You are on page 1of 8

SURING - PELIKULA

FIRST LOVE
PAMAGAT NG PELIKULA

Paul Soriano
DIREKTOR

Charmaine Jhayne A. Mirador


SINURI NI

8 - MOLAVE
BAITANG AT SEKSIYON

Zenaida A. Dequiña
GURO
FIRST LOVE

TEMA :

Ang genre ng pelikulang ito ay pag-ibig na may halong


trahedya at komedya. Patungkol ito sa isang babaeng
natutong magmahal muli sa kabila ng kaniyang
malubhang pangangailangan ng panibagong puso.
BANGHAY NG KUWENTO :

Nagsimula ang pelikulang ito sa pagpapakita ng umga ng isang lalaki na


hindi pa ipinakikilala. Ipinakita ang kaniyang mga ginagawa sa umaga,
tulad ng pagr-record ng mga nais niyang sabihin sa kanyang cellphone.

Ang ikasunod na eksena ay nasa isang book store. Ipinakita rito ang
babaeng may maikli na buhok na nagbabantay sa shop na ito. Ipinakita
rin na iuudyok niya ang isang kostumer na bilhin ang isa sa “Ali’s
postcards”.

Pagkatapos ay pinakita na may kinauusap ang lalaki na kaniyang


katrabaho sa isang coffee shop. Nang matapos ito ay nagsimula siyang
maglakad patungo sa book store.

Nang pumasok ang lalaki ay nagkabangga sila ng babaeng maikli ang


buhok na ipinakita kanina. Sila ay nag-alitan sa kung sinong unang
uusad mula sa kanilang pagkabunggo. Sa isang saglit ay nagkatitigan
sila. Tumuloy ang dalawa sa magkasalungat nilang patutunguhan.

Sa sunod na eksena naman ay ipinakitang nag-aantay si ang babae sa


isang bus stop at may kinausap siyang lalaki. Habang kinakausap niya
ito ay biglang nahimatay ang lalaking kanila lamang ay kausap niya.
Agad itong nilapitan ng babae at sumigaw para humingi ng tulong.
Saktong ang lalaking naka-bangga ng babae kanina ay napadaan at
nakita ang pangyayaring ito. Agad siyang tumakbo at humingi ng
tulong sa mga tao.

Naidala nila ang lalaking nahimatay sa ospital.

Dito ay dumating ang anak ng lalaking nahimatay. Sinabi sa kaniya ng


doktor na wala pang malay ang kaniyang ama, ngunit estable na ang
kalagayan nito. Sinabi niya rin na dapat niyang pasalamatan ang
babaeng may maikling buhok dahil siya ang nag-dala sa kaniyang ama
patungo sa ospital.

Humarap ang anak at ipinasalamatan ang babae. Nagpakilala ito at


sinabing siya si Ali.

Lumapit ang lalaking naka-bangga ni Ali kanina at kinausap ito.


Sabay silang naglakad paalis ng ospital at ipinakilala ni Ali ang kaniyang
sarili sa lalaki. Mula sa kaniyang bulsa ay kinuha ng lalaki ang postcards
na binili niya mula sa book shop na pinanggalingan ni Ali kanina.

Nakita ni Ali ito ay nagpasalamat siya sa lalaki. Sinabi ng lalaki ang


kaniyang pangalan at ito ay Nick.

Nagtungo sila sa isang coffee shop at nag-order. Tinanong ni Nick kung


madalas ba si Ali sa hospital. Ang sagot niya ay oo, simula pa raw nung
nagka-cardiac arrest ang kaniyang ama. Nasabi niya rin na namana niya
mula sa kaniyang ama ang kaniyang sakit sa puso na hypertrophic
cardiomyopathy.

Nagpatuloy ang dalawa sa paglalakad at pagu-usap. Hanggang sa


sumapit na ang gabi at kailangan na nilang magpa-alam. Bago umalis
ay hinalikan ni Ali si Nick sa labi nito. Nararamdaman niyang
mahuhulog siya kay Nick.

Kinabukasan ay nagkita sila muli, at nagka-usap sila muli. Nang inihatid


ni Nick si Ali ay inimbita ito, si Nick, para maki-kain sa bahay nila Ali.

Pagkatapos non ay tuloy-ttuloy na ang kanilang pagkakaibigan. Ang


pagkakaibigay ay natungo sa pagkakaIBIGan.

