You are on page 1of 74

The Adopted

by Kuya_Soju

A family that KILLS together, stays together.

=================

PROLOGUE

PROLOGUE

NANGINGINIG ang mga kamay ni Sheena na nakahawak sa isang tasa ng kape. May
nakabalot na kumot sa buong katawan niya. Medyo basa pa ang hanggang balikat niyang
buhok. Bakas sa maganda niyang mukha ang takot at pagkabalisa. Nasa isang silid
siya na siya lang ang tao. Sa isang malambot na upuan siya nakaupo at isang lamesa
naman ang nasa harapan niya kung saan nakapatong ang tasa ng kape. May isang
bakanteng upuan sa kanyang harapan. May sapat na liwanag ang silid na iyon.

Napapitlag siya nang biglang bumukas ang pintuan. Sa naranasan niya ay tila
nagkaroon na siya ng trauma sa lahat. Madali na rin siyang magulat dahil doon.

Isang lalaki na naka-uniporme ng pulis ang pumasok at agad na umupo sa


bakanteng upuan.

"Uminom ka muna ng kape. Nanginginig ka sa lamig." Sa tantiya niya ay nasa


edad na kuwarenta ang lalaki. May kalakihan ang katawan at may mumunting balbas at
bigote sa mukha. Tila bagong ahit lang.

Kung alam lang nito ay hindi siya nanginginig sa lamig kundi sa takot.

"M-mamaya na lang po..." Malikot ang mga mata na sagot niya.

Hindi pa rin siya mapakali. Parang pakiramdam niya ay may kung anong panganib
sa kanyang paligid.

"Ikaw ang bahala." Naglabas ito ng maliit na notebook at ballpen. "Ikaw ay


si..."

"Sheena. Sheena Clemen-" Natigilan siya. Ayaw na niyang sambitin ang


apelyideong iyon. "Marquez," bagkus ay sabi niya.

Tumango-tango ang pulis habang nagsusulat sa papel. "Sheena Marquez..." ulit


nito sa kanyang pangalan. "Ngayon, Sheena, pwede mo bang ikwento sa akin kung ano
ang nangyari sa'yo at nandito ka sa presinto? At sino ang tao o mga taong
inirereklamo mo?"
Saglit na napapikit si Sheena at sa isang saglit ay bumalik sa alaala niya
ang lahat ng katakot-takot na naranasan niya kahapon lamang. Kaya na ba niyang
ikwento ang lahat?

"Sheena?" untag sa kanya ng pulis.

"P-pasensiya na po."

"Sino ba ang inirereklamo mo?" Nakahanda na ang pulis sa pagsulat sa papel ng


kung ano man ang sasabihin niya.

Nag-ipon muna siya ng lakas ng loob at lumunok ng laway. "Ang pamilyang C-


clemente... S-sila ang may kagagawan nito sa akin!" aniya sabay ng pagpatak ng luha
sa kanyang mga mata.

TO BE CONTINUED...

=================

CHAPTER ONE- The Accident

CHAPTER ONE- The Accident

SIX MONTHS EARLIER...

HALOS kalkalin na ni Sheena ang pati ang kailaliman ng basurahang nakita niya sa
gilid ng kalsada sa pag-asang may makikita siya doon kahit tira-tirang pagkain.
Limang araw na siyang gumagala sa kalakhan ng Maynila at limang araw na rin siyang
walang matinong kain. Mga tirang pagkain sa basurahan o kaya ay pagkain na
hinihingi niya sa mga taong makikita niya ang inilalaman niya sa kanyang tiyan sa
loob ng mga araw na iyon hanggang ngayon. Maswerte na siya kung may magbibigay pero
madalas ay wala. Titingnan pa siya ng iba na para bang isa siyang nakakdiring
langaw na dapat bugawin palayo.

Hindi naman sana ito mangyayari sa kanya kung hindi dahil sa amain niyang si Lando.
Matanda na ito pero ubod pa rin ng libog. Habang wala ang kanyang nanay at naliligo
siya sa banyo ay pwersahan siya nitong pinasok doon. Pinaghalik-halikan siya at ang
gusto nito ay magtalik sila. Siyempre, ayaw niya. Lumaban siya. Pinukpok niya ng
panghilod na bato si Lando sa likod ng ulo nito. Walang malay at duguan ang ulo na
bumagsak ito sa basang sahig ng banyo. Nataranta siya kaya naman nagmamadali siyang
nagbihis at umalis sa bahay nila na ang tanging dala ay ang alkansiya niyang
kawayan na may laman na ilang barya. Ang nasa isip lang niya ay ang makalayo agad
bago pa dumating ang nanay niya. Inakala niya kasi na napatay niya si Lando. Mahal
na mahal ng nanay niya ang pangalawa nitong asawa at sigurado siyang ito ang
kakampihan nito sa nangyari. Walang duda iyon. Ang masaklap pa nito, baka ipakulong
pa siya ng sarili niyang ina kung napatay niya ang manyakis na si Lando.
Mula sa bahay nila ay dinala siya ng mga paa niya sa bus station. Sumakay siya sa
isang bus na papuntang Maynila. Malayo ang lugar na iyon sa kanila kaya iyon ang
napili niyang puntahan. Sa mismong bus ay binuksan niya ang alkansiya at sumabog pa
nga ang mga barya sa sahig. Mag-isa siyang namulot habang tumutulo ang luha at uhog
niya. Wala man lang nangahas na tulungan siya.

One hundred ninety seven pesos. Iyon lahat ang baryang meron siya. Ayon sa
kundoktor ay hindi sapat iyon para madala siya sa huling bus stop pero pumayag ito
na kung saan lang aabot ang pera niya ay doon siya ibababa.

Masakit man sa damdamin ni Sheena ay ibinayad niya sa kundoktor ang lahat ng pera
na meron siya. Habang inaabot niya iyon sa kamay ng kundoktor ay bumalik pa nga sa
kanyang alaala kung ilang timba ang binuhat niya para lang mabigyan ng barya ng
kanyang mga kapitbahay. Madami nga ang nagsasabi sa kanya na sayang daw ang ganda
niya kung magiging agwadora lang siya. Nginingitian na lamang niya ang mga ito. Sa
kanya naman ay walang kaso kung mabigat ang trabaho niya basta ba kumikita siya sa
marangal na paraan at sa sarili niyang pawis at pagod. Pero ngayon, sa isang pitik
lang ay nawala lahat ng ipon niya. Pambili pa naman sana niya iyon ng cellphone na
android. Iyong may Facebook, Skype at pang-chat gaya ng nakikita niya sa mga
kapitbahay niya na meron niyon.

Gusto niyang gayahin si Madel. Iyong pangit na babae na nakatira sa lugar nila.
Halos isang linggo ring laman ng umpukan at tsismisan si Madel dahil sa swerteng
bumagsak dito. Nakapangasawa lang naman ito ng ubod na yamang Canadian nang dahil
sa pakikipag-chat nito at gusto niya na ganoon din ang mangyari sa kanya. Pero
malabo nang mangyari iyon. Nagsisimula pa nga lang siyang mag-ipon pambili ng
cellphone ay naubos na agad iyon.

Iyak siya nang iyak sa biyahe habang nakatingin siya sa labas ng bintana. Alam
niyang gusto na siyang kausapin ng katabi niyang lalaki kung bakit siya umiiyak
pero hindi nito iyon ginawa. Bagkus ay natulog na lang ito.

Ngayong wala na siya kahit piso ay hindi niya alam kung paano siya mabubuhay sa
Maynila. Hindi naman siya tapos ng high school. Sa edad niyang disi-siyete ay Grade
Six lang ang natapos niya. Pero marunong naman siyang magbasa at magbilang. Namatay
na kasi ang tatay niya ng panahong iyon at nahinto na rin siya sa pag-aaral. Ang
dalawang nakakatanda niyang kapatid na mga babae rin ay hindi na nila kasama.
Ibinahay na ang mga ito ng mga asawa nito. Ang isa ay sa Davao at ang isa naman ay
sa Antique.

Matapos ang halos anim na oras na biyahe ay ibinaba siya ng kundoktor ng bus sa
tapat ng isang mall. Star Mall Alabang ang nakalagay.

At ngayon, heto siya. Nasa lansangan ng kalawakan ng Maynila at wala siyang ideya
sa kung saang parte na siya ng Maynila naroon. Basta maraming sasakyan, matataas na
gusali at mga taong tila lahat ay nagmamadali. Naglakad nang naglakad na lang kasi
siya simula nang makababa na siya ng bus na iyon. Walang direksiyon.

Halos magalugad na niya ang kailaliman ng basurahan pero kahit isang piraso ng buto
ng manok ay wala siyang makita. Kahit sana isang piraso ng butil ng kanin ay umaasa
siyang makakakuha siya pero wala. Talagang pinagdadamutan na siya ng tadhana.
Pinanghihinaan ng loob ng napaupo na lang si Sheena sa gilid ng kalsada habang
nakatingin sa kawalan. Gusto niyang maiyak sa sobrang awa sa kanyang sarili pero
naubos na yata pati ang luha niya sa kakaiyak ng mga nakaraang araw.

Huminga siya ng malalim at naglakad-lakad ulit.

Hindi siya pwedeng panghinaan ng loob dahil kapag nangyari iyon ay baka mamatay na
siya. Kailangan niyang lumaban.

Pero mukhang hindi na niya talaga kayang labanan pa ang pagkalam ng kanyang tiyan.
Kinakain na yata ng malaki niyang bituka ang maliliit niyang bituka. Parang may
nag-aaway na mga sawa sa loob ng sikmura niyang walang laman.

Hanggang sa mapadaan siya sa tapat ng food cart na may tindang mga fishballs at
kikiam.

Napalunok si Sheena habang nakatingin sa mga fishballs at kikiam na nakatusok na sa


sticks. Umuusok-usok pa ang mga iyon. Masarap kainin ang kikiam kapag mainit-init
pa ito. Iyong mapapaso nang konti ang dila mo habang nginunguya mo iyon.

Kinuha ng isang matabang ale ang isang stick na puno ng kikiam. Isinawsaw nito iyon
sa matamis na sauce at hinipan para lumamig.

Muli siyang napalunok. Gutom na siya. Kailangan na niyang kumain.

Hindi na nagdalawang-isip pa si Sheena. Mabilis niyang hinablot sa matabang ale ang


stick ng kikiam at itinakbo iyon.

“Magnanakaw!!! Kikiam ko!!!” Malakas na sigaw ng ale.

Tumakbo nang tumakbo si Sheena habang isa-isa niyang ipinapasok sa bibig ang piraso
ng kikiam. Nang maubos niya ang sampung piraso dinilaan pa niya ang stick dahil may
sauce na kumapit doon.

“Aray!” Daing niya nang masalubsob ang dila siya sa stick. Nalasahan niya agad ang
dugo mula sa sugat na nilikha ng stick na dinilaan niya.

Akmang itatapon na niya ang stick nang may biglang humawak sa balikat niya.
Napigilan siya nito sa pagtakbo ng isang lalaki.

“Huli ka! Pati ba naman kikiam ay ninanakaw—“

Hindi na naituloy pa ng lalaki ang sasabihin nito dahil sa pagkabigla niya ay


naisaksak niya sa braso nito ang stick. Nabitawan siya nito at malakas na sumigaw.
Nanlaki ang mga mata ni Sheena nang makita niya ang stick na nakatusok sa braso ng
lalaki. Kahit siya ay nagulat sa nagawa. Hindi niya iyon sinasadya. Nabigla at
nagulat lang siya!

“S-sorry po, kuya! Sorry!” aniya at muling tumakbo palayo.

Narinig niya na nagsisigaw ang lalaki. Pinapahabol siya nito sa mga tao.

Mas binilisan na lang niya ang pagtakbo. Sinuong niya ang pagtawid sa kalsada kahit
na nag-uunahan ang mga sasakyan doon.

Isang kulay puting van ang nakita niyang tinutumbok ang kanyang kinaroroonan. Gusto
sana niyang ihakbang ang kanyang mga paa ngunit hindi na niya maigalaw ang kahit na
anong parte ng kanyang katawan.

Katapusan ko na? Mamamatay na ba ako? tanong niya sa kanyang sarili habang


hinihintay ang pagbangga ng sasakyan sa kanyang katawan.

At naramdaman niya ang pagtama ng unahan ng van sa kanyang katawan. Tumalsik siya
sa kung saan at nagpagulong-gulong.

“Nabangga iyong babae!” Ang matinis na sigaw na iyon ng isang babae ang narinig ni
Sheena bago siya tuluyang bawian ng malay-tao.

-----***-----

ISANG lalaki na nakasuot ng maduming maong na pantalon at rubber shoes ang


naglalakad sa kagubatan. Wala siyang pang-itaas na damit. Brusko ang ayos at mukha
niya. May mga natuyong putik sa kanyang katawan. Medyo makapal ang kanyang balbas
at bigote at ang kanyang buhok ay magulo. Hindi siya tumigil sa paglalakad hanggang
sa marating niya ang isang abandonadong bahay sa gitna ng kagubatan.

“Alam kong babalik kayo sa bahay na iyan at kapag nangyari iyon, isa-isa ko kayong
papatayin!” Matalim ang mga mata na sabi niya habang nakatingin sa naturang bahay.

TO BE CONTINUED...

=================

CHAPTER TWO- The Couple

CHAPTER TWO- The Couple


“MASDAN mo siya, Gener. Kamukhang-kamukha siya ni Kayla!”

Nagulat si Sheena nang pagmulat niya ng kanyang mga mata ay isang may edad na babae
at lalaki ang nakita niyang nakatunghay sa kanya at magiliw siyang tinitingnan.
Nakahawak pa ang babae sa dibdib nito. Sa pananamit ng dalawa ay nahinuha niyang
mayayaman ang mga ito.

“Oo nga. Tama ka, Perlas. Kamukha nga niya ang nasira nating si Kayla!” Medyo
nangingilid pa ang ang luha ng lalaki.

Gener? Perlas? Sino ba ang dalawang ito?

Ang huli niyang natatandaan ay hinahabol siya ng isang lalaki dahil nagnakaw siya
ng kikiam. Tapos tumawid siya ng kalsada at nabundol siya ng isang puting van.
Matapos niyon ay wala na siyang naalala pa.

“Nasaan po ako? Sino po kayo?” tanong niya habang iginagala ang mata sa paligid ng
silid na kinaroroonan niya.

Malaki ang silid o mas tamang sabihin na kwarto kung nasaan siya ngayon. Mas malaki
pa sa bahay nila sa probinsiya. Hindi siya marunong tumingin sa presyo ng mga
kagamitan pero sigurado siyang lahat ng gamit na naroon ay mahal. Pati ang kama na
hiihigaan niya ay malaki rin. Kahit siguro sampung tao ay magkakasya sa paghiga
dito. Manghang-mangha si Sheena sa karangyaang minamalas ng kanyang mata. Sa ayos
ng kwarto ay parang wala siya sa Pilipinas. Parang nasa bansang Spain siya. Ganoon
ang pakiramdam niya. Parang iyong napapanood niya sa telebisyon.

“Ako si Mrs. Perlas Clemente.” Pagpapakilala ng babae. “At ito naman ang asawa ko
na si Mr. Generoso Clemente. Kami ang nakabangga sa’yo. Pasensiya ka na talaga.
Dito ka na lang namin dinala sa bahay namin tutal naman ay kasama namin sa sasakyan
kanina ang family doctor ng aming pamilya. Siya ang naglapat ng lunas sa iyo.”

Kung ganoon ito ang sakay ng van na bumangga sa kanya na muntik nang pumatay sa
kanya.

Hanggang sa may naisip si Sheena. Mayaman ang dalawa, sigurado siya doon. Kailangan
niya ng pera at may atraso ang dalawa sa kanya. Pwedeng-pwede niyang perahan ang
dalawang ito! Hindi niya iyon gawain pero mukhang kailangan na niyang gawin para
maka-survive lang.

“Bakit dito niyo ako dinala? Bakit hindi sa ospital—aray!” Babangon sana siya
ngunit napahiga ulit siya nang may biglang kumirot sa bandang balakang niya nang
gumalaw siya.

Nag-aalala naman na dinaluhan siya ni Mrs. Clemente. Inayos nito ang unan niya at
hinaplos-haplos siya sa braso. “Huwag ka munang gumalaw, iha. Ang sabi ng doktor ay
mga isang linggo pa bago mawala ang sakit sa balakang mo. Mabuti na lang talaga at
salamat sa Diyos dahil iyan lamang ang tinamo mo. Isang himala talaga dahil ang
layo ng pagtilapon mo.” Pinagsalikop pa nito ang dalawang kamay at tumingala sa
itaas na akala mo ay nagdadasal. Umupo pa ito sa gilid ng kama sa tabi niya.

“Ano nga palang pangalan mo, iha?” tanong sa kanya ni Mr. Clemente.

“Sheena Marquez.”

“Ilang taon ka na?”

“Seventeen.”

“Naku, Generoso! Ka-edad niya si Kayla natin kung buhay pa siya...” Si Mrs.
Clemente naman ang nangilid ang luha ngayon. Parang naiiyak ito sa tuwa nang
sabihin niya ang kanyang edad.

Sino kaya ang tinutukoy ng dalawa na Kayla? Kanina pa niya kasi naririnig ang
naturang pangalan.

Pinilit ni Sheena na maisandal ang likod sa headboard ng kama kahit may kirot sa
balakang niya kapag gumagalaw siya. Inalalayan pa siya ni Mrs. Clemente pero
sinenyasan niya ito na kaya niya at okay lang siya.

“K-kailangan niyo akong bayaran.” Matigas ang mukha na sabi niya. Kinapalan na lang
niya ang mukha at nilunok ang hiya nang sabihin niya iyon. “Sa ospital niyo ako
dapat dinala, hindi dito. Kapag h-hindi niyo ako binayaran ay... ay...” Hindi pa
man tapos magsalita si Sheena ay kinuha na ni Mrs. Clemente ang napakaganda nitong
pitaka. Natigilan tuloy siya nang makita niya ang lilibuhing pera nito doon.

“Alam kung hindi ito sapat pero kapag kulang pa iyan ay pwede ko namang dagdagan,
Sheena.” Inabot nito ang ilang piraso ng tig-iisang libo na papel.

Nanginginig ang mga kamay na kinuha niya iyon. Hindi na niya iyon binilang dahil
nahiya na siya. Isinilid na lang niya iyon sa bulsa ng kanyang pantalon.

“Iiwanan ka muna namin dito, ha. Magpahinga ka. Kailangan mo iyon para makalakad ka
na ng maayos.” Medyo nagulat pa siya nang hagkan siya ng ginang sa noo bago ito
lumabas kasama ang asawa nito.

Pagkasara ng pintuan ng silid na iyon ay naulinigan ni Sheena ang pag-uusap ng


dalawa sa labas.

“Kamukhang-kamukha siya ni Kayla natin! Magkatulad pa sila ng edad.”

“Pero, Perlas, hindi siya si Kayla. Siya ay si Sheena. Baka iniisip mo na siya ang
namayapa nating anak...”

“Alam ko, alam ko. Hindi siya si Kayla pero parang gusto ko siyang ampunin,
Generoso!”

“Ampunin? Paano ang pamilya ni Sheena? Mabuti sana kung pumayag sila sa gusto mo.”

“Iyon naman ay naisip ko lamang...”

Naghintay pa ng ilang segundo si Sheena pero wala na siyang narinig pa. Umalis na
siguro ang mag-asawa.

Napaisip tuloy siya. Ngayon ay malinaw na sa kanya na ang tinutukoy ng dalawa na


Kayla ay ang namatay nitong anak na kamukha at kaedad pa niya. Hindi niya alam pero
nakaramdam siya ng saya nang sabihin ni Mrs. Clemente na gusto siya nitong ampunin.
Sa edad niyang ito ay may gusto pa talagang umapon sa kanya. Ang alam niya kasing
inaampon ay iyong mga bata pa.

Tinanggal na ni Sheena sa utak niya ang usapan na iyon ng mag-asawang Clemente.


Kinuha niya ang pera na ibinigay ni Mrs. Clemente sa kanya at binilang.

“Sampung libo...” Hindi makapaniwalang bulong ni Sheena.

Kaylapad ng ngiti niya nang ibalik niya iyon sa kanyang bulsa. Kailangan na niyang
magpagaling para makaalis na siya sa bahay na ito at para magamit na niya ang
perang iyon.

-----***-----

BAGO pa man makaramdam ng gutom si Sheena pagsapit ng gabi ay isang kasambahay ang
pumasok sa silid upang dalhan siya ng hapunan. Nalaman niya na Felina ang pangalan
nito. Nagpakilala kasi ito sa kanya. Medyo masungit ang aura at tipid ang ngiti.
Roasted chicken, chopseuy, kanin at may soup na hindi niya alam ang tawag ang
pagkain niya. May fresh orange juice pa siya at kasama na rin ang tatlong tabletas
ng gamot na alam naman niyang para sa kanya. Para siguro hindi na kumirot ang
balakang niya ang mga iyon.

Magana niyang inubos ang hapunan niya. Hindi na siya nahiya kahit nakabantay pa si
Felina. Sarap na sarap kasi siya sa pagkain. Sa kanila kasi, madalas ang ulam ay
tuyo, pritong itlog o hindi naman kaya ay instant noodles. Matapos kumain ay ininom
na niya ang gamot. At doon lang lumabas si Felina.

Halos hindi makatulog si Sheena nang gabing iyon. Nalalasahan pa rin niya kasi ang
roasted chicke na ulam niya kanina. At hindi rin maalis sa isip niya kung paano
niya gagastusin ang sampung libo na meron siya. Siguro ay kukuha muna siya ng
maliit na bahay na pansamantalang matitirahan niya. Tapos magnenegosyo siya at
bibili ng konting damit. Kailangan niyang maging matalino sa paggastos ng pera
dahil iyon na lang ang meron siya. Alangan naman na magpabangga ulit siya. Baka sa
sunod ay hindi na siya swertihin at matuluyan na siyang mamatay.

-----***-----

ANG nakakasilaw na sinag ng araw ang gumising kay Sheena kinabukasan. Umaga na
pala. Umungot siya dahil antok pa siya. Hindi na kasi niya alam kung anong oras
siya nakatulog kagabi. Bukod sa ang dami niyang iniisip at namamahay din siya. Pero
naisip ni Sheena na kailangan na niyang umalis sa bahay na ito dahil medyo
nakakahiya na rin. Naperahan na nga niya ang mga ito, magtatagal pa ba siya dito?
Masyado na yatang abuso iyon para sa parte ng mabait na mag-asawa.

Ini-expect niya na pagtayo niya ay masakit pa rin ang katawan niya pero himalang
wala. Bumalik na sa normal ang katawan niya. Wala nang masakit o kakaiba. Mukhang
magaling ang mga gamot na ininom niya kagabi. Senyales na nga siguro ito para
umalis na siya.

Naglakad siya papunta sa malaking salamin na nasa dingding. Okay pa naman ang ayos
niya. Nagtanggal na lang siya ng muta sa mata. Nagpalinga-linga siya. Isang pintuan
ang kanyang binuksan. Banyo pala. Pumasok na rin siya upang maghilamos at makigamit
ng mouthwash. May toothbrush naman siyang nakita pero nakakahiya naman kung pati
iyon ay gamitin niya. Mamaya pala ay merong may-ari niyon.

Lumabas na siya ng kwartong iyon. Mas lalong namangha si Sheena nang malaman niya
na nasa ikalawang palapag siya ng bahay. Parang palasyo iyon sa sobrang laki.
Nakakalula ang malalaking paintings na nakasabit sa dingding. At bawat muwebles ay
may kulay gintong disenyo!

“Yayamanin!” Hindi napigilang ni Sheena na maibulalas ang salitang iyon habang


paikot-ikot ang mata sa paligid.

Hindi ito bahay kundi mansion!

“Good morning, iha! Mabuti naman pala at gising ka na!” Nagulat si Sheena nang
biglang magsalita si Mrs. Clemente mula sa likuran niya. Nang humarap siya dito ay
sinalubong siya ng maaliwalas nitong mukha. Doon niya napagtanto na parang ang
sarap nitong maging nanay. Parang ang bait-bait nito at maalaga sa anak.

