You are on page 1of 23

PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA 1

LEBEL NG PANG-UNAWA NG MGA MAG-AARAL NG JESUS DELA PEÑA


NATIONAL HIGH SCHOOL BAITANG 9 SA PARAANG KOMPREHENSYON
SA MGA MAIKLING KUWENTONG ASYANO

Mungkahing Saliksik
na Ihaharap sa Kaguruan ng Filipino
Koliheyo ng Agham, Sining, at Edukasyon

Bilang Pagtupad
sa Kahingian ng Kursong
Batsilyer ng Pansekundaryang Edukasyon
Medyor sa Filipino

Nina:

Beth Loggin
Alfredo Ling
Crispulo Tan

Oktubre, 2016

KOLEHIYO NG EDUKASYON
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA 2

TALAAN NG NILALAMAN

Pahina …………………………………………………………………………………… i

Talaan ng Nilalaman ……………………………………………………………………. ii

Kabanata 1: SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Panimula ………………………………………………………………………………… 1

Pagsusuri sa mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral ………………………………….. 4

Balangkas Teoretikal …………………………………………………………………... 15

Balangkas Konseptwal …………………………………………………………………. 16

Paglalahad ng mga Suliranin ……………………………………………………………17

Haypotesis ng Pag-aaral ……………………………………………………………….. 18

Kahalagahan ng Pag-aaral …………………………………………………………….. 18

Saklaw at Limitasyon ………………………………………………………………… 20

Depinisyon ng mga Terminolohiya ………………………………………………….. 21

TALAAN NG MGA FIGURA

Fugura blg. 1: (Balangkas Teoretikal) ………………………………………………. 16

Figura blg, 2: (Balangkas Konseptwal) …………………………………………….. 18

MGA SANGGUNIAN ……………………………………………………………… 23

KOLEHIYO NG EDUKASYON
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA 3

Kabanata 1

SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Matutunghayan sa kabanatang ito ang kaligiran ng pag-aaral, mga sinuring

kaugnay na pag-aaral at panitikan, teoryang pinaghalawan ng paksa, konseptong inilapat

sa isinagawang pag-aaral, maging ang layun at suliranin ay inilahad sa bahaging ito

kasama na ang inaasahang kahalagahan ng pag-aaral.

Panimula

Reading maketh a full man - Francis Bacon

Binigyang halaga at katuturan ng mga mananaliksik mula sa pahayag ni Francis

Bacon na humuhubog ng pagkatao ang pagbabasa. Samakatuwid, isang aspektong

binibigyang diin sa pagpapaunlad ng mga kaalaman at kasanayan sa pag-unawa. Ang

pag-unawa sa pagbasa ng mga akdang pampanitikan na gaya ng isang maikling kwento

ay bumubuo ng mga tulay na maiuugnay sa dating kaalaman at karanasan sa bagong

impormasyong kanyang makukuha mula sa tekstong binasa.

Kaugnay nito, ang pag-unawa sa teksto ay naaapektuhan ng kahit sino natin at

kung paano tayo nakikiugnay sa mundo ng ating mga kaalaman, totoo man ito o sariling

paniniwala na nakalagak sa ating isipan. Kasama rin dito ang ginagawa natin sa araw-

araw. Sa madaling sabi, ang pag-unawa ay tunay na nakatutulong sa pagsusuri sa

kaniyang sarili.

Gayunpaman, napansin ng mga mananaliksik ang halaga ng pag-unawa na

matutugunan sa pangangailangan ng mga mag-aaral sa pagbabasa ng Maikling Kwentong

Asyano.

KOLEHIYO NG EDUKASYON
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA 4

Layunin ng pag-aaral na ito na matukoy ang Lebel ng Pang-unawa ng mga

Mag-aaral ng Jesus Dela Peña National High School Baitang 9 sa Paraang

Komprehensyon sa mga Maikling Kuwentong Asyano na maging batayan sa

pagpapaunland ng kanilang kaalaman sa malikahaing pagbabasa. Layunin din ng mga

mananaliksik na matugunan ang pangangailangan sa pag-unawa ng mga mag-aaral sa

paraang kaugnay sa kanilang kalagayan, karanasan at dati nang kaalaman. Samakatuwid,

pinalulutang ng mga mananaliksik ang kahalagan ng pagbabasa sa mga maikling

kwentong Asyano na magbibigay kulay sa isang tiyak na realidad ng mga mag-aaral at

maiuugnay ito sa pilosopiya at kulturang Pilipino.

Ang panitikan ay nagpapahayag ng mga damdamin ng tao hinggil sa mga bagay

sa daigdig, sa pamumuhay, sa lipunan at pamahalaan at sa kaugnayan ng kaluluwa sa

Bathalang lumikha. Ang paraan ng pagpapahayag ay iniayos sa iba’t iba niyang

karanasan at lagay sa kalooban at kaluluwa, na nakabalot ng pag-ibig o pagkapoot,

ligaya o lungkot, pag-asa o pangamba (Panganiban, et al Panitikan ng Pilipinas, p.11).

Ayon kay Villafuerte (2000) hinahaplos ng panitikan ang pandama ng tao.

