibo si Grey habang patuloy na nagsasalita ang reporter. Bumulong uli si
Violet dito.

"How true is it that this girl is a famewhore and a gold digger who only dates
elite and fortune-worth men?" saka ngumisi ng nakakaloko ang reporter.

"Who uses terms like that to describe her?" madilim ang mukha na tanong ni Grey.

Nagkibit-balikat ang lalaki. Pero sa kilos ng mga reporter na kasama nito sa


kwarto, ang lalaking nagsasalita ang mismong salarin.

"Well?"

"If I wanted to buy her designer clothes, if I wanted to date her, if I wanted her
with me, that's none of anyone's business. Especially reporters. My private life is
mine. Don't mess with it."

"But the girl has talent in hooking good-looking men, don't you think, director? To
think that she looks like a cow and -"
Tumiim ang panga ni Grey, tumayo at bago pa nakakilos ang lahat, lumipad ang kamao
nito sa mukha ng pakialamerong lalaki. Dumugo ang labi ng nasuntok na reporter at
nagmura. Agad na dumalo kay Grey at sa reporter ang ilang lalaki na parang security
sa conference hall. Lumapit din at pumigil sina Boom at Violet.

"You're going down, too!" sabi ng reporter habang naiiling at pinapahid ang dugo sa
tagiliran ng labi.Napapapadyak ito sa inis. "This is the reason why you've been on
the bottom of the list even with your talent! You don't have the patience needed to
tolerate rumors! You're in showbiz, for Pete's sake!"

"I don't tolerate bullshits!" mainit na sabi ni Grey at pumalag sa mga nakahawak sa
kanya.

Lalong nagkagulo ang mga reporters at cameramen. Nakasunod sa bawat kilos ng


direktor.

"This conference is over." sabi nito bago bumaling sa iba pang reporter na naroon,
"Stop writing shits!"

Binaklas nito ang sarili sa security at umalis sa conference na sinusundan nina


Boom at ng Producer.

Halos nakanganga si Tonya nang matapos ang pinanonood. Anong ginawa ni Grey? Bakit
kailangan nitong mapikon ng ganun? Pinahid niya ang luhang pumatak mula sa mga mata
at natutop ang bibig.

Sinipat niya ang wall clock sa sala. 12:15. Nakauwi na marahil ang lalaki sa bahay
nito.

Mabilis siyang nagpunta sa kwarto niya, hiniklat ang bag niya at lumabas ng bahay.

*****
Si Grey ang nagbukas ng gate nang mag-doorbell si Tonya. Sandali silang
nagkatitigan.

Kumunot ang noo ng lalaki at agad na sinapo ang pisngi niya, "Have you been
crying?"

She smiled weakly at him. Masakit ang dibdib niya. Na masaya rin dahil nakita niya
ito. Na nahihirapan ding huminga dahil sa naaalalang video nito.

"I came to..." lumunok siya, "Gusto kitang makita."

Malamlam ang mata ni Grey nang hawakan ang kamay niya at hilahin siya papasok.

Naupo sila ng magkatabi sa sofa sa sala.

"I'm sorry hindi ako nakapunta sa inyo." huminga ito ng malalim, "Maraming nangyari
ngayong araw."

"Alam ko naman, Goryo."

"Ikaw? How's your day? Anong sabi ng Mama mo?"

Lumunok siya para pigilan ang bara sa lalamunan niya na nagpapaiyak sa kanya.

"Nabasa ko yung... mga article sa internet. Pati mga tweets at yung sa facebook."
huminga siya ng malalim, "Pati mga blogs. At mga balita. At mga comments. Pati...
mga videos."

Sinubukan niyang pigilan ang namumuong luha sa mga mata pero nakikita niya sa isip
ang mga pangit na salitang komento ng mga tao. Nakikita niya ang mga lait na nabasa
kanina lang. Halos naririnig niya ang tawa at panglilibak.

Kaya tumulo ang luha niya na mabilis niyang tinakpan ng dalawang palad. Marahan
siyang hinatak ni Grey palapit sa katawan nito at niyakap. Tahimik siyang umiyak.
Malalim naman ang paghinga ng lalaki. Na parang pagod na pagod ito.
"My silly girl... it's for me to see and hide from you. Hindi mo na dapat binasa."

"E.. kasi..."

Hinahaplos nito ang likod niya. Tinatapik. Patuloy naman siyang umiiyak habang
nakasubsob dito. Pagkalipas ng ilang minuto...

"Let me see your face."

Umiling siya. Mainit at masakit ang mata niya. Na ibig sabihin, maaaring namamaga.
Paano niya ipapakita yun?

"Let me see."

"Wag na, Grey. Ayoko."

Hawak sa balikat na ihiniwalay siya ni Grey sa katawan nito. Nakatakip naman ang
palad niya sa mata. Dinampian nito ng maliliit at magagaang halik ang likod ng
palad niya.

"I want to see." si Grey.

Suminghot naman siya at tinanggal ang pagkakatakip ng kamay. Pinag-aralan ng lalaki


ang mukha niya at ngumiti.

"Silly girl..." bulong nito at hawak siya sa magkabilang pisngi ay masuyong


hinalikan ang magkabilang mata niya.

Lalo siyang nasasaktan sa ginagawa nito. Mainit na umagos ang luha niya sa pisngi.

Bumaba ang halik nito sa kung saan dumaloy ang luha niya - sa ilalim ng mata niya,
sa puno ng cheekbones, sa laman sa pisngi, sa tagiliran ng labi, hanggang sa baba
niya.

Nang matapos ay nakatitig sa mga mata niya si Grey. Malambing. At apologetic.

On instinct, their lips met and tasted each other. Maalat dahil sa luha niya. Pero
matamis at mainit.

Niyakap siya uli nito.

"I'm sorry you're hurting, slowpoke. Showbiz is a ridiculous world. But the film I
love is infused with it and at times, I am weak against its ugliness." naramdaman
niya ang tensyon sa katawan nito nang magbuga ng hangin, "I may not know how to
protect you properly. Or wisely." lumunok ito at humigpit ang yakap sa kanya, "But
I will... I will protect you with all my might."

Tumango siya. Hindi rin naman niya alam ang gagawin. Lalo na, dahil hindi niya
hawak ang isip ng mga taong nakatingin sa kanila at nagsasabing hindi sila pwede.

"Let's go to work together tomorrow. And then, let's meet your mother."

Lumayo siya at tiningnan ang mukha ng lalaki. Nakangiti ito sa kanya.

"Hindi ba... mas lalong iingay ang mga tao nun?"

"I don't care about them. So, don't think about them, anymore." sabi nito habang
hinahaplos siya sa braso, "Yes?"

Ngumiti siya at hinalikan ito sa labi. #

Chapter 33 : To protect you

A/N : Chapters 34 and 35 will be uploaded tomorrow. Hanggang Chapter 40 lang po ang
Late Bloomer ayon sa huli kong plotting. So.. the End is Near. Hihi. :)

-----
Malalim na ang paghinga ni Tonya ay hinahaplos pa rin ni Grey ang buhok nito. Nasa
bisig niya ang babae. At hindi pa siya makatulog.

What he's thinking is opposite to lying low. Opposite to restraining himself from
being with her. Dahil wala namang mali kung magkasama sila. She is his girlfriend.
At kahit na maraming sinasabi ang mga tao laban dito o laban sa kanila, wala siyang
pakialam.

He knows that showbiz is an invasive business. But his life is his own. Especially
his private life. Kung hindi iyon igagalang ng ibang tao, he has no choice but to
sue. Pero si Tonya...

Niyakap niya ng mahigpit ang babae. She's fragile. And he knows she's insecure. All
her life, she's fighting against being eaten up by people and her own insecurities.
For media and spectators to judge her, just because she's related to Shaun and
himself, is too cruel. And now he's pissed at himself because even though he's in
the business for too long, he's clueless in how to properly protect her. His sanity
is clouded. His temper always on the edge. He feels incapable. He wants to hide her
in his arms and wake her up when rumors are over. Pero hindi naman iyon ganun
kadali.

"Grey?" halos pabulong na tawag ni Tonya.

Naalimpungatan yata ang babae at ngayon ay masuyong nakatingala sa kanya.

"Hm? Why are you awake?"

"Ikaw nga rin e. Hindi ka makatulog? Masakit ang kamay mo?" tanong nito.

"Yeah. Hindi ako makatulog. But... what about my hand?"

Ngumiti ito habang napapapikit, "Parang ang lakas kasi ng pagkakasuntok mo run sa
pakialamerong reporter sa video."

Hinalikan niya ito sa noo. "My hand is okay, slowpoke."


"Hm... talaga?"

Nakapikit na ito. Inaagaw ng pagtulog.

"Yeah."

Inabot nito ang kanang kamay niya sa tagiliran nito at hinilot-hilot.

"Iki-kiss ko... yung kamay mo." anito at ngumuso. Saka ito gumawa ng tunog na
parang halik. As if, she's really kissing his hand like she said she would.

Dinampian niya ng halik ang labi nito.

"I'm okay."

"Hm... don't punch them anymore. You'll hurt... your hand..." papahina ang tinig na
sabi nito.

"I can't promise."

"Goryo..."

Patlang.

"Hm?"

Mas mahabang patlang.

"Love... you."

Niyakap niya ito ng mahigpit. He's not good with words. And he wanted so much to
tell her about a lot of things. He wanted to tell her in all ways possible so she
would really understand that now... she's all that matters to him.

*****

Tahimik sa set nang dumating sina Tonya at Grey. Mababa ang moral ng mga tao. At
agad na tinawag si Grey sa loob ng opisina nito. Naroon daw ang mga Producers at si
Shaun. Emergency meeting. Dahil hindi siya pwedeng maki-meeting, hinila siya nila
Boom at Abo sa staff room.

"Ateng, okay ka lang ba?" usisa ni Boom sa kanya.

Tumango siya. "Okay naman. Ano bang nangyayari? Bakit parang namatayan ang crew?"

Nagkatinginan sina Boom at Abo. Nagsikuhan.

"E, ateng... may chismax kasi na ikakansel na ang shooting. Nagba-back out ang mga
sponsors natin e. Kaya ayun... masama ang loob ng ilang crew. Alam mo na... magpa-
Pasko. Mahirap mawalan ng datung." si Abo ang sumagot.

Hindi siya nakaimik. Ganun ba kalala ang epekto ng tsismis sa showbiz? Parang
tsunami na kapag sumalpok, wipe out lahat ng mga madadaanan?

"E, ikaw? Okay ka ba? Okay ba si Mamu?" si Boom pa rin.

"Si Mama?" takang tanong niya. Bakit nasingit ang ina niya sa usapan?

Nagkatinginan uli ang dalawa.

"E... may video sa internet kahapon pa. May reporter na nag-ambush interview kay
Mamu. Itinanong yung tungkol sa dating jowa mo na si Hans. At tungkol kay Shaun at
Direk. Hindi mo pa nakita?"
Umiling siya. Namutla at nanlamig ang kamay. Wala siyang malay doon. Iyon ba ang
dahilan kung kaya ganun na lang katigas ang Mama niya sa pagbabawal sa kanya nang
mag-usap sila kahapon?

Hinampas naman ni Abo si Boom, "Daldalera ka, bakla!" saka ito bumaling kay Tonya,
"Wag mo nang isipin, ti. Hindi naman naipalabas sa TV yun kasi nga, harassment."

Harassment. Lalong nagsisikip ang dibdib ni Tonya. Anong harassment ang tinutukoy
ng mga ito?

"Anong nangyari? Nakasagot ba ng maayos si Mama?"

Nakatingin sa kanya ang dalawa na parang naninimbang bago bumuntong-hininga.

"Sandali. Ikaw na lang ang manood. Baka nasa internet pa." sabi ni Abo at nag-
search sa touchscreen phone nito. Nang makita nito ang hinahanap ay iniabot sa
kanya ang cellphone.

Sandamakmak ang Unlike ng video.

Umaga. Naka-rollers pa ang Mama niya sa video. Kalalabas lang nito galing sa
grocery store habang tulak-tulak ang isang malaking cart ng pinamili. Agad itong
nilapitan ng isang nagmamadaling reporter.

"Kayo po si Mrs. Korina Atienza?"

"Oo, ako." sagot ng Mama niya bago napansin ang camera, "Teka, ano yan? Bakit ka
may camera?"

"Maam, Josephine Arela po. Reporter po sa TV 7. May itatanong lang po ako sa inyo
tungkol kay Ms Tonica Atienza."

Umiwas ang Mama niya sa camera at mabilis na naglakad sa tagiliran ng grocery store
para mag-abang ng taxi.
"Hindi ako nagpapa-interview. Pasensiya na." anitong pumapara sana ng taxi pero
walang humihinto, "At hindi ba bawal yang ginagawa ninyo? Wala pa kayong pahintulot
sa interviewee, kumukuha na agad kayo?"

Pero parang walang narinig ang babae at nagpatuloy sa pagtatanong.

"Maam, kaunting tanong lang naman po. Totoo po bang matagal nakarelasyon ng anak
ninyong si Tonica ang pamangkin ng Mayor na si Hansen Santiago?"

"Aba't! Miss, wag kang mapilit!" hinawakan nito ang camera at ipinaling paharap sa
kalye, "Wag mo 'kong kunan!"

"Totoo rin po ba na nililigawan ni Shaun Mercache ngayon ang anak ninyo kahit na
karelasyon na ito ng isang direktor?" patuloy ng babae.

Panay ang paling ng Mama niya sa camera. Panay ang tago at iwas nito sa mukha.
Habang nagpapara ng mga taxi. Pero mukhang wala pang tumitigil.

"Wag n'yo sabi akong kuhaan! Anak ng! Harassment yang ginagawa n'yo a! Gusto n'yo
bang idemanda ko kayo?" mataray na sita ng ina.

"Maam, pakisagot lang po. Para po malinawan ang mga tao sa isyung kinasasangkutan
ng anak n'yo."

"Ano?!" highblood na ang Mama niya base sa pamumula ng mukha nito. Humarap ito sa
camera, "Walang isyung kinasasangkutan ang anak ko! Kayo ang gumagawa ng isyu dahil
pinapalaki ninyo ang panliligaw ni Shaun sa kanya! E ano naman ngayon kung naging
boyfriend niya si Hansen at manliligaw niya si Shaun? Ano naman ngayon kung may
boyfriend siyang direktor? Anong pakialam n'yo run?"

May tumigil na taxi. Bumaba ang driver at inilagay ang mga pinamili ng Mama niya sa
loob. Habang nagbubukas ng pinto ay naglilitanya pa rin ang ginang.

"Wala kayong karapatang pakialaman ang buhay ng anak ko at husgahan siya! Hindi
n'yo siya kilala! Mabait ang anak ko! At marami pang ibang artista! Iyon ang
pagpiyestahan n'yo!"
Saka ito sumakay sa taxi at ibinagsak ang pinto.

Doon na naputol ang video.

Nanginginig siya nang ibalik ang cellphone kay Abo. Hindi niya alam na nangyari
iyon sa ina. Hindi man lang niya inalam. Paano siyang naging mabait gaya ng sabi
nito? At kahit na pinagsabihan na siya kahapon, kagabi ay sa bahay pa siya ni Grey
natulog.

Tumulo ang luha niya. Nataranta naman sina Abo at Boom sa kanya. Tinakpan niya ng
palad ang mata.

"Ateng! Naku! Ikaw kasi Abo!" narinig niyang sita ni Boom sa kaibigan.

"Ikaw nagsimula!" sabi ni Abo at hinagod ang likod niya.

Patuloy sa pag-alo sa kanya ang dalawa. Pero hindi nawawala ang panlalamig niya.
Naguguluhan siya sa kinasasangkutan. Naguguluhan siya kung ano ang kasalanan niya.

Hanggang gaano ba kalupit magtrato ang mga tao?

*****

"What?!" napatayong sigaw ni Grey sa narinig.

Nasa loob siya ng opisina kausap ang Executive Producer na si Violet Ledesma at ang
mga co-Producers na sina Evan at Adam. Naroon din si Shaun at ang manager nito na
si Tita Renee.

"You heard me right, Grey." matigas ang tinig ni Violet. "Things are quickly
escalating! If Adam and I haven't intercepted that ridiculous sex video, it would
be on the news right now."
"Sex video? What the fuck is that?" galit na sabi niya.

"I checked it, man. It's not Tonica. But the girl in the vid looked a lot like her
and you know how people react to this. Though there will be reasonable spectators,
there are still a lot who will maliciously and non-sensibly side into believing
that the video is of Tonica. Majority of Shaun's fans want to devour her." si Adam.

May tensyon sa buong silid dahil sa pinag-uusapan nila.

"And not just that! There are hardcore fans who are checking on her. Minamalisyahan
nila ang ex-boyfriend niyang pamangkin ng Mayor. They are also malicious about your
relationship since after Hans, it only took her three months before going out with
you! The point is, she's a breadwinner when she's with Hans and Hans is rich! And
after she's unemployed, she quickly landed a job as your assistant. And you and
Shaun are..." sinadyang ibitin ng babae ang mga salita.

Napailing-iling siya. If people could be as creative in connecting malicious dots,


they should have been writers. Ang kaso, mukhang mas maraming tao ang mahilig
gumawa ng mga kwentong walang saysay. So, it is also a relief that they are not.

"Kinausap ko ang mga kakilala ko sa Press para hindi sila maglabas ng balita
tungkol sa video. Since, it's not true and clearly, ridiculous. But advertisers are
backing out on our film." umiiling na dagdag ni Evan.

"And the Executives from Royal Films are disappointed. They want the shooting
cancelled. They fear the rumors escalating into doom proportions and don't want to
risk." si Violet, "It didn't help that you punched a reporter from the Press
Conference yesterday. Some of the Press are sour against you."

Napaupo siya habang kuyom ang kamao. Wala siyang pakialam doon. Kung mauulit ang
nangyari ay papuputukin niya uli ang nguso ng reporter na iyon.

"But you did good in punching that guy in the face. I wanted to punch him, too."
singit ni Shaun na nakatingin sa kanya.

Tumango rin sina Adam at Evan bilang pagsang-ayon.

"My God, you're all boys!" highblood na sabi ni Violet.


Napangisi lang sina Adam at Evan sa sinabi ng ginang habang seryoso pa rin sila ni
Shaun.

"Ma, do you think things will stop if I just sign another contract from TV 7? Like
they wanted?" tanong ni Shaun sa babae. Sanay na itong tawaging 'Mama' ang ina ni
Adam.

Nagsalubong ang kilay ni Violet. "That will make things easy but... you don't want
it. You made it a point that you don't want an extension of contract."

"At bakit pa?" singit ni Tita Renee, "Sobra ang pangungumbinse mo sa amin ni
Violeta before, di ba, darling? Nananabang na rin sayo ang ilang Executives dahil
sa ilang ulit mong pambabasted sa panliligaw nila ng extension. Ngayong marami nang
pangit na tsismis tungkol sayo, malamang na... hindi ka na rin nila tanggapin."

Natahimik sa silid. Bumuntong-hininga sina Shaun at Grey.

"Man, I respect you for what you want to do. Alam kong gusto mong protektahan si
Tonya. But stick with your plan. We will find another way out of this." seryosong
sabi ni Goryo kay Shaun.

"You better protect her properly, Grey. Or I will punch you in the face." sabi ng
lalaki sa kanya.

"You drag her into this, Shaun. So if she gets more harassment, I will punch you in
the face." malamig na buwelta niya.

Nagkatinginan silang dalawa. Mainit pa rin ang ulo niya sa lalaki. Pero alam nila
pareho na nagkakaintindihan na sila sa isang bagay - sa pagprotekta kay Tonya.

"What's the plan now?" usisa ni Grey. Alam niyang importante ang sasabihin sa kanya
ng mga ito kaya kinuyog siya at hinintay sa sariling opisina.

"I almost begged with Royal just for the film to continue. But Grey..." nakapako sa
kanya ang tingin ni Violet, "You have to stay away from Tonya for a few days. Pull
her out of the crew. Make her rest. Hangga't nakikita kayo ng mga tao, kaya nilang
gumawa ng isyu." saka ito bumaling kay Shaun, "And you stay away from her, too."
Natahimik sila.

"I want you to promise, Grey. Alam kong sa bahay mo natulog si Tonya kagabi."
patuloy ni Violet.

"What?!" magkakasabay na tanong nina Adam, Evan at Shaun. Pero pinakaasar ang mukha
ni Shaun.

"Tita..."

"Say yes, Grey." si Violet.

Paano niya susundin ang 'a few days' na sinasabi nito? In a week, the crew will be
fying to Palawan to shoot. At sa mga kasunod na buwan ay naka-schedule sila sa
Tagaytay at sa Baguio. Kung patitigilin niya si Tonya bilang assistant niya,
matagal silang hindi magkikita. Three months? Four months at least?

"I can't do that, Tita. Tonya is -"

"Magre-resign na po ako." singit ng isang boses.

Napalingon silang lahat sa bumukas na pinto. Nakatayo roon si Tonya. Nakangiti ito
pero hindi maitatago ang pamumula ng mga mata.

"Tonya." halos pabulong na sabi niya at lumapit dito, "Are you crying again?"

Nakatingala sa kanya ang babae, "E.. okay lang ako. May... ipinanood lang sa akin
sila Abo at Boom na nakakaiyak na video. Ayun tuloy..." tumulo ang luha nito na
agad ding pinahid, "Wag kang mag-alala sa akin."

Humarap sila sa mga kausap. Maliit ang kaway ni Tonya sa bawat isa.
"Hello po." sabi nito bago tumikhim, "Madam, magre-resign po ako. Wag kayong mag-
alala."

"Tonica..." pigil niya sa sinasabi ng babae, "Hindi mo kailangang gawin yun."

"Kailangan." nakangiti na sabi ni Tonya sa kanya, "Kasi... ang lakas ng boses mo


kanina. Tapos, ayun, nakinig ako sa usapan n'yo. Sorry."

Tahimik pa rin ang lahat.

"I'm sorry, Tonica." mahinang sabi ni Violet dito, "But... you've made a very wise
decision for everyone."

Tumango si Tonya bago tumingin sa lahat, "Sorry rin. Paborito kasi talaga 'kong
ipulutan ng mga tao. Nadadamay pa tuloy ang pelikula."

"No, Tonica. It's my fault. Ikaw ang nadamay 'ko." sabi ni Shaun na parang gustong
lumapit sa girlfriend niya pero hindi ginawa.

"And this business is just crazy, that's all." nagkibit-balikat naman na dugtong ni
Adam.

"This is not your fault." sabi pa ni Evan.

Nakangiti lang si Tonya bago bumaling sa kanya, "Goryo... okay lang yun. Magre-
resign lang naman ako bilang assistant. Boyfriend pa rin kita. Di ba?"

"I don't want you to do this." madiing sabi niya.

"Pero gusto ko 'tong gawin. Kasi mahal mo rin ang pelikula. At ayokong mamili ka.
Kasi... hindi naman makakaapela ang pelikula para piliin mo siya. Ako, pwedeng
umapela." mahina itong tumawa, "And even your friends want to protect me. Sobra-
sobra na yun. Gagawin ko naman yung maitutulong ko. Para sayo."

Nagkabikig sa lalamunan niya. Wala ba siyang ibang pwedeng magawa? Ayaw niyang wala
sa tabi niya ang babae. Para kung iiyak man ito dahil sa lait ng mundo, nandun
naman siya. He will be available to soothe her and dry her tears. Papalitan niya ng
pagmamahal lahat ng sakit na mararamdaman nito. But -

"Alam kong iniisip mo. Pero Goryo, malaki na 'ko. This time, if you want to protect
me, we have to be apart." hinawakan nito ang pisngi niya, "Wag masyadong
temperamental. And... I want to protect you, too and the movie you love. So... let
me."

Niyakap niya ito ng mahigpit. Naiangat na nga yata niya ang babae.

"I'm sorry." bulong niya.

"Sorry dahil mahal kita?" bulong nito, "Hindi mo dapat ipag-sorry yun."

"God, I love you." sabi niya rito.

"Alam ko."

Nang bitawan niya ito ay walang pakialam na hinalikan niya si Tonya. #

Chapter 34 : To love you better

A/N : Kapit lang kayo, Abangers. :)

-----

"Tonya, okay ka lang?"

Napangiti si Tonya sa nag-aalalang tanong ni Mitch sa kanya habang kausap ito sa


cellphone.

"Okay naman ako, Mitch. Nandito ako sa bahay ni Grey ngayon. Pero nagluluto siya
para sa akin e. Nagpapa-cute." aniya at sinulyapan ang lalaking abala sa harap ng
kawali sa kalan.

Humahalimuyak ang mabangong amoy ng pagkaing iniluluto. At dahil loyal siya sa diet
na sinusunod (na ibig sabihin lagi siyang gutom), nakakapaglaway ang naaamoy niya.
Lumingon si Goryo nang marinig ang pangalan at ngumiti sa kanya.

Alas onse pa lang ng gabi pero nakauwi na sila sa bahay nito. Maagang natapos ang
shooting sa kabila ng mababa at hindi paborableng atmospera sa set. At iniyakan na
rin ng crew ang resignation niya.

"Napanood ko yung interview ni Direk sa balita dahil sayo. At yung sapak niya
talaga sa reporter a! With feelings!" natatawang sabi ni Mitch, "Si Direk...",
nahihimigan niyang nakangiti ang kausap, "- mahal ka niya talaga. Hindi gaya ng
talipandas na magnanakaw na Hans na yan a!"

"Oo, Mitch. Ramdam ko yang sinasabi mo." sang-ayon niya at masuyong sumulyap kay
Grey, "Tagos sa puso. Pati sa buto."

Sandali silang natahimik dahil pinanonood niya ang bawat kilos ng lalaki.
Kinakabisado niya ang imahe ng likod nito at bawat paggalaw habang ipinaghahanda
siya ng pagkain. Alam niya kasing matagal-tagal din bago mauulit ang ganitong
pagkakataon.

"Pero... kahit O.A ang mga balita, okay ka lang talaga?" si Mitch.

"Oo. Okay ako. Wag ka nang mag-alala diyan."

Bumuntong-hininga ang kausap.

"Kung kailan mong magtago muna a. Libre 'tong compound namin para sayo. Libre 'tong
bahay ko. Palalayasin ko si Rick sa kama namin at tayo ang magtatabi!"

Mahina siyang tumawa, "Kawawa si Rick! Wag mo siyang palalayasin, Mitch."

"Basta magsabi ka sa akin kapag kailangan mo ako. Sa akin ka pupunta ha."

"Salamat. Ikaw ang unang makakaalam kapag hindi ko na kaya. At pag magtatago ako,
siyempre sayo ako pupunta."
"Promise yan ha?" sabi pa ng kaibigan.

"Oo naman. Ikaw pa! Ikaw lang naman ang nag-iisa kong best friend."

"Sabi mo yan ha! At friend... magpakatatag ka! Kaya mo yan! Ipagtatanggol kita sa
mga bashers mo!"

Kinagat niya ang pang-ibabang labi para hindi maluha, "Salamat."

Nang ibaba niya ang cellphone ay tapos na rin magluto si Grey ng garlic beef at
honey glazed chicken. Inilapag nito sa mesa sa harap niya ang dalawang putahe na
maayos na nakaplato. Na para bang sa restaurant iyon nakahain. Pagkatapos ay naupo
ito sa katapat na upuan at sinalinan ang wineglass nila ng nakahandang red wine.

"Wow! Beef! At chicken!" excited na sabi niya sa lalaki bago, "Hindi 'to pwede sa
diet ko. At hindi na ako dapat kumakain ngayon."

Nawala ang ngiti ni Goryo.

"Eat up. Ipapawis mo rin yan mamaya. Sisiguraduhin ko." supladong sabi nito.

Napakurap siya. Iniisip ang kahulugan ng sinabi nito.

"Ano? Bakit ko -" kusa siyang naputol sa pagsasalita at, "Hala! Bastos ka, Goryo!
Nasa harap tayo ng pagkain!"

Nagtawa ang lalaki. "Pa'no akong magiging bastos? Wala pa akong ginagawa sayo." at
ibinitin nito ang salita saka, "Mamaya pa."

Nakaawang ang labi niya sa mahalay na sinasabi nito habang namumula ang pisngi.
Lalo naman itong tumawa. At kumindat pa!

"Eat, Tonica." sabi nitong nakangiti, "Tell me if I'm a good cook."


Inirapan niya ang paglalandi nito bago kinuha ang tinidor at tinusok ang karne ng
baka. Isinubo niya at nilasahan. Bakit ang sarap magluto ng lalaking ito?
Naengganyo tuloy siyang sumubo pa.

"Is it good?" tanong nito habang pinupunasan ng table napkin ang sarsa sa tagiliran
ng labi niya.

Tumango-tango siya. Actually, kailangan niya ng rice. Pero bawal na sa kanya sa


ganoong oras ang kanin.

"Taste this, next." sabi nito at tinusok naman ang karne ng manok. Inilapit nito sa
labi niya ang pagkain.

Walang reklamo siyang sumubo. Napatango-tango uli. Malambot, malinamnam at malasa


ang manok!

"Good?"

Tango lang uli ang sagot niya. Inulit nito ang pagsusubo at panonood sa pagnguya
niya nang hindi niya namamalayan. Nang maubo siya ay tubig naman ang iniabot nito.
Paminsan-minsan ay ang red wine.

Limang minuto na ang lumilipas ay wala pa rin siyang napapansin. Masuyo lang siyang
pinanonood ni Grey sa pagkain niya. At ang concern niya -

Pati ang red wine masarap! Napasilip siya sa label ng bote ng wine. Tinandaan.
Karamihan kasi ng nainom niyang red wine ay maasim at hindi tanggap ng dila niya
ang lasa. Ang masarap na red wine na huli niyang nalasahan ay iyong dala ni Hans
noong fourth year anniversary nila.

"The wine's good, too?" tanong pa ni Goryo.

Tango. Pinaiikot niya sa bibig ang lasa ng alak. Manamis-namis na mapait na maasim.
Pero masarap. Lumunok siya at napangiti.
Mukhang nawiwili namang manood si Grey sa kanya. At nang dumukwang ito ay wala
siyang clue sa kung ano ang kasunod nitong gagawin. Hinawakan siya nito sa batok at
walang paalam na inangkin ang labi niya! He deliciously nibbled and suck on her
lower lip. Hindi siya pumalag. At wala ring balak na pumalag. Sanay na siyang
biglain ni Goryo. Ang unang kilos niya ay tumanggap ng halik. Ang ikalawa ay
magbalik ng halik. At ang ikatlo ay... manlambot na parang gelatin ang mga buto
niya.

"That..." bulong nitong malapit ang mukha sa kanya at hindi pa rin binibitawan ang
pagkakahawak sa batok niya, "- is good, too?"

Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Nalasing yata siyang bigla dahil sa halik nito.
Katumbas ng isandaang bote ng masarap na red wine ang halik ni Goryo!

"Oo. Talented ka e." mahina ang tawa na sabi niya.

Ikiniskis ni Grey ang ilong nito sa ilong niya bago mahina ring natawa.

"Remind me that you are still eating." anito bago umayos ng upo.

Pasimple niyang sinimsim ang lower lip para namnamin ang halik ni Goryo. Masarap
din kasi e. Saka siya sumubo uli ng manok at nagtanong.

"Bakit?"

Ngiti lang ang isinagot nito sa kanya at sumimsim ng red wine.

