You are on page 1of 14

“Hay nako! Napaka tagal ng bruha na ‘yon! Bwiset!

” Kanina pa kami nagiintay ni

Athena kay Luna, lagi nalang Filipino time ang babae na ‘yon.

“Kalma Athena, kilala mo naman ‘yon si Luna. Laging Filipino time ‘yon diba.

Chinat mo na ba?” Umirap naman sakin ‘tong si Athena. Konti nalang magiging The

Hunk na s’ya. Imbis na mainis ako dahil ang tagal ni Luna ay mas natatawa pa ako

dahil sa itsura nitong si Athena. Kala mo mananakal na.

“CHINAT KO NA S’YA LEXI!! NAPAKATAGAL MAGREPL-----“ Naputol yung

sasabihin ni Athena ng dumating si Luna. Nakangiti pa ang bruha.

“Hi guys! Kamusta naman kayo mga guyss?” Gaga talaga ‘to. Nang asar pa.

“Imberya mo ‘ko! ‘wag mo kong maguys-guys d’yan naka tagal mong babae

ka” Wala na nagsigawan na yung dalawa, pag talaga kami nagsasama. Imposibleng

walang magsisigawan.

“Kalma mo bilat mo Athena! Duh?! Wala naman akong sinabing agahan n’yo!”

Wow, parang kasalanan pa naming. Sarap sapukin nito. Napaka pasmado pa ng bibig

nito. Magsasalita pa sana si Athena kaso inunahan na s’ya ni Luna.

“Tama na bes! Nandito na ako oh, pwede ka ng kumalma. Tara na nga!” Hinatak

na kami Luna. Pupunta kami sa School namin ni Athena, nagpasama lang kami kay

Luna para makagala na ‘rin. Tagal na naming hindi gumagala dahil sa busy schedule

lalo na ‘tong si Luna. Ito lang naman nalayo saamin. Magkasama kami ni Athena sa

iisang School, pero hindi kami pareho ng Strand na kinuha. Athena took GAS while me

ABM. Si Luna? HUMSS, ayaw daw kase sa Math.


Actually hindi naman talaga kami yung magto-tropa, sinali lang kami ni Luna sa tropa

n’ya. Naging close lang kami last year, and we don’t actually expect na magki-click kami

as friends.

Athena is the sociable one, masiyahin at pabiro. Sa buong batch namin halos kakilala

s’ya. Ako? Ganun ‘rin naman, marunong naman akong makisama. Kilala ko din naman

lahat at medyo ka-close ko batch namin. Si Luna ang hindi ko aakalaing magiging

kaibigan ko. Sobrang prangka at pasmado ng bibig.

Si Luna sa una aakalain mong tahimik pero sobrang kalog, sa buong batch namin

lagi kong naririnig pangalan n’ya. Sobrang saya raw kasama.

“Kamusta si James, Athena?” Natawa naman ako, kilala ko kase ‘yon. Ang alam

ko ghinost n’ya si Athena. Sobrang sama ng loob ni Athena kase natapakan daw

pagkatao n’ya.

“Fuck you Luna, ‘wag mo nang ipapaalala yung gago na ‘yon.” Natawa naman

kami ni Luna kase halata mong inis parin s’ya kay James.

“Hindi mo matanggap no? Ikaw yung ghinost imbis na ikaw mang ghost

HAHAHA” Inirapan naman ako ni Athena dahil sa sinabi ko.

“Magbago ka na kase Athena” Wow nagsalita. Kapal ng mukha ni Luna magsabi

ng magbago e ganun ‘rin s’ya. Siraulo.

“Kapal ng mukha mo Luna, e isa ka pang ghoster. Mas malala ka pa nga

saakin. Baka tadyakan kita” Pareho silang ghoster, madali silang magsawa. Si

Athena yung suki sa mga dating app samantalang si Luna madalas s’ya yung

chinachat. Si Athena gusto lang malibang, laging bored ang gaga.


Si Luna gusto ng may mapagti-tripan kapag bored din. Takot si Luna sa commitment

kase ayaw daw n’ya ng complicated.

“HAHAHA atlease Athena, hindi ako ung gino-ghost.” Ang lakas talaga nitong

mangasar ni Luna. Sila madalas nagsasagutan e.

“Fvck you Luna. Si Lexi naman ganyanin mo dahil may Sebastian na s’ya.”

Gagong Athena ‘to. Nanlaglag amp. Tropa n’ya si Sebastian.