Pinupukaw nito ang malikhaing pag-iisip, tibok ng puso at kamalayan ng tao.

Lahat ng ito’y nagagawa ng panitikan sa pamamagitan lamang ng mga payak na

salitang buhay na dumadaloy sa diwa at damdamin.

Sa maikling kwento masasalamin ang buhay, damdamin, lunggati at kaisipang

Pilipino sa panahon ng pagkakasulat nito. Realistikong pagtalakay ng mga paksang

totoong nangyayari at nagaganap sa buhay ng tao. Ang pagsusuri ng maikling kwento ay

hindi lamang may layunin makagising ng damdamin ng mambabasa batay sa kanilang

KOLEHIYO NG EDUKASYON
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA 5

paniniwala at pananaw sa buhay kundi pati na rin mapalawak pa ang pagkaunawa at

kawilihan sa pagsusuri nito.

Ayon kay Goodman (1979), ang pagbasa ay isang saykolinggwistiks na

paghihinuha (guessing game) kung saan ang nagbabasa ay bumubuo muli ng isang

mensahe o kaisipang hango sa tekstong binasa. Isang prosesong sibikal buhat sa teksto na

nagpapakahulugan o nagbibigay ng prediksyon.

Pinaunlad ni Coady (1979) ang kaisipang inihayag ni Goodman at sinabing ang

dating kaalaman ng tagabasa ay kailangang maiugnay niya sa kanyang binubuong

konsepto/kaisipan at kasanayan sa pagproproseso ng mga impormasyon na mababasa sa

teksto.

Malinaw na ipinahayag na ang mambabasa ay may sariling paghihinuha sa

kaniyang sariling kamalayan na isang patunay na ang mambabasa ay siyang may kontrol

sa anumang pagkatuto sa binabasang akda o teksto.

Batay naman sa pagpapakahulugan ni Grabe (1991), ang pagbasa ay hindi isang

paulit-ulit na proseso ng pagtanggap ng mga impormasyon o ideya, sa halip ito ay isang

piling proseso na inilalarawan sa paraan kung paano ito nauunawaan ng mga nakababasa:

Ang pagbabasa ay isang proseso ng pagkuha ng impormasyon mula sa isang

tiyak na pahina ngunit isa lamang itong paraan ng pagpili na nagpapakita ng aktibong

proseso ng pang-unawa (Salin ng mga mananaliksik)

Binigyang linaw sa pahayag ni Grabe sa itaas na ang pagbabasa sa anumang

nakalimbag na anyo ng panitikan ay hindi lamang isang paraan ng panggagagad ng

sariling interes at kagustuhang impormasyon kundi isa naring aktibong proseso ng

pampagkatutong pang-kaalaman na may pag-unawa sa kung ano ang binabasa.

KOLEHIYO NG EDUKASYON
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA 6

Ayon pa rin kay Grabe, ang pagbabasa ay nangangailangan ng higit na layunin,

tuloy-tuloy, may pleksibilidad, umuunlad at may pag-unawa.

Sa pagsasagawa ng proseso ng pagbasa, nagiging karaniwang gabay ng mga mag-

aaral upang maunawaan ang mga teksto ang

kanilang naunang kaalaman, bokabularyo, kaalamang gramatikal at mga karanasan na

may kaugnayan sa tekstong binasa.

Kadalasang ginagamit ng mga mambabasa ang kanilang dating kaalaman,

bokabularyo, kaalamang gramatika, karanasang na may kaugnayan sa teksto at iba

pang estratehiya na makatutulong sa kanila upang maunawaan ang nakalimbag na

teksto. (Salin ng mga mananaliksik)

Ang pagbasa ay pag-unawa sa mga kaalaman upang magtamo ng karunungan,

pagbabalik sa nakaraan, pagtatasa sa kasalukuyan at antisipasyon sa hinaharap. Ito ay

hindi isang kakayahan na awtomatikong natutuhan bagkus ito’y isang malawak na

proseso na kinapapalooban ng iba’t ibang antas ng paraan ng pagkatuto.

Pagsusuri sa mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Inilahad sa bahaging ito ang ilang sipi sa tesis, aklat at internet na may kaugnayan

sa kasalukuyang pag-aaral. Natuklasan pa rin ng mga mananaliksik na bahagi rin ng pag-

aara nit ng kahit anong akdang pampanitikan, kalatasan ng isip at diwa na may gintong

aral sa buhay; subalit sa pagdaraan ng panahon nagbabago ang panlasa ng mga

mambabasa, nararamdaman niyang paminsan-minsan nais niyang malibang o maaliw ang

sarili sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga lathalaing aantig sa kanyang damdamin. At

masubok ang sariling kakayahan sa pagsusuri ng mga akdang ito.

KOLEHIYO NG EDUKASYON
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA 7

Ayon kay Badayos (2004), maraming tao kasama na ang ilang guro ang

naniniwalang ang pagbasa ay ang kakayahan ng isang tao na maisa-isang basahin ang

mga salitang nakalimbag maging isang pahayagan o aklat, subalit mahalagang mabatid na

ang pagbasa ay hindi ganito kadali (Badayos 193).

