You are on page 1of 41

K CHAPTER 1 Napakagandang tanawin ang natatanaw ni Sheng ng dumangaw sya sa bintana ng bus.

Paakyat ang sinasakyan nya sa bulubundukin kung tawagin ay Bundok Sinay. Doon sya naataasang magturo sa mga batang gutom sa edukasyon. Misyon ang tawag niya dito, hindi obligasyon o sweldo ang rason kung bakit naroon siya. Mula noon pa likas na sa kanya ang mga gawaing pagtulong sa kapwa.Natatandaan niyang muntik na siyang masagasaan dahil sa pagsagip sa isang bata. Bawat batang nakikita niya sa kalye ay binibigyan niya ng pagkain, kahit baon nya'y binibigay pa nya.Nahinto sya sa pag-iisip nung biglang pumreno ang bus, muntik na kasi silang mabangga sa isang mamahaling kotse. Galit at napamura ng mahina ang driver "Hay naku mga anak mayayaman, akala nila sa kanila ang daan..hmmp" Nagdasal na lang si Sheng. "Panginon, salamat po at walang nasaktan sa amin" Ilang minuto na lang at dadating na siya sa barriong pagtuturuan. Tanaw niya na ang barrio kung saan sya magtuturo. Doon siya mismo ibinaba sa waiting shed na may nakapaskil na Barrio Sinoot. Halong emosyon ang naramdaman niya ngunit handa niyang harapin ang bagong buhay. Malayo ito sa sentro ng probinsya at kailangan magbiyahe ng tatlumpong minuto para makabili ng pagkain sa bayan. Maliit lang na barrio ngunit tingin niya'y magugustuhan niya dito dahil sa magandang tanawin, tahimik na lugar at preskong hangin.Inisip nya na lang na magiging masaya siya sa lugar na iyon. "Kaya ko to" yun ang laging nasa isip nya. Malayo pa lang siya ay nakita nyang tumatakbo papalapit sa kanya ang mga batang nakapaa . Kanina pa siya hihintay ng mga taga barrio lalo na ang mga bata. Ilang linggo din silang walang pasok dahil agad lang umalis ang pinalitan niyang guro. "Maestra..maestra" sigaw ng mga batang sabik na mag-aral. Yumakap ang mga bata sa kanya na parang matagl na siyang kilala. May gumuhit na damdamin sa kanyang puso, hindi kirot kundi kaligayahan. Kahit nakapaa lang ang mga bata ay pursigido silang mag-aral. Batid nya kung gaano kagusto ng mga bata matuto. "Maligayang pagdating po.Ms. Quezon" nakangiting bati ng punong Barrio ng Sinoot. "Ako po'y nagagalak dahil ako ay nalipat sa lugar ninyo"masayang tugon ni Sheng. "Ang dami na pong maestrang na-assign dito ngunit hindi po nagtatagal, sana po'y magustuhan nyo ang aming lugar" my kalungkutan sa mga mata n Aling Mina. "Wag nyo pong isipin yun, mamahalin ko po ang lugar na to bukod sa lahat ay mamahalin ko ang mga batang gustong-gustong mag-aral. Pangako hnd ko po iiwan ang lugar na to, magtatagal ako dito" Buong pusong sinabi nya. Natuwa si Aling Mina at umasang magtatagal ang bagong guro. "Halika na Sheng, mukhang pagod na pagod ka na, kailangan mo ng magpahinga. Ipapakita ko sa iyo ang bahay na tutuluyan mo" inakay siya ni Aling Mina patungo sa kanyang titirhan at tinulungan siya sa kanyang gamit at sinamahan papuntang magiging bahay niya. Medyo may kalayuan ito sa bahay ng kapitana, malapit ito sa isang bangin ngunit tanaw naman ang napakagandang bundok ng probinsya. Malayo pa lang ay nakita niya ang isang bahay kubo, para sa kanya ay palasyo na ito. Isa ito sa pinapangarap niya. "simpleng buhay". Bago ang bahay at sinadyang gawin ng taga barrio para sa kanya. Dali-dali syang pumasok sa bahay na opuno ng galak. Malaki ito at dalawang palapag ang kwarto. Gawa sa kawayan ang mga materials, ngunit kitang-kita nyang napakatibay nito at pinaganda ng husto para sa kanya. Completo na rin sa gamit, lamesa, salas, higaan at kung ano pa. Lahat ng mga kailangan niyang gamit ay nandoon na rin. Sinigurado ni Kapitana na sa pagdating ng magiging bagong guro ay matutuwa ito. May handang pagkain na rin para sa kanya. Gusto nilang iparamdam sa kanya na sya ng bahagi na ng kanilang lugar. Nilibot ang dampa at tumalon sa tuwa. " Napakaganda po ng bahay na ginawa nyo para sa akin Kapitana". Naluluhang tinanaw siya ni Aling Mina. " Alam mo bang ikaw lang ang maestrang nasiyahan sa bahay na ito, natutuwa naman ako" Niyakap ni Sheng si aling Mina. "Masaya po ako kapitana .Dito ko po uumpisahan ang mga pangarap ko para sa mga bata at para na rin po sa barrio. Masaya silang nagyakapan na may galak sa kanilang

mga puso. Nagtagal dun ang kapitana dahil walang patid ang kanilang pag-uusap. Sinabayan niyang kumain si Sheng at gabi na nung nakauwi si Aling Mina sa kanila. Magisa na lang siya sa knayang kubo ngunit walang lungkot na nararamdaman. Masaya siya dahil nararamdaman niyang may rason kung bakit siya nadoon. Ang alam niya lang ay nais niyang maging mabuting guro at bukal sa loob niyang magturo sa lugar na yun. Natulog syang may ngiti sa kanyang mga labi, excited sa maaring mangyari bukas sa unang araw ng kanyang pagtuturo sa barrio Sinoot. Kaybilis ng panahon tatlong taon ng nagtuturo si Sheng sa Barrio Sinoot. Kay dami na ring nangyari. Nakilala ang barrio dahil sa mga competisyong napalanunan nila.First place sila sa Declamation, Singing, Extemporaneous speaking at Singing Choral. Nagbigay ito ng parangal sa kanilang Probinsiya hindi lang sa kanilang barrio. Napakagandang tingnan ang mga batang excited pumasok sa bago nilang eskwelahan. Dahil sa pinakitang talento ng mga bata ay nabigyang pansin ang barrio ng munisipyo binigyan sila ng budget sa pagpapagawa ng silid, palikuran at silid aklatan. May nagdonate din ng palaruan para sa mga bata upang maganahan pa silang mag aral. Ang iba naman ay namahagi ng libreng uniporme at gamit sa pag-aaral katulad ng kwaderno, krayola, lapis,pantasa, at iba pa. Meron ding mga taga ibang bansa na nagpapadala ng pera para sa kanilang weekly feeding program. Ang mga nanay ng mga estudyante ang tumutulong sa pagluto tuwing feeding day nila. Napaluha si Sheng habang tinitingnan ang mga batang walang mapagsidlan ng saya habang naglalaro sa kanilang mini-playground. Halos lahat sila ay di maitikom ang bibig sa kakangiti. Halos lahat ay tumaba na rin dahil sa weekly feeding program nila. Dati ay nakapaa lang sila, ngayon halos lahat ay may sapatos na dahil sa mga taong may mga ginintuang pusong sumusuporta sa kanila. "Salamat Diyos ko sa lahat ng mga biyayang natatamo ng barriong ito. Alam ko na ngayon bakit ako nandito, para tulungang umunlad ang barriong ito. Patnubayan niyo po nawa sila at maging masipag pa sa kanilang pag-aaral" Napasigaw si Sheng ng may tumusok sa tagaliran nya. Ginulat siya ng mga bata habang nakapikit siya't nanalangin. "Maestra. Nagdadasal na naman kayo. Alam nyo pinagdadasal din kayo naming lahat" Sabi ng estudyante niyang makulit. "Pinapanalangin po namin na sana po ay dumating na ang Prince Charming mo" sabay tawa ng mga bata. Nagulat sia sa sinabi ni Nilo. "Buti pa sila pinapanalangin yun, ako nga hnd ko naisip yun" sinabi nya sa sarili " Salamat mga bata.. sige na maglaro na kayo. Agad napaisip si Sheng. "Oo nga no bakit hindi ko naisip yun? Masyado lang akong masaya sa mga nangyayari sa akin at sa lugar na ito. Kung dadating siya, maghihintay ako" may ngiti sa kanyang labi habang tinatanaw ang mga batang napakasayang naglalaro. Madaling araw na ay gising pa sya. Hindi mawaglit sa isip nya ang sinabi ni Nilo. Bakit hindi ko naisip yun..kailangan ko pala ng Prince Charming. Dadating pa kaya siya? Anong itsura niya?Mamahalin niya din kaya ako? Kay daming tanong sa isip nya. Buti na lang ata walang pasok bukas, Sabado pwede syang mapuyat. "Huwag ko na lang isipin yun. Kung darating sya, eh di dadating. Yun ang huling nasabi nya at nakatulog na siya ng mahimbing.. Nasa isa siyang yungib na may naririnig na umaagos na tubig..Sa loob nito ay may maliit na waterfalls. Napakaganda ng lugar na puno ng mga bulaklak ang mga gilid ng munting sapa. Klarong-klaro ang tubig na dumadaloy sa kanyang mga paa habang masaya siyang nagtatampisaw sa tagong paraiso. Habang natutuwang pinaglalaruan ang mga malilit na bato sa malinaw na tubig ay may narinig syang tawa, nanggaling yun sa pinakadulo ng yungib. Dali-dali syang tumakbo patungo doon. Out of curiousity ika nga. Gusto nyang malaman kung kanino galing ang mga halakhak na yun.Halos madapa pa siya dahil binilisan niya ang pagtakbo. Dahan dahan syang humakbang patungo sa

kinaroroonan ng taong tumatawa. Nakatago siya sa isang malaking bato habang sinisilip ito.Nagulat siya nung nakita nya na ang taong yun ay isang lalaki. Mas lalong nanlaki ang kanyang mga mata nung nakita niyang walang saplot na naliligo ang lalaki.Buti na lang at nakatalikod ito at lampas baywang ang tubig, ngunit kita pa rin ang likod na maselang bahagi ng hubo't hubad na lalaki sa malinaw na tubig. Tinakpan ang mga mata ngunit curious pa rin kung sino ang lalaking yun, sinilip niya ulit yun.Mas lalong lumakas ang tawa ng lalaki at nagsalita habang nakatalikod "Masaya ka ba sa pinapanood mo? Sige lang panoorin mo lng ako mahal ko". Iyon ang ikinagulat ni Sheng..ang huling sinabi ng lalaki..mahal ko,mahal nya ko?pano?kailan? "kay dami niyang tanong , mas lalong bumilis ang kabog ng dibdib nya.Halos tumalon siya sa tuwa. Sa wakas may prince Charming na siya. Gusto niyang lumapit ngunit naunahan sya ng takot. Gusto niya ng lumabas ng yungib, tila may pumipigil sa kanya. Muli na namang nagsalita ang lalaki. "Halika mahal ko, mahalin mo ako"Mas bumilis ang kabog sa kanyang dibdib, natakot sya ngunit gusto nyang makita nag lalaking mahal daw siya. Lumusong sya sa tubig ng dahan dahan, hindi inalintana ang takot. Napakalamig ng tubig ngunit di nya yun inalintana ang mahalaga sa kanya, gusto niyang makita ang misteryosong lalaki. Nagulat siya ng biglaan siyang hinawakan ng lalaki habang nakatalikod ito. Sa takot ay napapikit sya, ang bilis ng mga pangyayari. Hindi sya nakagalaw at nagulat dahil hinagkan siya ng di kilalang lalaki.Nagtatalo ang isip nya ngunit ang puso nya'y sumasang-ayon.Ang halik niya iyon ay hindi nya lubos maisip na mangyayari sa buong buhay niya. Gusto niyang idilat ang mga mata ngunit di niya magawa dahil sa tuwang dulot ng halik ng misteryosong lalaki. Parang bulak ang lambot ng mga labi nito sa tuwing dumadampi sa labi niya'y para syang dinuduyan. Buong pagmamahal siyang hinahalikan ng lalaki, sumasang-ayon ang kanyang mga labi at tumutugon sa mga halik nito. Una ay marahas at mabilis ngunit nung lumaon na ay bumabagal ito at animo'y sumusunod sa isang malumanay na tugtugin. Nais nyang kumawala ngunit parang may magnet na humahatak sa kanya at ayaw nang kumawala.Hindi nya namalayang naalis na ang saplot sa katawan. Pareho na silang hubo't hubad. Patuloy pa rin syang nakapikit, hindi nya pa rin mamulat ang mga mata dahil sa unang pagkakataon ay nagmamahal siya at minamahal siya.. Parang may dumaloy na kuryente nung may dumantay na kamay sa kanyang mga braso.Ang isa ay papalapit na sa kanyang hinaharap, gusto niya mang tumutol ngunit ayaw pigilan,gusto nya ang ginagawa ng iniibig. Wala na syang iniisip ng mga sandaling yun kundi mapasaya ang mahal nya. Mahal? mahal nya na ba talaga ang lalaking ni pangalan ay hindi nya alam. Sandali syang napaisip, "tama ba tong ginagawa ko.. nagtatalo ang puso't isipan ngunit gusto nya rin ang mga nangyayari.Ayaw niya ngang matapos ang sandaling iyon. Nais lang makapiling ang lalaking di kilala. Habang hinahalikan sya'y gumagapang ang kamay nito sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan dulot nito'y isang damdaming ngayon nya lang naranasan. Gusto nyang sabihing "sige ituloy mo lang". Mas lalong tumindi ang sensasyong naramdaman nung may matigas na bagay sa harapan nya ang tumama sa harap nya. Binuhat sya ng lalaki habang hinahalikan sya, akala nya'y lumilipad sya.Inihiga sya sa malapad na bato na hugis lamesa. Di nya pa rin maidilat ang mata, gusto nya talagang makita kung sino man ang lalaking yun. Mas imporatante sa kanya ay mahalin sya nito. Huling nasambit ng lalaki ay "Mahal na mahal kita. Ako ay para sa iyo at ikaw ay para sakin lamang". Maestra..maestra.yun ang mga umalingawngaw na naririnig niya. Hinanap niya ang misteryosong lalaki.. nasa kubo pala sya at napagtanto niyang panaginip lang pala yun."Sayang naman,hay..hindi ko man lang nakita ang mukha niya..kasi naman hindi ko naidilat ang mata ko..nakakinis"sambit nya sa sarili. Patuloy pa rin ang pagsigaw ng mga bata. Dali-daling bumangon sa kama si Sheng at tumakbo patungong pinto. Nakita nya ang mga batang umiiyak at humihingi ng saklolo. "Maestra Sheng si Nicolo po

binubugbog na naman ng tatay nyang lasenggo, tulungan nyo po kami" paiyak na sumbong ng kaklase ni Nicolo na si Laila. "Ayaw nya po kasing sumunod sa tatay nya, inuutusan po syang magnakaw, diba po sabi nyo bawal magnakaw kaya ayaw nya pong gawin yun". Napaiyak din si Sheng dahil hindi nakakalimutan ng mga bata ang tamang asal. Isinasaisip ng mga bata ang mga magagandang asal na pinag aaralan nila. Agad syang nagbihis at halos patakbong tumungo sa bahay nila Nicolo. Bago sila tu,uloy dun ay dumaan muna sila sa bahay nila Aling Mina, ang barrio kapitana.Humingi sya ng tulong na padalhan sila ng tanod, sumang-ayon naman to. Malayo pa lang ay dinig na nila ang sigaw ni Nicolo."Huwag tay, maawa na po kayo" pakiusap ng bata habang umiiyak sa sakit. Napatakbo sya ng mabilis kasama ang mga bata. Hahampasin na sana ni Mang Arturo si Nicolo ng tubo nung may sumigaw " tama na po mang Arturo, maawa po kayo sa anak nyo" Biglang binitawan nya ang hawak na tubo. Naalimpungatan sya sa ginagawa, hindi nya lubos maisip na kaya nyang gawin yun sa anak nya. Lulong kasi sya alak, nagsimula yun ng mamatay ang asawa nya. Sinisi nya sa sarili ang pagkawala ng pinakamamahal na asawa. Hindi nya naisip na kailangan rin nyang mabuhay para sa nag-iisang anak. Tumakbo sya palabas para tumakas sa kahihiyan ngunit naabutan sya ng maga tanod,agad syang dinala sa barrio hall. Lupaypay sa sasahig ang kawawang bata, may mga pasa ito sa katawan dulot sa sinturon ng ama. "Salamat po Maestra" yun ang huling nasambit ni Nicolo at nawalan na sya ng malay dahil sa pagod at sakit dahil sa pagkabugbog ng ama. Doon muna tumira si Nicolo kala aling Mina ng ilang araw. Nangako si Mang Arturo na magbabago na matapos makulong sa selda ng barrio ng sampung araw. Pinagsisihan nya na ang ginawa at hindi na sinaktan ang anak. Laking tuwa ni Nicolo at bumalik na sa dating ugali ang ama, wala man ang inang nagmamahal sa kanya ngunit andyan naman ang kanyan itay na handing magmahal at umagapay sa kanya. Laking tuwa din niya dahil hindi na ito naglalasing at humanap ng desenteng trabaho. Nagtrabaho si Mang Arturo sa isang construction site at kumikita ng sapat para sa kanilang mag-ama.. Simula noon ay lagi na silang masaya at magana nang mag-aral ang bata. Lahat ng yun ay dahil kay Sheng. Lubos ang pasasalamat ng taga barrio dahil sa kanya ay unti-unting nagbabago ang buhay ng bawat isa. Chapter 2 Habang naglalakad pauwi ay naisip ni Sheng ang lahat ng mga pangyayari sa barrio. Mula ng dumating sya hanggang sa kasalukuyan. Napakasaya nya tuwing iniisip nya ang magandang nagyayari sa mga atag barrio Sinoot. Hindi nya lubos maisip na malaki ang maitutulong nya sa pagginhawa ng barrio hindi lang sa edukasyon kundi sa buhay ng mga nakatira doon. Dahil sa mga parangal na gawa ng mga bata ay nakilala ang barrio. Madaming magaganda ang kalooban ang naantig sa kwento nila at naging masugid na taga-suporta sa kanilang mga proyekto at pangangailangan ng estudyante. May mga donations nag galing sa ibat' ibang bansa. Nabigyan ng malaking pondo ang barrio . Nagpagawa ulit ng bagong silid at kaya na nilang kumuha ng dagdag na guro. Si Debbie at Fhevi, mga taga lungsod din na ang panagarap ay makapagturo sa lugar na iyon.Tatlo na silang guro. Si Sheng ang head teacher. By schedule ang ginagawa nilang pagtuturo. Mabuti at magaganda din ang ugali ng dalawang guro at nagkakasundo din sila, naging mabuti silang magkakaibigan. Binigyan din sila ng sari-sarili nilang dampa. Kay sarap isipin na madaming mabuting nangyayari sa lugar nila. Lumalakad siyang napakasaya. Kuntento na siya sa mga nangyayari sa kanyang buhay kahit ang nakaran niya ay puno ng pait. Pinipilit niyang maging masaya sa kabila ng kanyang mga nagpagdaanan. Nalungkot siyang bigla nang naalala ang dating buhay. Wala na siyang pamilya, nagiisa lang siyang anak at bata pa siya at naulila na. Mabuti na lang at may magandang kalooban na kapitbahay nila ang umampon sa kanya, si Nanay Coroy niya. Nag iisa lang ito sa buhay at itinuring na rin siyang parang sariling anak.Pinagpaaral siya hanggang

kolehiyo. Puno ng pangarap si Sheng, gusto niyang guminhawa ang buhay nila ng kinagisnang ina. Ngunit limang buwan pagkatapos ng kanyang graduation ay namatay ito sa sakit na Leukemia. Napakasakit ito sa kanya dahil wala na nga ang mga tunay na magulang, nawala pa ang nag iisang taong nagmahal ng totoo sa kanya. Ngunit positibo ang tingin ni Sheng sa buhay, kailangang harapin ang buhay. Yun ang turo sa kanya ng kinagisnang ina, "Huwag kang susuko sa buhay anak, hindi ka pababayan ng Panginoon. Masaya o malungkot man na mga pangyayari ang dumating sa buhay mo, matutong kang magpasalamat. Ang lahat ay may dahilan" Napangiti na lang siyang habang inaalala ang mga aral ng pinakamamahal niyang nanay Coroy. Kaya't nagpasya itong tanggapin ang trabaho na malayo sa lungsod upang makalimutan ang napapakalungkot na nagyari sa kanya. Ngunit walang poot syang naramdaman, alam nyang may rason ang lahat na nangyari, yun ang lagi niyang isinasaisip. Panagarap nyang pakapagturo sa malalayong lugar dahil alam niyang kailangan siya doon at gusto nyang mapagsilbihan ang mga katulad niyang salat sa pamumuhay. Lubos ang pasasalamat kahit ulila na siya ay madaming nagmamahal sa kanya, ngunit batid nyang parang may kulang. Pumikit sya at nanalangin "Panginoon buong puso po akong nagpapasalamat sa lahat lalo na po sa mga biyayang tinatamo naming lahat. Hindi po ito mangyayari kung wala kayo. Dalangin ko po'y patuloy na ligaya ang idulot nyo sa aming lahat.Ano man ang mangyari ang inyong gabay at kagustuhan ang masusunod" Bigla nyang naisip ang lalaki sa panaginip. Nawala na sa isip nya yun dahil nga sa maraming nangyari sa mga nakalipas na mga araw. Biglang pumikit sya ulit "Lord, sana dumating na si Prince Charming ko, parang siya na lng ang kulang sa buhay ko" nakabungisngis habang nananalangin. "Sana po dumating na sya, sana." Gusto nya ng matulog at baka sakaling matuloy ang panaginip nya. Napangisi sya habang iniisip yun. Gusto niyang makita ang mukha ng lalaking sinasabing mahal siya "Ang tagal na kaya noon, ano yun teleserye may continuation?ayyy..nakakaloka. Hay magluluto na lng ako at mag-aayos ng bahay, hindi ko na siya iisipin" Nais magpakabusy para makalimutan ang lalaki sa panaginip. Pasayaw sayaw habang papunta sa bahay nila na bitbit ang mga pagkaing binigay sa kanya ng taga barrio. Biglang may malakas na sigaw syang narinig. "Aaahhhhhhhhhhhh" galing yun sa bangin na hindi kalayuan sa kanyang dampa "Diyos ko po!" yun lang ang nasabi nya. Agad nyang binitawan ang mga dala at humangos patungo sa sa taong nahulog. Malamang nahulog ito dahil sa bangin narinig ang sigaw. Mahirap babain ang bangin ngunit eksperto na sya dun dahil lagi nyang ginagawa yun tuwing nangangahoy sya . Hindi mawari sa isip nya na may taong nahulog dun, tiyak niya'y patay na yun. Hindi nya inalintana ang mga puno at kugon na nakahambalang sa dinadaanan, nais niyang malaman kung buhay ito.Kahit nagkasugat-sugat dahil sa mga talahib ay hindi sya tumigil sa pagtakbo sa kinaroroonan ng taong nais tulungan. Habang papalapit ay pabilis ng pabilis ang kabog ng kanyang dibdib, may damdaming waring di nya maikubli "Awa". Paano kung namatay sya, kawawa naman ang pamilyang naulila nya. Naaaninag nya ang taong kinaaawaan, umuungol ito. Bigla namang gumaan ang kalooban niya, nabigyan siya ng konting pag-asa na buhay ito. "Andyan naku, huwag kang mag alala tutulungan kita" pasigaw na sabi nya. Lumapit sya sa lalaki, nakita nyang nakahandusay ito na nakataob. May kaunting dugo sa kanang bahagi ng kanyang ulo. Bago sya naging guro ay tapos siya ng kursong Nurse ngunit pagiging teacher ang 1st love nya. Agad niyang ginawaran ng 1st aide ang lalakng estranghero. Chineck nya muna ang pulso. "mabuti at ok naman ang pulso nya" ani ni Sheng na unti-unting nawawala na ang takot. Tiningnan ang mga kamay at paa kung may mga sugat. May mga maliliit na sugat sya sa kamay at mga galos dulot ng pagkahulog nito at sa kanyang binti ay may malaking sugat na parang nasabit sa matalim na sanga, malalaim ito at parang nararamdamn nyang napakasakit nito. Gumagalaw ang estranghero at naghihisterya dahil sa tinamong pagkabagsak. "Huwag kang masyadong magalaw mas lalong sasakit