“G-good morning din po, Mrs. Clemente.” Nahihiyang ganting-bati niya.

Lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa braso. “Okay na ba ang pakiramdam mo?
Wala na bang masakit sa’yo?”

“Wala na po. Mahusay ang gamot na ipinainom niyo sa akin kagabi.”

“Salamat naman... Ang mabuti pa ay pumunta na tayo sa komedor upang maghapunan.


Naroon na si Generoso.”
“Naku, hindi na po. Aalis na po kasi ako, e.”

Sa sinabi niyang iyon ay biglang nangilid ang luha ng ginang. “H-hindi na ba kita
mapipigilan? Inaasahan ko pa naman kagabi pa na makakasama ka namin sa hapag-kainan
ngayong umaga. Tapos aalis ka na pala, iha.”

Napabuntung-hininga na lang siya. Bigla tuloy siyang nakonsensiya.

“Okay po. Sasaluhan ko kayo sa almusal. Pero pagkakain ay aalis na po ako.”

Nasisiyahan na pinalis ni Mrs. Clemente ang luha sa gilid ng mga mata nito. “Labis
mo akong pinasaya, Sheena! Halika ka na sa komedor. Alam kong gutom ka na.”

Magkahawak-kamay silang dalawa na bumaba sa hagdan at pumunta sa kainan. Ganoon na


lang ang pagkatakam ni Sheena nang makita niya ang mga pagkaing nakahain sa
mahabang lamesa. Parang fiesta at hindi almusal. May priotng hotdog, itlog, bacon.
May sinangag na umuusok pa. Meron ding pancit at kung anu-ano pa na ngayon lang
niya nakita.

Mabuti na lang pala at hindi ako tumanggi. Ang daming pagkain! Natutuwang sabi niya
sa kanyang sarili.

“O, 'andiyan na pala kayong dalawa. Halina kayo at kumain na tayo ng almusal,” sabi
ni Mr. Clemente matapos nitong ibaba ang binabasang dyaryo. Sa kabisera ito
nakaupo. Siya naman ay iginiya ni Mrs. Clemente sa kaliwang upuan na pinaka malapit
kay Mr. Clemente habang ito naman ay sa kanan na pinaka malapit na upuan dito.

Akmang tutusok na siya ng hotdog gamit ang tinidor nang mahinang tinampal ni Mr.
Clemente ang kamay niya. Nagtataka tuloy na napatingin siya dito. “Bakit po?”
tanong niya.

“Magdadasal muna tayo...” Nakangiti nitong sagot sa kanya.

“O-okay...” Iyon na lang ang nasabi niya at  hindi na niya itinuloy ang pagkuha ng
pagkain.

“Sa ngalan ng ama, ng anak...” At sumunod na lang si Sheena sa pagdadasal ng


dalawa.

TO BE CONTINUED...

-----***-----
NOTE: Sasabihan ko na po kayo agad na hanggang Chapter 16 lang po ang story na ito.
Sa totoo lang, matagal nang nasa utak ko ang plot nito. Last year pa yata. Kaya
lang ayoko pang isulat kasi alam ko mas mapapa-improve ko pa siya kapag tumagal. At
feeling ko naman, ito na nag right time para isulat ko siya. Simula sa simpleng
storyline at plot ay medyo napa-bongga ko naman siya. Sa mga nagtatanong lang po,
kung katulad daw ito ng movie na “The ORPHAN”. Hindi po. Malayong-malayo ang story
na ito sa movie na iyon. Sa title lang siguro medyo magkahawig kasi ADOPTED at
ORPHAN. Hehe!

Sana mag-enjoy kayo sa pagbabasa, guys. Salamat!

=================

CHAPTER THREE- The Decision

CHAPTER THREE- The Decision

“SHEENA, kumusta na nga pala ang mga magulang mo? Ilan kayong magkakapatid? Ano ang
trabaho ng nanay at tatay mo?”

Mabilis na nilunok ni Sheena ang pagkain sa kanyang bibig. Sa sunud-sunod na tanong


ni Mrs. Clemente ay hindi niya malaman kung ano ang unang sasagutin. Parang masyado
naman yata itong interesado sa buhay niya.

“Perlas, hayaan mo munang matapos kumain si Sheena bago mo siya tanungin.”


Hinawakan pa ni Mr. Clemente ang kamay ng asawa.

“Naku. Hindi po. Ayos lang...” aniya. “Hindi na po ako magsisinungaling sa inyo.
Ang totoo niyan ay naglayas ako sa amin dahil sa hindi maganda ang pakikitungo sa
akin ng stepfather ko. Mas okay na rin siguro na lumayo ako sa amin at mabuhay mag-
isa para sa ikakaginhawa naming lahat.” Balewalang turan niya.

“Ibig sabihin pala ay parang ulila ka na? Saan ka nakatira dito sa Maynila?”

“W-wala po, e. Iyong perang ibinigay niyo sa akin ay gagamitin ko para umupa sa
kahit maliit na bahay.”

Napahawak sa dibdib niya si Mrs. Clemente. “Diyos ko po! Nakakaawa ka, iha!”
Humarap ito kay Mr. Clemente. “Generoso, baka naman napag-isipan mo na iyong sinabi
ko sa iyo kagabi bago tayo matulog.”

Hindi sumagot si Mr. Clemente. Napayuko na lang ito at sumubo ng hiniwa nitong
itlog.

Malakas ang pakiramdam ni Sheena na ang tinutukoy ni Mrs. Clemente ay ang


kagustuhan nitong ampunin siya. Ngunit kung iyon nga, tatanggihan niya ang mga ito.
Tama nang binigyan siya ng pera ng dalawa. Ayaw niyang umabuso pa. Isa pa, nais din
niyang tumayo sa sarili niyang mga paa. Gusto niya na kapag bumalik siya sa
probinsiya nila ay magugulat ang nanay niya at ang bago nitong asawa sa tagumpay na
narating niya nang dahil sa sarili niyang pagsisikap at hindi umasa lang sa iba.

“Ano pong ibig niyong sabihin?” kunwari ay walang idea na usisa niya.

Kinuha ni Mr. Clemente ang table napkin upang punasan ang bibig nito. “Ang gusto
kasi ng aking asawa ay ampunin ka namin Sheena. Tamang-tama na wala ka na palang
uuwian sa ngayon. Isa pa ay parehas kaming magaan ang loob sa’yo. Kamukha mo kasi
ang namayapa naming anak na si Kayla. Magka-edad pa kayong dalawa kaya naaalala
namin siya sa iyo.”

Napalunok ng laway si Sheena. Nakangiti siyang umiling. “Pasensiya na po pero...


tatanggihan ko po iyang gusto niyo. Ah, aalis na po ako. Salamat po.” Naiilang na
tumayo na siya dahil hindi na niya gusto ang usapan.

Kailangan na rin niyang umalis dahil sa medyo naiiyak na si Mrs. Clementa. Mahina
pa naman ang puso niya sa mga ganoon at baka mapapayag siyang magpaampon na sa mag-
asawa.

Sa pagtayo niya ay tumayo rin si Mrs. Clemente at nakahawak ang sa dibdib na


nilapitan siya. “Sheena, hindi mo ba nagustuhan ang mga sinabi namin? W-wala namang
problema kung ayaw mo basta manatili ka muna dito nang ilang araw pa.” anito sa
kanya.

“Naku, hindi na po, Mrs. Clemente. Patas na po kasi tayo. Nabangga niyo ako,
tinulungan  niyo ako. Okay na ako doon. Maraming salamat po ulit.”

Kahit ang paghawak ng ginang sa kanyang braso ay hindi nakapigil sa pag-alis ni


Sheena. Dire-diretso siya sa paglabas ng bahay ng mga Clemente. Isang lalaki na
naka-uniporme ng parang pang-driver ang nagbukas ng gate para sa kanya. Hindi
malaman ni Sheena pero tila nakahinga siya nang maluwag nang makaalis na siya ng
tuluyan sa lugar na iyon.

-----***-----

BUO man ang loob na huwag magpa-ampon sa mga Clemente ay may panghihinayang pa rin
na nararamdaman si Sheena habang naglalakad-lakad siya sa kalye. Kung tinanggap
niya siguro ang alok na iyon ay siguradong magbubuhay prinsesa siya at kahit hindi
na siya magtrabaho buong buhay niya. Hindi na rin niya poproblemahin ang tirahan
niya, hindi katulad ngayon na sumasakit na ang paa niya kakahanap ng murang
matutuluyan.

Sampung libo ang perang dala niya. Inilagay niya iyon sa likurang bulsa ng kanyang
pantalon. Wala naman kasi siyang wallet o bag na pwedeng paglagyan niyon.

Mukhang wala sa lugar na kinaroroonan niya ang hinahanap na murang apartment o


bahay kaya naman huminto na siya paglalakad upang maghintay ng bus na pwedeng
sakyan. Ilang sandali lang at may nakita na siyang bus na paparating. Pinara niya
iyon at huminto iyon sa harapan niya.

Pagsakay niya, huli na para malaman niyang wala nang bakanteng upuan. Bababa na
lang sana siya ngunit umandar na ang bus kaya wala siyang pagpipilian kundi ang
tumayo na lang. Nagbayad na rin siya matapos siyang bigyan ng ticket. Marahil ay
wala pang isang minuto nang huminto muli ang bus at may sumakay na anim na puro mga
lalaki. Tumayo ang mga iyon sa tabi niya. Dalawa sa likuran niya at dalawa sa
magkabilang gilid.

Sa biyahe ay panay ang tingin niya sa dinaraanan niya. Baka sakaling makakita siya
ng murang paupahan.

Pumara ang anim na lalaki at bumaba.

Umandar na ulit ang bus.

Sa hindi malamang dahilan ay tila may bumulong kay Sheena na i-check ang pera sa
bulsa niya. Pagdukot niya sa bulsa na pinaglagyan niya ng pera ay para siyang
binuhusan nang malamig na tubig nang wala na iyon doon. Natataranta na chi-neck din
niya ang iba pang bulsa pero wala din doon.

“N-nadukutan ako...” Nanghihinang turan ni Sheena.

-----***-----

MARAHIL kung hindi lang sana siya nadukutan ay wala siya sa harapan ng bahay ng mga
Clemente ngayon. Kanina pa siya nag-iipon ng lakas ng loob upang pindutin ang
doorbell pero talagang inuunahan siya ng hiya. Ang pakay niya dito ay tatanggapin
na niya ang alok ng mag-asawa na ampunin siya. Naisip niya kasi kanina na hindi
niya kaya ang mamuhay ng mag-isa sa magulong siyudad katulad ng Maynila. Nasanay
kasi siya sa payak na buhay sa probinsiya. Aminado siyang walang-wala na siya, sa
isang pitik ay nanakaw sa kanya ang sampung libo. Kailangan niya sina Mrs.
Clemente. Lulunukin na lang niya ang hiya niya.

Hanggang sa may marinig siyang ugong ng sasakyan na paparating. Huminto iyon sa


harapan niya at bumaba ang salaming bintana sa may likuran. Bumungad sa kanya ang
nakangiting si Mrs. Clemente.

“Sheena! Anong ginagawa mo dito?” Nagtatakang tanong nito sa kanya.

“Mrs. Clemente... P-pumapayag na po ako...” Lakas-loob na sabi niya.

Kumunot ang noo nito sa kanya. “Pumapayag saan?”


“Sa gusto niyo. Magpapa-ampon na ako sa inyo.” Diretsang sagot niya.

-----***-----

“HINDI mo pagsisihan ang desiyon mo, Sheena. Simula ngayon, tatawagin mo na akong
Mama Perlas at si Generoso naman ay si Papa Gener. Okay ba sa iyo iyon?”

Napipilitan na ngumiti si Sheena sa sinabi ni Mrs. Clemente o Mama Perlas sa kanya.


Nasa silid siya ngayon ng namatay nitong anak na si Kayla. Nakaharap siya sa
salamin habang nakaupo sa upuan at sinusukatan siya nito ng mga alahas. Sa harapan
siya ay nakalatag ang napakaraming mamahaling alahas na pagmamay-ari daw ni Kayla.

“Okay po, Mrs. Cle—Mama po pala.”

“Very good! Teka, mukhang bagay sa iyo ang necklace na ito. Favorite itong isuot ni
Kayla noon!” Tinanggal ni Perlas ang kwintas na nasa leeg niya at pinalitan ng
bago.

Sa totoo lang ay kanina pa siya kinikulabutan sa ginagawa ni Perlas sa kanya. Nang


pumayag siyang magpa-ampon ay tuwang-tuwa ito. Inakyat siya agad sa kwarto ni Kayla
at doon ay mahigpit na niyakap. Pinasuot nito sa kanya ang paboritong bestida ni
Kayla at ngayon naman ay ipinasusuot sa kanyang ang mga alahas nito. Kinikilabutan
siya dahil gamit ng isang patay na ang ipinasusuot nito sa kanya!

“'Ayan... Kamukhang-kamukha mo na si Kayla ko. Siguradong matutuwa si Gener


pagdating niya mula sa trabaho. Magugulat pa marahil iyon dahil bumalik ka na dito
sa bahay...” Mula sa kanyang likuran ay niyakap siya ni Perlas.

Nangingimi na ngumiti na lang si Sheena habang hawak niya ang braso nito na
nakayakap sa kanya.

-----***-----

ISA lang ang napansin ni Sheena sa silid ni Kayla. Walang kahit na isang litrato si
Kayla doon. Kahit sa buong mansion ay wala siyang nakikita. Wala tuloy siyang
pagbabasehan kung kamukha niya talaga ito o mas maganda siya dito.

“Simula ngayon ay magbabago na ang takbo ng buhay ko...” Palinga-linga sa paligid


ng kwarto ni Kayla na turan niya. Ini-imagine na niya ang magiging buhay niya
kasama ang abgong pamilya. Pero, nais pa rin naman niyang magpasalamat kay Kayla
dahil kung hindi niya ito naging kamukha ay hindi naman siguro magkakainteres ang
mag-asawa na iyon na ampunin siya.

Napatingin siya sa relong pambisig. Ala-singko pa lang ng hapon. Ibig sabihin ay


isang oras pa bago dumating si Mr. Clemente o Papa Gener niya. Isang oras pa bago
sila maghapunan. Medyo naiinip na siya. Wala kasing telebisyon sa kwartong ito.
Nasa salas pa. Nahihiya naman siyang bumaba at doon manood. Medyo naiilang pa rin
siyang kumilos dahil bago pa lang siya dito.

Ano kaya kung tingnan ko na lang ang mga kwarto dito sa second floor? Naisip niya.

Tumayo na siya at lumabas ng kwartong iyon. Walang katao-tao sa pasilyo sa


ikalawang palapag. Merong limang na kwarto doon kasama ang kay Kayla.

Naglakad siya papunta sa pintong katapat ng kwarto niya. Akmang pipihitin na niya
ang seradura nang may biglang magsalita sa gilid niya.

“Mahigpit na inuutos ni Senyora Perlas na huwag bubuksan at papasukin ng ibang tao


ang mga bakanteng silid dito. Hindi mo dapat sila suwayin...” Naaalala niya ito. Si
Yaya Felina.

Binawi ni Sheena ang kanyang kamay. “Ganoon ba? Sorry, ha. Hindi ko kasi alam. Pero
bakit?”

“'Wag mo na lang itanong. Ang silid mo lang ang pwede mong pakialaman dito.”

“Okay. Sabi mo, e. Wait lang, Felina. May itatanong pa ako.”

“Ano iyon?”

“Bakit wala akong nakikitang picture ni Kayla dito sa mansion? Nakatago ba? Pwede
ko bang makita para malaman ko kung kamukha ko ba talaga—“

“Wala kahit isa.” Mabilis na putol nito sa pagsasalita niya. “Simula nang mamatay
si Kayla ay pinasunog na lahat nina senyora ang litrato ni Kayla. Labis lang kasi
silang nasasaktan kapag nakikita nila ang mga iyon. Nasasaktan sila kapag naaalala
ang anak nila.”

Tumango-tango siya. Pero kung nasasaktan ang mga ito kapag naaalala si Kayla, bakit
pictures lang nito ang dinispatsa? Bakit hindi isinama ang mga gamit nito sa silid.
Iyong mga damit, alahas, sapatos at kung anu-ano pa. Medyo nagtataka siya doon.

“Mabuti naman. Pinapasabi nga pala ng senyora na maghanda ka na dahil parating na


si Senyor Gener. Sumunod ka na sa akin sa ibaba pagkalipas ng tatlumpung minuto.”
Pagkasabi nito ay bumaba na rin ito agad.

Nagtataka na napatingin na lang si Sheena sa mga nakasaradong pintuan sa palapag na


iyon. Ano kayang meron sa mga silid na iyon at bawal siyang pumasok?

TO BE CONTINUED...
=================

CHAPTER FOUR- The Key

CHAPTER FOUR- The Key

WALANG pagsidlan ang tuwa ni Gener nang malaman nito na pumayag na siyang magpa-
ampon sa mga ito. Pagkadating nito ay agad na sinabi dito ni Felina ang bagay na
iyon. Isa daw iyong magandang advance birthday gift. Limang buwan na lang daw at
kaarawan na nito. Naging magana ang mag-asawa sa pagkain at panay ang sabi na
kamukha niya talaga si Kayla.

Matapos ang hapunan ay inihatid na siya ni Perlas sa silid niya na dating


silid ni Kayla. Nakahawak pa ito nang mahigpit sa kanyang kamay na parang ayaw na
nitong bitiwan iyon. Ramdam na ramdam ni Sheena ang pananabik ng ginang sa isang
anak.

"Sheena, anak... Maraming salamat, ha. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya na
pumayag kang maging ampon namin. Pero huwag kang mag-alala, kahit ampon ka namin ay
ituturing ka namin na parang isang tunay na anak!"

"Ako nga po ang dapat na magpasalamat sa inyo. Nang dahil po sa inyo, may
bago na akong pamilya."

Nangingilid ang luha na niyakap siya nito. "Sige na. Good night na, anak.
Baka magkaiyakan pa tayo dito, e."

"Good night din po..."

Nang iwanan na siya nito ay saka lang siya pumasok sa loob ng silid at pagod
na pagod na ibinagsak niya ang kanyang katawan sa malambot na kama. "Sa wakas!
Nakakapagod ang mag-asawang 'yon, ha! Lahat yata ng ginagawa noon ni Kayla ay dapat
kong gawin. Ang gusto yata nila ang buhayin si Kayla sa katauhan ko. Kainis!"
Nakatingin sa kisame na monologue pa niya.

Pero talagang nawe-weirduhan siya sa mag-asawa. Kanina habang kumakain sila


ay nabanggit niya ang tungkol sa apat na silid dito sa second floor at nalaman niya
na tama nga si Yaya Felina. Ipinagbabawal ng mga ito na pasukin niya iyon. Hindi na
lang din siya nag-usisa pa dahil baka isipin ng mga ito na pakialamera siya. Isa pa
ay iyong walang kahit na isang naitagong litrato si Kayla sa buong bahay. Sayang,
gusto pa naman niyang makita kung kamukha niya talaga ang babae.

Umikot si Sheena para dumapa. Maaga pa para matulog kaya naman tumayo siya at
nagpalit ng damit. Iyong suot niya nang bumalik siya dito. Kanina pa talaga
tumataas ang balahibo niya kapag naiisip niya na patay na ang dating may-ari ng mga
nakasuot sa katawan niya. Pati ang mga alahas ay tinanggal na rin niya. Bukas,
kakapalan na niya ang mukha niya at hihilingin niya sa mag-asawa na baka pwedeng
bumili siya ng kahit ilang piraso lang ng damit.
Dahil wala naman siyang mapaglilibangan sa silid ay nagdesisyon siya na
lumabas doon. Pababa na sana siya sa hagdan nang may marinig siyang sitsit na tila
nanggagaling sa isa sa mga silid na nasa ikalawang palapag. Natigilan si Sheena.
Hindi niya alam ngunit tila may bumubulong sa kanya na pasukin ang iba pang kwarto
na naroon kahit ipinagbabawal sa kanya na gawin iyon.

Wala naman sigurong makakahuli sa akin. Saglit lang din naman ako. Titingnan
ko lang ang loob tapos lalabas na rin ako. Sa pagkakataon na iyon ay nilamon na si
Sheena ng kanyang kuryosidad at hindi na niya iyon kayang labanan pa.

Mas dumami kasi ang katanungan niya nang malaman niyang bawal niyang pasukin
ang apat na iba pang silid.

Naglakad na si Sheena papunta sa pinaka malapit na pintuan. Pero ganoon na


lang ang panlulumo niya nang malaman niyang nakakandado iyon. Sinubukan din niyang
buksan ang iba pang pinto ngunit katulad ng nauna ay hindi rin niya iyon mabuksan.

Nang walang mapala ay bagsak ang balikat na bumalik na lang siya sa kanyang
silid. Ang kailangan niyang gawin ay hanapin ang susi sa mga pintong iyon para
mapasok na niya. Bukas ay aalamin niya kung nasaan ang mga susi. Sa ngayon, ang
kailangan na lang niyang gawin ay matulog dahil unti-unti nang lumalalim ang gabi.

-----***-----

MAAGANG nagising si Sheena kinabukasan. Ala-singko y media sakto. Naisip niya na


huwag nang magtagal sa pagkakahiga at bumangon na lang para tumulong sa paghahanda
ng almusal. Ayaw naman niyang mag buhay prinsesa kahit sabihin pang ampon na siya
ng mag-asawang Clemente. Isa pa'y hindi rin siya sanay nang walang ginagawa.

Bumangon na siya at inayos ang higaan. Akmang bubuksan na niya ang pinto para
lumabas nang may marinig siyang yabag ng mga paa sa labas. Hindi muna siya lumabas.
Iniawang niya ng bahagya ang pinto at sumilip. Nakita niya si Felina at binuksan
nito ang isa sa mga ipinagbabawal na silid gamit ang isang susi. Pumasok ito sa
loob at isinara iyon. Wala pang isang minuto ay lumabas na rin agad ito. Nakita
niya na isinilid nito ang susi sa bulsa ng suot nitong palda.

Ibig sabihin pala ay si Felina ang may hawak ng susi sa mga kwarto...
Kailangan ko iyong makuha sa kanya!

Agad na bumuo ng plano si Sheena sa kanyang isipan.

-----***-----

HABANG kumakain ay sinabi na niya ang kagustuhan niyang bumili ng kahit konting
damit na pambahay at panglakad. Wala namang nakuhang negatibong reaksiyon si Sheena
sa mag-asawa. Bagkus ay agad siya nitong binigyan ng pera na pang-shopping.
"Ang mabuti pa ay isama mo na rin sina Yaya Felina at Homer para may
makatulong ka, anak." ani Perlas. Si Homer ay ang driver nila.

"Sige po, kung papayag po sila." Mabuti na rin na sumama sa kaniya si Felina
dahil baka dala nito ang susi.

"Anong oras mo ba balak umalis?"

"Mamaya rin po. Bago ang tanghalian para saktong pag-uwi namin ay tanghalian
na. Hindi naman po kami magtatagal, Mrs.-Mama po pala..."

"Okay. Basta mag-iingat kayo. At bumili ka na rin ng cellphone mo para nako-


contact ka namin ng Papa mo."

"N-nakakahiya naman po, Mama. Sobra-sobra na po yata iyon."

"Hindi iyon sobra-sobra, Sheena," sabat ni Gener. "Dapat lamang iyon dahil
anak ka na namin simula ngayon. Ikaw, ako at si Mama Perlas mo ay pamilya na ngayon
kaya dapat masanay ka nang pinapaulanan ka namin ng mga bagay na kailangan at
makakapagpasaya sa iyo."

Nakangiting sinulyapan ni Perlas ang asawa. "Tama si Gener, anak. At sa isang


linggo ay ipapa-asikaso na namin ang adoption papers para maging legal na anak ka
na namin. At hindi lang iyan, sa susunod na taon, sa pagbubukas ng school ay mag-e-
enroll ka."