Naging batayan ng mga mananaliksik ang ideya na ibinigay at pinatunayan ni

Badayos mula sa nabanggit na ang tao ay may kakayahang luminang sa pagbasa mula sa

mga nakalimbag na letra at titik ngunit ito’y hindi ganoon kadali. Sa kadahilanang,

marapat na isaalang-alang ang lubos na pag-unawa sa anumang iyong binabasa.

Sa pag-aaral naman na isinagawa ni D. Jasa (2007), sinukat din niya ang antas ng

paggamit ng mga guro sa mga estratehiya sa pagtuturo ng pagbasa gayundin ang antas ng

lubusang pagkatuto ng mga mag-aaral sa ikalimang baitang sa apat na kasanayan sa

pagbasa batay sa pananaw ng mga guro sa apat na distrito, sangay ng Baguio. Lumabas

sa kanyang pag-aaral na ang mga mag-aaral ay may lubusang pagkatuto sa mga apat na

kasanayan sa pagbasa sa pananaw ng mga guro sa apat na distrito, sangay ng Baguio.

Narito ang mga kasanayang nabanggit:Pag-unawang literal lalo na sa palagiang paggamit

ng kasanayan sa paghanap ng detalye; Pag-unawang lubos lalo na sa palagiang paggamit

ng kasanayan sa paglalahat; Pag-uugnay ng mga ideya lalo na sa pagpapalawak ng

kawilihan sa pagbasa; Bahagyang pagkatuto naman sa pagbibigay pasiya lalo na sa

pagbibigay halaga sa mga values (Jasa 19).

May kaugnayan ang isinagawang pag-aaral ni D. Jessa sa kasalukuyang

pananaliksik sa pagsukat sa antas o lebel ng pang-unawa ng mga mag-aaral sa pagbasa

nagging partikular nga lamang sa mga maikling kuwentong asyano na bahagi ng aralin sa

k-12. Ganun pa man nabanggit din sa kanyang pag-aaral ang parsyal na pagiisa-isa ng

KOLEHIYO NG EDUKASYON
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA 8

mga baryabol na nais malaman ng mga mananaliksik mula sa kasanayang nalilinang sa

pagbasa na Pag-unawang literal; Pag-uugnay ng mga ideya lalo na sa pagpapalawak ng

kawilihan sa pagbasa; Bahagyang pagkatuto naman sa pagbibigay pasiya lalo na sa

pagbibigay halaga sa mga values.

Mula naman sa pag-aaral at pananaliksik na isinagawa ng National Commission

for Culture and the Arts (2012) na pinamagatang “The Reading Process.” Nabanggit sa

pag-aaral na ang pagbasa ay isang malawak at multi-dimensional na proseso.

Kinakailangan na ang guro ay may malawak na kaalaman sa paggamit ng teknik at

estratehiya sa pagtuturo ng pagbasa. Ang guro bilang tagapaghubog ay kinakailangang

may sapat at malawak na kaalaman, dahil sa kanya nakasalalay ang pagkatuto at

pagkaunawa ng mga mag-aaral sa pagbasa. Iminungkahi rin sa nasabing pag-aaral ang

mga sumusunod na salik na dapat isaalang-alang ng isang guro upang maalis ang

kahirapan sa pagtuturo ng pagbasa. (1) Paglikha ng isang malawak at iba’t ibang

bokabularyo; (2) Pagpapaunlad ng proseso sa paglika ng tunog (phonological processes);

(3) Paglikha ng rebisyon at kabuuang larawan ng mga etsratehiya sa pagtuturo ng

maunawang pagbasa; (4) Kinakilangan masiguro ang motibasyon at kawilihan sa pagbasa

bilang susing aspekto sa pagbabasa at (5) Makabagong pagtingin at pagbibigay tuon sa

pagbasa.

Ang isinagawang pag-aaral ng NCCA ay naging motibasyon ng mananaliksik sa

isinasagawang pag-aaral na nakatuon sa pang-unawa ng mga mag-aaral ang kanilang mga

binabasa partikular na sa mga kuwentong asyano na kabilang sa mga aralin sa k-12. Dahil

dito makikita kung gaano ba ka-epektibo ang mga guro sa kanyang pagbabahagi sa mga

KOLEHIYO NG EDUKASYON
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA 9

mag-aaral ng mga batayang kaalaman tulad din sa mga inisa-isang mungkahi na dapat

isaalang-alang sa pag-alis ng kahirapan sa pagbabasa.

Sa pag-aaral naman ni B. Dugui-es na pinamagatang “Ang Bilis at Pag- unawa sa

Pagbasa ng mga Mag-aaral Sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Tuba”, bilis at pag-

unawa naman sa pagbasa ang kanyang tinutukan. Napag-alaman niya na ang kalagayang

pang-ekonomiya ay isang sanhi na dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng kahusayan sa

pag- unawa sa pagbasa. Ayon sa kanya, ang paaralang pinagtapusan ng elementarya ay

walang epekto sa pagkatuto ng mga estudyante. Ipinalalagay niya na ang kahinaan sa

kasanayang pag- unawa ay maaaring mapaunlad at maiwasto sa mataas na paaralan

(Dugui-es 24).