yan " payo ni Sheng. Sumunod naman ang misteryosong lalaki at di gumalaw. Kailangan niyang patihayain ito at hilahin papunta sa punong mangga. Buong lakas niyang ibinaligtad ang lalaki. Nawalan sya ng balanse at natumba din sya. Saktong sa harap ng lalaki natumba. Nakatihiya ang lalaki at sya ay nakataob sa ibabaw nito. Gusto niyang tumayo ngunit natigilan ito nung nakita niya na ang mukha ng lalaki." Diyos ko po" gusto niyang sumigaw, hindi sigaw tili. "Napakagwapo nya, isa syang anghel" napangiti siya ng malaki at sa isip ay nagbiro pa sya " Lord baka anghel ito galing sa langit, macheck ko nga kung may pakpak" Di pa rin sya umaalis sa kanyang awkward na posisyon. Sinamantala niyang tulog ito. Napakalapit na ng mukha nya sa lalaking nakahiga. Tiningnan nya mabuti ang mukha nito. Hindi sya nakuntento at hinawakan nya ang pisngi nito."Rosy Cheeks" biro pa niya. Mamula-mula ang mukha niya dahil sa mga galos ngunit taglay nya pa rin ang nakakapang-akit na mukha. Nataranta siya ng kaunti nung makita ang dugo sa noo nito. Pinunasan nya kaagad ang dugo na di inalinta na kamay niya ang pinangpunas dito. Patuloy pa rin niyang tinititigan ang lalaking walang-malay. May ngiti sa kanyang labi at pilyang nag-isip "Lord, ang bilis naman ng sagot sa panalangin ko. Kung siya man ang prince charming ko salamat in advance, pero sana naman hindi mo na sya inuhulog" Medyo nagtagal na sya sa posisyong iyon na nakadapa sa lalaki kaya't nahiya sya sa kanyang sarili. Agad syang tumayo at lumingon sa paligid luminga-linga kung may nakitingin sa kanya. "Nakakahiya ka teacher ka pa naman"paninisi sa sarili. Hinila niya papuntang punong mangga ang gwapong lalaki. Napakabigat niya ngunit wala sa kanya ang bigat imporatante ay matulungan niya ito. Nung naiupo niya na sa puno ay naisip sya. " Ano kaya ang gagawin ko? Pano ko siya tutulungan?" Nag-isip siya ng mabilis. Kailangan niyang iaakyat sa bahay niya ang lalaki. Kailangang magamot ang sugat at hintaying magkamalay ito. Tumakbo siya ng paakyat niya ng mabilis papuntang bahay nya, kinuha ang makapal na kumot. Halos nagpatihulog na lang sya sa bangin para mabilis nya ng mabalikan ang hinahangaang estranghero. "I am relieved" sabi nya. Hindi niya alam kung bakit ayaw niya itong iwan. Dahan dahan niyang inihiga ito sa makapal na kumot, tinali ang mga dulo. Para syang sanggol sa loob ng kumot. Habang hinihila, hindi niya ininda ang pagod, sa isip niya'y dapat matulungan nya ito. Kailangan magkamalay na at makauwi sa kanila. Ngunit kalahati ng puso niya ay hindi umaayon, gusto niyang lagi niya syang kasama. "Napakaimposible mo maestra" pinagsasabihan ang sarili "Bakit mo naiisip yan eh nasa delikadong sitwasyon na nga si..sino ka nga ba??" kinakausap niya ito kahit walang malay. Nawala ang pagod niya nung nakita nya na ang bahay nya. "Malapit na my prince charming, dont worry everything's gonna be allright" napatawa sya sa sarili kasi bigla syang nag-english. Bago pumasok ay lumingon ito sa paligid. Nais niya ay walang makaalam sa mga pangyayari, gusto niyang ilihim ito sa lahat. Nasa loob na sila ng bahay, buong lakas nyang hinila papunta sa sala set na pahaba na gawa sa kawayan si Mr. Stranger.Nasa taas kasi ang kwarto niya, hindi niya kayang iaakyat ang tinulungang lalaki. Inalalayan niya ng pagkahiga sa sofa at siniguradong maayos ito. Para maksiguradong okay ito, inilapit ni Sheng ang kanyang tenga sa dibdib nito. Nais malaman kung patuloy sa pagtibok ang puso nito. Ngunit ibang tibok ng puso ang naririnig niya, parang tibok ng puso niya. Hindi niya malaman bakit siya nagkakaganoon. Dumantay lang tenga niya sa dibdib ng lalaki ay parang parang may kakaiba na siyang nararamdaman. Iwinaglit niya sa kanyang isipan ang posibilidad na umiibig siya sa lalaking yun. Halong awa lang siguro yun at paghanga. Kaya't agad na lang siyang nag init ng tubig para pangpunas sa kanya. Kailangang linisin ang sugat at baka magkaumplikasyon pa ito. Aktong huhubaran nya na ang lalaki ngunit nag alinlangan sya. Ngayon pa lang sya makakakitang hubad na lalaki, half-naked lang wala siyang balak tanggalin ang pang ibaba. Ngunit kailang nyang tanggalin ito para malinis ang sugat niya sa binti. Humugot sya ng hininga ng malalim, pinakalma ang sarili "Kaya mo yan Sheng, This is It" Halos nakapikit syang tinanggal ang t-shirt ni Mr. stranger.

Nakita nyang may mga sugat ito sa katawan, awang-awa sya. Biglang nawala ang hiya sa kanya, "as a nurse in profession kailangan walang malisya" usal nya sa sarili. Nilinis niya muna ang kalahating katawan. Mabuti at may first aide kit siya at kumpleto sa gamot. Nil;inis niya muna ang mga galos at sugat. Pagkatapos ay pinahiran niya ng ointment ang mga sugat. Napahinto sya nung ibabang parti na ang tatanggalin nya, halos giniginaw sya. "Lord tulungan niyo po ako, bigyan niyo ako ng lakas ng loob" tinanggal ang butones ng maong na pantaloon at ibinaba ang zipper, hindi talaga sya tumitingin. Agad nyang hinugot ang maong pants at biglang tinakpan ng kumot ang lalaki, sabay lumayo at napasigaw na itinakip ang dalawang palad sa kanyang mukha. , animo'y nakakita siya ng ipis. Buti na lang at malayo ang mga kapitbahay hindi narinig ang tili niya. Gumagalaw ng kaunti ang lalaki ngunit wala pa ring malay. Pinunusan nya ang mga maduduming bahagi ng katawan nito na halos hindi pa rin tumutingin sa katawan nito. Ngunit di niya maiwasang tumitig sa mukha nito "mukhang anghel", it's how she described him. Hindi siya natulog sa kwarto niya, binantayan niya ang lalaki para kung magising man ito ay nandoon siya.Dun siya pumwesto malapit sa kanyang pasyente, di siya makatulog dahil alalng-alala siya dito. Buti at saktong Sabado bukas walang pasok, mapuyat man siya ay okay lang. Hiling niya lang ay sana'y walang pumunta sa bahay niya ayaw nyang may makakitang may kasama siyang lalaki. Halos di siya makatulog, nakaupo na lang siya at nagbabakasakaling magising ito. Halos nakapikit na ang kanyang mga mata dahil sa antok, nagulat na lang siya ng biglang nagsalita ito. Nilalagnat pala ito at animo'y nagdidiliryo. Agad niyang pinunasan ng malamig na tubig upang bumaba ng kaunti ang lagnat. Maaring dulot yun ng sugat niya, naimpeksyon siguro. Pinainom nya ng pain reliever, antbiotic at paracetamol. Hiling niya'y sana ay maging maayos na ang pakiramdam nito, hindi nya gustong makita ito sa ganitong sitwasyon. Pati sya ay nagulat sa reaksyon, "Bakit ayaw ko siyang masaktan, bakit sobra naman ang concern ko?" agad binalewala ang nararamdaman. Imporatante sa kanya ay gumaling na ito at bukas pagkagising ay nais nya na itong makauwi sa nag-aalalang pamilya. Di pa rin tumigil ang panginginig ng lalaki. Kumuha sya ng makapal na kumot at ibinalot nya ang lalaki. Nais maibsan ang paghihirap ng lalaki kaya't napayakap na siya dito, hindi nya na inisip ang hiya. Inisip niya na walng malay ang lalaki at hindi naman niya malalaman na tumabi siya dito. Balak niya lang naman na kahit papano ay makatulong maibsan ang panginginig nito sa pamamagitan ng init ng kanyang yakap. Ngunit sa di inaasahan ay napasarap siya sa kanyang pagkayap at nakatulog siya sa bisig ni Mr. Stranger. Chapter 3 Sumikat na ang araw ng nagising sya. Laking gulat nyang may nakatitig sa kanya. Gising na ang di-kilalang lalaki o kung tawagin niya ay "Anghel". Nahiya siya sa sarili kasi sa tingin nya'y pangit siya pagbagong gising o di kay'y tulog pa sya tinititigan na sya. At nahihiya sya dahil baka kung ano ang isipin ng lalaki dahil magkatabi sila at nakayakap pa siya dito " Magandang umaga" bati nya at agad inalis ang kamay na nakayap sa lalaki.Tumayo agad ito sa pagkakahihaga at tumungo siya sa kusina upang maghahanda ng makakain. Tango lang ang isinagot ng lalaki. Feeling nya ay namumula sya sa hiya. "Asan ako?" yun ang unang nasambit ng lalaki."wala kang matandaan?",tanong ni Sheng. "Sino ako?" Yun ang ikinagulat ni Sheng.. Pati sarili nya hindi nya kilala. Agad nyang naisip na baka nagka amnesia sya dahil sa matinding pagkabagsak nito. "Sigurado ka bang wala kang natatandaan? panigurado pa nya. "Oo, hindi ko alam kung nasaan ako at kung sino ako"diin na sagot nya. Ang daming naglalaro sa isip ni Sheng. "Ano bang nararapat gawin? Help me Lord"sa isip nya. Sumagot na lang sya bigla "Ako ang asawa mo" nanlaki ang mata at sya mismo ay nagulat sa sinabi." Hindi nya mabawi yun, nasabi na nya.Dasal nya na lang ay huwag ng magtanong ang lalaki. Kumunot ang

noo ng lalaki " Sabi ko na nga hindi sya maniniwala, paano na to?patay..hay kakainis." Iniisip nya lang, inis na inis sya sa sarili nya .Mahinang batok nya sa sarili. "May sakit ba ako?wala akong matandaan" Hindi galit ang lalaki, ni hindi ito nakipagtalo sa kanya. Pinagpatuloy nya na lang ang pagsisinungaling. "Ay oo may sakit ka, yung tinatawag nilang amnesia, aksedenteng nahulog ka sa bangin habang nangangahoy. Sabi ng doktor ay may amnesia ka, hihintayin na lang nating gumaling ka," nahihiya sya sa sarili sapagkat sa paaralan ay itinuturo nya sa mga bata na bawal magsinungaling, ito ngayo'y sya ay nagsisinungaling. Hindi na humingi ng kung anong eksplenasyon ang lalaki. "Ano ang pangalan ko? Nakatalikod na si Sheng nung nagtanong sya. "hay pati yun iisipin ko pa" unang pangalan nasaisip nya ay Angelo , dahil parang anghel syang hinulog mula sa langit . "Ahhmmm Angelo .. Angelo Rodriguez" naisip nya ang apelyidong Rodriguez dahil tunog mayaman ito, pang-Espanyol. Mukha sya kasing Spanish, nakakasigurado sya dun dahil sa mapula pulang balat nito. Hindi say maputi hindi rin sya kayumanggi, napakaganda ng kulay nya at matipuno ang katawan, sporty tingnan. Syempre mas maganda ang mukha nya, matangos na ilong, magandang mata hawig sa artistang Richard Gomez, mapupupungay na mga pilik-mata, katamtamang kapal ang kilay at ang pinakamagandang tingnan ay ang kanyang mapupulang labi na parang nang aakit itong halikan sya "Hay..sigaw nya sa isip, nagkakasala na ako, ano ba yan""dahil sa kagwapuhan nya'y nagsisinungaling na sya. "Ahh Angelo pala pangalan ko.. ikaw asawa ko? ano ang pangalan mo?' 'Bigla syang nahinto sa ginagawa, muntik nya ng mabitiwan ang pinggan. "Wow tinawag nya akong asawa ko, ang sarap naman" kinikilig nya hindi nya maitago ang saya. Hindi pa rin sya lumilingon kay Angelo. 'Ahhmm Sheng ang nickname ko, pero Sheniah ang pangalan ko, Sheniah Quezon:" Tumango lang si Angelo, pilit bumangon ngunit napasigaw ito sa sakit..masakit pa rin ang sugat na binti. "Huwag ka ng tumayo, ako na alng ang magpapakain syo magpahinga ka na lang. "Sige" yun lang ang huling sinabi nya. Habang nagpapahinga si Angelo ay agad nagluto ng pananghalian si sSheng hindi sila nakapag almusal dahil pareho silang tinanghali ng gising. Di pa rin maalis sa knya na sa unang pahkakataon ay may nakatabi siya sa pagtulong at lalaki pa ito. Parang syang malulusaw sa hiya pag naalala nya iyon, pero masaya siya dahil feeling niya ay nakatulong ang pagyakap nya sa paggaling ng kunwaring asawa. Ng matapos na ang niluluto ay dali-daling kumuha ng kanin at ulam, halos mapaso na sya sa pagmamadali. Hindi nya gustong maghintay ang asawa.Natatawa lang sya na may asawa na pala sya "hhmm instant asawa, ang saya,kinikilg sya na nakangiti.Inilapit ni Sheng ang maliit na lamesa malapit sa kama. Pinaupo nya si Angelo at pinasandal sa pader. Inilapag nya sa lamesa ang ulam, piniritong isdang bangus at sinigang na baboy ang ulam. Sa bango pa lang ng ulam ay natakam na si Angelo. "Masarap ka siguro magluto asawa ko no?"tanong ng asawa "Oo dun ka nga nainlove sakin" pabirong sagot nya gustong-gusto nyang tawagin sya na asawa ko. Susubuan nya na sana si Angelo ngunit pinigil sya nito, nahawakan ang kamay nya, parang may kuryenteng naramdaman, katulad sa panaginip nya. Hindi nya iniwas ito. Kinuha ni Angelo ang kutsara " Huwag mo na akong subuan, hindi naman ako inutil, sabayan mo na lang akong kumain". Sumang-ayon na lang sya. Habang kumukuha sya ng ulam at kanin ay tinitingnan-tingnan nya ito, parang batang hindi nay gusto mawala sa paningin nya. "Hindi ko na gusto ang nararamdaman ko, ito nab a ang sinasabi nilang pag ibig? Parang ayoko na syang mawala sa akin, ikakalungkot ko kung aaalis na sya at matandaan ang nakaraan nya" malungkot na sabi nya sa sarili. "Asawa ko, dalian mo na hindi ako kakain kung hindi ka kasabay," Ikinatuwa naman yun ni Sheng at agad syang pumunta malapit sa asawa. Masaya silang nagtanghalian, nagkwentuhan, nagbibiruan. Pinapaala ni Sheng sa kanya ang kanyang mga nakaraan, ngunit lahat ng yun ay gagawa gawa nya lang puro kasinungalingan. Nalulungkot sya dahil sa pagtatago ng katotohanan ngunit masaya naman sya dahil kasama nya ang kanyang anghel. Ipinagbalewala nya lang iyon, hindi na iniintindi ang guilt na

naramdaman. Importante sa kanya ay masaya sya sa piling ng asawa Buong maghapon ay nag usap lang sila "No boring moments" as an expression. Bawat ngiti at tawa ni Angelo ay napapangiti sya. Isa na iyon sa pinakamasayang araw sa buhay nya. Napakamasayahing tao ni Angelo at palabiro ito, mahilig siyang magkwento tungkol sa mga masasayang pangyayari. Napakasweet niya rin dahil habang nagkwewento ito ay hinahawakan nya ang mga palad ni Sheng. Di na naman maiwasan ni Sheng ang mahiya, ngunit kailangan nyang magpanggap, dapat di mahalata napekeng asawa siya. Kung hindi pa siya napatingin sa bintana ay hindi nya malalamang gabi na. " Dito ka muna Angelo, magluluto na ako ng hapunan natin. Akma na syang paalis nang hinawakan sya nito sa kamay . Ganun pa rin ang nararamdaman nya tuwing dadantay ay kamay nya sa kahit saang bahagi ng katawan nya, tila may kuryenteng dumadaloy. " Ang daya mo, ako may endearment na tawag sayo ba't ikaw wala", sabay ismid nya. Hinarap ang nalungkot nyanga asawa, humawak ang dalawang kamay sa knayang mukha at sinabing " Oo na mahal ko , cg na mahal ko magluluto na ang asawa mo". Ngumiti naman si Angelo satisfied sa tawag sa kanya ng asawa. Habang naghahanda ng pagkain ay napaluha si Sheng. Walang kasinungalingan sa sinabi nya. "Mahal ko na sya"tuluy-tuloy na ang mga luha sa mata nya. Tapos na silang kumain, nag-aayos na sya ng pinagkainan. At habang naghuhugas ng pinggan ay balisa pa rin si Sheng. Inakala nyang panaginip pa rin yun. Pumikit sya at nanalangin "Diyos ko po patawarin nyo ako sa ginagawa kong pagsisinungaling. Hindi ko ito nais ngunit tawag ng pagkakataon. Hindi kop o alam kubg bakit kay bilis nahulog ng loob ko kay Angelo. Basta alam ko po'y ayoko na syang mawalay sa akin." Naputol ang kanyang dasal nang biglang may sumigaw. "Aray ko..Aray!!" Tinig yun ni Angelo. Tumakbo sya papuntang sala, iniwan ang ginagawa at agad pumunta sa sala." Anong masakit?Saan? Habang inaalam kung saan banda masakit sa katawan ng mister. Biglang niyakap sya ni Angelo at tawa ng tawa" Mahal talaga ako ng asawa ko ha, payakap nga. Ang tagal mo kasi, namissed kita" Niyakap sya ng sobrang higpit. Muli na naman tumulo ang luha nya, hindi nya akalaing sa ilang araw ng estranghero ay pati na siguro sya ay nahulog na ang loob sa kanya.Hindi makapaniwala si Sheng, madaming tanong sa isip nya"Kapag may amnesia ba'y madali lang mauto? Ba't ang bilis nyang maniwala? Hanggang kalian ito?' iyon ang mga katanungan nyang walang kasagutan. Di pa rin sya binibitawan ni Angelo, habang nakatalikod sya na nakaupo ay niyayakap sya nito. Bigla syang kumawala nung halikan sya sa kaliwang balikat, gusto nyang sumigaw pero inisip nyang baka magduda ito. Tumayo na lang sya at sinabi "Sandali lang mahal, tatapusin ko lang ang ginagawa ko, tapos matutulog na tayo." Sige, bilisan mo lang para makapagpahinga na tayo" ayon ni Angelo. Habang nalgalakad pabalik sa kusina ay nanganagmba si Sheng. Para na talaga silang mag-asawa, hindi pa rin siya makapaniwala. Pano nya sasabihin sa mga tao na may asawa na sya, ililihim nya ito sa lahat,kahit pa sa mga bestfriends niya, yun ang nais nya. Pilit nyang tinatagalan ang ginagawa upang hindi agad makabalik sa asawa. Naramramdaman nyang maaaring may mangyari na kung ano, natural na yun sa mga lalaki. Naramdaman nya kasing naglalambing ito, kaya kailangan nyang umiwas. Sa isip nya " Hala, ano yun? Nagpapahiwatig na ba sya? Napakasweet ng mahal ko, gusto ko ang maaring mangyari ngunit hindi pa ako handa". Dasal niya'y sana ay tulog na ang asawa pagbalik nya. Habang naghihintay si Angelo ay napaisip sya habang nakahiga. Ang daming bumabagabag sa kanya ngunit wala talaga syang maalala.Ang babaeng kakikilala lang nya ang tangi nyang pinaniniwalaan. Kung isip nya ang masusunod ay hindi sya maniniwala dito, ngunit puso nyang bumubulong na pagkatiwalaan nya ito. Habang natutulog kanina si Sheng ay matagal nya itong tinitigan. Katamtaman lang ang taas nya, maayos na pangangatawan.Fair complexion kung tawagin ang kulay nito.Maganda ang hubog ng katawan, sumakto sa kurba ng bewang nya ang kanyang hinaharap. Natawa rin sya habang sinusuri ito. Para syang kotse na sa lahat ng sulok ay kailangan

tingnan. Napalunok sya nung nakita nya nag mukha,"Napakaganda nya!" Kahit may buhok pa na nakamabalang sa mukha nya ay hindi mawari ni Angelo ang paghanga sa dalaga. Agad nyang hinawi ang buhok at inilagay sa tenga nito. Mas lalo syang humanga dahil sa magandang mukha nito,makinis. May hawig sila ng crush nya ng si Angel Locsin. Napatikhim sya nung nakita nya ang mapupulang labi nito, napakasarap halikan, sabi nya sa sarili. Gustong-gusto nyang titigan ang dalaga, para syang sanggol kung matulog,, napakahimbing. "Sya ba ang babaing tumulong sa akin?salamat po Dyos ko" sandaling dasal nya."Paggising mo liligawan kita" sinabi nya sa babae habang natutulog. Swerte nya lang at paggising ni Sheng ay sinabi sa kanyang asawa sya nito. "swerte ko naman, sabi nya sa sarili, kahit wala akong maalala ang ganda naman ng asawa ko, jackpot na ako dun" Ngunit naiisip nya pa ring parang may hindi tama sa nangyayari. Ngunit isinantabi nya yun ang mahalaga ay masaya sya, kontento kung ano man ang meron sya, ang asawa nya at ang maliit nilang dampa. Huling salita nya ay, " Bahala na si batman", hindi nya namalayan nakatulog na sya ng mahimbing. Natapos na ni Sheng ang ginagawa. "Sana ay natutulog na sya". Nangiti sya nang makitang mahimbing sa pagtulog ang kung tawagin nyang asawa nya. "Hay salamat, tulog na sya"habang nakangiti ito. Ngunit nawala ang mga ngiti nya nung naisip nya ang mga pangyayari. Napakamakasalanan nya na, tingin nya sa sarili. Hindi nya lubos maisip na kaya nyang magsinungaling. Agad syang umakyat sa kwarto nya. Sa sala nya pinapatulog si Angelo dahil mahihirapan syang umakyat sa kwarto dahil sa malaking sugat sa binti, hirap pa rin sya sa paglakad. Bago umakyat ng kwarto ay singurado nya muna tulog ito, Kinumutan ang asawa at tiningnan ng mabuti. "Napakagwapo talaga ng asawa ko, sana akin ka na lang habangbuhay " Hinalikan nya ang noo nito, sabay sabing "Goodnight Mahal ko" Nasa kwarto na sya, nakahiga ngunit ang isip ay di mapakali.Hindi sya matahimik may nais sya malaman. Naalala nyang may dalang bag si Angelo. Maari syang makakuha ng impormasyon dun kung sino nga ba talaga si Angelo. Kinuha nya ang bag-pack sa ilalim ng kama nya. Yun ang bag na nakasukbit sa likod nya habang wala syang malay. Binuksan nya ito at ibinuhos ang lahat ng laman sa higaan nya. May 3 piraso ng damit at mga mamahaling gamit : dalawang branded cellphone,iphone at xperia sony ericson, PSP, wallet at gold necklace na may letter K pendant. "mayaman sya siguro?"matagal nyang pinagmasadan ang leter K pendant, iniisip kung sino ang may-ari. Nais itago ngunit di na rin nais gumawa ng kung ano man. Ipinagpatuloy nya ang paghahalungkat.Kinuha nya ang wallet at inisa isa ang laman. Nakita nya ang familiar na ID, PRC id. Engineer Christian Jericho Vibar. Binasa nya ito ng paulit ulit, inirehistro sa utak nya. Yun pala ang totong pangalan nya. May mga nakita syang stickernames sa wallet "Eckho", ito siguro ang nickname nya. Patuloy pa rin sya sa pakikialam sa gamit na hindi kanya. Nakita nya ang calling card. Condo unit number 708 Messiah Towers, Don Lorenzo Avenue, Makati City. " mayaman nga sya, may condo sya" malungkot na sabi sa sarili. Alam nya na kung sino at saan nakatira si Eckho. "ano ang gagawin ko, sasabihin ko ba sa kanya ang totoo?' Itinago nya ng mabuti ang mga gamit at agad humiga. Balisa pa rin sya at di makatulog. Nakapagdesisyon na sya.. gagawin nya na ang tama sasabihin ang totoo kay Christian Jericho na hindi sya si Angelo Rodriguez. Masakit pa dun aya aaminin nyang hindi sila mag aasawa. Pero aaminin nya kaya ang nag iisang katotohanan?na mahal na mahal nya ang kakakilalang lalaki. Di nya namalayang lumuluha na sya. Nakatulog na syang umiiyak. Nagbabakasakaling paggising nya'y panaginip na lang lahat. Chapter 4 Napakapamilyar sa kanya ng tanawin. "Napakagandang lugar" anas nya. Pumasok siya sa yungib at talagang namangha sa napakandang lugar. Klarong-klaro ang tubig habang bumabagusbus ang tubig galling sa maliit na water-falls. "Nakapunta na ako dito ah"