"T-talaga po? Salamat po!" Sa sobrang saya ni Sheena sa sinabi nina Gener at
Perlas ay tumayo siya at niyakap ang mga ito.

Talaga ngang masasabi niyang tinamaan siya ng swerte!

-----***-----

MAINGAT ang bawat galaw ni Sheena habang iginagala niya ang mata niya sa silid ni
Felina. Naririnig niya ang lagslas ng tubig sa nakapinid na pinto sa silid nito.
Nasa banyo ito at naliligo at ito na ang tamang pagkakataon para makuha niya dito
ang susi sa mga kwarto sa itaas. Wala na siyang ibang naiisip na paraan kundi ang
nakawin ang susi.

Nakita niya ang lagayan nito ng maruruming damit at agad niyang nakita ang
suot nitong palda kanina. Nagmamadali na ginalugad niya ang bulsa ng palda at
nakuha naman niya doon ang susing hinahanap. Isang susi lang iyon. Ibig bang
sabihin ay isang susi lang ang nakakapagbukas sa lahat ng kwarto sa itaas?
Bago pa man matapos sa paliligo si Felina ay naisilid na niya ang susi sa
bulsa ng kanyang pantalon at malalaki ang mga hakbang na lumabas na siya doon.

-----***-----

PAGDATING sa mall ay nagpaalam si Sheena kina Felina at Homer na magpupunta lang


siya sa banyo bago sila mamili. Pero ang totoo ay maghahanap lang siya kung saan
pwede niyang ipa-duplicate ang susi na nakuha niya kay Felina. Naisip niya kasi na
hindi pwedeng hanggang mamayang gabi ay nasa kanya iyon dahil baka gamitin ulit
iyon ni Felina at malaman nitong nawawala ang susi. Kailangan niyang maibalik iyon
pagkauwi na pagkauwi nila ng mansion.

Hindi naman siya nahirapan sa paghahanap. Sa second floor ng mall ay nakakita


siya ng store ng mga susi at nagdu-duplicate din doon. Agad niyang pina-duplicate
ang susi at bumalik na rin siya kina Felina.

Blouse, shorts at palda ang una niyang binili. Sunod ay ang dalawang pares ng
sapatos at tsinelas. Pati bags ay hindi niya rin kinalimutan. Huli ay bumili na
siya ng cellphone. Iyong android phone gaya ng nakikita niya sa mayayabang niyang
kapitbahay sa probinsiya. Hindi na niya kailangan makipag-chat sa foreigner para
yumaman dahil inampon na siya ng mayamang pamilya. Ibinili rin niya ng tig-isang
damit sina Felina at Homer kahit tumanggi pa ang mga ito. Napansin niya na parehas
ng ugali ang dalawa. Tahimik at parang masungit.

Nang sandaling iyon ay walang pagsidlan ng kasiyahan si Sheena. Sa tanang ng


buhay niya ay ngayon lang siya nakapamili ng ganito. Iyong lahat ng magustuhan niya
ay nabibili niya. Hindi niya akalain na mararanasan niya rin ang bagay na ito.
Isang blessing din na matatawag na nabangga siya. Iyon pala ang magiging daan para
yumaman siya. Pati na rin ang pagkawala ng sampung libong piso niya dahil hindi
niya maiisip na magpa-ampon sa mga Clemente kung hindi iyon nanakaw. Parang gusto
niya tuloy hanapin ang magnanakaw na iyon at bigyan pa ito ng pabuya!

"Homer, Felina, gaano na kayo katagal sa mga Clemente?" tanong niya sa dalawa
habang nasa biyahe na sila pabalik ng bahay.

"Sampung taon kami parehas. Twenty-two pa lang ako nang magsimula akong
manilbihan sa kanila at twenty-one naman noon si Felina. Magkapatid kami ni Felina
at malayong kamag-anak kami ng mga Clemente," si Homer ang sumagot. Mababa at
seryoso ang tono ng boses nito. Parang natakot na tuloy siyang makipag-kwentuhan pa
dito.

Si Felina naman ay diretso lang ang tingin. Katabi niya ito sa backseat.
Gusto pa naman san niya itong maka-close dahil ito lang ang babae sa bahay na medyo
kalapit ng edad niya pero imposible yatang mangyari iyon. Ayaw man lang siya nitong
kausapin nang hindi ito seryoso.

Teka lang, napansin kaya nito na nawawala ang susi sa hinubad na palda nito?
Sa wari naman niya ay hindi. Sana ay sinabi na nito kanina sa amo nito kung alam na
nitong nawawala ang susi.
-----***-----

MATAGUMPAY naman na naibalik ni Sheena ang orihinal na susi sa silid sa taas kung
saan niya ito kinuha. Ginawa niya ang bagay na iyon habang abala si Felina sa
pagluluto sa kusina. Sa wari naman niya ay hindi nito napansin na nawala nang ilang
oras ang susi.

Habang naghihintay ng pananghalian ay umakyat muna siya sa kanyang silid at


doon ay masayang isinukat ang lahat ng pinamili niya. Nagpaikot-ikot siya sa harap
ng salamin habang pinagmamasdan ang sarili na suot ang mga magagandang damit.

Nang matapos ay nakangit niyang ibinagsak ang katawan sa ibabaw ng malambot


na kama.

"Ang sarap pala ng ganitong buhay... Ang sarap maging mayaman!" pakli niya.

Bigla niyang naalala iyong pina-duplicate niyang susi. Kinapkap niya ang
bulsa ng pantalon at kinuha doon ang susi. Pinagmasdan niya ito. Ano nga kaya ang
meron sa apat na silid? Ah, mamayang gabi ay malalaman na rin niya ang kasagutan sa
kanyang tanong.

TO BE CONTINUED...

=================

CHAPTER FIVE- The Punishment

CHAPTER FIVE- The Punishment

“IYON lang 'yon? Seryoso? 'Yon lang?” Mahinang turan ni Sheena pagkahiga niya sa
kama.

Nagtagumpay siya na pasukin ang apat pang silid dito sa ikalawang palapag.
Wala naman siyang kakaibang nakita sa lahat ng silid. Sa unang silid ay halatang
silid iyon ng isang lalaki dahil sa design niyon at mga damit na nasa aparador. Ang
natitirang tatlong silid ay parang silid naman ng mga kambal. Kambal na lalaki,
kambal na babae at kambal na lalaki at babae ang huli. Hindi tuloy niya mawari kung
bakit siya pinagbabawalan na pumasok doon kung wala namang kakaiba sa mga silid.

Medyo nagtataka lang siya kung sino ang dating gumagamit ng mga iyon. Marami
bang anak ang mag-asawang Clemente? Kung oo, nasaan na ang mga ito? Baka naman nasa
ibang bansa o baka... patay na rin, katulad ni Kayla?

“Ang weird talaga nila! Matutulog na nga lang ako.” Bigla tuloy nanghinayang
si Sheena sa effort at pagod na inilaan niya para lang makuha ang susi kay Felina.
-----***-----

PAGKAMULAT ng mga mata kinaumagahan ay nag-ayos na agad si Sheena ng kanyang sarili


at bumaba na rin para mag-almusal. Sa hapag ay naabutan niya sina Gener at Perlas
na kumakain na. Hinalikan niya ang dalawa sa pisngi matapos bumati ng magandang
umaga. Pagkaupo niya ay agad siyang pinagsilbihan ni Felina ng pagkain.

Napansin niya na tahimik ang mag-asawa. Hindi katulad noong una na nakangiti
ang mga ito kapag nakikita siya.

Naisip niya ulit ang laman ng ibang kwarto sa itaas. Hindi naman siguro
makakahalata ang mga ito kung magtatanong siya kung may iba pang anak ang mga ito
bukod kay Kayla.

“Mama, may itatanong sana ako...” aniya.

“Ano iyon, Sheena?”

“Bukod po ba kay Kayla, may iba pa kayong anak?”

“Hindi ko alam pero nasabi ko na yata sa iyo na unica hija namin si Kayla.
Bakit mo naman naitanong?”

“W-wala naman po.”

Kung ganoon, bakit may ganoong mga kwarto sa itaas? Dumami tuloy lalo ang
katanungan niya sa kanyang isipan. Hindi na tuloy siya nakapag-concentrate sa
pagkain dahil okupado na ang kanyang isip ng mga katanungan na iyon.

“Ah, oo nga pala, Yaya Felina. Hindi ba’t may sasabihin ka sa akin. Ano ba
iyon?”

“Opo, senyora...”

Hindi na binigyan pa ng pansin ni Sheena ang nangyayari sa kanyang paligid.


Basta nakita na lang niya si Felina na lumapit kay Perlas at may ibinulong dito.
Halos hindi na rin niya magalaw ang kanyang pagkain sa pag-iisip.

“Sheena.” Napapitlag siya nang bigla siyang tawagin ni Perlas.

“Mama? Ano po 'yon?”


“May dapat ka bang aminin sa amin? May bagay ka bang ginawa na ipinagbabawal
namin?”

Kinabahan siya. Alam kaya ng mga ito na pinasok niya ang ibang silid sa
second floor?

“W-wala naman po.” Pagsisinungaling niya.

“Sigurado ka ba? Mapapatawad pa kita kung aamin ka na ngayon.”

“Sigurado po ako. Wala.” Talagang pinanindigan na niya ang pagsisinungaling.

“Kung gayon... Ano ang sinasabi ni Yaya Felina na nakita ka niyang pumasok ka
sa mga ipinagbabawal na silid sa itaas?” Tumayo si Perlas habang nakatuon ang
dalawang kamay nito sa ibabaw ng lamesa. Parang lalamunin siya ng pagkakatitig nito
sa kanya. “Hindi ba’t sinabi na namin sa iyo na bawal kang pumasok doon?!”

Nanlamig ang buong katawan niya. Dapat pala ay naging maingat siya dahil
mukhang nakita siya ni Felina. Hindi siya makatingin nang diretso sa mga ito. Para
siyang pusang nasukol ng isang mabangis na aso ng sandaling iyon.

“Bakit mo kami sinuway?!” Malakas na hinampas ni Perlas ang lamesa gamit ang
kamay nito.

Si Gener naman ay parang walang pakialam sa nangyayari. Patuloy lang ito sa


pagkain ng almusal at manaka-nakang pagbabasa sa dyaryo. Sa isang iglap ay nagbago
ng ugali si Perlas. Ang dating malambing at mabait na ginang ay tila naging isang
mabalasik na hayop na galit na galit sa kanya.

“H-hindi ko lang po kasi malaman k-kung bakit niyo ako pinagbabawalan na


pumasok sa silid na iyon. G-gusto ko lang alamin kung ano ba ang nasa loob.”
Nanginginig ang buong katawan ni Sheena habang nagpapaliwanag.

“Kahit na! Sinuway mo pa rin kami! Hindi ganiyan si Kayla namin. Si Kayla,
masunurin! Si Kayla, marunong makinig! Pero ikaw ay hindi!”

“Dahil hindi ako si Kayla!” sagot niya sabay tayo.

“Inggrata!” Nanggigigil na nilapitan siya ni Perlas at malakas na sinampal.


“Matapos ka naming ampunin ay sasagutin mo lang ako!”

“P-patawad po—“

“Hindi sapat ang humingi ka ng tawad. Ang dapat sa’yo ay parusahan para
magtanda!” anito. “Homer! Felina! Dalhin ang suwail na iyan sa basement!”
“Ha? Huwag po, mama—Ano ba?! Bitiwan niyo ako!” Nagpapalag na siya nang bigla
siyang hawakan nina Homer at Felina sa magkabila niyang braso ngunit dahil sa
dalawa ito at isa lang siya ay wala siyang nagawa sa pwersa ng mga ito.

Madali lang siyang nahila ng dalawa palayo sa komedor.

“Ikulong ang babaeng iyan doon! Ikandado!” Pasigaw na utos pa ni Perlas.

“Mama! Huwag po! Hindi na ako uulit!” Umiiyak na sigaw niya.

“Saka mo na lang akong tawagin na ‘mama’ kapag nagtanda ka na!”

“Mama!!!”

At wala na nga siyang nagawa nang itulak na siya nina Homer papasok sa
madilim at mabahong basement. Pagkasarado ng pinto niyon ay tuluyan na siyang
nawalan ng pag-asa na papakinggan pa siya ni Perlas sa pagmamakaawa niya.

Halos walang makita si Sheena nang ilibot niya ang mga mata sa kabuuan ng
basement. Madilim. Bagaman at nakakaramdam ng takot ay hindi niya hinayaan na
lamunin siya niyon. Kinapa niya ang mga dingding. Alam niya na meron doon switch ng
ilaw at hindi nga siya nagkamali. Nang pindutin niya ang switch at bumaha ang
liwanag sa lugar na iyon ay saka lang niya nakita ang hitsura ng basement.

Marami doong mga gamit na nakatambak. Lumang aparador, piano, mga sirang
upuan at mga kahon na may laman na kung anu-anong bagay na wala nang pakinabang.
May mangilan-ngilan din siyang nakikitang ipis at daga na pilit na nagtatago sa
dilim. Puro agiw din ang paligid at alikabok. Hindi rin maganda ang amoy doon. Amoy
nabubulok na patay na daga. Mainit din dahil kulong ang lugar na iyon.

Nanghihina na napaupo na lang si Sheena sa isang sulok. Hindi na niya


alintana kahit kumapit sa damit at balat niya ang mga alikabok. Isinubsob niya ang
mukha sa dalawang kamay at doon umiyak nang umiyak. Sana pala ay hindi na lang niya
pinasok ang mga kwartong iyon. Tama nga naman si Perlas, sinuway niya ang mga ito.
Simpleng bagay lang pero hindi pa niya nagawang sundin.

“Sorry po, Mama... Patawarin niyo ako...” aniya sa pagitan ng paghikbi.


Ngayon ay sising-sisi na siya sa nagawa niya.

Matagal si Sheena sa ganoong posisyon nang maramdaman niya na biglang lumamig


ang paligid. Nagtaasan din ang balahibo niya sa kanyang braso.

Dahan-dahan na iniangat niya ang kanyang mukha. Pakiramdam niya ay may mga
matang nakatingin sa kanya. At ganoon na lang pagsigaw niya nang makita niya na may
mga taong nakapaligid sa kanya. Babae at lalaki. Sa wari niya ay kaedad lang din
niya ang mga iyon. Siguro ay hindi lalampas ng sampu ang bilang ng mga ito.
Nakatunghay ang mga ito sa kanya. Mapuputla ang walang emosyon na mukha ng mga ito.
Kung titingnan ay mukhang patay na ang lahat ng nakapaligid sa kanya. Ang pinaka
nakakakilabot talaga ay nakalutang nang halos isang pulgada ang mga paa nito sa
sahig at duguan pa ang mga kasuotan ng mga ito.

“Sino kayo?! Sino kayooo?!” Naghihisterikal na sigaw ni Sheena.

“Ikaw na ang susunod... Ikaw na ang mamamatay...” Mga bulong na naririnig


niya kahit wala namang bumubulong sa kanya. Nanunuot ang boses sa kaibuturan ng
kanyang tenga at umaalingawngaw sa loob ng kanyang ulo.

Muli siyang napasigaw sa labis na takot. Itinakip niya ang kanyang dalawang
kamay sa magkabilang tenga sa pag-aakalang hindi na niya maririnig ang bumubulong
ngunit palakas iyon nang palakas. Sigaw siya nang sigaw hanggang sa nanghihina na
napahiga na lang siya. Mariin niyang ipinikit ang kanyang mata at hiling niya,
sana, pagbukas niya ng mga iyon ay wala na ang mga taong nakapaligid sa kanya...

-----***-----

HINDI na namalayan ni Sheena na nakatulog na siya sa ganoong posisyon. Nang maalala


niya ang mga taong nakapaligid sa kanya kanina bago siya makatulog ay naging alerto
siya. Mabilis siyang bumangon upang tingnan ang kanyang paligid. Laking pasasalamat
niya sa Diyos nang wala na ang mga iyon. Takot na takot pa rin na niyakap niya ang
kanyang sarili habang nakaupo. Malikot din ang kanyang mga mata at konting kaluskos
lang ay napapapitlag na agad siya.

Sa hitsura ng mga taong nagpakita sa kanya kanina ay sigurado siyang hindi na


buhay ang mga iyon. Hindi siya naniniwala sa multo ngunit ganoon yata ang nagpakita
sa kanya. Ngunit, sino ang mga ito? Bakit nagpakita ang mga ito sa kanya? Mga
katanungan na nadagdag na naman sa utak ni Sheena.

Kulang na lang ay mapatalon sa labis na gulat si Sheena nang bumukas ang


pintuan. Yari kasi iyon sa bakal kaya malakas ang pagkalampag kapag binubuksan at
sinasaraduhan.

Pumasok si Felina na may dalang tray ng pagkain.

Pagapang na lumapit siya dito at niyakap ito sa binti. “Felina! Salamat at


pinuntahan mo ako dito. N-nakakatakot dito. Ayoko na dito, Felina!” Naiiyak na sabi
niya dito.

“Kasalanan mo naman iyan, e. Hindi ka marunong makinig. 'Eto, kumain ka na.”


Inilapag nito sa sahig ang tray. Kanin at ulam na karne ang naroon. May kasama ring
isang basong tubig.

“H-hindi pa ba ako papalabasin nina Mama?” Natataranta siyang tumayo para


makaharap ang kasambahay.
“Hindi ko alam pero...”

“Pero ano?”

“Pero mas makakabuti kung aalis ka na dito. Hindi ka na ligtas dito.”


Pabulong na sabi ni Felina.

Napakunot siya ng noo. Hindi niya makuha ang ibig nitong sabihin sa kanya.
Ramdam din niya ang takot sa boses nito. “Ano?” reaksyon niya.

“Umalis ka na. Hindi ka ligtas dito!” Hinawakan siya nito sa magkabilang


balikat at bahagya pa iyong niyugyog.

“Hindi kita maintindihan? Bakit kailangan kong umalis?” nalilitong tanong


niya kay Felina.

“Basta! Heto... Heto ang susi! Mamayang gabi ka umalis. Tumakas ka! Kung
mahal mo pa ang buhay mo, aalis ka dito, Sheena. Hindi mo kilala ang mag-asawang
Clemente! Ganito ang gagawin nila sa’yo kapag hindi nila nagustuhan ang ginagawa
mo!”

“Felina—“ Hindi na naipagpatuloy pa ni Sheena ang kanyang sasabihin dahil


mabilis na itong lumabas ng basement at muling isinara ang pinto. Tinawag niya ito
ngunit hindi na ito nag-abalang balikan pa siya.

Naiwanan siyang gulo ang utak. Bakit siya pinapaalis ni Felina? Ano ang
motibo nito para sabihin nito ang mga bagay na iyon?

Tiningnan niya ang hawak na susi at nag-isip. Paano kung may punto pala ang
mga sinabi nito? Paano kung balang araw ay pagsisihan niya na hindi siya nakinig
dito? Paano kung totoong hindi siya ligtas dito sa bahay ng mga Clemente?

Hindi pa man siya nagpapakasasa ay mukhang kailangan na niyang iwan ang buhay
na katulad nito. Tama, hindi pa niya lubos na kilala sina Mrs. at Mr. Clemente pero
sumama agad siya sa dalawa. Nakapag-desisyon na siya. Mamayang gabi ay tatakas
siya! Susundin niya si Felina.

TO BE CONTINUED...

=================

CHAPTER SIX- The Suffering


CHAPTER SIX- The Suffering

"YAYA FELINA... Nagawa mo na ba ang pinapagawa ko sa iyo?" tanong ni Perlas nang


makita niya na kalalabas lang ng nag-iisang kasambahay nila sa basement kung saan
nakakulong ang kanilang ampon na si Sheena. Kanina pa niya ito hinihintay.

"Opo, senyora. Ibinigay ko na kay Sheena ang susi. Malamang, mamayang gabi ay
tatakas na siya."

Tumango-tango siya. "Magaling. Kailangang gumawa siya ng kasalanan para


maparusahan. Kailangan niyang malaman kung ano ang kaya naming gawin ni Gener oras
na sumuway siya upang sumunod siya sa lahat ng gusto namin."

"Isa pa'y malapit na ang kaarawan ni senyor, 'di ba po?"

"Tama ka diyan. Kailangang may takot na rin si Sheena sa aming mag-asawa sa


panahon na iyon. Nasasabik na akong makakita ulit ng labis na takot sa mata ng
isang tao! Sige na, magpahinga ka na. tapos na ang trabaho mo sa araw na ito."

"Maraming salamat po, senyora." At nakayukod na umalis si Yaya Felina.

Mala-demoyong napangiti si Perlas habang nakatingin siya sa nakasaradong


pinto ng basement.

-----***-----

NANGINGINIG ang mga kamay ni Sheena habang dahan-dahan niyang pinapasok ang susi sa
keyhole. Maka-ilang ulit niyang pinag-isipan ang bagay na ito. Nang ikutin niya
iyon ay lumikha iyon ng maliit na ingay kaya mariin siyang napapikit. Hindi niya
alam ngunit natatakot talaga siya sa gagawin niyang ito. Natatakot siya na baka
mahuli siya nina Gener at Perlas at baka kung ano pang gawin sa kanya. Baka hindi
lang siya ikulong ng mga ito sa basement sa susunod. Ayaw na niyang isipin ang kaya
pang gawing pagpaparusa ng mga ito sa kanya.

Isa pa ay natatakot siya talaga sa basement dahil pakiramdam niya ay palaging


may mga matang nakamasid sa kanya. Natatakot siya na baka magpakita ulit iyong mga
multo sa kanya. Hindi na niya alam kung kakayanin pa niya. Baka mabaliw na siya sa
labis na takot kapag nangyari ulit iyon.

Sa wakas ay nabuksan na niya ang pintuan. Madilim ang buong kabahayan kaya
nahinuha niyang gabi na. Maingat ang bawat hakbang na ginawa niya. Tinalasan din
niya ang kanyang pakiramdam at ang kanyang mata. Medyo memoryado na niya ang bahay
kaya alam na niya kung saan siya pupunta.

Nilampasan niya ang kusina hanggang sa marating na niya ang salas. Sa main
door siya dadaan dahil mas malapit doon ang gate. Alam naman niya na kapag ganitong
gabi na ay walang bantay doon.
Saglit pa siyng huminto upang tanungin ang sarili kung itutuloy pa ba niya
ang pag-alis o hindi na. Hanggang sa manaig ang itutuloy pa niya. Bahala na, iyon
ang naisip niya.

Pakiramdam ni Sheena ay nanalo siya ng jackpot sa lotto nang mahawakan na


niya ang main door. 'Eto na talaga. Wala na itong atrasan.

Pipihitin na sana niya ang malaking seradura niyon nang biglang bumukas ang
ilaw. Para siyang pusang nasukol ng aso na nagpalinga-linga at ganoon na lang ang
hilakbot niya nang makita niya sa pinakataas ng hagdan ang mag-asawang Gener at
Perlas.

Kapwa nanlilisik ang mga mata nito na nakatingin sa kanya.

"M-mama! P-papa!" Biglang nanginig ang buong katawan ni Sheena sa takot nang
mag-umpisang bumaba ang dalawa papunta sa kanya.

"Sinasabi ko na nga ba at susuwayin mo na naman kami, Sheena! Hindi ka talaga


marunong makinig! Ano ito? Papaano ka nakalabas sa basement?" ani Perlas.

"Marahil ay minamasama niya ang pagdidisiplina natin sa kanya, Perlas. Hindi


niya alam ay ginagawa natin iyon para maging mabuti siyang tao at anak sa atin.
Siguro ay iniisip niyang masama tayo kaya aalis na siya dito sa bahay natin,"
dugtong naman ni Gener.

Unti-unting tinatakasan ng lakas si Sheena habang papaliit nang papaliit ang


agwat ng dalawa sa kanya kaya naman napaupo na lang siya sa kanyang kinatatayuan.
Nakasandal ang kanyang likod sa malaking pintuan. Ilang segundo lang ay nasa
harapan na niya sina Perlas at Gener. Nakatingala siya sa dalawa na parang diyos
ang mga ito na dapat niyang sambahin.