*****

Sa salas nila itinuloy ang pag-inom ng red wine at kagatan ng lips. Nakaupo si Grey
sa sulok ng sofa at kahit na ayaw niya sana, walang palag na nakakandong si Tonya.
Nakasandal siya sa arm rest ng upuan kung saan nakapatong ang kamay ni Grey habang
nakasanday ang dalawang paa niya sa kandungan nito. Asul ang mahinang ilaw sa sala.
Mahina ring tumutugtog ang isang classic piano piece.
"Kumusta si Portia?" tanong ni Tonya para basagin ang katahimikan.

Nakatingin sa kanya si Grey na umiinom ng red wine, "Tumawag sa akin kanina.


Pinapagalitan ako habang umiiyak. Hindi pa ba nagtetext sayo?"

Ibinaba ni Tonya ang wineglass sa kalapit na side table. "Nagtext. Nag-sorry.


Tapos, nag-send ng motivational quotes. Pero wala namang histerya."

"She worries about you. Baka nahihiya lang na umiyak sayo. She loves you."

Nakangiti siya. Alam naman niya ang bagay na iyon. Nararamdaman niya sa pagpapasuyo
at pagdikit ni Portia. Para na rin niyang nakababatang kapatid ang babae.

"The crew... though they tried to act normal earlier, loves you, too. They will
miss you."

Ramdam niya rin iyon. Kahit na sila Abo at Boom lang ang kinatawan ng histerya
kanina at ngumawa nang i-announce nila ang resignation niya, lahat naman ay
nakiyakap. Nakisimpatya.

"Tomorrow, you're not a part of my crew."

Patlang. Mahaba. May kasamang lungkot. Na lalo pang dinadagdagan ng malungkot na


instrumental ng piano.

"Two days from now... we will be flying to Palawan. Without you."

Patlang. Na may kasamang tensyon sa katawan ni Grey at pagpisil nito sa braso niya.

"And I will be without you for three to four months, at least." mabigat ang
buntong-hininga ng lalaki bago malungkot na tumingin sa kanya, "And that's all the
time I will miss you."
Hindi niya alam ang sasabihin. Maliban sa -

"Mami-miss din kita, Goryo. At ang Palawan, Tagaytay at Baguio. At Bohol pa pala.
Akala ko... makakapunta na 'run."

Ngumiti ito at pinisil ang pisngi niya.

"When everything's over and the film is released, I will take you to all those
places. Pati sa Enchanted Kingdom at sa Rizal Park. Just me and you."

"Hihintayin ko yan." sabi niya ritong nadadamay sa lungkot ng boses nito.

Patlang. Buntong-hininga. At mga tinginang hindi nila matigilan. Nakapagkit ang


mata nila sa isa't isa. Takot kumurap.

"I want... moments like this. More of this." marahang sabi ni Grey sa kanya, "You
know what? Before, whenever I get weary, I want a private place and time for
myself. A place only just for me."

Mataman siyang nakikinig sa lalaki. Sinusundang mabuti ang bawat salita nito.
Tinatandaan.

"But meeting you changes that. Seeing you get hurt like this... get attacked like
this... makes me want a place only for us. A moment just for us. Just like this.
The lights are low. The sound is low. And I am here alone with you with no one
watching." namula at kumintab sa namumuong luha ang mata ni Goryo, "I'm sorry this
has to happen to you. And I'm sorry I don't have enough power to protect you
better. Or to show you I could love you better."

Nagkaroon ng bara sa lalamunan niya na mahirap lunukin. Pero pinilit niyang ngumiti
at sawayin ang malungkot na isipin ng lalaki.

"Gregory... alam mo ba kung anong sinabi ng Tatay ko tungkol sa pagmamahal?"

Hindi umimik si Grey pero nanatiling nakatingin sa kanya. Humahaplos sa braso niya
na para siyang inaalo.
"Sabi niya... love must be absolute." sabi ni Tonya na nakangiti at umaalala,
"Tinanong ko siya nun. Sabi ko... pag absolute, di ba ano yun... complete. Total.
Parang walang kawala. Buong-buo. Sabi ko sa kanya, kapag ganun ako nagmahal, parang
wala na akong ititira nun sa sarili ko. Sabi ko... paano naman ako? Pag walang
natira sa akin, wala na ako." lumunok siya sa pag-alala sa ama, "Tapos sabi niya,
technically raw kasi, hindi ko naman talaga kailangang isipin ang sarili ko. Kasi,
kapag nakita ko na yung tamang tao na para sa akin, tatama yung love is absolute.
Sabi... sa tamang tao, if I will love someone absolutely and watch his back, that
someone, will also love me absolutely and watch my back. Kaya walang mawawala. Iba
lang yung mag-iisip para sa akin. Iba yung magbabantay ng para sa akin. Ganun daw
yun."

Patlang.

"Pero ha... Hindi naman kita... pini-pressure na dapat ikaw na talaga yung the
right one na yun. Pero di ba, tama yung tatay ko. I watch your back. And you watch
mine. Kaya... masaya ako." pumatak ang luha niya, "Yang luha ko, tears of joy yan.
Kasi nakilala kita. Ang gwapo mo kaya. Tapos, ang sarap mo magluto. Magaling kang
direktor. Maganda ang lahi. At higit sa lahat... tagos sa buto ko... alam ko na
mahal mo 'ko."

Pinahid ni Grey ang luha sa mga mata niya.

"Hindi ko pa nga naso-solve kung bakit mo 'ko mahal. Pero nagtatanong na ang mga
tao. Doon ako naiinis. Kasi hindi ko alam kung paano ko sila sasagutin. Kapag
sinabi nilang milagro yun, aaprub lang ako. Kasi, yun lang din ang sagot na alam
ko. Pwede ring reward. At higit sa lahat, blessing." sumigok siya, "Pero kasi...
kahit maraming sabihin ang mga tao... pipiliin kita e." suminghot siya bago
takluban ang mata. "Sperm donor kita e. At mahal kita."

Inilapit siya ng lalaki sa katawan nito at niyakap. Hinaplos-haplos nito ang likod
niya. Hinaplos-haplos ang buhok niya. Tahimik naman siyang nanginginig at umiiyak
sa dibdib nito.

"Shit. Ang kaya ko lang gawin sa ngayon, manuntok para sayo. Nakakapikon."

Mahina siyang natawa kahit mabigat ang dibdib. Walang nakakaalam kung gaano kapikon
si Goryo kahit mukha naman talaga itong pikunin. Wala ring nakakaalam sa gentleness
nito. Sa kalandian. Sa magaganda at makukulit na ngiti. Sa habit ng panghahalik. At
habit ng pagdikit sa anumang paraan. Maging ang pamimilit nitong kumandong ng
matabang babae. At lahat ng bagay na natutuklasan niya sa lalaki sa bawat araw na
kasama niya ito - kung paano ito kumilos at humarap sa maraming bagay at higit sa
lahat kung paano ito magmahal - importante sa kanya ang lahat ng iyon.

"I wish I could hide you. Sa lugar na hindi ka makikilala. Yung hindi tayo
makikilala. But your mother might kill me. Ni hindi pa nga ako nakakapagpakilala.
Shitty me." patuloy nito habang nagpapahid siya ng luha.

Humiwalay siya sa yakap nito. Pagkatapos ay sumisinghot na hinawakan ito sa


magkabilang pisngi.

"Tingnan mo 'ko." sabi niya. "May tatlo hanggang apat na buwan kang magiging busy
di ba?"

"Yeah."

"Malamang na hindi talaga tayo magkakasama ng ganito kalapit nun, di ba?"

"Yeah."

"At mahaba-habang panahon yun, di ba?"

"Yeah."

Ngumiti siya rito, "Then, after those three to four months... I promise. Hindi na
ako makikilala."

Nanatiling nakatitig si Goryo sa kanya. Pagkatapos ay bahagyang ngumiti.

"I will be so gorgeous, no one would notice I am the same girl." matatag ang tinig
na sabi niya. "Kasi Gregory, kung gusto mo akong mas mahalin pa... gusto ko ring
maging mas deserving sayo. Hindi dahil tama ang mga tao sa sinasabi nila na hindi
tayo bagay. O dahil naniniwala ako sa kanila. I want to change... dahil tama ka. At
dahil naniniwala ka sa akin." suminghot siya uli, "But for things to change, we
need time."

Naniniwala siyang oras lang ang kailangan nila. Para patunayan at ipakita sa lahat
na totoo ang pagmamahal nila. They may not need to prove anything to anyone. But
they want to be accepted. If not, they want to be an exception; a freedom from all
the prejudice.

Mariin siyang hinalikan ng lalaki at mahigpit na niyakap.

"I'm speechless..." lumunok ito habang yakap siya, "You're my girl. So behave while
I'm not with you."

Ngumuso siya. Tuluyan nang tumigil sa pagtulo ang luha niya. At mas magaan na ng
kaunti ang dibdib niya.

"Ako pa ang magbe-behave e ikaw ang gwapong-gwapo diyan!" aniya at hinampas ito sa
braso.

Naghiwalay sila mula sa yakap at pinakatitigan siya nito.

"Shaun is crazy about you. And... you told me your ex looked like a celebrity,
too." sumeryoso ang mukha ni Grey, "That means that you're a magnet to good-looking
men. So... behave."

Umirap siya playfully. "Hindi ko naman sila mahal."

"Pero wala pa kayong closure ng ex mo."

"Closure na lang yun. Itatanong ko lang kung bakit maikli ang sulat niya at kung
saan niya dinala ang mga appliances namin. E mayaman naman siya." aniya.

Kunot-noo pa rin kunwari si Grey.

"Kahit na gwapo siya at hindi mo pa naririnig ang paliwanag niya, hindi magbabago
ang isip mo?"

"Hindi no. Saka, mas gwapo ka run. Ng ten times."


Tumaas ang makapal na kilay ni Goryo.

"Narinig kong sinabi mo na maganda ang 'pandesal' ni Shaun." sabi pa nito.

Mahina siyang natawa. "E maganda naman talaga ang 'pandesal' ni Shaun."

Sumimangot ang lalaki.

"Pero po... harmless ako sa pandesal niya. Tinitingnan ko lang ng walang ibang
intensyon." dugtong niya, "Yung pandesal mo ang gusto kong kagatin. Ng lethal."

Nagtawa si Grey sa narinig. Nakitawa siya. Nag-echo sa sala ang pinagsalong


halakhak nila.

"You're a good girl." nakatawang sabi nito.

"Oo naman. Sabi rin yan ng Tatay ko. Kaya alam ko yan." nakangiting sang-ayon niya.

Kumindat ito.

"Yeah. Now run."

"Ha?"

"Run away. From me. Basta pag nahuli kita, magkakagatan tayo." malagkit na sabi
nito.

Mabilis siyang napatayo sa eskandalosong statement nito. Kagatan time na ba? Nag-e-
emote pa ata siya?

"Sandali, Goryo! Busog pa 'ko!" sita niya rito.


Nakangisi ito.

"Run, baby." makulit na sabi nito.

At nang akmang tatayo sa sofa ang lalaki, kumaripas siya ng takbo habang tumatawa.
#

Chapter 35 : Mother hen

A/N : Masakit. Wag munang basahin kung ayaw ng masakit. :'(

-----

Umuusok ang kape sa mesang kinauupuan ni Korina. Wala pang bawas ang mainit na
inumin kahit na sumisigid sa buto niya at nakakapangilo ang lamig ng aircon sa
coffee shop kung saan siya dinala ng isang taong perpekto ang ahit ng nakataas na
kilay. Smooth ang balat ng kaharap na babae kahit na halatang magkasing-edad lang
sila. Mas maganda ang damit nito. Halatang mamahalin. Mas maganda ang manicure.
Naka-nail art. At ang make-up, parang nagpa-salon. Dapat nanliliit siya. O nahihiya
ng kaunti. Pero tigre siyang nakaupo roon dahil hindi niya gusto ang hilatsa ng
mukha ng babae at kung paano nito pasadahan ng tingin ang damit niyang galing
France. To think that this woman braved to knock on her house to take her away and
talk.

"I am Pearl Montero." simpleng pakilala nito na walang bahid ng paggalang ang tono,
"Gregory's mother."

"I'm -"

"Korina Atienza, I know. Mother of Tonica Grace Atienza. I wouldn't go to your


house if I didn't know you."

Alangan naman? Gusto niyang idugtong pero hindi niya ginawa. Alam ng mga tigre kung
kailan mananakmal. At hindi pa ito ang oras.

"Anong kailangan mo sa akin?" matabang na tanong niya. "Kasi kanina pa tayo


nagtititigan. Sayang ang oras."
Mapakla itong ngumiti. Nakakainsulto.

"Then I would be direct-to-the-point." marahan itong humugot ng hininga, "Hindi ko


gusto ang anak mo para kay Grey."

Nagpanting ang tainga niya sa matalas na pananalita nito. Lalo na dahil sinabayan
pa iyon ng pagtataas na naman ng kilay at bahagyang pag-ismid.

"Ganun ba? Alam mo... hindi ko rin gusto ang anak mo para kay Tonica."

Patlang. Na may kasamang tensyon ng nalalapit na sakmalin. Nakita niya kasi sa


mukha ng babae na malapit na rin itong magbagong anyo at manglapa.

"Then, that's better. Ilayo mo ang anak mo sa anak ko! Sinisira niya ang career na
pinaghirapan ni Grey."

Umismid siya. Nagmaasim. Ang lakas naman ng loob na sabihin ng babae na sinisira ni
Tonya ang career ng anak nito na wala man lang pagsasaalang-alang sa reputasyon ng
anak niya na nasasagasaan!

"Hindi siya ang sumisira. Anak mo ang maangas na nanuntok ng reporter sa TV."

"Dahil sa anak mo."

"Dahil pikon siya!"

"Dahil... sa anak mo!" pagdidiin nito.

"Kung ganun na napipikon siya dahil sa anak ko, at nakakalimutan niya ang career
niya, at nag-a-ala Pacquiao siya sa harap ng camera... ang dapat mong pagsabihan ay
ang anak mo. Hindi mo dapat sinasayang ang oras ko."

Katahimikan. At panggigigil.
"Gusto kong maging malinaw ang mga bagay, Korina." ngumiti ng matabang ang babae,
"The bad rumors circulating are affecting both our children. Concern ko ang
kinabukasan ni Grey. He sacrificed a lot just to be where he is and now... it's on
the verge of getting ruined! Just because of what? In love siya sa anak mo?!
Naniniwala ka?!"

Nagtiim ang panga ni Korina. Nagtitimpi pa siya ng kaunti at umiiwas sa isiping


buhusan ng mainit na kape ang nagmamagandang babae.

"Let us say he likes her now. Halimbawa, nahuhumaling siya sa anak mo ngayon. Pero
hanggang kailan ang kalokohan niyang iyon?" patuloy ni Pearl, "His first love is
film! His true love is film! And sooner than later, if he gets to see that the film
he loves and his career are ruined because of your daughter, he will hate her!
Hindi na bata ang anak mo. Put some sense into her brain. Para matauhan siya at
makita niyang isinusugal niya ang oras niya at obaryo niya sa isang bagay na
imposible. They could like each other. For a while. But them as a couple?" umiling
ito, "I don't think so."

Patlang. At mabigat na atmospera.

"Tapos ka nang magsalita?" tanong ni Korina rito.

Tumaas ang kilay nito.

"Una, tama ka. Hindi ako naniniwala na mahal ng anak mo ang anak ko. Dahil kung
mahal niya, dapat nagpakilala siya ng maayos sa akin. Kasehodang busy siya, sikat
siya o siya ang Pangulo ng Pilipinas! Kaya wag mong idukdok sa akin yang pagdududa
mo! Ikalawa, maganda ang lahat ng mga gamit mo. High-class. Imported. Mamahalin.
Pero nakaka-highblood ang tabas ng dila mo. Kung makapagsalita ka, parang
napakagaling ng anak mo at inferior na agad ang anak ko. Para sabihin ko sayo,
hindi man direktor ang anak ko, ipinagmamalaki ko yun. Iniingatan. Dahil hindi lang
siya biniyayaan ng kagandahan na galing sa akin. Mabait siya at masipag. Maunawain
siya sa tao. Malambing. Mapagmahal. Matiyaga. At may modo siya! Hindi siya basta-
basta kakatok sa bahay nang may bahay para lang yayain at laitin ang taong sinadya
niya!" huminga siya bago umarangkada uli, "Ikaapat, hindi mo ako kailangan utusan
na para kang Reyna para lang ilayo ang anak ko sa anak mo. Ilayo mo ang anak mo!
Ako ang bahala sa anak ko! Dahil ayokong mapunta ang anak ko sa isang pamilya na
may ina na tulad mo na maganda manamit pero mabaho ang ugali!" nanginginig siya sa
galit sa babaeng kaharap, "Yang mga tsismis na yan, kung sisirain niyan ang anak
mo, tadhana niya yan. Dahil nasa showbiz siya. Pero yung karay-karayin ang pangalan
ng anak ko sa mga tsismis, pagkakitaan ang panglalait sa kanya sa telebisyon at
pagbintangan siya ng kung anu-ano dahil ang gwapo kasi ng anak mo.. injustice yun!
Sa ating dalawa, 'ikaw' ang dapat mahiya sa akin!"
Nakita niyang namula sa galit ang babae. At kumuyom ang kamao nitong nakapatong sa
mesa. Nagsukatan sila ng tingin. At kahit na gustong bumaha ng mata niya ay
nagtitiis si Korina. Nungka niyang ipakikita sa babaeng ito na nanghihina siya o
nahihiya. Lalo na ang umiyak!

Ang kapal ng mukha! Ang akala siguro ng Pearl na ito ay matatakot siya sa ganda ng
damit nito at masisindak sa paraan nito ng pagsasalita! Mula ng mawala ang asawa
niya, siya na ang nag-iisang tagapagtanggol ng apat na anak niya. At sa lahat ng
anak niya, alam niyang si Tonya ang pinakamadalas na tampulan ng tukso dahil sa
katabaan nito at bagal ng pag-iisip. Pero anumang kahinaan ng panganay niya, walang
karapatan ang mga taong gaya nito para manglait at manghusga! Hindi alam ng mga ito
ang lahat ng ipinagtiis ng anak niya.

Nagtrabaho iyon para sa pamilya nila kaysa matulog. Nagtrabaho kaysa mag-aral.
Nagtrabaho kaysa maagang maglandi! Nag-trenta anyos na wala pang pamilya at anak!
Pero ang mga taong ito na walang kaalam-alam, kung makapanghusga, parang mga hari!
Dahil lang na-involve sa isang sikat na artista at isang direktor? Dahil lang
mataba? Dahil assistant lang? Nagsasawa na siyang makipag-away sa mga daldalerang
walang modo sa internet!

"Kung ganun, nagkakaintindihan tayo? Ilalayo mo ang anak mo?" matigas ang
pananalita ng babae. Matigas na rin ang pagpapalit ng ekspresyon nito sa mukha.

"Ilayo mo ang anak mo. Ako ang bahala sa anak ko!" sabi niya rito.

"Good!"

Nanginginig si Korina nang tumayo, "Nice meeting you, Mrs. Montero."

At walang lingon-likod siyang lumabas sa coffee shop. Nang makahawak sa isang poste
ng kuryente ay saka siya huminga ng malalim at umiyak.

*****

Tatlong oras nang nasa bahay si Tonya mula nang ihatid ni Grey ay wala pa rin ang
Mama niya. Nakapagluto na siya ng tanghalian. At naiinip na naghihintay sa salas.
Nanghihinayang siya na hindi nagpang-abot ang Mama niya at si Goryo. Mahigit
dalawang oras din itong hinintay ng lalaki para sana makausap. Nang tawagan naman
niya ang ginang ay hindi ito sumasagot. Hindi rin nag-reply sa mga texts niya.
Hanggang pinaalis na lang niya ang lalaki para makahabol sa flight nito patungo sa
Palawan.

"Ma!" napatayo siya nang bumungad sa pinto ang ina.

Mapula ang mata nito at matalim ang tingin sa kanya. Madilim ang buong pagkatao.
Hindi siya nakalapit kahit na gusto niya. Pero pinilit niyang ngumiti.

"Saan po kayo galing?"

Lumakad itong palapit na ni hindi inaalis ang tingin sa kanya. "Ikaw? Saan ka
nanggaling?"

Ramdam niya agad ang galit at paninita sa tono nito. Lumunok siya bago sumagot.

"Kay... Grey po, Ma."

"A, kay Grey." tuwid itong nakatingin sa kanya, "Dalawang gabi kang nasa bahay ng
lalaking iyon? Ni hindi ka nakaisip na umuwi?!"

"E, Ma, nagtext naman po ako sa -"

Dumapo sa pisngi niya ang palad ng ina. Pumaling ang mukha niya at natulala siya sa
gulat. Bago pa siya nakapag-isip ay nauna na ang luha niya.

"Bakit, Ma..?"

"Disgrasyada ka! Pinagpipiyestahan na kayo ng mga tao, nandun ka pa rin sa


kandungan ng magaling na lalaking yun! Ano bang hindi mo naiintindihan sa mga
sinasabi ko sayo? Hirap na hirap ka ba?! Mahirap bang sumunod? Ang sabi ko, lumayo
ka! Umiwas ka! Pero pinagpipiyestahan ka na, wala! Hindi ka pa rin nagpapatinag!
Ginagawa mo pa rin ang gusto mo!" singhal nito sa kanya.
"Ma... mahirap kasi yung pinapagawa mo. Hindi naman ako pwedeng... basta umiwas.
Dapat naming pag-usapan ang problema..."

"Diyos ko naman, Tonya... Kayong dalawa ang problema! Hindi mo ba naiintindihan


yun?! May problema kayo hangga't magkasama kayo! Dahil maraming daldalero at
tsismoso! Maraming malisyoso! At hangga't kaya ka nilang idamay at sisihin sa
kamalasan ng mga pesteng lalaking yan, idadamay ka!" bumagsak ang luha ng Mama
niya, "Sila! Sikat sila! May manira man, may magtatanggol pa rin! Kasi kilala na
sila dati pa! E ikaw?! Sinong magtatanggol sayo? Ako?! Ang mga kapatid mo?! Ang
sarili mo?! Hindi ka nag-iisip! Maraming ibang lalaki diyan! Yung simple! Hindi
komplikado! Hindi baleng hindi mayaman o hindi kagwapuhan! Hindi baleng hindi macho
o walang abs! Ang mahalaga... hindi ka masasaktan!"

"Ma, hindi naman yun dahil mayaman o gwapo o may abs si Grey! Mahal ko yun kaya ko
pinipili. Kahit magulo, ipinagtatanggol naman niya ako. Kahit na ganito lang ako,
mahal niya ako." mahina ang boses na pagtatanggol niya sa lalaki. Mabigat ang
dibdib niya.

"Ha? Hanggang kailan? Hanggang kailan mo kakayaning pagtawanan ka, laitin ka,
maliitin ka para sa pagmamahal na yan? Hanggang saan mo kayang dalhin lahat sa
dibdib mo? Hanggang kailan mo kayang masaktan?! Dahil hangga't ganyan ka at ganun
siya, may sasabihin ang mga tao! Pag-uusapan kayo! At masasaktan ka! Masasaktan ka!
MASASAKTAN KA!"

Umagos ang luha niya ng tuloy-tuloy sa mga sinasabi ng ina. Hindi rin ba ito
naniniwala na pangangatawanan siya ni Grey? O na kaya niyang magtiis? Hindi ba ito
naniniwala sa sinabi ng Tatay niya na ganun ang pagmamahal? Dapat buo? At walang
takot?

Bakit?

"Ma! Ako naman ang pumili nito. Kung masasaktan ako, ako lang yun. Puso ko 'to.
Ako'ng bahala sa puso ko."

"Ikaw ang bahala? At anong gagawin ko?! Panonoorin kitang magpakamatay?! Panonoorin
kitang malunod sa kabaliwan mo at dapat wala akong gagawin?! Ganun ba ang gusto mo,
Tonya?!"

Umatras siya. "Hindi naman sa ganun, Ma... Pero... alam ko na ang ginagawa ko."
sumisigok siya, "Magtiwala ka naman sa akin."
"Hindi mo alam ang ginagawa mo! Dahil kung alam mo, hindi mo ipapain ang sarili mo
sa mata ng mga tao! Hindi mo ipapahamak ang pangalan mo at apelyido ng tatay mo sa
panghuhusga ng iba! Mag-iingat ka! Mag-iisip ka ng maayos! Hindi yung -"

"Malaki na ako, Ma! Hayaan mo na akong magdesisyon para sa sarili ko! Masasaktan
ako kung gusto ko! Magmamahal ako kung gusto ko! Kung ayaw n'yo ng ginagawa ko..."
suminghot siya habang hirap sa paghinga, "- wag ka naman makialam, please! Ikaw ang
dapat na kakampi ko! Hindi yung ikaw ang unang-una kong kalaban sa lahat ng gagawin
ko!"

Umigkas ang kamay nito at sinampal siya. Isa. Dalawa. Matiim ang paglalapat ng
panga ni Korina. Puro luha ang mukha nito.

"Malaki ka na nga! Pero kahit ilang taon ka pa tumanda, kahit na mangulubot yang
balat mo, kahit na ilang anak ang iluwal mo, ina mo ako! Hindi yun magbabago! Bago
ka naging anak ng tatay mo, sanggol ka munang tumira sa tiyan ko! Bago ka naging
ate ng mga kapatid mo, ina mo akong nagpasuso at nagpalakad sayo! At bago mo
nakilala yang Grey na yan, nauna na akong nagmahal sayo! Kaya kahit na ilang taon
ka pa umedad, hindi mo pwedeng sabihin sa aking pabayaan na kita! Na panoorin lang
kita! Na puso mo yan! Buhay mo yan! Sakripisyo mo yan! Na kung masasaktan ka, dapat
okay lang! Na kung lalaitin ka, dapat kalma lang! Dahil anak kita! Panganay kita!
Bago ang lahat ng tao, ako! Ako ang unang nagmahal at nag-ingat sayo!"

Parehas silang luhaan at nanginginig. At masakit na masakit ang puso ni Tonya. Lalo
na dahil umiiyak ang Mama niya. Ang Mama niya na kahit na nang mamatay ang Tatay
niya, hindi niya nakitang humagulgol ng ganito. Ang Mama niya na kahit na anong
away at hindi pagkakaintindihan ang inabot nila, hindi siya pinagbuhatan ng kamay
minsan man.

Ngayon lang. Dahil sa kanya at kay Grey. Dahil nasasaktan siya.

Mali siya. Dapat iginalang niya ang mga sinasabi nito. Dapat kung hindi niya kayang
sundin ang sinabi nito, nagpaliwanag man lang siya ng maayos. Dapat inuna niya
itong kinausap sa lahat ng bagay na kailangan at gusto niyang gawin kahit na malabo
sila magkaintindihan. Dapat...

"Sorry, Ma." sabi niya rito, "Sorry po."

Lalong bumuhos ang luha ng ina dahil sa sinabi niya. Nang subukan niyang lumapit ay
tumalikod ito. Yumugyog ang balikat sa impit na pag-iyak.
"Pumasok ka sa kwarto mo. At siguraduhin mong hindi ka aalis ng bahay mula ngayon."
nanginginig ang tinig na sabi nito bago naglakad patungo sa silid. Naririnig niya
ang kaawa-awang pag-iipit nito ng sigok at palahaw.

"Ma!"

Nanghihina ang tuhod na humabol siya hanggang sa silid nito.

"Ma... Sorry, Ma! Mama!" tawag niya habang kumakatok sa saradong pinto, "Mag-usap
tayo uli, Ma!"

Walang sagot.

"Sorry po. Sorry, Mama..."

Sumandal siya sa kinakatukan dala ng panghihina at bigat ng kalooban. Pero hindi


bumukas ang pinto hanggang hapunan. #

Chapter 36 : To guard something precious

-----

After eleven days...

"Cut! Good take!" sigaw ni Grey sa set, "Prepare for the next scene! Double-time,
team!"

Mabilis ang kilos ng crew sa hotel sa Baguio kung saan sila nagso-shoot. Bumalik
ang mga artista sa retouching habang kumilos naman ang lightsmen at movers para
lumipat sa kasunod na lokasyon sa hotel. Siya naman ay kinuha ang cellphone sa
bulsa ng pantalong suot at nag-dial.

Ilang ring din ang dumaan bago may sumagot sa kanya.


"Hello, Portia! May balita ka na kay Tonya?" usisa niya sa kapatid.

"Kuya!" mataas ang tono ni Portia, "Wala akong balita kay Ate Tonya, Kuya! Naiinis
na ako! Hindi siya nagrereply sa akin! Pati na kay Dean! Tapos nung sinubukan
naming dumalaw, ang sabi ng Mommy niya, wala si Ate sa bahay nila!"

Mabigat siyang bumuntong-hininga. Mababaliw na siya! Labing-isang araw nang ni


hindi man lang niya nakakausap ang babae. Wala itong reply sa mga messages niya.
Nagri-ring ang cellphone nito pero walang sumasagot. Nag-aalala siya. Pero hindi
niya mai-check ang kalagayan nito dahil sa higpit ng schedule ng shooting. At dahil
may pinagkakaabalahan din sina Evan at Adam sa ngayon, hindi niya maistorbo ang mga
ito para magmanman kung nasaan si Tonya.

"Ikaw, Kuya? Okay ka lang ba? Ang sabi nila Kuya Boom, hindi ka nagpapahinga.
Tuloy-tuloy kayong nagso-shoot. Kumain ka, Kuya!" may pagalit na sabi nito.

Hindi siya agad kumibo. To hell with food. Paano siyang makakakain ng matino kung
ganitong ni wala siyang ideya sa nangyayari sa girlfriend? Paano siyang
magpapahinga kung bawat oras na sasayangin niya ay magpapatagal lang sa pagkikita
nila?

Nang makabalik sila three days ago mula sa shooting sa Palawan, sa halip na
magpahinga tulad ng crew ay dumiretso siya sa Baguio at personal na nag-ayos, nag-
scout at kumuha ng permits para sa shooting nila. Then, just yesterday, sumunod ang
crew sa kanya at nagsimula sila sa shooting.

"I'm okay, Portia."

"Isusumbong kita kay Ate Tonya kapag pasaway ka. Kumain ka, Kuya. Wag kang
sumpungin."

Mahina siyang natawa sa kapatid. "I will. Just... call me if you have news."

Patlang.

"Gusto mo, Kuya, mag-stalker ako sa labas ng bahay nila Ate?"


"What? No! You have classes and other activities at school! Stalking at night is
dangerous. Just leave it to me. I will find a way."

"Pero Kuya -"

"It's okay, baby. Wag makulit. At wag kang masyadong mag-alala."

Pero sabi niya lang iyon. Dahil parang mabibiyak na ang ulo niya sa pag-iisip ng
paraan. Pinutol niya ang connection at bumuntong-hininga.

"Direk..." lumapit sa kanya si Boom na alanganin ang mukha. Malaki ang eyebags
nito. "Hindi pa po available for our use yung restaurant. Mga one hour pa raw po
bago tayo mag-set-up."

"What?!" napataas ang tono na tanong niya.

Lumayo ng kaunti si Boom sa nakitang reaksyon niya. "Ayun po. May emergency repair
po kasi silang ginagawa sa kitchen. Kaya maya-maya pa po tayo pwedeng pumunta run."

Hindi siya umimik kahit na napipikon. A one-hour delay in set-up could mean a two
to three hour delay in the actual shoot. Maghahabol sila ng ilaw at ng oras.
Nanatili namang nakatingin sa kanya si Boom. Bumuntong-hininga uli siya para
kumalma.

"Then just tell the crew that we will have a short break for an hour." nasapo niya
ang noong sumasakit, "I know... everyone's tired, too."

Natigilan si Boom at parang naaawang nakatingin sa kanya.