Pilit nya pa rin iniisp kung kailan. Hindi niya na matiis ang ganda ng tubig at agad lumusong dito. Napakasarap maligo sa tubig lalo nat buong paligid ay maaliwalas. Ilang beses din syang sumusid.Lumangoy sya papunta't aprito. Ini-enjoy nya ang sarap ng malinis ng tubig. Akma na syang tatayo ay may yumakap sa kanya, gusto nyang tumili ngunit walang boses na lumalabas. Habang nakatalikod sya ng di kilalang lalaki. Gusto niyang lumaban ngunit para syang natutunaw sa mga yakap nito. Familiar ang yakap niya parang naramdaman niya na ito noon. "Kanina ka pa ba dito mahal ko, pasensya ka na at nahuli ako" pati ang boses ay pamilyar din. "Naaalala ko na , nakita ko na ang lalaking ito, siya yung .." hindi na siya natuloy mag-isip nung naramdaman niyang humarap sa kanya ang lalaki. Tumambad sa kanya ang napakagwapong mukha nito. Nagulat iya na si Angelo yun.. "Si angelo ang prince Charming ko!" Tuwang-tuwa siyang di nya maikubli, agad syang napayakap dito. Gumanti rin ng yakap si Angelo, mahigpit na yakap. Dahan dahang umalis sa pagkayap si angelo, Tinitigan ng mabuti si Sheng " Napakaganda mo mahal ko, mahalin mo ako" Hindi sya umimik, hahayaan nya kung ano man ang mangyari, ang alam niya lang ay mahal nya ito. Automatikong lumapat ang labi ni Angelo kay Sheng, tinugon nya naman ito ng matatamis na halik, hindi alintana ang ginaw ng tubig. Napakatagal na halik. Hiling nila'y magpakalainman na sana ang kaligayahang dulot ng pagkakataong iyon, sigurado siyang mahal nya si Angelo. Ngunit may pangamba pa rin siyang hindi siya mahal nito. Pero isinawalang bahala niya iyon ang impotante sa kanya ay nagmamahal siya. Binuhat siya ni Angelo habang hinahalikan, inihiga sya sa pantay na bahagi ng yungib. Patuloy pa rin sila sa paghahalikan. Isa isang inalis ni Angelo ang saplot sa katawan. Nahihiya man siya sa sarili ay hindi ito nanlaban. Gusto niya ang ginagawa ng lalaking mahal. "Mahalin mo ako mahal ko" yun na lang ang huling nasabi nya. Napaluha na lang siya ng may kirot na siyang naramdaman sa gitnang bahagi ng kanyang katawan. Kirot na may kakaibang sensasyon. Hindi nya ma-explain pero sa kanya ay napakasarap nito. Kahit nasasaktan ay pinipigilan nya ito gusto nyang maging masaya si Angelo. Habang minamahal siya ay laging sinasambit ni Angelo "Mahal na mahal kita" Parang nasa ulap siya, napakasarap ng karanasan na iyon. Labas pasok si Angelo sa kanya at ikinatuwa niya yun, nagdulot ng matamis na ngiti sa kanya. Dumating na sila sa pinakadulo ng sensasyong ng sabay silang sumigaw. Sabay din silang tumawa, hindi pa rin umaalis sa ibabaw nya ang mahal. "Mahal kita Sheng, akin ka lang" Nalimpungatan sya nung may narinig na " tokturook-tokturook" umaga na pala, tumilaok na ang manok. Lunes, hindi sya pumasok nagpaalam sya sa mga co-teachers niya na hindi sya papasok ng isang linggo. Hindi na nagtanong ang mga kaibigan niya, alam nilang Sheng deserves a break matagal na siyang nagtutroo pero hindi sya nagvavacation leave, kaya hinayaan na lang nila. Nanghinayang na naman si Sheng, "Hay, panaginip na naman.."pero masaya sya ang lalaki sa panaginip ay si Angelo. Pero malungkot dahil sa araw ding yun ay maari silang magkahiwalay at hindi na magkita kailan man. Pababa na siya ng hagdan ng nakita nyang wala na sa higaan si Angelo. Dali- dali siyang bumaba, nag-alala sya ng todo. "Angelo, Angelo, Angelo" pasigaw nya. Nung nasa kusina na siya ay napangiti siya nakita niyang may nakahandang pagkain sa mesa. Sa pinggan ay may dalawang itlog na prito at isang hotdog at ang ketchup ay korting ilong. Parang smiling face. At sa isang pinggan ay hinugis ang kanin na Mahal ko. Napakasaya niya gusto nyang tumalon sa tuwa, ngunit nangangamba pa rin siya at patuloy sa pag aalala. Kailangan inyang makita si Angelo. Lumabas siya ng kubo, palingon-lingon siya. Sinisigaw nya ang pangalan nito, kung saan saan na siya naghanap. Naiyak sya sa pag-aalala. " Baka umalis na siya, baka iniwan nya na ako"yun ang mga naglalaro sa kanyang isipan. Alam niyang dadating ang araw na lilisan si Angelo ngunit hindi pa siya handa sa ngayno lalo nat sigurado na siyang mahal niya na ito. Sa di kalayuan ay pinagmamasdan lang sya ni Angelo natutuwa na naaawa. Mahal

talaga ako ng asawa ko, nawala lng ako sandali umiyak na, pabirong sinabi niya sa sarili. Nagulat si Sheng habang mugto pa rin ang mata sa kakaiyak, biglang may humatak sa kanya. " Tumayo ka nga diyan para kang bata inagawan ng lollipop, tahan na may surprise ako sa iyo..dyaraan..wild flowers" Kahit masakit ang paa niya ay nageffort siyang manguha ng mga bulaklak. Imbes na magalit ay napayakap na lang si Sheng sa kanyang mahal. Aakala ko ay iniwan mo na ako", humihikbi habang nakayap kay Angelo. "Hindi kita iiwan mahal ko, hinding-hindi", hinalikan niya si Sheng sa noo habang nakayap. Buong araw silang nagkwentuhan at nagkulitan. Pero hindi pa rin mapakali si Sheng. " Kailangan sabihin ko na sa kanya, baka mas lalong tumagal ay mas masaktan ko siya", sa isip nito. Hindi sya makapagsabi ng totoo dahil hindi mahinto sa kwento si Angelo. Inihayag niya ang mga nais niyang gawin at mga pangarap niya para sa kanilang dalawa "Alam mo mahal pagnakapagtrabaho na ako papagandahin ko ang bahay natin. Kahit kubo lang pero parang mansion, malaki siya. Tumutungo na lang si Sheng ngunit balisa pa rin, sasabihin ko na kaya? Sasabihin niya na ang lahat ng katotohanan ng biglang lumuhod si Angelo sa harap nya. "Maaari mo ba akong pakasalan ulit mahal ko. Kasi hnd ko matandaan ang unang kasal natin."Will you marry me again Mrs. Sheniah Quezon Rodriguez? Para syang istatwa na hindi makagalaw. Napako yata ang paa nya sa kinatatayuan. Hindi sya makapagsalita. Tumayo si Angelo at niyugyog sya. Ano ba pakakasalan mo ba ako ulit o hindi.Napasagot na lang sya ng " Oo Mahal ko pakakasal ulit ako sa iyo". Wala mang naibigay na singsing ang asawa ngunit napakasaya inya, para sya nanalo sa lotto. Niyakap siya ng mahigpit ng asawa, sobrang higpit ay halos hindi na siya makahinga, ngunit masaya sya. Isa yun sa mga totoong sinabi nya, mahal na mahal nya si Angelo. Hindi nya lubos maisip na magmamahal sya ng ganun kabilis, hindi inisip kung anong tama o mali basta nagmamahal sya. Siya na ang nag prepara ng kasal nila. Ang alam ni Angelo ay may pera silang naipon ngunit ang perang ginagamit ni Sheng ay pera ni Angelo sa wallet nito. Binigay n Sheng kay Angelo ang pera at sinabing ipon nya at ito at ipinatago sa kanya. Ibinalik sa kanya ito ni Anegelo at sinabing gamitin para sa kanilang kasal. Abala sya sa mga dapat gawin. Kailangan nyang maipasa ang lahat ng requirements ng mga magpapakasal. Buti na lang at may kaibigan sya sa munisipyo nabigyan sya ng kopya ng pekeng birth certificate ni Angelo. Halos tatlong araw din syang pabalik-balik sa munispyo matapos lang ang mga kinakailangang gawin. Gabi na ng dumating sya sa kanilang bahay. Nagulat sya at madilim iyon. "Naku ano na kaya ang nangyari sa mahal ko", mabilis syang tumakbo patungo sa dampa. Pumasokk sya at nagulat na may suminding kandila" Sinorpresa na naman sya ng lalaking mahal. Sa lamesa ay may Litson manok, Spaghetti, tinapay, cake at softdrinks" para syang candlelight dinner. Naayos ng mabuti ang lamesa na parang nasa restaurant sila. Nagulat din siya na nakabihis ng maayos ang asawa. Nakashort-sleeve polo ito pero nakashorts. Natawa sya dito wala kasi syang gaanong damit, binibilhan nya lang sa ukay ukay ang asawa. Napaluhang nasambit ni Sheng " ang sweet naman ng asawa ko", sabay yakap nito sa kanya. Niyakap nya rin ng mahigpit si Sheng , puno ng pagmamahal "Dapat lang maging sweet ako kasi mahal kita, ikaw na nga ang napapagod sa pag-aasikaso ng kasal natin. Andito lang ako sa bahay walang ginagawa, kaya naisip ko na sorpresahin ka na lang para maging masaya ka" Mas niyakap nya si Angelo ng mahigpit "Kahit wala ng sorpresa basta huwag ka lang mawawala sa akin masaya na ako" sabi ni Sheng. "Hinding-hindi ako mawawala syo, pangako hndi kita iiwan" buong pusong sabi ng asawa. "sana nga Christian Jericho Vibar sana nga.Pero hindi ako aasa, alam ko baling araw mawawala ka rin sa kin. Nanaisin kong maging masaya habang nasa akin ka pa", sa isip niito. " At ito ang tanda ng pagmamahal ko sa iyo Ibinigay sa kanya ay isang malaking frame. Drawing yun isang malaking bahay na gawa sa concrete at kahoy. Iyon ang dreamhouse ni Angelo para sa knaya. "Gagawin ko yan pag may pera na ako mahal ko, pangako ko yan. Pag napatayo

ko yan ay ibig sabihin ay ikaw lang mamahalin ko habang buhay". Habang mahigpit na niyakap ang asawa.Masaya silang naghapunan, isa sa pinakamagandang gabi ng kanilang pagsasama. Sa kwarto na natutulog si Angelo dahil magaling na ang sugat nya. Hanga naman sya sa respeto ng asawa dahil hindi sya gumagawa ng kun ano mang desisyon na hindi tinatanong ang asawa. Minsang naglambing si Angelo ay sinabi nyang may buwanang dalaw sya, hindi na namilit ito at niyakap na lang ang asawa at natulog. Ngayon lampas na isang lingo ay hindi na nangulit ito. Masaya na syang matulog na kayakap si Sheng "Hindi pa ako handing ibigay ang nais nya, siguro pag ikinasal na kmi" Di nya namalayang lumuluha na sya.Luha ng lungkot at paghihinayang "Hanggang kailan kaya ito, hanggang kailan ko kakayanin ang pagkukunwaring ito.Diyos ko ko patawarin nyo ako at tulungan nyo ako, mahal ko siya" nakatulog siyang puno ng pangamba. Kay bilis dumaan ang mga araw. Si Sheng ay gumigising maaga upang ipaghanda ang asawa ng kanyang agahan, umuuwi siya tuwing pananghalian upang saluhan si Angelo . At sa hapon ay sinusundo siya sa paaralan. May trabaho na rin si Angelo. Dahil Engineer ay likas na sa kanya ang paggawa ng bahay . Nagalingan ang foreman nang pinagtatrabuhan nya at ginagawa sin syang foreman sa ibang proyekto, nirekumenda siya sa munisipyo at naregular sya doon. Kada may proyekto ang munispyo sa ibatibang barrio ay siya ang pinapatawag na gumawa. Natanggap ng mga taga barrio na may asawa na si maestra Sheng. Masaya naman ang mga bata, pati mga co-teachers nito " Napakalihim mo talaga Sheng, hindi naming alam may asawa kana. Alam naming kung bakit mo sinisekreto, napakagwapo kasi ayaw mong maagaw no? " tukso ni Fhevi " Naman.."maikling sagot nya. Dinagdagan pa ng biro ni Debs " Baka Engkanto yan mare kasi bigla na lng sumulpot kasi parang wala kaming nakitang taong dumaan nung mga nakalipas na buwan" May takot sa dibdib nya, nagdududa na kaya mga kaibigan nya. "Ano ba kayo tao yan no, mag-aasawa ba ako ng enkanto" Tumawa sila ng malakas. Masaya ang magbestfrinds para sa kanilang mars, umaasa din sila na balang araw ay matatagpuan din nila ang nais makasama habang buhay. Gustong-gusto nilang biruin lagi ang kaibigan alam nilang masya ito sa asawa niya. "Hayan na ang gwapo mong sundo" nakangising sabi n Debbie. "Kelan kayo tayo makakahanap ng engkanto, ay este prince charming.hahaha" sabay tawa na naman nila. "Oh ayan na mars ang napakagwapong engkanto sa barrio natin, may kapatid pa ba yang engkanto paki invite dito at baka mainlove din sa amin ni Fhevs" patuloy sa pagbibiro si Debbie. Agad namang sinalubong ang asawa. Malayo pa lang ay tumakbo na ang mga estudyante papunta kay Angelo, gustong-gusto nila si kuya nila Angelo dahil bago umuwi ay nilalaro sila nito.Tinuturuan sila ng mga bagong laro. Sumasali din si Sheng. Napakasaya nilang lahat, ang mga bata ay aliw na aliw sa pagbibiro at pagpapatawa ng kanilang kuya Angelo. Huminto si Sheng sa paglalaro at umupo sa may upuang nakadikit sa puno ng Narra.Habang naglalaro ang mga bata at si Angelo ay pinagmamasdan niya ang mahal, napakaganda ng mga ngiti nito. Walang bakas ng pag-aalinlangan, He completely trust her. Napaluha na naman sya, "Sana wag dumating ang araw na bumalik ang ala-ala niya, hindi ko kakayaning mawala sya sa akin Diyos ko. Kasalanan ko ay minahal ko siya, pinkamamahal" nakapikit na sabi ni Sheng. Lingid sa kanya ay pinagmamasdan siya ni Angelo. Lumapit ito at lumuhod sa harap nya. "May problema ba mahal ko? Ano ang nagyari, bakit ka umiiyak?" lungkot na tanong ni Angelo. Hinawakan ni Sheng ang mukha ng pinakamamahal. " Masaya lang ako mahal ko, masaya ako dahil masaya ka, kahit nasa barrio lang tayo nakatira ay nakikta ko ang kaligayahang nadarama mo" umiiyak na sabi nya " Kahit saan basta kasama kita asawa ko, kahit sa desierto o sa umuulang yelo basta nandun ka masaya ako, wag ka ng iiyak kasi mas nasasaktan ako" may pagmamahal na tugon nya. Nagyakapan sila ng mahigpit at hahalikan na sana ni Angelo ang asawa ng " Uuuuyyyyy" may mga nagtitilian sa likod nila. Nawala sa isip nila

na nandoon pala ang mga bata. Nagpalakpakan sila "ang sweet nyo naman Maestra Sheng, Kuya Agelo para kayong napapanood naming sa telebisyon."tawang sabi ng isang bata. Hinabol na lang sila ni Angelo at naglaro ulit. Agad nagsitawanan ang mga bata at tumakbo ng mabilis. Masayang nakaupo si Sheng, pinangahahawakan nya na lang ang sinabi ng mahal" mahal nya ako, hindi nya ako iiwan"yun na lang lagi ang iisipin nya. Dumating na ang araw ng kanilang kasal. Hindi nya lubos maisip na ikakasal na sya sa taong pinakamamahal nya. May bumabagabag sa kanyang isipan ngunit hindi na lang ito pinasin. Mahalaga sa kanya ang araw na iyon. Gusto nyang maging masaya, iba man ang panagalan ng pakakasalan nya ay hindi na imporatante. Para sa knaya mahal nya si Angelo, mapa Christan Jericho man sya, basta mahal nya. Excited na rin mga coteachers nya, sila ang nag ayos sa kanya. Simple lang anga damit nya ngunit lutang ang kagandahan nya sa puting damit, May belong nakatakip sa mukha nya ngunit kita pa rin ang natural nyang kagandahan, napakasimple pero elegante. Nauna na sa simbahan si Angelo, dun sya nagbihis kala Aling Mina.Ayon nga sa kasabihan bawal sila magkita bago ikasal. Kayat sinunod na lng nila yuon gusto nilang matuloy ang kasal. Nakapwesto na ang lahat sa simbahan. Si Sheng na lang ang hinihintay. Maliit ang simbahan nginut napuno ito ng magagandang at sari-saring bulaklak, pinagtulungan ng mga taga barrio pagandahin ito para sa mahalagang tao sa kanila, si Maestra Sheng. Alam nilang magiging masaya sya pag nakita nyang nagtutulungan sila. Ikinatuwa nya ang pagkaayos ng simbahan. Magandang ngiti ang iginanti nya sa mga taga-barrio. May hinagilap ang mga mata nya. Hindi nya makita ang kanyang groom. Nagulat ang lahat ng biglang may kumunta, "Ilang ulit mo nang itinatanong sa akin kung hanggang saan, hanggang saan, hanggang kalian, hanggang kelan magtatagal ang aking pagmamahal" Yun ang paborito nyang kanta. Naikwento nya kasi yuon ang nais nya sa kasal nya. Sinorpresa na naman sya ng kanyang mahal. Habang papalapit sya ay kumakanta ang magiging asawa. Sa isip nya" sa mata ng tao kasal tayo, sa puso ko aking ka lang Angelo". Lumuluhang naglakad sya sa aisle, luha iyon ng pag-ibig dahil sobra nyang masaya. Patuloy itong kumakanta "Hangga't may pag-ibig laging isisigaw, tanging ikaw. Giliw huwag mo sanang isipin ikaw ay aking lilisanin di ko magagawang lumayo sa iyong piling " Mas bumilis ang pagdaloy ng luha nya.. "lilisanin, dadating ang araw na yun mahal ko, ngunit sa ngayon ay akin ka muna, selfish ako dahil itinago ko ang katotohanan, patawarin mo ako nagmahal lang ako." Nasa harap na sya ni Angelo at patuloy pa rin ito sa pagkanta "Hanggang kailan, hanggang saan, hanggang saan kita mahal, hanggat kunin ako ng Maykapal" buong pusong kanta ni Angelo. Pinagmamasdan nya lang ito, sa puso nya'y puro galak, hindi na iniisip kung ano meron bukas basta mahalaga ay kasama nya si Angelo. Ang mga bisita ay lahat naluha, nasaksihan nila ang tunay na pagmamahalan. Si Debie at si Fhevi ay todo iyak din napakasaya para sa kanilang kaibigan. Naghahangad din sil ay sana makatagpo rin nila ang lalaking mamahalin habangbuhay tulad ng nangyari sa kanilang kaibigan. Patapos na ang kasal ng sinabi ng Pastor na "And now, I pronounce you Husband & wife" I introduced you Mr & Mrs Angelo Rodriguez, you may now kiss your bride again" tumawa silang lahat. Ang buong akala nila ay kasal na silang dalawa. Itinaas ni Angelo ang belo at nagulat sila dahil pumasok sya sa loob ng belo at doon hinalikan ang misis. Natuwa naman si Sheng sa gianawa ng asawa, tinugon ang matamis na mga halik. Feeling nadaya ang mga tao dahil hindi nila masyado nakita ang halik, babawi sila sa handaan ,sabi nila.. Napakasaya nilang lahat sa araw na yun. Halos lahat ng taga barrio ay dumalo, nadoon din ang kanyang mga estudyante, walang abasent isa sa kanila. Hindi sila gaao gumastos dahil halos lahat ng tao ay nagbigay ng kanya-kanyang menu. Nagbigay ang Mayor ng dalawang lechon baboy at madami pa ang nagcontribute. "Masaya ka ba ?" tanong ni Angelo sa kanyang bride "Oo naman,

kahit wala na ito masaya ako basta kasama kita at misis mo na ako" Magandang ngiti ang ganti ni Angelo. Biglang may may tunog na lagatik ng baso ang narinig nila..palakas ng palakas.. Natawa silang dalawa, bumabawi ang mga bisita gusto nilang maghalikan sila. Hahalikan na ni Angelo si Sheng ng itinaas nya ang pamaypay na hawak ni Sheng..Hindi pa rin nila nakitang naghalikan. Sabay naghiyawan ang mga tao.Natutuwa din sila na naiinis..cguro hiindi lang nila gustong maghalikan in public. Napakasarap ng handa , lahat ay nabusog. Leche plan, minatamis na ube at saging ang kanilang panghimagas.Masaya silang lahat, lahat ay nag eenjoy. Oras na para sa money dance, inalalayan ni Angelo si Sheng sa gitna, at isinayaw sa tugtog na Don Romantiko. Iyon kasi ang gustong sayawin ni Angelo. Lagi syang sumasayaw sa harap n Sheng pag nagbibiro sya ."ayayay..yayayayay yayayayay yayayayayay" simula ng sumayaw ng pabiro si Angelo. Ang lahat ng tao ay tuwang-tuwa may comedian-side pala si Mr. foreman. Pati si Sheng ay sumayaw na rin. Nilapitan ni Angelo si Sheng na mukhang siniseduce at hindi rin nagpaawat ang maestra kunwa'y inaakit ang asawa. At biglang naghawak kamay na sila, handa ng magsayaw ng sabay, ngunit naiba na ang kanata. Forevermore na "You were just a dream that I want to, I never thought it would be right for you, all I need is to be w/ you forevermore" Pumatak ang luha ni Sheng yun ang nais niya to be with hin forevermore. Pinahid ni Angelo ang luha ng asawa, inisip na tears of joy lang yun. Niyakap niya ang asawa habang sumasayaw. Isa isang lumapit ang mga bisita at nagsabit ng mga pera. Hindi importante sa kanila ang pera. Imporatante ay masaya ang lahat.Natapos din ang kasal at lahat ay umuwi ng masaya ang iba ay may take home pa dahil sa dami ng pagkain.Iang maliit na anghel na fugurine ang kanilang inahanda para sa lahat, token of their gratitude sa lahat ng dumalo Ang lahat ay halos tumulong din sa pagligpit.Umuwi agad ang mag asawa, dahil sa pagod ay nakatulog na silang dalawa na magkayap. Chapter 5 Malayo pa lang siya ay may tumatawag sa kanyang babae na umiiyak "Echo anak ko" blurred ang itsura nito" Nasaan ka na anak " yun ang mga naririnig nya. Nais nya puntahan ang may ari ng boses na yun ngunit parang di nya malapitan. Parang may pumipigil sa kanya . pawala- ng pawala ang boses na yun.Ngunit naaaninag nya nag mukha ng matandang babae. Umiiyak ito at nais siyang malapitan May bumabagabag sa kanya parang totoo. Nagulat na lang sya nung sumigaw sya ng "Mama!!!" nananaginp pala sya ngunit parang totoa, sa isip nya. " Siya ba ang ina ko?. Tanong sa isip nito. Pati si Sheng ay nagising din. Pinunas ang pawis ng asawa. "okay ka lang?ano ba yun?. "Wala panaginip lang" sagot ni Angelo. Ikukuha kita ng tubig para mahimasmasan ka. Pinigilan nya ang asawa. May mga pilyong ngiti sa labi nito. "Nakapagpahinga na tayo mahal ko, at kasal na tayo. Wala ka nang kawala sa akin" sabay tawa nito". Gustong pumiglas ni Sheng ito na ang kinakatakutan nya. Ang maibigay ang gusto ng asawa. Napasigaw sya nga hatakin sya ng asawa. Napahiga sya sa ibabaw nito, parehong sitwasyon nung walang malay niyang nakita ang di kilalang lalaki. Naalala nya ang araw na iyon, dahil sa mga pagkakataong yun ay doon nya minahal ang asawa. At ngayon asawa nya na ito. " Hindi kna makakawala sa akin mahal ko",pabirong tawa nito. Iiiwas pa sana si Sheng nginut hinawakan ni Angelo ang ulo. Una ay medyo marahas dahil umiiwas pa ng una si Sheng dahil nahihya. Ngunit bumagal ang kanilang halik na parang may lovesong na background. It was an intimate kiss, soft & unforgettable. Di nya napansin na naglalaro na sa mga ibat ibang bahagi ng katawan nya ang kamay ng asawa dulot nito'y kakaibang pakiramdam. Dahan dahang nilalakabay ng mga kamay ni Angelo ang bawat bahagi ng katawan ni Sheng. Bawat dantay sa kanyang katawan ay nagbibigay ng ngiti sa kanya. Hindi na nya ikinagulat na wala na ang takip ang kanyang hinaharap, naalis na ito ng hindi nya namamalayan. Sa isip nya "gaganti din ako.