Natuklasan nina J. Issa, et.al. sa kanilang isinagawang pag-aaral na may pamagat

na “The Use of Reading Strategies in Developing Student’s Reading Competency among

Primary School Teachers in Malaysia” sa mga piling paaralan sa Penang, Malaysia na

hindi lubusang ginagamit ng mga guro sa elementarya ang ilan sa mga mahahalaga at

epektibong estratehiya sa pagtuturo ng pagbasa sa mga mag-aaral tulad na lamang ng

paghahanda ng konteksto at paglalahad ng mga kaugnayan nito sa mag-aaral bagama’t

mataas ang antas ng kabatiran nila ukol dito. Lumabas din sa kanilang pag-aaral na hindi

rin nagagawang mahikayat ng mga naturang guro ang mga mag-aaral sa mga gawaing

pagbabasa.

Masasabing may kaugnayan ang pag-aaral na isinagawa J. Issa, et.al. dahil sa

pagbasa marapat na isaalang-alang ang kanilang pang-unawa sa mga ito. Inilahad sa pag-

aaral na mahalaga na magkaroon ng epektibong estratehiya sa pagtuturo ng pagbasa sa

KOLEHIYO NG EDUKASYON
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA 10

mga mag-aaral ngunit isang balakid na ipinakita sa pag-aaral na hindi nagagawang

mahikayat ng guro amg mga mag-aaral sa dimensiyon ng pagbasa.

Ayon kay Machtinger (2007), Layunin sa pag-aaral na ito ang edad at aspeto ng

mga mag-aaral hinggil sa kanilang kognitibong kakayahan. Ang edad ng mga mag-aaral

ay maaaring makaapekto sa kanilang kakayahan sa kahit anong larangan.

Ayon naman kay Villafuerte (2008), “sa pagsusuri ng maikling kwento,

naniniwala na dapat suriin ang mga elementong taglay nito: tauhan, tagpuan, banghay,

tunggalian, simbolo, pahiwatig, magagandang kaisipan o pahayag at maging ang paraan

kung paano ito nagsimula at nagwakas.

Malaki ang naitulong ng mga nakalap na literatura at pag-aaral na nasaliksik at iniugnay

ito ng mananaliksik sa isinagawang pag-aaral. Nagsisilbi rin ang mga ito na mga

pangunahing batayan ng mananaliksik upang maging mapadali ang pagsusuri ng mga

Piling Maikling Kuwento.

Natuklasan naman sa pag-aaral na isinagawa ni R. McQuirter Scott na

pinamagatang “Word Study and Reading Comprehension: Implications for Instruction”

na ang pang-unawa ng mga mag-aaral sa kanilang binabasa ay lubos na

naiimpluwensiyahan ng lawak ng kanilang bokabularyo o kaalaman sa mga salita.

Nakapaloob sa kaalamang ito ang kahulugan ng salita, ispeling o baybay ng salita at ang

kakayahang i-decode ang mga salita. Ayon pa rin sa kanya mapauunlad ng mga guro ang

kaalaman sa salita ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng tuwirang pagtuturo ng mga

Word-Patterns at Word-Solving Strategies.

KOLEHIYO NG EDUKASYON
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA 11

Dagdag pa niya, ang pinaka layunin ng pagtuturo ng pagbasa at ispeling/baybay

ay ang mapalawak ang bokabularyo at karanasan ng mga mag-aaral at higit sa lahat ay

mapaunlad ang kasanayan sa pag-unawa.

Pinatunayan naman nila R. L. Thorndike at D. A. Walker sa kanilang pag-aaral na

“Reading Comprehension Education in Fifteen Countries: An Empirical Study” may

malaki talagang pagkakaiba sa pagtatamo ng kahusayan sa pagbasa ang mga mag-aaral

mula sa mauunlad na bansa at sa mga papaunlad pa lamang na mga bansa. Ayon sa

kanilang natuklasan, mas mapapapaunlad ng mga mag-aaral na nasa mauunlad na bansa

ang kanilang kasanayan sa pagbasa sapagkat mataas ang kakayahan nilang

masustentuhan ang mga pangangailangan sa pag-aaral tulad ng iba’t ibang kagamitan sa

pagbasa. Tulad ng natuklasan nila R. L. Thorndike at D. A. Walker, isa rin sa mga tuon

ng pag-aaral na ito ay ang mga suliraning makahahadlang sa pagtatamo ng mga mag-

aaral ng kasanayan sa pagbasa.

Natuklasan naman sa pag-aaral ni A. Nacin (2008) na ang pinakaepektibong

babasahin na madaling nauunawaan at nakatutulong sa paglinang ng kasanayang pagbasa

ng mga mag-aaral sa unang taon ng Mataas na Paaralan ng Zambales ay ang sumusunod:

aklat pampaaralan, manwal/ pagsasanay, pahayagan at magasin, lathalain, comic-strip,

editorial cartoons, ulat-panahon, Sports Cartoons, patalastas at iba pa. Inilahad din niya

na ayon sa mga guro, ang mga awtentikong kagamitang ito sa paglinang ng kasanayan sa

pagbasa ay madaling maunawaan, nakalilinang ng kritikal at lohikal na pag-iisip at

saloobin ayon sa pananaw ng mga guro (Nacin 21).