"P-patawarin niyo po ako... N-natatakot lang po kasi ako sa base-"

"Tumigil ka. Huwag ka nang magpaliwanag. Sayang... Papalabasin ka na sana


namin sa basement pero ano itong ginawa mo? Tatakasan mo kami? Aalis ka pagkatapos
ka naming ampunin? Hindi ba't kawalan iyan ng utang na loob, Sheena? Hindi ganiyan
ang pag-uugali ng anak naming si Kayla! Napakalayo pala ng asal niyo sa isa't isa.
Sayang ka, Sheena. Sayang!"

Mariin at sunud-sunod siyang umiling. "Hindi po sa ganoon, Mama. H-hindi ko


lang po alama ang gagawin ko. M-may mga nakikita po akong multo sa basement!
Nakakatakot sila!" Pakiramdam niya ay hindi na papaniwalaan ng dalawa ang lahat ng
sasabihin niya kaya isang bagay na lang ang naisip niyang sabihin. "Si F-felina!"

"Anong si Felina?" Kunot-noo na tanong ni Gener.


"Siya po ang may sabi sa akin na tumakas dahil masama daw kayo! Ang sabi pa
nga niya ay nanganganib nag buhay ko dito sa bahay niyo." Pag-amin niya.
Natataranta na inilabas niya ang susi na ibinigay sa kanya ng kasambahay. "Heto pa
nga po. Siya ang nagbigay sa akin nito! Susi po ito sa basement. Ibinigay niya ito
sa akin. M-maniwala po kayo..."

"Sa tingin mo ba ay papaniwalaan ka namin, Sheena?" ani Gener. "Matagal na


naming kasama si Yaya Felina at alam namin na tapat siya sa amin. Siguro ay
ninakaw mo ang susi sa kanya gaya nang pagnanakaw mo ng susi sa mga silid sa
itaas."

"Hindi po totoo-"

"Tama na, Sheena! Dadagdagan mo pa ba ang kasinungalingan mo?! Talagang


sinasagad mo kami!"

"Mama..." Tuluyan nang napaluha si Sheena.

Gusto niyang paniwalain ang dalawa sa mga binitiwan niyang salita pero
mukhang walang pag-asang maniwala ang dalawa. Sinungaling na ang tingin ng mga ito
sa kanya. Isang suwail na anak.

"Ang gusto mo ba ay bumalik ka sa dati mong buhay gaya nang ikinuwento mo sa


amin, ha? Iyong kumakain ka ng basura at natutulog sa kung saan-saan?! Gusto mo
yatang ganoon ka na lang hanggang sa mamatay ka."

Sa sinabing iyon ni Gener ay biglang bumalik sa isipan niya ang parteng iyon
ng buhay niya. Iyon ang parte ng buhay niya na ayaw na niyang maranasan. Kaya
naisip niya na maling-mali talaga na sinunod niya si Felina sa sinabi nitong
tumakas na siya. Ngayon lang niya naisip na walang basehan ang mga sinabi nito na
nanganganib nag buhay niya sa mag-asawang Clemente. Siguro ay lihim itong may galit
sa kanya kaya nito ginawa ang mga kasinungalingan na iyon.

Humakbang si Perlas ng isa at tiningnan siya na para bang isa siyang


napakaliit na bagay lang. "Gusto mo bang ibigay namin ang gusto mo? Gusto mong
tumakas, 'di ba? Gusto mong iwanan na kami, 'di ba?!" Nanlilisik ang mga mata nito.
Nakakatakot!

"Mama, 'wag po! Magbabago na po ako!" Gumapang siya para yakapin ang binti
nito. Doon siya umiyak nang umiyak.

Ngunit marahas na ipiniksi nito ang binti nito dahilan para mabitawan niya
iyon. "Tama na! Sinayang mo lang ang pagkakataon ng magandang buhay na ibibigay
sana namin sa iyo. Kamukha ka lang ni Kayla ngunit hindi ka niya katulad na
mabait!"

"Mama... Parang awa niyo na po..." Tigam na sa luha ang mukha niya.
Marahas siyang hinila ni Perlas patayo at hinawkan sa magkabilang balikat.
"Lumayas ka na dito, Sheena!" Nanlalaki ang mga mata na turan nito.

"M-mama-"

"Gener! Buksan mo ang pinto!"

Agad na tumalima si Gener. Pagkabukas ng main door ay sinaklit siya ni Perlas


sa kanyang braso at kinaladkad palabas ng bahay. Habang nakikita ni Sheena ang
pagbubukas ni Gener ng gate ay unti-unti na rin niyang naiisip ang kahirapang
mararanasan niya ulit pagkalabas niya ng gate na iyon. Panay ang pakiusap niya
habang umiiyak ngunit tila bingi na ang dalawa sa mga sinasabi niya.

Parang isang papel na wala nang pakinabang na itinapon siya ng dalawa sa


labas ng gate. Napaupo siya sa semento. Wala na siyang nagawa pa nang isarado na ni
Gener ang gate at talikuran na siya ng mga ito.

"Mama! Papa! Papasukin niyo po ako! Mama!!!" sigaw niya.

Napahawak na lang siya sa malamig na bakal ng gate habang lumuluhang


pinagmamasdan ang papalayong sina Perlas at Gener. Dapat pala ay nakinig na lang
siya sa mga ito. Dapat pala ay sinunod na lang niya ang utos ng dalawa. Tunay ngang
nasa huli ang pagsisisi.

-----***-----

AGAD na bumangon si Sheena mula sa pagkakahiga sa gilid ng daan nang marinig niya
ang pagbukas ng gate sa bahay ng mga Clemente. Agad na sumilaw sa kanya ang mainit
na sikat ng araw ng tanghaling iyon. Nakita niyang papalabas si Felina at may dala
itong malaking plastik ng basura.

Dalawang araw na siya na sa labas ng bahay natutulog at kumukuha ng pagkain


sa basurahan. Dalawang araw na rin na hindi lumalabas ang mag-asawa. Ngayon lang
may taong lumabas mula sa bahay na iyon. Talagang tiniis niya na huwag umalis doon
dahil umaasa siya na isang araw ay maaawa ang mag-asawa sa kanya at papabalikin na
siya sa loob.

Nang maitapon na ni Felina ang basura sa drum at pabalik na ito sa loob ay


nagmamadali na nilapitan niya ito at hinawakan ito sa braso.

"Felina!" pasigaw na tawag niya sa pangalan nito.

"Bitawan mo ako, Sheena." Mahina ngunit mariin ang pagkakasabi nito niyon.
"Ikaw ang may kasalanan nito! Kung hindi mo ako inudyukan na tumakas, hindi
ito mangyayari sa akin!"

"Tumigil ka nga! Hindi ko alam ang sinasabi mo!" Inalis nito ang kamay niya
at pumasok na ulit ito sa loob ng bahay.

Nanggigigil na hinabol na lang niya ito ng tingin.

Padabog na nilapitan niya ang drum kung saan nagtapon ng basura si Felina at
hinalughog iyon. Medyo gutom na siya, baka may pagkain siyang makuha doon.

-----***-----

ISANG araw pa ang lumipas at nanatili pa rin sa labas si Sheena. Mabuti na lang
talaga at hindi umuulan kung hindi ay hindi na niya alam kung saan siya pupunta.
Kahit minsan ay iniisip niya na umalis na lang doon ay inuunahan pa rin siya ng
pag-asang baka maawa muli sa kanya sina Perlas at Gener. Walang oras na hindi siya
nagdadasal na sana ay mangyari iyon. At kapag nangyari iyon ay wala na siyang
gagawin kundi ang sundin at paniwalaan ang dalawa dahil ito ang magbibigay sa kanya
ng maginhawang buhay.

Ang tatlong araw na pananatili ni Sheena doon ay naging isang linggo.

May mga oras na naiiyak na lang siya sa sobrang awa sa sarili. Pinanghihinaan
na siya ng loob at parang anumang oras ay tatakasan na siya ng katinuan sa
nangyayari sa kanya. Ang dumi-dumi na niya at hindi na maganda ang amoy. Mistula na
siyang pulubi.

Kung bibigyan lang sana ulit siya ng isa pang pagkakataon ng mag-asawang
Clemente, hinding-hindi na niya iyon sasayangin.

TO BE CONTINUED...

=================

CHAPTER SEVEN- The Good Daughter

CHAPTER SEVEN- The Good Daughter

HINDI talaga natitiis ng magulang ang anak. Iyon ang napatunayan ni Sheena ng araw
na iyon. Sa ika-sampung araw niya sa labas ng bahay ay nagulat siya nang pag-gising
niya isang umaga ay nakatayo sa harapan niya si Perlas. Nakangiti ito sa kanya at
nakalahad ang isang kamay. May pag-aalinlangan man ay inabot niya ang malambot
nitong kamay.
“M-mama? P-pinapatawad n-niyo na po ba ako?” Nanginginig ang tinig ni Sheena
dahil sa gutom.

Kahit ang pagtayo ay hindi na rin niya magawa nang maayos dahil kulang na rin
siya sa enerhiya sa katawan ngunit pinilit pa rin niyang makatayo para makaharap si
Perlas.

Nakangiting tumango si Perlas sa kanya. “Oo, anak. Halika. Bumalik ka na sa


bahay...” anito at mahigpit pa siyang niyakap.

Wala nang salitang namutawi sa labi ni Sheena. Umiyak at humagulhol na lang


siya habang yakap siya nito. Sa isip niya ay nagpapasalamat siya sa Diyos na
pinagbigyan pa siya nito ng isa pang pagkakataon. Hinding-hindi na niya ito
sasayangin pa. Pangako niya sa kanyang sarili.

Dahil sobrang nanghihina pa siya ay inalalayan siya ni Perlas hanggang sa


makapasok siya sa loob ng bahay. Agad siya nitong dinala sa kanyang banyo. Doon ay
nakita niya na handa na ang bathtub para paglubluban niya. May mga talulot pa ng
rosas na nakalutang sa tubig na may kaunting bula.

Naramdaman niya ang kamay ni Perlas sa kanyang balikat.

“Ako na ang magpapaligo sa iyo, anak... Iiwanan muna kita dito, ha. Kukuha
lang ako ng tuwalya mo.” At nakangiti pa itong umalis.

Tapos nang umiyak si Sheena. Medyo nahimasmasan na siya sa mga nangyari


nitong mga nakaraan na araw. Parang na-miss niya na magkaroon ng matinong ligo kaya
naman hinubad na niya ang marurumi niyang damit at saglit na nag-shower bago
lumublob sa mainit-init na tubig sa bathtub.

Nakakarelax ang tubig kaya naman ipinatong niya ang kanyang ulo sa may gilid
ng bathtub at saka pumikit. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na
nasa loob na ulit siya ng bahay ng mga Clemente.

Ang pag-iisip niya ay naantala nang biglang makaramdam siya ng pagbaba ng


temperatura ng tubig. Pagmulat niya ay nagulat siya nang may nakita siyang babae sa
kabilang dulo ng bathtub. Katulad niya ay nakalublob din ito. Magulo ang buhok na
nakatakip sa mukha nito.

“S-sino ka?” Nahihintakutan na tanong niya.

Pero imbes na sagutin siya ng babaeng iyon ay bigla siya nitong sinunggaban
ng sakal sa leeg. Hindi siya naging handa sa pag-atake nito kaya naman hindi niya
ito napigilan.

“Mamamatay ka! Mamamatay ka!” Iyon lang ang salitang lumalabas sa bibig nito.
Ngayong malapit na ito sa kanya ay kita na niya ang mukha nito. Maputla ang
balat at nanlilisik ang mata nito na lumuluha pa ng malapot na dugo.

Walang magawa si Sheena sa lakas ng babae kundi ang magkakawag at humawak sa


gilid ng bathtub sa pag-asang makakakuha siya doon ng buwelo para makawala sa
babae. Pakiramdam niya ay mawawalan na siya ng hangin sa paraang ng pagkakasakal
nito sa kanya.

“S-sak... lolo...” Pinilit niyang humingi ng tulong gamit ang natitira niyang
lakas.

“Sheena! Sheena? Anong nangyayari sa’yo?”

Tila nakakita ng liwanag si Sheena nang marinig niya ang boses ni Perlas.
Agad niyang iminulat ang mga mata at nakita niya na wala na ang babae. Imbes ay si
Perlas ang nakita niyang nakahawak sa kanyang dalawang kamay na nakahawak naman sa
kanyang leeg. May pagtataka sa mukha nito.

“Mama!” aniya sabay yakap dito. “M-may babae! Gusto niya akong patayin!”
Takot na takot na turan niya.

“Shhh... Walang papatay sa’yo, anak. 'Andito lang ako. hindi ka papabayaan ni
mama...”

“'Wag niyo po akong iiwan, ha?”

“Oo. Pangako...”

Nang kumalma na siya ay muli siyang lumublob sa tubig. Isinabit ni Perlas ang
tuwalyang dala nito at saka umupo sa gilid ng bathtub. Kinuha nito ang kanyang
braso at sinabunan iyon. “Pasensiya ka na, Sheena. Ang gusto lang naman namin ay
ang maging masunurin ka sa amin. Ayaw namin na sinusuway mo kami. Sana
naiintindihan mo kung bakit namin iyon ginawa sa iyo.”

“N-naiintindihan ko po... mama...” At hindi na niya napigilan ang pagpatak ng


luha sa labis na kasiyahan dahil napatawad na siya ng mga taong umampon sa kanya.

-----***-----

NANG mga sumunod na araw ay mas naging masunurin na si Sheena sa mag-asawang


Clemente. Lahat ng sabihin at iutos ng dalawa ay sinusunod niya ng walang pag-
aalinlangan. Para kasi sa kanya ay ang kabutihan lang niya ang gusto ng mga ito at
hindi gagawa ang mga ito ng ikakapahamak niya. Iyon nga lang, tila isa na siyang
robot na de susi na gagalaw lang kapag pinihit ang susi sa likod nito. Hindi siya
gumagawa ng isang desisyon na walang aprubal nina Perlas at Gener. Hindi na rin
siya nangahas pang pasukin muli ang iba pang silid sa ikalawang palapag. Para sa
kanya ay wala namang kakaiba sa mga silid na iyon para puntahan pa niya.

“'Ayan... Kamukhang-kamukha mo na naman si Karla!” Maningning ang mga mata ni


Perlas matapos nitong ayusin ang kanyang buhok. Tinirintas nito iyon sa gitna at
nilagyan ng kulay asul na ribbon sa dulo.

Tiningnan niya ang kanyang sarili sa salamin na nasa harapan at saka ngumiti.
“Salamat po, mama.” ani Sheena.

“Tapos, suotin mo iyong bestida na nasa ibabaw ng kama mo. Sa labas tayo
kakain ngayon.”

“Sige po.” Akmang tatayo na sana siya nang bigla siyang may maalala. “Ah,
mama. Hindi po ba, malapit na ang kaarawan ng papa?”

“Oo. Tatlong linggo na lang mula ngayon. Bakit mo naitanong?”

“Kung pwede po sana ay magpapaalam ako sa inyo sa isang linggo. Pupunta ako
ng mall para sana ibili siya ng regalo.”

“Walang problema. Basta, isama mo si Yaya Felina at Homer.”

“Salamat po, mama!”

-----***-----

MULA sa kasukalan ay lumabas ang isang lalaki at huminto siya sa tapat ng isang
abandonadong bahay upang pagmasdan iyon. Dala niya sa kanyang isang kamay ang
matalas na gulok na ilang araw na niyang hinasa sa magaspang na bato. Nasasabik na
siyang gamitin iyon sa takdang panahon.

“Ilang linggo na lang at babalik na kayo dito! Hindi na ako makapahintay na


dumanak ang dugo niyo sa lugar na ito...” Mahina ngunit puno ng galit na turan ng
lalaki.

Tumalikod na siya at muling naglakad papasok sa kasukalan.

TO BE CONTINUED...

=================

CHAPTER EIGHT- The Girl In Red


CHAPTER EIGHT- The Girl In Red

NASANAY na si Sheena sa buhay na meron siya sa mansion. Lahat ng luho ay nakukuha


niya. Bagong gadgets, damit, alahas at pera. Kung sa materyal na bagay ay wala na
siyng mahihiling pa. Busog na busog siya. Lahat ay ibinibigay sa kanya nina Perlas
at Gener. Ngunit tila may kulang pa rin. Oo nga at ampon lang siya ng dalawa ngunit
hindi niya maramdaman na magulang niya ang mga ito. Noong una lang sabik ang mga
ito sa kanya. Ngayon ay hindi na masyado. Isa pa, nang mga nagdaan na araw ay
parating nakakulong lang ang dalawa sa kwarto. Doon na rin kumakain kaya madalas na
mag-isa lang siya sa hapag-kainan.

Mag-isa lang si Sheena nang hapon na iyon sa kanyang silid. Nakaupo siya sa
ibabaw ng kama. Nakatingin sa wrist watch na nasa harapan niya na binili niya
bilang regalo sa kanyang Papa Gener sa kaarawan nito na mangyayari dalawang linggo
mula ngayon. Alam naman niya na marami na itong ganoong relo pero iba pa rin kapag
naalala mo ang isang tao sa espesyal na araw nito. Iyon ang inisip niya.

Gusto sana niyang makipagkwentuhan kina Perlas at Gener ngunit nakakulong na


naman ang dalawa sa silid ng mga ito. Kaninang agahan naman ay nakasalo niya ito sa
hapag. Masayang-masaya ang aura ng dalawa at pinag-usapan nila ang nalalapit na
selebrasyon ng kaarawan ni Gener.

“Marami po ba kayong darating na bisita sa birthday niyo, Papa? Tutulong ako


sa paglilinis ng mansion, ha,” aniya kanina nang mag-umpisa ang usapan nila tungkol
doon.

Nakangiti pang umiling si Perlas. “No, Sheena. Hindi dito ginaganap ang
kaarawan ng Papa Gener mo.”

“Saan po?”

“Sa resthouse natin sa Rizal,” si Gener ang sumagot. “Nas gitna iyon ng isang
malawak na gubat. Alam mo kasi, Sheena, tuwing kaarawan ko ay gusto kong nagha-
hunting ako ng hayop sa gubat. Iyon na ang libangan ko at regalo na rin sa aking
sarili.”

Tumango-tango siya. “Gusto ko rin pong mang-hunting, Papa!” Excited na turan


pa nga niya.

“Naku, katulad ka rin ni Kayla... Nagpapaturo rin siyang mangaso sa akin sa


gubat.”

Tinatamad na humiga si Sheena sa kama matapos balikan ang usapan nilang iyon
kanina. Ayon pa sa dalawa ay buong araw sila doon sa resthouse sa Rizal. Medyo
excited din naman siya dahil first time niyang makakapunta sa isang gubat upang
mangaso. Paraan na rin siguro iyon para mas mapalapit siya sa mga umampon sa kanya.

Biglang nakuha ang atensiyon ni Sheena nang makarinig siya ng tila kumakatok
sa loob ng malaking aparador. Napabangon tuloy siya at napatingin doon.

Ilang segundo lang na nawala ang mga katok ngunit nakarinig na naman siya.

Tatlong sunud-sunod at mababagal na katok...

Inisip niyang maaring pusa iyon ngunit wala siyang nakikitang pusa sa bahay
na ito. Kung daga man, imposible rin dahil sa lakas ng katok ay parang tao ang ay
kagagawan niyon.

Medyo kinakabahan at natatakot na naman siya. Hindi kasi ito ang unang
pagkakataon na nakaranas siya ng kababalaghan sa bahay ng mga Clemente. Una ay doon
sa basement at ang huli ay no’ng nasa bathtub siya. Inisip na nga lang niya na baka
imahinasyon niya lang ang mga iyon dala ng matinding emosyon niya. Ayaw na niyang
isipin na may mga multo sa bahay na ito.

“Hindi ako dapat magpadala sa takot ko... Walang multo. Wala!” Pangungumbinse
niya sa kanyang sarili.

Marahan niyang inihakbang ang kanyang mga paa papunta sa aparador. Nang nasa
harapan na siya niyon ay huminga muna siya nang malalim bago iyon buksan. At ganoon
na lang ang pagkagulat niya nang isang babae ang nakita niya na nakatayo sa loob!
Nanlilisik ang mga mata nito. Basang-basa ang buhok nito pati na rin ang suot
nitong bestida na kulay pula. May mga bahid ng putik ang katawan nito. Nanginginig
ang buong katawan na parang nilalamig.

Umatras ang dila ni Sheena sa kanyang nakita. Hindi na niya naisip pang
sumigaw sa sobrang pagkabigla.

Narinig niya ang nakakangilong tunog ng nagngangalit nitong ngipin.

Hanggang sa tumingin ito diretso sa kanyang mga mata. Doon na nagtayuan ang
balahibo niya sa sobrang kilabot.

Ilang beses na lumunok ng laway si Sheena. “S-sino k-ka?” Sa wakas ay nagawa


na niyang magsalita sa kabila ng takot na lumulukob sa buo niyang pagkatao.

“Alis...”

Biglang humakbang ang babae sa aparador. Parang nahihirapan itong maglakad


dahil hindi nito halos maiangat ang paa.

“Alis...” Humakbang ulit ito.

Takot na takot na napaatras si Sheena.


“Umalis ka naaa!!!” Biglang tumakbo ang babae pasugod sa kanya.

Hindi na niya nagawa pang umiwas nang dakmain siya nito sa leeg. Nawalan siya
nga balanse kaya natumba siya sa sahig at naramdaman niya ang katawan ng babae na
nakaibabaw sa kanya.

Nagpupumiglas si Sheena. “Papa! Mama! Tulungan niyo ako!!!” Nakapikit na


sigaw niya.

“Mamamatay ka!”

“Sheena?! Anong nangyayari sa’yo?”

Nang marinig niya ang boses ni Perlas ay iminulat niya ang kanyang mga mata.
Laking pagtataka niya nang makita niyang mag-isa na lang siyang nakahiga sa sahig
at wala na iyong babaeng umatake sa kanya. Tiningnan niya iyong aparador at
nakapinid na ang pinto niyon.

“Bakit ka nakahiga diyan at sumisigaw?” ani Perlas habang papalapit ito sa


kanya.

Gulo ang isip at nalilito na tumayo si Sheena. Iginala niya ang kanyang
tingin sa buong silid ngunit wala siyang nakitang bakas ng babaeng iyon.

“Sheena!” Hinawakan siya ni Perlas sa magkabilang balikat at iniharap siya


nito sa kanya. “Anong nangyayari?”

“M-mama, may babae po sa a-aparador... S-sinakal niya po ako... tapos...


tapos...”

Binitiwan siya nito at binuksan nito ang aparador. Nang wala itong makita
doon na babae ay binalikan siya nito. Sa mukha pa lang nito ay ramdam niyang hindi
ito naniniwala sa kanya. “Walang babae. Ano bang nangyayari sa’yo, Sheena?”

“Pero, mama, nagsasabi po ako ng totoo! Sinakal niya po ako at ang sabi niya
ay mamamatay daw—“

“Tama na! Siguro ay kung anu-ano ang iniisip mo. Ang mabuti pa ay magpahinga
ka muna o baka naman gutom ka. Bumaba ka at kumain.”

“Mama...” Iyon na lang ang nasabi ni Sheena. Wala na siyang nagawa pa nang
iwanan na siya nitong mag-isa.
-----***-----

“GENER, paano kung makahalata si Sheena bago sumapit ang kaarawan mo?  Paano na
iyong—“

“Perlas, Perlas... Wala kang dapat ipag-alala. Tayo lang ang paniniwalaan ni
Sheena. Alam kong alam mo na natatakot ang babaeng iyon na paalisin natin siya dito
sa mansion. Malapit na ang kaarawan ko kaya matatapos na rin ito. Katulad lang ng
dati.”

Nakahiga na si Gener kasama si Perlas sa malaki nilang kama ng gabing iyon.


Sinabi sa kanya nito na parang may mga nagpapakitang multo kay Sheena.

“Sana nga. Nasasabik na kasi ako sa gagawin natin sa kaarawan mo...” ani
Perlas sa kanya.

TO BE CONTINUED...