"Okay lang yun, Direk. Pumayag kami, di ba?" anito.

Ang tinutukoy nito ay ang pagmi-meeting niya sa buong Production Team nang
makarating sila sa Palawan. He asked them, like he never did before, to help him
speed up the shoot. Nakiusap siyang higpitan ang schedule. He coordinated with
everyone his plan on how to speed things up. Dahil ayaw niyang magsayang ng oras.
And he reached them. Pumayag ang crew sa gusto niya. Miss na rin daw kasi ng mga
ito si Tonya.

He misses her a lot.

"Yun lang po ba, Direk?" untag ni Boom.

"Yeah." aniya at hinilot-hilot ang sentido.

"Magpahinga ka naman, Direk."

Ngumiti siya ng matipid.

"That's not an option."

Huminga ng malalim si Boom. "Sige po, kayo ang bahala." anito bago, "Sasabihan ko
lang ang crew, Direk. Para makaidlip sandali yung mga napuyat."

Nakatalikod na ito nang maisipan niyang magtanong.

"Boom..." at nang lumingon ito. "Si Tonya... may balita ka ba?"

Umiling si Boom. "Wala nga, Direk e. Hindi nagtetext. Hindi rin tumatawag."

"Number ng bestfriend niya... alam mo?"

"Hindi, Direk e. Sorry."

"Damn." he cursed.

Katahimikan.
"Don't mind me." aniya, "Make sure we will have enough time to set-up once the
restaurant is available."

"Okay, Direk." anito at naglakad palayo.

Kung makakausap niya sana ang best friend nito, baka may malaman siyang balita.
Pero -

Tinawagan niya si Adam. Siguro naman ay nakabalik na ito ng bansa. Matagal bago
nito nasagot ang telepono.

"What's up, Grey?"

"I know you're busy but I really need a favor."

"What?"

"Stalking."

Nagtawa ng mahina ang kaibigan sa terminong ginamit niya.

"Game."

"Track Mitchell Buenaobra's cellphone number. Korina Atienza's number, too. As well
as Beverly, Sharon and Anelle's."

Patlang.

"You're girl is missing?" si Adam.


"Yeah. I can't reach her in her phone."

"Okay. I will. But... who is receiving all the gifts and the packages you are
sending? Did you check?"

"I did. She's signing everything I'm sending through deliveries. But it's odd that
she's not answering my calls. Or texts."

Patlang.

"Baka walang load?" biro ni Adam.

"I sent her a mobile phone on postpaid! She's not using it."

"Odd. But... at least you know that she's there."

"That's not good. If you were me, what would you think about that?"

Pumalatak si Adam. "I think she doesn't want me anymore. Did you break up with
her?"

"Damn you, man. You don't have to put it with words. We did not break up."

"Easy." natatawang sabi ni Adam sa atat niyang pagsasalita, "I'll track their
numbers. Expect results in five hours."

"Five fucking hours?" nag-iinit ang ulong ulit niya.

"Sorry, man. I can't make it any faster."

He hissed. "Okay. Sorry. I'm just -"


"I know. I'll get back to you. Relax a little."

"Thanks." aniya at pinutol ang tawag.

Nasa malalim siyang pag-iisip at pagtitiis sa pumipintig na sakit sa ulo nang


lumapit si Shaun.

"You can't reach, Tonya, too?" usisa nito.

Matalim siyang napatingin sa lalaki. "Yeah. Ikaw rin?"

Tumango ito.

Mababaliw na talaga siya! Bakit nananahimik si Tonya? Anong nangyari rito? Kung
kaya niya lang lumipad ay nilipad na niya ang babae at -

Napatingin siya nang matagal kay Shaun dahil sa ideyang pumasok sa isip. Naaasar
siya kung pati ang lalaki ay hihingian niya ng pabor pero kung makikita niya si
Tonya dahil dito...

"I hate to do this but..." halos ayaw lumabas sa bibig niya ang sasabihin sa
karibal, "- can I ask you a favor?"

Tumaas ang makapal na kilay nito. At nagusot ang mukha.

"You're asking me for help? Are you fucking nuts?"

"I am. Don't ruin me."

Masama ang tinginan nila ni Shaun.

"Can I borrow your helicopter?" tanong niya. Alam niyang may alagang helicopter ang
lalaki.

"You don't know how to fly." simpleng linya nito.

Blangko ang mukha at malamig ang ekspresyon niya sa pagkakatingin dito. Of course
he doesn't know how to fly! Which means -

"You want me to fly it for you?" asar na tanong nito sa kanya. Magkahalo ang asim
at disbelief sa mukha.

"Yeah, Mercache. I want to ask you to fly it for me."

Nagsukatan sila ng tingin. He's desperate to ask favor from a rival. But he wants
to make sure that Tonya's alright.

"Damn! I don't want to be your fucking cupid!"

"I want to see her, man."

Shaun hissed. Napailing.

"Fuck! I'll call and ask Evan to fly for you."

Ngumiti siya ng matipid. Nakahinga ng malalim kahit na nabawasan pa ang kahihiyan


niya.

"Thanks."

"Fuck you, Grey."

"You, too."
Umiiling-iling ito nang lumayo at tumawag sa cellphone.

*****

"What are you doing here, Ma?" usisa ni Grey sa ina nang madatnan ito sa lobby ng
hotel na tinutuluyan ng buong crew.

Napatayo ang babae sa kanya. Taas-noo siyang sinalubong.

"Why? You're not answering my calls. Naturally, I would hunt you just to talk.
What's happening with you, Grey? Narinig ko kay Violet na para kang kabayo
magtrabaho! Are you even eating?" agad na sita nito sa kanya.

He has a bitchy headache. He lacks sleep. His whole body throbs with pain from
stress and fatigue. And he's deprived of Tonya. Hindi niya alam kung paano
haharapin ang inang bigla na lang lumitaw uli sa buhay niya para mag-ingay.

Tumuloy siya sa elevator. Aakyat siya sa silid niya para makapagpalit ng damit at
tumawag sa mga suppliers ng mga gagamitin sa shooting sa isang linggo. Nakasunod sa
kanya ang ina.

"I thought you stopped worrying over that matter a long time ago, Ma." malamig na
tugon niya rito habang umaakyat ang elevator.

Napasinghap ang babae sa sinabi niya. Sa dalawang magulang na mayroon sila ni


Portia, parehas silang hindi malapit sa ina. Lumaki kasi siya na lagi itong nasa
social functions kaysa nasa bahay. Lumaking nakikita ang pakikipag-away at disgusto
nito sa ama. And when his parents separated, because he's of age, they didn't even
check on him. Sanay na siyang walang magulang.

"Grey!"

Still -
"Sorry, Ma. I'm just... tired."

Katahimikan.

Hanggang bumukas ang elevator at nakasunod ang ina sa kanya hanggang sa silid.
Naupo ito sa sofa na naroon habang dumiretso naman siya sa travelling bag para
kumuha ng ipamamalit na damit.

"I came here to tell you that the film you and Adam made has been chosen for
Berlin. Since hindi ka mahagilap ng mga tao at nagre-reject ka ng calls, I came all
the way here so you would know."

Natigilan siya sa sinabi nito. Iisang pelikula lang ang pinagtulungan nilang buuin
at tapusin ni Adam. At iisang 'Berlin' lang ang pinagpasahan nila niyon.

"Are you talking about Berlin International Film Festival?" tukoy niya sa
prestihiyosong Festival na ginaganap tuwing Pebrero.

Tumango ang ina habang nakangiti, "Are there others?"

Hindi siya umimik.

"Are you excited?! That's Berlin, Grey! Your dream! You're going to fly to Germany
for a conference!"

Patlang.

"When is that?" kunot-noong tanong ni Grey.

"Next week! They already sent the tickets for you and Adam!"

Natitigilan pa rin siya. He waited for a chance like Berlin but -


"I can't go."

Si Pearl naman ang napatunganga sa kanya.

"Why? It is your dream! If you're worrying about the shooting, Violet and I talked
to Royal. They are also pleased with your participation to the Festival. Iuurong
nila ang production timeline ng shooting ng pelikula just for you."

Nagpanting ang tainga niya sa narinig. Iuurong?

"I am working my ass out so we could finish shooting earlier than scheduled. Kaya
bakit iuurong, Ma? I wanted to finish this film immediately. At hindi ako aalis
hangga't nakataya si Tonica sa mga pangit na balita!"

Namula ang mukha ng ina at naikuyom ang kamao nito sa pagkakapatong sa armrest.

"That Tonica girl again! Naloloko ka na ba?! Ano bang pinakain sayo ng babaeng yun
para magkaganyan ka? What happened with you and Noreen? Nagagalit sina Willy at
Marian sa ginawa mo! But I talked to them in your behalf just so you could be
forgiven!"

"What happened was between Noreen and I! Nag-usap kami ng maayos, Ma! And I can
apologize to Tito Willy and Tita Marian personally once my schedule gets lighte.
Hindi mo kailangang gawin ang ginawa mo."

Napailing-iling ang ina sa kanya.

"I don't understand what you liked about that other girl. She's ugly -"

"Stop it, Ma. Don't call her names. Nor insult her." malamig ang tinig na putol
niya.

Nagsukatan sila ng tingin ng ina.

"I know... you like Noreen better, know her better. I can understand that. But I
love Tonica. With or without Noreen, even with everyone meddling between us, I will
love her. I will want her. So, deal with it."

Nagtitimping nakatitig sa kanya ang ginang.

"You've changed."

"No. I just get older, Ma. That unfortunately, you didn't witness firsthand."

"When will you ever forgive me for the separation?"

"I have forgiven you." napapagod na sabi niya. "I'm sorry if you get me wrong. Or
if I'm rude and rough with my words. It's just that..." nagkibit-balikat siya, "-
it's been too long since we talked. I forgot how. And I am extremely tired these
days, my temper hangs on a cliff, ready to dive. And... then you are talking
against Tonica without even asking me how I feel about her. That's... heartless,
Ma."

"I'm sorry, Grey... but... can't you see? She's not suited to be with you!"

Umiling siya. Napapagod siyang kausap ang ina. Na para bang ang oras at distansiya
na matagal na natulog sa pagitan nila ay tinabunan na ang ugnayan nilang dalawa.

"I am the only one who will decide who is suited for me. And that is Tonica. No
matter what you say."

"I will never like that girl." madiing sabi nito.

Bumuntong-hininga siya.

"Then I would have to get used to that, Ma. The important thing is, Portia loves
her. I love her. And that's enough." aniya at pumasok sa banyo dala ang pamalit na
damit. #

Chapter 37 : To get to you


-----

Hinubad ni Grey ang suot na jacket nang bumaba ng taxi sa harap ng tarangkahan ng
bahay ni Tonya. Mabilis ang hakbang niya. Alas sais na nang gabi. Dalawang araw at
apat na oras pa uli ang lumipas bago naiakyat ni Evan ang helicopter na ginamit
nila. Courtesy of the guy, they landed on top of a Makati building since a chopper
cannot fly over the suburbs. At mula Makati ay nag-taxi siya.

Nakailang pindot na siya ng doorbell ay walang nagbubukas. Sumandal siya sa gate


para maghintay. Sinuklay niya ng daliri ang buhok at inayos ang damit. Inayos niya
rin ang dalang bouquet ng bulaklak. Saka siya nag-doorbell uli.

Walang sagot. Walang tunog. Parang walang tao.

Pero alam niyang meron. He had a pizza delivered an hour ago. May nag-receive. Kaya
maghihintay siya.

Makalipas ang kalahating oras, bumungad sa pinto ng bahay ang isang may katandaang
babae. May rollers ito sa buhok, nakasuot ng salamin at masama ang tingin sa kanya.
Must be Tonya's mother.

"Anong kailangan mo?" mataray na tanong nito sa kanya. Nakahalukipkip.

He bowed once at the woman.

"Magandang gabi po, Madame. Ako po si Gregory Montero."

Nanatiling nakatayo ang babae sa tapat ng pinto ng bahay nito. Mukhang walang
planong babain ang tatatlong baitang sa front porch at pagbuksan siya ng
tarangkahan.

"Ano ngayon?"

"Nandito po ako para makita ang anak ninyo. At makipag-usap sa inyo."


Patlang. Na may kasamang pagtataas ng kilay.

"Late ka na. Ng kalahating buwan."

"I'm sorry, Madame. Alam ko pong late na ako. Kaya nga po gusto ko ring humingi ng
dispensa."

"Hindi ako tumatanggap ng late na dispensa, lalaki! Nauna mong nilandi ang anak ko
bago ka magpakita? Tapos ngayon lilitaw ka? Aba, mag-isip-isip ka! Kung akala mo ay
basta kitang papapasukin dito pagkatapos ng mga gulo na dinala mo, nagkakamali ka!
Hindi ako madaling kausap!"

Matipid siyang napangiti sa mga sinabi ng ginang.

"Bulaklak po? Tumatanggap kayo?" tanong niyang nakangiti at ipinakita ang bulaklak.
He's really losing it. Pagod na siya, walang tulog at nagtiis sa helicopter kahit
na kabado siya sa heights. And now, he can't even cross the gates to see Tonica.

Natigilan ang babae. Sa ngiti niya siguro. Pero mukhang lalo itong nagalit dahil sa
kapreskuhan niya.

"Aba't! Baliw ito a! Ngumingiti-ngiti ka pa diyan!" highblood na sabi nito, "Umuwi


ka na! Wala rito ang anak ko!"

Alam niyang nandun. He had a bouquet delivered earlier for Tonya. Tinanggap nito.

"Para sa inyo po talaga itong bulaklak. Sana tanggapin ninyo."

Hindi umimik ang babae.

"Alam ko pong malaki ang kasalanan ko, Madame. Lalo na dahil hindi ako agad
nakapagpakilala nang magkaroon kami ng relasyon ni Tonica. I won't give excuses.
It's a fault on my part." ngumiti siyang napapagod, "At nagpapasalamat din po ako
na hindi kayo madaling kausap. If you are, walang magtatanggol at makakapag-ingat
kay Tonica. And she needed someone to protect her from unnerving gossips and
inconsiderate people. Pero kahit late na, humaharap po ako ngayon sa inyo para
magpakilala, humingi ng tawad sa gulo na dinala ko, at para makita siya. I hope you
can let me see her."

Dumilim lalo ang mukha ng babae. Mukhang lalo siya nitong hindi nagugustuhan habang
patuloy siyang nagsasalita. Words and confessions are not his strong suit.
Persuasion, neither. Sinasabi na lang niya kung ano ang totoong nasa isip. Hoping,
that his request will reach the person.

"I love your daughter so much, Madame. Please... let me see her." nakikiusap na
sabi niya.

Nag-igting ang panga ng babae. Lalong kumunot ang noo. At parang may balak na
ibigti siya anumang oras.

"Ang kapal ng mukha mong lalaki ka para humingi ng tawad! Hindi lang gulo ang
dinala mo! Kahihiyan! Tsismis! Alingasngas na hindi matigil-tigil! Bugbog na bugbog
ang anak ko dahil sa pagmamahal na sinasabi mo! Mahal mo?! Mahal mo talaga?! Kung
talagang mahal mo kaya ka nagpunta rito... kaya mo bang pakasalan siya? Kasama ba
yun sa plano mo, ha?! Dahil kung hindi -"

"I want to marry her."

Natahimik ang babae sa paglilitanya nito. Nakabuka pa nga ang bibig sa sinabi niya.

"Anong sabi mo?"

"Pakakasalan ko ho ang anak n'yo." matatag ang boses na sabi niya.

Mukhang hindi naniniwala ang ginang. Basta nakatitig ito sa kanya na bahagyang
nanlalaki ang mata at sinusukat siya ng tingin.

"Ginagago mo ba ako, lalaki?!"

Umiling siya. Mukha ba siyang gago? Puyat, oo. And he might not look presentable at
all. Pero hindi siya nagsasalita lang basta ng mga seryosong bagay para manggago ng
tao.
"Hindi ho. Teka..." dinukot niya ang kahon ng singsing na binili sa Baguio mula sa
jacket na nakasabit sa kamay, "Ito ho yung proposal ring sana."

Hindi pa rin kumikilos ang babae. Alanganin naman siyang ngumiti. His plan has been
leaked. By himself!

He's really losing it.

"Baliw ka ba?! Ano na lang ang sasabihin ng mahadera mong ina kapag nalaman niyang
may singsing ka pang nagpunta rito sa bahay ko?!"

Kumunot ang noo niya. Teka -

"Kilala n'yo ho ba ang Mommy ko?"

Hindi sinagot ng babae ang tanong niya. Sa halip,

"Mag-isip ka muna! Baka nabibigla ka lang!" anito at tumalikod.

Isang gate at isang malaking pinto na lang ang nasa pagitan nila ni Tonya pero
hindi niya matawid! At base sa kilos ng babae, tatalikuran na siya nito at
pagsasarhan ng pinto! He has no other choice but to -

Napapikit siya bago lumuhod.

"Madame! Please... let me see her. Just let me see her. Kahit sandali lang po."

"Aba't!" kunot-noo ang babae na nakalingon sa kanya.

Hindi siya tuminag sa posisyon. Seryoso siyang nakatingin sa mukha ng ginang. At


base sa pagpapalit ng ekspresyon sa mukha nito, mukhang naaawa na sa kanya. Ng
kaunti. Na baka hindi pa sapat para papasukin siya nito sa loob ng bahay.
"Kahit lumuhod ka diyan, kahit umiyak ka at mag-eskandalo, hindi kita papapasukin!
Umuwi ka na lang sa saya ng nanay mong kontrabida!" asar na sabi nito.

Pumipintig na sa sakit ang ulo ni Grey. Nanlalata ang bawat himaymay ng katawan
niya. At kailangang-kailangan na niyang makita si Tonya. Thirteen fucking days
without her? Without a text. Without her voice. Without a glimpse of her?
Labintatlong araw na hindi niya alam kung ano ang nangyari, ano ang nagbago o kung
ano ang nararamdaman nito? That is torture! At hindi niya kaya ng isang araw pa
nun. Mababaliw siya sa trabaho. Maliligalig. Mababagabag.

Kailangan niya kahit isang minuto lang kasama ang babae.

At nang akmang tatalikod na muli ang ginang at pagsasarhan siya ng pinto,


napahandusay siya sa kalsada!

*****

Nataranta si Tonya sa naririnig din na pagkataranta ng ina sa labas ng bahay. Alam


niyang nandun si Grey. Nasilip niya sa bintana nang bumaba ito sa taxi. Pero tulad
nang nasa usapan nila ng ina, hindi siya lalabas ng bahay hangga't hindi nito
sinasabi.

"Tonya! Lumabas ka rito!" sigaw ni Mama Korina.

Yun na yun, di ba? Pinapalabas na siya ng bahay. Nagmamadali siyang sumunod at


nagulat pa nang makita ang ina sa kalsada na hila-hila sa braso ang nakahigang si
Goryo. At bakit... parang walang malay ang lalaki?!

Mabilis siyang dumalo sa ina.

"Anong nangyari, Ma? Napatay mo si Grey?" tanong niya habang lumilinga sa paligid.
Baka may makakita na naman sa kanila at pagsimulan ng tsismis.

Masama siyang tiningnan ni Korina.


Tumalungko naman siya at sinipat ang mukha ni Goryo. Hinaplos. Parang mainit ang
temperatura ng lalaki. Pero humihinga pa naman. Mukhang hindi naman napatay ng
nanay niya. Napakagat-labi siya at naawa sa nakikita. Hindi ito nakapag-ahit. At
may pagod na eyebags. Malalim huminga.

"Anong ginagawa mo?! Hawakan mo sa kabilang braso itong lalaking ito! Masyadong
mabigat! Ipasok natin sa loob!" utos ng Mama niya. Bitbit nito sa isang kamay ang
bulaklak at jacket ni Grey.

Sumunod siya sa iniuutos ng ina. Hinawakan niya ang kabilang kamay ng lalaki at
magkatulong nila itong ipinasok sa loob.

"Saan, Ma?"

"Sa sofa!"

"Maliit ang sofa, Ma. Kailangan niya yatang humiga!" tutol niya.

Masama na naman ang tingin ng ina sa kanya. "Sa laki at bigat nitong lalaking ito,
nagawa mong -!" pumalatak ito bago asar na nagpatuloy, "Wag mong wasakin ang obaryo
mo, Tonya! Wala pa akong apo sayo!"

Nakuha naman niya ang ibig nitong sabihin. Pero hindi nito naiintindihan. Gentleman
naman si Grey. Yung ano, gaya ng sabi nito, dahan-dahan naman. Hindi naman laging
lethal ang kagatan.

"Sa kwarto mo na lang para malapit!" sabi pa ni Korina.

Nagtiyaga silang ipasok sa kwarto niya at ihiga sa kama niya si Grey. Nakapamaywang
ang ina nang matapos.

"Mababali ang buto ko, aba!" sabi nitong iniuunat ang likod. Saka ito tumitig sa
lalaking nasa higaan niya. "Lintek a. Nagawang makapasok!"

"Alangan namang pabayaan nating nasa kalsada siya, Ma."


"Kung tumawag naman ako ng ambulansiya, balita na naman." pumalatak ang mas
matandang babae, "Ano ngayon? Paano gigising yan?"

"E di... ammonia, Ma?"

Nagkatinginan sila.

"Baka naman nag-iinarte lang yan ha? O puyat at kulang sa tulog." sabi ng Mama
niya.

Lumapit siya kay Grey at kinapa ito. Mainit.

"Mainit, Ma e. Mukhang may sakit." nag-aalalang sabi niya.

"E may sakit pala siya e! Bakit pa siya pumunta rito!"

"Hindi ko po alam. Kayo ang magkausap, di ba po?"

Pumalatak ang Mama niya at umirap sa kanya.

"Ma, ammonia po." paalala niya.

"Wala tayong ammonia!" galit na sabi nito at parang nag-iisip, "Bibili muna ako.
Lintek! Konsensiya ko pa kung hindi yan magigising!"

Napatango siya. Kahit masungit ang ina ay alam niyang mabilis nga itong
makonsensiya.

"Lalabas ako para bumili. Mag-init ka na rin ng tubig kung baga may sakit yang
damuhong yan!"
"Ma naman! Nahimatay na nga si Goryo, nagagalit ka pa rin."

Umirap ito. "Alangan namang pagkawala ng malay-tao niya, wala na rin ang galit ko?
Kung hindi lang masamang magngudngud ng tulog, ingungudngod ko yan e!"

"Wag naman, Ma!" aniya at humarang sa ina at sa nakahigang si Grey, "Sayang yung
lips niya."

"Tonya!"

Tumungo siya. Totoo naman ang sinabi niya.

"Lalabas muna ako." sabi nito at nag-iwan pa ng nagbabantang tingin bago tuluyang
umalis.

Umupo siya sa tabi ni Grey at hinaplos ang mukha nito. Bakit naman pumunta pa ito
sa kanya nang ganitong may sakit? Paano kung lumala ang sakit nito? Lalo siyang
mag-aalala.

Dahil nakatanghod sa lalaki, nakalimutan niyang mag-init ng tubig. Nakatitig lang


siya rito. Nang makaalala siya, tatlong minuto na rin siguro ang lumipas. At
papatayo na sana siya nang -

"Ay kabayo!"

Napalingon siya kay Grey na hawak siya sa kamay. Nakaangat ng bahagya ang katawan
nito at sinisilip ang nakasarang pinto ng kwarto niya. Pagkatapos ay ngumisi ito sa
kanya.

"Wala na si Mama mo?" tanong nito.

Napakurap siya sa ngisi nito at sa malay-tao nito! Paano itong nagising nang wala
pang ammonia?
"Teka..." sabi niya, lumapit dito at hinawakan ito sa magkabilang pisngi, "Bakit
gising ka na? Okay ka lang? May masakit sayo?"

"Gising naman talaga ako." nakangisi pa ring sabi nito.

Binitawan niya ito. "Ano?! Nag-iinarte ka lang kanina?!"

"Shhh..." he hushed and hissed. Bumalik ito sa paghiga, "A! Ang bigat ng katawan
ko!" huminga ito ng malalim, "Ayaw kasi akong papasukin ng Mama mo kaya -"

"Kaya ka nag-inarte?" nanlaki ang mata niya, "Ang ibig mong sabihin, nagkukunwari
ka lang na nahimatay? Gaya nung mga taktika sa teleserye?"

Napahawak sa mukha si Goryo na parang tinatakpan iyon sa kahihiyan.

"Don't hurt me anymore. I've sunk so low."

Napabungisngis siya. Umupo sa gilid ng kama.

"Ang cheap mo, Goryo!"

Nakatitig ito sa kanya. Seryoso. "Dahil kailangan kitang makita. You made me
worry."

Nakonsensiya naman siya sa narinig. "Sorry."

Patlang.

"It's been thirteen days, Tonica. Wala akong naririnig mula sayo. No text. Or phone
calls to assure me that you're still breathing. That you're still okay. Ang
pinanghahawakan ko lang, yung mga packages at bulaklak na pinapa-deliver ko rito."

Napatunganga siya. "Nagpapadala ka ng packages at bulaklak?"


"Yeah. And I always tell you I miss you!"

Naguguluhan si Tonya. Hindi naman si Grey ang nagpapadala nun kundi isang secret
admirer. Iyon ang nakalagay sa mga notes na kasama ng mga tinatanggap niya!

"E, secret admirer ko ang nagpapadala nun a!" takang sabi niya.

Pinisil ni Goryo ang pisngi niya. "Yeah. And that's me."

"Ikaw ang secret admirer ko?!"

Nagtawa ang lalaki. "Galing Palawan yung iba kong pinadala. Galing sa Baguio yung
iba. I sent it to you and said on the note that I am a secret admirer so it would
safely get to you. Alam kong mainit ang dugo ng Mama mo sa akin."

Napangiti siya. Kaya naman pala may tarsier at anito carvings siyang nakuha, yari
sa capiz at sea shells na house decorations, strawberry products, at kahit mga tela
at damit na hinabi. Galing pala sa Palawan at Baguio ang mga iyon. Akala niya ay
galang makabayan lang ang secret admirer niya. At walang palya araw-araw ang
bulaklak!

"Oo nga. Kung nilagay mo ang pangalan mo, hindi yun ibibigay ni Mama. Baka kalbuhin
pa nun ang carrier."

Patlang. Nakatitig sa kanya si Grey. Hinawakan nito ang pisngi niya. Mainit pa rin
ang palad nito.

"What happened? Are you okay? Nag-away kayo ng Mama mo?" masuyong tanong nito.

Napalunok siya. Hinawakan niya ang kamay nitong nasa pisngi niya.

"Oo e. Mali kasi ako. Dapat nung una pa lang na nagkaroon ng pagkakataon, dinala na
kita sa kanya. Para nalaman niyang seryoso ka. Dapat, nung una pa lang, sinabi ko
nang binasted ko si Shaun. Pero gusto niya kasi si Shaun e. Kaya hindi ko agad
nasabi. Tapos... nahihiya rin akong ipakilala ka." amin niya rito.

"Why? Bakit ka nahihiyang ipakilala ako?"

"E..." naghagilap siya ng salita sa dahilang alam niya, "Ayaw niya kasi sa gwapo."

Parang napatunganga si Goryo sa sagot niya. Alam niyang mahirap intindihin ang
sinabi. Natawa siya ng mahina.

"Kasi... kapag gwapo, complicated. E, si Mama, nadala na siya kay Hans." paliwanag
niya, "Dati, nung pinakilala ko pa lang sa kanya si Hans, ayaw na niya. Hindi raw
ako seseryosohin. Tutol na tutol siya. Tapos, tumatakas ako para lang makita si
Hans. Hanggang magkasama na kami sa iisang apartment."

Hindi niya nakikita ang papadilim na mukha ni Grey habang nagkukuwento siya.

"Tapos, ayun, ang ending, iniwan ako. E, nag-usap na kami dati na dapat, hindi na
ulit ako pipili ng lalaking komplikado. Para raw hindi ako kawawa sa huli. Kaya
ayun... natakot akong ipakilala ka agad. Lalo na dahil kakabasted ko pa lang kay
Shaun." bumuntong-hininga siya, "Mali ako... Lalo siyang nagalit nung nalaman yung
tungkol sa atin. Na-bad shot ka tuloy."

Umiling si Grey.

"No. I should have insisted to meet her. At kahit na makilala niya pa ako, she
should be mad. With all the rumors that's going around. Ikaw, kayo, ang naiipit."
sabi nito at hinaplos ang pisngi niya, "But I'm glad you have a tough mother who
loves and protects you so much... regardless of age."

"Alam ko. Kaya nga... nung nag-away kami, sising-sisi ako. Umiyak siya nang dahil
sa akin. Kaya wala akong nagawa nung kinumpiska niya yung cellphone ko. Hindi ko
magamit. Bawal daw akong makipag-usap sayo. Kasi lalandiin mo 'ko. Baka raw tumakas
ako uli papunta sayo."

Mahinang tumawa si Grey. "I can understand that."

"Kaya rin hindi ko ginamit yung padala mong cellphone."


Hindi niya namalayan na unti-unti na siyang hinahatak ng lalaki para mas dumikit pa
rito.

"Saka, akala ko kasi, galing yun sa secret admirer tapos i-stalk ako e. Kaya hindi
ko ginamit."

"That's okay." sabi nito. "Nag-alala lang talaga ako. And days without you are...
lonely."

May masakit na kurot siyang naramdaman sa dibdib.

"Malungkot nga..." mahina ang boses na sabi niya, "Kaya sorry. Ayoko lang din kasi
na suwayin si Mama at lalo siyang magalit sayo."

Hinaplos ni Grey ang pisngi niya habang nakatungo siya rito.

"I miss you, Tonica." malamlam ang matang sabi nito, "I miss the panda mug, your
quotes, our meal together... I miss your smile. Your odd timing. Your tagging along
with Boom... I miss you."

Hindi siya makapagsalita. Masaya at masakit ang nasa dibdib niya. At parang
namamagneto siya sa mata nito at sa mga sinasabi nito. Na baka hindi niya
matanggihan anuman ang hingiin nito.

"I traded my pride to borrow Shaun's chopper and flew here. I almost fell asleep on
the taxi because of fatigue. And then, I acted out a lousy fainting scene outside
your house just to cross the gate." ngumiti ito habang marahang humahaplos sa
pisngi niya, "Wala ba 'kong reward?"

Masakit siyang ngumiti. Sinong mag-aakala na ganito kalandi si Goryo?

"Reward talaga?"

Nakatitig pa rin ito sa kanya.


"Kiss me, Tonica. Please?"

Lumunok siya bago tumungo at inilapat ang labi nito. Hinawakan siya ni Grey sa
batok habang nakahawak ang isang kamay sa likod niya. At kung may saktong duration
lang dapat ang bawat halik, sigurado si Tonya na lagpas na sila sa normal na haba.
Pero hindi siya binibitawan ng lalaki. Ayaw siyang bitawan.

Suminghap siya nang pakawalan siya nito. Hinampas niya ito sa braso.

"Mauubusan ako ng hininga!" sita niya.

Nakangiti ito at nakakagat sa labi nito. "I feel better now."

Umirap siya. Gumaan nga ng kaunti ang ekspresyon nito sa mukha. Kaya hindi niya
alam kung paano niya sasabihin kay Grey na dapat wala ito sa bahay niya. Na dapat
ay bumalik na muna ito sa Baguio. Kasi gusto niya rin sanang naroon ito sa tabi
niya. Pero kasi -

"Grey... may kailangan akong sabihin." simula niya.

"Ako rin."

Napakurap siya. May sasabihin din ito sa kanya?