KOLEHIYO NG EDUKASYON
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA 12

Ayon sa pag-aaral na isinagawa ni G. Pena (2007) na pinamagatang “Pag-unawa

sa Pakikinig o Pag-unawa sa Pagbasa” ang pag-unawa na pagbasa ay higit na mabisa

kaysa sa pag-unawa sa pakikinig. Lumabas din na ang mga mag-aaral na may mahinang

kakayahan sa pakikinig ay mahina rin ang kakayahan sa pagbasa. Natuklasan din niya

ang mga uri ng babasahing angkop sa pag-unawa ng mga mag-aaral sa iba’t ibang baitang

(Peña 10).

Ang pag-aaral ni G. Pena ay nagbigay ng panibagong batayang kaalaman sa mga

mananaliksik para sikapin na ipagpatuloy ang pananaliksik. Ayon sa napatunayang datos

na higit na mabisa ang pag-unawa sa pagbasa kaysa pag-unawa sa pakikinig.

Sa pag-aaral naman na isinagawa ni G. Mayor na pinamagatang “Mga

Mungkahing Pagsasanay sa Pagpapaunlad ng Tahimik na Pagbasang May Pag-unawa sa

Ikaapat na Baitang sa Hilagang Distrito ng Daraga”, lumabas ang limang kahinaan ng

mga mag-aaral sa ikaapat na baitang sa tahimik na pagbasang may pag-unawa. Ang mga

kahinaang ito ay ang pagkuha sa pangunahing ideya o diwa, pagkilala sa katotohanan o

opinyon, pagbibigay ng kinalabasan ng pangyayari, pagbibigay ng angkop na wakas ng

kuwento at pagsusunod-sunod ng mga pangyayari (Mayor 19).

Si Perez (2008) sa kasanayang pamanahong papel na may pamagat na “Suggested

Instructional Materials to Enhance Reading Comprehension Skills for First Year

Students”, ay naglayon na makabuo ng mungkahing kagamitang panturo na magpapataas

sa pang-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral. Napatunayan niya sa kaniyang pag-aaral na:

(1) dapat bigyang tuon ang mga kasanayan sa pagbuo ng hinuha, pagbibigay kahulugan,

paglalahat, pagkuha ng pangunahing ideya at pagkasunod-sunod; at (2) ang mga mag-

KOLEHIYO NG EDUKASYON
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA 13

aaral sa panimulang pagbasa ay kailangang turuan ng tamang kasanayan sa pang-unawa

ayon sa antas kognitibo nito.

Si Tompskin (2008) ay naglahad ng mga mungkahing gawain kaugnay na pag-

aaral bago, habang at pagkatapos bumasa: sa gagawing pagbasa, inaasahan na maaakit

ang interes, makabuo at mapukaw ang dating kaalaman at modelong istratehiyang

ginamit ng mga mag-aaral. Maaaring gamitin din ito sa pagtukoy ng istruktura ng isang

teksto o magpakilala ng bagong talasalitaan o konsepto. Kapag naiintindihan na ng mga

mag-aaral ang kaayusan ng teksto, mas mabuting bumuo ng isang paghihinuha upang

maunawaan ang kanilang babasahin. Ang mga mag-aaral din ay inaasahang

maiintindihan na ang kuwento ay binubuo ng tagpuan, tauhan at iba’t ibang pananaw at

tema.

Nagbigay naman si Gee ng ilang mga makabuluhang pagpapakahulugan sa

pagbasa. Ayon sa kanya, ang pagbasa ay susi sa pagkatuto tungo sa patuloy na

pagpapaunlad ng isang indibidwal kasabay ng pagpapaunlad ng kanyang lipunan. Isa rin

itong proseso na nagpapakita ng relasyon ng isang indibidwal sa kanyang kapaligiran

para sa sapat at maayos na pagbabago. Dagdag pa niya, ang pagbasa ay isang

pangunahing paktor sa pangangalaga sa patuloy na pag-unlad ng lipunan (Gee 15).

Ayon naman kay Santiago (2000, p.136), ang layunin sa pagtuturo ng pagbasa sa

una at ikalawang baitang ay sumasaklaw sa paglinang ng mga kasanayan sa pagkilala at

pag-unawa, sa ikatlo at ikaapat na baitang ay ang paglinang ng mabilisang kakayahan sa

pagbasa na may sapat na pagkaunawa, at sa ikalima at ika-anim na baitang ay ang

paglinang ng palagiang kawilihan sa pagbasa sa lalong maunlad na antas ng kanilang

kakayahan. Ang mga kwentong napapaloob sa mga babasahing aklat sa bawat baitang ay

KOLEHIYO NG EDUKASYON
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA 14

dapat maiugnay o maibagay sa antas ng paglinang sa kakayahan ng mga mag-aaral tungo

sa ikatatamo ng mga layunin.