=================

CHAPTER NINE- The Nightmare

CHAPTER NINE- The Nightmare

HINDI magawang makatulog ni Sheena nang gabing iyon. Paano ay hindi pa rin maalis
sa isipan niya iyong babae sa aparador. Nangangamba siya na baka magpakita na naman
ito sa kanya. Nakahiga na siya sa kanyang kama ngunit dilat na dilat pa rin ang
kanyang mga mata habang nakabalot sa kumot na ulo lang niya ang nakalabas. Bawat
maliliit na kaluskos na naririnig niya, sa labas man o sa mismong silid niya ay
naghahatid sa kanya ng mumunting kilabot.

Oo, pinalampas niya iyong sa basement at bathtub pero itong pangatlo ay hindi
na. Parang may kung ano sa bahay ng mga Clemente. Parang may mali. Hindi normal.
May parte na naman ng kanyang utak na sumisigaw na mag-imbestiga at alamin kung
bakit may mga nagpapakita sa kanya. Pero may parte rin ng utak niya na pumipigil na
gawin niya iyon. Paano kung magalit na naman sa kanya sina Perlas at Gener? Baka
palayasin na naman siya at hindi na pabalikin pa. Ayaw naman niyang mangyari iyon.
Isa pa, ipinangako niya sa kanyang sarili na hinding-hindi na niya sisirain ang
tiwala ng mag-asawa.

Bumangon muli si Sheena para magdasal. Nanalangin siya na sana ay maging


matiwasay ang pagtulog niya ngayong gabi. Sana ay walang kahit na anong
kababalaghan na gumambala sa kanya...

-----***-----
WALANG ideya si Sheena kung paano siya napunta sa lugar na ito. Isang lugar na
kahit kailan ay hindi niya makakalimutan. Maingay ang paligid. Samu’t saring boses
ang kanyang naririnig. May babae, may lalaki. May nag-uusap, may tumatawa at may
nagsisigawan. Dikit-dikit ang bahay at masukal ang paligid. Umaalingasaw ang
mabahong amoy na nanggagaling sa kanal na ang tubig ay hindi na makaagos dahil sa
tambak ng basura. Ito ang lugar kung saan siya lumaki.

“Paano ako napunta dito?” Nagtataka niyang tanong sa kanyang sarili.

Akmang maglalakad na siya paalis doon nang marinig niyang may tumawag sa
kanyang pangalan. Isang babae na humahangos papalapit sa kanya. Kilala niya ito sa
mukha pero hindi niya alam ang pangalan ng babae. Basta, sa pagkakatanda niya ay
isa ito sa mga kapitbahay nila.

“Bakit po?” tanong ni Sheena.

“Mabuti naman at umuwi ka na, Sheena! Halika! Umuwi ka na sa inyo!”

“Ha? Bakit po? Anong nangyari?”

“Ang nanay mo! Bilisan mo!”

“Anong nangyari kay nanay?” Biglang binalot ng pangamba si Sheena.

“Basta! Umuwi ka na!” anito.

Dahil sa paraan ng pagsasalita ng babae ay nagdesisyon si Sheena na huwag


munang lisanin ang lugar na iyon. Bagkus ay tinahak niya ang daan pauwi sa bahay
nila. Inalis muna niya ang takot niya sa kanyang amain na si Lando. Mas nanaig ang
kagustuhan niyang malaman kung ano ang nangyari sa nanay niya. Kahit naman mas
mahal nito si Lando kesa sa kanya na sarili nitong anak ay mahal niya pa rin ito.
Hindi niya nakakalimutan na ito pa rin ang nagdala sa kanya sa sinapupunan nito ng
siyam na buwan.

“Diyos ko! Huwag naman po sanang magkatotoo ang naiisip ko!” Mangiyak-ngiyak
na si Sheena habang naglalakad. Iba’t ibang senaryo na kasi ang naglalaro sa utak
niya.

Sa wakas ay nasa harapan na siya ng maliit nilang bahay. Tahimik ang paligid
at maliwanag sa loob.

Sadyang binagalan niya ang paglalakad. Hanggang sa makapasok na siya.

Walang tao doon. Kahit ang Tito Lando niya ay wala rin. Ngunit maraming upuan
at may isang kabaong na nakapwesto sa gilid ng bahay.
Hindi pa man niya nakikita kung sino ang nasa loob ng kabaong ay naiyak na
agad si Sheena.

Nakatakip sa bibig ang kamay na nilapitan niya ang kabaong at sumilip doon.
Mas lalo siyang napaiyak nang makita niya ang kanyang nanay na nakahiga doon.

“Nanay!!!” Palahaw niya.

Sobrang sikip ng dibdib niya dahil sa nalaman. Patay na ang kanyang ina.

“Nanay! Bakit niyo ako iniwan?!” Sayang. Hindi man lang ito nakatikim ng
kaginhawaan bago ito nawala sa mundo. Hindi man lang niya napalasap dito ang buhay
na pinapangarap niya para sa kanilang dalawa.

Ngunit ang pag-iyak ni Sheena ay napalitan ng takot nang biglang bumukas ang
mga mata ng nanay niya. Pulang-pula iyon at nanlilisik na nakatingin sa kanya.
Gumalaw ito at mabilis na sinakal siya sa leeg.

“Kasalanan mo ito! Kung hindi ka umalis, hindi ako mamamatay! Kasalanan mo


ito!!!” sigaw nito habang pahigpit nang pahigpit ang pagkakapiga nito sa kanya
leeg.

-----***-----

SA puntong iyon ay nagising na si Sheena mula sa panaginip na iyon. O kung


panaginip bang matatawag ang ganoong klaseng panaginip. Bangungot siguro. Pwede pa.
Ramdam niya ang pagtagaktak ng pawis sa kanyang mukha.

Igagalaw niya sana ang kanyang kamay para punasan ang pawis nang magtaka siya
dahil hindi niya iyon maigalaw. Sinubukan niyang kumilos pero kahit anong parte ng
kanyang katawan ay hindi niya maikilos. Kahit ang magsalita ay hindi rin niya
magawa.

Ipinikit niyang muli ang kanyang mga mata. Baka nananaginip ulit siya. Pero
sa puntong iyon ay hindi na niya maimulat ang kanyang mata. Tila naparalisado ang
buong katawan niya.

Anong nangyayari sa akin? sigaw ng utak niya.

Hanggang sa makarinig siya ng mga yabag ng paa na nanggagaling sa labas ng


kanyang kwarto. Sa klase ng yabag na iyon ay sigurado siyang hindi lang isang tao
iyon kundi marami. Tatlo? Apat? Lima? Hindi niya alam basta marami!

Umingit ang pinto ng kwarto niya. Ibig sabihin ay binuksan iyon.


Doon na nag-panic si Sheena. Hindi na niya alam kung ano ang nangyayari sa
paligid niya. Gustung-gusto na niyang igalaw ang katawan niya at sumigaw o humingi
ng saklolo pero hindi naman niya magawa. Malakas kasi ang pakiramdam niya na nasa
panganib siya ng oras na iyon.

Palakas nang palakas ang mga yabag hanggang sa marinig na niya iyon mismo sa
loob ng kwarto.

Pinipilit niyang ibukas ang kanyang mga mata ngunit tila may malakas na
pwersang pumipigil doon. May naramdaman siyang malamig na kamay na humawak sa
kanyang dalawang paa at sa kanyang mga kamay. Meron ding parang nakadagan sa
kanyang dibdib kaya biglang nahirapan siya sa paghinga.

Saktong pagtigil ng mga yabag ay naigalaw niya nang bahagya ang kanyang
hinliliit.

Sinubukan niyang igalaw ang kanyang kamay at naigalaw naman niya iyon.

Ibubukas na ba niya ang kanyang mga mata? Pero paano kung pagbukas ng kanyang
mata ay hindi niya magustuhan ang kanyang makikita? Natatakot na siya. Baka mabaliw
na siya sa mga nakikita niya dito sa bahay na ito. Pero wala naman siyang
pagpipilian kaya marahan niyang ibinukas ang kanyang mga mata. Wala naman siyang
kakaibang nakita. Normal naman ang lahat. Siguro nga ay panaginip lang ang lahat ng
iyon.

Huminga ng malalim si Sheena. Tumagilid siya ng higa at nagbalot ng kumot.


Matutulog na sana ulit siya nang may biglang sumitsit mula sa kanyang likuran.

Bigla siyang natigilan at kinabahan. Dahan-dahan siyang umikot paharap sa


kanyang likuran at ganoon na lang ang pagsigaw niya nang may makita siyang babae na
lumuluha ng dugo na katabi niya sa kama!

TO BE CONTINUED...

=================

CHAPTER TEN- The Come Back

CHAPTER TEN- The Come Back

PAGBALIKWAS nang bangon ni Sheena ay biglang nawala iyong babae sa kama niya. Agad
niyang iginala ang kanyang mata sa kabuuan ng kanyang silid ngunit wala naman
siyang nakita o napansin na kakaiba doon. Takot na takot na tumayo siya at binuksan
ang ilaw. Uminom siya ng tubig mula sa baso na nasa side table niya. Palagi siyang
may isang basong tubig doon kapag natutulog upang kapag nauhaw siya sa gabi ay
hindi na niya kailangan pang magtungo sa kusina.
Humihingal na inubos niya ang tubig at tumingin sa kawalan para kalmahin ang
kanyang sarili.

Napasabunot na lang siya sa sariling buhok. “Ano bang nangyayari sa akin?


Bakit may mga nagpapakita sa aking multo? Ano bang ginawa ko sa inyo?” naiiyak na
tanong ni Sheena sa kanyang sarili.

Nasa ganoon siyang pag-iisip nang biglang walang anu-ano ay bumaha ang kaba
sa kanyang dibdib. Naalala niya ang kanyang nanay pati na rin ang panaginip niyang
patay na daw ito.

“Nanay...” Wala sa sarili na bulalas niya.

-----***-----

“HINDI ka ba talaga namin mapipigilan, Sheena?”

“Perlas, hayaan na lang natin si Sheena na bisitahin ang tunay niyang ina.
Nangako naman siya na babalik siya matapos ang tatlong araw...” Hinawakan pa ni
Gener ang kamay ng asawa nito sabay tingin kay Sheena. “Hindi ba, Sheena? Babalik
ka dito gaya ng pangako mo?”

Napahinto si Sheena sa pagsubo ng itlog para sagutin si Gener. Kasalukuyan


silang kumakain ng almusal. “Oo naman po, mama at papa. Babalikan ko kayo. Kayo na
ang bago kong pamilya kaya hindi pwedeng hindi ako bumalik dito,” aniya.

Kagabi ay isang desisyon ang binuo ni Sheena—bibisitahin niya ang kanyang


nanay upang siguruhin na maayos ang kalagayan nito. Hindi talaga siya pinatulog ng
kanyang panaginip tungkol dito. Nangangamba siya na baka totoo o magkatotoo iyon.
Kahit naman pakiramdam niya ay mas mahal nito ang pangalawa nitong asawa kesa sa
kanya ay mahal na mahal pa rin niya ito. Kaya naman agad niyang sinabi sa mag-
asawang Clemente ang balak niyang pag-uwi muna nang sandali sa kanyang nanay habang
nag-aalmusal sila.

“Kami na pala ang bago mong pamilya, bakit kailangan mo pang bisitahin ang
iyong ina?” Mukhang tutol si Perlas sa pag-uwi niya.

“Oo nga po. Pero hindi talaga ako mapalagay dahil napanaginipan kong p-patay
na ang aking nanay.”

“Perlas, ano ba? Hayaan mo na si Sheena. Babalik siya dito.” ani Gener sa
asawa.

“Tatlong araw lang po, babalik din ako dito. Pangako...” aniya.
-----***-----

PINARA na ni Sheena ang tricycle dahil bababa na siya. Nagbayad siya ng buong
singkwenta pesos sa driver at hindi na niya kinuha pa ang sukli. Hindi na siya
nagpahatid pa kay Homer kahit nagpupumilit si Perlas na hindi ito papayag na
bumiyahe siya mag-isa.

Pagbaba niya sa bungad ng squatter’s area ay awtomatikong napangiti si


Sheena. Matagal-tagal din siyang nawala dito ngunit wala pa ring pinagbago ang
naturang lugar. Ganoon pa rin ito nang umalis siya dito. Sadyang mabagal ang
pagbabago sa lugar na kinalakihan niya.

Nagsimula na siyang maglakad papunta sa bahay nila kahit may kaba sa kanyang
dibdib. Panay ang usal niya ng dasal na sana ay walang masamang nangyari sa kanyang
nanay. Halos lahat ng tao na madaanan niya ay napapatingin sa kanya. Marahil ay
pamilyar pa rin sa mga ito ang mukha niya. Isa pa, sa ganda ng bihis niya ay
talagang pagtitinginan siya. Ganoon naman sa lugar nila, kapag may taong maganda
ang suot parang artista na ang tingin ng mga tao doon.

“Sino ba iyan? Parang pamilyar ang mukha...”

“Oo nga, ano? Baka galing ng abroad!”

“Kilala ko 'yan. Iyan 'yong anak ni Sonia.”

“Siya nga ba? Naku, oo nga! Iyan yata 'yong naglayas...”

Dinig na dinig ni Sheena ang bulungan ng mga babaeng nag-uumpukan para


magtsismisan.

Nagpatuloy lang siya sa paglalakad at hindi inintindi ang mga iyon.

“Sheena? Ikaw nga ba iyan? Oo nga, ikaw nga!” Gulat na gulat si Sheena nang
bigla siyang salubungin ng isang matabang ale na medyo may edad na.

Pilit na kinilala ni Sheena ang naturang babae hanggang sa matandaan niya


ito. “Aling Baby? Ako nga po ito, si Sheena. Kumusta po kayo?” bati ko.

“Okay lang naman ako. Saan ka ba galing na bata ka? Ang tsismis dito sa atin
ay naglayas ka daw. Ano ba talaga ang nangyari sa’yo, ha?”

Alam ni Sheena na sasagap lang ng tsismis si Aling Baby sa kanya kaya mas
minabuti niyang hindi sagutin ang tanong nito. “Mahabang kwento po, e. Si nanay nga
po pala? Nasaan po siya?” Inihanda na niya ang sarili sa kung anuman ang isasagot
nito sa kanya.
Napakamot ang matabang ale sa likod ng ulo nito. “Naku, ikaw na lang ang
umalam kung ano ang nangyari kay Sonia. Umuwi ka na sa inyo para makita mo.”

“Nangyari? May nangyari kay nanay?”

“Ah, basta! Umuwi ka para makita mo. Sige, diyan ka na. Welcome back nga
pala!”

“Sige po. Salamat...”

Nagmamadali na tinahak ni Sheena ang daan papunta sa kanila. Kulang na lang


ay tumakbo siya para makarating doon. Naabutan niya na nakabukas ang pinto ng
kanilang bahay kaya naman tuloy-tuloy na lang siyang pumasok at hinanap agad ang
kanyang nanay.

“Nanay? 'Asan po kayo?” Nagpaikot-ikot siya sa loob ng bahay ngunit hindi


niya ito nakita.

Nagulat na lang siya nang makita niya si Lando na nasa bungad ng pintuan.
Nakangisi ito na parang demonyo habang nakatingin sa kanya. Bigla tuloy siyang
kinilabutan kaya napaatras siya. Bumalik sa alaala niya nang tangkain siya nitong
halayin. At buhay pa pala ito matapos niya itong pukpukin ng panghilod sa ulo.
Kahit papaano ay nagpasalamat na rin siya na hindi niya ito napatay. Ibig sabihin
ay walang dahilan para magtago siya.

“Aba at bumalik ka na pala!” Lasing pa yata ito dahil halos hindi na niya
maintindihan ang pagsasalita nito. Pumasok ito at umupo sa papag na naroon. Humila
ito ng isang lamesa at may ipinatong doon. Alam niya ang bagay na iyon. Shabu.

Noon pa man ay alam na niya ang bisyo ng amain. Kahit ang ina niya ay alam
ito pero hindi na lang nila pinapansin.

Kinuha din ni Lando ang aluminum foil at gasera. SInindihan nito iyon at
inumpisahan ang paggamit ng shabu. Nakamasid lang siya dito habang pinaglalabanan
ang takot.

“Si n-nanay... nasaan siya?” tanong niya.

Hindi ito nagsalita. Patuloy lang ito sa ginagawa.

“Nasaan si nanay?” Medyo nilakasan na niya ang boses.

Tumigil ito sa pagsingho ng usok at tumingin sa kanya. Namumula ang mga mata
nito nang ngitian siya. “Ah... Si Sonia? Talaga bang gusto mong makita ang nanay
mo?” anito.

Tumango siya bilang pagsagot.

Pasuray-suray na tumayo si Lando at nilapitan siya. Marahas siya nitong


hinawakan sa braso. “Halika! Dadalhin kita kung nasaan ang hayop mong nanay!”
Nanlilisik ang mga mata na sabi nito sa kanya.

TO BE CONTINUED...

=================

CHAPTER ELEVEN- The Rescue

CHAPTER ELEVEN- The Rescue

“ANO ba, Lando? N-nasasaktan ako?” Panay ang piksi ni Sheena habang hawak sa braso
at hinihila siya ni Lando papunta sa likod ng kanilang bahay.

“Gusto mong makita ang nanay mo, 'di ba? Kaya nga dadlhin na kita sa kanya,
e! 'Ayan siya!”

Pagdating nila sa likod-bahay ay marahas siyang binitiwan ni Lando sabay


tulak. Nakayuko siyang bumagsak sa lupa. Tumama pa sa maliliit na bato ang kanyang
tuhod at palad kaya naman napangiwi siya sa sakit. Kahit kailan talaga ay hindi
marunong gumalang sa babae ang kanyang amain.

“S-shee... Shee... n-na...”

Isang garalgal at tila nahihirapang boses ang nagpaangat ng ulo ni Sheena.


Sumabog agad ang luha sa kanyang mga mata nang makita niya ang kanyang nanay na si
Sonia. Napakadumi ng suot nitong bestida. Magulo ang buhok na naninigas na.
Nilalangaw din ang ilang sugat nito sa braso at paa. Ang higit na ikinadurog ng
puso niya ay nakakulong ito sa isang kulungan na yari sa bakal at may kandado pa
iyon. Para itong isang aso, isang hayop na nakakulong doon. Nakaupo lang ito dahil
hindi ito maaaring tumayo sa liit ng kulungan.

Tumayo si Sheena at hinarap si Lando. “Hayop ka! Anong ginawa mo sa nanay


ko?!” Akmang sasampalin niya ito pero agad nitong nasalag ang kanyang kamay.

“Bakit mo ako sasampalin? Dapat nga ay magpasalamat ka pa sa akin!” Tatawa-


tawa nitong sagot.

“Demonyo ka! Hayop!” gigil na mura niya dito. Walang putol ang pag-agos ng
luha sa kanyang mga mata.
Napakasakit para sa isang anak ang makita ang nanay nito sa kalunos-lunos na
kalagayan gaya nang sa nanay niya. Parang kinuyumos ang puso niya sa sobrang sakit.
Parang ilang libong beses siyang sinaksak ng kutsilyo sa kanyang dibdib.

“Baliw na ang nanay mo! Nasobrahan sa shabu! Tapos kakaisip sa’yo, 'ayan!
Nabaliw! Kasalanan mo rin naman kung bakit nasiraan ng ulo 'yang si Sonia! Kung
hindi ka umalis—“

Itinulak niya si Lando para makawala siya dito. Sa hawak pa lang nito ay
nandidiri na siya. “Kung hindi mo sana ako tinangkang gahasain, hindi ako aalis
dito!” Tinalikuran niya ito at lumapit sa kulungan ng kanyang nanay. Pinilit niyang
buksan ang pinto niyon pero matibay ang kandado. Muli siyang humarap kay Lando
upang tanungin kung nasaan ang susi.

“Nandito.” Turo nito sa bulsa ng pantalon nito. “Pero hindi ko sa’yo


ibibigay. Nagwawala ang baliw na iyan kapag pinakawalan. Perwisyo lang sa
kapitbahay!”

“Ibigay mo sa akin ang susi! Aalis na kami dito ni nanay. Isasama ko na siya.
Ako na lang ang mag-aalaga sa kanya. Ipapagamot ko siya sa Maynila,” aniya sa
pagitan ng pagpupunas ng luha.

Malakas at nakakaloko na tinawanan lang siya ni Lando. “Ano ako? Tanga?!


Hindi mo isasama si Sonia kung hindi ako kasama, Sheena!”

“Hayop ka! Hayop ka!” Sinugod niya ito at pinagbabayo sa dibdib.

“Kanina mo pa ako tinatawag na hayop, ah! Pwes, magpapaka-hayop talaga ako!”

Hinawakan siya nito sa magkabilang kamay at itinulak. Napahiga siya sa lupa.


Tatayo na sana siya ngunit inupuan siya agad ni Lando sa may tiyan niya. Nakaramdam
siya ng takot nang makita niya ang pagnanasa sa mga mata nito. Doon pa lang ay alam
na niya agad ang gagawin nito sa kanya.

“Tulong—“ Mabilis na tinakpan nito ang kanyang bibig sa pamamagitan ng kamay


nito.

Dumukwang pa ito para dilaan ang kanyang pisngi. Ganoon na lang ang kilabot
na gumapang sa kanyang katawan sa ginawa nito. Nagpumiglas siya pero wala siyang
laban sa bigat at pwersa ni Lando.

“Alam mo bang gigil na gigil ako sa’yo, Sheena? Ilang beses kitang
sinisilipan kapag naliligo ka. Nakita ko na ang lahat-lahat sa’yo kaya alam ko kung
gaano ka kasarap!”
Sa isip ay pinagmumura ito ni Sheena.

Kailangan niyang lumaban. Hindi siya makakapayag na magtagumpay ito sa balak


nito. Hindi kailanman lalo na at nasa harap sila ng kanyang nanay. Napaka-demonyo
talaga ni Lando. Hindi na nito binigyan ng galang ang kanyang ina at gagahasain pa
siya sa harapan nito.

Sa gilid ng kanyang mata ay nakikita ni Sheena si Sonia. Nakatingin lang ito


sa kanila ngunit lumuluha. Tila gusto nitong tulungan siya sa hitsura nito ngunit
alam niyang wala din naman itong magagawa dahil sa kalagayan nito. Sa wari niya ay
totoo nga ang sinasabi ni Lando na nawala na ito sa katinuan. Kung totoo man ang
sinabi nito nasobrahan ito sa bawal na gamot ay hindi niya alam.

Nag-umpisang nang gumalaw ang isang kamay ni Lando. Naglakbay ito agad sa
kanyang dibdib. Halos maglaway pa nga ito sa labis na kasabikan.

Mariing pumikit si Sheena at nag-ipon ng lakas. Pagbukas ng mata niya ay


nakita niyang tinanggal na ni Lando ang kamay nito sa kanyang bibig. Ang akala yata
nito ay hindi na siya lalaban porket pumikit na siya. Papalapit na ang mukha nito
para halikan siya at mukhang iyon na ang hinihintay niyang pagkakataon.

Ubod ng lakas na inihampas niya ang sarili niyang ulo sa ulo ni Lando.
Malakas na napasigaw si Lando. Natumba ito habang sapo ang noo. Sa lakas ng
pagkakahampas niya ay dumugo ang ulo ng hayop na lalaki. Kinapa niya ang sariling
noo at nagpasalamat siya sa Diyos na wala naman siyang sugat o ano doon. Medyo
masakit nga lang.

Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras, kahit medyo nahihilo pa ay tumayo na


siya at nilapitan si Lando. Kailangan niyang makuha dito ang susi! Tinadyakan niya
ito sa mukha para mapasigaw ito. Isa pang tadyak ngunit nahawakan nito ang kanyang
paa dahilan para mawalan siya ng balanse at muling matumba.

“Hayop kang babae ka!!! Papatayin kita—“

Isang malakas na tadyak pa ang pinatama niya sa mukha nito at nakatulog na


ito.