Habang ang labi ay nasa labi pa rin ng asawa ay unti unti nya rin inalis ang shorts ni angelo. Ikinatuwa nya ito " Magaling sya ha, napangiti sya habang di maiwan ang labi ng asawa. Maya't maya pa ay sabay nila tinanggal ang saplot sa ibaba ng bawat isa, habang patuloy na naghahalikan, natanggal na rin nya ang pang ibabaw na damit ni Sheng. Ang buwan lang ang nagsilbi nilang ilaw, ngunit kita pa rin nila ang katawan ng bawat isa. Napasinghap ng malalim si Angelo ng makita ang buong katawan ng asawa " napakaganda mo mahal ko, may damit o wala"napatawa na lng ng malakas si Sheng. Nakahiga si Angelo at si Sheng ay nakaupo sa ibabaw nito. Mula pusod ay hinalikan nya ito pataas sa kanyang dibdib, hanggang sa leeg nito. Habang ang kamay ni angelo ay di mapakali kung saan saan umaabot. Di na talaga mapigilan ni Angelo ang nararamdaman at sinabi sa asawa nya na ."Mahal hindi ko na kaya mamahalin na kita . Inalis na si Sheng sa pagkaupo at inihiga sa kama. Siya naman ang nasa taas nito. Hinalikan nang matagal habang bumubwelo na sa gagawin. May takot sa puso niya ngunit hindi ito ininda, "Handa na ako" sabi nya. It was very gentle, na ang pagkakatanda ni Angelo ay unang mangyayari sa buhay nila yun. Nakalimautan nya na ang nakaraan. Para sa kanya ay unang pagniniig nila yun. Hindi nya binigla ang asawa dahan dahan nya itong minahal. Nag aalab ang kanilang mga daddamin, damdaming nagmamahalan. Napaluha sya sa sakit ngunit may kakaibang dulot na tuwa iyon, wala sa isip ni Angelo ngunit ramdam nya na 1st time lahat sa kanya yun, ngunit di nya pa rin pinansin. "okay ka lang? tanong nya pa. 'okay lang ako mahal ko, mahalin mo pa ako". Para silang sumasayaw kasabay ang magandang tugtog. Hanggang sa naabot na nila ang tunay na kaligayahan. Himbing na natutulog si Angelo sa dubdib nya. Pareho silang pagod ngunit di pa rin sya makatulog. Hinahagod nya ang buhok nito at isa isang hinawakan ang ibat't ibang bahagi ng mukha nito. Nangangamba syang baka bukas ay wala na sa kanya ang asawa. "Dalangin ko lang ay huwag nya akong iwan, malaman nya man ang katotohanan. Lumipas ang mga araw at buwan. Higit isang taon na silang magkasama. Napakabilis ng mga araw. Napakasaya pa rin nila. Wala silang naging problema o kahit konting away man lang. Kuntento sila sa kanilang buhay. Wala silang gaanong gamit, ni telebisyon ay wala. Hindi nila gustong may umagaw sa atensyon ng bawat isa, kahit cellphone ay wala. Masaya na silang magkasama kahit walang material na bagay.Napalaki ni Angelo ng konti ang bahay nila nadugtungan ng extension at ang bahay na gawang kahoy, ang kalahati'y konkreto na.Unti-unting tinutupad ni Echko ang bahay na pangako niya. Napakasaya ni Sheng, wala na syang mahihiling pa. Hindi nya alam na sa araw na iyon may di niya nais na mangyari. Nasa kapehan si Angelo kasama ang mga kaibigan. Nanunuod ang mga kasamhan nito na biglang may flash report . Isang babaing hinahanap ang kapatid nya " I'm Mia Vibar Roxas , we lost are bother since last year" We can't find him so we do this Tv interview for our Mom, she's now in the hospital because she was so emotionally depressed for the lost of our only brother. Christian Jericho Vibar, we haven't seen his body so we are ver sure that he is alive. Please do help us to find him.thank you" Pinakita ang larawan ng lalaking nawawala. Nagulat ang mga tauhan ni Angelo ng makita ang larawan."Si angelo yan ha" sabi ng malapit na kaibigan nya. " pare tignan mo nasa tv ka. Nawala ka pala?" Napatuon ang pansin ni Angelo sa tv habang nakikitang uimiiyak ang kapatid, familiar sa kanya ito.Biglang kinuha ang address at telephone number na nakasulat sa screen. Hindi nya alam kung ano ang mararamdaman. Gusto nyang sumigaw, gusto nyang magalit. Nais nyang malaman ang totoo. Iniwan ang trabaho at agad umuwi. Hindi sya tumigil sa pagtakbo. Malayo pa lng ay sumisigaw na sya, may galit sa boses nito " Sheng , Sheng..Sheng.. " habang nasa kwarto ay nagulat sya sa sigaw ng asawa. Dali-dali syang bumaba. Anong nagyari sayo?" nalilitong tanong ng asawa nya. Sino ako? Sino ba talaga ako? Ako ba si Angelo Rodriguez? Sabihin mo ang katotohanan..O

may iba akong pangalan? Ako ba si Christian Jericho Vibar? Ha? Sumagot ka?!!! Pasigaw na sabi nito. Napakalapit ng mukha ni Angelo sa asawa habang sinisigawan nya ito. Napapikit si Sheng at napaatras. Hindi nya alam ang sasabihin . una nya pa lang nakita ang mahal na galit na galit. Sabihin mosino ako?, mas lumakas ang boses nito. Parang di makapagsalita si Sheng. Lumuha lang sya at tahimik pa rin. Sa galit ni Angelo ay napabuntunan nya ang lamesa hinagis ito at nawasak. Mas lalaong natakot si Sheng. Agad sumagot " nakita kita sa bangin walang malay"| pautal-utal na sabi nito, puno pa rin ng takot. Nung nagising ka ay wala kang maalala. Dahil una pa lang any humanga na ako syo kayat sinabi kong asawa kita. Kumunot ang noo ni Angelo at sa galit ay sinuntok ang pawid na dingding nasira ito. " bakit ka nagsinungaling..sana sinabi mo na lang ang totoo..natutulog ka pa lang ay gusto na kita. Bakit kailangan mong magsinungaling . Alam mo ba ay dahil sa iyo ay nakaratay ngayon ang nanay mo sa hospital, ang akal nila ay namatay na ako." Nilapitan ang asawa at habang nakatalikod ay niyakap. Umiwas sa kanya si Angelo, lumayo ito, patuloy syang nagbuhos ng sama ng loob. "Pinaka ayaw ko sa tao ay sinungaling" habang dinuduro sya. "Nagawa ko lang yun dahil mahal na mahal kita Angelo" "Huwag mo akong tatawagin sa pangalan na yan. Ako ay si Chrstian Jericho" pasigaw nya " "Pinagkatiwalan kita ng buong buhay ko.Ninakaw mo sa akin ang pagkatao ko..at ngayonang nanay ko ay nasa hospital. Dinamdam ang pagkawala ko, at dahil sa iyo ay maaring mawal siya sa akin. Hindi mo ba naisip na may mga tao kang masasaktan, napakaselfish mo" Agad umakyat sa kwarto at balak kunin ang ibang gamit ngunit hindi nya na ito dinala kailangan nyang magmadali nais nyang malaman ang totoo at makita ang inang nasa hospital Pera lang ang kinuha nya sabay alis. Nagmakaawa ang asawa. Lumuhod ito sa kanya at pilit syang pinigilang huwag umalis. "Patawarin mo ako mahal ko, nais ko lang ay makasama ka.Mahal na mahal kita" patuloy sa pagluha ang asawa. Ngunit hindi niya pinansin ito, galit ang lamang na nararamdaman kaysa pagmamahal. Hinayaan nya lang magsalita si Sheng. Mas nananaig kay Eckho ang galit, nais nyang lumayo sa lugar na ito. Hindi na tiningnan muli ang asawang umiiyak na nasa gilid ng pinto, patakbo itong lumabas ng kanilang bahay " Dumating na ang araw na ito.. kasalan ko ito at kailangan pagdusahan ko. Paalam mahal ko. Babalik ka pa kaya?" huling sabi ni Sheng habang tinitingnan papalayo ang pinakamamahal. Sa st. Lukes Hospital itinuro ng tv station kung saan mamatagpun ni Echko kanyang ina. Malayo pa lang aya nakita nyang patakbo papunta sa kanya ang tatlong babae,. Si Christine Jhia, panganay nila, Christa Joy, 2nd child . at si Christi Jeck ang sinundan nya. Lahat sila ay Cj ang initials. Ang mama nila ay si Christina at ang tatay nila'y si Jerry. Namatay ang tatay nya nung highschool pa lang siya.Niyakap nila ang kaisa isa nilang bunsong lalaki. "Where did you go bro, we thought we lost you" " mayaman siguro sila, sa isip nya. Kaya pala marunong din syang mag English" "nagkasakit ako, amnesia kaya hindi ko alam ang nagyayari, hanggang ngayon wala pa akong masyadong natatandaan, nakita ko lang ang pakiusap nyo sa TV" mahinag sabi ni Jericho na pilit inaalala ang lahat. "Mom is waiting for you inside, we're realy glad your home " masayang sabi ni Christi. Awang awa sya ng makita ang ina, sya ang babae sa panaginip nya na hinahanap sya, kaya pala halos umiyak ang puso nya kahit panaginip lang yun Ginising ni Christine ang ina " Ma, Echko is here" Agad dumilat ang ina " Anak ko, thanked God ur alive, we thought that your dead," masaya syang niyakap ng mama nya ng napakahigpit. Unti unting nawala ang pangamba nya. Ngayon ay buo na sya, may pamilya at masya. Ngunit kalahati ng puso ay parang may kulang. Hindi buo dahil alam nya ay naiwan nya ito sa barrio Sinoot. Napakagandang bahay ang tumambad sa kanya. Sigurado syang nakapunta na sya dito. Sa labas ng gate ay may nakalagay na Hacienda Vibar.Napakalaki ng bahay, siguro mga sampung beses ang laki sa mga ginagawa nyang bahay sa probinsya. Napabilib sya sa

taong gumawa nito. "si Papa ang nagdesign at gumawa ng bahay na yan " sabi ng kapatid "Architect kasi sya, kaya nag engineer ka dahil gusto mo syang tulungan sa business natin, dagdag pa ng kapatid. Engineer pala sya kaya marami syang idea sa paggawa ng bahay. Namangha sya sa ganda ng loob ng bahay. Napakaganda talaga nun. Pagpasok pa lang ay may mini falls ito at parang nasa garden ang kanilang living roon. Bawat bisita ay humahanga sa ganda ng kanilang bahay. Sa pinakadilo ng bahay ay may malaking swimming pool at sa gilid nito ay may fishpond at lani. Kahit sa loob ng bahay ay puno ng mga halaman. Mahlig kasing magtanim ang mama nya. Napakadaming bulaklak,iba't ibang uri. Naiisip nya pa rin ang maliit nilang dampa, walang masyadong gamit pero masaya sya. May lungkot syang naramdaman ng naalala ang iniwang imporatanteng tao na buhay nya, ang asawa nya. Pilit inalis sa kanyang isipan si Sheng, mas namumuo ang galit sa puso nya. Kailangan nyang harapin ang buhay nya kasama ang tunay na pamilya. Dito ka muna titra para makasama mo ang mama, may condo unit ka sa Makati, dont worry ako ang nagpaplainis nun hindi ko hihingin syo ang pambayad , libre ko na syo yun br", sabi ng ate nya. Nagpahinga na silang lahat . Pumasok na sya sa kanyang kwarto,napakalaki nito halos apat na bese na mas malaki ito kaysa sa dampa nila. " bat' kailangan kong ikumpara ang lahat ng bagay sa barrio" kaklaimutan ko na iyon ayoko na" sabay dapa nya sa malambot niyang kama. Hindi niya pa rin makalimutan lalo na ang asawa nya. Naisip nya " kamusta na kaya sya? Hanggang ngayon ba'y umiiyak pa rin sya " Ngunit pinigilan nya pa rin maawa, galit ang nais maramdaman. He felt he was betrayed. Ito pa naman ang pinakaayaw nya sa lahat. Pinilit nyang matulog kahit alam nyang mahal niya pa rin ang nasaktang asawa. Chapter 6 Madaling araw na ay gising pa rin si Sheng. Mugto ang mata sa kakaiyak. 2 araw na siyang hindi nakakatulog ng maayos. Absent na naman sya . "Tatanggapin ko na lang kasi alam ko naming mangyayari to" kumbinsi nya sa sarili. "Bukas bagong buhay na, ayokong mapabayaan ang mga bata dahil sa maling nagawa ko sila ang kawawa. Bukas bagong Sheng ang makikita nila" sabi nya ng malakas ang loob. Maaga pa'y gumising na sya nasanay na pinahahandaan ang asawa. Naalala nyang wala na pala siyang asawa kaya't naghanda na lang siya para sa sarili. Huminga ng malalalim at nakangiting tumungo sa paaralan. Sa school ay walang alam sila sa nangyari. Hindi na sila nagtatanong mahalaga sa kanila any pumasok na si Sheng. " Sheng bat di ko na nakikita ang asawa mo. " " Ah.. nasa Manila sya naghanap ng magandang trabaho " pagtatago nya sa kanila " Ah ganun bah, okay yun ha. Atleast kung magkaanak man kayo ay matutustusan nyo ng maayos, sabi ni fhevei 'Sumang ayon na lang si Sheng. Hindi nila alam na pinapataibay nya na lang ang loob, gianagawang lakas ang pagmamahal nya para sa mga estudyante para muling mabuhay. Lumipas ang mga araw at magdadalawang buwan na ay walang Angelong umuuwi sa bahay nila.araw-araw ay umaasa syang babalikan nito. Sinabi nya na sa mga kaibigan ang buong katotohanan ayaw nya nang maglihim sa mga ito. Sila na lang ang kanyang maaasahan at mapagkakartiwalaan. Para lang syang robot na di baterya na kailagan gumalaw dahil kinakailangan. Mabubuhay sya dahil nararapat. Hindi sya dapat magpadal sa lungkot." Hay naku mars, isa lang ang nawala sayo ang dami pa naming nagmahala syo, kmi ni Debs, cheer up my friend" yun ang paulit-ulit na naglalaro sa utak nya' "tama si fhevs, hindi ako dapat magpadala sa lungkot, pinahiram lang sya sa akin, I need to move on"sinabi nya sa sarili na may confidence. Ibang teacher Sheng ang nakita nila nung araw na yun. Malayo pa lang ya nakita nilang nakangiti intong binati ang mga bata. Natuwa naman ang mga kaibigan at effective ang mga payo nila sa kanya. Dati rati'y parang gulay ito na paghinangin ay matutumba na. At para ring laruang di hila,

kailangan hilahin para umandar. Pero ibang Sheng ang nakita nila. Masaya sya at puno ng pagmamahal sa mga bata. " Ano kaya ang nakain ni mars, parang nagbago ang kanyang aura", tanong ni Debs. Dali-dali nilang nilapitan ang kaibigan. " magandang araw bati ni Sheng " Ay talagang napakaganda ng araw ngayon mahal naming kaibigan, tugon ni Debbie "what a beautiful day"dagdag pa ni Fhevs." "Nilalagnat kaba mars? Anong meron? Bumalik na ba si prince charming?" biglang nawala ang ngiti sa labi "Pinili ko lang maging masaya mga mare. Life is beautiful right?" sabay tinugo nya ang silid-aralan.Habang nagtuturo ay hindi mapakali si Sheng biglang sumama ang pakiramdam. Animo'y nasa Ferris wheel sya na pinaiikot-ikot. Naduduwal sya na hindi nya maintindihan, umupo sya at talagang masama ang pakiramdam.nagulat na lang ang mga bata na ng natumba ang maestro nila sa sahig, walang malay. Nasa labas ng ER ng maliit na hospital ng bayan ng Oliva sila Fhevi at Debbie. Pabalikbalik sila papunta-paroon. Nagkabang gaan pa sila. Nagyakap na lang sila at napahikbi, alalang-alala sa sinapit ng kaibigan " hay naku mars anong nag nangyari kay Sheng baka nagkasakit na sya dahil sa mga pinagdadaanan niya o kaya unti-unti syang nagpapakamatay" dagdag pa niFhevi. Sinaway agad sya ng kaibigan " ano kaba Fhevs wag kang mag-isip ng ganyan, hindi nya yun kayang gawin" paiinis na sabi ni Debbie. Bumukas ang pinto dali dali silang pumunta roon. Nakita nilang lumabas ang doctor na tumingin kay Sheng. Nais nilang malaman ang kalagayan ng kaibigan. Si Fhevi ang unag nagtanong " Doc, may problema po ba may sakit po ba ang kaibigan namin? Mamatay na ba sya? Kaaagad syang kinurot ni Debbie " pasensya na doc may sayad to sa utak, may diagnosis na po kay Sheng? Mahinahon nyang tanong. Huminga ng malalim ang doctor. Kinabahan ang dalawa"mukhang delikado ang lagay nya" sa isip ni Debbie. Ngumiti ang Doktor na sinabi sa magkaibigan " Wala syang sakit kailangan nya lang magpahinga" sabi nya. Masaya silang dalawa at halos lumumdag pa. Hindi pa tapos magsalita ang doctor" Kailangan nyo syang alagaan ng mabuti dahil buntis sya, dalawang buwan na." Biglang napalingon sila, hindi nila inaasahan yun . Pano tatangapin ni Sheng ang balitang yun dahil wala na ang asawa, pekeng asawa pala. Sabay silang pumasok ng emergency room. Nakitang walang malay ang kaibigan, habag ang unang naramdaman ngunit may munting tuwa na dulot sa kanilang puso dahil magiging titaat ninang na sila at ina na ang kanilang mahal na Mars. Nagising si Sheng na nasa tabi nya ang mga matalik na kaibigan. Mawala man lahat wag lang ang dalawang ito, naisip nya. Nakangiting bumati ang dalawa. " Ano ang nangyari bakit nadito ako sa hospital diba nagtuturo ako kanina lang"mahinang tanong nya, medyo nanghihina pain sya. "Okay na mars maaga naming pinauwi ang mga bata. Bukas na lang tayo babawi sa mga lessons natin, ay magpahinga ka apala kami na ni Fhevs bahaal sa klase mo. Agad sumabat si Fhevi" Oo Sheng magpahinga ka dapat at magpakasya ha, doon kmi matutulog sa inyo para mabantayan ka" Hindi nya maintindihan ang mga kaibigan wala naman syang sakit, hindi sya nilalagnat bakit kailangan syang bantayan. Kunot noo syang nakatingin sa dalawa. Hindi nila alam kung sino ang magsasasabi ng tungkol sa kalagayan nya o masasabing magandang balita. Si Debbie na ang nagkalakas ng loob na sabihin sa knaya "Ahemmm..paubong umpisa nya "Wala kang sakit Sheng, kailangan mong magpahinga kasi may rason ka ng maging masaya..magiging nanay kna, buntis ka mars!!" may tuwang ibinalita nito. Parang bell na paulit ulit sa isp nya " buntis ka , buntis ka.. buntis ka "Hindi sya makapaniwala. Napaiyak na lang siya, hindi maintindihan kung anong gagawin. Luha ng kaligayahan yun. Blessing iyon para sa kanya, iniwan man sya ng asawa pero may munting anghel naming naiwan sa kanya. Kahit wala pang bulto ang tiyan ay agad niya itong hinamas ng may pagmamahal.Agad nyang inisip ang ipapangalan sa mahal niyang anak " Christian Angelo" paglalaki at "Sheniah Angela" pagbabae. Para sa kanya ay napakahalaga ang pangalang anghel. Natutuwa syang may rason na syang mabuhay, kailangan nyang alagaan ang sarili para sa bata sa kanyang sinapupunan. "Nagayon pa lang mahal na kita munti kong anghel,

hindi kita pababayaan, mamamahalin kita ng buong puso, sisiguraduhin kung wala kang mararamdamang pagkukulang sa buhay mo" patuloy ang pagluha nya. Naluha na rin ang mga kaibigan niya at nagyakapan sila " sabay sabing "walang iwanan" Tumawa na lang silang tatlo na tila mga bata. Palaging malayo ang tingin ni Echko , hindi mapakali. Tatlong buwan na nung iwan ang kinilalang asawa, asawang niloko sya. Naghihimutok pa rin sa galit ang puso nya ngunit dama niyang may lugar pa ito sa puso nya. Ngaunit pinakaayaw nya ang pagsinungalingan sya kaya't pinipilit niyang ipagsawalang kibo ang nararamdaman niya. "Kailangang kalimutan kita, kailangan" habang pinupokpok ang ulo. Naabutan siya sa ganong sitwasyon ng mama nya nung pagpasok nito sa kwarto niya. Agad inalis ang kamay sa ulo " Anak anong nangyayari sayo, wag mong piliting bumalik ang memory mo, importante ay nadito ka na, kasama naming. In time, gagaling ka rin.Don't push yourself too much", concerned ang mama nya sa kanya." I'm okay Ma, dont be bothered, I'm just thinking of something" pagtago nya ng totong nararamdaman. "That's good iho. I think you're ready to met the very important person in your life.. she just arrived today " "She? Tanong nya sa sarili.. Si Sheng lang ang importanteng tao sa kanya. Kahit galit ay may tuwang idinulot ito sa kanya. May pumasok na babae sa kwarto, walang reaksyon syang naramdaman. Hindi niya kilala ang babaing kakapasok ang. Nagulat siyang patakbong pumunta sa kanya ang di-kilalang babae. Akma syang hahalikan buti at nakaiwas sya, gusto nyang itulak ito ngunit nahihiya naman sya sa kanyang mama. " Hon kahit ako ba hindi mo maalala?" tanong ng babae.Pilit nyang inalala ngunit hindi nya talaga maalala ito. Si Donya Christina na ang nag explain kay Eckho " Iho sya si Krizia, sya ang fiance mo" Pilit nyang iniiisp kung kilala nya ang babaeng yun.hindi talaga. Hindi nga ito pamilyar sa kanya. Maaring pati ang puso nya'y nakalimutan din ito dahil may nagmamay-ari na ng puso nya. Agad nya winaglit sa isipan nya ang naramdamang pangungulila sa babaing pinakamamahal. Kailan nyang harapin ang buhay na iniwan, kung sino sya at alamin kung sino ang mga taong importante sa kanya bago sya na amnesia. "I'm so sorry, but I don't really know you, I need to rest" paumanhin nya. Agad lumabas ng kwarto at tumungo sa kusina para uminom. "Iha, pasensya kana nasabi ba sa iyo n Christine na may sakit ang unico iho ko?" alalang sabi ng donya. Napaupo sa gilid ng kama si Krizia, may lungkot na namutawi sa kanyang mata. Agad pumatak ang luha, bakas sa kanyang mata ang pagakadismaya sa pangyayari. "Ma, I travelled almost 1 day from the US just to see him. I longed for him since I lost him, tapos ngayon hindi ko man lang sya mayakap" sabay hikbi nya sa kanyang mga palad. Wala naming magawa si Donya Christina kundi ay aluin na lang ang magiging anak. Binigyang pag- asa na baling araw ay gagaling din ang anak at matatandaan nyang siya ang babaing dapat pakasalan nito. Tahimik na nag-iisp si Sheng habang tumitingin sa malayo. Hindi makapaniwalang magiging ina na sya. Napapangiti sya tuwing ini-imagine kung kaninong magiging kamukha ang kanilang anghel. "Sana kamukha mo lang ang tatay mo, kasi napakagwapo nun" Araw-araw nyang kinakausap ang anak, hindi nya inililihim kung gaano nya kamahal ang ama ng bata. "Sana makita ka ng itay mo, alam ko mamahlin ka nya" may lungkot syang naramdaman " kahit ikaw na lang mahalin nya, kahit hindi na ako" agad tumulo ang luha na kanina pa pinipigilan. Tatlong buwan na syang buntis ngunit hindi gaano malaki ang tiyan nya. Para lang siyang tumaba, maganda pa rin ang hubog ng katawan nya. Tatlo lang silang magkakaibigan ang may alam tungkol sa tunay niyang sitwasyon at tungkol kay Angelo. Ang alam nila'y nagtarabaho ito sa Manila. Napahinto siya sa pag-iisip ng lumapit sa kanya ang matalik nyang mga kaibigan " Mars anon a naman yan? Senti moment ka na naman. Emotera ka talaga..matatalo mo na si Judy ann Santos sa pagka best actress nyan eh" tukso ni Debbie " Best thing to do Sheng aya harapin mo ang katotohanan, ipaalam mo sa tatay ng batang yan na magiging ama na sya, eh di tapos.