“Taray naman pala Lexi, lumalandi ka na. So proud of you!” Gago talaga ‘tong si

Luna. Palibhasa ang motto nito ‘Study first but landi is life’.

“LOL Luna, binugaw lang ako ni Athena do’n sa tropa n’ya.” Totoo naman kase,

sa aming tatlo laganap ang bugawan. Lalo na ‘tong dalawang ‘to. Ang kaso lang sa

halos lahat ng binugaw sakanila it’s either ghinost nila or nagiging friends lang nila sa

FB.

“uLOL ka din, wala naman akong sinabing patulan mo. Saka magka-duo na nga

kayo sa ML tapos magka-call pa.” Inirapan ako ni Athena. Gago talaga ‘to. Kaya hirap

magtago sa dalawang ‘to, lahat nalalaman. Sinabi kong walang kami, nagmake face si

Athena samantalang si Luna ay tumawa at nagcp nalang, may kausap siguro.

Masaya kausap si Sebastian, sobra. Nasasabayan trip ko. Matagal na kaming

naguusap siguro halos 5 buwan na. Magsisinungaling ako kung sasabihin ko na hindi

ko s’ya gusto or rather mahal ko na. We exchange I love you’s and I miss you’s to each

other. Sabay kami lagi umuwi at kumain. Madalas din kaming lumalabas pero kasama

naman si Athena at mga tropa n’ya. We don’t have a label but we’re exclusive.
Nandito na kami sa School namin. Konti nalang yung tao dahil na ‘rin siguro late na

kami dumating. May meeting lang naman si Athena dahil class officer at kuhanan lang

din naman ng card.

Dumeretso na kami sa room si Athena sa 8th Floor pa kase sa 8th Floor naka-assign

ang GAS, 6th Floor kase ang sa ABM. Malapit na kami sa room si Athena ng may

sumigaw. Kilala ata si Luna. Taray ng babaeng ‘to, kilala ng lahat.

“Luna!! Sheeyytt, tagal nating ‘di nagkita ah. Kamusta ka na girl!” Nagtinginan

lahat dahil sa sigaw nung bakla. ‘Di ko s’ya kilala pero mukhang close naman sila ni

Luna.

Sinensyasan kami ni Luna na mauna na kami, tinuro nalang ni Athena room number

ng room n’ya. Hinayaan na naming s’ya don tutal mukhang kakandidato na.

Pag pasok namin ng room ay sinalubong agad ako ni Sebastian. Kinaltukan ba

naman ako kaya sinipa ko. Gago wala naman akong ginagawa sakanya.

“Tigilan n’yo kalandian n’yo d’yan, nakakadiri kayo.” Ang bitter nitong si Oliver.

“Porket ghinost Pre?” Sinipa ni Oliver si Connor. Kita mo ‘to, asar talo. Natawa

nalang kami dahil sa kagaguhan nila. Nagre-wrestling sila nung biglang pumasok si

Luna. Nakita ko kung paano napatigil sila Sebastian at kung paano sila tumitig kay

Luna.

“Guys si Luna, friend namin ni Lexi” Matagal muna silang napatitig bago umayos

sila Oliver nang ipakilala ni Athena si Luna sa lahat.

“Yow!” Kala mo tropa lang ni Luna ‘tong mga ‘to kung magpakilala. Nagpakilala

silang lahat kay Luna, nakita ko kung paano ngumiti si Sebastian kay Luna.
Ayaw kong magisip ng kung ano. Naninibago lang ako.

Umupo nalang kami dahil nagmi-meeting na sila Athena. Si Luna nasa bandang dulo

katabi ng pinto dahil maglalaro ata ng ML. Nasa katapat na hilera kami, hindi nakaligtas

sa mata ko yung mga sulyap na ginagawa ni Sebastian kay Luna.

Naguusap kami ni Sebastian about sa ML ng biglang tumayo sila Connor at lumapit

kay Luna. Nakita nilang nage-ML si Luna kaya nakinood sila. Naguusap silang tatlo

doon at parang close na close na silang tatlo. Kitang kita ko din na enjoy na enjoy silang

kausap si Luna.

“Sebastian! Lexi! Tara ML! 5 na tayo. Kasama si Luna” Niyaya kaming maglaro ni

Oliver kaya nagtabi tabi kami sa likod.

“Mythical Glory ka pala Luna? Wow ebarg naman Lods, pabuhat HAHAHA.”