Nang masiguro niyang hindi na ito gagalaw pa ay saka lang niya kinuha ang
susi sa bulsa nito. Muli na naman siyang naiyak nang mabuksan niya ang kulungan ng
kanyang nanay. Awang-awa talaga siya sa ginawa dito ng amain niya. Oo nga, siguro
ay nasiraan na ito ng bait ngunit hindi iyon sapat na dahilan para ikulong ito na
parang isang hayop. Mas sira-ulo pa ang Lando na iyon kesa sa nanay niya.

“Sheena? I-ikaw ang anak ko...” sabi ng nanay niya sa kanya nang makalabas na
ito. Hinaplos-haplos pa nito ang kanyang mukha.

“Opo, nanay... Ako nga po. Ang anak niyo...” Napakasarap pakinggan nang
tawagin siya nitong anak. Kaytagal nang panahon kasi na hindi siya nito tinawag na
ganoon simula nang dumating sa buhay nila sa Lando. Sa lalaking iyon na lang kasi
umikot ang mundo nito dahil sa labis na pagmamahal.

“Saan tayo pupunta?” tila isang batang walang muwang na tanong nito.

“Sasama na po kayo sa akin, nanay... Hindi na po tayo magkakahiwalay!” At


mahigpit niya itong niyakap.

Inalalayan niya itong makalabas ng bahay nila. Nagpatawag siya ng pulis sa


mga taong naroon upang ipahuli si Lando. Nang araw din na iyon ay tinawagan niya si
Perlas at sinabi niya dito na kung maaari ay magpapasundo siya kay Homer. Sinabi
din niya dito na isasama na niya ang kanyang nanay pag-uwi at agad naman na pumayag
ito.

Halos isang oras din ang lumipas bago dumating ang mga pulis. Agad na hinuli
si Lando. Alam naman pala ng mga tao doon ang nangyayari sa nanay niya ngunit
sadyang takot lang ang mga ito kay Lando dahil nga sa isa itong adik at basagulero.

“Hindi na po ako papayag na may manakit pa sa inyo, nanay...” ani Sheena


sabay halik sa noo ng kanyang nanay. Nakatanaw sila sa papalayong police car kung
saan lulan ang hayop na si Lando.

TO BE CONTINUED...

=================

CHAPTER TWELVE- The Mother

CHAPTER TWELVE- The Mother

“OO naman, iha. Welcome na welcome dito ang nanay mo—si Sonia, sa bahay. Ang mahal
mo ay mahal na rin namin kaya huwag kang mag-alala kung dito man siya titira.”
Napakalaki ng ngiti ni Sheena nang pumayag si Perlas nang magpaalam siya dito na
kung pwede ay dito na sa bahay nila tumira ang tunay niyang ina.

Tila isang bata na palinga-linga lang ang kanyang nanay sa malawak na salas
ng mga Clemente habang nakaupo ito sa magandang upuan. Katabi niya ito at
magkahawak sila ng kamay.

“Salamat po, mama. Gusto ko rin po sanang ipagamot si nanay dahil nasiraan po
siya ng bait dahil sa ginawa sa kanya ni Lando.”

“Walang problema. Mamaya ay tatawagan ko ang kilala kong psychiatrist upang


magamot ang nanay mo at bumalik sa normal ang isip niya. Pero bago iyan, iakyat mo
muna siya sa guest room. Ako na ang gagamot sa mga sugat niya.”
“Naku, ako na lang po—“

“No. Ako na, Sheena. Ang gawin mo ay magpahinga ka sa iyong silid. Alam kong
pagod ka... Magpahinga ka.”

Tumango siya. Tama ito. Ngayon lang niya naramdaman ang labis na pagod.

Nagpasalamat siyang muli kay Perlas at saka niya ito dinala sa guest room sa
third floor ang kanyang nanay. Bago niya ito iwanan doon ay ginawaran muna niya ito
ng halik sa pisngi na puno ng pagmamahal.

-----***-----

MABIBIGAT ang hakbang ni Perlas habang papunta siya sa guest room kung saan naroon
ang tunay na nanay ni Sheena. Kasunod niya si Felina na siyang may dala ng mga
gamot at gagamitin niya sa paglilinis ng sugat ni Sonia. Hindi totoo na gusto
niyang narito ang nanay ni Sheena sa bahay nila dahil kung sakali ay magiging
hadlang ito sa mga plano nilang mag-asawa.

Pagbukas niya ng pinto ng guest room ay naabutan niyang natutulog si Sonia sa


kama. Ang dumi-dumi nito at mabaho. Agad na nanlisik ang mga mata niya. Ipinasara
niya kay Felina ang pinto at agad na nilapitan si Sonia. Isang malakas na sampal
ang pinadapo niya sa mukha nito kaya dagli itong nagising.

“Bakit ka natutulog sa mabango at malinis na kamang iyan?! Ang dumi-dumi mo!”


Sinabunutan pa niya ito sabay hila pababa ng kama.

Umiyak lang ito sa ginawa niya at walang sinabing kahit anong salita. Takot
na takot na nakatingin lang ito sa kanya habang nakalupasay sa sahig.

Nandidiri na binitiwan ni Perlas ang buhok ni Sonia. “Felina! Ang alcohol!”

Tumalima agad si Felina. Halos ibuhos niyang lahat ang laman ng alcohol sa
kamay niya dahil diring-diri siya sa paghawak kay Sonia. Pakiramdam niya ay ilang
milyong mikrobyo ang kumapit sa kanya.

“Felina, ikaw na ang bahala sa basurang iyan! Gawin mo ang sinabi ko sa’yo
kanina.”

“Opo, senyora...” anito at iniwan na niya si Felina at Sonia sa silid na


iyon.

-----***-----
PAGOD na pagod na ibinagsak ni Sheena ang kanyang katawan sa kanyang kama ngunit
may ngiti sa kanyang mga labi. Napakasaya niya dahil sa wakas ay magkakasama na
ulit siya ng kanyang tunay na ina. Kahit naman inampon na siya ng mga Clemente ay
hindi pa rin niya ito nakakalimutan, mahal niya pa rin ito. Nakikini-kinita na niya
na kasama niya ito sa pagginhawa ng kanyang buhay. Nagpapasalamat din siya kay
Perlas na pumayag itong makasama niya ang kanyang nanay sa bahay nito. Tunay ngang
napakabuti nito at ni Gener.

Hiling na lang niya ay maging maayos ang lahat ngayon at wala nang maging
problema.

Hindi pa man nagtatagal sa pagkakahiga ay nakaramdam na agad ng pamimigat ng


mga mata si Sheena. Pumikit na siya upang matulog at makapagpahinga...

-----***-----

WALANG ideya si Sheena kung paano siya napunta sa labas ng bahay ng mga Clemente.
Medyo madilim ang kapaligiran ngunit hindi niya masabi kung gabi na ba o umaga pa.
Tila nag-aagaw ang dilim at liwanag sa kalangitan. Bigla ay bumigat ang kanyang
pakiramdam nang unti-unting bumuhos ang ulan.

Tumakbo siya papasok ng bahay at sa main door pa lang ay sinalubong na siya


niya Perlas at Gener. Parehas nakasuot ng itim na damit ang dalawa. Magtatanong
sana siya kung anong meron ngunit natigilan siya nang may makita siya sa loob ng
bahay. Isang itim na kabaong!

Bakit may kabaong? Sino ang patay? Nalilitong tanong niya sa sarili.

Tuluyan na siyang pumasok sa loob ng bahay at naglakad palapit sa kabaong.


Ganoon na lang ang lakas ng kabog ng dibdib niya sa bawat hakbang na ginagawa niya.

Sa pagsilip ni Sheena sa kabaong ay siya ring pagpatak ng luha sa kanyang mga


mata.

“H-hindi... Hindi ito totoo... N-nanay?” Halos panawan na siya ng ulirat sa


pag-iyak nang malaman na ang tunay niyang ina ang nasa loob ng kabaong na iyon.

Tumingin siya kina Perlas at Gener para itanong sa mga ito kung bakit namatay
ang kanyang nanay pero naglakad na ang dalawa palabas ng bahay. Naiwanan siyang
mag-isa na humahagulhol at hindi malaman ang gagawin.

-----***-----

“NANAY!”

Napabalikwas ng gising si Sheena mula sa panaginip na iyon. Humihingal siya


at may luha pa sa mga mata na parang totoo ang napanaginipan niya. Damang-dama niya
ang lungkot ng sandaling iyon kahit alam niyang panaginip lang naman na namatay ang
nanay niya.

Masamang pangitain na naman ba ito? Ibig bang sabihin ay may hindi magandang
mangyayari sa nanay niya? Ngunit paano mangyayari iyon ngayong magkasama na silang
dalawa?

“Stress lang siguro ito kaya nanaginip ako ng ganoon...” Pangungumbinse pa


niya sa sarili.

Bumaba muna siya ng kama at dumungaw sa bintana upang sumagap ng sariwang


hangin. Malapit na palang gumabi dahil nababahiran na ng kulay kahel ang ilang
bahagi ng kalangitan. Awtomatikong napangiti si Sheena. Hindi na dapat niya iniisip
ang panaginip niya kanina dahil imposibleng mangyari iyon.

Isang malalim na paghinga pa ang pinakawalan niya.

Aalis na sana siya sa pagkakadungaw sa bintana nang may biglang dumaan sa


harapan niya. Tila isang malaking bagay na nahulog mula sa itaas.

Isinungaw na niya ang ulo at tumingala at nakita niyang nakabukas ang bintana
sa guest room kung saan naroon ang kanyang nanay. Bigla siyang kinabahan. Tiningnan
niya agad ang nahulog na bagay mula sa itaas at ganoon na lang ang pagkahindik niya
nang malaman na hindi isang bagay iyon kundi isang tao! Ang kanyang nanay!

“Nanay!!!” Malakas na sigaw ni Sheena.

Halos mabaliw siya sa pagsigaw at pag-iyak nang makita niya ang sinapit nito.
Humampas marahil sa bato ang ulo nito nang mahulog kaya dumudugo iyon at ang
katawan nito ay saktong tumusok sa bakal na bakod para sa mga tanim na bulaklak ni
Perlas.

Humahangos na lumabas siya ng kanyang kwarto upang puntahan ito.

TO BE CONTINUED...

=================

CHAPTER THIRTEEN- The Burial

CHAPTER THIRTEEN- The Burial

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Sheena na ang nanay niya ang nasa
loob ng puting kabaong na nasa harapan niyan. Walang tigil ang iyak niya kahit
ngayong ika-tatlo at huling gabi ng lamay nito. Patay na ito o mas tamanag sabihin
na nagpakamatay ito. Ayon kay Perlas ay saglit lang niya itong iniwanan sa guest
room at pagbalik niya ay nakita niya itong akmang tatalon sa bintana habang
tumatawa. Huli na para mapigilan nito ang pagtalon ng kanyang nanay. Sa kwento ni
Perlas ay nahinuha nilang nagpakamatay ang kanyang nanay dahil wala ito sa
katinuan. Hindi nito alam ang ginagawa nito at isang aksidente ang nangyari.

Napakasakit na wala pang isang araw na nakasama niya ito simula nang maglayas
siya sa kanila. Hindi rin niya mapigilan na sisihin ang kanyang sarili. Marahil ay
buhay pa ito hanggang ngayon kung hindi niya ito iniligtas sa kamay ni Lando. Kahit
sana nakakulong ito doon sa makipot na kulungan, basta alam niyang buhay ito.

Siya lamang ang nasa salas ng gabing iyon. Wala naman silang kamag-anak sa
lugar na ito. Marahul, kung sa lugar nila ibinurol ang nanay niya ay napakaraming
tao ang maglalamay. Iyong iba ay magsusugal o hindi kaya ay makikikain sa libreng
sopas at biskwit.

“Patawarin mo ako, 'nay... Kung alam ko lang sana...” Mahina at umiiyak


niyang turan.

Naramdaman niyang may umupo sa tabi niya. Paglingon niya sa kanyang tabi ay
nakita niyang naroon sina Perlas at Gener. Kapwa naka-itim ang dalawa at talagang
may suot na itim na belo pa si Perlas.

“Nakikiramay kami sa pagkamatay ng iyong ina, Sheena. Kung hindi ko sana siya
iniwan ay hindi siya mamamatay ng araw na iyon.” Basag ang boses na turan ni
Perlas.

Inabot niya ang kamay ng ina-inahan at pinisil iyon. “Huwag niyo pong sisihin
ang sarili niyo, mama. Walang may kagustuhan ng nangyari. Siguro ay hanggang doon
na lang talaga ang buhay ni Nanay Sonia,” aniya bagaman at napakabigat pa rin ng
dibdib niya. Ayaw niya lang sisihin ni Perlas ang sarili nito.

“Diyan ka muna, iha. Ipagdarasal ko lang si Sonia...” Tumayo na si Perlas at


nagtungo ito sa harapan ng kabaong habang naiwan sila ni Gener sa pagkakaupo.

-----***-----

ISANG mala-demonyong ngiti ang sumilay sa labi ni Perlas nang makita niya ang
bangkay ni Sonia na nasa loob ng kabaong. Ngayon ay wala nang hahadlang pa sa plano
nilang gawin ni Gener kay Sheena sa nalalapit na kaarawan ng una.

Pasensiya ka na lang talaga, Sonia... Ayaw kasi namin ng balakid kaya


kailangang mawala ka na! Masayang turn niya sa kanyang sarili haban titig na titig
sa nakapikit na si Sonia.

Hindi naman totoo ang sinabi niya na nagpakamatay si Sonia. Ang totoo ay
inutusan niya si Felina na patayin ito. At matalino naman si Felina dahil nagawa
nitong palabasin na nagpakamatay si Sonia. Nakaiwas sila sa imbestigasyon ng mga
pulis.

Ngayon ay mas nasasabik na tuloy siya sa mangyayari sa kaarawan ni Gener na


gaganapin sa resthouse nila sa Rizal.

Hindi naman talaga nila inampon si Sheena para gawing anak. Inampon nila ito
para patayin! Ang pumatay kasi ng mga inosenteng kabataan ang kinahihiligan nilang
mag-asawa. Kung bakit? Iyon ay dahil sa minsan na silang namatayan ng anak. Ang
nag-iisa nilang anak na si Angelica. Nasa resthouse sila noon sa Rizal upang
ipagdiwang ang kaarawan ni Gener, halos sampung taon na rin ang nakakaraan. Masaya
na sana ang araw na iyon ngunit pinasok sila ng tatlong kabataan na puro lalaki at
pinagnakawan sila. Nakagamit pa yata ng ipinagbabawal na gamot ang tatlo kaya nang
makita ng mga ito ang anak nilang si Angelika na napakaganda ay ginahasa ito—
mismong sa harapan nila! Habang nakatali silang mag-asawa at walang magawa kundi
ang umiyak at magmakaawa. Namatay si Angelica sa pangyayaring iyon. Walang awa na
ginilitan ito sa leeg nang makatakbo ito.

Halos mabaliw silang mag-asawa sa nangyari. Nagdemanda sila ngunit hindi


nakasuhan ang tatlong lalaking iyon dahil menor de edad. Hindi nila matanggap na
ganoon na lang ang mangyayari. Nagsusumigaw sa pagkatao nilang dalawa ang
kagustuhan nilang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Angelica. Kaya naman
inilagay na nila sa kamay nila ang batas. Pinatay nila ang tatlong lalaki mismo sa
resthouse nila sa Rizal. At simula noon, ay tila nagustuhan na nila ang pagpatay ng
mga kabataan tuwing sasapit ang kaarawan ni Gener. Taon-taon nilang ginagawa iyon
bilang pag-alala sa namatay nilang anak na si Angelica.

Ang pinaka madaling paraan na makakuha ng papatayin na bata ay ang mag-ampon


kaya iyon ang ginagawa nila. Katulad ng ginawa nila kay Sheena. Aampunin nila ito
ngunit sa kaarawan ni Gener ay papatayin din nila ito gaya ng mga nauna nilang
inampon. Hindi naman totoo na kamukha ni Sheena si Kayla dahil wala silang anak na
Kayla. Drama lang nila iyon para maramdaman ni Sheena na totoo sila sa kagustuhan
nilang ampunin ito. Ganoon din ang ginawa nila sa iba nilang inampon. Palagi nilang
sinasabi na kamukha ng mga ito ang namatay nilang anak. At ang mga silid sa itaas?
Isa lamang iyong “props” sa palabas nila. Isang silid para sa lalaki, isa sa babae,
isa sa kambal na babae, isa sa kambal na lalaki at isa sa kambal na lalaki at
babae. Kung anong kasarian ng ampon nila ay sa nararapat na silid nila pinapatulog
upang mapanindigan nila ang kanilang palabas.

Pinahid ni Perlas ang luhang biglang namaliibis sa kanyang pisngi na nagmula


sa kanyang mata. Hindi iyon luha sa pagkamatay ni Sonia, luha iyon dahil naalala na
naman niya si Angelica.

Huwag kang mag-alala, Sonia... Ilang araw na lang naman at susunod na sa iyo
ang anak mong si Sheena. Magkakasama na rin kayo! bulong niya bago siya tuluyang
umalis sa harapan ng kabaong.

-----***-----

“SHEENA, hindi ka pa ba tutulog? Ala una na ng madaling araw...”


“Okay lang po ako, mama. Huling lamay na naman po ngayon kaya lulubusin ko na
ang pagkakataon na makasama ang katawang-lupa ng nanay ko...” sagot ni Sheena kay
Perlas nang lapitan siya nito habang nasa harapan siya ng kabaong at panay ang
haplos dito.

Niyakap siya ni Perlas at hinagkan sa noo. “Sige, mauuna na ako sa taas.


Maiwan na kita dito. Kung maaari sana ay matulog ka kahit saglit dahil maaga ang
libing ng nanay mo.”

“Sige po. Magpahinga na rin po kayo. Salamat...”

Nang mapag-isa na si Sheena ay muli niyang minasdan ang ina na nasa loob ng
kabaong. Ang laki ng panghihinayang niya na hindi man lang sila nito nagkaayos bago
ito nawala. Hindi man lang niya ito naipagamot.

Maya maya ay may napansin siyang kakaiba sa mukha ng kanyang nanay.


Namamalik-mata lang ba siya o totoong gumagalaw ang talukap ng mata nito? Hindi
malaman ni Sheena kung matatakot ba siya o matutuwa sa nakikita niya.

“N-nanay?” tawag niya.

At ganoon na lang ang gulat niya nang biglang bumukas ang mga mata nito.
Bilog na bilog iyon at nakatingin sa kanya. Nakabukas pa ang bibig nito na parang
sumasagap ng hangin. Sa gulat niya ay napaatras siya at natumba. Bumukas ang takip
ng kabaong at mula doon ay dahan-dahan na bumaba ang kanyang nanay. Ganoon pa rin
ang hitsura nito—dilat ang mga mata at nakabukas ang bibig. Sa bawat ginagawa
nitong paggalaw ay naririnig niya ang pagtunog ng buto nito sa katawan.

“N-nanay?” Hindi makapaniwala si Sheena na nakatayo ito sa kanyang harapan.

Bigla siyang sinunggaban ng kanyang nanay sa kanyang leeg at mahigpit na


sinakal. “Umalis ka na dito! Umalis ka na!” Hindi bumubuka ang bibig nito ngunit
naririnig niyang nagsasalita ito.

Pahigpit nang pahigpit ang pagkakapiga nito sa kanyang leeg. Pakiramdam niya
ay sasabog na ang kanyang dibdib dahil hindi na nakakalabas ang hangin na naroon.
Hanggang sa unti-unting nanlabo ang kanyang paningin at nawalan na siya ng malay-
tao.

TO BE CONTINUED...

=================

CHAPTER FOURTEEN- The Vacation


CHAPTER FOURTEEN- The Vacation

TAGAKTAK ang malamig na pawis sa mukha ni Sheena nang magising siya mula sa
panaginip na iyon. Nakatulog na pala siya sa mahabang upuan na nasa harapan ng
kabaong ng kanyang nanay. Agad siyang nagtungo sa kusina para uminom ng tubig.
Gusto niyang mahimasmasan mula sa panaginip iyon—isang masamang panaginip.

Naisapo niya ang kamay sa kanyang ulo. Bakit tila iisa lang ang ibig
ipahiwatig ng mga panaginip at mga multong nagpapakita sa kanya? Parang...
pinapaalis siya sa bahay ng mga Clemente...

Inisip na lamang ni Sheena na dala lang ng lungkot kung bakit siya nanaginip
ng ganoon. Nang araw din na iyon ay matiwasay na naihatid nila sa huling hantungan
ang nanay niya. Labis ang kalungkutan at paninisi niya sa kanyang sarili.

Nang sumunod na araw ay walang ginawa si Sheena kundi ang magkulong sa


kanyang silid. Isang beses sa isang araw na lang din siya kung kumain. Hinahayaan
na lang siya ng mga kasama niya sa bahay dahil alam naman ng mga ito na nagluluksa
siya.

Hanggang sa sumapit na ang bisperas ng kaarawan ni Gener. Ayaw sanang sumama


ni Sheena sa mag-asawa dahil ayaw niyang magsaya sa kanyang pagluluksa ngunit alam
niyang magtatampo ang mga ito sa kanya kapag ginawa niya iyon. Siguro ay isasantabi
muna niya ang kalungkutan kahit isang araw lang para sa Papa Gener niya. Ayaw naman
niyang makita siya nitong malungkot sa espesyal na araw iyon.

“Wala na ba tayong nakalimutan?” tanong ni Perlas nang nasa sasakyan na sila.


Ang kulay puting van ang gagamitin nilang sasakyan papunta sa sinasabing resthouse
ng mga Clemente sa Rizal.

“Wala na po, senyora.” Mabilis na tugon ni Felina na kasama rin nila.

Maging si Homer ay kasama din dahil ito ang magmamaneho.

“Sige, umalis na tayo dahil mahirap na kapag ginabi tayo sa daan,” ani
Perlas.

Mag-isa lang sa unahan si Homer. Habang nasa iisang upuan lang siya kasama
ang mag-asawa at si Felina naman ay nasa likuran kung saan nakalagay ang kanilang
mga gamit.

Napansin lang ni Sheena na talaga nga yatang mahilig mangaso si Gener dahil
sa mga dala nitong gamit. Pana, shotgun at may dala pa itong parang mahabang
kutsilyo. Medyo nasasabik na rin siyang samahan ito sa pangangaso dahil unang beses
niyang gagawin iyon. Kahit papaano siguro ay makakalimot siya sa kalungkutang
pinagdadaanan kahit sandali lamang.
“Sheena, anak, okay ka lang ba?” Napansin yata ni Perlas ang pananahimik
niya. Katabi niya ito sa upuan. Nasa tabi siya ng bintana at pinagmamasdan ang mga
tanawin sa labas.

Humarap siya dito at ngumiti ng pilit. “Opo, mama.” Matipid niyang sagot.

“Alam kong hanggang ngayon ay nagluluksa ka pa rin. Pasensiya na kung


kinakailangan nating mag-celebrate dahil sa kaarawan ng papa mo.”

“Wala po 'yon. Naiintindihan ko naman po dahil nasabi niyo na rin sa akin


bago pa man mamatay ang nanay na taon-taon niyo na itong ginagawa. Ayoko namang
masira ang tradisyon niyo dahil doon.”

“Napakabait at maunawain mo talaga, Sheena! Hindi talaga kami nagkamali na


ampunin ka.”

“Hindi rin naman po ako nagkamali na magpaampon sa inyo.”

Kinabig siya ng ginang at inihilig niya ang kanyang ulo sa balikat nito.
“Kung inaantok ka ay matulog ka muna, Sheena. Ilang oras din ang biyahe bago tayo
makarating doon,” anito.

-----***-----

PAGKAMANGHA sa ganda ng lugar ang agad na naramdaman ni Sheena pagkababa niya ng


sasakyan nila. Tunay ngang para siyang nakatagpo ng nakatagong paraiso nang
marating niya ang resthouse ng mga Clemente sa Rizal. Nasa harapan niya ang isang
malaking bahay na yari sa malalaking katawan ng puno at ang bubong ay adobe. Kahit
gawa iyon sa ganoong materyal ay halata namang pulido at matibay ang pagkakagawa
niyon. Sa likod ng resthouse ay may man-made na falls. Nakaka-relax ang naririnig
niyang lagaslas ng tubig mula doon. gunit bago nila marating iyon ay kalahating
oras din silang naglakbay sa kasukalan gamit ang sasakyan. Nahirapan sila sa byahe
dahil hindi naman sementado ang daan. Mabato at maputik dahil umulan yata doon
kanina o kahapon.