Ayon naman kay Barrett may sapat na taksonomiya ang pagbasa. Ito ay ang pag-

unawang literal kung saan nangangailangan lamang ng mababang antas ng pag-iisip

ngunit sa kalauna’y magagamit din sa paglinang ng mas mataas na antas ng pag-iisip.

Ang interpretasyon, mapanuring pagbasa, kritikal na pagbasa para sa mga ideya at

organisasyon at malikhaing pagbasa (Austero 89).

Mula naman kay Santiago (1990), ang pagkilala at pagkaunawa ng salita

at ang pag-unawa sa binasa ay magkaugnay sa dakilang kailangang alam ng mga mag-

aaral ang pagbigkas ng mga salita at kahulugan nito upang maiugnay sa iba pang salkita

sa teksto.

Ang pagbasa ayon kay Lorenzo et. al (2005) ay ang tiyak at madaliang pagkilala

ng ayos at pagkasunod- sunod ng mga salita, pagsasama ng mga salita para makabuo ng

ideya at kahulugan, ito’y pinagsamang pag-unawa ng mga salita at ng kaisipang nais

ipabatid.

Pinatibayan naman ng mananaliksik ang artikulo ni Liwanag (1996) na ang

pagbasa ay hindi lamang pag-uulit o pagsasabi ng mga ideya o nilalaman na nakuha sa

pagbasa ng teksto, ang teksto ay lunsaran lamang upang makabuo ng sariling pananaw ng

mambabasa kaugnay ng kaniyang sariling kaalaman at karanasan na kaugnay sa teksto.

Mula naman kay Santiago (1990), ang pagkilala at pagkaunawa ng salita at ang

pag-unawa sa binasa ay magkauganay sa dakilang kailangang alam ng mga mag-aaral

ang pagbigkas ng mga salita at kahulugan nito upang maiugnay sa iba pang salita sa

teksto.

KOLEHIYO NG EDUKASYON
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA 15

Sinabi rin ni Uyemura (2006), na ang pagtatanungan sa loob ng klase ay

nakatutulong upang mag-isip ang mga mambabasa, maunawaan ang konteksto at

makapagtanong ng may kaugnay sa paksa at makapaghinuha ng mga ibig pahiwatig ng

may akda.

Ayon kay Lalunio (2002) ang pagbabasa ay interpretasyon o pagpapakahulugan

ng mga nakalimbag sa sagisag ng isipan. Ang “Innovative Strategies in Teaching

Reading” ay aklat na sinulat naman ni Araceli M. Villamin na naglalaman ng iba’t ibang

istratehiya’t dulog sa pagtuturo ng pagbasa para sa mababa at mataas na paaralan na

nagsisilbing gabay ng mga guro at magiging guro.

Ang layunin ng edukasyon ay ang pagpapaunlad ng mga konseptong kapaki-

pakinabang upang maging batayan ng malikhaing pag-iisip (Kilpatrick 1952). Ang

pagbasa ay nakatutulong upang ang konseptong ito ay mapalawak. Dahil ito ang susi sa

malawak na daigdig ng kaalaman. Kung ang lahat ng gawaing pampagtuturo ay

nakaplano nang mabuti, ang pagtuturo ay masasabing isa sa pinakamaganda at

mabungang aspekto ng buong sistema ng edukasyon.

Binanggit ni Carl Koch na binibigyang-diin ni Francis Bacon ang Intensive

Reading at Extensive Reading. Ayon kay Bacon ang Extensive Reading ay ang

mabilisang pagbasa, karaniwan lamang ito sa pagbabasa para sa kawilihan. Maaaring

makakuha din ng mga impormasyon sa ganitong uri ng pagbabasa ngunit hindi na

nangangailangan ng masusing mga pagsusuri at pagpapaliwanag. Samantalang binigyan

naman niya ng pagpapakahulugan ang Intensive Reading bilang uri ng pagbasa na

nakasentro sa isang paksa kung saan pinaglalaanan ito ng pagsusuri at pagsusulit pa nga

KOLEHIYO NG EDUKASYON
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA 16

kung may kaugnayang pang-akademiko. Kinikilala rin dito ang kakayahan ng

mambabasa tungo sa pagtatamo ng mataas na antas ng pang-unawa at paghatol (Koch 32).

Inilarawan naman ni G. Wardhaugh ang proseso ng pagbasa bilang proseso ng

pagtuklas at pagbuo interpretasyon. Ayon sa kanya, sa tuwing nagbabasa ang isang

indibidwal, sinisikap niyang matuklasan ang kahulugan ng kanyang mga nababasa sa

pamamagitan ng iba’t ibang mga clues kung saan nakapaloob dito ang pagkilala sa mga

salita at pag-unawa sa sintaks at semantika ng isang wika. At mula sa mga ito, ang

mambabasa ay makabubuo ng isang makabuluhang interpretasyon ng kanyang binasa

(Wardhaugh 10).