Magaling si Luna sa ML. Magaling din si Athena pero mas magaling si Luna.

Nagsimula na kaming maglaro, malalakas yung kalaban kaya laging patay ako. Si

Luna at Sebastian yung mataas ang kills. Nakita ko kung paano sila mamangha kay

Luna lalo na si Sebastian.

Maganda si Luna. Ang galing din n’yang makisama kaya maraming nagkakagusto

sakanya.

After ng meeting ni Athena, gagala na sana kami katulad ng plano pero biglang

nasama mga tropa ni Athena. Hindi na ‘rin naman nagsalita si Luna kaya sa tingin

namin ay okay lang sakanya. Masaya naman yung gala kaso nandoon yung paninibago

ko. Masyadong malayo si Sebastian sa’kin.


It’s been a month since Luna came here at.. ang daming nagbago simula non, isa

na doon ay ang relasyong meron kami ni Sebastian.

“Oy Pre, Tara laro. Online si Luna sa ML oh.” Kumakain kami sa canteen ng

magsalita si Connor. Luna huh? Simula nung pumunta si Luna sa school namin, pansin

ko na madalas nilang pagusapan si Luna. Lalo na kapag about ML, nagpapabuhat sila.

“Gago teka open lang ako.” Napatingin ako kay Sebastian, nagmamadali s’yang

mag open sa ML. Kahit na may pinaguusapan pa kami. Hindi na ako nagsalita at

hinayaan nalang sila. Hindi s’ya ganyan at hindi ko na alam yung dapat kung

maramdaman sa pagbabago n’ya.

“Alam n’yo puro kayo pabuhat. Inaabala n’yo pa sa Luna mga bwisit kayo.”

Napatingin naman sila Connor kay Athena. Natawa naman sila Jane at Claire dahil sa

sinabi ni Athena.

“Truee! Lakas mag flex ng Rank sa Myday e binubuhat lang naman.” Natawa

naman ako sa sinabi ni Claire. Pinapatamaan kase nila sila Connor at Oliver.

“Alam mo Claire tumahimik ka, pasalamat ka at naglalaro ako dahil baka

mabatukan kit---- Shit! Connor! ‘Wag ka puro farm! Siraulo magpush ka!”

Nanonood ako sa Cellphone ni Sebastian, puro farm si Connor nakalimutan magpush

kaya lamang na sa tore yung kalaban.

“Ulol Oliver, ikaw nga puro patay.” Nagmumurahan na silang dalawa samantalang

si Sebastian tumatawa lang. Hindi ko mapigilan tumitig sakanya. Iba yung tawa at ngiti

n’ya, ngayon ko lang nakita yung kinang sa mga mata n’ya. Maya maya ay natapos din

silang maglaro, naguusap kami about sa ghinost ni Athena, nakikinig ako pero si

Sebastian ang hindi. Nakatitig lang sa phone.


“Kamusta kayo Lexi at Sebastian? Kayo na ba? HAHAHA sana ol.” Napatingin

ako kay Claire ng tanungin n’ya ‘yon, napatawa naman ako. Masyado silang chismosa.

Sasagot na sana ako ng magsalita si Sebastian. “Anong kami? AHHAHA

magtropa lang kami nito. Diba Lex?” Pilit akong napangiti. I don’t know if he’s joking

or what, walang kami? What he muttered sent thousands of sharpened knives straight

to my chest. How about the I love you’s and I miss you’s that he’s sending me?

I fake a laugh and tried to give a smile. “Oo naman, ahm excuse me. May

pupuntahan pa pala ako.” I saw their worried glances towards me, they know. Ngumiti

nalang ako at umalis na, narinig ko pa ang pagtawag sa’kin ni Athena. I’m sorry bes, I

just can’t let you see me being like this.

“JILL! JILLIAN WAIT! JILLIAN LEXI! MAGPAPALIWANAG AKO.” Mabilis akong

naglakad nung marinig ko ang sigaw ni Sebastian. Narinig ko pa ang mga takbo n’ya.

Ayoko s’yang makausap pero hindi nasunod ‘yon nang naramdaman ko ang kamay

n’ya sa braso ko. “Jillian, let me explain please. I’m sorry.”

Humarap ako sakanya “Seb, It’s okay. I can be okay.” I need to. Aalis na sana ako

ulit ng bigla n’ya kong hinatak papunta sa garden. Nagpumiglas ako sa hawak n’ya pero

hindi ko s’ya kaya. Napagod nalang ako at hinayaan na s’ya.