Makakaramdam ka talaga ng kapayapaan sa lugar na ito dahil nag-iisa lang ang


bahay na iyon sa gitna ng kasukalan.

“Nagustuhan mo ba, iha?” tanong ni Gener sa kanya na katulad niya ay hindi


rin maalis ang ngiti sa labi.

Mabilis siyang tumango. “Opo, papa! Ang ganda dito. Sobra!” masayang sagot
niya.

“Mas matutuwa ka kapag nakapasok ka sa loob ng bahay, iha...” ani Perlas.


“Kung ganoon po ay tara na sa loob!” Nasasabik na sabi niya.

Inutusan na ni Perlas si Felina na buksan ang main door habang si Homer naman
ay isa-isa nang ibinababa ang mga gamit na dala nila.

Hindi nga nagsisinungaling si Perlas, dahil pagkapasok niya sa loob ay mas


lalong namangha si Sheena sa kanyang nakita. Simple lang ang pagkakaayos ng mga
gamit ngunit iyon ang naging dahilan para maging maayos at maganda ang kabuuan ng
bahay. Dalawang palapag lamang iyon at may apat na kwarto sa itaas. Ayon kay Gener
ay pwede siyang mamili ng kahit na anong kwarto na gusto niya. Ang pinili niya ay
iyong kwarto na ang bintana ay tanaw niya ang falls.

Matapos maiayos lahat ng gamit ay nagpahinga muna silang lahat. Medyo maaga
pa naman para sa tanghalian.

-----***-----

PAGKAGISING ni Sheena ay agad siyang lumabas sa kanyang silid. Walang tao sa loob
ng resthuse kaya naman lumabas siya. Doon ay nakita niya ang apat na kasama. May
hawak na fishing rod si Gener kaya tinanong niya ito kung mangingisda ito.

“Bakit mo tinatanong, iha? Gusto mo bang sumama sa pangingisda?” balik na


tanong nito sa kanya.

“Saan po ba kayo mangingisda?”

“Diyan lang, sa talon...”

“May mga isda po doon?”

“Oo naman, Sheena.” Si Perlas na ang sumagot. “Maraming tilapya sa isag


bahagi ng talon at pwede kang mangisda. Sandali lang at ipapakuha ko kay Gener at
isa pang panghuli ng isda.”

Agad na inutusan ni Perlas si Gener na kunin sa loob ng bahay ang isa pang
panghuli ng isda. Mabilis naman itong sumunod at pagbalik ay dala na ang bagay na
iyon.

Isinama siya ni Gener sa may talon at nangisda silang dalawa. Totoo ngang
napakarami doong tilapya at lahat ay malalaki na at matataba. Hindi niya tuloy
napigilan ang kanyang sarili na maalala ang kanyang nanay. Panigurado kasi, kung
buhay pa ito at kasama niya ito ngayon ay matutuwa iyon. Nakakapag-bonding sana
silang dalawa.

Malakas na napasigaw sa sobrang saya si Sheena nang isang malaking tilapya


ang nahuli niya. Naging sunud-sunod pa ang mga isdang kanyang nahuli at nang
makarami na sila ni Gener ay huminto na sila. Ipinalinis at pinaluto nila kay
Felina ang mga tilapya at iyon ang inulam nila sa kanilang hapunan ng gabing iyon.

TO BE CONTINUED...

-----***-----

Humanda sa nalalapit na PAGTATAPOS...

=================

CHAPTER FIFTEEN- The Daughter

CHAPTER FIFTEEN- The Daughter

TAHIMIK ang gabi. Tanging ang huni ng mga ibon at insektong panggabi lamang ang
maririnig sa paligid. Ilang minuto na lang at sasapit na ang hatinggabi ngunit
gising na gising pa rin si Perlas at si Gener. Nasa master’s bedroom sila ng
resthouse nila. Nakaupo sa tig-isang upuan at magkaharap. Walang nagsasalita sa
kanila. Nakatingin lang sila sa mata ng isa’t isa.

Nang tumunog ang orasan, hudyat na alas dose na ay saka lang nagsalita si Perlas.
“Maligayang kaarawan, asawa ko...” aniya kasabay ng pagpatak ng kanyang luha at
pagdaloy ng nakaraan...

-----***-----

TEN YEARS EARLIER...

“Angelica, ano ka ba? Kaya ko na iyan. Hindi mo na ako dapat tinutulungan,” turan
ni Perlas sa labing-anim na taong gulang na anak. Si Angelica. Ang unica iha nila
ni Gener.

“'Ma, okay lang po. Kesa naman wala akong gawin.”

Napangiti na lang si Perlas nang magpatuloy si Angelica sa pagtulong sa kanila ni


Gener. Masayang pinagmasdan nilang mag-asawa ang bawat galaw ng kanilang nag-iisang
anak. Bagaman at isa lang ang ipinagkaloob na anak sa kanila ng Diyos ay kuntento
na sila. Mabait at malambing si Angelica. Mahusay pa ito sa school kaya naman kada
katapusan ng school year ay umaakyat sila ng entablado para sabitan ito ng medalya.
Bonus na nga lang na masasabi na maganda rin ito.

Nakasanayan na nila na tuwing kaarawan ni Gener na dito sa resthouse nila sa Rizal


mag-celebrate gaya ngayon.
Tatlo lang sila na bumyahe papunta doon. Naging masaya ang buong araw nila.
Namingwit lang sila ng isda sa talon sa likod lang ng bahay. Nag-ihaw sila ng mga
isdang nahuli at wala silang ginawa maghapon kundi ang kumain.

Pagsapit ng gabi, mamamahinga na sana sila dahil babyahe na sila bukas ng umaga
pauwi ay may biglang kumatok sa pintuan. Nagtaka sila dahil wala naman silang
inaasahang bisita. Dahil patuloy ang pagkatok ay napilitan si Gener na buksan ang
pintuan. Hindi nito inaasahan na ang sasalubong dito ay ang dulo ng baril.

Tatlong lalaki na halatang menor de edad pa ang pumasok sa kanilang resthouse.


Armado ang mga ito ng baril at ang isa ay may dalang kutsilyo. Sa hitsura at amoy
pa lang ng tatlo ay halatang nakagamit ito ng ipinagbabawal na gamot. Itinali sila
ng mga ito sa upuan na yari sa kahoy habang pinagnanakawan sila. Panay ang iyak ni
Perlas ng oras na iyon maging si Angelica. Si Gener naman ay pilit na pinapalakas
ang kanilang loob at sinasabing walang mangyayaring masama sa kanila.

Paalis na sana ang tatlong kabataan dala ang pera at gamit na nakuha sa kanila nang
biglang huminto ang isa, iyong may tangan na kutsilyo at tiningnan si Angelica.

“Mga 'tol! Tingnan niyo! Ang ganda!” May halong pagnanasa na turan pa nito.

“'Wag niyong gagalawin ang anak ko! Umalis na kayo!” galit na sigaw ni Gener.

“Hoy, tanda! Tumigil ka diyan!” sabi ng isa.

“Pahiram muna ng anak niyo, ha?” At nakangising kinalagan nito ang pagkakatali ni
Angelica.

“Mama! Papa! Tulungan niyo ako!” Walang magawa si Angelica. Nakatutok sa mukha nito
ang baril.

“Mga hayop kayo! Anong gagawin niyo sa anak ko?!” palahaw ni Perlas.

“Tumahimik kayo kung ayaw niyong makipagkita na kayo kay Satanas!” gigil na sigaw
ng isa sabay paputok ng baril sa taas.

Nagpumilit silang makawala sa pagkakatali ngunit wala silang magawang mag-asawa


kundi ang tumangis, umiyak at makiusap sa tatlong lalaki. Mismong sa harapan nila
ay hinubaran ng tatlo si Angelica at salitan na ginahasa. Halos madurog ang puso ni
Perlas sa bawat paghingi ng saklolo ni Angelica. Umiiyak na ipinikit na lamang niya
ang kanyang mga mata. Kung pwede nga lang na takpan niya ang kanyang tenga ay
ginawa na niya upang hindi marinig ang kalunus-lunos na iyak ng kanilang anak.

Ngunit biglang nakakuha ng pagkakataon si Angelica. Nakatayo ito matapos na


makawala sa pagkakahawak ng isa sa mga lalaki. Tumakbo ito ngunit hindi pa man ito
nakakalabas ng pintuan ay nasabunutan na agad ito ng lalaking may dalang kutsilyo.
Hinila nito si Angelica at parang baboy na ginilitan sa leeg.

“Angelicaaa!!!” Halos mapatid ang ugat na sigaw ni Perlas nang pumuslit at umagos
ang masaganang dugo mula sa leeg ni Angelica.

“Bakit mo pinatay, 'tol?! Gago ka!”

“N-nabigla lang ako... Akala ko kasi—“

“Gago ka! Tara na! Dalhin niyo na 'yong mga nanakaw natin! Bilis!”

Nang bitiwan ito ng lalaki ay agad itong bumagsak sa sahig. Dilat ang mga mata.
Wala nang buhay...

-----***-----

GUMULONG ang kaso. Nahuli ang tatlong salarin sa pagkamatay ni Angelica ngunit
hindi rin nakasuhan ang tatlo dahil mga menor de edad pa. Napunta lang sa DSWD ang
tatlo. Nailibing na at lahat si Angelica ay hindi pa rin matahimik sina Perlas at
Gener. Hindi sila makakapayag na hindi mapaparusahan ang mga may kagagawan ng
pagkawala ng kanilang anak!

Kinontak nila ang kamag-anak nilang pulis sa Rizal at agad naman itong
nakipagtulungan sa kanila. Alam kasi nito ang nangyari sa anak nila at maging ito
ay galit na galit din. Hinanap ng pulis ang tatlong lalaki at dinala sa resthouse.
Doon ay walang awa na pinahirapan nina Perlas at Gener ang tatlo hanggang sa
malagutan ang mga iyon ng buhay!

-----***-----

“BAKIT ka umiiyak, Perlas?” Ang tanong ni Gener ang pumutol sa pagbabalik-tanaw ni


Perlas. Mabilis niyang pinahid ang luha sa kanyang mukha at pilit na ngumiti sa
kabiyak.

“Naaalala ko lang si Angelica...”

Tumayo si Gener at pumunta sa likuran ng upuan para yakapin siya mula doon.
Hinaplos niya ang kamay nito. “Paniguradong masaya si Angelica dahil naiganti na
natin siya sa mga pumatay sa kanya at ngayon ay ipinagpapatuloy natin ang pag-alala
sa kanya sa pamamagitan ng pagpatay ng menor de edad sa lugar kung saan siya
pinatay,” anito.

Tinapik ni Perlas ang kamay ni Gener. “Maghanda na tayo. Kailangan na nating


simulan ang pagpatay kay Sheena ngayon. Ang gusto ko ay papahirapan muna natin siya
gaya ng iba!” Tumayo na siya.
“Iyon din ang naiisip ko. Halika na, asawa ko...”

“Sige...” Nakangiti niyang tugon.

Kinuha ni Gener ang isang malaking bag kung saan nakalagay ang mga baril, pana,
kutsilyo at iba pang gamit na ang akala ni Sheena ay gagamitin ni Gener sa
pangangaso. Ang hindi nito alam ay ang mga iyon ang gagamitin nila para patayin
ito. Para ituloy ang pag-alala sa anak nilang si Angelica...

TO BE CONTINUED...

=================

CHAPTER SIXTEEN- The Answers

CHAPTER SIXTEEN- The Answers

PAGPASOK ni Perlas at Gener sa silid na tinutulugan ni Sheena ay nakita nila agad


ito na mahimbing na natutulog sa kama. Patay lahat ng ilaw doon ngunit sapat na ang
liwanag ng buwan na naglalagos sa nakabukas na bintana para makita nila ito.
Nagkatinginan silang dalawa saka tumango. Hudyat na isasagawa na nila ang pagpatay
dito.

Naunang lumapit si Perlas sa natutulog na si Sheena habang nakasunod sa kanya si


Gener na siyang may dala ng lubid. Umupo siya sa gilid ng kama at agad na inabot
ang dalawang kamay ni Sheena na agad namang nagising na may pagtataka sa mukha.

“Mama? Papa? Anong ginagawa niyo dito?” Nakakunot ang noo na tanong nito.

Hindi sila sumagot. Nagpatuloy lang sila sa pagtali sa mga kamay ng ampon nila.

Silang tatlo na lamang ang nasa resthouse. Pinaalis muna niya sina Felina at Homer
dala ang van dahil baka may kung anong mangyari at magamit pa ni Sheena ang
sasakyan para makatakas. Bukas ng tanghali ay babalik din naman ang dalawa para
sunduin sila at tulungan silang itago ang bangkay ni Sheena katulad ng nauna nilang
inampon. Tapat sina Felina at Homer sa kanilang mag-asawa. Malaki ang ibinibigay na
sahod nila sa dalawa. Maraming tao talaga na handang magbulag-bulagan at gumawa ng
masama para lang sa salapi at halimbawa na doon sina Felina at Homer.

Matapos na maitali ni Gener ang kamay ni Sheena ay isinunod naman nito ang paa.
Marahil, sa labis na kalituhan ay hindi na nagawa pang pumalag ni Sheena.

“Ano po bang nangyayari? Bakit niyo ako itinatali? Mama! Papa!”


“Tumahimik ka!” Rumehistro agad ang takot sa mukha ni Sheena nang panlisikan niya
ito ng mata.

“M-mama...” Nanginig ang boses nito. “A-anong gagawin niyo sa akin?”

“Gusto mo ba talagang malaman, Sheena? Papatayin ka lang naman namin ng asawa ko.
Gaya ng ibang inampon namin noon... Sa hukay din ang magiging kapalaran mo bago
tuluyang lumiwanag!”

“A-ano?” Hindi makapaniwalang sambit ni Sheena.

Magsasalita pa sana ito pero agad na binusalan ni Gener ang bibig nito ng panyo.
Binuhat na ito ng kanyang asawa upang dalhin sa basement ng resthouse.

-----***-----

TANGING ang pagluha lang ang kayang gawin ni Sheena ng oras na iyon. Nakatali kasi
ang kanyang mga kamay at paa sa tig-iisang sulok ng lumang kama na pinaglagyan sa
kanya ni Gener. Hindi rin naman siya makakasigaw dahil sa busal niya sa bibig.
Kahit anong gawin niyang pagpupumiglas ay talagang walang tyansa na makakawala siya
sa pagkakatali. Mag-isa lang siya sa basement dahil pagkadala sa kanya doon ay
umalis din agad ang mag-asawa. Isang malamlam na ilaw lamang ang nagsisilbing
tanglaw niya doon.

Hanggang sa oras na ito ay hindi pa rin mahagip ng utak niya kung bakit sinabi ni
Perlas na papatayin siya ng mga ito. Bakit? May nagawa na naman ba siyang
pagkakamali? Malaki bang pagkakamali at dumating sa punto na aabot sa ganito?
Litong-lito siya. Wala siyang kasagutan na makuha.

Agad siyang napatingin sa nakabukas na pinto ng basement nang makarinig siya ng mga
yabag ng paa na papalapit. Muli ay sinubukan niyang magpumiglas sa tali sa pag-
asang magkakaroon ng himala at bigla na lang siyang makakawala. Hanggang sa pumasok
na nga si Perlas kasama si Gener na may dalang malaking bag.

“Kahit anong gawin mo ay hindi ka makakawala, Sheena! Iyan na ang kapalaran mo—ang
mamatay!” Sa isang iglap ay tila nag-iba ng anyo sina Perlas. Nawala na ang
mababait na mga mukha nito. Napalitan na iyon ng mala-demonyong mga ngiti at matang
mabalasik.

Noon lang niya napansin ang dalang tila maliit na banga at picture frame na may
litrato ng isang magandang dalagita. Marahil ay kasing-edad niya lang. Ipinatong
nito iyon sa mesita na nakapwesto sa paanan ng kama. Sa hula niya ay si Kayla ang
nasa litrato at ang nasa banga ay ang abo nito. Pero ang sabi ng mag-asawa ay
kamukha niya si Kayla. Kung si Kayla ang nasa litrato, napakalayo ng mukha nito sa
mukha niya.

“Hinukay ko ulit si Angelica, Gener... Gaya ng dati...” Narinig niyang sinabi ni


Perlas.
“Mabuti naman...” Nilapitan ni Gener ang banga at buong suyo na hinalikan iyon.

Angelica? Akala ko ba Kayla ang pangalan ng anak nilang namatay? Naguguluhan na


tanong ni Sheena sa kanyang sarili.

Hinalikan din ni Perlas ang maliit na banga habang may luha sa mga mata. “Manood ka
lang diyan, anak ko, ha? Masasaksihan mong muli kung paano namin pinatay iyong
tatlong lalaki na lumapastangan sa iyo... Paniguradong matutuwa ka na naman!”
Humagikhik pa si Perlas.

Inayos ng dalawa ng banga at picture frame sa mesita at saka siya hinarap.

Litong-lito na si Sheena sa nangyayari.

“Alam ko, nagtataka ka kung bakit ka namin papatayin, Sheena,” ani Gener. “Maraming
taon na ang nakakaraan nang walang awang pinatay ang anak namin sa lugar na ito.
Walang nagawa ng pera namin sa hustisya na inaasam namin kaya naman inilagay na
namin ni Perlas ang batas sa mga kamay namin. Pinatay namin ang tatlong lalaki na
pumatay sa anak namin! At kada-taon, bilang pag-alala kay Angelica, pumapatay kami
ng kabataan na sa tingin namin ay kasing-edad ng mga hayop na iyon!”

“Tama si Gener,” sabat ni Perlas. “Inampon ka lang namin para sa tradisyong ito,
Sheena. Para malaman ni Angelica namin na hindi namin siya nakakalimutan kahit
matagal na siyang wala. Hindi rin totoo si Kayla. Gawa-gawa lang namin iyon para
maramdaman mo na gusto ka talaga naming ampunin. Kasalanan mo na rin siguro dahil
masyado kang madaling maniwala!” sabay tawa.

Baliw. Iyon ang mag-asawang Clemente. Baliw na ang mga ito!

Ngayon ay malinaw na kay Sheena ang lahat. Nagkaroon na ng kasagutan ang lahat ng
katanungan niya. Iyong mga multong nagpapakita sa bahay ng mga Clemente ay ang mga
inampon at pinatay nina Perlas at Gener. Kaya pala tila pinapaalis na siya ng mga
iyon sa bahay. Ngayon ay alam na niya ang dahilan.

“Simulan na natin, Perlas...”

Nanlaki ang mga mata ni Sheena sa takot nang hugutin ni Gener mula sa bag ang isang
matalim na kutsilyo at pumwesto ito ng upo sa bandang kaliwa niya. Sinabunutan siya
nito at itinaas ang kanyang ulo. Dahan-dahan na hiniwaan ni Gener ang kanyang leeg.
Nais kumawala ng sigaw ni Sheena dahil sa hapdi at kirot ngunit hindi niya magawa.
Naramdaman niya ang pag-agos ng dugo. Inakala niyang kakapusin na siya ng hininga
ngunit hindi. Mababaw lang pala ang pagkakahiwa ni Gener.

“Mas malalim pa diyan ang sugat na ginawa ng hayop na iyon kay Angelica, Gener!
Tumagos sa buto ni Angelica kaya siya namatay!” Biglang umiyak si Perlas. Kinuha
nito ang isang itak at sumugod sa kanya habang galit na galit na umiiyak.
Pinigilan naman ito ni Gener na umiiyak na rin. “Pigilan mo ang sarili mo, Perlas!
Hindi pa natin siya dapat patayin! Kailangang mahirapan muna siya katulad ng iba!
Kalmahin mo ang sarili mo!”

“Hindi, Gener! Hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko! Gusto ko na siyang
patayin! Papatayin kitaaa!!!” Galit na galit pa rin si Perlas. Sa hitsura at
kinikilos nito ay parang tinakasan na ito ng katinuan.

Hiling lang ni Sheena ng sandaling iyon ay mapigilan ni Gener si Perlas dahil sa


galit na nakikita niya sa babae ay siguradong hindi ito mangingiming kitilin ang
kanyang buhay!

TO BE CONTINUED...

=================

CHAPTER SEVENTEEN- The Man

CHAPTER SEVENTEEN- The Man

“PERLAS! Ano ba?! Hindi pa ito ang oras para patayin natin si Sheena! Papahirapan
muna natin siya katulad ng iba!” sabi ni Gener kay Perlas habang niyuyugyog nito
ito sa balikat.

Tila nahimasmasan naman si Perlas dahil bigla itong tumigil sa pagwawala. “Oo. Tama
ka... P-pasensiya na. Bumalik na naman kasi sa isip ko iyong ginawa ng mga hayop na
iyon sa Angelica natin...” Ibinaba na nito ang kamay na may hawak na itak.

Kahit papaano ay nakahinga nang maluwag si Sheena. Kung hindi siguro ito napigilan
ni Gener ay baka patay na siya ng oras na ito.

Iyak pa rin nang iyak si Sheena. Iniisip niya tuloy kung ano ba ang naging malaking
kasalanan niya para sapitin niya ang ganito. Ang gusto lang naman niya ay magkaroon
sila ng nanay niya ng maginhawang buhay. Iyong kakain sila ng tatlong beses isang
araw, may sapat na pera para sa pangangailangan at bahay na disente.

Diyos ko! Tulungan niyo po ako. Kayo na po ang bahala sa akin... Piping dasal niya.

Muling lumapit si Gener sa kanya at sa pagkakataong iyon ay kasama na nito si


Perlas. Kapwa may nakakatakot na mga ngiti sa labi ng dalawa. Para siyang isang
kriminal na bibitayin. Pumikit na lamang siya at unti-unting tinanggap na ito sa
nga siguro ang katapusan niya. Maigi na rin marahil na mamatay na siya para
magkasama na sila ng nanay niya doon sa kabilang buhay.
“Simulan na natin, Gener...”

“Sige, asawa ko...”

“Maawa kayo sa akin... W-wala akong ginawang masama sa inyo...” Umiiyak na pakiusap
niya habang nakapikit.

Wala siyang narinig na sagot mula sa mag-asawa. Ang tanging naririnig lang niya ay
ang kalansingan ng mga kutsilyo. 'Nay, huwag kang mag-alala. Magkakasama na rin
tayo ulit. Wala nang makakapaghiwalay sa atin diyan, aniya sa kanyang isip.

“Sinasabi ko na nga ba at babalik kayo dito!” Ang sigaw na iyon ng isang lalaki ang
gumulat kay Sheena.

Agad niyang iminulat ang kanyang mga mata upang tingnan kung sino iyon. Isang
lalaki ang papalapit sa kinaroroonan ng mag-asawang Clemente. May tangan itong
isang mahabang baril na hindi niya alam ang tawag. Bakas sa mukha nito ang galit at
poot. Wala itong suot na pang-itaas at tanging maduming pantalon lang ang suot kaya
mapapansin agad ang malalaking peklat nito sa katawan.

“Sino ka?!” gulat na sigaw ni Perlas.

Hindi sumagot ang lalaki. Pagkalapit nito sa mag-asawa ay inundayan nito ng suntok
si Gener sa mukha. Natumba ito at dumugo ang ilong. Si Perlas naman ay hindi na
nakapalag nang hampasin ito ng lalaki ng dulo ng baril sa noo. Malakas na napasigaw
sa sakit ang babae habang sapo ang dumudugong noo.

Nagtataka man si Sheena kung sino ang lalaking dumating ay nagkaroon naman siya ng
pag-asa—pag-asang mabuhay pa. Pag-asang makaligtas sa kamay ng mag-asawang
Clemente.

Tinanggalan siya ng lalaki ng busal sa bibig. “S-salamat!” Iyon agad ang namutawi
sa mga labi ni Sheena.

“Umalis ka na dito. Tumakas ka na!” anito.