"Thirteen days is enough for me to know what I wanted for us. Thirteen days without
you." bumangon si Grey at naupo kaharap niya, "What I know is this. Some say that
if you love someone enough, you should marry them. And I realize, in those thirteen
days, that I don't love you enough... I love you too much to lose you. I love you
too much to be without you. I love you too much to be apart." lumunok ang lalaki at
sa malamlam na mata, "So, Tonica, will you marry me?" #

Chapter 38 : To keep a heartache

A/N : Mukhang hanggang Chapter 42 sila Tonya. Nagmamahaba ng kaunti. :)

-----
"E... may singsing ka?" tanong ni Tonya kay Grey.

Tumayo ang lalaki at kinuha ang jacket nito sa kinapapatungang tokador. Pagkatapos
ay naglabas ito ng kahon mula roon! Maliit na kuwadrado. Kulay ginto! May singsing
nga!

Nakangiti ito nang lumapit sa kanya. Parang nagpapasikat. Pagkatapos ay lumuhod sa


tapat niya na nakabukas ang kahon.

"Will you marry me?"

Napalunok siya. Napakurap. Inaatake siya ng iba't ibang emosyon habang


nakikipagtitigan sa kumikislap-kislap na diamante ng singsing. Nasisilaw siya sa
singsing. At nanghihina siya sa halu-halong damdamin!

Gusto niyang magpakasal kay Grey. Pero -

"E..." hindi niya alam kung paano sasabihing, "Hindi pwede."

Kumunot ang noo ni Grey. "Why?"

Lunok. "Itago mo na lang muna yan, Goryo."

Seryoso ito. "You have to give me a reason."

Nganga. Hindi niya pwedeng sabihin dito ang rason. At dahil hindi niya pwedeng
sabihin, sumasakit ang puso niya.

"No."

Bumuntong-hininga ito.
"Hey, slowpoke... Sorry kung parang hindi pinaghandaan ang proposal ako. Tumakas
lang ako sa shooting at iniwan ko sila Boom at Mario run. But I wanted to give you
this ring... because I want to marry you when everything is done."

Umiling siya. Hindi siya puwedeng sumagot ng 'Oo'.

"Tumayo ka na diyan, Goryo."

Umiling ito. "No. Say yes first."

"Wag kang makulit. Hindi nga ang sagot ko."

"Why?"

"May Berlin ka pa, di ba? At kailangan ko pang magpapayat."

"Who told you about Berlin?"

"Nasa news po."

Patlang.

"I'm not going. Hindi kita iiwan sa gitna ng mga balita ngayon. I want to be
available in the country if you will be needing me. Hindi kaya ng helicopter ang
trip from Berlin."

Kumunot ang noo niya. Matigas ang ulo ni Goryo.

"Kailangan mong pumunta run. Pangarap mo yun e. Saka... nagsasawa na ang mga tao sa
balita sa atin. Soon, it will die out."
Pero alam nilang nagsisinungaling siya. Dahil patuloy pa rin ang balita na tungkol
sa kanila. Actually, just last week, Anisse Deogracias, Shaun's previous loveteam,
was interviewed. Hiningian ito ng opinyon tungkol sa kanila. Nang mag-guest naman
si Lauren sa isang TV show, pinag-usapan din sila. At mas maingay ang Social
Networking Sites. Ilang ulit na niyang nahuli ang Mama niya na nagre-report ng
malicious content. Ilang ulit na rin itong na-highblood at nakalimot magkulot ng
buhok para lang makipag-away.

"You want me to go?" tanong ni Grey.

Tumango siya. "Siyempre naman. Kaya tumayo ka na diyan."

"I will go." sabi nito, "But marry me first."

"No, Grey."

Seryoso ang mukha nito.

"Why not?"

"You need time. To think. I need time to think, too."

Patlang.

"You don't love me?"

Imposible ang tanong nito. Ito lang ang nasa isip niya lalo na nang hindi niya ito
nakikita. Lagi na nga lang siyang nakatitig sa supladong mga litrato nito na
available sa internet.

"Mahal kita."

"But not enough to marry me?"


"Enough to give you dozens of children."

"Then, marry me."

Napangiti siya kahit masakit ang dibdib.

"Makulit na lalaki! Hindi nga. Muna." sumeryoso siya, "My answer for now... is no,
Grey."

Tumayo ito at naupo sa tabi niya. Parang nag-iisip ng malalim.

"What do you want to do?"

Humarap siya rito.

"I have to appease my mother." sabi niya, "Hindi kita pwedeng sagutin sa tanong na
yan nang hindi nagsasabi sa kanya. Gusto ka pa ngang ingudngod nun."

Tumango si Grey. "Narinig ko nga."

"And... we need time para mawala muna ang mga tsismis, di ba? Ayoko naman na
magpapakasal tayo tapos sasabihin na naman ng mga tao, hindi ako deserving.
Magagalit na naman sila. Mag-iingay. Ayokong sabihin nila na pakakasalan mo ako
dahil naaawa ka sa akin." sabi niyang napatungo.

"Tonya..." kinuwit ni Grey ang baba niya at itinaas ang mukha niya rito, "If I will
marry you, that's because I love you. Sinumang nagsabi sayong pakakasalan kita
dahil sa awa ay siguradong hindi ako kilala."

'Kilala ka nga nun e.' naiisip niyang sabihin pero hindi niya itinuloy, "Pero pwede
pa rin silang mag-isip ng ganun, di ba? Kaya nga, gusto ko... at kailangan pa
natin... ng oras. Dahan-dahan lang."

Bumuntong-hininga ang lalaki.


"Damn."

Napangiti siya. "Naaasar ka na naman diyan. Wag ka nang mainis, Goryo."

"You don't want to marry me and you don't want me mad?" supladong tanong nito. Na
malamang ay pag-iinarte lang. Hindi ito nakatingin sa kanya.

"Sabi ko naman... hindi muna, di ba?"

"A no is a no."

Mahina siyang tumawa. Ang sakit sa dibdib ni Goryo.

"Wag ka nang mainis... please?" sabi niya at kinalabit ito. "Magpapapayat muna
ako."

Pumalatak ito.

"I've got no more pride left to go back to the shoot and tell them you said no to
me."

Nanlaki ang mga mata niya. "Alam ng crew na magpo-propose ka? Idinaldal mo?"

Lalo itong pumalatak. "They knew! Nung nag-resign ka, I have no choice but to
appeal to them and tell them how I feel to get them to cooperate with me. So we
could speed up the shoot and I won't have to wait. And now..."

Yumakap siya rito. "Sorry na."

Palatak. "Not enough excuses, too, slowpoke!"


"Sorry na nga." sabi niya at hinalikan ito sa pisngi.

"Not enough apology."

Mahina siyang tumawa at hinigpitan ang yakap.

"I love you. Sorry na muna."

Bumuntong-hininga ito at tumingin ng matagal sa kanya. Na parang sinusuri ang mukha


niya. O tinatandaang mabuti.

"I love you. Kahit sino pa ang lumapit sayo para sabihing hindi kita mahal, o hindi
ako seryoso, o naloloko lang ako ngayon at bukas pwedeng magbago ang isip ko, wag
kang maniwala. Unless you heard it directly from me, don't believe them. Okay?"

"Kahit... si Portia ang magsabi?"

"Yeah. But I doubt she would."

"Kahit... Mama mo o Papa mo?"

"Yeah. Lalo na."

Napangiti siya ng mapait. Napakagat sa labi.

"Kahit mga kaibigan mo?"

"Kahit buong mundo, Tonica. Wag kang maniwala." nakatitig sa mata niya si Grey at
hinawakan ang kamay niya, "Because no one knows how deeply I'm keeping you here."
anito at dinala ang palad niya sa dibdib nito, "This hurts whenever I'm without
you. I can't breathe easy. I can't rest. I can't even enjoy coffee. It's like you
steal my peace of mind. That I can only rest easy if I'm with you."
Hindi siya makahinga habang nagsasalita ito. She believes him. But there are a lot
of things he doesn't know about. Mga bagay na kung malalaman nito, natatakot siyang
magpapabago sa isip nito.

"I am the only one who can tell you and show you that I love you. And I am the only
one who can tell you when I don't. So... if you want time and a little convincing,
I can give that to you. But promise me that no matter what happens, you will
stay... to be with me. And that you will believe me."

Tumango siya.

"Pangako, Grey. Sayo ako maniniwala." ngumiti siya rito, "At... mangako ka rin sa
akin na pupunta ka sa Berlin. At... kahit na hindi kita pwedeng itext at tawagan,
hindi ka mapipikon."

Marahan ang paghinga ng lalaki.

"I have to convince your mother to let you text and call me."

"Grey... maikling panahon lang yun." naninigurong sabi niya kahit binibiyak ang
puso niya, "Mabait si Mama. Sigurado akong makikita niya na seryoso ka naman."

"I have to show her I'm serious about us."

Napatango siya.

"Magpahinga ka muna. May lagnat ka e... bago ka bumalik sa Baguio."

Ngumisi si Grey. "Bukas pa ako babalik. Makikitulog muna ako."

"Ano?!" naeeskandalong sabi niya, "Baka ingudngod ka talaga ni Mama pagbalik nun!"

Humiga itong kasama siya. Hila-hila siya. "Then, I have to take advantage of time
and hug you."
"Goryo!" saway niya sa mahigpit na yapos ng braso nito. "Kapag nakita ka ni Mama na
-"

"Ingungudngod niya 'ko." nakatawang sabi nito bago inilapit ang mukha sa kanya, "So
I think I have to advance and kiss you more. Bago masayang ang lips ko."

"Sandali -"

Pero kahit pumapalag siya ay magaling manghuli ng labi si Grey. Natahimik siya at
gumanti ng halik kasi... samantalahin nga raw, di ba? Gusto rin naman niyang
magsamantala.

Wala silang alam na ang taong dapat sumita sa kanila ay kanina pa nasa labas ng
pinto ng silid. Nakikinig sa pinag-uusapan nila at kahit naha-highblood ay
bahagyang naiiyak. Nakabantay lang ito roon.

She holds him tight. He kisses her with passion.

Tinatandaan ni Tonya ang lahat ng bagay. How he feels. How he kisses. How he holds
her.

Baka kasi pagbalik ni Grey galing sa Berlin, hindi na sila magkakilala.

*****

Four days ago...

Hindi kilala ni Tonya ang babaeng pinagbuksan ng tarangkahan. Pero hindi pa man ito
nagsasalita at hinahagod pa lang ng nakapangliliit na tingin ang kabuuan niya ay
kinakabahan na siya. Parang kaedad nito ang Mama niya. Kaya kung Mama niya ang
kailangan nito, wala ang ina sa bahay.
"Good morning po. Sino pong kailangan ninyo?"

Nanunukat ang tingin ng babae. Saka ito napangiti na parang nakilala siya.

"Oh! You're Tonica!"

Tumango siya.

"Opo. Sino po sila?"

"I wanted to talk to your mother again but I guess this is better." anito at
ngumiti ng mapakla, "I am Pearl Montero. Grey's mother."

Napalunok siya at hinagod ng tingin ang babae. Mamahalin ang damit at gamit nito.
At napakaganda ng mukha! Mukhang nanay nga ni Grey!

"A..." aniya at ngumiti, "Tuloy po kayo!"

Panay ang linga ng babae nang pagbuksan niya ito ng gate at maging nang papasukin
sa loob ng bahay. Ngumingiwi ito at umiismid sa bawat nakikita. Hindi naman niya
maintindihan ang kilos nito. Lagi namang malinis ang bahay nila. Maliban na lang
kung inspektor ang trabaho nito kaya ganun na lang mag-usisa.

"Upo ho kayo. Ano ho bang gusto n'yong -"

Naupo ito sa sofa pero kumumpas na parang pinapatigil siya sa pagsasalita.

"Don't bother. I don't want to stay long."

Umupo siya sa katapat na upuan at nahihiyang tumingin dito.

"Ano ho bang kailangan n'yo sa Mama ko?"


"Wala naman. Magtatanong lang sana ako kung inutusan ka na ba niyang lumayo sa anak
ko."

Napatitig siya rito. Matigas ang pananalita ng babae. Walang mali sa mga salitang
gamit pero nasasaktan siya.

"Lumayo ho... kay Grey?" paniniguro niya.

Tumaas ang kilay nito. Nanliit ang mata.

"Nakalimutan kong boba ka nga pala."

Kumunot ang noo niya sa sinabi nito.

"Hindi ho. Iba ho ang bobo sa slow-witted."

Umangil ito.

"Magkaintindihan nga tayo!"

Tumango naman siya. Iyon din naman ang gusto niya.

"May mga pangit na tsismis sa anak ko dahil sayo! Nasisira siya at ang mga
pinaghirapan niya dahil dikit ka nang dikit sa kanya! Hindi ikaw ang bagay na
maging asawa niya! So, back off!"

Naguluhan siya sa sunod-sunod na narinig.

"Maam, may mga pangit po na tsismis kasi marami ang taong malisyosa at tsismosa.
Kahit ho dikitan ako ni Grey o dikitan ko siya, kung walang magmamasama, wala pong
lalabas na pangit na balita. At isa pa... mahal po ako ng anak n'yo."
Lalong tumaas ang kilay nito at namula. Sa inis yata. Dahil nanlisik din ang mata
nito pagkatapos.

"Mahal ka niya? Naniniwala ka? Because I don't believe that." anitong parang
nagtitimpi sa panggigigil, "You should have seen him with Noreen so you could
compare. They're inseparable. They're perfect together. But even if they were,
Noreen gave way to his career! And that's the type of girl, I wanted my son to
marry! Someone who knows how to value the things and the dreams he lives for! Not
someone like you who is destroying his career!"

Pinag-isipan niyang mabuti ang mga sinabi nito. Hindi naman niya kailangang
magkumpara sa kung anuman ang mayroon sila ngayon ni Grey at sa nakaraan nito kay
Noreen. She has seen it. And she knows and agrees that he might as well be
perfectly happy with Noreen - a perfect guy and a perfect girl. Pero si Grey din
ang nagsabi sa kanya, hindi ba?

"Do I have to love the one who is perfect for me?"

Requirement ba yun? Na kung sino ang sa tingin ng lahat ng tao ay perpekto para
sayo, iyon dapat ang mahalin mo? Kasi... sa pagkakaalam niya, hindi napipili ang
taong mamahalin natin.

"Pero kung perfect po sila para sa isa't isa, bakit tinanggihan ni Noreen yung
proposal ni Grey dati? Bakit niya pinaghintay?" naguguluhang tanong niya. Kasi kung
siya si Noreen, hindi niya babalewalain yun. Hindi niya hihindian.

"Because I asked her to."

Natigilan siya.

"Kayo ho ang dahilan?"

"That time, Grey was just a novice in making films. Baguhan. Nagsisimula pa lang
ang karera niya. Because he was so happy with the way things were developing, he
wanted Noreen to marry him. But I knew! I knew that if they marry, Grey wouldn't be
able to fly. He's the type who works hard for what he wanted. Pero hindi siya ang
tipo na kayang magsabay ng dalawang priorities. He loves films so much! He loves
Noreen, too! But in everytime he needs to choose, he chose Noreen! And Noreen just
received a scholarship in Paris that time! Alam kong kung magpapakasal sila, sasama
siya kay Noreen. Masasagasaan ang career niya. Masasayang! Maraming oportunidad na
siyang nasayang dahil sa babae. So, when I learned that he will propose, I asked
Noreen to decline. I asked her to wait. To go away. After all, mahal siya ni Grey.
At mahal niya ito. And I knew, I assured her, that my son will wait."

Napakurap si Tonya habang inuunawa ang mahabang sinabi ng babae. Pero anumang
pagtitimbang niya, iisa lang ang naiintindihan niya rito.

"Kayo ang dahilan kaya hindi sila nagkatuluyan dati?" nalulungkot na tanong niya,
"Alam po ba ni Grey?"

"No." at ngumiti ito, "But what do you think will happen if I told him about it?
Mahal ka niya ngayon dahil naaawa siya sayo! Grey always side with a weakling.
Ugali niya yun nung bata pa siya! But if he knew... how Noreen was hurt all these
years for him, if he knew how she sacrificed for him... what do you think he will
do?"

Paano niyang malalaman e hindi naman siya si Grey? Pero ang dibdib niya, unti-
unting sumisikip. Kinakapos siya ng hangin. At may takot na unti-unting nabubuhay
doon.

"I will tell you what will happen, Tonica." patlang, "He will realize he is still
in love with her. They've been best friends. Childhood friends. They have a bond
that you can never share with him. And then, you will be left alone."

Lumunok lang siya.

"So, back off! Habang pwede ka pang mag-move on. Dahil kawawa ka naman kung maiiwan
kang luhaan pag tapos na ang lahat ng ito."

Huminga siya ng malalim. Pinigilan ang panginginig.

"Maam... ang liit naman yata ng tingin n'yo sa anak n'yo. Hindi po ganyang klase ng
tao si Grey."

"Oh? Do you know him that long, Tonica? I am his mother. I know him all too well!"

Hindi siya nakaimik. Totoo ba lagi iyon? Na perpektong kilala ng isang ina ang anak
nito? Paano na lang siya kung totoo nga?

"Hindi ho ganun si Grey." pero nanginginig na ang boses niya.

"Then, are you willing to make a bet?"

Ang alam niya, masama ang sugal. Pero ang pagmamahal... at sila ni Grey... habang
tumatagal ay nagiging isang malaking sugal. At kung susugal siya, gaya ng sabi ng
Tatay niya: Love is absolute.

"Tungkol saan ho?" nanghihinang tanong niya.

"My son is going to Berlin next week to attend a conference. Noreen will be there,
too. From today until the conference is over, don't talk to my son. Don't even try
to see him. Then... if, he still wants you after knowing the truth about Noreen's
refusal to marry him, if he still chooses you, I will accept you as his bride."

Napalunok siya sa sinasabi nito. Pero... tama naman ang hinihingi nito, hindi ba?
Dapat alam ni Grey ang lahat ng nangyari sa nakalipas nito. Dapat alam nito kung
ano ang ginawa ni Noreen para rito. Kahit na mukhang tatagilid siya at ang puso
niya kapag nangyari iyon. Kailangan niyang maniwala na totoong mahal siya ni Goryo
niya.

"Iyon lang ho ba?"

Ngumiti ito.

"Oh! Prepare for a heartbreak, dear! Because I assure you... he will return to
Noreen."

Ngumiti siya ng matipid.

Walang alam ang kaharap sa kanya. Sanay siya sa nananakit na dibdib. Sanay siyang
sumusugal, naiiwan, napaglilipasan. And lately, she's getting used being ridiculed.
Ni hindi niya kailangang maghanda. #
Chapter 39 : To brave a storm

A/N : MASAKIT. MASAKIT. MASAKIT.


At nagmamahaba si Late Bloomer. Sasabihin ko na lang pag matatapos na. Humahaba
talaga e.

-----

Two days more.

Tanghalian. Magkaharap sina Tonya at Korina sa hapag-kainan at nagsasalo sa


pinakbet at pritong isda. Tumunog ang cellphone ng ginang na nakapatong sa mesa.
Napasulyap si Tonya sa ina nang kunin nito ang cellphone para basahin ang mensahe.

Kumunot ang noo ng Mama niya habang nagbabasa. Pagkatapos ay uminom ito ng tubig.
Malalaki ang lagok. Tumagilid nang hindi niya nakikita ang mukha. Bumulong-bulong.
Bago seryosong humarap sa kanya.

"May text ang maarte mong nobyo." mataray na sabi nito.

Pinigilan niya ang sariling mangiti. Mukhang hindi pa nakaka-move on ang Mama niya
sa nabuko nitong taktika ni Goryo para lang makapasok sa bahay nila. Naaalala niya
ang pag-iingay ng Mama niya sa hapag-kainan nang kumain sila ng hapunan. Nang
magpaalmusal kinabukasan at mag-usisa sa lagnat ng lalaki ay nag-aalburoto ito.
Nagtalak hanggang sa makaalis si Grey.

Pero hindi naman siya sinabunutan.

"Ano pong sabi?" usisa niya.

Dalawang araw nang sa cellphone ng Mama niya nagtetext ng kung anu-ano si Goryo
dahil hindi pa rin siya pinapayagang gumamit ng cellphone. At hindi iyon
ipinababasa ng ina sa kanya.

Uminom uli ito ng tubig.

"Itong sabi." naglinis ito ng lalamunan, "Hi, Madame. Kumain na po ba si Tonya?"


Patlang. Pinigilan niya ang kilig.

"Iyon lang po, Ma?"

Parang nanigas ang panga ng Mama niya.

"Hindi. Meron pa."

"Ano pa po?"

"Ginagawa akong mensahero nitong nobyo mo! Pag nakita ko uli ito ay lulumpuhin ko
para hindi makapag-inarte!" mataas ang boses na sabi ng Mama niya.

Nangiti siya sa hina-highblood na reaksyon ng ina. Ano kayang sinabi ni Goryo sa


text nito? Pero hindi siya nangahas na magtanong pa. Nakatingin na lang siya at
naghintay.

"I love you raw." masama ang loob na sabi ng ginang.

Napangiti siya. Masama naman siyang tiningnan ni Korina.

Tumunog uli ang hawak nito.

"May message uli, Ma." excited na sabi niya.

Masama ng hilatsa ng mukha nito. Pero binasa pa rin ang mensahe.

"Ewan ko sa inyo!" sabi nitong nanggigigil, "Sandali! Ire-reply ko itong


tarantadong ito! Namimihasa na e!"

Nakatawa lang siya sa ina habang nagta-type ito. Nagreply ito ng ilang ulit.
Hanggang tumunog ng sunod-sunod ang cellphone. Sandaling nagbasa ang Mama niya bago
ihinagis sa kanya ang gadget.

"Ikaw na ang magbasa! Nawalan na ako nang ganang kumain!" sabi nitong nagdadabog na
tumayo at iniwan siya sa mesa.

Kinuha naman niya ang cellphone at binuksan ang mensahe ni Grey.

Received 12:31:05 pm

Good afternoon, Madame. Kumain na po ba si Tonya?

Makikisuyo po. Please tell you daughter... I love her. :)

Reply

Manahimik ka diyan, Gregory.

Received 12: 33: 48 pm

Makikisuyo po uli.

For Tonya:

Hi slowpoke. I'm with Adam at the airport. We're boarding the flight to Berlin in a
few minutes. Did you get the flowers I send you? Did you like them? Do you miss me?
Are you eating?

I miss you.

Reply

MAHIYA KANG LALAKI KA. WAG MO AKONG GAWING MENSAHERO NINYONG DALAWA!

Received 12:35:01 pm

I apologize, Madame. But... I really miss your daughter.

BTW, I hope you like the other set of flowers I sent for you. And the hair curler,
too.

Reply

Hindi ko nagustuhan! Ni hindi ko tiningnan! Hindi mo ako makukuha sa suhol mo!

Received 12:35:06 pm
Please, accept it po. The curler set is a limited edition. And it's in red - your
favorite color.

- your son-in-law, Grey :)

Reply

Hindi ka pakakasalan ng anak ko!

Reply from Grey

She told me so. Because we want your blessings... muna. Po. :)

Reply

Hindi ko ibibigay. Tapos!

Reply from Grey

I will still try my luck to get it. Po. :)

Reply

Magtigil ka.

Received 12:39:04 pm

Quote for Madame Korina:

The 'good' mother,

with her fixed smile, her rigidity,

her goody-goody outlook,

her obsession with unnecessary hygiene,

is in fact a fool.

It is the 'bad' mother,

unafraid of a joke and a glass of wine,

richly self-expressive, scornful of suburban values,

who is, in reality, good.

- Found something that really fits, Madame. :)

Received 12:43:55 pm

Quote for Tonica:

A kiss is a lovely trick designed by nature to stop speech when words become
superfluous.
You're good at tricking me. - Goryo

Received 12:44:36 pm

Quote for Tonica:

Love is an irresistible desire to be irresistibly desired.

Hmm. Now I know why. ;) - Goryo

Received 12:45:03 pm

Quote for Tonica:

Your words are my food, your breath my wine.

And I am always hungry. - Goryo

Received 12:45:58 pm

I love you.

Received 12:46:59pm

I miss you.

Received 12:47:05pm

I really wish you are with me.

Received 12:47:16 pm

I'll be with you, soon.

I miss you. - Grey

Nakangiti siya sa pagbabasa ng mga text messages ni Goryo. Sumilip siya sa gawi ng
silid ng Mama niya. Tahimik. At mukhang hindi pa babalik ang babae.

At dahil wala pa ang Mama niya...


Sent 12:48:01 pm

Goryo! Si Tonya to...

Ang corny mo! :D

Sent 12:48:05 pm

Have a safe flight. I love you.

A Panda. --> (♥ó㉨ò)ノ♡

Bumalik na uli siya sa pagsubo nang tumunog ang cellphone.

Received 12:55:26 pm

We're boarding now, slowpoke. I really want to call you but... your mother might
not like it. So...

Stay away from the internet while I'm away. If you can't, then ignore internet
posts about us. Don't read comments. Don't watch late night show gossips (they're
the worst). Don't watch the weekend gossip show (they're doomed).

Miss me. Love me. Think of me.

I will be back before you know it.

I love you. :)

Reply from Tonya

I will. Think of me, too.

I love you. <(^_^)>

Natahimik na ang cellphone.

Paulit-ulit na binasa ni Tonya ang mga mensahe na ipinadala ni Grey para sa kanya.
Ang sabi sa internet, 19-33 hours daw ang layo ng Berlin sa Maynila; depende sa
connecting flights. Nauuna raw ng pitong oras ang Pilipinas kaysa sa Berlin. Ang
alam niya, mawawala si Grey ng sampung araw.

At nananalangin siya, na sana nga, sampung araw lang iyon.


*****

Berlin, Germany. 08 : 30 PM

Dinner.

"It has been a long time since we had a meal together. Yes?"

Napatingin si Grey sa lalaking katapat sa mesa. Malamig ang ekspresyon sa mata ni


William Garcia. He was slicing his steak with ease. Katabi nito ang asawang si
Marian na paminsan-minsan ay napapatingin din sa kanya. William and Marian are
Noreen's parents. At sa tagal ng panahon na hindi sila nagkita, sa kabila ng pag-
edad ng mga ito ay galante at mabini pa ring kumilos.

"Yes, Tito." sagot niya, "We haven't seen or talked to each other for a long time.
I'm sorry about that."

Napasulyap siya sa inang katabi niya at kasama rin sa mesa. Kontento ang ngiti
nito. Two hours ago, he woke up with Pearl in his hotel room, demanding him to
dress up for dinner to meet Noreen's parents. Si Adam ay sa ibang restaurant
kumain.

At mula nang magkita-kita sila ay may nakabiting tensyon sa pagitan nila. He's sure
they knew about him and Noreen breaking up.

"Fortunately, Noreen can't join us for dinner. Pardon her. The fashion show she's
organizing started late."

Fortunately. He notes the scorn in Willy's voice. Hindi siya kumibo.

"You know... she just started to eat and work again after her depression over your
break-up."
"Pa..." masuyong tawag ni Marian sa asawa, "Can't it wait?"

Madilim ang mukha ni Willy. Ni hindi ito sumulyap sa asawa.

"No, dear."

Katahimikan.

"Marian..." sabi ng ina sa kaedad, "Would you join me for a little wine? In my
hotel room?"

Naiilang ang mukha ng babae nang tumango sa ina. Tumayo ang mga ito at bago umalis
ay -

"Grey..." ani nang babae nang humawak sa braso niya, "Be patient with him."

Matipid siyang ngumiti kay Marian. "I will be okay, Tita."

Nang mawala ang dalawang babae at maiwan sila sa mesa ay tumigil sa pagkain si
Willy. Matigas at madiin ang ekspresyon nito sa mukha. He means straight talks.

"Of course you will be okay." madiin ang bawat salitang binibitiwan ng lalaki, "You
just broke my daughter's heart. And you have a newfound love."

"I'm sorry, Tito." nagawa niyang sabihin ng tuwid dito, "I have no excuses for
that."

Katahimikan. Nagtaas ang kamay ang lalaki para tumawag ng waiter. Alak ang inorder
nito.

Nang dumating ang bote ng bourbon ay saka ito nagpatuloy.

"Why did you do that, Grey? I trusted you! I did not intervene when Noreen waited
for you. I did not intervene with the two of you until you separated six years ago.
What happened?!"

"I'm sorry, Tito... I didn't want to break her heart."

"If that is true, you shouldn't have fallen in love so easily! How could you meet
and fall for another girl just like that and take her for granted!"

"It's not about me falling in love so easily, Tito. Six years is a long time. And
for six years, I kept Noreen in my heart. I thought of her. Planned things with her
on my mind. I didn't mean to fall in love with another!"

"You fell in love at the cost of my daughter's heart! You broke her, Gregory!"
humigpit ang hawak ng lalaki sa basong may alak, "- I saw my daughter almost dying
because of you. She saved herself just for you! Waited to come back to you! Hindi
mo siya dapat na pinaasa! O pinangakuan! She waited, Grey!"

"I waited for her, too, Tito! I was saving myself for her! If it's possible, I
would have done everything to prevent falling in love with Tonica. But I just fell.
Hard. Without any clue. And all I can do is apologize."

"Surely, you haven't tried enough! You haven't controlled yourself enough! And with
no shame, you break her into pieces by getting into a relationship immediately!
That's something I can't forgive!"

"Tito... I am truly sorry, I have had a change of heart. Hindi ko po 'yon sinadya.
Please understand. Noreen and I talked about it and she -"

"She told you not to worry? Told you that she's strong? That she could make it
without you?" nang-uuyam ang boses nito, "Of course she would say all that! She's
kind, Grey! She wouldn't want you to hurt! At her expense, she acted tough so you
wouldn't worry! But I have seen her in the past days! She's far from getting over
you!"

Hindi siya nakaimik. He's aware of his conceit. He knows, it would be more proper
to wait a little than show the world that he's perfectly okay and perfectly in
love. Pero paano niya sasabihin? At paano madaling tatanggapin ng iba na napagod na
siyang maghintay?
He is always waiting. When he proposed to Noreen before, he waited for her. To tell
her the truth about his feelings for Tonica, he waited again. Because he respected
what they had. So when he finally got the chance to express his love, he just went
on with it. Hindi niya mahintay. Dahil hindi na niya maintindihan kung para saan.
Wala na sa edad nila ang paghihintay. Thirty plus is not age that offers the luxury
of youth to wait long. So he chose to believe in Noreen - in her kind-heartedness
and understanding. He chose to believe in what fate has given him - another love.
And he might have asked for too much but how could he ask for something less? Alam
niya. Dahil nagmamahal na siya ng iba, nasasagasaan niya ang puso ng babaeng
minahal niya. Pero kahit na anong isip niya, alam niyang walang madaling paraan.
Walang ibang daan para iwasang masaktan si Noreen. He will have to break her heart.
The sooner, the better. Because like them, Noreen doesn't have the luxury to wait.
And he didn't want to waste more of her youth.

To love her and save her, he needs to be cruel. He needs to cut himself away from
her.

"Tito, I love Noreen, too. Hindi ko rin siya gustong masaktan. But that cannot be
avoided. Nang umalis siya six years ago after I proposed to her, I was resolved to
wait for her. When I met Tonica, I was resolved to hold on to whatever love I have
for her. But she knows me too well. And I can't trick her. Hindi ako
magsisinungaling sa kanya at magkukunwaring walang nagbago. Dahil meron. We tried
to make the feelings come back. But it's not the same anymore. It will never be. We
waited. But... we reach an end."

Uminom ng alak ang lalaki. Maigting ang panga nito. Naggigitgitan ang mga ngipin sa
pagsasalita.