Kung hindi nya akuin eh di tayong 3 na lang magpapalaki sa kanya" dagdag ni Fhevi. Tama ang mga kaibigan, walang magagawa ang pag iyak niya at pag-iisip ng kung anoano. Kailangan harapin nya na si Mr Vibar. Atleast she tried, matagal niya nang gustong makita si Angelo. Agad niyang niyakap ang mga mars nya.."God's gift kayo para sakin mga bestfriends ko, napakahirap ng buhay ko ngunit gumagagan dahil sa inyo. Anak ko, sila mga ninang mo ha dapat love mo rin sila"buong pusong sinabi ni Sheng. Na-touched ang dalawa at sumabay na ring umiyak kasama ng kaibigan. Napakasarap isipin na ang buhay ay nagiging madali kung may mga taong karamay at nagmahahal sa iyo. Malungkot man o masaya, kasaganahan o kawalan, nariyan sila laging umaagapay, naggagabay at hinding-hindi ka iiwan,sila ang mga tunay na kaibigan. Pinilit ni Echko na maging normal ang buhay kahit wala pa syang gaanong matatandaan ay nagsumikap itong magtrabaho. Bilib naman ang boss nya sa kanya, taglay nya pa rin ang angking talino bilang isang Enhinyero.Sila ang may ari ng kumpanya ngunit hindi niya gustong maging instant boss. Nais niyang magsimula sa baba at marating ang mataas na posisyon dahil sa sariling sikap, hindi dahil anak siya ng may-ari. Mataas ang respeto sa kanya ng mga katrabaho dahil sa pinaniniwalaang prinsipyo.Mahirap ang kanyang trabaho ngunit kailangan niyang magtarabaho para maubos niya ang oras dahil ayaw niyang may kung ano man o sino mang pumasok sa isipan nya, lalo na yung iniwan nya sa Barrio Sitio. Pag minsang naiisip nya ang nangyaring karanasan sa lugar na iyon ay agad nyang winawaglit sa kanyang isipan. "I'll face my life as "Echko" not as Anegelo. Ibig sabihin ay pati ang babaing minahal ay handa nya ng kalimutan. Mabilis ang paggaling ni Jericho, he undergone theraphy. Kinuhanan din sya ng private nurse ng mama nya. Kung sa ganoon ay hindi makalimutan ang mga gamot na dapat inumin. Dahil sa tulong ng kanyang pamilya ay unti-unti nyang naaalala ang mga nakaraan. Pero nagatataka sya ay bakit hindi nya pa rin makalimutan ang asawa." Asawa ko nga ba sya?" tanong nya sa sarili" eto na naman iniisip ko na na naman sya..erase..erase..sabay ng mahinang pukpok sa ulo nito. Kumatok muna sa pinto at pumasok sa kwarto nya ang kanayang ina. "Anak umalis na ang nurse mo, kukuha ako na bago ha" ininform sya nito "Ma, magaling na ako I don't need a nurse anymore" tutol nya. "Anak, I'm just making sure your okay, pagmay nurse ka ay mababantayan ka ng mabuti, sige na iho please. Mama wanted the best for my only son" dagdag pa ng ina habang naglalambing sa anak. Pinagbigyan niya na alang ang ina, nais nyang mapasaya ito sa kung ano man ang gusto niya. Hindi niya ulit gusto mag-alala ang minakamamahal niyang ina."Yes ma, anything you want", sabay halik sa noon ng mama at niyakap nya ito. Maaga pa lang ay nasa tapat na ng Messiah towers si Sheng. Hindi nya pa rin mawari na makikita nya na ang asawa. Hindi nya na inisip kung ano man ang mangyari basta handa sya sa nais gawin. Humugot ng malalalim at pumasok na ito sa building. Nagtanong sya muna sa gwardiya " Magandang umaga po, nais ko lang po magtanong kung dito po ba nakatira si Jericho Vibar? Sumagot agad ang gwardiya" May condo unit po sya sa 7th floor pero ngayon po ay hindi siya diyan lumalagi. Sabi po ng ate niya ay pag may naghanap po sa kaniya ay ibigay ang address a ito. Binasa nya ang calling card. Donya Christina Mendez Vibar. Hacienda Vibar, Luxury Subdivision Gate #34 Luna Street Quezon City. Sa pangalan pa lang ay alam nyang mayaman sila. Parang ayaw nya nag tumuloy. Napaisip niyang hindi talaga sila bagay dahil sa estado sa buhay.At parang hindi pa siya handang makita ang pamilya ni Echko dahil sa ginawang pagtago sa kapamilya nila, may guilt pa rin sa puso nya. Napupo muna sya sa may upuan malapit sa reception. Napanghinaan siya ng loob dahil nahihiya syang humarap sa mga taong nagawan nya ng kasalanan. Dahil sa ginawa ay nagkasakit ang ina ni Echko at nag alala ang buong pamilya nito. Pero nagkalakas siya ng loob nung napayuko sya at nakita ang tiyan, naalala nyang dahil sa anak ay gagawin nya ang lahat. Agad siyang tumayo at lumabas ng building,nagapasalamat ulit sa mamang gwardiya. Sumakay sa sa taxi at sinabi ang eksaktong address sa calling card. Habang bumabiyahe ay nananalangin sya, sana ay

napatawad na sya ng pinakamamahal. Mapa Angelo man o Echko mahal niya ito. Pinapatibay niya ang kaniyang loob ngunit takot itong harapin ang katohahanan. Huminto ang taxing sinasakyan sa isang napakalaking gate na kulay abo. Kita ang malapasyong bahay sa di kalayuan, isang mansion at nakasulat sa labas "Hacienda Vibar". Nagbayad sa driver at bumaba ng taxi. Hindi malaman kung anong gagawin, basta ang alam nya'y naroon sya sa hangaring masabi kay Echko ang katotohanan. Lumapit siya sa gate, may securiting nagbabantay dito. Nais nyang kausapin ang security guard at magtanong, ng may may edad na babaing lumabas ng gate. "Andito kana pala kanina ka pa inaantay ni Donya Christina, halika at pumasok ka na" sabi ni Yaya Adela. Dalaga pa si Donya Christina ay kasambahay na nila ito, siya ang nag alaga sa apat na magkakapatid. At ngayong malalaki na sila ay siya na ang ginawang mayordoma ng mansion. Nagulat si Sheng sa narinig "Inaantay ako ng donya?bakit? Alam nya bang dadating ako?" may pagaalinlangan niyang naisip. Agad syang hinila papasok ng Hacienda. Walang nagawa ang security kundi papasukin sila. Halos 100 metro mula gate papuntang mansion. Malayo pa lang ay namangha na sya sa bahay, napakalaki nito at napakaganda. Nanliit sya sa sarili,palagay nya'y hindi sya bagay sa bahay na iyon. Masayang nanumbalik sa isip nya ang sinabi ni Angelo " Alam mo mahal ko,pagnakapagtrabaho nako papagandahin ko ang bahay natin. Kahit kubo lang pero parang mansion, malaki sya" pinigilan nyang tumulo ang luha. Nais niyang maging matibay sa muling paghaharap niya ng minanamahal. Habang papasok pa lang sila ay nakita nya ng nag aantay sa malaking sala ang donya. Nasa eded 60 na ito ngunit hindi sya gaano matanda tingnan dahil sa magandang kutis at katamtamang pangangatawan. Nakosensya sya dahil nagkasakit ito sa pagsisinungaling niya. Lumapit sa kanila si Donya Christina at binati sya, "magandang araw iha, welcome to our home, buti at napaaga ang dating mo akala ko ay hindi katutuloy, nag aalangan ka daw kasi na tanggapin ang offer para maging private nurse ng anak ko, salamat at nadito kana" ani nito. "Sandali lang at tatawagan ko si Mrs Villa para magpasalamat. Hindi nakapagsalita si Sheng, ni isang salita ay walang lumabas sa kanyang bibig. "Ako, Private nurse?Paano?" napatingin sya sa kanyang blusa, Puti ito at ang pantaloon ay dirty white. Inakala nilang sya ang pinadala ng agency. Hindi nya alam ang gagawin, magsisinungaling na naman ba sya o tatanggapin ang kapalaran. Maaring pagkakataon na iyo upang makasama nya si Angelo.Napaupo na lang sya muna at naghihintay kung anong kasunod na mangyayri. Chapter 7 Malapit sa pool ay tumawag si Donya Christina kay Mrs Villa. Nagpasalamat ito sa nurse na ipinadala. Nagulat si Mrs Villa ngunit hindi na umimik ito ang importante sa kanya ay ang ibabayad sa knaya ng donya. Bumalik sya sa sala at hinarap si Sheng. Sinabi kay Sheng ang mga trabaho nya. "May amnesia ang anak ko, He was not yet recovered completely. Little by little may naaalala sya. He had undergone treatment & psychological sessions. And the good thing is medyo okay na sya. I just wanted na someone would watch over him, sa mga gamot nya at personal needs" pagbibigay ng instructions ng donya. Tumungo lang si Sheng at maikling sinabi na "Opo, Ma'am". Para sa kanya ay oputunida yun upang makausap at makasama si Echko. Sinamahan sya ng donya papunta sa kwarto ng anak Katabi ng kwarto ni Echko siya matutulog para kung may kailangan ito ay malapit lang siyang puntahan. Papalapit pa lang sa kwarto ay parang hindi nya na mahakbang ang mga paa sa nerbyos. Gusto nyang makita ang asawa ngunit hindi sya sigurado kung ano ang magiging reaksyon nito. Unanng pumasok ang kanyang ina sa kwarto nito. "Anak nandito na ang private nurse mo. Ay naku dahil sa kakadaldal ko nakalimutan kong tanungin pangalan mo, ano nga bang pangalan mo iha?" Hindi alam ni Sheng ang isasagot."bahala na , sabi sa sarili "Sheng po". "Anak si Sheng ang bago mong private nurse". Hindi maiintidihan ni Echko ang naramdaman nung marinig ang pangalan,

nakatuon kasi ang atensiyon nya sa TV at hindi tinitingnan ang ina. Si Sheng naman ay nasa labas pa ng kwarto at inaantay nyang tawagin na lang sya. Sa isip ni Echko ay sana si Sheng ang babae sa labas, ngunit kalahati ng puso nya'y sana ibang Sheng yun. Nasasaktan pa rin sya tuwing maaalala nyang niloko sya ng babaing mahal. "Halika iha pumasok ka ipapakilala kita sa anak ko, mabait sya huwag kang matakot, hindi sya nangangagat"pabirong sabi nito. Nagkasalubong ang kanilang mga tingin, parang huminto ang mundo. Isang beses lang ni Sheng tinitigan ang asawa at umiwas agad ng tingin ito. Si Echko ay tinitigan sya ng mabuti, titig na may pangungulila, mabilis lang ay nag iba na ang titig nito, tila titig na may galit. Agad syang tumayo at sinabi sa ina "Hindi ko sya gusto Ma, paalisin mo na sya" Patuloy pa ring nakayuko si Sheng. Lumabas ng kwarto si Echko na nayayamot. Sinundan sya agad ng ina. "Anak hindi natin sya pwede paalisin nagbayad na ako kay Mrs Villa. Hindi na pwedeng bawiin yun.Please naman anak oh mahirap maghahanap ng private nurse ngayon" parang nagmamakawang sagot ng ina. " Ma, please..I'll find myself a nurse, huwag lang siya,basta ayoko siya." paliwnag nya sa ina. Biglang umarteng sumakit ag dibdib ng ina alam ng donya kung paano makumbinsi ang anak, nagkunwari syang hindi makahinga. "Here we go again ma, oh sige na, siya na ang nurse ko but I had many conditions that she needs to follow, okay?" Nakangiting sumagot naman ang ina"salamat anak" Ipinaliwanag na sa kanya ni Yaya Adela ang kanyang mga trabaho ngunit kakausapin pa daw sya ni Echko ng kanyang mga gagawin. Nasa kwaro nya na sya ngunit hindi pa rin mawaglit sa isipan ang itsura ng lalaking mahal. Mas lalo itong gumwapo at pumuti. Nakamaong shorts ito at nakat-shirt lang na nakaktsinelas pero para sa kanya'y mukhang prinsipe ito. Agad hinimas ang tiyan, ni hindi alam kung pano nya sasabihin kay Echko kung bakit sya nandoon. Kailangan nyang maging matapang sa paghaharap nila mamaya ng kanyang sir. Dati asawa nya ngayon amo nya na. "Basta anak ano man ang mangyayari hindi ako magsisising ginawa ko ito. Nandito tayo para sa iyo, mahal na mahal ka ni nanay" Hinihimas ang tiyan habang kinakausap ang anak. Nagulat sya nang biglang may kumakatok ng malakas sa pintuan. Nagulat syang si Angelo yun. "So ..kailangan bang ang amo na ang maghintay sa katulong nya?" Hindi makapag-isip si Sheng ng sasabihin, tinawag syang katulong. "sorry po" iyon lang ang nasabi nya. "Halika we need to talk" pagalit na sabi ni Angelo. Sumunod sa agad na puno ng kaba at tension, hindi alam kung ano ang gagawin sa knya. "sa mga kilos nya ay parang hindi nya na ako mahal, kasama siguro sa recovery nya ang paglimot sa akin" yun ang sa isip nya habang mabilis na sumusunod sa striktong amo. Halos patakbo siyang sumunod sa kanya. Pumunta sila sa isang pribadong kwarto, sa kanilang entertainment room.Napakaganda nito. Napakalaki ng kanilang plasma tv na nakadikit sa dingding. Sa Gilid nito ay napakaraming DVDs. Napakagandang manood sa silid na iyon parang sinehan,. Naputol ang kanyang imahinasyon nya nang magsalita na si Echko. "Why are you here, are you here to ruin my life again? May galit sa tinig ni Echko. "diba iniwan na kita, ibig sabihin ay pilit na kitang kinakalimutan!". Napasakit iyon sa kanya, feeling nya ay nahahati ang puso nya, ngunit pilit niyang maging matibay. "Andito ako para makita ka may sasabihin lang ako sa iyo tapos aalis na ako". Mahinahong sabi ni Sheng " Are you sure I'm gonna trust you again? everything that you will say is useless, kahit kelan ay hindi na ako maniniwala sayo, sinungaling!!" Gusto nyang umiyak ngunit pinipigilan nya ito. Gusto nyang sabihing buntis ito at umalis na ngunit naunahan sya ng takot. Masakit pa ay buong tiwala nito ay nawala na. "Youre here to work and you should work as hard as you can. Ayokong tanggapin ka bilang nurse ko ngunit nagpupumilit ang mama. Ayokong sumama ang loob nya sa akin. Huwag mong isiping gusto kong nandito ka, kung ako lang ang masusunod ay pinaalis na kita kanina pa "tumaas ang boses nito at nakakakuyom ang kamay tila manununtok. Nagsalita ssiya ulit at pilit kumalma. "Madami akong kundisyon, kailangan sundin mo lahat. As my private nurse hindi lang pagbibgay ng gamot ang trabaho mo. Lahat-lahat trabaho mo, parang personal maid na rin. You'll cook for me, do the laundry,

arrange my things , everything na sabihin ko susundin mo, get me? Panunuyang sabi ni Jericho. Pinipigilan nyang maluha, napatikhim na lang at sinabing "Opo sir" Patuloy pa rin siyang nakayuko hindi nya nakita kung pano siya tiningnan ni Echko. Umalis na ang sir nya ay hindi pa rin sya umalis sa silid na yun. Pagkalabas ni Echko ay lumuha sya,paulitulit na bumabalik sa sip niya ang sinabi ni Echko. Nangungulila sya sa Angelong minahal niya, ibang-iba na ang kaharap nya. Hindi nga ito si Angelo si Jericho Vibar na sya, ang di nya kilalang lalaki. Para sa knaya magkaiba si Angelo at Echko. Isang simpleng lalaki lang si Angelo at kaharap niya'y napakayaman. Napakalayo ito sa lalaking minahal.Ngunit isang tao lang sila. Napapikit na lang sya at patuloy na lumuha. " Sanay bumalik kana sa akin Angelo, asawa ko". Kahit hindi niya tinitingnan si Echko ay nararamdaman niyang may galit sa boses nito, kung titingin siya sa mga mata nito ay baka mas lalo pa siyang nasaktan. Hahayaan nyang magalit ito dahil may kasalanan sya, ngunit kailangan niyang maging matibay para sa anak.Hinahaplos na lang ang tyan, doon sya kumukuha ng lakas. Napaupo na lang sya sa gilid ng maliit lamesa at umiyak. Umaasa pa rin siyang mapatawad ng pinakamamahal. Agad pumasok ng kwarto si Echko hindi alam ang nararamdaman. Masaya sya dapat dahil makapaghihiganti na sya. Ngunit hindi yuon ang nasa puso nya. Galit sya sa sarili dahil may awa syang naramdaman, hindi nya alam kung pagmamahal iyon.Habang nakayuko si Sheng kanina ay tinititigan ya lang ito, para syang kawawang bata na pinagsasabihan, alam nyang nasasaktan ito. Noong mag-asawa sila ay ni isang beses ay hindi sila nagaway alam nya kung gaano kabait ang asawa.Pero wala siyang magawa mas pinangungunahan siya ng galit. Pabagsak na humiga sya sa kama nya. Feeling disoriented siya. Ang isip nya ay lumilipad, hindi mawaglit sa isip nya ang babaing nasaktan. "I don't love you, I need to forget you" paulit ulit nyang sinasambit. Sa kabilang kwarto ay gising pa rin si Sheng. Alas dos na ay hindi pa rin sya makatulog. Iniisip ang mga pangyayari kanina. "Hindi nya na ba ako mahal? Bakit ganun na lang ang galit nya sa akin?' Balak nyang sabihin bukas ang kalagayan at agad umalis. Ngunit gusto nya munang tumagal sa mansion para mapatunayang mahal na mahal niya ang asawa. "Mamahalin mo rin ako ulit..gagawin ko ang lahat mapatawad mo ako, gusto kong maging isang pamilya tayo, para sa anak natin gagawin ko ang lahat" Buti ay nakatulog naman sya agad. Habang himbig na natutulog ay may mga yabag na papalapit sa kanyang kwarto. Dahandahan itong papasok. Maingat na binuksan ang pinto. Tila may anino na nagmamasid sa kanya. Mahimbing pa rin ang tulog nya kaya hindi nya ito napansin. Tinitingnan nya lang si Sheng. Hindi alam ang gagawin basta masaya syang tinitigan ang asawa habang tulog. Ginagawa nya ito dati. Naalala nyang habag tulog pa ay mahal nya na ito. Nakangitin syang pinagmamasdan nag babaing mahal." Mahal, mahal ko pa sya?" pilit nyang inaalis sa isip nya nag masasayng pangyayari sa buhay nila. Hindi makatulog si Jericho kaya't lumabas ito at balak kumuha ng tubig. Nasa harap ng kwarto nya ang kwarto ni Sheng. Hindi ito mapakali kaya't pumasok sya kwarto ni Sheng at nakita nyang mahimbing itong natutulog. Gusto nyang hawakan ito, yakapin at halikan. Pero may galit pa rin sa puso nya. "How could I forgive you? But I cant forget you"Sa isip nya. Hindi nya napigilan, hinawakan nya ang pisngi ni Sheng. He gently touch it. Nararamdaman nyang mahal niya pa ito ngunit pinipigilan niya. Gumalaw si Sheng at parang magigising. Agad syang dumapa at pumasok sa ilalim ng kama. Hindi nya gustong maabutan ito. Ayaw niyang isipin ni Sheng na mahal pa niya sya.. Nagising si Sheng na nagtataka ,"parang may tao", sa isp nya. Luminga-linga at tinignan ang kwarto habang nakaupo sa kama. Akala nya'y nanaginip lang sya. Humiga agad at natulog ulit. Nagpasalamt naman si Echko at hindi sya nahuli. Halos 20 minutes din sya sa ilalim ng kama, inanatay nya munang makatulog ng maayos si Sheng. Dali dali syang lumabas at pumunta patungong kusina. Maaga pa lang ay kinatok na sya si yaya Adela. "magandang umaga anak, Bilin kasi ni Echko ay maaga kang magising dahil madami kang gagawin" sabi ng matanda. " Cg po,

mag aayos na apo ako. Naantok pang sabi ni Sheng. Nag ayos siya muna, naligo at lumabas ng kwarto. Ibingay sa kanya ni yaya Adela ang listahan ng gagawin nya. Para itong Schedule ng kanyang mga gaawain araw-araw. Halos walang pahinga. Kada oras ay may gagawin siya. Iniisip nyang parang parusa yun ni Angelo sa kanya. "Hindi ako susuko asawa ko, pinapangako ko sa anak natin , You will love me again" sabay ngiti nya. Nagluto sya ng breakfast.Nakalista dun kung ano ang lulutuin nya araw-araw. She cooked with all her heart,kailangang ibigin syang muli nito. Uumpisahan nya sa pagluto sa mamasarap na pagkain. Tapos na syang magluto, hinatid sa loob ng kwarto ng kanyang amo. Tulog pa ito, hawak-hawak nya pa ang tray na may pagkain.Pinagmamasdang hinmbing na nakatulog ang mahal. "Napakagwapo nya talaga gising man o tulog, pero mas gusto kita pagtulog ka kasi mabait ka, pag gising ang suplado mo mahinang sabi niya, kunwa'y kinakausap ang amo. Matagal nyang tinitigan ito, she takes the opportunity na tulog ito dahil hindi nya magawang tingnan sya habang gising. Para syang mangnagat pag galit. Nais nya nang hahawakan ang mahal ngunit takot syang gawin ito. Nakuntento na lang sa pagtitig kanya. Nagbuntong hininga na lang at sinabing "hanggang tingin na lang muna kita ngayon, balang araw babalik ka rin sa akin Angelo ko, napaibig ko nga ikaw nong si Angelo ka sisiguraduhin kong mahuhulog ka din sakin Christain Jericho Vibar" lakas loob nyang sinabi. Agad syang pumasok sa dressing room ni Echko , sa schedule nya ay kailangan nyang maglaba pagkatapos magluto. Natambad sa kanaya ang napakaraming labahan, sigurado syang binalak nyang gawin yun, napakaraming damit at mga kumot na makakapal. Nakalagay pa sa instructions sa binigay sa kanaya ni yaya ay bawal gumamit ng washing machine. Naisip nyang balak talaga syang pahirapan ni EChko. "Akala ng tatay mo susuko ako munti kong anghel, kaya to ni nanay..hmmpp" Masaya syang lumabas sa kwarto ni Echko. Lingid sa kanya ay kanina pa to gising. Nagpretend lang siyang tulog, kahit mahinang nagsasalita si Sheng kanina ay narinig nya ang mga sinabi nito. Hindi nya malaman ngunit napangiti sya sinabi ni Sheng. Masaya sya dahil mahal pa siya ni Sheng at gagawin nyang lahat mapa-ibig tong muli. Pero natakot na syang magmahal especially magtiwala. Ugali niya kasi na kapag ang tiwala ay nawala, wala na rin lahat. Nakahiga pa rin siya pilit inaalis ang nararamdamang tuwa dahil kasama niya ang minamahal. "I should find ways to forget her, andito siya para pahirapan ko at hindi para mahalin, hindi mangyayaring mahalin kita ulit Sheniah Quezon, hinding-hindi" Sabi nya sa utak nya ngunit ang puso'y tila tumutol. Agad syang bumangon at uumpisahan ang araw na pahirapan at babaing mahal na pilit kakalimutan.Nakita nya ang pagkain na hinanda ni Sheng, namissed nya ang luto nito. Agad nya itong kinain at nasarapan sya. Pero may nais syang gawin, magkukunwari syang tinapon nya ang pagkain. Sisiguraduhin nyang sya na mismo ang aalis ng mansion. Naabutan nyang walang tao sa salas, ang ibang katulong ay abala sa paglilinis ng bahay. Lima ang katulong maliban sa yaya niya at Sheng. May sariling mga bahay ang mga ate nya dahil may sariling mga pamilya na ito, sya na lang binata. Binata pa siya para sa kanya dahil hindi naman si Jericho ang nagpakasal kundi si Angelo, ang isa nyang pagkatao na pilit nyang binaon sa limot. Alam nya kung saan sya tutungo, pupunta sya kay Sheng at iinisin nya ito. Malayo pa lang ay nakita nya ang bakas ng paghihirap ng asawa. May mga bula ng sabon sa ulo nito, tagaktak ang pawis at basa na ang damit nito. May awa syang naramdaman. Noong nasa probinsya sya aya sabay sila naglalaba, minsan nga'y habang naglalaba ay naglalambingan pa sila, nagapahirapan ng bula. Napangiti na naman sya, agad nyang inalis ang ngiti ng nagsalita si sheng "Magandang umaga sir, nainom nyo na ba ang gamot nyo?kumain na po ba kayo?" Walang iginanting salita si Echko patuloy lang syang tinititigan ."Ay sir..may idadagdag pa kayo ang konti naman kasi nito" sarkastikong bati nito sa turo sa gabundok na labahan. Hindi sya pinansin ni Echko "bilisan mo dyan at madami ka pang gagawin sa loob, linisin mo ang kwarto ko,may bisita pala ako mamaya , magluto ka, sarapan mo naman. Tinapon ko ang niluto mo, hindi ko gusto" sabi nya habang tinitingnan ang mga pinaglabhan ni sheng. Nasaktan