“S-sino ka ba?” Sa mukha ng lalaki, marahil ay hindi pa lampas sa kalendaryo ang


edad nito.

Naghanap ng kutsilyo ang lalaki at nang makakita ito ay isa-isa nitong pinutol ang
lubid sa kanyang kamay at maging sa paa. “Hindi na mahalaga kung sino ako. Ang
importante ay makaalis ka dito at matigil na ang gawain ng mag-asawang ito!” sagot
ng lalaki sa kanya.

“Hindi mo siya pwedeng paalisin!!!” Biglang bumangon si Gener at akmang susugurin


ang lalaki gamit ang kutsilyo.
Naging maagap naman ang lalaki at pinaputukan ang kamay ni Gener na may hawak na
patalim. Sa lakas ng impact ng bala ng baril ay sumabog at parang naging longganisa
ang hitsura ng kamay nito. Napasigaw ito sa labis na sakit at muling napaupo sa
isang sulok habang nahihintakutan na nakatingin sa wasak na kamay.

Agad naman na nilapitan ni Perlas ang asawa upang daluhan. “Geneeer!!!” palahaw
nito.

“Umalis ka na!” sabi ng lalaki sa kanya.

“Paano ka?”

“'Wag mo na akong alalahanin. Isa pa, may gagawin pa ako dito.”

“S-sige. Mag-iingat ka. Ako nga pala si Sheena.”

“Ruven. Alis na!”

“Salamat ulit... Ruven!” aniya at lumabas na siya sa silid na iyon. Pagkalabas niya
ng basement ay tumigil siya sa may salas. Pinunit niya ang laylayan ng suot niyang
t-shirt at ginamit iyong pang-benda sa sugat niya sa leeg.

-----***-----

“HAYOP ka! Sino ka ba?! Anong kasalanan namin sa’yong hayop kaaa?!” galit na galit
na sigaw ni Perlas sa lalaking bigla na lang pumasok sa basement at pinatakas si
Sheena. Hawak niya ang sugatang kamay ni Gener na durog na durog dahil sa lakas ng
tama ng baril. Nakapikit na lang ang kanyang kabiyak na parang tinitiis ang sakit
na nararamdaman.

Mahinang tumawa ang lalaki. Naglakad-lakad ito sa harapan nila at maya maya ay
huminto sabay tingin sa kanya. “Naiintindihan ko kung bakit hindi niyo na ako
matandaan, Mrs. Clemente dahil napakatagal nang panahon iyon. Isa pa, ang akala
niyo siguro ay patay na ako!” ani ng lalaki at ngumisi ito.

Napakunot-noo si Perlas. “Ano bang pinagsasabi mo, ha?! Hayop ka! Papatayin kita!”

Akmang tatayo sana siya para atakihin ang lalaki gamit ang itak ngunit mabilis
nitong naitutok sa noo niya ang dulo ng baril. Nanginginig na nanlaki na lang ang
mata niya.

“Kung may mamamatay man dito ngayon kayong dalawang iyon at hindi ako!” sigaw ng
lalaki. Muli siyang inundayan nito ng hampas ng baril sa noo kaya naman napabalik
siya sa tabi ni Gener. “Hindi niyo talaga ako natatandaan? Pwes, ipapaalala ko sa
inyong dalawa. Naalala niyo ba iyong tatlong lalaki na pumatay sa anak niyo ilang
taon na ang nakakaraan? Iyong tatlong lalaking menor de edad na dinukot niyo,
pinahirapan ng ilang araw at pagkatapos ay walang awa niyong pinatay?!”

Sa pananalita ng naturang lalaki ay parang may alam ito sa nangyari noon. Pero
paanong may alam ito? Tanging silang mag-asawa lamang at ang kamag-anak nilang
pulis ang nakakaalam niyon!

Hindi sinasadya na napansin ni Perlas ang mga malalaking peklat ng lalaki sa


katawan nito. At biglang bumalik sa alaala niya ang mga ginawa nilang pagpapahirap
sa tatlong lalaki na iyon na pumatay sa kanilang anak.

Nahihindik na napatingin siya sa mukha ng lalaki. “H-hindi... Huwag mong sabihin


na...” Hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin. Umiling siya nang sunud-sunod.
“H-hindi. Hindi maaari ang iniisip ko. Imposible! Imposible!”

“Bakit, Mrs. Clemente? Natatandaan mo na ba ako?” Nakangising lumapit ang lalaki sa


kanya at lumuhod para magtapat ang mukha nila.

Titig na titig siya sa mukha ng lalaki. Nakaawang ang kanyang bibig at hindi
makapaniwala.

“H-hindi...” Iyon lang ang tanging lumabas sa bibig niya.

“Ako si Ruven. Isa sa tatlong lalaki na pumatay sa anak niyo. Akala niyo siguro,
napatay niyo na ako?” anito at muli siya nitong nginisian. Tila isa itong demonyo
na ang kaharap niya!

TO BE CONTINUED...

-----***-----

SUSUNOD NA ANG PAGTATAPOS!

=================

CHAPTER EIGHTEEN- The Finale + Epilogue

CHAPTER EIGHTEEN- The Finale

PAKIRAMDAM ni Ruven ay ubos na ang dugo sa buong katawan niya dahil sa dami ng
sugat niya. Sa mukha, leeg, katawan, braso at maging sa kanyang paa. Malabo na rin
ang paningin niya. Basta ang narinig niyang usapan ng mag-asawang Clemente ay
ibabaon siya sa lupa kasama ang dalawa pa niyang kaibigan. Alam niya kung bakit ito
ginagawa ng mag-asawang iyon—silang tatlo kasi ang pumatay sa anak nito. Aaminin
niya na lulong sila sa ipinagbabawal na gamot nang gawin nila iyon. Hindi nila alam
ang ginagawa nila.

“Patay na ba talaga ang tatlong iyan, Gener?” Narinig pa niyang tanong ng babae.

“Oo naman, Perlas. Sa tindi ng pagpapahirap natin sa kanila, siguradong patay na


ang mga iyan. Ang kailangan lang nating gawin ay ibaon sila sa lupa. Sige na,
tulungan mo ako na hilahin ang mga hauop na ito. Sa kusina tayo dadaan,” sagot ng
lalaki.

May humawaka sa paa ni Ruven at hinila siya. Hindi na lang siya pumalag at baka
kung ano pa ang gawin ulit sa kanya ng dalawang iyon sa kanya.

Inihulog siya sa isang may kalaliman na hukay kasama ang dalawa pa niyang kaibigan.
Nang saglit na umalis ang dalawa ay nag-isip agad si Ruven. Buhay pa siya pero ang
dalawang kasama niya ay patay na. Kailangan niyang mabuhay. Hindi siya papayag na
sa ganito siya mawawala sa mundong ibabaw. Ipinatong niya sa katawan niya ang
katawan ng dalawa. Sinadya niyang takpan ang kanyang mukha upang kahit papaano ay
makahinga siya. Nang bumalik na ang mag-asawa ay inumpisahan na ng mga iyon na
tabunan sila ng lupa.

Hinang-hina na si Ruven nang tuluyan na siyang matakpan ng lupa. Walang masyadong


hangin na pumapasok at lumalabas sa kanyang baga ngunit kailangan niyang magtiis.
Naghintay pa siya ng ilang minuto bago siya kumilos. Ginamit niya ang natitira
niyang lakas para makaahon sa pagkakabaon sa lupa. Kahit hirapan ay nagtagumpay
naman siya. Habol niya ang kanyang paghinga nang sa wakas ay maiahon niya ang
sarili mula roon.

Napahiga na lang siya at napatingin sa kalangitan habang unti-unting bumubuhos ang


ulan na siyang luminis sa lupa at putik na dumikit sa kanya...

-----***-----

MALUHA-LUHA si Ruven matapos niyang balikan ang parteng iyon ng kanyang buhay. Ang
buong akala niya ay katapusan na niya. Wala naman siyang balak gumanti noon sa mag-
asawang Clemente. Ngunit nang malaman niyang taon-taon na pumapatay ang dalawa ng
mga menor de edad na tulad niya noon ay isinumpa niya na wawakasan niya ang gawaing
iyon ng mag-asawa. At ngayon na ang araw na iyon! Ito na ang tamang panahon. Meron
na siyang sapat na kakayahan at lakas para pigilan ang dalawa.“P-papaanong nabuhay
ka? P-pinatay ka na namin!” Nanginginig ang baba na tanong ni Perlas. Nanlalaki pa
rin ang mga mata nito sa labis na gulat.

“Kahit ako hindi ko alam pero isa lang ang sigurado ako... Nabuhay ako para patayin
kayo—“ Ganoon na lang ang pagkabigla ni Ruven nang may maramdaman siyang kirot sa
tagiliran niya.

Iyon pala ay hindi niya napansin na gumapang na si Gener at sinaksak siya nito ng
kutsilyo.
“'Tang ina ka!” Malakas na tinadyakan ni Ruven si Gener dahil sa labis na galit.
Tumilapon ito sa may dingding at saka niya ito binaril sa tiyan.

“Geneeer!!!” Palahaw ni Perlas sabay tingin sa kanya. “Hindi kita mapapatawad sa


ginawa mo sa asawa ko!!!”

Babarilin na rin sana niya ito ngunit naubusan na pala siya ng bala. Naalarma siya
nang makita niyang kinuha ni Perlas ang hawak na kutsilyo ng asawa nito. Kinapkap
niya ang natitira pang bala sa kanyang bulsa ngunit huli na ang lahat. Naging
mabilis ang pagkilos ni Perlas at sinaksak siya nito sa gitna ng kanyang leeg.
Tumagos pa ang patalim sa kanyang batok at nang hugutin nito ang iyon ay saka
bumulwak ang masaganang dugo.

------***------

HALOS mabaliw si Perlas nang sa pangalawang pagkakataon ay binaril ni Ruven si


Gener at sa tiyan ito tinamaan. At dahil doon ay tila tuluyan nang naputol ang pisi
ng kanyang katinuan, inagaw niya sa asawa ang kutsilyo at bago pa man siya mabaril
ni Ruven ay nalapitan niya agad ito. Buong puwersa na itinarak niya sa leeg nito
ang kutsilyo at sa sobrang galit niya ay tumagos iyon hanggang sa batok nito.

Kitang-kita niya ang pagkagulat sa mukha ng lalaki habang siya naman ay tila baliw
na nakangiti dito. Nang huhutin niya ang kutsilyo ay patihaya itong bumagsak sa
sahig. Lumuhod siya sa tabi nito at walang tigil na pinagsasaksak si Ruven sa
tiyan.

“Hayop ka! Hayop ka! Ito ang dapat sa’yo! Tingnan ko lang kung mabuhay ka pa!”
Paulit-ulit niyang sabi habang paulit-ulit din niya itong sinasaksak.

Nagkalat na ang dugo sa sahig at ang iba ay tumalsik sa kanyang mukha at katawan.

Nang itarak niya ang kutsilyo sa mukha ni Ruven ay naputol iyon dahil tumama sa
bungo ng lalaki. Doon lang siya tumigil at humihingal na napaupo sa sahig habang
tumatawang nakatingin sa walan nang buhay na katawan ni Ruven.

Maya maya ay naalala niya si Gener. Umiiyak na nilapitan niya ang asawa. Nakamulat
ito ngunit may lumalabas na dugo sa bibig.

“Gener, h-huwag mo akong iiwan! Lumaban ka!” Iyak ni Perlas.

“S-si... S-sheena... I-ituloy mo ang pag-alala natin k-kay A-an... Angelica...”


Nahihirapan nitong sambit.

“Gener—“
Dahan-dahan na pumikit na si Gener. Tumigil na rin ito sa paghinga na lalong naging
dahilan para magwala si Perlas. Mahigpit niyang niyakap ang katawan ng asawa habang
walang tigil sa pag-iyak at pagsigaw. Ngunit ilang sandali lang ay nababaliw na
tumawa siya at tumigil sa pag-iyak.

Tumayo siya at kinuha ang itak. Kailangan niyang hanapin si Sheena. Hindi pwedeng
hindi ito mamatay. Tradisyon na nila ito. Para kay Angelica!

-----***-----

MALAKAS na napasigaw si Sheena nang saktong kalalabas pa lang niya ng resthouse ay


isang malakas na putok na baril ang narinig niya mula sa basement. Napayuko pa siya
habang hawak ang dalawang tenga. Walang pagsidlan ang takot niya ng sandaling iyon.
Muntik na siyang mamatay kanina sa kamay ng mag-asawang Clemente. Mabuti na lamang
at biglang dumating si Ruven. Kung ano ang dahilan nito kung bakit siya iniligtas
nito ay hindi niya alam. Saka na lang niya iyon aalamin kapag nakatakas at nagkita
sila ulit ng lalaki.

Muling inipon ni Sheena ang kanyang lakas at saka tumayo ulit at tumakbo. Wala
siyang ibang mapupuntahan kundi ang masukal na gubat kaya naman iyon na lang ang
kanyang tinahak.

“Sheenaaa!!!”

Napatigil siya nang marinig niya ang sigaw ni Perlas. Pagtingin niya sa likuran
niya ay nakita niya si Perlas na nasa harap ng resthouse habang may hawak na
mahabang itak. Pulos dugo ang kulay puti nitong bestida. Hindi pa siya ganoong
kalayo kaya nakikita niya ang galit sa mukha nito. Nakatingin ito sa kanya na
parang gusto siyang pagpira-pirasuhin gamit ang hawak nitong itak.

“Bumalik ka dito, Sheena! Hindi pa ako tapos sa’yo! Makinig ka sa Mama mo!”

“Hindi ikaw ang mama ko! Isa lang ang nanay ko at iyon ang taong pinatay mo!”
Naiiyak sa poot na sigaw niya.

“Lapastangan! Walang utang na loob!” sabi nito at tumakbo ito sa direksiyon niya.

Lumakas ang kabog ng dibdib ni Sheena. Kailangan niyang makalayo sa nababaliw na si


Perlas kundi’y katapusan na niya panigurado. Tumakbo siya nang tumakbo at hindi na
lumingon sa kanyang likuran. Hindi na niya iniinda kung madapa man siya sa
malalaking ugat ng puno basta tumatayo ulit siya. Wala na rin siyang pakialam kahit
masugatan siya sa matatalas na damo at mga tuyong kahoy, ang nasa isip lang niya ay
ang makaligtas.

“Hindi mo ako matatakasan!”

Mas lalo pa niyang binilisan ang pagtakbo ngunit napatigil siya dahil nang
makalabas siya sa kasukalan ay ang resthouse ang sumalubong sa kanya. Ibig sabihin
ay umikot lang siya? Paano ba makalabas sa impyernong lugar na ito?!

Babalik na sana si Sheena sa kasukalan ngunit nakita niyang papalapit na si Perlas


sa kanya. Tumatawang iwinawasiwas nito sa hangin ang hawak na itak habang sumisigaw
ng papatayin siya nito. Dahil wala namang pagpipilian ay muling pumasok si Sheena
sa loob ng resthouse. Naalala niya si Ruven. Nasa basement ito kaya doon agad siya
nagtungo.

Pagpasok niya sa basement ay halos masuka siya sa nakita niya. Wasak ang tiyan ni
Ruven at labas na ang mga lamang-loob nito. Si Gener naman ay may tama ng baril sa
tiyan at katulad ni Ruven ay patay na rin ito. Lalabas na sana siya ngunit narinig
na niya ang mga yabag ng paa ni Perlas.

Naghanap siya ng matataguan sa basement ngunit wala naman siyang makita. Hanggang
sa matamaan ng mata niya ang baril ni Ruven. May katabi iyong limang bala.
Nagmamadali na kinuha niya ang baril at inilagay doon ang mga bala. Hindi siya
marunong gumamit niyon pero bahala na. Kailangan niyang gawin ito para mabuhay!

Pumwesto siya sa may likod ng pintuan para hindi siya agad makita ni Perlas oras na
pumasok ito.

“Diyos ko... Tulungan Niyo po akong malampasan ito...” Dalangin pa ni Sheena habang
mahigpit na hawak ang baril.

“Sheena... Alam kong nandito ka...” Naghahatid ng kilabot para kay Sheena ang boses
ni Perlas.

Naramdaman niya na huminto ang ginang sa may bungad ng pintuan. Doon na siya
lumabas sa pinagtataguan at buong tapang na itinutok ang baril sa mukha ni Perlas.

“S-sheena!” gulat na turan nito. “Papatayin mo ba ang mama mo?” Biglang nanginig
ang boses nito.

“Hindi ikaw ang nanay ko!” sigaw niya sabay kalabit ng gatilyo ng baril.

Pumutok ang baril sunod ang pagtama niyon sa mukha ni Perlas. Wasak ang mukha na
bumagsak si Perlas.

Hindi na napigilan ni Sheena ang mapahagulhol ng iyak. Kahit paano ay masama ang
loob niya na pumatay siya ng tao. Tila nauupos na kandila na napaupo siya habang
hawak ang baril. Ngunit may kasiyahan siyang nararamdaman sa kanyang puso dahil
buhay siya at nakaligtas.

Tapos na. Sa wakas...


-----***----

SUMISILIP na sa silangan ang araw nang marating ni Sheena ang mabatong kalsada. Sa
wakas, makalipas ang halos isang oras na paglalakad sa kakahuyan ay nakalabas na
siya roon. Dala pa rin niya ang baril. Hindi niya alam ngunit baka magamit pa niya
ang bagay na iyon.

Wala sa sarili at nanghihina na napaupo na lang siya sa gilid ng kalsada habang


nakayuko. Umaasa siya na may sasakyang dadaan at papasakayin siya o tutulungan.

Hindi nagtagal ay isang ugong ng kotse ang kanyang narinig pero dahil sa labis na
pagod ay hindi na niya iyon tiningnan. Nanatili siyang nakayuko. Tumigil iyon sa
harapan niya at doon lang niya iyon tiningnan. Alam niya kotse iyon ng isang pulis.

Isang lalaking nasa edad na singkwenta ang bumaba mula roon. Tama nga siya sa
naisip niya dahil nakasuot ng uniporme ng pulis ang lalaki. “Anong nangyari sa’yo?
Kailangan mo ba ng tulong?” tanong nito.

“T-tulungan mo ako...” Nahihirapan na tumayo si Sheena.

Biglang nanlabo ang kanyang mga mata at nawalan siya ng ulirat. Sumalubong sa kanya
ang tila walang hanggan na kadiliman.

-----***-----

NAGISING si Sheena sa isang lugar na hindi pamilyar sa kanya. Puro puti ang paligid
at wala siyang makitang kahit na ano. Naglakad-lakad siya hanggang sa may
makasalubong siyang magandang babae na kasing-edad niya lang siguro. Huminto ito sa
harapan niya at nginitian niya.

“Anong lugar ito?” Agad na tanong niya.

“Hindi na iyon mahalaga... Ang gusto ko lang ay magpasalamat sa’yo, Sheena. Sa


wakas, matatahimik na rin ako. Maraming salamat!”

“Ha? H-hindi kita maintindihan. Sino ka ba?” Pamilyar sa kanya ang mukha nito pero
hindi niya matukoy kung sino ito.

“Sige, aalis na ako...” Ngumiti ulit ito at naglakad na palayo sa kanya.

“Sandali—“ Natigilan siya nang bigla niyang maalala kung saan niya ito nakita. Sa
picture na dala ni Perlas doon sa basement. “Angelica...” Nangingiting sambit niya
habang sinusundan ang papalayong babae.

-----***-----
HALOS walang patid ang luha ni Sheena nang ikwento niya sa pulis ang lahat-lahat ng
nangyari. Walang labis, walang kulang, walang kasinungalingan. Matiyaga namang
nakinig ang pulis sa kanya habang nagsusulat ito sa notebook nito.

“Mabuti na lang pala at ako ang nakakita sa iyo, iha...” Makahulugang sabi ng pulis
sa kanya.

Nagtataka na napatingin siya dito. Para kasing may ibang ibig sabihin ang sinabi
nito. “A-ano pong ibig niyong sabihin?” tanong niya.

“Ah, wala. Ibig sabihin ay ligtas ka na. Teka, gusto mo pa ba ng kape?”

“S-sige po...”

“Maiwan muna kita dito.”

Pagtayo ng pulis ay napatingin si Sheena sa pangalan nito na nakalagay sa dibdib


nito.

SPO4 CLEMENTE, R... Binasa niya sa kanyang isip. Parang binuhusan ng malamig na
tubig si Sheena sa pangalang kanyang nabasa. Naalala niya bigla iyong sinabi nina
Perlas at Gener na kamag-anak ng mga ito na tumulong sa dalawa para kidnapin ang
mga pumatay kay Angelica.

Hindi kaya...

Mabilis na tumayo si Angelica at kinuha ang baril na nakapatong sa isang lamesa sa


silid na iyon. “Clemente!” tawag niya sa pulis na papalabas na sana. Paglingon nito
ay binaril niya ito at tinamaan ito sa leeg! Walang buhay na bumagsak ito at muling
nilisan ni Sheena ang lugar na iyon.

-----***-----

MASAKIT na ang tama ng sikat ng araw sa balat ni Sheena pero hindi pa rin siya
humihinto sa paglalakad. Kumakalam na ang sikmura niya pero hindi na niya iyon
iniinda. Wala na rin siyang pakialam kung saan siya dalhin ng kanyang mga paa. Sa
dami ng nangyari simula kahapon ay parang mababaliw na siya. Hindi na kayang
hawakan ng utak niya ang lahat ng iyon.

Biglang natigilan si Sheena nang isang pamilyar na sasakyan ang nakita niyang
paparating. Iyon ang sasakyan ng mga Clemente at sigurado siyang sakay niyon sina
Felina at Homer. Pumagitna siya daan at dalawang sunod na pinaputukan ang harapan
ng van. Nagpa-ekis-ekis ang takbo niyon hanggang sa bumangga iyon sa isang puno na
nasa gilid ng daan.
Nang tingnan ni Sheena ang sakay niyon ay nalaman niyang sina Felina at Homer nga.
Kapwa may tama ng baril ang dalawa. Sa noo si Homer habang sa mukha naman si
Felina.

“Magkita-kita na lang kayo sa impyerno ng amo niyong demonyo!” aniya pa at muli


siyang naglakad.

-----***-----

EPILOGUE

MAKALIPAS ang labing-limang taon...

MAY kaba sa dibdib na pumasok si Althea sa malaking mansion na iyon habang hawak
siya sa braso ng magandang ginang na muntik na siyang mabangga kanina ng sasakyan
nito. Napakaganda ng bahay ng babaeng iyon at halatang mamahalin lahat ng gamit. Si
Althea ay isa lamang sa daan-daang kabataan na pulubi na namamalimos sa kalakhan ng
Maynila.

“Simula ngayon ay dito ka na maninirahan, Althea!” Nakangiting sabi ng ginang sa


kanya.

“Ano po?!” gulat na bulalas niya.

“Inaampon na kita... Magaan ang loob ko sa’yo, Althea. Isa pa, mag-isa lang ako
dito. Walang anak. Walang asawa. Kaya sana ay pumayag kang maging anak ko. Hayaan
mo, lahat ng karangyaan ay ibibigay ko sayo. Pangako!”

Masayang tumango si Althea. Pagkakataon na niya iyon para makatikim ng magandang


buhay na matagal na niyang inaasam. “Sige po. Payag na ako! Mama... Ano nga po
palang pangalan niyo?”

“Sheena. Tawagin mo akong Mama Sheena. Salamat naman at pumayag ka, Althea. Hindi
ka magsisisi na pumayag kang maging anak ko!”

“Salamat din po. Wala na rin po kasi akong mga magulang. Hindi ko na alam kung
buhay pa ba sila o hindi na...”

“Isang magandang advance gift ito para sa akin. Next week kasi ay birthday ko na at
ang gusto ko ay sumama ka sa akin doon sa resthouse ko sa Rizal, Althea.”

“Talaga po? Ang saya naman! Hindi pa po kasi ako nakakapunta ng Rizal. Salamat po,
Mama Sheena!” At mahigpit niyang niyakap ang babaeng iyon.
WAKAS!

-----***-----

Maraming salamat sa pagbabasa! God bless us all...

You might also like