Binigyang-diin naman ni D. Stanford (p.95) na ang pagbasa ay kinapapalooban ng

lahat ng bagay. Iminungkahi rin niyang tignan ang pagbasa mula sa limang perspektibo:

Pagbasa bilang proseso ng wika; Pagbasa bilang prosesong pangkomunikatibo; Pagbasa

bilang proseso ng pag-iisip; Pagbasa bilang proseso ng pagde-decode; at Pagbasa bilang

mahabang proseso ng pagpapaunlad ng mga kasanayan.

KOLEHIYO NG EDUKASYON
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA 17

Balangkas Teoretikal

Ang isinagawang pag-aaral ng mga mananaliksik na ay inangkupan nang

pananaw ni Badayos (2008) hinggil sa Pag-unawa o Komprehensyon.

Maikling Kuwentong
Asyano ng Baitang 9

Teoryang at Pananaw sa
Komprehensyon nina Badayos
(2008) at Smith (1969)

Pag-unawa ng mga mag-aaral ng


JDNHS baitang 9 sa mga
Maikling Kuwentong Asyano

“Lebel ng Pang-unawa ng mga Mag-aaral ng Jesus Dela Peña National

High School Baitang 9 sa Paraang Komprehensyon sa mga

Maikling Kuwentong Asyano”

Pigura 1. Paradigma ng Batayang Teoretikal

Ayon kay Badayos (2008), “kapag tayo’y nagbabasa, ang mga estratehiya natin sa

pag-unawa ang dagliang nagbubunsod sa atin upang maiugnay ang ating kaalaman at

mga karanasan sa mga impormasyon sa teksto upang makabuo tayo ng isang

pagpapakahulugan.”

KOLEHIYO NG EDUKASYON
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA 18

Ito ay isang komplikado at masalimuot na prosesong pangkaisipan sapagkat

maraming kasanayang nalilinang dito upang maging epektibo ang pagbabasa. Gamit ang

balangkas sa pagsusuri ng mga akdang pampanitikan gaya ng Maikling kuwento ay

nasusukat ang pang-unawa ng mag-aaral.

Ang kaalaman at karanasan ng indibidwal ay nakaapekto at nakatutulong upang

sipatin at bigyang kahulugan ang nilalaman at kaisipan ng isang akdang pampanitikan. Sa

pag-uugnay ng kaalaman at karanasan ay nakabubuo ng pag-unawa o komprehensyon.

Balangkas Konseptwal

Input Process Output

Pangangalap ng Pagsasagawa ng Natutukoy ang


mga maikling Sarbey at tiyak na lebel ng
kuwento sa asya na pagsasagot sa pag-unawa ng mga
kabilang sa mga talatanungan sa mag-aaral batay sa
aralin sa K-12 mga piling mag-
Kurikulum aaral ng Jesus Dela a. Nilalaman
Peña National ng akda
1. Ang Ama High School b. implikasyon
2. Niyebeng
Itim

Figura 2. Daloy ng Pananaliksik

Sa pamamagitan nito, natutukoy ang tiyak na lebel ng pag-unawa ng mga mag-

aaral. Kung ito ba ay pag-unawang literal, interpretasyon, kritikal o mapanuring

pagbasa at malikhaing pagbasa (Nila Banton Smith, 1969)

KOLEHIYO NG EDUKASYON
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA 19

Paglalahad ng mga Suliranin

Layunin ng pag-aaral na ito na mapatunayan at matugunan ang ilan sa mga

suliranin na may kaugnayan sa pag-aaral ng mga mananaliksik sa “LEBEL NG PANG-

UNAWA NG MGA MAG-AARAL NG JESUS DELA PEÑA NATIONAL HIGH

SCHOOL BAITANG 9 SA PARAANG KOMPREHENSYON SA MGA

MAIKLING KUWENTONG ASYANO”. Sinikap ng mga mananaliksik na masagot

ang mga sumusunod na tiyak na katanungan.

1. Ano ang demograpikong propayl ng respondente ayon sa:

1.1. Edad;

1.2 Kasarian?

2. Ano ang lebel ng pang-unawa ng mga mag-aaral sa baiting 9 sa nilalaman at

implikasyon ng akda batay sa Bloom’s Taxonomy:

2.1 Kaalaman;

2.2 Komprehensyon;

2.3 Aplikasyon;

2.4 Analisis;

2.5 Sintesis;

2.6 Ebalwasyon?

3. Gaano kadalas nauunawaan at nagagamit ng mag-aaral ang pagkatuto matapos mabasa

ang akdang pampanitikan batay sa:

3.1 Literal na Pang-unawa;

3.2 Interpretasyon;

KOLEHIYO NG EDUKASYON
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA 20

3.3 Mapanuring o Kritikal na Pang-unawa;

3.4 Aplikasyong Pang-unawa;

3.5 Pagpapahalaga o Malikhaing Pang-unawa?

4. May signifikanteng kaugnayan ba ang demograpikong propayl ng mga respondente sa

kanilang lebel ng pang-unawa.