siya dahil sa unang pagkakataon aya ayaw nya ang luto nya. Dati-rati'y masaya itong kumakain ng kanyang luto. "Cg po sir pasensya na po" maikling tugon nya. Patuloy na naglaba si Sheng kahit nahihirapan, biglang sumakit ang tyan nya. "Aray ko.. aray". Nakatalikod na si Echko nung narinig nya yun. Agad syang pumunta kay Sheng parang automatikong damdamin na kailangan niyang tulungan ang mahal nya. "Okay ka lang ba? Saan masakit? Patuloy sa paghawak kung saang parti masakit sa katawan ni Sheng na hindi mapakali sa pag aalala. Kahit nagulat si Sheng ay natuwa ito sa ginawa ni Echko. Atlast nahawakan din sya ng asawa. Ayaw nyang matapos yun, nakahawak ang isang kamay ni Echko sa kamay nya at ang isa naman ay sa balikat nya na parang inalalayan sya. "Concerned ka sir? Mahal mo pa ako no? Aminin"tukso nito. Agad inalis ni Echko ang kamay niya at lumayo ng distansya. " Im just making sure your okay, kargo ka namin dahil dito ka nagtatrabaho, yun lang." sagot nya. "Aminin mo Angelo ko concerned ka no? naalala ko noon tuwing nasasaktan ako sabi mo mas nasaksaktan ka." Patuloy na binibiro ito. Biglang tumaas ang kilay ni Echko "Hindi ako si Angelo, si Jericho ako. stop thinking that I will love you again, it will never happen, never" padabog itong umalis sinipa pa ang timba. "Galit talaga sya sa akin pero nararamdaman ko anak mahal pa ako ni tatay mo, nahihiya lang yun" masaya siyang patuloy na naglaba.. Umalis sya muna at nais tumakas sa hirap ng damdaming nararamdaman. Tinitikis nya ang kanyang mahal. Pinapahirapan ngunit parang sya rin ay hirap na. Habang na sa sasakyan ay pilit inaalis sa isip si Sheng. Nung umalis sya ay ibinilin nya si Sheng kay yaya Adela sinabing bigyan ng gamot pag may kung anong naramdaman. Nakita nya kasing masakit ang tyan nito. Sinabi nya lang na huwag sa bihin kay Sheng na ibilin sya nito sa kanya. Nasa opisina an sya at pinipilit magfocus sa trabaho. Hindi nya alam pero inspired syang magtrabaho, lama nyang pag uwi ay nandun sa kanila at naghihintay ang private nurse personal maid at asawa, 3 in 1 na. Nakangiti sya lagi pag naiisip nya. Parang unti-unting nawawala sa puso ang galit. Chapter 8 Sa dami ng trabaho ay ginabi na sya sa pag uwi. Ten o'clock na ng dumating sya ng bahay nila. Nagpapahinga na rin ang mga katulong. Sigurado siyang tulog na rin si Sheng. Malayo pa lang at nakita nya ang lamesa ay madaming pagkain. Sinabi nya pala na may bisita sya at kailangan niyang magluto. Nakita nyang nakatulog sa isang maliit na lamesa sa kusina si Sheng. Halatang pagod ito naka-apron pa at mga kamay ay medyo kumunot dahil sa kinamay na labahin at nagluto pa. Sobra syang naawa sa mahal. Hindi na nag-isip at agad niya itong binuhat papunta sa kwarto niya. Sa sobrang pagod ay hindi niya na malayang binubuhat sya, basta pagod na pagod siya parang syang nagtraining buong araw. Inihiga sya ni Echko at inalis ang apron. Gusto nyang palitan ng damit ngunit baka magising ito. Kinumotan nya muna ito at pinaandar ang aircon at agad lumabas. Mahimbing natulog si Sheng na tila nanaginip na lumilipad daw sya. Pumasok sa kwarto nya si Echo at patuloy iniisip ang kawawang si Sheng. Nakita niyang napakalinis ng kwarto niya, lahat ay nakaayos. Bago ang kurtina, bedsheet, comforter pati ang carpet. Sa side table nito ay may iniwang sulat. "Huwag laging nakasimangot mahal ko, ang nakasimangot ay pangit" Napangiti sya sa nabasa. Nasa prpbinsya ay mahilig ng magiwan ng notes si Sheng bago pumunta ng school, tulog pa ang asawa pag umaalis ito. Pumunta sya sa dressing room, malinis din ito at lahat ng gamit nya ay nakaayos ng maigi. Ang damit nya ay nakatupi by colors, ganun din ang mga sapatos, caps at bags nya. "Umandar naman ang pagka organized ng asawa ko" nasambit nya. Natigilan sya, asawa ko na ang tawag nya ulit. Mahal nya na ba ito ulit?. Basta ang alam niya ay masaya sya. May sulat na naming iniwan na nakalagay sa tukador nya. " Cleanliness is next to godliness, naayos ko na ang cabinet at ang lahat ng gamit mo mahal ko, pakiusap huwag guluhin, dahan dahan sa pagkuha ng gamit mo". At may smiley na

drawing.Matutulog siyang masaya, ngayon niya ulit naramdaman iyon. Masarap matulog na at peace. Gigising sya bukas na masaya pa rin, dahil yun sa kanyang private nurse at tangi nyang mahal. Nagulat si Sheng na nasa kama na siya, ang pagkakalam nya ay sa kusina siya naghihintay at naktulog. Wala syang maalala, siguro sa sobrang pagod ay nakalimutan niyang pumunta sya sa kanyang kwarto at natulog. Late na syang nagising, nagmamadali syang tumungo sa banyo, nagbihis at dali-daling pumunta sa kusina. " Anak, huwag ka na raw magluto, kasi madami kang niluto kagabi, at day off mo daw ngayon sabi ni Echko kaya hindi kita ginising,. Nakainom na ng gamot at kumain na si sir mo" sabi ni yaya Adela habang naghahanda ng kakainin nila" Kainin daw natin lahat ito, hindi kasi dumating yung bisita nya."sabi ni yaya Adela habang sarap na sarap sa pagkain. "Napakasarap mong magluto Ineng, sabi ni Donya Christina ay ikaw na ang magluto sa Birthday nya dadagdagan nya na lang ang sweldo mo "dagdag pa nay. Natuwa si Sheng sa mga narinig" Salamat po nay Adela, kahit hindi na dagdagan ang sweldo ko, masaya po akong magluluto para sa kaarawan nya" naghugas muna ng kamay at agad kumain. Sabay silang lahat kumain ng mga kasambahay. Masaya sya dahil mababait ang mga kasama niya. Nagtaka lang siya dahil ilang araw pa lang sya ay may day off na agad sya. Napangiti sya, mukhang lumalambot na ang puso ng mahal nya, sana nga, yun lagi iniisp nya. Lumipas ang mga araw parang hindi pa rin nagbabago si Echko, tinittis pa rin siya, pinapahirapan. Suplado pa rin si Echko sa kanya, pagnagkikita sila ay hndi sya tinitigan. Kung ano ano lang ang iniiutos kanya. May ilang beses syang pabalik-balik sa grocery dahil may pinabibili. Palulutuin nya ng kung ano-anong pagkain , hindi nya naman kakainin. Nahihirapan sya dahil buntis sya. Akyat-baba ang pinagagawa sa kanya. Arawaraw ay pagod na pagod siya. Kahit hindi niya na trabaho ay pinapagawa sa kanya. Kulang na alng ay pati ang pool ay ipalinis sa kanya. Pinipilit niyang maging matibay, matatag, para bumalik ang pagmamahal ng asawa. Pagkatapos ng buong araw na trabaho ay agad siyang nakaktulog dahil sa pagod. Ngunit di nya alam ay nakokonsensya na rin si Echko sa mga pagpapahirap sa kanya. Habang nagtatrabaho siya ay sinusulyapan siya ni Echko, nasasaktan siya sa pinapagawa niya kay Sheng. Una ay gustong-gusto niyang pasakitan ito, ngunit sa katagalan ay hindi niya na matiis ito. Lumipas ang ilang buwan at sa tingin nya'y araw-araw ay may pagbabago kay Echko. Maaga na itong umuuwi at laging may dalang pasalubong sa lahat. Iniisip nyang dinadamihan niya lang ng dala para hindi sya mahalata na para sa kanya yun. Alam nyang para sa kanya yun dahil halos paborito nya ang dala nito. Masaya din ang kanyang mama dahil nakikita nyang masigla ulit ang anak. Mabait si donya Christina at hindi matapobre. Nakikita niyang masaya ang anak kaya't inisip nyang dahil yun kay Sheng. Gusto niyang sabay silang kumain lagi, wala naman syang ibang kasabay pag wala ang anak kaya't si Sheng na lang ang lagging kasalo niya. Natutuwa siya habang kinikwento ang mga naransan sa probinsya. Natuwa sa kanya ang matanda dahil napakabait niya at gusto nya ang mga luto nito noong kaarawan niya. Pati mga kapatid ni Echko ay hanga sa kanya, humingi pa sila ng mga recipes sa kanya at balak magluto ng mga inihanda niya.Masaya siyang mababait ang pamilya ni Echko, pagnagbalikan sila ay hindi na siya mahihirapan.Habang kumakain ay nagtanong sya " Iha, may boyfriend ka naba?" Parang nabulunan si sheng sa tanong ng donya" Agad syang uminom ng tubig, medyo natagalang syang sumagot " ano po? Boyfriend wala po" sagot nya. Pero sa isip nya" Wala akong boyfriend asawa po meron" biro nya sa nasa isip. "Mabuti naman at wala. Sana ligawan ka ng anak ko, gusto kasi kita napakabait mo at napakaganda din, masipag pa at ang daming alam gawin" tuwang sinabi ng ina. " pero hindi na pala pwede" lungkot na sinabi ni donya Christina. "Engaged na pala si Echko kay Krixia, bago sya naaksidente at nagka amnesia. Hinihintay na lang ni Trixia na gumaling fiance nya. Ayaw nyang pakasal sa taong hindi sya kilala. Trixia loves may son, lahat ginagawa nya para kay Echko, hope he would be happy" sabi pa nito. Parang may kutsilyo tumusok sa puso nya. "may fianc

siya. Kaya pala may letter K na kwintas sa bag nito. Siguro nga hindi nya na ko mahal dahil may dati siyang minahal at pakakasalan niya ito" malungkot na iniisip ito. Pabiro na lang syang sumagot " hay naku po mam hindi kmi pwede nun, suplado anak nyo eh, parang mangangagat, ako po tamed animal..Tumawa silang dalawa. Ikinubli ang lungkot na naramdaman. Pumasok siya agad ng kwarto at doon umiyak, nawawalan na sya ng pag-asa, pero hindi pa rin sya susuko. Lumalaki na ang tyan nya at parang nahahalata na. Sabihin niya na kaya ang totoo. Kaya siguro every week aay umaalis ito at dalawang araw bago bumalik. Paalam nya'y may imporatanteng project pero kay Krixia sya pumupunta. Naiinis siya sa sarili dahil nagseselos siya. Kahit napakasuplado ay mahal na amhal niya pa rin si Echko. NI hindi niya kayang magsumbat at magalit dahil sa pagpapahirap sa kanya.Napabuntonghininga na lang sya puno pa rin sya ng pag-asang mamahalin sya ulit ni Echko, babalik ulit sa kaniya si Angelo niya. Maaga pa ay narinig nyang may sasakyang dumating, isang napaakseksing babae ang dumating. "Ang ganda nya para syang modelo"usal nya sa sarili . Hindi sya napansin nito. Pababa pa lang si Echko sa hagdanan at sinalubong sya ng babae. Hinalikan nya sa labi si Echko" Good morning honey, we have to go sa wedding planner they are calling me everyday & asking when will be the wedding, it seems your okay so we need to hurry" sabi nya habang nakakapit ang dalawang kamay sa braso ni Echko. Nakatitig si Echko kay Sheng at siya naman ay agad nagpakabusy sa ginagawa. " Kriz, we had talked about this, I will not marry you if I still dont remember you" explain nya ditto. Galit syang sinagot ni Krixia " so when would that be? If I'm 40 years old? I cant wait foever Jericho, I really loved you, please marry me" habang nakayakap kay Echko. Hindi pa rin umaalis ang tingin ni Echko kay sheng..kahit malayo ay pilit nyang tinatanaw ito. Wala syang magawa tumahimik lang ito. Buong araw silang magakasama ni Krixia pero iba ang laman ng uatak nya..si Sheng. Gusto nya ng magtapat, gusto nya ng maging honest sa sarli nya. Na hanggang ngayon ay si sheng pa rin mahal nya, ang hinahanap-hanap ng puso niya. Kasamang nakalimutan ni Echko si Krixia nung na amnesia sya. Mas masaya sya ngayon, nagmamahal sa isang simpleng maestra. Pilit winawaglit ni Sheng kanina ang nakitang hindi magandang eksena. Gusto nyang sugurin ang babae at ubusin ang bukok sa sabunot, pero pinigilan nya ito, ayaw nyang mag eskandalo. Sa palagay niya ay wala siyang k,arapatan, ang kasal nila ay hindi naman legal dahil sa mga pekeng dukumentong ginamit. Ayaw din nyang masaktan ang ina ni Echko, malaki respeto nya rito. Kaya't sa inis sa maarteng babae aya sinuntok suntok nya ang mga unan. "haynakakainis sya, ang landi-landi. Kababaing taon siya pa nag propose sa asawa ko, grrr. Gusto ko syang kalbunin tapos tadtarin ng pinong -pino " pasigaw na sabi nya dahil sa inis. "At itong Jericho nag eenjoy naman habang nililingkis sya ng baabing malandi, eh ano kung seksi sya maganda naman ako" pagmamalakai nya habang nakaharap sa salamin. Hindi nya alam ay pagpasok nya sa kwarto ay sinundan agad siya ni Echko. Nasa labas lang ng kwarto ay pinakikinggan nya ang pinagsasabi nito. Tahimik na humahagikgik ito. "Nagseselos ang mahal ko," tawa sya ng tawa, mahina lang baka madinig sya. Agad ding bumaba dahil nag aantay sa baba ang nobya, sinabi nyang may kukunin lang sya sa kwarto. Gusto nyang sabihin kay Krixia na tapusin na ang lahat, hindi niya alam kung paano sabihin, lalo na't napakahirap aminin na may iba na syang mahal at pinakasalan niya pa. " Paano kaya?",tanong sa sarili habang pababa ng hagdan. Isang araw ay maaga pa lang ay madaming tao sa mansion ng mga Vibar. Mga press at iba ay taga tv network. Nais nilang mainterview si Echko. Kilala ang mga Vibar sa Real estaes, construction industries,sila na mismo ang gumagawa ng mga bahay na ibinebenta nila. Nais malamn ng mga press kung bakit nagtangkang magpakamatay si Trixia, isang kilalang modelo ang girlfriend nya, sikat din sya sa ibang bansa ang nagtry ding magartista. Tumigil ito sa pag aartista dahil pinili ang buhay na tahimik kasama ang lalaking

mahal. Si yaya adela ang humarap sa kanila hindi alam ang gagawin ayaw naming sumali ni Sheng dahil wala naman syang kinalaman dun ngunit nais nyang tulungan ang matanda dahil napakakulit ng mga press. Buti na lang at agad tumulong ang gwardya nila. Maingay sa baba at patuloy sila sa pagtatanong. Umakyat si Sheng at pinuntahan si Echko, yun lang ang matutulong nya,. Kaung ano man ang dahilan ay kailanagan nyang harapin. Kumatok muna sya walang nagbubukas, naghintay siya ng ilang minuto. Bukas ang pinto kaya't pumasok na lang siya. Agad ginising ang amo, "sir gising po may naghahanap sa baba, sir." Mas nilakasan nya pa ang yugyog. Nagulat sya at hinatak sya ni Echko. Natumba sya kama sakton gsa ibabaw mismo ng mahal nya, natandaan nyang ganung sitwasyon sin ang nagyari sa kanya nung natumba sya dito nung wala siyang malay. "I really loved when you're near me especially in this position" pabirong sabi ni Echko. Napakalapit na nila ng kanilang mukah mga 1 inch na lang ay mahaalikan na sya nito. Pinigil ang sarili, agad tumayo at sinabing " sir madami pong tao sa baba, maga press may nais po silang malaman" diretsong sabi ni Sheng. Nagulat sya dahil wala syang nalalaman sa nangyari agad nagbihis at bumaba. Nagkislapan ang mga camera pagbaba nya, animoy isa syang celebrity. Nasa hagdan pa lang ay pinakausapan nyang wag siyang kuhanan ng litrato o video. "Sasagutin ko ang lahat ng mga katanungan pero bawal kumuha ng larawan ko o videos. Malinaw po ba?" pakiusap nya. Agad namang sumunod sa utos ang mga press. Hinanda na lang nila ang kanilang mga voice recorder. Isang babaeng reporter ang nagtanong , "Ikaw po ba ang dahilan ng tangkang pagpapakamatay ng fiance mong si Krixia Enriquez?" Hindi sya makasagot, hindi nya akalaing magpapakamatay ito pagkatapos nilang mag usap kagabi. Nanumbalik sa isipan nya ang mga nangyari. Doon sila nag usap sa roof top ng condo ni Krixia, maganda ang lugar at kita ang mga naglalakihang katabing buildings, may swimming pool at mga mini cottages. " Trix, I just wanana be honest with you. I thanked you for loving me but I can't love a person that I don't remember. It's more than a year, pero hindi pa rin kita maalala. I'm really sorry I can't marry you" Agad lumuhod sa harap nya si Trixia, nagmamakawa " Honey please don't leave me, I can't live without you. Let's work things out please, gagawin ko ang lahat please" umiiyak na ito. Itinayo sya ni Echko. "We could not work things out if hindi mutual ang nararamdaman natin, pasensya na Kriz I dont mean to hurt you. I' m really sorry" sabay alis nya. Hndi pa sya nakakalayo ay sumigaw ito na " Akin ka lang Mr. Vibar, walang ibang magmamay ari syo, gagawin ko ang lahat mapasakin ka lang tandaan mo yan" Ininda yun ni Echko, mas may imporatante siyang kailangan gawin. Sa isip nya ay kung pano magpopropose sa asawa o di kaya'y ligawan nya.Sa pagkakatanda niya ay hindi siya nanligaw kay Sheng dahil naging instant asawa niya ito. Gusto nyang pakasalan ito sa tunay nyang panagalan, hindi na sya Mrs Rodriguez kundi Mrs Vibar na, masaya syang sumakay ng elevator pababa nag iisip kung anong gagawin sa kanyang pagtatapat. Nanumbalik sa kasalukuyan ang isipan ni Echko, yun pala ang ibig sabihin nya, nagtangka syang magpakamatay para pag usapan. Alam nyang tuso si Krixia, unica iha kasi at spoiled brat, what she wants, she gets. Sumagot si Echko sa reporter , "Wala po akong alam dun. Naghiwalay kami kagabi at hindi ko na kargo ang nagyari sa kanya desisyon niya ang pagtangkaan ang buhay nya. Dahil sa sagot niya ay mas dumami pa ang tanong ng mga press. Ayoko na po ng madaming tanong, basta po tama ang ginawa kong paghiwalay sa kanya " I can't love a person that I cant remember, that's all for now thank you" agad umalis si Echko. Pero may idinagdag pa ang isang reporter, "Di po kaya ay may ibang babaing involved? May iba ka na bang mahal kaya't napagdesisyunan mong hiwalayan ang fiance mo?" Napahinto si Echko, gusto niyang sagutin ng " Oo my iba na akong mahal, pinakamamahal" Ngunit mas pinili niya lang tumahimik at magwalk-out. Medyo nabitin ang mga taga press pero may kunting linaw sa mga pangyayari, atleast nakakuha sila ng impormasyon. Nasa kwarto lang si Sheng habang pinagmamasdang umalis ang mga press people. Kahit galit sya kay Krixia ay ayaw nya namang mamatay ito. Lagi siyang isinasaisip na "Life is beautiful" Minsan niya na rin siya iniwan ng

pinakaimportanteng tao sa kanya, ngunit hindi niya naisip kitilin ang buhay. Laging nasa isip niya na maraming nagmamahal sa kanya. Naaawa siya kay Krixia dahil ang tanging mundo niya lang ay si Echko. Ngunit hindi niya rin gusto na mapunta kay Krixia Si Echko. Wala siyang magawa ay kundi maghintay kung ano ang susunod na mangyayari. Pumunta si Echko at mama niya sa hospital. Gusto nilanag malaman kug okay ang dating kasintahan. Nakonsensya siya sa nangyari ngunit hindi niya sinisisis ang sarili. Choice ni Krixia ang nagyari. Pumunta sila ng mama niya dahil concern sila kay Krixia dahil naging bahagi na tin siya ng buhay nila. Lalapit pa lang siya ay pinigilan na sya ng maga bodyguards ng maga Enriquez, akma siyang susuntukin ng ama ni Krixia, agad sumigaw si Donya Christina " parang awa mo na Arnulfo wag mo saktan ang anak ko, nadito lang kami upang masigurong ligtas si Trixia" pakiusap ng donya. "Muntik ng mamatay ang anak ko dahil sa hayop mong anak, papaibigin at iiwan ang anak ko, tama ba yun?' may hinanakit na sabi ni Don Arnulfo. Kilala din ang mga Enriquez sa Business Industries. Sila ang supplier ng mga Vibar sa kanilang mga construction supplies, malaking discount ang binibiagay nila at malaking credit limit.Alam niyang maapektuhan ang pagiging business partners nila dahil sa mga nangyari ngunit hindi niya na inisip yun kailanganag hiwalayan nya na si Krixia. Pianapasok sila alang-alang kay Krixia , nalaman nyang nasa labas sila sa Echko ata mama nito kaya hiniling niya sa ama na papasukin. Nag usap lang sila at pinilit ni Krixia na magkabalikan sila, ngunit tumanggi si Eckho. Nakaalis na ang mag- ina ng sabihin ni Trixia " Dad please do everything just to have him back,please dad. I need him and I love him so much. I'll die without him.", umiiyak na hiling ng anak. Dahil ama syang nagmamahal ay gagawin nya ang lahat masunod ang kagustuhan ng anak. "Pangako anak, gagawin ko ang lahat para sayo, pangako". Niyakap ang pinakmamahal na nagiisang anak. Nagulat si donya Christina ng gabing pumunta si Don Arnulfo na may mga kasamang pulis at abogado. Kakasuhan nila ang anak dahil sa mga pending na utang at paglabag sa mga contact nila. Hindi makapaniwala si Jericho alam niyang wala silang nilalabag na batas. Siguarado siyang lagi silang nagbabayad sa tamang oras. Hula nya'y ginigipit lang sya ni Arnulfo. "I need to talk to my lawyers regarding this matter"sabi ni Jericho." You don't ned to do that Mr. Vibar, nandito rin sila, tinawagan ko na sila at sila ang mag-eexplain syo"sagot ni Don Arnulfo habang palakad-lakad na tinitingnan ang bahay nila."Sir, authenticated po ang kanilang mga papeles at kailangan nyong magbayad ng 50 million, hindi po nagbabayad ang pinagkatiwalan nyong Accountant at finance officer, umalis na po sila ng bansa at iniwanan kayong may utang na 50 million kay Mr. Enriquez kasama nap o ang interes dun" expalain ng abogado nya. Hindi makapaniwala si Echko nasabunot ang buhok sa inis. Gusto nyang pagbabarilin ang mga pinagkatiwalaang tauhan. "Madali naman akong kausap Mr Vibar, iuurong ko ang kaso kung pakakasalan mo ang anak ko pero kung ayaw mo, wala na akong magagawa kundia ang ipakulong ka" sabi nd Don habang nakangisi at nagsindi ng kanyang tabako. Agad syang sumagot " ikulong nyo na ako, hindi ako magpapakasal sa anak nyo, never!"matigas na sagot ni Echko. Habang nakikinig ang ina ay agad hinimatay ito at dali-daling dinala sa hospital. Nahighblood ito dahil sa nagyari, nastressed sa pag uusap. Nagising ito na nasabi tabi nya ang anak, nagmakaawa itong pakasalan nya si Krixia dahil hindi nya gustong makulong ito. Sumunod ng Hospital si Sheng upang suportahan ang kanyang mahal at alaagan ang napamahal na sa kanyang donya. Nagmamakaawang sabi ng ina, "Anak pakasalan mo na si Krixia hindi ko kakayaning makulong ka, please anak gawin mo na lang ang gusto nila" Hindi malaman ni Echko kung anong isasagot sa ina ngunit gusto niya itong mapanatag at wag ng madamay sa mga pangyayari. Gagawin niya ang nais ng ina kahit hindi niya gustio. Hindi na inisp ang sarili, importante ay huwag ng sumama ang loob ng ina at hindi niya gustong magsakit ito.Saktong papasok ng kwarto si Sheng ng sabihin ni Echko " Opo Ma, papakasalan ko si Krixia sa lalong madaling panahon" Hindi na tumuloy si Sheng, sapat na ang narinig, hindi nga sya siguro mahal nito. Nasaktan siya sa kanyang narinig,