"You are the only one who changed, Grey. The only one who reaches the end. Because
she's stuck with you and all of your memories." umiling ito at namula ang mga mata,
"You don't know how hard it is to see her hurting everyday. She's smiling. She's
moving. Dancing, even. But she's not the same girl. When I look at her, no joy can
reach her eyes. And all her smiles... are just shadows and broken pieces of my
little girl. I couldn't take it!" masamang tumitig sa kanya ang lalaki, "So I
resolved in destroying you, too!"

Nanlamig siya. Sinabi ng matandang lalaki ang mga salitang iyon sa paraang
nakakatakot. Like a mad dog out to devour a man.

"What do you mean... destroy me, Tito?"

Uminom ito ng alak.


"Who do you think created a stir about you and your girl? A fire will burn down to
charcoal if not feed properly."

Nakuyom niya ang kamao sa tinutumbok nito. Napailing siya.

"No..." lumunok siya, "You're not capable of doing something like that, Tito. The
rumors back in the Philippines may be quickly escalating than normal but there was
no way..."

"Try to watch your child get ruined by a man, Grey... Only then you will see how
fast a father could trade his sanity and conscience for his child to get even."

Pakiramdam ni Grey ay bumaba ang temperatura sa silid hanggang sa nanginginig na


pati mga labi niya. Hindi niya alam kung paanong matitibag ang matigas na
resolusyon sa tinig ng lalaki. And he is starting to get angry, too.

"Tito... Tonya has nothing to do with hurting Noreen!" madiin ang bitaw niya sa
bawat salita, "I am the one who hurt her! Ako lang dapat! Ako lang dapat ang
tumanggap ng parusa n'yo!"

Umiling ito.

"That girl made you change your mind. Ikaw at ang babae mo, ginawa n'yong tanga ang
anak ko! Ikaw at ang estupido mong karera, sinira ang anak ko! I could only look at
my daughter once you are completely destroyed!"

Mahigpit na magkalapat ang panga niya. Hindi niya mapaniwalaan ang nakikita niya.
Laging mahinahon at makatwira si William Garcia. Hindi niya akalaing sa lahat ng
tao ay ito ang Sa lahat ng tao, hindi niya akalain na ang ama ni Noreen ang nasa
likod ng mga malisyosong balita at ng mga mapipilit na reporters. Nasapo niya ang
ulo. Napailing.

"What you are doing now, Tito, would break Noreen's heart more than you could
imagine. She loves you a lot."

Nagsukatan sila ng tingin ng lalaki.


"But she... lives for you." malungkot na sabi nito, "Six years ago... she flew to
Paris for you. She declined your marriage proposal for the sake of your career!
Because Pearl talked to her about you and your career as a director! Inuna ka niya.
Inisip ka niya! Inalala ka niya at ang karera mo! She flew to Paris with a broken
heart. No matter how much she wanted to say yes... she sacrificed and waited. And
now..." naluha ang mata ng lalaki, "- she's living with all of the what have
been's! Pinagsisisihan niya ang lahat ng taon na nasayang ninyo! You hurt her and
she's still blaming herself! She's crying because of her stupid kindness, Grey!
She's always crying for you!"

Napatunganga siya sa narinig. Something's wrong with what he heard.

"What did you say, Tito? Mama talked to her... to refuse me back then?"

Madilim ang mukha ni Willy. "Pearl confirmed it to me when she apologized."

No way! Noreen wanted to pursue her dreams of becoming a world-class Fashion


Designer and Stylist! Tha's what he knew. And that's what she had him believed! Why
would she -

"Where is Noreen? I have to hear it from her."

"No."

"Tito!"

"No!" tumayo ang ginoo na nanlilisik ang mata, "Stop messing her up!"

Tumayo rin siya. "Kailangan ko siyang kausapin, Tito!"

"Bakit pa? Babalikan mo ba siya dahil sa nalaman mo?! Sasaktan mo lang siya uli!
And if you hurt her more this time... the career that she protected for your own
good, I would completely - !"

Nakakuyom ang kamao niya nang salubungin ang tingin ng lalaki.


"Destroy it, Tito. Destroy me! If that's what's hurt Noreen... break everything to
pieces." #

Chapter 40 : To turn one's back

A/N : Hay naku. SUPER DUPER SAKIT. YOU HAVE BEEN WARNED.
At may isang bagay na bagay na kanta sa kanila. Cover ng Boyce Avenue: What hurts
the most. Bow.

-----

Mabilis na pumanhik si Grey sa hotel room na tinutuluyan ng ina. Sunod-sunod ang


katok niya hanggang pagbuksan siya ni Pearl na may hawak pang kopita. Napaurong ang
ginang sa intensidad ng ekspresyon ng mukha niya nang tumuloy sa pinto.

"Is it true?" mabigat ang hugot niya ng hininga, "Is it true, Ma? You talked to
Noreen before to refuse my marriage proposal?! You meddle between us?!"

Panay ang urong ng ginang habang panay ang hakbang niya palapit dito.
Nahihintakutang nakatingin si Tita Marian sa kanila. Nakahawak ito sa dibdib.

"Stop scaring me, Grey!" galit na sita ni Pearl. Tumigil ito sa pag-urong at
nagtaas ng noo.

"Is it true?! I'm asking you!" galit na sigaw niya.

"Yes!" anito at ibinato ang wineglass na hawak sa sahig, "It's true! And it's for
you! For your own good! I asked her to refuse and give you time! To wait for your
career to fly before marrying you! Or else you would lose sight of your priorities
and never reach your status today! And she understood -"

Mahigpit niyang hinawakan sa braso ang ina. Nanginginig siya sa iba't ibang
damdaming sumasalakay sa kanya.

"How could you! I never asked you to do that! I never asked you to meddle -"

"I am your mother!" sabi nito na binawi ang braso, "You don't have to ask me to do
it for you! I have done it because that's what I know is best for you! To help
you... fulfill all your dreams. To help you... realize your potential without
distractions! You love her so much! She would distract you if you marry her! I
know!"

Nanlalaki ang mata ng ina sa pagsasalita. Napaurong naman siya at napatungo. Sapo
niya ang ulo.

Hindi nga siya kilala ng sariling ina. Noreen is never a distraction to him. She is
his strength. His inspiration to make it through his parent's separation and taking
obligations in raising Portia. Her love and support for him makes things easy. She
always makes it easy for him to do what needs to be done.

Madilim ang matang tumingin siya sa ina. He could not believe what little faith her
mother has for him. He could not believe how she could morph into this kind of
shallow woman. His mother used to be... so caring and modest. Not this...

"And what now? You're telling me now because you're guilty with what you have done?
Because you wanted us to stay together? Is that it?!"

"Yes! I am guilty! It's my fault so I want to make it right! And what's right is
for you and Noreen to be together! That's what! You are made for each other! Kaya
hindi ako nahiya noon sa kanya nang humingi ako ng pabor. Kaya rin hindi ako
nahihiya ngayon na paglapitin kayo at ibalik ka sa kanya!" giit nito, "Because from
back then... until now... I know, she's the only person who is right for you!And I
only wanted you to be happy! She will make you happy! Kaya tigilan mo ang kalokohan
mo kay Tonica!"

"Shut up!" sigaw niya. Napailing. "It's not my happiness you care about! You are
concern about your peace of mind! You're guilty because you mess things up. Kung
itinatama mo man ngayon ang sinasabi mong pagkakamali, dahil lang yun sa
nakokonsensiya ka. Hindi dahil gusto mo akong maging masaya! Because I was sure
back then that marrying Noreen would make me happy! If you didn't meddle, then I
would have been happy a long time ago! Paano mo yung hindi nakita, Ma? And now, I
am sure, I would be happy and a little less crazy... if you are not messing with my
brain!"

Nagsukatan sila ng tingin ng ina. Namumutla ito. Nahuhukot mula sa dati ay


makumpiyansa at eleganteng pagkakatayo. He can see her trembling.

Umurong siya. Mapait na umiiling.

"I thought... I could still count on you as a mother. Even with the distance and
the time we spent apart. But I was so wrong, Ma." kinagat niya nang mariin ang
pang-ibabang labi. He might regret what he's going to tell his mother now. But
there is no escaping how he feels. Tumulo ang luha niya sa bigat ng dibdib.
"You..." umiling siya, "- you are no mother to me."

Tinakpan niya ng palad ang mukha bago tumalikod. Now he knows why Tonya cries while
hiding her eyes. Because it's hard to keep looking at things, at people with so
much tears. Mahirap tumingin sa isang nasisirang imahe. Hindi niya kayang tingnan
ang ina nang malaglag ang balikat nito at tuluyang humagulgol.

"Oh, dear... I only wanted what's best for you..." humihikbing sabi nito sa kanya,
"I am so sorry, Grey..."

Nanghihina ang loob niya sa pakiusap pa lang ng ina. Pero hindi na siya lumingon.
He can't look at her. And he has to go to Noreen.

*****

"Grey!" pagkagulat ang nasa mukha ni Noreen nang makita siya.

Umayos ng tayo si Grey mula sa pagkakasandal sa pinto ng silid ni Noreen sa hotel.


His eyes surveyed her face. Pumayat ang babae. Maputla. May eyebags na bibihira
itong magkaroon.

At nang magtagpo ang mga mata nila, wala sa loob nitong naikuyom ang kamao.

"You surprised me." alanganin at hindi makangiti na sabi nito. Lumapit ito at
binuksan ang pinto ng hotel. "I didn't know you'd be here."

Hindi siya makakibo. Nananakit ang puso niya. Ang mata niya, nakasunod lang dito.
He can't even move to hold her.

"What's wrong?" nag-aalalang tanong nito habang nakalingon sa kanya. "Come in. You
don't look... good."
Tahimik pa rin siya hanggang nang nasa loob na ng silid nito.

"You're starting to creep me out, corny. What's happening?" she forced a smile.

Huminga siya ng malalim.

"Why did you refuse my marriage proposal before?" mababa ang tono na tanong niya.
He's keeping his distance. Ayaw niyang umiyak o manghina. He wanted... to be able
to hold her without breaking down for asking her forgiveness.

"That's... in the past, Grey." mahina ang tinig na sagot nito. Nag-iiwas ng tingin.

"Just tell me why. I wanted to know."

"Do you want me to make you cof-"

"No. I don't want anything, Noreen. Just answer my question."

Hindi ito kumibo. Nakipagtitigan sa kanya. He hold on what little composure he has
left.

"It's for... me. Di ba?" iniiwas nito ang mata, "It's for my dream to study in
Paris. Because I received a -"

"You're lying."

"That's the trut-"

"Don't lie for me. You're hurting me and yourself!" matatag ang tinig na sabi niya.
"I am going to ask you again, Noreen. Why did you refuse?"

Katahimikan.
"Noreen."

"That's the truth, Grey."

"Noreen!"

"Grey! That's what happened, okay?! I wanted time! I wanted to realize my dreams
and go to Paris! I -"

"I know all about it!" magkalapat ang ngipin na sabi niya. Saka, "So don't protect
me from it, Goddamn it! I'm not that special, Noreen!"

Nakatitig sila sa isa't isa. Nakita niya ang paglunok nito. Ang pagdaan ng sakit sa
mukha nito - sa mga mata. Habang siya, nalulusaw ang puso niya.

"Don't protect me from it. Tell me everything! Demand! Be a brat and demand! You
don't have to lie or keep a farce!"

"Para saan pa?! Tapos na tayo, Grey! I don't see the use of telling you all about
it!"

"Then at least tell me about it because I have the right to know!"

"Para saan? Para makonsensiya ka at piliin mo ako? Para maawa ka sa akin? Tama na!
Tama nang ako lang ang naaawa sa sarili ko! What I have done before, I have done it
not just for you but for me, too! To serve myself because I'm playing the good
girl! That's just it, Grey! Get over it!" sigaw nito sa kanya.

Nang akmang tatalikod ito ay hinawakan niya ito sa braso. Ihinarap niya sa kanya.

"You brat! Did you get over it? Did you really? Hindi ka umiiyak? Hindi ka
nasasaktan na mag-isa? Hindi ka nanghihinayang?"
"Hindi!" anitong may takot sa mga mata at pilit binabawi ang braso, "Let go of me!"

"I won't! And you're lying!" aniyang inilapit ang katawan dito.

"I am not!" matigas na sigaw nito at humakbang paatras.

Nagtiim ang panga niya. She's lying to him!

"Bakit ka umaatras kung hindi? Are you afraid of me?"

Iniangat nito ang noo. "No!"

Pinakatitigan niya ang babae. She's hard to crack. Hindi ito aamin. Hindi magde-
demand. Hindi manghihingi o magpapaawa. Then what is he in her life? What is his
use? Why does she chose for him to be the thing that hurts her? Dahil hindi iyon
ang gusto niya! Hindi iyon ang silbi niya!

"Let go of me, Grey." mababa pero galit ang tinig ng babae.

"Oh, yeah?" nanggigigil na sabi niya, "Hindi ka na nanghihinayang? Hindi ka na


umiiyak? You're not blaming yourself for what happened?"

"No! I am not!" matigas na sagot nito at nakipagsukatan ng tingin sa kanya.

"You brat!" aniya rito at hinatak ito palapit. He crushed his lips to hers. Hinapit
niya ito. Mahigpit. Feeling hurt as he did so.

And she's fighting him back. Like a tiger ready to attack. Tumama ang kuko nito sa
braso niya. Sa leeg niya. Pero hindi siya nagpatinag. Sa tuwing mailalayo nito ang
mukha ay hinahabol niya at sinisiil niya ng halik.

And he's praying... that she would stop acting tough. Because he's at his limits.
"Stop!" sabi ni Noreen nang maitulak siyang palayo.

No, he won't stop. He kissed her more. Hard. That their kiss tasted like blood in
his mouth.

"Stop..." humihina ang pwersa na sabi nito.

More. He needed to push her more.

"Stop this..." mahinang bulong nito sa pagitan ng pagsalakay niya, "Stop, Grey..."

He tasted tears in her lips. And automatically, he stopped. Binitawan niya ito at
tumalikod. Nanghihinang napasandal si Noreen sa pader at umiyak. Itinakip naman
niya ang palad sa mukha habang bumubuhos ang luha.

Tahimik silang umiyak.

"Liar." he accused her, "You said... you would forget. Na kaya mo. Why did you have
to lie? To me?"

"Because... I can't tell you... that I can't." marahang sabi nito habang sumisigok.
"I can't need you. But I do. I can't want you. But I do. And I can't tell you it
would kill me to forget you." Panay ang punas nito ng luha sa mga mata. "Ayokong
maging selfish. Ayokong pilitin ka sa hindi mo gusto..."

Lumapit siya at nanghihinang hinawakan ito sa magkabilang balikat.

"Are you dumb? You can be selfish with me... Like always."

Mapait itong tumingin sa kanya. Walang tigil ang pagbagsak ng luha mula sa mga
mata.

"Walang... 'always', Grey. It's not... the same. Even if I tell you what I did,
what I have given up for you... even if I regret it... would it change your mind?
Would you love me again? May magbabago ba? Sa isip mo... at sa desisyon mo?"

Naglapat ng mariin ang mga ngipin niya. Sinuntok niya ang pader sa tagiliran. Gusto
niyang magwala at sumigaw. But the pain drains him so much.

"I know... nothing would change." tumitig ito sa kanya at bumuhos lalo ang luha,
"Nothing. I know you so well. And you can't lie..."

Patlang. What can he tell her? What does he feel?

Nagpatuloy si Noreen, "Even your kiss now... tells me I'm not the one for you. So,
why do have to be that cruel to me?"

Hindi niya maialis ang mata nito. She's in so much pain. And it tears him apart to
see her like that.

"That's why I lied. I wanted to at least save my pride. Can't I do that, Gregorio?"

Can she?

Umiling siya.

"So you would just cry alone? And regret... alone?"

"Grey..." nakikiusap ang mga mata ni Noreen, "Tama na..."

"Walang tama na, Noreen. Wala ngang mababago kahit na sabihin mo sa akin. Because
those six good years already passed us by. There's nothing I could do to give that
back to you. Or to change it. This heart..." aniyang pasuntok na tinukoy ang
sariling dibdib, "- won't listen. To my conscience. Or my regrets. Or my anger.
Even if I wanted to give this heart back to you, I can't. I can't change it back to
love you. Because it's been snatched and locked away... by her. And you're right. I
am cruel." pumatak ang luha niya sa pagitan ng bawat salita, "But even if we can't
go back to the past or that I can't promise you my heart again... we could regret
together. I want to be with you and hold you while you cry. Or you could punch me.
I could listen to you rant. You could demand anything and I would try to do it. We
could argue. You could blame me... Then, maybe, I could cry properly, too, and be
sorry."

Napapailing ang babae sa mga sinasabi niya.

"You're hoping I could let you go just like that?"

He smiled painfully.

"Yes. Because I'm no good for you. And because I wanted to be with you while you're
hurting. It's unfair... it's unfair for you to cry alone. It's unfair for you be
all alone while thinking of all the things we have shared together. It's unfair for
you to regret alone. You have been there for me through all the times I was broken.
So now, I wanted to be with you while you are. Kahit na gaano ka-pathetic ang
hinihingi ko! Kahit na parang tanga ang iniisip ko! I am already unfair to you..!
So, don't be unfair to yourself, too." hirap na hirap na sabi niya, "Magalit ka!
Umiyak ka! Ask me all your questions! Throw me all the pain! Magwala ka sa harap
ko! Exhaust all the hurt and hate you feel. Dumped everything on me. Not to make me
feel good and save me from my mistakes and from what I could not be. But for you to
feel right again." Hinawakan niya ito sa balikat at tinitigan, "It's for you to
discover yourself again from the ruins I have caused. For you to live again."

Nanginginig si Noreen sa mga kamay niya. At pagkatapos nitong tumitig sa mga mata
niya, umiyak itong lalo. Malakas. Masakit. Yumakap ito ng mahigpit sa kanya.

"How could you be like this, Grey?! How could you..!" sigaw nito habang nakasubsob
sa kanya at nakakapit sa braso niya.

They cried together. For hours without end.

When her face and eyes are swollen with tears and when he's weak with the ordeal,
she asked him.

"What if... what I wanted to demand from you was to stay... with me? Would you do
it?" sumisigok na tanong nito.

Nakatingala sa kanya si Noreen. Panay ang punas niya ng luha sa mukha nito. Hindi
niya alam ang isasagot sa tanong nito.
"Grey..." nakikiusap ang mga mata nito, "- will you stay... with me... here?"

*****

Five days later.

Walang tawag o text galing kay Grey. Walang balita.

Ang puso ni Tonya, unti-unting nanghihina. Something happened. Nararamdaman niya.


Gaya ng lamig, lungkot at hungkag na pakiramdam ng paparating na ulan kapag
makulimlim ang langit.

Pagkatapos, isang hapon, nang makiusisa siya sa tindahang malapit sa kanila ay


nakita niya sa diyaryo ang isang balita.

Renowned Director Gregory Montero to marry his childhood sweetheart, the Fashion
expert, Noreen Garcia?

May larawang kinunan mula sa isang ballroom hall sa Berlin kung saan magkayakap ang
dalawa. And Noreen is wearing an engagement ring. #

Chapter 41 : To trust blindly

A/N: A... sira ang SAKIT METER ko. So... kayo na ang bahala.

-----

Tahimik na pumasok si Tonya sa sariling silid at naupo sa kama niya. Nag-i-echo ang
balitang nabasa niya sa dyaryo.

Renowned Director Gregory Montero to marry his childhood sweetheart, the Fashion
expert, Noreen Garcia?

Nakikita niya ang larawan sa isip. Magkayakap sina Grey at Noreen. May engagement
ring ang babae. Pero ang pinakatumatak sa isip niya... bakit sa picture, malungkot
ang mukha ni Grey?

Nag-aalala siya. Ang huling usapan nila ni Grey ay nang sorpresa itong tumawag.
Maging ang Mama niya, hindi naipagkait sa kanya ang phone call na 'yon.

"Hey... slowpoke. How are you?" mababa ang boses ni Grey sa kabilang linya.

Napatingin siya sa orasan. Alas otso. Ibig sabihin, ala una nang madaling araw sa
Berlin.

"Grey!" napataas na tono niya bago alanganing nagtanong, "Anong problema? Bakit
ka... malungkot?"

Mahina itong tumawa. Pero walang sigla.

"I miss you."

Tumagos sa kaluluwa niya ang sinabi nito. Bumigat ang dibdib niya. Nararamdaman
niyang may problema.

"I miss you, too." halos bulong niya. Nawalan siya ng lakas na magtanong kahit na
nararamdaman niyang may masakit na nangyayari sa panig nito ng mundo. Hihintayin
niya na sabihin nito. "Bakit gising ka pa? One A.M na diyan, di ba?"

"Yeah."

Patlang.

"Grey?"

"I just... " nag-crack ang boses ng lalaki, "I really miss you."
Nakarinig siya ng mga pigil na singhot sa kabilang linya. Ng mabibigat na buntong-
hininga. Umiiyak ba ito?

"Are you okay?" nag-aalalang tanong niya.

"I don't know, slowpoke."

Patlang.

"But I really want to see you." sabi nito.

Mahina siyang tumawa.

"Sandali ka lang naman diyan, di ba? Kararating mo pa nga lang e..."

"Yeah... I'm sorry. But... don't worry about me. I just really want to call and
hear your voice."

Patlang.

"Grey... anong problema?"

Singhot. At lagok.

"There's none... Don't worry about it."

Hindi niya alam ang sasabihin. Nararamdaman niyang nagsisinungaling si Grey. Dahil
sa bawat salitang binibitawan nito, may sumasabay na kirot sa dibdib niya. Habang
naririnig niya ang malungkot na boses nito, may pumipiga sa puso niya.

"I have to go, slowpoke." matamlay pa ring sabi nito. "I'm sorry..."
"Okay... Mag-ingat ka diyan ha." napalunok siya at nagbiro, "At kung may problema
diyan... umuwi ka na lang sa 'kin."

Mahinang tumawa si Grey.

"That's what I really want to do."

Patlang.

"Pero hindi pa pwede?" malungkot na dugtong niya.

"Yeah. Pero... hindi pa pwede."

"Hold on, Grey."

Patlang. At paghinga ng malalim sa kabilang linya. She's almost sure he is crying.

"Bye. I love you, Tonica."

Humugot din siya ng malalim na hininga.

"Bye, Goryo."

Doon yata nagsimula yung kakaibang kaba. Yung pakiramdam na may masamang
nangyayari. At may masama pang parating.

Hindi mapakali, lumabas siya sa silid at nilapitan ang ina.

"Ma..." tawag niya sa ginang na nasa harap ng internet. Baka nakikipag-away na


naman ito.
Gusot ang mukha ng ina nang lingunin siya.

"May kaaway ka na naman, Ma?" usisa niya.

"Wala nga e!" asar na sagot nito na parang nag-iisip, "Kanina pa ako nagsi-search
ng balita na tungkol sayo. Pero... wala."

Naguluhan siya sa tinutukoy nito.

"Ano pong wala?"

"Wala na yung mga article na tungkol sayo. Pati sa facebook at twitter, nananahimik
na."

May bumundol na kaba sa dibdib niya. Imposible iyon. Kahapon ng umaga lang ay may
kaaway ang Mama niya sa isang forum. Paanong bigla na lang titigil at mawawala?
Pero -

"Itong si Goryo ang may article dito sa internet o! Ang damuho!"

Tiningnan niya ang parehong balitang nabasa. Colored ang picture nina Noreen at
Grey na nasa internet. Ayon sa simulang mga salita sa artikulo ay kagabi lang
kinunan ang larawan. At tama siya. Si Grey -

"Malungkot nga, Ma!" sabi niya sa ina. Malaki ang mata niya sa pag-aalala nang
bumaling dito.

"Anong malungkot? Hindi lang dapat malungkot! Dapat nagwawala ka na ngayon at - !"

"Si Grey ang tinutukoy ko, Ma! Malungkot nga siya sa picture!"

Napatanga sa kanya ang ina. Suot ang salamin ay sinipat ang picture na tinutukoy
niya.

"Anong malungkot diyan? Hindi ba laging ganyan ang mukha niyan sa TV?"

Umiling siya. "Hindi, Ma. Iba yan sa normal na sungit niya!"

Tumalas ang mata ng ina.

"Tonya! Yung article ang intindihin mo at hindi yung pagtitig sa mukha niyang
unggoy na yan!" sita nito.

"Alam ko na yan, Ma e. Nasa dyaryo rin yan."

Nagkatinginan sila. Bahagyang nakabuka ang bibig ni Korina.

"Nakita mo na? Naku! Yan na nga bang -!"

"Ma..." ngumiti siya ng matipid, "Sinabi ba sa article kung totoong pakakasalan ni


Grey si Noreen?"

Ibinalik ng ginang ang paningin sa computer at mabilis na nagbasa. Kumikibot pa ang


bibig nito.

"E... wala naman. Namataan lang daw sa ballroom hall sa hotel sa Berlin. Pero ayan,
o!" anitong nakaturo sa nakikitang singsing sa daliri ni Noreen, "May singsing!"

Nakahinga siya ng maluwag.

"Hindi naman pala siya ang nagsabi e." aniya kahit mabigat pa rin ang dibdib, "Kung
walang sinabi si Grey, hindi yan totoo."

Nakatitig sa kanya ang ina.


"Nasisiraan ka ba ng bait? Paiiralin mo yang katangahan mo? Kung hindi totoo ay
bakit magkayakap sila sa publiko? At bakit may singsing itong babae?"

"May singsing si Noreen... pero..." inilapit niya ang mukha sa screen ng computer
at tinitigan ang singsing, "Hindi naman yan yung binigay ni Grey, Ma."

"Paano mo namang malalaman?"

"Ilang ulit kong tinitigan yung singsing niya noon dahil sa inggit. Hindi yan yung
singsing na bigay ni Grey sa kanya dati." tinitigan niya uli. Hindi rin iyon ang
singsing na ibinibigay sa kanya ni Goryo.

"O e bakit magkayakap?"

"Ballroom yan, Ma. Baka nagsasayaw. Saka, mag-best friend yan e!"

"Mag-best friend man yan e, ex niya yan, di ba? Bakit sila magkikita sa Berlin?
Akala ko ba ay conference ang pinuntahan niyang lalaking yan?"

Hindi niya rin alam kung bakit. Pero sigurado siyang may conference talaga si Grey.
Ayaw nga siyang iwan dapat, di ba? Pinilit niya nga lang, di ba?

'Pero ang nag-ayos ay ang kontrabidang ina, di ba?' udyok ng isip niya.

Napailing-iling si Korina sa kawalan niya ng salita.

"O ano? Wala kang maisagot?!"

"Basta may tiwala ako kay Grey, Ma." aniya.

Pumalatak ito.
"Aba! Ang lakas ng pagkaka-brainwash sayo, ano? Sige! Saktan mo ang sarili mo!
Kapag umasa ka sa wala dahil sa lalaking ito, saka ka ngumawa!"

Ngumiti lang siya. Anong magagawa niya? Ang sabi ni Grey, wag siyang maniniwala
kahit na kanino. At sumang-ayon siya, di ba?

'Kahit sa ebidensiya hindi ka maniniwala? Kahit sa litrato? Kahit sa balita?'

Umiling siya para iwaksi ang mga pangit na naiisip.

"Kahit buong mundo, Tonya, wag kang maniniwala."

Yun ang sabi ni Grey. Yun ang paniniwalaan niya. Iyon ang pangako niya, di ba?
Babalik si Grey. Kailangan lang niyang maghintay ng sampung araw.

"Sandali! Tatawagan natin yang unggoy na yan!" pagalit na sabi ng ginang at


hinawakan ang cellphone nito.

"Wag, Ma." pigil niyang umiiling.

Tatawagan nila? Para matalo siya sa pustahan nila ng ina nitong si Pearl? Sampung
araw lang. Kaya niya naman sigurong tiisin. Kahit na yung pakiramdam ay yung parang
ibibitay siya anumang oras. Yung parang dinadaklot at pinipiga-piga ang puso niya
sa hindi maituloy-tuloy na sakit. Pending pain. Yung sakit na hindi niya alam kung
dapat na niyang ingawa, ikalungkot o balewalain.

Kahit ganun, sa ngayon ay dapat balewalain niya muna.

"E hindi na nga nagtetext o tumatawag man lang e! Dapat alam natin kung anong
nangyayari! Lalo ka na! Para hindi nasasayang ang oras mo!" mataas pa ring tono
nito, "Pati ako ay nasu-suspense! Alam kong maraming hindi totoong balita ngayon.
Pero yang silent treatment na yan, Tonya?! Malala yan! Babalewalain mo pa rin?"

Lumunok siya. Umiling sa ina. Kailangan niyang tatagan ang loob niya.
"Kausap ko naman si Grey nung isang araw, di ba?"

"Nung isang araw yun! Ibang araw na ngayon! Bakit wala kahapon? Lalo na ngayon na
may balitang ganito???"

Wala siyang sagot. Isa lang ang alam niya. Hangga't hindi si Grey ang nagsasabing
tapos na sila, maghihintay siya. Maniniwala siyang babalik ito.

She will hold on. Kahit sa loob lang ng sampung araw pa.

Pero kinagabihan, habang magkasama sila ng ina sa panonood ng telebisyon, napanood


nila ang isang interview kay Pearl Montero. Nasa airport ito galing ng Berlin. At
masaya itong nagbalita sa press.

"Yes, the news is true. My son, Gregory, is marrying his Noreen. We met and talked
with Noreen's parents about it." malaki ang ngiti ng babae, "I just won a very non-
sensible bet!"

Nakatitig si Tonya sa glamorosang itsura ng babae. At nagsara na ang tainga niya sa


mga karugtong na balita.

Nakakamangha. Na sa iilang salita lang, gumuho ang pag-asa niya. Nagkapira-piraso.


Lumayo ang masasayang alaala nila ni Grey na pinanghahawakan niya.

Nagkulong sa kuwarto si Tonya pagkatapos. At kahit ang Mama niya, hindi


nakapagtalak sa kanya.

*****

Katok. Sa pagitan ng pag-i-emote at pagtulala ni Tonya sa silid.

"Tonya! Buksan mo itong pinto! Maingay itong cellphone mo! Ikaw na ang makipag-
usap!"
Hindi siya agad nakasagot.

"Anak! Masakit na tainga ko sa pagsagot ng tawag. Masakit na rin ang lalamunan


ko'ng magtalak!"

Nanghihina siyang bumangon sa kama at nagbukas ng pinto. Agad na sinuri ng Mama


niya ang mukha niya. Akala siguro nito ay umiiyak na siya. O nagbigti.

Tuyo ang mata niya. Pero ang mukha niya, pang-Biyernes Santo.

"Ano? Okay ka lang? Gusto mong kumain ng hapunan?" masuyong tanong nito.

Umiling siya. "Hindi na muna, Ma."

Nagbuhol ang kilay nito at bumuntong-hininga. Pero hindi na nagsalita. Tahimik na


lang na iniabot sa kanya ang cellphone.

Pagkasara ng pinto ay naupo siya uli sa kama.

144 messages received. Sumasabog mula sa mga rescuers. Nag-browse siya sa mga
mensahe. May texts sina Abo, Boom, ang iba pang crew, si Dean, Portia, Dada, Shaun,
Mitch at si Hans. Napatitig siya sa huling pangalang naroon. Si Hans.

Tinitigan niya uli. Si Hans nga!

Pumikit siya saglit at tumitig. Si Hans nga!

Tinakpan niya ng isang palad ang mata at sumilip sa siwang ng daliri niya. Naroon
pa rin ang pangalan.