Haypotesis

Walang signifikanteng kaugnayan ang demograpikong propayl ng mga

respondente sa kanilang lebel ng pang-unawa

Kahalagahan ng Pag-aaral

Nais ng mananaliksik na mabatid at mapatunayan na ang mga mag-aaral ay

mahalaga sa sarili nitong espasyo sa sistema ng edukasyon partikular na sa isyung

pampagkatuto lebel ng pag-unawa sa panitikan sa bahagi ng maikling kuwento. Ang mga

impormasyong nakolekta at makatotohanang nabuo sa pag-aaral na ito ay maaaring

magamit at makatulong sa mga sumusunod:

MANANALIKSIK NA MAY TULAD NA PAG-AARAL. Ang pag-aaral na ito

ay makatutulong sa mananaliksik na kasalukuyang nagpapakapantas sa wika, kultura at

panitikan upang maging handa sa propesyong napili ang maging edukador sa

asignaturang Filipino. At ito rin ay makatutulong sa mga susunod na mananaliksik upang

maging batayan sa kanilang napiling pag-aaral na may kaugnayan sa pag-aaral na ito.

MAG-AARAL NG ARALING PANITIKAN. Magiging mahusay ang pagkamit

ng pagkatuto sa asignaturang Filipino partikular na sa bahagi ng maikling kuwento sa

masaya at makabuluhang pag-aaral dahil sa binibigyan pansin ang kanilang persepsyon

KOLEHIYO NG EDUKASYON
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA 21

sa sistema ng edukasyon partikular na sa isyung pampagkatuto. Ang pag-aaral na ito ay

makatutulong sa mga mag-aaral upang maging aktibo sa mga talakayan, magkaroon ng

atensyon sa paksang aralin at maisagawa ng tama ang kanilang pag-aaral tungo sa

pagkaroon ng mataas na antas ng pagkatuto. Ang pag-aaral ding ito ay higit na

makatutulong sa kanilang pagganap sa pag-aaral ng asignatura mabigyan kaganapan ang

bawat kalinangan at kasanayan sa pag-aaral.

GURO NG PANTIKAN. Makatutulong sa guro ang pag-aaral na ito bilang

dagdag na kaalaman at kagamitan sa pagtuturo, partikular sa pagtuturo ng panitikan sa

bahagi ng maikling kuwento. Gayundin, mabatid ang persepsyon ng mga mag-aaral sa

bawat isinasagawang aktibidad sa loob ng klase na nakapokus sa kanilang interes at

kagustuhan.

MAGULANG. Makatutulong ang pag-aaral na ito sa mga magulang na malaman

ang kalinangan at kasanayan na nalilinang sa paaralan sa pamamagitan ng pagtuturo ng

maikling kuwentong Asyano.

MANUNULAT. Ito’y dagdag na kaalaman sa manunulat bilang dagdag na

batayan sa mga isusulat na sulatin na may kaugnayan sa paksa upang lumikha ng mga

katha na may taglay na kalidad sa akademya.

TAGAPAMUNO NG PAARALAN. Makatutulong ang pananaliksik na ilahad

ang pangangailangan ng mga mag-aaral ukol sa pagtamo ng kasanayan at kalinangan sa

pampanitikang akda. Magiging daan ang pananaliksik na ito na mag-isip ang

administrayon o tagpamuno na bigyang solusyon ang bawat pangangailangan ng mga

guro at mag-aaral.

KOLEHIYO NG EDUKASYON
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA 22

Ang resulta sa pag-aaral na ito ay maaaring makatulong sa mithiing mapataas ang

kalidad ng pagtuturo; gawaing pagkatuto ng mga guro at mag-aaral at maging kapaki-

pakinabang sa mga ginagamit sa pagpapabuti at pagpapa-unlad ng iba’t ibang estratehiya

at teknik ng mga guro sa asignaturang Filipino at maging sa ibang sangay ng pagkatuto.

Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga tagapamahala sa sistema ng

edukasyon at maging sa mga bahagi ng nagpapatakbo sa paaralan na mabigyan

kahalagahan ang lebel ng kanilang pag-unawa dahil ito ay nakasentro sa kanilang

kagustuhan at interes.

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral ay nakatuon sa lebel ng pag-unawa ng piling mag-aaral ng Mataas

na Paaralang Jesus Dela Pena ng Lungsod ng Marikina hinggil sa mga kwentong Asyano

na kabilang sa mga araling nakapaloob sa k-12 kurikulum. Isasagawa ang pananaliksik

sa ikatlong markahan ng mga mag-aaral na nasa ika-9 na baytang.

Lilimitahan ang pagsusuri sa dalawang maikling kwentong “ Ang Ama” at

“Nyibeng Itim”. Ang pagsusuri sa lebel ng pag-unawa ay itutuon sa Teoryang Pananaw.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Ang mga sumusunod na talasalitaan ay mahalaga ang naging gampanin sa

naturang pag-aaral;

Analisis. Tumutukoy ito sa….

Aplikasyon. Binigyang depinisyon sa pag-aaral nina ( ) na ang aplikasyon ay… .

Implikasyon. Ayons kay ( ) ang implikasyon ay …..

KOLEHIYO NG EDUKASYON
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA 23

MGA SANGGUNIAN

KOLEHIYO NG EDUKASYON

You might also like