Umupo kami sa isang bench. Ilang minute kaming nanatiling nakaupo g bigla s’yang

nagsalita “I’m inlove with Luna” Yumuko ako at pait na napangiti, I know, I already

know that. “I don’t know when did I start liking Luna, I thought that it was just an

infatuation and you don’t know how much I want to ignore it because I don’t want

to hurt you.” Unti-unti ng nangingilid ang mga luha ko. Tangina. Kahit na masakit ay

hinayaan ko lang s’ya.


“We became close, minsan nagpapaturo ako sakanya about Academics,

minsan sa ML. Habang tumatagal doon ko narealize na may feelings na ako

sakanya.” I looked at him, he’s smiling softly while telling me this. Pumatak na ang

luhang kanina pang nagbabadya sa mga mata ko.

“Bi, tapos ka na sa mga assignments mo? Tara sabay na tayo gawa.”

Nakagawian na namin ‘to. Sabay kaming gagawa para na din magkasama pa rin kami.

“Ahm tapos na ako bi, ikaw na muna tutal marami kang kailangan gawin diba?

Dito lang ako, laro lang kami ML nila Oliver.” I smiled bitterly, that’s the 3rd time that

he rejected me. “Wow himala, ang aga mo ng matapos, Sige na, laro ka muna.”

It’s funny that I didn’t notice that. “Nang mas makilala ko s’ya, lalo lang akong

nahulog. I love how she manage to make everyone smile and laugh by her

wicked, cunning and pervert tongue. I love how she rock those oversize shirts

with her style.” Hindi ko maiwasang ma-insecure kay Luna. Sana ako nalang s’ya.

I never thought that his admiration towards my bestfriend, Luna was just a beginning

of my first and hurtful heartbreak. I never expect that this would be this hurt, kung alam

ko lang. Tangina.

“Please Sebastian, don’t make me feel small about myself kase unti-unti na

akong nadudurog” Tuluyan na akong humagulgol dahil ang sakit na. Bakit n’ya pa

kailangan na ipamukha sa’kin na mas better si Luna? Aalis na sana ako ng may sinabi

s’yang lalo kong ikinadurog. “Luna said that she likes me that she’s falling for me.”
Please, I can’t. Not anymore. “When she said that I feel like I was the luckiest

man on earth. The girl that I’m in love with also likes me.” How could you be so

happy while I’m being torn inside?

“TANGINA SEBASTIAN! PLEASE! TAMA NA OH!” I don’t know if he’s being a jerk

or what in telling me this. “Please ayoko na, ‘wag mo naman akong saktan lal---- .”

Naputol yung sasabihin ko ng hawakan n’ya yung kamay ko at nilaro laro ito. “But you

know what Luna said after that? She said that even though she likes me, there’s

no chance for us to be together.” Napatigil ako sap pag-iyak sa sinabi ni Sebastian,

why would Luna say that? Why?

Kasama ko si Luna, nagkita kami dahil may gusto akong sabihin sakanya. I badly

want to say this to her in person because I can’t hide it anymore. Nandito kami sa Park

malapit sa School namin nila Athena.

“Luna I like you.” Tangina, buti deretso kong nasabi. Ilang beses ko pa naman ‘tong

pinagpraktisan. Nakita kong natigilan s’ya at unti-unting lumingo sa’kin. Ilang minute

s’yang tumitig sa’kin.

“Luna, I’m sorry. I promise! I tried to avoid this and to stop my feelings for you

pero hindi ko ka----.”

Ngumiti s’ya. Shit! “Gusto din kita pre AHAHHAHA.” Tangina? Totoo? Sinampal

sampal ko sarili ko. Paksyett! “Totoo Luna? Walang halong joke?” Natawa naman

s’ya. Ang ganda n’ya. “So pwede ba kitang ligawa---.” Napatigil ako ng bigla s’yang

humarap saakin.
“Hindi.” Huh? Bakit? Dahil ba kay Lexi? “Dahil ba kay Lexi? Hindi kami ni Lexi!

Saka----.” Ano pa ba? Mahal ko si Lexi pero..dati ‘yon. “I didn’t know that you’re this

asshole Sebastian. Paano mo nasasabi ‘yan? How can you denied Lexi? And it’s

not just about Lexi, It’s about friendship.” Hindi ko alam sasabihin ko. “Yes, I like

you but it doesn’t mean na papatulan na kita. Hindi ako ganung klaseng babae,

hindi ako nangtatalo ng boyfriend ng mga kaibigan ko.”