Si Hans nga!
Bumilis ang tibok ng puso niya at agad na binuksan ang mensahe.

Received 9: 12: 43 A.M.

I will be coming to visit you tonight.

Napalunok siya. Tonight? Tiningnan niya ang petsa sa message nito. Tonight as in
tonight!

Naguguluhan siya. Anong nangyayari? Bakit sa dinami-dami ng araw at gabi ay ngayon


pa ito lumitaw uli? Bakit? At para saan?

Pero nagsisimula pa lang ang mga tanong sa isip niya ay tumunog ang doorbell.

*****

Tatadtarin sana ni Mama Korina ang dumating na buseta, er, bisita kung nag-iisa
ito. Pero hindi makapagtaray ang Mama niya dahil kasama ni Hans ang tiyuhin nitong
si Dominic, ang Mayor ng Makati.

"Gabing-gabi na ho ay nadalaw kayo?" magalang na tanong ng Mama niya.

Nilinga niya ang katabing ina. Pilit na pilit ang ngiti nito. Na parang rubber na
mawawarak at mapupunit ang pisngi nito.

"Pasensiya na ho kayo sa biglaan naming pagdating. Sinamahan ko ho itong pamangkin


ko para humingi ng dispensa." sabi ng Mayor. Makapal pa ang buhok nito at hindi pa
malaki ang tiyan. Mukha ring seryoso sa buhay base sa salamin. "Ang sabi niya ay
mali ang paraan ng pakikipaghiwalay niya sa anak ninyo. At gusto niya raw sanang
makausap itong si Tonica."

Umismid si Korina. Nagningas ang mata na parang sasagpangin si Hans. Pero saglit
lang iyon. Dahil bumalik sa normal ang reaksyon nito nang sumagot kay Mayor.

"Nagtarantado nga ho itong pamangkin n'yo, Mayor." sabi ng Mama niya na nakangiti,
"Gusto ko ngang ingudngod kung wala lang kayo rito."

Napalunok siya sa sinabi ng ina. Nahihintakutan siyang napatingin kay Hans.


Ipinararating dito na umuwi na bago mapatay ng Mama niya. Pero nginitian lang siya
ng lalaki.

"Naiintindihan ko ho yan. Kaya nga nakiusap itong si Hans na samahan ko raw. Para
makausap muna niya itong si Tonica bago siya mapatay." mahinahong sagot ng lalaki
at bumaling sa kanya, "Marami yata kayong dapat pag-usapan, iha?"

Umiling siya kay Mayor. "Hindi naman ho. Kakaunti lang."

Napakurap ang matandang lalaki.

"Ah, ganun ba?"

Nakangiti si Tonya. Bumaling naman si Mayor sa Mama niya.

"Ginang, maaari ba nating hayaang makapag-usap itong dalawa?"

Hindi tumitinag ang ina sa pagkakaupo.

"Ginang?"

Bumuntong-hininga si Korina. Tumayo.

"Mayor, dito na lang ho tayo sa kusina. Titimplahan ko kayo ng kape." malamig na


aya ng Mama niya.

Sumunod naman si Mayor matapos tapikin si Hans sa balikat.


Nang wala na ang dalawa, nanatili siyang nakatitig sa lalaking nakaupo sa katapat
na sofa. Parehas pa rin ito ng dati. Mukhang mabango. Gwapo. Palangiti. At kamukha
ni Derek Ramsey.

"Kumusta? Okay ka lang?" naunang tanong nito sa kanya. May pag-aalala sa mukha nito
habang nakatingin.

Mabuti na lang at wala si Grey. Kung hindi ay mabubugbog tiyak si Hans. At


magagalit sa kanya. Kaya kailangang pangatawanan niya ang sinabi niya kay Goryo.
Itatanong niya lang kung -

"Nasaan ang mga appliances? At bakit maikli ang sulat mo?" kunot-noong tanong niya
rito.

Natawa ng mahina si Hans sa kanya. Tumayo ito at tinabihan siya sa mahabang upuan.
Umurong siya ng kaunti. Naamoy niya kasing mabango ang lalaki. Deadly na mabango.
Nakakapagpabalik ng alaala ng nakalipas.

"Nasa kabilang unit lang nung dati nating apartment lahat ng appliances natin."

Napakurap siya.

"Sa katapat na unit?"

Tumango ito. "Oo. Itinago ko."

"Bakit?"

"Kasi po, di ba, nakikipag-break ako sayo?"

Kunot pa rin ang noo niya.


"Hindi naman break yun! Lait yun! Ang sabi mo -"

"I can't marry a boring and fat girl like you."

Napaawang ang labi niya. Napatitig naman ito. Ibinalik niya sa paglalapat ang labi.
Mukhang balak pa nitong atakehin siya! Hindi pwede! Naka-save na kay Grey ang lahat
ng halik niya!

"Inulit mo pa talaga ha!"

Ngumiti ito ng malungkot. "I'm sorry, Tonya."

"E bakit hindi ka nagre-reply? Ang dami kong texts sayo. Nagpasaload pa ako. At
pina-load kita ng e-load!"

"Because I want you to forget me. Hindi ko alam... na kapag iniwan kita, ganito
lang pala ang mangyayari."

Katahimikan. May lambong ng lungkot na nasa tensyon sa ere.

"Ano ba kasing nangyari? Bakit paggising ko, wala ka na? Tapos ang ikli ng sulat
mo. Kahit bali-baligtarin ko, wala akong ibang mapulot."

Pinisil nito ang ilong niya.

"Kasi po... iyon lang ang effective sayo."

"Ano?"

Nakangiti si Hans sa kanya.

"Baog ako, Tonya. Nung araw bago kita iwan... nalaman kong baog ako."
Nanlaki ang mata niya sa lalaki. Hindi siya makapagsalita.

"You remember? That other day before I left, we were wondering about how you're not
pregnant even after three years of living together?"

Tumango siya.

"Well... nakapagpatingin na ako sa doktor nun. The next day, I got the result and
it confirmed my fear."

"Na baog ka?"

Tumango si Hans. "Yes."

"Anong kinalaman nun ngayon sa pakikipaghiwalay mo?" naguguluhang tanong niya.

Maluwang na ngumiti ang lalaki.

"See? That's why I left with just a short note." sabi nitong nakangiti ng bahagya.
Nakatingin sa parehong paraan kung paano siya tingnan. Yung parang mahal na mahal
siya. At importante siya. "When I learned that I can never give you a child of our
own, I despaired. Ayoko nun. Dahil alam kong gustong-gusto mong magkaanak. At
gustong-gusto ni Mama Korina na magkaapo sayo. That night, I resolved to breaking
up with you. Naisip ko... ipauubaya kita. Gusto kong makahanap ka ng lalaking
magmamahal sayo, magbibigay sayo ng bagong buhay, bagong pamilya at mga anak."

Bumuntong-hininga si Hans. Napatungo naman siya.

"But if I told you the truth to break up with you, alam kong hindi ka papayag.
Kasi... hindi mo makikitang problema na baog ako. Ang sasabihin mo..."

"Hindi naman talaga problema yun!" giit niya. "Kung baog ka, hindi mo naman yun
kasalanan! At kung baog ka nga, pwede naman sanang nag-ampon tayo!"
"See?" anito at pinisil uli ang ilong niya playfully, "Iisipin mong hindi problema.
And I don't want that."

"Ano? Ibig sabihin... gusto mo... problemahin ko?"

"No. I want you happy. I want you with a family. I want you with children. Yun ang
gusto ko para sayo. Dahil higit sa lahat, ako ang nakakaalam kung gaano ka naghirap
para sa pamilya mo. Kung gaano mo kagustong magkaroon ng sariling pamilya. I knew
all that. I can't... make you suffer because of me."

Katahimikan.

"So, I thought, I should just leave. But since I wasted already five years of your
life and youth, I left that note for you. Because you, my love, is prone to making
solutions when you see a problem. So the note... implies problems about you."

"Na... boring ako at mataba?"

"You're not boring. But if I didn't told you you're boring, you won't go out. You
won't change your perspective. If I didn't told you you're fat, you won't plan on
becoming thin. And I wanted you... to be at your best when you meet the man who
will make you happy. So, I'm sorry for being rude."

Napaisip siya. May punto ito. Nang makuha niya ang sulat, ang una niyang ginawa ay
sagutin ang dalawang adjective na naroon. Dahil boring daw siya, sinubukan niyang
maglista ng magiging personality. Ginusto niyang magpalit ng hairstyle at ng
pananamit. Dahil mataba raw siya, ginusto niyang pumayat. Na hanggang ngayon ay
pinaghihirapan niya.

"I'm sorry, love." sinserong sabi ni Hans sa kanya at hinawakan siya sa kamay. "I
thought, it would be better if you get kicked out of the apartment and your job. So
I arranged for that, too. I thought, it would be better if we broke up." pinisil
nito ang kamay niya, "But I was wrong. I watched as you get insulted from being
linked with that actor, Shaun. I watched as you get ridiculed because of that
director. And now... I can't watch anymore."

Lumunok siya. Seryoso ang mukha ni Hans. At unti-unti, nagniningas ang mata nito.
Isang bagay na kabisado niya. He's like that when he's angry.
"Anong... ibig mong sabihin?" kinakabahang tanong niya. Hindi niya mabawi ang kamay
mula rito.

"We used our family's influence to stop all the rumors about you. Pinigilan namin
pati ang mga paparating pang masamang balita na tungkol sayo."

Nanlalamig ang kamay ni Tonya sa pagkakahawak ni Hans.

"Ano... ano ngayon?"

"Tonica... I want you back." nakatitig sa mata niyang sabi nito, "I want to keep
you safe with me. I want to be the one to love you. I was wrong. I shouldn't have
left." anito at hinaplos siya sa pisngi, "What I'm getting at is... let's get
married." #

Chapter 42 : To do what is right

A/N : Medyo nali-lift na ang sumpa. Haha. Malapit na ang ending! XD

-----

Berlin, Germany.

Two nights ago...

Nasa isang bar si Grey at umiinom. Kagagaling lang niya sa hotel room ni Noreen.
Iniwan niya ang babaeng natutulog matapos ang mahabang pag-iyak. Siya man ay bakas
pa sa mukha ang lahat ng luhang ibinuhos niya. He feels like shit. And he looks
like shit.

"Grey, will you stay with me here?"

Hindi niya nasagot ang tanong na iyon ni Noreen. Magulo ang isip niya. Patung-
patong ang mga bagay na iniisip. At parang sasabog ang puso niya sa sama ng loob sa
ina at sa tadhana.

He's being played at by fate. At ang estado ng pagkatao niya sa ngayon, wasak na
wasak.
He's supposed to be happy at least because he got into the Berlinale. Isang
pambihirang pagkakataon para sa mga tulad niyang direktor at nagmamahal sa sining
ng pelikula. But instead, he felt so betrayed and broken. Kaya naman sinusunog niya
ang lalamunan sa vodka.

With his plate full and his spirit destroyed, all he could think about is -

"Hey... slowpoke. How are you?" mababa ang boses na tanong niya sa babaeng nasa
kabilang linya.

"Grey!" masiglang tawag ni Tonya sa pangalan niya.

He smiled a little. While his heart constricted a little and a drop of tear fell
from his eyes. He wanted her sunshine against the darkness of his mind.

"Anong problema? Bakit ka... malungkot?" marahang tanong ng babae.

Mahina siyang tumawa. Is he that obvious? To her?

"I miss you." sabi niya at napalunok. Napatungo siya sa kinauupuang counter. He
wanted so much to hold her right now.

"I miss you, too." masuyong bulong nito. He felt her apprehensions over the phone
before asking, "Bakit gising ka pa? One A.M na diyan, di ba?"

"Yeah."

Huminga siya ng malalim. He wanted her to talk just so he could hear her voice and
let it heal his soul.

"Grey?"
Why are they on different sides of the world? It's unfair. She's 10,000 kilometers
away from him yet with just her voice on the phone, she can calm him down. Hindi
niya alam na ganito siya kahina. Yet, he ambitiously declared to protect her with
just that little strength that he has! What a fool he is!

"I just... " nag-crack ang boses niya sa pangungulila, "I really miss you."

Pinaglapat niya ang panga para pigilan ang sakit. To stop his tears from falling.
But he's weak. Nakita na lang niya ang sariling sumisinghot ng marahan at humihinga
ng malalim.

He has to stop being so obvious. Or else, she will worry.

"Are you okay?" tanong ni Tonya.

He wanted to lie. Madali namang sabihing okay lang siya. But he doesn't want to lie
to her so instead he said -

"I don't know, slowpoke." marahan siyang humugot ng hininga, "But I really want to
see you."

Mahinang tumawa ang nasa linya.

"Sandali ka lang naman diyan, di ba? Kararating mo pa nga lang e..."

Sandali lang ba siya talaga?

"Yeah... I'm sorry. But... don't worry about me. I just really want to call and
hear your voice."

Patlang.

"Grey... anong problema?"


Suminghot siya. Lumagok ng vodka. He has to stop making her worry. May mga problema
pa sa Pilipinas dahil sa hindi tumitigil na mga balita. Kung dadagdag pa siya,
mauubos na ang kahihiyan niya. Baka mawalan na siya ng karapatang mahalin si Tonya.
At hindi niya gusto yun.

"There's none... Don't worry about it."

Tahimik sa kabilang linya. She has to believe him. Because he doesn't want her
insecure.

"I have to go, slowpoke." matamlay na sabi niya. "I'm sorry..."

"Okay... Mag-ingat ka diyan ha."

Ngumiti siya. He felt a little less damned because of her voice.

"At kung may problema diyan... umuwi ka na lang sa 'kin."

Mahina siyang natawa sa narinig. Are they thinking the same things?

"That's what I really want to do." amin niya.

"Pero hindi pa pwede?" her voice hinted sadness.

Piniga ang puso niya sa tono nito.

"Yeah. Pero... hindi pa pwede."

"Hold on, Grey."

Pinaglapat niya ang panga sa sinabi nito. He loves this girl so much. And every
word she say means a lot to him. Kaya paano niyang ibibigay ang hinihingi ni Noreen
sa kanya?

Hold on, Grey.

Are there miracles if he waited and hold on? O mas lalong magiging magulo ang
lahat?

Huminga siya ng malalim.

"Bye. I love you, Tonica."

She breathes deeply. Pumikit siya at pinakinggang mabuti ang huling mga salitang
sasabihin nito.

"Bye, Goryo."

As soon as the call ended, he wanted to hear her voice again. But that's too
pathetic of him. At mag-aalala ito. She can feel him crying, kahit na hindi siya
nakikita. Hindi niya ito dapat na pagpasanin ng sakit na nararamdaman niya.

Uminom siya ng vodka at nag-isip.

How did she get into his skin so deep that he needs her everytime? He thinks of her
everytime. Wants her everytime. Paanong nangyari iyon? He doesn't have the
slightest idea how he could need someone that much. Or love and think of someone
that much. It's a miracle. Even with Noreen's request, he just couldn't say yes. He
could give Noreen everything else, but not his heart. And not a big chunk of his
time. Yeah, Tonica's father is right.

Love is absolute.

He could almost hear Tonya's voice saying those words. Napangiti siya. He wished he
could have met his father and asked him what to do.
He's between his best friend and the woman he loves. Nagsakripisyo na si Noreen
para sa kanya. Ng paulit-ulit. Nasaktan na para sa kanya. Ng paulit-ulit. All the
while, he was innocently receiving sacrifices and breaking her heart.

But that doesn't mean that he has to choose her, right? Dahil kung pipiliin niya si
Noreen para sa pagsisisi, para sa katahimikan ni Tonya at para sa karera niya,
magsisinungaling lang siya sa sarili niya at sa kaibigan.

She might have been sacrificing a lot for him, but that doesn't give anyone the
right to hurt Tonica. And those sacrifices will not decide for him. Dahil kahit
gustuhin niyang ibalik ang puso kay Noreen, wala na. Huli na. Ang konsensiya niya,
ang lohika, ang damdamin, kumakampi sa pagmamahal niya kay Tonya.

Uminom siya ng vodka. Until he fell asleep on the counter.

*****

Kinabukasan, nagising si Grey sa hotel room ni Noreen. Napaupo siya sa kama na sapo
ang masakit na ulo. At nang bumagsak sa kandungan niya ang makapal na kumot,
naramdaman niyang wala siya ni anumang saplot sa katawan.

Nakangiti si Noreen nang pumasok sa silid na may bitbit na almusal.

"Breakfast in bed." sabi nito at ibinaba ang tray ng pagkain sa kama.

Nakamanipis na pantulog lang ang babae. Napalunok siya. Kinabahan at namutla. It


couldn't be that they -

"Hindi. We didn't make love, Grey." sabi ng babae sa kanya. Nakatitig.

Nagpakawala siya ng buntong-hininga. He's relieved.

"Then why am I here?" usisa niya.


Umupo ito sa tagiliran ng kama malapit sa kanya.

"I kind of stalked you last night after you thought that I was asleep. I saw you
drinking on the bar. I heard you talk with Tonya. And when you passed out, I asked
Adam to help me bring you here."

Dinampot niya ang kape sa tray at humigop. Pumipintig sa sakit ang ulo niya. At may
mapait sa lalamunan niya.

"Adam helped you?" aniya at masakit ang lalamunan na lumunok, "Why here?"

"Mas malapit po ito kaysa sa hotel na tinutuluyan n'yo."

Nakatitig siya kay Noreen. Namamaga pa ang mata nito mula sa mahabang pag-iyak sa
gabing nagdaan. Nanlambot ang puso niya sa awa rito.

"Your eyes are swollen."

"And so are yours."

Magkahinang ang mata nilang dalawa.

"I'm sorry, Grey." nakangiti ang babae sa kanya. Malungkot. "I'm sorry about what I
asked you last night. Alam kong nahirapan kang pag-isipan ang tanong ko. But I... I
wanted to be mean to you."

Seryoso ang mukha niya sa pakikinig.

"Mean to me?"

"Yes. Because... I thought that you had it easy. I forgot... that you are the type
who hold things in." saka pabiro nitong sinabi, "Kasi masyado kang gentleman!"
Napangiti siya sa salitang ginamit nito. Naalala niyang sinabi rin iyon ni Tonya sa
pagitan ng pangungulit niya para sa kagatan.

"But last night, when I saw you still crying at the bar because of me and because
of knowing what I did for you back then, I realized that I was wrong. That you
didn't have it easy. That you didn't choose not to know. I was the one who chose
not to tell you when I could. I'm sorry."

Katahimikan. Bumuntong-hininga si Noreen.

"I know that you would want to be there for me as I hurt. Kasi, best friend kita.
Even if you love me differently, at least, you still love me. And I still have a
special part in your life. The only problem is... when I got back to Paris and our
break-up sinked in, I lost it. I kept on regretting why I haven't said yes before.
Naisip ko... if only I became a little selfish then and marry you, then we would
have been happy. But..." lumunok ito at masuyong tumingin sa kanya, "I was wrong
again. I shouldn't dwell with the past so much. I was wasting my time into wishing
for something that couldn't have happened the other way around. Because it's over.
It's time that has passed. So last night, when you made it clear that nothing would
change in your heart even if you knew how I gave way for you... I knew that I
should move on. For myself."

Nanatili siyang nakatitig sa kaibigan. Ninanamnam ang bawat salita nito.

"And if I think about it, if we marry back then, I wouldn't be a Fashion Stylist in
Paris that I love so much. You might not become the director that you love. And if
that happened, I will still regret. Bottom line is... there is no use in thinking
about all those what if's. Of regretting about what happened in the past. Of
daydreaming and yearning about things that might have been. That could have been.
Because it's in the past, Grey. It's out of reach. And what's important is right
now. I see you... loving someone so much... that after crying and being beaten like
shit... she can make you smile with just a phone call."

Hinawakan nito ang kamay niya.

"I wanted a love like that for you. And for myself. And I'm not a fool. I know
that... if I pushed myself to you, nothing would change. I wouldn't have that love
with you. I might become a grandmother then, regretting, and I don't want that.
What I wanted is to be able to be happy for you. And to be able to find my own
happiness, too."
"Noreen... I'm okay. You don't have to be this kind to me."

Tinaasan siya ng kilay ng babae.

"Really? Then... what is your supposed answer for last night? Would you say yes?"

Lumunok siya. Tinitigan ito ng matagal bago umiling.

"No."

"What a cruel guy!" anito bago sumeryoso, "I stripped off your clothes and wore
this transparent thing for a little experiment." tukoy nito sa suot na pantulog.

"Like what?"

She has a mean face to him.

"I wanted to see your reaction when you woke up naked and saw me like this... and
guess what?"

"What?" malamlam ang matang tanong niya.

"You failed!" anito at ngumuso, "Your reaction says it all. You looked pained with
the thought that we might have made love last night! That means that even if, you
stay here with me... and even if, you will be by my side... that you will regret
it. We would just waste time. And that's not good."

Umisod pa palapit sa kanya si Noreen at hinawakan siya sa mukha.

"This is not a good girl act anymore, Grey. So don't look stunned." sabi nito sa
kanya, "This is me telling you that this time, I can really make it alone. This is
me, telling you, that I understand. This is me... telling you that everything's
clear to me. And that it's okay. And that I want you to be happy."
"I don't believe you." seryosong sabi niya rito.

Tumayo si Noreen at namaywang.

"Why not?"

"Because of last night, damn it!"

Ngumiti ito at lumapit pang lalo sa kanya.

"This is supposed to be kept secret but..." inilahad nito ang kamay sa kanya. At
para siyang namalikmata nang makitang may suot itong engagement ring!

Hinawakan niya ang kamay nito at pinakatitigan ang singsing. Hindi iyon tulad nang
ibinigay niya rito.

"What's this?"

"A ring, corny! I'm engaged to someone!" anito.

Kumunot ang noo niya. Nag-alala. Engagement couldn't happen that fast. Or could it?

"How could that happen?"

"I don't want to bore you with the details or how weird it happened. But... I'm
getting married, too. So, don't worry about me."

"Baka naman binili mo lang yan at -"

"How dare you!" ngumiti ang babae sa kanya. Sumeryoso ito. "I still love you right
now but I will get over you. Okay?"
Hindi niya mapaniwalaan ang singsing na suot nito. Baka naman isang
mapagsamantalang lalaki ang nagbigay niyon kay Noreen dahil sa estado ng babae!
Hindi niya pwedeng pabayaan ang kaibigan.

"This man... can I meet him?"

"Yes, Gregorio! Tomorrow, he will be here in Berlin. And I arranged for us to meet
him at the ballroom."

Nakatitig pa rin siya sa babae. Hindi siya makapaniwala rito.

"Hey... it's okay. You know I'm a good girl. And I wanted to do what's right and
what will make us happy. I may not be happy now but I will be. So let's not make
things complicated. Okay?"

Niyakap niya ito. Mahigpit. He's blessed to have a woman like her on his side.

"You're the best in the world!"

Tinapik ni Noreen ang likod niya.

"You're my best friend, too, Grey." #

Chapter 43 : Love in conspiracy

-----
Pilipinas. Araw ng Biyernes.
Philippine time : 8:00 A.M.
Berlin time : 1:00 A.M.
"Anong sabi mo kay Hans?"
Sumulyap si Tonya sa inang kasabay sa almusal.
"Sabi ko po, pag-iisipan ko muna yung tanong niya. Kaya tanungin na lang niya ako
uli." matamlay na sagot niya sa ina.
Sumubo ito ng sinangag ay nanliit ang mata sa kanya.
"Nasaan na yung paninindigan mo kay Goryo? Kahapon lang ng umaga, matatag na
matatag ka."
"Kahapon yun, Ma. Nakita n'yo naman... yung balita." papahina ang boses na sabi
niya.
Tumungo si Tonya. Tuyo pa rin ang mata niya. Hindi siya makaiyak kahit na gusto
niya sana.
Si Goryo kasi! Bakit wala man lang itong paramdam? Imposible namang hindi nito
nakikita yung article sa internet, di ba? Sa Germany lang naman ito pumunta at
hindi sa Outer Space! Hindi man lang ba ito magpapaliwanag sa kanya?
"Yung balita sa internet? O, hindi ba't ikaw ang nagsabing iba naman yung singsing
na suot nung Noreen?"
"Madali naman bumili ng ibang singsing, Ma. Mayaman yun si Goryo."
"Sabi mo, nagsasayaw lang sila sa picture."
"Magkayakap sila, Ma."
Binitawan ng Mama niya ang kubyertos nito, "Naniwala ka naman sa bunganga ng
bruhang ina nun? E, bruha nga iyon. Malay mo naman kung nagsisinungaling sa
interbyu!"
"Ma... galing yung Mama niya sa Berlin. Nandun din si Noreen sa Berlin. Kung hindi
totoong nagkita-kita at nag-usap-usap sila run, dapat tumawag na si Grey. O nag-
text. Kasi... alam niyang mag-aalala ako."
Katahimikan.
"Bruho kasi yang Goryo na yan e! Bakit ba nananahimik at hindi tumatawag? Sinubukan
kong kontakin ang cellphone, nakapatay ata!"
Hindi umimik si Tonya. Nanatili siyang nakatungo sa pakikipag-usap sa ina.
"Pero... ano? Suko ka na? Tatanggapin mo ang alok ni Hans dahil suko ka na?" ang
Mama niya pa rin.
"Si Hans ang pumigil nung mga tsismis tungkol sa akin, Ma."
"E ano ngayon? Magagawa niya talaga yun dahil pulitika ang linya ng pamilya niya!
At kulang pa yung pambawi sa pagtatarantado niya sayo!"
"Hindi naman siya tarantado talaga, Ma. Iniwan niya 'ko dahil gusto niya 'kong
maging masaya. Kasi nalaman niyang baog siya."
"Mali pa rin ang paraan niya! Sinaktan ka niya! Pinagnakawan at -!"
"Nasa kabilang unit lang ng apartment namin yung mga appliances."
Natahimik ang ina. Nawalan naman siya ng ganang sumubo. Kaya niyang intindihin si
Hans. Dahil mahaba rin naman ang pinagsamahan nila at alam niyang mabuti itong tao.
Pero kahit habang ipinagtatanggol niya ito, pakiramdam niya ay patay na ang puso
niya. Dahil sa dami ng nangyayari. Dahil sa dami ng hinihintay niya. Bakit
kailangang ganito kakomplikado ang magmahal ng isang Montero?
"Mahal mo pa ba si Hans?"
Uminom siya ng tubig sa tanong ng Mama niya.
"Tumingin ka sa akin. Mahal mo pa ba si Hans?"
Nagtaas siya ng mukha at sinalubong ang mata ng Mama niya. Kinagat niya ang labi.
Paanong mangyayari yun? Ang buong pag-iisip niya at damdamin, sinakop ni Goryo.
Kahit na pakiramdam niya, malayo na yung mga masasayang alaala nila at mahirap nang
habulin; kahit na kakaunti lang yung masasayang alaalang meron sila na gusto niya
pa sanang dagdagan; kapag matutulog siya, gigising siya at mapapatingin sa orasan,
naiisip niya si Grey. At nagbibilang siya ng pitong oras pabalik para lang malaman
kung anong oras na sa panig nito sa Berlin. Tuwing matutulog siya, gigising at
mapapatingin sa orasan, napapasulyap siya sa cellphone niya. Umaasa siyang may
message dun na maliligaw. Pero wala. Maraming mensahe pero walang galing kay Grey.
Naghihintay siya rito. Na sabihin nitong hindi totoo ang sinabi ng ina nito at
maghintay lang siya. Sanay naman siyang maghintay. Hinintay niya nga noon si Hans.
Pero yung paghihintay niya ngayon kay Grey... mas masakit sa damdamin. Mas
nakakadurog ng puso. Mas nakakainis.
"Limang taon kaming magkasama ni Hans, Ma. Tatlong taon... na nasa iisang bubong.
Kaya ko siyang mahalin uli."
Pero alam niyang hindi totoo yun.
"Talaga?"
"Opo."
"E bakit nag-iisip ka pa ngayon?"
Hindi siya kumibo.
"Kung kaya mo naman palang mahalin uli, bakit hindi ka sumagot ng 'Oo' agad-agad?"
"Kasi, Ma..." napalunok siya pero hindi naituloy ang sasabihin.
"Hinihintay mo si Goryo." seryosong sabi ni Korina. Nakatitig sa kanya ang ina.
Para siyang estatwang nakatitig lang sa ina.
"Huling araw na 'to, Ma. Hanggang ngayong araw na lang ako maghihintay. Mamayang
gabi... magpo-propose uli si Hans. Tapos, tatanggapin ko na."
Napailing ang ginang pero hindi na nagsalita. Samantalang sa isip niya ay
nananalangin siyang sana, ngayong araw ay may text o tawag na. Kahit maikli lang
basta galing kay Grey.
Pero hanggang sa nagdilim, wala.
*****
Berlin, Germany. Huwebes.
Berlin time : 05:00 A.M.
Philippine time: 12:00 Noon
"Hey!" bungad ni Adam sa pinto ng silid ni Grey. Kunot ang noo nito habang
naglalakad bitbit ang laptop.
Alas sinco pa lang ng madaling-araw pero gising na silang dalawa. Alas otso ang
simula ng Conference araw-araw. Pero dahil nakasentro iyon sa collaborations ng mga
delegado mula sa iba't ibang bansa, sa gabi bago matulog at sa madaling-araw
paggising ay nagrerepaso sila ni Adam ng mga ideyang ipinipresenta sa team na
kinabibilangan.
"Hey." aniyang tumango sa kaibigan. "What's that?"
"Bad news, man." sabi nito at iniharap sa kanya ang laptop.
Nakabukas ang isang tab sa internet na may artikulo tungkol sa kanya.
Renowned Director Gregory Montero to marry his childhood sweetheart, the Fashion
expert, Noreen Garcia?
May larawan siya at si Noreen na magkayakap. Kinunan iyon kagabi lang, sa ballroom
ng Hotel kung saan ipinakilala ni Noreen ang lalaking pakakasalan nito.
Minalisyahan ang suot na engagement ring ng babae. At wala sa pokus ang fiance nito
na kasama rin dapat nila.
"That is shit!" nag-iinit ang ulong sabi niya.
"Yeah. And I'm sorry to tell you but Tita Pearl kind of misled the press." sabi ni
Adam at nag-click sa kasunod na tab ng internet browser kung saan may video ang
Mama niya.
Pinanood nila kung paanong nag-confirm ito sa press tungkol sa pagpapakasal niya.
Napasapo siya sa ulo.
"Fuck! This is why I don't want to leave the country!" aniyang napapakumpas sa
asar. "Kapag may nangyaring ganito, wala ako sa tabi ni Tonya! I am twenty-four
hours away from her! That's a fucking day, man! This is so shit!"
Kalmado lang na nakatingin sa kanya si Adam.
"If we have our phones, it's easy to call and assure her. But... you just have to
be drunk and throw both our phones in the tub."
Asar siyang lumingon kay Adam. Nang gabing ihatid siya nito sa kuwarto ni Noreen,
sinubukan ng dalawa na bawasan ang kalasingan niya at basain siya sa shower. Pero
dahil nagwawala siya, tumilapon ang bawat mahawakan niya - kasama ang cellphone
niya at ni Adam - sa kalapit na bathtub. Kinaumagahan din ay kumuha sila ng lined
phone pero twenty-hours pa bago i-approve ang application nila.
"My Erin already created a havoc with my Mom when we lost contact. Mabuti na lang
nakapag-usap kami sa Skype kani-kanina lang."
Sapo pa rin niya ang noo.
"Sorry, man." aniya rito habang nag-iisip.
Pwede niyang kausapin si Portia sa Skype. O i-email si Boom at Abo para mapasabihan
si Tonya. Pero nasa location shoot ang Production crew samantalang nasa field trip
naman ang kapatid.
O... pwede siyang umuwi ng Pilipinas.
"Adam..." tawag niya sa atensyon ng lalaki na nakatingin pa rin sa laptop, "I have
to leave you here. Babalik ako sa Pilipinas."
Itinaas ni Adam ang kamay bilang pagsuko.
"I have nothing against that. Berlin might be a once-in-a-lifetime opportunity
but... you have to be there for your girl, Grey."
"No, man." umiiling na sabi niya, "You got one thing wrong. She... is a once-in-a-
lifetime girl. I can't be without her."
Nakangisi ang lalaki sa kanya.
"I can understand that." sabi nito, "Now, Direk, grab the phone and book the
earliest flight to Manila."
*****
Pilipinas. Gabi ng Biyernes.
Philippine time : 6:30 P.M.
Berlin time : 01:30 A.M.
Nakaharap si Tonya sa salamin sa tokador niya at matamlay na nagsusuklay. Nakabihis
na siya ng damit na ipinadala ni Hans. Ang suot niyang high heels ay bigay din
nito. Ganun din ang kwintas. At ngayong gabi, alam niyang bibigyan siya ng
singsing. Kasabay ng tanong kung pakakasalan niya ba ito.
Bumuntong-hininga siya.
Ang unfair naman. Maghapon siyang tumitig sa cellphone niya pero walang Grey na
nag-text o tumawag. Sinubukan niyang tawagan ang numero nito pero unattended.
Nagpasaload siya kahit alam niyang hindi iyon kailangan ng lalaki.
Ano bang nangyayari? Bakit may silent treatment?
At bakit kahit may silent treatment, nananalangin siyang bigla na lang itong
susulpot para sa kanya?
Pero bakit naman ito susulpot? Hindi naman naka-announce sa publiko na magpo-
propose si Hans sa kanya. At malayo ang Berlin. Sakaling malaman nito at maisipang
umuwi, malamang sa malamang na hindi ito aabot sa kanya.
Pakiramdam niya, pinagkaisahan siya ni Tadhana. Pinaikot-ikot. Para lang iitsa,
sipain, at bugbugin ang puso niya. Kailan pa naging gangster si Tadhana? At bakit
siya jino-joketime ni Pag-ibig?
Bakit pa niya nakilala si Grey kung ibabalik naman din pala siya kay Hans? Bakit pa
siya pinaglaway kay Superman? Bakit nagulo pa ang buhay niya kung babalik din naman
pala siya sa simula - na sila ni Hans ang magkakatuluyan?
Ang labo naman ni Tadhana. At ang lupit ni Pag-ibig. Kung makikita niya lang ang
personipikasyon ng dalawang iyon, makikipagsapakan siya kahit na hindi niya ugaling
makipag-away. Kasi naman... kahit na ano pa ang nalaman niya kay Hans, kahit na
mabango at gwapo pa rin ito, kahit mas komportable at walang gulo kapag tinanggap
niya ito... ang puso niyang tinamaan ng lintek na si Pag-ibig, hinahanap si
Gregorio. Si Grey ang gusto niya. Si Grey ang mahal niya.
Si Grey lang.
Lahat ng kilong naubos niya at ang mga kilong bubunuin niya pa sana sa loob ng
ilang buwan, para kay Grey yun. Sa huling timbang niya sa gym kasama si Dada, 64
kilos na lang siya. Two to three kilos more and she would have achieved her desired
body. Dati, para yun sa kanya. Pero nang dumating ang lalaki at kumain siya ng
sangkaterbang hopia, para na rin iyon kay Grey.
Ang pag-aaral niyang ayusan ang sarili niya, para yun maging maganda kay Grey. Ang
pagtitiyaga niyang matuto bilang A.D. hanggang best friend na sila ng tape recorder
niya, para yun manatili sa tabi ni Grey. Lahat ng luhang iniiyak niya, insultong
nilunok, pagtatawang binalewala, dahil yun gusto niyang panindigan si Grey. Kahit
pakikipagsamaan ng loob sa Mama niya at pakikipagboksing sa sarili niyang negative
thoughts, dahil yun kay Grey.
Kasi nga... lintek si Pag-ibig. Magaling pumana. Tumagos yung pana sa katawan niya
at buong-buong nilipad ang puso niya. Para lang mag-landing sa kandungan ni Grey.
Ayun.
Ang ending naman pala... naging payat na hopia lang siya. Umaasa, Tonya.
Katok sa pinto. Pumasok ang Mama niya. Blangko ang ekspresyon nito sa mukha.
"Sigurado ka na ba diyan sa gagawin mo?" tanong ni Korina.
Nilingon niya ang ina. Tumayo siya.
"Bagay ba sa akin itong damit, Ma?"
Pinasadahan siya nito ng tingin.
"Bagay. Maganda ka, anak."
Katahimikang dumadaan. Ng obvious. Nagkakailangan tuloy sila ng ina.
"Pwede kang humindi. At hintayin si Grey."
"Tapos ano, Ma? Pag-uusapan na naman ako ng mga tao." malungkot na sabi niya, "Nag-
confirm na yung Mama niya na ikakasal sila ni Noreen. Kapag naiba na naman ang
balita, tapos dahil na naman sa akin, ako na naman ang may kasalanan."
Halos sabay silang bumuntong-hininga ng ina. Alam niyang nakukuha nito ang punto
niya. Hindi naman ito slow.
"Saka, hindi man lang nagparamdam si Goryo."
"Oo nga."
Patlang. Na may kasabay na tunog ng cellphone.
Magkasabay silang napatingin ng ina sa cellphone niya. Bumilis ang tibok ng puso
niya. Hindi kaya... bumait si Tadhana at ibabalik nito si Grey?
Pero nang kunin niya ang gadget, unknown number iyon. Sinagot niya pa rin.
"Maam Tonica... Si Eloy po ito, yung susundo sa inyo diyan sa bahay. Nasiraan po
itong kotse, Maam. E... baka po matagalan ako. Pinapaayos ko pa po." bungad ng
isang lalaking tinig sa kanya.
"A... ganun po ba?"
"Opo, Maam. E... hinihintay na po kayo ni Sir Hans. Hindi niya pa po alam na nasira
itong kotse e."
"A." aniya at, "Okay lang po. Magtataxi na lang po ako."
"Pasensiya na, Maam."
"Ayos lang ho." matamlay na sabi niya.
Nang ibaba niya ang cellphone -
"Ano yun?"
"Nasiraan yung kotseng susundo sa akin, Ma. Magtataxi na lang ako."
Patlang. Pinag-aaralan ng Mama niya ang mukha niya.
"Sigurado kang pupunta ka talaga?"
"Opo, Ma. Para matahimik na ang buhay natin."
Bumuntong-hininga ang ginang.
"O, siya. Mag-abang tayo ng taxi sa labas."
Mabigat ang dibdib ni Tonya sa bawat paghakbang. Pero alam niyang tama lang ang
gagawin niya. Matatahimik siya. Mapapanatag ang Mama niya. At mawawala ang mga
balita.
Pero papalabas pa lang sila ng pinto ng bahay, bumuhos naman ang malakas na ulan.
At halos walang taxing dumadaan. Wala siyang nagawa kundi ang magpatila.
"Ano ba naman ito at umuulan ngayon. Wala namang bagyo." reklamo ng Mama niya
habang nakatayo sila sa pinto.
Hindi siya kumibo. Gusto niyang matigil na ang ulan para naman matapos na. Sasagot
siya ng 'Oo' kay Hans at pagkatapos ay ikakasal sila. Tapos, matatahimik na ang
buhay niya.
"Kapag may taxi na available, Ma, sasakay na ako kahit malakas ang ulan." sabi niya
sa ina.
"Mababasa ka."
"Okay lang yun, Ma. Para tapos na."
Napapailing ang ina. Wala siyang maramdaman sa puso niya. Ang gusto niya lang ay
matapos na ang lahat.
Nakapagpara ng taxi ang Mama niya. At papasakay na siya nang magwala at lalong
humampas ang hangin at ulan.
Nangunot ang noo niya. Ano ba, Tadhana?
Sumakay siya ng taxi. #