Nagpatuloy ang kanilang pag-gala nang magka-sama, parating


kumukuha ng mga letrato at memorya.

Isang gabi ay sumakay sila sa taxi pauwi. Nang bababa na, sinubukang
gisingin ni Ali si Nick ngunit hindi ito nagising.

Dinala niya si Nick sa ospital. Nnag magkaroon ng malay si Nick ay wala


na si Ali. Nalaman ni Ali na may itinatagong sakit si Nick mula sa
kaniya.

Naka-labas na si Nick mula sa ospital at pinuntahan niya si Ali kung


saan sila laging nagkakatagpo.

Ipinaliwanag ni Nick na may tumor siya sa kaniyang utak, at kung


paano magiging delikado kung tatanggalin ito dahil ito’y nasa
sensitibong parte ng kaniyang utak.
Nagalit si Ali kay Nick dahil itinago niya ang sakit niya mula kay Ali.

Humingi ng tulong si Nick mula sa kaniyang pamangkin na si Simon,


kung ano bang puwede niyang gawin upang magka-bati sila. Ang naisip
ni Simon ay kantahan ni Nick si Ali.

Kinantahan ni Nick si Ali ng “Ikaw lang ang aking mahal.” Pagkatapos


nito ay nagkabati muli sila at sabi pa ni Ali ay LQ (Lovers’ Quarrel)
lamang raw iyon.

Ilang araw ang nakalipas ay nagising si Ali sa isang tawag. Mayroong


pumayag na donor ng puso para kay Ali. Lubos na napuno ng
kaligayahan si Ali at ang kaniyang kapatid na si Sebastian.

Nang makarating sa ospital ay sinabi kay Ali ng doktor na hindi raw


compatible ang puso ng donor para sa kaniya.

Umuwi si Ali nang malungkot at nauubusan na ng pag-asa.

Kinabukasan ay dinala ni Nick si Ali sa parke upang ipakilala siya sa


grupo ng mga tao. Nang itinanong ni Ali kung sino ang mga ito, sila raw
ay mga heart patients o survivors ayon kay Nick. Lubos na natuwa si Ali
sa surpresang ibinigay ni Nick sa kaniya. Nais ni Nick na huwag
mawalan si Ali ng pag-asa sa kaniyang buhay.

Makalipas ang ilang mga eksena ay pumunta ang dalawa sa bahay ni


Nick. Doon, sila ay naghalikan, at puno ito ng pagmamahalan.

Pagkatapos nito ay nagising si Ali mula sa pagka-tulog. Tumayo ito


upang uminom ng juice. Sa pag-inom ay may nakita siyang papeles na
nakapatong sa lamesa.

Itong papeles na ito ay patungkol sa heart donation na nais isagawa ni


Nick kay Ali.

Padabog na lumabas ng bahay si Ali para maka-hinga. Nagising naman


si Nick sa lakas ng paghampas ng pinto sa pintuan.

Sinundan ni Nick si Ali sa labas ng bahay niya at nagpaliwanag. Sinabi


niyang ang papeles na ito ay matagal niya nang nakuha, bago pa man
sila magka-kilala. Kinuha niya raw itong lstahan ng mga pasyenteng
nangangailangan ng puso na compatible sa kaniya mula sa doktor na si
Frank.

Makalipas ang ilang araw ay nagkita muli sila sa book store at nag-
usap. Ngayon, ay bati na muli sila.

Sa ikasunod na eksena ay ipinakita ang dalawana pupunta sa costume


party/dance na matagal nag sinasabi ni Simon kay Nick. Ang sabi pa
raw ay magiging chaperone si Nick, kaya kailangan niya ng kaniyang ka-
partner.

Sa pagpasok ay ipinakilala ni Simon ang kanyang partner na wala iba


kundi ang kaniyang nanay na si Vicky. Matagal nang naghihingi ng
tawad si Nick kay Vicky sa nagawa ni Nick sa kanilang pamilya ngunit
ayaw nitong kumibo noon. Ngayon ay sumama pa siya sa costume
party ng kaniyang anak at kinausap ni Nick nang masisinsinan. Ngayon
ay magka-bati na sila.

Ipinakita sa sumunod na eksena na nag-uusap ang Nick at Ali. Habang


nag-uusap ay nagpapakita na si Nick ng mga simptomas ng pagka-limot
sa mga kaniyang sinabi, o ginawa.

Nang sila’y sumasayaw na ay biglang sumakit ang ulo ni Nick at


bumagsak sa lapag. Sinugod siya sa ospital.