Alam kong mali. Alam ko.

“Actually, you’re my ideal type Sebastian when it comes in a relationship,

tropa-tropa lang but we can’t. I’m not saying that I like you to give us a chance

because that will never happen. I respect and treasure my friendship with Lexi, I

value that more than for having a relationship with a man. Lexi is really a sweet

and caring person I’ve ever met. I don’t wanna hurt her in anyway. And how can I

sacrifice the friendship that I have for how many years for the relationship that I

am not sure if it will last longer? Nagawa mo ngang lokohin si Lexi, paano pa

kaya sa’kin?” Hinawakan ni Luna ang kamay ko.

“Maybe we had the same feelings but I guess this is not the right time for us. I

wanna hold your hand but I realized that it’s not mine to hold. I learned to let go of

the things that aren’t mine to hold, Seb. Because I realized that it’s better to be a

builder that to be a destroyer in a relationship.” Kasabay ng deretsong pagtitig ng

mga mata ni Luna sa aking mata ay ang pagguhit ng matamis na ngiti sa kanyang labi.

“Sinabi sa’kin ni Luna na kaya n’yang pigilan at burahin yung nararamdaman

n’ya sa’kin dahil mas importante ka sakanya kaysa sa nararamdaman n’ya.”


Nangilid ang mga luha ko. Luna.. How can I be so lucky to have a friend like Luna?

“Ang gago ko dahil ginawa ko ‘yon sayo, hinayaan kong masaktan ka. I know

I’m such a bastard giving you this kind of heartache when you don’t deserve it.

I’m sorry. I’m so sorry.” Tumingin ako kay Sebastian. It’s the first time seeing him cry

like this. I don’t know what to react but I feel that deep inside of me is happy.

I hugged him as my tears falling down in face. We’re both crying, I hugged him tight

because this is the last time that I will feel his warmth. Papakawalan ko na s’ya. Just

one last hugged. Pagkaraan ng ilang minute ay humarap na ako sakanya. I stared at his

face, I’m trying to memorize his features because this will be the last time I would see it

this close. His pointed nose, his heart shape lips and his mesmerizing eyes who makes

me fall in love with him. I would miss his lame jokes and sweet gestures. I would miss

him.

Pinunasan ko ang mga luhang tumutulo sa mga mata n’ya. “You don’t have to say

sorry. Yes, you’ve hurt me but it is enough for me to know that you tried to avoid

and stop what you feel for Luna. It is enough for me Sebastian.” Hinawakan n’ya

ang mga kamay kong nasa pisngi nya, saka n’ya ito hinalikan.

“Can you still give me a second chance to prove myself to you? Liligawan kita

Lexi, araw araw para maramdaman mo na----.” Marahan kong kinuha ang mga

kamay ko sakanya.

“Masyado akong binalot ng pagmamahal ko sayo to the point that I forgot to

take care of myself, to love myself. Maybe it’s time for me to finally love myself

first. And I hope you would understand me.” Ngumiti ako kay Sebastian at tumayo.
“I’m letting you go now Sebastian, I love you but I’m sorry. I’m choosing

myself.” I wiped my tears and started walking away with a smile in my face.

Masakit, Oo. Pero tanggap ko na hindi na ako. Sa mga panahon na magakasama

kami ni Sebastian naramdaman ko yung affection na meron s’ya sa’kin, hindi nga lang

katulad ng kay Luna. I’ve loved him so much to the point that I forgot how to take care

and love myself, which is my mistake. Sa kakahanap ko ng magmamahal sa’kin,

nakalimutan kong mahalin yung mismong sarili ko.

I don’t really expect that Luna would really do that. Luna is really a secretive and

quiet person I’ve ever met. Even though she’s an outgoing and playful person she is

unpredictable. Pinili n’ya ako, doon palang masaya na ako. She sacrificed her feelings

just for the sake of mine.

Luna made me realized that sacrificing would be a better choice instead of

choosing for a right choice. Luna teach both of us, me and Sebastian to treasure what

we have and don’t let it be a waste.

I remember praying every night to have a man beside me who can love and take

care of me, And I think God doesn’t let me to have one because I am not ready.

That day, I experienced the greatest fear of every girls, And that is giving so much of

yourself to the man you love but end up losing yourself.

You might also like