Chapter 44 : Race like a Horse

A/N : Ending chapter na ang kasunod. Pero... baka may Epilogue pa para masaya. :D
Ay, saka... nasa media yung kantang nasa chap na ito: Keep holding on by Avril
Lavigne. Pero cover ng Boyce Avenue ang inilagay ko. Kasi... mahal ko ang Boyce
Ave. Hihi. :D
-----
Pilipinas. Biyernes. 7:00 ng gabi.
Halos ibalibag ni Grey ang pinto ng taxi na sinakyan mula sa airport nang bumaba
siya. Sunod-sunod ang pagdo-doorbell niya sa gate ng mga Atienza.
Mataas ang kilay ni Mama Korina nang magbukas ng pinto ng bahay.
"Goryo!" mataas ding tono nito nang makilala siya.
"Ma!" wala sa loob na sabi niya. "Si Tonya?"
Lalong tumaas ang kilay nito. Bago kumunot ang noo at magtaray.
"Wala rito!"
"Madame naman!" reklamo niya. Hindi niya kayang mag-aksaya pa ng oras para
kumbinsehin ito.
Lumapit ang babae at nagbukas ng gate.
"Wala talaga rito! Hindi ko siya itinatago," seryosong sabi nito at hinagod siya ng
tingin. "At... bakit ganyan ang itsura mo? Para kang... bangag!"
Napahawak siya sa noo. Bangag nga talaga siya. Sa byahe.
Mula sa Berlin ay sumakay siya sa 7am flight papunta sa Pilipinas na walang anumang
dala kundi wallet at credit cards. Naipit siya sa delay ng connecting flight sa Ho
Chi Minh City sa Vietnam. At mula sa Ninoy Aquino International Airport ay
nagmamadali siyang sumakay ng taxi patungo sa bahay ni Tonya. In total, he
travelled for 29 hours! Nahihilo siya, masakit ang ulo at kalamnan, gutom, pagod,
iritable at walang pasensiya dahil sa jet lag. Hindi na rin siya makapag-isip ng
maayos. O makabuo ng matitinong salita.
"Galing pa akong Berlin, Ma. Dire-diretso ako rito. 29 hours akong nasa byahe,"
asar na sabi niya, "para lang makita si Tonya. Kaya nasaan ho siya?"
Hindi agad nakaimik ang babae. Parang naaawang nakatingin ito sa kanya.
"Late ka ng isang oras! Umalis na e!"
"Ho? Gabi na. Saan naman siya pupunta?"
"Eh..." Naaalangan ang pagkakatingin nito. "Nagpunta sa proposal ni Hans."
Proposal. Hans. Proposal ni Hans?
"Buhay pa ang gagong yun?!" galit na sabi niya. "At bakit siya pupunta run?
Binabalikan siya? At babalikan niya? Pagkatapos ng lahat ng nangyari sa amin?"
Kumukulo ang dugo niya. "Bakit? Shit naman oh!"
"Hoy, lalaki!" galit na sita ng ginang. "Wala kang ni hi ni hoe sa amin ni Tonya!
Tapos, nabalita rito na engaged-engaged ka raw dun sa Noreen na yun! May picture
pa! May singsing! At ang bruhang ina mo na galing din sa Berlin, ayun! Ang sabi,
totoo ang balita! Alangan naman! Anong paniniwalaan namin kung hindi ka
nagpaparamdam?"
Mahaba ang sinabi ni Mama Korina. Hindi niya na maintindihan lahat. Ang nakuha lang
niya, wala siyang paramdam. Bruha ang Mama niya. Kaya pupunta si Tonya sa proposal
ni Hans.
"Isa pa, kaya iniwan ni Hans si Tonya ay dahil baog siya! Inisip niya ang
makakabuti para sa anak ko! Ginawan niya rin ng paraan para matigil yung mga balita
tungkol kay Tonya!"
Baog. Yun lang ang rumehistro sa utak niya.
"Baog si Hans?"
"Oo!"
"Kaya siya pakakasalan dahil baog siya?!"
"Hindi lang yun! Mahal din niya si Tonya!"
"Kahit na, Ma!" sita rin niya sa ginang. "Wala akong pakialam kay Hans! Mas mahal
ko si Tonya! Kaya bakit hindi n'yo man lang pinigilan ang anak n'yo?! Ma naman!"
Nataranta naman si Korina sa kanya. "Aba, Goryo! Wag mo akong sisihin diyan a! Ikaw
ang maraming dapat na ipaliwanag!"
"Alam ko po! Pero..."--nagpalakad-lakad na siya sa kaba--"sana pinigilan n'yo man
lang yung anak n'yo! Paano ko siya pakakasalan niyan?!"
"Aba malay ko sayo!" galit na sabi nito. "Ikaw ang may pagkukulang diyan ay ako ang
sisisihin mo?!" Umirap ito at humalukipkip.
Napahawak siya sa nananakit na ulo. "Saan siya pumunta? Hahabulin ko."
"Mabuti pa! Hindi iyong nagrereklamo ka sa akin!"
"Wag na kayong magalit, Ma!"
"Oo na! Ano pa bang magagawa ko! Habulin mo! Nagpunta sa Luneta yun."
"Luneta?!" iritadong sabi niya. "Ang daming lugar, sa Luneta pa talaga siya magpo-
propose?! Fuck!"
Siya dapat ang magdadala kay Tonya sa Luneta. Hindi iyong babahiran ng alaala ni
Hans ang lugar nilang dalawa ng babae.
"Umalis ka na! Madaldal ka! Para maabutan mong letse ka!"
Napangisi siya sa matandang babae. Mukhang nakuha na niya kahit papaano ang loob
nito.
"Wala ho akong cellphone. Pahiram naman nung sa inyo."
"Sandali!" sabi ng ginang at nagmamadaling pumasok sa loob. Paglabas nito ay
iniabot ang cellphone sa kanya. "Subukan mong tawagan agad! Baka maka-Oo yun kay
Hans!"
"Salamat ho!" sabi niya at hinalikan ito sa pisngi, "Sige, Ma. Hindi ko iuuwi
ngayong gabi ang anak n'yo ha!"
Mabilis siyang lumakad para maghanap ng taxi.
"Hoy, lalaki! Ingatan mo si Tonya! Dahan-dahanin mo lang! Masyado kang malaki!"
pasigaw na bilin nito sa kanya.
Ngumisi siya sa babae.
"Gentleman ako, Ma!"
*****
Nag-ring ang cellphone ni Tonya habang nakasakay siya sa taxi. Umuulan pa rin.
"Hello, Hans?"
"Hi, love. Papunta ka na?" masuyong tanong ni Hans sa kabilang linya.
Matamlay siyang ngumiti.
"Oo. Malapit na ako. Nasiraan yung kotse ni Mang Eloy kaya naka-taxi ako."
"A... nag-text nga sa akin. I"m excited to see you."
"A..."
"I"m hanging up. Ingat ha."
"Oo."
Naputol ang tawag. Napabuntong-hininga naman siya. Habang papalapit sila sa Luneta
kung saan magpo-propose si Hans ay lalo siyang naghihintay kay Goryo. Paulit-ulit
siyang sumusulyap sa cellphone niya. At habang lalo siyang naghihintay, lalo siyang
nasasaktan.
Paano niyang pakakasalan si Hans kung lagi niyang iniisip si Grey? Papunta na siya
kay Hans, di ba? Dapat wala na siyang pagdadalawang-isip.
Nakakahiya siya.
Tinitigan niya ng isang beses pa ang screen ng cellphone bago ini-off.
*****
Pagsakay ng taxi ay agad na hinanap ni Grey ang numero ni Tonya sa cellphone na
hawak. Tinawagan niya agad.
"The number you have dialled is either unattended or out of coverage area. Please
try again later."
Tinawagan niya uli.
"The number you have dialled is either unattended or out of coverage area. Please
try again later."
Cancel. Call. Uli.
"The number you have dialled is either unattended or out of coverage area. Please
try again later."
Cancel. Call. Uli.
"The number you have dialled is either unattended or out of coverage area. Please
try again later."
Cancel.
Call.
"The number you have dialled is either unattended or out of coverage area. Please
try again later."
Cancel.
"Shit!" sigaw niya na muntik nang ibalibag ang cellphone.
Napatingin sa kanya ang driver ng taxi. Nasapo niya ang noo.
Bakit naka-off ang cellphone ni Tonica? Bakit ngayon?!
Gusto niyang magwala!
Malaki ang Luneta! Pagdating doon ay maghahanap pa siya! Kung hindi niya ito
matawagan, hindi niya malalaman kung saan pupunta!
Naloko na talaga! Hanggang kailan ba siya titikisin ni Tadhana?
Tinawagan niya uli.
"Please, connect. Please..." dasal niya.
"The number you have dialled is either unattended or out of coverage area."
Parang pinipiga ang puso niya.
"Please try again later."
"Fuck!" he hissed.
Alam niyang walang "try again later". Si Tonya yun. Kapag sumagot ito ng "Oo" kay
Hans, baka hindi na niya mabawi uli. Dahil pinahahalagahan ng babae ang bawat
pangako at salitang binibitawan.
Paano siya kapag hindi niya ito inabutan?
But he isn"t called cheap for nothing. Hindi siya ang klase ng lalaking walang
kompletong plano sa dapat na gawin! Pilit niyang inalala ang numero ng kapatid na
si Portia at tumawag. Pagkatapos ng apat na wrong number -
"Portia?!" paniniguro niya sa nag-angat ng linya.
"Kuya? Kuya!" mataas ang tonong sabi nito. "Kaninong number to?! At anong ginawa
mo?! Bakit may balita na-"
"Hey, listen." putol niya sa kapatid, "I have no time to answer you right now. But
I need you to send me Pierce"s number. Okay?"
"Si Kuya Pierce? Bakit?"
"Just do it, little girl. It"s for me and your Ate Tonya."
"Okay, Kuya. But you have a lot of explaining to do."
"Yeah. I will explain. Just give me Pierce"s number first." ibababa na dapat niya
ang cellphone nang maalala, "Si Kuya Evan mo rin! Ibigay mo sa akin ang number."
"Okay."
Pinutol niya ang tawag. Pagdating ng text message ni Portia, agad niyang tinawagan
ang pinsang si Pierce.
"Hey, man. This is Grey." bungad niya.
"Yeah?" anitong mabigat na humihingal. May tinig din ng humihingal na babae na
kasama nito.
"Stop fucking whoever that girl is and listen to me." aniya.
Mahinang tumawa si Pierce. Narinig niya pa ang "Hush, baby. Won"t take a while." na
pang-uuto nito.
"What?" si Pierce.
"I need a favor."
"Okay. What?"
"I need you to arrange some things for me. With Uncle Sito."
"Hm..." sabi nito, "Is that for -"
"Yeah. I need it shotgun."
"Okay." simpleng sabi nito. Saka nakarinig na naman siya ng malalaswang ungol.
"Fuck." aniya at pinatay ang cellphone.
Isinunod niya si Evan.
"Hey, man. Si Grey."
"Grey! What"s up! I heard you"re -"
"No. That"s not true. Anyways, I"ve got no time. I need a favor."
"O...kay! What?" nai-imagine niya ang ngisi ng kaibigan sa pagmamadali niya.
"I need a hotel room reserved for me in about..." nag-isip siya, "- thirty minutes.
The closest one to Luneta."
"For?"
"Just do it. I"ll explain later."
"Okay, man. I got it."
Nasapo niya uli ang noo. Nahihilo siya. Pero hindi siya mahihimatay o mamamatay sa
pagod nang hindi niya pa nababawi si Tonya!
*****
Pagbaba ni Tonya sa taxi ay sinalubong siya ng isang babaeng may dalang payong.
Matamis ang ngiti nito sa kanya. Maliliit at kakaunti na lang ang patak ng ulan.
Ihinatid siya ng babae sa tapat ng monumento ni Rizal. Kung saan... nakaayos ang
isang arko ng bulaklak at lobo na nagsasabi: I love you, Tonica. Nakakalat ang
outdoor lights na nagbibigay-tanglaw sa kinapupuwestuhan ng arko at ni Hans. May
ilang taong hindi niya kilala ang nakatingin sa kanya at mukhang naghihintay.
Kasama siguro ng dating nobyo. At habang papalapit siya, tumugtog ang apat na
musikero. Yung theme song nila.
You're not alone
Together we stand
I'll be by your side, you know
I'll take your hand
Maganda ang ngiti ni Hans. Hindi naman siya makangiti. Kasi... yung lyrics ng theme
song nila... Mali.
Nagtaksil sa lyrics si Hans! Hindi tulad sa lyrics, umalis ito sa tabi niya.
When it gets cold
And it feels like the end
There's no place to go
You know I won't give in
No I won't give in
I won"t give in.
Pero, naiwan siyang mag-isa, di ba?
Keep holding on
'Cause you know we'll make it through,
we'll make it through
Umasa siya. Naghintay ng paliwanag nito.
Just stay strong
'Cause you know I'm here for you,
I'm here for you
Pero walang dumating na paliwanag kahit may pasaload.
There's nothing you could say
Nothing you could do
There's no other way when it comes to the truth
So keep holding on
'Cause you know we'll make it through,
we'll make it through
Patuloy siyang humahakbang. Pero sa bawat hakbang ng paa niya, ang kaba ay unti-
unting napapalitan ng pag-aalinlangan. Kapag sumagot siya ng "Oo", alam niyang wala
na siyang kawala. Kailangan niyang panindigan ang sariling salita. Pero...
Paano niya paninindigan kung unti-unti, habang pinakikinggan niya ang mga salita sa
kanta dapat nila ni Hans, ang mga alaala niya ay unti-unting pumapanig kay Grey?
So far away
I wish you were here
Malayo si Grey.
Before it's too late,
this could all disappear
Sana dumating si Grey.
Before the doors close
And it comes to an end
Natatakot siyang matapos sila ni Grey.
With you by my side
I will fight and defend
I'll fight and defend
Pero natatakot na rin siyang lumaban. At manindigan para sa lalaki. Kasi...
komplikado. Masakit. Mahirap.
Dinidikdik ang puso niya lagi. Kinukwestyon ang pagkatao niya lagi. Nangliliit siya
lagi. Kahit na masaya siya sa tabi nito, laging may tumututol. Laging may
nagrereklamo.
Na parang hindi talaga sila pwede.
Malungkot siyang ngumiti nang makaharap si Hans.
"Tonica..." masuyong nakatingin sa kanya ang lalaki, "I love you."
Hindi siya nagsalita. Ibang boses kasi ang naririnig niyang nagsasabi niyon sa
kanya.
"I know... I"ve been wrong. Mali ako na iniwan kita. Dahil mas lalo kang nasaktan.
That"s not what I wanted for you."
Nanatili siyang nakikinig.
"After watching you in a distance, and watching you get hurt, while I was not there
to defend you, I realized my mistakes. I will be the one who will protect you. I
will make you happy. I will never leave you again. I will love you. Always."
hinawakan ni Hans ang kamay niya habang inilabas naman ang maliit na kahon ng
singsing, "Tonica... love... with me, you will have a quiet life. People will say
nothing against you. And I won"t let them. It"s less glamorous but it won"t be
complicated. And we will have a happy family." lumunok ito, tinitigan siya sa mata,
"So, Tonica... will you marry me?"
*****
Pagkakataon at panghuhula ang dahilan kaya bumaba si Grey sa tapat ng monumento ni
Rizal. And sure enough, he saw Tonica in a cute, nice dress. And a bug (named
Hans).
Mabilis siyang bumaba ng taxi na madilim ang mukha. Nagagalit siya. At gusto niyang
magwala! Hawak ng ibang lalaki ang kamay ni Tonica! At may inio-offer itong
singsing!
He vaguely heard him ask -
"Tonica... will you marry me?"
Nagngingitngit siya. Ilang araw lang siyang nawala ay mapupurnada pa ang pag-aasawa
niya! What are the chances? Kailangan niyang pigilan ang babaeng mahal niya! Sa
kanya dapat ito magpakasal!
Pero sa dami ng dapat niyang ipaliwanag, sa dami ng nangyari na dapat niyang
ikuwento, at sa bagal ng lohika nito, paano niya makukumbinse ang babae na wag
tanggapin ang singsing ng lalaking kaharap?
Pumanig nga si Tadhana kasi may inabutan pa siya. Pero nawawalan naman siya ngayon
ng salita.
"Hans... I -"
"Tonica!" sigaw niya sa nag-iinit na ulo. Mabilis ang hakbang niya para tawirin ang
apat na metrong agwat nila.
Lumingon si Tonya na nagulat nang makita siya. Nilingon din siya ng lalaking kasama
nito at masama siyang tiningnan. Natigil sa pagtugtog ang mga musikero.
"Don"t say yes!" halos utos niya.
Lumunok si Tonya na parang naguguluhan.
"Bakit..?!" parang paos na tanong nito. Tunog nagrerebelde.
Umikot ang ulo niya sa paghahanap ng sagot. May anghel at demonyong nag-aaway sa
utak niya.
Bakit daw?
Dahil mahal niya ito.
"Mahal din siya ni Hans."
Dahil mali ang balita.
"Kasalanan mo yun dahil hindi ka umuwi agad! Goddamn it!"
Dahil siya dapat ang mahalin nito.
"O? Ang kapal ng mukha mo! Pwede rin niyang mahalin si Hans!"
"Shit!" bulong niya sa sarili. Wala ang utak niya ngayong kailangan niya. At hindi
siya makapaghanap ng tamang salitang kukumbinse rito. Agad-agad.
Anong wala si Hans na meron siya na pwedeng kumumbinse kay Tonya?
Wala.
Kundi -
"Wag mo siyang pakasalan!" sigaw niya.
"At bakit hindi?!" galit na sigaw ni Tonya.
"Dahil hindi niya kayang ibigay ang kaya kong ibigay sayo!" lakas-loob na buwelta
niya.
Namumula ang babae. At masama ang mukha nito. Sa galit siguro dahil sa biglaan
niyang paglitaw.
"At ano yun?!" inis na tanong nito.
Natahimik ang lahat - ang mga taong nakikiraan lang at nanonood; ang mga musikero;
si Hans; at ang ilang kakilala siguro ni Hans.
Hinihintay ng lahat ang sagot niya.
"Shit!" he hissed.
"Ano? Anong kaya mong ibigay kay Tonya na hindi ko kaya?" galit na tanong ni Hans.
Lalo siyang nagagalit. Di bale nang malaswa ang sagot niya.
"Sperm!" malakas na sigaw niya na nakatingin kay Tonica, "Maraming-maraming sperm!"
#
b

Chapter 45 : Love is Absolute

A/N : Ending Chap! Hurray! At ang isa sa Official Sound Track na tugmang tugma ang
lyrics sa nararamdaman ni Grey sa tuwing sinasabi niya kay Tonya ang salitang
'Stay' ay narito! Tan-tan-tanan! Stay With Me ni Sam Smith! Lalo na nung nasa tabi
niya si Noreen pero si Tonya ang gusto niyang kasama sana, yung may backhug scene,
ito yung OST nun! Ayiii... As in, ito ang pinapatugtog ko sa playlist ko kapag
magsusulat pa lang ako ng chapter. Hehe. Bow. :D

-----

Napalunok si Grey matapos ang deklarasyon niya. He feels sorry for Hans. Pero iyon
ang totoo. Sa pagitan nilang dalawa, siya lang ang makakapagbigay ng binhi kay
Tonya.

Nakabuka naman halos ang bibig ni Tonya sa narinig. Pero nang kagatin nito ang labi
habang nakatingin sa kanya ay unti-unting napuno ng luha ang mata. Lalapitan niya
sana. Kaso -

"Hey!" sita ni Hans at humarang, "Nanggugulo ka! Wag mong guluhin ang isip ni
Tonya!"

"Back off!" matigas na sabi niya sa lalaki.

Nagsukatan sila ng tingin. Hindi nalalayo sa tangkad niya ang lalaki. Moreno ito
kumpara sa kanya. Ni wala nga silang pagkakapareho sa features. Pero ang higit na
umiinis sa kanya, malaki rin ang lalaki. At kung kasama ito ni Tonya sa iisang
apartment sa loob ng tatlong taon -

Ah!!! Nakipagkagatan ang mahal niya sa lalaking ito?! For three fucking years???
Nababaliw siya! Gusto niyang lumpuhin si Hans!

Pero naiintindihan na rin niya ngayon kung gaano kasakit ang maaaring naramdaman ni
Tonya noon dahil kay Noreen. When you face a rival, comparison is inevitable. At
laging may insekyuridad. Sasaktan ka ng sarili mong pag-iisip.
"Sa akin siya dapat na magpakasal! Masyado siyang masasaktan sayo!" sabi ni Hans,
"Ni hindi mo nga siya magawang maprotektahan ng tama! And now you're here shouting
like a damned king and trying to get in the way!"

Tumama ang lahat ng ibinato ng karibal sa kanya. Pero wala siyang pakialam kahit na
totoo pa ang sinasabi nito. He's a work-in-progress. At kaya siya umuwi galing sa
Berlin kahit na importante ang Festival sa kanya ay dahil sa mismong sinabi nito -
dahil gusto niyang protektahan ng tama si Tonya!

"You're the one who gets in the way." madiin na buwelta niya, "You left her! You
broke her! You made her believe she's not enough to be your wife! Kaya wala kang
karapatang balikan siya ngayon! She's for me to love!"

"No!" galit na giit ng lalaki, "I've been with her for a long time! I know what she
needs! I know how to make her happy! Hindi mo siya kilala!"

"I have a lifetime to learn everything about her! That's not your God-forsaken
business!" angil niya.

Nagsukatan pa sila ng tingin ng lalaki.

Pagkatapos ay bumaling siya kay Tonya at hinawakan ang kamay nito, "Hey... let's
go. Come with me."

"No, love..." sabi ni Hans at hinawakan ang kabilang kamay ng babae, "Stay with
me."

"Slowpoke..." nakikiusap ang matang sabi niya, "Come with me."

Nalilito ang mukha ng babae na nagpapapalit-palit ng tingin sa kanila.

"He's an ex. I am here. I travelled all the way from Berlin just to be with you."
sabi niya rito, "Just for you, slowpoke..."
"Love..." sabi ni Hans, "You will be hurt with him. Don't go. Choose me."

Tumingin si Tonya kay Hans. At nang tumingin sa kanya,

"I love you." huminga siya ng malalim, "I love you."

Lumunok si Tonya at binaklas ang kamay mula sa pagkakahawak nila. Kagat-kagat nito
ang labi habang nag-iisip.

And damn, he wanted to bite what she's biting! He's been so deprived of her lips!

Napapalunok din siya sa pagpipigil sa kagatang naiisip niya.

"Sandali." sabi ni Tonya at huminga ng malalim. Lumingon ito kay Rizal. Tapos sa
kanya.

"Si Noreen, paano?"

"The news about us getting married is not true. She's engaged with someone else."

Nag-iisip ito. Kumukurap. "Ibig sabihin... bruha lang ang Mama mo?"

"Yeah."

Kunot pa rin ang noo nito. Ngumisi naman siya rito. At nakita niya ang gusto niyang
makita! Umirap ito nang ubod ng cute.

Pinigilan niya muna ang sariling mag-celebrate.

Humarap si Tonya kay Hans.


"Hans..." sabi nito at hinawakan ang kamay ng lalaki.

Nagtiis siya sa nakikita at hindi kumilos ng masama.

"Sorry. Kasi si Grey e..." nilingon siya ni Tonya bago hininaan ang boses na parang
ayaw iparinig sa kanya ang sasabihin nito sa lalaki. Pero malaki ang tainga niyang
sumagap ng boses nito kaya narinig niya pa rin, "Mahal ko talaga siya e."

"Tonya..."