hudyat na siguro yun para itigil niya na ang kanyang nais na magkasama silang muli, na mabuo ang pamilya nila. Agad syang umuwi at nag imapake ng gamit. "Tama na, suko na ako anak ko, hindi na ako siguro mahal ng ama mo. Hindi pa siya sigurado kung uuwi siya sa barrio Sinoot o kung saan man. Wala na rin naman siyang mapuntahang ibang lugar dahil siya'y ulila na. Ang nais niya lang sa mga oras na yun ay umalis ng mansion, kahit masakit sa kanya ang kailangan niyang umalis. Walang kamalay-malay ang mga kasambahay na umalis na si Sheng ng mansion. Hindi na rin nagtanong ang guard akala nya'y pupunta lang ng hospital si Sheng. Nasa Bus na sya at patuloy pa rin sa pagluha" Paalam mahal ko sana'y maging masaya ka sa piling ng iba" yun lang nasabi nya habang pilit nagiging matibay para sa anak. Nagtrans out na ng hospital sila Echko, kailangan magpahinga ng ina at dapat hindi mastress.Ang mga ate nya ang nag alaga sa ina habang inaayos ang mga kaso sya. Nag usap na sila ni Mr. Enriquez tungkol sa mga bagay-bagay na dapat ayusin. Nawala saisip nya si Sheng nang nasa hospital sa sobrang pagkaabal at madaming iniisip. Concerned kasi siya sa knayang ina, lagi na lang ito nagkakasakit dahil sa kanya. Wala na na nga ang papa nila mawawalan pa sila ng ina. Pagkakakita kay yaya Adela ay agad tinanong si Sheng " yay, kamusta po kayo, si Sheng po" "Ano? Akala ko aya kasama nyo, sabi kasi ng guard ay my dala siyang bag at papuntang hospital" sabi ng yaya. "Hindi po sya nakapunta ng hospital, hindi na rin ako nakatawag dito sa dami ng problemang inaasikaso ko" Agad syang pumanhik sa itaas,pumasok sa kwarto ni Sheng. Wala na ang mahal, pati mga gamit nya. Natira na lang ang mga gamit na binigay sa kanya ng mga kapatid at mama niya. Ang tanging dala nya lang ay ang maga gamit na dala nya papunta sa bahay nila. Napaupo siya sa kama ni Sheng at tila nanghina sa pag-alis ng minamahal. May mga pagsisisi sa mga pangyayari, lalo na ang isiping hindi naging masaya sa piling nya ang asawa dahil sa mga paghihirap na pinapagawa niya. Inakala niyang umalis si Sheng dahil hindi niya na kinaya ang hirap ng trabaho.Umiyak siya na puno ng pagsisisi. Kung sana'y pinatawad niya na lang si Sheng at kinalimutan ang lahata sana ay masaya sila ngayon. Ngunit din a yata mangyayaring maging masaya sila na akpiling ang isa't-isa, magpapakasal na siya sa babaing hindi niya naman mahal. Nagbakasakaling may iniwan na sulat si Sheng. Pumunta siya sa kwarto niya at umaasang may iniwan itong sulat o note man lang. Nakita nya sa kama nya ang sulat ni sheng. Maikli lang ito."Hiling ko'y maging masaya ka sa piling nya. Suko na ako. Sheng " Yun lang ang sulat nya pero malaman yun. Napaluha siya, sa ikalawang pagkakataon ay nasaktang muli ang pinakmamahal. "Kung may magagawa lang ako" yun lang ang huling nasabi niya habang patuloy sa pag-iyak. Chapter 9 Malayo pa lang ay sinalubong na si Sheng ng mga estudyante nya. Tuwang-tuwa sila ng makita ang mabait nilang titser. Niyakap niya silang lahat, tumatakbo ring tumungo sa kanya ang dalawang matalik na kaibigan, sobrang namissed niya ang mga ito. Hindi sya nakapagsalita dahil naiyak na sya kasi sobra naramdaman niyang mahal siya ng mga ito. Gusto niya ng makita ang kanyang dampa. "Mars ang ganda mo pa rin, medyo chubby ka lang ng konti" pabirong sabi ni Fhevi.Ano nasabi mo na" tanong ni Debs kay Sheng. Hindi agad nakasagot si Sheng, napalitan ng lungkot ang kanina'y matamis nyang ngiti. "Hindi akong nagkachance sabihin, hindi na kasi sya nagtitiwala sa kin" lungkot na sabi nito. "Ano akala ko ba'y mahal ka ni .."hindi na natuloy ang sasabihin ni Fhevi agad tinakpan ni Debs ang bibig ng kaibigan. " Halika na Mars uwi kana sa inyo para makapagpahinga ka. Tara na" sabay hila ni Debbie kay Sheng. Nakayuko syang naglaakad nag-iisip pa rin. Tumingin sa dating dampa at nagulat ito. Naroon parin ang dampa ngunit nagulat ito sa katabing bahay. May malaking resthouse na gawa sa kahoy at kalahati'y konkreto, napakalaki nito at iyon ang bahay ni idinrawing ni Angelo para sa kanya. Agad tumulo ang

luha, naalala ang pangako ng mahal " Gagawin ko yan pag may pera na ako mahal ko, pangako ko yan. Pag napatayo ko yan ang ibig sabihin ay ikaw lang mamahalin ko habang buhay". Hindi sya makapaniwala sa nakita. Akala niya'y hindi na siya mahal ni Echko. Patuloy syang lumuluha sa tuwa." Nandito sya mars every week sya yung nag aasikaso ng lahat, pag wala siya ay si Mang Arturo ang pinapaasikaso at pinagkakatiwalaan niya ng mga gawain dito, gusto niya ay matibay ang pagkagawa ng bahay niyo at naaayon sa iginuhit nya. Hindi namin sinabi syo kasi balak ka nyang esorpresa.Hindi rin naming sinabing buntis ka gusto naming ay ikaw ang masabi sa kanya na magiging tatay na siya" sabi ni Debs habang niyayakap ang kanina pang umiiyak na kaibigan. Hindi makapaniwalang tiningnan ni Sheng ang bahay, napakaganda nito at tiyak niyang mahal. Hindi nya akalaing tutaparin ng asawa ang kanyang pinangako" Tinupad nya Mars ang pangako nya, ibig sabihin ay mahal nya pa rin ako" patuloy pa rin ito sa pag- iyak. Mixed emotions ang naramdaman nya, masaya dahil ramdam nyang mahal siya ni Echko ngunit nalulungkot din sya dahil ikakasal na ito kay Krixia. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan niyang pakasalan si Krixia. Siguro nga ay may dahilan si Echko kung bakit niya gagawin yun. Sinamahan siya ng mga kaibigan papasok sa bagong bahay nila. Fully furnished at kitang-kitang pinagpaguran at pinaganda ang bahay.Ang mga muebles ay karamihan gawa sa kahoy, hawig antigo kung tingnan ngunit mga bagong kahoy ang ginamit na materiales. Gawa sa kahoy ang pinaka dingding nito at kalahati ng bahay ay gawa sa concrete materials. Parang American-cottage style ang bahay. Isang kwarto na may bathroom sa baba para sa bisita. Sa taas naman dalawang kwarto:masters bedroom na may malaking banyo at nursery room para sa magiging anak nila. Nag uumapaw ang tuwa sa kanyang puso. Hindi alam kung ano ang susunod na gagawin. Napaupo na lang sa isang upuan sa may kusina. Pati ang kusina ay napakaganda rin, naayon ito sa gusto ni Sheng, sa gitna ng kusina ay may malaking lamesa na gawa sa marmol na kulay abo at ang tinutuntungan nito ay trunk na malapad na kahoy. Ang pinakagamit nun ay doon mag gagayat ng mga ingredients sa mga lulutuin. Alam ni Echko na mahilig magluto si Sheng kaya't pinaganda nya ang kusina nila, kumpleto sa gamit pangluto.May napakalaking gas range at oven. Pati ang mga kitchen utensils nila ay mamahalin at maganda ang kulay, halos kulay bulakalak ang mga kulay nito katerno ang mga kutsara't tinidor, baso at mga mangkok. Ang mga ginamit na kulay sa bawat silid ay magaganda rin parang puno ng buhay. Masaya siya ngunit may pumipigil sa kasiyahang iyon. Aanhin nya ng magandang bahay kung mawawala naman sa kanya ang pinakamamahal. Kahit sa dampa lang sila tumira ay masaya na sya basta huwag lang mawalay ang asawa. Gsuto nyang pigilan ang kasal ngunit palagay nya ay wala syang laban. IpagpasaDiyos nya na lang yun. Naniniwala syang gagawa ng paraan ang Maykapal kung para talaga sila sa isa't isa. "Ikaw na ang bahala sa amin Ama" yun ang tanging dasal ni Sheng. Araw ng kasal ni Echko. Mabigat pa rin sa loob nya ang pagpapakasal, nais nyang tumakas at umuwi sa barrio Sinoot para makasama ng habangbuhay ang tanging mahal, si Sheng. Bawat oras ay nasa isip nya ito. Natandaan nyang sinabihan sya ng kapwa Engineer na kaibigan nya "Pare kahit gaano mo kagalit sa tao basta dati mo syang minahal ng totoo mangingibabaw pa rin ang pagmahahal kaysa sa galit. Ika nga ng kasabihan"There is a thin boundary between love and hatred" And your experiencing it now pare. Tama ang kaibigan nya, kahit anong pilit nyang kalimutan at ialis sa isipan ang babaing minahal ay hindi nya magawa, mahal na mahal nya pa rin ito. Nagawang magsinungaling ni Sheng dahil sa pagmamahal at iyon ang gusto nyang paniwalaan. "Iho, malalate ka na sa kasal mo, sige na magbihis kana" Naputol ang pag-iisip nya ng nagsalita ang ina. Nagdadalawang isip sya na ituloy ang kasal ngunit natatakot sya para sa ina, baka kung anong mangyari sa kanyang Mama kung hindi siya tumuloy. Alam nya kung gaano kasama si Don Arnulfo, gagawin ang lahat para sa kanyang nag-iisang anak, mabuti man ito o masama. Nagbihis na sya ngunit wala ito sa loob nya. Masaya sana siya kung kay Sheng sya ikakasal. Naalala nya yung araw ng kasal nila sa barrio. Simple lang

ito pero masaya dahil dalawang taong nagmamahalan ang ikakasal. Pero ngayon, si Krixia lang ang nagmahahal, in his own definition it is not love it's an obsession. Ugali ni Krixia na pag unang naging kanya ang isang bagay ay dapat kanya lang ito walang sino mang makakakuha sa kanya. Born spoiled brat, she will do everything to have what she wanted.Ikinumpara nya ito kay Sheng, napakasimple nya at napakabait. Mas lalo nyang minahal si Sheng dahil sa katangiang nakita nya dito. Madaming opportunidad sa siudad ngunit pinili nyang manirahan at magturo sa isang malayong barrio kung saan ay walang guro ang nais magturo. Pero si Sheng ang kakaiba, pinili nyang magturo sa malayong lugar upang mapagsilbihan ang mga batang nais mag-aral. Bukod sa magandang katangian ay taglay nya ang kabaitang natatangi. Mas iniisp nya ang kapakanan ng iba kaysa sa sarili. Napapangiti si Echko tuwing iniisip nyang si Sheng ang sumagip sa kanya, kaya pala ng babaeng magbuhat ng lalaking walang malay. Para sa kanya ay si Sheng ang destiny nya, pero hindi pala. Nakatakda siyang ikasal sa babaeng hindi nya mahal at hindi maalala. Hiniling nya sa Diyos na sana ay gumawa ito ng paraan o di kaya ay himala para hindi matuloy ang kasal."Tulungan nyo po ako, alam kung maitatama ang mali. Alam kong ibinigay nyo sa kin si Sheng, at ibibigay nyo syang muli sa akin, ikaw na po ang bahala" umalis na sya. He believed that something good will happen. Nauna sa simbahan ang bride, pinanapawisan na sya at kinakabahang baka hindi dumating ang groom. Ang ibang tao ay naiinip na rin. Halos maiyak na sya. "Dad, bakit wala pa si Jericho, please dad do something" Agad kinuha ng ama ang cellphone at tinawagan si Echko. Hindi nya ito macontact, sa isip nya ay baka umatras na ito sa usapan nila. Naalala nya pang sinabi ni Echko " payag na akong magpapakasal ako sa anak nyo. But don't expect that I would love her as my wife. I just need to marry her coz' of your dirty antics. Ill live my life on hell with her. Magpapakasal ako sa anak mo pero walang kasiguraduhang magiging masaya niya sa akin. We will both suffer!" galit na sabi nya. Napaisip si Don Arnulfo, hindi rin magiging masaya ang anak nya pagkinasal sila. Parang siya na lang ang gagawa ng paraan upang hindi matuloy ang kasal pero paano ang anak nya, tiyak nyang magwawala ito at hindi kakayanin. Alam niya kung gaano kamal ni Krixia si Jericho. If she lose him, she will chose to die. Kung ano man ang mangyari hindi nya papabayaan ang anak. Malayo pa lang ay natanaw na nila ang sasakyan ng mga Vibar. Agad naaing nag ayos si Krixia ng papalapit na ang sasakyan ng papakasalan nya. Excited sya at sa wakas ay ikakasal na siya sa kanyang minamahal. Parang ayaw bumaba ng sasakyan ni Echko kung hindi pa sya inusog ng ina ay hindi ito bababa. Walang gana ang itsura nito at kahit pilit patawanin ay hindi tatawa ito. Diritso nya syang pumunta sa unahan ng simbahan, malapit sa altar. Nagsimula na ang kasal. Nagmarcha na ang mga flowergirls, ring bearer, mga abay, ninong at ninang. Oras na magmarcha ang bride, napakaganda nya at halatang mamahalin ang gown, gawa pa ito mula USA at tinahi ng kaibigan nyang fashion designer. Halos hindi tumitingin si Echko, alam nyang hindi si Sheng yun. Inisip nya na lang yung kinasal sila ng mahal nya. Hindi maalis ang tingin nya kay Sheng habang nagmamarcha ito papalapit sa kanya, tila gusto nyang bumilis ang oras at gusto nyang magkatabi na sila. Ngunit ngayon ay kakaiba, gusto nyang bumils ang oras para matapos na ang kahibangan ng babaeng papakasalan. Nasa harap nya na si Krixia ay hindi pa rin sya tumitingin sa kanya. Alam ni Krixia na napilitan lang si Echko na pakasalan sya, pero masaya pa rin atlast magiging asawa nya na ang mahal.Pilit niya lang pinapasaya ang sarili. Mag uumpisa pa lang magsalita ang pari ng may sumigaw "Itigil ang kasal" akala nya ay si Sheng yun ..hindi pala.. Si Mrs. Laila Rosales, Account manager ng kompanya nila na sinabing nagnakaw ng 50 million. "hindi dapat matuloy ang kasal. Isa rin akong ina, hindi kaya ng konsensya ko ang makitang hindi ka masaya sir Jericho. Hindi kami nagnakaw, pinilit lang kaming ibahin at magfalcify ng mga documents dahil sa pananakot ni Mr. Enriquez para mo paframe up kyo. Tinakot nya po kami at sinabing papatayin an gaming pamilya, kaya nagawa naming magtago. Pero nilakasan ko ang loob ko, humingi ako ng tulong sa kinauukulan. Hindi na ako takot sa iyo Don Arnulfo,

makukulong ka" Pasigaw na sabi ni Mrs. Rosales. Napangiti ng maganda si Echo para siyang nabunutan ng tinik. Gusto nyang lumundag sa tuwa. Inakap si Mrs Rosales at pinasalamatan " I owe you much, see you at my office after 1 week I need to go and tell her that I love her". Pumunta siya sa kanyang Ina at hinagkan. " Ma, you need to go with me. You need to know her more" " I know anak ..alam ko kung sino ang mahal mo.Action speaks louder than words.." Agad sumama ang ina. Sumunod ang mga ate nito at sumama na rin. Naiwang nakatunganga si Krixia hindi alam ang gagawin, naiyak na lang sya ng nilagyan na ng posas ang kamay ng ama. Agad syang sumunod sa presinto di inalintana kahit nakagown pa sya, mahal nya ang ama sya ang dahilan bakit yun nangyayari sa kanila. May poot sa puso nya, " May araw ka rin Christian Jericho, gaganti ako sa iyo, kung hindi ka magiging akin hindi ka maaaring mapunta sa iba" matinding galit na naisip nya. Nasa Veranda si Sheng, kitang-kita ang napakagandang tanawin ng Bundok Sinai. Puno ito ng matataas at malalaking puno, karamihan ay matandang puno na ngunit napakatibay pa rin. Buti at walang illegal loggers sa kanila at napapanatiling berde ang kanilang kapaligiran. Kumakanta ang mga ibon na masayang lumilipad. Habang pinagmamasdan ang napakandang luagar ay natanaw nya ang bangin kung saan nya nakilala ang ama ng anak. Malaki na ang ityan nya.. Halos 6 na buwan na. Nakangiti niyang hinimas ito at kinakausap "Anak sana dumating ang araw na makasama din natin tumira dito ang tatay mo" yun lang ang tanging hiling nya. Habang inaaalala ang mga magagandang pangyayari sa kanila ni Angelo ay.. may narinig na magandang awitin " I wanna make you smile, whenever your sad, Carry you around when your arthritis is bad. All I wanna do is grow old w/ you" Familiar sa kanya ang tinig na yun, sigurado siyang si Echko yun. Tumingin sya sa baba at nakita ang pinakamamahal. Hindi siya makapaniwalang nandoon ang lalaking tanging minahal. Nagulat din siya at napakaraming tao. Kasama ni Echko ang buong pamilya niya. May dal silang mga bulaklak at pagkain na tila mamamanhikan. Napangiti siya nung ngumiti sa kanya si donya Christina at aktong kumaway sa kanya na bumaba sya. Kinikilig ang mga taong nagmamasid sa kanila, nandun din mga bestfriends nya at mga estudyante. Dapat ay bababa na sya ngunit " Mahal ko huwag ka ng bumaba ako na lang ang aakyat sa bahay natin" kaysarap pakinggan, bahay nila. Kanina lang syang humiling na sana'y magkasama silang tumira sa bahay nila, agad naming natupad yun. Hinintay ni Sheng ang asawa. Nung nasa taas na si Echko ay tila hindi siya makagalaw, kinilig sya. Hindi alam kung yayakapin o hahalikan niya ang tanging mahal. "patawad"..Yun ang unang nasabi ni Echko" Hindi hinihingi ng kapatawaran ang mahalin ako", halos naiiyak na sagot ni Sheng." Patawad dahil madami akong naging kasalanan sa iyo, hindi man lang kita binigyan ng pagkakataong mag explain, agad kitang iniwan at pagkatapos sinaktan at pinahirapan." Habang nagsasalita ay tinakpan ni Sheng ang bibig nya" Wala kang kasalanan, huwag na nating balikan ang nakalipas, importante ay nandito ka na. Higit sa lahat andito ka dahil mahal mo ako. Naunang naluha si Jericho. Napakasaya niya, feeling nya ay nanalo sya ng award, sobra pa sa award. Akma na silang magyayakapan ng nagulat syang nabunggo ang tyan nya ng malaking tyan ni Sheng. Hindi sya makapaniwala, buntis ang asawa nya. Napaluha na rin si Sheng " munti kong anghel pinapakilala ko syo ang tatay mo. Niyakap nya ng mahigpit ang asawa, hindi lang isa ang premyo nya kundi dalawa. Napakasaya ni Echko gusto nayn tumalon at magsisigaw. Sumigaw siya at sinabing "Yes magiging tatay na ako Ma.. " Tuwang-tuwa ang mama at mga kapatid nya. Habang nasa taas silang dalawa ay tila nanonood ng teleserye ang mga tao sa baba. Kitang kita silang dalawa. Rinig ang lahat ng usapan nila. Nagpalakpakan ang mga tao dahil sa nasaksihang pagmamahalan. Masayang-masaya ang ina ni Echko at mga ate nya. Magiging tatay na ang bunso nila. Natupad din ang hiling ni Donya Christina na maging manugang ang dating private nurse ng anak. Mothers knows best talaga ika nga. Hindi matanggal ang ngiti sa kanilang dalawa. Napasaya ng lahat parang may fiesta lang.

Pagkaumaga ay nagpahanda si Donya Christina at niyaya ang lahat ng taga barrio sa isang masayang celebrasyon. Madaming pagkain ang ipinahanda. Halos lahat ay tumulong sa paghahanda sa isang masayang kaganapan. Naghanda ang donya dahil nais magpasalamat sa lahat: dahil magiging lola na ulit sya at natupad ang hiling na maging manugang si Sheng. Habang busy ang lahat, sa di kalayuan ay may nagmamasid sa kanila. Pinagmamasadan ang kanina pang masayang ginagawa nila Nakataas ang kilay na sinabing " Sige lang magpakasaya kayo ngayon, sa huli ay ako pa rin ang mananalo" sabi ni Krixia. Gusto nyang maghiganti. Hindi nya hahayaang maging masaya sila at siya ay malungkot na naghihinagpis "Ang private nurse niya pala ang pinalit niya sa akin. Hindi ako papayag. Ang akin ay akin lang " may naiisip syang masamang gawin. Kailangan nya ng panahon. Gusto nya lang malaman kung saan sila mahahagilap, para kung handa na syang maghiganti ay alam nya kung saan sila tutuntunin. Umalis na sya ng barrio Sinoot ngunit ipanangakong sa tamang oras at pagkakataon ay babalik sya upang kunin ang para sa kanya. Habang nagsasaya sa baba ay nasa itaas si Sheng, kumuha sya ng face towel dahil nakitang nyang pawisan ang asawa. Hindi mawala sa labi ang ngiti, hiling nya'y sana ay walang katapusan na ang ligayang natatamo kapiling ang asawa, pamilya at mga kaibigan nya. Buong pagmamahal nyang hinimas at kinausap ang anak "anghel ko salamat, dahil sayo ay masaya si nanay, ikaw ang ispirasyon ko kung bakit ako nagkalakas ng loob na harapin ulit ang tatay mo. Pangako ay mamahalin ka namin ng lubos at ibibigay ang lahat para sa kabutihan mo" Nasa pintuan pala si Echko at nakikinig sa sinasabi ng asawa. Pinagmamasdan nya lang iyon ay napakasaya na niya. Ginulat ang nageemote na asawa. Napatali naman ito. "Uyy Echko ano kaba, huwag ka namang manggulat..kinakausap ko ang anak natin" sabi ni Sheng. "Ako nakausap ko na sya nung tulog ka kagabi, nagpaalam na ako, sabi nya oo Dad ayos na, approve" naka appove sign pa to sa tiyan ni Sheng animoy nilalaro ang anak. "Ayokong dad ang itawag nya sayo, gusto ko Itay o Tatay. Mas maganda ang simple at gusto ko turuan natin sya ng simpleng buhay. Ayoko ang magarbong pamumuhay. Lalaki sya katulad ng mga bata dito sa barrio, hindi salat pero tama lang. Tatlo hanggang limang laruan ay tama na yun. Mas mabuting huwag natn syang e-spoiled. Oh ano approved ba sayo yun Mr. Vibar Ha?" taas kilay nyang tanong sa asawa. Kung ano man ang sabihin ng asawa ay okay sa kanya. Para sa kanya ay kung ano ang nais ng minamahal para sa kanilang anak ay tama ito, dahil mabuti syang tao at alam nyang magiging napakabuting ina din sya. Naalala ni Sheng ang sinabi ng asawa.. "Anong approve sa anak ko ang sinabi mo. Kinausap mo sya? Tungkol saan?" usisa nito habang may pinapahiran ng face towel ang nagmamantikang mukha ni Echko. "secret" patawang sagot ni Echko. Inayaya nya si Sheng sa may Veranda "Halika mahal ko magpahangin tayo medyo mainit sa kwarto natin. Sumama naman agad si Sheng, walang alam sa mangyayari. Nasa Veranda na sila ay nag okay sign si Echko sa mga tao sa baba. Kunwa'y busy lang sila nung napatingin sa kanila si Sheng, kumaway pa nga ito sa kanila. Naghanda na ang mga tao sa baba. Magkaharap silang dalawa, si Sheng ay tumutingin sa paligid at si Echko naman ay nakatingin lang sa kanya " Napakaganda ng tanawin mahal ko no?sabi ni Sheng. "hindi asawa ko, mas maganda ang tinatanaw ko" sabi ni Echko habang walng kurap na tinititigan ang mahal nyang asawa. Tiningnan ni Sheng kung saang tanawin ang magandang tinutukoy ni Echko, sya pala. Namula sya at tumawa, kunwa'y hinampas ang mukha ng asawa"Ikaw talaga, nambola ka na naman" dagdag pa nya " Hindi ako magsisinungaling na maganda ka, bukod sa pisikal na kagandahan ay napakaganda ng puso mo.Ikaw na ang ulirang guro, asawa at ina" tawa si Echo habang hindi binibitawan ang asawa. Naging serious ang mukha ni Sheng, hinawakan ng dalawang mukha ng pinakamamahal " At ikaw..ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Para sa akin ay isa kang anghel na nahulog sa langit" pero natawa rin sya nung sinabi nyang " Hindi pala galing sa langit, anghel na nahulog sa bangin" Tumawa sila ng malakas. Nanumbalik kay Echko ang mga pangyayari .. kaya sya nahulog ay napatid ang