Habang nag-aantay si Ali ay pinakinggan niya ang mga recordings ni


Nick sa cellphone nito. Narinig niya kung paano ipinaliwanag ni Nick
kung paano niya makita si Ali at ang kanilang relasyon, at iba pa.

Sunod na ipinakita ay ang pag-gising ni Ali mula sa pagka-opera. Agad


itong naluha nag mapagtanto niyang puso ni Nick ang nasa kaniya
ngayon.

Natapos ang pelikula na nakikipag-usap si Ali kay Nick sa pamamaraan


ng imahinasyon.
TAUHAN :

(Mga pangunahing tauhan)

Bea Alonzo as Alisson “Ali” Castillo - bida na babae


Aga Muhlach as Nick Gutierrez - bida na lalaki
Edward Barber as Simon - pamangkin ni Nick
Albie Casiño as Sebastian - kapatid ni Ali
Sandy Andolong as Bernadette - Nanay nina Ali

DIYALOGO :

[ALISSON] “Nick, puso lang ‘yon! Kaya kong mag-hintay! Buhay mo ang
nakasalalay dito! Don’t DIE for me.. LIVE for me, LIVE for US.”

~ Ito ang linya ni Alisson na tumatak sa akindahil naipakita po dito ang


katunayan ng pagmamahal niya kay Nick. Hindi niya gustong mamatay
si Nick para lang mabuhay siya.

[NICK] “I want you to live, Ali. Hindi mo ba naiintindihan ‘yon? Mas


gugustohin ko na lang mamatay if it means saving you, than to live and
risk losing you.”

~ Isa pa itong patunay na ang pagmamahal ay hindi biro. Halimbawa


ito ng kantang “Sa ngalan ng pag-ibig”. Handa kang mawalan, para lang
magkaroon ang minamahal mo. Sabi nga, “You call it madness, I call it
love.”

[SIMON] “Young.. What the h*** do you want me to do?”

~ Sa simpleng pangungusap na ito na nagmula kay Simon ay tumagos


na agad sa aking puso. Bilang isang bata na nakararanas rin ng trauma
sa aking pamilya ay nararamdaman at naiintindihan ko ang
ipinahihiwatig ni Simon na emosyon. Ang simpleng kuwestyon na ito
ang parati kong naibibitaw dahil sa kawalan ng pag-asang maayos pa
ang lahat.
SINEMATOGRAPIYA :

~ Ang pagkakaintindi ko sa Sinematograpiya ng pelikulang ito ay


madilim nung hindi pa sila nagkakakilala. Ang kataasan ng brightness
ng vibes ng video ay ang sukat ng kasiyahan nila sa bawat oras na ‘yon.
Kapag nagiging warm tone, at medyo lumiliwanag ang paligid nila ay
ibig sabihin ay maligaya sila. Tulad na lang nung nagkakausap sina Nick
at Ali. Mas maaliwalas at maliwanag = kasiyahan ng mga karakter.
Halimbawa na rin nung isinugod si Nick sa ospital ay naging madilim o
kaya naman ay cool tone ang kapaligiran sa video. Panghuli sa aking
teorya patungkol sa sinematograpiya ay sa dulo, kung saan ipinakita na
parang nasa isang paradise sina Ali at Nick na imahinasyon lang, iyon
ay maaliwalas at sobrang maliwanag. Ibig sabihin nito ay ito ang
magiging itsura ng buhay nila kung nagtuloy-tuloy ang magagandang
pangyayari sa buhay nina Nick at Ali. Iyon ang magiging itsura kung ang
buhay nila ay hindi napuno ng lungkot at kirot. Ang vibes ng video ay
mas makagagaan ng loob.

KAISIPAN/MENSAHE NG PELIKULA :

~ Kung magmamahal ka ay paniguraduhin mong kakayanin mong


saluhin ang mga paparating na mga sakripisyo na maari mong gawin sa
hinaharap para lamang sa minamahal mo. Ang pagmamahal nang
tunay ay importante. Kung magmamahal ay siguraduhin na siya na
talaga ang iyong nais makasama sa habang buhay, sa hirap at ginhawa.
Kung magmamahal, ihanda mo ang sarili mo. Ang pagmamahal ay oo,
puno ng kilig at saya. Ngunit hindi pa rin maiiwasan ang puot ay kirot.
Love is all about making sacrifices.

You might also like