"Hindi naman na ako galit sayo. Kahit na... masakit yung ginawa mo. Naisip ko naman
na para rin yun sa akin. At, gets ko, na gusto mo akong maging masaya. Pero kasi...
nung nawala ka... nakilala ko si Grey. Tapos, nung una naglaway lang ako sa kanya.
Tapos, mahal ko na siya. Kahit masakit at magulo. At kahit mas mabilis ang logic
niya sa akin. Alam mo yun?"

Hindi kumibo si Hans pero galit na tumingin sa kanya. Masama rin ang ibinalik
niyang tingin.

"Are you really sure about this?" untag nito.

Tumango si Tonya. "Oo. Kaya sorry."

Niyakap ni Hans ang babae bago bumaling sa kanya.

"What do you plan to do once the gossips started up again?"

"I know what to do now. I have a plan." maanghang na sagot niya.

Huminga ng malalim ang lalaki. Nagtiim ang panga na parang pinagpapasensiyahan


siya. Pero lumambot ang ekspresyon nito nang tumingin kay Tonya. Ngumiti.

"I'm really sorry about what I did. And..." lumunok ito at pinigilan ang namumuong
luha, "Please, be happy. If he got it wrong with you, you can always come to me."
Nanggigil siya sa narinig. Anong sinasabi nitong 'he got it wrong'? Wala itong
ideya. Akala ba nito ay makakawala pa si Tonya sa kanya?

Pero nanahimik siya.

"Salamat, Hans." sabi ni Tonya at niyakap uli ang lalaki. Pagkatapos ay matalas ang
mata nitong bumaling sa kanya, "Ano ngayon?"

Suplado niyang hinawakan ang kamay ng babae. Noon lang siya napanatag. Nang
magdikit ang balat nila.

"Now, we run. Together." sabi niya rito.

Matipid itong ngumiti. Ngumisi naman siya.

At pumara sila ng taxi.

*****

"Grey... bitawan mo muna yung kamay ko." untag ni Tonya kay Grey habang nakasakay
sila sa taxi.

"No. Baka makawala ka pa e."

Umirap siya rito. Namumula.

"Saan naman ako pupunta kung tatakas ako?"

Pagalit na sumulyap si Goryo sa kanya. Humigpit ang hawak sa kamay niya.


"I'm still angry about all this!" anito na hindi tumitingin sa kanya, "I proposed
to you before I leave and you didn't accept me. And now that guy went back and you
planned to say yes to him?"

Napanganga siya. Aba! Galit din siya no! Akala ata ng lalaking ito! Nagusot ang
mukha niya.

"Kasalanan yun ng Mama mo! Ang sabi niya kasi... pag nalaman mo yung ginawa ni
Noreen para sayo noon, babalikan mo si Noreen! Tapos nakipagpustahan siya! Kapag
daw nagpunta ka ng Berlin at nakasama si Noreen pero bumalik ka pa rin sa 'kin,
tatanggapin niya na raw ako. Kaya nung nakita ko yung balita..." humina ang boses
niya at unti-unting sumakit ang dibdib, "- tapos sabi niya sa TV panalo siya sa
pustahan... akala ko talaga..."

"Damn!" inis na sabi ni Grey at tumingin sa kanya, "Didn't I tell you not to
believe them? You promised to trust me!"

"E ni hindi ka tumatawag e! Kahit text wala!" tumulo ang luha niya sa inis at sakit
na na-pending, "Kahit nasa internet yung balita at pwede mong makita, hindi ka
tumawag! Anong iisipin ko nun?!"

Nakatingin sa kanya ang lalaki. Hinatak siya pasubsob sa katawan nito at niyakap.
Habang nakikiusyoso ang matandang lalaking driver ng taxi.

"I'm sorry. A lot of things happened to me in Berlin. Painful things. But I sorted
it out with Noreen. Okay? Mula nang araw na umalis ako hanggang mabaliw ako sa
paghahabol... ikaw lang. Ikaw lang ang gusto kong pakasalan." sabi nitong
hinahaplos ang buhok niya.

Tiningala niya ito. Pinahid naman nito ang luha niya.

"Hindi mo pinili si Noreen kahit na nalaman mo yung ginawa niya para sayo?"

"How could I? You already have me, slowpoke. Nothing else matters to me. Not what
could have happened or what might have been between me and her. I am not looking at
the past anymore. I wanted... a future with you."

Hindi siya nakaimik agad. Pero nag-aalala pa rin siya.


"Paano yung Berlin mo?"

"Berlin happens every year, slowpoke. I have a fair chance with that. Pero sayo?"
pumalatak ito, "Look what happened? Nawala lang ako ng ilang araw pero muntik ka
nang maikasal sa iba?! Damn! Nakakaasar!"

Umirap siya.

"With you I can't wait. And I won't wait." dugtong pa nito.

"Pero paano si Noreen? Kawawa naman siya kapag nalaman ng mga tao na mali yung
balita tungkol sa inyo. Tapos... magagalit na naman ang mga tao sa akin."

"You don't have to care about other people anymore, okay? I got you."

"Paano?"

"You'll see." anito at makulit na ngumisi.

Makalipas ang ilang minuto ay bumaba sila sa isang malaking bahay na malapit sa
Supreme court.

"Kaninong bahay to, Grey?" usisa niya.

"Kay Tito Sito."

Napatakip siya sa bibig. "Kay Tito Sotto? Yung senador?"

Malakas na tumawa si Goryo. Pinisil siya sa ilong.


"No. May Uncle Sito." may diin sa salita na sabi nito, "A judge."

"Judge? Bakit? Isusuplong natin yung mga bashers?" tanong niya habang nagdo-
doorbell si Grey.

"More than that. Papalitan ko ang apelyido mo."

Napanganga siya. Bakit naman nito gagawin iyon? Maganda naman ang apelyido niya!

Pero nang mapakurap siya ay nakuha niya ang sinasabi ng lalaki.

"You mean -"

"You will marry me, Tonica. Don't dare to say no."

Ngumiti siya rito. Bumungisngis.

"Paano pag ayoko?"

"I will imprison you in a room somewhere and I will bite you with lethal bites
until you give in."

"Magiging gigolo ka?"

Ngumisi ito. "For you? Hell, yes."

*****

Wala pang five minutes ay pumirma sina Grey at Tonya sa kontrata ng kasal sa tulong
ng tiyuhin na si Sito De Vera. Nanghiram si Grey ng electronic tablet kay Pierce at
kumuha sila ng litrato. Nanghiram rin ito ng kotse.
"Saan pa tayo pupunta?" tanong niya sa lalaki nang nasa kotse na sila. Nag-aalala
siya dahil hindi na ito tumitigil sa paghihilot ng sentido. Naniningkit din ang
mata nito sa pagod.

"Just wait a little." simpleng sabi nito at ngumiti.

"E, pagod ka na e." giit niya, "Umuwi na lang tayo para makapagpahinga ka na."

Ngumiti ito sa kanya. "We're still not done for the night."

Natahimik siya.

Ilang minuto ay nag-park sila sa tapat ng isang hotel. May nag-ingay na cellphone.
Sinagot ni Grey. Nagulat pa si Tonya nang makilala ang cellphone na pagmamay-ari ng
ina.

"Hey, Evan!" bati nito.

Nakamata lang siya habang nakikipag-usap ito.

"What?" seryoso ang mukha ng lalaki. Walang kangiti-ngiti.

"Yeah. I just parked the car."

Nagusot ang mukha nito. Sumilip sa labas ng kotse na parang nag-aabang.

"Thanks, man. I owe you."

Ibinaba nito ang cellphone at pagkatapos ay hinawakan ang kamay niya.


"Come quickly, slowpoke. We have to hurry."

"Ha? Bakit? Anong nangyayari?"

Pero ngiti lang ang sagot nito at mabilis siyang hinila palabas ng kotse.

Nagmamadali man, pagbaba ay kumuha pa sila ng larawan sa harap ng hotel.

"Para saan yan?" naguguluhang tanong niya.

"Later, slowpoke." anitong itinago ang tab sa bitbit na jacket, "We have to hurry
inside."

Kumuha sila ng susi sa front desk ng hotel. At papakyat na sila nang marinig ang
ilang sasakyang sabay-sabay na nag-park. Umangil si Grey. Lumingon siya sa entrance
door pero wala namang nakita. Hinila siya nito hanggang makapasok sa isang silid.

Nag-lock ito ng pinto.

"Anong nangyayari, Grey?" usisa niya. Sino ba ang tinatakbuhan o pinagtataguan


nila? May kalaban ba? "Oy!"

Huminga ng malalim ang lalaki at hinila siya payakap. Bumangga siya sa dibdib nito.
Matagal sila sa ganoong posisyon bago ito bumuntong-hininga.

Nang ihiwalay nito ang sarili sa kanya at pinakatitigan siya, "Evan reserved this
room for us. And he's the one who called. Sabi niya, ang Mama ko at ang press...
papunta rito. They will try to meddle again. I'm sorry."

"A..." malungkot na sabi niya. May kalaban pala talaga. "Makikialam pa rin sila?
Kahit na pumirma na tayo ng marriage contract?"

Malungkot ang mata ni Grey. At alam niyang pagod na pagod na ito.


"We have yet to submit proper requirements so it could still be nulled."

Napalunok si Tonya sa narinig. Pwede pa palang bawiin iyon. Akala niya, asawa na
niya ang lalaki. Namuo ang mainit na luha sa mata niya.

"But tonight, I will try to stop all the meddling once and for all. So that no one
and nothing can come between us." serysong sabi nito, "But I'm afraid, it might
still not work."

Gagawa ito ng paraan?

"Paano?" tanong niya.

Pinanood niya si Grey nang kunin nito sa bitbit na jacket ang tab na hiniram sa
pinsan at buksan ang facebook account nito. In-upload nito ang picture nang pumirma
sila ng kontrata at maging ang litrato nila sa harap ng hotel. Nag-type ito ng
status:

I love Tonica Grace Atienza - Montero. Deal with it.

Napaawang ang labi niya nang ma-post ang larawan nila at ang status.

"That's how." panapos na sabi nito bago tumitig.

Napailing siya. Gusto niyang ipinagsusumigawan nito ang pagmamahal para sa kanya.
Pero... hindi niya alam kung paano haharapin ang kapalit niyon. Masisira ba si Grey
dahil sa kanya? Magpapakasira ba ito para lang sa kanya? Iyon ba ang gusto niya?

"Grey! Mapapahamak ka lalo! Babatuhin ka ng mga tao. Sasabihin nilang mali ka at


ang desisyon mo! At ang pelikula!" nagpapanic siya. Hinawakan niya ito sa braso,
"Ikakansel nila yung pelikula mo!"

"That's okay, slowpoke. Relax. I could resign and let Mario take all the credit."
"Grey! Iniwan mo na nga ang Berlin e! Pati ba naman ito?"

Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya palapit sa katawan nito.

"Love must be absolute. Yes?"

Hindi kumibo si Tonya. Sabi yun ng tatay niya pero -

"I can make another film. I can chase another opportunity. I can wait for things
that has passed me by to come again. But you... you are something I don't have the
patience to wait for. Believe me. I could move on with the regrets of losing
everything. But I don't think I could ever move on if I lose you." lumunok ito at
lumamlam sa lungkot ang mga mata, "Life with me is complicated, slowpoke. But...
that's the only life I have. And I wanted to offer that one life to you. Because I
love you."

"Grey! Baka kasi... nabibigla ka lang." sabi niyang may pag-aalala.

Masyadong seryoso ang komplikasyon ng ginagawa nito. At siya? Ano lang ba siya?
Sapat ba siya kapalit ng lahat ng bagay na pakakawalan nito?

Seryoso si Grey sa pagkakatitig sa kanya.

"Tingnan mo 'kong mabuti. Ito lang ako." sabi ni Tonya sa lalaki, "Ito ang lagi
mong makikita sa bawat araw ng buhay mo! Ito lang ang ipinagpalit mo sa lahat ng
pangarap mo! Paano kapag... isang araw, naisip mong mali ka? Na mali ito? Mali
tayo? Masasaktan ka. I don't want you broken."

Umiling ito. May sakit na dumaan sa mga mata.

"Hey..." may ngiting sabi nito, "Bakit mo minamaliit ang sarili mo? I hate it when
you do that."

"Kasi... "
"Listen to me well." nakatitig ito sa mata niya, "I fell in love with you without
minding your size or how beautiful you are. Why would I care? You are not your fats
and not the beauty of your face. Still, when I think about it, I did not fall in
love with you because you're too kind or that you are sunshine. Because I'm still
smitten with you even when you are angry and when you are crying. So, your
perfection or imperfection, I don't care about all that. I love you as you are. I
love whoever you were in the past. And I love whoever you might become in the
future. But for me to love someone like this... it must be you."

Pumatak ang luha niya. Hinawakan siya sa pisngi ni Grey. Tumungo siya. Natatakot na
salubungin ang mata nito. Nakakatakot kasi. Natatakot siya.

Pero itinaas nito ang mukha niya.

"Hans is right. I have a lot of things that I do not know about you. But hell, I
have a lifetime to learn all that! Every little thing, every little stories that I
haven't heard about, I have a lifetime to listen. To court you, date you, and prove
my love to you, I wanted a lifetime to do it. And all the days that lie ahead, I
wanted to live it with you. Please don't tell me that I am getting this wrong. And
don't tell me that you are not enough. Because that's not what I know. That's not
what I feel. To me, you are everything. It would make me absolutely happy... if...
even if it's complicated, we will face everything together."

Hindi siya kumikibo. Patuloy sa pagbagsak ang luha niya.

"I love you, Mrs. Montero. Stay with me forever. Yes?" masuyong tanong nito.

Tumango siya at yumakap. Mahigpit. Yung yakap na natatakot pero lalaban. Pinili
nila ang isa't isa. There is no going back.

"I love you, too." sabi niya rito.

Ngumiti si Grey. "That's my girl."

"Then, what now? Pag umakyat ang Press dito at ang Mama mo... anong gagawin natin?"

Ngumisi ang lalaki at nagsimulang hubarin ang suot na sweatshirt. Pinigilan naman
niya ito.
"Bakit ka naghuhubad? Hindi ka pwedeng magpa-interview na walang damit!" sita niya.
Masyado na yatang wala sa huwisyo ang lalaki dahil sa jetlag.

Makulit na nakangiti si Grey sa kanya. Nalaglag sa sahig ng silid ang pang-itaas


nito.

"Who told you we will let them interview us?"

"E... di..." napahakbang siya paatras, "Ano yan?"

Hinawakan nito ang sinturon ng pantalong suot at sinimulang tanggalin.

"I'm your sperm donor, slowpoke."

Napalunok siya. Nahihilo siya sa alindog ni Goryo! Umatras siya. Uli.

"Oo nga. E ano naman..."

Nalaglag ang pantalon nito sa sahig. At... may electric eel!

Magno-nosebleed ata siya. Matagal-tagal na nang huli niyang nakita ang kabuuan ng
lalaki. At... masyadong maliwanag ang ilaw ng hotel!

"Let me do my job, then."

"Ano?!"

Umurong uli siya. Sinasabi ba nitong Donation Night na talaga? Pero -

"64 kilos pa lang ako! Ang sabi ko, magdo-donate ka kapag payat na ako talaga!"
awat niya rito.
Pero nalaglag ang huling saplot sa katawan nito. Tinakluban niya ng palad ang mata.
Pero may siwang.

"Wag! Ano ba! Pagod ka pa! May jetlag ka!"

Nakangisi si Grey. Lumakad ito palapit. Umuurong naman siya. Hanggang bumangga siya
sa tagiliran ng kama.

Umilag siya sa kama. Lumiko. Pero dumiretso sa tagiliran ng malambot na hihigan ang
lalaki at doon nakangiting umupo.

"Yeah. May jetlag ako. Doesn't mean I want you less."

"Hindi..." napapalunok siya sa nakahaing katawan nito. Nagkakamatayan na naman ang


mga neurons niya sa kilig at pananabik. "Hindi yun ang ibig kong sabihin!"

"Hey... slowpoke." malagkit ang boses ni Grey, "I'm deprived of you for days. Don't
run."

Huminga siya ng malalim. Umiinit siya... er, umiinit ang paligid.

"Grey..."

Nakangiti ang gigolo niya.

"Come here, Mrs. Montero. We have a lot of catching up to do."

Higit niya ang hininga. Paano niya tatanggihan ang lalaki?

Tanga lang siya. Gigolo ito. Maalindog na gigolo!


Lumapit siya. Diretso sa nakabukang kamay nito. He met her in a kiss.

Nang magsimulang mag-ingay ang doorbell sa hotel room nila, wala na silang
naririnig.

They are both lost and naked in a world of their own. She took him sweetly,
bravely, and lovingly. He took her slowly, gently, before upping the tempo.

When the door fell into silence, they both sighed with ecstacy.

Sperm donated. #

Epilogue : The Late Bloomer

-----

Three months later...

Bumukas ang malaking pinto ng simbahan. At lumitaw si Tonya roon. Marahang lumakad
hanggang sa dulo ng pulang carpet na nakasahig sa aisle. Maliwanag na parang sa
araw ang nakabukas na pinto. Magandang parang anghel ang bride niya.

Malaki ang ngisi ni Grey. She looks like a stunning angel in her white, glittering
gown. Ngumiti ito nang magtama ang mata nila.

Napa- 'Oh' ang mga taong nakatingin din. Napasinghap ang mga best men niyang sina
Adam at Evan. Panay ang siko sa kanya. Mukhang masama naman ang loob ni Shaun na
best man din.

Today, on a sunny Sunday morning, with three hundred people watching except his
mother, he is marrying his Tonica.

She's now 58 kilos, with vital statistics 35 - 28 - 36, and a heart larger than
anyone he knew.
Let the bough break,
let it come down crashing
Let the sun fade out to a dark sky
I can't say I'd even notice it was absent
Cause I could live by the light in your eyes

She slowly walked towards him.

She's stunning. Gorgeous. Na hindi nito pinaniniwalaan hanggang sa ngayon. Sa loob


ng tatlong buwan mula ng ikasal sila ng tiyuhin ay pinaghirapan nitong abutin ang
katawang gusto para sa sarili. Kahit na sinasabi niyang hindi naman nito kailangang
pumayat. She's stubborn. Strong. Tough. Gumagawa ng paraan para sa bagay na
magustuhan. Kahit na mahirap.

He admired that about her.

Even when they first met, she straightforwardly asked him to be her donor just
because she needs to.

"I'm Gregory Montero." pagpapakilala niya sa babaeng pumasok sa silid ng Dean.


Iniabot niya ang kamay rito.

"Sperm donor." wala sa loob na sabi sa kanya ng mataba pero magandang babae.

"Pardon?" kunot ang noong tanong niya. May narinig siyang sinabi nito pero hindi
siya sigurado.

"Naghahanap ako ng Sperm donor. Pwede ka ba?"

Nalaglag ang panga niya. He felt harassed. Yet, amused.

He likes her that first day. Kahit na pakiramdam niya ay magiging init at sakit ng
ulo niya ang babae, may karisma itong nakakapagpangiti sa kanya.

I'll unfold before you


What I've strung together
The very first words
Of a lifelong love letter

From that day until everyday that they are working together, she's getting into his
skin; endearing herself to him. Nang hindi niya namamalayan. Dahil siguro sa hilig
nitong bumati. Walang pagod ito sa pag-good morning o good afternoon sa lahat ng
tao. Lagi niyang nakikitang nakangiti. Kahit pagod. O walang maintindihan sa mga
iniuutos niya. Kahit sungitan, hindi natitibag ang kumpiyansa. She doesn't think
bad of people. And he likes that about her, too.

Pero hindi niya napapansin ang sariling damdamin. Hanggang isang araw na sabayan
siya nito sa pagkain at lakas-loob niyang itanong ang tungkol sa mga sticky notes
na ikinakabit nito sa coffee mug. Na akala niya ay taktika nito para magkainteres
siya rito. Tulad sa isang romantic movie.

"Do you know what you are doing?" tanong niya sa babae na tumikhim at nag-iwas ng
tingin. Uminom siya ng kape para itago ang tensyon. He felt dumb getting shy about
something so simple.

"Po?" tanong ni Tonya na ngumunguya.

"About the notes. And quotes. Do you know what you are doing?"

Pinanindigan niya ang hindi pagsulyap dito.

"Ah!" masiglang sabi nito bago sumagot sa kanya, "Nagtitimpla po ng kape n'yo,
Direk!"

"There is a movie like that, di ba?" paalala niya.

"Ah!" nakangiti si Tonya sa kanya, "Opo, Direk. Yung si Laida, na assistant sa


isang magazine firm! Tapos, tuwing tinitimplahan niya ng kape yung boss niya, may
nakadikit na notes na may messages! Tapos, parang dahil dun sa mga notes niya,
nainlab yung lalaki, di ba?"

Nakatingin siya rito. Namamangha sa sigla ng pagkukuwento nito samantalang


minamalisyahan niya ang mga notes na ikinakabit nito sa kape niya.
"Naaalala ko yun, Direk! Happy ending yun e! May part 2 pa nga. Paborito ko."

"Exactly! So, what are you doing, Tonya?" tanong niya. Nakahanda na siyang
pagalitan ito kung magkakamali ito ng sagot sa kanya.

Their eyes locked. His, looked dark. Hers, looked innocent.

"Nagtitimpla po ng kape n'yo, Direk."

He wanted to laugh, then. At magalit sa sarili. Mapahiya. At mag-sorry sa inisip


niya rito.

That day he knew she is really different. And he felt comfortable with her.

Only with her, he can eat, work, drink coffee and stay comfortable. Only with her,
he is relaxed.

So one day, when he felt the urge to kiss her for the sake of tasting her lips, he
did. Without hesitation. Ang sabi niya, demo.

There was a time when


I would have believed them
If they told me you could not come true
Just love's illusion

Nakalimutan niyang may Noreen siyang hinihintay. When Shaun proclaimed his interest
in Tonica, he wanted to create havoc on set. He lost his cool. Naubos ang
kakaunting pasensiya na mayroon siya. Nakalimutan niya ang malamig na maskara na
lagi niyang inihaharap sa mga tao. Because he wants her his.

And when Noreen came back to him, he realized that what he feels is more than just
wanting someone. Because when Noreen came back and he saw Tonica hurt, he felt
pained, too. Whenever she averted her eyes from him, it hurts.

That's when he knew that he loves her. So much that he wanted to let go of what he
had with Noreen just so he could have a chance with her.
But then you found me
and everything changed
And I believe in something again

"Sana kasi... totoo na lang lahat. Yung kiss mo. Yung concern mo. Yung pang-aaway
mo sa akin. Yung cute na panda mug." pumatak ang luha ni Tonya at tinakpan ng palad
ang mga mata, "Hopiang hopia ako na sana hindi lang demo lahat yun. Kahit nagagalit
na sila Boom at Abo, wala. Asado. Hopia. Isang daan mo lang na parang mumu sa mesa
namin, nakasunod na agad ako sayo. Asado at hopia."

Lumapit siya rito. He can't wait to tell her he loves her. Pero iba yata ang nasa
isip nitong marinig.

"Ayokong makinig, Grey. Ilang ulit ko bang sasabihin para maintindihan mo?
Binabasted ko na ang sarili ko. Ayokong mabasted mo."

Nang makita niyang hindi nga ito makikinig at puro na ito iling sa kanya, nauubusan
na siya ng pasensiya. Hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi, iniangat ang mukha
at inangkin ang labi nito.

Sinamantala niya nang matulala ito sa ginawa niya. He's still feeling the kiss in
his lips.

"Sometimes you talk too much." sabi niya rito.

"Hindi demo... yun?"

"No."

"Pwede ba akong mag-assume?"

"No need to."

Pinahid niya ang luha sa mata ni Tonya. Sinapo ito sa mukha.


He has to tell her what he feels. And he has to tell her slowly. Kahit ang totoo ay
atat siya. Dahil alam niya, minsan lang niya nakukuha ang tamang salita.

"I will confuse you from time to time. Because I am not that good with words. You
confuse me from time to time because you're not good with it, neither. I have a
temper that only you knows about. I am very flawed and oftentimes bossy. But I want
you to know me. And I want to know you, too." ngumiti siya rito, hoping that she
would get all his words right, "We may be awkward together because we are an
unusual pair-up. But I don't care. We may confuse each other a lot but I won't
care. I want to be confused with you. And then I want us to work it out. You don't
need to assume or hope about anything. From this day on, I, Gregorio Montero, am
yours."

Ngumiti siya rito. Unang beses niyang sasabihin. At unang beses niyang maririnig sa
sariling tinig ang gusto niyang aminin.

"I love you, Tonica."

That night, he wanted her for forever.

We are not perfect


We'll learn from our mistakes
And as long as it takes
I will prove my love to you

Nakalimutan niya na magulo ang mundong mayroon siya. The film and show business
industry are cruel. It measures perfection by the beauty of the face, the
measurement of the body and the glam of clothes. His Tonica is not that. And he
wouldn't want her to be anything like that.

Like a sandcastle on the seashore, they were attacked by the waves. Waves of people
telling them they shouldn't be together. People who think they know better for
them.

But the more they try to tear them apart, the greater the distance they put between
them, the stronger he feels his love for her.

Sa Pilipinas o sa Berlin, walang pagkakaiba. Si Tonica lang ang hinahanap niya.


When he got his heart broken after learning about Noreen's sacrifices for him, he
pitied his best friend but he longed to hear Tonica's voice. He wanted to rest in
her arms. The more the hours passed without her by his side, the more he yearned to
be with her. It was a pain he could not tolerate. A pain he could not get through.

Life with them together is complicated, started complicated, but he doesn't care.
He could live a complicated life as long as he has her. But no matter how tranquil
a life may seem, without Tonica, he cannot rest.

"Goryo..." sabi ni Mama Korina habang mangiyak-ngiyak na itinatabi sa kanya ang


anak, "Mahal na mahal ko itong panganay ko! Umayos ka! Ingungudngod kita kapag
pinaiyak mo pa uli ito."

Nakangiti siya sa ginang. Hinalikan niya ito sa pisngi.

"I got her, Ma." sabi niya rito.

Hinampas siya nito sa braso bago humawak sa kanya si Tonya. And the moment their
flesh touched, he felt whole.

I am not scared of the elements


I am under-prepared, but I am willing
And even better
I get to be the other half of you

Three months ago, they marry with the help of Judge De Vera, his Uncle. Today, they
will marry for the world to know how wrong they were to judge.

After his facebook status, a lot of bashers commented how he was wrong to marry
Tonya. It went on for about two weeks before the netizens started to lose interest.
He didn't care about them. What's important to him was that Noreen, his best
friend, approved of it; Portia, his little girl, liked it and almost cried with
joy; and even his father sent a video message to congratulate him.

Siya naman at ang Mama niya ay gumagawa pa rin ng paraan para magkaintindihan. But
she doesn't want to see him wed Tonica so she's not on the wedding.

He lost the movie he was directing. He let Berlin passed by. But... just last week,
he got an offer to direct another movie. And a collaboration offer from one of
their collegues in Berlin.

At kahit na hindi pa nangyari iyon, wala pa rin siyang pakialam. He will always
chase his dreams and his love for films. But whatever happens, his Tonica will stay
with him.

"Scared?" bulong niya kay Tonya habang lumalakad sila palapit sa pari.

"Hindi, Goryo..." lumunok ito, "Pero gusto ko ng mangga. At naaasar akong tingnan
si Father."

Nakangisi siya. No one knows that his wife is two months going three months
pregnant.

"I will get that for you. Pagtiisan mo muna si Father."

"Ayoko sa kanya." may himig pagmamaktol ito.

Mahina siyang tumawa

"We will get by." sabi niya rito at pinisil ang kamay nito.

Tell the world that we finally got it all right


I choose you
I will become yours and you will become mine
I choose you

"I now pronounced you, husband and wife! You may now kiss the bride!"

Nagpalakpakan ang mga tao sa loob ng simbahan. Iniangat niya ang belo ni Tonya at
ngumiti rito.

Her eyes started to well-up with glittering tears.


"Crying again, slowpoke?" masuyo niyang tanong rito.

Kinagat nito ang pang-ibabang labi.

"Ang saya-saya ko lang kasi. Ang gwapo-gwapo mo kasi ngayon. Tapos... ang ganda
ko." sabi nitong sumisinghot.

Mahina siyang tumawa.

"You're gorgeous. Like you wanted."

"Oo nga. Ang sarap e... maging maganda." anitong napangiti, "At ang swerte ko...
kasi mahal mo 'ko."

Hinawakan niya ito sa baba. She doesn't know what she's talking about.

He is lucky to be marrying his girl. Tonica is his newfound spring - an oasis of


hope, love and dreams. No one knows and he doesn't tell anyone but her... but she
is everything.

The touch of her hand is enough to calm him down. Her smile, enough to inspire him.
Her kiss, enough to ease his mind. Her voice, no matter how far away they are
apart, keeps him from breaking down. And whenever they make love, he feels so lucky
to be alive. Their love is the security that whatever he lacks, he can still
prepare. Because with her, even as impatient, as imperfect, as temperamental that
he is; even as hot or cold that he could get; he is also everything that is enough
for her.

How she does it, he's still clueless. But she holds his heart, his rest, his peace
of mind. So he is deliciously trapped with her to love.

She is that one love he's late to find. But the only love he won't ever live
without.

"I love you, Mrs. Montero." sabi niya rito.


"I love you, too, Goryo." sumisinghot na sabi nito.

Tinitigan niya ang babae at marahang hinalikan sa labi. Their fate is sealed. With
a bite and a kiss. #

-----

A/N : Ayan! Tapos na talaga! Ito ang kanta sa kanilang wedding! At isa rin sa OST
ng kwentong ito: I Choose You ni Sara Bareilles! <3

Writer's Page

Hi Readers!

Today, January 11, 2015 at 12:25 ng madaling araw at may 113, 216 words ay natapos
ko na officially ang kwentong The Late Bloomer starring ang charismatic at super
lovable na si Tonya at si Mr. Sungit na Talandi na si Grey. Hihihi.

Again, sa lahat ng naging miyembro ng Team Abangers at sumubaybay sa kwentong ito,


masayang-masaya ako sa bawat kwentuhan, kulitan, tanong, kuryosidad, at reaksyon
ninyo sa bawat chapter ng kwentong ito! Nakakatawa at nakakatuwa yung experience na
nakasama ko kayo sa pagbuo, paglagari at pagtapos sa kwento nina Tonya at Grey!

Sana ay patuloy n'yo akong suportahan kasi ang dami pa ng Ongoing ko! At marami
pang parating! Hahahaha.

Again, thank you sa inyong lahat. If you get inspiration from the story like you
all told me about, I also get inspiration from you, guys!

At ang pinaka-epic na achievement ko sa kwento na ito... yung mapag-comment ko ang


silent reader na si MsMimi18!!! EPIC! Grabe! Ilang ulit akong kumurap nun! Mga one
thousand times! Nag-three hundred times akong check kung talagang siya yung nag-
comment! Haha.

Salamat sa active readers and commenters at pati na sa silent readers! Gaya ng


matatag na si Kiddcyne! Hello! Hihi.

Ayun. Thank you sa inyong lahat!

Ang kasunod na tatapusin ko ay ang Time Machine na isang Fantasy-Love story-Drama.


Masakit yun. Talagang masakit. At ang Anne-Bisyosa. At siyempre, ang Exorcist Case
01: The Plague!

I love you, all! Feeling #Achiever na naman ako dahil nakakompleto ng kwento!

Gracias! Thank you! Salamat! Arigatou-gozaimasu! Sa uulitin! <3 <3 <3

You might also like