makapal na tali habang nagmomountain climbing ito. Isa ito sa mga hilig nya. Adventurous sya at mahilig sa mga thrilling experiences. Every week ay iba't ibang bundok ang pinupuntahan niya. Minsan ay kasama niya ang kanyang mga barkada, pero most of the time ay siya lang mag-isa. Stress- reliever ang mountain climbing para sa kanya. Everytime he will see the beauty of nature, may galak sa puso niya. Nagpasalamat lang siya dahil sa tagal nya ng nagmomountain climbing ay doon pa sya malapit sa tinitirhan ni Sheng nahulog. Siguro ngay kagustuhan yun ng Maykapal, kung hindi nangyari yun ay wala sana si Sheng sa buhay nya..naputol ang pag-iisp ng hinamapas sya ni sheng ng mahina" Uy ano ang iniisip mo? "Wala lang nagpasalamat lang ako dahil inuhulog niya ako para sayo, sabay tingin sa langit.Masayang-masaya si Sheng dahil sa magagandang sinabi ng asawa. Nagyakapan silang dalawa hindi masyado mahigpit dahil malaki na ang tiyan ng asawa. Biglang umarte si Echko na masakit ang tyan nya.Nag alala agad si Sheng. Napaupo sa Echko sa kunwariy masakit ang tyan,. Agad ding umupo si Sheng sa sahig at tiningnan kung saan ang masakit na parte ng tiyan ng asawa. Sa gitna ng tyan ni Echko ay parang may bukol.May maliit na kahon na nakatali sa bewang nito. Itinaas nya ang t-shirt ni Echko at nakita ang maliit na box. Hindi nya pa nabuksan ay napaluha na sya. Inalis ni Echko ang box sa baywang itinayo nya si Sheng at sinabing " Mahal tumungin ka doon yun ang magandang tanawin ngayon" Tumingin si Sheng sa tinututuro ng asawa . Nakita nya ang kanyang mga estudyanteng nakaharap sa kanila. Tila may gagawin ang mga ito. Isa isa isa itong tumalikod. Sa kada bata ay may tig isang letra."WIL; YOU MARRY ME AGAIN ASAWA KO" at ang choir members na mga estudyante ay kumanta ng " Giliw huwag mo sanang isipin ikaw ay aking lilisanin di ko magagawang lumayo sa iyong piling at nais kung malaman mo kung gaano kita kamahal" Habang kumakanta ang mga bata ay hindi nya mapigilang umiyak, patuloy lang ito sa pag agos. Ang mga bisita sa baba ay walang tigil din sa pag iyak, sobrang saya sa mga pangyayari, masaya silang nakawitness ng tunay na pag-ibig. Kumanta din si Ecko " Hanggang may pag-ibig laging isisigaw tanging Ikaw" "Ikaw lang ang mahal ko Sheniah "Sheng" Quezon, will you be my Mrs Christian Angelo Vibar? Buong pusong itinanong ni Echko sa kanya. Halos hindi sya makasagot ngunit ang puso nya'y parang tumatalon sa kasiyahang natatamo. " Ikaw lang paulit-ulit kung pakakasalan Mr. Vibar, mapa Angelo ka man o Jericho mag iba man ang pnagalan mo ng ilang beses, ikaw lang ang mamahalin ko magpakailanman. Sagot ni Sheng na puno ng pagmamahal. "Kahit ilang beses akong mahulog ng bangin para sayo mahal ko" pabirong sabi ni Echko" Ilang beses din akong baba ng bangin at sasagapin kita ng paulit-ulit mahal ko" mabilis na sagot nya. Tawanan sila, pati mga bisita sa baba ay tawa din ng tawa. Nagpalakpakan ang mga nakasaksi. Masaya sila sa nalalapit na kasalan. Plano nila ay magpakasal ulit pagkapanganak ng kanilang panganay. Nais nilang siya ang maging ring bearer sa kanilang kasal. Nais na nilang bumilis ang mga araw dahil gusto nilang makasal na legally. Doon sila tumira sa pinagawang bahay ni Echko at ang dalawang kaibigan ay pinalipat nla sa kanilang dating bahay na mas pinaganda pa ni Echko. Masaya sila palagi at din a makapaghintay sa paglabas ng munting anghel. Nasa kusina si echko habang naghahanda ng alamusal nila ay nagulat sya ng may narinig na malakas na sigaw " mahal koEcHko..manganganak na ako" Halos liparin ni Jericho ang iakalawang palapag ng bahay. Nagmamadaling pumunta sa knilang kwarto at tangkang bubuhatin ang asawa. Humingi sya muna ng tulong sa mga kaibigan ng asawa. Sa veranda nya na itinawag ang mga ito. Buti na lang at Linggo, saktong walang pasok."Debs, Fhevs, manganganak na bestfriend nyo." Pasigaw nya. Dali daling pumanhik ang dalawa at tinulungan si Echko. Matagal na ay nakahanda na ang bag nadadalhin nila sakasakilng manganak si Sheng. Pinipigilang umiyak ni Sheng dahil sa sakit para hindi mataranta ang mga mahal nya. Nasa sasakyan na sila at pilit syang kinakalma ng mga kaibigan. Si Echko naman ay pinilit na magconcentrate sa pagmamaneho kailangang makarating agad sila ng hospital, medyo malayo, pilit nyang pinabilis ang takbo ngunit

maingat ito. Trenta minutos lang ay nandun na sila, agad naman syang dinala sa emergency room, tiningnan lang sandali aya dinala na sa labor room. Nasa labas lang sila ng labor room ngunit hindi mapakali. Ibat-ibang posisyon na ang ginagawa ng tatlo. Palakad-lakad, may uupo, at tatayo. Nanalangin na lang sila sa safety ng mag-ina. Halos 4 na oras silang naghintay. Pinakakabado ay si Echko pilit nyang winawaglit sa isip na baka may masamang nangyari na sa asawa't anak nya. Lumabas ang doktora at binati si EChko "Mr. Vibar Congratulations.. its a boy. Medyo natagalan lang dahil nahirapan syang ilabas ang baby nyo, muntik na syang ma cesarian ngunit nailabas nya naman ng normal. Maya maya po ay itatransfer na sa kwarto ang asawa nyo.Agad din umalis si doktora. Hindi malaman ni Echko ang magiging reaksyon. Napalundag na lang sya sa tuwa at inakap ang dalawang kaibigan ni Sheng. Agad silang nanalangin at nagpasalamt dahil sa hindi pagpapabaya ng Panginoon kay Sheng. Natutulog pa si Sheng ng datnan nila sa kawrto nito. Hindi nila ito ginising dahil alam nilang kailangan nyang magpahinga. Pumunta sila sa nursery dahil excited na makita ang kanilang pinakahihitay na munting anghel. Napaluha si Echko sa saya mg makita ang kanyang anak. Hindi makapaniwalang ama na sya. Sa isip ay kinakausap ang anak " I had never been a perfect son but I will try to be the best tatay in the world for you my son."patuloy ito sa pagluha. Nahawa na rin sa pag-iyak ang soon to be ninag ng baby. Nakangiti silang tumitingin sa bat. Masaya na sial kahit hindi nila mahawakan ito dahil nakapagitan sa kanila ang malaking see-through glas.. Kailangan kasing 24-48 hours sa nursery room ang bata para maobserbahan ito. Nasayahan sila ng gumising ito at masiglang gumalay at parang kumakaway sa kanila. Di pa nila nahahawakan si baby ay laking tuwa na sa knila yun paano pa akay kung maakap na nilat maalagaan. Kailanagan na nilnag bumalik ng kwarto at banatayn si Sheng. Bumalik na ang barrio ang magkaibigan kahit tulog pa si Sheng kailanagan nilang matulog ng maaga dahil may pasok pa bukas.Hindi na sila nagpahataid kay Echko dahil walang magbabantay kay Sheng. Tulog pa rin si Sheng nung pumasok sa kwarto ang aasaw niya. Tumabai ssya sa higaan nito at hinalikan sa pisngi ang pago nyang mahal. Tuamawag si Echko sa mama nya at binahagi ang masayang balita, sobrang tuwa ng ina at maaga pa bukas ay pupunta na sial ng maga ate nya. Nagpabili na rin sya ng maga pagkain at bulaklak. Ala2 8 na ng umaga ay hindi pa rin gising si Sheng. Nag aalala na sya, tinungo ang nursing station at nagtanong tungkol sa mahabang tulog ng asawa. Paliwanag ng nurse" epekto po yun ng binigay na pain reliever at anesthesia. Maaring makatulog ang pasyente ng mahigit sa labing dalawang oras, wag akyong mag alala sir normal lang po yan. " Bumuti na ang pakiramdam ni EcHko, nawala na ang kanyang pag aalala, di lubos maisip pano kung hindi magising ang asawa, hindi nya kakayanin. Pabalik na sya ng kwarto ni Sheng ay nakasalubong nya ang ina at mga ate nito, nakangiti syang binati " Congrats bunso, you're now a dad" bati ng pangalawa nyang ate."Thanks te, wow ang dami nyo naming dala, at ang flowers sang katutak" masayang anas nya. "syempre para sa kaisa-isang sister inlaw naming. Mahal mo ay mahal na rin naming lahat"sabad pa ng sinundan nyang kapatid. "Im very blessed for having you all as my family, I will never be strong without all of you" parang naiiyak na sabi ni Echko. "halika na pumunta na tayo sa asawa mo at excited na kaming makita ang aming gwapong pamangkin" sabi ng panaganay nila habang hinihila si Echko. Dumaan muna sila sa nursery room para ipagpaalam kung pwede nila madala sa kwarto ang bata. Pinauna na sila sa kwarto at nurse na ang magdadala doon. Papasok sila ng kwarto nung nagulat silang wala sa kama si Sheng. May takot na naming naramdaman si Echko. Agad nyang hinanap ang asawa. Nakahinga sya ng maluwag ng binati sya ng asawa, "Anong nagyayari sa iyo bakit ka namumutla?""Akala ko nawala kana , akala ko.." sagot ni Echko pinutol agad ni Sheng pagsaalita ng asawa " akala mo lang yun mahal, hindi ako mawawala, nagshower lang ako kasi parang anag init, pero okay ako" sabay yakap ni Sheng sa asawa. Paglabas sa CR ay nakita ni Sheng ay napakadami at magagandang ibat ibang uri ng bulaklak at may balloons pa na may teddy bear na may Congratulatiuon sign. May dala din silang mga

pagkain.Natuwa si Sheng dahil sa pagmamahal sa kanya ng pamilya ng asawa. Dumating na ang nurse na kasama ang kanilang munting anghel, ang kanilang kaligayahan. Lahat sila ay excited na mahawakan at aliwin ang napakacute na sanggol. Ibinigay ng nurse ang bata sa kanyang ina. Naiyak si Sheng sa kaligayahang naramdaman, hindi nya maintindihan kung anong pakiramdam ngunit napakasaya nya. Para sa kanaya ang anak at asawa ang tanging kaligayahan at buhay nya. Habang pinagmamasdan ni Sheng ay ngumiti pa ang kanyang anak, nagbigay ito ng kaginhawahan kay Sheng. Pagkatapos ng siyam na buwan ng paghihintay ay sa wakas ay nakasama at nakita nya na ang anak. Walang mapagsidlan ng kaligayahan ang puso nya,wala na syang mahihiling pa, napakasaya nya. Hindi naman makapag anatay ang ama at nagpaalam na kung pwedeng makarga ang anak. Hindi pa sya masyado marunong humawak, inaalalayan sya ng mga ate nya. Tuwang-tuwa sila habang pinagmamasdan ang bunsong kapatid nila na ama na ngayon. Datirati ay puro computer games at extreme sports lang ina atupag nito , ngayon ay may anak na.Naluha din ang kanyang ina, masayang-masaya sya sa nangyayari sa buhay ng mga anak nya, kuntento na sya. Alam nyang masaya din ang namayapang asawa nito dahil sa magandang pagpapalaki nya sa kanyang mga anak. Tumabi si Donya Christina sa mamanuganin" Anak, kamusta na ang inyong pakiramdam?" Mahinag sumagot si Sheng "okay naman po Donya Christina, medyo masakit pa ang sugat. "Agad sumagot ang donya " Anong donya..Mama ang itawag mo sa akin. Anak na ang turing ko sa iyo noon pa man kahit hindi pa kayo ni Jericho . Ngayon, parti kana ng pamilya namin, dapat mama na ang tawag mo sa akin, maliwanag"sabay yakap kay Sheng . napakasaya ni Sheng wala ng kulan sa buhay nya. "Opo Mama"maikling sabi nya. "Pag okay na ang lahat ay pagpaplanuhan na natin ang bonggang church wedding nyo " dagdag pa ng ina. "sumang ayon naman sila Sheng at chko, nais nilang pagbigyan ang ina."Oh sige na pose na kayo picture picture na tayo " sabi ni Christa. Nagpose agad sila at lahat nakangiti. Lahat ay kumarga sa baby, halos hindi bitiwan ng bawat isa. " Sheng ano pala ang pangalan ng napakagwapo kung pamangkin?' tanong ni Christine. Tumingin muna si Sheng kay Echko at sinabing" Christian Angelo po ate" Alam na ni Echko bakit yun ang pinagalan nya, napakaimporatante kay Sheng ang pangalang Angelo. Si Angelo ang lalaking mahal nya pero si Echko pa rin yun. Alam ng pamilya nya tungkol sa pangalang Angelo kaya tumawa na lang sila. Dumating din ang bestfriends ni Sheng para dumalaw at iba pang taga barrio. Masaya silang nagkukwentuhan at tuwang-tuwang inaaliw ang sanggol. Chapter 10 Matapos ang anim na buwan ay nagpasya silang magpakasal. Hinintay muna nilang mag anim na buwan ang anak dahil sya ang magiging ring bearer nila. Ang lahat ay excited na sa pinakagarbong kasalan sa barrio Sinoot. Handang-handa na sialng lahat, nagbihis ng maayos ang bawat isa. Halos lahat ng taga barrio ay nadoon upang masaksihan ang tunay na pag-ibig. Sa simbahan malapit sa bayan sila ikakasal, kayat halos lahat ay nakdalo.Nasa simbahan na ang lahat at hinihintay na alng ang bride. Si Echko ay nakasuot ng Amerikanang off-white, napakagwapo nya, litaw na litaw ang mala-Espanyol na mukha. Hindi mawala sa isip nya ang asawa, nais nyang maging legal na syang Mrs. Vibar at makasama habang buhay. Nasa Business Hotel pa rin sila Sheng, nagmamadali nang umalis. Nagtagal sila dahil sa pag aayos sa knaya. Sinigurado ng donya na napakaganda nya. Ang kanyang wedding dress ay itinahi ng isang sikat na fashion designer. Puting-puti ang damit nya ngunit may mga maliliit na paruparu na kulay pink at yellow, yun kasi ang motif nila. Ang kanyang belo ay may maliliit na swarovski crystals, regalo sa knay yun ng pinaka ate ni Echko. Ang mga ate nila ang nagprepara ng kasal, mula sa damit hanggang sa mga pagkain at reception. "Parang panaginip lang " nasaisip ni Sheng. Hindi lubos maisip na mangyayari ito sa kanya. Niyakap sya ng kaniyang maid

of honor, si Debs at Fhevs, ang kanyang bestfriends. Napakaganda rin nila sa suot nilang magandang gown. Dali-dali na silang umalis dahil mahuhuli na sila sa kasal. Biniro ap nila nag kaibigan " dalian natin Mars baka mabagot at mawalan ng pasensya si Angelo mo ay baka magback-out" sabi ni Debs "Angelo ka syan dba Echko." Tumawa silang tatlo habanag dalidaling bumaba ng hotel. Ksama din nila si baby Angelo. Nasa stroller sya na may mga maliit na bulaklak, para syang nasa loob ng basket na puno ng bulaklak. Sya ang ring bearer nila. Nakatali ang dalawang singsing sa isang teddy bear at itutontong iyo sa harap ng sanggol pag mag umpisa na sialng marmarcha. Nasa simbahan na sila at ang lahat ay naghanda na, excited ang lahat. Bago pumasok ng simbahan ay hindi napigilang hindi makita ang asawa, pumunta sya sa sasakyan nito " Mahal ko napakaganda mo, kinakabahan ako kanina akala ko hindi kana tutuloy", pabirong sabi nito. Natawa din si Sheng " ano kaba Echko, may Angelo na tayo hindi na pwedeng umatras kahit gustuhin ko pa" mas lumakas ang tawa nila. Patakbong pumasok ng simbahan si Echko at hinintay mag umpisa ang kasal.Nakamartsa na ang lahat, si Sheng na lang ang inaantay ng lahat. Napakaganda niya at parang hindi nanganak, seksi pa rin sya. Lahat ng bisita ay nakatayo habang pinagmamasdan sya. Sa gitna ng pagmamartsa ay naghihitay ang kanilang anak na nasa strolley. Kinuha ang strolley at itinulak papunta malapit sa kinaroronan ni Ecko. Hindi mapigilang pumapalakpak ang mga tao ng nasa harap na ang altar ang ikakasal kasama ang kanilang si Angelo. Si fhevs ang nagbantay kay Angelo dahil mag uumpisa na. Lingid sa kanila ay may isang taong may masamang binabalak. Pumwesto ito malapit sa kinaroronan ni Angelo. Lahat ay nakatoon ang pansin sa pastor at sa ikinakasal. Walang kaalam alam na may di inaasahang mangyayari. Nagulat na lang sila nang sumigaw si Fhevi " ahhhh.. si Angelo nawawala.." Agad naputol ang pagsasalita ng pastor. Si Sheng ay nakatulala at di alam ang gagawin. Si Echko ay lumapit agad kung saan huling nakita ang anak. Lahat ng tao sa simbahan ay tumulong maghanap sa bata. Hindi pa rin gumagalaw si Sheng sa kinatatayuan ngunit tuloy-tuloy ang pag iyak nito. May nakita sila babaing nakaitim na gown at nakabelo ito. Tulak-tulak nya ang sanggol na nawawala. Nung makita ni Sheng ay patakbong lumapit ito. Ngunit hindi nya nagawang lapitan ang anak ng sumigaw na ito. " Huwag kang lalapit, kung hindi sasabog ang utak ng pinakamamahal ninyong anak." Nakatutok ang baril nito malapit sa ulo ng bata. Hindi nila kilala ang babae dahil nakabelong itim ito. Ngunit pamilyar kay Echko ang boses nya. Maya't maya pa ay inalis ang takip sa mukha. Nagulat ang lahat na si Krixia ito. Ang pagkakaalam nila ay sumama na ito sa ama upang magpagamot. Inurong na ng mga Vibar ang kaso sa kundisyong lilisanin na nila ang bansa. " Kamusta aking mahal na Jericho? Mukhang nagkamali ka ng kasal na pinuntahan, Di ba sa akin ka dapat magpakasal hindi sa private maid o di kaya'y katulong.. Anong meron sa kanya na wala ako. Kaya ko naman ang lahat ng ginagawa niya at bakit siya ang napili mong pakasalan. I had given up many things para sa iyo Jericho.Pati career ko binalewala ko para sayo. Handa kong iwan ang lahat-lahat. Mawala na sa akin ang lahat huwag ka lang." sigaw ni Trixia habang nakatutok pa rin ang baril sa bata. Puno ng galit ang kanyang mukha na ang nais lang ay makapaghiganti. Walang nais sabihin si Echko, hahayaan niya lang magsalita ang wala na sa isip niyang si Krixia. Napayakap si Sheng kay Echko na sobrang takot na takot, baka may mangyaring masama sa anak nila. "Huwag kang matakot mahal ko gagawa ako ng paraan. Kakausapin ko si Krixia, our son will be safe" pangako sa asawa, sabay halik sa noo nito. Tumawa ng malakas si Krixia." Wow..napakasweet niyo naman, mamamatay na ang anak niyo at may panahon pa kayong magyakapan, kakainggit naman. Tingnan mo baby oh napakasweet ng parents m, parang gusto yata nilang makita kang wala ng buhay." Panukso ni Krixia habang tumatawa ng malakas. Ang mga tao sa paligid ay nakatuynghay lang, nag-aantay ng maaring mangyari. Halos lahat ay kabado sa maaring mangyari sa bata. "Ano ba ang gusto mo Krixia?", pasinghal na sabi ni Echko na galit na rin dahil sobrang pag-aalala para sa anak."Hindi naman ako mamamatay bata my dear Echko, gusto ko lang kunin ang akin. Ibibigay ko ang bata

basta sasama ka sa akin Jericho. Di ba sinabi ko sa iyo, hindi ka mapupunta sa iba, akin ka lang, akin."pagmamatigas na sagot ng wala sa sariling si Krixia. Hindi alam ni Sheng ang dapat gawin, mahal nya pareho ang asawa't anak ngunit dapat niyang mamili. Agad sumagot si Echko "sasama ako Krixia ibalik mo lang kay Sheng ang anak namin". Parang babagsak si Sheng sa kinatatayuan ng marinig ang sinabi ng mahal. Hindi nya kayang mawala si Echko ulit sa kanya, minsan na syang nawalay dito at hindi nya na gustong maulit pa. Ngunit wala syang magawa mamatay ang anak nya. Hinayaan nya na lang si Echko sa nais gawin, alam nyang may plano ito. " Ibigay mo muna sa akin ang anak ko at sasama ako sa iyo Krixia" pakiusap ni Echko. Madaling nakapagpasya si Krixia, agad nyang itinulak papalapit kay Sheng ang stroller.. Nagmamadaling kinuha ni Sheng ang mahal na anak ata agad kinarga ito at niyakap ng mahigpit na tila ayaw ng mawalay sa kanya."Mahal kong anak salamat at nasa akin kana ulit, Diyos ko po tulungan mo ang asawa ko. Nakitingin pa rin si Echko sa kanyang mag ina. Hindi nais umalis ngunit wala syang magawa. Hinawakan sya ni Krixia palabas at nagmamadaling lumabas ng simbahan na halos patakbo kung lumakad. Ang mata ni Echko ay nakatuon sa hawak na baril ni Krixia, nung maluwang na ang pagkahawak nito ay agad nyang inagaw ito. Alerto namang hinawakan ng maagi ni Krixia ang baril ng aktong aagawin sa kanya ni Echko ito. Nag agawan sila.Lumaban si Krixia na ayaw bitiwan ang baril. Ang lahat ng tao ay nagsisigawan at natatakot sa maaaring mangyari. Isang malakas na putok ang bumalot sa buong simbahan. Ang lahat ay naghanda muli, ano man ang mangyari ay tuloy pa rin ang kasal. Natamaan sa kaliwang binti si Krixia at agad dinala sa hospital. Napagdesisyunan ng pamilya nito na dalhin sya sa mental hospital at ipagamot. Naalis ang takot sa kanilang lahat ng mag umpisang magmartsa na ang lahat. Parang masamang panaginip lang sa kanila ang nangyari ang imporatante ay matuloy ang kasal. Kinarga na lang ni Fhevi si Angelo para masiguradong wala ng makakakuha sa kanya. Nakangiting naglalakad papuntang altar si Sheng, nakatuon ang mata sa lalaking pinakagwapo para sa kanya, minsan ay patingin tingin sin sya sa anak, naniniguaradong safe ito. Si Echko naman ay halos di kumukurap at pinagmamasadan ang tanging babaing pakakasalan nya. Napaka ganda ang mensahe ng pastor para sa kanila. Pinaalala niyang sa buhay mag asawa ay dapat ang Panginoon ang sentro ng kanilang buhay. Dapat ay magkaagapay ang bawat isa sa lahat ng panahon, masaya man o malaungkot, kahirapan o kasaganahan. Sumang ayon naman ang mga ikinakasal. " Ipinagmamalaki ko sa inyong inihahandog ang bagong kasal Mr & Mrs Christian Jericho Vibar" malakas na sabi ng pastor. Nung pagsabi ng pastor ay agad bumulong si Echko kay Sheng. "Ayan ha official Mrs Vibar kana kaya't pwede nang dagdagan si Angelo mamaya" Sumagot naman agad si Sheng " Oo naman gusto mo ngayon na" tumawa sila ng malakas. "I now pronounce you husband & wife" "Anong pang hinhintay mo Jericho" pabirong sabi ni pastor. Napakasaya ni Echko kanina nya pa hihintay yun. Itinaas ang belo ng asawa at buong pagmamahal na hinalikan ang asawa, nakangiti si Sheng habang tumutugon sa napakasarap na halik ng mahal ". Ang lahat ay halos napasigaw dahil sa sweetness nilang dalawa. Nahinto na lang yun dahil sa malakas na palakpakan ng mga tao. Nag picture taking ang lahat at pumunta sila sa reception hall sa Business hotel. Napakaganda ng lugar, isa syang malaking hall na bukas ang gilid na kitang kitang ang napakalaking pool na may manmade falls sa gilid. Ang lahat ay enjoy sa masarap na pagkain. Naghire sila ng acoustic band para sa buong oras ay may live background music sila. Puro paboritong love song nila ang tinutugtog. Sa buong oras na iyon ay nagkwentuhan at nagtitigan lang sila Sheng at Echko napakasaya at memorable sa kanila ang araw na yun. Nandoon angmga taong imporatante sa kanila. Wala na silang mahihiling pa, gusto ang nilang magkasama habang buhay. "Nasabi ko na ba sayo mahal ko na mahal na kita nung una palang kitang nakita?" tanong ni Echko na may paglalambing habang nilalaro nya ang buhok nito " Alam ko na type mo ko, kasi kahit

walang kang matandaan pumayag kang maging asawa ko, tama no?" sagot ni Sheng habang kinikiliti ang gilid ni Echko. "ako naman ay minahal na kita nung nakita pa lang kitang nakahandusay sa bangin, ang gwapo mo kasi kahit sugatan ka" Tumawa sila ng sabay. Nalove at 1st sight silang dalawa. Plano nilang sa barrio sinoot manirahan ngunit kada Linggo ay luluwas sila ng Maynila para makasama ang donya at mga kapatid niya. Patuloy pa rin syang magtuturo at balak magtayo ng negosyo para matulungan ang ibang taga barrio na magkatrabaho. Si Jericho naman ay sa bahay na lang gagawin ang mga trabaho sa opisina. Ang secretary niya na lang ang maghahatid ng mga kailangang dokumento para sa kanya. Si yaya Adela ang napagdesisyunan nilang maging yaya para kay baby Angelo dahil kampante sila dito. Masuyong hinalikan ang asawa na puno ng pagmamahal. Hindi inakalang dadating ang kanyang anghel.That's love, you dont know when it wil happen and to whom you will be inlove. Masaya at kuntento si Sheng, naibigay na ang dalangin nya, na matagpuan ang prince charming . Hndi lang yun pinakmamahal pa sya nito at nais makasama habang buhay. Ang hiling nya ngayon ay hindi na para sa knya kundi para sa dalawang bestfriends nya na makahanap din ng kanilang sariling prince charming. They will find it very soon , who knows

You might also like